Mark
Chapter 1
1 Ito ang simula ng ebanghelyo tungkol kay Jesu-Cristo, na Anak ng Diyos. 2 Katulad ng nasusulat sa aklat ni Isaias na propeta, "Tingnan mo, ipapadala ko ang aking taga-pamalita na mauuna sa iyo, ang maghahanda ng iyong daan. 3 Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Ituwid ang kaniyang daraanan.'" 4 Dumating si Juan na nagbabautismo sa ilang at nangangaral tungkol sa bautismo ng pagsisisi alang-alang sa kapatawaran ng mga kasalanan. 5 Ang buong bansa ng Judea at lahat ng taga-Jerusalem ay pumunta sa kaniya. Sila ay binautismuhan niya sa Ilog ng Jordan, na nagtatapat ng kanilang mga kasalanan. 6 Nakasuot si Juan ng balabal gawa sa balahibo ng kamelyo at sinturong balat sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain siya ng mga balang at pulot- pukyutan. 7 Nangaral siya at sinabi, "Mayroong darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na yumuko para kalasin man lang ang tali ng kaniyang sandalyas. 8 Binautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu." 9 Nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret sa Galilea at siya ay binautismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan. 10 Nang si Jesus ay umahon sa tubig, nakita niya na bumukas ang langit at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tulad ng kalapati. 11 At isang tinig ang nagmula sa langit, "Ikaw ang minamahal kong Anak. Ako ay labis na nalulugod sa iyo." 12 At agad-agad, sapilitan siyang pinapunta ng Espiritu sa ilang. 13 Nanatili siya sa ilang sa loob ng apatnapung araw na tinutukso ni Satanas. Kasama niya ang mababangis na hayop at pinaglingkuran siya ng mga anghel. 14 Ngayon matapos madakip si Juan, dumating si Jesus sa Galilea na nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos, 15 at sinasabi, "Ang panahon ay naganap na, at ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Magsisi kayo at maniwala sa ebanghelyo." 16 At habang dumadaan siya sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya si Simon at Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao." 18 At kaagad na iniwan nila ang mga lambat at sumunod sa kaniya. 19 Habang si Jesus ay naglalakad papalayo, nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo at Juan na kapatid nito, sila ay nasa bangka na nagkukumpuni ng mga lambat. 20 Agad silang tinawag ni Jesus at iniwan nila ang kanilang amang si Zebedeo sa bangka kasama ang mga binayarang katulong at sumunod sila sa kaniya. 21 At nakarating sila sa Capernaum at sa Araw ng Pamamahinga, agad na pumunta si Jesus sa sinagoga at nagturo. 22 Namangha sila sa kaniyang pagtuturo sapagkat siya ay nagtuturo katulad ng isang taong may kapangyarihan at hindi tulad ng mga eskriba. 23 Noon din ay may isang lalaki sa kanilang sinagoga na may masamang espiritu, at sumigaw siya, 24 na nagsasabi, "Ano ang kinalaman namin sa iyo, Jesus ng Nazaret? Pumarito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos!" 25 Sinaway ni Jesus ang demonyo at sinabi, "Tumahimik ka at lumabas ka sa kaniya!" 26 At binagsak siya ng masamang espiritu, lumabas mula sa kaniya habang sumisigaw ng malakas. 27 At ang lahat ng tao ay namangha, kaya nagtanungan sila sa isa't isa, "Ano ito? Bagong katuruan na may kapangyarihan? Nauutusan niya kahit ang mga masasamang espiritu at sumusunod naman ang mga ito sa kaniya!" 28 At agad na kumalat sa lahat ng dako ang balita tungkol sa kaniya sa buong rehiyon ng Galilea. 29 At kaagad, nang lumabas sila sa sinagoga, pumunta sila sa tahanan ni Simon at Andres kasama sina Santiago at Juan. 30 Ngayon ang babaing biyenan ni Simon ay nakahigang nilalagnat, at agad nilang sinabi kay Jesus ang tungkol sa kaniya. 31 Kaya lumapit siya, hinawakan siya sa kamay at itinayo siya; nawala ang kaniyang lagnat at nagsimula siyang paglingkuran sila. 32 Nang gabing iyon, pagkatapos lumubog ng araw, dinala nila sa kaniya ang lahat ng may sakit at ang mga sinapian ng mga demonyo. 33 Ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pinto. 34 Marami ang pinagaling niya na mayroong iba't ibang sakit at nagpalayas siya ng mga demonyo, ngunit hindi niya pinahintulutan ang mga demonyong magsalita dahil kilala siya ng mga ito. 35 Bumangon siya ng napaka-aga, habang madilim pa; umalis siya at pumunta sa isang lugar kung saan siya maaaring mapag-isa at nanalangin siya doon. 36 Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama niyang naroon. 37 Natagpuan nila siya at sinabi sa kaniya, "Naghahanap ang lahat sa iyo." 38 Sinabi niya, "Pumunta tayo sa ibang lugar, sa mga nakapaligid na mga bayan upang makapangaral din ako doon. Iyon ang dahilan kaya ako naparito." 39 Pumunta siya sa lahat ng dako ng Galilea, nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo. 40 Isang ketongin ang lumapit sa kaniya. Siya ay nagmamakaawa sa kaniya, lumuhod siya at sinabi sa kaniya, "Kung iyong nanaisin, maaari mo akong gawing malinis." 41 Sa habag niya, iniabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, sinasabi sa kaniya, "Nais ko. Maging malinis ka." 42 Kaagad na nawala ang kaniyang ketong at siya ay naging malinis. 43 Mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus at agad siyang pinaalis. 44 Sinabi niya sa kaniya, "Siguraduhin mong wala kang sasabihin sa kahit na sino, ngunit humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa pari at maghandog kung ano ang iniutos ni Moises para sa iyong pagkalinis, bilang patotoo sa kanila." 45 Ngunit siya ay umalis at sinimulang sabihin sa lahat, at labis na ikinalat ang nangyari, anupat si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan. Kaya siya ay nanatili sa mga ilang na lugar at pumupunta ang mga tao sa kaniya mula sa lahat ng dako.
Mark 1:1
Anak ng Diyos
Ito ay mahalagang katawagan para kay Jesus.
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Ituwid ang kaniyang daraanan.
Ang mga salitang "daan" at "daraanan" dito ay paghahambing sa buhay ni Jesus sa isang daanan. Ang dalawang utos na ito ay may iisang kahulugan. Kung pareho ito sa inyong wika, maaari na ninyong alisin ang pangalawang pangungusap, kagaya ng ginawa sa UDB.
Maaaring isalin na: "Humanda" upang salubungin ang isang mahalagang tao. (Tingnan sa:
and
Mark 1:4
Dumating si Juan
Siguraduhing nauunawaan ng iyong mambabasa na si Juan ang tinutukoy dito.
[[rc://tl/bible/notes/mrk/01/01]].
kaniya...niya...kanyang
Ang lahat ng salitang ito ay tumutukoy kay Juan.
Ang buong bansa ng Judea at lahat ng taga-Jerusalem
Ang salitang "lahat" dito ay isang pagmamalabis para sa pagbibigay diin.
Maaaring isalin na: "Maraming tao mula sa Judea at Jerusalem." (Tingnan sa:
Mark 1:7
Nangaral siya
"Nangaral si Juan" Tingnan sa:
( [[rc://tl/bible/notes/mrk/01/01]]).
hindi ako karapat-dapat na yumuko para kalasin man lang ang tali ng kaniyang sandalyas
Inihahambing ni Juan ang kaniyang sarili sa isang lingkod upang ipakita kung gaano kadakila si Jesus.
Maaaring isalin na: "Hindi ako karapat-dapat para gumawa man lang ng kahit ang hindi kasiya-siyang gawain ng isang lingkod." (Tingnan sa:
yumuko
"yumukod"
babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu
Ang espirituwal na pagbabautismo rito ay inihahambing sa pagbabautismo sa tubig. Ang pagbabautismo sa Espiritu ay nagdadala sa tao sa Banal na Espiritu kagaya ng pagbabautismo sa tubig kung saan idinadala nito ang mga tao sa tubig. Maaaring isalin na: "kilalanin ka kasama ng Banal na Espiritu."
Mark 1:9
Ikaw ang minamahal kong Anak
Ang Ama, Anak, at ang Banal na Espiritu ay nagpakita dito na magkakasama sa iisang pagkakataon.
minamahal kong Anak
Ito ay mahalagang katawagan para kay Jesus.Tinawag ng Ama si Jesus na kaniyang "minamahal na Anak" dahil sa kaniyang walang hanggang pag-ibig sa kaniya.
Mark 1:12
sapilitan siyang pinapunta
"pinaalis si Jesus ng sapilitan"
Nanatili siya sa ilang
"Nasa ilang siya"
apatnapung araw
"40 na araw"
Mark 1:14
matapos madakip si Juan
"matapos ilagay si Juan sa kulungan." Maaaring isalin na: "matapos nilang dakipin si Juan."
nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos
"nangaral ng mabuting balita na nagmula sa Diyos."
Ang panahon ay naganap na
"Ito na ang panahon"
Mark 1:16
nakita niya si Simon at Andres
"Nakita ni Jesus si Simon at Andres"
iniwan nila ang mga lambat at sumunod sa kaniya
"iniwan nila ang kanilang trabaho bilang mangingisda upang maging taga-sunod ni Jesus."
Mark 1:19
sa bangka
"sa kanilang bangka"
nagkukumpuni ng mga lambat
"inaayos ang lambat"
binayarang katulong
"lingkod na nagtatarabaho para sa kanila"
sumunod sila sa kaniya
"sumama kay Jesus sina Santiago at Juan."
Mark 1:23
kanilang sinagoga
Ito ang lugar sambahan na pinuntahan ni Jesus at ang kaniyang mga alagad, kung saan dito rin siya nagsimulang magturo.
Pumarito ka ba upang puksain kami?
Tinanong ng demonyo ang katanungang ito upang hikayatin si Jesus na huwag silang saktan. Maaaring isalin na: "Huwag mo kaming puksain."
Mark 1:29
nang lumabas sila sa sinagoga
pagkatapos umalis nina Jesus, Simon at Andres
nawala ang kaniyang lagnat
"Ang biyenan ni Simon ay gumaling mula sa kaniyang lagnat"
nagsimula siyang paglingkuran sila
Ipinahiwatig na ang pagkain ay inihanda.
Maaaring isalin na: "siya ay nagbigay sa kanila ng pagkain at maiinom." (Tingnan sa:
[[rc://tl/phase1/team-info/training/quick-reference/discourse/implicit-explicit]])
Mark 1:32
kaniya...niya...niya...siya
Ang mga panghalip na ito ay tumutukoy kay Jesus.
Ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pinto
Ang salitang "buo" ay isang pagmamalabis upang bigyang diin ang bilang ng mga tao na humahanap kayJesus. Maaaring isalin na: "Maraming tao mula sa lungsod na iyon ang nagtipon sa labas ng pintuan.
Mark 1:35
Ang lahat ay naghahanap sa iyo
Ang salitang "lahat" ay isang pagmamalabis upang bigyang diin kung gaano karami ang mga taong naghahanap kay Jesus. Maaaring isalin na: "Maraming mga tao ang naghahanap sa iyo."
Mark 1:38
niya...siya
Ang mga salitang ito ay tumutukoy kay Jesus.
Pumunta tayo sa ibang lugar
"Kailangan nating pumunta sa ibang lugar."
Pumunta siya sa lahat ng dako ng Galilea
Ang salitang "lahat" ay ginamit upang bigyang diin na pumunta si Jesus sa maraming mga lugar sa panahon ng kaniyang ministeryo. Maaaring isalin na: "Pumunta siya sa maraming lugar sa Galilea."
Mark 1:40
Isang ketongin ang lumapit sa kaniya. Siya ay nagmamakaawa sa kaniya, lumuhod siya at sinabi sa kaniya
"Isang ketongin ang lumapit kay Jesus; Nagmamakaawa ang ketongin habang siya ay lumuluhod. Sinabi ng ketongin kay Jesus"
Kung iyong nanaisin
"Kung iyong iibigin na maging malinis ako"
maaari mo akong gawing malinis
Ang salitang "malinis" dito ay kumakatawan sa pagiging malusog. Maaaring isalin na: "mapapagaling mo ako."
nais ko
"Nais kong maging malinis ka"
Mark 1:43
siyang...siyang...kaniya
Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa ketongin na gumaling.
ipakita mo ang iyong sarili
Ang salitang "iyong sarili" dito ay tumutukoy sa balat ng ketongin. Maaaring isalin na: "ipakita mo ang iyong balat."
Mark 1:45
sabihin sa lahat...ikinalat ang nangyari
Ang dalawang salita na ito ay mayroong iisang kahulugan at ginamit upang bigyang diin na ang lalaki ay nagsabi sa maraming mga tao.
lahat
Ang salitang "lahat" ay isang pagmamalabis upang dagdagan ang pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: "sa maraming taong nakasalubong niya."
si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan
"Pinigilan ng maraming tao si Jesus na malayang kumilos sa mga bayan"
mula sa lahat ng dako
Ang salitang "sa lahat ng dako" ay pagmamalabis upang dagdagan ang pagbibigay diin. Maaaring isalin na: "mula sa iba't ibang dako ng rehiyong iyon."
Translation Questions
Mark 1:1
Ano ang ipinahayag ni propeta Isaias na mangyayari bago dumating ang Panginoon?
Ipinahayag na ni Isaias na magdadala ang Diyos ng isang mensahero, isang tinig ng tao ang tumatawag mula sa ilang upang ihanda ang daraanan ng Panginoon.
Mark 1:4
Ano ang ipinangaral ni Juan sa kaniyang pagdating?
Dumating si Juan na ipinapangaral ang pagbabautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Ano ang ginagawa ng mga tao habang sila ay binabautismuhan ni Juan?
Inamin ng mga tao ang kanilang mga kasalanan habang binabautismuhan sila ni Juan.
Ano ang kinakain ni Juan?
Kumakain si Juan ng mga balang at pulot-pukyutan.
Mark 1:7
Ayon kay Juan, sa pamamagitan ng anong pagbabautismo ang darating na kasunod niya?
Sinabi ni Juan na ang darating kasunod niya ay magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Mark 1:9
Ano ang nakita ni Jesus habang siya ay umaahon sa tubig matapos na bautismuhan ni Juan?
Matapos bautismuhan, nakita ni Jesus ang langit na bumukas at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tila isang kalapati.
Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit matapos bautismuhan si Jesus?
Sinabi ng tinig mula sa langit na, "Ikaw ang aking minamahal na Anak; labis akong nalulugod sa iyo".
Mark 1:12
Sino ang nagpapunta kay Jesus sa ilang?
Ang Espiritu ang nagpapunta kay Jesus sa ilang.
Gaano katagal si Jesus sa ilang at ano ang nangyari sa kaniya doon?
Si Jesus ay nasa ilang sa loob ng apatnapung araw at siya ay tinukso ni Satanas doon.
Mark 1:14
Anong mensahe ang ipinangaral ni Jesus?
Ipinangaral ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay malapit na, at ang mga tao ay dapat na magsisi at maniwala sa ebanghelyo.
Mark 1:16
Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya kay Simon at Andres?
Sinabi ni Jesus na gagawin niyang mangingisda ng tao sina Andres at Simon.
Ano ang trabaho nina Simon at Andres?
Sina Simon at Andres ay mga mangingisda.
Mark 1:19
Ano ang trabaho nina Santiago at Juan?
Sina Santiago at Juan ay mga mangingisda.
Mark 1:21
Bakit ikinamangha ng mga tao sa sinagoga ang turo ni Jesus?
Ikinamangha ng mga tao ang turo ni Jesus dahil si Jesus ay nagtuturo na katulad ng isang may kapangyarihan.
Mark 1:23
Anong katawagan ang ibinigay ng masamang espiritu sa sinagoga kay Jesus?
Ang masamang espiritu sa sinagoga ay binigyan si Jesus ng katawagan na Ang Banal ng Diyos.
Mark 1:27
Ano ang nangyari sa balita tungkol kay Jesus?
Ang balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa lahat ng dako.
Mark 1:29
Nang pumunta sila sa bahay ni Simon, sino ang pinagaling ni Jesus?
Nang pumunta sila sa bahay ni Simon, pinagaling ni Jesus ang biyenan ni Simon.
Mark 1:32
Ano ang nangyari nang gabi na?
Nang gabi na, dinala ng mga tao ang lahat ng mga may sakit o sinapian ng mga demonyo at pinagaling sila ni Jesus.
Mark 1:35
Ano ang ginawa ni Jesus bago sumikat ang araw?
Bago sumikat ang araw, pumunta si Jesus sa isang lugar kung saan siya mapag-iisa at nanalangin doon.
Mark 1:38
Ano ang sinabi ni Jesus kay Simon na kaniyang gagawin?
Sinabi ni Jesus na siya ay dumating upang mangaral sa nakapaligid na mga bayan
Mark 1:40
Anong pag-uugali ang ipinakita ni Jesus tungo sa lalaking may ketong na nagmakaawa kay Jesus upang gumaling?
Naawa si Jesus sa may ketong at pinagaling siya.
Mark 1:43
Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng lalaking may ketong na gawin at bakit?
Sinabi ni Jesus sa lalaking may ketong na umalis at maghandog ng alay na naaayon sa iniutos ni Moises bilang isang patotoo.
Chapter 2
1 Nang makabalik si Jesus sa Capernaum makalipas ang ilang araw, napabalita na nakauwi na siya sa kaniyang tahanan. 2 At maraming tao ang nagtipun-tipon doon kaya wala nang puwang, maging sa may pintuan at ipinangaral ni Jesus ang salita sa kanila. 3 At may ilang lalaking pumunta sa kaniyang may dalang paralisadong lalaki; apat na tao ang bumuhat sa kaniya. 4 Nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa maraming tao, inalis nila ang bubong sa taas kung saan siya naroon. At nang nakagawa sila ng butas doon, ibinaba nila ang higaan kung saan nakahiga ang lalaking paralisado. 5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lalaking paralisado, "Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan." 6 Ngunit nangatwiran sa kanilang mga puso ang ilan sa mga eskriba na nakaupo doon, 7 "Paano nakapagsasalita ang taong ito ng ganito? Lumapastangan siya! Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?" 8 At nalaman agad ni Jesus sa kaniyang espiritu kung ano ang kanilang iniisip. Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ito iniisip sa inyong mga puso? 9 Ano ang mas madaling sabihin sa lalaking paralisado, ''Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin 'Bumangon ka, kunin ang iyong higaan at lumakad ka'? 10 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan," sinabi niya sa paralitiko, 11 "Sinasabi ko sa iyo, bumangon ka, kunin ang iyong higaan, at pumunta ka sa iyong bahay." 12 Bumangon siya at kaagad kinuha ang kaniyang higaan at lumabas siya sa bahay na iyon sa harap ng lahat, kaya't silang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos, at kanilang sinabi, "Kailanman ay hindi pa kami nakakita ng katulad nito." 13 Muli siyang bumalik sa tabi ng lawa at pumunta sa kaniya ang napakaraming tao, at tinuruan sila ni Jesus. 14 Sa kaniyang pagdaan, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis at sinabi sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo si Levi at sumunod siya sa kaniya. 15 At nang kumakain si Jesus sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang tao ang nakikisalo kay Jesus at sa kaniyang mga alagad, sapagkat marami sila na sumunod sa kaniya. 16 Nang makita ng mga eskriba na mga Pariseo si Jesus na kumakain kasama ang mga makasalanang tao at tagasingil ng buwis, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, "Bakit siya nakikisalo sa mga tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao?" 17 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, "Ang mga taong malakas ang pangangatawan ay hindi nangangailangan ng manggagamot, ang mga may sakit lamang ang nangangailangan. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid na tao kundi ang mga taong makasalanan." 18 Ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo ay nag-aayuno. Lumapit ang ilang tao at sinabi sa kaniya, "Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at mga alagad ng mga Pariseo ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?" 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Maaari bang mag-ayuno ang mga tagapaglingkod sa kasal kung kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Hanggang kasama pa nila ang lalaking ikakasal ay hindi pa sila maaaring mag-ayuno. 20 Ngunit darating din ang araw na ang lalaking ikakasal ay mailalayo sa kanila at sa mga araw na iyon, mag-aayuno sila. 21 Walang taong magtatahi ng bagong tela sa lumang damit dahil kung ganoon ang itinagpi nito ay mapupunit at magkakaroon ng mas malalang punit. 22 Walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat dahil kung ganoon ay masisira ng alak ang sisidlang-balat at kapwa masasayang ang alak at ang sisidlang balat. Sa halip ay maglagay ng bagong alak sa bagong sisidlang-balat." 23 Sa Araw ng Pamamahinga, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa triguhan at nagsimulang mamitas ang kaniyang mga alagad ng mga uhay. 24 At sinabi ng mga Pariseo sa kaniya, "Tingnan mo, bakit sila gumagawa ng bagay na ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?" 25 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong siya ay nangailangan at nagutom—siya at ang mga lalaking kasama niya? 26 Kung paano siya pumasok sa tahanan ng Diyos noong si Abiatar ang pinakapunong pari at kinain ang tinapay—na handog na hindi naaayon sa batas na kainin ng kahit na sino maliban sa mga pari—at binigyan pa niya ang kaniyang mga kasama?" 27 Sinabi ni Jesus, "Ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa sangkatauhan, at hindi ang sangkatauhan para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Kung gayon, ang Anak ng Tao ay Panginoon maging sa Araw ng Pamamahinga."
Mark 2:1
napabalita na nakauwi na siya sa kaniyang tahanan.
"narinig ng mga tao na nananatili siya sa iisang bahay"
wala nang puwang maging sa may pintuan
"wala nang lugar sa loob para sa kanila"
Mark 2:3
may dalang paralisadong lalaki
"may dinalang isang lalaki na hindi makalakad o hindi magamit ang kaniyang mga bisig"
apat na tao
"4 na tao"
hindi sila makalapit
"hindi makalapit kung saan naroon si Jesus"
Mark 2:5
ang lalaking paralisado
"ang lalaking hindi makalakad"
Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya
"nalalaman ni Jesus na ang mga lalaki ay may pananampalataya." Ito ay maaaring nangangahulugan 1) na ang mga lalaki lamang na nagdala sa lalaking paralisado ang may pananampalataya o 2) na ang lalaking paralisado at ang mga lalaking nagdala sa kaniya ang may pananampalataya.
Anak
Ang salitang "anak" dito ay nagpapakita ng pagmamalasakit ni Jesus sa lalaki tulad ng pagmamalasakit ng isang ama sa kaniyang anak. Maaaring isalin na: "Aking anak."
pinatawad na ang iyong mga kasalanan
Mga maaaring kahulugan nito ay 1) "Pinatawad na ng Diyos ang iyong mga kasalanan" (tingnan sa 2:7) o 2) "Pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan" (tingnan sa: [[rc://tl/bible/notes/mrk/02/10]])
nangatwiran sa kanilang mga puso
"nag-iisip sa kanilang mga sarili"
Paano nakakapagsalita ang taong ito ng ganito
Ang katanungang ito ay tinanong upang ipakita na ang mga eskriba ay nagduda na si Jesus ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan. Maaaring isalin na: "Ang taong ito ay hindi dapat magsalita sa ganito!"
Sino ang makapagpapatawad sa mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?
Ang katanungang ito ay tinanong upang ipakita na ang mga eskriba ay nagdududa na si Jesus ay Diyos. Maaaring isalin na: "Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan!"
Mark 2:8
ang kanilang iniisip
Ang mga eskriba ay nag-iisip sa kanilang mga sarili; hindi sila nag-uusap sa isa't isa.
Bakit ninyo iniisip ito sa inyong mga puso?
Tinanong ni Jesus ang katanungang ito upang pagsabihan ang mga eskriba dahil sa pagdududa sa kaniyang kapangyarihan. Maaaring Isalin na: "Hindi ninyo dapat pinagdududahan ang aking kapangyarihan!"
Ano ang mas madali...Bumangon ka..'?
Tinanong ni Jesus ang katanungang ito dahil naniniwala ang mga eskriba na ang lalaki ay naparalisado dahil sa kaniyang mga kasalanan at kung ang mga kasalanan ng lalaki ay pinatawad, maaari na siyang makalakad. Kung pinagaling ni Jesus ang lalaking paralisado, ang mga eskriba ay kailangang kilalanin na si Jesus ay may kakayahang magpatawad ng mga kasalanan. Maaaring isalin na: "Ito ay mas madaling sabihin sa paralisadong lalaki na ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na!"
mga puso
Ang salitang "puso" ay madalas gamitin upang tukuyin ang kaisipan, damdamin, pagnanais, o kalooban ng isang tao.
Mark 2:10
upang malaman ninyo
"Patutunayan ko sa inyo"
ang Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili bilang "Anak ng Tao."
ninyo
tumutukoy ito sa mga eskriba at ang maraming tao
sinabi niya sa lalaking paralitiko
"sinabi niya sa lalaking hindi nakakalakad"
sa harap ng lahat
"sa harapan ng maraming taong nagtipun-tipon doon"
Mark 2:13
pumunta sa kaniya ang napakaraming tao
"ang mga tao ay pumunta kung saan siya naroroon"
Mark 2:15
bahay ni Levi
"sa tahanan ni Levi"
maraming tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao ang nakikisalo kay Jesus at sa kaniyang mga alagad, sapagkat marami silang sumunod sa kaniya
"maraming tagasingil ng buwis at makasalanang tao na sumunod kay Jesus ang kumain kasama niya at ng kaniyang mga alagad"
Bakit siya nakikisalo sa mga tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao?
Tinanong ng mga eskriba at mga Pariseo ang katanungang ito upang ipakita na tinututulan nila ang kagandahang-loob ni Jesus. Maaaring isalin na: "Siya ay hindi dapat kumain at uminom kasama ng mga makasalanan at mga lalaking tagasingil ng buwis!"
Mark 2:17
sinabi niya sa kanila
"sinabi niya sa mga Pariseo"
Ang mga taong malakas ang pangangatawan ay hindi nangangailangan ng manggagamot; ang mga may sakit lamang ang nangangailangan nito
Inihahambing ni Jesus ang mga taong nakakaalam na sila ay makasalanan sa mga taong nakakaalam na sila ay may sakit. Maaaring isalin na: "Ang mga taong nag-iisip na sila ay matuwid ay hindi nangangailangan ng tulong; ang mga may sakit lamang ang nangangailangan ng tulong!
Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid na tao, kundi ang mga taong makasalanan
Inaasahan ni Jesus na maiintindihan ng kaniyang mga tagapakinig na pumarito siya para sa mga nangangailangan ng tulong. Maaaring isalin na: "Pumarito ako para sa mga taong nakauunawa na sila ay makasalanan, hindi sa mga taong naniniwala na sila ay matuwid."
Mark 2:18
ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno
Ang pag-aayuno ay nangangahulugan na hindi kakain. Sa mga wika kung saan ang pag-aayuno ay hindi nakaugalian, maaaring mas natural na sabihin sa positibong pahayag. Maaaring isalin na: "ngunit ang iyong mga alagad ay patuloy na palaging kumakain."
Maaari bang mag-ayuno ang mga abay sa kasal kung kasama pa nila ang lalaking ikakasal?
Tinanong ni Jesus ang katanungang ito upang gumawa ng paghahambing sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga alagad sa isang lalaking ikakasal at kaniyang mga kaibigan. Maaaring isalin na: "Ang aking mga alagad ay nagdiriwang habang ako ay naritong kasama nila!"
Mark 2:20
ang lalaking ikinasal ay mailalayo sa kanila
Inihambing ni Jesus ang kaniyang sarili sa isang lalaking ikakasal habang sinasabi niya ang kaniyang kamatayan, muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Kung ang iyong wika ay nangangailangang tukuyin kung sino ang gumagawa ng kilos, hangga't maaari ay gumamit ng pangkalahatan. Maaring palitan ang balintiyak na pangungusap sa pangungusap na ginagamit ang aktibong panahunan kaya maaring isalin ito na: "ilalayo nila ang lalaking ikakasal" o "ang lalaking ikakasal ay aalis."
nila...sila
tinutukoy dito ang mga abay sa kasal
Walang tao ang magtatahi ng bagong tela sa lumang damit
ang pananahi ng isang pirasong bagong tela sa lumang damit ay makakagawa ng butas sa lumang damit nang mas malubha kung ang piraso ng bagong tela ay hindi pa lumiit. Parehong masisira ang bagong tela at ang lumang damit.
Mark 2:22
Walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat
Inihahambing ni Jesus ang katuruan kaniya at ng kaniyang mga alagad sa bagong alak at sisidlang-balat. Ang talinghaga na ito ang sumasagot sa katanungang, "Bakit ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng Pariseo ay nag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?" Maaaring isalin na: "Walang sinumang magbibigay ng mga bagong katuruan sa mga taong nakasanayan na ang mga lumang katuruan."
bagong alak
Ito ay tumutukoy sa alak na hindi pa umaasim. Kung ang mga ubas ay hindi kilala sa inyong lugar, gamitin ang pangkalahatang tawag gaya ng "katas ng prutas".
lumang sisidlang-balat
Tumutukoy ito sa sisidlang-balat na ginamit na ng maraming beses.
sisidlang-balat
Ang mga ito ay sisidlang gawa sa balat ng hayop. Maaari ding tawagin ang mga ito na "sisidlan ng alak" o "balat na sisidlan".
masisira ng alak ang sisidlang-balat
Kapag ang bagong alak ay umasim at umalsa, sisirain nito ang sisidlan dahil hindi na nila ito maaaring unatin pa.
masasayang
"masisira" (UDB)
bagong sisidlang-balat
"bagong sisidlang-balat" o "bagong balat na sisidlan." Ito ay tumutukoy sa sisidlang-balat na hindi kailanman ginamit.
Mark 2:23
Tingnan mo, bakit sila gumagawa ng bagay na ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"
Tinanong ng mga Pariseo si Jesus ng katanungan upang siya ay husgahan. Maaaring isalin na: "Tingnan mo! Sinusuway nila ang kautusan ng mga Judio tungkol sa Araw ng Pamamahinga."
mamitas ng trigo at kainin ito...gumawa ng bagay na ipinagbabawal sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga
Ang pamimitas ng butil sa ibang bukirin, at pagkain nito ay hindi itinuturing na pagnanakaw. Ang katanungang ito ay kung maari nilang gawin ito sa Araw ng Pamamahinga.
mga uhay
Ito ang pinakamataas na bahagi ng halamang trigo na isang uri ng malaking damo. Ang uhay ay merong mga hinog na butil o mga buto ng halaman.
Tingnan mo
"Bigyang mo ng pansin ang sasabihin ko sa iyo"
Mark 2:25
Hindi ba ninyo kailanman nabasa kung ano ang ginawa ni David...kasama niya? Kung paano siya pumasok...
Alam ni Jesus na nabasa na ng mga Eskriba at ng mga Pariseo ang kuwento. Inaakusahan niya sila na sadyang ayaw intindihin ito. Maaring isalin na: "Tandaan kung ano ang ginawa ni David...kasama niya? Kung paano siya pumunta..." o "Kung naiintindihan ninyo kung ano ang ginawa ni David...kasama niya, malalaman ninyo na siya ay pumunta"
Abiatar
Siya ay isa sa mga punong pari noong panahon ni David sa kasaysayan ng mga Judio.
Mark 2:27
Ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa sangkatauhan
Maaaring isalin na: "Itinakda ng Diyos ang araw ng Pamamahinga para sa ikabubuti ng sangkatauhan"
hindi ang sangkatauhan para sa Araw ng Pamamahinga
Maaaring isalin na: "Hindi ginawa ng Diyos ang sangkatauhan para sa ikabubuti ng Araw ng Pamamahinga"
Translation Questions
Mark 2:1
Ano ang ginawa ng apat na lalaking nagdala sa paralisadong lalaki?
Tinanggal ng mga lalaki ang bubong ng bahay at ibinaba ang lalaking paralisado patungo kay Jesus.
Mark 2:5
Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado?
Sinabi ni Jesus, "Anak, ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na".
Bakit tumutol ang ilan sa mga eskriba sa sinabi ni Jesus?
Nangatwiran ang ilan sa mga eskriba na lumapastangan si Jesus, dahil ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan. [2:6-7]
Mark 2:8
Paano ipinakita ni Jesus na siya ay may kapangyarihan sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan?
Sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado na kunin ang kaniyang higaan at pumunta sa kaniyang bahay, at ginawa ito ng lalaki.
Mark 2:10
Paano ipinakita ni Jesus na siya ay may kapangyarihan sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan?
Sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado na kunin ang kaniyang higaan at pumunta sa kaniyang bahay, at ginawa ito ng lalaki.
Mark 2:13
Ano ang ginagawa ni Levi nang sabihan siya ni Jesus na sumunod sa kaniya?
Nakaupo si Levi sa lugar kung saan kinokolekta ang buwis nang tawagin siya ni Jesus.`
Mark 2:15
Sa bahay ni Levi, ano ang ginagawa ni Jesus na ikinagalit ng mga Pariseo?
Kumakain si Jesus kasama ang mga makasalanang tao at mga tagasingil ng buwis.
Mark 2:17
Sino ang sinasabi ni Jesus na siya ay dumating upang tawagin?
Sinabi ni Jesus na dumating siya upang tawagin ang mga makasalanang tao.
Mark 2:18
Anong katanungan ang tinanong ng ilang tao kay Jesus tungkol sa pag-aayuno?
Tinanong nila si Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno samantalang ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo ay nag-aayuno.
Paano ipinaliwanag ni Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno?
Sinabi ni Jesus na habang ang lalaking ikakasal ay kasama pa ng mga abay, hindi sila maaaring mag-ayuno. [2:19]
Mark 2:20
Paano sinagot ni Jesus ang katanungan tungkol sa pag-aayuno?
Sinabi ni Jesus na habang ang ikakasal na lalaki ay kasama pa ang mga abay sa kasal, hindi sila maaaring mag-ayuno, ngunit kung ang ikinasal na lalaki ay ilalayo, mag-aayuno sila.
Mark 2:23
Ano ang ginawa ng mga alagad ni Jesus sa ilang mga triguhan sa Araw ng Pamamahinga na ikinagalit ng mga Pariseo?
Namitas ng mga uhay ng butil ang mga alagad ni Jesus at kinain ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.
Mark 2:25
Anong halimbawa ang ibinigay ni Jesus tungkol sa isang tao na nangangailangan at kumain ng tinapay na karaniwang ipinagbabawal para sa kanila?
Ibinigay ni Jesus ang halimbawa ni David na dahil sa pangangailangan ay kinain ang tinapay na handog na karaniwang nakalaan para sa mga pari.
Mark 2:27
Para kanino ang sinabi ni Jesus na ginawa ang Araw ng Pamamahinga?
Sinabi ni Jesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa mga tao.
Anong kapangyarihan ang inaangkin ni Jesus para sa kaniyang sarili?
Sinabi ni Jesus na Panginoon din siya sa Araw ng Pamamahinga. [2:28]
Chapter 3
1 At muli siyang naglakad papasok sa loob ng sinagoga at doon may isang lalaki na tuyot ang kamay. 2 Ilan sa mga tao ay nagmamatyag ng mabuti kung papagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pamamahinga upang maparatangan nila siya. 3 Sinabi ni Jesus sa lalaki na tuyot ang kamay, "Tumindig ka at tumayo sa gitna ng lahat." 4 At sinabi niya sa mga tao, "Naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga o ang manakit; ang sumagip ng buhay o ang pumatay?" Ngunit tahimik ang mga tao. 5 Tiningnan niya sila ng may galit, labis siyang nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at sinabi niya sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat niya ang kaniyang kamay at pinagaling ito ni Jesus. 6 Lumabas ang mga Pariseo at agad bumuo ng sabwatan kasama ng mga taga-sunod ni Herodias laban sa kaniya upang ipapatay siya. 7 Pagkatapos, pumunta si Jesus sa dagat kasama ng kaniyang mga alagad at napakaraming tao ang sumunod sa kanila mula sa Galilea, at Judea, 8 Jerusalem at mula sa Idumea at ibayo ng Jordan at sa palibot ng Tiro at Sidon, napakaraming tao ang pumunta sa kaniya nang marinig nila ang lahat ng mga ginagawa niya. 9 Hiniling niya sa kaniyang mga alagad na ipaghanda siya ng isang bangka upang hindi siya maipit ng mga tao. 10 Dahil sa marami na siyang napagaling, lahat ng may mga malulubhang karamdaman ay gustong makalapit sa kaniya upang mahawakan siya. 11 Sa tuwing makikita siya ng mga maruming espiritu, nagpapatirapa sila at sumisigaw, "Ikaw ang Anak ng Diyos." 12 Mahigpit niyang iniutos sa mga ito na huwag nilang ipapaalam kung sino siya. 13 Umakyat siya sa bundok at tinawag niya ang mga gusto niya at pumunta sila sa kaniya. 14 Itinalaga niya ang Labindalawa (na tinawag niyang mga apostol) para sila ay makasama niya at maaari niya silang isugo upang mangaral, 15 at upang magkaroon sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. 16 Itinalaga niya ang Labindalawang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro, 17 si Santiago na anak ni Zebedeo, si Juan na kapatid ni Santiago, na mga pinangalanan niyang Boanerges na ang ibig sabihin ay mga anak ng kulog, 18 at sila Andres, Felipe, Bartolomeo, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Tadeo, Simon na makabayan, 19 at si Judas Iskaryote, na magkakanulo sa kaniya. 20 Pagkatapos ay umuwi na siya at muling nagtipon-tipon ang maraming tao, kung kaya hindi man lang sila makakain ng tinapay. 21 Nang marinig ng kaniyang pamilya ang balitang ito, agad silang lumabas upang pilit siyang kunin, dahil sinasabi nilang, "Nahihibang na siya." 22 Sinabi ng mga eskribang nanggaling sa Jerusalem, "Sinaniban siya ni Beelzebul," at, "Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, pinapaalis niya ang mga demonyo." 23 Tinawag sila ni Jesus at nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, "Paano maitataboy ni Satanas si Satanas?" 24 Kung nahahati ang isang kaharian laban sa kaniyang sarili, ang kahariang ito ay hindi maaaring manatili. 25 Kung ang isang tahanan ay nahahati laban sa kaniyang sarili, ang tahanang ito ay hindi maaaring manatili. 26 Kung naghimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili at magkabahabahagi, hindi siya maaaring manatili, subalit siya ay magwawakas. 27 Ngunit walang sinuman ang makapapasok sa bahay ng isang malakas na tao at magnakaw ng kaniyang mga kagamitan nang hindi niya ito gagapusin muna, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito. 28 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ng tao ay mapapatawad, maging ang lahat ng mga kalapastanganang sinasabi nila, 29 ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan." 30 Sinabi ito ni Jesus dahil sinasabi nilang, "Mayroon siyang maruming espiritu." 31 Pagkatapos ay dumating ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki at tumayo sila sa labas. Pinasundo nila siya at pinatawag. 32 Umupo ang napakaraming tao sa palibot niya at sinabi sa kaniya, "Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka nila." 33 Sinagot niya sila, "Sino ang ina at mga kapatid ko?" 34 Tiningnan niya ang mga taong nakaupo sa palibot niya at sinabi, "Tingnan ninyo, ito ang aking ina at mga kapatid! 35 Dahil kung sino man ang tumutupad sa kalooban ng Diyos, ang taong iyon ay ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina."
Mark 3:1
muli siyang naglakad papasok sa loob ng sinagoga
"At pumasok si Jesus sa sinagoga"
isang lalaki na tuyot ang kamay
"isang lalaking may kapintasan ang kamay"
nagmamatyag ng mabuti kung papagalingin siya ni Jesus
"Pinanuod ng mga Pariseo si Jesus upang tignan kung pagagalingin niya ang lalaking may kapintasan ang kamay"
Mark 3:3
Tumindig ka at tumayo sa gitna ng lahat
"Tumayo ka at tumindig dito sa gitna ng maraming tao."
Naaayon ba sa batas...pumatay?
Dahil napansin ng nagsulat na "nanatili silang tahimik," tila hinahamon sila ni Jesus at nagaantay siya ng sagot mula sa kanila. Maaaring isalin na: "Dapat ninyong malaman na pinapayagan ng batas na gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga at hindi ang makapanakit; ang sumagip ng buhay, at hindi ang pumatay."
Naaayon sa batas
naaayon sa Batas ni Moises
Mark 3:5
Iunat mo ang iyong kamay
"Iabot mo ang iyong kamay"
pinagaling ito ni Jesus
"Pinagaling ni Jesus ang kaniyang kamay"
agad bumuo ng sabwatan kasama ng mga taga-sunod ni Herodias
Maaaring isalin na: "agad silang nagtipon-tipon kasama ng mga taga-sunod ni Herodias" o "nagkita-kita at bumuo ng sabwatan kasama ang mga taga-sunod ni Herodias"
Mark 3:7
marinig nila ang lahat ng mga ginagawa niya
"marinig ang tungkol sa mga kamangha-manghang himala na ginagawa ni Jesus"
pumunta sa kaniya
"pumunta ang mga tao kung nasaan si Jesus"
Mark 3:9
Hiniling niya sa kaniyang mga alagad na ipaghanda siya ng isang bangka
"Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Maghanda kayo ng bangka para sa akin."'
upang hindi siya maipit ng mga tao
"ang nagtulakan upang mahipo siya" (UDB)
lahat ng may mga malulubhang karamdaman ang gustong makalapit sa kaniya upang mahawakan siya
"Lahat ng mga may karamdaman ay nagtutulakan upang mahawakan siya"
Mark 3:11
sila...sila...sa mga ito
ang mga taong napapailalim sa kapangyarihan ng maruruming espiritu
Ikaw ang Anak ng Diyos
Ang kapangyarihan ni Jesus laban sa maruruming espiritu ay may kaugnayan sa kaniyang titulong, "Anak ng Diyos."
Anak ng Diyos
Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus.
Mark 3:13
para sila ay makasama niya at maaari niya silang isugo upang mangaral
"makasama niya at isugo niya upang mangaral" (UDB)
Mark 3:17
Tadeo
Si "Tadeo" ay isang lalaki na napili bilang isa sa mga labing-dalawang apostol ni Jesus.
Mark 3:20
maraming tao ang nagtipon-tipong muli, kung kaya hindi man lang sila makakain ng tinapay
" Nagtipon-tipon muli ang maraming tao kung saan siya namamalagi. Maraming tao ang nagsiksikan sa paligid niya. Wala man lang oras na kumain sila Jesus at ang kaniyang mga alagad" (UDB)
agad silang lumabas upang pilit siyang kunin.
Pumunta ang mga miyembro ng kaniyang pamilya sa bahay kung nasaan siya upang kunin siya at pilitin siyang umuwi kasama nila.
Mark 3:23
Paano maitataboy ni Satanas si Satanas?
"Hindi paaalisin ni Satanas ang kaniyang sarili" o "Hindi lalabanan ni Satanas angkasamahan niyang masasamang espiritu"
Mark 3:31
Pinasundo nila siya at ipinatawag
"May inutusan ang ina ni Jesus pati na ang kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki na pumasok sa loob upang sabihin sa kaniya na sila ay nasa labas at kailangan niyang lumabas sa kanila."
Translation Questions
Mark 3:1
Bakit nila minamatyagan si Jesus sa Araw ng Pamamahinga sa sinagoga?
Minamatyagan nila si Jesus upang makita kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang siya ay maakusahan nila. [3:1-2]
Mark 3:3
Anong katanungan ang itinanong ni Jesus sa mga tao tungkol sa Araw ng Pamamahinga?
Tinanong ni Jesus ang mga tao kung pinapayagan ba ng batas na gumawa ng mabuti o ang makasakit sa Araw ng Pamamahinga. [3:4]
Paano tumugon ang mga tao sa katanungan ni Jesus?
Nanatiling tahimik ang mga tao. [3:4]
Mark 3:5
Ano ngayon ang naging saloobin ni Jesus tungol sa kanila?
Sumama ang loob ni Jesus sa kanila. [3:5]
Ano ang ginawa ng mga Pariseo nang napagaling ni Jesus ang lalaki?
Lumabas ang mga Pariseo at bumuo ng plano upang ipapatay si Jesus. [3:6]
Mark 3:7
Gaano karaming tao ang sumunod kay Jesus nang pumunta siya sa dagat?
Napakaraming tao ang sumunod sa kanila. [3:7-8]
Mark 3:11
Ano ang sinigaw ng mga demonyo nang makita nila sa Jesus?
Isinisigaw ng mga demonyo na si Jesus ang Anak ng Diyos. [3:11]
Mark 3:13
Ilang kalalakihan ang itinalaga ni Jesus bilang mga apostol, at ano ang kanilang mga gagawin?
Itinalaga ni Jesus ang labing-dalawang mga apostol upang makasama niya at maaari niya silang ipadala upang mangaral, at magkaroon sila ng kapangyarihang magtaboy ng mga demonyo. [3:14-15]
Mark 3:17
Sino ang apostol na magtataksil kay Jesus?
Ang apostol na magtataksil kay Jesus ay si Judas Iskaryote. [3:19]
Mark 3:20
Ano ang iniisip ng pamilya ni Jesus tungkol sa maraming mga tao at sa mga pangyayari sa paligid ni Jesus?
Inisip ng pamilya ni Jesus na siya ay wala na sa tamang pag-iisip. [3:21]
Ano ang ibintang ng mga eskriba laban kay Jesus?
Inakusahan ng mga eskriba si Jesus na tumataboy ng demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo. [3:22]
Mark 3:23
Ano ang naging tugon ni Jesus sa mga bintang ng mga eskriba?
Sumagot si Jesus na walang kahariang nahahati sa kaniyang sarili ang maaaring tumayo. [3:23-25]
Mark 3:28
Anong kasalanan ang sinasabi ni Jesus na hindi maaaring mapatawad?
Sinabi ni Jesus na ang kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu ay hindi maaaring mapatawad. [3:28-30]
Mark 3:33
Sino ang sinasabi ni Jesus na kaniyang ina at mga kapatid?
Sinabi ni Jesus na ang kaniyang ina at mga kapatid ay ang mga taong sumusunod sa kagustuhan ng Diyos. [3:33-35]
Chapter 4
1 Muli siyang nagsimulang mangaral sa tabi ng dagat. At nagtipun-tipon ang napakaraming tao sa paligid niya, kaya sumakay siya sa bangka na nasa dagat at naupo. Ang mga tao ay nasa tabi ng dagat sa dalampasigan. 2 At tinuruan niya sila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga, at sinabi niya sa kanila sa kaniyang pagtuturo, 3 "Makinig kayo, lumabas ang manghahasik upang maghasik. 4 Habang siya ay naghahasik, mayroong mga binhing napunta sa daan at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito. 5 Ang ibang mga binhi ay napunta sa mabatong lupa na kung saan ang lupa ay kakaunti lamang. Agad silang tumubo dahil hindi malalim ang lupa nito. 6 Ngunit nang sumikat ang araw, nalanta ang mga ito at dahil wala silang ugat natuyo ang mga ito. 7 Ang ibang mga binhi ay napunta sa tinikan. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito, at hindi ito nakapamunga ng kahit isang butil. 8 Napunta sa matabang lupa ang ibang binhi at nagkabutil habang lumalago at dumarami, at may nagkabutil ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisangdaan". 9 At sinabi niya, "Sinuman ang may taingang pandinig, makinig!" 10 Nang nag-iisa na si Jesus, nagtanong ang mga malalapit sa kaniya kasama ang Labindalawa tungkol sa talinghaga. 11 Sinabi niya sa kanila, "Ipinagkaloob sa inyo ang hiwaga ng kaharian ng Diyos. Ngunit sa ibang nasa labas ang lahat ay mga talinghaga, 12 nang sa gayon, kapag sila ay tumingin, oo titingin sila, ngunit hindi sila makakakita, at kapag sila ay nakinig, oo makaririnig sila, ngunit hindi sila makauunawa, o kundi sila ay manumbalik at patatawarin sila ng Diyos." 13 At sinabi niya sa kanila, "Hindi ba ninyo naiintindihan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo maiintindihan ang iba pang mga talinghaga? 14 Ang manghahasik ay naghasik ng salita. 15 Ang ilan sa mga ito ay ang nahulog sa tabi ng daan, kung saan ang salita ay naihasik. At nang marinig nila ito, agad na dumating si Satanas upang alisin ang salitang naitanim sa kanila. 16 At ang iba ay ang mga naitanim sa mabatong lupa, nang makarinig sila ng salita, agad nila itong tinatanggap nang may kagalakan. 17 At hindi sila nakapag-ugat kaya sila nakatiis lang ng maikling panahon. At dumating ang mga pagdurusa o pag-uusig dahil sa salita at agad silang nadapa. 18 At ang iba naman ay naihasik sa tinikan. Narinig nila ang salita at tinanggap ito, 19 ngunit ang mga alalahanin sa mundo, ang pandaraya ng kayamanan at ang pagnanasa sa iba pang mga bagay ay pumasok at nasakal ang salita, at ito ay hindi nakapamunga. 20 At mayroon namang naihasik sa matabang lupa. Narinig nila ang salita at tinanggap ito at nakapamunga: may tatlumpu, may animnapu, at may isangdaan." 21 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket o sa ilalaim ng higaan? Dadalhin ninyo ito sa loob at ilalagay sa lagayan ng lampara. 22 Sapagkat walang itinatago na hindi maihahayag at walang lihim na hindi maibubunyag. 23 Sinuman ang may taingang pandinig, makinig. 24 Sinabi niya sa kanila, "Pakinggan ninyong mabuti ang inyong naririnig, ang panukat na inyong ginagamit ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo. 25 Dahil sinumang mayroon ay pagkakalooban ng higit pa, at sinumang wala, kukunin maging ang anumang nasa kaniya." 26 At sinabi niya, "Ang kaharian ng Diyos ay tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi sa lupa. 27 Sa gabi siya ay natutulog at sa umaga siya ay bumabangon, at ang binhi ay sumisibol at tumutubo, ngunit hindi niya alam kung paano. 28 Ang lupa sa sarili niya ay namumunga ng butil: una ang sibol, sunod ang mga tangkay, sunod ang mga hinog na butil sa tangkay. 29 At kapag nahinog na ang butil, agad niyang ipinadadala ang panggapas sapagkat dumating na ang anihan." 30 At sinabi niya, "Saan natin maihahambing ang kaharian ng Diyos, o anong talinghaga ang magagamit natin upang maipaliwanag ito? 31 Ito ay katulad ng buto ng mustasa na kapag ito ay itinanim, ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga buto sa daigdig. 32 Gayunpaman, kapag ito ay naitanim, tumutubo ito at nagiging pinakamalaki sa lahat ng mga tanim sa bukirin at nagkakaroon ito ng malalaking sanga, kaya ang mga ibon sa himpapawid ay nakakapamugad sa lilim nito. 33 Ipinangaral niya ang salita sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang katulad nito, hanggang sa kaya nilang maunawaan, 34 at hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ngunit kapag siya ay nag-iisa na lamang, ipinapaliwanag niya ang lahat sa kaniyang sariling mga alagad. 35 Kinagabihan, nang araw ding iyon, sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabilang dako." 36 Kaya iniwan nila ang maraming tao na isinama nila si Jesus dahil nakasakay na siya sa bangka. Mayroon ding ibang mga bangkang sumama sa kaniya. 37 Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig. 38 Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, "Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay? 39 At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, "Pumayapa ka, tigil." Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan. 40 At sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?" 41 Lubha silang natakot at sinabi nila sa isa't isa, "Sino ba talaga siya, dahil maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?"
Mark 4:1
naupo
"naupo siya sa bangka"
Mark 4:3
Agad silang tumubo
"Agad nagsimula silang lumaki ng mabilis"
Mark 4:6
nalanta ang mga ito
"nasunog ang mga ito"
Mark 4:8
Sinuman ang may taingang pandinig, makinig
"Sinumang nakikinig ng mabuti ay mauunawaan niya ang kahulugan" ng talinghagang ito.
Mark 4:10
Ipinagkaloob sa inyo ang hiwaga ng kaharian ng Diyos
"Inihayag ng Diyos sa inyo" o "Inihayag ko sa inyo"
titingin sila, ngunit hindi sila makakakita
"tumingin sila at tumangging makakita" o "tumingin sila at hindi naunawaan"
Mark 4:13
Hindi ba ninyo naiintindihan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo maiintindihan ang iba pang mga talinghaga?
"Kung hindi ninyo kayang unawain ang talinghagang ito, hindi ninyo mauunawaaan ang iba pang mga talinghaga."
Mark 4:18
ang mga alalahanin sa mundo
Maaaring isalin na: "mga alalahanin tungkol sa kasalukuyang buhay na ito"
ang pandaraya ng kayamanan
Maaaring isalin na: "mga kasiyahan mula sa kayamanan na hindi nakakapagpasaya"
ang pagnanasa sa iba pang mga bagay
"ang pagnanasa para sa iba pang mga bagay maliban sa kayamanan"
Mark 4:21
Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket, o sa ilalaim ng higaan?
"Siguradong hindi kayo magdadala ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket, o sa ilalaim ng higaan."
Sinuman ang may taingang pandinig, makinig.
Isalin ito gaya ng iyong ginawa sa
[[rc://tl/bible/notes/mrk/04/08]].
Mark 4:24
ang panukat na inyong ginagamit sa iba ang siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo.
"kapag makinig kayo ng maigi, mas malawak ang pang-unawa na ibibigay ng Diyos sa inyo."
sinumang mayroon
"sinuman ang nakaunawa ng aking mga salita."
Mark 4:26
tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi
"tulad ng isang magsasaka na naghahasik ng kaniyang binhi"
panggapas
isang linikong talim o isang matalas na karit na ginagamit na pamutol sa tangkay ng tanim
Mark 4:30
"Saan natin maihahambing ang kaharian ng Diyos, o anong talinghaga ang magagamit natin upang maipaliwanag ito?
"Sa talinghagang ito maipapaliwanag ko kung ano ang katulad ng kaharian ng Diyos."
Mark 4:33
hanggang sa kaya nilang maunawaan
"hanggang sa kaya nilang maintindihan"
Mark 4:38
hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay?
"kailangan mong bigyang pansin ang pangyayaring ito; tayong lahat ay malapit nang mamatay!" -
malapit na tayong mamatay
"Tayo" kabilang ang mga alagad at si Jesus.
sinaway
"pinagsabihan"
Pumayapa ka, tigil.
"Pumayapa ka" at "tigil" ay magkasing-kahulugan.
Mark 4:40
"Bakit kayo natatakot?
"Nadismaya ako na labis kayong natatakot."
Sino ba talaga siya
"Kailangan nating pag-isipang mabuti kung sino talaga ang taong ito!"
Translation Questions
Mark 4:1
Bakit sumakay si Jesus sa bangka upang magturo?
Sumakay si Jesus sa bangka upang magturo, dahil napakaraming mga tao ang nagtipun-tipon sa paligid niya.
Mark 4:3
Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa daan?
Dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.
Mark 4:6
Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa mabatong lupa nang sumikat ang araw?
Nalanta ang mga ito dahil wala silang ugat.
Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa tinikan?
Sinakal ng mga tinik ang mga ito.
Mark 4:8
Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa matabang lupa?
Ang mga binhing naihasik ay nakapamunga ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at ang ilan ay tig-iisangdaan.
Mark 4:10
Ano ang sinabi ni Jesus na ibinigay sa Labindalawa, ngunit hindi sa mga nasa labas?
Sinabi ni Jesus ang misteryo ng kaharian ng Diyos ay ibinigay sa Labindalawa, ngunit hindi sa mga nasa labas.
Mark 4:13
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang binhi?
Ang binhi ay ang salita ng Diyos.
Ano ang kinakatawan ng binhing naihasik sa daan?
Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, ngunit agad itong inaalis ni Satanas.
Mark 4:16
Ano ang kinakatawan ng mga binhing naihasik sa mabatong lupa?
Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita nang may kagalakan, ngunit nang dumating ang pag-uusig sila ay nadapa.
Mark 4:18
Ano ang kinakatawan ng mga binhing naihasik sa tinikan?
Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, ngunit sinakal ng mga alalahanin ng mundo ang salita.
Ano ang kinakatawan ng binhing naihasik sa matabang lupa?
Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, tinanggap ito, at nakapamunga.
Mark 4:21
Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa nakatago at lihim na mga bagay?
Sinabi ni Jesus na ang nakatago at lihim na mga bagay ay dadalhin sa liwanag.
Mark 4:26
Sa anong paraan natutulad ang kaharian ng Diyos sa isang taong naghahasik ng binhi sa lupa?
Inihahasik ng tao ang binhi,tumutubo ito, ngunit hindi niya alam kung paano, at kapag hinog na ang ani, tinitipon niya ito.
Mark 4:30
Sa anong paraan maihahambing ang kaharian ng Diyos sa buto ng mustasa?
Ang buto ng mustasa ay nagsisimula bilang pinakamaliit sa mga buto, gayunpaman tumutubo upang maging isang malaking halaman kung saan marami ang makakagawa ng kanilang mga pugad.
Mark 4:35
Ano ang nangyari habang tumatawid ang mga alagad at si Jesus sa lawa?
Nagsimula ang matinding unos, nagbabantang mapuno ng tubig ang bangka.
Mark 4:38
Ano ang ginagawa ni Jesus sa bangka sa panahong iyon?
Natutulog si Jesus.
Anong katanungan ang itinanong ng mga alagad kay Jesus?
Tinanong ng mga alagad si Jesus kung nababahala ba siya na malapit na silang mamatay.
Kaya ano ang ginawa ni Jesus?
Sinaway ni Jesus ang hangin at pinayapa ang dagat.
Mark 4:40
Matapos gawin ito ni Jesus, ano ang naging tugon ng mga alagad?
Napuno ng matinding takot ang mga alagad at nagtaka kung sino ba talaga si Jesus dahil ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya.
Chapter 5
1 Dumating sila sa kabilang dako ng dagat, sa rehiyon ng Geraseno. 2 At nang bumababa si Jesus sa bangka, agad may isang lalaking may maruming espiritu ang pumunta sa kaniya mula sa mga libingan. 3 Ang lalaki ay nakatira sa mga libingan. Wala nang makapagpigil sa kaniya, kahit pa kadena. 4 Ilang ulit na siyang ginapos gamit ang mga tanikala at kadena. Sinisira niya ang mga kadena at winawasak niya ang kaniyang mga tanikala. Walang sinuman ang may lakas na supilin siya. 5 Bawat gabi at araw sa mga libingan at sa mga bundok, sumisigaw siya at sinusugatan niya ang kaniyang sarili ng mga matatalas na bato. 6 Nang nakita niya si Jesus sa malayo, tumakbo siya sa kaniya at yumuko sa kaniyang harapan. 7 Sumigaw siya nang may malakas na boses, "Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa Diyos mismo, huwag mo akong pahirapan." 8 Sapagkat sinasabi niya sa kaniya, "Lumabas ka sa lalaking ito, ikaw na maruming espiritu." 9 At tinanong niya ito, "Ano ang pangalan mo?" At sumagot siya, "Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami." 10 Paulit-ulit siyang nakiusap sa kaniya na huwag silang papuntahin sa labas ng rehiyon. 11 Ngayon may malaking kawan ng baboy ang naroon na kumakain sa burol, 12 at nagmakaawa sila sa kaniya, na sinasabi, "Papuntahin mo kami sa mga baboy, hayaan mo kaming pumasok sa kanila." 13 Kaya pinayagan niya ang mga ito, lumabas ang mga masamang espiritu at pumasok sa mga baboy, at nagtakbuhan sila patungo sa matarik na burol papunta sa dagat, halos dalawang libong baboy ang nalunod sa dagat. 14 At tumakbo ang mga nagpapakain sa mga baboy at ipinamalita sa lungsod at sa mga karatig-pook kung ano ang nangyari. At maraming tao ang pumunta upang makita kung ano ang nangyari. 15 Pagkatapos ay pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking sinapian ng demonyo— na may Pulutong—na nakaupo, nakabihis, at nasa kaniyang tamang kaisipan, at sila ay natakot. 16 Sinabi sa kanila ng mga nakakita ng nangyari sa lalaking sinapian ng demonyo kung ano ang nangyari sa kaniya at gayon din ang tungkol sa mga baboy. 17 At nagsimula silang nagmakaawa sa kaniya na umalis sa kanilang rehiyon. 18 At nang sumasakay na siya sa bangka, nakiusap sa kaniya ang lalaking sinaniban ng demonyo kung maaari siyang sumama sa kaniya. 19 Ngunit hindi siya pumayag dito, subalit sinabi niya sa kaniya, "Umuwi ka sa iyong bahay at sa mga kasama mo, at sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iyo at kung paano ka niya kinahabagan." 20 Kaya siya ay umalis at nagsimulang ihayag ang mga dakilang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya sa Decapolis at ang lahat ay namangha. 21 At nang si Jesus ay muling tumawid sa kabilang dako, maraming mga tao ang pumalibot sa kaniya sa bangka, sapagkat siya ay nasa tabing dagat. 22 At isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating, at nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan. 23 Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, "Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay." 24 Kaya sumama siya sa kaniya at sumunod sa kaniya ang napakaraming tao at sila ay nag-uumpukan sa palibot niya. 25 Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon. 26 Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala. 27 Narinig niya ang mga balita tungkol kay Jesus. Kaya pumunta siya sa kaniyang likuran habang siya ay naglalakad sa gitna ng maraming tao, at hinawakan niya ang kaniyang balabal. 28 Sapagkat iniisip niya, "Kung mahawakan ko man lang kahit ang kaniyang damit, ako ay gagaling." 29 Nang mahawakan niya siya, tumigil ang pagdurugo, at naramdaman niya sa kaniyang katawan na siya ay gumaling na sa kaniyang paghihirap. 30 At agad napansin ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya. At lumingon siya sa mga tao at nagtanong, "Sino ang humawak sa aking damit?" 31 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, "Nakita mo ang napakaraming taong nag-uumpukan sa paligid mo, at sasabihin mong 'Sino ang humawak sa akin?" 32 Ngunit si Jesus ay tumingin sa paligid upang malaman kung sino ang may gawa nito. 33 Nang nalaman ng babae ang nangyari sa kaniya, natakot siya at nanginig. Lumapit siya at nagpatirapa sa kaniyang harapan at sinabi ang buong katotohanan. 34 Sinabi niya sa kaniya, "Anak, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Umuwi ka nang may kapayapaan at gumaling ka sa iyong karamdaman." 35 Habang siya ay nagsasalita, ilang tao mula sa pinuno ng sinagoga ang dumating at nagsabi, "Patay na ang iyong anak. Bakit mo pa aabalahin ang Guro?" 36 Ngunit nang marinig ni Jesus ang kanilang sinabi, sinabi niya sa pinuno ng sinagoga, "Huwag kang matakot, maniwala ka lang." 37 Hindi niya pinayagan ang kahit sino na sumama sa kaniya maliban kay Pedro, Santiago, at Juan na kapatid ni Santiago. 38 Nakarating sila sa bahay ng pinuno nang sinagoga at nakita niya ang kaguluhan, napakaraming iyakan at pagtangis. 39 Nang pumasok siya sa bahay, sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak? Ang bata ay hindi patay kundi natutulog." 40 Siya ay pinagtawanan nila, ngunit pinalabas niya silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at maging ang mga kasama niya, at pumunta sila kung saan naroroon ang bata. 41 Kinuha niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya, "Talitha koum," na ang ibig sabihin ay "Batang babae, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka." 42 Agad na tumayo ang bata at naglakad (sapagkat siya ay labindalawang taon). At kaagad labis silang namangha. 43 Mahigpit niya silang pinagbilinan na walang dapat makaalam ng tungkol dito. At inutusan niya sila na bigyan ang bata ng makakain.
Mark 5:3
mga tanikala
"mga kadenang bakal"
supilin siya
"kontrolin siya"
Mark 5:7
Sumigaw siya
"Sumigaw ang masamang espiritu"
Ano ang kinalaman ko sa iyo
Maaring isalin na: "Wala akong pakialam sa iyo"
huwag mo akong pahirapan
"Huwag mo akong papagdusahin"
Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa ngalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan
Si Jesus ang "Anak ng Kataas-taasang Diyos,"
ay may kapangyarihan upang pahirapan ang mga masasamang espiritu.
Anak ng Kataas-taasang Diyos
Ito ay mahalagang katawagan kay Jesus.
Mark 5:9
Sinabi niya sa kaniya, "Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami."
Ang mga espiritu sa loob ng lalaki ay nagsabi kay Jesus na hindi lamang iisang masamang espiritu ang mayroon sa lalaking ito ngunit maraming mga masasamang espiritu.
Mark 5:11
Pinayagan niya sila
"Pinayagan ni Jesus ang masasamang espiritu."
umabot sa dalawang libong mga baboy
"halos 2000 na mga baboy"
Mark 5:14
nasa kaniyang tamang kaisipan
"nasa maayos na kaisipan"
Mark 5:16
lalaking sinapian ng mga demonyo
"ang lalaking pinamumunuan ng demonyo"
Mark 5:18
Decapolis
Ito ay isang rehiyon sa timog-silangang bahagi ng karagatan ng Galilea.
Mark 5:25
sa loob ng labing dalawang taon
"sa 12 taon"
Mark 5:30
at sasabihin mong, 'Sino ang humawak sa akin?'
Maaring isalin na: "nabigla kaming marinig na sabihin mong may humawak sa iyo."
Mark 5:33
Anak
Ginamit ni Jesus ang salitang ito bilang talinghaga na tumutukoy sa babae bilang isang mananampalataya.
Mark 5:35
Bakit mo pa aabalahin ang Guro?
Maaaring isalin na: "Hindi na natin dapat abalahin ang guro."
Mark 5:36
iyakan at pagtangis
Ang mga salitang "iyakan" at "pagtatangis" ay may iisang kahulugan. Maaaring isalin na: "Sumigaw ng malakas habang sila ay umiiyak"
Mark 5:39
Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak?
Maaaring isalin na: "Hindi kayo dapat nalulungkot at umiiyak."
Mark 5:41
siya ay labing dalawang taon
"siya ay 12 taong gulang "
Mahigpit niya silang pinagbilinan
"labis niya silang pinagsabihan"
Translation Questions
Mark 5:1
Sino ang sumalubong kay Jesus nang sila ay dumating sa rehiyon ng Gerasene?
Isang lalaking may masamang espiritu ang sumalubong kay Jesus.
Mark 5:3
Ano ang ilang mga bagay na ginawa ng lalaking ito?
Ang lalaki ay nanirahan sa mga libingan, sinira ang mga kadena at pinaghihiwalay ang damal, at sumisigaw at sinusugatan ang sarili gabi at araw.
Ano ang nangyari nang subukan ng mga tao na pigilin ang lalaki sa pamamagitan ng kadena?
Nang subukan ng mga tao na pigilan ang lalaki sa pamamagitan ng kadena winawasak niya ang kadena.
Mark 5:5
Ano ang ilang mga bagay na ginawa ng lalaking ito?
Ang lalaki ay nanirahan sa mga libingan, sinira ang mga kadena at pinaghihiwalay ang damal, at sumisigaw at sinusugatan ang sarili gabi at araw.
Mark 5:7
Anong katawagan ang binigay ng maruming Espiritu kay Jesus?
Tinawag ng maruming espiritu si Jesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos.
Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaki?
Sinabi ni Jesus sa lalaki, "Lumabas ka sa lalaki, ikaw na masamang espiritu".
Mark 5:9
Ano ang pangalan ng maruming espiritu?
Ang pangalan ng maruming espiritu ay Hukbo, dahil sila ay marami.
Mark 5:11
Ano ang nangyari ng palayasin ni Jesus ang masamang espiritu mula sa lalaki?
Lumabas ang espiritu at pumasok sa grupo ng mga baboy, na tumakbo pababa sa matarik na burol at nalunod sa lawa.
Mark 5:14
Matapos mapalayas ang masamang espiritu, ano ang naging kalagayan ng lalaki?
Ang lalaki ay nakaupo kasama si Jesus, nakadamit at nasa matinong kaisipan.
Mark 5:16
Ano ang hiniling ng mga tao sa rehiyon na gawin ni Jesus?
Hiniling ng mga tao na iwan ni Jesus ang kanilang rehiyon.
Mark 5:18
Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng lalaki na nanirahan sa mga libingan na gawin ngayon?
Sinabi ni Jesus sa lalaki na sabihin sa kaniyang mga tao ang ginawa ng Diyos para sa kaniya.
Mark 5:21
Ano ang kahilingan ni Jairo, ang pinuno ng sinagoga kay Jesus?
Hiniling ni Jairo kay Jesus na pumunta kasama niya upang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniyang anak na malapit ng mamatay.
Mark 5:25
Ano ang problema sa babaeng humawak sa balabal ni Jesus?
Ang babae ay dumanas ng pagdurugo sa loob ng labing dalawang taon.
Mark 5:28
Bakit hinawakan ng babae ang balabal ni Jesus?
Inisip ng babae na kung mahawakan man lang niya ang damit ni Jesus, siya ay gagaling.
Mark 5:30
Ano ang ginawa ni Jesus nang hawakan ng babae ang kaniyang balabal?
Alam ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya at tumingin sa paligid upang tingnan kung sino ang humawak sa kaniya.
Mark 5:33
Nang sinabi ng babae kay Jesus ang buong katotohanan, ano ang sinabi ni Jesus sa kaniya?
Sinabi ni Jesus sa kaniya na ang kaniyang pananampalataya ang nagpagaling sa kaniya, at umalis ng may kapayapaan.
Mark 5:35
Ano ang kalagayan ng anak ni Jairo nang dumating si Jesus sa tahanan?
Patay na ang anak ni Jairo.
Mark 5:36
Ano ang sinabi ni Jesus kay Jairo sa pagkakataong ito?
Sinabi ni Jesus kay Jairo na huwag matakot, ngunit maniwala lang.
Sino-sinong mga alagad ang sumama kay Jesus sa silid kung saan naroroon ang bata?
Sina Pedro, Santiago at Juan ay sumama kay Jesus sa silid.
Mark 5:39
Ano ang ginawa ng mga tao sa bahay nang sinabi ni Jesus na ang anak ni Jairo ay natutulog lamang?
Pinagtawanan ng mga tao si Jesus ng sabihin niyang ang anak ni Jairus ay natutulog lamang.
Mark 5:41
Nang bumangon ang bata at lumakad, ano ang naging reaksyon ng mga tao?
Ang mga tao ay labis na namangha.
Chapter 6
1 Umalis siya doon at pumunta siya sa kaniyang sariling bayan at sumunod ang kaniyang mga alagad. 2 Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kaniya at namangha sila. Sinabi nila, "Saan niya nakuha ang mga katuruang ito?" "Ano itong karunungan na naibigay sa kaniya?" "Ano itong mga himala na nagagawa niya sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay?". 3 "Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?" At sumama ang kanilang loob kay Jesus. 4 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang isang propeta ay hindi nawawalan ng parangal, maliban sa kaniyang sariling bayan at sa kaniyang mga kamag-anak at sa kaniyang sariling sambahayan." 5 Hindi siya makagawa ng kahit na anong makapangyarihang gawain, maliban lamang sa pagpatong ng kaniyang mga kamay sa ilang may sakit at pagalingin sila. 6 Ikinamangha niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya. At naglibot siyang nagtuturo sa mga nayon. 7 Tinawag niya ang Labindalawa at sinimulan silang isugo ng dalawahan at binigyan niya sila ng kapangyarihan laban sa maruruming espiritu, 8 at ipinagbilin niya sa kanila na huwag magdala ng kahit ano sa kanilang paglalakbay maliban lamang sa tungkod, walang tinapay, walang sisidlan at wala ring pera nailalagay sa kanilang sinturon, 9 kundi magsuot ng sandalyas at huwag magsuot ng dalawang tunika. 10 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Sa tuwing papasok kayo sa isang bahay, manatili kayo doon hanggang makaalis kayo sa lugar na iyon. 11 At kung mayroong bayan na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo sa lugar na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok mula sa inyong mga paa bilang patotoo sa kanila. 12 Humayo sila at inihayag na dapat talikuran ng mga tao ang kanilang mga kasalanan. 13 Pinalayas nila ang maraming demonyo at pinahiran nila ng langis ang mga taong may sakit at pinagaling sila. 14 Nabalitaan ito ni Haring Herodes sapagkat kilalang-kilala na ang pangalan ni Jesus. Sinasabi ng iba, "Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay mula sa mga patay at dahil dito, ang mga kamangha-manghang kapangyarihang ito ang kumikilos sa kaniya." 15 Sinasabi ng iba, "Siya si Elias." Sinabi pa ng iba, "Siya ay isang propeta, tulad ng isa sa mga propeta noong sinaunang panahon." 16 Ngunit nang marinig ito ni Herodes, sinabi niya, "Si Juan na pinugutan ko ng ulo ay binuhay." 17 Sapagkat mismong si Herodes ang nagpadakip kay Juan at ipinagapos siya sa bilangguan dahil kay Herodias, (asawa ng kapatid niyang si Felipe) dahil naging asawa niya ito. 18 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, "Hindi naaayon sa batas na mapasaiyo ang asawa ng iyong kapatid." 19 Ngunit nagkimkim ng galit si Herodias laban sa kaniya at gusto niya itong patayin, ngunit hindi niya magawa, 20 sapagkat natatakot si Herodes kay Juan, alam niyang matuwid at banal na tao si Juan, at pinanatili niya itong ligtas. At sa pakikinig nito sa kaniya ay labis siyang nabagabag, subalit siya ay nakinig sa kaniya na may galak. 21 At dumating ang araw ng pagkakataon nang ipagdiwang ni Herodes ang kaniyang kaarawan at naghanda siya ng hapunan para sa kaniyang mga opisyal, mga pinuno ng mga kawal at mga pinuno ng Galilea. 22 Dumating ang mismong anak na babae ni Herodias at sumayaw para sa kanila at naaliw niya si Herodes at kaniyang mga panauhin. At sinabi ng hari sa babae, "Humingi ka ng kahit na anong gusto mo at ibibigay ko ito sa iyo." 23 Sumumpa siya sa kaniya at sinabi, "Kahit na anong hingin mo sa akin, ibibigay ko sa iyo, hanggang sa kalahati ng aking kaharian." 24 Lumabas siya at sinabi sa kaniyang ina, "Ano ang dapat kong hingin sa kaniya?" Sinabi niya, "Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo." 25 At kaagad siyang pumasok nang nagmamadali papunta sa hari at humingi, sinabi, "Gusto kong ibigay mo sa akin ngayon din ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo na nakalagay sa bandehado." 26 Lubhang nalungkot ang hari, ngunit dahil sa pangako at sa mga panauhin, hindi niya matanggihan ang kaniyang hinihingi. 27 Kaya pinapunta ng hari ang isang kawal mula sa kaniyang mga bantay at inutusan niyang dalhin sa kaniya ang ulo ni Juan. Pumunta ang kawal at pinugutan siya sa bilangguan. 28 Dinala niya ang ulo na nasa bandehado at ibinigay ito sa dalaga at ibinigay ito ng dalaga sa kaniyang ina. 29 At nang marinig ito ng kaniyang mga alagad, pumunta sila at kinuha ang kaniyang katawan at inilagay sa isang libingan. 30 Nagtipun-tipon ang mga apostol sa palibot ni Jesus at sinabi sa kaniya ang lahat ng kanilang nagawa at naituro. 31 At sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo punta tayo sa ilang na lugar at sandaling magpahinga." Sapagkat maraming dumarating at umaalis, at wala man lamang silang oras para kumain. 32 Kaya sumakay sila sa bangka papunta sa ilang na lugar. 33 Ngunit nakita silang umaalis at maraming nakakilala sa kanila, at nagsitakbo ang mga tao mula sa mga bayan at naunahan nila sina Jesus na dumating doon. 34 Nang makarating na sila sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. At sinimulan niyang magturo sa kanila ng maraming bagay. 35 Nang dapit-hapon na, nagpunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ilang ang lugar na ito at gumagabi na. 36 Paalisin mo nalang sila upang makapunta sila sa karatig-pook at sa mga nayon upang bumili ng makakain para sa kanilang sarili." 37 Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Bigyan ninyo sila ng anumang makakain." Sinabi nila sa kaniya, "Maaari ba kaming pumunta at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario at ibigay sa kanila upang kainin?" 38 Sinabi niya sa kanila, "Ilang pirasong tinapay ang mayroon kayo? Pumunta kayo at tingnan ninyo." Nang napag-alaman nila, sinabi nila, "Limang pirasong tinapay at dalawang isda." 39 Inutusan niya ang lahat ng tao na umupo ng pangkat-pangkat sa may damuhan. 40 Umupo silang pangkat-pangkat, mga pangkat ng tig-iisang daan at tig-lilimampu. 41 Nang kinuha niya ng limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpasalamatan at pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang ibigay sa mga tao. At pinaghinati-hati niya ang dalawang isda para sa kanilang lahat. 42 Kumain silang lahat hanggang sila ay nabusog. 43 Tinipun nila ang pinagpira-pirasong tinapay, labindalawang basket ang napuno, kasama na rin ang pinaghati-hating isda. 44 At may limanlibong mga kalalakihan ang kumain ng mga tinapay. 45 Agad niyang pinasakay ang kaniyang mga alagad sa bangka at pinauna sila sa kabilang dako, sa Betsaida, habang pinaaalis niya ang mga tao. 46 Nang wala na sila, umakyat siya sa bundok upang manalangin. 47 Sumapit ang gabi, nasa kalagitnaan na ng dagat ang bangka, at siya ay nag-iisa sa lupa. 48 At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila. 49 Ngunit nang makita nilang naglalakad siya sa dagat, naisip nila na isa siyang multo at nagsigawan sila, 50 dahil nakita at natakot sila sa kaniya. Agad niya silang kinausap at sinabi sa kanila, "Lakasan ninyo ang inyong loob! Ako ito! Huwag kayong matakot!" 51 Sumakay siya sa bangka at tumigil ang pag-ihip ng hangin at lubos silang namangha sa kaniya. 52 Sapagkat hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan ng tinapay, ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga kaisipan. 53 Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genesaret at idinaong nila ang bangka. 54 Nang makababa sila sa bangka, agad nilang nakilala siya. 55 At nagtakbuhan sila sa buong rehiyon at nagsimulang dalhin sa kaniya ang mga may sakit na nasa higaan, saan man nila mabalitaan na siya ay pupunta. 56 Sa tuwing pumapasok siya sa mga nayon, o sa mga lungsod, o sa mga bayan, inilalagay nila ang mga may sakit sa mga pamilihan at nagmamakaawa sila sa kaniya na payagan man lamang silang hawakan ang laylayan ng kaniyang damit. At lahat ng humawak sa kaniya ay gumaling.
Mark 6:1
Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at ang kapatid nina Santiago, Jose, Judas at simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae?
"Isa lamang siyang pangkaraniwang karpintero! Kilala natin siya at ang kaniyang pamilya! Kilala natin si Maria ang kanyang ina! Kilala natin ang kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki na sina Santiago, Jose, Judas at Simon! At ang kaniyang mga nakababatang kapatid na babae ay nakatira rin ditong kasama natin!"
Mark 6:4
Ang isang propeta ay may karangalan, maliban sa...
"Totoo nga na iginagalang ako ng ibang mga tao at ang ibang mga propeta sa ibang lugar, ngunit hindi sa ating sariling bayan! Hindi rin tayo iginagalang maging ang ating mga kamag-anak at ang mga taong nakatira sa ating mga bahay!
Mark 6:7
huwag magsuot ng dalawang tunika
"hindi magdadala ng karagdagang damit."
Mark 6:10
manatili kayo doon hanggang makaalis kayo
"manatili kayo sa bahay na iyon hanggang makaalis kayo sa bayan."
Mark 6:14
Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay
"Binuhay ng Diyos si Juan na Tagapagbautismo"
Mark 6:16
asawa ng kapatid niyang si Felipe
"Ang asawa ng kapatid niyang si Felipe"
Mark 6:18
inilagay ang sarili laban sa
"pinanghawakan ito laban sa"
Mark 6:23
nakalagay sa bandehado
"nakalagay sa isang malaking pinggan"
Mark 6:26
ngunit dahil sa pangako at sa mga panauhin,
"dahil narinig ng kaniyang mga bisita nang sabihin niya ang pangako,"
nasa bandehado
"nasa isang malaking pinggan"
Mark 6:37
dalawang daang denario
"200 denario." Ang denario ay perang pilak ng mga Romano.
Limang tinapay at dalawang isda
"5 tinapay at 2 isda." .
Mark 6:39
tig-iisang daan at tig-lilimampu
"humigit-kumulang sa 100 at humigit-kumulang sa 50."
limang tinapay at ang dalawang isda
"ang 5 tinapay at ang 2 isda"
Mark 6:42
labindalawang basket
"12 basket"
limang libong mga kalalakihan
Maaaring isalin na: "5,000 kalalakihan at ang kanilang mga pamilya"
Mark 6:45
Betsaida
Ito ay isang bayan sa hilagang baybaying Dagat ng Galilea.
Mark 6:48
fourth watch
oras sa pagitan ng alas tres ng umaga at sa pagsikat ng araw.
Lakasan ninyo ang inyong loob! ...Huwag kayong matakot
Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasing-kahulugan, ginamit para masabi ito ng may diin, "Huwag kayong matakot sa akin!"
Mark 6:51
ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga isip.
"hindi nila maintindihan kung gaano siya kamakapangyarihan, na dapat ay maintindihan nila."
Mark 6:53
higaan
"banig na maaring buhatin para dalhin ang tao"
Mark 6:56
ang laylayan ng kaniyang damit
"ang dulo ng kaniyang damit" o "ang dulo ng kaniyang balabal"
Translation Questions
Mark 6:1
Bakit nagulat ang mga tao tungkol kay Jesus sa kaniyang sariling bayan?
Hindi alam ng mga tao kung saan niya nakuha ang mga katuruan ito, ang kaniyang karunungan, at ang kaniyang mga himala. [6:2]
Mark 6:4
Saan walang karangalan ang isang propeta na sinabi ni Jesus?
Sinabi ni Jesus na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan, sa kaniyang mga kamag-anak, at sa kaniyang sariling sambahayan.
Ano ang ikinamangha ni Jesus tungkol sa mga tao sa kaniyang sariling bayan?
Ikinamangha ni Jesus ang kawalan ng pananampalataya ng mga tao sa kaniyang sariling bayan. [6:6]
Mark 6:7
Anong kapangyarihan ang ibinigay ni Jesus sa Labindalawa nang ipadala niya ang mga ito?
Ibinigay ni Jesus sa Labindalawa ang kapangyarihan laban sa mga maruruming espiritu.
Ano ang dinala ng Labindalawa sa kanilang paglalakbay?
Dinala ng Labindalawa ang isang tungkod, sandalyas at isang tunika. [6:8-9]
Mark 6:10
Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng Labindalawa kung ang isang lugar ay hindi tumanggap sa kanila?
Sinabi ni Jesus sa Labindalawa na pagpagin ang alikabok sa kanilang mga paa bilang patotoo laban sa kanila. [6:11]
Mark 6:14
Sino si Jesus sa akala ng mga tao?
Inakala ng mga tao na si Jesus ay si Juan na tagapagbautismo, o si Elias, o isang propeta.
Mark 6:18
Ano ang sinabi ni Juan na Tagapagbautismo kay Herodes na ginagawa niyang hindi naaayon sa kautusan?
Sinabi ni Juan kay Herodes na hindi ito naaayon sa kautusan na pakasalan ni Herodes ang asawa ng kaniyang kapatid.
Paano tumugon si Herodes nang marinig niyang nangaral si Juan?
Nabagabag si Herodes nang marinig niya na nangaral si Juan, ngunit nagagalak pa rin siya na pakinggan ito. [6:20]
Mark 6:23
Anong pangako ang sinumpaan ni Herodes kay Herodias?
Ipinangako ni Herodes na makukuha niya ang anumang hilingin niya sa kaniya, hanggang sa kalahati ng kaniyang kaharian.
Ano ang kahilingan ni Herodias?
Hiniling ni Herodias ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo na nakalagay sa isang plato. [6:25]
Mark 6:26
Paano tumugon si Herodes sa kahilingan ni Herodias?
Labis na nalungkot si Herodes, ngunit hindi niya tinanggihan ang kaniyang kahilingan dahil sa mga pangako na nagawa niya sa harapan ng kaniyang mga bisita.
Mark 6:33
Anong nangyari nang si Jesus at ang mga apostol ay sinubukang pumunta sa malayo na sila lamang upang magpahinga?
Maraming tao ang nakakilala sa kanila at tumakbo upang maunahan si Jesus at ang mga apostol na makarating doon.
Ano ang saloobin ni Jesus para sa mga tao na naghihintay sa kanila?
Nahabag si Jesus sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. [6:34]
Mark 6:37
Nang tanungin ni Jesus, ano ang naisip ng mga alagad na dapat nilang gawin upang pakainin ang mga tao?
Naisip ng mga alagad na kinakailangan nilang umalis at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang dinaryo.
Anong pagkain ang mayroon ang mga alagad?
Mayroong limang tinapay at dalawang isda ang mga alagad.
Mark 6:39
Ano ang ginawa ni Jesus habang kinukuha niya ang mga tinapay at isda?
Habang kinukuha niya ang mga tinapay at isda, tumingala si Jesus sa langit, pinagpala at hinati-hati ang mga tinapay, at ibinigay ang mga ito sa kaniyang mga alagad. [6:41]
Mark 6:42
Gaano karaming pagkain ang natira pagkatapos makakain ang bawat isa?
May labindalawang basket ng tinapay, at mga piraso ng isda ang natira matapos makakain ang lahat. [6:43]
Ilang mga lalaki ang pinakain?
May limanlibong mga lalaki na pinakain.
Mark 6:48
Paano pinuntahan ni Jesus ang mga alagad sa lawa?
Naglalakad na pinuntahan ni Jesus ang mga alagad sa lawa.
Anong sinabi ni Jesus sa mga alagad nang siya ay makita nila?
Sinabi ni Jesus sa mga alagad na maging matapang sila at huwag matakot. [6:50]
Mark 6:51
Bakit hindi maintindihan ng mga alagad ang tungkol sa himala ng mga tinapay?
Hindi maiintindihan ng mga alagad ang tungkol sa himala ng mga tinapay dahil mabagal umintindi ang kanilang mga isip. [6:52]
Mark 6:53
Anong ginawa ng mga tao sa rehiyon nang makilala nila si Jesus?
Dinala ng mga tao kay Jesus ang mga may sakit na nasa kamilya kahit saan nila marinig na siya ay darating.
Mark 6:56
Anong nangyari sa mga humawak lamang sa laylayan ng damit ni Jesus?
Gumaling ang mga humawak sa laylayan ng damit ni Jesus.
Chapter 7
1 Nagtipon-tipon sa paligid niya ang mga Pariseo at ilang mga eskriba na nanggaling sa Jerusalem. 2 At nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumain ng tinapay na madungis ang kanilang mga kamay; na hindi nahugasan 3 (Dahil ang mga Pariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain hanggang hindi sila naghuhugas ng maigi ng kanilang mga kamay; pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga nakatatanda. 4 Tuwing nanggagaling sa pamilihan ang mga Pariseo, hindi sila kumakain hanggang hindi sila nakapaligo. At marami pang ibang mga patakaran ang mahigpit nilang sinusunod, kasama na rito ang paghuhugas ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan.) 5 Tinanong ng mga Pariseo at ng mga eskriba si Jesus, "Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad, sapagkat kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?" 6 Ngunit sinabi niya sa kanila, "Malinaw na sinabi ng propetang Isaias ang tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, isinulat niya, 'Pinaparangalan ako ng mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit malayo ang kanilang puso sa akin. 7 Walang laman ang pagsasamba na inaalay nila sa akin, itinuturo nila ang mga patakaran ng mga tao bilang kanilang doktrina.' 8 Tinalikuran ninyo ang kautusan ng Diyos at mahigpit ninyong pinanghahawakan ang kaugalian ng mga tao." 9 At sinabi niya sa kanila, "Madali ninyong tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang inyong kaugalian! 10 Sapagkat sinabi ni Moises, 'Igalang ninyo ang inyong ama at ina,' at 'Ang sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama at ina ay tiyak na mamamatay.' 11 Ngunit sinasabi ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kaniyang ama at ina, "Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban,"' (ibig sabihin, 'Ibinigay sa Diyos') - 12 kung gayon hindi na ninyo siya pinapayagang gumawa ng kahit na ano para sa kaniyang ama at ina. 13 Pinapawalang-bisa ninyo ang kautusan ng Diyos dahil sa mga ipinasa ninyong mga kaugalian. At marami pang mga bagay na katulad nito ang ginagawa ninyo." 14 Tinawag niyang muli ang maraming tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito. 15 Walang kahit anumang pumapasok sa tao ang makakapagpadungis sa kaniya. Ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya." 16 (Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, hayaang marinig niya.) 17 Ngayon nang iniwan ni Jesus ang maraming tao at pumasok sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad tungkol sa talinghaga. 18 Sinabi ni Jesus, "Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan? Hindi ba ninyo alam na kahit anong pumasok sa isang tao mula sa labas, ito ay hindi makapagpapadungis sa kaniya, 19 dahil hindi ito maaaring mapunta sa kaniyang puso kung hindi sa kaniyang sikmura at lalabas ito patungo sa palikuran." Dahil sa pahayag na ito, ginawang malinis ni Jesus ang lahat ng mga pagkain. 20 Sinabi niya, "Ang lumalabas sa tao ang siyang nakapagpapadungis sa kaniya. 21 Dahil kung ano ang sinasaloob ng tao, na nanggaling sa kaniyang puso, lalabas ang masasamang pag-iisip, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22 pangangalunya, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan. 23 Ang lahat ng mga ito na masasama ay nanggagaling sa loob, at ito ang mga nakakapagpapadungis sa isang tao." 24 Tumayo siya mula doon at umalis papunta sa lupain ng Tiro at Sidon. Pumasok siya sa isang bahay at hindi niya nais na malaman ng kahit na sino na naroroon siya, ngunit hindi niya nagawang makapagtago. 25 Subalit may isang babae na may anak na babae na sinapian ng maruming espiritu, nang nakarinig ng tungkol sa kaniya ay agad-agad lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan. 26 Ngayon ang babaing ito ay isang Griego na taga-Sirofenisa, ayon sa lahi. Nagmakaawa siya sa kaniya na palayasin ang demonyo sa kaniyang anak na babae. 27 Sinabi niya sa kaniya, "Hayaang pakainin muna ang mga bata. Sapagkat hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso." 28 Ngunit sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, "Opo, Panginoon, kahit ang mga aso na nasa ilalim ng lamesa ay kumakain ng mumo ng mga bata." 29 Sinabi niya sa kaniya, "Dahil sa sinabi mo ito, malaya ka nang makakaalis. Lumayas na ang demonyo sa anak mong babae." 30 Bumalik ang babae sa kaniyang bahay at nakita ang bata na nakahiga sa higaan, at wala na ang demonyo. 31 Pagkatapos ay muli siyang umalis mula sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon patungo sa Dagat ng Galilea, paakyat sa lupain ng Decapolis. 32 At dinala sa kaniya ang isang taong bingi at nahihirapang magsalita, at nagmakaawa sila sa kaniya na ipatong niya ang kaniyang kamay sa lalaki. 33 Inihiwalay niya siya mula sa maraming tao nang sarilinan at hinawakan niya ang kaniyang mga tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila. 34 Tumingala siya sa langit, at nagbuntong-hininga at sinabi sa kaniya, "Effata", na ang ibig sabihin ay, "Bumukas ka!" 35 Agad bumukas ang kaniyang pandinig at napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila at malinaw na siyang nakapagsasalita. 36 At ipinag-utos niya sa kanilang huwag itong ipagsabi sa kahit na sino. Ngunit habang lalo pa niya itong pinagbabawal, mas lalo nila itong inihahayag. 37 Lubos silang namangha at sinasabi nilang, "Mahusay ang lahat ng kaniyang ginawa. Nagagawa niyang makarinig ang bingi at makapagsalita ang pipi."
Mark 7:2
mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan
Kapag kumakain sila, sumasandal sila sa upuan sa hapag-kainan ang mga Judio. Maaaring isalin na: "mga lalagyan, at kahit ang mga upuan sa hapag-kainan"
Mark 7:5
Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad dahil kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?
"Hindi sinusunod ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng ating mga nakatatanda! Dapat silang maghugas ng kanilang mga kamay alinsunod sa ating mga ritwal!"
tinapay
pagkain
Mark 7:6
Malinaw na sinabi ng propetang Isaias ang tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, isinulat niya
Ang mga sumusunod na mga salita ay galing kay Isaias [[rc://tl/bible/notes/isa/29/13]].
Mark 7:8
mahigpit
matindi
nagsasalita ng masama
"na sumusumpa"
Mark 7:11
Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban
Ang kaugalian ng mga eskriba ay nagsasabi na kapag ang pera o ibang mga bagay ay naipangako na sa templo, hindi na ito maaaring gamitin sa kahit na ano pang mga bagay.
Corban
Gustong ipaalam ng sumulat sa mga mambabasa kung paano ang tunog nito kapag binabasa, kaya isulat ito gamit ang mga alpabeto ng inyong wika upang maging katunog nito ang salita.
Mark 7:14
Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito
Ang mga salitang "makinig" at "unawain" ay magkaugnay. Magkasama itong ginamit ni Jesus upang bigyang-diin na dapat pagtuunan ng pansin ng kaniyang mga taga-pakinig kung ano ang kaniyang sinasabi.
Ang mga bagay na lumalabas sa tao
"Ito ay ang panloob na kaanyuan ng isang tao" o "Ito ay ang iniisip, sinasabi, o ginagawa ng isang tao"
Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, makinig siya.
Wala ang bersikulong ito sa mga itinuturing na magandang sinaunang kasulatan..
Mark 7:17
Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan
Maaaring isalin na: "Matapos ang lahat ng aking mga sinabi at mga ginawa, inaasahan kong naiintindihan na ninyo."
Mark 7:24
nagpatirapa
"lumuhod"
taga-Sirofenisa
Siya ay ipinanganak sa lungsod ng Phoenicia sa Syria.
Mark 7:27
Hayaang pakainin muna ang mga bata
"Dapat maunang kumain ang mga bata" o "Dapat unahin kong pakainin ang mga bata."
mga bata
Ang mga bata ay tumutukoy sa mga Judio. Maaaring isalin na: "Nararapat kong pagsilbihan muna ang mga Judio."
tinapay
pagkain
mga aso
Ang mga aso ay tumutukoy sa mga Gentil.
kahit ang mga aso ay kumakain ng mumo ng mga bata sa ilalim ng lamesa
"maaari mo akong paglingkuran, isang Gentil, sa maliit na paraang ito"
mumo
maliliit na pira-pirasong tinapay
Mark 7:31
dumaan sa
"naglakbay patungo sa"
Decapolis
"ang Sampung mga Bayan," isang rehiyon sa timog-silangan ng Dagat ng Galilea.
taong bingi
"na hindi makarinig"
nahihirapang magsalita
"hindi makapagsalita ng maayos"
Mark 7:33
Effata
Gustong ipaalam ng sumulat sa mga mambabasa kung paano ang tunog nito kapag binabasa, kaya isulat ito gamit ang mga alpabeto ng inyong wika na malapit sa tunog ng "effatha".
nagbuntong-hininga
huminga ng mahaba at malalim upang ipakita na hindi siya natutuwa
napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila
"pinaalis ni Jesus ang humahawak sa kaniyang dila" o "pinagaling siya ni Jesus sa kaniyang hindi pagsasalita ng maayos"
Translation Questions
Mark 7:2
Ano ang ginagawa ng ilan sa mga alagad ni Jesus na naka-insulto sa mga Pariseo at mga eskriba?
Ang ilan sa mga alagad ay kumakain nang hindi naghuhugas ng kamay. [7:2]
Kaninong kaugalian ang dapat maghugas muna ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, at upuan sa hapag-kainan bago kumain?
Iyon ay kaugalian ng mga nakatatanda na ang mga kamay, tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan ay dapat hugasan bago kumain. [7:3-4]
Mark 7:6
Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo at mga eskriba tungkol sa kanilang itinuturo tungkol sa paksa ng paghuhugas?
Sinabi ni Jesus na ang mga Pariseo at mga eskriba ay mga mapagpaimbabaw, nagtuturo sila ng mga kautusan ng tao habang inaabanduna ang kautusan ng Diyos. [7:6-7]
Mark 7:8
Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo at mga eskriba tungkol sa kanilang itinuturo tungkol sa paksa ng paghuhugas?
Tinalikuran nila ang kautusan ng Diyos at mahigpit na kumapit sila sa tradisyon ng tao." At sinabi niya sa kanila na madali nilang tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang kanilang mga kaugalian. [7:8-9]
Mark 7:11
Paano ipinawalang-bisa ng mga Pariseo at mga eskriba ang kautusan ng Diyos na nagsasabing igalang ang inyong ama at ina?
Pinawalang-bahala nila ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga tao na ibigay sa kanila bilang Corban ang salaping maaaring makatulong sa kanilang mga magulang. [7:11-13]
Mark 7:14
Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi nakapagpapadungis sa isang tao?
Sinabi ni Jesus na walang nagmumula sa labas ng isang tao ang maaaring makapagparumi sa kaniya kapag pumasok ito sa kaniya. [7:15,18-19]
Ano ang sinasabi ni Jesus ang nakapagpapadungis sa isang tao?
Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya. [7:15,20-23]
Mark 7:17
Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi nakapagpapadungis sa isang tao?
Sinabi ni Jesus na walang nagmumula sa labas ng isang tao ang maaaring makapagparumi sa kaniya kapag pumasok ito sa kaniya. [7:15,18-19]
Anong uri ng mga pagkain ang ginawang malinis ni Jesus?
Pinahayag ni Jesus ang lahat ng mga pagkain bilang malinis. [7:19]
Mark 7:20
Ano ang sinasabi ni Jesus na nakapagpapadungis sa isang tao?
Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya. [7:15,20-23]
Anong tatlong bagay ang sinabi ni Jesus na maaaring lumalabas sa isang tao na makapagpapadungis sa kaniya?
Sinabi ni Jesus na ang masasamang pag-iisip, seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22pakiki-apid, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan ay maaaring lumabas sa isang tao upang padumihin siya. [7:21-22]
Mark 7:24
Ang babae bang may anak na babae na may maduming espiritu ay Judio o Griego?
Ang babaeng may anak na babae na may maruming espiritu ay isang Griyego. [7:25-26]
Mark 7:27
Paano sumagot ang babae nang sabihin sa kaniya ni Jesus na hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso?
Sinabi ng babae na kahit ang mga aso sa ilalim ng lamesa ay kinakain ang mga mumo ng mga bata. [7:28]
Mark 7:29
Ano ang ginawa ni Jesus para sa babae?
Pinalayas ni Jesus ang demonyo sa anak na babae ng babae. [7:29-30]
Mark 7:33
Nang dalhin ang lalaking bingi at nahihirapang magsalita kay Jesus, ano ang ginawa niya upang pagalingin siya?
Hinawakan niya ang kaniyang tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila. Tumingala siya sa langit at nagbuntong hininga. Sinabi niya sa kaniya, "Ephphatha", na ang ibig sabihin ay, "Bukasan!" [7:33-34]
Mark 7:36
Ano ang ginawa ng mga tao nang sabihin sa kanila ni Jesus na huwag sabihin sa kahit na sino ang kaniyang pagpapagaling?
Habang ipinag-uutos ni Jesus sa kanila na manahimik, lalo nila itong ipinagsasabi. [7:36]
Chapter 8
1 Sa mga araw na iyon, naroon muli ang maraming tao at wala silang makain. Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, 2 "Naaawa ako sa mga tao dahil patuloy nila akong sinamahan ng tatlong araw at wala silang makain. 3 Kung pauuwiin ko sila sa kanilang mga tahanan na hindi pa nakakakain, maaari silang himatayin sa daan. At nagmula pa sa malayo ang ilan sa kanila." 4 Sinagot siya ng kaniyang mga alagad, "Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?" 5 Tinanong sila ni Jesus, "Ilang tinapay ang mayroon kayo?" Sinabi nila, "Pito." 6 Inutusan niyang umupo sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat at hinati-hati ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamigay nila, at ipinamigay nila ang mga ito sa mga tao. 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda, at matapos siyang makapagpasalamat para sa mga ito, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na ipamahagi din ito. 8 Kumain sila at nabusog. At kinuha nila ang mga natirang pinaghati-hati, umabot ang mga ito sa pitong malalaking basket. 9 May apat na libo ang mga taong naroroon. At pinauwi niya sila. 10 Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at pumunta sila sa rehiyon ng Dalmanuta. 11 At pumunta ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kaniya. Humingi sila sa kaniya ng palatandaan mula sa langit upang subukin siya. 12 Napabuntong-hininga siya sa kaniyang espiritu at kaniyang sinabi, "Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito? Totoong sinasabi ko sa inyo, walang palatandaang ibibigay sa salinlahing ito." 13 Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus, muling sumakay sa bangka, at pumunta sa kabilang dako. 14 Ngayon nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay. Mayroon lamang silang natitirang isang tinapay sa bangka. 15 Binalaan niya sila at sinabi, "Magmasid kayo at magbantay laban sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes." 16 Nangatwiran ang mga alagad sa isa't isa, "Ito ay dahil wala tayong tinapay." 17 Batid ito ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ipinangangatwirang wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo nababatid? Hindi ba ninyo nauunawaan? Naging tigang na ba ang inyong mga puso? 18 Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi pa rin ba ninyo naaalala? 19 Nang hinati ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket ang inyong napuno ng mga hinati-hating tinapay?" Sinabi nila sa kaniya, "Labindalawa." 20 "At nang hinati-hati ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang basket ang inyong napuno?" Sinabi nila sa kaniya, "Pito." 21 Sinabi niya, "Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan?" 22 Nakarating sila sa Betsaida. Dinala sa kaniya ng mga tao doon ang isang lalaking bulag at pinakiusapan nila si Jesus na hawakan siya. 23 Inalalayan ni Jesus ang lalaking bulag at dinala siya palabas ng nayon. Nang niluraan niya ang kaniyang mga mata at pinatong ang kaniyang kamay sa kaniya, tinanong niya ito, "May nakikita ka bang anumang bagay?" 24 Tumingin siya at sinabi, "Nakakakita ako ng mga taong parang mga punong naglalakad." 25 Kaya ipinatong niyang muli ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata, at iminulat ng lalaki ang kaniyang mga mata, nanumbalik ang kaniyang paningin, at malinaw niyang nakita ang lahat ng mga bagay. 26 Pinauwi siya ni Jesus sa kaniyang tahanan at sinabi, "Huwag kang papasok sa bayan." 27 Umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad patungo sa nayon ng Cesarea Filipos. Sa daan tinanong niya ang kaniyang mga alagad, "Sino ako ayon sa mga sinasabi ng mga tao?" 28 Sumagot sila at sinabi, "Si Juan na Tagabautismo. Sinasabi ng iba, 'si Elias,' at ang iba, 'Isa sa mga propeta.'" 29 Tinanong sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Ikaw ang Cristo." 30 Binalaan sila ni Jesus na huwag ipagsabi sa kahit kanino ang tungkol sa kaniya. 31 At nagsimula siyang magturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon matapos ang tatlong araw. 32 Malinaw niya itong sinabi. At dinala siya ni Pedro sa isang tabi at nagsimula siyang pagsabihan. 33 Ngunit lumingon si Jesus at tumingin sa kaniyang mga alagad at sinaway niya si Pedro at sinabi, "Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos ngunit pinahahalagahan mo ang mga bagay tungkol sa mga tao." 34 Pagkatapos tinawag niya ang maraming tao, kasama ng kaniyang mga alagad, at sinabi niya sa kanila, "Kung sinuman ang nagnanais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin. 35 Sapagkat ang sinumang nais magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito at sinumang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin at para sa ebanghelyo ay makapagliligtas nito. 36 Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay? 37 Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kaniyang buhay? 38 Kapag ikinahiya ako at ang aking salita ng sinuman sa mapangalunya at makasalanang salinlahing ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel."
Mark 8:1
tatlong araw
"3 araw"
maaari silang himatayin
Mga maaaring kahulugan: 1) "maaaring pansamantala silang mawalan ng malay" o 2) "maaari silang manghina"
Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?
Ang mga alagad ay nagpapakita ng pagkagulat na inaasahan ni Jesus na makakakita sila ng sapat na pagkain. Maaaring isalin na: "Ang lugar na ito ay ilang at wala tayong mapagkukunan ng sapat na tinapay dito upang busugin ang mga taong ito!" (UDB)
Mark 8:5
umupo
Gamitin ang salita sa inyong mga wika, na kung paano nakasanayan ng mga taong kumain nang walang mesa, maging paupo o pahiga.
Mark 8:7
Dalmanuta
Ito ay isang lugar sa hilagang-kanlurang baybayin ng Dagat ng Galilea.
Mark 8:11
humingi
"sinubukang makakuha"
Napabuntong-hininga
Tingnan kung paano ninyo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/mrk/07/33]].
Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito?
Pinagsasabihan sila ni Jesus. Maaaring isalin na: Ang salinlahing ito ay hindi dapat maghanap ng palatandaaan."
ang salinlahing ito
"lahat kayong mga tao"
Mark 8:14
lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes
Maaaring isalin na: "mga maling katuruan ng mga Pariseo at ang mga maling katuruan ni Herodes"
Magmasid at magbantay
Ang dalawang salitang ito ay magkasing-kahulugan at inulit dito para sa pagbibigay diin.
Mark 8:16
Bakit ninyo ipinangangatwirang wala kayong tinapay?
Nadismaya si Jesus dahil hindi nila nauunawaan. Maaaring isalin na: "Hindi ninyo dapat iniisip na ako ay nagsasalita tungkol sa totoong tinapay." Tingnan sa:
Mark 8:18
Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi pa rin ba ninyo naaalala?
Nadismaya si Jesus dahil hindi nila nauunawaan. Maaaring isalin na: "Mayroon kayong mga mata, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang inyong nakikita! Mayroon kayong mga tainga, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang inyong naririnig! Dapat ninyong tandaan!" (Tingnan sa:}
Mark 8:20
Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan?
Maaaring isalin na: Dapat nauunawaan na ninyo ngayon na hindi ako nagsasalita tungkol sa totoong tinapay."
Mark 8:22
Betsaida
Ito ay isang lungsod sa silangan ng Ilog ng Jordan
Mark 8:31
ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda at ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon
Maaaring isalin na: "ang Anak ng Tao ay itatakwil ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba at papatayin, at muli siyang bubuhayin ng Diyos"
tatlong araw
"3 araw"
Mark 8:35
Sapagkat
Sinasabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang dahilan kung bakit kailangan nilang isipin na sila ay katulad ng mga kriminal na malapit nang mamatay
( [[rc://tl/bible/notes/mrk/08/33]]).
Mark 8:38
Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel
Si Jesus, ang Anak ng Tao na siya ring Anak ng Diyos ay babalik na may kaluwalhatiang gaya din ng kaniyang Ama.
Anak ng Tao
Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus.
Translation Questions
Mark 8:1
Anong pagmamalasakit ang sinabi ni Jesus tungkol sa napakaraming taong sumusunod sa kaniya?
Sinabi ni Jesus na nagmamalasakit siya dahil walang makain ang napakaraming tao.
Mark 8:5
Ilang tinapay mayroon ang mga alagad?
Mayroong pitong tinapay ang mga alagad.
Ano ang ginawa ni Jesus sa mga tinapay ng mga alagad?
Nagpasalamat si Jesus, hinati-hati ang mga tinapay, at ibinigay ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi.
Mark 8:7
Ilang tao ang kumain at nabusog?
Humigit-kumulang apat na libong tao ang kumain at nabusog.
Gaano karaming pagkain ang natira matapos makakain ang lahat?
Pitong basket ng pagkain ang natira matapos na makakain ang lahat.
Mark 8:11
Upang subukin siya, ano ang nais ng mga Pariseo na gawin ni Jesus?
Nais ng mga Pariseo na bigyan sila ni Jesus ng palatandaan mula sa langit.
Mark 8:14
Patungkol saan binalaan ni Jesus ang kaniyang mga alagad tungkol sa mga Pariseo?
Binalaan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na magbantay sa pampaalsa ng mga Pariseo.
Mark 8:16
Ano ang inisip ng mga alagad tungkol sa sinasabi ni Jesus?
Inisip ng mga alagad na ang sinasabi ni Jesus ay tungkol sa katotohanang nakalimutan nilang magdala ng tinapay.
Mark 8:18
Ano ang ipinaalala ni Jesus sa kaniyang mga alagad na nangyari nang hinati-hati niya ang limang tinapay?
Ipinaalala ni Jesus sa kanila na noong hinati-hati niya ang limang tinapay, limang libong tao ang nakakain at labindalawang basket na puno ng mga piraso nito ang naipon.
Mark 8:22
Anong dalawang bagay ang unang ginawa ni Jesus sa lalaking bulag upang mapanumbalik ang kaniyang paningin?
Niluraan muna ni Jesus ang kaniyang mga mata at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya.
Mark 8:24
Anong ikatlong bagay ang ginawa ni Jesus sa lalaking bulag upang tuluyang mapanumbalik ang kaniyang paningin?
Ipinatong ni Jesus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata.
Mark 8:27
Sino si Jesus ayon sa sinasabi ng mga tao?
Sinasabi ng mga tao na si Jesus ay si Juan na Tagapagbautismo, si Elias, o isa sa mga propeta.
Mark 8:29
Sino si Jesus ayon kay Pedro?
Ayon kay Pedro, si Jesus ang Cristo.
Mark 8:31
Tungkol sa anong mga pangyayari sa hinaharap ang sinimulang ituro ni Jesus ng malinaw sa kaniyang mga alagad?
Itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa, itakwil, patayin, at muling mabubuhay matapos ang tatlong araw.
Mark 8:33
Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro nang sinimulan siyang pagsabihan nito?
Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos, kundi ang mga bagay tungkol sa mga tao."
Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng sinumang nagnanais na sumunod sa kaniya?
Sinabi ni Jesus na ang sinumang nagnanais na sumunod sa kaniya ay kailangang ikaila ang kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus.
Mark 8:35
Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagnanais ng isang taong makuha ang mga bagay sa mundo?
Sinabi ni Jesus, "Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay?"
Mark 8:38
Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya tungkol sa mga taong ikinahihiya siya at ang kaniyang mga salita?
Sinabi ni Jesus na sa kaniyang pagbabalik, ikahihiya niya ang mga taong ikinahihiya siya at ang kaniyang mga salita.
Chapter 9
1 At sinabi niya sa kanila, "Totoo itong sasabihin ko sa inyo, mayroong ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan." 2 At makalipas ang anim na araw, sinama ni Jesus si Pedro, Santiago at Juan na umakyat sa mataas na bundok, na sila lang ang naroon. Pagkatapos, nagbago ang kaniyang anyo sa kanilang harapan. 3 Ang kaniyang kasuotan ay kumikinang nang napakaliwanag, labis na maputi, mas maputi kaysa sa anumang pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito. 4 Pagkatapos ay nagpakita sa kanila si Elias kasama si Moises, at nakikipag-usap sila kay Jesus. 5 Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, "Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto kaya hayaan mo kaming gumawa ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." 6 (Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.) 7 Isang ulap ang dumating at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang boses ang nagmula sa ulap, "Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya." 8 Biglang, nang sila ay lumingon sa paligid, wala silang ibang nakitang kasama nila kundi si Jesus lamang. 9 Habang sila ay bumababa ng bundok, inutusan niya na walang sinuman ang kanilang pagsasabihan kung ano ang kanilang nakita, hanggang ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa patay. 10 Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili, ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig sabihin ng "bumangon mula sa patay." 11 Siya ay tinanong nila, "Bakit sinasabi ng mga eskriba na dapat maunang dumating si Elias?" 12 Sinabi niya sa kanila, "Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman? 13 Ngunit sinasabi ko sa inyo na si Elias ay dumating na at ginawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa kaniya, tulad ng sinasabi ng kasulatan tungkol sa kaniya." 14 At nang makabalik sila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo ang mga eskriba sa kanila. 15 At nang makita nila si Jesus, namangha ang lahat ng mga tao at kaagad nagsipagtakbuhan papunta sa kaniya upang siya ay batiin. 16 Tinanong niya ang kaniyang mga alagad, "Ano ang inyong pinagtatalunan sa kanila?" 17 Sinagot siya ng isa sa mga taong naroroon, "Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki, mayroon siyang espiritu na pumipigil sa kaniya na makapagsalita, 18 at nagiging sanhi ito ng kaniyang pangingisay at ibinabagsak siya nito, bumubula ang kaniyang bibig, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ito sa kaniya ngunit hindi nila ito magawa." 19 Sinagot sila ni Jesus, "Salinlahing walang pananampalataya, hanggang kailan ba ako kailangang manatili kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin." 20 Dinala nila ang batang lalaki sa kaniya. Nang makita ng espiritu si Jesus, kaagad siya nitong pinangisay. Natumba ang bata sa lupa at bumula ang bibig. 21 Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, "Gaano na siya katagal na ganito?" Sinabi ng ama, "Mula pagkabata. 22 Madalas siyang tinatapon nito sa apoy o sa tubig at sinubukan siya nitong patayin. Kung may magagawa kang kahit ano, kaawaan mo kami at tulungan mo kami." 23 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "'Kung may magagawa'? Ang lahat ay magagawa sa mga naniniwala." 24 Agad na sumigaw ang ama ng bata at nagsabi, "Naniniwala ako! Tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!" 25 Nang makita ni Jesus ang mga tao na tumatakbo papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang espiritu at sinabi, "Ikaw pipi at binging espiritu, inuutusan kita, lumabas ka at huwag nang bumalik pa sa kaniya." 26 Sumigaw ito at matinding pinangisay ang bata at pagkatapos ay lumabas. Nagmukhang parang isang patay ang bata kaya marami ang nagsabi, "Patay na siya." 27 Ngunit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at ibinangon siya, at tumayo ang batang lalaki. 28 Nang pumasok si Jesus sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad ng sarilinan. "Bakit hindi namin iyon mapalayas?" 29 Sinabi niya sa kanila, "Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin." 30 Umalis sila mula roon at dumaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng kahit sino kung nasaan sila, 31 sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao, at siya ay papatayin nila. Kung siya ay pinatay na, babangon siyang muli pagkalipas ng tatlong araw." 32 Ngunit hindi nila naintindihan ang pahayag na ito, at natakot silang tanungin siya. 33 At dumating sila sa Capernaum. At nang siya ay nasa loob ng bahay, tinanong niya sila, "Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?" 34 Ngunit sila ay tahimik. Sapagkat habang sila ay nasa daan nakikipagtalo sila sa isa't isa kung sino ang pinakadakila sa kanila. 35 Umupo siya at tinawag ang Labindalawa nang magkakasama, at sinabi niya sa kanila, "Kung sino man ang nais mauna, dapat siyang maging huli sa lahat at maging tagapaglingkod ng lahat." 36 Kumuha siya ng isang maliit na bata at pinaupo sa kanilang kalagitnaan. Binuhat niya ito at sinabi sa kanila, 37 "Sinumang tumanggap sa isang batang katulad nito sa aking pangalan ay tumanggap din sa akin, at kung sinuman ang tumanggap sa akin, hindi lamang ako ang tinanggap niya, kundi maging ang nagsugo sa akin." 38 Sinabi ni Juan sa kaniya, " Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa iyong pangalan at pinatigil namin siya, dahil hindi siya sumusunod sa atin." 39 Ngunit sinabi ni Jesus, "Huwag ninyo siyang patigilin, sapagkat walang sinuman ang gagawa ng dakilang bagay sa pangalan ko at pagkatapos ay magsasalita ng anumang masama tungkol sa akin. 40 Sinumang hindi laban sa atin ay sumasa atin, 41 Sinumang magbigay sa inyo ng isang tasa ng tubig upang inumin dahil kabilang kayo kay Cristo, totoong sinasabi ko sa inyo, hindi mawawala ang kaniyang gantimpala. 42 Ang sinumang nagiging dahilan na madapa ang isa sa mga bata na ito na naniniwala sa akin, mas mabuti pa sa kaniya na talian ang kaniyang leeg ng malaking gilingang bato at itapon siya sa dagat. 43 Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. 44 (kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay) 45 Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno. 46 (kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay.) 47 Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno, 48 kung saan hindi namamatay ang kanilang mga uod at hindi namamatay ang apoy. 49 Dahil ang lahat ay maasinan ng apoy. 50 Ang asin ay mabuti, ngunit kung mawala ang pagka-alat nito, paano mo ito mapapaalat muli? Taglayin ninyo ang asin sa inyong mga sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't-isa."
Mark 9:1
nagbago ang kaniyang anyo
"kakaibang anyo" (UDB)
kumikinang nang napakaliwanag
"napaka-puti"
pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito
Ang "pampaputi" ay isang kemikal na ginagamit upang tanggalin ang mantsa mula sa mga damit at upang gawin silang maputi. Ang "Nagpapaputi" ay isang tao na tumatanggal ng mantsa.
Mark 9:4
lubhang natakot
"labis na natakot"
Mark 9:7
Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya
Ipinahayag ng Diyos Ama ang kaniyang pag-ibig para sa kaniyang "minamahal na Anak," Ang Anak ng Diyos.
minamahal na Anak
Ito ay mahalagang katawagan para kay Jesus, ang Anak ng Diyos.
Mark 9:9
Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili
"Kaya hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa bagay na ito kasama ang kahit na sinong hindi nakita na nangyari ang mga ito.
bumangon mula sa mga patay
"mabuhay muli matapos mamatay"
Mark 9:11
Tunay na mauunang darating si Elias...kasusuklaman siya ng mga tao?
Ipinahayag na ng propesiya na muling darating si Elias mula sa langit, pagkatapos ay ang Mesiyas, ang Anak ng Tao ay darating upang mamuno at maghari. Ipinahayag din ng ibang propesiya na ang Anak ng Tao ay daranas ng hirap at kapopootan ng mga tao. Ang mga alagad ay nalito kung paanong ang mga ito ay parehong magiging totoo.
si Elias ay dumating
Sa mga propesiya, kadalasan ay mayroong dalawang katuparan.
Mark 9:14
nakikipagtalo
"pinag-uusapan" o "tinatanong"
Mark 9:17
palayasin ito sa kaniya
"palayasin ang espiritu sa aking anak"o "palayasin ang demonyo sa malayo"
ko kayo pagtiitiisan
"pagtitiisan kayo" o "magpatuloy kasama kayo"
Mark 9:20
kaawaan
"kahabagan" o "magkaroon ng kagandahang loob"
Mark 9:23
Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung magagawa mo? Ang lahat...naniniwala."
Sinasaway ni Jesus ang pag-aalinlangan ng lalaki. Maaaring isalin na: "Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Bakit mo sinasabing "Kung magagawa mo?"! lahat ay...naniniwala."'o " Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Hindi mo dapat sinabing, "Kung magagawa mo!" lahat ng bagay... naniniwala."
Mark 9:26
Nagmukhang parang isang patay ang bata
"Ang bata ay nagmistulang patay" o "Ang bata ay parang patay"
Mark 9:28
Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin
Ang salitang "hindi" at "maliban" ay parehong mga negatibong salita. Sa ibang wika mas natural na gumamit ng positibong pahayag. Maaaring isalin na: "Ang ganitong klase ay mapapalayas lamang sa pamamagitan ng panalangin."
Mark 9:30
dumaan sa
"pumunta sa " or "dumaan"
tatlong araw
"3 araw"
Mark 9:38
nagpapalayas ng demonyo
"nagpapalayas ng demonyo sa malayo"
Mark 9:40
hindi mawawala
Ang "hindi mawawala" ay parehong negatibo. Sa ibang wika mas natural na gumamit ng positibong pahayag. Maaaring isalin na: "tanggapin"
Mark 9:42
gilingang bato
Ito ay isang malaking bato na ginagamit pang giling ng butil upang maging harina.
apoy na hindi namamatay
"apoy na hindi mapatigil"
kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay
Wala ito sa itinuturing na pinakamagandang sinaunang kopya ng Kasulatan.
Mark 9:45
maitapon sa impiyerno
"at para itapon ka ng Diyos sa impiyerno"
kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay.
Tingnan ang talaan ng bersikulo 46.
Mark 9:47
ang kanilang mga uod
"ang mga uod na kumain sa kanilang mga patay na katawan"
Translation Questions
Mark 9:1
Sino ang sinabi ni Jesus na makakakita ng kaharian ng Diyos na darating ng may kapangyarihan?
Sinabi ni Jesus na ilan sa mga nakatayo doon na kasama niya ay hindi mamamatay bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan.
Ano ang nangyari kay Jesus nang sina Pedro, Santiago at Juan ay umakyat sa mataas na bundok kasama niya?
Si Jesus ay nagbago ng anyo at ang kaniyang kasuotan ay naging napakakinang.
Mark 9:4
Sino ang nakikipag-usap kay Jesus sa bundok?
Nakikipag-usap kayn Jesus sina Elias at Moises.
Mark 9:7
Sa bundok, ano ang sinabi ng tinig mula sa ulap?
Sinabi ng tinig, "Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya."
Mark 9:9
Ano ang iniutos ni Jesus sa mga alagad tungkol sa kanilang nakita sa bundok?
Inutusan sila ni Jesus na wala silang pagsasabihan sa kung ano ang kanilang nakita, hanggang sa ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa mga patay.
Mark 9:11
Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagdating ni Elias?
Sinabi ni Jesus na si Elias ay mauunang darating upang ibalik sa dati ang lahat ng mga bagay, at si Elias ay dumating na nga.
Mark 9:17
Ano ang hindi kayang gawin ng mga alagad para sa ama at sa kaniyang anak?
Hindi kayang paalisin ng mga alagad ang masamang espiritu mula sa anak ng ama.
Mark 9:20
Saan itinapon ng masamang espiritu ang batang lalaki upang subukan siyang sirain?
Itinapon ng masamang espiritu ang batang lalaki sa apoy o sa tubig upang subukan siyang sirain.
Mark 9:23
Paano tumugon ang ama nang sabihin ni Jesus na ang lahat ng bagay ay maaari sa kaniya na naniniwala?
Tumugon ang ama na, "Naniniwala ako! tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!"
Mark 9:28
Bakit hindi kayang palayasin ng mga alagad ang pipi at binging espiritu sa batang lalaki?
Hindi kayang palayasin ng mga alagad ang espiritu dahil hindi ito mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.
Mark 9:30
Ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na mangyayari sa kaniya?
Sinabi ni Jesus sa kanila na siya ay papatayin, at pagkatapos ng ikatatlong araw siya ay muling mabubuhay.
Mark 9:33
Ano ang pinagtatalunan ng mga alagad sa daan?
Pinagtatalunan ng mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.
Sino ang sinabi ni Jesus na magiging una?
Sinabi ni Jesus na ang magiging una ay ang siyang lingkod ng lahat.
Mark 9:36
Kapag tinanggap ng sinuman ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus, sino ang kanila ring tinatanggap?
Kapag tinanggap ng sinuman ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus, tinatanggap rin nila si Jesus at ang nagsugo kay Jesus.
Mark 9:42
Ano ang mas mabuti sa sinumang nagiging dahilan ng pagkadapa ng isang bata na naniniwala kay Jesus?
Mas mabuti pa sa taong iyon kung ang isang gilingang bato ay nakatali sa kaniyang leeg at siya ay itapon sa dagat.
Mark 9:47
Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin sa anumang bagay na nagdudulot sa iyo upang madapa?
Sinabi ni Jesus na alisin ang anumang nagiging dahilan sa iyo upang madapa.
Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin sa iyong mata kung ito ay nagiging dahilan upang ikaw ay madapa?
Sinabi ni Jesus na tanggalin mo ang ang iyong mata kung ito ay nagiging sanhi ng iyong pagkadapa.
Ano ang sinabi ni Jesus na nangyayari sa impiyerno?
Sinabi ni Jesus na sa impiyerno ang mga uod ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi mapapatigil.
Chapter 10
1 Iniwan ni Jesus ang lugar na iyon at pumunta sa rehiyon ng Judea at sa lugar lampas sa Ilog ng Jordan at muling pumunta ang mga tao sa kaniya. Tinuruan niyang muli ang mga ito, gaya ng kaniyang nakagawian. 2 At pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya at nagtanong, "Naaayon ba sa batas ang hiwalayan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa?" 3 Sumagot siya, "Ano ba ang iniutos sa inyo ni Moises?" 4 Sinabi nila, "Pinahintulutan ni Moises ang lalaki na sumulat ng katibayan ng paghihiwalay at pagkatapos ay paaalisin siya." 5 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ito ay dahil sa matitigas ninyong mga puso, kaya isinulat niya ang batas na ito. 6 Ngunit sa simula pa lamang ng paglikha, 'Ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.' 7 'Sa kadahilanang ito, iiwanan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makipisan sa kaniyang asawa, 8 at ang dalawa ay magiging isang laman.' Kaya hindi na sila dalawa, kundi iisang laman. 9 Kaya ang pinagbuklod ng Diyos, huwag paghiwalayin ng tao." 10 Nang nasa bahay na sila, muli siyang tinanong ng kaniyang mga alagad tungkol dito. 11 Sinabi niya sa kanila, "Sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng ibang babae ay nangangalunya laban sa kaniya. 12 At kung makikipaghiwalay ang babae sa kaniyang asawa at mag-asawa ng ibang lalaki, siya ay nangangalunya." 13 At dinala nila ang kanilang mga anak sa kaniya upang sila ay maaari niyang hawakan, ngunit sinaway sila ng mga alagad. 14 Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, "Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos. 15 Totoo, sinasabi ko ito sa inyo, sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang maliit na bata ay tiyak na hindi makakapasok dito." 16 Pagkatapos, kinalong niya ang mga bata at binasbasan niya sila sa pagpatong ng kaniyang kamay sa kanila. 17 At nang simulan niya ang kaniyang paglalakbay, patakbong lumapit sa kaniya ang isang lalaki at lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?" 18 At sinabi ni Jesus, "Bakit mo ako tinawag na mabuti? "Walang sinuman ang mabuti, maliban lamang sa Diyos. 19 Alam mo ang mga kautusan: 'Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magpapatotoo ng kasinungalingan, huwag kang mandaraya, igalang mo ang iyong ama at ina'." 20 Sinabi ng lalaki, "Guro, sinunod ko ang lahat ng mga bagay na ito magmula pa sa aking pagkabata." 21 Tiningnan siya ni Jesus at minahal siya. Sinabi niya sa kaniya, "Isang bagay ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ibigay sa mga mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay sumunod ka sa akin." 22 Ngunit pinanghinaan siya ng loob sa mga pahayag na ito, umalis siya na lubusang nalungkot sapagkat marami siyang ari-arian. 23 Tumingin si Jesus sa kaniyang paligid at sinabi sa kaniyang mga alagad, "Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!" 24 Namangha ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Ngunit muling sinabi ni Jesus sa kanila, "Mga bata, napakahirap ang makapasok sa kaharian ng Diyos! 25 Mas madali pang makapasok sa butas ng karayom ang kamelyo, kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos." 26 Labis silang namangha at sinabi sa isa't isa, "Kung gayon sino ang maliligtas?" 27 Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, " Hindi magagawa ito sa mga tao, ngunit hindi sa Diyos. Sapagkat magagawa ng Diyos ang lahat." 28 Nagsimulang magsalita sa kaniya si Pedro, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo." 29 Sinabi ni Jesus, "Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita, 30 ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. 31 Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna." 32 Nasa daan sila, paakyat sa Jerusalem at nauuna si Jesus sa kanila. Namangha ang mga alagad at ang mga sumusunod ay natatakot. At muling ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at nagsimulang sabihin sa kanila ang nalalapit na mangyayari sa kaniya, 33 "Tingnan ninyo, pupunta tayo sa Jerusalem, at ihaharap ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga Gentil. 34 Kukutyain nila siya, duduraan, hahagupitin at kanilang papatayin. Ngunit mabubuhay siya pagkatapos ng tatlong araw." 35 Pumunta sa kaniya sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo at sinabi, "Guro, gusto naming gawin mo para sa amin ang kahit anong hingin namin sa iyo." 36 Sinabi niya sa kanila, "Anong gusto ninyong gawin ko para sa inyo?" 37 Sinabi nila, "Payagan mo kaming umupo na kasama mo sa iyong kaluwalhatian, isa sa iyong kanang kamay at ang isa sa iyong kaliwa." 38 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, "Hindi ninyo alam ang inyong hinihingi. Makakaya ba ninyong uminom sa tasang iinuman ko o tiisin ang bautismo na ibabautismo sa akin?" 39 Sinabi nila sa kaniya, "Makakaya namin." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang tasang iinuman ko, iinuman ninyo at ang bautismo na ibabautismo sa akin, titiisin ninyo. 40 Ngunit kung sino ang uupo sa aking kanang kamay o sa aking kaliwang kamay, hindi ako ang magkakaloob kundi para ito sa kaninumang naihanda na." 41 Nang marinig ng iba pang sampung alagad ang tungkol dito, nagsimula silang magalit ng labis kina Santiago at Juan. 42 Tinawag sila ni Jesus at sinabi, "Alam ninyo na ang itinuturing na mga pinuno ng mga Gentil ang nangingibabaw sa kanila, at ang kanilang mga mahahalagang tao ang nagpapatupad ng kapangyarihan sa kanila. 43 Ngunit hindi sa paraang ito ang nararapat sa inyo. Sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay nararapat ninyong maging lingkod, 44 at sinumang nagnanais na manguna sa inyo ay nararapat na maging alipin ng lahat. 45 Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran, ngunit upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang katubusan ng lahat." 46 Nakarating sila sa Jerico. Nang paalis na si Jesus sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang anak ni Timeo, na si Bartimeo, isang bulag na pulubi ay nakaupo sa tabi ng daan. 47 Nang marinig niyang si Jesus na taga-Nazaret iyon, nagsimula siyang sumigaw at nagsabi, "Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!" 48 Maraming sumusuway sa bulag, na nagsasabi na manahimik siya. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, "Anak ni David, maawa ka sa akin!" 49 Huminto si Jesus at iniutos na siya ay tawagin. Tinawag nila ang bulag na sinasabi, "Maging matapang ka! Tumayo ka! Tinatawag ka niya." 50 Inihagis niya ang kaniyang balabal, lumukso at pumunta kay Jesus. 51 At sinagot siya ni Jesus at sinabi, "Anong gusto mong gawin ko para sa iyo?" Sinabi ng bulag, "Rabi, gusto kong matanggap ang aking paningin." 52 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Humayo ka. Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo." Kaagad niyang natanggap ang kaniyang paningin at sumunod siya kay Jesus sa daan.
Mark 10:5
matigas ninyong mga puso
"katigasan ng inyong mga ulo"
Mark 10:7
Kaya hindi na sila dalawa, kundi iisang laman
Ito ay isang talinghaga upang ilarawan ang kanilang malapitang pisikal na pagsasama bilang mag-asawa.
Mark 10:13
"Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan
Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasing-kahulugan, inulit para sa pagbibigay diin. Sa ibang mga wika, maaaring may ibang mas natural na paraan sa pagbibigay diin. Maaaring isalin na: "Tiyakin na payagan ang mga maliliit na bata upang pumunta sa akin."
huwag pagbawalan
Ito ay dalawang negatibong salita. Sa ibang mga wika, mas natural na gumamit ng positibong pahayag. Maaaring isalin na: "payagan."
Mark 10:17
Bakit mo ako tinawag na mabuti?
Maaaring isalin na: Dapat mong isipin ng mabuti kung ano ang inyong ipinahihiwatig
Mark 10:23
mata ng karayom
Ang "mata ng karayom" ay ang butas sa itaas ng isang karayom.
Mas madali pang makapasok sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.
Hindi maaaring ang isang kamelyo ay makapasok sa butas ng karayom. Kasin hirap ito sa mga mayayamang tao na magpasiya na pahintulutan nilang maghari ang Diyos sa kanilang mga buhay."
Mark 10:26
Kung gayon sino ang maliligtas?
"Kung gayon walang sinuman ang maliligtas"
Mark 10:29
walang sinuman ang nang-iwan...ang hindi makatatanggap
"sinuman na siyang nang-iwan...ay makatatanggap."
alang-alang sa akin
"para sa akin" o "para sa aking kapakinabangan"
mundong ngayon
"sa buhay na ito" o "kasalukuyang panahon"
ang mundong paparating
"ang buhay na darating" o "ang panahong darating"
Mark 10:32
ihaharap ang Anak ng Tao
"ihahatid ng mga tao ang Anak ng Tao" o "ibibigay ng mga tao ang Anak ng Tao."
Mark 10:38
Ang tasang iinuman ko
Ginamit ni Jesus ang pangungusap na ito upang tukuyin ang paghihirap na kaniyang mararanasan.
ang bautismo na ibabautismo sa akin
Ginamit ni Jesus ang mga pangungusap na ito upang tukuyin ang paghihirap na kaniyang mararanasan.
Mark 10:41
ang itinuturing na pinuno
"ang mga taong inaakalang maging pinuno"
nangingibabaw
"may pamamahala sa" o "may kapangyarihan na nangingibabaw"
Mark 10:43
maging dakila
" mabigyan ng paggalang" o "mahangaan"
sinuman
"kahit sino"
Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran
"Sapagkat ang Anak ng Tao ay hindi dumating upang paglingkuran ng mga tao"
Mark 10:46
Bartimeo
Ito ay pangalan ng isang lalaki.
Timaeus
Ito ang pangalan ng ama ng pulubing bulag.
Mark 10:49
iniutos na siya ay tawagin
"inutusan ang ibang tao upang tawagin siya"
Maging matapang ka
"Huwag kang matakot"
Mark 10:51
paningin
"kakayahang makakita"
kaagad
"agad" o "walang anumang antala"
Translation Questions
Mark 10:5
Bakit ibinigay ni Moises sa mga Judio ang kautusang ito tungkol sa paghihiwalay?
Ibinigay ni Moises ang kautusang ito sa mga Judio dahil sa kanilang matitigas na mga puso.
Sa anong pangyayari sa kasaysayan tinukoy ni Jesus sa mga Pariseo ang tungkol sa orihinal na layunin ng Diyos para sa pag-aasawa?
Tinukoy ni Jesus ang paglikha sa lalaki at babae sa simula, nang sinasabi niya ang tungkol sa orihinal na layunin ng Diyos para sa pag-aasawa. [10:6]
Mark 10:7
Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa dalawang tao, ang lalaki at ang kaniyang asawa, mangyayari kapag sila ay mag-asawa na?
Sinabi ni Jesus na ang dalawa ay magiging iisang laman.
Anong sinabi ni Jesus tungkol sa pinagbuklod ng Diyos bilang mag-asawa?
Sinabi ni Jesus na kung ano ang pinagbuklod ng Diyos, huwag hayaang paghiwalayin ng tao. [10:9]
Mark 10:13
Ano ang naging reaksiyon ni Jesus nang sawayin ng mga alagad ang mga nagdadala ng mga maliliit na bata sa kaniya?
Nagalit si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila na payagan ang mga maliliit na bata na pumunta sa kaniya.
Mark 10:15
Paano ang sinabi ni Jesus dapat tanggapin ang kaharian ng Diyos upang makapasok dito?
Sinabi ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay dapat tanggapin na tulad ng isang maliit na bata upang makapasok dito.
Mark 10:17
Ano ang unang sinabi ni Jesus sa lalaki na dapat niyang gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?
Sinabi ni Jesus sa lalaki na dapat huwag pumatay, huwag mangalunya, huwag magnakaw, huwag magpatotoo ng kasinungalingan, huwag mandaya, at dapat igalang ang kaniyang ama at ina. [10:19]
Mark 10:20
Anong karagdagang kautusan ang ibinigay ni Jesus sa lalaki?
Inutusan ni Jesus ang lalaki na ipagbili ang lahat ng mayroon siya at sumunod sa kaniya. [10:21]
Paano tumugon ang lalaki nang ibinigay sa kaniya ang kautusang ito at bakit?
Labis na nalungkot ang lalaki at naglakad palayo, sapagkat mayroon siyang maraming ari-arian. [10:22]
Mark 10:23
Sino ang sinasabi ni Jesus na labis na mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos?
Sinabi ni Jesus na ang mga mayayaman ay labis na mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos.
Mark 10:26
Paano sinabi ni Jesus na kahit ang isang mayamang tao ay maaaring maligtas?
Sinabi ni Jesus na para sa mga tao ito ay imposible, ngunit sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay posible.
Mark 10:29
Ano ang sinabi ni Jesus na matatanggap ng sinumang nag-iwan ng bahay, pamilya, at mga lupain para sa kapakanan ni Jesus?
Sinabi ni Jesus na makakatanggap sila ng isang daang ulit ng higit pa sa mundong ito, na may mga pag-uusig, at buhay na walang hanggan sa mundong paparating.
Mark 10:32
Sa anong daan naglalakbay si Jesus at ang mga alagad?
Naglakbay si Jesus at ang mga alagad sa daan paakyat sa Jerusalem.
Anong sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na mangyayari sa kaniya sa Jerusalem?
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na siya ay hahatulan ng kamatayan, at pagkatapos ng tatlong araw ay muli siyang mabubuhay. [10:33-34]
Mark 10:35
Anong kahilingan ang ginawa nina Santiago at Juan kay Jesus?
Hiniling nina Santiago at Juan na paupuin sila ni Jesus sa kanan at kaliwang kamay kasama niya sa kaluwalhatian.
Mark 10:38
Ano ang sinabi ni Jesus na kailangang tiisin nina Santiago at Juan?
Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang kopang iinuman ko, iinuman ninyo, at ang bautismo kung saan ako nabautismuhan, titiisin ninyo. [10:39]
Ipinagkaloob ba ni Jesus ang hiling nina Santiago at Juan?
Hindi, sinabi ni Jesus na ang mga upuan sa kaniyang kanan at kaliwang kamay ay hindi siya ang magkakaloob. [10:40]
Mark 10:41
Paano pinakikitunguhan ng mga Gentil ang kanilang mga nasasakupan na sinabi ni Jesus?
Sinabi ni Jesus na nangingibabaw ang mga pinuno ng mga Gentil sa kanilang mga nasasakupan. [10:42]
Mark 10:43
Paano dapat mamuhay ang mga nagnanais na maging dakila sa mga alagad na sinabi ni Jesus?
Sinabi ni Jesus na dapat maging tagapaglingkod ng lahat ang mga nagnanais maging dakila sa mga alagad.
Mark 10:46
Ano ang ginawa ng lalaking bulag na si Bartimeo nang sinaway siya ng marami at sinabi sa kaniya na tumahimik siya?
Lalo pang sumigaw si Bartimeo, "Anak ni David, maawa ka sa akin!" [10:48]
Mark 10:51
Ano ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo na nagpagaling sa kaniyang pagiging bulag?
Sinabi ni Jesus kay Bartimeo na pinagaling siya ng kaniyang pananampalataya. [10:52]
Chapter 11
1 Ngayon nang makarating sila sa Jerusalem, nang malapit na sila sa Betfage at Bethania, sa Bundok ng Olibo, inutusan ni Jesus ang dalawa niyang alagad 2 at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo sa nayon sa tapat natin. Sa oras na makapasok kayo, makakakita kayo ng isang batang asno hindi pa nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin ninyo sa akin. 3 At kung sinuman ang magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo ginagawa iyan?', sabihin ninyo lang, 'Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din ito agad dito.' " 4 Umalis sila at nakita ang isang batang asno na nakatali sa labas ng isang pintuan sa lansangan at kinalagan nila ito. 5 May ilang mga tao ang nakatayo doon at nagtanong sa kanila, "Anong ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?" 6 Sinagot nila sila gaya ng sinabi sa kanila ni Jesus at pinabayaan na silang makaalis ng mga tao. 7 Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya. 8 Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. 9 Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, "Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 10 Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!" 11 Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa loob ng Jerusalem at tumuloy sa templo at tumingin sa paligid at sa lahat ng mga bagay. Ngayon, dahil hapon na, pumunta siya sa Bethania kasama ang Labindalawa. 12 Kinabukasan, sa kanilang pagbabalik mula sa Bethania, nagutom siya. 13 At nang nakakita siya sa malayo ng puno ng igos na may mga dahon, pumunta siya upang tingnan kung mayroon ba siyang makukuha rito. At pagkarating niya doon, wala siyang nakita kung hindi puro dahon, dahil hindi pa panahon ng mga igos. 14 Kinausap niya ito, "Wala ng makakakain muli ng bunga mula sa iyo." At narinig ito ng kaniyang mga alagad. 15 Nakarating sila sa Jerusalem, pumasok siya sa templo at sinimulan niyang palayasin ang mga nagtitinda at namimili sa templo. Tinaob niya ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng kalapati. 16 Hindi niya pinayagang makapasok ang kahit na sino na may dalang kahit na anong bagay na maaaring ibenta sa templo. 17 Tinuruan niya sila at sinabi, "Hindi ba nasusulat na, 'Ang aking tahanan ay tatawaging Bahay ng Panalangin para sa lahat ng mga bansa'? Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw." 18 Narinig ng mga punong pari at ng mga eskriba ang sinabi niya, at naghanap sila ng paraan upang ipapatay siya. Kinatatakutan nila siya dahil ang lahat ng mga tao ay namangha sa kaniyang mga tinuturo. 19 At tuwing sumasapit ang gabi ay umaalis sila sa lungsod. 20 Nang dumaan sila kinaumagahan, nakita nilang nalanta na ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. 21 Naalala ito ni Pedro at sinabi, "Rabi, tignan mo! Nalanta ang puno ng igos na sinumpa mo." 22 Sinagot sila ni Jesus, "Manampalataya kayo sa Diyos. 23 Totoo itong sinasabi ko sa inyo na kung sinuman ang magsasabi sa bundok na ito na, ''Mapataas ka at ihagais mo ang iyong sarili sa dagat,' at kung hindi siya magdududa sa kaniyang puso ngunit naniniwala siyang mangyayari ang sinabi niya, iyon ang gagawin ng Diyos. 24 Kaya sinasabi ko ito sa inyo: Ang lahat ng inyong ipapanalangin at hinihiling, maniwala kayong natanggap na ninyo, at ito ay mapapasa-inyo. 25 Kapag tumayo ka at mananalangin, kailangan mong patawarin ang kahit na anong mayroon ka laban sa kahit na sino, nang sa gayon ay mapatawad din ng inyong Amang nasa langit ang iyong mga pagsuway." 26 (Ngunit kung hindi ka magpapatawad, hindi rin patatawarin ng Amang nasa langit ang inyong mga kasalanan.) 27 Nakarating silang muli ng Jerusalem, habang si Jesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong pari, mga eskriba, at ng mga nakatatanda. 28 Sinabi nila sa kaniya, "Sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang gawin ang mga ito?" 29 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Tatanungin ko kayo ng isang katanungan. Sabihin ninyo sa akin at sasabihin ko rin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito. 30 Ang pagbabautismo ni Juan, nanggaling ba iyon sa langit o sa tao? Sagutin ninyo ako." 31 At sila ay nag-usap-usap at nagtalu-talo at sinabi, "Kung sasabihin nating, 'Sa langit,' sasabihin niyang, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?' 32 Ngunit kung sasabihin nating, 'Mula sa tao,'..." Natakot sila sa mga tao, dahil pinanghahawakan nilang lahat na si Juan ay isang propeta. 33 Pagkatapos ay sinagot nila si Jesus at sinabi, "Hindi namin alam." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito."
Chapter 12
1 Pagkatapos nagsimulang magturo sa kanila si Jesus ng mga talinghaga. Sinabi niya, "May isang tao na gumawa ng ubasan, binakuran ang paligid nito, at gumawa ng hukay para sa pisaan ng ubas. Nagtayo siya ng toreng bantayan at pagkatapos ay pinaupahan niya ang ubasan sa mga katiwala ng ubas. Pagkatapos ay naglakbay siya. 2 Sa tamang panahon, ipinadala niya ang kaniyang lingkod sa mga tagapag-alaga ng ubas upang tanggapin mula sa kanila ang ilan sa mga bunga ng ubasan. 3 Ngunit kinuha nila siya, binugbog at pinalayas na walang dalang anuman. 4 Muli siyang nagpadala sa kanila ng iba pang lingkod, sinugatan nila ito sa ulo at ipinahiya. 5 Nagpadala siya ng isa pa, at pinatay rin nila ito. Ganito din ang pakikitungo nila sa mga iba pa, binugbog ang ilan at pinapatay ang iba. 6 Mayroon pa siyang isang taong maipapadala, ang pinakamamahal niyang anak. Siya ang pinakahuling taong ipinadala niya sa kanila. Sinabi niya, "Igagalang nila ang aking anak." 7 Ngunit sinabi ng mga katiwala sa isa't isa, "Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at mapapasaatin ang kaniyang mana." 8 Dinakip nila siya, pinatay at ipinatapon sa labas ng ubasan. 9 Kaya, ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Darating siya at papatayin ang mga katiwala ng ubas at ibibigay ang ubasan sa iba. 10 Hindi ba ninyo nababasa ang kasulatang ito? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo, ang naging batong-panulukan. 11 Mula ito sa Panginoon at kamangha-mangha ito sa ating mga mata."' 12 Nais nilang hulihin si Jesus ngunit natakot sila sa maraming tao, sapagkat alam nilang sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Kaya iniwan nila siya at umalis. 13 Pagkatapos, nagpadala sila sa kaniya ng ilan sa mga Pariseo at mga tauhan ni Herodes upang bitagin siya sa pamamagitan ng mga salita. 14 Nang makarating sila, sinabi nila sa kaniya, "Guro, alam namin na wala kayong pakialam sa saloobin ninuman at hindi kayo nagpapakita ng pagpanig sa pagitan ng mga tao. Tunay na iyong itinuturo ang daan ng Diyos. Naaayon ba sa kautusan na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi? Kailangan ba kaming magbayad o hindi?" 15 Ngunit batid ni Jesus ang kanilang pagkukunwari at sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng denario upang matingnan ko ito." 16 Nagdala sila ng isa kay Jesus. Sinabi niya sa kanila, "Kaninong larawan at tatak ito?" Sumagot sila, "Kay Cesar." 17 Sinabi ni Jesus, "Ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos." Namangha sila sa kaniya. 18 Pagkatapos pumunta sa kaniya ang mga Saduceo na nagsasabing walang pagkabuhay muli. Tinanong nila siya na nagsasabi, 19 "Guro, sumulat si Moises para sa atin, 'Kung namatay ang kapatid na lalaki ng isang lalaki at maiwan niya ang asawa, ngunit walang anak, kailangang kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng mga anak para sa kaniyang kapatid.' 20 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki; ang una ay nakapangasawa at pagkatapos ay namatay na walang naiwang anak. 21 Pagkatapos kinuha siya upang mapangasawa ng ikalawa at namatay na walang naiwang anak. At gayundin ang ikatlo. 22 At walang naiwang anak ang pito. Sa huli namatay din ang babae. 23 Sa muling pagkabuhay, kapag sila ay bumangon muli, sino ang kaniyang magiging asawa? Gayong napangasawa niya ang lahat ng pitong magkakapatid." 24 Sinabi ni Jesus, "Hindi ba ito ang dahilan kaya kayo nagkakamali, dahil hindi ninyo nalalaman ang kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos? 25 Sapagkat kapag bumangon sila mula sa mga patay, hindi na sila mag-aasawa o makapag-aasawa, ngunit katulad sila ng mga anghel sa langit. 26 Ngunit tungkol sa mga patay na ibinangon, hindi ba ninyo nabasa sa Aklat ni Moises, sa salaysay tungkol sa mababang punong kahoy, kung paano nangusap sa kaniya ang Diyos at sinabi, 'Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob?' 27 Hindi siya ang Diyos ng mga patay, ngunit ng mga buhay. Nagkakamali kayo. 28 Isa sa mga eskriba ang nagpunta at nakarinig sa kanilang pag-uusap, nakita niyang mahusay silang sinagot ni Jesus. Tinanong niya ito, "Ano ang pinakamahalagang kautusan sa lahat?" 29 Sumagot si Jesus, "Ang pinakamahalagang kautusan ay, 'Makinig kayo, Israel, ang Panginoong ating Diyos, ang Panginoon ay iisa. 30 Ibigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong kalakasan.' 31 Ito ang ikalawang kautusan, 'Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili.' Wala nang iba pang kautusang higit na dakila kaysa mga ito." 32 Sinabi ng eskriba, "Mahusay, Guro! Tunay na nasabi ninyong iisa ang Diyos, at wala ng iba pa maliban sa kaniya. 33 Ang ibigin siya nang buong puso, nang buong pang-unawa, nang buong kalakasan, at ang ibigin ang kapwa gaya ng sarili ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng mga susunuging mga alay at mga hain." 34 Nang makita ni Jesus na siya ay nagbigay ng matalinong kasagutan, sinabi niya sa kaniya, "Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos." Matapos iyon walang sinumang nangahas magtanong kay Jesus ng anumang mga katanungan. 35 At tumugon si Jesus, habang nangangaral siya sa templo, sinabi niya, "Paano ito nasasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David? 36 Si David mismo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagsabi, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanang kamay, hanggang magawa kong tapakan ng paa mo ang iyong mga kaaway.' 37 Mismong si David ay tinawag na Cristo ang 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?" Masayang nakinig sa kaniya ang napakaraming tao. 38 Sa kaniyang pagtuturo, sinabi ni Jesus, "Mag-ingat kayo sa mga eskriba na nagnanais na maglakad ng may mahabang mga balabal at batiin sa mga pamilihan 39 at magkaroon ng mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at sa mga pangunahing lugar sa mga kapistahan. 40 Kinakamkam din nila ang mga bahay ng mga balo at nananalangin sila ng mga mahahabang panalangin upang makita ng mga tao. Makatatanggap ang mga taong ito ng mas mabigat na parusa." 41 Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera. 42 At dumating ang isang mahirap na balo at naglagay ng dalawang kusing na nagkakahalaga ng isang pera. 43 At tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Mahalaga itong sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na balong ito ay nakapaglagay ng higit kaysa lahat ng nagbigay sa lalagyan ng kaloob 44 Sapagkat nagbigay ang lahat sa kanila mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang balong ito, sa kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng perang mayroon siya na kaniyang ikabubuhay."
Chapter 13
1 Habang si Jesus ay naglalakad papalayo mula sa templo, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, "Guro, tingnan mo ang kamangha-manghang mga bato at mga gusali!" 2 Sinabi niya sa kaniya, "Nakikita ba ninyo ang naglalakihang mga gusali na ito? Walang isa mang bato ang matitira sa ibabaw ng kapwa bato, ang lahat ay maguguho." 3 Nang umupo siya sa Bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang sarilinan nina Pedro, Santiago, Juan at Andres, 4 "Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan na ang lahat na ito ay malapit nang mangyari?" 5 Nagsimulang magsalita si Jesus sa kanila, "Mag- ingat kayo na walang sinuman ang magligaw sa inyo. 6 Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako siya,' at ililigaw nila ang karamihan. 7 Kapag nakarinig kayo ng mga digmaan, at mga balita ng digmaan, huwag kayong mag-alala; dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. 8 Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak. 9 Maging mapagbantay kayo. Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at kayo ay bubugbugin sa mga sinagoga. Haharap kayo sa mga hari at mga gobernador alang-alang sa akin, bilang isang patotoo sa kanila. 10 Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa. 11 Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu. 12 Ipasakamay ng isang kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang isang ama naman ang kaniyang anak. Ang mga anak ay lalaban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila. 13 Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makatitiis hanggang sa wakas, ang taong iyon ay maliligtas. 14 Kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na lagim na nakatayo kung saan ito hindi dapat nakatayo (intindihin ng bumabasa), tumakas papunta sa mga bundok ang mga nasa Judea, 15 ang mga nasa bubungan ay huwag ng bumaba pa sa loob ng bahay, o magdala ng ano pa man mula doon, 16 at ang mga nasa bukirin ay huwag ng umuwi upang kunin ang kanilang balabal. 17 Ngunit aba silang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng mga sanggol sa mga panahong iyon! 18 Ipanalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng tag-lamig. 19 Sapagkat magkakaroon ng matinding kahirapan na wala pang kagaya mula nang simula, nang likhain ng Diyos ang daigdig hanggang sa ngayon at wala nang mangyayari pa na katulad nito. 20 Maliban na lang kung paiksiin ng Panginoon ang mga araw, walang sinuman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na mga pinili niya, paiiksiin niya ang bilang ng mga araw. 21 At kung may nagsabi sa inyong, 'Tingnan ninyo, nandito ang Cristo!' o 'Tingnan ninyo, nandito siya' huwag ninyo itong paniwalaan. 22 Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at bulaang mga propeta at magbibigay ng mga himala at kababalaghan upang linlangin, kung maaari, maging ang mga hinirang. 23 Maging mapagbantay kayo! Ngayon pa lang ay sinabi ko na ang mga bagay na ito sa inyo. 24 Ngunit pagkatapos ng matinding kahirapan sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim at ang buwan ay hindi na magliliwanag, 25 ang mga bituwin ay mahuhulog mula sa langit at ang kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig. 26 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap taglay ang dakila nitong kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 Pagkatapos ipapadala niya ang kaniyang mga anghel upang tipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo, mula sa mga dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit. 28 Matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos. Sa oras na maging malambot ang sanga nito at magsimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit nang dumating ang tag-araw. 29 Gayon din, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alam ninyong malapit na siyang darating, malapit sa mga tarangkahan. 30 Totoo ang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito hanggang hindi nangyayari ang lahat ng mga ito. 31 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas. 32 Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakakaalam, maging ang mga anghel sa langit o maging ang Anak, tanging ang Ama lamang. 33 Maging handa kayo! Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung sa anong oras ito. 34 Katulad ito ng isang lalaking naglakbay: umalis siya sa bahay niya at ipinagkatiwala sa kaniyang mga lingkod ang pamamahala sa kaniyang bahay, ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain. At inutusan niya ang tagapagbantay na manatiling gising. 35 Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga. 36 Kung bigla siyang dumating, huwag ninyong hayaan na madatnan niya kayong natutulog. 37 Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo!"
Chapter 14
1 Dalawang araw pa bago ang Paskua at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Nag-iisip ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila patagong madakip si Jesus at pagkatapos ay papatayin. 2 Sapagkat sinasabi nila, "Hindi sa panahon ng pista, sa gayon hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao." 3 Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo. 4 Ngunit may ilang nagalit. Nag-usap-usap ang bawat isa at sinabi, "Ano ang dahilan sa pag-aaksayang ito? 5 Ang pabangong ito ay maaaring ipagbili ng higit pa sa tatlong daang denario at maibigay sa mga mahihirap." At sinasaway nila siya. 6 Ngunit sinabi ni Jesus, "Pabayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya ginugulo? Ginawa niya ang isang magandang bagay para sa akin. 7 Nasa inyo lagi ang mga mahihirap, at kung gugustuhin ninyo, matutulungan ninyo sila, ngunit hindi ninyo ako laging kasama. 8 Ginawa niya ang kaniyang makakaya, pinahiran niya ang aking katawan para sa paglilibing sa akin. 9 Totoo ang sinasabi ko sa inyo, saanman maihayag ang mabuting balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay pag-uusapan bilang alaala sa kaniya." 10 Pagkatapos, pumunta sa mga pangulong pari si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa upang ibigay si Jesus sa kanila. 11 Nang marinig ito ng mga punong pari, nasiyahan sila at nangakong bigyan siya ng pera. Nagsimula siyang maghanap ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila. 12 Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang naghandog sila ng batang tupa alang-alang sa Paskua, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, "Saan mo kami nais pumunta upang maghanda ng hapunan alang-alang sa Paskua?" 13 Ipinadala niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo sa lungsod, at isang lalaki na may dalang tubig na nakalagay sa pitsel ang sasalubong sa inyo. Sundan ninyo siya. 14 Sundan ninyo siya kung saang bahay siya papasok at sabihin sa may-ari ng bahay na iyon, 'Ipinapatanong ng Guro, "Nasaan ang aking silid na aking kakainan sa Paskua kasama ang aking mga alagad?" ' 15 "Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na kumpleto ang kagamitan na nakahanda na. Gawin ninyo ang mga paghahanda para sa atin doon." 16 Umalis ang mga alagad at pumunta sa lungsod, natagpuan nila ang lahat gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang hapunan alang-alang sa Paskua. 17 Kinagabihan, dumating siya kasama ang Labindalawa. 18 Habang nakasandal sila sa lamesa at kumakain, sinabi ni Jesus, "Totoo, sinasabi ko sa inyo. Isa sa inyo na kasama kong kumakain ang magkakanulo sa akin. 19 Labis silang nalungkot at isa-isang nagtanong sa kaniya, "Siguradong hindi ako, di ba?" 20 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Isa sa Labindalawa, ang kasama kong ngayong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok. 21 Sapagkat tatahakin ng Anak ng Tao ang daan na sinasabi sa kasulatan tungkol sa kaniya. Ngunit aba sa taong magkakanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pang hindi na siya isinilang." 22 Habang kumakain sila, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala at hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, "Kunin ninyo ito. Ito ang aking katawan." 23 Kumuha siya ng tasa, nagpasalamat, ibinigay ito sa kanila at uminom silang lahat mula rito. 24 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang aking dugo ng kasunduan, ang dugo na maibubuhos para sa marami. 25 Totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi ako muling iinom nitong bunga ng ubas hanggang sa araw na iyon kung kailan ako iinom ng panibago sa kaharian ng Diyos." 26 Pagkatapos nilang umawit ng himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo. 27 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Iiwanan ninyo akong lahat, sapagkat ito ang nasusulat, 'Papatayin ko ang pastol at magsisikalat ang mga tupa.' 28 Ngunit pagkatapos kong mabuhay muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea." 29 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit iwanan kayo ng lahat, hindi kita iiwanan." 30 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Totoo, sinasabi ko ito sa iyo, ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, ipagkakaila mo ako ng tatlong beses. 31 Ngunit sinabi ni Pedro, "Kung kailangan kong mamatay kasama mo, hindi kita ipagkakaila." Ganun din ang pangako na sinabi nilang lahat. 32 Dumating sila sa lugar na tinatawag na Getsemani at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Umupo kayo dito habang ako ay nananalangin." 33 Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabalisa at labis na nabahala. 34 Sinabi niya sa kanila, "Ang aking kaluluwa ay labis na nagdadalamhati, kahit sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay." 35 Pumunta si Jesus sa di kalayuan, nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lampasan siya ng oras na ito. 36 Sinabi niya, "Abba, Ama, kaya mong gawin ang lahat. Alisin mo ang tasang ito sa akin. Ngunit hindi ang aking kalooban, kundi ang iyong kalooban." 37 Bumalik siya at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, "Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagbantay ng isang oras man lang? 38 Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo matukso. Tunay na ang espiritu ay nakahandang sumunod, ngunit mahina ang laman." 39 Muli siyang umalis at nanalangin at kaniyang sinabi ang ganoon ding mga salita. 40 Muli siyang bumalik at nadatnan silang natutulog, sapagkat antok na antok sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya. 41 Bumalik siya sa pangatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, "Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras. Tingnan ninyo! Ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 42 Bumangon kayo, umalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang taong magkakanulo sa akin. 43 Habang nagsasalita si Jesus, kaagad na dumating si Judas, isa sa Labindalawa, at napakaraming tao ang kasama niya na may mga espada at pamalo, mula sila sa mga punong pari, mga eskriba, at mga nakatatanda. 44 Ngayon, nagbigay na ng palatandaan ang magkakanulo sa kaniya, na nagsasabi, "Kung sino man ang hahalikan ko, siya iyon. Hulihin ninyo siya at bantayang mabuti sa pagdala ninyo sa kaniya. 45 Pagdating ni Judas, kaagad niyang pinuntahan si Jesus at sinabi "Rabi!" At kaniyang hinalikan. 46 At siya ay sinunggaban nila at dinakip. 47 Ngunit nagbunot ng kaniyang espada ang isa sa kanila na nakatayo sa malapit at tinaga ang tainga ng lingkod ng pinakapunong pari. 48 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kayo ba ay nagsilabasan na laban sa isang magnanakaw, na may mga espada at pamalo upang dakpin ako?" 49 Nang araw-araw ninyo akong kasama at nagtuturo sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit nangyari ang mga ito upang matupad ang mga kasulatan. 50 Iniwanan si Jesus ng lahat ng kasama niya at nagsitakas sila. 51 Sumunod sa kaniya ang isang binatang nakasuot lamang ng isang linong kasuotan na nakabalot sa kaniya; hinuli nila siya ngunit 52 iniwan niya roon ang linong kasuotan at tinakasan niya sila na nakahubad. 53 Dinala nila si Jesus sa mga pinakapunong pari. Nagkatipun-tipon doon kasama niya ang lahat ng mga punong pari, mga nakatatanda, at mga eskriba. 54 Ngayon sumunod si Pedro sa kaniya mula sa malayo, hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Naupo siya kasama ng mga bantay na malapit sa apoy na nagpapainit. 55 Ngayon ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng magpapatotoo laban kay Jesus upang maipapatay nila siya. Ngunit wala silang mahanap. 56 Sapagkat marami ang nagsabi ng maling patotoo laban sa kaniya, ngunit maging ang kanilang patotoo ay hindi nagtugma. 57 Tumayo ang ilan at nagsabi ng maling patotoo laban sa kaniya, sinabi nila, 58 "Narinig namin siyang nagsabi, 'Wawasakin ko ang templong ito na gawa ng mga kamay at sa tatlong araw muli akong magtatayo ng isang hindi gawa ng mga kamay.' " 59 Gayunpaman, hindi nagtugma maging ang kanilang mga patotoo. 60 Tumayo sa kanila ang pinakapunong pari at tinanong si Jesus, "Wala ka bang kasagutan? Ano itong patotoo ng mga tao laban sa iyo?" 61 Ngunit tahimik siya at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng pinakapunong pari at sinabi, "Ikaw ba ang Cristo, ang anak ng Pinagpala?" 62 Sinabi ni Jesus, "Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao kapag nakaupo na siya sa bandang kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa ulap sa langit." 63 Pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga kasuotan at sinabi, "Kailangan pa ba natin ng mga saksi? 64 Narinig ninyo ang kalapastanganan na sinabi niya. Ano ang inyong pasya?" At hinatulan siya nilang lahat bilang isang nararapat sa kamatayan. 65 At sinimulan siyang duraan ng ilan at tinakpan ang kaniyang mukha, hinampas siya at sinabi sa kaniya, "Hulaan mo!" Kinuha siya ng mga opisyal at binugbog siya. 66 Habang si Pedro ay nasa ibaba ng patyo, isa sa mga babaing lingkod ng pinakapunong pari ang pumunta sa kaniya. 67 Nakita niya si Pedro habang nakatayo sa tapat ng apoy na nagpapainit at pinagmasdan niya itong mabuti. Pagkatapos sinabi niya, "Kasama ka rin ng taga-Nazaret na si Jesus." 68 Ngunit itinangggi niya ito at sinabi, "Hindi ko nalalaman o naiintindihan man ang iyong sinasabi." Pagkatapos lumabas siya sa patyo (at tumilaok ang manok). 69 Ngunit nakita siya roon ng babaeng lingkod at muling nagsimulang magsabi sa mga nakatayo roon, "Ang taong ito ay isa sa kanila!" 70 Ngunit muli niya itong itinanggi. Hindi nagtagal sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, "Siguradong isa ka sa kanila, sapagkat isa ka ring taga-Galilea." 71 Ngunit nagsimula siyang manungayaw at manumpa, "Hindi ko nakikilala ang lalaking sinasabi ninyo." 72 Pagkatapos tumilaok ang tandang ng ikalawang beses. At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bago tumilaok ang tandang ng dalawang ulit, tatlong beses mo akong itatanggi." At nanlumo siya at tumangis.
Chapter 15
1 Maagang-maaga pa nagtipon-tipon na ang mga punong pari kasama ang mga nakatatanda at mga eskriba, at ang buong Konseho ng Sanedrin. Pagkatapos ay iginapos nila si Jesus at inilabas siya. Ipinasa nila siya kay Pilato. 2 Tinanong siya ni Pilato, "Ikaw ba ang hari ng mga Judio?" Sinagot niya siya, "Kung iyan ang sinasabi mo." 3 Nagpalabas ang mga punong pari ng maraming mga bintang laban kay Jesus. 4 Tinanong siya muli ni Pilato, "Wala ka bang maibibigay na kasagutan? Nakikita mo ba kung ilan ang mga inilalabas nilang mga bintang laban sa iyo?" 5 Ngunit hindi na muling sinagot ni Jesus si Pilato, at dahil doon, namangha siya. 6 Ngayon sa panahon ng pista, kadalasang nagpapalaya si Pilato ng isang bilanggo, isang bilanggong hiniling nila. 7 Doon, sa kulungan kasama sa mga manghihimagsik, kabilang sa mga mamamatay tao na kasapi sa rebelyon, ay isang lalaking nagngangalang Barabas. 8 Pumunta ang maraming tao kay Pilato at nagsimula silang humiling sa kaniya na gawin niya ang ginagawa niya noong mga nakaraang panahon. 9 Sinagot sila ni Pilato at sinabi, "Gusto ba niyong palayain ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?" 10 Dahil alam niyang dahil sa inggit ng mga punong pari kay Jesus kung kaya siya ay ipinasa sa kaniya. 11 Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang maraming tao para isigaw na si Barabas ang dapat palayain. 12 Sinagot silang muli ni Pilato at sinabing, "Ano ngayon ang gagawin ko sa Hari ng mga Judio?" 13 Sumigaw silang muli, "Ipako siya sa krus!" 14 Sinabi sa kanila ni Pilato, "Anong kasalanan ang ginawa niya?" Ngunit mas lalo nilang isinigaw, "Ipako siya sa krus." 15 Gusto ni Pilato na malugod ang mga tao kaya pinalaya niya si Barabas sa kanila. Hinampas niya si Jesus at ibinigay siya upang maipako sa krus. 16 Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo (ng kwartel), at tinawag nila ang buong hukbo ng mga kawal. 17 Nilagyan nila si Jesus ng balabal na kulay lila, at gumawa sila ng isang koronang gawa sa tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo. 18 Nagsimula silang saluduhan siya at sinabi, "Mabuhay, Hari ng mga Judio!" 19 Hinampas nila ang kaniyang ulo ng tambo at dinuraan siya. Nagluhod-luhuran silang nagpakita ng paggalang sa kaniya. 20 Nang matapos nila siyang kutyain, tinanggal nila mula sa kaniya ang balabal na kulay lila at inilagay sa kaniya ang kaniyang mga damit, at pagkatapos inilabas siya upang ipako sa krus. 21 Pinilit nilang tumulong ang isang taong dumaan na galing sa bukid na nagngangalang Simon na taga-Cirene (ang ama ni Alejandro at Rufo); pinilit nila siyang pasanin ang krus ni Jesus. 22 Dinala si Jesus ng mga kawal sa lugar na kung tawagin ay Golgotha (na ang ibig sabihin ay, Lugar ng Bungo). 23 Inalok nila siya ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ito ininom. 24 Ipinako nila siya at pinaghati-hatian ang kaniyang kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran upang malaman kung anong parte ng kasuotan ang makukuha ng bawat kawal. 25 Ikatlong oras na nang siya ay ipinako nila. 26 Sinulat nila sa isang karatula ang bintang laban sa kaniya, "Ang Hari ng mga Judio." 27 Kasama niyang ipinako sa krus ang dalawang magnanakaw, isa sa kanan niya, at isa sa kaliwa. 28 (At naisakatuparan ang Kasulatan na nagsasabing: At siya ay ibinilang sa mga suwail.) 29 Ininsulto siya ng mga taong dumaraan, umiiling ang kanilang mga ulo at sinasabi, "Oy! Ikaw na wawasak sa templo at magtatayo muli nito sa loob ng tatlong araw, 30 iligtas mo ang iyong sarili at bumaba ka mula sa krus!" 31 Sa ganoong paraan din ay kinukutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba, at sinabi, "Iniligtas niya ang iba, ngunit hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili. 32 Hayaan nating bumaba mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, nang makita natin at mapaniwala tayo." Pati ang mga kasama niyang nakapako sa krus ay nilalait rin siya. 33 Sa ika-anim na oras, nagdilim ang buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras. 34 Sa ika-siyam na oras, sumigaw si Jesus ng may malakas na boses, "Eloi, Eloi, lama sabachthani?" na ang ibig sabihin, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" 35 Narinig iyon ng ilan sa mga nakatayo na malapit sa kaniya at sinabing, "Tignan ninyo, tinatawag niya si Elias." 36 May isang tumakbo, naglagay ng maasim na alak sa espongha, inilagay ito sa isang tambong tungkod at ibinigay ito sa kaniya upang inumin. Sinabi ng lalaki, "Tingnan natin kung darating si Elias upang ibaba siya." 37 Pagkatapos ay sumigaw si Jesus ng may malakas na boses at namatay. 38 Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba. 39 At nang makita ng senturion na nakatayo at nakaharap kay Jesus na namatay siya sa ganitong paraan, sinabi niya, "Tunay ngang siya ang Anak ng Diyos." 40 Mayroon ding mga babaing nakatingin sa malayo. Kabilang sa kanila ay sina Maria Magdalena, Maria (ang ina ni Santiago na nakababata at ni Jose), at si Salome. 41 Nang siya ay nasa Galilea sumunod sila sa kaniya at pinaglingkuran siya. Marami ring mga kababaihan ang sumama sa kaniya sa Jerusalem. 42 Nang gumabi na, dahil ito ay araw ng Paghahanda, na ang araw bago ang Araw ng Pamamahinga, 43 pumunta si Jose na taga-Arimatea doon. Isa siya sa mga iginagalang na kasapi ng Konseho na naghihintay sa Kaharian ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus. 44 Namangha si Pilato nang malaman niyang patay na si Jesus. Ipinatawag niya ang senturion upang tanungin kung patay na nga si Jesus. 45 Nang malaman niya mula sa senturion na patay na nga siya, ibinigay na niya ang katawan ni Jesus kay Jose. 46 Bumili si Jose ng linong tela. Ibinaba niya siya mula sa krus, ibinalot siya sa linong tela, at ihinimlay siya sa isang libingan na tinapyas mula sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan. 47 Nakita nila Maria Magdalena at ni Maria na ina ni Jose ang lugar kung saan inilibing si Jesus.
Chapter 16
1 Nang matapos ang Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago, at si Salome ay bumili ng pabango upang makapunta sila at mapahiran ang katawan ni Jesus para sa paglilibing. 2 Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, nang sumikat ang araw pumunta sila sa libingan. 3 Sinabi nila sa isa't isa, "Sino ang magpapagulong ng bato ng pasukan ng libingan para sa atin?" 4 Nang tumingin sila sa itaas, nakita nila na mayroon ng nagpagulong ng bato na napakalaki. 5 Pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang nakasuot ng puting balabal, nakaupo sa gawing kanan at namangha sila. 6 Sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Bumangon na siya! Wala siya rito. Tingnan ninyo kung saan siya inilagay. 7 Ngunit humayo kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro na mauuna siyang pupunta sa inyo sa Galilea. Doon makikita ninyo siya, gaya ng sinabi niya sa inyo." 8 Lumabas sila at tumakbo mula sa libingan; natakot sila at namangha. Wala silang sinabi sa sinuman dahil matindi ang kanilang takot. 9 Maaga sa unang araw ng linggong iyon, matapos siyang bumangon, una siyang nagpakita kay Maria Magdalena, na mula sa kaniya napalayas niya ang pitong demonyo. 10 Umalis si Maria Magdalena at sinabi sa mga kasama niya, habang nagluluksa sila at umiiyak. 11 Narinig nilang buhay si Jesus at nakita niya ito ngunit hindi sila naniwala. 12 Matapos ng mga pangyayaring ito, nagpakita siya sa kakaibang anyo sa dalawa pang tao, habang naglalakad sila palabas ng bayan. 13 Pumunta sila at nagbalita sa iba pang mga alagad ngunit hindi sila naniwala sa kanila. 14 Sa ibang pagkakataon, nagpakita si Jesus sa labing-isa habang nakasandal sila sa hapag, at sinaway sila dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso, dahil hindi sila naniniwala sa mga nakakita sa kaniya matapos siyang bumangon mula sa mga patay. 15 Sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha. 16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas at ang hindi naniniwala ay hahatulan. 17 Ang mga palatandaang ito ay tataglayin ng mga sumasampalataya. Sa aking pangalan sila ay magpapalayas ng mga demonyo. Magsasalita sila sa mga bagong wika. 18 Pupulot sila ng mga ahas, at kung iinom sila ng anumang nakamamatay ay hindi sila masasaktan nito. Magpapatong sila ng kamay sa mga may sakit at gagaling sila." 19 Matapos magsalita sa kanila ang Panginoon, iniakyat siya patungo sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos. 20 Humayo ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako, habang ang Panginoon ay kumikilos kasama nila at pinatunayan ang salita sa pamamagitan ng mga sumunod pang mga kahanga-hangang palatandaan.
Abiatar
Isang pinakapunong pari si Abiatar sa bansang Israel sa panahon ni Haring David.
- Nang pinatay ni Haring Saul ang mga pari, nakatakas si Abiatar at pumunta kay David sa ilang.
- Si Abiatar at ang isa pang pinakapunong pari na nagngangalang Zadoc ay naglingkod na tapat kay David sa buo niyang paghahari.
- Pagkatapos na mamatay ni David, tinulungan ni Abiatar si Adonias na maging hari sa halip na si Solomon.
- Dahil dito, inalis ni Haring Solomon si Abiatar mula sa pagkapari.
(Tingnan din sa: [[rc://tl/obe/other/zadok]], [[rc://tl/obe/other/saul]])]], [[rc://tl/obe/other/david]], [[rc://tl/obe/other/solomon]], [[rc://tl/obe/other/adonijah]])
Abraham, Abram
Si Abram ay isang taong Caldeo mula sa lungsod ng Ur na napili ng Diyos na maging ninuno sa mga Israelita. Pinalitan ng Diyos ang kaniyang pangalan ng "Abraham."
- Ang pangalan na "Abram" ay nangangahulugang "dakilang ama."
- Ang kahulugan ng Abraham ay, "ama ng marami."
- Pinangakuan ng Diyos si Abraham na magkakaroon siya ng maraming kaapu-apuhan, na magiging napakalaking bansa.
- Naniniwala si Abraham sa Diyos at sumunod sa kaniya. Pinangunahan ng Diyos si Abraham na lumipat mula Caldea papunta sa lupain ng Canaan.
- Habang naninirahan sa lupain ng Canaan, nang sila ay matandang matanda na, si Abraham at ang kaniyang asawa na si Sara ay nagkaroon ng isang anak, si Isaac.
Ana
Si Ana ang ina ni propeta Samuel sa Lumang Tipan. Isa siya sa dalawang asawa ni Elkana.
- Hindi maaaring magdalang tao si Ana, ito ang isang malaking kalungkutan niya.
- Sa templo, taimtim na nananalangin ni Ana sa Diyos para bigyan siya ng anak na lalake, at nangangakong iaalay ang bata upang maglingkod sa Diyos.
- Ipinagkaloob ng Diyos ang kaniyang kahilingan at nang ang batang si Samuel ay nasa hustong gulang na, kaniya itong dinala sa Templo upang maglingkod sa ilalim ng pamamahala ng paring si Eli.
- Binigyan din ng Diyos si Ana ng ibang mga anak pagkatapos nito.
Anak ng Diyos, ang Anak, Anak
Ang mga salitang "Anak ng Diyos" ay tumutukoy kay Jesus, ang Salita ng Diyos na dumating sa mundo bilang isang tao. Siya ay madalas din tinutukoy na "ang Anak."
- Ang Anak ng Diyos ay may parehong kalikasan gaya ng sa Diyos Ama, at ganap na Diyos.
- Ang Diyos Ama, Diyos Anak, at ang Diyos na Banal na Espiritu, ay iisa.
- Di kagaya ng mga anak ng tao, ang Anak ng Diyos ay laging namamalagi.
- Sa simula pa lang, ang Anak ng Diyos ay kasama ng Ama at ng Banal na Espiritu sa paglikha ng mundo,
- Dahil si Jesus ang Anak ng Diyos, minamahal Niya at sinusunod ang kaniyang Ama, at minamahal Siya ng Kaniyang Ama.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Para sa mga salitang, "Anak ng Diyos," pinakamabuting isalin ang "Anak" sa parehong salita na ang ginagamit ng wikang isasalin na tumutukoy sa isang anak ng tao.
- Siguraduhin na ang salita na ginamit upang isalin ang "anak" ay angkop sa salitang ginamit upang isalin ang "ama" at ang mga salitang ito ay ang pinakalikas na ginamit upang ipahayag ang tunay na relasyong ama-anak sa wika na isinasalin.
- Ang paggamit ng malalaking titik sa “Anak” ay makakatulong na ipakita na ito ay nagsasalita tungkol sa Diyos.
Anak ng Tao, anak ng tao
Ang katawagang, "Anak ng Tao" ay pinakakilala na ginagamit para tukuyin ni Jesus ang kaniyang sarili. Sa Lumang Tipan, ang salitang "anak ng tao" ay isa ring paraan ng pagpapakilala sa isang tao.
- Sa Lumang Tipan, ang katagang, "anak ng tao" ay madalas na gamitin para sabihin ang "tao" o "sangkatauhan."
- Sa lahat ng dako ng aklat ni propeta Ezekiel, tinawag siya ng Diyos bilang "anak ng tao." Halimbawa sinabi niya, "ikaw, anak ng tao, ay dapat magpahayag."
- Madalas gamitin ni Jesus ang salitang ito para tukuyin ang kaniyang sarili sa halip na sabihin niyang "ako" o "akin."
- Nakita ni propeta Daniel ang pangitain na ang "anak ng tao" ay darating na nasa ulap, na tumutukoy sa pagdating ng Mesias.
- Sinabi ni Jesus na "ang anak ng tao" kung saan tinutukoy niya ang kaniyang sarili ay muling babalik balang araw na nasa ulap.
- Ang mga batayang ito sa Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap ay naghahayag na si Jesus ay Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Nang gamitin ni Jesus ang salitang "Anak ng Tao," ito ay maaaring isalin na, "ang Siya na naging tao" o "ang Tao mula sa langit."
- Ang Ilang tagapagsalin ay paminsan-minsang isinasama ang "ako" o "akin" kasama ang katawagang ito.
Andres
Si Andres ay isa sa labindalawang kalalakihan na pinili ni Jesus upang maging kaniyang pinakamalapit na mga alagad (kinamamayaan ay tinawag na mga apostol).
- Ang kapatid na lalaki ni Andres ay si Simon Pedro. Pareho silang mangigisda.
- Nangigisda sina Pedro at Andres sa Dagat ng Galilea nang sila ay tinawag ni
Jesus upang maging kaniyang mga alagad.
* Bago nakilala nila Pedro at Andres si Jesus, naging mga alagad sila ni Juan na
Tagapagbautismo.
Araw ng Pamamahinga
Ang mga salitang "Araw ng Pamamahinga" ay tumutukoy sa ikapitong araw ng linggo na inutos ng Diyos sa mga Israelita na ibukod bilang araw ng kapahingahan at walang ginagawang gawain.
- Matapos likhain ng Diyos ang mundo ng anim na araw, nagpahinga siya sa ikapitong araw.Gayun din, inutusan ng Diyos ang mga Israelita na ihiwalay ang ikapitong araw bilang isang natatanging araw upang magpahinga at sambahin siya.
- Ang utos na "panatilihing banal ang Araw ng Pamamahinga" ay isa sa Sampung Utos na sinulat ng Diyos sa mga tapyas ng bato na binigay niya kay Moises para sa mga Israelita.
- Kung susundin ang maka-Judiong paraan ng pagbibilang ng araw, ang Araw ng Pamamahinga ay nagsisimula sa paglubog ng araw ng Biyernes at tumatagal hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maaari itong isalin na "araw ng pagpapahinga" o "araw para magpahinga" o "araw ng hindi pagtatrabaho" o "araw ng kapahingahan ng Diyos."
- Ang ilang mga salin ay sinusulat ang salitang ito ng may malaking titik upang ipakita na ito ay isang natatanging araw, tulad ng "Araw ng Pamamahinga" o "Araw ng Kapahingahan."
- Tingnan kung paano isinalin ang salitang ito sa pampook o pambansang wika.
Banal na Espiritu, Espiritu ng Diyos, Espiritu ng Panginoon
Tumutukoy ang lahat ng mga salitang ito sa Banal na Espiritu na siyang Diyos. Ang nag-iisang tunay na Diyos na mamalagi sa habang panahon bilang Ama, anak, at Banal na Espiritu.
- Ang Banal na Espuritu ay tumutukoy din sa "ang Espiritu" at "Espiriu ni Yahweh" at "Espiritu ng Katotohanan."
- Dahil ang Banal na Espiritu ay Diyos, siya ay ganap na banal, walang hanggang kadalisayan, at ganap ang kagandahang asal sa lahat ng kaniyang kalikasan at sa lahat ng kaniyang ginagawa.
- Kasama ng Ama at ng Anak, ang Banal na Espiritu ay aktibo sa paglilikha ng mundo.
- Nang ang anak ng Diyos, na si Jesus, ay bumalik sa langit, ipinadala ng Diyos ang Banal na Espirtu sa kaniyang mga tao upang pangunahan sila, turuan sila, gabayan sila, at bigyan sila ng kakayanan na gawin ang kalooban ng Diyos.
- Pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus at papatnubayan ang mga maniniwala kay Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang ito ay maaaring isalin gamit ang mga salita sa pagsalin ng "banal" at "espiritu."
- Ang mga paraan ng pagsasalin ng salitang ito ay maaaring isama ang "Dalisay na Espiritu" o "Espiritung Banal" o "Espiritu na Diyos."
Barabas
Si Barabas ay isang bilanggo sa Jerusalem sa panahon na si Jesus ay dinakip.
- Si Barabas ay kriminal na nakagawa ng mga kasalanan ng pagpatay at paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Roma.
- Noong si Poncio Pilato ay nag-alok na palayain sinuman kina Barabas o si Jesus, pinili ng mga tao si Barabas.
- Kaya hinayaan ni Pilato na makalaya si Barabas, ngunit nahatulan si Jesus na mamatay.
Bartolomeo
Si Bartolome ay isa sa labindalawang apostoles ni Jesus.
- Katulad din ng ibang mga apostole, si Bartolome ay sinugo upang ipahayag ang ebanghelyo at gumawa ng mga milagro sa pangalan ni Jesus.
- Siya din ay isa sa kanila na nakakita kay Jesus na bumalik sa langit.
- Ilang linggo pagkatapos noon, kasama siya ng ibang mga apostole sa Jerusalem sa pentecostes nang ang Banal na Espiritu ay dumating sa kanila.
Beelzebul
Si Beelzebul ay isang pinuno ng mga demonyo at isa pang pangalan ni Satanas, o ng diyablo.
- Ang Beelzebul ay ibinabaybay ding Beelzebub sa ilang mga salin (bersyon) ng Biblia.
- Literal itong nangangahulugan na "panginoon ng mga langaw" na ang kahulugan ay, "pinuno ng mga demonyo."
- Sapagkat ito ay pangalan, ito ay dapat isalin bilang isang pangalan.
- Maaari rin itong isalin na "Beelzebul, ang diyablo" upang malinaw kung sino ang tinutukoy.
Bethania
Ang bayan ng Bethania ay matatagpuan sa ibaba ng silanganang libis ng Bundok ng mga Olibo, mga 2 milya sa silangan ng Jerusalem.
- Ang Bethania ay malapit sa daanang matatagpuan sa pagitan ng Jerusalem at Jerico.
- Madalas bumisita si Jesus sa Bethania kung saan nakatira ang kaniyang mga malapit na kaibigang sina Lazaro, Marta, at si Maria.
- Ang Bethania ay bukod-tanging kilala bilang lugar kung saan binuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga patay.
Bundok ng mga Olibo
Ang Bundok ng mga Olibo ay isang bundok o malaking burol na matatagpuan malapit sa silangang bahagi sa lungsod ng Jerusalem. Marahil pinangalanan ito dahil sa mga kakahuyan ng mga puno ng mga olibo na bumabalot dito.
- Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo sa ilang pagkakataon upang manalangin at magpahinga.
- Si Jesus ay dinakip sa Hardin ng Getsemni, na matatagpuan sa Bundok ng mga Olibo.
- Ito ay maaari ring isalin na "Bundok ng Puno ng Olibo."
Capernaum
Ang Capernaum ay ang nayon na pinangingisdaan sa hilagang-kanlurang baybayin sa Dagat ng Galilea.
- Si Jesus ay tumira sa Capernaum tuwing siya ay nagtuturo sa Galilea.
- Ilan sa kaniyang mga alagad ay nagmula sa Capernaum.
- Gumawa din si Jesus ng maraming mga himala sa lungsod na ito, kabilang ang isang patay na babae na muli niyang binuhay.
- Ang Capernaum ay isa sa tatlong mga lungsod na sinaway ni Jesus ng hayagan dahil tinanggihan siya ng mga tao doon at hindi naniwala sa kaniyang mensahe. Binigyang niya sila ng babala na parurusahan sila ng Diyos dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.
Cesar
Ang salita na "Cesar" ay pangalan o titulo na ginagamit ng maraming mga pinuno sa Imperyo ng Roma. Sa Bibliya, tumutukoy ito sa tatlong iba't ibang mga pinuno ng Romano.
- Ang unang pinunong Romano na pinangalanang Cesar ay si "Cesar Augusto," na namumuno sa mga panahong isinilang si Jesus.
- Humigit kumulang tatlumpung taon ang nakalipas, nang panahong si Juan na Tagapabautismo ay nangangaral, si Tiberio Cesar ang pinuno ng Imperyo ng Roma.
- Si Tiberio Cesar ang patuloy na namumuno sa Roma ng sabihin ni Jesus sa mga tao na magbayad kay Cesar kung ano ang nararapat sa kaniya at ibigay sa Diyos kung ano din ang nararapat.
- Nang humiling si Pablo kay Cesar, ito ay tumutukoy sa Emperador Nero ng Roma, na may titulo ding "Cesar.
- Kapag ang "Cesar" ay ginamit sa kaniyang sarili bilang titulo, maaari din itong isalin bilang: "ang Emperador" o "ang Pinuno ng Roma."
- Sa mga pangalang katulad ng Cesar Augusto o Tiberio Cesar, ang "Cesar" ay maaaring baybayin sa paraan ng pagbaybay sa pambansang wika.
Cesarea, Cesarea ng Filipos
Ang Cesarea ay isang mahalagang lungsod sa baybayin ng Dagat Mediteraneo, humugit-kumulang 39 kilometro sa timog ng Bundok Carmelo. Ang Cesarea ng Filipos ay isang lungsod na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Israel, malapit sa Bundok Hermon.
- Ang mga lungsod na ito ay ipinangalan para sa mga Cesar na namuno sa imperyo ng Roma.
- Ang baybayin ng Cesarea na naging kabiserang lungsod ng lalawigan ng Roma sa Judea marahil sa panahon ng kapanganakan ni Jesus.
- Ang apostol na si Pedro ang unang nangaral sa mga Gentil sa Cesarea
- Naglayag si Pablo mula Cesarea hanggang sa Tarsus at dumaan din sa lungsod na ito ng dalawa beses sa kaniyang paglalakbay misiyon.
- Naglakbay si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa rehiyong palibot sa Cesarea ng Filipos.
Cirene
Ang Cirene ay isang lungsod ng Griyego sa hilagang baybayin ng Africa sa dagat Mediteraneo, sa timog ng islang Crete.
- Sa panahon ng Bagong Tipan, ang mga Judio at mga Kristiyano ay nakatira sa Cirene.
- Marahil ang Cirene ay pinakakilala sa Bibliya bilang tahanang lungsod ng lalaking nagngangalang Simon na bumuhat sa krus ni Jesus.
Cristo, Mesias
Ang mga katawagang "Mesias" at "Cristo" ay nangangahulugang "ang Binasbasan" at tumutukoy kay Jesus na Anak ng Diyos.
- Kapwa ginamit ang "Mesiyas" at "Cristo" sa Bagong Tipan upang tukuyin ang Anak ng Diyos, na siyang hinirang ng Diyos Ama upang mamuno bilang hari sa kaniyang mga tao, at upang iligtas sila mula sa kasalanan at kamatayan.
- Sa Lumang Tipan, sumulat ang mga propeta ng mga propesiya tungkol sa Mesiyas daan-daang taon na ang nakalipas bago siya dumating sa daigdig.
- Madalas ang salitang nangangahulugan na "(isang) binasbasan" ay ginamit sa Lumang Tipan upang tukuyin ang Mesiyas na darating.
- Isinakatuparan ni Jesus ang marami sa mga propesiyang ito at gumawa ng maraming kamangha-manghang mga gawain na nagpatunay na siya ang Mesiyas; maisasakatuparan ang iba sa mga propesiyang ito kapag bumalik na siya.
- Ang salitang "Cristo" ay madalas ginagamit bilang isang titulo, gaya ng "ang Cristo" at "Cristo Jesus."
- Ang "Cristo" ay ginamit din upang gamitin bilang bahagi ng kaniyang pangalan, gaya ng "Jesu-Cristo."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang katawagang ito ay maaaring isalin sa pamamagitan ng paggamit ng kahulugan nito, "Ang Binasbasan" o "Binasbasan ng Diyos na Tagapagaligtas."
- Maraming mga wika ang gumagamit ng naisatitik na salitang may anyo o tunog na gaya ng "Cristo" o "Mesiyas."
Dagat ng Galilea
Ang Dagat ng Galilea ay isang lawa sa silangang Israel. Ang tubig nito ay dumadaloy sa timog sa pamamagitan ng Ilog Jordan pababa sa Dagat na Patay.
- Ang bayan ng Capernaum at Betsaida ay katabi ng Dagat ng Galilea.
- Kabilang sa mga pangalan para sa Dagat ng Galilea ay: ang Dagat ng Tiberias, ang Dagat ng Cineret, at ang Lawa ng Genesaret.
David
Si David ang pangalawang hari ng Israel na nagmahal at pinaglingkuran ang Diyos. Siya ang pangunahing manunulat sa libro ng mga Awit.
- Nang bata pa lamang si David na nag-aalaga sa mga tupa ng kaniyang pamilya, pinili siya ng Diyos upang maging kasunod na hari ng Israel.
- Si David ay naging mahusay na mandirigma at pinangunahan ang hukbo ng Israel sa mga digmaan laban sa kanilang mga kaaway. Kilalang-kilala ang pagtalo niya kay Goliat na isang Filisteo.
- Sinubukan ni haring Saul na patayin si David ngunit iningatan siya ng Diyos at ginawa siyang hari pagkatapos mamatay si Saul.
- Nakagawa si David ng malaking kasalanan ngunit nagsisi siya at pinatawad siya ng Diyos.
- Si Jesus na Mesiyas, ay tinawag na "Anak ni David" dahil siya ay kaapu-apuhan ni Haring David.
Diyos
Sa Bibliya, ang salitang "Diyos" ay tumutukoy sa kaniya na lumikha ng daigdig mula sa wala. Ang Diyos ay may tatlong persona bilang Ama, Anak at Banal na Espiritu. Ang personal na pangalan ng Diyos ay "Yahweh."
- Ang Diyos ay buhay magpakailanman; siya ay buhay bago pa magkaroon ng anumang bagay at siya ay mananatiling buhay magpakailanman.
- Siya lamang ang tunay na Diyos at may karapatan sa lahat ng bagay sa daigdig.
- Ang Diyos ay ganap na matuwid, may walang hanggang karunungan, banal, walang kasalanan, makatarungan, maawain at mapagmahal.
- Siya ay Diyos na tinutupad at inaalala ang tipan, na laging tinutupad ang kaniyang mga pangako.
- Ang mga tao ay nilikha upang sumamba sa Diyos at siya lamang ang tanging dapat nilang sambahin.
- Inihayag ng Diyos ang kaniyang pangalan na "Yahweh" na nangangahulugan na, "siya nga" o "Ako nga" o "Siya na buhay magpakailanman."
- Itinuturo din ng Bibliya ang tungkol sa mga hindi totoong "diyos" na walang buhay na diyus-diyosan na maling sinasamba ng mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Mga paraan upang isalin ang "Diyos" ay maaaring, "Lumikha" o "Kataas-taasan."
- Ang ibang mga paraan upang isalin ang "Diyos" ay maaaring, "Kataas-taasang Lumikha" o "Walang Katapusang Makapangyarihang Panginoon" o "Walang Hanggang Kataas-taasan."
- Isaalang-alang kung paano tinutukoy ang Diyos sa lokal o pambansang wika. Maaaring mayroon ng salita para sa "Diyos" sa wikang isinasalin. Kung ganoon nga, mahalaga na tiyakin na ang salitang ito ay angkop sa katauhan ng nag-iisang tunay na Diyos na inilarawan sa itaas.
- Maraming wika ang gumagamit ng malaking titik sa unang letra ng salita para sa nag-iisang tunay na Diyos upang makita ang pagkakaiba nito sa salitang ginagamit para sa diyus-diyosan.
- Ang isa pang paraan upang gumawa ng pagkakaiba ay ang paggamit sa dalawang magkaibang katawagan para sa "Diyos" at "diyos."
- Ang mga salitang, "Ako ang kanilang magiging Diyos at sila ang aking magiging bayan" ay maaaring isalin na, " Ako, na Diyos, ay mamumuno sa mga taong ito at sila ay sasamba sa akin."
Elias
Si Elias ay isa sa mga pinaka-mahalagang propeta ni Yahweh. Si Elias ay nakapagpropesiya sa panahon ng paghahari ng ilang mga hari sa Israel o Juda kabilang si Haring Ahab.
- Maraming ginawang himala ang Diyos sa pamamagitan ni Elias kabilang ang pagbuhay sa batang lalaki mula sa kamatayan.
- Sinaway ni Elias si Haring Ahab sa pagsamba sa diyus-diyusan na si Baal.
- Hinamon niya ang ang mga propeta ni Baal sa isang pagsubok na nagpatunay na si Yahweh lamang ang tunay na Diyos.
- Sa katapusan ng buhay ni Elias, kahima-himala siyang idinala ng Diyos sa langit habang siya ay buhay pa.
- Daan-daang mga taon ang lumipas, si Elias, kasama ni Moises, ay nagpakita kay Jesus sa isang bundok at sila ay nag-usap tungkol sa nalalapit na paghihirap at kamatayan ni Jesus sa Jerusalem.
Felipe, ang ebanghilista
Sa unang Kristianong iglesia sa Jerusalem, si Felipe ay isa sa pitong namumunong pinili upang mangalaga sa mga mahihirap at nangangailangan na mga Kristiano, lalong-lalo na sa mga babaeng balo.
- Ginamit ng Diyos si Felipe upang magbahagi ng ebanghelyo sa mga tao sa maraming iba't-ibang mga bayan ng mga probinsya ng Judea at Galilea, kabilang ang lalaking taga Etyopya na natagpuan sa disyerto papuntang Gaza mula sa Jerusalem.
- Lumipas ang mga tao, si Felipe ay nanirahan sa Cesarea nang si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay nanatili sa kaniyang bahay sa kanilang pagbalik papuntang Jerusalem.
- Karamihan sa mga taong dalubhasa sa Bibliya ay nagpapalagay na si Felipe na ebanghelista ay iba sa apostol ni Jesus na may ganoong pangalan. Ang ibang mga wika ay mas gustong gamitin ang magkaibang baybay sa pangalan ng dalawang lalaking ito upang maging malinaw na sila ay magkaibang tao.
Felipe, ang apostol
Si Felipe, na apostol, ay isa sa mga unang labindalawang alagad ni Jesus.
- Si Felipe ay mula sa bayan ng Bethsaida; ipinakilala niya si Nathanael kay Jesus.
- Minsan tinanong ni Jesus si Felipe kung paano magbigay ng pagkain para sa mahigit 5,000 na dami ng tao.
- Sa huling hapunan ng Paskwa, si Jesus ay kumain kasama ang kaniyang mga alagad, nagsalita siya sa kanila tungkol sa Diyos na kaniyang Ama. Tinanong ni Felipe si Jesus na ipakita sa kanila ang Ama.
- Ang ilang mga wika ay maaaring baybayin ang pangalang Felipe sa ibang paraan mula sa isa pang Felipe (ang ebanghilista) para makaiwas sa pagkalito.
Filipos
Ang Filipos ay isang lungsod na matatagpuan sa hilagang bahagi ng sinaunang Gresya.
- Sina Pablo at Silas ay naglakbay papuntang Filipos upang mangaral tungkol kay Jesus sa mga tao doon.
- Sina Pablo at Silas ay dinakip sa Filipos, ngunit himala silang pinalaya ng Diyos.
- Sinulat ni Pablo ang liham sa mga taga Filipos sa Bibliya para sa mga Kristiyano sa Filipos.
Galilea, taga-Galilea
Ang Galilea ay ang pinakahilagang bahagi ng Israel, mas hilaga kaysa sa Samaria.
- Ang silangan ng Galilea ay pinaliligiran ng isang malaking lawa na tinawag na "ang Dagat ng Galilea."
- Si Jesus ay lumaki at nanirahan sa bayan ng Nazaret sa Galilea.
- Ang isang taga-Galilea ay tao na naninirahan sa Galilea.
Gentil
Ang isang Gentil ay taong hindi nagmula sa angkan ni Jacob o ng kaniyang labindalawang anak na lalaki. Kung kaya't ang mga Gentil ay mga taong hindi Judio.
- Sa Kasulatan, ang mga Gentil ay paminsan-minsang tinutukoy bilang mga "hindi tuli" dahil marami sa kanila ang hindi tinuli ang kanilang mga anak na lalaki na tulad ng ginawa ng mga Israelita.
- Dahil pinili ng Diyos ang mga Judio bilang kaniyang natatanging mga tao, inisip nila na ang mga Gentil ay mga tagalabas na hindi kailanman magiging tao ng Diyos.
- Ang mga Judio ay tinatawag ding mga Israelita o Hebreo sa magkaibang panahon sa kasaysayan. Ang lahat na hindi Judio ay tinatawag na Gentil.
- Ang Gentil ay maaari ring isalin na "hindi Judio" o "hindi Israelita" (Lumang Tipan.)
- Ayon sa kaugalian, ang mga Judio ay hindi kumakain kasama ang mga Gentil, na sa una ay naging dahilan ng mga problema sa iglesya.
Getsemani
Ang Getsemani ay isang hardin ng mga puno ng olibo sa silangan ng Jerusalem sa ibayo ng lambak ng Kidron at malapit sa Bundok ng mga Olibo.
- Ang hardin ng Getsemani ay isang lugar kung saan pumupunta si Jesus at ang kaniyang mga tagasunod upang makapag-isa at mapag-pahinga na malayo mula sa maraming tao.
- Ito ay kung saan naghinagpis sa panalangin si Jesus bago siya ipagkanulo ni Judas at doon ay dinakip.
Griego, Taga-Gresya, Hellenistic
Sa mga panahon ng Bagong Tipan, ang wikang Griyego ang wikang ginagamit sa Grecia at sa buong Imperyo ng Roma; ang orihinal na mga teksto ng Bagong Tipan ay isinulat sa Griyego.
- Ang salitang "Griego" ay ginamit din minsan sa Bibliya na tumukoy sa pangkalahatang tao na hindi Judio. Ito ay dahil sa panahong iyon, karamihan sa mga taong hindi Judio sa Imperyong Romano ay nagsasalita ng Griyego, kahit na sila ay may magkaibang nasyonalidad. Ang halimbawa nito ay ang taga Syro-Feniciang babae sa Marcos 7.
- Kapag ginamit sa pamamaraang ito, para sa isang tao na hindi Judio, ang ibang mga pamamaraan upang isalin ang "Griego" ay maaaring, "Gentil" o "hindi Judio."
- Ang isang "taga- Grecia" na Judio ay isang nagsasalita ng Griyego at lumaki sa kulturang Griyego. Gumamit ang ilang Ingles bersyon ng salitang "Hellenistic" sa halip ng Griyego, ito ay pagsasatitik ng salitang Griego. [TA: transliteration] Ito ay taliwas sa mga "maka-Judio" na mga Judio, na nagsasalita lamang ng wikang Hebreo.
Hari ng mga Judio
Ang "Hari ng mga Judio" ay isang titulo na tumutukoy kay Jesus, na ang Mesias.
- Ang unang pagkakataon na naitala sa Bibliya ang titulong ito ay nang ginamit ito ng mga pantas na naglakbay sa Betlehem upang hanapin ang sanggol na siyang "Hari ng mga Judio."
- Ipinahayag ng anghel kay Maria na ang kaniyang anak na lalaki, isang kaapu-apuhan ni Haring David ay magiging isang hari na maghahari magpakailanman.
- Bago ipinako sa krus si Jesus, ang mga sundalong Romano ay palibak na tinawag si Jesus na "Hari ng mga Judio." Ang titulong ito ay naisulat din sa isang pirasong kahoy at ipinako sa itaas ng krus ni Jesus.
- Tunay na si Jesus ay ang Hari ng mga Judio at ang hari sa lahat ng nilikha.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Ang "Hari ng mga Judio" ay maaari ring isalin na "hari sa lahat ng mga Judio" o "hari na siyang namumuno sa lahat ng mga Judio" o " kataas-taasang pinuno ng mga Judio."
- Siyasatin upang makita kung paano na ang salitang "hari ng" ay naisalin sa mga ibang konteksto sa pagsasalin.
Herodias
Si Herodias ay asawa ni Haring Herodes (Antipas) sa Judea sa panahon ni Juan na Tagapagbautismo.
- Si Herodias ay orihinal na asawa ni Herodes Filipe na kapatid ni Herodes, ngunit sa halip, ay kinasal kay Herodes na hindi naaayon sa batas.
- Pinagsabihan ni Juan tagapagbautismo sina Herodes at Herodias sa kanilang pagsasama na di naaayon sa batas ng pag-aasawa. Dahil dito, pinakulong ni Herodes si Juan at sa huli ay pinapugutan niya ito ng ulo.
Isaac
Si Isaac ang anak na ipinangako ng Diyos na ibibigay kina Abraham at Sara kahit na sila ay napakatanda na.
- Ipinangako ng Diyos na ang kasunduang ginawa niya kay Abraham ay aabot kay Isaac at sa lahat ng mga inapo ni Isaac magpakailanman.
- Sinubok ng Diyos ang pananampalataya ni Abraham sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya na ialay si Isaac.
- Ang anak ni Isaac na si Jacob ay nagkaroon ng labindalawang anak. Ang kanilang mga inapo ay di nagtagal naging labindalawang tribo ng bansan Israel.
- Ang ibig sabihin ng Isaac ay "tumatawa siya." Nang sinabi ng Diyos kay Abraham na siya at si Sara ay magkakaroon ng anak, tumawa siya dahil napakatanda na nilang dalawa.
Isaias
Si Isaias ay propeta ng Diyos.
- Maraming propesiya ang naisulat ni Isaias tungkol sa Israel na nagkatotoo habang siya ay nabubuhay.
- Kilala si Isaias lalo na sa mga naisulat niyang mga propesiya tungkol sa Mesiyas na nagkatotoo 700 taon ang nakalipas nang namuhay si Jesus sa mundo.
- Binanggit ni Jesus at ng kaniyang mga alagad ang propesiya ni Isaias upang magturo sa mga tao tungkol sa Mesiyas.
- Ang Aklat ni Isaias ay isa sa mga pangunahing aklat ng Bibliya.
Israel, mga Israelita, bansang Israel
Israel ang pangalang binigay ng Diyos kay Jacob. Ibig sabihin ng Israel ay, "Nakikipagbuno sa Diyos."
- Ang lahi ni Jacob ay naging kilala bilang mamamayan ng Israel, ang bayan ng Israel, o ang mga Israelita.
- Binuo ng Diyos ang kaniyang kasunduan kasama ng mga mamamayan ng Israel. Sila ang pinili niyang mga tao.
- Israel ang pangalan ng kanilang bansa.
- Ang Bansang Israel ay binubuo ng labindalawang tribo.
- Ilang panahon ang nakalipas matapos mamatay si Haring Solomon, nahati ang bansa sa dalawang kaharian: ang katimugang kaharian, na tinatawag na Juda at ang hilagang kaharian, na tinatawag na Israel.
Jacob, Israel
Si Jacob ang nakababaatang kambal na anak ni Isaac at Rebeca.
- Ang pangalang Jacob ay nangangahulugang "mandaraya" o "manlilinlang."
- Tuso at mapanlinlang si Jacob. Nakahanap siya ng mga paraan upang kunin ang pamanang karapatan ng pagkapanganay at ang pagpapala mula sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Esau.
- Nagalit si Esau at binalak siyang patayin, kaya umalis si Jacob sa kaniyang sariling bayan. Subalit di nagtagal bumalik siya at namuhay ng mapayapa kasama ang kaniyang kapatid.
- Pinalitan ng Diyos ang pangalan ni Jacob ng Israel na nangangahulugang, "nakipagbuno siya sa Diyos."
- Iningatan ng Diyos ang kaniyang kasunduan kay Abraham at sa kaniyang mga inapo sa pamamagitan ng anak ni Abraham, na si Isaac, at sa mga anak ni Isaac, na si Jacob.
- Nagkaroon ng labindalawang mga anak na lalaki si Jacob. Ang kanilang mga inapo ay ang naging labindalawang tribo ng Israel.
Jerico
Ang Jerico ay isang makapangyarihang lungsod sa Lupang Ipinangako na Canaan.
- Ito ang unang lungsod sa lupain ng Canaan na sinabi ng Diyos sa Israelita para sakupin.
- Tulad ng lahat ng mga Cananeo, ang mga tao sa Jerico ay sumamba sa mga diyus-diyosan.
- Nang pangunahan ni Josue ang mga Israelita laban sa Jerico, gumawa ang Diyos ng isang dakilang himala upang tulungan silang talunin ang lungsod.
Jerusalem
Ang Jerusalem ay ang dating sinaunang lungsod ng Cananeo na naging pinaka mahalagang lungsod ng Israel. Ito parin ang kabisera ng lungsod sa kasalukuyang panahon sa Israel.
- Ang lungsod ng Salem sa Lumang Tipan ay maaaring katulad ng lungsod ng Jerusalem. Ang magkatulad na pangalan ay may pinanggalingang kahulugan ng "kapayapaan."
- Inihandog ni Abraham ang kaniyang anak na si Isaac sa Bundok ng Moria na bahagi ng lungsod ng Jerusalem.
- Sinakop ni Haring David ang Jerusalem mula sa mga Jebuseo at ginawa niya itong kabiserang lungsod.
- Ang anak ni David na si Solomon ang nagtayo ng unang templo sa Bundok ng Moria sa Jerusalem.
- Winasak ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem, subalit pagkalipas ng 70 taon pinahintulutan sila ng Diyos na bumalik at muling itinayo ang lungsod.
- Dahil ang templo ay matatagpuan doon, ang Jerusalem ang centro para sa pagdiriwang ng mga pangunahing kapistahan ng mga Judio.
- Sa Bagong Tipan, inihandog si Jesus bilang isang sanggol sa templo sa Jerusalem at sa Jerusalem din siya inilagak upang litisin at hinatulan na mamatay sa krus.
- Pagkatapos muling mabuhay ni Jesus, ang Jerusalem ay isa sa pangunahing mga lugar na kung saan si Jesus nag-ukol ng panahon kasama ang kaniyang mga alagad bago siya bumalik sa langit.
- Yamang ang Jerusalem ay matatagpuan sa mga bulubundukin ng Israel, pang karaniwangang tinutukoy ng mga tao ang pagpunta sa Jerusalem gaya ng " paakyat patungo sa Jerusalem."
Jesus, Jesu-Cristo, Cristo Jesus
Si Jesus ay Anak ng Diyos. Ang pangalang "Jesus" ay nangangahulugang, "Si Yahweh ay nagliligtas". Ang salitang "Cristo" ay isang titulo na nangangahulugang "ang isang pinili" at isa pang salita para sa Mesiyas.
- Madalas pinagsama ang dalawang mga pangalan gaya ng "Jesu-Cristo" o "Cristo Jesus." Ang mga pangalang ito ay nagbibigay diin na ang Mesiyas ay Anak ng Diyos na dumating upang iligtas ang mga tao mula sa walang hanggang parusa para sa kanilang mga kasalanan.
- Sa isang mahimalang pamamaraan, ang Banal na Espiritu ang dahilan upang maipanganak ang walang hanggang Anak ng Diyos bilang tao. Sinabi ng anghel sa kaniyang makalupang magulang na tawagin siyang "Jesus" dahil siya ay nakalaan upang iligtas ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.
- Gumawa si Jesus ng maraming mga himala na nagpahayag na siya ay Diyos at siya ang Cristo, o Mesiyas.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maraming mga wika ang bumabaybay ng "Jesus" at "Cristo" sa pamamaraang mapanatili ang tunog o pagbaybay na posibleng malapit sa orihinal. Halimbawa, "Jesucristo," "Jezus Christus," "Yesus Kristus", ang "HesuKristo" ay ilan sa mga pamamaraan na ang mga pangalang ito ay naisalin sa iba't ibang mga wika.
- Para sa salitang, "Cristo," ang ilang mga wika ay ginamit ang salitang "Mesiyas" sa lahat dako.
- Isaalang-alang din kung paano binaybay ang mga pangalang malapit na lugar o pambansang wika.
Juda
Si Juda ay ang pang-apat sa labindalawang anak ni Jacob. Ang kaniyang ina ay si Lea.
- Naging lipi ng Juda ang mga kaapu-apuhan ni Juda.
- Ang salitang "Judio" ay nagmula sa pangalang "Juda."
- Nang mahati ang bansa ng Israel matapos magwakas ang paghahari ni Solomon, ang kaharian ng Juda ay ang katimugang bahagi.
Juda, Kaharian ng Juda
Ang Juda ang pinakamalaki sa labindalawang tribo ng Israel. Pagkatapos mamatay ni Haring Solomon, ang mga Israelita ay nahati sa dalawang kaharian: Ang Israel at ang Juda. Ang kaharian ng Juda ay ang katimugang bahagi, binubuo ng mga tribo ni Juda at Benjamin.
- Ang kabisera ng lungsod ng kaharian ng Juda ay ang Jerusalem.
- Ilan sa mga hari ng kaharian ng Juda ay sumunod sa Diyos at pinangungunahan ang mga tao na sumamba sa kaniya. Ngunit marami sa mga hari ng Juda ay masasama.
- Sa higit 120 na taon pagkatapos matalo ng Asiria ang Israel (ang hilagang kaharian), nasakop ng bansang Babilonya ang Juda. Sinira ng mga taga-Babilonia ang lungsod at ang templo, at dinala ang halos lahat ng mga tao mula sa kaharian ng Juda papunta ng Babilon bilang mga bihag.
Judas Iscariote
Si Judas Iscariote ay isa sa labindalawang apostol ni Jesus. Siya ang nagkanulo kay Jesus sa mga pinuno ng mga Judio.
- Ang pangalang "Iscariote" ay maaaring mangahulugang "mula sa Kerioth," marahil tumutukoy sa lungsod kung saan lumaki si Judas.
- Si Judas Iscariote ay isang magnanakaw; pinamamahalaan niya ang mga pera ng mga apostol at karaniwang ninanakaw ang ilan sa mga ito upang gamitin sa kaniyang sarili.
- Ipinagkanulo ni Judas si Jesus sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga pinuno ng relihiyon kung nasaan si Jesus upang siya ay kanilang madakip.
- Pagkatapos hatulan ng mga pinuno ng relihiyon si Jesus upang mamatay, nagsisi si Judas na ipinagkanulo niya si Jesus, kaya siya ay nagpakamatay.
- May mga ilan na nagngangalang Judas sa Bibliya, tulad ng kapatid ni Jesus at isa pa sa labindalawang alagad.
Judea
Ang saliatng "Judea" ay nagmula sa pangalang Juda na isa sa labindalawang lipi ng Israel. Ito ay ginamit sa iba't ibang kahulugan.
- Minsan, ang "Judea" ay ginamit upang tukuyin lamang ang probinsiya na matatagpuan sa katimugang bahagi ng sinaunang Israel sa kanluran ng Patay na Dagat. Ang ilang mga pagsasalin ay tinawag itong lalawigan ng "Juda."
- Maraming pagkakataon na ang "Judea" ay tumutukoy sa lahat ng lalawigan ng sinaunang Israel, kasama ang Galilea, Samaria, Perea, Idumea at Judea (Juda).
Kung gusto ng mga tagasalin ng malinaw na pagkakaiba, ang mas malawak na kahulugan ng Judea (halimbawa sa Lucas 1:5) ay maaaring isalin na "Bansa ng Judea" at kung ang lalawigan lamang ang tinutukoy (halimbawa sa Lucas 1:39) maaaring isalin na "lalawigan ng Judea" o "lalawigan ng Juda".
Kaharian
Ang isang kaharian ay pangkat ng mga tao na pinamumunuan ng isang hari. Tumutukoy din ito sa kaharian o sa rehiyong pampulitika kung saan may kapangyarihan ang isang hari o namumuno.
- Ang isang kaharian ay maaari sa anumang heograpikong sukat. Ang isang hari ay maaaring mamuno sa isang bansa o lupain na kahit sa isang lungsod lamang.
- Ang "kaharian" ay maaari ring tumukoy sa isang paghaharing espiritwal o kapangyarihan tulad ng "kaharian ng Diyos."
- Ang Diyos ay ang pinuno ng lahat ng nilikha, ngunit ang "kaharian ng Diyos" ay natatanging tumutukoy sa kaniyang paghahari at kapangyarihan sa lahat ng mga tao na nanampalataya kay Jesus at siya na nagpasakop sa kaniyang kapangyarihan.
- Sinasabi rin sa Bibliya ang tungkol sa pagkakaroon ni Satanas ng isang "kaharian" kung saan ay panandalian siyang naghahari sa maraming mga bagay sa mundong ito. Ang kaniyang kaharian ay masama at tinukoy bilang "kadiliman."
Mga mungkahi ng pagsasalin:
- Kapag tumutukoy sa isang rehiyong pampisikal na pinamumunuan ng isang hari, ang salitang "kaharian" ay maaaring isalin bilang, "bansa
Kataas-taasan
Ang katawagang "Kataas-taasan" ay isang katawagan para sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa kaniyang kadakilaan o kapangyarihan.
- Ang kahulugan ng katawagang ito ay katulad sa kahulugan ng "pinakadakila" o "pinakamataas."
- Ang salitang "taas" sa katawagang ito ay hindi tumutukoy sa pisikal na taas o layo. Ito ay tumutukoy sa kadakilaan.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Ang katawagan na ito ay maaari ding isalin na, "Kataas-taasang Diyos" o "Ang Pinakamataas na Nilalang" o "Diyos na Kataas-taasan" o "Ang Pinakadakila" o "Ang Pinakamataas" o "ang Diyos na dakila sa lahat."
- Kung ang isang salita ay tulad ng "taas" ay ginamit, siguraduhin na ito ay hindi tumutukoy sa pisikal na taas o tangkad.
Maria, na ina ni Jesus
Si Maria ay ang ina ni Jesus at asawa ni Jose.
- Ang Banal na Espiritu ang mahimalang kumilos kay Maria upang magdalang tao habang siya ay birhen. Ang sanggol na nasa kaniyang sinapupunan ay ang Anak ng Diyos.
- Pinakasalan ni Jose si Maria at naging kaniyang asawa, ngunit nanatiling birhen si Maria hanggang sa maisilang ang sanggol.
- Nang ipinanganak ang sanggol, pinangalanan siyang Jesus ni Maria at Jose.
Maria Magdalena, Maria na taga Magdala
Si Maria Magdalena ay nagsimulang sumunod kay Jesus matapos nitong palayasin ang pitong demonyo mula sa kaniya.
- Si Maria Magdalena at ilan sa mga babae na tumulong kay Jesus at sa kaniyang mga apostol sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila.
- Si Maria Magdalena at ang ilang sa mga babae ay ang mga unang nakakita kay Jesus matapos siyang mabuhay muli.
Mateo, Levi
Mateo ang pangalang ibinigay kay Levi na anak ni Alfeo. Si Mateo ay isa sa labingdalawang lalaki na pinili ni Jesus na maging apostol.
- Si Mateo ay isang tagasingil ng buwis mula sa Capernaum bago niya makikala si Jesus.
- Si Mateo ang sumulat ng ebanghelyong nagtataglay ng kaniyang pangalan.
Moises
Si Moises ay isang propeta at pinuno ng mga Israelita sa loob ng mahigit 40 na taon.
- Pinili ng Diyos si Moises upang palayain ang mga Israelita mula sa pagkakaalipin sa Egipto at pinangunahan sila papunta sa Lupang Pangako.
- Binigyan ng Diyos si Moises ng mga tapyas na bato na naukit ang kaniyang mga kautusan para sa mga Israelita.
- Nang malapit na siyang mamatay, sinuway ni Moises ang Diyos kaya hindi siya nakapamuhay sa Lupang Pangako, na ang Canaan.
Nazaret, Nazareno
Nazaret ay isang bayan sa rehiyon ng Galilea sa hilangang Israel.
- Si Jose at Maria ay galing sa Nazaret, at dito nila pinalaki si Jesus.
- Marami sa mga tao sa Nazaret ay hindi nirespeto ang mga katuruan ni Jesus, dahil si Jesus ay lumaki kasama nila, at akala nila na siya ay karaniwang tao lamang.
- Ang mga tao ng Nazaret ay sinubukang patayin si Jesus ng inangkin niya na siya ang Messias.
Panginoon
Ang salitang "Panginoon" ay tumutukoy sa sinumang nagmamay-ari o may kapangyarihan sa mga tao. Kapag ito ay nasa malaking titik, ito ay isang katawagan na pagtukoy sa Diyos.
- Sa Lumang Tipan, ang salitang ito ay ginamit din sa mga pagpapahayag gaya ng, "Panginoong Diyos na Makapangyarihan" o "Panginoong Yahweh" o "Yahweh ang ating Panginoon."
- Sa Bagong Tipan, ginamit ng mga apostol ang salitang ito sa pagpapahayag gaya ng, "Panginoong Jesus" at "Panginoong Jesu-Cristo," kung saan nag-sasabi na si Jesus ay Diyos.
- Ang salitang "Panginoon" sa Bagong Tipan ay ginamit lamang bilang tuwirang tumutukoy sa Diyos, lalo na sa mga pagbanggit mula sa Lumang Tipan. Halimbawa, ang teksto sa Lumang Tipan ay "Pinagpala ang sinumang lumapit sa pangalan ni Yahweh" at ang teksto sa Bagong Tipan ay "Pinagpala ang sinumang lumapit sa pangalan ng Panginoon."
- Sa ULB at UDB, ang katawagan na "Panginoon" ay ginamit lamang upang isalin ang tunay na salitang Hebreo at Griego na ang ibig sabihin ay "Panginoon." Hindi ito kailanman ginamit bilang isang pagsasalin sa pangalan ng Diyos (Yahweh), na tulad ng nangyari sa maraming pagsasalin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Isinalin sa ilang mga wika ang salitang ito bilang "Amo" o "Pinuno" o sa ibang salita na tumutukoy sa pagmamay-ari o sa kataas-taasang pinuno.
- Isinusualt sa malaking titik ng maraming nagsasalin ang salitang ito upang gawing malinaw sa mambabasa na ito ay isang katawagan na tumutukoy sa Diyos.
- Para sa mga bahagi sa Bagong Tipan na kung saan mayroong nabanggit mula sa Lumang Tipan, ang salita na "Panginoong Diyos" ay maaring gamitin upang gawing malinaw na ito ay pagtukoy sa Diyos.
Pariseo
Ang mga Pariseo ay isang mahalagang grupo ng mga pinuno ng relihiyon ng Israel sa panahon ni Jesus. Marami sa kanila ay nasa gitnang hanay ng mga negosyanteng lalaki at ilan rin sa kanila ay mga pari.
- Sa lahat ng mga pinunong Judio, ang mga Pariseo ay istriktong sumunod sa kautusan ni Moises at sa ibang kautusan ng mga Judio at mga kaugalian.
- Sila ay matinding nagpahalaga tungkol sa paghihiwalay ng mga Judiong tao sa impluwensya ng mga Hentil na nakapaligid sa kanila. Sa katotohanan, ang pangalang "Pariseo" ay mula sa salitang "humiwalay."
- Ang mga Pariseo ay naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan; naniniwala rin sila nang pagkakaroon ng mga anghel at ibang espirituwal na nilalang.
- Ang mga Pariseo at mga Saduseo (kasama na dito ang mga punong pari) ay aktibong tumutuligsa kay Jesus at sa mga unang Kristiyano.
Pedro, Simon Pedro, Cefas
Ang mga pangalang ito ay tumutukoy sa iba't-ibang paraan kay Pedro, na isa sa labindalawang apostol ni Jesus. Isa siya sa mahalagang pinuno ng naunang Iglesia.
- Bago siya tinawag ni Jesus para maging alagad, ang pangalan ng taong ito ay Simon.
- Kinalaunan, pinangalanan din siya ni Jesus na Cefas, na ibig sabihin ay "bato" o "malaking bato" sa wikang Aramaico. Tinawag din siya na Pedro, na ang kahulugan ay "bato" o "malaking bato" sa wikang Griego.
- Siya ay mas kilala sa mga pangalang Pedro o Simon Pedro.
- Kumilos ang Diyos sa pamamagitan ni Pedro upang magpagaling ng mga tao at upang ipangaral ang mabuting balita tungkol kay Jesus.
- Ang dalawang aklat sa Bagong Tipan ay mga liham na isinulat ni Pedro upang magpalakas at magturo sa mga kapwa mananampalataya.
Pilato
Si Pilato ay ang gobernador ng Roma na humatol kay Jesus upang mamatay.
- Dahil si Pilato ay isang gobernador, mayroon siyang kapangyarihan na ilagay ang mga kriminal sa kamatayan.
- Gusto ng mga namumunong relihiyosong Judio na ipapako ni Pilato si Jesus sa krus, kaya sila ay nagsinungaling at sinabi na si Jesus ay isang kriminal.
- Napagtanto ni Pilato na si Jesus ay walang kasalanan, ngunit takot siya sa mga tao, kaya inutusan niya ang kaniyang mga kawal na ipako sa krus si Jesus.
Rabi, Guro, Raboni, Tagapagturo
Ang salitang "Rabi" ay literal na nangangahulugang "aking amo" o "aking guro."
- Ito ay isang titulo ng paggalang na ginamit para tawagin ang isang tao na isang relihiyosong guro ng mga Judio, lalo na ang isang guro ng mga kautusan ng Diyos.
- Sina Juan na Tagapag-bawtismo at Jesus ay paminsan-minsang tinatawag na "Rabi" ng kanilang mga alagad.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maaaring kabilang sa pagsalin ng salitang ito ay ang "aking Amo" o "aking Guro" o "Kagalang-galang na Guro" o "Banal na Guro." Maaaring isulat sa malaking titik ng ibang mga wika ang isang pagbati na katulad nito, habang ang iba ay hindi.
- Ang wikang isasalin ay maaari ring magkaroon ng natatanging paraan na kung saan ang mga guro ay karaniwang tinatawag.
- Tiyakin na ang salin ng salitang ito ay hindi nangangahulugan na si Jesus ay isang guro sa paaralan.
- Isaalang-alang din kung paano ang "rabi" ay isinalin sa isang pagsasalin ng Biblya sa isang kaugnay na wika o isang pambansang wika.
Saduceo
Ang mga Saduceo ay isang grupong pampulitika ng mga paring Judio sa panahon ni Jesu-Cristo na sumuporta sa pamunuang Roma at hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.
- Ang mga Saduceo ay tinuturing na mga mayayaman, mataas na antas na mga Judio na humahawak ng mga makapangyarihang posisyon sa pamumuno tulad ng punong pari at pinakapunong pari.
- Ang mga tungkulin ng mga Saduceo ay kasama ang pagpapanatili ng templo at mga maka-paring gawain tulad ng paghahandog ng mga sakripisyo o alay.
- Ang mga Saduceo at Pariseo ay may malaking pagganap sa pagkapako ni Jesu-Cristo sa krus.
- Si Jesus ay nagsalita laban sa dalawang relihiyosong grupong ito dahil sa kanilang pagiging makasarili at pagkukunwari.
Satanas, diyablo, ang masama
Ang diyablo ay isang espiritual na nilalang na nilikha ng Diyos, ngunit siya ay naghimagsik sa Diyos at naging kalaban ng Diyos. Ang diyablo ay tinatawag ding "Satanas" at "ang masama."
- Ang diyablo ay namumuhi sa Diyos at sa lahat ng nilikha ng Diyos, dahil gusto niyang makuha ang pwesto ng Diyos at sasambahin bilang Diyos.
- Tinutukso ni Satanas ang mga tao upang maghimagsik laban sa Diyos.
- Pinadala ng Diyos ang kaniyang anak, na si Jesus para sagipin ang mga tao mula sa pamamahala ni Satanas.
- Ang pangalang "Satanas" ay nangangahulugang "kaaway" o "kalaban."
- Ang salitang "diyablo" ay nangangahulugang "tagaparatang."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "diyablo" ay maaaring isinasalin din bilang "ang tagaparatang" o "ang masama" o "ang hari ng mga masasamang espiritu" o "ang pinakapunong masamang espiritu."
- Ang "Satanas" ay maaaring isalin bilang "kalaban" o "kaaway" o iba pang pangalan na nagpapakita na siya ay ang diyablo.
- Ang mga salitang ito ay dapat isalin ng iba mula sa demonyo at masamang espiritu.
- Isaalang-alang kung paano ang mga salitang ito ay isinalin sa lokal o pambansang wika.
Sidon, mga taga-Sidon.
Si Sidon ay ang pinakamatandang anak na lalaki ni Canaan. Mayroon ding isang Cananeong lungsod na tinatawag na Sidon.
- Ang lungsod ng Sidon ay matatagpuan sa baybaying Dagat Mediteranio sa isang rehiyon na ngayon ay kabahagi ng kasalukuyang bansa ng Lebanon.
- Ang mga "taga-Sidon" ay isang pangkat ng mga tao na nanirahan sa sinaunang Sidon at sa mga lugar na napalilibutan nito. Ang mga taong ito ay mga Hentil.
- Sa Bibliya, ang Sidon ay madalas na inuugnay sa lungsod ng Tiro, at itong dalawang ang mga lungsod ay kilala sa kanilang kayamanan at imoral na kaugalian ng kanilang mga tao.
Tiro
Ang Tiro ay sinaunang lungsod sa Canaan sa baybayin ng dagat Mediteraneo na ngayon ay bansang Lebanon. Ang bahagi ng lungsod ay matatagpuan din sa isang isla sa dagat, halos isang kilometro mula sa baybayin.
- Ang lungsod ng Tiro ay naitayo na bago pumunta ang mga Israelita sa Canaan. Nanatili itong lungsod ng mga Hentil.
- Dahil sa kinalulugaran at mahahalagang likas na yaman nito, ang lungsod ng Tiro ay nagkaroon ng masaganang industriya at napakayaman.
- Ang mga tao sa Tiro ay kilala sa pamumuhay na imoral.
- Ang Tiro ay madalas sa naiuugnay sa sinaunang lungsod ng Sidon.
Tomas
Si Tomas ay isa sa labindalawang lalaki na pinili ni Jesus upang kaniyang maging mga alagad ( tinawag din mga apostol).
- Si Tomas ay kilala sa ibang pangalang Didimo, isang salita na ang ibig sabihin ay "kambal."
- Si Tomas ay mas kilala sa sinasabi niyang hindi siya maniniwala na si Jesus ay nabuhay muli malibang makita at maramdaman niya ang mga bahagi kung saan nasugatan si Jesus.
- Si Tomas din ang humiling kay Jesus na ipaliwanag kung paano nila malalaman ang daan patungo sa Ama.
Zebedeo
Si Zebedeo ay isang mangingisda mula sa Galilea. Ang kaniyang mga anak na lalaki, na si Santiago at si Juan, ay nagtatrabaho sa kaniya. Pagkatapos iniwan nila ang trabaho at naging dalawang mga apostol ni Jesus.
aba, pighati
Ang salitang "aba" ay tumutukoy sa isang damdamin na matinding pagdadalamhati. Ito rin ay nagbibigay din ng isang babala sa isang tao na makakaranas ng matinding kaguluhan.
- Ang salitang "aba" ay sinusundan ng isang babala sa mga tao na sila ay makakaranas ng paghihirap bilang kaparusahan sa kanilang mga kasalanan.
- Sa ibang mga lugar sa Bibliya, ang salitang "aba" ay inuulit, upang magbigay diin sa bukod-tanging kakilakilabot na paghuhukom.
- Ang taong nagsasabi ng "sa aba ko" o "aba ako" ay pagpapahayag ng kalungkutan tungkol sa matinding paghihirap.
Mga Mamungkahi sa Pagsasalin
- depende sa konteksto, ang salitang "aba" ay maaaring maisalin bilang "matinding kalungkutan" o "kalumbayan" o "kalamidad" o "sakuna."
abo, mga abo, alikabok
Ang salitang "mga abo" ay tumutukoy sa kulay abong pulbos na naiiwan pagkatapos masunog ang isang kahoy. Matalinhaga itong ginamit sa Bibliya upang tukuyin ang isang bagay na walang halaga o walang silbi.
- Ang "bunton ng abo" ay isang tumpok ng mga abo.
- Sa sinaunang panahon, ang umuupo sa abo ay tanda ng pagluluksa at pagdadalamhati.
- Kapag nagdadalamhati ang isang tao, kinaugalian nito na mag-suot ng magaspang na kasuotan, magaspang na telang sako at umupo sa mga abo o iwisik ang mga abo sa ulo.
- Ang paglalagay ng mga abo sa ulo ay isa ring tanda ng kahihiyan o pagkapahiya.
- Kapag may isang nagsusumikap para sa isang bagay na walang halaga, sinabi na ito ay kagaya ng "kumakain ng abo."
- Kadalasan, sa Bibliya ang salitang "alikabok" ay tumutukoy sa abo o mismong alikabok.
- Sa pagsasalin" ng mga abo" gamitin ang salita na tumutukoy sa natira pagkatapos masunog ang isang kahoy ay masunog.
- Tandaan na ang "abong puno" ay magkaibang salita.
ako, na si Yahweh
Maraming pagkakataon sa Lumang Tipan, sa tuwing nagsasalita ang Diyos tungkol sa kaniyang sarili, ginagamit niya ang kaniyang pangalan sa halip na isang panghalip.
- Halimbawa, sa halip na sabihing, "Parangalan ninyo ako," sinasabi niyang, "Parangalan si Yahweh."
- Upang maging malinaw na ang Diyos ang nagsasalita patungkol sa kaniyang sarili, kadalasan itong isinasalin ng ULB sa pamamagitan ng pagdadagdag ng panghalip gaya ng, "Igalang mo ako, na si Yahweh" o "Ako, si Yaweh ay nagsasabing."
- Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng panghalip na "ako" o "ko", ipinapahiwatig ng ULB sa mga mambabasa na ang Diyos ang nagsasalita.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang ilan sa mga tagapagsaling-wika ay maaaring magpasya na mas natural at malinaw sa kanilang wika kung susundan lamang nila ang literal na teksto at gamitin ang salitang "Yahweh" ng walang panghalip na idadagdag.
- Ang iba ay maaaring gumamit ng panghalip kasama ng Yahweh nang ilang beses lamang sa simula ng bahagi ng teksto, ngunit tatanggalin ang panghalip sa mga natitira pang bahagi ng teksto na iyon. Isang halimbawa nito sa ULB ay ang Deuteronomio 5:9-16.
- Mas makabubuti kung posibleng panatilihin ang pangalang Yahweh kung saan literal itong nakikita sa teksto, ngunit ang ibang pagsasalin ay maaaring magpasyang gumamit ng mga panghalip lamang sa ilang bahagi upang mas maging natural at malinaw ang teksto.
- Ito ay buod ng mga posibleng mga paraan upang isalin ang "Yahweh" sa tuwing ang Diyos ay nagsasalita:
- "Yahweh"
aksaya, kaparangan
Ang mag-aksaya ng isang bagay ay nangangahulugan ng magtapon nang walang ingat o na gamitin ito nang hindi mabuti. Ang "aksaya" ay nagpapahiwatig ng kalagayan ng pagkaguho o pagkasira.
- Ang aksaya o "kaparangan" ay maaaring tumutukoy sa kawalan ng laman, tulad ng isang lungsod na naging isang aksaya, nang walang anumang tumitira dito.
- Ang "gawing aksaya" ang isang lungsod o lupa ay nangangahulugan na sirain ito.
alagad
Tumutukoy ang salita na "alagad" sa isang tao na ginugugol ang maraming oras kasama ang guro, natututo mula sa mga katangian at aral ng guro.
- Ang mga taong sumusunod kay Jesus, nakikinig sa kaniyang mga turo at sumusunod sa mga ito, ay tinawag na kaniyang "mga alagad."
- May mga alagad din si Juan na Taga-pagbautismo.
- Sa panahon ng ministeryo ni Jesus, maraming mga alagad ang sumunod sa kaniya at nakarinig ng kaniyang mga aral.
- Pumili si Jesus ng labindalawang mga alagad upang maging kaniyang pinakamalapit na mga taga-sunod; nakilala ang mga lalaking ito bilang kaniyang "mga apostol."
- Patuloy na nakilala ang labindalawang apostol ni Jesus bilang kaniyang mga "alagad" o "ang labindalawa."
- Bago umakyat sa langit si Jesus, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na turuan ang ibang mga tao tungkol sa kung papaano din sila magiging alagad ni Jesus.
- Tinawag na alagad ni Jesus ang sinumang sumasampalataya at sumusunod sa kaniyang mga aral.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaaring isalin ang katawagan na "alagad" sa pamamagitan ng salita o parirala na nangangahulugan na "tagasunod" o "estudyante" o "mag-aaral" o "nag-aaral."
- Siguraduhin na ang pagsasalin sa katawagang ito ay hindi lamang tumutukoy sa isang estudyante na natututo sa isang silid-aralan.
- Ang pagsasalin sa katawagang ito ay dapat magkaiba din mula sa pagkakasalin sa "apostol."
alak
Ang alak ay isang uri ng pinaasim na inumin mula sa katas ng bunga ng ubas na tumutubo sa puno ng ubas. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa katas ng ubas na hindi pinaasim.
- Sa paggawa ng alak, ang ubas ay dinudurog upang ang katas nito ay lumabas. Ang katas paglaon ay umaasim at nagkakaroon ng alkohol.
- Sa panahon ng Bibliya, ang alak ay isang karaniwang inumin kasabay ng mga pagkain. Wala itong alkohol na kasing dami ng mga alak sa panahon ngayon.
- Gayundin, ang alak ay minsang hinahalo sa tubig bago ihain.
- Kung ang alak ay hindi nakikilala sa inyong kultura, maaari itong isalin na "pinaasim na katas ng ubas" o "pinaasim na inumin mula sa isang bunga na ang tawag ay ubas" o "pinaasim na inumin."
alitan, pag-aawayan
Ang salitang "alitan" ay tumutukoy sa pisikal o emosyonal na pag-tatalo sa pagitan ng mga tao.
- Ang isang taong nagiging dahilan ng alitan ay gumagawa ng mga bagay na nagbubunga sa mga hindi pagkakasundo ng matindi sa pagitan ng mga tao.
- Minsan ang alitan ay nagpapahiwatig ng matinding mga damdamin, kagaya ng galit o kapaitan.
- Ang iba pang paraan ng pagsasalin ng salitang ito ay maaaring kasama ang, "hindi pagkakasundo" o "alitan" o "pagtatalo-talo."
aliw, Mangaaliw, Tagapag-aliw
Ang mga salitang "aliw" at "tagapag-aliw" ay tumutukoy sa pagtulong sa isang taong nagdurusa ng pisikal o emosyonal na pasakit.
- Ang isang taong nag-aaliw sa isang tao ay tinatawag na "tagapag-aliw."
- Sa Lumang Tipan, Ang salitang "aliw" ay ginamit upang ilarawan kung gaano kabait at kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa kaniyang mga tao at tinutulungan sila kapag sila ay nagdurusa.
- Sa Bagong Tipan, sinasabi na aaliwin ng Diyos ang kaniyang mga tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang mga nakatanggap ng aliw ay makapagbibigay ng parehong aliw sa iba pang nagdurusa.
- Ang pahayag na "Mangaaliw ng Israel" ay tumutukoy sa Mesiyas na darating upang iligtas ang kaniyang mga tao.
- Tinukoy ni Jesus ang Banal na Espiritu bilang "Mangaaliw" na tumutulong sa mga mananampalataya kay Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Batay sa konteksto, ang "aliw" ay maaari ring isalin na, "bawasan ang sakit" o "tulong."
ama, ninuno
Kung ginamit nang literal, ang salitang "ama" ay tumutukoy sa lalaking magulang ng isang tao. May mga ilang pasimbolong paggamit sa salitang ito.
- Ang mga salitang "ama "at "ninuno" ay kadalasan ginamit upang tukuyin ang mga ninuno ng isang tao o grupo. Ito ay maaaring isalin na, "ninuno" o "ninunong ama."
- Ang kasabihang "ang ama ng" ay maaaring pasimbolong tumutukoy sa tao na pinuno o pinagmulan ng isang bagay. Halimbawa, sa Genesis 4, "ang ama ng lahat na nakatira sa mga tolda" ay maaaring ang ibig sabihin ay, "ang pinuno ng angkan ng mga taong unang nakatira sa mga tolda."
- Pasimbolong tinukoy ni Pablo ang kaniyang sarili na "ama" ng mga tinulungan niya na naging Kristiyano sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo sa kanila.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Kung ang pinaguusapan ay tungkol sa ama at sa kaniyang anak, ito ay maaaring isalin gamit ang karaniwang salita upang tukuyin ang ama sa inyong wika.
- Ang "Diyos Ama" ay dapat din na isalin gamit ang karaniwang salita para sa "ama."
- Kung ang tinutukoy ay mga ninuno, ang salitang ito ay maaaring isalin na "ninuno" o "ninunong ama."
- Nang tinukoy ni Pablo ang kaniyang sarili na pasimbolo bilang ama ng bawat mananampalataya kay Cristo, ito ay maaaring isalin na "ispiritual na ama" o "ama kay Cristo."
- Minsan ang salitang "ama" ay maaring isalin na "pinuno ng angkan."
- Ang mga salitang "ama ng lahat ng kasinungalingan" ay maaring isalin na, "pinagmumulan ng lahat ng kasinungalingan" o " ang siyang pinagmulan ng lahat ng kasinungalingan."
anak, anak ng
Ang salitang "anak" ay tumutukoy sa isang batang lalaki o lalaki na may kaugnayan sa kaniyang mga magulang. Ito ay maaaring tumukoy sa anak ng isang lalaki o isang ampon na anak na lalaki.
- Ang "Anak" ay madalas na ginamit na patalinghaga sa Biblia upang tumukoy sa anumang lalaking apo, tulad ng isang apong lalaki o apong lalaki sa tuhod.
- Ang salitang "anak" ay maaari ring gamitin bilang isang mabuting anyo ng pagpapakilala sa isang batang lalaki o lalaki na mas bata.
- Minsan ang "mga anak ng Diyos" ay ginamit na patalinghaga sa Bagong Tipan para tukuyin ang mga nananampalataya kay Cristo.
- Ang katagang "anak ng" ay madalas na may patalinghangang kahulugan na ibig sabihin ay "mayroong mga katangian ng." Ang mga kabilang sa mga halimbawa nito ay, "mga anak ng liwanag," "mga anak ng pagsuway," "isang anak ng kapayapaan," at "mga anak ng kulog."
- Ang katagang “anak na lalaki ni” ay madalas din gamitin para sabihin kung sino ang ama ng isang tao. Ang katagang ito ay ginamit sa talaan ng mga angkan at sa iba pang konteksto.
- Ang paggamit ng "anak ni" ay para magbigay ng pangalan ng ama ay kadalasang tumutulong na makilala ang mga tao na may parehong pangalan. Halimbawa, "Azarias na anak ni Sadoc" at "si Azarias na anak ni Nathan" sa 1 Hari 4, at "Azarias na anak ni Amasias sa 2 Hari 15 ay tatlong magkakaibang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Sa kadalasan ng paggamit ng salitang ito, pinakamainam na isalin ang "anak" gamit ang literal na tawag ng salita na ginamit upang tumukoy sa isang anak.
- Kung isinasalin ang salitang "Anak ng Diyos," ang karaniwang salita para sa "anak" ay dapat gamitin.
- Kapag ginamit para tumukoy sa isang kaapu-apuhan kaysa sa mismong anak, ang salitang "kaapu-apuhan" ay maaaring gamitin, tulad ng tinutukoy si Jesus bilang ang "kaapu-apuhan ni David" o sa mga talaan ng lahi kung saan minsan ang "anak" ay tumutukoy sa isang lalaking kaapu-apuhan.
- Minsan ang “mga anak na lalaki“ ay maaaring isalin bilang “mga anak" kung parehong mga lalaki at mga babae ang tinutukoy dito. Halimbawa, ang “mga piniling lalaking anak ng Diyos” ay maaaring isalin bilang “mga anak ng Diyos” dahil ito ay nagpapahayag din kasama ang mga batang babae at kababaihan.
- Ang matalinghagang pagpapahayag ng “anak ni” ay maaari ding isalin bilang “ang isa na may katangian ng” o “ang isang may katulad” o "isang mayroon" o “ang isang gumagawa ng tulad."
ang dagat, ang Malaking Dagat, ang kanlurang dagat
Sa Bibliya, ang "Malaking Dagat" o "kanlurang dagat" ay tumutukoy sa tinatawag ngayong Dagat "Mediteraneo," na pinakamalaking lupon ng tubig na alam ng mga tao sa mga panahon ng Bibliya.
- Ang Malaking (Mediteraneo) Dagat ay may hangganang: Israel ( sa silangan), Europa (sa hilaga at kanluran), at Aprika (satimog).
- Ang dagat na ito ay napakahalaga noong unang mga panahon para sa kalakal at paglalakbay yamang ito ay hangganan ng napakaraming mga bansa. Ang mga lungsod at pangkat ng mga taong matatagpuan sa baybayin ng dagat na ito ay napakasagana sapagkat madaling idaan ang mga kalakal mula sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng bangka.
- Yamang ang Malaking Dagat ay nasa kanlurang Israel, minsan ito ay tinutukoy na "kanlurang dagat."
anghel, arkanghel
Ang anghel ay isang makapangyarihang nilalang na espiritu na ginawa ng Diyos. Ang mga anghel ay umiiral upang paglingkuran ang Diyos sa paggagawa sa anumang sabihin niya sa kanila na gawin. Ang salitang "arkanghel" ay tumutukoy sa anghel na namumuno sa lahat ng iba pang mga anghel.
- Ang salitang "anghel" ay literal na nangangahulugang "mensahero."
- Ang salitang "arkanghel" ay literal na nangangahulugang "punong mensahero." Ang anghel lamang na tinukoy sa Bibliya bilang isang "arkanghel" ay si Miguel.
- Sa Bibliya, ang mga anghel ay nagbigay ng mga mensahe para sa mga tao mula sa Diyos. Ang mga mensaheng ito ay kabilang ang mga tagubulin tungkol sa ninais ng Diyos na gawin ng mga tao.
- Ang mga anghel din ang nagsabi sa mga tao tungkol sa mga pangyayari na mangyayari pa lang sa hinaharap o mga pangyayaring naganap na.
- Ang mga anghel ay mayroong kapangyarihan ng Diyos bilang kaniyang mga kinatawan at kung minsan sa Bibliya, nagsalita sila na para bang Diyos mismo ang nagsasalita.
- Ang iba pang mga paraan sa paglilingkod ng mga anghel sa Diyos ay sa pamamagitan ng pangangalaga at pagpapatibay sa mga tao.
- Ang isang natatanging salitang, "anghel ni Yahweh" ay mayroong higit sa isang maaaring kahulugan: 1) Maaaring ibig sabihin nito ay "anghel na kumakatawan mismo kay Yahweh." 2) Maaari din itong tumukoy kay Yahweh mismo, na katulad ng isang anghel habang nakikipag-usap sa isang tao.
Alinman sa mga kahulugang ito ay maaaring ipaliwanag ang paggamit ng anghel sa salitang "Ako" na parang si Yahweh mismo ang nagsasalita.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Mga paraan ng pagsasalin ng "anghel" ay maaaring, "mensahero mula sa Diyos" o "panlangit na manlilingkod ng Diyos" o "espiritung mensahero ng Diyos."
- Ituring din ito kung paano ang mga salitang ito ay isinalin sa pambansang wika o isa pang pansariling wika.
- Ang salitang "anghel ni Yahweh" ay dapat isalin gamit ang salita para sa salitang "anghel" at "Yahweh". Ito ay upang maaring magbigay ng iba't-ibang mga pagpapakahulugan sa salitang iyon. Maaaring mga pagsasalin ay kabilang ang, "anghel mula kay Yahweh" o "anghel na ipinadala ni Yahweh" o "Yahweh na kamukha ng isang anghel."
angkan
Ang salitang "angkan" ay tumutukoy sa isang pangkat ng pinahabang miyembro ng pamilya na nagmula sa isang parehong ninuno.
- Sa Lumang Tipan, binilang ang mga Israelita nang naaayon sa kanilang mga angkan, o mga pangkat ng pamilya.
- Karaniwang pinapangalanan ang mga angkan hango sa kanilang pinaka-kilalang ninuno.
- Minsan tinutukoy ang isang taong sa pamamagitan ng pangalan ng kanilang angkan. Isang halimbawa nito ay nang ang biyenan na lalaki ni Moises na si Jetro ay minsang tinawag sa pangalan ng kaniyang angkan na Reuel.
- Ang angkan ay maaaring isalin na "pangkat ng pamilya" o "malaking pamilya" o "kamag-anak."
anino
Ang salitang "anino" ay literal na tumutukoy sa kadiliman na sanhi ng isang bagay na humaharang sa liwanag. Ito ay may ilang patalinghagang mga kahulugan.
- Ang "anino ng kamatayan" ay nangangahulugan na ang kamatayan ay nasa kasalukuyan o malapit, kasing lapit ng kaniyang anino.
- Maraming beses sa Bibliya na nagsasabi na ang buhay ng isang tao ay naihalintulad sa isang anino, kung saan hindi gaanong nagtatagal at walang halaga.
- Minsan ang "anino" ay ginagamit bilang isa pang salita para sa "kadiliman."
- Ang Bibliya ay nagsasabi tungkol sa pagtatago o pangangalaga ilalim ng anino ng mga pakpak o mga kamay ng Diyos. Ito ay isang larawan ng pagkukupkop at pagtatago mula sa kapahamakan. Ibang mga paraan upang isalin ang "anino" sa mga kontekstong ito ay maaring isama ang "lilim" o "kaligtasan" o "pagkukupkop."
- Pinakamabuti na isalin ng literal ang "anino" gamit ang pampook na salita upang tumukoy sa isang aktwal na anino.
apostol, pagka-apostol
Ang mga "apostol" ay mga lalaking isinugo ni Jesus upang ipangaral ang tungkol sa Diyos at sa kaniyang kaharian. Ang salitang "pagka-apostol" ay tumutukoy sa isang katayuan at kapangyarihan ng mga pinili bilang mga apostol. Ang apostol ay may parehong kapangyarihan katulad ng nagsugo sa kaniya.
- Ang salitang "apostol" ay nangangahulugang "isang taong isinugo para sa isang natatanging layunin."
- Ang labindalawang malalapit na apostol ni Jesus ang naging mga unang alagad. Ang ibang mga lalaki, katulad ni Pablo at Santiago, ay naging mga alagad din.
- Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ang mga alagad ay may kakayahang ipangaral ng may tapang ang ebanghelyo at magpagaling ng mga tao, kabilang ang pagpwersa sa mga demonyo na lumabas sa katawan ng mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "apostol" ay maaari ring isalin sa pamamagitan ng salita na nangangahulugang "isang taong isinugo" o "isang ipinadala" o "ang taong ipinadala para magpangaral ng mensahe ng Diyos sa mga tao."
- Mahalagang isalin ang salitang "apostol" at "mga alagad" sa magkaibang mga paraan.
- Maaaring isaalang-alang kung paano ang salitang ito ay isinalin sa isang pagsasalin sa Bibliya sa isang lokal o pambansang wika.
apoy
Ang apoy ay ang init, liwanag, at liyab na mula sa isang bagay na nasusunog.
- Ang kahoy ay nagiging abo sa pamamagitan ng pagsusunog nito gamit ang apoy.
- Ang apoy ay hindi lamang nangangahulugang pisikal na apoy, ngunit sa Kasulatan ito rin ay simbolo ng kapangyarihan.
- Ang huling hatol sa mga hindi mananampalataya ay sa apoy ng impiyerno.
- Ang apoy ay nagdadalisay ng mga metal. Ginamit ng Kasulatan ang kahulugan na ito upang ipakita ang proseso ng pagdalisay sa pamamagitan ng mga pagsubok sa buhay ng isang tao.
asno, mola
Ang asno ay isang manggagawang hayop na may apat na paa na katulad ng isang kabayo ngunit mas maliit at may mga mas mahabang tainga.
- Ang mola ay ang nabuong anak ng isang lalaking asno at isang babaeng kabayo.
- Ang mga mola ay malalakas na hayop, kaya ang mga ito ay mahalaga na mga manggagawang hayop.
- Ang mga asno at mga mola ay parehong nagagamit para sa pagdadala ng mga kagamitan ng mga tao kapag naglalakbay.
- Sa mga panahon ng Bibliya, ang hari ay sumasakay sa asno sa oras ng kapayapaan sa halip na kabayo na ginagamit sa oras ng digmaan.
- Si Jesus ay sumakay sa isang batang asno papuntang Jerusalem, isang linggo bago siya maipako sa krus.
atas
Ang atas ay isang pagpapahayag o batas na ipinahayag sa lahat ng tao.
- Ang mga batas ng Diyos ay tinawag ding mga atas, mga palatuntunan, o mga kautusan.
- Gaya ng mga batas at mga kautusan, ang mga atas ay dapat sundin.
- Ang isang halimbawa ng isang atas sa pamamagitan ng makataong pamumuno ay ang pagpapahayag ni Cesar Augusto na ang bawat isang namumuhay sa Imperyong Romano ay dapat bumalik sa kanilang sariling bayan upang maibilang sa talaan.
- Ang mag-atas ng isang bagay ay nangangahulugan na magbigay ng utos na dapat sundin. Maaari itong isalin na "iutos" o "mag-utos" o "pormal na kailanganin" o "hayagang magsabi ng batas."
- Ang isang bagay na "iniatas" upang mangyari ay nangangahulugan na, "kinakailangang mangyari" o "pinagpasiyahan at hindi na mababago" o "walang pasubaling ipinahayag na ito ang mangyayari."
awa, maawain
Ang mga salitang "awa" at "maawain" ay tumutukoy sa pagtulong sa mga taong nangangailangan, lalo na kung sila ay nasa mababa o abang kalagayan.
- Maaaring mapabilang sa salitang "awa" ang kahulugan ng hindi pagpaparusa sa mga taong nakagawa ng pagkakamali.
- Ang isang makapangyarihang tao gaya ng isang hari ay nailarawang "maawain" kapag pinakikitunguhan niya ang mga tao nang may kabaitan sa halip na sila ay saktan.
- Ang pagiging maawain ay nangangahulugan ding pagpapatawad sa isang tao na nakagawa ng pagkakamali laban sa atin.
- Nagpapakita tayo ng awa kapag tayo ay tumutulong sa mga taong may matinding pangangailangan.
- Maawain ang Diyos sa atin, at nais din niyang maging maawain tayo sa iba.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang "awa" ay maaaring isalin bilang, "kabaitan" o "habag" o "pakikiramay."
- Ang salitang "maawain" ay maaaring isalin bilang, "pagpapakita ng pakikiramay" o "pagiging mabait" o "pagpapatawad."
- Ang "magpakita ng awa" o "maawa sa" ay maaaring isalin bilang, "pakitunguhan ng may kabaitan" o "maging mahabagin."
baboy, barako
Ang isang baboy o barako ay isang uri ng hayop na apat ang paa, at may kuko na inaalagaan para sa karne. Ang laman nito ay tumutukoy sa karne ng baboy.
- Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na huwag kumain ng karne ng baboy at ituring ito na hindi malinis. Ang mga Judio ngayon ay patuloy na naniniwala na ang baboy ay hindi malinis at hindi sila kumakain ng baboy.
- Ang mga baboy at mga barako ay inaalagaan sa mga babuyan upang ibenta ang kanilang karne sa mga tao.
- May isang uri ng baboy o barako na hindi inaalagaan sa mga bukid ngunit nabubuhay sa kagubatan: ito ay tinatawag na "baboy-ramo." Ang mga baboy-ramo ay may mga pangil at tinuturing na lubhang mapanganib na mga hayop.
baha
Ang salitang "baha" ay literal na tumutukoy sa maraming tubig na ganap na tumatakip sa kalupaan. Ito rin ay ginamit na matalinghaga para tukuyin ang napakalaking dami ng isang bagay, na nangyayari ng biglaan.
- Sa panahon ni Noah, ang mga tao ay naging napakasama kung kaya't ang Diyos ay nagdulot ng baha sa buong mundo para takpan ang buong ibabaw ng kalupaan, tinatakpan kahit na ang tuktok ng bundok. Lahat ng ibang baha ay tinakpan ang mas maliit na bahagi ng kalupaan.
- Ang salitang ito ay maaaring isalin gaya ng, "Binaha ko ng luha ang aking higaan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang mga paraan para isalin ang literal na kahulugan ng "baha" ay maaring "pag-apaw ng tubig" o "napakaraming tubig."
- Ang matalinghagang paghahalintulad, "katulad ng baha" ay maaaring gamitin ang literal na salita o maaaring gamitin ang isang pamalit na salita na tumutukoy sa isang bagay na may anyong umaagos katulad ng ilog.
- Sa kasabihang "katulad ng baha ng tubig" na kung saan ang tubig ay nabanggit na, ang salitang "baha" ay maaaring isalin bilang "napakarami" o "umaapaw."
- Ang salitang ito ay maaaring gamitin na talinghaga gaya sa, "huwag mong hayaan na tangayin ako ng baha," na ang kahulugan ay "huwag mong hayaan na mangyari sa akin ang malaking kapahamakan na ito" o "huwag mo akong hayaan na masira ng mga kapahamakan" o "huwag mong hayaan na ako ay labis na masaktan ng iyong galit."
- Ang mga salitang "Binaha ko ng luha ang aking higaan" ay maaaring isalin bilang "nababad ng aking mga luha ang higaan ko ng tubig na parang baha."
bahay, sambahayan, tahanan
Ang salitang "bahay" ay madalas ginagamit ng patalinghaga sa Bibliya.
- Minsan nangangahulugan ito ng "sambahayan," na tumutukoy sa mga taong namumuhay ng samasama sa iisang bahay.
- Kadalasan ang "bahay" ay tumutukoy sa mga ninuno ng isang tao, mgakaapu-apuhan o bilang ng mga kamag-anak gaya ng, "ang sambahayan ni David."
- Ang mga salitang "tahanan ng Diyos" at "tahanan ni Yahweh" ay ginagamit upang tukuyin ang tabernakulo o templo. Ang mga ito ay tumutukoy sa pangkalahatan kung saan nananahan ang Diyos.
- Sa Hebreo 3, ang "tahanan ng Diyos" ay ginagamit bilang isang talinghaga upang tumukoy sa mga tao ng Diyos o sa pangkalahatan, sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Diyos.
- Ang mga salitang "bahay ng Israel" ay maaaring pangkalahatang tumukoy sa buong bansa ng Israel o partikular sa mga tribo ng hilagang kaharian ng Israel.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto ang "bahay" ay maaaring isalin na "sambahayan" o "mga tao" o "pamilya" or "mga inapo" o "templo" o "tahanan."
- Ang mga salitang "bahay ni David" ay maaaring isalin na "angkan ni David" o "pamilya ni David" o "mga inapo ni David." Ang mga magkaugnay na mga kasabihan ay maaaring isalin sa magkakaparehong paraan.
- Ang ibang pamamaraan sa pagsasalin ng "bahay ng Israel" ay kasama ang, "mga tao ng Israel" o "mga inapo ng mga Israel " o "mga Israelita."
- Ang mga salitang "bahay ni Yahweh" ay maaaring isalin na "templo ni Yahweh" o "lugar kung saan sinasamba si Yahweh" o lugar kung saan nakikipagtagpo si Yaweh sa kaniyang mga tao" o "kung saan nananahan si Yahweh."
balabal, baro
Ang balabal ay isang panlabas na kasuotan na may mahabang manggas na maaaring isuot ng mga lalaki at babae.
- Bukas ang harapan ng mgabalabal at sinasara gamit ang tali o sinturon.
- Maaari itong mahaba o maiksi.
- Ang mga lila ba balabal ay sinusuot ng mga hari bilang palataandaan ng pagkahari, kayamanan, at katanyagan.
balang
Tumutukoy ang salitang "balang" sa isang malaki, lumilipad na tipaklong na minsan ay bumubuo ng kumpol kung saan lubhang nakakasira, kinakain ang lahat ng mga halamanng madadaanan nito.
- Ang mga balang at iba pang mga tipaklong ay malaki, mga insekto na may mahaba at tuwid na pakpak at nakadugtong ang likod sa hita na nagbibigay sa kanila ng abilidad upang makalukso ng malayo.
- Sa kabuuan ng Lumang Tipan, nakita ang mga balang bilang labis na namumutiktik na naninira ng mga pananim at mga hayop.
- Ipinadala ng Diyos ang mga balang bilang isa sa sampung salot laban sa mga taga-Egipto.
- Sinasabi ng Bagong Tipan na ang mga balang ay isaang pangunahing pinagmumulan ng pagkain ni Juan na Tagapagbautismo.
balik
Ang salitang "balik" ay nangangahulugang bumalik o ibigay pabalik ang isang bagay.
- Ang "ibalik sa" isang bagay ay nangangahulugan na simulang gawin muli ang gawaing iyon.
- Nang ang mga Israelita ay bumalik sa kanilang pagsasamba ng mga diyus-diyosan, nagsisimula silang sambahin muli ang mga ito.
- Nang bumalik sila kay Yahweh, nagsisi sila at sinasamba muli si Yahweh.
- Ang ibalik ang lupa o mga bagay na kinuha o natanggap mula sa ibang tao ay nangangahulugan na ibigay ang pag-aari na iyon pabalik sa tao na nagmamay-ari nito.
- Ang salitang "balik" ay maaaring isalin bilang, "bumalik" o "ibigay pabalik" o "simulang gawin muli."
balon, imbakan ng tubig
Ang "balon" at "imbakan ng tubig" ay patungkol sa dalawang magkaibang pinagmumulan ng tubig sa panahon ng Biblia.
- Ang balon ay isang malalim na butas na hinukay sa lupa upang ang tubig sa ilalim ay makadaloy dito.
- Ang imbakan ng tubig ay isang malalim na lunggang hukay na ginagamit bilang tangke para mag-ipon ng tubig ulan.
- Ang mga imbakan ng tubig ay karaniwang hinukay sa bato at sinelyuhan ng plaster upang panatilihin ang tubig sa loob. Ang "nabasag na imbakan ng tubig" ay nangyari nang bumitak ang plaster kung kaya't tumagas ang tubig.
- Maaaring maging 6 na metrong lalim ang imbakan ng tubig o 1 metro sa bukana sa ibabaw.
- Dahil sa napakahalaga ng tubig para sa tao at mga alagang hayop, ang karapatang gumamit ng isang balon ay madalas maging dahilan ng alitan at hidwaan.
- Kapwa mga balon at imbakan ng tubig ay kadalasang tinatakpan ng isang malaking bato upang iwasan na may anumang mahulog dito. Madalas may isang lubid na may timba na nakakabit dito upang dalhin pataas hanggang ibabaw ang tubig. Minsan ang isang tuyong imbakan ng tubig ay ginagamit bilang lugar na kulungan ng tao, tulad ng nangyari kina Jose at Jeremias.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maaaring isalin ang "balon" na "malalim na hukay ng tubig" o "malalim na hukay para sa tubig bukal" o "malalim na hukay para sa pag-igib ng tubig."
- Ang katagang "imbakan ng tubig" ay maaaring isalin na "hukay sa bato" o "malalim at makitid na hukay para sa tubig" o "tangke ng tubig sa ilalim ng lupa."
- Ang mga salitang ito ay magkahalintulad sa kahulugan. Ang pangunahing kaibahan ay ang balon kadalasang tumatanggap ng tubig mula sa ilalim ng mga bukal samantalang ang tubig sa isang imbakan ay kadalasang nanggagaling sa ulan.
banal
Ang salitang "banal" ay tumutukoy sa anumang bagay na nauukol sa Diyos.
- Kabilang ang "banal na kapangyarihan," "banal na kahatulan," "banal na karapatan," at "banal na kaluwalhatian" sa ilang mga paraan upang gamitin ang salitang ito.
- Sa isang pahayag sa Bibliya, ang salitang "banal" ay ginamit upang ilarawan ang isang bagay tungkol sa hindi tunay na Diyos.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Kabilang sa mga paraan upang isalin ang salitang "banal" ay ang mga "sa Diyos" o "mula sa Diyos" o "nauukol sa Diyos" o "makilala sa pamamagitan ng Diyos."
- Halimbawa, ang "banal na kapangyarihan" ay maaaring isalin na "kapangyarihan ng Diyos" o "kapangyarihan na nagmumula sa Diyos."
- Ang mga salitang "banal na kaluwalhatian" ay maaaring isalin na "kaluwalhatian ng Diyos" o "kaluwalhatian na nagmumula sa Diyos."
- Ang ibang mga pagsasalin ay ninanais na gumamit ng ibang salita kapag naglalarawan ng isang bagay na tumutukoy sa diyus-diyosan.
banal, kabanalan
Ang mga salitang "banal" at "kabanalan" ay tumutukoy sa katangian ng Diyos na ganap na inilaan at ibinukod mula sa lahat ng makasalanan at hindi perpekto.
- Tanging ang Diyos lamang ang lubos na banal. Ginagawa niyang banal ang mga tao at ang lahat ng mga bagay.
- Ang isang taong banal ay pagmamay-ari ng Diyos at nailaan para sa layuning paglingkuran ang Diyos at magbibigay sa kaniya ng kaluwalhatian.
- Ang isang bagay na ipinahayag ng Diyos na maging banal ay inilaan para sa kaniyang kaluwalhatian at gamit, gaya ng isang altar na para sa pag-aalay ng handog para sa kaniya.
- Dahil banal ang Diyos, hindi makakalapit sa kaniya ang mga tao maliban na pahintulutan niya sila, dahil tao lamang sila, makasalanan at hindi perpekto.
- Sa Lumang Tipan, inilaan ng Diyos ang mga pari bilang banal para sa mga natatanging paglilingkod sa kaniya. Nararapat silang maging malinis sa pamamagitan ng seremoniya mula sa kasalanan upang makalapit sa Diyos.
- Naglaan din ang Diyos ng mga banal na lugar at mga bagay na napabilang sa kaniya o naihayag niya ang kaniyang sarili, gaya ng kaniyang templo.
Mga Mukahing sa Pagsasalin:
- Ang mga paraan ng pagsasalin ng "banal" ay maaaring isama ang "inilaan para sa Diyos" o "pagmamay-ari ng Diyos" o "ganap na dalisay" o "lubos na walang sala" o "naihiwalay mula sa kasalanan."
- Ang "gawing banal" ay kadalasang isinasalin sa "pinabanal. Ito ay maaari rin isalin na "ibinukod"
bantayan, tagapag-bantay
Ang salitang "bantayan" ay nangangahulugan na tumingin ng maigi sa isang bagay o magbigay pansin sa isang bagay ng sobrang lapit at maingat. Ang salitang ito ay mayroon din ilang matalinghaga na kahulugan:
- Ang utos na "bantayan mong mabuti ang iyong buhay at doktrina" ay nangangahulugan na maging maingat sa pamumuhay ng may katalinuhan at para hindi maniwala sa mga maling katuruan.
- Ang "maging mapagbantay" ay isang babala na maging maingat sa pag-iwas sa panganib o nakakapinsalang impluwensiya.
- Ang "magbantay" o "bantayang maigi" ay maaaring nangangahulugan na laging maging alerto at handa laban sa kasalanan at masama. Ito rin ay maaaring nangangahulugan na "maging maagap."
- Ang "laging magbantay sa ibayo" o "laging magbantay ng maigi" ay maaring mangahulugan na maghanda, magtanggol o pag-ingatan ang isang tao o isang bagay.
- Ang ibang mga paraan ng pagsalin ng "bantayan" ay maaring "pansinin" o "maging masigasig" o "maging labis na maingat" o "maging handa."
bantayan, tore ng bantay, tore
Ang salita na "bantayan" ay tumutukoy sa mataas na gusali na ginawa bilang lugar kung saan ang mga bantay ay makapagmasid ng kahit na anong panganib. Ang mga tore na ito ay madalas na gawa sa bato.
- Ang mga may-ari ng lupa ay nagtatayo minsan ng mga tore ng bantay kung saan maaari nilang bantayan ang kanilang mga pananim at mapangalagaan ang mga ito mula sa pagkanakaw.
- Ang mga tore ay kadalasang may kasamang mga silid kung saan ang mga taga-bantay o pamilya ay nakatira, upang mabantayan nila ang mga pananim ng umaga at gabi.
- Ang mga bantayan sa mga lungsod ay ginawa ng mas mataas kaysa sa pader ng lungsod upang ang mga bantay ay maaaring makita kung may anumang kaaway na parating para salakayin ang lungsod.
- Ang bantayan ay isang simbolo ng proteksyon mula sa mga kalaban.
basket
Ang salitang "basket" ay tumutukoy sa sisidlang gawa sa hinabing materyal.
- Sa panahon ng Biblia, ang mga basket ay maaring hinabi sa mga matibay na halamang materyal, gaya ng kahoy mula sa binalatang mga sanga o maliliit na mga sanga.
- Ang basket ay maaaring balutan ng hindi nababasang sangkap upang ito ay lumutang.
- Nang si Moises ay sanggol, gumawa ang kaniyang ina ng hindi nababasang basket upang ilagay siya sa loob at palutangin ito sa mga tambo sa Ilog Nilo.
- Ang salitang naisalin na "basket" sa kuwentong iyon ay parehong salitang naisalin na "arka" na tumutukoy sa barko na ginawa ni Noah. Ang karaniwang kahulugan nito na ginamit sa dalawang konteksto ay maaaring, "lumulutang na sisidlan."
batas, prinsipyo
Ang batas ay isang legal na patakaran na karaniwang nakasulat at ipinapatupad ng sinumang nasa kapangyarihan. Ang prinsipyo ay isang patnubay o pamantayan para sa paggawa ng desisyon.
- Ang "batas" at "prinsipyo" ay kapwa tumutukoy sa pangkalahatang patakaran o paniniwala na nagpapatnubay sa pag-uugali ng isang tao.
- Ang kahulugan ng "batas" na ito ay iba mula sa kautusan ni Moises.
- Kapag ang pangkalahatang batas ang tinutukoy, ang "batas" ay maaaring isalin na "prinsipyo" o "pangkalahatang patakaran."
bato, pagbato
Ang bato ay isang maliit na tipak ng bato. Ang pagbato ay nangangahulugan ng paghahagis ng mga bato sa isang tao upang patayin siya.
- Sa sinaunang panahon, ang pagbato ay isang pamamaraan ng pagtutupad para sa mga krimen; ito rin ay minsang ginagawa sa makabagong panahon.
- Para sa mga Israelita sa Lumang Tipan, inutos ng Diyos ang pagbato na gawin ng mga pinuno bilang kaparusahan para sa ilang mga kasalanan, tulad ng pangangalunya.
bautismuhan, bautismo
Sa Bagong Tipan, ang mga salitang "bautismuhan" at "bautismo" ay kadalasang tumutukoy sa seremonya ng pagpapaligo ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng tubig upang ipakitang siya ay nalinisan na mula sa kasalanan at nakipag-isa kay Cristo.
- Maliban sa bautismo sa tubig, nagbanggit ang Bibliya tungkol sa "pagbautismo sa Banal na Espiritu" at "pagbautismo sa apoy."
- Ang salitang "bautismo" ay ginamit din sa Bibliya upang tumukoy sa pagdaan sa matinding pagdurusa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Magkakaiba ang mga pananaw ng mga Kristiyano tungkol sa kung paano dapat mabautismuhan ang isang tao sa tubig. Marahil, pinakamainam na isalin ang salitang ito sa pangkalahatang paraan na maaari pinapahintulutan ang ibang mga paraan ng paggamit ng tubig.
- Depende sa konteksto, ang salitang "pagbautismo" ay maaaing isalin na "linisin," "ibuhos sa," "ilubog"
bilangguan, bilanggo
Ang salitang "bilangguan" ay tumutukoy sa isang lugar kung saan ang mga salarin ay pinanatili bilang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan. Ang bilanggo ay isang tao na nailagay na sa bilangguan.
- Ang isang tao ay maaaring maipanatili sa isang bilangguan habang naghihintay na mahatulan sa isang paglilitis.
- Maraming mga propeta at ibang mga lingkod ng Diyos ang nilagay sa bilangguan kahit na sila'y walang ginawang anumang mali.
Mga Mamungkahi sa Pagsasalin
- Ibang salita para sa "bilangguan" ay "kulungan."
- Ito ay maaari din na isalin bilang "piitan" sa mga konteksto kung saan ang bilanggo marahil ay nasa ilalim ng lupa o sa ilalim ng mga pangunahing parte ng isang palasyo o ng ibang gusali.
- Ang salitang "mga bilanggo" ay maaari rin tumutukoy sa lahat ng mga tao na nahuli ng isang kaaway at ipinanatili sa isang lugar na labag sa kanilang kalooban. Isa pang paraan upang maisalin ang kahulugan na ito ay maging "mga bihag."
binhi
Ang binhi ay isang bahagi ng halaman na itinatanim sa lupa upang magbunga pa ng mas maraming halaman na kauri nito. Mayroon din itong ilang patalinghagang mga kahulugan.
- Ang salitang "binhi" ay ginagamit nang patalinghaga at pagpapababaw na tumukoy sa maliliit na mga selula sa loob ng lalaki o babae na nagsasama upang makabuo ng sanggol sa sinapupunan ng babae.
- Kaugnay dito, ang "binhi" ay ginagamit din para tumukoy sa anak o mga kaapu-apuhan ng isang tao.
- Ang salitang ito ay madalas may kahulugang pangmaramihan, tumutukoy ito sa higit sa isang butil ng binhi o higit sa isang kaapu-apuhan.
- Sa talinghaga ng magsasakang nagtanim ng mga binhi, inihambing ni Jesus ang binhi sa Salita ng Diyos na itinatanim sa puso ng tao upang magbigay ng mabuting espiritwal na bunga.
- Si apostol Pablo ay gumagamit din ng salitang "binhi" na tumutukoy sa Salita ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Para sa literal na binhi, mas mainam gamitin ang literal na salita para sa "binhi" na ginagamit sa wika na isasalin na tumutukoy sa itinatanim ng magsasaka sa kaniyang bukirin.
- Ang literal na salita ay dapat din gamitin sa mga kabuuan kung saan ito ay patalinghagang tumutukoy sa Salita ng Diyos.
- Para sa patalinghagang gamit na tumutukoy sa mga tao na nasa parehong hanay ng pamilya, mas malinaw na gamitin ang salitang "kaapu-apuhan" o "mga kaapu-apuhan" sa halip na binhi. Ang ibang mga wika ay maaaring may salitang nangangahulugang "mga anak at mga apo."
- Para sa "binhi" ng lalaki o babae, isaalang-alang kung paano ito ipinapahayag ng takdang wika sa paraan na hindi makakasama ng loob o makakapahiya ng tao.
buhay, mamuhay, nabubuhay, buhay
Tumutukoy ang lahat ng mga salitang ito sa pagiging buhay sa pisikal. Ginamit din ang mga ito ng pasimbolo upang tukuyin ang pagiging buhay sa espiritwal. Tinatalakay ng sumusunod kung ano ang ibig sabihin ng "pisikal na buhay" at "espiritwal na buhay."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ang "buhay" ay maaaring isalin bilang "pag-iral" o "tao" o "kaluluwa" o "pagkatao" o "karanasan."
- Ang salitang "mamuhay" ay maaaring isalin na "tumira" o "manirahan" o "umiral."
- Ang salitang "katapusan ng kaniyang buhay" ay maaaring isalin bilang "noong tumigil siyang mabuhay."
- Ang talinghagang "iniligtas ang kanilang mga buhay" ay maaaring isalin na "hayaan silang mabuhay" o "hindi sila pinatay."
- Ang talinghagang "nilagay nila sa panganib ang kanilang buhay" ay maaaring isalin na "nilagay nila sa kapahamakan ang kanilang mga sarili" o "gumawa sila ng anumang maaaring pumatay sa kanila."
bunga, mabunga
Ang salitang "bunga" ay literal na tumutukoy sa bahagi ng halaman na maaaring kainin. Ang isang puno na "mabunga" ay mayroong maraming bunga. Ang mga salitang ito ay ginamit nang matalinghaga sa Bibliya.
- Ang Bibliya ay kadalasang gumagamit ng "bunga" para tukuyin ang mga gawa at kaisipan ng isang tao. Katulad ng bunga sa isang puno na nagpapakita kung anong uri ng puno ito, sa parehong paraan ipinapakita ng salita at gawa ng isang tao kung ano ang kaniyang pagkatao.
- Ang isang tao ay maaaring mamunga ng mabuti o masamang espirituwal na bunga ngunit ang salitang "mabunga" ay palaging may positibong kahulugan na maraming mabuting bunga.
- Ang salitang "mabunga" ay matalinghaga ding ginamit para ipakahulugan ang "masagana." Ito ay kadalasang tumutukoy sa pagkakaroon ng maraming anak at kaapu-apuhan, at pagkakaroon ng maraming pagkain at ibang yaman.
- Sa pangkalahatan, ang salitang "bunga ng" ay tumutukoy sa anumang mula sa isang bagay. Halimbawa, ang "bunga ng karunungan" ay tumutukoy sa mga mabuting bagay na mula sa pagiging marunong.
- Ang mga salitang "bunga ng lupa" ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng nagmula sa lupa para kainin ng tao. Kabilang dito hindi lamang mga prutas gaya ng ubas ngunit pati mga gulay, mga buto na kinakain at mga butil.
- Ang matalinghagang pahayag na "bunga ng Espiritu" ay tumutukoy sa maka-diyos na pag-uugali na bunga ng Banal na Espiritu sa buhay ng mga tao na sumusunod sa kaniya.
- Ang salitain na "bunga ng sinapupunan" ay tumutukoy sa "kung ano ang inilalabas ng sinapupunan", iyon ay ang bata.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Pinakamabuti kung isasalin ang salitang ito gamit ang pangkalahatang salita para sa "bunga" na siyang karaniwang ginagamit sa inyong wika upang tukuyin ang maaaring kainin na bunga ng puno na namumunga. Sa maraming wika maaaring mas natural na gamitin ang pangmaramihan,
- "mga bunga" kapag ito ay tumutukoy sa maraming bunga.
- Batay sa konteksto, ang salitang "mabunga" ay maaaring isalin na "namumunga ng maraming espirituwal na bunga" o "may maraming anak" o "masagana."
- Ang mga salitang "bunga ng lupa" ay maaaring isalin na "pagkain na tumutubo sa lupa" o "mga pananim na tumutubo sa rehiyon na iyon."
- Nang likhain ng Diyos ang mga hayop at tao, inutusan niya sila na "maging mabunga at magpakarami" na tumutukoy sa pagkakaroon ng maraming anak. Ito ay maaaring isalin na "magkaroon ng maraming anak" o "magkaroon ng maraming anak at kaapu-apuhan" o "magkaroon ng maraming anak upang kayo ay magkaaroon ng maraming kaapu-apuhan."
- Ang salitain na "bunga ng sinapupunan" ay maaaring isalin na "nagmumula sa sinapupunan" o "mga bata na pinapanganak ng mga babae" o "mga bata." Noong sinabi ni Elisabet kay Maria na "pinagpala ang bunga ng iyong sinapupunan", ang ibig niyang sabihin ay "pinagpala ang bata na ipapanganak mo." Maaaring mayroon ding ibang salitain sa inyong wika para dito.
- Isa pang salitain, "bunga ng baging" ay maaaring isalin na "mga ubas."
- Depende sa konteksto, ang mga salitang "magiging mas mabunga" ay maaaring isalin na "magbibigay ng maraming bunga" o "magkakaroon ng maraming anak" o "magiging sagana."
- Ang pahayag ni apostol Pablo na "mabungang gawain" ay maaaring isalin na "gawain na nagdudulot ng labis na magandang resulta" o "pagsisikap na nagreresulta sa maraming taong nananampalataya kay Jesus."
- Ang "bunga ng Espiritu" ay maaaring isalin na "mga gawa na bunga ng Banal na Espiritu" o "mga salita at gawa na nagpapakita na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa inyo."
butil
Ang butil ay karaniwang tumutukoy sa buto ng pagkaing halaman gaya ng trigo, sebada, mais, dawa, o bigas. Tumutukoy ito rin sa mismong buto.
- Sa Bibliya, ang mga pangunahing butil na tinutukoy ay trigo at sebada.
- Ang mga ulo ng butil ay bahagi ng halaman na humahawak sa butil.
- Tandaan na ilan sa mga sinaunang bersyon ng Bibliya gumamit ng salitang "mais" sa pangkalahatang pagtukoy sa butil. Ngunit sa makabagong Ingles, ang "mais" ay tumutukoy lamang sa isang uri ng butil.
buwis, mga buwis
Ang mga salitang "buwis" o "mga buwis" ay tumutukoy sa salapi o mga kalakal na ibinabayad ng mga tao sa pamahalaan na sumasakop sa kanila.
- Ang halaga ng salapi na ibinabayad para sa buwis ay karaniwang nakatakda sa halaga ng isang bagay o kung magkano ang halaga ng ari-arian ng isang tao.
- Kung hindi nakabayad ng buwis ang isang tao, ang pamahalaan ay maaaring gumawa ng legal na aksiyon laban sa isang tao o negosyo upang kunin ang utang na salapi.
- Ang salitang "buwis" ay ginagamit sa mga kataga na kagaya ng, "tipunin ang mga buwis" at "bayaran ang mga buwis." Maaari itong isalin ng "bayaran ang buwis sa pamahalaan" o "tipunin ang salapi para sa pamahalaan" o "gawin ang takdang kabayaran."
- Ang isang "maniningil ng buwis" ay isang tao na nagtatrabaho para sa pamahalaan upang tanggapin ang salapi na itinakda sa mga tao na kailangan nilang bayaran.
dalamhati
Ang salitang "dalamhati" ay tumutukoy sa matinding sakit o pasakit"
- Ang dalamhati ay maaaring pisikal o emosyonal na sakit o pasakit.
- Madalas ang mga tao na nasa matinding pagdadalamhati ay makikita sa kanilang mukha at mga pag-uugali.
- Halimbawa, ang taong nasa matinding sakit o dalamhati ay maaaring nagngangalit ang kaniyang ngipin o sumisigaw.
- Ang salitang dalamhati ay maaari ding isalin na, "emosyonal na pasakit" o "matinding kalungkutan" o "malubhang sakit."
demonyo, masamang espiritu, maruming espiritu
Tumutukoy ang lahat ng mga salitang ito sa mga demonyo na kung saan ito ay mga espiritu na sumasalungat sa kalooban ng Diyos.
- Nilalang ng Diyos ang mga anghel upang paglingkuran siya. Nang maghimagsik ang diyablo laban sa Diyos, ilan ding mga anghel ang naghimagsik at itinapon sila palabas ng langit. Pinaniniwalaan na ang mga demonyo at mga masasamang espiritu ay ang mga "nahulog na mga anghel."
- Kung minsan tinatawag ang mga demonyong ito na "maruming espiritu" na nangangahulugang "hindi malinis" o "masama" o "hindi banal".
- Dahil naglilingkod ang mga demonyo sa diyablo, gumagawa sila ng mga masasamang bagay. Kung minsan naninirahan sila sa loob ng mga tao at pinamumunuan sila.
- Mas makapangyarihan ang mga demonyo kaysa sa mga tao, ngunit hindi makapangyarihan gaya ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaari ring isalin ang salitang "demonyo" bilang "masamang espiritu."
- Maaari ring isalin ang salitang "maruming espiritu" na "hindi malinis na espiritu" o "madungis na espiritu" o "masamang espiritu."
- Siguraduhin na ang salita o pariralang ginamit sa pagsalin sa salitang ito ay iba sa katawagang ginamit sa pagtukoy sa diyablo.
- Isaalang-alang din kung paano isinalin ang katawagang "demonyo" sa lokal o pambansang wika.
dila
May mga ilang patalinghagang kahulugan ang "dila" sa Bibliya.
- Sa Bibliya, ang mas karaniwang ibig sabihin na talinghaga para sa salitang ito ay "wika" o "talumpati."
- Ang "dila" ay maaaring tumukoy sa isang wika na karaniwang sinasabi ng isang pangkat ng mga tao sa lupa.
- Ang salitang ito ay maaari ring tumukoy sa isang hindi karaniwang wika na binigay ng Banal na Espiritu.
- Ang pamamahayag, "mga dilang apoy" ay tumutukoy sa "mga alab" ng apoy.
- Ibang talinghagang mga pamamahayag gaya ng, "ang aking wika ay nagagalak" o "mga dilang sinungaling" ay tumutukoy sa buong pagkatao o sa boses o pananalita ng isang tao.
Mga Mungkahing Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ang salitang "dila" ay maaaring madalas na isalin ayon sa "wika" o "wikang espiritwal." Kung ang ibig sabihin ay hindi maliwanag mas mabuting isalin ito bilang "wika."
- Kung tumutukoy sa apoy, ang salitang ito ay maaaring isalin ng "mga alab."
- Ang pahayag "ang aking dila ay nagagalak" ay maaring isalin na "ako ay nagagalak at nagpupuri sa Diyos" o "ako ay nagagalak magpuri sa Diyos."
- Ang "dilang sinungaling" ay maaaring isalin na "taong nagsasabi ng mga kasinungalingan."
- Mga katagang katulad ng "sa kanilang mga dila" ay maaaring isalin na "sa kanilang sinabi" o "sa kanilang mga salita."
doktrina
Ang salitang "doktrina" ay literal na nangangahulugang "katuruan". Ito ay karaniwang tumutukoy sa mga pangrelihiyon na katuruan.
- Sa konteksto ng mga Kristiyanong katuruan, ang "doktrina" ay tumutukoy sa lahat ng katuruan tungkol sa Diyos – Ama, Anak, at Banal na Espiritu – kabilang ang lahat ng kaniyang katangian at sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa.
- Ito ay tumutukoy din sa lahat ng bagay na itinuturo ng Diyos sa mga Kristiyano tungkol sa kung paano mamuhay ng banal na nagdudulot ng kaluwalhatian sa kaniya.
- Ang salitang "doktrina" ay ginagamit din minsan upang tumukoy sa mali o makamundong pangrelihiyong mga katuruan mula sa mga tao. Ang konteksto ang magbibigay ng malinaw na kahulugan.
- Ang salitang ito ay maaari ding isalin bilang "katuruan."
dugo
Ang salitang "dugo" ay tumutukoy sa pulang likido na lumalabas sa balat ng tao kapag mayroong pinsala o sugat. Nagdadala ng buhay at sustansiya ang dugo sa buong katawan ng tao.
- Sumasagisag ang dugo ng buhay at kung dadaloy ito o mabubuhos, sumasagisag ito na wala ng buhay, o pagkamatay.
- kung gagawa ng mga alay ang mga tao sa Diyos, magkakatay sila ng isang hayop at ibubuhos nila ang kaniyang dugo sa altar. Sumasagisag ito na ang buhay ng inalay na hayop ay bayad sa kasalanan ng mga tao.
- Sa pamamagitan ng kaniyang pagkamatay sa krus, sumasagisag ang dugo ni Jesus na naglilinis sa mga tao mula sa kanilang mga kasalanan at nagbayad sa kaparusahan na sila ang karapat-dapat sa mga kasalanang iyon.
- Ang salitang "laman at dugo" ay talinhaga na tumutukoy sa isang tao
- Ang talinhagang "sariling laman at dugo" ay tumutukoy sa taong magkadugo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Dapat isalin ang salitang ito kasama ang salita na ginagamit sa dugo sa isasalin na wika.
- Ang talinhagang "laman at dugo" ay maaaring isalin na, "mga tao" o "tao."
- Depende sa konteksto, ang talinhagang "sarili kung laman at dugo" ay maaaring isalin na "ang aking pamilya" o "ang aking mga kamag-anak" o "sarili kung mga tao."
- Kung may talinhaga sa wika na isasalin na ginagamit sa ganitong kahulugan, maaaring gamitin ang talinhagang iyon upang isalin ang "laman at dugo."
dusa, pagdurusa
Ang mga salitang "dusa" at "pagdurusa" ay tumutukoy sa mga nararanasang hindi kaaya-aya, tulad ng karamdaman, kirot, at iba pang mga kahirapan.
- Kung ang mga tao ay inuusig o kung sila ay may sakit, sila ay nagdurusa.
- Minsan ang mga tao ay nagdurusa dahil sa maling mga bagay na kanilang ginawa; sa ibang pagkakataon sila ay nagdurusa dahil sa kasalanan at mga sakit sa mundo.
- Ang pagdurusa ay maaaring pisikal, kagaya ng nararamdamang kirot o sakit. Maaari ding ito ay emosyonal kagaya ng pagkaramdam ng takot, kalungkutan, o lumbay.
Mga Mungkahi Sa Pagsasalin
- Ang salitang "dusa" ay maaaring isalin na "nakakaramdam ng sakit" o "magtitiis sa kahirapan" o "nakararanas ng mga kahirapan" o "dumanas ng mga mahirap at masakit na mga karanasan."
- Depende sa konteksto, ang "pagdurusa" ay maaaring isalin na "sobrang hirap na mga pangyayari" o "matinding kahirapan" o "nakakaranas ng matinding kahirapan" o "panahon ng masakit na mga karanasan."
eskriba, dalubhasa sa batas ng Judio
Ang mga eskriba ay mga opisyal na may pananagutan na isulat o kopyahin sa kamay ang mga mahahalagang dokumentong pampamahalaan o pangrelihiyon.
- Ang eskriba ay may pananagutan upang kopyahin at panatilihin ang mga aklat ng Lumang Tipan.
- Ang mga eskriba rin ay kinopya, pinananatili, at pina-unawa ang mga kaisipang pangrelihiyon at paliwanag ukol sa batas ng Diyos.
- Kung minsan, ang eskriba ay mga mahahalagang kawani ng pamahalaan.
- Sina Baruc at Ezra ang ilan sa mga mahahalagang eskriba ng Biblia.
espada
Ang espada ay isang makinis at matalas na sandata na ginagamit na pamutol o panaksak. Mayroon itong hawakan at isang mahaba, patusok na talim na may napakatalas na gilid.
- Ang talim ng espada noong sinaunang panahon ay halos 60 hanggang 91 sentimetro ang haba.
- Ilang mga espada ay mayroong dalawang matatalas na gilid at tinatawag na "may dalawang talim" ng mga espada.
- Ang mga alagad ni Jesus ay may mga espada sa planong gamitin upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Ginamit ni Pedro ang kaniyang espada upang tagain ang tainga ng alipin ng punong pari.
- Kapwa si Juan na Tagapag-bautismo at si Apostol Santiago ay pinugutan sa pamamagitan ng mga espada.
Mga Mungkahi Sa Pagsasalin
- Ang espada ay ginagamit sa pagsasalarawan ng salita ng Diyos. Ang mga katuruan ng Diyos sa Biblia ay naglalantad ng kaloob-loobang kaisipan ng mga tao upang hatulan sila sa kanilang mga kasalanan. Sa katulad na paraan, ang isang espada ay humihiwa ng malalim, nagdudulot ng sakit.
- Isang paraan para isalin ang talinhagang ito ay maaaring, "Ang salita ng Diyos ay katulad ng isang espada, na humihiwa ng malalim at naglalantad ng kasalanan."
- Isa pang talinghaga sa salitang ito ay nasa aklat ng Mga Awit na kung saan ang dila o pananalita ng isang tao ay inihalintulad sa isang espada na maaaring makasakit ng mga tao. Ito ay maaaring isalin na "ang dila ay parang isang espada na lubhang makakasakit sa isang tao."
- Kung ang mga espada ay hindi kilala sa inyong kultura, ang salitang ito ay maaaring isalin sa pangalan ng iba pang mahabang talim na sandata na ginagamit sa panghiwa o panaksak.
- Ang isang espada ay maaari ding ilarawan bilang isang "matalas na sandata" o "mahabang kutsilyo." Ilang mga pagsasalin ay maaaring magpasya na isama ang larawan ng isang espada.
espiritu, espirituwal
Ang salitang “espiritu” ay tumutukoy sa hindi pisikal na bahagi ng tao na hindi nakikita. Kapag ang isang tao ay namatay, lilisanin ng espiritu ang kaniyang katawan.
- Ang salitang “espiritu" ay maaaring tumukoy sa isang nilalang na hindi nagkaroon ng isang pisikal na katawan, lalo na ang isang masamang espiritu.
- Ang espiritu ng tao ay ang bahagi niya na maaaring makilala ang Diyos at maniwala sa kaniya.
- Sa pangkalahatan, ang salitang “pang-espiritu” ay naglalarawan sa anumang bagay sa hindi pisikal sa mundo.
- Sa Bibliya, ang salitang “pang-espiritu” ay tiyak na tumutukoy sa anumang bagay na umuugnay sa Diyos, lalo na sa Banal na Espiritu.
- Halimbawa, ang “pagkaing pang-espiritu” ay tumutukoy sa mga turo ng Diyos na nagbibigay ng kalusugan sa espiritu ng tao, "karunungang pang-espiritu” ay tumutukoy sa kaalaman at matuwid na pag-uugali na mula sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
- Ang Diyos ay isang espiritu at kaniyang nilikha ang ibang mga espiritung nilalang na walang pisikal na mga katawan.
- Ang mga Anghel ay mga nilalang na espiritu, kabilang ang mga naghimagsik laban sa Diyos at naging mga masasamang espiritu.
- Ang salitang “espiritu” ay maaari ring mangahulugan ng “pagkakaroon ng mga katangian ng tulad ng “ gaya ng "espiritu ng karunungan.”
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ilan sa mga paraan para isalin ang “espiritu” ay maaaring kabilang ang “hindi pisikal na nilalang” o “panloob na bahagi” o “loob na pagkatao.”
- Sa ilang mga nilalaman, ang salitang "espiritu" ay maaaring isalin bilang "masamang espiritu" o "masamang nilalang na espiritu".
- Minsan ang salitang “espiritu” ay ginamit para ihayag ang mga nararamdaman ng isang tao tulad sa, “ang aking espiritu ay nagdadalamhati sa aking buong pagkatao.” Ito ay maaring isalin na, “Ako ay nakakaramdam ng dalamhati sa aking espiritu” o “ako ay nakakaramdam ng malubhang kadalamhatian.”
- Ang katagang “espiritu ng” ay maaaring isalin na "katangian ng” o “impluwesiya ng.”
- Depende sa konteksto, ang “pang-espiritul” ay maaaring isalin na, “hindi pisikal” o “mula sa Banal na Espiritu” o “sa Diyos ang” o “bahagi ng hindi pisikal sa mundo.”
- Ang matalinhagang pagpapahayag na “gatas na pang espiritu” ay maaari ring isalin bilang “pangunahing mga turo mula sa Diyos” o “mga turo ng Diyos na pinapalusog ang espiritu.
ganap
Sa Bibliya, ang salitang "ganap" ay nangangahulugang malago na sa ating buhay Kristiyano. Ang gawing ganap ang isang bagay ay nangangahulugan na gumawa hanggang sa maging napakahusay at walang kapintasan.
- Ang pagiging ganap at malago ay nangangahulugan na ang isang Kristiyano ay masunurin, hindi ang pagiging walang kasalanan.
- Ang salitang "ganap" ay nangangahulugan din ng pagiging "kumpleto" o "buo."
- Ang Aklat ni Santiago sa Bagong Tipan ay nagsasabi na ang pagtitiyaga sa pamamagitan ng pagsubok ay magbubunga ng kaganapan at paglago ng mananampalataya.
- Kapag nag-aaral ng Bibliya ang mga Kristiano at sinusunod nila ito, sila ay mas lubos na magiging ganap at malago sa espirituwal dahil sa magiging katulad sila ni Kristo sa kanilang pag-uugali.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin
- Ang salitang ito ay maaaring isalin na "walang lamat" o "walang pagkakamali" o "walang kapintasan" o "walang kasiraan" o "walang anumang kasiraan."
gantimpala
Ang salitang "gantimpala" ay tumutukoy sa kung ano ang tinatanggap ng tao dahil sa isang bagay na kaniyang ginawa, mabuti man o masama. Ang "gantimpalaan" ang isang tao ay pagbibigay ng isang bagay na karapat-dapat sa kaniya.
- Ang isang gantimpala ay maaaring mabuti o magandang bagay na natatanggap ng isang tao dahil sa maayos niyang paggawa o dahil sumunod siya sa Diyos.
- Minsan, ang gantimpala ay maaaring tumukoy sa mga masamang bagay na maaaring kalabasan dahil sa masamang ugali, katulad ng pahayag na, "ang gantimpala ng massasama." Sa kontekstong ito, ang "gantimpala" ay tumutukoy sa mga kaparusahan o negatibong kakalabasan mula sa mga makasalanang ginawa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Batay sa nilalaman, ang salitang "gantimpala" ay maaaring isalin bilang "kabayaran" o "bagay na karapat-dapat" o "kaparusahan."
- Ang "gantimpalaan" ang isang tao ay maaaring isalin ng "bayaran" o "parusahan" o "ibigay ang nararapat."
- Siguraduhing ang salin sa salitang ito ay hindi tumutukoy sa sahod. Ang isang gantimpala ay hindi tungkol sa pahkaroon ng pera bilang bahagi ng isang trabaho.
gapusin, paggapos, nakagapos
Ang salitang "gapusin" ay nangangahulugang talian ang isang bagay o ikabit ito ng mahusay. Ang isang bagay na nakatali o pinagsama ay tinatawag na "paggapos."
- Ang "nakagapos" ay nangangahulugan na ang isang bagay ay nakatali o naibalot sa isang bagay.
- Ang salitang "paggapos" ay tumutukoy sa anumang bagay na ginagapos, inilagay o kinukulong ang isang tao. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pisikal na mga kadena, pataw sa paa o lubid na pumipigil sa tao sa pagkilos na malaya.
- Sa panahon ng Bibliya, ang paggapos tulad ng mga lubid o mga kadena ay ginagamit upang ikabit ang mga bilanggo sa pader o sa sahig sa bato na kulungan.
- Ang salitang "gapusin" ay maaari din gamitin na ang ibig sabihin ay pagbalot ng tela palibot sa isang sugat upang tulungan ito na gumaling.
- Ang patay na tao ay maaaring "nakabalot" sa tela sa paghahanda sa paglibing.
- Ang salitang "paggapos" ay ginagamit sa talinghaga na tumutukoy sa isang bagay, tulad ng kasalanan, na humahawak o nag-aalipin sa isang tao.
- Ang paggapos ay maaari ding tumutukoy sa malapit na relasyon sa pagitan ng mga tao kung saan tinutulongan nila ang isa't isa sa emosyon, espiritwal at sa pisikal. Ito ay ginagamit sa "paggapos sa pag-aasawa".
- Halimbawa, ang asawang lalaki at asawang babae ay "nakatali" o nabigkis sa isa't isa. Ito ay bigkis na ayaw ng Diyos na masira.
- Ang tao ay maaari ding "nakatali" sa isang pangako, na ang ibig sabihin siya ay "kailangang tuparin" kung ano ang kaniyang ipinangako na gawin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "gapusin" ay maaaring isalin tulad ng "bigkis" o "ibigkis" o "ibalot."
gobernador, namamahala
Ang gobernador ay isang tao na namamahala o namumuno ng isang estado, rehiyon o teritoryo. Ang salitang "namamahala" ay nangangaluhugang pumatnubay, pangunguna o mamahala ng mga tao o mga bagay.
- Sa mga panahon sa Bibliya, ang mga gobernador ay hinihirang ng hari o emperador.
- Ang mga gobernador ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng hari o emperador.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "gobernador" ay maaari ding isalin na "namumuno" o "tagapangasiwa" o "pinuno ng rehiyon" o "isa na siyang namumuno sa maliit na teritoryo."
- Depende sa konteksto, ang salitang "namamahala" ay maaaring isalin bilang "namumuno sa buong" o "nangunguna" o "namamahala" o "tagapangasiwa."
- Yamang ang isang gobernador ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng hari o emperor at may mababang kapangyarihan at kahalagahan kaysa sa mga pinunong iyon, ang salitang ito ay nararapat isalin na iba kaysa sa mga salitang iyon.
guho, mga guho
Ang "guho" ay isang bagay na nangangahulugang sayangin, wasakin, o gawing walang pakinabang. Ang salitang "guho" o "mga guho" ay tumutukoy sa mga durog na bato at mga nasayang na labi ng anumang nawasak.
- Si propetang Zefanias ay nagbanggit tungkol sa araw ng galit ng Diyos bilang isang "araw ng pagkaguho" kung saan ang mundo ay hahatulan at paparusahan.
- Sinasabi ng aklat ng Kawikaan na ang pagguho at pagwasak ang naghihintay sa mga masasama.
- depende sa konteksto, ang "guhuin" ay maaaring isalin na "wasakin" o "sayangin" o "gawing walang pakinabang" o "durugin".
- Ang salitang "guho" o "mga guho" ay maaaring isalin na "durog na bato" o bumagsak na mga gusali" o "wasak na lungsod" o "pagkawasak" o "kadurugan" o "pagkasira", depende sa konteksto.
habag, pakikiramay, mahabagin
Ang salitang "habag" ay tumutukoy sa pakiramdam na pagmamalasakit para sa mga tao, lalo na para sa mga nagdurusa. Ang isang taong "mahabagin" ay mayroong pakialam sa ibang tao at tinutulungan sila.
- Ang salitang "habag" ay kadalasang may kasamang pag-aalaga sa mga taong nangangailangan, at gayundin ang pagtulong sa kanila.
- Sinasabi sa Bibliya na ang Diyos ay mahabagin, na siya ay puno ng pag-ibig at awa.
- Sa liham ni Pablo sa mga taga-Colosas, sinabi niya sa kanila na "bihisan ng habag ang kanilang mga sarili." Tinuturuan niya silang pangalagaan ang mga tao at aktibong tulungan ang iba pang nangangailangan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang literal na kahulugan ng "habag" ay "mga bituka ng awa." Ito ay isang talinghaga na nangangahulugang "awa" o "pagkaawa." Ang ibang mga wika ay maaaring mayroong sariling talinghaga na nangangahulugan nito.
- Maaaring isama sa mga paraan ng pagsasalin ng "habag" ang "malalim na pangangalaga para sa" o "matulunging awa."
- Ang salitang "mahabagin" ay maaaring isalin na, "maalaga at matulungin" o "labis na mapagmahal at maawain."
halik
Ang halik ay isang kilos ng pagmamahal na kung saan ang isang tao ay idinidiin ang kaniyang labi sa labi o pisngi ng isang tao.
- Sa ilang mga kultura, humahalik sa pisngi ang isat-isa bilang uri ng pagbati o upang magsabi ng paalam.
- Ang halik ay maaaring magpabatid ng malalim na pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao, kagaya ng sa mag-asawa.
hanga, kahanga-hanga
Ang salitang "hanga" ay tumutukoy sa pakiramdam ng paghanga at malalim na paggalang na nagmula pagkakita ng isang bagay na dakila, makapangyarihan, at napakaganda.
- Ang salitang "kahanga-hanga" ay naglalarawan sa isang tao o bagay na nagpapalakas ng isang damdamin ng paghanga.
- Ang mga pangitain ng kaluwalhatian ng diyos na nakita ng propetang si Ezekiel ay "kahanga-hanga" o "nakakaaya ng paghanga."
- Kaugaliang mga tugon ng tao na nagpapakita ng paghanga sa presensiya ng Diyos kabilang ang: pagkatakot, pagyuko o pagluhod, pagtatakip ng mukha, at panginginig.
hari
Ang hari ay pinuno ng isang malayang lungsod, estado o bansa.
- Minsan ang isang tao ay nagiging hari dahil ang isang grupo ng mga tao ay gusto siyang maging hari nila.
- Karaniwan kapag ang hari ay namatay, ang kaniyang panganay na anak na lalaki ang magiging hari.
- Kung minsan ang isang tao ay papatayin ang hari upang sa gayon siya ang papalit sa kaniya bilang hari.
hatulan, paghatol
Ang mga salitang "hatulan" at "paghatol" ay tumutukoy sa paghahatol sa isang tao dahil sa ginawa niyang masama.
- Madalas kasama sa salitang "hatulan" ang pagpaparusa sa taong iyon dahil sa ginawa nilang masama.
- Minsan it ay nangangahulugang "hinatulan" ng maling pagparatang ang isang tao o malupit na paghatol ng isang tao.
- Ang salitang "paghatol" ay tumutukoy sa paghahatol o pag-aakusa sa isang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Batay sa konteksto, maaaring isalin ang salitang ito na "malupit na paghatol" o "maling pagpuna."
- Maaaring isalin ang salitang "hatulan siya" na "hatulan na siya ay may kasalanan" o "ipahayag na dapat siyang parusahan dahil sa kaniyang kasalanan."
- Maaaring isalin ang salitang "paghatol" na "malupit na paghahatol" o "pagpapahayag na nagkasala siya" o "kaparusahan sa kasalanan"
himala, kababalaghan, palatandaan
Ang "himala" ay isang pangyayari na nakakamangha na hindi maaaring mangyari maliban lang kung ang Diyos ang dahilan upang mangyari ito.
- Kasama sa mga halimbawa ng mga himala na ginawa ni Jesus ay ang pagpapahupa ng isang bagyo at pagpapagaling sa isang bulag na tao.
- Ang mga himala ay minsang tinawag na "mga kababalaghan" dahil namangha or nahiwagaan and mga tao sa mga ito.
- Ang salita na "kababalaghan" ay maaari ring mas kadalasang tumutukoy sa nakamamanghang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos, tulad noong nilikha niya ang langit at ang lupa.
- Ang mga himala ay maaari ding tawagin na "mga palatandaan" dahil ang mga ito ay ginamit bilang tanda o patunay na ang Diyos ang nag-iisang pinakamakapangyarihan sa lahat na siyang may kabuuang karapatan sa buong daigdig.
- Ang ilan sa mga himala ay ang pagliligtas ng Diyos, tulad noong iniligtas niya ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto at noong iningatan niya si Daniel mula sa pananakit ng mga Leon.
- Ang ibang mga kababalaghan ay ang paghuhukom ng Diyos, tulad noong ipinadala niya ang isang malawakang pagbaha sa mundo sa panahon ni Noe at noong nagdala siya ng mapaminsalang salot sa lupain ng Egipto sa panahon ni Moises.
- Marami sa mga himala ng Diyos ay mga pisikal na pagpapagaling sa mga tao na may sakit o ang muling pagkabuhay ng mga taong patay.
- Ang kapangyarihan ng Diyos ay naipakita sa pamamagitan ni Jesus noong pinagaling niya ang mga tao, pinahupa ang bagyo, naglakad sa ibabaw ng tubig, at pagbuhay ng mga tao mula sa kamatayan. Ang lahat ng ito ay mga himala.
- Binigyan ng Diyos ng kakayahan ang mga propeta at mga apostol na gumawa ng mga himala ng pagpapagaling at iba pang mga bagay na maaari lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Kabilang sa mga maaaring pagsasalin ng "mga himala" o "mga kababalaghan" ang, "mga imposibleng bagay na ginagawa ng Diyos" o "makapangyarihang mga gawa ng Diyos" o "nakamamanghang mga gawa ng Diyos."
- Ang madalas na pangungusap na "mga palatandaan at mga kababalaghan" ay maaaring isalin na "mga patunay at mga himala" o "mahimalang mga gawa na nagpapatunay sa kapangyarihan ng Diyos" o "nakamamanghang mga himala na nagpapakita kung gaano kadakila ang Diyos."
- Tandaan na ang kahulugan ng isang mahimalang palatandaan ay iba mula sa palatandaan na nagbibigay ng patunay o ebidensiya para sa isang bagay. Ang dalawa ay maaaring magkaugnay.
hiwaga, lihim na katotohanan
Sa Biblia, ang salita nab "hiwaga" ay tumutukoy sa isang bagay na hindi nalalaman o mahirap maintindihan na ipinapaliwanag na ngayon ng Diyos.
- Isinasaad ng Bagong Tipan na ang ebanghelyo ni Cristo ay isang hiwaga na hindi nalalaman sa nakalipas na panahon.
- Isa sa mga tiyak na pananaw na inilarawan bilang isang hiwaga ay ang mga Judio at mga Gentil ay pantay kay Cristo.
- Ang salitang ito ay maaari ding isalin na "lihim" o "mga nakatagong bagay" o "isang bagay na hindi nalalaman."
hukay
Ang isang hukay ay malalim na butas na binungkal sa ilalim ng lupa.
- Ang mga hukay ay binubungkal para sa paghuli ng mga hayop o para makahanap ng tubig.
- Sa kautusan ng mga Judio, ang isang tao ay mananagot sa anumang mga pinsala na nangyari sa ibang tao o maamong hayop dahil sa pagkahulog sa isang hukay na walang takip na nasa kaniyang ari-arian.
- Minsan ang katagang "ang hukay" ay tumutukoy sa libingan o sa impiyerno.
- Ang isang sobrang lalim na hukay minsan ay tinatawag na "imbakan ng tubig."
ibinukod
Ang salitang "ibinukod" ay nangangahulugan na maihiwalay mula sa isang bagay upang tuparin ang isang layunin.
- Ang mga Israelita ay ibinukod para paglingkuran ang Diyos.
- Ang Banal na Espiritu ay inutusan ang mga Kristiyano sa Antioquia na ibukod si Pablo at Bernabe para sa gawain na nais ng Diyos na gawin nila.
- Ang mananampalataya na "ibinukod" upang maglingkod sa Diyos ay "itinalaga upang" tuparin ang kalooban ng Diyos.
- Isang kahulugan ng salitang "banal" ay upang ibukod bilang pag-aari ng Diyos at hinihiwalay mula sa makasalanang mga paraan ng mundo.
- Ang salitang "pabanalin" ay nangangahulugang pagbukod ng isang tao para sa gawain ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang mga paraan para isalin ang "pagbubukod" ay maaring isama ang, "natatanging pagpili" o "paghiwalay mula sa inyo" o "upang ibukod para gumawa ng natatanging tungkulin."
- Ang "maibukod" ay maaaring isalin bilang "maging hiwalay"
igos
Ang igos ay maliit ngunit matamis na bunga na lumalaki sa puno ng mga igos. Maaaring kainin ng mga tao ang igos nang sariwa, naluto o pinatuyo. Maaari din nila itong pagpira-pirasuhin at gawing tinapay.
- Ang mga puno ng igos ay lumalaki nang may taas na 6 metro at ang kanilang mga malalaking dahon ay nagbibigay ng kaaya-ayang lilim.
- Ang mga puno ng igos ay mahahalagang mga pagkain sa lupain ng Canaan bago dumating ang mga Israelita doon.
- Sa panahon ng Bibliya, ang mga igos ay mahalagang pinagkukunan na pagkain at pinagkakakitaan.
- Binanggit ng Bibliya ang igos sa matalinghagang paraan bilang tanda kung ang Israel ay umuunlad o hindi ( 1 Hari 4:25,Jeremiah 5:17).
ikalat, pagkakalat
Tumutukoy ang mga salita na "ikalat" at "pagkakalat" sa paghihiwa-hiwalay ng mga tao o mga bagay sa iba't ibang mga direksyon.
- Sa Lumang Tipan, nagsasabi ang Diyos tungkol sa "pagkakalat" ng mga tao, na dahilan upang mahiwalay at mabuhay sila sa mga magkakaibang lugar na malayo sa isa't isa. Ginawa niya ito upang parusahan sila sa kanilang kasalanan. Marahil sa pagkalat ay maaari silang matulungan sa pagsisisi at makapagsimula muling sumamba sa Diyos.
- Ginamit sa Bagong Tipan ang salita na "pagkakalat" upang tumukoy sa mga Kristiyano na kinakailangang iwan ang kanilang mga tirahan at lumipat sa iba't ibang mga lugar upang matakasan ang pag-uusig.
- Maaaring isalin ang mga salitang "ang pagkakalat" na "mga mananampalataya sa mga iba't ibang lugar" o "ang mga tao na lumipat upang mamuhay sa iba't ibang mga bansa."
- Maaaring isalin ang salita na "ikalat" na "ipadala sa iba't ibang mga lugar" o "ikalat sa ibang bansa" o "dahilan ng paglipat upang mamuhay sa ibang mga bansa."
ilibing, inilibing, libing
Ang salita na "ilibing" ay karaniwang tumutukoy sa paglalagay ng isang patay sa isang hukay o sa ibang lugar na pinaglilibingan. Ang salitang "libing" ay ang paglilibing ng isang bagay o maaaring gamitin upang ilarawan ang lugar na ginamit upang ilibing ang isang bagay.
- Madalas inililibing ng tao ang isang patay sa pamamagitan ng paglagay nito sa malalim na hukay sa lupa at pagkatapos tinatakpan ito ng lupa.
- Kung minsan ang isang patay ay inilalagay sa isang katulad ng kahon, katulad ng isang kabaong bago ito ilibing.
- Sa kapanahunan ng Bibliya, ang mga patay na tao ay madalas ilibing sa isang kuweba o katulad na lugar. Pagkatapos mamatay si Jesus, ang kaniyang katawan ay binalot ng tela at inilagay sa isang batong libingan na selyado ng isang malaking bato.
- Ang mga salita na "lugar na libingan" o "kuwarto na paglibingan" o "silid na paglibingan" o "kuweba na paglibingan" ay mga pamamaraan na tumukoy sa isang lugar kung saan nakalibing ang isang bangkay.
- May mga bagay din na maaari ilibing, tulad nang ilibing ni Acan ang pilak at ibang mga bagay na kaniyang ninakaw mula sa Jerico.
- Ang salita na "inilibing ang kaniyang mukha" ay karaniwang nangangahulugan na, "takpan ang kaniyang mukha ng kaniyang mga kamay."
- Kung minsan, ang salitang "itago" ay maaaring mangahulugan na "ilibing" tulad ng pagtago ni Acan ng mga bagay sa lupa na kaniyang ninakaw sa Jerico. Ito ay nangangahulugang inilibing niya ang mga ito sa lupa.
iligtas, ligtas
Ang salitang "iligtas" ay tumutukoy sa pag-iingat para hindi makaranas ng isang bagay na masama o nakakapahamak. Ang ibig sabihin ng "maging ligtas", ay mapangalagaan mula sa pinsala o panganib.
- Sa pisikal na kahulugan, ang mga tao ay maaring maligtas o masagip mula sa pinsala, panganib, o kamatayan.
- Sa espiritwal na kahulugan, kung ang tao ay "iniligtas," nangangahulugan ito na sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus, pinatawad siya ng Diyos at sinagip siya mula sa kaparusahan sa impiyerno dahil sa kaniyang kasalanan.
- Ang mga tao ay maaaring magligtas o magsagip ng ibang tao mula sa panganib, ngunit ang Diyos lamang ang makakaligtas sa tao mula sa walang hanggang kaparusahan dahil sa kanilang mga kasalanan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maaring isama sa mga paraan para isalin ang "iligtas" ang "magpalaya" o "mag-ingat mula sa kapahamakan" o "alisin sa landas ng kapahamakan" o "ingatan mula sa kamatayan."
- Ang salitang "ligtas" ay isinalin bilang "inalagaan mula sa panganib" o "sa isang lugar na walang makakapahamak."
iligtas, tagapagligtas
Ang "iligtas" ang isang tao ay nangangahulugan na sagipin ang taong iyon. Ang katawagan na "tagapagligtas" ay tumutukoy sa isang tao na siyang sumasagip o nagpapalaya sa mga tao mula sa pang-aalipin, pang-aapi, o iba pang mga panganib.
- Sa Lumang Tipan, hinirang ng Diyos ang mga tagapagligtas upang pangalagaan ang mga Israelita sa pamamagitan ng pamumuno sa kanila sa digmaan laban sa mga ibang pangkat ng mga tao na dumating upang lusubin sila.
- Ang mga tagapagligtas na ito ay tinawag din na "mga hukom" at sa aklat ng mga Hukom sa Lumang Tipan itinala ang panahon sa kasaysayan noong namumuno ang mga hukom sa Israel.
- Tinawag din ang Diyos na "tagapagligtas". Sa buong kasaysayan ng Israel, iniligtas o sinagip niya ang kaniyang mga tao mula sa kanilang mga kaaway.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Sa konteksto ng pagtulong sa mga tao na makatakas mula sa kanilang mga kaaway, ang salita na "iligtas" ay maaaring isalin bilang "sagipin" o "palayain" o "iligtas."
- Maaari ring isalin ang salitang "tagapagligtas" bilang, "tagasagip" o "tagapagpalaya."
- Kapag ang salita na "tagapagligtas" ay tumutukoy sa mga hukom na namuno sa Israel, ito ay maaari ring isalin bilang "gobernador" o "hukom" o "pinuno."
inggit, mga-hangad
Ang salitang "inggit" ay tumutukoy sa paseselos sa isang tao dahil sa kung ano ang taglay ng taong iyon o dahil sa katangian ng taong iyon na kapuri-puri. Ang salitang "mag-hangad" ay nangangahulugang pagkainggit sa isang tao na may matinding pagnanais na magkaroon ng isang bagay na mayroon ang taong iyon.
- Ang inggit ay karaniwang isang negatibong pakiramdam na sama ng loob dahil sa tagumpay ng ibang tao, mabuting kapalaran, o mga ari-arian ng ibang tao.
- Ang paghahangad ay isang matinding pagnanais na magkaroon ng ari-arian ng isang tao, o kahit, sa asawa ng ibang tao.
ipa
Ang ipa ay tuyong balat na bumabalut sa binhing butil. Ang ipa ay hindi magandang kainin, kaya inihihiwalay ito ng mga tao mula sa butil at ito ay itinatapon.
- Madalas, ang ipa ay inihihiwalay mula sa butil sa pamamagitan ng pagtapon sa butil ng uhay sa hangin. Hinihipan ng hangin ang ipa papalayo at ang butil ay nahuhulog sa lupa. Ang paraang ito ay tinatawag na "pagtatahip"
- Sa Bibliya, ang katawagang ito ay ginamit din ng patalinghaga na tumutukoy sa masamang mga tao o masamang mga bagay na walang kabuluhan.
ipako sa krus
Ang katawagang "ipako sa krus" ay nangangahulugan ng pagpatay sa isang tao sa pamamagitan ng paglagay sa kaniya sa isang krus at iwanan siya doon upang magdusa at mamatay sa labis na paghihirap.
- Ang biktima ay maaaring igapos o ipako sa krus. Ang mga taong ipianako sa krus ay namamatay sa pagkaubos ng dugo o ng hininga.
- Madalas gamitin ng sinaunang Emperyo ng Roma ang pamamaraang ito ng pagpatay upang parusahan at patayin ang mga taong kilabot na mga kriminal o naghimagsik laban sa kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
- Hiniling ng mga pinuno ng relihiyon ng mga Judio sa gobernador ng Roma na utusan ang kaniyang mga kawal upang ipako sa krus si Jesus. Ipinako sa krus ng mga kawal Jesus. Nagdusa siya doon ng anim na oras, at pagkatapos ay namatay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang mga saliatang "ipako sa krus" ay maaaring isalin bilang, "patayin sa krus" o "patayin sa pamamagitan ng pagpako sa krus."
isip
Ang salitang "isip" ay tumutukoy sa bahagi ng isang tao na nag-iisip at gumagawa ng mga desisyon.
- Ang utak ng isang tao ay ang pisikal na bahagi ng pag-iisip.
- Ang kaisipan ng bawat tao ay ang kabuuan ng kaniyang iniisip at pangangatwiran.
- Ang "taglayin ang kaisipan ni Cristo" ay nangangahulugang mag-isip at gumawa ng tulad ng pag-iisip at paggawa ni Jesu-Cristo. Ang ibig sabihin nito ay pagiging masunurin sa Diyos Ama, pagsunod sa mga katuruan ni Cristo, may kakayahan na gawin ang mga ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salita na "isip" ay maaari ding isalin na, "iniisip" o "pangangatwiran" o "pag-iisip."
- Ang talinghaga na, "alalahanin" ay maaaring isalin na, "tandaan" o "pagtuunan ito ng pansin" o "tiyakin na malaman ito."
- Ang salitang, "puso, kaluluwa, at isip" ay maaari ring isalin na, "kung ano ang iyong nararamdaman, kung ano ang iyong pinaniniwalaan at kung ano ang iyong iniisip."
- Ang talinghaga na "tawagin sa isip" ay maaaring isalin na, "tandaan" o "pag-isipan."
itaas, pagdakila
Ang "itaas" ang isang tao o bagay ay ang labis na pagpuri at parangalan ng isang tao. Maaari din itong mangahulugang ilagay ang isang tao sa mataas na posisyon.
- Sa Biblia, ang salitang "itaas" ay madalas na ginamit para sa pagpupuri sa Diyos.
- Kapag ang isang tao ay itinaas ang kaniyang sarili, ito ay nangangahulugan na iniisip niya ang kaniyang sarili sa mapagmataas o mayabang na paraan.
Mga mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaaring kabilang sa mga paraan upang isalin ang "itaas" ay ang "mataas na papurihan" o "parangalan ng labis" o "itanyag" o "magsalita ng labis."
- Sa ilang konteksto, maaari itong isalin sa pamamagitan ng isang salita o mga salita na ang ibig sabihin ay, "ilagay sa isang mataas na posisyon" o "magbigay ng mas maraming parangal sa" o "magsalita ng mapagmataas."
- Ang "huwag itaas ang inyong sarili" ay maaari ding isalin na "huwag rin mag-isip ng labis sa inyong sarili" o "huwag magmayabang tungkol sa inyong sarili."
- "Ang mga nagtataas sa kanilang mga sarili" ay maaari ding isalin gaya ng "ang mga nag-iisip ng kapurihan tungkol sa kanilang mga sarili" o "ang mga nagmamayabang tungkol sa kanilang mga sarili"
kagalakan, kagiliw-giliw
Ang "kagalakan" ay isang bagay na nakalulugod sa isang tao ng labis o dahilan ng labis na kaligayahan.
- Ang "magalak sa" isang bagay ay nangangahulugan na "maging maligaya sa" o "maging masaya tungkol" dito.
- Kapag labis na sinasang-ayunan o nakalulugod ang isang bagay ito ay tinatawag na "kagiliw-giliw."
- Kung ang kagalakan ng isang tao ay nasa isang bagay nangangahulugan ito na kinasisiyahan niya ito ng labis.
- Ang pahayag na "ang aking kagalakan ay sa mga kautusan ni Yahweh" ay maaaring isalin na "ang kautusan ni Yahweh ay nagbibigay sa akin ng labis na kaligayahan" o "nais kong sundin ang mga kautusan ni Yahweh" o "masaya akong sundin ang mga kautusan ni Yahweh."
- Ang mga salitang "hindi nagagalak sa" at "walang kagalakan sa" ay maaaring isalin bilang "hindi lahat ay kinaluguran ng" o "hindi masaya tungkol sa."
- Ang mga salitang "kinagagalakan niya ang" ay nangangahulugang, "kinasisiyahan niyang gawin" ang isang bagay o "labis siyang masaya sa" isang bagay o isang tao.
- Ang salita na "nagagalak" ay tumutukoy sa mga bagay na kinasisiyahan ng isang tao. Maaari itong isalin bilang "kinaluluguran" o "mga bagay na nagbibigay ng kaligayahan."
- Ang pahayag gaya ng, "kinagagalakan kong gawin ang iyong kalooban" ay maaari ring isalin na "kinasisiyahan kong gawin ang iyong kalooban" o "labis akong nasisiyahan kapag sinusunod kita."
kagalakan, nagagalak
Ang kagalakan ay isang pakiramdam ng galak o malalim na kasiyahan na nanggagaling mula sa Diyos. Ang "nagagalak" ay naglalarawan sa isang tao na nakadarama ng sobrang tuwa at puno ng labis na kaligayahan.
- Nakadaram ang isang tao ng kagalakan kapag siya ay mayroong malalim na pandama na ang kaniyang nararanasan ay napakabuti.
- Ang Diyos ang nagbibigay ng tunay na kagalakan sa mga tao.
- Ang pagkakaroon ng kagalakan ay ang hindi umaasa sa mga kaaya-ayang kalagayan. Makapagbibigay ang Diyos sa mga tao ng kagalakan kahit na sa mga pinakamahirap na mga bagay na nangyayari sa kanilang mga buhay.
- Minsan, ang mga lugar ay nailalarawan na nakagagalak, tulad ng mga bahay at mga lungsod. Ibig sabihin nito na ang tao na nakatira doon ay nagagalak.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "kagalakan" ay maaari ring isalin bilang "kasiyahan" o "galak" o "labis na kasiyahan."
- Ang salitang "magalak" ay maaaring isalin bilang "magsaya" o "sobrang matuwa" o sa salitang na nangangahulugang "magsaya ng sobra sa kabutihan ng Diyos."
- Ang tao na nagagalak ay maaaring ilarawan bilang "sobrang saya" o "sobrang galak" o "labis na galak."
- Ang salitang tulad ng "sumigaw na nagagalak" ay maaaring isalin na "sumigaw na nagpapakita na ikaw ay sobrang masaya."
- Ang "nakagagalak na lungsod" o "nakagagalak na bahay" ay maaaring isalin na "ang lungsod kung saan nakatira ang masasayang mga tao" o "ang bahay na puno ng masasayang tao" o "ang lungsod kung saan ang mga tao ay masasaya."
kaharian ng Diyos, kaharian ng langit
Ang "kaharian ng Diyos" at " kaharian ng langit" ay parehong tumutukoy sa paghahari ng Diyos at kapangyarihan sa lahat ng kaniyang mga tao at sa lahat ng kaniyang nilikha.
- Madalas na ginagamit ng mga Judio ang salitang "langit" upang tukuyin ang Diyos, upang maiwasan na sabihin ng direkta ang kaniyang pangalan.
- Sa aklat ng Bagong Tipan na isinulat ni Mateo, tinukoy niya ang kaharian ng Diyos bilang "ang kaharian ng langit," marahil dahil nagsusulat siya para sa tagapakinig na mga Judio .
- Ang kaharian ng Diyos ay tumutukoy sa pamumuno ng Diyos sa mga tao sa espiritwal gaya din ng pamumuno sa buong pisikal na mundo.
- Sinasabi ng mga propeta sa Lumang Tipan na magpapadala ang Diyos ng Mesias upang maghari ng may katuwiran. Si Jesus na Anak ng Diyos, ay ang Mesias na siyang maghahari sa kaharian ng Diyos magpakailanman.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang "kaharian ng Diyos" ay maaring isalin na "pamumuno ng Diyos
kalapastanganan, paglapastangan
Sa Bibliya, ang salitang "kalapastanganan" ay tumutukoy sa pagsasalita sa paraan na nagpapakita ng labis na walang paggalang sa Diyos o mga tao. Ang "paglapasatangan" sa isang tao ay pagsasalita laban sa taong iyon upang ang iba ay mag-isip ng mali o masama patungkol sa kaniya.
- Karaniwan, ang paglapastangan sa Diyos ay nangangahulugan ng paninirang puri o paglait sa kaniya sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay na hindi totoo patungkol sa kaniya o sa pamamagitan ng pagkilos sa imoral na paraan na hindi pagbigay karangalan sa kaniya.
- Isang kalapastanganan sa isang tao ang pag-angkin na siya ay diyos o pag-angkin na may diyos maliban sa nag-iisa at totoong Diyos.
- Ang ibang bersiyon sa Englis isinalin ng salitang ito na "paninirang puri" kung tumutukoy sa panglalapastang sa mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang "paglapastangan" ay maaaring isalin na, "pagsabi ng masama laban kay" o "sa paglagay sa Diyos sa kahihiyan" o "sa paninirang puri."
- Mga paraan sa pagsalin ng "kalapastanganan" ay maaaring kasama ang, "pagsasalita ng mali patungkol sa iba" o "paninirang puri" o "pagpapakalat ng maling mga alingawngaw."
kalapati, batu-bato
Ang mga kalapati at ang mga batu-bato ay dalawang uri ng magkawangis na maliliit na ibon na mayroong kulay na abong-kayumanggi. Ang kalapati ay madalas inaakalang mas mapusyaw ang kulay na halos puti.
- Ang ibang mga wika ay may dalawang magkaibang pangalan para sa kanila, habang ang mga iba ay gumagamit ng parehong pangalan.
- Ang mga kalapati at ang mga batu-bato ay ginagamit na handog sa Diyos lalo na sa mga tao na hindi kayang bumili ng mas malaking hayop.
- Isang kalapati ang nagdala kay Noe ng dahon ng isang puno ng olibo nang humupa ang tubig-baha.
- Minsan, ang kalapati ay sumisimbolo ng pagiging dalisay, kawalan ng kasalanan, o kapayapaan.
- Kung ang mga kalapati at mga batu-bato ay hindi kilala sa wika sa lugar kung saan isinasagawa ang pagsasalin, ang salitang ito ay maaaring maisalin na "isang maliit na ibon na mayroong mala-abong kayumangging kulay, ito ay tinatawag na kalapati" o "isang maliit na kulay abo o kayumangging ibon, na tulad ng (pangalan ng kilalang ibon sa inyong lugar)."
- Kung ang kalapati at batu-bato ay tinutukoy sa parehas na bersikulo, mas mabuting gamitin ito sa dalawang mag-kaibang mga salita para sa mga ibon na ito kung maaari.
kaloob
Ang salitang "kaloob" ay tumutukoy sa anumang bagay na ibinigay o inihandog sa isang tao. Ang kaloob ay ibinigay na hindi naghahangad ng anumang bagay na kapalit.
- Salapi, pagkain, damit, o ibang mga bagay na naibigay sa mga mahihirap na tao ay tinawag na "mga kaloob".
- Sa Bibliya, ang isang handog o sakripisyo na ibinigay sa Diyos ay tinatawag ding isang kaloob.
- Ang kaloob ng kaligtasan ay isang bagay na ibinigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus.
- Sa Bagong Tipan, ang salitang "mga kaloob" ay ginamit din upang tumukoy sa natatanging espirituwal na kakayahang ibinigay ng Diyos sa lahat ng mga Kristiyano para paglingkuran ang ibang mga tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang karaniwang salita para sa "kaloob" ay maaaring isalin na may salita o mga salita na nangangahulugang "isang bagay na ibinigay."
- Sa konteksto ng isang tao na mayroong kaloob o natatanging kakayahan na nanggaling mula sa Diyos, ang salitang "kaloob mula sa Espiritu" ay maaaring isalin bilang, "espituwal na kakayahan" o "natatanging kakayahan mula sa Banal na Espiritu" o "natatanging espirituwal na kakayahan na ibinigay ng Diyos."
kalooban ng Diyos
Ang "kalooban ng Diyos" ay tumutukoy sa mga naisin at mga plano ng Diyos.
- Ang kalooban ng Diyos ay higit na iniuugnay sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga tao at kung paano niya ninanais na ang mga tao ay tumugon sa kaniya.
- Ito rin ay tumutukoy sa kaniyang mga plano o naisin para sa lahat ng kaniyang mga nilikha.
- Ang salitang "loobin" ay nangangahulugang "ipasya" o "naisin."
Mga Mungkahi sa Pagsalin
- Ang kalooban ng Diyos ay maaari ring isalin na "anuman ang naisin ng Diyos" o "anuman ang binalak ng Diyos" o "ang layunin ng Diyos" o "anuman ang nakakalugod sa Diyos."
kamatayan, mamatay, patay
Ang mga salitang ito ay ginagamit upang tukuyin ang pisikal at espiritwal na kamatayan. Sa pisikal, tumutukoy ito kapag ang pisikal na katawan ng isang tao ay humintong mabuhay. Sa espiritwal, ito ay tumutukoy sa mga makasalanan na naihiwalay mula sa banal na Diyos dahil sa kanilang kasalanan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Sa pagsasalin ng salitang ito, pinakamainam na gamitin ang pang araw-araw, likas na salita o parirala na tumutukoy sa kamatayan sa wika na isasalin.
- Sa ilang mga wika, ang "mamatay" ay maaaring ipahayag na "hindi mabuhay." Ang salita na "patay" ay maaaring isalin na "hindi buhay" o "walang buhay" o "hindi nabubuhay."
- Maraming mga wika ang gumamit ng matalinghagang mga pagpapahayag upang ilarawan ang kamatayan, gaya ng "pumanaw" o "pass away" sa Ingles. Gayunman, sa Bibliya pinakamainam gamitin ang pinaka-direktang katawagan para sa kamatayan na ginagamit sa pang araw-araw na pananalita.
- Sa Bibliya, ang pisikal na buhay at kamatayan ay madalas na ihambing sa espiritwal na buhay at kamatayan. Mahalaga na gumamit sa pagsasalin ng parehong salita o parirala para sa pisikal na kamatayan at espiritwal na kamatayan.
- Sa ilang mga wika, maaaring mas malinaw itong sabihin, "espiritwal na kamatayan" kapag sa konteksto ay kinakailangan ang kahulugan na iyan. Ang ilang mga tagasalin ay mas gustong sabihin na "pisikal na kamatayan" sa konteksto na kung saan ito ay inihahambing sa espiritwal na kamatayan.
- Ang mga salita na, "ang patay" ay isang pangalan na pang-uri na tumutukoy sa mga tao na namatay. Ilang mga wika ay isasalin ito bilang, "patay na mga tao" o "mga tao na namatay."
kamay, kanang kamay, ipasa-kamay
May ilang pamamaraan na ang salitang"kamay" ay ginamit sa Bibliya ng patalinghaga:
- Ang salitang "kamay" ay madalas na pantukoy sa kapangyarihaan ng Diyos at kilos ng Diyos, "gaya ng kapag sinabi ng Diyos, hindi ba ginawa ng aking kamay ang lahat ng bagay?" (Tingnan sa:
- Ang kasabihan gaya ng "ipasa kamay" o " ibigay sa kamay sa mga" ay tumutukoy sa pagiging dahilan na ang isang tao ay mapasailalim ng pamamahala o kapangyarihan ng iba.
- Ang "mag-abot" ng isang bagay sa isang tao ay nangangahulugan na "ibigay" ito sa kanila.
- Ang mga salitang "pagpatong ng mga kamay"ay tumutukoy sa pagpapatong ng kamay sa isang tao upang iaalay ang taong iyon sa paglilingkod sa Diyos o ipanalangin para sa pagpapagaling.
- Kasama sa ilang matalinhagang paggamit ng " Kamay" ang:
- "Huwag mong pagbuhatan ng kamay" nangangahulugang "huwagmong saktan"
- Ang "iligtas sa kamay ni" ay nangangahulugan na pigilan ang isang tao sa pananakit ng iba.
- Ang maging "malapit sa kamay" ay nangangahulugang "malapit na."
- Ang posisyon ng pagiging "nasa kanang kamay" ay nangangahulugan" nasa bandang lugar" o "sa kanan."
- Ang mga salitang "sa pamamagitan ng kamay" ng isang tao ay nangangahulugang "sa pamamagitan" o "sa pamamagitan ng" "kilos ng tao." Halimbawa, "sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon" ay nangangahulugan na ang Panginoon ang dahilan na mangyayari ang isang bagay.
- Kapag sinasabi ni Pablo "isinulat ng aking kamay," ito ay nangangahulugan na ang bahagi ng liham na ito ay pisikal na isinulat niya, kaysa sa (idikta sa) idinikta niya ito upang isulat.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang mga idyomang ito at ang ibang pagsasalarawan ng pananalita ay maaaring isalin gamit ang ibang matalinghagang mga kasabihan na may magkaparehong kahulugan o maaring direktang isalin ang kahulugan sa literal na wika.
kamelyo
Ang kamelyo ay isang napakalaking hayop na apat ang paa na mayroong isa o dalawang umbok sa likuran nito.
- Sa panahon ng Bibliya, ang kamelyo ang pinakamalaking hayop na matatagpuan sa Israel at sa kalapit na mga rehiyon.
- Ang kamelyo ay karaniwang ginamit sa pagdadala ng tao at mga pasanin.
- Ginagamit din ng ibang mga pangkat ng tao ang kamelyo para kainin, ngunit hindi ng mga Israelita dahil sinabi ng Diyos na ang kamelyo ay marumi at hindi dapat kainin.
- Ang mga kamelyo ay mahalaga dahil nakakagalaw sila ng mabilis sa buhanginan at nabubuhay ng walang pagkain at tubig ng ilang mga linggo.
kanang kamay
Ang matalinghagang pahayag na "kanang kamay" ay tumutukoy sa lugar ng karangalan sa kanang panig ng isang namumuno o ibang mahalagang tao.
- Ang kanang kamay ay ginagamit din bilang simbolo ng kapangyarihan, nagbibigay pahintulot, o kalakasan.
- Nilalarawan ng Bibliya si Jesus bilang nakaupo "sa kanang kamay ng" Diyos Ama bilang ulo ng katawan ng mga mananampalataya (ang Iglesya) at namamahala bilang namumuno ng lahat ng mga nilikha.
- Ang kanang kamay ng isang tao ay ginamit upang magpakita ng natatanging parangal kapag nilagay sa ulo ng isang taong binigyan ng pagpapala (tulad noong pinagpala ni Israel ang anak ni Jose na si Ephraim).
- Ang "maglingkod sa kanang kamay" ng isang tao ay nangangahulugan na ang taong naglilingkod ay higit na nakatutulong at mahalaga sa taong iyon.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Kung ang kawikaan na "kanang kamay" ay walang kaparehong kahulugan sa wika na pagsasalinan, maghanap ng ibang kawikaan na may kaparehong kahulugan sa wikang pagsasalinan.
kapangyarihan
Ang salitang "kapangyarihan" ay tumutukoy sa lakas ng panghihikayat at pamamahala ng isang tao sa isa pang tao.
- Ang mga hari at iba pang namamahalang mga pinuno ay may kapangyarihan sa mga tao na kanilang pinamumunuan.
- Ang salitang "may kapangyarihan" ay tumutukoy sa mga tao, pamahalaan, o samahan na mayroong kapangyarihan sa iba.
Mga Mungkahi sa Pagsalin
- Maaaring isalin ang kapangyarihan sa "pamamahala" o "karapatan" o "mga katangian."
- Minsan ang salitang "kapangyarihan" ay ginamit kasama ang salitang "lakas" o "kakayanan."
- Kapag ang "may kapangyarihan" ay ginamit upang tumutukoy sa mga tao o samahan na nangunguna sa mga tao, maaaring isalin din ito na "mga pinuno" o "mga namamahala" o "mga makapangyarihan."
- Maaaring isalin ang salitang "sa kaniyang sariling kapangyarihan" na "kaniyang sariling karapatang mamuno" o "ayon sa kaniyang sariling mga katangian."
kapangyarihan, mga kapangyarihan
Ang salitang "kapangyarihan" ay tumutukoy sa kakayahang gumawa ng mga bagay o gumawa upang mangyari ang isang pangyayari, kadalasang gumagamit ng matinding lakas. Ang "mga kapangyarihan" ay tumutukoy sa mga tao o mga espiritu na may matinding kakayahan na gawin ang mga bagay na mangyayari.
- Ang "kapangyarihan ng Diyos" ay tumutukoy sa kakayahan ng Diyos na gawin ang lahat, lalo na ang mga bagay na hindi posible sa mga tao na gawin.
- Ang Diyos ay may ganap na kapangyarihan higit pa sa lahat ng kaniyang nilikha.
- Ibinibigay ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan sa mga tao na gawin ang nais niyang gawin, nang sa gayon sa tuwing sila ay nagpapagaling ng mga tao o gumagawa ng himala, ito'y ginagawa nila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
- Dahil si Jesus at ang Banal na Espiritu ay Diyos din, sila ay mayroong parehas na kapangyarihan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ang salitang "kapangyarihan" ay maari din na isalin bilang "kakayahan" o "kalakasan" o "kasiglahan" o "kakayahang gumawa ng mga himala" o "kontrol."
- Maaaring kabilang sa kaparaanan ng pagsalin ng salitang "kapangyarihan" ay "makapangyarihang tao" o "espiritung nagkokontrol" o "silang kumokontrol sa iba."
- Ang pagpapahayag katulad ng "iligtas kami mula sa kapangyarihan ng kaaway" ay maaaring isalin na, "iligtas kami mula sa kapangyarihan ng aming kaaway" o "sagipin kami mula sa pagkontrol ng mga kaaway." Sa pangyayari ito, ang "kapangyarihan" ay may kahulugan ng paggamit ng sariling lakas upang kontrolin at mang-api ng iba.
kapatid na babae
Ang kapatíd na babae ay isang babae na bahagi ng isang pamilya mula sa iisang magulang.
- Sa Bagong Tipan, "kapatid na babae" ay ginamit din nang patalinghaga na tumutukoy sa isang babae na siyang kapwa mananampalataya kay Jesu-Cristo.
- Minsan ang katagang, "mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae" ay ginamit upang tumukoy sa lahat ng mga mananampalataya kay Cristo, kapwa babae at lalaki.
- Sa aklat ng Lumang Tipan, Ang Awit ni Solomon, ang "kapatid na babae" ay tumutukoy sa isang mangingibig o isang asawa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Pinakamabuting isalin ang salitang ito sa literal na salita na ginamit sa takdang wika upang tumukoy sa isang likas o tunay na kapatid na babae, maliban kung ito ay bigyan ng maling kahulugan.
- Sa ibang paraan ng pagsasalin nito ay isinama ang, "kapatid na babae kay Cristo" o "espiritwal na kapatid na babae" o "babae na siyang nanampalataya kay Jesus" o "kapwa babaeng mananampalataya."
- Kung maaari, ito ang pinakamabuting gamiting salita ukol sa pamilya.
- Kung ang wika ay may anyong pambabae para sa "mananampalataya" ito ay maaaring paraan upang isalin ang salitang ito.
- Kung tumukoy ito sa isang mangingibig o asawang babae, ito ay maaring isalin sa gamit na anyong pambabae sa "isang minamahal" o "ginigiliw."
kapatid na lalaki
Ang salitang "kapatid na lalaki" ay tumutukoy sa isang taong lalaki na may kaugnayan sa isang tao sa dahilang iisa ang kanilang mga magulang.
- Sa Lumang Tipan, ang salitang "mga kapatid" ay ginagamit din bilang pangkalahatang pagtukoy sa mga kamag-anak, katulad ng mga pangkat ng magkaparehong tribu, angkan, o pangkat ng mga tao.
- Sa Bagong Tipan, madalas ginagamit ng mga apostol ang "mga kapatid" upang tukuyin ang mga kapwa Kristiyano, kabilang ang mga lalaki at babae, yaman din namang ang lahat ng mananampalataya kay Cristo ay mga kasapi ng isang espirituwal na pamilya, ang Diyos bilang kanilang Amang nasa langit.
- Sa ilang mga beses sa Bagong Tipan, ang mga apostol ay ginamit ang salitang "kapatid na babae" kapag tinutukoy ng may katiyakan ang isang kapwa Kristiyano na isang babae, o bigyang-diin na ang mga lalaki at babae ay kasama. Halimbawa, binigyang-diin ni Santiago na siya ay nakikipag-usap tungkol sa lahat ng mga mananampalataya nang tukuyin niya ang "isang kapatid na lalaki o babae na nangangailangan ng pagkain at mga kasuotan."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Mas mabuting isalin ang salitang ito sa isang literal na salita na ginagamit sa wikang isasalin upang tumukoy sa isang likas o natural na kapatid, maliban kung ito ay magbibigyan ng maling kahulugan.
- Sa Lumang Tipan lalo na, kapag ang "mga kapatid" ay ginamit sa isang pangkalahatan upang tukuyin ang mga kasapi ng iisang pamilya, angkan, o pangkat ng mga tao, ito ay maaaring isalin na: ang mga "kamag-anak" o "mga kasapi ng angkan" o "mga kapwa Israelita."
- Sa salita na tumutukoy sa isang kapwa mananampalataya kay Cristo, ang salitang ito ay maaaring isalin bilang, "kapatid kay Cristo" o "espirituwal na kapatid."
- Kung parehong mga lalaki at babae ang mga tinutukoy sa "kapatid" at maaarin itong magbigay ng maling kahulugan, maraming gumamit ng pangkalahatang salita ng pagkakamag-anak na maaring gamitin at idagdag o ibilang ang parehong mga lalaki at babae.
- Sa mga ibang paraan sa pagsasalin ng salitang ito, upang tumukoy ito sa parehong lalaki at babaeng mga mananampalataya ay maaaring maging isalin na "kapwa mga mananampalataya" o "mga kapatid na lalaki at babaeng Kristiyano."
- Tiyaking tama ang salita upang malaman kung lalaki lamang ang siyang tinutukoy, o kung parehong mga lalaki at babae angtinutukoy.
kapayapaan, mapayapa
Ang kapayapaan ay ang kawalan ng anumang pagtutunggali, pangamba, o pananakot.
- Ang kapayapaan ay maaaring tumutukoy sa kalayaan mula sa digmaan sa pagitan ng mga grupo ng tao.
- Ang makipag-payapaan sa isang grupo ng mga tao ay paghinto sa pakikipag-away laban sa kanila.
- Ang kapayapaan ay maaari ring tumukoy sa mabuting pakikipagugnayan sa pagitan ng mga tao o sa pagitan ng mga tao at ng Diyos.
- Ang pansariling kapayapaan ay tumutukoy sa isang mahinahon na kalagayan ng kaisipan na walang pag-aalala o takot.
karapat-dapat, hindi karat-dapat, halaga, walang halaga
Ang salitang "karapat-dapat" ay naglalararawan sa isang tao o isang bagay na marapat na galangin o parangalan. Ang "may halaga" ay nangangahulugan na maging makabuluhan o mahalaga. Ang salitang "walang halaga" ay nangangahulugan na walang kahit anong halaga.
- Ang pagiging karapat-dapat ay may kaugnayan sa pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng kahalagahan.
- Ang maging "hindi karapat-dapat" ay nangangahulugan na hindi nararapat ng anumang natatanging pagpansin.
- Ang hindi maramdaman na mahalaga ay nangangahulugang maramdaman na hindi masyadong mahalaga kaysa sa ibang tao o ang hindi maramdaman na karapat-dapat na ituring nang may karangalan at kabaitan.
- Ang salitang "hindi karapat-dapat" at ang salitang "hindi mahalaga" ay magkaugnay, ngunit magkaiba ang mga kahulugan. Ang maging "hindi karapat dapat" ay may ibig sabihin na hindi maging karapat-dapat sa alinmang karangalan o pagkakilala. Ang maging "walang halaga" ay may ibig sabihin na hindi pagkakaroon ng anumang layunin o kabuluhan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang "karapat-dapat" ay maaring isalin na "nararapat" o "mahalaga" o "makabuluhan."
- Ang salitang "halaga" ay maaring isalin na "kabuluhan" o "kahalagahan."
- Ang mga salitang "magkaroon ng halaga" ay maaari rin isalin na "para maging makabuluhan" o "para maging mahalaga."
- Ang mga salitang "ay mas mahalaga kaysa" ay maaaring isalin na "ay mas makabuluhan kaysa."
- Depende sa konteksto ang "hindi nararapat" ay maaari rin isalin na "hindi mahalaga" o "kawalang karangalan" o "hindi nararapat."
- Ang salitang "hindi mahalaga" ay maaring isalin na "walang kabuluhan" o "walang layunin" o "walang halaga."
kasalanan, makasalanan, taong makasalanan, nagkakasala
Ang salitang "kasalanan" ay tumutukoy sa mga gawa, pag-iisip, at mga salita na laban sa kalooban at mga kautusan ng Diyos. Ang kasalanan ay maaari ring tumukoy sa hindi paggawa ng isang bagay na gusto ng Diyos na ating gawin.
- Kabilang sa kasalanan ang kahit na anong bagay na ating ginagawa na hindi sumusunod o nakakalugod sa Diyos, kahit ang mga bagay na hindi alam ng ibang mga tao.
- Ang pag-iisip at mga gawa na lumalabag sa kalooban ng Diyos ay tinatawag na "kasalanan."
- Dahil nagkasala si Adan, lahat ng taong nilalang ay ipinanganak ng likas na makasalanan na pumipigil sa kanila.
- Ang isang "taong makasalanan" ay isang tao na nagkakasala, kaya bawat taong nilalang ay isang makasalanan.
- Minsan ang salitang "taong makasalanan" ay ginamit ng relihiyosong mga tao katulad ng mga Pariseo upang tumukoy sa mga tao na hindi pinanatili ang kautusan gaya ng akala ng mga Pariseo na dapat nilang gawin.
- Ang salitang "taong makasalanan" ay ginagamit din para sa mga tao na itinuturing na higit na taong makasalanan kaysa sa ibang mga tao. Halimbawa, itong pahiwatig ay ibinigay sa tagasingil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
-
Ang salitang "kasalanan" ay maaring isalin sa isang salita o kataga na nangangahulugang "pagsuway sa Diyos" o "tungo laban sa kalooban ng Diyos" o "masamang kaugalian at kaisipan" o "maling gawain"
-
"Ang magkasala" ay maaari ring isalin na "ang suwayin ang Diyos" o "paggawa ng mali."
- Depende sa konteksto, ang salitang "taong makasalanan" ay maaaring isalin na, "tao na siyang nagkakasala" o "tao na gumagawa ng maling mga gawain" o "tao na hindi sumusunod sa Diyos" o "taong hindi sumusunod sa kautusan."
- Ang salitang "mga taong makasalanan" ay maaaring isalin sa isang salita
o kataga na nangangahulugan, "labis na makasalanang mga tao" o "mga taong itinuturing na labis na makasalanan" o "mga taong imoral."
* Mga paraan upang isalin ang "tagasingil ng buwis at mga makasalanan" ay maaring isama ang, "mga tao na naniningil ng pera para sa pamahalaan, at ibang mga labis na makasalanang mga tao" o "labis na makasalanang mga tao"
kasalanan, pagkakasala, mabigat na pagkakasala
Ang salitang "pagkakasala" ay isang salitang kasing katulad ng salitang "kasalanan," ngunit maaaring mas partikular itong tumutukoy sa sinasadyang pagkilos ng masama o matinding kasamaan.
- Ang salitang "pagkakasala" ay literal na nangangahulugan ng pinilipit o pagsalakay (ng batas). Tinutukoy nito ang napakalaking paglabag ng katarungan.
- Ang pagkakasala ay maaaring ilarawan bilang sinadya at nakakapinsalang kilos laban sa ibang tao.
- Maaaring isalin sa iba pang mga kahulugan ng pagkakasala ang "katigasan ng ulo" at "kahayupan," na parehong salita na naglalarawan ng kalagayan ng matinding kasalanan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "pagkakasala" ay maaaring isalin bilang "kasamaan" o "kahayupang kilos" o "nakakapinsalang kilos."
- Kadalasan, nakikita ang "pagkakasala" sa parehong teksto kasama ng salitang "kasalanan" at "pagsuway" kaya mahalagang magkaroon ng iba't-ibang paraan ng pagsalin sa mga salitang ito.
kasama
Ang salitang "kasama" ay tumutukoy sa isang taong sumama sa isa pa o sinamahan ng isa pa, gaya ng pagkakaibigan o pag-aasawa.
- Ang mga kasama ay magkasamang dumaraan sa mga karanasan, nagbibigayan ng pagkain sa isa't-isa, nagtataguyod at nagpapalakas sa isa't isa.
- Batay sa konteksto, ang salitang ito ay maaaring isalin ng may salita o pariralang nangangahulugang, "kaibigan" o "kapwa manlalakbay" o "taong tagapagtaguyod na sumasama sa."
kasamaan, masama
Ang mga salitang "evil" at "wickedness" sa ingles ay may parehong kahulugan na "kasamaan" sa wikang tagalog.
- Habang ang "kasamaan" ay maaaring ilarawan ang katangian ng isang tao, ang "masama" ay maaaring mas tumukoy sa pag-uugali ng isang tao. Gayunman, ang mga salitang ito ay magkapareho ng kahulugan.
- Ang salitang "kasamaan" ay tumutukoy sa kalagayan ng pamumuhay na umiiral kapag ang mga tao ay gumagawa ng masasamang bagay.
- Ang mga resulta ng kasamaan ay maliwanag na ipinapakita sa kung paano abusuhin ng mga tao ang iba sa pamamagitan ng pagpatay, pagnanakaw, kasiraan ng puri, o kalupitan at kawalan ng habag.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaaring isalin ang mga salitang "kasamaan" at "masama" na "sama" o "makasalanan" o "imoral" depende sa konteksto.
- Maaari ring isalin na "hindi mabuti" o "hindi matuwid" o "hindi moral."
- Siguraduhin na ang salita o mga salita na ginamit upang isalin ang mga salitang ito ay akma sa kontekstong natural sa wika na isasalin.
kasapi, meyembro
Ang salitang "kasapi" ay tumutukoy sa bahagi ng isang katawan o pangkat.
- Inilalarawan ng Bagong Tipan ang mga Kristiyano bilang mga "kasapi" ng Katawan ni Cristo. Ang mga mananampalataya ni Cristo ay kabilang sa pangkat na binubuo ng maraming kasapi.
- Si Jesus ay ang "ulo" ng Katawan at ang bawat mananampalataya ay ang mga kaanib ng katawan. Binibigyan ng Banal na Espiritu ang bawat kaanib ng katawan ng natatanging gawain upang tulungan ang buong katawan na gumana nang mabuti.
- Ang mga tao na nakikibahagi sa mga pangkat na tulad ng Konsehong Judio at mga Pariseo ay tinatawag na "kaanib" ng mga pangkat na ito.
kasuklam-suklam
Ang salitang "kasuklam-suklam" ay ginagamit na tumutukoy sa isang bagay na dahilan ng pagkakasuka o matinding hindi pagkakagusto.
- Itinuring ng mga taga-Egipto ang mga taong Hebreo na "kasuklam-suklam." Ito ay nangangahulugan na ayaw ng mga taga-Egipto na makasama ang mga Hebreo o mapalapit sila sa kanila.
- Ang ilan sa mga bagay na tinatawag ng Bibliya "na kasuklam-suklam kay Yahweh" kabilang ang: pagsisinungaling, pagmamataas, paghahandog ng mga tao, pagsasamba ng mga diyus-diyosan, pagpatay, at sekswal na mga kasalanan tulad ng pangangalunya at pakikisiping sa kapwa babae o lalaki.
- Sa pagtuturo sa kaniyang mga alagad patungkol sa katapusan ng mga panahon, tinutukoy ni Jesus ang isang propesiya ni propeta Daniel patungkol sa isang "kasuklam-suklam na lagim" na itatakda bilang paghihimagsik laban sa Diyos, pagdungis ng kaniyang lugar sambahan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "kasuklam-suklam" ay maaaring isalin na: "bagay na kinapupootan ng Diyos" o "isang kasuklam-sakulam na gawain" o "nakamumuhing gawain" o "napakasamang gawain."
- Depende sa konteksto, mga paraan sa pagsalin sa parirala na "ay isang kasuklam-suklam sa" maaaring kabilang ang: "labis na ikinagagalit ng" o "kasuka-suka sa" o "lubusang hindi katanggap-tanggap sa" o "dahilan ng malalim na pagkamuhi."
- Ang pariralang "kasuklam-suklam na lagim" maaaring isalin na, pagdungis sa bagay na dahilan sa mga tao na lubusang mapinsala" o "nakamumuhing bagay na dahilan ng lubusang kalungkutan."
kasuklam-suklam, kasuklaman
Ang katawagan na "kasuklam-suklam" ay naglalarawan ng isang bagay na dapat ayawan at tanggihan. Ang "kasuklaman" ang isang bagay ay nangangahulugan na ayawan ito ng matindi.
- Madalas nangungusap ang Biblia tungkol sa pagkasuklam sa masama. Nangangahulugan ito na kamuhian ang masama at tanggihan ito.
- Ginamit ng Diyos ang salitang "kasuklam-suklam" upang ilarawan ang masasamang mga kaugalian ng mga sumasamba sa diyus-diyosan.
- Inutusan ang mga Israelita na "kasuklaman" ang makasalanan, imoral na gawain na ginagawa ng ilang mga karatig na pangkat ng mga tao.
- Tinawag ng Diyos ang lahat ng mga maling sekswal na gawain na "kasuklam-suklam."
- "Kasuklam-suklam" sa Diyos ang panghuhula, pangkukulam at pag-aalay ng bata.
- Maaaring isalin ang salita na "kasuklaman" na "labis na pagtanggi" o "pagkamuhi" o "ituring na pinakamasama."
- Maaari ring isalin ang salita na "kasuklam-suklam" na "kakila-kilabot na kasamaan" o "kasumpa-sumpa" o "karapat-dapat na tanggihan."
- Kapag tinutukoy ito sa isang matuwid na tao "kinasusuklaman" ng mga masamang tao, maaari itong isalin na "itinuring na labis na hindi kanais-nais sa" o "nakakawalang gana sa" o "tinanggihan sa pamamagitan ng."
- Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na "kasuklaman" ang mga uri ng hayop na ipinahayag ng Diyos na "hindi malinis" at hindi angkop para sa pagkain. Maaari rin itong isalin na "labis na pagtanggi" o "tanggihan" o "ituring na hindi katanggap-tanggap."
kasunduan
Ang isang kasunduan ay isang pormal pagkakasundo sa pagitan ng dalawang partido na dapat tuparin ng isa o dalawang partido.
- Ang pagkakasundong ito ay maaaring sa pagitan ng mga tao, sa pagitan ng pangkat ng mga tao, o sa pagitan ng Diyos at mga tao.
- Kapag gumawa ang mga tao ng isang kasunduan sa isa't isa, ipinapangako nila na gagawin nila ang isang bagay, at kailangan nila itong gawin.
- Ang mga halimbawa ng kasunduan ng mga tao ay tungkol sa pag-aasawa, pagkakasundo sa negosyo, at pakikitungo sa pagitan ng mga bansa.
- Sa buong Bibliya, gumawa ang Diyos ng ilang mga iba't ibang kasunduan sa kaniyang mga tao.
- Sa ilang mga kasunduan, nangako ang Diyos na tutuparin ang kaniyang bahagi nang walang hinihinging kapalit. Halimbawa nang pinagtibay ng Diyos ang kaniyang kasunduan sa sangkatauhan, nangangakong hindi kailanman muling sisirain ang mundo sa pamamagitan ng isang pagbaha sa buong mundo, ang pangakong ito ay walang hinihinging kapalit sa mga tao upang tuparin.
- Sa ibang mga kasunduan, ipinangako ng Diyos na tutuparin lamang niya ang kaniyang bahagi kung sumunod at tinupad ng mga tao ang kanilang bahagi sa kasunduan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, maaaring isama sa mga paraan ng pagsalin ng salitang ito ang, "kasunduang nagbubuklod" o "pormal na pangako" o "pangako" o "kontrata."
- Maaaring may iba't ibang mga salita ang ilang mga wika para sa kasunduan, nababatay ito kung ang isang partido o ang dalawang partido ay may ginawang pangakong dapat nilang tuparin. Kung pumapanig lamang sa isa ang kasunduan, maaari itong isalin na "pangako" o "panunumpa."
- Tiyaking ang pagsasalin ng salitang ito ay nangangahulugan na hindi ang mga tao ang nagmungkahi ng kasunduan. Sa lahat ng mga pangyayari sa mga kasunduan sa pagitan ng Diyos at tao, ang Diyos lamang ang nagpasimula ng kasunduan.
katawan
Ang salitang "katawan" ay literal na tumutukoy sa pisikal na katawan ng tao o hayop. Ang salitang ito ay ginamit din na matalinghaga upang tumukoy sa isang bagay o buong pangkat na mayroong pansariling mga kasapi.
- Madalas, ang salitang "katawan" ay tumutukoy sa patay na tao o hayop. Minsan ito ay tumutukoy katulad ng isang "patay na katawan" o isang "bangkay."
- Nang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad sa kaniyang huling hapunan, "Itong (tinapay) ay aking katawan," tinutukoy niya ang kaniyang pisikal na katawan na ibig niyang "pagpirasauhin" (mamatay) upang mabayaran ang kanilang mga kasalanan.
- Sa Bibliya, ang mga Kristiyano bilang isang pangkat ay tinukoy bilang ang "katawan ni Cristo."
- Katulad ng isang pisikal na katawan na may maraming bahagi, ang "katawan ni Cristo" ay may maraming pansariling mga kasapi.
- Bawat isang mananampalataya ay may natatanging tungkulin sa katawan ni Cristo upang tumulong sa buong pangkat na magtrabaho ng magkakasama upang maglingkod sa Diyos at magdala sa kaniya ng kaluwalhatian.
- Si Jesus ay tinukoy din bilang "ulo" (pinuno) ng "katawan" ng kaniyang mga mananampalataya. Katulad lamang ng ulo ng isang tao na nagsasabi kung ano ang gagawin ng kaniyang katawan, kaya si Jesus ang isang gumagabay at namamahala sa mga Kristiyano bilang mga kasapi ng kaniyang "katawan".
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang pinakamahusay na paraan para isalin ang salitang ito kasama ang salita na pinaka karaniwang ginamit upang tumukoy sa isang pisikal na katawan sa isasalin na wika. Siguraduhin na ang salitang ginamit ay hindi nakakasakit na salita.
- Kapag tumutukoy sa mga mananampalataya, para sa ilang mga wika, ito ay maaaring mas lalo pang magiging natural at tama na sabihing, "espirituwal na katawan ni Cristo."
- Kapag sinabi ni Jesus na, "Ito ang aking katawan" mas mahusay itong isalin ng literal, na may tanda para ipaliwanag ito kung kailangan.
- Ilan sa mga wika ay maaaring may hiwalay na salita kung tumutukoy sa patay na katawan, katulad ng "bangkay" para sa isang tao o "patay na hayop" para sa hayop. Siguraduhin na ang salitang ginamit para isalin ito ay nagbigay ng kahulugan sa wikang isinasalin at katanggap-tanggap.
katay, patayin
Ang salitang "katay" ay madalas na ginamit upang tumukoy sa pagpatay ng maraming mga hayop o tao, o para patayin sa isang marahas na paraan. Ito ay maaring tumutukoy sa isang pagpatay ng kakaunting hayop para sa paghahanda sa pagkain.
- Nang si Abraham ay tumaggap ng tatlong bisita sa kaniyang tolda sa ilang, inutusan niya ang kaniyang mga lingkod na katayin at lutuin ang isang pinatabang baka para sa kaniyang mga panauhin.
- Ang propetang si Ezekiel ay nagpropesiya na ang Diyos ay nagsugo ng kaniyang anghel para patayin ang lahat ng hindi susunod sa Kaniyang salita.
- Nakatala sa 1 Samuel ang isang napakalaking patayan kung saan 30,000 na mga Israelita ay pinatay ng kanilang mga kalaban dahil sa pagsuway sa Diyos.
- Ang salitang ito ay maaring isalin na "pumatay" o "kumitil."
katulad, wangis
Ang mga tao o mga bagay na "magkatulad" ay mayroong mga magkaparehong bagay sa isa't isa.
- Ang "maging katulad" ng anuman ay nangangahulugang maging kapareho nito, mayroong mga katangian na magkapareho.
- Nilikha ang mga tao sa "wangis" ng Diyos, iyon ay sa kaniyang "imahe" at may mga kalidad o mga katangian na "magkatulad" o "pareho sa" Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "katulad ng kaniyang kamatayan" ay maaaring isalin na "pakikibahagi sa karanasan ng kaniyang kamatayan" o "na parang nararanasan ang kaniyang kamatayan kasama siya."
- Ang salitang "katulad ng makasalanang laman" ay maaaring isalin na "maging tulad ng makasalanang tao" o "maging tao." Siguraduhin na ang pagsasalin sa salitang ito ay hindi maging parang si Jesus ay makasalanan.
- Ang pagpapahayag na "ang wangis ng isang larawan ng taong namamatay, ng mga ibon, ng mga mabangis na hayop na may apat na paa at ng mga bagay na gumagapang" ay maaaring isalin bilang "mga diyus-diyosang ginawa upang maging kawangis ng namamatay na mga tao, o mga hayop, gaya ng mga ibon, mga mabangis na hayop, at mga bagay na gumagapang."
kaugalian
Ang kaugalian ay tumutukoy sa gawi at kasanayan na iningatan sa pagdaan ng panahon at ipinasa sa mga tao sa mga sumunod na salinlahi.
- Marami sa mga kaugalian na ginawa ng mga Judio ay hindi iniutos ng mga batas ng Lumang Tipan, ngunit idinagdag ng mga relihiyosong pinuno sa pagdaan ng panahon.
- Ang ibang mga talata ay mayroong "kaugalian ng mga tao" o "pantaong kaugalian" na naglilinaw na ito ay tumutukoy lamang sa mga kaugalian ng mga Judio na idinagdag at hindi mga kautusan ng Diyos.
- Minsan ang "kaugalian" ay ginagamit sa mas pangkalahatang paraan na ibinilang ang mga batas na iniutos ng Diyos gayundin ang relihiyosong kaugalian na gawa ng tao.
- Ngayon, maraming kaugalian na ginagawa ang mga Kristiyanong iglesia na hindi utos ng kasulatan, ngunit naging gawi o nakasanayan na pagkalipas ng panahon.
kautusan, kautusan ni Moises, kautusan ng Diyos, kautusan ni Yahweh
Lahat ng mga salitang ito ay tumutukoy sa mga kautusan at mga tagubilin na ibinigay ng Diyos kay Moises para sundin ng mga Israelita. Ang mga salitang "kautusan" at "kautusan ng Diyos" ay kadalasan ding ginamit upang tumukoy sa lahat ng bagay na nais ng Diyos na sundin ng kaniyang mga tao.
- Batay sa konteksto, ang "kautusan" ay maaaring tumukoy sa:
- ang Sampung Utos na isinulat ng Diyos sa mga tapyas nga bato para sa mga Israelita.
- lahat ng kautusang ibinigay kay Moises
- ang unang limang aklat sa Lumang Tipan
- ang buong Lumang Tipan (tinukoy din bilang "mga kasulatan" sa Bagong Tipan)
- lahat ng mga tagubilin at kalooban ng Diyos.
- Ang mga salita na "ang kautusan at ang mga propeta" ay ginamit sa Bagong Tipan upang tumukoy sa mga kasulatan ng Hebreo (o "Lumang Tipan").
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaaring isalin ang mga salitang ito gamit ang pangmaramihan, "mga kautusan" dahil tumutukoy ang mga ito sa maraming tagubilin.
- Maaaring isalin ang "kautusan ni Moises" bilang "ang mga kautusan na sinabi ng Diyos kay Moises na ibigay niya sa mga Israelita."
- Depende sa konteksto, "ang kautusan ni Moises" ay maaari ring isalin na "ang kautusan na sinabi ng Diyos kay Moises" o "mga kautusan ng Diyos na sinulat ni Moises" o "ang mga kautusan na sinabi ng Diyos kay Moises na ibigay niya sa mga Israelita."
- Ang mga paraan upang isalin "ang kautusan" o "kautusan ng Diyos" o "mga kautusan ng Diyos" ay maaaring isama ang: "mga kautusang nagmula sa Diyos" o "mga utos ng Diyos" o "mga kautusan na ibinigay ng Diyos" o "lahat na inuutos ng Diyos" o "lahat ng mga tagubilin ng Diyos"
- Ang mga salitang, "kautusan ni Yahweh" ay maaari ring isalin na, "mga kautusan ni Yahweh" o "mga kautusan na sinabi ni Yahweh na sundin" o "mga kautusang nagmula kay Yahweh" o "mga bagay na iniutos ni Yahweh."
kawan
Sa Bibliya, ang salitang Ingles na "flock" o kawan ay tumutukoy sa mga tupa o kambing . Ang salitang Ingles na "herd" ay tumutukoy sa grupo ng mga baka, o mga baboy.
- Sa tagalog, ang "flock" at "herd" ay parehong isinasalin na "kawan" para tukuyin ang maraming bilang o grupo ng tupa, kambing, baboy at baka.
- Ngunit sa wikang Ingles, ang salitang "flock" ay tumutukoy lamang sa grupo ng mga tupa at mga kambing at hindi maaaring gamitin para sa grupo ng mga baboy o mga baka. Sa ibang mga wika, maaaring may parehong tuntunin sa kung papaano ginagamit ang mga katawagan sa grupo ng mga hayop.
- Sa wikang Ingles, ang salitang "herd" ay maaari ding gamitin para sa mga tupa o mga kambing, ngunit sa Bibliya ito ay hindi kadalasang ginagamit sa ganitong paraan.
ketong, ketongin, may ketong
Sa Bibliya, ang "ketong" ay isang salitang ginamit para sa maraming magkakaibang mga sakit sa balat. Itinuturing na marumi ang isang tao na mayroong isa sa mga sakit sa balat na ito.
- Ang "ketongin" ay ang taong mayroong ketong.
- Sa panahon ng Bibliya, ibinubukod ang mga ketongin mula sa ibang mga tao sa lugar sa labas ng kampo o bayan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "ketong" sa Bibliya ay maaaring isalin bilang "sakit sa balat" o "nakakatakot na sakit sa balat."
- Maaaring isama sa mga paraan ng pagsasalin ang "may ketong" o "puno ng ketong" o "naimpeksyon ng sakit sa balat" o "nabalot ng mga sugat sa balat."
konseho
Ang konseho ay isang pangkat ng mga tao na nagtitipun-tipon upang talakayin, magbigay payo, at gumawa ng mga pasya tungkol sa mahahalagang mga bagay.
- Ang isang konseho ay karaniwang binubuo sa isang pampamahalaan at isang permanenteng pamamaraan para sa isang tiyak na layunin, gaya ng mga pagpapasya tungkol sa legal na mga bagay.
- Ang pinakamahalagang Konseho ng Judio ay kilala rin bilang Sanhedrin. Mayroong 70 na miyembro ang Sanhedrin, kung saan kasama ang mga pinuno ng mga Judio gaya ng mga punong pari, mga nakatatanda, mga eskriba, mga Pariseo, at mga Saduceo.
- Dinala sa harapan ng konsehong Romano si apostol Pablo nang dakipin siya dahil sa pagtuturo ng ebanghelyo.
- Depanede sa konteksto, ang salitang "konseho" ay maaari ring isalin bilang "legal na pagpupulong" o "pampulitikong pagpupulong."
- Ang mapabilang "sa konseho" ay nangangahulugang mapabilang sa isang natatanging pagpupulong upang pagpasyahan ang isang bagay.
korona, koronahan
Ang korona ay isang pampalamuti, pabilog na isinusuot sa ulo ng mga pinuno gaya ng mga hari at mga reyna. Ang salita na "koronahan" ay nangangahulugang lagyan ng korona ang ulo ng isang tao; sa patalinghaga, ang kahulugan nito ay "parangalan."
- Ang mga korona ay karaniwang gawa sa ginto o pilak, at napapalamutian ng mga mamahaling hiyas gaya ng mga esmeralda at mga rubi.
- Ang korona ay ginagawa upang maging simbolo ng kapangyarihan at kayamanan ng isang hari.
- Sa kabaligtaran, ang koronang gawa sa mga matitinik na sanga na inilagay ng mga kawal na Romano sa ulo ni Jesus ay ginawa upang kutyain at saktan siya.
- Noong unang panahon, ang mga nagwawagi sa mga paligsahang pampalakasan ay binibigyan ng korona na gawa sa mga sanga ng olibo. Binanggit ni apostol Pablo ang koronang ito sa kaniyang pangalawang sulat kay Timoteo.
- Kapag patalinghagang ginamit, ang "koronahan" ay nangangahulugan ng pagpaparangal sa isang tao. Pinaparangalan natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniya at pagpupuri sa kaniya sa harapan ng iba. Ito ay katulad ng paglalagay ng korona sa kaniya at pagkilala na siya ay isang Hari.
- Tinatawag ni Pablo ang mga kasamahan sa pananampalataya na kaniyang "kaligayahan at korona." Sa pagpapahayag na ito, ang "korona" ay matalinghagang ginamit upang mangahulugang si Pablo ay labis na pinagpala at pinarangalan sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa paglilingkod sa Diyos ng mga mananampalatayang ito .
- Kapag patalinghagang ginamit, ang "korona" ay maaaring isalin na "premyo" o "karangalan" o "gantimpala."
- Ang matalinghagang gamit ng "koronahan" ay maaaring isalin na "parangalan" o "palamutian."
- Kung ang isang tao ay "kinoronahan" ito ay maaaring isalin na "isang korona ang ipinatong sa kaniyang ulo."
- Ang pahayag na, "siya ay kinoronahan ng may kaluwalhatian at karangalan" ay maaaring isalin na, "ang kaluwalhatian at karangalan ay ipinagkaloob sa kaniya" o "siya ay binigyan ng kaluwalhatian at karangalan" o "siya ay pinagkalooban ng kaluwalhatian at karangalan."
krus
Sa panahon ng Bibliya, ang isang krus ay isang tuwid na posteng kahoy na nakabaon sa lupa, na may isang pahalang na kahoy na nakakabit malapit sa tuktok nito.
- Sa panahon ng Imperyong Romano, ang pamahalaang Romano ay nagpaparusa sa mga kriminal sa pamamgitan ng pagtatali o pagpapako sa kanila sa isang krus at iniiwan sila doon upang mamatay.
- Maling pinaratangan si Jesus ng mga krimeng hindi niya ginawa at pinatay siya ng mga Romano sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.
Mga mungkahi sa pagsasalin
- Maaaring isalin ang salitang ito na ginagamit ang isang katawagan sa ibang mga wika na tumutukoy sa hugis ng isang krus.
- Isaalang-alang na ang paglalarawan sa krus bilang isang bagay kung saan pinapatay ang mga tao, ginamit ang mga salita kagaya ng "posteng bitayan" o "kahoy ng kamatayan."
- Isaalang-alang din kung paano isinalin ang salitang ito sa isang pagsasalin sa Bibliya sa isang lokal o pambansang wika.
kurtina
Sa Bibliya, ang salitang "kurtina" ay tumutukoy sa makapal at mabigat na piraso ng materyales na ginamit sa paggawa ng tabernakulo at ng templo.
- Ang tabernakulo ay ginawa gamit ang apat na patong ng mga kurtina sa itaas at sa mga gilid. Ang mga kurtinang panakip na ito ay gawa sa tela o mga balat ng hayop.
- Ang mga telang kurtina ay ginamit din sa pagbuo ng pader na pinapaligiran ang patyo ng tabernakulo. Ang mga kurtinang ito ay gawa sa "lino" na isang uri ng telang gawa mula sa hibla ng halamang lino.
- Sa tabernakulo at gusali ng templo, ang isang makapal na telang kurtina ay nakasabit sa pagitan ng banal na lugar at sa kabanal-banalan na lugar. Ito ang kurtina na himalang napunit sa dalawang bahagi nang mamatay si Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Yamang ang mga kurtina sa makabagong panahon ay ibang-iba sa mga kurtinang ginamit sa Bibliya, ito ay maaaring mas malinaw kapag gumamit ng ibang salita o magdagdag ng mga salitang naglalarawan sa mga kurtina.
- Depende sa konteksto, ang mga paraan upang isalin ang saliatng ito ay kabilang ang mga "kurtinang panakip" o panakip" o "piraso ng makapal na tela" o "balat ng hayop na panakip" o "nakabiting piraso ng tela."
kutyain, laitin, hamakin
Ang mga katawagan na "kutyain", "laitin", "hamakin" ay tumutukoy lahat para gawing katatawanan ang sinuman, lalo na sa malupit na pamamaraan.
- Ang pangungutya ay madalas na may kasamang ang panggagaya sa mga salita o mga galaw ng tao na may pagnanais na pahiyain o ipakita ang paglait sa kanila.
- Kinutya at nilait si Jesus ng mga Romanong sundalo noong nilagyan nila siya ng balabal at nagkunwari na pinararangalan siya bilang hari.
- Isang grupo ng kabataan ang lumait o nanghamak kay Eliseo nang tinawag siya sa isang pangalan, ginagawang katatawanan ang kaniyang kalbong ulo.
- Ang katawagan na "hamakin" ay maaari ding tumutukoy sa paglalait sa isang kaisipan na hindi itinuturing na kapani-paniwala o mahalaga.
lakad
Ang katagang "lakad" ay madalas ginagamit sa isang patalinghagang paraan upang ipakahulugan na "mamuhay."
- Ang "Lumakad si Enoc kasama ng Diyos" ay nangangahulugan na namuhay si Enoc nang may malapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos.
- Ang "lumakad sa Espiritu" ay nangangahulugan na mapatnubayan ng Espiritu Santo upang ginagawa natin ang mga bagay na nakalulugod at nagpaparangal sa Diyos.
- Ang "lumakad sa" mga utos ng Diyos o mga pamamaraan ng Diyos ay nangangahulugan ng "mamuhay sa pagsunod sa" kanyang mga utos, iyon ay, "sumunod sa kanyang mga utos ' o "gawin ang kanyang kalooban."
- Kapag sinabi ng Diyos na "lalakad" siya "sa kalagitnaan" ng kanyang bayan, nangangahulugan ito na naninirahan siya kasama nila o malapit na nakikipag-salamuha sa kanila.
- Ang "lumakad salungat sa" ay nangangahulugan ng mamuhay o umasal sa isang paraan na laban sa isang bagay o sa isang tao.
- Ang "lumakad kasunod" ay nangangahulugan ng hangarin o hanapin ang isang tao o isang bagay. Maaari rin ipakahulugan nito ang kumilos sa paraan na tulad ng ibang tao
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Pinakamabuti na isalin ang "lakad" nang literal, basta't ang tamang kahulugan ay mauunawaan.
- Kung hindi, ang mga matalinghagang paggamit ng "lakad" ay maaari ring isalin sa "mamuhay" o "kumilos" o "umayos."
- Ang katagang "lumakad sa Espiritu" ay maaaring isalin sa "mamuhay sa pagsunod sa Banal na Espiritu" o "umasal sa isang paraan na nakalulugod sa Espiritu Santo" o "gawin ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos habang pinapatnubayan kayo ng Espiritu Santo."
- Ang "lumakad sa mga utos ng Diyos" ay maaaring isalin na "mamuhay sa mga utos ng Diyos" o "sumunod sa mga utos ng Diyos."
- Ang katagang "lumakad kasama ang Diyos" ay maaaring isalin na, "namuhay sa malapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod at pagbibigay parangal sa kanya."
.
lakas, palakasin
Ang salitang "lakas" ay tumutukoy sa kalagayan ng pagiging malakas sa pisikal, emosyonal, o espiritwal na aspeto. Ang ibig sabihin ng "palakasin" ay gawing malakas ang isang tao o gawing mas malakas ang isang bagay.
- Ang "lakas" ay tumutukoy din sa kakayahang tumayo laban sa ilang uri ng kalabang puwersa.
- Ang isang tao ay may lakas ng loob kung kakayanin niya na hindi bibigay sa tukso.
- May isang manunulat sa Mga Awit ay tinawag si Yahweh na kaniyang kalakasan, na ang ibig sabihin ay tinutulungan siya ng Diyos upang maging malakas.
- Kung ang isang pisikal na estraktura katulad ng isang pader o gusali ay pinatibay, ang ibig sabihin ay muling itinatayo ng mga tao ang gusali, upang patibayin ito ng mas maraming mga bato o laryo upang makayanan nito ang isang pagsalakay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Sa pangkalahatan, ang salitang "palakasin" ay maaaring isalin na "gawing mas malakas."
-
Ilang mga pinaggagamitan ng salitang ito, kasama ng iminungkahing pagsasalin:
-
"maglagay ng lakas sa akin gaya ng isang sinturon" ay nangangahulugang, "gawin akong ganap na malakas, katulad ng isang sinturon na ganap na nakapaikot sa aking baywang."
- Ang "sa katahimikan at pagtitiwala ay ang iyong lakas" ay nangangahulugang, "mahinahong kumikilos at nagtitiwala sa Diyos na gagawin ka niiyang malakas sa espiritu."
- "Manunumbalik ang kanilang kalakasan" nangangahulugang, "magiging mas malakas uli"
- Ang "kumilos ako sa pamamagitan ng aking lakas at ng aking karunungan" ay nangangahulugang, "ginawa ko ang lahat dahil ako ay napakalakas at marunong."
- Ang "palakasin ang pader" ay nangangahulugang, "patibayin ang pader" o "muling itayo ang pader"
- Ang "papalakasin kita" ay nangangahulugang, "papalakasin kita"
- Ang "kay Yahweh lamang ang kaligtasan at kalakasan" ay nangangahulugang, "si Yahweh lamang ang makakapagligtas at makapagpapalakas sa atin"
- Ang "ang bato ng iyong kalakasan" ay nangangahulugang, "ang isang matapat na nagpapalakas sa iyo."
- Ang "sa pamamagitan ng kalakasang magliligtas ng kaniyang kanang kamay" ay nangangahulugang, "buong lakas ka niyang sasagipin sa inyong mga kabalisahan katulad ng isang tao na buong ingat na humahawak sa'yo ng kaniyang malakas na kamay."
- Ang "may kaunting lakas" ay nangangahulugang, "mahina" o "hindi masyadong malakas"
- Ang "sa lahat ng aking lakas" ay nangangahulugang "gamitin ang pinakamahusay kong mga pagsisikap" o "buong kalakasan at buong kaganapan."
lalaking ikakasal
Sa isang seremonya ng pag-aasawa, ang lalaking ikakasal ay ang lalaki na magpapakasal sa babaeng ikakasal.
- Sa kultura ng mga Judio sa mga panahon sa Bibliya, ang seremonya ay nakasentro sa lalaking ikakasal na darating upang kunin ang kaniyang mapapangasawa.
- Sa Bibliya, si Jesus ay matalihagang tinawag na ang "lalaking ikakasal" na sa darating na panahon ay darating para sa kaniyang "mapapangasawa," na ang Iglesiya.
- Naihalintulad ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa mga kaibigan ng lalaking ikakasal na nagdiriwang habang ang lalaking ikakasal ay kasama nila, ngunit malulungkot din sila kapag siya ay nawala.
laman
Sa Bibliya, ang salitang "laman" ay literal na tumutukoy sa malambot na bahagi ng pisikal na katawan ng tao o hayop.
- Ginamit din sa Bibliya ang salitang "laman" sa matalinghagang paraan upang tukuyin ang lahat ng tao o lahat ng nilikhang may buhay.
- Sa Bagong Tipan, ang salitang "laman" ay ginamit para tukuyin ang pagiging likas na makasalanan ng tao. Ito ay karaniwang ginamit na kasalungat sa kanilang espirituwal na kalikasan.
- Ang salitain na, "sariling laman at dugo" ay tumutukoy sa isang tao na kamag-anak ng isang tao, gaya ng magulang, kapatid, anak o apo.
- Ang salitaing "laman at dugo" ay maaari ring tumukoy sa mga ninuno o mga kaapu-apuhan ng isang tao.
- Ang kasabihang "isang laman" ay tumutukoy sa pisikal na pagsasama ng isang lalaki at babae sa pag-aasawa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Sa konteksto ng katawan ng isang hayop, ang "laman" ay maaaring isalin bilang "katawan" o "balat" o "karne."
- Kapag ginamit ito upang pangkalahatang tukuyin ang lahat ng nilikhang may buhay, ang katawagang ito ay maaaring isalin bilang "buhay na nilalang" o "lahat ng buhay."
- Kapag pangkalahatan tumutukoy sa lahat ng tao, ang salitang ito ay maaaring isalin na "mga tao" o "lahat ng nabubuhay."
- Ang salitain na "laman at dugo" ay maaari ring isalin bilang "kamag-anak" o "pamilya" o "angkan ng pamilya." May mga konteksto na maaaring isalin na "mga ninuno" o "mga kaapu-apuhan."
langis
Ang langis ay isang malapot na likido na maaring makuha sa mga tiyak na halaman o prutas. Sa panahon ng Bibliya ang langis ay karaniwang nanggagaling sa mga olibo.
- Ang olibong langis ay ginagamit sa pagluluto, pagpapahid, pag-aalay, lampara, at gamot.
- Sa sinaunang panahon, ang olibong langis ay mahal ang halaga at ang pagkakaroon ng langis ay itinuturing isang sukatan ng kayamanan.
- Siguraduhin na ang pagsasalin sa salitang ito ay tumutukoy sa uri ng langis na maaring gamitin sa pagluluto, hindi sa langis sa makina. Ang ilang mga wika ay may ibang mga salita sa iba't-ibang mga uri ng langis.
langit, alapaap, kalangitan, makalangit
Ang salitang naisalin bilang "langit" ay tumutukoy kung saan naninirahan ang Diyos. Ang parehong salita ay maaari rin nangangahulugan ng "alapaap", depende sa konteksto.
- Ang salitang "kalangitan" ay tumutukoy sa lahat ng nakikita natin sa itaas ng mundo, kasama na ang araw, buwan, at mga bituin. Kasama rin dito ang kalawakan, gaya ng malalayong mga planeta na hindi direktang nakikita mula sa mundo.
- Ang salitang "alapaap" ay tumutukoy sa bughaw na kalawakan sa itaas ang mundo na kinalalagyan ng mga ulap at ang hangin na ating hinihinga. Kadalasan din na sinasabi na ang araw at buwan ay nasa "itaas ng alapaap."
- Sa ilang mga konteksto sa Bibliya, ang salitang "langit" ay maaaring tumutukoy sa alapaap o lugar na kung saan ang Diyos ay nakatira.
- Kapag ginamit ang "langit" sa matalinghagang paraan, ito ay isang pamamaraan na upang tukuyin ang Diyos. Halimbawa, ang isinulat ni Mateo ang tungkol sa "kaharian ng langit" tinutukoy niya ang kaharian ng Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Kapag ginamit ang "langit" sa matalinghagang paraan, ito ay maaaring isalin na "Diyos."
- Para sa "kaharian ng langit" sa aklat ni Mateo, mas nakakabuting panatilihin ang salitang "langit" yamang ito ay naging katangi tangi sa ebanghelyo ni Mateo.
- Ang salitang "kalangitan" o "kalawakan" ay maaari rin isalin sa "araw, buwan, at mga bituin" o "lahat ng mga bituin sa sandaigdigan."
- Ang mga salitang, "mga bituin sa langit" ay maaaring maisalin sa "mga bituin sa alapaap" o "mga bituin sa sandaigdigan."
lebadura, pampaalsa
Ang lebadura ay isang sangkap na nagpapalalsa ng masa ng tinapay. Minsan ito ay tinatawag na pampaalsa.
- Sa panahon ng Lumang Tipan, ang lebadura o pampaalsa ay ginawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng masang tinapay ng ilang sandali. Ang kaunting masa mula sa naunang pangkat ng masa ay itinabi bilang pampaalsa para sa susunod na pangkat.
- Noong tumakas ang mga Israelita mula sa Ehipto, wala na silang sapat na oras upang hintayin na umalsa ang masa ng tinapay, kaya gumawa sila ng tinapay na walang lebadura para dalhin nila sa kanilang paglalakbay. Bilang pag-alala dito, taon-taon ipinagdidiwang ng mga Judio ang paskwa sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay na ginawa na walang lebadura.
- Sa pagsasalin sa wikang Ingles, ang salitang lebadura ay madalas isalin bilang “pampaalsa”, kung saan ang makabagong pampaalsa na inilalagay sa masa ng tinapay na pinupuno ng bulang may hangin, na nagiging sanhi ng paglaki ng masa bago ito lutuin. Ang pampaalsa ay minamasa sa masa ng tinapay hanggang ito ay kumalat sa tipak ng masa ng tinapay.
- Ang salitang “lebadura” o “pampaalsa” ay ginagamit bilang patalinghaga sa Bibliya bilang isang larawan kung paano ang kasalanan ay kumalat sa buhay ng tao o kung paano ang kasalanan ay nakakaimpluwensiya sa ibang tao. Maaari din itong tumukoy sa maling turo.
- Ang salitang “lebadura” ay ginagamit sa positibong paraan upang ipahayag kung paano nakakaimpluwesiya sa kaharian ng Diyos na lumaganap mula sa tao patungo sa ibang tao.
- Kung ang inyong kultura ay gumagamit ng panghurong soda, pampaalsa o iba pang produkto na nagiging dahilan ng pag-alsa, maari mong gamitin ang salitang iyon sa iyong salin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maaari itong isalin bilang “pampaalsa” o “sangkap na nagpapaalsa ng tinapay.” Ang salitang “alsa" ay maaaring ihayag bilang “lumawak” o “lalong lumalaki” o “paglobo.”
- Kung ang lokal na pampaalsa ay ginagamit upang umaalsa ang ginagawang tinapay, ang salitang ito ay maaaring gamitin.
libingan, puntod, lugar na pinaglilibingan
Ang salitang "libingan" at "puntod" ay tumutukoy sa isang lugar kung saan nilalagay ng mga tao ang katawan ng isang tao na namatay. Ang "lugar na pinaglilibingan" ay mas karaniwang salita na ang ibig sabihin ay ganito din.
- Ang mga Judio minsan ay gumagamit ng likas na mga yungib bilang mga libingan, at minsan sila ay naghuhukay ng yungib sa loob ng bato sa gilid ng isang burol.
- Sa panahon ng Bagong Tipan, karaniwang iginugulong ang isang malaki, mabigat na bato sa harap ng isang bukas na libingan upang ito ay isara.
- Kung ang salita para sa libingan o isang puntod ay tumutukoy lamang sa isang butas na kung saan nilalagay ang katawan sa ilalim ng lupa, ibang mga paraan para isalin ito ay maaaring isama, "yungib" o "butas sa burol."
- Ang katagang "ang puntod" ay madalas gamiting pangkalahatan at patalinghaga para tumukoy ng kalagayan ng pagiging namatay o isang lugar kung saan naroon ang mga kaluluwa ng namatay na mga tao.
lingkod, alipin, pang-aalipin
Ang isang lingkod ay isang tao na naglilingkod sa ibang tao, sa pamamagitan ng sariling pasya o sa pamamagitan ng dahas. Ang salita para sa "alipin" ay maaari ring mangahulugan na "lingkod". Ang pumapaligid na talata ang karaniwang nagbibigay linaw kung ano ang salita na mas angkop sa kabuuan.
- Sa panahon ng Biblia, ang mga lingkod o alipin ay mahalagang bahagi ng sambahayan ng kanilang amo at karamihan ay halos kabilang na sa pamilya ang pagturing sa kanila . Sa Lumang Tipan, ang isang tao ay maaaring pumili na maging panghabang buhay na lingkod sa kaniyang amo.
- Ang alipin ay isang uri ng lingkod na pagmamay-ari ng tao na kaniyang pinaglilingkuran. Ang taong bumili ng alipin ay tinatawag na kaniyang "tagapagmay-ari" o "amo". Ang ilang mga amo ay pinakitutunguhan ang kanilang alipin nang napakalupit, samantala ang ibang mga amo ay pinakitutunguhan ang kanilang alipin nang napakabuti.
- Noong sinaunang panahon, ang ibang tao ay kusang naging alipin sa taong pinagkautangan nila ng pera upang mabayaran ang kanilang utang sa taong iyon.
- Kung minsan ang kataga sa Biblia na "Ako ang inyong lingkod" ay ginagamit bilang isang tanda ng paggalang at paninilbihan.
- Sa Lumang Tipan, ang mga propeta ng Diyos, at ibang tao na sumasamba sa Diyos ay madalas tinutukoy bilang kaniyang "mga lingkod."
- Sa Bagong Tipan, ang mga taong sumusunod sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo ay madalas tinatawag na kaniyang "mga lingkod." Ang mga Kristiyano ay tinatawag din na "alipin sa katwiran" na isang talinghaga na inihahambing ang pangako na sundin ang Diyos sa pangako ng isang alipin na sundin ang kaniyang amo.
linlangin, panlilinlang, pandaraya, mapanlinlang
Angsalita na "linlangin" ay nanganghulugan na papaniwalain ang isang tao na maniwala sa isang bagay na hindi totoo. Ang kilos na manlinlang sa isang tao ay tinatawag na "panlilinlang."
- Ang isa pang salita na, "pandaraya" ay tumutukoy din sa kilos na nagiging sanhi sa isang tao na paniwalaan ang isang bagay na hindi totoo.
- Ang isang tao na nagiging sanhi upang maniwala ang ibang tao sa isang bagay na mali ay isang "manlilinlang." Halimbawa, si Satanas ay tinawag na "manlilinlang." Ang mga masasamang espiritu na kaniyang pinamamahalaan ay mga manlilinlang din.
- Ang isang tao, kilos, o mensahe na hindi totoo ay maaaring ilarawan bilang "mapanlinlang."
- Ang mga salita na "panlilinlang" at "pandaraya" ay magkasing-kahulugan, ngunit may ilang mga maliliit na pagkakaiba kung paano sila gamitin.
- Ang naglalarawan na mga salita na, "manlinlang" at "mapanlinlang" ay magkasing-kahulugan at ginamit sa parehong mga konteksto.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Kabilang sa ibang paraan sa pagsalin ng "linlangin" ay ang "magsinungaling sa" o "maging sanhi ng maling paniniwala" o "maging sanhi sa isang tao upang mag-isip ng isang bagay na hindi totoo."
- Ang salita na "nanlinlang" ay maaari ring na "naging sanhi upang mag-isip ng isang maling bagay" o "nagsinungaling" o "nandaya" o "lokohin" o "iligaw."
- Ang "manlilinlang" ay maaaring isalin bilang, "sinungaling" o "isang nagliligaw" o "isang tao na nanlilinlang."
- Depende sa konteksto, ang mga salita na "pandaraya" o "panlilinlang" ay maaaring isalin kasama ang salita o parirala na nangangahulugan na "kasinungalingan" o "pagsisinungaling" o "panloloko" o "hindi tapat."
- Ang mga salita na "mapanlinlang" o "manlinlang" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng "hindi totoo" o "nakapagliligaw" o "nagsisinungaling" upang ilarawan ang isang tao na nagsasalita o kumikilos sa paraan na nagiging sanhi sa ibang tao na paniwalaan ang mga bagay na hindi totoo.
liwanag
May ilang matalinghagang gamit ang salitang "liwanag" sa Bibliya. Madalas itong ginamit bilang talinghaga para sa katuwiran, kabanalan, at katotohanan.
- Sinabi ni Jesus, "Ako ang liwanag ng mundo" upang ipahayag na dinadala niya ang totoong mensahe ng Diyos sa mundo at sinasagip ang mga tao mula sa kadiliman ng kanilang mga kasalanan.
- Inutusan ang mga Kristiyano na "lumakad sa liwanag," na nangangahulugang kailangan nilang mamuhay sa paraang gusto ng Diyos sa kanila at umiwas sa masama.
- Sinabi ni apostol Juan na ang "Diyos ay liwanag," at walang kadiliman sa kaniya.
- Ang liwanag at kadiliman ay lubos na magkasalungat. Ang kadiliman ay ang kawalan ng liwanag.
- Sinabi ni Jesus na siya "ang liwanag ng mundo" at ang kaniyang mga tagasunod ay kailangang magliwanag tulad ng mga liwanag sa mundo, sa pamamagitan ng pamumuhay sa paraang malinaw na nagpapakita kung gaano kadakila ang Diyos.
- Ang "paglalakad sa liwanag" ay nagpapakita ng pamumuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos, ginagawa kung ano ang mabuti at tama. Ang paglalakad sa kadiliman ay nagpapakita ng pamumuhay sa paghihimagsik laban sa Diyos, ginagawa ang mga bagay na masama.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Kapag nagsasalin, mahalaga na panatilihin ang mga literal na salitang "liwanag" at "kadiliman" kahit na nagamit ang mga ito nang patalinghaga.
- Maaaring ito ay kinakailangan upang ipaliwanag ang paghahambing sa teksto. Halimbawa, "lumakad bilang mga anak ng liwanag" ay maaaring isalin bilang "mamuhay sa hayag na matuwid na buhay, tulad ng sinuman na siyang lumalakad sa maliwanag ng sikat ng araw."
- Siguraduhin na ang pagsasalin ng "liwanag" ay hindi tumutukoy sa isang bagay na nagbibigay ng liwanag, gaya ng isang ilawan. Ang pagsasalin sa salitang ito ay kailangang tumutukoy sa mismong liwanag.
luwalhati, maluwalhati
Sa pangkalahatan, ang salitang "luwalhati" ay nangangahulugang karangalan, kagandahan, at matinding kadakilaan. Anumang bagay na may luwalhati ay sinasabing "maluwalhati."
- Minsan ang "luwalhati" ay tumutukoy sa isang bagay na may malaking halaga at kahalagahan. Sa ibang mga konteksto ito ay nagpapabatid ng kagandahan, liwanag, o paghatol.
- Halimbawa, ang salitang "luwalhati ng mga pastol" ay tumutukoy sa malagong pastulan kung saan ang kanilang mga tupa ay mayroong maraming damong makain.
- Ang luwalhati ay bukod-tanging ginagamit upang ilarawan ang Diyos na higit na maluwalhati kaysa sa sinuman o anumang bagay sa sansinukob. Lahat ng bagay na kaniyang katangian ay nagpapahayag ng kaniyang kaluwalhatian at ng kaniyang kagandahan.
- Ang mga salitang "luwalhatiin sa" ay nangangahulugang ipagyabang o pagmamataas sa isang bagay.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, kabilang sa ibang kaparaanan upang isalin ang "luwalhati" ay ang "kagandahan" o "liwanag" o "kamahalan" o "kahanga-hangang kadakilaan" o "napakahalaga."
- Ang salitang "maluwalhati" ay maaaring isalin na, "napupuno ng luwalhati" o "matinding pagpapahalaga" o "maliwanag na nagniningning" o "kamangha-manghang kadakilaan."
- Ang kawikaang, "magbigay luwalhati sa Diyos" ay maaaring isalin na "parangalan ang kadakilaan ng Diyos" o "purihin ang Diyos dahil sa kaniyang kaluwalhatian" o "sabihin sa iba kung gaano kadakila ang Diyos."
- Ang mga salitang "luwalhati sa" ay maaari ring isalin na "papuri" o "pagmamataas sa" o "ipagyabang ang tungkol sa" o "kasiyahan sa."
mabuti, kabutihan
Ang salitang "mabuti" ay may ibang kahulugan naaayon sa konteksto. Maraming mga wika ang gagamit ng ibang mga salita upang isalin itong mga iba't ibang kahulugan.
- Sa pangkalahatan, mapapabuti ang isang bagay kung ito ay mai-akma sa katangian, mga layunin, at kalooban ng Diyos.
- Ang isang bagay ay "mabuti" kung ito ay nakalulugod, napakahusay, nakakatulong, naaangkop, kapaki-pakinabang, may tamang kagandahang asal.
- Ang lupain na "mabuti" ay maaring tawagin na "mataba" o "mabunga."
- Ang isang "mabuting" pananim ay maaaring isang "masaganang" pananim.
- Ang tao ay maaaring maging "mabuti" sa anumang kaniyang ginagawa kung siya ay magalang sa kanilang gawain at hanap-buhay, gaya ng, "isang mabuting magsasaka."
- Sa Bibliya, ang pangkalahatang kahulugan ng "mabuti" ay madalas kasalungat ang "kasamaan."
- Ang salitang "kabutihan" ay karaniwang tumutukoy sa mabuting asal o makatuwiran sa mga iniisip at sa mga kilos.
- Ang kabutihan ng Diyos ay tumutukoy sa kung paano niya pinagpapala ang mga tao sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng mabuti at kapaki-pakinabang na mga bagay. Ito din ay tumutukoy sa kaniyang kabutihang asal.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang pangkalahatang salita para sa "mabuti" sa wika na isasalin ay kailangang gamitin kung saan ang pangkalahatang kahulugan ay tama at likas, lalong-lalo na sa mga konteksto na kung saan ito ay kasalungat sa kasamaan.
- Depende sa konteksto, ang ibang mga paraan sa pagsasalin ng salitang ito ay maaaring isama ang, "mabait" o "napakahusay" o "nakalulugod sa Diyos" o "makatuwiran" o "tuwid sa kagandahang asal" o "kapaki-pakinabang."
- Ang "Mabuting lupain" ay maaaring isalin na "mayabong na lupain" o "nagbubungang lupain"; ang "mabuting pananim" ay maaaring isalin na "masaganang ani" o "malaking halagang pananim."
- Ang salitang "gumawa ng mabuti sa" ay nangangahulugang gagawa ng isang bagay na napapakinabangan ng iba at maaaring isalin bilang "maging mabait sa" o "tumulong" o "pakinabangan ang" sa tao.
- Mababatay sa konteksto, mga paraan upang isalin ang salitang "kabutihan" ay maaaring isama ang, "pagpapala" o "kabaitan" o "kabutihang asal" o "katuwiran" o "kadalisayan."
mag-ayuno, pag-aayuno
Ang pag-aayuno ay ang pagtigil na kumain ng pagkain o mga inumin sa sandaling panahon gaya sa loob ng isang araw o mas higit pa.
- Ang pag-aayuno ay makakatulong sa isang tao na matuon ang sarili sa Diyos at manalangin nang hindi inaabala ng pagkain.
- Hinatulan ni Jesus ang mga relihiyosong pinuno ng mga Judio dahil sa mga maling pag-aayuno. Sila ay nag-aayuno upang isipin ng iba na sila ay mga reliyosong tao.
- Kung minsan ang mga tao ay nag-aayuno upang ipakita na sila ay napakalungkot o nagdadalamhati tungkol sa isang bagay.
- Ito ay maaring isalin na "pigilan ang sarili na kumain."
magdala
Ang salitang "magdala" ay literal na nangangahulugang "dalhin" ang isang bagay. Mayroon ding maraming matalinghagang gamit ang salitang ito.
- Kapag pinag-uusapan ang isang babae na magdadalang tao, ibig sabihin nito ay "magsilang ng" isang sanggol.
- Ang "magdala ng isang pasanin" ay nangangahulugang "magdanas ng mahirap na mga bagay". Ang mahirap na mga bagay ay kasama ang pisikal o madamdaming paghihirap.
- Ang kasulatan na "ang isang anak na lalaki ay hindi magdadala ng kasalanan ng kaniyang ama" ay nangangahulugang siya ay "hindi mananagot sa" o "hindi mapaparusahan sa" mga kasalanan ng kaniyang ama.
maghanap, nahanap
Ang ibig sabihin ng salitang ''maghanap" ay hanapin ang isang bagay o isang tao. Ang pangnagdaan ay "nahanap." Ibig sabihin din nito ay "subukang maigi" o "magsikap" na gumawa ng isang bagay.
- Ang "maghanap" o "hanapin" ang tamang pagkakataon ay nangangahulugan na "subukang hanapin ang sandali" para gawin ang isang bagay.
- Ang "maghanap kay Yahweh" ay nangangahulugan na "maglaan ng oras at lakas para kilalanin si Yahweh at matutong sumunod sa kaniya."
- Ang "maghanap ng proteksyon" ay nangangahulugan na "subukang hanapin ang tao o lugar na magkakanlong sa iyo mula sa panganib."
- Ang "maghanap ng katwiran" ay nangangahulugan na "magsikap na makita na ang tao ay maituring nang matuwid o patas."
- Ang "maghanap ng katotohanan" ay nangangahulugan na "magsikap na matagpuan kung ano ang katotohanan."
- Ang "maghanap ng pabor" ay nangangahulugan na "subukang makuha ang pabor" o "upang gawin ang mga bagay upang magtulak sa isang tao para tulungan ka."
maghasik, manghahasik
Ang maghahasik ay nangangahulugan na ilagay ang mga binhi sa lupa upang mapalago ang mga halaman. Ang manghahasik ay isang tao na naghahasik.
- Iba't iba ang paraan ng paghahasik o pagtatanim. Ang isang pamamaraan ay ang kumuha ng isang dakot na mga binhi at ikakalat sila sa lupa.
- Ang isa pang salita para sa "maghasik" ay "magtanim."
maglingkod, paglilingkod
Ang maglingkod sa isang tao ay ang gawin ang isang bagay na nagbibigay ng mga kapakinabangan sa taong iyon. Ang isang tao ay maaaring maglingkod dahil siya ay kinakailangang maglingkod, o siya ay maglilingkod dahil sa gusto niyang maglingkod.
- "Ang paglingkuran ang isang tao" ay maaaring isalin din na, "ang tumulong sa isang tao" o, "ang magsilbi para sa isang tao."
- "Ang maglingkod sa Diyos" ay maaaring isalin din bilang "ang sumamba at sumunod sa Diyos" o "ang gawin ang trabahong ibinigay ng Diyos."
- "Ang maglingkod sa hapag" ay may ibig sabihin na magbigay ng pagkain sa mga taong nakaupo sa hapag kainan.
- Ang mga taong nagtuturo sa iba patungkol sa Diyos ay sinasabing parehong naglilingkod sa Diyos at sa kanilang mga tinuturuan.
magnanakaw, mga magnanakaw, manloloob
Ang isang "magnanakaw" o "manloloob" ay isang tao na nagnanakaw ng salapi o ari-arian mula sa ibang tao. Ang pangmaramihang anyo ng "magnanakaw" ay "mga magnanakaw."
- Ang mga mananakaw ay madalas gumagamit ng panggugulat, nagkukubli at naghahanap ng mga sandali upang kumuha ng mga bagay. Madalas ginagamit nila ang pagkubli sa kadiliman upang magtago sa kanilang ginagawa.
- Ang salitang "manloloob" minsan ay mayroon din ibig sabihn sa isang tao na gumagawang manakit ng iba. Ang mga lalaking napako na kasama ni Jesus ay minsang tinatawag na "mga manloloob" o "mga kriminal.
- Sa isang patalinghagang kaisipan, ang Bagong Tipan ay naglalarawan kay Satanas bilang isang magnanakaw na dumating upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Ang ibig sabihin nito ay ang plano ni Satanas ay subukang kunin ang mga tao ng Diyos upang tumigil sa pagsunod sa kaniya, ninanakaw mula sa kanila ang mga mabubuting bagay na plano ng Diyos para maranasan nila.
- Katulad ng magnanakaw na dumating sa oras na hindi ito inaasahan ng mga tao, gayundin si Jesus ay babalik sa oras na hindi inaasahan ng mga tao. Yaman din lamang na bigla siyang babalik at hindi inaasahan, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na sila ay dapat laging handa para sa kaniyang pagbabalik.
magpatawad, kapatawaran
Ang pagpapatawad sa isang tao ay ang hindi pagtatanim ng sama ng loob laban sa isang tao na nakagawa ng isang bagay na masakit. Ang "pagpapatawad" ay ang kilos ng pagbibigay kapatawaran sa isang tao.
- Ang pagpapatawad sa isang tao ay kadalasang nangangahulugan na hindi pagpaparusa sa tao na iyon sa isang maling bagay na ginawa niya.
- Ang salitang ito ay maaaring gamitin ng matalinghaga upang mangahulugan na "pawalang bisa" o "patawarin ang pagkakautang."
- Sa tuwing magtatapat ang mga tao ng kanilang mga kasalanan, pinapatawad sila ng Diyos batay sa sakripisyo ni Jesus na namatayan sa krus.
- Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na patawarin ang iba gaya ng pagpapatawad niya sa kanila.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Batay sa konteksto, ang "magpatawad" ay maaari ring isalin na "pagpasensiyahan" o "pawalang bisa" o "palayain" o "huwag panghawakan laban sa."
magsisi, pagsisisi
Ang mga salitang "magsisi" at "pagsisisi" ay tumutukoy sa pagtalikod mula sa kasalanan at pagbabalik sa Diyos.
- Ang "magsisi" ay literal na nangangahulugang "baguhin ng isa ang pag-iisip."
- Sa Biblia, ang "magsisi" ay madalas nangangahulugan na tumalikod mula sa makasalanang pag-iisip at pagkilos ng tao, at ang sumunod sa pag-iisip at pagkilos ng Diyos.
- Kapag tunay na nagsisisi ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, pinapatawad sila ng Diyos at tinutulungan sila na magsimulang sumunod sa kaniya.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang, "magsisi" ay maaaring isalin sa isang salita o kataga na nangangahulugang, "talikuran"
magtanong, mag-usisa
Ang salitang "magtanong" ay nangangahulugan ng magtanong sa isang tao ng impormasyon.
- Itinala ng Lumang Tipan ang ilang mga pagkakataon kung saan nagtatanong ang mga tao tungkol sa Diyos.
- Ito ay maaari ding gamitin ng hari o opisyal ng pamahalaan na naghahanap sa pamamagitan ng mga opisyal na naisulat na talaan.
mahalaga
Ang salitang, "mahalaga" ay naglalarawan sa mga tao o mga bagay na itinuturing na napakahalaga, bihira, o mamahalin.
- Ang salitang "mahalagang mga bato" o "mahalagang mga hiyas" ay tumutukoy sa mga bato at mga mineral na makulay o may ibang mga katangian na nagpapaganda sa kanila.
- Kabilang sa mga halimbawa ng mga mahalagang bato ay ang mga diyamante, mga rubi, at mga esmeralda.
- Ang ginto at pilak ay tinatawag na "mahalagang mga bakal."
- Sinabi ni Yahweh na ang kaniyang mga tao ay "mahalaga" sa kaniyang paningin (Isaias 43:4).
- Isinulat ni Pedro na ang isang banayad at tahimik na espiritu ay mahalaga sa paningin ng Diyos. (1 Pedro 3:4).
- Ang salitang ito ay maaari ding isalin bilang, "mahalaga" o "pinakamamahal" o "pinakakaingatan" o "napakahalaga."
makapangyarihan, kapangyarihan
- Ang mga salitang "makapangyarihan" at "kapangyarihan" ay tumutukoy sa pagkakaroon ng matinding lakas o kapangyarihan.
- Ang mga salitang "makapangyarihang mga lalaki" ay tumutukoy sa mga lalaking magigiting at matagumpay sa labanan. Ang Diyos ay tinukoy din bilang "Ang Makapangyarihan."
- Ang mga salitang, "makapangyarihang mga gawa" ay karaniwang tumutukoy sa mga kamangha-manghang bagay na ginagawa ng Diyos, lalo na ang mga himala.
- Ang "makapangyarihan," ay isang karaniwang paglalarawan sa Diyos, nangangahulugang taglay niya ang ganap na kapangyarihan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang salitang "makapangyarihan" ay maaaring isalin bilang, "kamangha-mangha" o "napakalakas."
- Sa mga Gawa 7, si Moises ay inilarawan bilang isang taong "makapangyarihan sa salita at gawa." Maaari itong isalin ng ganito, "Si Moises ay nagbigay ng mga makapangyarihang katuruan at gumawa ng mga himala" o "Sinabi ni Moises ang mga salita ng Diyos nang may kapangyarihan at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay."
- Ang salitang "kapangyarihan" ay maaaring isalin na "matinding lakas."
- Depende sa konteksto, ang "mga makapangyarihang gawa" ay maaaring isalin na, "kamangha-manghang mga bagay na ginawa ng Diyos" o "himala" o "gumagawa ng mga bagay ang Diyos nang may kapangyarihan."
malaman, kaalaman, makilala,
Ang "malaman" ay nangangahulugan ng pag-unawa sa isang bagay o upang magkaroon ng kamalayan sa isang katotohanan. Ang salitang "makilala" ay isang talinghaga na ang ibig sabihin ay upang magsabi ng impormasyon.
- Ang salitang "kaalaman" ay tumutukoy sa mga bagay na alam ng mga tao. Ito ay maaaring gamitin upang alamin ang mga bagay sa pisikal at espiritwal na mundo.
- Inihayag ng Diyos ang mga katotohanan tungkol sa kaniyang sarili sa mga tao nang sa gayon ay makilala siya.
- Nakikilala natin ang mga tao dahil sa kung ano ang sinasabi natin sa isa't-isa at kung ano ang nakikita natin sa isa't-isa.
- Nalalaman din natin ang mga katotohanan tungkol sa siyensiya , sining o ibang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng pagmasid o pag-aaral sa kanila.
- Ang malaman ang kalooban ng Diyos ay nangangahulugan na maging may kamalayan sa kung ano ang kaniyang mga iniuutos, o upang maunawaan kung ano ang nais niyang gawin ng mga tao.
- Ang "malaman ang Kautusan" ay nangangahulugan ng pagiging may kamalayan sa kung ano ang inuutos ng Diyos o upang maunawaan kung ano ang tinagubilin ng Diyos sa mga kautusan na ibinigay niya kay Moises.
- Minsan ang "kaalaman" ay ginagamit bilang magkasing-kahulugan ng "karunungan", kung saan kabilang dito ang pamumuhay sa paraan na nakalulugod sa Diyos.
- Ang "kaalaman ng Diyos" ay ginagamit paminsan-minsan bilang magkasing-kahulugan ng "pagkatakot kay Yahweh."
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang "malaman" ay maaaring isalin na "maunawaan" o "maging kilala sa" o "may kamalayan sa" o "maging kilala sa" o " maging may kinalaman sa."
- Ang ilang mga wika ay may dalawang magkaibang salita para sa "malaman" depende kung ito ay tungkol sa alamin ang mga katotohanan o tungkol sa pagkilala ng mga tao. Siguraduhin na tama ang salitang ginamit sa bawat konteksto."
- Ang "makilala" ay maaaring isalin na "ihayag" o "sabihin ang tungkol " o "ipaliwanag."
- Ang "malaman ang tungkol" sa isang bagay ay maaaring isalin bilang "may kamalayan ng" o "maging kilala sa."
- Ang pananalitang "alamin kung paano" ay nangangahulugan sa pag-unawa ng proseso o paraan sa pagkuha sa isang bagay na tapos na. Maaari rin itong isalin na "may kakayahan upang" o "may kasanayan upang."
malaya, kalayaan
Ang mga salitang "malaya" o "kalayaan" ay tumutukoy sa kalagayan na wala sa pang-aalipin o ibang uri ng pagkabihag.
- Ang salitang "liberty" sa Ingles ay may parehong kahulugan sa salitang "freedom" na ang ibig sabihin ay "kalayaan".
- Ang pahayag na, "palayain ang isang tao" ay nangangahulugan na magbigay ng paraan upang ang isang tao ay makawala sa pang-aalipin o pagkabihag.
- Sa Bibliya, ang mga salitang ito ay kadalasang ginagamit na matalinghaga upang tukuyin kung paanong ang isang mananampalataya kay Cristo ay wala na sa kapangyarihan ng kasalanan.
- Ang pagkakaroon ng "kalayaan" ay maaari ring tumukoy sa hindi na kinakailangang sumunod sa Kautusan ni Moises sa halip, ang pagiging malaya na mamuhay sa mga katuruan at paggabay ng Banal na Espiritu.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "malaya" ay maaaring isalin gamit ang isang salita o mga salita na ang kahulugan ay "hindi nakagapos" o "hindi inalipin" o "wala sa pang-aalipin" o "wala sa pagkabihag."
- Ang salitang "kalayaan" ay maaaring isalin gamit ang isang salita o mga salita na ang kahulugan ay "ang pagiging malaya" o "pagiging hindi alipin" o "hindi nakagapos."
- Ang pahayag na "palayain" ay maaaring isalin bilang "gumawa ng dahilan upang maging malaya" o "sagipin mula sa pang-aalipin" o "pakawalan mula sa pagkabihag."
- Ang isang tao na "pinalaya" ay "pinakawalan" o "inalis mula sa" pagkabihag o pang-aalipin.
mali, pagmalupitan, saktan
Ang mali, pagmalupitan, saktan ay nangangahulugang pahirapan sa pisikal, emosyonal, o mga pinsalang nadudulot sa ibang tao ayon sa paglabag ng kautusan o batas.
- Ang gawan ng mali ang isang tao ay tratuhin ang taong iyon ng walang katarungan o walang katapatan.
- Ang pagmalupitan ang isang tao ay nangangahulugan na tratuhin ang taong iyon ng masama o magaspang na pamamaraan.
- Ang saktan ang isang tao ay nagsasanhi ng pisikal o emosyonal na sakit sa taong iyon.
- Ang mga salitang ito ay maaaring gamitin upang tumukoy din sa pagmamalupit sa isang pangkat ng mga tao.
malinis, linisin
Ang salitang "malinis" ay literal na nangangahulugang walang anumang karumihan o bahid. Sa Bibliya, madalas itong gamitin sa matalinghagang pamamaraan upang mangahulugang, "dalisay," "banal," o "malaya mula sa kasalanan."
- Ang "Linisin" ay ang proseso ng "paglilinis" sa isang bagay. Maaari rin itong isalin na "hugasan" o "dalisayin."
- Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos sa mga Israelita kung aling mga hayop ang kaniyang tinukoy bilang "malinis" ayon sa ritwal at alin ang mga "hindi malinis." Ang mga malilinis na hayop lamang ang pinahihintulutan upang gamitin para sa pagkain o para sa handog. Sa kontekstong ito, ang salitang "malinis" ay nangangahulugan na ang hayop ay katanggap-tanggap sa Diyos para gamitin bilang isang handog.
- Ang isang taong mayroong mga sakit sa balat ay hindi magiging malinis hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang balat upang hindi na makahawa. Ang mga panuntunan para sa paglilinis ng balat ay dapat sundin upang ang taong iyon ay maihayag na "malinis" muli.
- Minsan ang "malinis" ay matalinghagang ginagamit upang tukuyin ang moral na kadalisayan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang ito ay maaaring isalin kasama ang karaniwang salita para sa "malinis" o "dalisay"
mamagitan, pamamagitan, makiusap, pakikiusap
Ang mga salitang "mamagitan" at "pakikiusap" ay tumutukoy sa paghingi ng pakiusap sa isang tao sa ngalan ng ibang tao. Sa Bibliya, ito ay kadalasang tumutukoy sa pagdarasal para sa ibang tao.
- Ang "makiusap para kay" at "mamagitan para kay" ay nangangahulugan na gumawa ng mga pakiusap sa Diyos para sa pakinabang ng ibang tao.
- Itinuturo ng Bibliya na ang Banal na Espiritu ay namamagitan para sa atin, ibig sabihin, nagdarasal siya sa Diyos para sa atin.
- Ang isang tao ay namamagitan para sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikiusap para sa kanila sa taong may kapangyarihan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang ibang paraan upang isalin ang "mamagitan" ay, "makiusap para kay" o "gumiit"
manalangin, panalangin
Ang manalangin ay ang makipag-usap sa Diyos.
- Kadalasang nananalangin ang mga tao sa Diyos upang humingi sa kaniya ng tulong o para sa ibang mga tao.
- Ang mga tao ay nagpapasalamat din at nagpupuri sa Diyos sa kanilang mga panalangin.
- Ang pananalangin ay maaring mangahulugan din ng pag-amin ng ating mga kasalanan sa Diyos at paghingi sa kaniya na tayo ay patawarin.
- Kapag ang mga tao ay sumusubok na makipagusap sa kanilang diyus-diyosan, ito ay tinatawag ding "panalangin."
mangaral
Ang mangaral ay ang magsalita sa pangkat ng mga tao, pagtuturo sa kanila patungkol sa Diyos at paghihimok sa kanila na sundin siya.
- Kadalasan ang pangangaral ay ginagawa ng isang tao sa malaking pangkat ng mga tao.
- Ang "pangangaral" at "pagtuturo" ay magkatulad, pero hindi magkapareho. Ang "pangangaral" ay tumutukoy sa pampublikong pagpapahayag ng espiritwal o moral na katotohanan, at paghihimok sa madla na sila ay tumugon. Ang "pagtuturo" ay nagbibigay diin sa tagubilin, iyon ay, pagkakaloob ng kaalaman o kakayahan sa mag-aaral.
- Si Juan na Taga-pagbautismo, si Jesus, at ang mga apostol ay kadalasang nangangaral sa mga tao na sila ay dapat ng magsisi at pumasok sa kaharian ng Diyos.
maniningil ng buwis
Ang gawain ng mga maniningil ng buwis ay tumanggap ng salapi na dapat ibigay ng mga tao sa pamahalaan at dinadala nila ang mga ito sa pamahalaan.
- Sa panahon ni Jesus at ng mga apostol, ang pamahalaang Romano ay nag-utos na magbigay ng mga buwis ang mga Judio.
- Ang mga tao na naniningil ng mga buwis para sa pamahalaang Romano ay kalimitang humihingi ng mas maraming salapi sa mga tao kaysa sa iniutos ng pamahalaan. Ang mga maniningil ng buwis ay nagtatatago ng mas labis na halaga para sa kanilang sarili.
- Itinuturing ng mga Judio ang mga maniningil ng buwis na isa sa mga pinaka-makasalanan sapagkat dinadaya nila ang mga tao, at dahil nagtatrabaho sila para sa dayuhang Romanong pamahalaan. Ang mga maniningil ng buwis ay naging mga taksil sa kanilang sariling bayan.
mapagpaimbabaw, pagpapaimbabaw
Ang salitang "mapagpaimbabaw" ay tumutukoy sa isang tao na gumagawa ng mga bagay na magmukhang matuwid, ngunit palihim na kumikilos sa masasamang pamamaraan. Ang salitang "pagpapaimbabaw" ay tumutukoy sa pag-uugali na nanlilinlang sa mga tao na mag-isip na ang taong iyon ay matuwid.
- Gusto ng mga taong mapagpaimbabaw na makita silang gumagawa ng mabubuting mga bagay upang isipin ng mga tao na sila ay mga mabubuting tao.
- Kadalasang pinupuna ng mga taong mapagpaimbabaw ang ibang tao sa paggawa ng mga makasalanang gawain na ginagawa rin nila mismo.
- Tinawag ni Jesus na mapagpaimbabaw ang mga Parieso dahil ginagawa nila ang mga relihiyosong bagay gaya ng pagsusuot ng mga piling kasuotan at kumakain ng mga piling pagkain, ngunit hindi sila mabait o makatarungan sa mga tao.
- Ang taong mapagpaimbabaw ay nanunuro ng mga kamalian ng ibang tao, ngunit hindi nila inaamin ang sarili nilang kamalian.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang ilang mga wika ay mayroong mga idyoma gaya ng "doble-kara" na tumutukoy sa isang taong mapagpaimbabaw o sa kilos ng taong mapagpaimbabaw.
- Maaaring mapabilang sa iba pang mga paraan upang isalin ang salitang "mapag-imbabaw" ang "pandaraya" o "nagpapanggap" o "hambog, mapanlinlang na tao."
- Ang salitang "pagpapaimbabaw" ay maaaring isalin sa "panlilinlang" o "huwad na mga kilos" o "pagpapanggap."
marumi
Sa Bibliya, ang salitang "marumi" ay ginagamit nang patalinghaga para tukuyin ang mga bagay na ipinahayag ng Diyos na hindi karapat-dapat hawakan, kainin o ialay ng kaniyang mga tao.
- Nagbigay ng tagubilin ang Diyos sa mga Israelita tungkol sa kung anong mga hayop ang "malinis" at kung ano ang "marumi." Ang mga hindi malilinis na hayop ay hindi pinahihintulutan na gamitin sa pagkain o sa pag-aalay.
- Ang mga tao na may sakit sa balat ay sinasabing "marumi" hanggang sila ay gumaling.
- Kung ang mga Israelita ay humawak ng isang bagay na "marumi," sila mismo ay ituturing na marumi sa isang panahon.
- Ang pagsunod sa utos ng Diyos tungkol sa hindi paghawak o pagkain ng hindi malinis na bagay ang nagpanatili sa mga Israelita na nakabukod para sa paglilingkod sa Diyos.
- Itong pisikal at ritwal na karumihan ay sumisimbolo din sa moral na karumihan.
- Sa ibang patalinghagang kaisipan, ang isang "maruming espiritu" ay tumutukoy sa isang masamang espiritu.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "marumi" ay maaari ring maisalin na "hindi malinis" o "hindi karapat-dapat sa mata ng Diyos" o "pisikal na marumi" o "nadungisan."
- Kung tumutukoy sa demonyo bilang maruming espiritu, ang "marumi" ay maaaring isalin na "masama" o "nadungisan."
- Ang pagsasalin ng salitang ito ay kailangang ding magbibigay ng kahulugan tungkol sa espiritwal na karumihan. Dapat makapagtukoy ito sa anumang ipinahayag ng Diyos na hindi karapat-dapat na hawakan, kainin o ialay.
matuwid, katuwiran
Ang mga salitang "matuwid" at "katuwiran" ay tumutukoy sa ganap na kabutihan, katarungan, katapatan, at pag-ibig ng Diyos. Dahil ang Diyos ay matuwid, dapat niyang hatulan ang kasalanan.
- Ang mga salitang ito ay madalas na gamitin upang ilarawan ang isang taong sumusunod sa Diyos at mabuti ang asal. Subalit, dahil ang lahat ng tao ay nagkasala, walang sinuman maliban sa Diyos ang ganap na matuwid.
- Ang mga halimbawang tao na tinatawag ng Bibliya na "matuwid" ay kasama sina Noe, Job, Abraham, Zacharias, at Elisabet.
- Kung ang mga tao ay nagtitiwala kay Jesus upang iligtas sila, nililinisan sila ng Diyos mula sa kanilang mga kasalanan at inihahayag sila bilang matuwid batay sa katuwiran ni Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Kung tinutukoy ang Diyos, ang salitang "matuwid" ay maaaring isalin bilang "ganap na mabuti at makatarungan" o "laging gumagawa ng tama."
- Ang "katuwiran" ng Diyos ay maaaring isalin bilang "ganap na katapatan at kabutihan."
- Kung ito ay tumutukoy sa mga taong sumusunod sa Diyos, ang salitang "matuwid" ay maaari ding isalin bilang "mabuting moral" o "makatuwiran" o "namumuhay ng nakalulugod sa Diyos."
- Ang katagang "ang matuwid" ay maaaring isalin bilang "mga taong matuwid" o "mga taong may takot sa Diyos."
- Depende sa konteksto, ang "katuwiran" ay maaari ding isalin sa isang salita o katagang nangangahulugang, "kabutihan" o "pagiging ganap sa harapan ng Diyos" o "kumikilos sa tamang pamamaraan sa pagsunod sa Diyos" o "gumagawa ng ganap na mabuti."
- Minsan, "ang matuwid" ay ginagamit ng matalinghaga at tumutukoy sa "mga taong iniisip na sila ay mabuti" o "mga taong parang matuwid."
matuwid, pagkamatuwid
Ang mga katagang "matuwid" o "pagkamatuwid" ay tumutukoy sa pagkilos sa isang paraan na sumusunod sa mga batas ng Diyos.
- Kabilang sa kahulugan ng mga salitang ito ang kaisipan ng pagtayo nang
tuwid at tuwirang pagtingin sa hinaharap.
* Ang taong matuwid ay taong sumusunod sa mga alituntunin ng Diyos at
hindi gumagawa ng mga bagay na laban sa kaniyang kalooban.
* Ang mga katagang tulad ng "pagkamapitagan" at "matuwid" ay magkatulad
ang kahulugan at kung minsan ay ginagamit na magkasabay
tulad ng "pagka-mapitagan" at "pagkamatuwid." (Tingnan:
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Maaring isalin ang "matuwid" na "pagkilos nang tama" o "isang taong kumikilos nang tama" o "sumusunod sa mga batas ng Diyos" o "umaasal sa isang paraan na tama."
- Ang salitang "pagkamatuwid" ay maaring isalin na "dalisay na moralidad"
o "mabuting moral na asal" o "pagiging tama."
* Ang katagang "ang matuwid" ay maaaring isalin na "mga taong matuwid" o "mga matuwid na tao."
mga anak, bata
Sa Bibliya, madalas ginagamit ang katawagang "bata" upang pangkalahatang tukuyin ang isang taong nasa murang edad, kabilang ang mga sanggol. Ang mga saiatng "mga bata" ay ang pangmaramihang anyo at mayroon ding ilang mga matalinghagang gamit.
- Sa Bibliya, ang mga alagad o mga tagasunod ay tinatawag minsan na "mga anak."
- Madalas ginagamit ang "mga anak" upang tukuyin ang mga kaapu-apuhan ng isang tao.
- Ang pariralang "mga anak ng" ay maaaring tumukoy sa inilalarawan ng isang bagay. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay:
- mga anak ng liwanag
- mga anak ng pagsunod
- mga anak ng diyablo
- Maaari ring tumukoy ang salitang ito sa mga taong katulad ng mga espirituwal na anak. Halimbawa, "mga anak ng Diyos" ay tumutukoy sa mga taong pag-aari ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang "mga anak" ay maaaring isalin na "mga kaapu-apuhan" kapag tumutukoy ito sa mga apo ng isang tao o pinaka-inapo, atbp.
- Batay sa konteksto, ang "mga anak ng" ay maaaring isalin na, "mga taong may mga katangian ng" o "mga taong kumikilos gaya ng."
- Kung maaari, dapat literal na isalin ang pariralang "mga anak ng Diyos" dahil mahalagang paksa sa Bibliya na ang Diyos ay ating Ama sa langit. Ang mga maaaring alternatibong pagsalin ay, "mga taong pag-aari ng Diyos" o "mga espirituwal na anak ng Diyos."
- Nang tawagin ni Jesus na "mga anak" ang kaniyang mga alagad, maaari rin itong isalin na "mga minamahal na kaibigan" o "mga minamahal kong alagad."
- Nang tawgin nina Pablo at Juan na "mga anak" ang mga mananampalataya kay Jesus, maaari rin itong isalin na, "mga minamahal kong kapwa mananampalataya."
- Ang pariralang, "mga anak ng pangako" ay maaaring isalin na, "mga taong nakatanggap sa ipinangako ng Diyos sa kanila."
mga banal
Ang salitang "mga banal" ay tumutukoy sa mga mananampalataya kay Jesus.
- Sa dakong huli ng kasaysayan ng iglesya, ang isang taong kilala sa kaniyang mabuting gawain ay binigyan ng katawagang "santo" ngunit hindi ito ang paraan ng paggamit ng salitang ito sa Bagong Tipan.
- Ang mga mananampalataya kay Jesus ay mga santo o mga banal, hindi dahil sa kung ano ang kanilang ginawa, ngunit sa halip sa pamamagitan ng pananampalataya sa nakakaligtas na gawa ni Jesu-Cristo. Siya ang gumagawa para sila ay maging banal.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang mga paraan sa pagsalin ng "mga banal" ay maaaring isama "mga banal na tao" o "mga banal na mananampalataya kay Jesus" o "mga binukod."
- Maging maingat na hindi gumamit ng salitang tumutukoy sa mga tao para sa mga Kristiyanong grupo lamang.
mga punong pari
Ang mga punong pari ay mga mahahalagang pinuno ng relihiyon ng mga Judio sa panahong namuhay si Jesus sa daigdig.
- May pananagutan ang mga punong pari sa lahat ng mga kinakailangan para sa pagsamba sa templo. May pananagutan din sila sa pera na ibinigay sa templo.
- Mas mataas ang kanilang katungkulan at kapangyarihan kaysa sa mga karaniwang pari. Ang pinakapunong pari lamang ang mayroong mas mataas na kapangyarihan sa kanila.
- Ang mga punong pari ay ilan sa mga pangunahing kaaway ni Jesus at labis nilang naimpluwensyahan ang mga pinunong Romano upang dakipin at patayin si Jesus.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang mga salitang "mga punong pari" ay maaari ring isalin na "mga nakatataas na pari" o "mga nangungunang pari" o "mga namumunong pari."
- Tiyaking isinalin ang katawagang ito na naiiba sa katawagang "pinakapunong pari."
minamahal
Ang salitang "minamahal" ay isang pagpapahayag ng pagsinta na naglalarawan sa isang taong minamahal at iniibig ng isa pang tao.
- Ang salitang "minamahal" ay literal na nangangahulugang "mahal (na tao)" o "(na siyang) minahal."
- Tinatawag ng Diyos si Jesus bilang kaniyang "minamahal na Anak."
- Sa kanilang mga liham sa mga iglesiyang Kristiyano, kadalasang tinatawag ng mga apostol ang kanilang mga kapwa mananampalataya bilang "minamahal."
Mga mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang ito ay maaari ring isalin na "mahal" o "mahal na tao" o "mahal na mahal" o "labis na iniibig."
- Sa konteksto ng pakikipag-usap tungkol sa malapit na kaibigan, ito ay maaaring isalin na "aking mahal na kaibigan" o "aking malapit na kaibigan." Sa Ingles, natural itong sabihin na, "my dear friend, Paul (aking mahal na kaibigang Pablo)" o "Paul, who is my dear friend. (Pablo, na aking mahal na kaibigan.)" Mas natural sa ibang mga wika kapag inayos ito sa ibang paraan.
- Pansinin na ang salitang "minamahal" ay nanggagaling sa salita para sa pagmamahal ng Diyos, na walang pasubali, hindi makasarili, at nagpapasakit.
mira
Ang mira ay isang sangkap na gawa mula sa dagta ng isang puno.
- Ang mira ay ginamit bilang sangkap ng insenso, pabango at isang samyo na ginamit sa paghahanda sa mga patay na katawan para sa paglilibing.
- Ang mira ay isa sa mga regalo na ibinigay ng mga pantas kay Jesus noong siya ay ipanganak.
- Inalukan si Jesus ng alak na may halong mira upang sa gayon ay mapawi ang kirot noong siya ay ipinako sa krus.
muling pagkabuhay
Ang mga salitang "muling pagkabuhay" ay tumutukoy sa gawain ng pagiging buhay muli pagkatapos mamatay.
- Ang muling buhayin ang isang tao ay nangangahulugang ibalik muli sa pagkabuhay ang taong iyon. Tanging Diyos lamang ang may kapangyarihan na gawin ito.
- Ang salitang "muling pagkabuhay" ay madalas tumutukoy sa muling pagbabalik sa pagkabuhay ni Jesus pagkatapos niyang mamatay.
- Nang sinabi ni Jesus, "Ako ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay" ang ibig-sabihin niya ay siya ang pinagmumulan ng muling pagkabuhay, at ang nagdudulot sa mga tao na bumalik sa pagkabuhay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "muling pagkabuhay" ay maaari ring isalin bilang, "bumabalik sa pagkabuhay" o, "pagiging buhay muli pagkatapos maging patay."
- Ang literal na kahulugan ng salitang ito ay "ang pagbangon" o "ang pagpapabangon ng isang tao"
mundo, maka-mundo
Ang salitang "mundo" ay madalas tumutukoy sa bahagi ng sandaigdigan na kung saan namumuhay ang tao. Ang salitang "maka-mundo" ay inilalarawan ang masamang mga ugali at mga asal ng mga tao na namumuhay sa mundong ito.
- Sa pinaka pangkalahatang kaisipan nito, ang salitang "mundo" ay tumutukoy sa langit at sa lupa, kasama ang lahat ng mga bagay nito.
- Sa maraming pagkagamit, ang "mundo" ay may ibig sabihin na, "mga tao sa mundo."
- Kung minsan ito ay ipinahihiwatig na tumutukoy sa mga masasamang tao sa lupa o ang mga taong hindi sumusunod sa Diyos.
- Ang mga apostol ay ginamit din ang "mundo" upang tukuyin ang makasariling mga asal at masamang pag-uugali ng mga taong namumuhay sa mundong ito. Maaaring ibilang nito ang sariling-kabanalan at relihiyosong gawain batay sa sariling sikap ng tao.
- Ang mga tao at mga bagay ay nakilala sa mga asal na ito ay sinasabing "makamundo."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ang "mundo" ay maaaring isalin din na "sandaigdigan" o "mga tao sa mundong ito" o "tiwaling mga bagay sa mundo" o "masamang kaugalian ng mga tao sa mundo."
- Ang mga salitang "lahat ng mundo" ay madalas nangangahulugan na "maraming tao" at tumutukoy sa mga taong namumuhay sa isang rehiyon. Halimbawa, ang "buong mundo ay pumunta sa Ehipto" maaaring isalin na "maraming tao mula sa lahat ng mga bansa sa paligid ng Ehipto ay nagpunta doon" o "mga taong mula sa lahat ng bansa na nakapaligid sa Ehipto ay pumunta doon."
- Ang ibang paraan para isalin ang "ang buong mundo ay pumunta sa kanilang sariling bayan para magpatala sa sensus ng Romano" ay posibleng maging, "karamihan sa mga taong namumuhay sa mga dakong pinamumunuan ng imperyo ng Roma ay pumunta..."
- Depende sa konteksto, ang salitang "maka-mundo" ay maaaring isalin bilang, "masama" o "makasalanan" o "makasarili" o "hindi maka-diyos" o "tiwali" o "naimpluwensiyahan ng tiwaling asal ng mga tao sa mundong ito."
mundo, makamundo
Ang salitang "mundo" ay tumutukoy sa kalupaan na tinitirhan ng mga tao kasama ang lahat ng iba pang mga uri ng buhay.
- Ang "mundo" ay maaari ring tumukoy sa kalupaan o lupa na bumabalot sa lupain.
- Ang salitang ito ay madalas na matalinhagang ginagamit upang tumukoy sa mga taong naninirahan sa mundo. (Tingnan sa:
- Ang mga pagpapahayag na, "hayaan na ang mundo ay maging masaya" at "kaniyang hahatulan ang mundo" ay mga halimbawa ng matalinghagang paggamit sa salitang ito.
- Ang salitang "makamundo" ay karaniwang tumutukoy sa pisikal na mga bagay na salungat sa espiritwal na mga bagay.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Ang salitang ito ay maaaring isalin sa pamamagitan ng salita o mga salita na ginagamit sa ating pambansang wika o sa wika ng mga karatig bansa na tumutukoy sa mundo kung saan tayo ay naninirahan.
- Depende sa konteksto, ang "mundo" ay maaari ring isalin na, "daigdig" o "kalupaan" o "alabok" o "lupa."
- Kapag matalinhagang ginamit, ang "mundo" ay maaaring isalin na, "mga tao sa mundo" o "mga taong naninirahan sa mundo" o "lahat ng bagay sa mundo."
- Ang mga paraan upang isalin ang salitang "makamundo" ay maaaring kabilang ang "pisikal" o "mga bagay sa mundong ito" o "nakikita."
nakatatanda
Ang mga nakatatanda ay mga lalaking matatag na sa espiritwal na may mga tungkuling espiritwal at nagsasagawa ng pamumuno sa bayan ng Diyos.
- Ang salitang "nakatatanda" ay mula sa katotohanan na ang mga nakatatanda ay mga matatandang lalaki dahil sa kanilang gulang at karanasan na mas matalino kaysa sa mga mas bata.
- Sa Lumang Tipan, tinulungan ng mga nakatatanda na pangunahan ang mga Israelita tungkol sa mga usaping panlipunang katarungan at sa Kautusan ni Moses.
- Sa Bagong Tipan, ang mga nakatatandang Judio ay nagpatuloy na maging mga pinuno sa kanilang mga komunidad at mga naging hukom rin para sa mga tao.
- Sa mga unang iglesyang Kristiyano, ang mga nakatatandang Kristiyano ay nagbigay ng espiritwal na pamumuno sa pagpupulong ng mga mananampalataya sa kanilang lugar.
- Kabilang sa mga nakatatanda sa mga iglesyang ito ang mga nakababatang lalaki na matatag na sa espiritwal.
- Ang salitang ito ay maaaring isalin na "mga mas matatandang lalaki" o "mga lalaking matatag sa espiritwal na nangunguna sa iglesya."
nasusulat
Ang mga salita na "gaya ng nasusulat" o "ang nasusulat" ay kadalasang nababanggit sa Bagong Tipan at madalas na tumutukoy sa mga kautusan o propesiya na naisulat sa mga kasulatang Hebreo.
- Kadalasan ang "gaya ng nasusulat" ay tumutukoy sa kung ano ang nasusulat sa Kautusan ni Moises.
- Sa ibang mga pagkakataon ito ay isang talata mula sa kung ano ang sinulat ng isa sa mga propeta sa Lumang Tipan.
- Ito ay maaring isalin: "gaya ng nasusulat sa Kautusan ni Moises" o "gaya ng sinulat ng mga propeta matagal na panahon na ang nakalipas" o "ang kung ano ang sinasabi sa kautusan ng Diyos na isinulat ni Moises matagal na panahon na ang nakalipas".
- Isa pang maaaring pagpilian ay panatilihin ang "Ito ay nasusulat" at magbigay ng isang karagdagang kaalaman na nagpapaliwanag kung ano ang kahulugan nito.
nilikha, nilalang
Tumutukoy ang salitang "nilikha" sa lahat ng mga nabubuhay na nilalang ng Diyos, mga tao at mga hayop.
- Inilarawan ng propetang si Ezekiel ang kaniyang nakitang "mga nabubuhay na nilikha" sa kaniyang pangitain sa kaluwalhatian ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang mga ito, kaya ibinigay niya sa kanila ang pangkalahatang tatak na ito.
- Tandaan na ang salitang "nilalang" ay may ibang kahulugan dahil kabilang dito ang lahat ng nilikha ng Diyos, ang mga nabubuhay at hindi nabubuhay na mga bagay (kagaya ng lupa, tubig at mga bituin). Ang salitang "nilikha" ay kabilang lamang ang mga nabubuhay na mga bagay.
oras, panahon
Sa Bibliya ang salitang "oras" ay madalas na ginamit na pasimbolo upang tukuyin ang isang partikular na panahon o panahon kapag tiyak ang mga pangyayaring nagaganap. Ito ay may isang katulad na kahulugan na "tanda" o "kapanahunan" o "panahon."
- Iba ang ibig sabihin nito sa mga sukat ng oras katulad ng mga minuto, mga oras, mga araw o mga buwan.
- Ang aklat na Daniel at ang Pahayag ay parehong nagsasabi ng "oras" ng matinding kaguluhan o matinding pagdurusa na darating sa lupa.
- Sa katagang "oras, mga oras, at kalahating oras" ang salitang "oras" ay nangangahulugang "taon." Ang katagang ito ay tumutukoy sa tatlo't kalahating taong panahon habang sa huling matinding pagdurusa sa pagwawakas ng kasalukuyang panahong ito.
- Ang mga katagang katulad ng "pangalawang beses" o "maraming beses" ay tumutukoy sa dami ng mga pangyayari na anumang bagay na naganap.
- Ang maging "nasa oras" ay nangangahulugang dumating ng inaasahan, at hindi na huli.
oras
Maliban sa paggamit sa kung kailan o gaano katagal nangyari ang isang pangyayari, ang salitang "oras" ay ginagamit din sa ilang mga matalinhagang pamamaraan:
- Minsan ang "oras" ay tumutukoy sa isang regular, nakatakdang oras upang gawin ang isang bagay, gaya ng "oras ng panalangin."
- Kapag sinasabi ng teksto na ang "oras ay dumating na" para kay Jesus upang magdusa at mamatay sa krus, ito ay nangangahulugan sa nakatakdang panahon na napagpasiyahan ng Diyos na mangyari ito.
- Ang salitang "oras" ay ginagamit din na nangangahulugang "ang sandaling iyon " o "ngayon din."
- Kapag ang pinag-uusapan sa teksto ang "oras" na padapit- hapon, ito ay nangangahulugang hapon na, kapag ang araw ay malapit nang lumubog.
pagdurusa
Ang salitang "pagdurusa" ay tumutukoy sa oras ng kagipitan, paghihirap, at dalamhati.
- Ang Bagong Tipan ay nagsasabi na ang mga Kristyano ay magtitiis sa oras ng pag-uusig at iba pang mga uri ng pagdurusa dahil nabubuhay sila sa mundo na salungat sa mga katuruan ni Jesus.
- Ang Bibliya ay gumamit ng salitang "ang matinding pagdurusa" para ilarawan ang panahon bago ang pangalawang pagdating ni Jesus kung saan ang poot ng Diyos ay ibubuhos sa lupa ng ilang taon.
- Ang salitang "pagdurusa" ay maaari ring isalin bilang, "panahon ng matinding paghihirap" o "malubhang pagdadalamhati" o "malalang paghihirap."
pagdurusa
Ang salitang "pagdurusa" ay tumutukoy sa kakila-kilabot na paghihirap. Ang pagdusahin ang isang tao ay nangangahulugan na hayaan na magdusa ang isang tao, kadalasan sa malupit na pamamaraan.
- Minsan ang salitang "pagdurusa" ay tumutukoy sa pisikal na sakit at paghihirap. Halimbawa, ang aklat ng Pahayag ay naglalarawan ng pisikal na pagdurusa na dadanasin ng mga sumasamba sa "halimaw" sa mga huling panahon.
- Ang pagdurusa ay maaari ring kumuha ng anyo na espiritwal at emosyonal na pagdadalamhati katulad ng naranasan ni Job.
- Ayon sa aklat ng Payahag, ang mga tao na hindi naniniwala kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay makararanas ng walang hanggang espiritwal na pagdurusa sa dagat-dagatang apoy.
- Ang salitang ito ay maaaring isalin na, "kakila-kilabot na pagdurusa" o "magdulot sa isang tao na labis na magdusa" o "magdanas ng matinding paghihirap." Ang ibang tagasalin ay maaaring magdagdag ng "pisikal" o "espiritwal" para gawing malinaw ang kahulugan.
paghihiwalay
Ang paghihiwalay ay ang legal na paraan upang wakasan ang pagiging mag-asawa.. Ang salitang "paghihiwalay" ay nangangahulugang pormal at legal na paghihiwalay sa sariling asawa upang wakasan ang pag-aasawa.
- Ang literal na kahulugan ng salitang "paghihiwalay" ay "paglayuin" o "pormal na paghiwalayin." Ang ibang mga wika ay maaaring may parehong mga salita upang tumukoy sa paghihiwalay.
- Ang isang "katibayan para sa paghihiwalay" ay maaaring isalin na, isang "papel na nagsasabi na ang pag-aasawa ay winakasan."
pagnanasa
Ang pagnanasa ay isang napakatinding pagnanais, karaniwang nasa konteksto ng paghahangad sa isang bagay na makasalanan o imoral.
- Sa Biblia, ang "pagnanasa" ay karaniwang tumutukoy sa seksuwal na pagnanais sa isang tao kaysa sa sariling asawa.
- Minsan nagagamit din ito sa isang patalinghagang kahulugan para sa pagsasamba sa mga diyus-diyosan.
- Ito ay maaari rin isalin bilang "maling sekswal na pagnanais" o "matinding imoral na pagnanais" o "matinding pagnanais na magkasala."
pagpapatawad
Ang salitang "pagpapatawad" ay nangangahulugang patawarin at hindi parusahan ang isang tao sa kaniyang kasalanan.
- Bagamat tayo ay napatunayang may kasalanan, pinatawad tayo ni Jesu-Cristo mula sa walang hanggang buhay sa impiyerno sa pamamagitan ng kaniyang pagsasakripisyong kamatayan.
- Sa legal na kaisipan, ang isang may kapangyarihan ay maaaring magpatawad ng isang taong napag-alaman na gumawa ng isang pagkakasala.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang ito ay maaaring isalin sa kaparehong paraan ng "patawarin" at "kapatawaran."
pagsasapalaran, palabunutanan
Ang "pagsasapalaran" ay gumagamit ng isang bagay na markado na inihagis o pinulot mula sa mga ibang kapareho na mga bagay bilang isang paraan ng paggawa ng pagpipili o pagpapasya. Ang salitang "hagis" ay nangangahulugan ng palabunutan na madalas ginagamit ng tao upang alamin kung ano ang gusto ng Diyos na gawin nila.
- Ang palabunutan ay ginamit upang piliin kung sinong pari ang gagawa ng isang nakatalagang gawain sa templo sa nakatalagang oras.
- Ang mga sundalo na nagpako kay Jesus ay nagsapalaran upang pagpasyahan kung sino ang magmamay-ari sa kasuotan ni Jesus.
- Ang pagsapalaran ay ang paghagis o pagpapagulong ng maliit na mga bato na may palatandaan o mga piraso ng nabitak na palayok. Ang tao na pupuntahan ng natatanging piraso na may palatandaan ang siyang mapipili.
- Ang ibang mga kultura ay gumagamit ng bugkos ng dayami upang gawin ang pagsapalaran. May isang hahawak sa dayami upang wala ni kahit isa ang makakakita kung gaano kahaba ang mga ito. Bawat tao ay kukuha ng isang dayami at ang isang makakukuha ng pinakamahaba (o pinakamaiksi) na dayami ay ang isa na napili.
- Ang "paghahagis ng markadong bagay" ay maaring isalin na "pag-itsa ng bagay na may palatandaan".Siguraduhin na hindi ito mangangahulugan na ang isang bagay na may palatandaan ay inihagis sa malayong distansiya.
pahinga
Ang salitang "ang magpahinga" ay literal na nangangahulugang tumigil sa pagtatrabaho upang mamahinga o ibalik ang lakas. Ang katagang "ang ibang mga natitira" ay tumutukoy sa isang bagay na natira.
- Ang isang bagay ay maaring masasabing "nagpapahinga" sa isang dako, na nangangahulugang iyon ay "nakatayo" o "nakaupo" doon.
- Ang bangka na "dumating upang magpahinga" sa isang dako ay "tumigil" o "dumaong" doon.
- Kapag namamahinga ang isang tao o hayop, ito ay maaaring nangangahulugan na sila ay nakaupo o nakahiga upang pasiglahin muli ang kanilang mga sarili.
- Inutusan ng Diyos ang mga Israelita na mamahinga sa ika-pitong araw ng linggo. Ang araw na ito na hindi pagtatrabaho ay tinatawag na "Araw ng Pamamahinga."
- Ang ipahinga ang isang bagay sa isa pang bagay ay nangangahulugang "ilapag" o "ilagay" ito doon.
palatandaan, katibayan, pagpapatunay, paalala
Ang palatandaan ay isang bagay, pangyayari, o gawa na naghahatid ng isang mahalagang kahulugan.
- Ang mga palatandaan ay maaring magpaalala ng isang bagay na ipinangako.
- Ang bahag-hari na nilikha ng Diyos sa kalangitan ay isang palatandaan upang magpaalala sa mga tao na hindi na niya muling wawasakin ang lahat ng buhay ng isang pandaigdigang baha.
- Pinag-utos ng Diyos sa mga Israelita na tuliin ang kanilang mga anak na lalaki bilang isang tanda ng kaniyang tipan sa kanila.
- Ang mga palatandaan ay maaring maghayag o magturo ng isang bagay.
- Ang isang anghel ang nagsabi sa mga pastol ng isang palatandaan na maaaring makatulong sa kanila para malaman kung aling sanggol sa Bethlehem ang bagong silang na Mesias.
- Hinalikan ni Judas si Jesus bilang isang tanda sa relihiyosong mga pinuno na si Jesus ang siyang dapat nilang dakipin.
- Ang palatandaan ay maaring magpatunay na ang isang bagay ay totoo.
- Ang mga himalang ginawa ng mga propeta at mga apostol ay mga palatandaan na nagpatunay na sila ay nagsasalita ng mensahe ng Diyos.
- Ang mga himala na ginawa ni Jesus ay mga palatandaan na nagpatunay na siya ang tunay na Mesias.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ang "palatandaan" ay maaari ring isalin bilang "hudyat" o "simbolo" o "tatak" o "ebidensya" o "patunay" o "pagkumpas."
- May ilang mga wika na maaaring mayroong ibang salita para sa "palatandaan" na nagpapatunay ng isang bagay at ang "palatandaan" na iyon ay isang himala.
palayasin, palabasin
Ang "palayasin" o "palabasin" ang isang tao o isang bagay ay nangangahulugang pilitin ang taong iyon o ang isang bagay na umalis.
- Ang salitang "maghagis" ay katulad ng "magtapon". Ang maghagis ng lambat ay nangangahulugang magtapon ng lambat sa tubig.
- Sa matalinghagang kaisipan, ang "palayasin" o "itaboy" ang isang tao ay nangangahulugan na tanggihan ang taong iyan at itaboy siyang palayo.
Mga Mungkahing Pagsasalin:
- Maaaring sa iba pang paraan ang pagsalin nito ay "pilitin na palabasin" o "ipatapon" o "paalisin."
- Maaaring isinalin ang "magpalayas ng mga demonyo" na "palayasin na ang demonyo ay umalis" o "palayasin ang mga masamang espiritu" o "paalisin ang mga demonyo" o "utusan ang demonyo na lumabas."
pamalo, patpat
Ang salitang "pamalo" ay tumutukoy sa isang makitid at matigas na mukhang patpat na kagamitan na ginamit sa iba't ibang paraan. Maaaring isang metro ang haba nito.
- Ang isang kahoy na pamalo ay ginamit ng isang pastol upang ipagtanggol ang mga tupa mula sa ibang mga hayop. Ito rin ay hinahagis sa isang gumagalang tupa upang ibalik ito sa kawan.
- Sa Awit 23, ginamit ni Haring David ang mga salitang, "pamalo" at "tungkod" bilang talinghaga upang tumukoy sa patnubay at disiplina ng Diyos sa kaniyang mga tao.
- Ang pamalo ng isang pastol ay ginamit upang magbilang ng mga tupa habang sila ay dumadaan sa ilalim nito. Ang matalinghagang pahayag na "dumadaan sa ilalim ng pamalo" ay nangangahulugang pumailalim sa kapangyarihan.
- Ang isa pang matalinghagang pahayag na "pamalong bakal" ay tumutukoy sa kaparusahan ng Diyos sa mga taong suwail laban sa kaniya at gumagawa ng mga masasamang bagay.
- Sa sinaunang panahon, ang mga panukat na patpat na gawa sa bakal, kahoy, o bato ay ginamit upang sukatin ang haba ng isang gusali o bagay.
- Sa Bibliya, ang isang kahoy na patpat ay tinutukoy din bilang isang kagamitan sa pagdidisiplina sa mga bata.
pamamahala
Ang salitang "pamamahala" ay tumutukoy sa kapangyarihan, kontrol, o kakayahang mamuno sa lahat ng tao, mga hayop, o lupain.
- Sinasabing si Jesu-Cristo ang namamahala sa buong mundo, bilang propeta, pari, at hari.
- Ang pamamahala ni Satanas ay natalo magpakailanman sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesu-Cristo sa krus.
- Sa paglikha ng Diyos sa mundo, sinabi niya na ang tao ang mamamahala sa lahat ng isda, mga ibon, at sa lahat ng mga nilalang sa daigdig.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang ibang mga kaparaanan upang isalin ang salitang ito ay maaaring kabilang ang "karapatan" o "kapangyarihan" o "kontrol."
- Ang mga salitang "namamahala sa lahat" ay maaaring isalin na, "pamunuan ang lahat" o "pangasiwaan."
pamilya
Ang pamilya na naayon sa Bibliya ay ang mga tao sa kumunidad na may ugnayan dahil sa pag-aasawa o pagkakamag-anak kasama ang tinatawag ngayon na "pinalawak" na pamilya.
- Ang pamilya ng Hebreo ay relihiyosong kumunidad na ipinapasa ang mga tradisyon sa pamamagitan ng pagsamba at mga tagubilin.
- Karaniwan na ang ama ang pangunahing may kapangyarihan sa pamilya.
- Maaaring kabilang din sa pamilya ang mga lingkod, mga babae, kahit ang mga estranghero.
- Ang ibang mga wika ay maaaring may mas malawak pang salita kagaya ng "angkan" o" sambahayan" na mas angkop sa mga konteksto kung saan higit pa sa mga magulang at mga anak ang tinutukoy.
pananampalataya
Sa pangkalahatan, ang salitang "pananampalataya " ay tumutukoy sa paniniwala, tiwala o pagtitiwala sa sinuman o sa isang bagay.
- Ang "pagkakaroon ng pananampalataya " sa sinuman ay ang maniwala na ang kaniyang mga sinasabi at ginagawa ay totoo at mapagkakatiwalaan.
- Ang "pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesus" ay nagangahulugang naniniwala ka sa lahat ng itinuturo ng Diyos tungkol kay Jesus. Ito ay bukod-tanging nangangahulugan na ang tao ay nagtitiwala kay Jesus at sa kaniyang pag-aalay upang sila ay linisin mula sa kanilang kasalanan at iligtas sila mula sa parusa na nararapat sa kanila dahil sa kanilang kasalanan.
- Ang tunay na pananampalataya o paniniwala kay Jesus ang dahilan upang ang tao ay makalikha ng mabuting espiritual na mga bunga o mga pag-uugali dahil ang Banal na Espiritu ang nabubuhay sa kaniya.
- Minsan ang "pananampalataya" ay pangkalahatang tumutukoy sa mga katuruan tungkol kay Jesus, gaya ng pahayag na, "mga katotohanan ng pananampalataya."
- Sa pahayag katulad ng "panatilihin ang pananampalataya " o "pabayaaan ang pananampalataya", ang salitang "pananampalataya" ay tumutukoy sa katayuan o kalagayan ng pagtitiwala sa lahat ng katuruan tungkol kay Jesus.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Sa ilang mga pahayag, ang "pananampalataya" ay maaaring isalin na "paniniwala"o "matibay na paniniwala" o "pagtitiwala."
- Para sa ilang mga wika ang mga salitang ito ay isasalin na gamit ang mga anyo ng pandiwa na "maniwala."
pangako
Ang pangako ay isang panunumpa na gawin ang isang tiyak na bagay. Kapag ang isang tao ay nangako ng isang bagay, ibig sabihin nito ay siya ay nangako na gagawin ang isang bagay.
- Nakatala sa Bibliya ang maraming mga pangako na ginawa ng Diyos para sa kaniyang mga tao.
- Ang mga pangako ay isang mahalagang bahagi ng pormal na mga kasundunan katulad ng mga tipan.
- Ang pangako ay madalas na sinasamahan ng isang panunumpa upang patunayan na ito ay magagawa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "pangako" ay maaaring isalin na "pakikipagtipan" o "katiyakan" o "kasigaraduhan."
- Ang "mangako na gawin ang isang bagay" ay maaaring isalin na "siguruhin sa isang tao na may gagawin kang isang bagay" o "nangakong gawin ang isang bagay."
pangako
ang mangako o gumawa ng isang pangako ay nangangahulugan ng pormal at mataimtim na pangako upang gawin ang isang bagay o ibigay ang isang bagay.
- Sa Lumang Tipan, ang mga pinuno ng Israel ay nangako na maging matapat kay Haring David.
- Ang salitang "pangako" ay tumutukoy din sa isang bagay na ibinigay bilang isang garantiya na ang isang utang ay mababayaran.
- Ang bagay na ibinigay bilang isang pangako ay maibabalik sa may-ari kung kailan ang pangako ay matupad.
pangalan
Sa Bibliya, ang salitang "pangalan" ay ginamit sa iba't ibang paraan ng paglalarawan.
Depende sa konteksto, ang "pangalan" ay maaring tumukoy sa katanyagan ng isang tao, gaya ng, "gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili."
- Ang salitang "pangalan" ay maaari ring tumukoy sa alaala ng isang bagay. Halimbawa, "tanggalin ang mga pangalan ng mga diyos-diyosan" ay nangangahulugang wasakin ang mga diyos-diyosan na iyon para sila ay hindi na maalala o sambahin.
- Ang pagsasabi "sa pangalan ng Diyos" ay nangangahulugan na magsalita ng mayroong kapangyarihan niya at kapahintulutan, o bilang kaniyang kinatawan.
- Ang "pangalan" ng isang tao ay maaaring tumukoy sa buong pagkatao, gaya ng "walang ibang pangalan sa silong ng langit kung saan tayo ay maligtas."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang kataga tulad ng, "kaniyang mabuting pangalan" ay maaring isalin bilang "kaniyang magandang katayuan."
- Gumagawa ng isang bagay "sa pangalan ng" ay maaring isalin bilang, "sa kapangyarihan ng" o "sa pahintulot ng" o "bilang kumakatawan sa" ng taong iyon.
- Ang pahayag na, "gumawa ng pangalan para sa ating sarili" ay maaring isalin na, "maging dahilan upang maraming tao ang makakakilala sa atin" o "ipaunawa natin sa mga tao na tayo ay mahalaga."
- Ang kawikaan na, "tawagin ang kaniyang pangalan" ay maaring isalin bilang, "pangalanan siya" o "ibigay mo sa kaniya ang pangalan na."
pangangalunya,
Ang salitang "pangangalunya" ay tumutukoy sa kasalanan kung saan ang may asawang tao ay nakipagsiping sa ibang tao na hindi niya asawa. Ang salitang "pangangalunya" ay naglalarawan sa ganitong uri ng ugali o ang tao na nakagawa nitong kasalanan.
- Ang salitang "nangangalunya" ay tumutukoy sa pangkalahatan sa kahit sinong tao na nakagawa ng pangangalunya.
- Minsan ang salitang "babaeng nangangalunya" ay ginagamit upang tukuyin na ang babae ang nakagawa ng pangangalunya.
- Ang pangangalunya ay sisira sa mga pangako na ginawa ng asawang lalaki at asawang babae sa isa't-isa sa kanliang kasunduan ng pag-aasawa.
- Inuutusan ng Diyos ang mga Israelita na hindi gagawa ng pangangalunya.
- Ang salitang "pangangalunya" ay karaniwang ginagamit sa talinghagang paraan na naglalarawan sa mga tao ng Israel bilang hindi tapat sa Diyos, lalo na nang sila'y nagsamba ng mga diyus-diyosan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Kung ang wika na isasalin ay wala ni isang salita na nangangahulugang "pangangalunya" ang salitang ito ay maaaring isalin sa mga salita tulad ng, "pagkakaroon ng sekswal na relasyon kasama ang ibang asawa" o "nakikipagtalik kasama ang ibang asawa."
- Ang ilang wika ay maaaring may paliguy-ligoy na paraan na sinasabi patungkol sa pangangalunya, tulad ng "natutulog sa ibang asawa" o "pagiging hindi tapat sa isang asawa."
pari, pagkapari
Sa Bibliya, ang pari ay ang isang tao na pinili upang maghandog ng mga alay sa Diyos sa ngalan ng mga tao ng Diyos. Ang "pagkapari" ay pangalan para sa tungkulin o kalagayan ng pagiging isang pari.
- Sa Lumang Tipan, pinili ng Diyos si Aaron at ang kaniyang mga angkan upang maging pari para sa mga tao ng Israel.
- Ang "pagkapari" ay may isang karapatan at isang katungkulan na maipasa mula sa ama hanggang sa anak sa lipi ng Levita.
- Ang Israelitang mga pari ay may katungkulan na ihandog ang mga alay ng mga tao sa Diyos, kasabay ng ibang mga katungkulan sa templo.
- Ang mga pari ay nag-aalay din ng palagiang mga panalangin sa Diyos sa ngalan ng kaniyang mga tao at gumanap ng ibang relihiyosong mga ritwal.
- Ang mga pari ay nagbibigkas ng pormal na mga pagpapala sa mga tao at nagturo sa kanila ng mga kautusan ng Diyos.
- Noong panahon ni Jesus, may iba't-ibang mga antas ng mga pari, kabilang ang punong pari at ang pinakapunong pari.
- Si Jesus ang ating "higit na dakilang pari" na namamagitan para sa atin sa presensya ng Diyos. Hinandog niya ang kaniyang sarili bilang pangwakas na alay para sa kasalanan. Nangangahulugan ito na ang mga alay na gawa ng mga taong pari ay kailanman ay hindi na kailangan.
- Sa Bagong Tipan, ang bawat mananampalataya na nakay Jesus ay tinawag na isang "pari" na maaaring makalapit direkta sa Diyos sa panalangin upang mamagitan para sa kaniyang sarili at sa ibang mga tao.
- Sa sinaunang panahon, mayroon ding mga paring pagano na naghandog ng mga alay sa mga diyos-diyosan katulad ni Baal.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto, ang salitang "pari" ay maaaring isalin bilang "taong nag-aalay" o "tagapamagitan ng Diyos" o "tagapamagitang ng alay" o "taong itinalaga ng Diyos upang kumatawan sa kaniya."
- Ang salitang "pari" ay naiiba dapat sa salin ng "tagapamagitan."
- Ang ibang salin ay maaaring piliin na palaging sabihin ang katulad ng "Israelitang pari" o "Judiong pari" o "pari ng Panginoon" o "pari ni Baal" upang linawin ito na ito ay hindi tumutukoy sa isang pangkasalukuyang uri ng pari.
- Ang salitang gamit sa pagsasalin sa "pari" ay dapat naiiba mula sa mga salitang "punong pari" at "pinakapunong pari" at "Levita" at "propeta."
pasanin
Ang pasanin ay isang mabigat na karga. Ito ay literal na tumutukoy sa isang pisikal na karga katulad ng dinadala ng isang hayop na panggawa. Ang salitang "pasanin" ay mayroon ding ilang talinghagang mga kahulugan:
- Tumutukoy ang pasanin sa isang mabigat na tungkulin o isang mahalagang responsibilidad na dapat gawin ng tao. Siya ay sinasabing "nagtitiis" o "nagdadala" ng isang "mabigat na pasanin".
- Ang isang malupit na pinuno ay maaaring maglagay ng mabigat na mga pasanin sa mga taong kaniyang pinamamahalaan, ang halimbawa nito ay sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na magbayad ng malaking halaga ng buwis.
- Ang taong ayaw maging pasanin sa iba ay hindi niya nais na maging dahilan ng anumang kaguluhan sa ibang tao.
- Ang pagkakasala ng taong may kasalanan ay isang pasanin sa kaniya.
- Ang "pasanin ng Panginoon" ay isang paraan ng paglalarawan na tumutukoy sa isang "mensahe na galing sa Diyos" na kailangang sabihin ng isang propeta sa bayan ng Diyos.
- Ang katawagang "pasanin" ay maaaring isinalin na "pananagutan" o "tungkulin" o "mabigat na karga" o "mensahe," depende sa konteksto.
pastol, pagpapastol
Ang isang pastol ay isang tao na nangangalaga ng tupa. Ang pandiwang "pagpapastol" ay nangangahulugang para magbantay o alagaan ang tupa.
- Ang mga pastol ay nagbabantay ng mga tupa, dinadala sila sa mga lugar na may maayos na pagkain at tubig. Ang mga pastol din ang nag-iingat sa tupa sa pagkaligaw at pinangangalagaan sila mula sa mababangis na mga hayop.
- Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ng patalinhaga sa Bibliya upang tukuyin ang pag-aalaga sa mga pangangailangang espiritual ng mga tao. Kasama rito ang pagtuturo sa kanila kung ano ang sinabi sa kanila ng Diyos sa Bibliya at pinapatnubayan sila sa paaran na dapat silang mamuhay.
- Sa Lumang Tipan, Ang Diyos ay tinatawag na "Pastol" ng kaniyang mga tao dahil pinamamahalaan niya ang lahat ng kanilang pangangailangan at pinangangalagaan sila. Siya rin ang nagdadala at nagpapatnubay sa kanila.
- Si Moises ay naging isang pastol para sa mga Israelita habang espirituwal niyang iningatan sila sa kanilang pagsamba kay Yahweh at pisikal silang dinala sa kanilang paglalakbay sa lupa ng Canaan.
- Sa Bagong Tipan, tinatawag ni Jesus ang kaniyang sarili na "mabuting pastol".
- Ganun rin sa Bagong Tipan, ang salitang "pastol" ay ginamit upang tumukoy sa isang tao na isang pinunong espirituwal sa ibang mga mananampalataya. Ang salitang "pastor" ay parehong salita gaya ng "pastol." Ang mga nakatatanda at tagapamahala ay tinatawag ding mga pastol.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Kapag ginamit ng literal, ang salitang ito ay maaaring isalin bilang, "tao na nangangalaga ng tupa" o "taga-bantay ng tupa" o "tagapangalaga ng tupa."
- Kapag ginamit bilang isang talinhaga, ibang mga pamamaraan para isalin ang salitang ito ay maaaring isama ang, "espiritwal na pastol" o "pinunong espiritwal" o "siyang katulad ng isang pastol" o "siyang nangangalaga sa kaniyang mga tao katulad ng isang pastol na nagaalaga sa kaniyang tupa" o "siyang nagpapatnubay sa kaniyang mga tao katulad ng isang pastol na nagpapatnubay sa kaniyang mga tupa" o "siyang nangangalaga ng tupa ng Diyos."
- Sa ibang konteksto, ang "pastol" ay maaring isalin bilang "pinuno" o "patnubay"o "tagapangalaga."
patotoo, magpatotoo
Ang mga salitang "patotoo" at "magpatotoo" ay tumutukoy sa paggawa ng isang pahayag tungkol sa isang bagay na alam niyang totoo.
- Madalas ang isang tao ay "nagpapatotoo" tungkol sa isang bagay na mismong naranasan niya ng tuwiran.
- Ang isang saksi na nagbibigay ng "maling patotoo" ay hindi nagsasabi ng katotohanan tungkol sa nangyari.
- Minsan ang salitang "patotoo" ay tumutukoy sa isang propesiya na ipinahayag ng isang propeta.
- Sa Bagong Tipan, ang salitang ito ay madalas ginamit upang tumukoy kung paano nagpatotoo ang mga tagasunod ni Jesus tungkol sa mga kaganapan sa buhay ni Jesus, maging kamatayan, at pagkabuhay na muli.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "magpatotoo" o "magbigay ng patotoo" ay maaari rin isinalin na "sabihin ang mga katotothanan" o "sabihin kung ano ang nakita o narinig" o "sabihin mula sa pansariling karanasan" o "magbigay ng katunayan" o "sabihin ano ang nangyari."
- Ang mga paraan sa pagsalin ng "patotoo" ay maaaring isama ang, "ulat kung ano ang nangyari" o "pahayag kung ano ang totoo" o "katunayan" o "kung ano ang sinabi" o "propesiya."
- Ang katagang, "bilang isang patotoo sa harapan nila" ay maaaring isinalin bilang, "upang ipakita sa kanila kung ano ang totoo" o "upang patunayan sa kanila kung ano ang totoo."
- Ang katagang, "bilang isang patotoo laban sa kanila" ay maaaring isinalin na "na magpapakita sa kanila ng kanilang kasalanan" o "ilalantad ang kanilang paimbabaw" o "na magpapatunay sila ay mali."
- Ang "magbigay ng maling patotoo" ay maaaring isinalin na "sabihin ang hindi totoong mga bagay tungkol" o "ilahad ang mga bagay na hindi totoo."
patyo, hukuman
Ang mga salitang "patyo" at "hukuman" ay tumutukoy sa isang nabakurang lugar na walang bubong at napapalibutan ng mga pader.
- Tumutukoy din ang salitang "hukuman" sa isang lugar kung saan nagpapasya ang mga hukom tungkol sa mga legal na usapin at usaping pangkriminal.
- Napapalibutan ng isang patyo ang tabernakulo kung saan nababakuran ng mga pader na gawa sa makapal na mga telang kurtina.
- May tatlong panloob na mga patyo ang malaking templo: isa para sa mga pari, isa para sa mga lalaking Judio, at isa para sa mga babaeng Judio.
- Napapalibutan ng isang mababang pader na bato ang panloob na mga patyong ito na naghihiwalay sa kanila mula sa panlabas na patyo kung saan pinapayagan ang mga Gentil na sumamba.
- Ang patyo ng isang bahay ay isang na lugar na walang bubong sa gitna ng bahay .
- Ang "hukuman ng hari" ay maaaring tumutukoy sa kaniyang palasyo o sa isang lugar sa kaniyang palasyo kung saan ginagawa niya ang mga paghahatol.
- Ang mga salitang "hukuman ni Yahweh" ay isang matalinghagang pagtukoy sa lugar kung saan nananahan si Yahweh o ang lugar kung saan pumupunta ang mga tao upang sumamba kay Yahweh.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaaring isalin ang salitang "patyo" na "lugar na may bakod" o "nabakurang lupain" o "paligid ng templo" o "napapalibutang templo."
- Misan kailangang isalin ang salitang "templo" na "mga patyo ng templo" o "malaking templo" upang malinaw na patyo ang mga tinutukoy, hindi ang gusali ng templo.
- Ang pahayag na, "mga hukuman ni Yahweh" ay maaaring isalin na, "lugar kung saan nananahan si Yahweh" o "lugar kung saan sinasamba si Yahweh."
- Maaari ring gamitin ang salitang ginamit para sa isang hukuman ng hari upang tukuyin ang hukuman ni Yahweh.
pinabayaan, pagpapabaya
Tumutukoy ang mga salitang "pinabayaan" at "pagpapabaya" sa pagsisira ng isang tinitirhang rehiyon upang hindi ito matirhan.
- Kapag tumutukoy sa isang tao, naglalarawan ang salitang "pinabayaan" sa isang kalagayan ng pagkawasak, kalungkutan at kapighatian.
- Ang salitang "pagpapabaya" ay isang estado o kalagayan ng pagiging napabayaan.
- Kapag ang isang bukid na kung saan ang mga pananim na tumutubo ay napabayaan, nangangahulugan ito na may sumira sa mga pananim, gaya ng mga insekto o ang nanghihimasok na hukbo.
- Tumutukoy ang isang "pinabayaang rehiyon" sa isang lugar ng lupa na kung saan iilang tao ang nabubuhay dahil iilang mga pananim o ibang mga halaman ang tumutubo doon.
- Madalas ang isang "pinabayaang lupa" o "ilang" ay kung saan nakatira ang mga palaboy (gaya ng mga ketongin) at mapanganib na mga hayop.
- Kung ang isang lungsod ay "napabayaan" nangangahulugan ito na sinira ang mga gusali at ninakaw mga kalakal nito at pinatay o binihag ang mga tao nito. Naging "walang laman" at "nawasak" ang isang lungsod. Kagaya ito ng kahulugang "ganap na pagkasira" o "ganap na sinira," ngunit higit na dinidiinan ang kawalan ng laman.
- Depende sa konteksto, maaaring isalin ang katawagang ito na "nawasak" o "nasira" o "naaksaya" o "malungkot at palaboy" o "disyerto."
pinili, mga taong pinili, Hinirang, ang pinili
Ang salitang, "ang pinili" ay literal na nangangahulugang "mga pinili" o "mga taong pinili" at tumutukoy sa mga itinalaga ng Diyos o pinili upang maging mga tao niya. Ang "Hinirang" o "Hinirang ng Diyos" ay katawagang tumutukoy kay Jesus na siyang piniling Mesiyas.
- Pumili ang Diyos ng mga tao upang maging banal, upang ilaan niya para sa layunin na taglayin ang mabuting bungang espirituwal. Kaya tinawag silang
"(mga) pinili" o "ang pinili."
* Ang mga salitang "taong pinili" ay minsang ginagamit sa Bibliya upang tukuyin ang tiyak na mga tao gaya nina Moises at Haring David na itinalaga ng Diyos bilang mga pinuno na mamamahala sa kaniyang mga tao. Ginamit din ito upang tukuyin ang bayan ng Israel bilang pinili ng Diyos.
* Ang pariralang "the elect" sa English ay mas lumang katawagan na literal na nangangahulugang "ang (mga) pinili" o "ang (mga) taong pinili." Kapag ginamit sa isang parirala gaya ng "the elect lady" nangangahulugan lamang ito na "piniling babae."
* Sa mas lumang bersyon ng Bibliyang Ingles, ang salitang "elect" ay parehong ginamit sa Luma at Bagong Tipan upang isalin ang salita na "(mga) pinili." Mas maraming mga modernong bersyon ang gumagamit lamang ng "pinili" sa bagong Tipan upang tukuyin ang mga taong iniligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Sa iba pang mga teksto sa Bibliya, isinalin nila ang salitang ito nang mas literal bilang "mga pinili."
Mga mungkahi sa pagsasalin:
- Ang salitang "pinili" o "mga pinili/mga taong pinili" ay maaari ring isalin na "mga taong pinili ng Diyos" o "mga itinalaga ng Diyos upang maging mga tao niya."
- Kung maaari, pinakamainam na literal na isalin ang salitang ito bilang "mga pinili" o "mga taong pinili."
- Sa pagtukoy kay Jesus, ang "Hinirang" ay maaari ring isalin na, "Pinili ng Diyos" o "Bukod-tanging itinalaga ng Diyos na Mesiyas" o "ang itinalaga ng Diyos.
pinuno
Ang salitang "pinuno" ay tumutukoy sa pinakamakapangyarihan o pinakamahalagang pinuno ng isang natatanging pangkat.
- Kabilang sa mga halimbawa nito ang, "pinunong manunugtog," "punong pari," at "pinunong maniningil ng buwis," at "pinunong namamahala."
- Maaari rin itong gamitin para sa nakatataas sa isang pamilya, gaya sa Genesis 36 kung saan may mga kalalakihang pinangalanan bilang "mga pinuno" ng mga angkan ng kanilang pamilya. Maaari rin itong isalin na "mga lider" o "mga nakatataas".
- Kapag ginamit upang ilarawan ang pangngalan, ang salitang ito ay maaaring isalin na "nangunguna" o "namumuno," gaya ng "mga namumunong manunugtog" o "mga namumunong pari."
pir
Ang salitang "pir " ay tumutukoy sa uri ng kahoy na may dahon na parang karayom na nanatiling berde sa buong taon at may mga kono na naglalaman na mga butil.
- Ang puno ng pir ay tumutukoy sa "palaging berde" na mga kahoy.
- Noong unang panahon, ang kahoy ng punong pir ay ginamit upang gumawa ng instrumento sa pagtugtog at para sa pagtatayo ng mga bangka, bahay at templo.
- Ang ilang halimbawa ng mga puno ng pir na binanggit sa Bibliya ay ang mga puno ng pino, sedar, saypres, at dyuniper.
pista
Ang pista ay isang pangyayari kung saan ang pangkat ng mga tao ay nakibahagi sa iisang malaking kainan, kadalasan ay upang ipagdiwang ang isang bagay nang sama-sama. Ang "magdiwang" ay nangangahulugan na kumain ng maraming pagkain, na kadalasan ay mga espesyal na pagkain.
- Ang panrelihiyong pagdiriwang na iniutos ng Diyos sa mga Judio na madalas ipagdiwang ay kabilang ang pagkakaroon ng salu-salo na sama-sama. Sa kadahilanang ito ang pagdiriwang ay kadalasang tinatawag na "mga pista."
- Ang mga hari at iba pang mayayaman at makapangyarihang mga tao ay kadalasang nagdiriwang ng malaking handaan.
- Sa kuwento tungkol sa nawawalang anak, ang ama ay may inihandang natatanging handaan upang ipagdiwang ang pagbabalik ng kaniyang anak.
- Ang pista ay tumatagal ng ilang mga araw o higit pa.
propeta, propesiya, pagsasabi ng propesiya, manghuhula, babaeng propeta
Ang "propeta" ay isang lalaki na nagsasalita ng mga mensahe ng Diyos sa mga tao. Ang babae na gumagawa nito ay tinatawag na isang "babaeng propeta."
- Ang lumang salita para sa isang propeta ay "manghuhula" o "isang taong nakakakita."
- Subalit, kadalasan ang salitang "manghuhula" ay tumutukoy sa isang albolaryo o ibang bulaang propeta.
- Kadalasan ang mga propeta ay nagbabala sa mga tao na tumalikod mula sa kanilang mga kasalanan at sumunod sa Diyos.
- Ang "propesiya" ay ang mensahe na sinasabi ng mga propeta. Ang "pagsasabi ng propesiya" ay ang pagsasalita ng mga mensahe ng Diyos.
- Kadalasan ang mensahe ng isang propesiya ay patungkol sa isang bagay na mangyayari sa hinaharap.
- Maraming mga propesiya sa Lumang Tipan ay natupad na.
- Ang "bulaang propeta" ay isang taong inaangkin ang pagsasalita ng mga mensahe mula sa bulaang diyos, tulad ni Baal, o ang tao na pasinungalingang inaangkin na ang mga mensahe niya ay mula sa Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang salitang "propeta" ay maaaring isalin bilang "tagapagsalita ng Diyos" o "ang taong nagsasalita para sa Diyos" o "ang taong nagsasalita ng mga mensahe ng Diyos"
- Sa mga paraan upang isalin ang "pagsabi ng propesiya" maaaring kasama ang "magsabi ng salita mula sa Diyos" o "magsalita ng mga mensahe ng Diyos tungkol sa hinaharap na mga mangyayari."
- Depende sa konteksto, ang salitang "propesiya" ay maaaring isalin na "magsalita ng mga wika mula sa Diyos" o "magsabi ng mensahe ng Diyos tungkol sa mga kaganapan sa hinaharap.
- Ang salitang "babaeng propeta" ay maaaring isalin bilang "babaeng tagapagsalita para sa Diyos" o "ang babaeng nagsasalita para sa Diyos" o "ang babaeng nagsasalita ng mga mensahe ng Diyos."
puksa, napupuksa, maaaring mapuksa
Ang salitang "puksa" ay nangangahulugang mamatay o mawasak, na madalas bunga ng karahasan o ibang kapahamakan. Sa Bibliya, ito ay higit na nangangahulugan ng pagpaparusa ng walang hanggan sa impiyerno.
- Ang mga tao na "mapupuksa" ay ang mga nakatadhana na para sa impiyerno dahil tumanggi sila na manampalataya kay Jesus para sa kanilang kaligtasan.
- Ang Juan 3:16 ay nagtuturo na ang "puksa" ay nangangahulagang hindi mamumuhay ng walang hanggan sa langit.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin
- Depende sa onteksto, maaaring isalin ang salita na ito na "mamatay ng walang hanggan" o "maparusahan sa impiyerno" o "mapipinsala."
- Tiyakin na ang pagsalin ng "puksa" ay maaaring mangahulugan na mabuhay ng walang hanggan sa impiyerno at hindi lamang ito nangangahulugan na "tumigil na mabuhay."
pulot, pulot-pukyutan
Ang pulot ay matamis, malagkit, at nakakaing sangkap na gawa ng mga bubuyog na galing sa nektar ng bulaklak. Ang pulot-pukyutan ay kung saan nag-iimbak ng pulot ang mga bubuyog.
- Depende sa uri, ang pulot ay maaaring madilaw o kayumangi ang kulay.
-
Ginagamit minsan ang pulot sa paghahalintulad upang ilarawan ang isang bagay na matamis at labis na kaaya-aya. Ang isang bagay ay sinasabing pulot o inilalarawan na ang pagiging matamis "tulad ng pulot"
-
Maaaring matagpuan ang pulot sa mga masukal na gubat, tulad ng butas ng isang puno, o kung saan gumagawa ng pugad ang mga bubuyog. Nagpaparami rin ang mga tao ng bubuyog sa mga pukyutan upang dito kumuha ng pulot para kainin at ibenta, ngunit ang pulot na nabanggit sa Bibilya ay ang ligaw na pulot.
- Upang manumbalik ang lakas para sa pakikipaglaban sa isang labanan, ang anak ni Saul na si Jonatan ay kumain ng ligaw na pulot na nakita niya sa kagubatan.
- Nakakita minsan si Samson ng pulot sa loob ng katawan ng isang patay na leon.
- Kumakain si Juan na Tagapagbautismo ng mga balang at ligaw na pulot habang siya ay nakatira sa disyerto.
puso
Sa Bibliya, ang salitang "puso" ay kadalasang ginagamit ng patalinhaga upang tukuyin ang mga pag-iisip ng mga tao, mga damdamin, mga pagnanais, o kalooban.
- Ang magkaroon ng "matigas na puso" ay isang pangkaraniwang kasabihan na nangangahulugan na ang isang tao ay may matigas na ulo na tumatangging sumunod sa Diyos.
- Ang mga kasabihang "buong puso ko" o "kasama ng aking buong puso" ay nangangahulugan na gumawa ng isang bagay na walang pagtitimpi, nang may buong pangako at kagustuhan.
- Ang idyomang, "isapuso" ay nangangahulugang ng seryosong pagtrato sa isang bagay at gamitin ito.
- Ang salitang "basag na puso " ay naglalarawan ng isang tao na napaka-lungkot. Sila ay labis na nasaktan ang kanilang mga damdamin.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang ilang mga wika ay gumagamit ng ibat-ibang bahagi ng katawan gaya ng "sikmura" o 'atay" upang tukuyin ang mga kaisipang ito.
- Ang ibang mga wika ay maaaring gumamit ng isang salita upang ipahayag ang ilan sa mga konsepto at isa pang salita upang ipahayag ang iba.
- Kung ang "puso" o ibang bahagi ng katawan ay walang ganitong kahulugan, ang ilang mga wika ay maaaring diretsahan at hindi naglalarawan at sabihin ang "kaisipan" o "mga damdamin" o "saloobin" sa halip na gumagamit ng patalinghagang pananalita.
- Depende sa konteksto, " buong puso ko" o " nang aking buong puso" ay maaaring isalin ng "nang aking buong lakas " o " nang may buong dedikasyon" o " kumpleto".
- Ang mga salitang "isapuso" maaaring isalin bilang "seryosong pakikitungo" o "maingat itong pinagiisipan"
- Ang idiyomang "matigas ang puso" ay maaari rin isalin na "matigas na pagrerebelde " o " tumatangging sumunod" o "patuloy na sumusuway sa Diyos."
- Ang mga pamamaraan ng pagsasalin ng "pusong nasaktan" ay maaaring "napaka-lungkot" o "labis na nasaktan."
sa taas, sa kataas-taasan
Ang mga salitang "sa taas" at "sa kataas-taasan" ay mga kawikaan na ang kahulugan ay "sa langit."
- Isa pang kahulugan para sa kawikaang "sa kataas-taasan" ay maaaring "pinaka-pinararangalan."
- Ang katagang "sa itaas" ay maaari ring tumukoy sa pagiging mataas sa kaulapan, gaya ng pugad ng ibon na nasa itaas. Sa nilalaman nito maaari itong isalin bilang, "sa taas sa may kaulapan" o "sa tuktok ng isang mataas na puno."
- Ang salitang "mataas" ay maaari rin na nagpapahiwatig ng isang mataas na lugar o kahalagahan ng isang tao o bagay.
-* Ang katagang "mula sa itaas" ay maaaring isalin bilang "mula sa langit."
saksi, testigo
Ang salitang "saksi" ay tumutukoy sa isang taong nakaranas mismo ng isang bagay na nangyari. Kadalasan ang isang saksi rin ang siyang nagpapatotoo tungkol sa kung ano ang totoo. Ang salitang "testigo" ang nagbibigay diin na ang tao ay totoong naroon at nakita kung ano ang nangyari.
- Ang "makasaksi" ay nangangahulugan na nakita ang pangyayari.
- Sa isang paglilitis, ang isang saksi ay "nagbibigay saksi" o "sumasaksi." Ito ay may kaparehong kahulugan ng "magpatotoo."
- Ang mga saksi ay inaasahang magsabi ng katotohanan tungkol sa kanilang nakita o narinig.
- Ang saksi na hindi nagsasabi ng katotohanan tungkol sa nangyari ay tinatawag na isang "hindi tapat na saksi." Siya ay nagsabing "nagbibigay ng hindi tapat na pagsasaksi" o "maling pagsasaksi."
- Ang pagpapahayag na "maging isang saksi sa pagitan ng" ay nangangahulugan na ang isang bagay o isang tao ay magiging isang katibayan na ang isang kasunduan ay nagawa. Sisiguraduhin ng saksi na ang bawat tao na gumawa ng kasunduan ay gagawin nila kung ano ang kanilang ipinangakong gagawin.
Mga Mamungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "saksi" o "testigo" ay maaaring maisalin sa isang salita o kataga na nangangahulugan na, "taong nakakakita-nito" o "ang nakakita sa nangyari" o "silang nakakita o nakarinig."
salinlahi
Ang salinlahi ay isang grupo ng mga tao na ipinanganak at namuhay sa parehong panahon.
- Ang salinlahi ay karaniwang grupo ng mga tao mula sa magulang hanggang sa mga anak.
- Sa Bibliya, ang isang salinlahi ay karaniwang kinikilala na 40 taong katagal.
salita
Ang isang "salita" ay tumutukoy sa anumang bagay na sinabi ng isang tao.
- Isang halimbawa nito ay nang sinabi ng anghel kay Zacharias, "Hindi ka naniniwala sa mga salita ko," na ang ibig sabihin ay, "hindi ka naniniwala sa sinabi ko."
- Ang salitang ito ay halos laging tumutukoy sa isang buong mensahe, na hindi lang isang salita.
- Malimit sa Bibliya "ang salita" ay tumutukoy sa lahat ng bagay na sinabi ng Diyos o inutos, tulad sa "Ang salita ng Diyos" o "Ang salita ng katotohanan."
- Minsan ang "salita" ay tumutukoy sa pananalita sa pangkalahatan, katulad ng "makapangyarihan sa salita at sa gawa" na ngangahulugang na "makapangyarihan sa pananalita at asal."
- Ang isang pinaka-natatanging gamit ng salitang ito ay nang si Jesus ay tinawag na "Ang Salita."
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Kabilang sa iba't ibang pamamaraan ng pagsasalin ng "salita" o "mga salita" ang "pagtuturo" o "mensahe" o "balita" o "isang kasabihan" o "ano ang sinabi."
- Kapag tinutukoy ito kay Jesus bilang "ang Salita," ang salitang ito ay maaaring isalin bilang "ang Mensahe" o "ang Kasabihan."
sambahayan
Ang salitang "sambahayan" ay tumutukoy sa lahat ng mga tao na naninirahan ng samasama sa isang bahay, kasama ang mga kasapi ng pamilya at ang mga lingkod na maaaring mayroon sila.
- Kung ang isang tao ay namamahala ng isang sambahayan, kasama dito ang pangangasiwa ng mga alipin na nag-iingat sa ari-arian.
- Minsan ang "sambahayan" ay tumutukoy sa matalinhagang kabuuan ng pamilya, ng isang tao, kasama ang mga ninuno at mga inapo.
sandalyas, sinelas
Ang sandalyas ay isang simpleng sapatos na nakasuot sa paa na may panali sa ibabaw ng paa o bukung-bukong; sinusuot ito ng parehong lalaki at babae.
- Ang sandalyas ay kadalasang ginagamit para patunayan ang isang legal na unawaan, kagaya ng pagbebenta ng ari-arian (Ruth 4:7) sa pamamagitan ng pagtatanggal ng isang tao ng kaniyang sandalyas at pagbigay nito sa iba.
- Ang pagtanggal ng sariling sapatos o sandalyas ay isang tanda ng paggalang at pagsamba, lalo na sa presensiya ng Diyos.
- Sinabi ni Juan na siya ay hindi karapat-dapat maging sa pagtanggal ng tali ng sandalyas ni Jesus, bagay na trabaho ng isang mababang tagapaglingkod o alipin.
senturion
Ang senturion ay isang pinunong kawal ng Romano na mayroong isang pangkat ng isandaang mga sundalo sa ilalim ng kaniyang pamunuan.
- Maaari din itong isalin na "pinuno ng isandaang mga lalaki" o " kawal na pinuno" o "pinuno na nangangalaga ng isangdaan sundalo."
- Isang Romanong senturion ang pumunta kay Jesus upang hilingin ang kagalingan para sa kaniyang lingkod.
- Ang senturion na may pananagutan sa pagpapapako kay Jesus ay namangha nang kaniyang nasaksihan kung paano namatay si Jesus.
- Nagpadala ng isang senturion ang Diyos kay Pedro upang maipaliwanag ni Pedro sa kaniya ang mabuting balita tungkol kay Jesus.
sinagoga
Ang sinagoga ay isang gusali kung saan nagkakatipon ang mga Judio upang sumamba sa Diyos. Buhat noong sinaunang panahon, ang mga gawain sa sinagoga ay kalakip ang panahon ng pananalangin, pagbabasa ng mga kasulatan, at pagtuturo tungkol sa kasulatan.
- Ang mga Judio ay nagtayo ng mga sinagoga sapagkat marami sa kanila ay nakatira sa malayo mula sa templo sa Jerusalem at hindi sila malimit na makapunta doon.
- Malimit magturo si Jesus sa mga sinagoga.
- Ang salitang "sinagoga" ay maaari ding tumukoy sa kalipunan ng mga taong nagpupulong doon.
sinapian ng demonyo
Ang taong sinapian ng demonyo ay may demonyo o masamang espiritu na pumipigil sa ginagawa at iniisip niya.
- Madalas sinasaktan ng taong sinapian ng demonyo ang kaniyang sarili o ang ibang tao dahil sa demonyo na nagpapagawa sa kaniya nito.
- Pinagaling ni Jesus ang mga sinapian ng demonyo sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga demonyo na lumabas sa kanila. Madalas itong tawagin na "pagpapalayas" ng mga demonyo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang mga ibang paraan sa pagsalin sa katawagang ito ay maaaring isama ang, "kontrolado ng demonyo" o "kontrolado ng masamang espiritu" o "may naninirahan na masamang espiritu sa loob."
sumunod, masunurin, pagsunod
Ang salita na "sumunod" ay nangangahulugan na gawin ang sinasabi o inuutos ng nasa kapangyarihan nila. Ang salita na "masunurin" ay naglalarawan ng katangian ng isang tao na sumunod.
- Ang mga tao ay sumusunod din sa batas na ginawa ng mga pinuno ng bansa, estado o samahan.
- Ang mga bata ay sumusunod sa kanilang mga magulang, ang mga alipin ay sumusunod sa kanilang amo, ang mga tao ay sumusunod sa Diyos, at ang mga mamamayan ay sumusunod sa batas ng kanilang bansa.
- Kapag ang batas o isang tao na nasa kapangyarihan ay nag-utos sa mga tao na huwag gumawa ng anuman, sila ay sumusunod na hindi gawin iyon.
- Ang mga paraan para isalin ang mga salita na ito ay maaring magsama ng salita o kataga na tumutukoy sa, "gawin ang inutos" o "sumusunod sa kautusan" o "ginagawa ang sinabi ng Diyos na gagawin."
tagapagmana
Ang isang tagapagmana ay isang taong legal na tumanggap ng ari-arian o pera na pag mamayari ng isang taong namatay na.
- Sa panahon ng Bibliya, ang pangunahing tagapagmana ay ang panganay na anak na lalaki, na karaniwang nakakatanggap ng karamihan sa pag-aari at pera ng kaniyang ama.
- Ginagamit din ng Bibliya ang "tagapagmana" sa matalinghagang paraan patungkol sa mga Kristiyano na tumatanggap ng espirituwal na pakinabang mula sa Diyos bilang kanilang espirituwal na ama.
- Bilang mga anak ng Diyos, ang mga Kristiyano ay sinasabi na kasamang-tagapagmana kay Jesu-Cristo.
takbo, tumatakbo
Ang "takbo" ay literal na nangangahulugan ng paggamit ng binti upang gumalaw ng mabilis, sa mas mabilis kaysa sa paglalakad.
takot, natatakot, takot kay Yahweh
Ang mga salitang "takot" at "natatakot" ay tumutukoy sa hindi nakasisiya na pakiramdam ng isang tao kapag may banta ng kapahamakan laban sa kaniya o sa iba.
- Ang salitang "takot" ay maaari din tumukoy sa paggalang at paghanga sa taong
may kapangyarihan.
* Ang mga salitang "takot kay Yahweh" (at kaugnay na mga salita, "takot sa Diyos" at "takot sa Panginoon") ay tumutukoy sa malalim na paggalang sa Diyos at pagpapakita ng paggalang na iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniya. Ang takot na ito ay napapalakas dahil sa pagkilala na ang Dios ay banal at namumuhi sa kasalanan.
* Itinuturo ng Biblia na ang taong may takot kay Yahweh ay magiging matalino.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang "matakot" ay maaaring isalin na "taos-pusong paggalang" o "igalang" o "humahanga sa."
- Ang salitang "natatakot" ay maaaring isalin na "nasindak."
- Ang pangungusap na, "Ang takot sa Diyos ay naramdaman nilang lahat" ay maaaring isalin na "Bigla silang nakadama ng labis na paghanga at paggalang sa Diyos" o "Kaagad silang nakaramdam ng paghanga at paggalang sa Diyos" o "Sa oras ding iyon, nakaramdam silang lahat ng matinding takot sa Diyos."
talinghaga
Ang isang talinghaga ay isang maikling kuwento na naglalarawan ng isang moral o pangrelihiyong aralin.
- Gumamit si Jesus ng mga talinghaga para turuan ang kaniyang mga alagad.
tambo, mga tambo
Ang salitang "tambo" ay tumutukoy sa halaman na may mahabang tangkay na lumalaki sa tubig, kadalasan sa may tabi ng ilog o batis.
- Ang mga tambo sa Ilog ng Nilo kung saan itinago ang sanggol na si Moises ay tinatawag ding "mga papiro". Sila ay matataas, walang laman ang mga tangkay na tumutubo ng makakapal na kumpol sa mga ilog.
- Itong mga mahihiblang mga halaman ay ginamit ng sinaunang Egipto para sa paggawa ng papel, mga basket, at mga bangka.
- Ang tangkay ng halamang tambo ay nababaluktot at madaling mabaluktot ng hangin.
tanggapin
Ang salitang "tanggapin"' ay karaniwang nangangahulugan na tanggapin ang isang bagay na binigay, hinandog, o ipinagkaloob.
- Ang "pagtanggap" ay maaari ring mangahulugang magdusa o dumanas ng isang bagay, na tulad ng "nakatanggap siya ng kaparusahan dahil sa kaniyang ginawa."
- Mayroon ding isang natatanging kaisipan kung saan maaari nating "tanggapin" ang isang tao. Halimbawa, ang "pagtanggap" ng mga panauhin o mga bisita ay nangangahulugang tanggapin sila ng malugod at pakitunguhan sila nang may karangalan upang bumuo ng isang pakikipag-ugnayan sa kanila.
- Ang "pagtanggap ng kaloob ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugang tanggapin natin ang Banal na Espiritu sa ating buhay, at hayaan siyang kumilos sa atin at sa pamamagitan natin.
- Ang "pagtanggap kay Jesus" ay nangangahulugang tanggapin ang handog na kaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang "pagtanggap" ay maaaring isalin bilang "tanggapin" o "malugod na tanggapin" o "maranasan" o "mabigyan"
- Ang kasabihang, "kayo ay makatatanggap ng kapangyarihan" ay maaaring isalin na, "kayo ay mabibigyan ng kapangyarihan" o "bibigyan kayo ng kapangyarihan ng Diyos" o "ibibigay sa inyo ang kapangyarihan"
tanggihan
Ang "tanggihan" ang isang tao o isang bagay ay nangangahulugang tumanggi na tanggapin ang tao o bagay na iyon. Ang tanggihan ang Diyos ay nangangahulugan na tumangging sundin siya.
- Ang salitang "tanggihan" ay maaari ring mangahulugang "tumangging maniwala sa" isang bagay.
- Nang tanggihan ng mga Israelita ang pamumuno ni Moises, ang talagang tinatanggihan nila ay ang Diyos.
- Ang pagsamba sa mga diyus-diyosan ay isang matinding paraan ng pagpapakita ng mga Israelita na tinatanggihan nila ang Diyos.
- Ang salitang "itulak palayo" ay ang literal na kahulugan ng salitang Griyego na ito. Ang ibang mga wika ay maaaring may parehong kawikaan na nangangahulugan ng tanggihan o tumangging maniwala sa isang tao o sa isang bagay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang salitang "tanggihan" ay maaari ring isalin na, "hindi tanggapin" o "tigilan ang pagtulong" o "tumangging sumunod" o "tumigil sa pagsunod."
- Ang "bato na tinanggihan ng mga nagtayo" ay maaaring isalin na, "ang bato na tinanggihan nilang gamitin" o "ang bato na tinaggihan nilang tanggapin."
- Sa konteksto na tinatanggihan ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos, maaari itong isalin na "tinanggihang sundin" ang kaniyang mga utos o "nagmatigas na piliin na hindi tanggapin" ang mga kautusan ng Diyos.
tanso
Ang salitang "tanso" ay tumutukoy sa isang uri ng metal na gawa mula sa natutunaw na pinagsamang mga metal, tanso at lata. Ito ay may kulay kape, bahagyang pula.
- Ang tanso ay hindi madaling magkaroon ng kaagnasan na sanhi ng tubig at ito ay mabuting daluyan ng init.
- Sa sinaunang panahon, ang tanso ay ginagamit sa paggawa ng mga kagamitan, sandata, gawa sa sining, mga altar, kaldero, at baluti ng mga kawal at sa ibang bagay.
- Maraming mga kagamitan ng gusali para sa tabernakulo at templo ay gawa sa tanso.
- Ang mga imahe ng mga diyus-diyosan ay kadalasang gawa sa tansong metal.
- Ang tansong mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtutunaw muna sa tansong metal at pagkatapos ibubuhos ito sa mga hulmahan. Ang paraang ito ay tinawag na "paghuhulma."
tapang, matapang, katapangan
Ang lahat ng mga salitang ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng tapang at pagtitiwala sa sarili upang sabihin ang katotohanan at gawin ang tamang bagay kahit na ito man ay mahirap o mapanganib.
- Ang isang "matapang" na tao ay hindi natatakot magsabi at gawin kung ano ang mabuti at tama, kalakip ang pagtatanggol sa mga taong inabuso. Maaari rin itong isalin na "malakas ang loob" o "walang takot."
- Sa Bagong Tipan, ang mga alagad ay nagpatuloy ipangaral ng may "tapang" ang tungkol kay Cristo sa mga pampublikong lugar, sa kabila ng panganib na mailagay sila sa bilangguan o patayin. Maaari itong isalin bilang "nagtitiwala" o "may lakas ng loob" o "malakas ang loob."
- Ang "katapangan" ng mga naunang alagad sa pagsasabi ng mabuting balita ni Cristo tungkol sa kaniyang kamatayan sa krus ay nagbunga ng ebanghelyo na kumalat sa buong Israel at mga kalapit na bansa at sa huli, sa iba pang bahagi sa mundo. Ang "katapangan" ay maaari din isalin bilang "katapangang may pagtitiwala "
tapang, matapang
Tumutukoy ang salitang "tapang" sa buong tapang na pagharap o paggawa ng isang bagay na mahirap, nakakatakot, o mapanganib.
- Ang salitang "matapang" ay naglalarawan sa isang taong nagpapakita ng katapangan, gumagawa ng tama kahit nakakaramdam ng takot o pagkagipit upang sumuko.
- Nagpapakita ng katapangan ang isang tao kapag humaharap siya sa emosyonal o pisikal na sakit nang mayroong lakas at tiyaga.
- Ang "magpakatapang" ay nagangahulugang "huwag matakot" o "maging sigurado na ang mga bagay ay magiging mabuti."
- Nang naghahanda si Josue upang pumunta sa mapanganib na lugar ng Canaan, pinayuhan siya ni Moises na maging "malakas at matapang."
- Ang salitang "matapang" ay maaari ring isalin na "magiting" o "hindi natatakot" o "malakas ang loob.".
- Depende sa konteksto, ang "magkaroon ng tapang" ay maaari ring isalin na, "maging malakas ang damdamin" o "magtiwala" o "tumayong matatag."
- Ang "magsalita ng may katapangan" maaaring isalin na, "buong tapang na magsalita" o "magsalita ng walang takot" o "magsalita ng may tiwala."
tapat, katapatan
Ang maging "tapat" sa Diyos ay nangangahulugan ng tuluy-tuloy na pamumuhay ayon sa mga katuruan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang maging tapat sa kaniya sa pamamamagitan ng pagsunod sa kaniya. Ang katayuan o kalagayan ng pagiging tapat ay "katapatan."
- Ang taong tapat ay palaging mapagkakatiwalaan at tinutupad ang kaniyang mga pangako at laging ginagawa ang kaniyang mga pananagutan sa ibang tao.
- Ang tapat na tao ay matiyaga sa paggawa ng gawain kahit na ito ay matagal at mahirap.
- Ang pagiging tapat sa Diyos ay ang patuloy na paggawa ng nais ng Diyos na gawin natin.
Mga Mungkahi ng Pagsasalin:
- Sa maraming mga pahayag, ang "tapat" ay maaring isalin na "dedikasyon" o "maaasahan."
- Sa ibang kaugnay na mga kahulugan, ang "tapat" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng salita o mga salita na ang kahulugan ay "patuloy na maniwala" o "matiyagang naniniwala at sumusunod sa Diyos."
- Kabilang sa mga paraan upang isalin ang "katapatan" ay maaaring "matiyagang naniniwala" o "katapatan" o "mapagkakatiwalaan" o "naniniwala at sumusunod sa Diyos."
tarangkahan, tarangka
Ang "tarangkahan" ay bakod na may bisagra na nasa bakod o pader na pumapalibot sa isang bahay o lungsod. Ang "tarangka" ay tumutukoy sa kahoy o bakal na maaaring galawin upang ikandado ang tarangkahan.
- Ang tarangkahan papasok ng lungsod ay maaaring buksan upang payagan ang mga tao, mga hayop at karga na pumasok at lumabas sa lungsod.
- Para protektahan ang lungsod, ang mga pader at mga tarangkahan nito ay makapal at matibay. Ang mga tarangkahan ay nakasarado at nakakandado gamit ang bakal o kahoy upang mapigilan ang mga kaaway na sundalo na pumasok sa lungsod.
- Dahil ang mga pader ng lungsod ay napakakapal at may mga pasukan na nagbibigay ng malamig na lilim mula sa mainit na araw, ang mga tarangkahan papasok ng lungsod ay lugar kung saan madalas na nagtitipon ang mga tao upang magbahagi ng mga balita, pagnenegosyo, o humatol ng legal na kaso.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang ibang paraan upang isalin ang "tarangkahan" ay maaaring, "pinto" o "bukana ng pader" o "bakod" o "pasukan."
- Ang mga salitang, "mga tarangka" ay maaaring isalin na "kandado" o "kahoy na tarangka" o "metal na tarangka."
tawag, pagkatawag, tinawag, tumawag
Ang mga salitang "tawag" at "tinawag" ay literal na nangangahulugang may malakas na sasabihin sa isang tao sa hindi kalayuan. "Mayroon ding ilang mga matalinghagang kahulugan ito.
- Ang "tumawag" sa isang tao ay nangangahulugang sumigaw o magsalita ng malakas sa taong malayo. Maaari din itong mangahulugan na humiling sa isang tao ng tulong, lalo na sa Diyos.
- Madalas sa Bibliya, ang "tawag" ay may kahulugan na "ipatawag" o "utusan na lumapit" o "pakiusapang lumapit."
- Tumatawag ang Diyos ng mga tao na lumapit sa kaniya at maging kaniyang mga tao. Ito ang kanilang "pagkatawag".
- Ang salitang "tinawag" ay ginamit sa Bibliya upang ipakahulugan na nagtalaga ang Diyos o pumili ng mga tao upang maging kaniyang mga anak, upang maging kaniyang mga lingkod at mga tagapagpahayag ng kaniyang mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus.
- Ang salitang ito ay ginamit din sa konteksto ng pagtawag sa pangalan ng isang tao. Halimbawa, "Siya ay tinawag na Juan," na nangangahulugang, "Siya ay pinangalanang Juan" o "Ang kaniyang pangalan ay Juan."
- Ang "tawagin sa pangalan ni" ay nangangahulugan na ang isang tao ay binigyan ng pangalan ng ibang tao. Sinabi ng Diyos na tinawag niya ang kaniyang mga tao sa kanilang pangalan.
- Ang mgasalita na, "Tinawag ko kayo sa pangalan" ay nangangahulugan na alam ng Diyos ang pangalan ng isang tao at may tiyak na pagpili sa kaniya.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Ang salitang "tawag" ay maaaring isalin sa pamamagitan ng salita na nangangahulugang "ipinatawag," kung saan kabilang dito ang kaisipan ng pagsadya o layunin ng pagkatawag.
- Ang talinghagang "tumawag sa iyo" ay maaaring isalin bilang "humingi sa iyo ng tulong" o "manalangin sa iyo ng matimtiman."
- Kapag sinabi ng Bibliya na "tinawag" tayo ng Diyos na maging kaniyang mga lingkod, maaaring isalin ito na, "natatanging pagpili sa atin" o "itinalaga tayo" upang maging kaniyang mga lingkod.
- "Kailangan mong tawagin ang kaniyang pangalan" ay maaari ding isalin na, "kailangan mo siyang pangalanan."
- "Ang tawag ng kaniyang kaniyang pangalan ay " ay maaaring isalin na, "ang kaniyang pangalan ay" o "siya ay pinangalanan na.
- Ang "pagtawag" ay maaaring isalin" na "sabihin ng malakas" o "sumigaw" o "sabihin ng may malakas na tinig." Siguraduhin na ang pagsalin dito ay hindi nagpapakita na ang tao ay galit.
- Ang mga salitang 'ang iyong pagkatawag" ay maaring isalin na "ang iyong layunin" o "layunin ng Diyos para sa iyo" o " natatanging gawain ng Diyos para sa iyo."
- Ang "tumawag sa pangalan ng Panginoon" ay maaaring isalin na "hanapin ang Diyos at umasa sa kaniya'' o " magtiwala sa Panginoon at sumunod sa kaniya."
- Ang 'tumawag para sa" ay maaaring isalin na "humingi ng pagpilit sa isang bagay" o "humingi ng" o "iutos."
- Ang "ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan" ay maaaring isalin na "Ibinigay ko sa iyo ang aking pangalan, na nagpapakita na ikaw ay akin."
- Kapag sinabi ng Diyos na, "Tinawag kita sa inyong pangalan" maaari itong isalin na "Alam ko ang iyong pangalan at pinili kita."
templo
Ang templo ay isang gusali na napapalibutan ng mga patyo na may mga pader kung saan pumupunta ang mga Israelita upang manalangin at upang maghandog ng mga alay sa Diyos. Ito ay matatagpuan sa Bundok ng Moriah sa lungsod ng Jerusalem.
- Madalas ang salitang "templo" ay tumutukoy sa buong kalawakan ng templo, kasama ang mga patyo na nakapalibot sa pangunahing gusali. Minsan tumutukoy lamang ito sa gusali.
- Ang gusali ng templo ay may dalawang silid, ang Banal na Lugar at ang Pinaka Banal na Lugar.
- Itinuri ng Diyos ang templo bilang kaniyang tirahan.
- Sa Bagong Tipan, ang salitang "templo ng Banal na Espiritu" ay ginamit upang tumukoy sa mga mananampalataya kay Jesus, sapagkat ang Banal na Espiritu ay nanahanan sa kanila.
Mga Mungkahi Sa Pagsasalin
- Karaniwan kung ang talata ay sinasabi na ang mga tao ay "nasa templo," ito ay tumutukoy sa mga patyo sa labas ng gusali. Maaari itong isalin bilang "sa mga patyo ng templo" o "sa kalawakan ng templo."
- Kung ito ay tumutukoy sa tiyak na gusali mismo, ilang mga salin ay isasalin ang "templo" bilang "templong gusali," upang gawing maliwanag ang tinutukoy nito.
- Mga paraan upang isalin ang "templo" ay maaaring "banal na tahanan ng Diyos" o "sagradong lugar ng panambahan."
- Kalimitan sa Bibliya ang templo ay tumutukoy na "ang tahanan ni Yahweh" o "tahanan ng Diyos."
tinapay
Ang tinapay ay pagkain na gawa sa harinang hinalo sa tubig at langis upang makabuo ng isang masa. Pagkatapos, ang masa ay hinugis na isang tinapay at niluto.
- Ang masa ng tinapay ay karaniwang gawa sa isang bagay na magpapa-alsa nito, gaya ng lebadura.
- Ang tinapay ay maaaring gawin na walang lebadura upang ito ay hindi umalsa. Sa Biblia ito ay tinatawag na "tinapay na walang pampaalsa" at ginamit para sa pagkain sa paskua ng mga Judio.
- Dahil sa ang tinapay ay ang pangunahing pagkain ng maraming mga tao sa panahon ng Biblia, ang salitang ito ay ginamit din sa Biblia upang tumukoy sa pangkalahatang pagkain.
- Ang salitang "tinapay na handog" ay tumukoy sa labindalawang tinapay na nakalagay sa ginintuang mesa sa tabernakulo o gusali ng templo bilang isang handog sa Diyos. Ang mga tinapay na ito ay kumatawan sa labindalawang tribu ng Israel at ang mga pari lamang ang kakain nito. Ito ay maaaring isalin na "tinapay na nagpapakitang ang Diyos ay nananahan sa kanila."
- Ang matalinghagang salitang "tinapay mula sa langit" ay tumukoy sa natatanging puting pagkain na tinawag na "mana" na binigay ng Diyos sa mga Israelita nang sila ay gumagala sa disyerto.
- Tinawag din ni Jesus ang kaniyang sarili na ang "tinapay na bumaba mula sa langit" at ang "tinapay ng buhay."
- Nang si Jesus at ng kaniyang mga alagad ay magkasamang kumakain ng pagkain ng Paskua bago ang kaniyang kamatayan, inihambing niya ang tinapay na walang lebadura ng Paskua sa kaniyang katawan na masusugatan at mamamatay sa krus.
tinig
Ginagamit ng isang tao ang kaniyang tinig upang magsalita, kung kaya't ang salitang "tinig" ay madalas ginagamit sa matalinghangang paraan upang tukuyin ang pagsasalita o pagpapahiwatig ng isang bagay.
- Sinasabi na ginagamit ng Diyos ang kaniyang tinig, kahit na wala siyang
isang tinig na katulad ng isang tao.
* Maaaring gamitin ang isang tinig upang tukuyin ang kabuuang tao tulad ng
sa konteksto na, "Ang isang tinig ay naririnig sa ilang na nagsasabing," 'Ihanda
ang daan ng Panginoon.'" Maaari itong isalin bilang "Isang tao ang naririnig na
tumatawag sa ilang..."
* Kung minsan ang salitang "tinig" ay maaaring gamitin para sa mga bagay na
literal na hindi nagsasalita, tulad nang noong isinulat ni David na ang mga
kamangha-manghang mga bagay na nilikha ng Diyos ay nagpapatalastas ng
kaniyang mga ginawa, na inihahayag ng kanilang "tinig" kung gaano siya
kadakila. Maaaring isalin ito bilang "ang kanilang karilagan ay malinaw na
nagpapakita kung gaano kadakila ang Diyos."
tinik, tinikan
Ang mga halamang may tinik at mga tinikan ay mga halaman na may matinik na mga sanga o mga bulaklak. Ang mga halaman na ito ay hindi namumunga ng prutas o ano pa mang bagay na magagamit.
- Ang isang tinik ay isang matigas, patulis na lumalago sa sanga o tangkay sa isang halaman. Ang isang "halamang tinik" ay isang uri na maliit na puno o palumpong na may maraming mga tinik sa mga sanga.
- Ang tinikan ay isang halaman na may matinik na mga tangkay at mga dahon. Madalas ang mga bulaklak ay kulay-lila.
- Ang mga tinik at tinikang mga halaman ay madaling dumami at maaari magdulot sa ibang mga halaman o mga pananim na hindi na magawang lumaki. Ito ay isang larawan kung papaano ang kasalanan ay pinipigilan ang isang taong magbunga ng mabuting espiritwal na bunga.
- Isang lorona na gawa sa baluktot na tinik na mga sanga ang inilagay sa ulo ni Jesus bago siya ipinako.
tiwala, mapagkakatiwalaan, pagka-magkakatiwalaan
Ang salitang "tiwala" ay tumutukoy sa paniniwala na ang isang bagay o isang tao ay totoo o maaasahan. Ang isang "mapagkakatiwalaang" tao ay maaaring asahan na gawin o sabihin kung ano ang tama at totoo.
- Ang tiwala ay may malapit na kaugnayan sa pananampalataya. Kung may tiwala tayo sa isang tao, meron tayong paniniwala sa taong iyon na gagawin niya kung ano man ang pinangako niyang gagawin.
- Ang pagkakaroon ng tiwala sa isang tao ay nangangahulugan din na umaasa sa taong iyon.
- Ang "magtiwala kay" Jesus ay nangangahulugan na paniwalaan na siya ay Diyos at siya ay namatay sa krus para bayaran ang ating mga kasalanan, at umasa sa kaniya para iligtas tayo.
- Ang isang "mapagkakatiwalaang kasabihan" ay tumutukoy sa sinabi na maaaring ituring na totoo.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang mga paraan para isalin ang "tiwala" ay maaaring isama ang, "maniwala", "mayroong pananampalataya" o "mayroong pananalig" o "asahan."
- Ang katagang "ilagay mo ang iyong tiwala sa" ay labis na katulad sa kahulugan ng "tiwala sa."
- Ang salitang "mapagkakatiwalaan" ay maaaring isalin bilang, "maaasahan" o "mapanghahawakan" o "laging mapagkakatiwalaan."
totoo, katotohanan
Ang mga salitang "totoo" at "katotohanan" ay tumutukoy sa konsepto na mga katunayan, mga kaganapan na talagang nangyari, at mga pahayag na talagang sinabi.
- Ang totoong mga bagay ay tunay, taos, aktwal, nararapat, naaayon sa batas, at nababatay sa katotohanan.
- Ang katotohanan ay ang pagka-unawa, paniniwala, katunayan, o pahayag na totoo.
- Kabilang sa katotohanan ang konsepto ng pagkilos sa paraan na maaasahan at mapagkakatiwalaan.
- Isiniwalat ni Jesus ang katotohanan ng Diyos sa mga salitang kaniyang binitawan.
- Ang salita ng Diyos ay katotohanan. Ito ay nagsasabi ng mga bagay na tunay na nangyari at nagtuturo kung ano ang totoo tungkol sa Diyos at tungkol sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Depende sa konteksto at kung ano ang inilalarawan, ang salitang "totoo" ay maaaring isalin na "tunay" o "nababatay sa katotohanan" o "tama" o "wasto" o "tiyak" o "taos."
- Sa mga paraan para isalin ang salitang "katotohanan" maaaring isama ang, "kung ano ang totoo" o "katunayan" o "katiyakan" o "alintuntunin."
- Ang katagang "sabihin ang katotohanan" o "magsalita ng katotohanan" ay maaari ring isalin na "sabihin kung ano ang totoo" o "sabihin kung ano ang talagang nangyari" o "sabihin ang mga bagay na maaasahan."
- Ang "tanggapin ang katotohanan" ay maaaring isalin na, "paniwalaan kung ano ang totoo tungkol sa Diyos."
- Sa pagpapahiwatig katulad ng, "sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan," ang katagang "sa katotohanan" ay maaari ring isalin na "matapat na sumusunod sa kung ano ang itinuro ng Diyos sa atin."
tubig, katubigan
Bilang dagdag sa pangunahing kahulugan nito, ang "tubig" ay kadalasan ding tumutukoy sa karagatan, dagat, lawa, o ilog.
- Ang salitang "katubigan" ay tumutukoy sa mga bahagi ng tubig o maraming mga pinagmulan ng tubig. Ito rin ay maaring batayan ng karaniwang malaking bahagi ng tubig.
- Ang patalinhagang paggamit ng "katubigan" ay tumutukoy sa matinding pagkabahala, mga pagsubok, at paghihirap. Halimbawa, pinangako ng Diyos na kapag tayo ay "dumaan sa mga tubig" siya ay kasama natin.
- Ang "madaming katubigan" ay nagbibigay diin kung gaano katindi ang mga paghihirap.
- Ang "tubigan" ang mga baka at ibang mga hayop, ay nangangahuluganag "magbigay ng tubig para" sa kanila. Sa panahon ng Bibliya, kadalasang kabilang nito ang pag-iigib ng tubig mula sa isang balon gamit ang isang balde at pagbubuhos ng tubig sa labangan o sa ibang lalagyanan para sa mga hayop kung saan sila makakainom.
- Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay tinutukoy bilang batis o bukal ng "nagbibigay tubig" para sa kaniyang mga tao. Ang ibig sabihin nito ay siya ang pinanggagalingan ng esperitwal na kapangyarihan at nagpapasariwa sa kaniyang mga tao.
- Sa Bagong Tipan, ginamit ni Jesus ang mga salitan "buhay na tubig" na tumutukoy sa Banal na Espiritu na kumikilos sa isang tao para baguhin at magbigay ng bagong buhay.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Ang mga salitang, "mag-igib ng tubig" ay maaring isalin na, "kumuha ng tubig mula sa isang balon gamit ang isang balde."
- "Bukal ng buhay na tubig ay aagos mula sa kanila" ay maaring isalin na "ang kapangyarihan at mga pagpapala mula sa Banal na Espirito ay aagos sa kanila katulad ng pag-agos ng tubig." Sa halip na "mga pagpapala" ang gamitin, maaaring isalin na "mga kaloob" o mga prutas" o "maka-diyos na ugali"..
-
Nang si Jesus ay nakikipag-usap sa babaeng taga-Samaria sa balon, ang "buhay na tubig" ay maaaring isalin na, "tubig na nagbibigay buhay" o "tubig na tagapagbigay ng buhay." Sa ganitong konteksto, ang pagsasalarawan gamit ang tubig ay dapat panatilihin ang pagkakasalin.
-
Ang salitang "mga tubig" o "katubigan" ay maaring isalin na "matinding paghihirap."
tuli, pagtutuli
Ang salitang "tuli" ay nagangahulugang hiwain ang unahang balat ng isang lalaki o batang lalaki. Ang seremonya ng pagtutuli ay maaaring gawin nang may kaugnayan dito.
- Inutusan ng Diyos si Abraham na tuliin ang bawat lalaki sa kaniyang pamilya at ang mga lingkod bilang tanda ng kasunduan ng Diyos sa kanila.
- Inutusan din ng Diyos ang mga kaapu-apuhan ni Abraham upang patuloy itong gawin sa bawat sanggol na lalaking isisilang sa kanilang sambahayan.
- Ang pariralang, "pagtutuli ng puso" ay matalinghagang tumutukoy sa "pagpuputol" o pag-aalis ng kasalanan mula sa isang tao.
- Sa espiritwal na kahulugan, "ang tuli" ay tumutukoy sa mga taong nilinis ng Diyos mula sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus at sila ay kaniyang mga tao.
- Ang salitang "hindi tuli" ay tumutukoy sa mga hindi pa natuli sa pisikal. Maaari rin itong matalinghagang tumukoy sa mga hindi pa natuli sa espiritwal, mga wala pang kaugnayan sa Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Kung ang kultura ng isasalin na wika ay nagsasagawa ng mga pagtutuli sa lalaki, ang salitang ginamit upang tukuyin ito ay dapat gamitin para sa salitang ito.
- Ang iba pang paraan upang isalin ang salitang ito ay maaaring, "putulin sa palibot" o "putulin ng pabilog" o "putulin ang unahang balat."
- Sa mga kultura kung saan hindi kilala ang pagtutuli, maaaring kailangan itong ipaliwanag sa isang talababa o talahulugan.
- Tiyakin na ang salitang ginamit upang isalin ito ay hindi tumutukoy sa mga babae. Maaaring kailangang isalin ito sa pamamagitan ng salita o parirala na kabilang ang kahulugan ng "lalaki."
tulog, natutulog, makatulog
Ang mga salitang ito ay may patalinghagang kahulugan na umuugnay sa kamatayan.
- Ang "matulog" o "tulog" ay maaari maging isang patalinghagang kahulugan na "maging patay."
- Ang idyoma na "makatulog" ay tumutukoy sa sandali na ang isang tao ay nagsisimulang matulog o sa patalinghagang kaisipan, sa sandali kung saan ang isang tao ay mamamatay.
- Ang "matulog kasama ang mga ninuno" ay nangangahulugan na maging patay, gaya ng kaniyang mga ninunong patay na.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin
- Sa ilang mga konteksto, ang salitang "matulog" o "tulog" ay maaaring isalin na "maging patay."
- Ang "makatulog" ay maaaring isalin bilang "maidlip" o "nagsimulang matulog" o "para mamatay," depende sa konteksto nito.
- Tala: Mahalaga na ingatan ang patalinghagang pagpapahayag sa mga salitang ito depende sa konteksto kung saan ang mga kinakausap sa konteksto ay hindi maunawaan ang kahulugan. Halimbawa, noong sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na si Lazaro ay “natutulog” ang akala nila ang ibig niyang sabihin na si Lazaro ay talagag natutulog. Sa kontekstong ito, kailangan na panatilihin ang patalinghagang pagpapahayag at huwag isalin na “siya ay namatay."
- Ang ilang mga wika ay maaaring mayroong iba't ibang idyoma para sa kamatayan o namamatay na maaaring gamitin kung ang wikang "pagtulog" o "tulog" ay hindi magkaroon ng kahulugan sa wikang isinasalin.
tunika
Ang tunika ay isang damit na umaabot mula sa mga balikat pababa sa baywang o tuhod.
Ang tunika ay kapareho ng kamiseta o blusa.
- Ang tunika ay maaaring isuot sa ilalim ng mas mahabang damit katulad ng toga o balabal.
tupa
Ang tupa ay isang hayop na may katamtamang laki na may apat na paa na may balahibo sa buo nitong katawan. Ang lalaking tupa ay tinatawag na isang "lalaking tupa". Ang babaeng tupa ay tinatawag na "babaeng tupa."
- Ang mga Israelita ay kadalasang gumagamit ng tupa upang gawing mga handog, lalo na ang mga lalaki at batang tupa.
- Ang mga tao ay kumakain ng karne mula sa tupa at ginagamit ang kanilang balahibo upang gumawa ng mga damit at ibang mga bagay.
- Ang tupa ay labis na mapagtiwala, mahina, at matatakutin. Sila ay madaling maimpluwensyahan para mailigaw. Kailangan nila ng isang pastol upang pangunahan sila sa tamang direksyon, para mapangalagaan sila, at upang bigyan sila ng kanilang kakainin, iinumin, at tirahan.
- Sa Bibliya, ang mga tao ay inihahalintulad sa tupa na mayroong Diyos bilang kanilang pastol.
turo, magtuturo, tagapagturo, guro
Ang mga salitang "turo" at "pagtuturo" ay tumutukoy sa pagsasabi sa ibang tao ng mga kaalaman na hindi pa nila alam noon. Karaniwan ang mga kaalamaan ay ibinibigay sa isang pormal o mahusay na paraan.
- Ang isang "tagapagturo" ay isang taong nagtuturo.
- Tinawag si Jesus ng kaniyang mga alagad na "Tagapagturo" o "Guro" bilang isang magalang na anyo ng pagtawag sa isang taong nagturo sa mga tao tungkol sa Diyos.
- Ang kaalaman na itinuturo ay maaaring ipinapakita o sinasabi.
- Ang salitang "doktrina" ay kung minsan isang salin na salita para sa "mga katuruan" . Ito ay tumutukoy sa isang hanay na mga katuruan tungkol sa Diyos.
ubas
Ang mga ubas ay maliliit na bilog na prutas na tumutubo ng kumpol sa puno ng ubasan. Ang kanilang katas ay ginamit sa paggawa ng alak.
- Ang mga taong ay nagtatanim ng mga ubas sa halamanan na tinatawag na ubasan. Ang mga ito ay kalimitan bumubuo ng mahabang hilera ng puno ng ubasan.
- Dahil ang mga ubas ay hindi nagtatagal kapag ito ay hinog na, pinapatuyo ito ng mga tao upang kainin sa hinaharap. Ang mga pinapatuyong ubas na ito ay tinatawag na mga pasas. Ang Lumang Tipan ay tumutukoy sa keyk na gawa sa pasas.
ubasan
Ang isang ubasan ay isang hardin, o taniman, kung saan ang mga puno ng ubas ay pinalalago at ang mga ubas ay pinagyayaman.
- Maraming mahirap na paggawa ang kailangan upang magtanim at
pagyamanin ang isang ubasan.
* Ang isang ubasan ay kadalasang may pader sa paligid nito upang
mapangalagaan ang bunga mula sa mga magnanakaw at mga hayop.
* Ihinambing ng Diyos ang bayan ng Israel sa isang ubasan na inalagaan niya
nang mabuti, ngunit hindi ito nagdala ng magandang bunga.
* Ang ubasan ay maaaring isalin bilang "hardin ng ubas" o "taniman ng ubas."
ulat
Ang ulat ay isang nakasulat o sinabing kuwento na ipinahayag ng isang tao sa isa pang tao o pangkat tungkol sa isang tiyak na kaganapan.
ulo
Sa Bibliya, ang salitang "ulo" ay ginagamit kasama ng ilang matalinghagang kahulugan.
- Madalas ginagamit ang salitang ito upang tukuyin ang pagiging nasa katungkulan sa mga tao, gaya ng, "ginawa mo akong ulo ng mga bansa. " Ito ay maaaring isalin gaya sa " ginawa mo akong pinuno..." o "Binigyan mo ako ng kapangyarihan sa buong..."
- Si Jesus ay tinatawag na "ulo ng iglesiya." Tulad ng ulo ng tao na gumagabay at pumapatnubay sa mga miyembro ng katawan, gaya din ni Jesus na gumagabay at pumapatnubay sa mga miyembro ng kaniyang "katawan," na ang Iglesiya.
- Itinuro ng Bagong Tipan na ang asawang lalake ay ang "ulo" o may kapamahalan sa kaniyang asawang babae. Siya ay binigyan ng responsibilidad na pamunuan at gabayan ang kaniyang asawa at pamilya.
- Ang kasabihan, "walang labaha kailanman na makakadampi sa kaniyang ulo" ay nangahulugang "kailanman ay hindi puputulin o anahitin ang kaniyang buhok."
- Ang salitang "ulo" maaring tumutukoy sa simula o pinanggagalingan ng isang bagay tulad ng "ulo sa kalsada."
- Ang ibang pagsasalarawan na gamit para sa salitang "ulo" ay kapag ito ay ginagamit upang kumatawan sa kabuuan ng isang tao gaya ng "itong ulong may uban" na tumutukoy sa isang nakakatandang tao" o " ang ulo ni Jose" tumutukoy kay Jose.
- Sa idiomang "hayaang ang kanilang dugo ay mapasa kanilang ulo" ay nangangahulugan na ang tao ay may responsibilidad sa kanilang kamatayan at makakatanggap ng kaparusahan dahil dito.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang salitang "ulo" ay maaaring maisalin sa, "kapangyarihan" o "ang siyang gumagabay at pumapatnubay" o "ang siyang responsable sa."
- Ang mga salitang "ulo ni" ay maaaring tumutukoy sa kabuuan ng isang tao kaya ang mga salitang ito ay maaaring maisalin gamit lamang ang pangalan ng tao. Halimbawa, "ang ulo ni Jose" ay maaaring isalin lamang bilang "Jose"
- Ang salitang "ay mapasa sa kaniyang ulo" ay maaaring isalin sa "mapapasa sa kaniya" o "siya ay mapaparusahan dahil sa" o " siya ay mananagot sa" o "siya ay ituturing na nagkasala sa."
- Ang ibang paraan ng pagsasalin ng salitang ito ay maaaring isama ang, "pasimula" o "pinanggalingan" o "pinuno" o "nangunguna"
umintindi, pag-intindi, mabatid, makilala
Ang katawagan na "umintindi" ay nangangahulugan na upang maunawaan ang isang bagay, lalo na sa pagkilala sa isang bagay kung ito ay tama o mali.
- Tumutukoy ang salita na "pag-intindi" sa pag-unawa at matalinong pagpapasya tungkol sa isang bagay.
- Nangangahulugan ito na magkaroon ng karunungan at mabuting paghatol.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, maaari ring isalin ang "umintindi" na "pag-unawa" o "alamin ang pagkakaiba sa" o "malaman ang mabuti at masama" o "makatarungang paghatol tungkol sa" o "mapansin ang tama sa mali."
- Maaari ring isalin ang "pag-intindi" na"pag-unawa" o "kakayahang malaman ang masama at mabuti."
unawain, nauunawaan
Ang salitang "unawain" ay nagangangahulugan na dinggin o tumanggap ng kaalaman at alamin kung ano ang kahulugan nito.
- Ang katagang "nauunawaan" ay maaaring tumutukoy sa "kaalaman" o "katalinuhan" o pagtatanto kung paano gawin ang isang bagay. Maari rin nitong tukuyin ang pagbatid ng kung ano ang nararamdaman ng isang tao.
- Habang lumalakad sa kalye patungong Emmaus, ipinaunawa ni Jesus sa mga alagad ang kahulugan ng mga kasulatan tungkol sa Mesias.
- Depende sa konteksto, ang katagang "unawain" ay maaaring isalin sa "alamin" o "maniwala" o "intindihin" o "alamin kung ano ang kahulugan nito."
- Kadalasan ang katagang "unawain" ay maaaring isalin sa "kaalaman" o "karunungan."
usa, libay, lalaking usa, maliit na lalaking usa, munting usa
Ang usa ay isang malaki, kaaya-ayang hayop na may apat na binti na nabubuhay sa mga kagubatan o sa mga kabundukan.
Ang lalaking usa ay may malalaking mga sungay sa ulo nito.
- Ang salitang "libay" ay tumutukoy sa babaeng usa at ang isang "munting usa" ay pangalan ng batang usa.
- Ang katawagan na "lalaking usa" ay tumutukoy sa usang lalaki.
- Ang "roebuck" sa English ay ang lalaking usa sa isang uri na usa na tinatawag na "roedeer".
- Ang usa ay may malakas at payat na mga binti na tumutulong sa kanila upang maaring lumundag ng mataas at tumakbo ng mabilis.
- Ang kanilang mga kuko sa paa ay nahati na tumutulong sa kanila upang madaling makalakad at makaakyat sa alinmang kalupaan.
usig, pag-uusig, mang-uusig
Ang mga salitang "usig" at "pag-uusig" ay tumutukoy sa pagmamalupit sa tao. Ang isang "mang-uusig" ay isang tao na nag-uusig ng mga tao.
- Ang salitang "pag-uusig" ay sadyang tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang mga taong mas malalakas ay inaabuso o inaalipin ang mga taong nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan o pamumuno.
- Ang salitang "inuusig" ay naglalarawan sa mga taong pinagmamalupitan.
- Kadalasan, ang mga kalabang bayan at ang kanilang mga pinuno ay mga mang-uusig ng mga tao ng Israel.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang "usig" ay maaaring isalin sa "malubhang abusuhin" o "maging dahilan para maging lubos na mahirapan" o "isailalim sa kahabag-habag na pagkaalipin" o "mamuno ng malupit."
- Maaaring isama sa mga paraan ng pagsasalin ng "pag-uusig" ang "matinding pagpipigil at pang-aalipin" "lubhang pagpipigil"
- Ang katagang "ang mga inusig" ay maaaring isalin bilang "mga taong inusig" o "mga taong nasa matinding pang-aalipin" o "mga taong pinagmamalupitan."
- Ang salitang "mang-uusig" ay maaaring isalin bilang "taong nang-uusig" o "bayan namumuno ng may pagmamalupit" o "taga-usig."
utos, utusan, kautusan
Ang salitang b"utusan" ay nangangahulugang atasan ang isang taong gumawa ng isang bagay. Ang "utos" o "kautusan" ay kung ano ang iniuutos na gawin ng isang tao.
- Bagaman ang mga salitang ito ay mayroon talagang parehong kahulugan, ang "kautusan" ay kadalasang tumutukoy sa mga tiyak na utos ng Diyos na mas pormal at permanente, gaya ng "Sampung Utos."
- Ang isang utos ay maaaring positibo ("Igalang mo ang iyong mga magulang") o negatibo ("Huwag kang magnanakaw").
- Ang "mag-utos" ay nangangahulugang upang "mamuno" o "mamahala" sa isang bagay o isang tao.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Pinakamainam na isalin ang salitang ito sa ibang paraan mula sa salitang, "batas." Ihambing din sa mga kahulugan ng "atas" at "batas."
- Ang ilang mga tagapagsalin ay maaaring isalin ang "utos" at "kautusan" sa parehong salita sa kanilang wika.
- Ang iba ay maaaring mas pipiliin na gumamit ng natatanging salita para sa kautusan na tumutukoy sa tumatagal, at pormal na mga utos na ginawa ng Diyos.
walang hanggan, walang katapusan
Ang mga salitang "walang hanggan" at "walang katapusan" ay may pagkatulad ng kahulugan at tumutukoy sa isang bagay na laging namamalagi o nagtatagal magpakailanman.
- Ang salitang "walang-hanggan" ay tumutukoy sa isang kalagayan na walang simula o katapusan. Maaari ding tumukoy sa buhay na hindi kailanman matatapos.
- Pagkatapos ng buhay na ito sa lupa, ang mga tao ay gugugol ng walang-hanggan sa langit na kasama ang Diyos o sa impiyerno na malayo mula sa Diyos.
- Ang mga salitang "buhay na walang hanggan" at "walang hanggang buhay" ay ginamit sa Bagong Tipan upang tumukoy sa pamumuhay magpakailanman kasama ang Diyos sa langit.
- Ang salitang "magpakailanman" ay may panahon na hindi kailanman matatapos at nagpapahayag kung ano ang katulad ng walang-hanggan o buhay na walang hanggan.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Maaaring kabilang sa mga paraan sa pagsasalin ng "walang katapusan" o "walang hanggan" ay maaaring "di-matatapos" o "hindi kailanman hihinto" o "laging nagpapatuloy."
- Ang mga salitang "buhay na walang hanggan" at "walang hanggang buhay" ay maaari ding isalin na "buhay na hindi kailanman matatapos" o "buhay na nagpapatuloy na walang paghinto" o "ang pagkabuhay ng ating katawan upang mamuhay magpakailanman."
- Depende sa konteksto maaaring isalin ang "walang hanggan" na "sa umiiral ng walang panahon" o "buhay na hindi natatapos" o "buhay sa langit".
- Isaalang-alang din ang salitang ito kung paano isinalin sa Bibiliya sa isang lokal o pambansang wika.
walang pananampalataya, kawalan ng pananampalataya
Ang mga salitang "walang pananampalataya" ay nangangahulugan na hindi magkaroon ng pananampalataya o hindi naniniwala.
- Ang mga salitang ito ay ginamit upang ilarawan ang taong hindi naniniwala sa Diyos, na nakikita sa pamamagitan ng imoral na paraan ng kaniyang kilos.
- Pinaratangan ni propeta Jeremias ang Israel na walang pananampalataya at hindi sumusunod sa Diyos.
- Sumamba sila sa mga diyus-diyosan at sinunod ang mga hindi makadiyos na kaugalian ng mga pangkat ng taong hindi sumasamba at sumusunod sa Diyos.
Mga Mungkahi sa Pagsasalin:
- Depende sa konteksto, ang salitang "walang pananampalataya" ay maaring isalin na "hindi tapat" o "hindi naniniwala" o "hindi sumusunod sa Diyos" o " hindi naniniwala."
- Ang mga salitang "kawalan ng pananampalataya" ay maaaring isalin na "walang paniniwala" o "hindi tapat" o "naghihimagsik laban sa Diyos."