Language: Tagalog

Book: Genesis


Genesis

Chapter 1

1 Noong simula nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. 2 Ang lupa ay walang anyo at walang laman. Ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman. Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng katubigan. 3 Sinabi ng Diyos, ''Magkaroon ng liwanag" at nagkaroon ng liwanag. 4 Nakita ng Diyos na ang liwanag ay kaaya-aya. Hiniwalay niya ang liwanag mula sa kadiliman. 5 Tinawag ng Diyos ang liwanag na "araw," at ang kadiliman ay tinawag niyang "gabi". Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw. 6 Sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng puwang sa pagitan ng mga tubig, at hayaang ihiwalay nito ang tubig mula sa tubig." 7 Ginawa ng Diyos ang puwang at hiniwalay niya ang tubig na nasa silong ng kalawakan mula sa tubig na nasa ibabaw ng kalawakan. At nagkagayon nga. 8 Tinawag ng Diyos ang puwang na "langit." Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw. 9 Sinabi ng Diyos, "Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain." At nagkagayon nga. 10 Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na "lupa" at ang natipong tubig ay tinawag niyang "dagat." Nakita niyang ito ay kaaya-aya. 11 Sinabi ng Diyos, "Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri." At nagkagayon nga. 12 Tinubuan ng halaman ang lupa, mga pananim na nagbibigay ng buto mula sa kanilang uri, at mga namumungang punong kahoy na taglay nito ang buto, mula sa kanilang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. 13 Naggabi at nag-umaga, ito ang ikatlong araw. 14 Sinabi ng Diyos, "Hayaang magkaroon ng mga liwanag sa langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi. At hayaan silang maging mga palatandaan, para sa mga panahon, para sa mga araw at sa mga taon. 15 Hayaan silang maging mga liwanag sa langit upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo." At nagkagayon nga. 16 Ginawa ng Diyos ang dalawang malaking mga liwanag, ang mas malaking liwanag upang pamunuan ang araw, at ang mas maliit na liwanag upang pamunuan ang gabi. Ginawa rin niya ang mga bituin. 17 Inilagay sila ng Diyos sa langit upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo, 18 upang pamunuan ang buong araw at ang buong gabi, at upang ihiwalay ang liwanag sa kadiliman. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. 19 Naggabi at nag-umaga, ito ang ikaapat na araw. 20 Sinabi ng Diyos, "Hayaang mapuno ang katubigan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na ginawa ko, mapuno ang himpapawid ng mga ibong lumilipad sa ibabaw ng lupa. ” 21 Kaya’t nilikha ng Diyos ang malalaking nilalang na naninirahan sa dagat, gayon din ang bawat buhay na nilikha ayon sa kanyang uri, mga nilalang na kumikilos at nagkukumpol sa katubigan, at bawat mga ibong may pakpak ayon sa kanyang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. 22 Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, "Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo. 23 Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalimang araw. 24 Sinabi ng Diyos, "Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang, bawat isa ayon sa kanyang sariling uri, mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo, bawat isa nito ayon sa kanyang sariling uri". Nagkagayon nga. 25 Ginawa ng Diyos ang mga mababangis na hayop sa mundo ayon sa kanilang uri, ang mga hayop ayon sa kanilang mga uri, at lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng lupa ayon sa kanyang uri. Nakita niya na ito ay kaaya-aya. 26 Sinabi ng Diyos, "Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo. 27 Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila. 28 Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, "Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo." 29 Sinabi ng Diyos, "Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy kasama ang bungang may buto sa loob nito. Sila ay magiging pagkain ninyo. 30 Sa bawa't hayop sa mundo, sa bawat ibon sa kalangitan, at sa lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng mundo, at sa bawat nilikhang may hininga ng buhay ibinigay ko ang bawat luntiang halaman para maging pagkain." At nagkagayon nga. 31 Nakita ng Diyos ang lahat ng bagay na kanyang ginawa. Pagmasdan, ito ay napakabuti. Naggabi at nag-umaga, ito ang ika anim araw.



Genesis 1:1

Sa simula nilikha ng Diyos ang langit at lupa

Maaaring isalin na: "Tungkol ito sa kung paano ginawa ng Diyos...noong simula." Binubuod ng pahayag na ito ang mga natitira pang mga kabanata. Isinasalin ito sa ilang mga wika bilang "Noong unang panahon, lumikha ang Diyos." Isalin ito sa paraang magpapakita na talagang nangyari ito at hindi lamang isang alamat.

Sa simula

Ito ay tumutukoy sa panimula ng mundo at sa lahat ng bagay nito.

ang kalangitan at ang mundo

"ang langit, ang lupa, at ang lahat ng bagay sa mga ito"

kalangitan

Dito tumutukoy ito sa langit

walang anyo at laman

Wala pang kaayusan ang daigdig. Hindi pa inilagay ng Diyos sa ayos ang mundo.

ang kalaliman

"ang tubig" o "ang malalim na tubig" (UDB) o "ang malawak na tubig"

katubigan

Maaaring isalin na: "tubig" o "malalim na tubig" o "malawak na tubig"

Genesis 1:3

Magkaroon ng liwanag

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na dapat magkaroon ng liwanag, nagkaroon ng liwanag.

Nakita ng Diyos na ang liwanag ay kaaya-aya

Maaaring isalin na: "Tiningnan ng Diyos ang liwanag at nalugod dito." Ang "kaaya-aya" dito ay nangangahulugang "nakalulugod" o "nababagay."

hiniwalay ang liwanag mula sa kadiliman

"Hiniwalay ang liwanag at ang kadiliman" o "pinaliwanag sa isang lugar at pinadilim naman sa iba." Ito ay tumutukoy sa paglikha ng Diyos sa araw at gabi.

Naggabi at nag-umaga, ang unang araw

Ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito sa unang araw na nilikha ang daigdig.

gabi at umaga

Ito ay tumutukoy sa buong araw. Tumutukoy ang manunulat sa buong araw na para bang nasa dalawang bahagi ito. Sa kultura ng mga Judio, nagsisimula ang araw kapag lumulubog ang araw. (Tingnan: Merism)

Genesis 1:6

Magkaroon ng puwang…ihiwalay nito

Ito ay mg utos. Sa pamamagitan ng nag pag-utos na magkaroon ng puwang, at ihiwalay nito ang tubig, nagkaroon ng uwang inihiwalay nito ang tubig.

puwang

"malaking puwang na walang laman." Iniisip ng mga Judio na hinugis ang puwang na ito katulad ng panloob ng bobida o panloob ng tasang binaliktad.

sa pagitan ng katubigan

"sa tubig"

Ginawa ng Diyos ang kalawakan at hiniwalay ang tubig

"Sa ganitong paraan ginawa ng Diyos ang puwang at hiniwalay ang katubigan." Nang nagsalita ang Diyos, ito ay nangyari. Nagpapaliwanag ang pangungusap na ito kung ano ang ginawa ng Diyos nang nagsalita siya.

nagkagayon nga

“Ganoon nga ang nangyari” o “Ito ang nangyari.” Nangyari ang inutos ng Diyos gaya ng kanyang sinabi. Makikita sa buong kabanata ang pariralang ito at mayroon itong parehong kahulugan sa tuwing babanggitin ito.

Naggabi at nag-umaga

Ito ay tumutukoy sa buong araw. Tumutukoy ang manunulat sa buong araw na para bang nasa dalawang bahagi ito. Sa kultura ng mga Judio, nagsisimula ang araw kapag lumulubog ang araw. (Tingnan: Merism)

ang ikalawang araw

Ito ay tumutukoy sa pangalawang araw ng pagkalikha ng mundo. Tingnan kung paano mo isinalin "ang unang araw" sa 1:5 at magpasya kung dapat mo itong isalin sa parehong paraan.

Genesis 1:9

Hayaang ang katubigang...magtipon

Maaaring isinalin ito bilang aktibong pandiwa. Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na magtipon ang katubigan, pinagtipon ito ng Diyos. AT: "Hayaan ang katubigan...magtipon" o "Hayaan ang tubig...magsama-sama" (UDB). (Tingnan: Active or Passive and Imperatives –Other Uses)

hayaang lumitaw ang tuyong lupa

Tinakpan ng tubig ang lupa. Ngayon lilipat ang tubig sa tabi at mawawalan ng takip ang ibang lupa. Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na dapat lumitaw ang lupa, ginawa ng Diyos na lumitaw ito. Maaaring Isalin na: "hayaang makita ang tuyong lupa" o "hayaang maging malinaw ang tuyong lupa" o "hayaang maihayag ang tuyong lupa." (Tingnan: Imperative)

tuyong lupa

Tumutukoy ito sa lupang hindi tinatakpan ng tubig. Hindi ito tumutukoy sa lupang masyadong tuyo para sa pagsasaka.

nagkagayon nga

“Ganoon nga ang nangyari” o “Ito ang nangyari.” Nangyari ang inutos ng Diyos gaya ng kanyang sinabi. Makikita sa buong kabanata ang pariralang ito at mayroon itong parehong kahulugan sa tuwing babanggitin ito.

nakita niya na ito ay kaaya-aya

Dito ang "ito" ay tumutukoy sa lupa at sa karagatan.

Genesis 1:11

Hayaang tumubo ang halaman sa lupa

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na dapat tumubo ang halaman sa lupa, pinatubo ito ng Diyos. (Tingnan: Imperatives – Other Uses)

mga halaman: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy

"mga halaman, bawat tanim na nagbibigay ng buto at bawat punong kahoy na nagbibigay ng bunga" o "mga halaman. Magiging pananim ang mga ito na magbibigay ng mga buto at punong kahoy na magbibigay ng mga bunga." Ang "mga halaman" ay ginamit dito bilang pangkalahatang katawagan na kasama ang lahat ng mga pananim at mga punong kahoy.

mga pananim

Ito ang mga uri ng mga halaman na mayroong malambot na mga tangkay, higit pa sa makahoy na tangkay.

punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa kanyang bunga

Mga “punong kahoy na namumunga kalakip ang mga buto sa loob ng mga ito"

ayon sa kanyang sariling uri

Tutubuan ng halaman at mga punong kahoy ang mga buto na magiging kapareho ng pinagmulan ng mga ito. Sa ganitong paraan, ang mga halaman at mga punong kahoy ay "magpaparami sa pamamagitan ng kanilang sarili" (UDB).

nagkagayon nga

“Ganoon nga ang nangyari” o “Ito ang nangyari.” Nangyari ang inutos ng Diyos gaya ng kanyang sinabi. Makikita sa buong kabanata ang pariralang ito at mayroon itong parehong kahulugan sa tuwing babanggitin ito.

Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya

Dito ang “ito” ay tumutukoy sa mga halaman and punongkahoy. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:10.

Naggabi at nag-umaga

Ito ay tumutukoy sa buong araw. Tumutukoy ang manunulat sa buong araw na para bang nasa dalawang bahagi ito. Sa kultura ng mga Judio, nagsisimula ang araw kapag lumulubog ang araw.

ang ikatlong araw

Ito ay tumutukoy sa pangatlong araw ng pagkalikha ng mundo. Tingnan kung paano mo isinalin "ang unang araw" sa 1:15 at magpasya kung dapat mo itong isalin sa parehong paraan.

Genesis 1:14

Hayaang magkaroon ng mga liwanag sa langit

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na magkaroon ng liwanag, dinulot ng Diyos na magkaroon ng liwanag.

mga liwanag sa langit

"mga bagay na kumikinang sa langit" o "mga bagay na nagbibigay ng liwanag sa langit."

sa langit

'"sa kalawakan ng langit" o "sa malaking puwang sa langit"

upang ihiwalay ang araw mula sa gabi

"upang ihiwalay ang araw mula sa gabi." Nangangahulugan itong "upang tumulong sa atin na sabihin ang kaibahan sa pagitan ng araw mula sa gabi." Ang araw ay tumutukoy sa araw, at ang buwan at mga bituin ay nangangahulugang gabi na.

hayaan silang maging mga palatandaan

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na magkaraoon ng mga palatandaan, dinulot ng Diyos na magsilbi silang mga palatandaan. “Magsilbi silang mga palatandaan” o “ipakita nila”

mga palatandaan

Dito nangangahulugan ito ng isang bagay na nagbubunyag o tumutukoy sa isang bagay.

mga panahon

Ang "mga panahon" ay tumutukoy sa mga oras na nilaan para sa mga pagdiriwang at iba pang mga bagay na ginagawa ng mga tao.

para sa mga panahon, para sa mga araw at sa mga taon

Ipinapakita ng araw, buwan, at mga bituin ang paglipas panahon. Nagbibigay-daan ito para malaman natin ang panahon ng mga kaganapan na mangyayari sa bawat linggo, buwan, o taon.

upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo

"upang sumikat ang liwanag sa mundo" o "upang magpaliwanag sa mundo." Hindi kumikinang ang mundo pero naiilawan ito at kaya't nagpaaninag ng liwanag.

nagkagayon nga

“Ganoon nga ang nangyari” o “Ito ang nangyari.” Nangyari ang inutos ng Diyos gaya ng kanyang sinabi. Makikita sa buong kabanata ang pariralang ito at mayroon itong parehong kahulugan sa tuwing babanggitin ito.

Genesis 1:16

Ginawa ng Diyos ang dalawang malaking mga liwanag

"Sa ganitong paraan ginawa ng Diyos ang dalawang malaking mga liwanag." Ipinaliliwawanag ng pangungusap na ito kung ano ang ginawa ng Diyos nang siya ay nagsalita.

ang dalawang malaking mga liwanag

"ang dalawang malaking mga liwanag" o "ang dalawang makinang na liwanag."

upang pamunuan ang araw

"upang gabayan ang araw gaya ng isang p nag-uutos sa isang lahi" o "upang tandaan ang mga panahon ng araw" (Tingnan: Personification)

araw

Tumutukoy lamang ito sa mga oras ng araw.

ang lalong maliit na liwanag

"ang maliit na liwanag" o "ang malabong liwanag"

sa langit

"sa kalangitan" o "sa bukas na puwang ng langit"

upang ihiwalay ang liwanag mula sa kadiliman

"upang ihiwalay ang liwanag mula sa kadiliman" o "upang gawin itong liwanag sa isang panahon at madilim sa iba." Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:4.

Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya

Dito, ang “ito” ay tumutukoy sa araw, buwan, at mga bituin. Tingnan paano mo ito isinalin sa 1:4.

Naggabi at nag-umaga

Ito ay tumutukoy sa buong araw. Tumutukoy ang manunulat sa buong araw na para bang nasa dalawang bahagi ito. Sa kultura ng mga Judio, nagsisimula ang araw kapag lumulubog ang araw. (Tingnan: Merism)

ang ikaapat na araw

Ito ay tumutukoy sa ikaapat na araw ng pagkalikha ng mundo. Tingnan kung paano mo isinalin "ang unang araw" sa 1:15 at magpasya kung dapat mo itong isalin sa parehong paraan.

Genesis 1:20

Hayaang mapuno ang katubigan ng mga kawan ng mga buhay na mga nilalang

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na dapat mapupuno ang katubigan ng mga buhay na nilalang, ginawa sila ng Diyos. Ilang mga wika ay marahil mayroong higit sa isang salita na tumutukoy sa lahat ng uro ng isda at hayop sa dagat. Maaaring isalin na: "Hayaang mapuno ang katubigan ng maraming buhay na mga bagay" o "'Hayaang ang maraming hayop na lumalangoy na tumira sa karagatan."

Hayaang lumipad ang ibon

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-uutos ng Diyos na lumipad sila, pinalipad sila ng Diyos. (Tingnan: Imperatives – Other Uses)

mga ibon

"mga hayop na lumilipad" o "lumilipad na mga bagay."

Puwang sa kalangitan

"ang bukas na puwang sa kalangitan" o "ang kalangitan"

Nilikha ng Diyos

"Sa ganitong paraan nilikha ng Diyos"

mga malalaking nilalang sa dagat

"mga malalaking hayop na nakatira sa dagat"

ayon sa kanyang uri

Ang mga buhay na nilalang na may parehong “uri” ay katulad ng mga nilalang na pinagmulan nila. Tingnan paano mo isinalin ang “uri” sa 1:11, 12.

bawat mga ibon na may pakpak

"bawat lumilipad na nilalang na mayroong mga pakpak." Kung ginamit ang salita para sa mga ibon, maaaring mas natural sa ilang mga wika para sabihin lamang na "'bawat ibon," yamang mayroong mga pakpak ang lahat ng ibon.

Nakita ng Dios na ito ay kaaya-aya

Dito ang saling “ito” ay tumutukoy sa mga ibon at mga isda. Tingnan paano mo ito isinalin sa 1:4.

Genesis 1:22

Pinagpala sila

“Pinagpala ang mga hayop na kaniyang nilikha” Tumutukoy ito sa mga hayop na ginawa ng Diyos.

Maging mabunga at magpakarami

Biyaya ito ng Diyos. Sinabihan niya ang mga hayop sa dagat na magpakarami ng higit pang mga hayop sa dagat na katulad nila, upang maging malago sila sa karagatan. Ang salitang "magpakarami" ay nagpapaliwanag kung paano sila maging "mabunga." (Tingnan: Doublet and Idiom).

magpakarami

"magpakarami ng husto" o "maging marami"

Hayaang dumami ang mga ibon

Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-uutos na dumami ang ibon, pinarami sila ng Diyos.

Mga ibon

"mga hayop na lumilipad" o "lumilipad na mga bagay."

Naggabi at nag-umaga

Ito ay tumutukoy sa buong araw. Tumutukoy ang manunulat sa buong araw na para bang nasa dalawang bahagi ito. Sa kultura ng mga Judio, nagsisimula ang araw kapag lumulubog ang araw. (Tingnan: Merism)

ang ikalimang araw

Ito ay tumutukoy sa ikalimang araw ng pagkalikha ng mundo. Tingnan kung paano mo isinalin "ang unang araw" sa 1:15 at magpasya kung dapat mo itong isalin sa parehong paraan.

Genesis 1:24

Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang

"Magkaroon ang mundo ng buhay na mga bagay" o "Hayaang ang maraming buhay na mga hayop na mamuhay sa mundo." Ito ay isang utos. Sa pamamagitan ng pag-utos na dapat magkaroon ng buhay na mga nilalang ang mundo, ginawa ng Diyos na magkaroon ng buhay na mga nilalang ang mundo.

ayon sa kanyang sariling uri

"'upang magkaroon ng mas marami pang sariling uri nito ang bawat uri ng hayop"

mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo

Pinapakita nito na ginawa ng Diyos ang lahat ng mga uri ng mga hayop. Kung mayroong ibang paraan ng pagpapangkat sa lahat ng hayop ang iyong wika, magagamit mo iyan, o magagamit mo ang mga pangkat na ito.

mga hayop

"mga hayop na inaalagaan ng mga tao"

mga gumagapang na bagay

"mga maliliit na hayop"

mga mababangis na hayop ng mundo

"mga mababangis na hayop" o "mga mapanganib na hayop"

nagkagayon nga

“Ganoon nga ang nangyari” o “Ito ang nangyari.” Nangyari ang inutos ng Diyos gaya ng kanyang sinabi. Makikita sa buong kabanata ang pariralang ito at mayroon itong parehong kahulugan sa tuwing babanggitin ito.

Ginawa ng Diyos ang mga mababangis na hayop

"Sa ganitong paraan ginawa ng Diyos ang mga mababangis na hayop"

Nakita niya na ito ay kaaya-aya

Ang mga “ito” ay tumutukoy sa mga buhay na nilalang sa lupa. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:4.

Genesis 1:26

Gawin natin

Ang salitang "natin" dito ay tumutukoy sa Diyos. Sinasabi ng Diyos kung ano ang nilalayon niyang gawin. Ang panghalip na "natin" ay maramihan. Mga posibleng dahilan ng maramihang panghalip na ito ay 1) ang maramihang anyo na nagmumungkahi na tumatalakay ang Diyos ng isang bagay kasama ang mga anghel na bumubuo ng kanyang makalangit na bulwagan o 2) nagbabadya ang maramihang anyo sa maya-mayang ipahiwatig ng bagong tipan na umiiral ang Diyos sa anyo ng banal na tatluhan. Isinalin ito ng iba bilang "Hayaang gawin ko" o "Gagawa ako." Kung gagawin mo ito, alalahanin ang pagdagdag ng talababa upang sabihin na maramihan ang salita. (Tingnan: Pronouns)

tao

"tao" o "mga tao". Hindi nangangahulugang mga lalaki lang ang salitang ito.

sa ating wangis, ayon sa ating wangis

Nangangahulugan ang dalawang pariralang ito ng magkatulad na bagay at nagbigay-diin na gumawa ang Diyos ng sangkatauhan upang maging katulad niya. Hindi sinasabi ng taludtod na ito sa anong mga paraan ginawa ng Diyos ang mga tao na maging katulad niya. Walang katawan ang Diyos, kaya hindi ibig sabihin na dapat maging kamukha ng Diyos ang mga tao. Maaaring isalin na: "para maging tunay na katulad natin" (Tingnan:Doublet and Pronouns)

mamahala

"mamuno sa" o "magkaroon ng kapangyarihan sa"

Nilikha ng Diyos ang tao...nilikha niya siya

Nangangahulugan ang dalawang mga pangungusap na ito ng parehong bagay at nagbigay-diin na nilikha ng Diyos ang mga tao sa kanyang wangis. (Tingnan: Parallelism)

Nilikha ng Diyos ang tao

Magkaiba ang paraan sa paglikha ng Diyos sa tao mula sa paraan ng paglikha niya sa iba pang mga bagay. Huwag tukuyin na nilikha niya ang tao sa pamamagitan ng pagsasabi tulad sa nauunang mga taludtod.

Genesis 1:28

Pinagpala sila ng Diyos

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa lalaki at babae na nilikha ng Diyos.

Maging mabunga, at magpakarami

Sinabihan ng Diyos ang lalaki at ang babae na gumawa ng mas maraming tao na katulad sa kanilang sarili upang magkaroon ng marami sa kanila. Ang salitang "magpakarami" ay nagpapaliwanag kung paano sila maging "mabunga". Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:22. (Tingnan: Doublet and Idiom)

Punuin ang mundo

Punuin ang mundo ng mga tao.

Genesis 1:30

sa bawat ibon ng kalangitan

"lahat ng mga ibon na lumilipad sa langit"

sa bawat ibon ng kalangitan

“na humihinga” (UDB) Nagbibigay-diin ang pariralang ito na mayroong iba't-ibang uri ng buhay ang mga hayop na ito kaysa sa mga halaman. Hindi humihinga ang mga halaman, at ginagamit bilang pagkain para sa mga hayop. Dito ang "buhay" ay nangangahulugang pisikal na buhay. Maaaring isalin na: "na humihinga" (UDB).

nagkagayon nga

“Ganoon nga ang nangyari” o “Ito ang nangyari.” Nangyari ang inutos ng Diyos gaya ng kanyang sinabi. Makikita sa buong kabanata ang pariralang ito at mayroon itong parehong kahulugan sa tuwing babanggitin ito.

Pagmasdan

Ang salitang "pagmasdan" dito ay nagdadagdag ng diin kung ano ang sumusunod. AT: ''Tunay nga."

ito ay kaaya-aya

Ngayon nang tumingin ang Diyos sa lahat ng bagay na ginawa niya, "kaaya-aya" nito. Tingnan kung paano mo isinalin ang "kaaya-aya ito" sa 1:10.

Naggabi at nag-umaga

Ito ay tumutukoy sa buong araw. Tumutukoy ang manunulat sa buong araw na para bang nasa dalawang bahagi ito. Sa kultura ng mga Judio, nagsisimula ang araw kapag lumulubog ang araw. (Tingnan: Merism)

ang ika-anim na araw

Ito ay tumutukoy sa ika-anim na araw ng pagkalikha ng mundo. Tingnan kung paano mo isinalin "ang unang araw" sa 1:15 at magpasya kung dapat mo itong isalin sa parehong paraan.


Chapter 2

1 Kaya’t ang kalangitan at ang mundo ay natapos, at ang lahat ng buhay na mga bagay na pumuno sa kanila. 2 Sa ikapitong araw dumating ang Diyos sa pagtatapos ng gawain na kanyang ginawa, at siya ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat niyang gawain. 3 Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha. 4 to ang mga kaganapan ukol sa kalangitan at sa mundo, nang sila ay nilikha, sa araw na ginawa ni Yahweh na Diyos ang lupa at ang kalangitan. 5 Wala pang halamang bukid ang nasa mundo, at wala pang pananim ng bukid ang tumutubo, sapagkat hindi pa dinulot ni Yahweh na Diyos na umulan sa ibabaw ng mundo, at walang taong bubungkal ng lupa. 6 Pero umakyat ang hamog mula sa mundo at diniligan ang buong ibabaw ng lupa. 7 Si Yahweh na Diyos ay ginawa ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging buhay na nilalang. 8 Nagtanim si Yahweh na Diyos ng isang hardin pasilangan, sa Eden, at doon niya inilagay ang taong kanyang nilikha. 9 Mula sa lupa Pinatubo ni Yahweh na Diyos ang bawat punong kaaya-aya sa paningin at mabuti para sa pagkain. Kasama rito ang puno ng buhay na nasa gitna ng hardin, at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama. 10 Lumabas ang isang ilog sa Eden para diligan ang hardin. Mula roon ito ay nahati at naging apat na ilog. 11 Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Iyon ang umaagos sa buong lupain ng Havila, kung saan mayroong ginto. 12 Ang ginto sa lupang iyon ay mabuti. Mayroon ding bedelio at ang batong onise. 13 Ang pangalan ng pangalawang ilog ay Gihon. Ang isang ito ay umaagos sa buong lupain ng Cush. 14 Ang pangalan ng pangatlong ilog ay Tigris, na umaagos sa silangan ng Asshur. Ang pang-apat na ilog ay ang Eufrates. 15 Kinuha ni Yahweh na Diyos ang lalaki at inilagay siya sa hardin ng Eden upang trabahuin at alagaan ito. 16 Inutusan ni Yahweh na Diyos ang lalaki, sinasabing, "Mula sa bawat puno sa hardin ay malaya kang makakakain. 17 Pero mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay hindi ka maaaring kumain, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon, ikaw ay tiyak na mamamatay." 18 Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, "Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya." 19 Mula sa lupa ginawa ni Yahweh na Diyos ang bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit. Pagkatapos dinala niya sila sa lalaki upang makita kung ano ang itatawag niya sa kanila. Anuman ang itinawag ng lalaki sa bawat buhay na nilikha, iyon ang kanyang pangalan. 20 Ang lalaki ay nagbigay ng mga pangalan para sa lahat ng mga hayop, sa lahat ng mga ibon sa langit, at sa bawat mabangis na hayop sa bukid. Pero para sa lalaki mismo ay walang nahanap na katuwang na babagay para sa kanya. 21 Dinulot ni Yahweh na Diyos na makatulog nang mahimbing ang lalaki, kaya nakatulog ang lalaki. Kumuha si Yahweh na Diyos ng isa sa kanyang mga tadyang at isinara ang laman kung saan niya kinuha ang tadyang. 22 Sa pamamagitan ng tadyang na kinuha ni Yahweh na Diyos mula sa lalaki, ginawa niya ang babae at dinala siya sa lalaki. 23 Sinabi ng lalaki, "Sa oras na ito, ito ang buto ng aking mga buto, at laman ng aking laman. Tatawagin siyang 'babae', dahil kinuha siya sa lalaki." 24 Kaya iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, makikipag-isa siya sa kanyang asawa, at sila ay magiging isang laman. 25 Kapwa sila hubad, ang lalaki at ang kanyang asawa, pero hindi sila nahihiya.



Genesis 2:1

ang kalangitan

"ang langit" o “ang alangaang"

at lahat ng buhay na mga bagay na pumuno sa kanila

"at lahat ng maraming buhay na mga bagay na nasa kanila" o "at lahat ng mga madla na buhay na mga bagay na nasa kanila''

ay natapos na

Ito ay maaaring gawing aktibo. Maaaring isalin na: "natapos ng Diyos ang paglikha sa kanila" (Tingnan: Active or Passive).

Sa ikapitong araw dumating ang Diyos sa pagtatapos ng kanyang gawain

Hindi na gumawa ang Diyos sa ikapitong araw.

dumating ang

Ito ay isang idiyoma. Maaaring isalin na: “natapos” (See: Idiom)

dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain

“sa araw na iyon, hindi siya nagpahinga”

Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw

Maaaring ang ibig sabihin nito ay 1) "Dinulot ng Diyos ang ikapitong araw na magbigay ng mga magandang resulta" o 2) "Sinabi ng Diyos na kaaya-aya ang ikapitong araw."

at ginawang banal ito

"at hiniwalay ito" o "at tinawag niya itong sa kanya"

doon siya ay nagpahinga mula sa lahat ng kanyang gawain

"dito hindi siya gumawa"

Genesis 2:4

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang kabuuan ng Genesis 2 ay nagpapahayag paano nilikha ng Diyos ang tao sa ika-anim na araw.

Ito ang mga kaganapan ukol sa kalangitan at sa mundo

"'Ito ang kasaysayan ng kalangitan at ng mundo" o "Ito ang kuwento tungkol sa kalangitan at sa mundo." Mga posibleng kahulugan ay: 1) Buod ito ng mga kaganapan na inilarawan sa Genesis 1:1-2:3, o 2) ipinakikilala nito ang mga kaganapan na inilarawan sa Genesis 2. Kung maaari, isalin ito upang maaaring maintindihan sa alinmang paraan.

Sila ay nilikha

“Nilikha sila ni Yahweh na Diyos.” Sa kabanata 1, ang manunulat ay lagging nagsasalita patungkol sa Diyos bilang “Diyos” pero sa kabanata 2, lagi niyang nagsasalita tungkol sa Diyos bilang “Yahweh na Diyos.”

sa araw na ginawa ni Yahweh na Diyos

Maaaring isalin na: "nang nilikha ng Panginoong Diyos." Ang salitang "araw" ay tumutukoy sa buong kapanahunan ng paglikha, hindi lamang sa isang natatanging araw.

Yahweh

Ito ang pangalan ng Diyos na inihayag niya sa kaniyang bayan sa Lumang Tipan. Tingnan ang mga sinaling salita patungkol kay Yahweh, patungkol sa kung paano ito isasalin.

wala pang halamang bukid

walang mga madahong halaman ang tumubo sa kagubatan na maaaring kainin ng mga hayop

wala pananim ng bukid

walang madahong mga halaman katulad ng mga gulay o mga luntian na maaaring kainin ng mga hayop at ng mga tao.

bubungkal

para gawin ang lahat ng bagay na kailangan niyang gawin nang sa gayon tutubo ang mga halaman ng maayos

hamog

Mga posibleng kahulugan ay 1) isang bagay na katulad ng hamog o hamog sa umaga O 2) mga sibol mula sa mga daluyan na nasa ilalim ng lupa.

ang buong ibabaw ng lupa.

ang buong mundo

Genesis 2:7

ginawa

"hinulma" o "hinubog" o "ginawa" Tao...tao “isang tao”, “ang tao” hindi lang ito tumutukoy sa isang lalaki.

mga butas ng kanyang ilong

"kanyang ilong"

hininga ng buhay

"hininga na makakabuhay ng mga bagay." Dito ang "buhay" ay nanganghulugang pisikal na buhay.

isang hardin

Marahil hardin ito na taniman ng mga punong namumunga o parke na mayroong lahat ng uri ng mga punong kahoy.

pasilangan

"sa silangan"

Genesis 2:9

ang puno ng buhay

"ang puno na nagbibigay buhay sa mga tao"

buhay

Dito ang ibig sabihin nito ay "buhay na walang hanggan" o buhay na hindi natatapos.

ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama

"'ang punong kahoy na nagbibigay sa mga tao ng kakayanan upang makaintindi sa mabuti at masama" o "ang punong kahoy na makakapag-unawa sa mga mabubuting bagay at mga masasamang bagay kung sinuman ang kakain sa bunga nito "

mabuti at masama

Ito ay isang tayutay na tumutukoy sa dalawang kasukdulan at sa lahat ng bagay. Maaaring isalin na: "lahat ng bagay, kabilang ang mabuti at masama." (Tingnan: Merism)

na nasa gitna ng hardin

"nasa gitna ng hardin." Maaaring hindi ganap na nasa gitna ng hardin ang dalawang mga punong kahoy.

Lumabas ang isang ilog sa Eden para diligan ang hardin

Nasa Eden ang hardin. Nagpatuloy ang ilog na umagos palabas ng Eden. Maaaring isalin na: '''Umaagos ang isang ilog sa buong Eden para diligan ang hardin."

Genesis 2:11

Pishon

Ito lamang ang panahon na tinutukoy ang ilog na ito sa Bibliya. (Tingnan: How to Translate Names.)

ang buong lupain ng Havila

"Havilah ang buong lupain." Sa isang lugar ito sa Disyerto ng taga-Arabia. (Tingnan: How to Translate Names).

kung saan mayroong ginto

Nagbibigay ng impormasyon ang mga pariralang ito tungkol sa Havilah. Isasalin ito ng ilang mga wika bilang hiwalay na pangungusap. Maaaring isalin na: "Mayroong ginto sa Havilah." (Tingnan: Distinguishing versus Informing or Reminding).

Mayroon ding bedelio at ang batong onise

Ang salitang "mayroon" ay inilagay sa unahan ng pangungusap para pagbigay-diin. Maaaring isalin na: "Naroon din kung saan makakakita ang mga tao ng bedelio at batong onise"

bedelio

Nagmumula ang dagtang ito sa isang punong kahoy at mabango ang amoy. Malagkit na bagay ang dagta na lumalabas sa ilang mga punong kahoy na maaaring masunog. (Tingnan:Translate Unknowns)

ang batong onise

"mga batong onise." Isang tiyak na uri ng magandang bato ang Onise. (Tingnan: Translate Unknowns)

Genesis 2:13

Gihon

Ito lang ang natatanging pagbanggit sa ilog na ito sa Bibliya. (Tingnan: How to Translate Names)

umaagos sa buong lupain ng Cush

Hindi tinakpan ng ilog ang buong lupain, pero umikot sa iba't-ibang mga dako ng lupain.

ang buong lupain ng Cush

"tinawag na Cush ang buong lupain"

na umaagos sa silangan ng Asshur

"na umaagos sa lupa sa silangan ng lungsod ng Asshur." Umaagos mula sa hilaga hanggang timog ang Ilog Tigris. Ang pariralang "na umaagos sa silangan ng Asshur" ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung nasaan ang Ilog Tigris. Isasalin ito ng ilang mga wika bilang hiwalay na pangungusap. Maaaring isalin na: "umaagos ito sa silangan ng Asshur." (Tingnan: Distinguishing versus Informing and Reminding)

Genesis 2:15

ang hardin ng Eden

"ang hardin na nasa Eden''

upang trabahuin ito

“alagaan ito.” Nangangahulugan ito na gawin ang lahat ng kailangan para lumago nang maayos ang mga halaman.

upang alagaan ito

upang bantayan laban sa anumang masamang pangyayari rito

Mula sa bawat puno sa hardin

"Ang bunga ng bawat puno sa hardin"

ikaw

Ang panghalip na ito ay isahan. (Tingnan: Forms of You)

malaya kang makakakain...hindi mo maaaring kainin

Likas lang na unang sabihin sa ilang mga wika kung ano ang hindi pinahihintulutan at pagtakapos sabihin kung ano ang pinahihintulutan, tulad ng sa UDB.

malaya kang makakakain

"maaaring kainin ng walang pagbabawal" ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama

puno ng kaalaman ng mabuti at masama

“ang puno na nagbibigay kakayahan para unawain ang mabuti at masama” o ang “puno na nagbibigay kakayahan sa isang tao na malaman ang mabubuti at masasamang bagay.” Tingnan paano mo ito isinalin sa 2:9.

hindi ka maaaring kumain

"Hindi kita pahihintulutan na kumain" (UDB) o "Hindi ka dapat kumain"

Genesis 2:18

Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya

"'Gagawa ako ng katuwang na talagang karapat-dapat sa kanya"

bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit

Ang pariralang "sa bukid" at "sa langit" ay nagsasabi kung nasaan karaniwang naroon ang mga hayop at mga ibon. AT: "lahat ng mga uri ng mga hayop at mga ibon."

walang nahanap na katuwang na babagay para sa kanya

Maaari itong gawing aktibo. AT: "hindi siya nakahanap ng katuwang na babagay sa kanyang sarili" o "walang kasama na tama para sa kanya." (Tingnan: Active or Passive).

Genesis 2:21

Dinulot ni Yahweh na Diyos na makatulog ng mahimbing ang lalaki

"dinulot na makatulog ng mahimbing ang lalaki." Ang oras ng pagtulog ay oras kung kailan hindi madaling abalahin o gisingin ang isang tao sa isang mahimbing na pagkatulog.

Sa pamamagitan ng tadyang ...ginawa niya ang babae

"Mula sa tadyang...binuo niya ang babae." Ang tadyang ay ang sangkap na pinagmulan ng babae na ginawa ng Diyos.

Sa oras na ito, ito ang buto ng aking mga buto, at laman ng aking laman

"Sa wakas, katulad sa aking mga buto ang buto ng isang ito, at katulad sa aking laman ang kanyang laman." Pagkatapos humanap sa lahat ng mga hayop para maging katuwang at walang nakita ni isa, sa wakas nakita niya ang isang tao na kapareho niya at maaaring maging kabiyak niya. Marahil nagpapahayag ang lalaki ng kanyang damdaming kaluwagan at galak.

laman

Tumutukoy ito sa malambot na mga bahagi ng katawan katulad ng balat at kalamnan.

Tatawagin siyang 'babae', dahil kinuha siya sa lalaki.

Maaaring ginustong sumulat ng isang talababa ang tagasalin na nagsasabing "Ang salitang Hebreo para sa "babae" ay kasing tunog ng salitang Hebreo para sa 'lalaki.

Genesis 2:24

Pangkalahatang Kaalaman

Ang sumusunod ay sinulat ng manunulat. Hindi sinabi ng tao ang lahat ng ito.

Kaya

"Kaya nga"

iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina

"titigil ang mga lalaki na maninirahan sa tahanan ng kanilang ama at ina." Tungkol ito sa tao sa pangkalahatan. Hindi ito tumutukoy sa sinumang natatanging tao sa anumang natatanging oras.

magiging isang laman

Ang idiyomang ito ay tumutukoy sa sekswal na Gawain na parang ang mga katawan ay nagsasama para bumuo ng isang katawan. Maaaring isalin na: “Ang katawan nila ay magiging isang katawan.” (Tingnan: Idiom)

Kapwa sila hubad

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa lalaki at babae na nilikha ng Diyos.

hubad

"hindi nagsusuot ng damit"

pero hindi sila nahihiya

"hindi sila nahihiya tungkol sa pagiging hubad" (UDB)


Chapter 3

1 Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, "Talaga bang sinabi ng Diyos, "Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?" 2 Sinabi ng babae sa ahas, "Maaari naming kainin ang bunga mula sa mga puno ng hardin, 3 pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, "Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'" 4 Sinabi ng ahas sa babae, "Tiyak na hindi kayo mamamatay. 5 Dahil alam ng Diyos na sa araw na kainin ninyo ito mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo ay magiging tulad ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama." 6 At nang nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao, kumuha siya ng bunga nito at kinain ito. At binigyan niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain niya ito. 7 Parehong nabuksan ang kanilang mga mata, at nalaman nilang sila ay hubad. Pinagsama-sama nilang tinahi ang mga dahon ng igos at gumawa ng mga pantakip para sa kanilang mga sarili. 8 Narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos na naglalakad sa hardin sa kalamigan ng araw, kaya ang lalaki at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa presensya ni Yahweh na Diyos sa mga punong-kahoy ng hardin. 9 Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, "Nasaan ka?" 10 Sinabi ng lalaki, "Narinig kita sa hardin, at natakot ako, dahil ako ay hubad. Kaya itinago ko ang aking sarili." 11 Sinabi ng Diyos, "Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?" 12 Sinabi ng lalaki, "Ang babae na ibinigay mo sa akin, binigyan niya ako ng bunga mula sa puno at kinain ko ito." 13 Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, "Ano ba itong ginawa mo?" Sinabi ng babae, "Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako." 14 Sinabi ni Yahweh na Diyos sa ahas, "Dahil ginawa mo ito, sumpain ka sa lahat ng mga hayop at sa lahat ng mababangis na hayop sa bukid. Gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at alikabok ang iyong kakainin sa lahat ng araw ng iyong buhay. 15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong." 16 Sinabi niya sa babae, "Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya." 17 Sinabi niya kay Adan, "Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, "Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. 18 Ito ay tutubuan ng mga tinik at mga damo para sa iyo, at kakainin mo ang mga pananim sa bukid. 19 Kakain ka ng tinapay sa pamamagitan ng pawis ng iyong mukha, hanggang ikaw ay bumalik sa lupa, dahil kinuha ka mula rito. Dahil ikaw ay alikabok, at sa alikabok ka rin babalik." 20 Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eva dahil siya ang ina ng lahat ng mga nabubuhay. 21 Gumawa si Yahweh na Diyos ng mga kasuotang balat para kay Adan at para sa kanyang asawa at dinamitan sila. 22 Sinabi ni Yahweh na Diyos, "Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan." 23 Kaya pinalabas sila ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden, para bungkalin ang lupa kung saan siya kinuha. 24 Kaya pinalabas ng Diyos ang lalaki mula sa hardin, at nilagay niya ang querubin sa silangan ng hardin ng Eden, at isang nagliliyab na espada na umiikot sa bawat panig, upang bantayan ang daan patungo sa puno ng buhay.



Genesis 3:1

Ngayon

Nagsisimula ang manunulat ng bagong bahagi ng kwento.

higit na tuso

"mas tuso" (UDB) o "mas matalino sa pagkuha kung ano ang gusto niya sa pamamagitan ng pagsabi ng kasinungalingan"

Talaga bang sinabi nang Diyos

Ang ahas ay nagpapanggap na nagulatm Kayo…harding" Ang tanong na pangretorika na ito ay maaaring isalin bilang isang pahaayag. Maaaring isalin na: “Nagulat ako at sinabi ng Diyos sa inyo, ‘Kayo…hardin.” (Tingnan: Rheotrical Question)

Maaari naming kainin...sinabi ng Diyos, 'Hindi ninyo maaaring kainin ito

Sinabi ni Eva sa ahas kung ano ang pinahihintulutan sa kanila ng Diyos na gawin at kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanila na hindi nila dapat gawin. Sasabihin ng ilang mga wika kung ano ang sinabi sa kanila na hindi maaaring gawin, at pagkatapos ay sabihin kung ano ang maaari nilang gawin, tulad ng sa UDB.

Maaari naming kainin

"Pinapayagan kaming kumain" o "Pinahintulutan kaming kumain"

ni hindi ninyo ito maaaring hawakan

"at hindi ninyo dapat hawakan ito" o "at huwag hawakan ito"

Maaari naming kainin...sinabi ng Diyos, 'Hindi ninyo maaaring kainin ito

Sinabi ni Eva sa ahas kung ano ang pinahihintulutan sa kanila ng Diyos na unang gawin at pagkatapos kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanila na hindi gagawin. Sasabihin ng ilang mga wika kung ano ang sinabi sa kanila na hindi maaaring unang gawin, at pagkatapos sabihin kung ano ang pinapayagan sa kanila na gawin, tulad ng sa UDB.

Hindi ninyo maaaring...ni hindi kayo maaaring...mamamatay kayo

Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa lalaki at sa babae at kaya pangdalawahan o pangmaramihan. (Tingnan sa: Forms of You)

Genesis 3:4

Kayo...kayo...inyong...kayo

Nang sinabi ng ahas ang "kayo," tinutukoy niya ang lalaki at ang babae.

mabubuksan ang inyong mga mata

"bubuksan ang inyong mga mata." Nangangahulugan ang idyomang ito na "malalaman ninyo ang mga bagay" o "maiintindihan ninyo ang bagong mga bagay." Maaaring ihayag ang kahulugang ito nang maliwanag. Maaaring isalin na: "Magiging tila binuksan ang inyong mga mata" (UDB). (Tingnan:Idiom)

nakakaalam ng mabuti at masama

Dito ang “mabuti” at “masama” ay isang tayutay na tumutukoy sa dalawang kasukdulan at sa lahat ng bagay. Tingnan paano mo ito isinalin sa 2:9. Maaaring isalin na: “malaman ang lahat ng bagay, maging ang mabuti at masama” (See: Merism)

kaaya-aya ito sa paningin

"kaaya-ayang tingnan ang puno" o "maganda itong tingnan" o "napakaganda nito" (UDB)

at ang puno na iyon ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao

"at ginusto niya ang bunga ng puno dahil makakapagpatalino ito ng isang tao" o "at ginusto niya ang bunga nito dahil maaaring makakaintindi siya kung ano ang mabuti at mali tulad ng ginagawa ng Diyos"

Genesis 3:7

Parehong nabuksan ang kanilang mga mata

"Pagkatapos ang kanilang mga mata ay nabuksan" o "Napag-alaman nila" o " Naintindihan nila." Tingnan kung paano mo isinalin ang "mabubuksan ang inyong mga mata" sa 3:5.

tinahi

"kinabit" o "dinugtong"

mga dahon ng igos

Kung hindi alam ng mga tao kung ano ang katulad ng mga dahon ng igos, maaari itong isalin bilang "Malaking mga dahon mula sa puno ng igos" o simpleng "malaking mga dahon."

at gumawa ng mga pantakip para sa kanilang mga sarili

Ginawa nila ito dahil nahihiya sila. Maaaring gawing malinaw ang hindi hayag na impormasyon kung kinakailangan tulad ng sa UDB. Maaaring isalin na: "at dinamitan nila ang kanilang mga sarili." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa kalamigan ng araw

"sa oras ng araw kung kailan umiihip ang isang malamig na simoy ng hangin"

mula sa presensya ni Yahweh na Diyos

"mula sa paningin ni Yahweh na Diyos" o "upang makita sila ni Yahweh na Diyos" (UDB) o "mula kay Yahweh na Diyos"

Genesis 3:9

Nasaan ka?

"Bakit sinusubukan mong magtago mula sa akin?" (UDB). Alam ng Diyos kung nasaan ang lalaki. Nang sumagot ang lalaki, hindi niya sinabi kung nasaan siya pero kung bakit siya nagtatago.

sa iyo

Sa mga talatang 9 at 11, nakikipag-usap ang Diyos sa lalaki. Ang mga wikang may isahang anyo ng "sa iyo" ay maaaring gamitin nila ito dito. (Tingnan: Forms of You)

Narinig kita

"Narinig ko ang tunog na iyong ginawa"

Sinong nagsabi sa iyo

Alam ng Diyos ang sagot sa katanungang ito. Tinanong niya ito upang pilitin si Adan na aminin na sinuway niya ang Diyos. (Tingnan: Rhetorical Question)

Kumain ka ba

Muli, alam ng Diyos na mangyayari ito. Isalin ang katanungang ito sa paraan ng pagpapakita na inuusig ng Diyos si Adan sa pagsuway. Maaaring isalin ang pangungusap bilang isang pahayag. Maaaring isalin na: “Tiyak na kinain mo…ang mula.” (See: Rhetorical Question)

Genesis 3:12

Ano ba itong ginawa mo

Alam ng Diyos kung ano ang ginawa ng babae. Nang tinanong niya ang katanungang ito, siya ay binibigyan niya ng pagkakataon upang sabihin sa kanya ang tungkol dito, at pinapahiwatig niya ang kanyang pagkadismaya kung ano ang kanyang nagawa. Maraming mga wika ang gumamit ng patalumpating mga katanungan para pangbulyaw o pagsaway. Kung maaari, gumamit ng isang paraan na nagpapahiwatig sa pagkadismayang ito. (Tingnan: Rhetorical Question)

Genesis 3:14

ikaw lamang ang isinumpa

"ikaw lamang ang isinumpa.” Ang salitang "sumpa" ay una sa Hebreo upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapala ng Diyos sa mga hayop at ang sumpang ito sa ahas. Sa pamamagitan ng pagsabi ng sumpang ito, ginawa ito ng Diyos na mangyari.

lahat ng mga hayop at lahat ng mababangis na mga hayop sa bukid

"'lahat ng maaamong mga hayop at lahat ng mababangis na mga hayop."

Gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan

"Gagapang ka sa lupa sa pamamagitan ng iyong tiyan." Ang mga salitang "sa pamamagitan ng iyong tiyan" ang nauuna sa pangungusap upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa pagitan ng paraan ng ibang mga hayop na kumikilos gamit ang kanilang mga paa at ang paraan ng ahas na gumagapang sa pamamagitan ng tiyan nito. Bahagi rin ito ng pormula ng sumpa.

at alikabok ang iyong kakainin

"kakain ka ng alikabok." Ang mga salitang "alikabok ito" ang nauuna sa pangungusap upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga halaman na nasa ibabaw ng lupa na kakainin ng ibang mga hayop at ang maruruming pagkain na nasa lupa na kakainin ng ahas. Bahagi rin ito ng pormula ng sumpa.

poot sa pagitan mo at ng babae

Nangangahulugan itong magiging magkaaway ang ahas at ang babae.

binhi

"supling" o "kaapu-apuhan." Ang salitang "binhi" ay tumutukoy sa kung ano ang iniambag ng lalaki sa babae na siyang dahilan na mabubuo ang isang bata sa sinapupunan ng babae. Gaya ng "supling," maaaring tumutukoy ito sa higit sa isang tao, "mga kaapu-apuhan." Subukang humanap ng isang salita na isahang anyo pero tumutukoy sa higit sa isang tao.

Dudurugin niya...tutuklawin mo ang kanyang sakong

Ang mga salitang "niya" at "kanya" ay tumutukoy sa kaapu-apuhan ng babae. Kung ang "binhi" ay naisalin bilang pangmaramihan, maaaring isalin ito bilang "Dudurugin nila...tutuklawin mo ang kanilang sakong." Sa kalagayang ito, isaalang-alang ang paglagay ng mga talababa upang sabihin na ang "Niya" at "kanya" ay isahan.

durugin

"pisain" o "hampasin" o "salakayin."

Genesis 3:16

Higit kong patitindihin ang sakit mo

"Dagdagan ko pa ang iyong sakit" o "Mas paiigtingin ko pa ang iyong sakit"

sa pagkakaroon ng mga anak

"sa pagpasilang ng mga anak" o "kapag magsilang ka ng mga anak" (UDB)

Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa

"Magkakaroon ka ng higit na malakas na pagnanais para sa iyong asawang lalaki." Mga posibleng kahulugan ay 1) "Gugustuhin mo talagang makasama ang iyong asawang lalaki" o 2) "Gugustuhin mong pamahalaan ang iyong asawang lalaki."

pamumunuan ka niya

"magiging panginoon mo siya" o "siya ang mamahala sa iyo"

Genesis 3:17

Adan

Pareho sa salitang Hebreo ang pangalang Adan para sa "lalaki." Ang ilang mga pagsasalin ay nagsasabing "Adan" at ang iba naman ay nagsabing "ang lalaki.'' Maaari mong gamitin ang alinmang anyo bilang tumutukoy ito sa parehong tao.

nakinig ka sa boses ng iyong asawa

Ito ay isang idiyoma. Maaaring isalin na: "sinunod mo kung ano ang sinabi ng iyong asawa" (Tingnan: Idiom)

kumain mula sa puno

"kumain ng bunga ng puno" o "kumain ng ilang bunga ng puno" (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Hindi kayo maaaring kumain mula rito

"Hindi kayo dapat kumain mula rito" o “Huwag kumain ng bunga nito"

sinumpa ang lupa

Ang salitang "sumpa" ay nasa unahan ng pangungusap upang bigyang-diin na ang lupa, na naging "mabuti" na ngayon nasa ilalim na ng sumpa ng Diyos. Maaari itong gawing aktibo. Maaaring isalin na: "Sinumpa ko ang lupa." (Tingnan: Active or Passive)

sa matinding pagpapagod

"sa pamamagitan ng paggawa ng mahirap na trabaho"

kakakain ka mula rito

Ang salitang "rito" ay tumutukoy sa lupa at pagpapalit-tawag ito para sa mga bahagi ng mga halaman, na tumutubo sa lupa, na makakain ng tao. Maaaring isalin na: “kakainin mo anumang magiging bunga nito” (Tingnan: Metonymy)

ang mga pananim sa bukid

Mga posibleng kahulugan ay 1) "ang mga halaman na iyong inalagaan sa iyong mga bukid" o 2) "ang mga halamang gubat na tumubo sa tiwangwang na lupa."

sa pamamagitan ng pawis ng iyong mukha

"Sa pamamagitan ng paggawa ng mahirap na trabaho na magpapawis sa iyong mukha"

kakain ka ng tinapay

Dito ang salitang "tinapay" ay isang pagpapalit-saklaw para sa pagkain sa pangkalahatan. (Tingna: Synecdoche)

hanggang ikaw ay bumalik sa lupa

"hanggang ikaw ay mamamatay at ang iyong katawan ay mailibing sa lupa." Sa ilang mga kultura, nilalagay nila ang mga katawan ng mga tao na namatay sa isang butas sa lupa. Hindi natatapos ang mahirap na trabaho ng tao hanggang sa oras ng kanyang kamatayan at paglibing.

Dahil ikaw ay alikabok, at sa alikabok ka rin babalik

"Ginawa kita mula sa lupa, kaya ang iyong katawan ay magiging lupang muli." Isalin ang parehong paggamit ng "alikabok" na may parehong salita upang maipakita nito na nagmumula ang tao at nagwawakas sa parehong kalagayan.

Genesis 3:20

Ang lalaki

Sinabi ng ibang pagsasalin, "Adan." tinawag ang kanyang asawa sa pangalang Eva. Si Adan ay "binigyan niya ng pangalang Eva ang kanyang asawa" o "pinangalanan niya ang kanyang asawang Eva" (UDB).

Eva

Maaaring magsulat ng talababa ang mga tagasalin na nagsasabing, "Katunog ng salitang Hebreo ang pangalang Eva na nangangahulugang 'nabubuhay."'

lahat ng mga nabubuhay

Ito ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: "lahat ng mga nabubuhay." (Tingnan: Nominal-Adjectives)

mga kasuotang balat

"mga bagay na gawa sa mga balat ng hayop upang takpan ang kanilang mga katawan."

Genesis 3:22

ang lalaki

Mga posibleng kahulugan ay 1) Tumutukoy ang Diyos sa isang tao, ang lalaki, o 2) Tumutukoy ang Diyos sa mga tao sa pangkalahatan, na sa puntong ito ay ang lalaki at ang kanyang asawa. Kahit na nagsasabi ang Diyos tungkol sa isang tao, tumutukoy sa kanilang dalawa kung ano ang kanyang sinasabi.

isang tulad na natin

Ang panghalip na "natin" ay pangmaramihan. Tingnan kung paano mo isinalin ang "Gumawa tayo" sa 1:26.

na nalalaman ang mabuti at masama

Dito ang “mabuti” at “masama” ay isang tayutay na tumutukoy sa mga sukdulan at lahat ng nasa pagitan nito. Tingnan paano mo isinalin ang “kaalaman ng mabuti at masama” sa 2:9. Maaaring isalin na: “nalalaman ang lahat, maging ang mabuti at masama” (Tingnan: Merism)

hindi na siya dapat pahintulutan

Maaari itong isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “"Hindi ko siya papayagan" (See: Active or Passive).

puno ng buhay

“puno na nagbibigay ng buhay sa tao.” Isalin ito bilang tulad ng sa 2:9.

ang lupa mula kung saan siya kinuha

“lupa dahil ginawa siya mula sa lupa.” Hindi ito tumutukoy sa natatanging bahagi ng lupa kung saan kinuha ang lalaki.

kaya pinalabas ng Diyos ang lalaki mula sa hardin

"Sapilitang pinaalis ng Diyos ang lalaki mula sa hardin." Tumutukoy ito sa pangyayari sa 3:23, kung saan sinabi nito "Pinalabas siya ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden." Hindi pinalabas ng Diyos ang lalaki sa pangalawang pagkakataon.

Bungkalin

Nangangahulugan ito na gawin ang kailangan para lumago ng mayo sang halaman. Isalin ito tulad ng sa 2:15.

upang bantayan ang daan patungo sa puno ng buhay

"upang pigilan ang mga tao na pumunta sa puno ng buhay."

nagliliyab na espada

Mga posibleng kahulugan ay 1) isang espada na mayroong apoy na lumalabas mula rito o 2) isang apoy na hugis espada. Mga wika na walang espada ay maaaring gumamit ng isa pang sandata tulad ng isang sibat o palaso.


Chapter 4

1 Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, "Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh." 2 Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa. 3 At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh. 4 Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog, 5 pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya. 6 Sinabi ni Yahweh kay Cain, "Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? 7 Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan." 8 Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito. 9 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, "Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?" Sinabi niya, "Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?" 10 Sinabi ni Yahweh, "Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa. 11 Ngayon isinumpa ka mula sa lupa, na nagbukas ng bunganga nito upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong kamay. 12 Kapag ikaw ay magbubungkal ng lupa, mula ngayon hindi na nito isusuko sa iyo ang kanyang lakas. Magiging palaboy at pagala-gala ka sa mundo." 13 Sinabi ni Cain kay Yahweh, "Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya. 14 Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako." 15 Sinabi ni Yahweh sa kanya, "Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan." Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon. 16 Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden. 17 Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa at nabuntis ito. Isinilang niya si Enoc. Nagtatag siya ng isang lungsod at pinangalanan niya ito sunod sa kanyang anak na si Enoc. 18 Kay Enoc isinilang si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mehujael. Si Mehujael ang naging ama ni Metusael. Si Metusael ang naging ama ni Lamec. 19 Si Lamec ay kumuha ng dalawang asawa para sa kanyang sarili: ang pangalan ng isa ay si Ada, at ang pangalan ng isa pa ay si Zilla. 20 Isinilang ni Ada si Jabal. Siya ay ama ng lahat ng nakatira sa mga tolda na may mga alagang hayop. 21 Ang pangalan ng kanyang kapatid na lalaki ay Jubal. Siya ang ama ng lahat ng mga manunugtog ng alpa at plauta. 22 Si Zilla naman, naging anak niya si Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal. Ang babaeng kapatid ni Tubal Cain ay si Naama. 23 Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, "Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin. 24 Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit." 25 Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, "Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain." 26 Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki at tinawag niya itong Enos. Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh.



Genesis 4:1

Ang lalaki

"ang tao" o "Adan" (UDB)

sumiping

Maaaring mayroong paraan ang iyong wika sa pagsasabi nito ng magalang. Ilang mas lumang mga salin ay nagsabing "alam." (Tingnan: Euphemism)

Nagkaroon ako ng lalaki

Ang salitang para sa "lalaki" ay karaniwang naglalarawan bilang matandang lalaki, kaysa isang sanggol o anak. Kung magdudulot ito ng kalituhan, maaaring isalin ito bilang "lalaking anak" o "lalaki" o "batang sanggol na lalaki" o "anak na lalaki.''

Cain

Maaaring nais isama ng tagasalin ang isang talababa na nagsasabing "Katunog ng salitang Hebreo ang pangalang Cain na nangangahulugang 'magkaanak.' Pinangalanan siya ni Eva ng Cain dahil siya ay ipinanganak niya." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Pagkatapos ay isinilang niya

Hindi natin alam kung ilang panahon ang nakalipas sa pagitan ng kapanganakan ni Cain at Abel. Maaaring kambal sila, o maaaring sinilang si Abel bago muling nabuntis si Eva. Kung maaari, gumamit ng pagpahayag na hindi nagsabi kung gaano katagal ang panahon na lumipas.

nagbungkal

Nangangahulugan ito na gawin ang kailangan para lumago ng mayo sang halaman. Isalin ito tulad ng sa 2:15.

Genesis 4:3

At nangyari na

Ginagamit dito ang pariralang ito upang tandaan ang simula ng bagong bahagi ng kuwento. Kung mayroong isang paraan ang iyong wika sa paggawa nito, maaari mong isaalang-alang ang paggamit nito dito.

sa paglipas ng panahon

Mga posibleng kahulugan ay 1) "pagkatapos ng ilang panahon ang lumipas" o 2) "sa tamang oras"

bunga ng lupa

Tumutukoy ito sa pagkain na nagmula sa mga pananim na kanyang inaalagaan. AT: "mga pananim" o "ani." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Infromation)

ilan sa taba

Tumutukoy ito sa mga matabang bahagi ng mga tupa na kanyang pinatay. Ang taba ang pinakamabuting bahagi ng hayop. AT: "ilan sa matatabang bahagi ng mga ito." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Infromation)

tinanggap

"tumingin na may pasang-ayon" o "nakalugod kay"

ay lubhang nagalit

Mayroong isang idyoma ang ilang mga wika para sa galit gaya ng "Nag-init siya" o "Uminit ang kanyang galit."

sumimangot siya

Nangangahulugan ito na ang kapahayagan sa kanyang mukha ay nagpakita na galit siya o nagseselos. Mayroong idyoma ang ilang mga wika na naglalarawan kung ano ang mukha ng tao kapag galit siya. (Tingnan: Idiom)

Genesis 4:6

Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot?

Ginamit ng Diyos ang patalumpating mga katanungang ito upang sabihin kay Cain na mali siya na maging galit at sumimangot. Maaaring sinasadya nila na bigyan si Cain ng pagkakataon upang umamin na siya ay mali. (Tingnan: Rhetorical Question)

Kung…hindi ka ba tatanggapin?

Ginamit ng Diyos ang patalumpating katanungang ito upang paalalahanan si Cain ng isang bagay na dapat alam na ni Cain. Maaaring isalin na: "Alam mo kung ginawa mo kung ano ang tama, tatanggapin kita." (Tingnan: Rhetorical Question)

Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan."

Maaaring isalin na: Pero kung hindi mo ginawa kung ano ang tama, napakamapanganib ang iyong makasalanang pag-iisip, at magdadala ang mga ito sa iyo na gumawa ng makasalanang mga bagay, pero dapat mong tanggihan na gawin ang mga iyon" (See: Personification)

ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto

Dito ang kasalanan ay sinabi bilang isang mapanganib na mabangis na hayop na nag-aabang para sa pagkakataon upang salakayin si Cain. Maaaring isalin na: "nagiging galit ka na hindi ka na makapagpigil sa iyong sarili mula sa pagkakasala." (Tingnan: Metaphor)

kasalanan

Mga wika na walang pangngalan na nangangahulugang "kasalanan" ay maaaring isalin ito bilang "ang iyong nais na magkasala" o "ang masamang mga bagay na gusto mong gawin."

dapat mo itong pamunuan

Nagsasalita si Yahweh na ninais ni Cain na magkasala na para bang ito ay isang tao na dapat pamunuan ni Cain. Maaaring isalin na: "dapat mong pigilin ang iyong sarili para hindi ka magkasala." (Tingnan: Personification)

Genesis 4:8

Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid

Kailangang magdagdag ng di-tuwirang impormasyon ang ilang wika na kinausap ni Cain ang kanyang kapatid tungkol sa pagpunta sa mga bukid. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

kapatid

Nakababatang kapatid na lalaki ni Cain si Abel. Kailangang gumamit ang ilang mga wika ng salita para sa "nakababatang kapatid na lalaki." (Tingnan: Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

nag-alsa laban

"linusob" (Tingnan: Idiom)

Nasaan ang iyong kapatid na si Abel

Alam ng Diyos na pinatay ni Cain si Abel, pero tinanong niya si Cain ng katanungan ito upang kailangang sumagot si Cain. (Tingnan: Rhetorical Question)

Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?

Gumamit si Cain ng patalumpating katanungang ito upang maiwasang sabihin ang katotohanan. Nagpapahiwatig siya na dapat malaman ng Diyos na hindi tagapangalaga si Cain ng kanyang kapatid. Maaaring isalin na: "Hindi ako tagapangalaga ng aking kapatid." o "Hindi ko trabaho ang pag-aalaga ng aking kapatid." (Tingnan: Rhetorical Question)

Genesis 4:10

Ano ang ginawa mo?

Gumamit ng tanong na pangretorika para pagalitan si Caain. Maaari itong isalin bilang pahayag. Maaaring isalin na: "Nakakakilabot ang ginawa mo!" (UDB) (Tingnan: Rhetorical Question)

Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid

Nagsasalita ang Diyos tungkol sa dugo ni Abel, kung saan isang pagpapalit-tawag para sa kanyang kamatayan, na para bang isa itong tao na tumatawag sa Diyos upang parusahan si Cain. Maaaring isalin na: "Kagaya ng isang tao ang dugo ng iyong kapatid na tumatawag sa akin upang parusahan ang taong pumatay sa iyong kapatid." (Tingnan: Metonymy)

Ngayon isinumpa ka mula sa lupa

Maaari itong isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Isinusumpa kita para hindi ka na magbunga ng pagkain” (Tingnan: Metonymy)

na nagbukas ng bunganga nito upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid

Nagsasalita ang Diyos tungkol sa lupa na para bang isa itong tao na kayang uminom ng dugo ni Abel. Maaaring isalin na: "na babad sa dugo ng iyong kapatid." (Tingnan: Personification)

mula sa iyong kamay

Nagsasalita ang Diyos tungkol sa kamay ni Cain na para bang ito ang nagbuhos ng dugo ni Abel sa "bunganga" ng lupa. Maaaring isalin na: "na natapon nang pinatay mo siya" (Tingnan: Metonymy and Synecdoche)

magbubungkal

Nangangahulugan ito na gawin ang kailangan para lumago ng mayo sang halaman. Isalin ito tulad ng sa 2:15.

hindi na nito isusuko sa iyo ang kanyang lakas

"hindi na magbibigay ang lupa ng maraming pagkain para sa iyo." (Tingnan: Personification)

Magiging palaboy at lagalag

Maaaring pagsamahin ang mga salitang ito at isalin bilang "Isang lagalag na walang bahay," na nangangahulugang "Isang tao na gumagala dahil wala siyang bahay." (Tingnan: Hendiadys)

Genesis 4:13

ako ay tatago mula sa iyong mukha

Ang salitang “iyong mukha) ay kumakatawan sa presensiya ng Diyos. Maaaring isalin na: “Hindi kita makakausap” (Tingnan: Idiom)

Magiging palaboy ako at lagalag

Isalin ito katulad sa [[rc://tl/bible/notes/gen/04/10]]

makapitong beses siyang gagantihan

Maaari itong isalin na may aktibong pandiwa. "Makapitong beses ko siyang gagantihan" o "Paparusahan ko ang taong iyon ng makapitong beses na kasintindi ng pagparusa ko sa iyo." (UDB). (Tingnan: Active or Passive)

hindi siya lulusubin

"hindi papatayin si Cain"

Genesis 4:16

umalis mula sa presensya ni Yahweh

Kahit na si kahit sa Yahweh, nagsasabi ang idyomang ito ng kung ano ang ginawa ni Cain na para bang umalis siya sa isang silid o bahay pagkatapos niyang magkipag-usap sa isang tao at pumunta sa malayo.Maaaring isalin na : "umalis kung saan naroon si Yahweh." (Tingnan: Idiom)

Nod

Maaaring magdagdag ng talababa ang tagapagsalin na nagsasabing "Ang salitang Nod ay nangangahulugang 'lumalaboy."

sinipingan

Ang inyong wika ay maaaring may paraan ng pagsasabi ng salitang ito nang mas mababaw. Ang ilang lumang bersyon ay sinasalin ito bilang “kilala.” Tingnan paano mo ito isinalin sa 4:1. (Tingnan: Euphemism)

Nagtatag siya ng isang lungsod

"Nagtatag si Cain ng isang lungsod"

Genesis 4:18

Kay Enoc isinilang si Irad

Ang impormasyong ipinapahiwatig na lumaki si Enoc at nag-asawa ng isang babae. Maaaring isalin na: "Nagkaroon ng anak si Enoc at pinangalanang niyang Irad" o "Naging ama si Enoc ni Irad." (UDB) (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Si Irad ang naging ama ni Mehujael

"Nagkaroon ng anak na lalaki si Irad at pinangalanan niyang Mehujael" (Tingnan: How to Translate Names)

Ada...Zilla

mga pangalan ng mga babae (Tingnan: How to Translate Names)

Genesis 4:20

Ada...Zilla

Isalin ang mga pangalang ito sa 4:19.

Siya ay ama ng lahat ng nakatira sa mga tolda

Mga posibleng kahulugan ay 1) Siya ang unang tao na nakatira sa tolda o 2) "Tumira siya sa mga tolda at ang kanyang mga kaapu-apuhan."

na nakatira sa mga tolda na may mga alagang hayop

mga tao na kapwa nakatira sa mga tolda at nag-aalaga rin ng mga hayop.

Siya ang ama ng lahat ng mga manunugtog ng alpa at plauta

Mga posibleng kahulugan ay 1) Siya ang unang tao na tumugtog ng alpa at plauta" o 2) "Tumugtog siya ng alpa at plauta at ang kanyang mga kaapu-apuhan."

Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal

"Tubal Cain. Gumawa siya ng kagamitan na tanso at bakal" (Tingnan: How to Translate Names)

bakal

isang napakatibay na kulay-abong metal na ginagamit para gumawa ng mga kagamitan at sandata.

Genesis 4:23

dinggin ninyo ang aking tinig…makinig kayo sa sasabihin ko

Sinasabi ni Lamec ang parehong bagay ng makalawang ulit upang ipakita kung gaano ka halaga iyon na makinig ang kanyang mga asawa sa sasabihin niya. (Tingnan: Parallelism and Metonymy)

isang tao dahil sinugatan ako, isang binata na dahil sa pananakit sa akin

Pumatay si Lamech ng isang tao lamang. (Tingnan: Doublet)

dahil sinugatan ako

"dahil sinugatan niya ako" o "dahil sinaktan niya ako" (Tingnan: Doublet)

Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong beses

Alam ni Lamec na ipaghihiganti ng Diyos si Cain nang pitong beses. Maaaring isalin na: “Dahil parurusahan ng Diyos ang sinumang papatay kay Cain ng pitong beses, Lamec) (Tingnan: Active or Passive)

tunay na si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong beses na dama."

makapitong beses na dami** - "tunay na ipaghihiganti ko ng pitumpu't-pitong beses na dami" o "tunay na sinuman ang pumatay sa akin ay paparusahan ng pitumpu't-pitong beses na dami"

pitumpu’t-pitong

77 (Tingnan: Numbers)

Genesis 4:25

sumiping sa

Ang inyong wika ay maaaring may paraan ng pagsasabi ng salitang ito nang mas mababaw. Ang ilang lumang bersyon ay sinasalin ito bilang “kilala.” Tingnan paano mo ito isinalin sa 4:1. (Tingnan: Euphemism)

at sinabing, "Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki

Ito ang dahilan na pinangalanan niyang Set. Maaaring gawing malinaw ang ipinahiwatig ng impormasyong ito: "at ipinaliwanag, 'Binigyan ako ng Diyos ng isa pang anak." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Set

Maaaring magdagdag ng talababa ang tagasalin na nagsasabing "Katunog ng salitang Hebreo ang pangalang ito na nangangahulugang 'ibinigay." (Tingnan: How to Translate Names)

Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki

Maaari itong sabihin ng malinaw. Maaaring isalin na: "Nagsilang ng isang anak na lalaki ang asawa ni Set sa kanya" (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

tumawag sa pangalan ni Yahweh.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa Genesis na tinawag ng mga tao ang Diyos gamit ang kanyang pangalang Yahweh. Maaaring isalin na: "upang sambahin ang Diyos gamit ang pangalang Yahweh." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)


Chapter 5

1 Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan. Sa araw na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ginawa niya sila ayon sa kanyang wangis. 2 Nilikha niya silang lalaki at babae. Pinagpala niya sila at pinangalanan silang sangkatauhan nang sila ay likhain. 3 Nang nabuhay si Adan ng 130 taon, siya ay naging ama ng isang anak na lalaki na ayon sa kanyang sariling wangis, sunod sa kanyang larawan, at pinangalanan niya itong Set. 4 Pagkatapos na si Adan ay naging ama ni Set, nabuhay siya ng walondaang taon. Siya ay naging ama ng higit na marami pang mga anak na lalaki at mga anak babae. 5 Nabuhay si Adan ng 930 taon, at pagkatapos siya ay namatay. 6 Nang nabuhay si Set ng 105 taon, siya ay naging ama ni Enos. 7 Pagkatapos na siya ay naging ama ni Enos, nabuhay siya ng 807 taon at naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 8 Nabuhay si Set ng 912 taon, at pagkatapos siya ay namatay. 9 Nang nabuhay si Enos ng siyamnapung taon, naging ama siya ni Kenan. 10 Pagkatapos na siya ay naging ama ni Kenan, si Enos ay nabuhay ng 815 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 11 Nabuhay si Enos ng 905 taon, at pagkatapos siya ay namatay. 12 Nang nabuhay si Kenan ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Mahalalel. 13 Pagkatapos na siya ay naging ama ni Mahalalel, nabuhay si Kenan ng 840 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 14 Nabuhay si Kenan ng 910 taon at pagkatapos siya ay namatay. 15 Nang nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Jared. 16 Pagkatapos na siya ay naging ama ni Jared, nabuhay si Mahalalel ng 830 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 17 Nabuhay si Mahalalel ng 895 taon at pagkatapos siya ay namatay. 18 Nang nabuhay si Jared ng 162 taon, siya ay naging ama ni Enoc. 19 Pagkatapos niyang naging ama ni Enoc, nabuhay si Jared ng walong daang taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 20 Nabuhay si Jared ng 962 taon, at pagkatapos siya ay namatay. 21 Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem. 22 Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa tatlong daang taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Metusalem. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 23 Nabuhay si Enoc ng 365 taon. 24 Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos, at pagkatapos siya ay nawala, dahil kinuha siya ng Diyos. 25 Nang nabuhay si Metusalem ng 187 taon, siya ay naging ama ni Lamec. 26 Pagkatapos na siya ay naging ama ni Lamec, nabuhay si Metusalem ng 782 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 27 Nabuhay si Metusalem ng 969 taon. Pagkatapos siya ay namatay. 28 Nang nabuhay si Lamec ng 182 taon, siya ay naging ama ng isang lalaki. 29 Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, "Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh." 30 Nabuhay si Lamec ng 595 taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Noe. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. 31 Nabuhay si Lamec ng 777 taon. Pagkatapos siya ay namatay. 32 Matapos mabuhay ni Noe ng limandaang taon, siya ay naging ama nina Sem, Ham at Jafet.



Genesis 5:1

Pangkalahatang Impormasyon:

Ito ang simula ng listahan ng mga kaapu-apuhan ni Adan.

ayon sa kanyang wangis

Ang pariralang ito ay nangangahulugang nilikha ng diyos ang tao na tulad niya. Hindi sinasabi ng talatang ito sa paanong paraan ginawa ng Diyos ang tao na maging tulad niya. Walang katawan ang Diyos, kaya hindi ibig sabihin nito na kahawig tayo ng Diyos. Maaaring isalin na: “maging tunay na gaya natin.” Tingnan paano isinalin ang “ayon sa ating wangis” sa 1:26. (Tingnan: Pronouns)

nang sila ay likhain

Ginawa itong aktibo. Maaaring isalin na: "nang nilikha sila ng Diyos" (Tingnan: Active or Passive)

Genesis 5:3

130...walong daan

Maaaring isulat ng tagasalin ang mga pamilang na "130" at "800" o ang mga salitang "isang daan at tatlumpu" at "walong daan" (May pamilang ang ULB at ang UDB kung may tatlo o higit pang mga salita ang bilang; mayroong mga salita kung ang bilang ay mayroong isa o dalawang salita.) (Tingnan: Numbers)

siya ay naging ama ng isang anak na lalaki

"nagkaroon siya isang anak na lalaki"

ayon sa kanyang sariling wangis, sunod sa kanyang wangis

Nangangahulugan ng parehong bagay ang dalawang pariralang ito. Ginagamit ang mga ito bilang paalala na ginawa ng Diyos ang tao batay sa kanyang wangis. Tingnan kung paano mo isinalin ang magkahawig na parirala sa 1:26.

Set

Isalin ang pangalang ito tulad ng ginawa mo sa 4:25.

Siya ay naging ama ng mas marami pang anak na mga lalaki at mga anak na babae

"Nagkaroon siya ng maraming mga anak na lalaki at mga anak na babae"

at pagkatapos siya ay namatay

Uulitin ang pariralang ito sa buong kabanata. Gumamait ng pangkaraniwang salita para sa "namatay."

Nabuhay si Adan ng 930 taon

Nabuhay ang mga tao ng napakamahabang panahon. Gamitin mo ang pangkaraniwang salita para sa "taon". Maaaring isalin na: "Nabuhay si Adan ng kabuuang 930 taon." (Tingnan: Numbers).

Genesis 5:6

siya ay naging ama ni Enos

Dito ang "ama" ay nangangahulugang ang kanyang totoong ama, hindi ang kanyang lolo. Maaaring isalin na: "nagkaroon siya ng anak na lalaki na si Enos."

Enos

Pangalan ito ng isang tao.

at naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae

"at nagkaroon siya ng maraming mga anak na lalaki at mga anak na babae"

Nabuhay si Set ng 912 taon

"Nabuhay si Set ng kabuuang 912 taon"

at pagkatapos siya ay namatay

Nauulit ang pariralang ito sa buong kabanata. Gamitin ang karaniwang salita para sa "namatay."

Genesis 5:9

Pangkalahatang Impormasyon:

May magkakaparehong ayos ang mga talaan ng Genesis 5:6-27. Isalin ang mga ito ayon sa mga lista sa 5:6-8.

Genesis 5:12

Pangkalahatang Impormasyon:

May magkakaparehong ayos ang mga talaan ng Genesis 5:6-27. Isalin ang mga ito ayon sa mga lista sa 5:6-8.

Genesis 5:15

Pangkalahatang Impormasyon:

May magkakaparehong ayos ang mga talaan ng Genesis 5:6-27. Isalin ang mga ito ayon sa mga lista sa 5:6-8.

Genesis 5:18

Pangkalahatang Impormasyon:

May magkakaparehong ayos ang mga talaan ng Genesis 5:6-27. Isalin ang mga ito ayon sa mga lista sa 5:6-8.

Genesis 5:21

siya ay naging ama ni Metusalem

"Nagkaroon siya ng anak na lalaki na si Metusalem"

Metusalem

Ito ay pangalan ng isang lalaki.

Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos

Ang paglalakad kasama ng isang tao ay isang pagwawangis ng pagiging malapit na kaugnayan sa kanya. Maaaring isalin na: "May malapit na kaugnayan si Enoc sa Diyos" o "Nabuhay si Enoc na kaisa ng Diyos."

Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae

Nagkaroon siya ng marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae"

Nabuhay si Enoc ng 365 taon

"Nabuhay si Enoch sa kabuuang 365 taon" (Tingnan: Numbers)

siya ay nawala

Ang salitang "siya" ay tumutukoy kay Enoc. Wala na siya sa mundo.

dahil kinuha siya ng Diyos

Ang ibig sabihin nito na kinuha ng Diyos si Enoc upang makasama mismo ng Diyos.

Genesis 5:25

Lamec

Iba ang Lamec na ito sa Lamec na nasa 4:18.

Pangkalahatang Impormasyon:

May magkakaparehong ayos ang mga talaan ng Genesis 5:6-27. Isalin ang mga ito ayon sa mga lista sa 5:6-8.

Genesis 5:28

naging ama ng isang lalaki

"nagkaroon ng isang anak na lalaki"

Noe

Maaaring magdagdag ng talababa ang tagasalin na nagsasabing "Katunog ng salitang Hebreo ang pangalan na ito na nangangahulugang 'pahinga.'"

mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay

Sinabi ni Lamec ang parehong bagay ng dalawang beses upang bigyang-diin kung gaano kahirap ang trabaho. Maaaring isalin na: "mula sa pagtatrabaho nang mahirap gamit ang ating mga kamay."

Genesis 5:30

Nabuhay si Lamec ng 777 taon

"Nabuhay si Lamec ng kabuuang 777 taon"

Genesis 5:32

siya ay naging ama nina

"mayroon siyang mga anak na lalaki." Hindi nagsasabi sa atin kung ipinanganak sa parehong araw o sa iba't ibang mga taon ang mga anak na lalaki.

Sem, Ham, at Jafet

Hindi nakatala ang mga anak na lalaking ito ayon sa pagkasunod-sunod ng kanilang kapanganakan. Si Ham ang bunsong anak. Iwasang isalin ito sa paraang nagpapaghiwatig na ang talaan ay ayon sa pagkasunod-sunod ng kanilang edad.


Chapter 6

1 At nangyari na nang nagsimulang dumami ang sangkatauhan sa mundo at ang mga anak na babae ay isinilang sa kanila, 2 na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila. 3 Sinabi ni Yahweh, "Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon." 4 Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala. 5 Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang. 6 Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso. 7 Kaya sinabi ni Yahweh, "Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila." 8 Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh. 9 Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos. 10 Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet. 11 Ang mundo ay masama sa harapan ng Diyos, at ito'y puno ng karahasan. 12 Nakita ng Diyos ang mundo; masdan, ito ay masama, dahil lahat ng laman ay pinasama ang kanilang gawi sa ibabaw ng mundo. 13 Sinabi ng Diyos kay Noe, "Nakikita kong panahon na upang bigyang wakas ang lahat ng laman, sapagkat napuno na ng karahasan ang mundo sa pamamagitan nila. Katunayan, wawasakin ko sila kasama ng mundo. 14 Gumawa ka para sa iyong sarili ng arka mula sa kahoy ng saypres. Gumawa ka ng mga silid sa arka, takpan mo ito ng aspalto sa loob at labas. 15 Ganito mo ito gagawin: tatlong daang kubit ang haba ng arka, limampung kubit ang luwag nito, at tatlumpung kubit ang taas nito. 16 Gumawa ka ng bubong para sa arka, at tapusin mo ito sa isang kubit mula sa itaas ng tagiliran. Maglagay ka ng pinto sa gilid ng arka at gumawa ka ng ilalim, pangalawa, at pangatlong palapag. 17 Makinig ka, malapit ko nang ipadala ang baha ng mga tubig sa mundo, upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay dito mula sa silong ng langit. Lahat ng bagay na nasa mundo ay mamamatay. 18 Subalit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Papasok ka sa arka, ikaw, at ang iyong mga anak na lalaki, iyong asawa at mga asawa ng iyong mga anak. 19 Mula sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman, dalawa ng bawat uri ang dapat mong dalhin sa arka, upang mananatili silang buhay kasama mo, kapwa lalaki at babae. 20 Mga ibon ayon sa kanilang uri, at ang mga malalaking hayop ayon sa kanilang uri, bawat gumagapang na bagay sa lupa ayon sa kanyang uri, dalawa ng bawat uri ay pupunta sa iyo, upang panatilihin silang buhay. 21 Tipunin mo para sa sarili mo ang bawat uri ng pagkaing makakain at itabi ito, para maging pagkain para sa iyo at sa kanila." 22 Kaya ginawa ito ni Noe. Ginawa niya ito, ayon sa lahat ng inutos ng Diyos.



Genesis 6:1

At nangyari ito

Ginagamit dito ang pariralang ito upang tandaan ang simula ng bagong bahagi ng kuwento. Kung mayroong paraan sa paggawa nito ang iyong wika, maaari mo itong gamitin dito.

ang mga anak na babae ay isinilang sa kanila

Ito ay maging aktibo. Maaaring isalin na: "nagsilang ang mga kababaihan ng mga anak na babae"

mga anak na lalaki ng Diyos

Maaaring magdagdag ang tagasalin ng talababa na nagsasabing "Hindi ito malinaw kung tumutukoy ba ito sa nilalang sa langit o mga tao. Alinmang kalagayan mga tao sila na ginawa ng Diyos." Naniniwala ang ilan na tumutukoy ang mga salitang ito sa mga anghel na nagrebelde laban sa Diyos, iyan ay, mga masamang espiritu o mga demonyo. Iniisip ng iba na maaaring tumutukoy ito sa makapangyarihan na pampulitikang mamumuno, ang iba ay ang mga kaapu-apuhan ni Set.

aking espiritu

Sinasabi ni Yahweh dito ang tungkol sa kanyang sarili at kanyang espiritu, na ang Espiritu ng Diyos.

laman

Nangangahulugan ito na mayroon silang pisikal na mga katawan na darating ang isang araw na mamamatay.

Mabubuhay sila ng 120 taon

Mga posibleng kahulugan ay 1) maaaring bababa sa 120 taon ang karaniwang haba ng buhay ng mga tao, "Hindi sila mabubuhay ng mahigit sa 120 taon, " o 2) mamamatay sa 120 taon ang bawat isa, "Mabubuhay lamang sila ng 120 taon."

Genesis 6:4

mga higante

napakalaking mga tao

Ito ay nangyari nang

"ipinanganak ang mga higante dahil"

mga anak na lalaki ng Diyos

Isalin ito tulad ng ginawa mo sa 6:2.

Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon

"Ito ang mga higanteng mga malalakas na tao na nabuhay noong unang panahon" o "Ang mga anak na lumaki na maging makapangyarihang manlalaban na nabuhay noong unang panahon"

malalakas na tao

mga tao na matatapang at mapagtagumpay sa labanan

mga lalaking kilala

"tanyag na mga lalaki"

Genesis 6:5

pagkahilig

"kaugalian" o "ugali"

sa isipan ng kanilang puso

Nagsasabi ang manunulat tungkol sa puso na para bang bahagi ito ng ating katawan na nag-iisip. Maaaring gumamit ang iyong wika ng ibang salita kaysa sa "puso" na magsasalita tungkol sa bahagi ng tao na nag-iisip. Maaaring isalin na: "ang kanilang panloob, ang mga tinatagong iniisip." (Tingnan: Metonymy)

Nalungkot si Yahweh

Nagsasalita ang manunulat tungkol sa puso na para bang isa itong bahagi ng ating katawan na nakakaramdam ng kalungkutan. Maaaring gumamit ang iyong wika ng ibang salita kaysa sa "puso" na makipag-usap tungkol sa mga damdamin. Maaaring isalin na: "Masyado siyang, napakalungkot dahil dito (Tingnan: Metonymy

Genesis 6:7

Lilipulin ko ang sangkatauhang...mula sa ibabaw ng mundo

Nagsasalita ang manunulat na papatay ang Diyos na tila ang Diyos ay nag-aalis ng dumi sa isang patag na gamit. Maaaring isalin na: " Wawasakin ko ang sangkatauhan na aking nilikha upang wala ng mga taong matitira sa mundo"

Lilipulin ko ang sangkatauhan na nilikha ko

Kailangang isalin ng ilang mga wika ang mga sugnay na ito sa dalawang pangungusap. Maaaring isalin na: "Nilikha ko ang sangkatauhan. Lilipulin ko ang lahat ng sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng lupa."

Lilipulin

"lubusan kong wawasakin." Ginamit ito dito na negatibong kahulugan, sapagkat nagsasalita ang Diyos tungkol sa pagwasak niya sa mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan.

nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh

"May natatanging pagtingin si Yahweh kay Noe" o "Nalugod si Yahweh kay Noe" (UDB)

sa mata ni Yahweh.

Nakita at alam ni Yahweh kung ano ang ginagawa ng mga tao. Maaaring isalin na: "sa paningin ni Yahweh" o "sa mga iniisip ni Yahweh."

Genesis 6:9

Pangkalahatang Impormasyon:

Pasimula ito sa kuwento ni Noe, na nagpapatuloy sa kabanata 9.

Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe

Ipinakilala ng pangungusap na ito ang kasaysayan ni Noe sa Genesis 6:9 - 9:29. AT: "Ito ang kasaysayan ni Noe."

Lumakad kasama ng Diyos

Isalin ito tulad sa 5:21.

Naging ama si Noe sa tatlong mga anak na lalaki

"Nagkaroon ng tatlong mga anak na lalaki si Noe" o "Nagkaroon tatlong anak na mga lalaki ang asawa ni Noe"

Sem, Ham at Jafet

Maaaring idagdag ng tagasalin ang sumusunod na talababa: "Hindi nakalista ang mga anak na lalaki sa hanay ayon sa kanilang kapanganakan."

Genesis 6:11

Ang mundo

Mga posibleng kahulugan ay 1) ito ay isang pagpapalit tawag, Maaaring isalin na: "Ang mga tao na nakatira sa mundo,"

ay masama

Tumutukoy ang manunulat sa paraan ng kanyang pagsasalita sa pagkain na naging bulok. Maaaring isalin na: "nabulok" o "ganap na masama"

sa harapan ng Diyos

Mga posibleng kahulugan 1) sa paninging ng Diyos o 2) sa presensyia ni Yahweh tulad ng 4:16.

at ito'y puno ng karahasan

Tumutukoy ang manunulat tungkol sa karahasan na para bang isa itong bagay na inilalagay sa isang lalagyan at ang mundo ay parang isang lalagyan. Maaaring isalin na: "may napakamaraming marahas na tao sa mundo" o "dahil puno ito ng mga tao na gumawa ng masamang mga bagay sa isa't isa"

Masdan

Ang salitang “masdan” dito ay naghuhudyat ng pansinin ang susunod na nakagugulat na impormasyon.

lahat ng laman

"lahat ng mga katawang tao, " lahat ng bagay na mayroong katawan, kabilang ang mga tao at ang mga hayop

pinasama ang kanilang gawi

"tumigil sila sa kanilang pamumuhay na ayon sa kagustuhan ng Diyos" o "tumigil sila sa masamang pamamaraan" (UDB)

Genesis 6:13

lahat ng laman

Isalin ang mga salitang ito tulad sa 6:12.

napuno na ng karahasan ang mundo sa pamamagitan nila

"marahas ang kahit saang mga tao sa mundo"

wawasakin ko sila kasama ng mundo

"Wawasakin ko silang dalawa at ang mundo" o "wawasakin ko sila kapag wawasakin ko ang mundo"

ang arka

Ito ay tumutukoy sa napakalaking kahon na maaaring lumutang sa tubig kahit na may napakasamang bagyo. "napakalaking bangka" o "barko" o "isang gabara"

kahoy ng saypres

Hindi talaga alam ng mga tao kung anong uri ito ng kahoy. "ginamit na kahoy sa paggawa ng bangka" o " magandang kahoy"

takpan ito ng aspalto

"ikalat ang aspalto dito" o "pinturahan ito ng alkitran." Gawing malinaw ang dahilan sa paggawa nito: "upang gawin itong hindi matablan ng tubig"(UDB).

aspalto

Ito ay isang makapal, malagkit o malangis na tubig na inilalagay ng mga tao sa labas ng bangka upang mapigilan ang pagpasok ng tubig sa patlang ng kahoy sa bangka.

kubit

Ang "kubit" ay mas maikli kaysa sa kalahating metro ng haba. (Tingnan: Biblical Distance)

tatlong daang kubit

"138 metro." Maaari mong gamitin ang Hebreong pansukat na mga yunit mula sa ULB o ang pansukat na yunit mula sa UDB o ang iyong sariling kulturang yunit kung alam mo kung paano ihambing ang mga ito sa pansukat na yunit. Maaari mo ring isulat ang isang talababa na nagsasabing "Tatlong daang kubit ay may 138 metro."

limampung kubit

"dalawampu't tatlong metro"

tatlumpung kubit

"labing apat na metro"

Genesis 6:16

bubong para sa arka

Maaari itong nasa patuktok o pahilis na bubong. Ang layunin nito ay para protektahan ang lahat ng mga bagay na nasa arka mula sa ulan.

kubit

Ang kubit ay bahagyang mas maiksi sa kalahating metro. Tingnan paano mo ito isinalin sa 6:15.

ilalim, pangalawa, at pangatlong palapag

"pang-ilalim na palapag, gitnang palapag, at pang itaas na palapag" o tatlong mga palapag sa loob" (UDB) o "tatlong mga palapag"

palapag

"sahig" o "palapag" o "taas" o "silid"

Makinig

Sinabi ito ng Diyos upang bigyang-diin na gagawin niya kung ano ang kanyang sasabihin. "Magbigay pansin" o "Makinig sa aking sinasabi."

malapit ko nang ipadala ang baha ng mga tubig

“Magpapadala ako ng baha” o “Magdudulot ako ng baha.

lahat ng laman

Dito ang “laman” ay kumakatawan sa lahat ng pisikal na nilalang, kabilang ang tao at hayop.

mayroon nitong buhay na may hininga

Ang salitang "hininga" ay pagpapalit-tawag para sa buhay: "yaong buhay."

Genesis 6:18

itatatag ko ang aking tipan sa iyo

"idulot ang isang tipan na maging nasa pagitan mo at ako"

sa iyo

kay Noe

Mula sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman, dalawa ng bawat uri ang dapat mong dalhin sa arka

"Dapat mong dalhin sa arka ang dalawa sa bawat uri ng nabubuhay na nilalang"

nilalang

hayop na nilikha ng Diyos

ng lahat ng laman

Ito ay tumutukoy sa bawat uri ng hayop. AT: "sa bawat uri."

Lahat ng laman

Isalin ang mga salitang ito tulad ng sa 6:12.

Genesis 6:20

at kanilang uri

"sa bawat iba't ibang uri"

gumagapang na bagay sa lupa

Ito ay tumutukoy sa maliliit na mga hayop na gumagalaw sa lupa (UDB).

dalawa ng bawat uri

Ito ay tumutukoy sa dalawa sa bawat uri ng ibon at hayop.

upang panatilihin silang buhay

"kaya mapapanatili mo silang buhay "

sa iyo...ka...mo

Ito ay tumutukoy kay Noe

pagkaing makakain

"pagkaing makakain ng mga tao at mga hayop"

Kaya ginawa ito ni Noe. Ginawa niya ito, ayon sa inutos ng Diyos.

Nangangahulugan ng parehong bagay ang dalawang mga pangungusap na ito. Ipinapaliwanag ng ikalawang pangungusap ang una at nagbibigay-diin na sumunod si Noe sa Diyos. Maaaring isalin na: "Ginawa ni Noe ang lahat kung ano ang inutos ng Diyos sa kanya."


Chapter 7

1 Sinabi ni Yahweh kay Noe, "Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan. 2 Sa bawat malinis na hayop magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae. At sa mga hayop na hindi malinis, magdala ka ng dalawa, ang lalaki at kanyang kapares. 3 Gayundin ang mga ibon sa kalangitan, magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae, upang mapanatili ang kanilang mga supling sa ibabaw ng buong mundo. 4 Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa." 5 Ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos ni Yahweh sa kanya. 6 Si Noe ay anim na raang taong gulang nang dumating ang baha sa mundo. 7 Si Noe, ang kanyang mga anak na lalaki, ang kanyang asawa, at ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay sama-samang pumasok sa arka dahil sa mga tubig ng baha. 8 Ang mga malinis at hindi malinis na mga hayop, mga ibon, at lahat ng mga gumagapang sa lupa, 9 dala-dalawa, lalaki at babae, ang pumunta kay Noe at pumasok sa arka, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. 10 Nangyari na matapos ang pitong araw, dumating ang tubig ng baha sa mundo. 11 Sa ika-anim na raang taon ng buhay ni Noe, sa pangalawang buwan sa ikalabimpitong araw ng buwan, sa parehong araw, ang lahat ng mga bukal ng kailaliman ay sumambulat, at ang mga bintana ng langit ay nabuksan. 12 Nagsimulang umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. 13 Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka. 14 Pumasok sila kasama ang bawat mababangis na hayop ayon sa kanilang uri, at bawat klase ng alagang mga hayop ayon sa kanilang uri, at bawat gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo ayon sa kanilang uri, at bawat klase ng ibon ayon sa kanilang uri, bawat uri ng nilikha na may mga pakpak. 15 Dalawa sa lahat ng laman na may hininga ng buhay ay pumunta kay Noe at pumasok sa arka. 16 Ang mga hayop na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng laman; pumasok sila gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Pagkatapos isinara ni Yahweh ang pintuan sa likod nila. 17 Pagkatapos dumating ang baha sa mundo sa loob ng apatnapung araw, at tumaas ang tubig at binuhat ang arka. Umangat ito mula sa mundo. 18 Rumagasa ang tubig at lubhang tumaas sa mundo, at lumutang ang arka sa ibabaw ng tubig. 19 Ang tubig ay buong lakas na tumaas nang tumaas sa mundo. Tinakpan nilang tuluyan ang lahat ng matataas na mga bundok na nasa silong ng buong langit. 20 Tumaas ang mga tubig ng labinlimang kubit sa ibabaw ng mga tuktok ng mga bundok. 21 Namatay ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng mundo: ang mga ibon, ang mga alagang hayop, ang mga mababangis na hayop, lahat ng nagkukumpol na mga nilikha na nagkumpol sa ibabaw ng mundo, at lahat ng sangkatauhan. 22 Lahat ng nilalang na may hininga nang espiritu ng buhay sa kanilang ilong, lahat ng nasa tuyong lupa, nangamatay. 23 Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira. 24 Nangibabaw ang tubig sa mundo sa loob ng isandaan at limampung araw.



Genesis 7:1

Pangkalahatang Impormasyon:

Nangyari ang mga kaganapan sa kabanatang ito pagkatapos gawin ni Noe ang arka, tinipon ang pagkain, at inilagay sa arka.

Halika...sa arka..magdala

Maraming salin ang ang nagsasabing "Pumunta...sa arka…kumuha."

ikaw

Ang salitang "ikaw" ay tumutukoy kay Noe at ito ay isahan.

iyong sambahayan

"iyong pamilya"

matuwid sa aking harapan

Nangangahulugan ito na nakita ng Diyos si Noe bilang matuwid.

sa salinlahing ito

Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga tao na nabubuhay sa panahong iyon. Maaaring isalin na: "sa lahat ng mga tao na nabubuhay ngayon."

malinis na hayop

Ito ang isang hayop na pinayagan ng Diyos sa kanyang mga tao upang gamitin sa pagkain at para sa pag-aalay.

mga hayop na hindi malinis

Ito ang mga hayop na hindi pinayagan ng Diyos sa kanyang mga tao upang gamitin para sa pagkain o para sa pag-aalay.

upang mapanatili ang kanilang mga supling

"kaya magkakaroon sila ng mga supling na mabubuhay" o "kaya na, pagkatapos ng baha, magpapatuloy na mabuhay ang mga hayop"

Genesis 7:4

apatnapung araw at apatnapung gabi

Isang buong apatnapung araw ito. Hindi ito isang kabuuan ng walumpung araw. Maaaring isalin na: "apatnapung araw at apatnapung gabi."

buhay

Ito ay tumutukoy sa pisikal na buhay.

Genesis 7:6

Pangkahalatang Impormasyon:

Nauli sa talatang 6-12 sa ikalawang pagkakataon at binigyan ng iba pang detalye tungkol sa kung paano si Noe pumunta sa arka kasama ang kanyang pamilya at ang mga hayop sa 7:15. Hindi ito bagong kaganapan.

dumating sa mundo

"nangyari" o "dumating sa mundo"

dahil sa mga tubig ng baha

"dahil sa paparating na baha" o "upang makatakas sa tubig baha"

Genesis 7:8

Pangkalahatang Impormasyon:

Naulit ang talatang 6-12 sa ikalawang pagkakataon at binigyan ng iba pang detalye tungkol sa kung paano si Noe pumunta sa arka kasama ang kanyang pamilya at ang mga hayop sa 7:15. Hindi ito bagong kaganapan.

malinis na mga hayop

Ito ang mga hayop na pinayagan ng Diyos sa kanyang mga tao upang gamitin sa pagkain at para sa mga pag-aalay.

hindi malinis na mga hayop

Ito ang mga hayop na hindi pinayagan ng Diyos sa kanyang mga tao upang gamitin para sa pagkain o para sa mga pag-aalay.

dala-dalawa

Ang mga hayop na pumasok sa malaking bangka na magkapares na isang lalaki at isang babae.

Nangyari na matapos

Ginamit ang pariralang ito dito upang tandaan ang mahalagang pangyayari sa kuwento—ang simula ng baha. Kung mayroong ibang paraan ang iyong wika sa paggawa nito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito.

matapos ang pitong araw

"matapos ang pitong araw" o "pitong araw kinalaunan"

dumating ang tubig ng baha sa mundo

Ang hindi malinaw na impormasyon na umulan ay maaaring gawing malinaw tulad ng sa UDB.

Genesis 7:11

Pangkalahatang Impormasyon:

Naulit ang talatang 6-12 sa ikalawang pagkakataon at binigyan ng iba pang detalye tungkol sa kung paano si Noe pumunta sa arka kasama ang kanyang pamilya at ang mga hayop sa 7:15. Hindi ito bagong kaganapan.

Sa ika-anim na raang taon ng buhay ni Noe

"Nang 600 na taong gulang si Noe" (UDB)

sa pangalawang buwan sa ikalabimpitong araw ng buwan

Yamang isinulat ni Moises ang aklat na ito, posibleng tinutukoy niya ang pangalawang buwan sa kalendaryo ng Hebreo. Pero hindi ito tiyak.

sa parehong araw

Ito ay tumutuloy sa tiyak na araw ng magsimula ang ulan. Nagbibigay-diin ang pariralang ito kung paano nangyaring mabilis ang mga pangunahing pangyayaring nang dumating ang panahon.

mga bukal ng kailaliman ay sumambulat, at ang mga bintana ng langit ay nabuksan

"dumaloy ng malakas sa ibabaw ng mundo ang tubig mula sa ilalim ng mundo"

ang kailaliman

Ito ay tumutukoy sa dagat na kung iisipin ay nasa ilalim ng mundo.

ang mga bintana sa langit ay nabuksan

Ito ay tumutukoy sa ulan. Inilalarawan nito ang langit bilang isang kisame na pumipigil sa karagatan sa taas mula sa pagkahulog pababa tungo sa mundo. Nang nabuksan ang mga bintana, o mga pinto, langit, nahulog sa pamamagitan nila ang tubig. AT: "nabuksan ang langit" o "nabuksan ang mga pinto sa langit.""

ulan

Kung mayroong isang salita ang iyong wika para sa malaking dami ng ulan, magiging angkop ito dito.

Genesis 7:13

Pangkalahatang Impormasyon:

Naulit ang talatang 13-18 sa pangatlong pagkakataon at nagbigay ng maraming detalye tungkol sa kung paano pumunta si Noe sa arka kasama ang kanyang pamilya at mga hayop sa 7:15. Hindi ito bagong kaganapan.

Sa araw ding yaon

"Sa ganap na araw." Ito ay tumutukoy sa araw na nagsimula ang ulan. Nagsasabi ang talata 13-16 kung ano kaagad ang ginawa ni Noe bago magsimula ang ulan.

mababangis na hayop...alagang mga hayop... gumagapang na bagay...ibon

Nakalista ang apat na mga grupong ito upang ipakita na kabilang ang bawat uri ng hayop. Kung mayroong ibang paraan ang iyong wika sa pagpapangkat ng lahat ng mga hayop, maaari mo itong gamitin, o maaari mong gamitin ang mga pangkat na ito. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:24.

gumagapang na bagay

Ito ay tumutukoy sa mga hayop na gumagapang sa lupa, katulad ng mga hayop na daga, mga insekto, mga butiki, at mga ahas.

ayon sa kanilang uri

“para ang bawat uri ng hayop ay magbunga ng hayop na ka-uri niya. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:24.

Genesis 7:15

Pangkalahatang Impormasyon:

Naulit ang talatang 13-18 sa pangatlong pagkakataon at nagbigay ng maraming detalye tungkol sa kung paano pumunta si Noe sa arka kasama ang kanyang pamilya at mga hayop sa 7:15. Hindi ito bagong kaganapan.

Dalawa sa lahat ng laman

Ito ay tumutukoy sa mga hayop.

na may hininga ng buhay

"Hininga" ay isang pagpapalit tawag sa pagiging buhay. Maaaring isalin na: "na nabuhay"

Pumunta kay Noe

Ang salitang “pumunta” ay maaaring isalin bilang “nagpunta.”

lahat ng laman

Djto ang “laman” ay kumakatawan sa mga hayop. Maaaring isalin na: “bawat uri ng hayop”

sa likod nila

Ang buong kahulugan nito ay maaaring isalin ng maliwanag. Maaaring isalin na: “matapos nilang pumasok sa arka”

Genesis 7:17

Pangkalahatang Impormasyon:

Naulit ang talatang 13-18 sa pangatlong pagkakataon at nagbigay ng maraming detalye tungkol sa kung paano pumunta si Noe sa arka kasama ang kanyang pamilya at mga hayop sa 7:15. Hindi ito bagong kaganapan.

at tumaas ang tubig

Nangyari ito sa panahon ng apatnapung araw habang patuloy na dumarating ang tubig. "at naging napakamalalim ang tubig"

at binuhat ang arka

"at ito ang nagdulot sa arka na lumutang doon"

Umangat ito mula sa mundo

"umangat ang arka pataas sa ibabaw ng lupa" o " lumutang ang arka sa ibabaw ng malalim na tubig"

Genesis 7:19

Ang tubig ay buong lakas na tumaas ng tumaas sa mundo

“Tuluyang tinabunan ng tubig ang mundo"

labinlimang kubit

"anim na metro." Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 6:15.

Genesis 7:21

gumagalaw

"gumagalaw sa" o "gumala"

lahat ng nagkukumpol na mga nilikha na nagkumpol sa ibabaw ng mundo

Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga hayop na gumagalaw sa paligid ng lupa sa malaking mga pangkat.

Lahat ng nilalang na may hininga nang espiritu ng buhay sa kanilang ilong

Ang "butas ng ilong" ay isang pagpapalit tawag para sa buon tao. Kabilang dito ang mga hayop at mga tao. Maaaring isalin na: "lahat ng nilalang na may hininga ng buhay sa kanilang mga ilong" o "bawat nilikha na humihinga."

hininga

Ang salitang "hininga" ay ginagamit pasimbolo upang tukuyin na may buhay.

namatay

Tumutukoy ito sa pisikal na kamatayan.

Genesis 7:23

Kaya bawat buhay na bagay...ay nalipol

Kung kinakailangan, maaari itong isalin na may aktibong sugnay. Maaaring isalin na: "Kaya bawat nabubuhay na bagay...namatay" o "Kaya ganap na winasak ng baha ang bawat nabubuhay na bagay."

Nawasak silang lahat

Maaari itong gawing aktibo. Maaaring isalin na: "Winasak silang lahat ng Diyos"

mula sa mundo

"kaya wala sila sa mundo"

at kanyang mga kasama

"at ang mga tao at mga hayop na kasama niya"

Ang natira

“naiwan” o “nabuhay” o “nanatiling buhay”

Nangibabaw ang tubig sa mundo

"binalutan ang buong mundo ng malalim na tubig" o "nanatiling ganap na baha ang tubig katulad ng nasa mundo" (UDB)


Chapter 8

1 Isinaalang-alang ng Diyos si Noe, lahat ng mga mababangis na hayop, at lahat ng alagang mga hayop na kasama niya sa arka. Ginawa ng Diyos na umihip ang isang hangin sa ibabaw ng mundo, at nagsimulang humupa ang tubig. 2 Ang mga bukal sa ilalim at ang mga bintana ng langit ay nagsara, at tumigil ang pag-ulan. 3 Ang mga tubig baha ay nagpatuloy na humupa mula sa mundo. At pagkalipas ng isandaan at limampung araw, ang tubig ay lubhang nabawasan. 4 Sumadsad ang arka sa ikapitong buwan, sa ikalabimpitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat. 5 Ang tubig ay nagpatuloy na humupa hanggang sa ikasampung buwan. Sa unang araw ng buwan, ang mga tuktok ng mga bundok ay lumitaw. 6 At nangyari pagkaraan ng apatnapung araw na binuksan ni Noe ang bintana ng arka na kanyang ginawa. 7 Nagpalipad siya ng isang uwak at ito ay nagparoo't nagparito hanggang sa natuyo ang tubig mula sa mundo. 8 Pagkatapos ay nagpalipad siya ng isang kalapati upang tingnan kung ang tubig ay humupa na mula sa ibabaw ng lupa, 9 pero ang kalapati ay walang nakitang lugar upang ipahinga ang kanyang paa, at bumalik ito sa kanya sa arka, dahil natatakpan pa rin ng tubig ang buong mundo. Iniabot niya ng kanyang kamay, at kinuha at dinala niya ito kasama niya sa arka. 10 Naghintay siya ng pito pang mga araw at pinalipad niyang muli ang kalapati mula sa arka. 11 Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo. 12 Naghintay siya ng pito pang araw, at pinalipad niyang muli ang kalapati. Hindi na ito muling bumalik sa kanya. 13 Nangyari na sa ika-anim na raan at isang taon, sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, na natuyo na ang mga tubig mula sa mundo. Inalis ni Noe ang takip ng arka, tumingin sa labas, at masdan, nakita niya ang ibabaw ng lupa ay tuyo na. 14 Sa pangalawang buwan ng ikadalawampu't pitong araw ng buwan, ang mundo ay tuyo na. 15 Sinabi ng Diyos kay Noe, 16 "Lumabas ka sa arka, ikaw, ang iyong asawa, ang iyong mga anak na lalaki, at ang mga asawa ng iyong mga anak na lalaki. 17 Dalhin mo palabas ang bawat buhay na nilalang ng lahat ng laman na kasama mo, pati na ang mga ibon, ang mga alagang hayop, at ang bawat gumagapang na bagay na gumagapang sa ibabaw ng mundo, upang sila ay lumaganap sa buong mundo, maging mabunga, at magpakarami sa mundo." 18 Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang mga anak na lalaki, kanyang asawa, at mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki na kasama niya. 19 Bawat buhay na nilikha, bawat gumagapang na bagay, at bawat ibon, lahat ng bagay na gumagalaw sa mundo, ayon sa kanilang mga pamilya, ay umalis sa arka. 20 Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar. 21 Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, "Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko. 22 Habang ang mundo ay nananatili, ang panahon ng pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi ay hindi hihinto."



Genesis 8:1

Isinaalang-alang

"naalala" o "inisip tungkol sa"

arka

Ito ay tumutukoy sa isang napakalaking kahon na kayang lumutang sa tubig kahit sa gitna ng malakas na bagyo. Isalin ito tulad ng sa 6:14.

Ang mga bukal sa ilalim at ang mga bintana sa langit ay nagsara

“Huminto ag tubig sa paglabas mula sa lupa at ang ulan huminto sa pagbuhos” Maaari itong gawing aktibo. Maaaring isalin na: "Isinara ng Diyos ang mga bukal ng ilalim at ang mga bintana sa langit"

ang mga bukal sa ilalim

“Tubig sa ilalim ng lupa” Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 7:11.

ang mga bintana ng langit ay nagsara

Ito ay tumutukoy sa paghinto ng pagbuhos ng ulan. Inilalarawan nito ang kalangitan bilang isang kisame na pumipigil sa tubig sa ibabaw nito sa pagbuhos. Kapag ang mga bintana o mga pinto ay nagsarsa, humihinto ang tubig na bumubuhos mula ditto. Maaaring isalin na: "nagsara ang langit" o "nagsara ang mga pinto sa langit." Tingnan kung paano mo isinalin "nagbukas ang mga bintana sa langit" sa 7:11.

Genesis 8:4

Sumadsad

"dumaong" o "huminto sa matatag na lupa"

sa ikapitong buwan sa ikalabimpitong araw ng buwan...ikasampung buwan

Yamang isinulat ni Moises ang aklat na ito, posibleng tinutukoy niya rito ang ikapitong buwan at ikasampung buwan sa kalendaryo ng Hebreo. Pero hindi ito tiyak.

Sa unang araw ng buwan

"sa unang araw ng ikasampung buwan"

lumitaw

Maaari itong gawing mas maging malinaw bilang "lumitaw sa ibabaw ng tubig."

Genesis 8:6

At nangyari

Dito ginamit ang pariralang ito upang tandaan ang simula ng bagong kabanata ng kuwento. Kung may paraan ang iyong wika upang gawin ito, kinakailangan mong isaalang-alang ang paggamit nito. Maaaring isalin na: "Nangyari ito na."

At nangyari…ang bintana ng arka, na kanyang ginawa

Ang pariralang "na kanyang ginawa" ay nagsasabi tungkol sa "bintana." Maaaring kailangang gawin ng ilang mga wika ang pariralang ito na isang hiwalay na pangungusap: "Gumawa si Noe ng bintana sa bangka. At nangyari pagkaraan ng apatnapung araw na binuksan niya ang bintana."

uwak

isang ibon na itim ang balahibo na higit sa lahat kumakain ng laman nang patay na mga hayop na kaniyang makita

ito ay nagparoo't nagparito

Nangangahulugan ito na patuloy na umalis sa bangka at bumabalik ang uwak.

hanggang sa natuyo ang tubig

Maaaring nakasaad ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "hanggang pinatuyo ng hangin ang tubig" o "hanggang natuyo ang tubig"

Genesis 8:8

upang ipahinga ang kanyang paa

"upang dumaong" o "upang dumapo." Ibig sabihin nito ay upang makadaong sa isang bagay nang sa gayon makapagpahinga mula sa paglipad.

Kanyang paa...bumalik siya...at dinala siya

Ang salitang "kalapati" ay pambabae sa wika ng may akda. Maaari mong isalin ang mga pariralang ito kasama ang mga panghalip na "nito...ito...ito" o "kanya...siya... sa kanya," depende kung paano mo tinutukoy sa isang kalapati.

siya...sa kanya

Kung gagamit ka ng panlalaking panghalip para sa salitang "kalapati", kailangan mong isingit ang pangalan ni Noe dito upang maiwasan ang pagkalito: "Nagpalabas si Noe ng kalapati", "Iniunat ni Noe ang kanyang kamay", iba pa.

Genesis 8:10

Masdan

Ang salitang "tingnan" dito ay nagsasabi sa atin na bigyang pansin ang mahalagang impormasyon na susunod.

isang sariwang pitas ng dahon ng olibo

"isang sariwang dahon na kanyang pinitas mula sa punong kahoy ng olibo"

pitas

nakuha

sariwang pitas

"sariwang pitas" o "bagong pitas"

Naghintay siya ng pito pang mga araw

"Naghintay siya ng pito pang mga araw"

Hindi na ito muling bumalik sa kanya

Kung hindi nakakaintindi ang mga tao, kailangan mong sabihin ang dahilan ng mas malinaw: "Hindi na ito bumalik sa kanya dahil nakahanap na siya ng lugar na mapagdapuan."

Genesis 8:13

Nangyari na

Ginamit ang pariralang ito upang tandaan ang simula ng panibagong bahagi ng kuwento. Kung may paraan ang iyong wika na gawin ito, maaari mong isaalang-alang ang paggamit dito.

sa ika-anim na raan at isang taon

"nang 601 na taong gulang si Noe"

ang unang buwan, sa unang araw ng buwan

Yamang isinulat ni Moises ang aklat na ito, posibleng tinutukoy niya rito ang unang buwan sa kalendaryo ng Hebreo. Pero hindi ito tiyak.

na natuyo na ang mga tubig mula sa mundo

Maaari itong gawing aktibo. Maaaring isalin na: "natuyo na ang tubig na tumabon sa mundo" o "pinatuyo ng hangin ang mga tubig na tumatabon sa mundo."

ang takip ng arka

Ito ay tumutukoy sa isang takip na pumipigil sa tubig ulan na pumasok sa arka.

masdan

Ang salitang "masdan" nagsasabi sa atin na bigyang pansin ang isang mahalagang impormasyon na susunod.

Sa pangalawang buwan ng ikadalawampu't pitong araw ng buwan

“sa ikadalawampu't pitong araw ng buwan ng ikalawang buwan." Maaaring tumutukoy ito sa ikalawang buwan ng kalendaryo ng Hebreo, pero hindi ito tiyak.

ang mundo ay tuyo na

"ganap na tuyo ang lupa" (UDB)

Genesis 8:15

Lumabas…Dalhin mo

“Umalis ka…Kumuha ka” Ang ilang salin ay isinasalin ito bilang “Lumabas ka…Maglabas ka”

bawat buhay na nilalang ng lahat ng laman

"bawat uri ng buhay na nilalang." Tingnan kung paano "ang lahat ng laman" ay isinalin sa 6:12.

maging mabunga, at magpakarami

Ito ay isang idiyoma. Tingnan kung paano mo ito isinalinn sa 1:28. Nais ng Diyos na dumami ang mga tao at mga hayop, para dumami sila

Genesis 8:18

lumabas si Noe

Mababasa ng ilang pagsasalin "Lumabas si Noe"

ayon sa kanilang mga pamilya

"sa pangkat ng kani-kanilang uri"

Genesis 8:20

Gumawa ng altar para kay Yahweh

"gumawa ng altar upang ihandog kay Yahweh" o "gumawa ng altar para sa pagsasamba kay Yahweh." Maaari niyang gawin ito gamit ang mga bato.

malinis na mga hayop...malinis na mga ibon

"Malinis" nangangahulugang pinayagan ng Diyos itong mga hayop na gamitin sa pag-aalay. Hindi ginamit ang ilang mga hayop para sa mga pag-aalay at tinatawag itong '"hindi malinis."

naghandog ng handog na susunugin

Pinatay ni Noe ang mga hayop at pagkatapos ganap na sinunog bilang isang alay sa Diyos. Maaaring isalin na: "sinunog ang mga hayop bilang handog kay Yahweh."

kaaya-ayang halimuyak

Ito ay tumutukoy sa amoy ng inihaw na karne.

sinabi niya sa kanyang puso

Dito ang salitang "puso" tumutukoy sa damdamin at saloobin ng Diyos.

isusumpa ang lupa

"gumawa ng napakabigat na pinsala sa mundo" (UDB)

dahil sa sangkatauhan

Maaari itong gawing malinaw. "dahil sa makasalanan ang sangkatauhan." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata

"mula sa kanilang murang edad sinubukan nilang gumawa ng masamang mga bagay" o "kahit na bata pa sila, ginusto nilang gumawa ng masamang mga bagay"

ang mga ninanais ng kanilang mga puso

Dito ang salita "mga puso" tumutukoy ito sa saloobin, damdamin, ninanais at kalooban. Maaaring isalin na: "kanilang kaugalian" o "kanilang nakasanayan."

mula sa pagkabata

Ito ay tumutukoy sa mas nakakatandang bata. Maaaring isalin na: "mula sa kanilang kabataan."

Habang ang mundo ay nananatili

"habang tatagal ang mundo" o "habang umiiral ang mundo"

panahon ng pagtatanim

"ang panahon ng pagtatanim"

lamig at init, tag-araw at tagginaw

Parehong tumutukoy ang mga pagpapahayag na ito sa dalawang pangunahing panahon ng taon na takda ng klima. Maaaring gamitin ang local na pananalita ng mga nagsasalin para tukuyin ang panahon ng taon.

tag-araw

mainit, tagtuyong panahon ng taon

taglamig

malamig, tag-ulang panahon ng taon

ay hindi na hihinto

"hindi hihinto sa pag-iral" o "hindi hihinto sa pangyayari" Maaaring isalin na: "magpapatuloy."


Chapter 9

1 At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi sa kanila, "Maging mabunga kayo, magpakarami, at punuin ang mundo. 2 Ang takot at ang sindak sa inyo ay mapupunta sa bawat nabubuhay na hayop sa mundo, sa bawat ibon sa langit, sa lahat ng bagay na nasa lupa, at sa lahat ng isda sa karagatan. Ibinigay ko ang mga ito sa inyong kamay. 3 Magiging pagkain para sa inyo ang bawat gumagalaw na bagay na nabubuhay. Tulad nang ibinigay ko sa inyo ang mga luntiang halaman, ngayon ibinigay ko na ang bawat bagay sa inyo. 4 Subalit hindi ninyo dapat kainin ang karneng may buhay pa—iyon ay ang dugo nito—na narito. 5 Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito. 6 Sinuman ang magpapadanak ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao dadanak ang dugo niya, sapagkat ayon sa wangis ng Diyos ay nilalang niya ang tao. 7 Para sa inyo, maging mabunga kayo at magpakarami, lumaganap kayo sa buong mundo at magpakarami rito." 8 At nakipag-usap ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na kasama niya, sinabing, 9 "Samantala ako, makinig kayo! Itatatag ko ang kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhang susunod sa inyo, 10 at sa bawat nabubuhay na nilalang na kasama ninyo, pati mga ibon at mga alagang hayop, at bawat nilalang sa mundo na kasama ninyo, mula sa lahat ng lumabas sa arka, hanggang sa bawat nabubuhay na nilalang sa mundo. 11 Sa pamamagitan nito itinatatag ko ang aking kasunduan sa inyo, na hindi na kailanman ang lahat ng laman ay muling mawawasak sa pamamagitan ng tubig baha. Hindi na kailanman muling magkakaroon ng bahang sisira sa mundo." 12 Sinabi ng Diyos, "Ito ang palatandaan ng kasunduang aking gagawin sa pagitan ko at ninyo at sa bawat nabubuhay na nilalang na kasama ninyo, sa lahat ng hinaharap na salinlahi: 13 Inilagay ko ang aking bahaghari sa ulap, at ito ang palatandaan ng kasunduan sa pagitan ko at ng mundo. 14 Ito ay mangyayari kapag dinadala ko ang ulap sa ibabaw ng mundo at ang bahaghari ay natatanaw sa ulap, 15 sa gayon isasaisip ko ang aking kasunduan sa pagitan ko at ninyo, at sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman. Ang mga tubig ay hindi kailanman muling magiging bahang wawasak sa lahat ng laman. 16 Ang bahag-hari ay mapapaloob sa mga ulap at makikita ko ito, upang gunitain ang walang hangang kasunduan sa pagitan ng Diyos at bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman na nasa mundo." 17 At sinabi ng Diyos kay Noe, "Ito ang palatandaan ng aking kasunduan na aking itinatag sa pagitan ko at ng lahat ng laman na nasa mundo. 18 Ang mga anak ni Noe na lumabas sa arka ay sina Sem, Ham at Jafet. At si Ham ay ama ni Canaan. 19 Ito ang tatlong anak ni Noe, at mula sa mga ito dumami ang tao sa buong mundo. 20 Nagsimulang maging magsasaka si Noe, at nagtanim siya ng ubasan. 21 Uminom siya ng kaunting alak at nalasing. Siya ay nakahigang walang damit sa kanyang tolda. 22 Pagkatapos si Ham, na ama ni Canaan, ay nakita ang kahubaran ng kanyang ama at sinabi ito sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas. 23 Kaya kumuha si Sem at Jafet ng damit at inilagay ito sa parehong balikat nila, at patalikod na lumakad at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama. Ang kanilang mga mukha ay lumihis sa ibang direksyon, kaya hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama. 24 Nang nagising si Noe mula sa kanyang kalasingan, nalaman niya kung ano ang ginawa ng kanyang bunsong anak na lalaki sa kanya. 25 Kaya sinabi niya, "Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid." 26 Sinabi rin niya, "Nawa si Yahweh, ang Diyos ni Shem, ay pagpalain at nawa si Canaan ay kanyang maging lingkod. 27 Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan." 28 Matapos ang baha, nabuhay si Noe ng tatlondaan at limampung taon. 29 Nabuhay si Noe sa loob ng siyam na raan at limampung taon, at siya ay namatay.



Genesis 9:1

Maging mabunga kayo, magpakarami, at punuin ang mundo

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga utos na ito sa 1:28. Pagpapala ito ng Diyos. Sinabi niya kay Noe at sa kanyang pamilya na magkaanak ng maraming tao katulad nila, upang magkaroon ng marami sa kanila. Ang salitang "magpakarami" ay nagpapaliwanag kung paano sila maging mabunga."

Ang takot at sindak sa inyo… at sa lahat ng isda sa karagatan

Nagsasalita ang manunulat patungkol sa takot at sindak na tila mga pisikal na bagay sila na maaaring pumunta sa mga hayop. Maaaring isalin na: “Bawat buhay na hayop…at lahat ng isda ay masisindak sa takot sa iyo.”

Ang takot at sindak sa inyo

Ang salitang "takot" at "sindak" ay nangangahulugan ng parehong bagay at nagbibigay-diin kung gaano magiging takot ang mga hayop sa sangkatauhan. Maaaring isalin na: "Isang nakakasindak na takot sa iyo" o "Kakila-kilabot na takot sa iyo."

bawat nabubuhay na hayop

Ito ay ang una sa apat na mga pangkat na kabilang sa malaking nga hayop, mga ibon, mga nilalang sa ilalim ng lupa, at isda. Hindi ito isang buod na pangkat na bumibilang sa tatlong uri ng nabubuhay na mga bagay.

ibon

Ito ang pangkalahatang katawagan sa mga bagay na lumilipad. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:25.

Ibinigay ang mga ito sa inyong kamay.

Ang kamay ay isang pagpapalit-tawag para sa pangangalaga na mayroon ang kamay." Maaaring isalin na: "Ibinigay ko sila sa iyong pangangalaga."

Genesis 9:3

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nagsasalita ang Diyos kay Noe at kaniyang mga anak.

buhay...dugo

Maaaring magdagdag ng talababa ang tagasalin tulad nito: "Simbolo ang dugo para sa buhay." Maaari rin silang magdagdag ng talababa na nagsasabing tulad nito: " Iniutos ng Diyos sa mga tao na huwag kumain ng karneng mayroon pang dugo. Kailangan muna nilang patuyuin ang dugo."

Genesis 9:5

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nagsasalita ang Diyos kay Noe at kaniyang mga anak.

Pero para sa iyong dugo

Ang pagkakaiba ng dugo ng tao sa dugo ng hayop sa 9:4.

sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo

Nagpapahiwatig ito na dumanak ang dugo, o ibinuhos, o nabuhos. Maaaring isalin na: "kung sinuman ang nagdulot na dumanak ang inyong dugo" o "kung sinuman ang nagbuhos ng inyong dugo" o "kung sinuman ang papatay sa iyo.

buhay

Ito ay tumutukoy sa pisikal na buhay

Hihingin ko ang kabayaran

Tumutukoy ang kabayarang ito sa kamatayan ng mamamatay-tao, hindi sa pera. Maaaring isalin na: "Hihingin ko ang kabayaran ng sinumang papatay sa iyo."

mula sa kamay ng

Dito ang salitang "kamay" ay tumutukoy sa kung sinuman ang may pananagutan sa bagay na nangyayari.

Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito

"Hihingin ko ang anumang hayop na kumitil ng inyong buhay upang pagbayaran"

Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito

"Hihingin ko ang sinuman na kumitil ng buhay ng ibang tao upang pagbayaran"

Mula sa kamay ng

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa isang tao sa labis na pansariling paraan. Maaaring isalin na: "mula sa taong iyon." (Tingnan: Synecdoche)

kapatid na lalaki

Dito ang "kapatid na lalaki" ay ginamit bilang pangkalahatang pinagkukunan ng impormasyon sa mga kamag-anak, tulad ng mga kasapi ng parehong lipi, angkan, o mga lahi.

Sinuman ang magpapadanak ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao dadanak ang dugo niya,

Isang pagwawangis ang pagpapadanak ng dugo sa pagpatay sa isang tao. Nangangahulugan ito na kung pumatay ng tao ang isang tao, dapat patayin ng ibang tao ang mamamatay-tao. Subalit, napakahalaga ng "dugo" sa siping ito at dapat gamitin sa pagsasalin hangga't maaari. Isalin ang"pagdanak ng dugo" sa salitang nagbibigay ng malaking kawalan ng dugo na nagiging dahilan ng pagkamatay. (Tingnan: Metaphor)

sapagkat ayon sa wangis ng Diyos ay nilalang niya ang tao

Maaaring isalin na: "dahil ginawa ng Diyos ang mga tao na katulad niya" o "dahil ginawa ko ang tao sa aking anyo"

mamunga at magpakarami

Ito ay biyaya ng Diyos. Sinabi niya kay Noe at kaniyang pamilya na magbunga ng marami pang mga tao gaya nila, para dumami sila. Ang salitang “magpakarami” ay nagpapaliwanag kung paano sila dapat “mamunga.” Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1:28. (Tingnan: Doublet and Idiom)

Genesis 9:8

At nakipag-usap ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na kasama niya

Nakikipag-usap ang Diyos sa kanila. Palatandaan ang pariralang ito ng pagbabago kung paano nakikipag-usap ang Diyos. Maaaring isalin na: "Patuloy na nakikipag-usap ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na lalaki" o "Pagkatapos pumunta ang Diyos upang sabihin."

Para sa akin

Ginamit ang pariralang ito sa Inglis upang tandaan ang pagbabagao mula sa pakikipag- usap ng Diyos tungkol sa kung ano ang dapat gawin ni Noe at sa kanyang mga anak na lalaki patungo sa pakikipag-usap tungkol sa kung ano ang gagawin ng Diyos.

Itatatag ko ang kasunduan sa inyo

Sa kasunduang ito, gumawa ang Diyos ng pangako, pero hindi niya hiningi kay Noe na gawin ang anumang bagay. Maaaring isalin na: "Gagawa ako ng taimtim na pangako para sa iyo."

Genesis 9:11

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nagsasalita ang Diyos kay Noe at kaniyang mga anak.

Sa pamamagitan nito itinatatag ko ang aking kasunduan sa inyo

"Sa pamamagitan ng pagsabi nito, gumawa ako ng kasunduan sa inyo." Tingnan kung paano isinalin ang magkaparehong mga salita sa 6:18.

lahat ng laman

Ito ay tumutukoy sa lahat ng nabubuhay na nilalang, mga tao at mga hayop

Hindi na kailanman muling magkakaroon ng bahang sisira sa mundo

"Wala na muling baha na sisira sa mundo. "Magkakaroon ng baha, pero hindi nito masisira ang buong mundo.

Hindi na kailanman muling magkakaroon ng bahang sisira sa mundo

“Wala na muling baha ang darating na sisira sa mundo.” Magkakaroon ng mga baha, pero hindi nito sisirain ang buong mundo.

palatandaan

Nangangahulugan ito na isang paalala ng isang bagay na pinangako.

kasunduan... para sa lahat ng hinaharap na salinlahi

Nagagamit ang kasunduan kay Noe at sa kanyang mga pamilya at ganoon din sa lahat ng hinaharap na salinlahi na susunod.

Genesis 9:14

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nagsasalita ang Diyos kay Noe at kaniyang mga anak.

Ito ay mangyayari kapag

"Tuwing". Isang bagay ito na mangyayari ng maraming beses.

ang bahaghari ay natatanaw

Hindi malinaw sino ang makakikita sa bahaghari, pero dahil sa kasunduan sa pagitan ng Diyos at mga tao, kung kailangan mong sabihin kung sino ang makakikita sa bahaghari, dapat sabihin na si Yahweh at mga tao. Maaari itong isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “kita ko at ng mga tao ang bahaghari” (Tingnan: Active or Passive)

Bahaghari

Ang makulay na liwanag na lumilitaw sa ulan kapag ang araw ay sumisikat sa likod ng tumitingin.

isasaisip ko ang aking kasunduan

Hindi ibig sabihin nito na unang makalimot ang Diyos. Maaaring isalin na: "Iisipin ko ang aking kasunduan."

ko at ninyo

Ang salitang "kayo" ay pangmaramihan. Nakipag -usap ang Diyos kay Noe at sa mga anak na lalaki ni Noe

bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman

"bawat uri ng nabubuhay na nilalang"

Genesis 9:16

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nagsasalita ang Diyos kay Noe at kaniyang mga anak.

upang gunitain

"upang alalahanin ko" o "upang iisipin ko"

sa pagitan ng Diyos at sa lahat ng nilalang

Nagsasalita ang Diyos dito: "sa pagitan ko at sa bawat nabubuhay na nilalang."

bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 9:15.

At sinabi ng Diyos kay Noe

Nakikipag-usap na ang Diyos kay Noe. Ang pariralang ito ay palatandaan ng huling bahagi kung ano ang sinasabi ng Diyos. Maaaring isalin na: "Tinapos ng Diyos sa pamamagitan ng pagsabi kay Noe" o " Kaya sinabi ng Diyos kay Noe."

Genesis 9:18

Pangkalahatang Impormasyon

Ipinapakilala ng mga talata 18-19 ang tatlong anak ni Noe na magiging mahalagang bahagi ng susunod na kuwento.

ama

Ang ibig sabihin nito ang magulang ni; Si Ham ang magulang ni Canaan.

Genesis 9:20

magsasaka

"tao ng lupa"

nalasing

"Uminom ng maraming alak"

walang damit

Hindi tiyak ang paksang ito kung alin sa katawan ni Noe ang walang takip habang nakahiga siyang lasing. Nagpapakita ang mga reaksyon ng kanyang mga anak na lalaki sa atin na ito ay nakakahiya.

Genesis 9:22

ang kanyang ama

Ito ay tumutukoy kay Noe.

Genesis 9:24

Pangkalahatang Impormasyon

Sa mga talatang 25-27 nagbitaw ng sumpa si Noe sa anak ni Ham at pagpapala sa mga kapatid ni Ham. Anuman ang sinabi ni Noe sa kanila ay totoo rin maging sa kanilang kaapu-apuhan gaya ng ipinapakita sa UDB.

Pangkalahatang Impormasyon

Ang magkakaibang parirala sa mga talatang ito ay nakapalood para ipakita na ito ay isang tula. Kung maaari, isaad ito sa paraang makikita ng mambabasa na ito ay tula.

nagising sa kanyang kalasingan

"nahimasmasan"

kanyang bunsong anak na lalaki

Ito ay tumutukoy kay Ham. Maaaring isalin na: "ang kanyang bunsong anak na lalaki, si Ham."

Sumpain si Canaan

Maaaring isalin na: "Sumpain ko si Canaan" o "Mangyari nawa ang mga masamang bagay kay Canaan"

Canaan

Ito ang isa sa mga anak na lalaki ni Ham. Maaaring isalin na: "Anak na lalaki ni Ham na si Canaan."

isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid

"ang pinakamababang lingod ng kanyang mga kapatid na lalaki" o "ang pinakahamak na lingkod ng kanyang mga kapatid na lalaki"

kanyang kapatid

Ito ay tumutukoy sa mga kapatid na lalaki ni Canaan o lahat ng kanyang mga kamag-anak.

Genesis 9:26

Pangkalahatang Impormasyon

Kung maaari, isaad ito sa paraang makikita ng mambabasa na ito ay tula.

Nawa si Yahweh...pagpalain

"Purihin ka Yahweh" o "Karapat-dapat si Yahweh na purihin" o "Pinupuri ko si Yahweh" (UDB)

Nawa si Canaan ay kanyang maging lingkod

"Hayaan maging lingkod ni Jafet si Canaan. "Kabilang ito sa mga kaapu-apuhan ni Canaan at ni Japet.

Palawakin nawa ng Diyos si Jafet

Mga posibleng kahulugan ay 1) "Nawa palawakin ng Diyos ang nasasakupan ni Jafet" (UDB) o 2) ""Nawa idulot ng Diyos na paramihin ang mga kaapu-apuhan ni Jafet."

at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem

"at hayaan siyang payapang manirahan kasama ni Shem. "Kabilang ito sa mga kaapu-apuhan ni Shem at ni Jafet.

Genesis 9:28

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/09]]


Chapter 10

1 Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe, iyon ay, sina Sem, Ham at Jafet. Nagkaanak sila ng mga lalaki pagkatapos ng baha. 2 Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 3 Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma. 4 Ang mga anak na lalaki ni Jovan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim. 5 Mula sa mga ito humiwalay ang mga taong taga baybay-dagat at umalis papunta sa kani-kanilang mga lupain, bawat isa ay may sariling wika, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga bansa. 6 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. 7 Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan. 8 Si Cus ang naging ama ni Nimrod, ang naging kauna-unahang manlulupig sa mundo. 9 Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, "Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh." 10 Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar. 11 Mula sa lupaing iyon siya ay pumunta sa Asiria at tinatag ang Nineve, Rehoboth Ir, Cale, 12 at Resen, na nasa pagitan ng Nineve at Cale. Ito ay malaking lungsod. 13 Si Mizraim ang naging ama ng mga Ludites, mga Anamites, mga Lehabites, mga Napthuhites, 14 ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites. 15 Si Canaan ang naging ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Heth, 16 gayundin ng mga Jebuseo, ng mga Amoreo, ng mga Gergeseo, 17 ng mga Hivita, ng mga Araceo, ng mga Sineo, 18 ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo. 19 Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha. 20 Ito ang mga anak na lalaki ni Ham, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, at sa kanilang mga bansa. 21 Nagkaanak din ng mga lalaki si Sem, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Jafet. Si Sem din ang ninuno ng lahat ng tao sa Eber. 22 Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sina Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram. 23 Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. 24 Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber. 25 Si Eber ay may dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa kanyang panahon nahati ang mundo. Ang pangalan ng kanyang lalaking kapatid ay Joktan. 26 Si Joktan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah, 27 Hadoram, Uzal, Diklah, 28 Obal, Abimael, Sheba, 29 Ofir, Havila, at Jobab. Ang lahat ng mga ito ay anak ni Joktan. 30 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mesha, hangang sa Sephar, ang bundok ng Silangan. 31 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanilang mga angkan at sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, ayon sa kanilang mga bansa. 32 Ito ang mga angkan ng mga anak na lalaki ni Noe, ayon sa kanilang mga tala ng angkan, ng kanilang mga bansa. Mula sa mga ito nagkahiwalay ang mga bansa at kumalat sa mundo matapos ang baha.



Genesis 10:1

Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe

Nagpapakilala ang pangungusap na ito sa kasaysayan ng mga kaapu-apuhan ni Noe sa Genesis 10:1-11:9. Maaaring isalin na: "Ito ang kasaysayan ng mga anak na lalaki ni Noe.

Genesis 10:2

Mula sa mga ito humiwalay ang mga taong taga baybay-dagat at umalis papunta sa kani-kanilang mga lupain

Maaaring isalin na: "Nagkahiwalay at umalis patungo sa tabing- dagat at sa mga pulo ang mga anak na lalaki ni Javan at kanyang mga kaapu-apuhan"

mga taong taga baybay-dagat

Ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa tabing-dagat at sa mga pulo.

kani-kanilang mga lupain

Ito ang mga lugar kung saan nagtungo at namuhay ang mga tao. Maaaring isalin na: "ang kanilang sariling bayan."

ang bawat isa ay may sariling wika

Maaaring isalin na: "Nagsalita ang bawat lahi sa kanilang sariling wika" o "Pinangkat ng mga lahi ang kanilang sarili ayon sa kanilang mga wika."

Genesis 10:6

Mizraim

Mizraim ay Hebreong pangalan para sa "Ehipto".

Genesis 10:8

sa harapan ni Yahweh

Maaaring isalin na: "sa paningin ni Yahweh"

Kaya ang mga ito'y sinabi

Nagpapakilala ito ng isang kawikaan. Maaaring magpakilala ng mga kawikaan at kasabihan sa ibat-ibang paraan ang iyong wika. Maaaring isalin na: "Ito ang dahilan kaya sinabi ng mga tao."

Ang naunang mga sentro

Mga posibleng kahulugan ay 1) ang naunang sentro na kanyang pinalago 2) ang mga mahahalagang mga lungsod.

Genesis 10:11

siya ay pumunta sa Asiria

"Pumunta si Nimrod sa Asiria"

Mizraim ang naging

Nagpatuloy ang mga talaan ng mga kaapu-apuhan ni Noe.

Mizraim

Isa sa mga anak ni Ham si Mizraim. Naging tao ng Ehipto ang kanyang mga kaapu-apuhan. Mizraim ang Hebreong pangalan para sa "Ehipto."

Genesis 10:15

Jebuseo...Amoreo... Gergeseo

Ang mga pangalang ito ay tumutukoy sa malalaking lahi na nagmula kay Canaan.

Genesis 10:19

hangganan

Maaaring isalin na: "kalupaan" o "hangganan ng kanilang kalupaan."

mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza

Maaaring sabihin ng malinaw ang dakong timog kung kinakailangan: "Mula sa Sidon at papunta sa dakong Gerar sa timog hanggang sa bayan ng Gaza" o "mula sa lungsod ng Sidon sa hilaga hanggang timog sa bayan ng Gaza, kung saan malapit sa Gerar." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha

Ang dakong "silangan" o "sa loob ng bayan" maaaring sabihin ng malinaw kung kinakailangan: "pagkatapos sa silangan patungo sa bayang ng Sodoma, Gomorra, Admah, at Zeboiim, hanggang sa Lasa" o "sa loob ng bayan patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zoboiim, na hanggang Lasa." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Ito ang mga anak na lalaki ni Ham

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga lahi na nakalista sa mga talata 6-19.

ayon sa kanilang mga wika

"nagkahiwa-hiwalay ayon sa kanilang iba't-ibang mga wika"

sa kanilang mga lupain

"sa kanilang mga tinubuang lupa"

Genesis 10:21

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/10]]

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:22

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:23

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:24

Arfaxad

Isa sa mga anak na lalaki ni Sem si Arfaxad.

Peleg

Maaaring magdagdag ng talababa ang tagasalin na sinasabing: "Nangangahulugang "paghahati" ang pangalang Peleg."'

nahati ang mundo

Maaaring isalin na: "Pinangkat ng mga tao sa mundo ang kanilang sarili" o "Nagkahiwalay mula sa isat-isa ang mga tao sa mundo” (Tingnan: Active or Passive)

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:25

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:26

Joktan

Isa sa mga anak na lalaki ni Eber si Joktan.

Lahat ng mga ito

Ito ay tumutukoy sa mga anak na lalaki ni Joktan.

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:27

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:28

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:29

Ito ang mga anak ni Sem

Ang salitang "ito ang mga" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Sem na dati ng nailista .

Genesis 10:30

kanilang nasasakupan

Maaaring isalin na: "Ang lupain na kanilang nasasakupan" o "Ang lupain na kanilang tinitirahan."

Genesis 10:32

Ito ang mga angkan

Ito ay tumutukoy muli sa lahat ng taong nalista sa kabanata 10:1-31.

ayon sa

"nailista ni"

Mula sa mga ito nagkahiwalay ang mga bansa at kumalat sa mundo

"Mula sa mga angkan na ito hinati ang mga bansa at kumalat sa mundo" o "Hinati sa isat-isa ang mga angkan na ito at binuo ang mga bansa sa mundo.

matapos ang baha

Maaaring isalin na: "matapos sirain ng baha ang mundo." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)


Chapter 11

1 Ngayon ang buong mundo ay gumagamit ng iisang wika at parehong mga salita. 2 Sa kanilang paglalakbay sa silangan, nakatagpo sila ng isang kapatagan sa lupain ng Shinar at doon sila nanirahan. 3 Sinabi nila sa isa’t isa, "Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti." Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento. 4 Sinabi nila, "Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo." 5 Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan. 6 Sinabi ni Yahweh, "Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila. 7 Halikayo, bumaba tayo at lituhin natin ang kanilang wika roon, para hindi nila maintindihan ang isa’t isa. 8 Kaya ikinalat sila ni Yahweh mula roon tungo sa lahat ng dako ng mundo at huminto sila sa pagtatayo ng lungsod. 9 Kaya, pinangalanan itong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo at mula roon ikinalat sila ni Yahweh sa iba’t ibang dako ng mundo. 10 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Si Sem ay isandaang taong gulang, at naging ama ni Arfaxad dalawang taon matapos ang baha. 11 Si Sem ay nabuhay ng limandaang taon matapos siyang naging ama ni Arfaxad. Naging ama rin siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 12 Nang tatlumpu't-limang taon na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Selah. 13 Nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Selah, at naging ama pa ng ibang anak na lalaki at babae. 14 Nang tatlumpung taon na si Selah, siya ay naging ama ni Eber. 15 Nabuhay pa si Selah ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Eber at naging ama pa ibang anak na lalaki at babae. 16 Nang tatlumpu't-apat na taon si Eber, siya ay naging ama ni Peleg. 17 Nabuhay pa si Eber ng 430 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 18 Nang tatlumpung taon na si Peleg, siya ay naging ama ni Reu. 19 Nabuhay pa si Peleg ng 209 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 20 Nang tatlumpu't dalawang taon na si Reu, siya ay naging ama ni Serug. 21 Nabuhay pa si Reu ng 207 taon matapos siyang maging ama ni Serug. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 22 Nang tatlumpung taon na si Serug, siya ay naging ama ni Nahor. 23 Si Serug ay nabuhay pa ng dalawandaang taon matapos siyang maging ama ni Nahor. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 24 Nang dalawampu't-siyam na taon na si Nahor, siya ay naging ama ni Terah. 25 Nabuhay pa si Nahor ng 119 taon matapos siyang maging ama ni Terah. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 26 Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran. 27 Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot. 28 Namatay si Haran sa piling ng kaniyang amang si Terah sa lupain na kaniyang sinilangan, sa Ur ng mga Caldeo. 29 Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah. 30 Ngayon si Sarai ay baog; siya ay walang anak 31 Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon. 32 Nabuhay pa si Terah ng 205 na taon at pagkatapos ay namatay sa Haran.



Genesis 11:1

Ngayon

Ipinapakita ng salitang ito na nagsisimula ang manunulat ng isang bagong bahagi ng kwento.ang buong mundo ang lahat ng tao sa mundo. (Tingnan sa: Metonymy)

gumagamit ng iisang wika at parehong mga salita

Iisa ang kahulugan ng dalawang pariralang ito, at nagbibigay-diin na parehong wika ginagamit ng lahat ng tao. (Tingnan sa:Parallelism)

paglalakbay

"mangibang bayan" o "nagpalipat-lipat"

sa silangan

Mga posibleng kahulugan ay1) "sa silangan" o 2) "mula sa silangan" o 3) "patungo sa silangan." Ang mas pipiliin ay ang "sa silangan" dahil papuntang silangan ang Shinar kung saan naniniwala ang mga dalubhasa na dumaong ang arko.

nanirahan

huminto sa paglipat mula sa isang lugar patungo sa iba pa at nagsimulang manirahan sa isang lugar

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/11]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/11]]

Genesis 11:3

Halikayo

Kung ang iyong wika ay may paraan para humikayat o mag-utos sa mga tao na simulan ng magtrabaho, tulad ng sa Ingles, “Tara!” maaari mo itong gamitin dito.

lutuin nating mabuti

Gumagawa ang mga tao ng mga laryo mula sa putik at pinapainitan nila sa napakainit na hurno para maging matigas at matibay.

alkitran

isangmakapal, malagkit at itim na likido na galing sa lupa.

mortar

isa itong makapal na sangkap na gawa sa pulbos ng apog, putik, buhangin at tubigna ginagamit para pakapitin ang mga bato o putik.

gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili.

"'patanyagin natin ang ating pagkakakilanlan"

pangalan

"pagkakakilanlan"

magkakawatak-watak tayo

Maaari itong ipahayag saaktibong anyo. Maaaring isalin na: “maghihiwalay-hiwalay tayo at maninirahan sa iba’t ibang lugar” (Tingnan: Active or Passive)

Genesis 11:5

mga kaapu-apuhan ni Adan

"ang mga tao"

bumaba

Maaaring gawing malinaw ang impormasyon tungkol sa kung saang lugar siya nagmula nang bumaba: "bumaba mula sa langit." Hindi sinasabi nito kung paano siya bumaba." Gumamit ng isang salitang kahulugan na pangkalahatan "bumaba". (Tingnan sa:-Assumed Knowledge and Implicit Information)

para tingnan

"para masdan" o "para tingnanng mas malapitan"

iisang bayan na may iisang wika

Isang malaking grupo ang lahat ng mga tao at nagsasalita silang lahat ng iisang wika.

sinisimulan nilang gawin ito

Mga maaaring kahulugan ay: 1) “sinimulan nilang gawin ito,” ibig sabihin sinimulan nilang itayo ang tore pero hindi pa ito tapos, o 2) “una pa lamang ito sa kanilang ginawa,” ibig sabihin marami pa silang mga dakilang bagay na gagawin sa hinaharap.

lahat ng -gustong nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila

Maaari itong sa positibong kaisipan. Maaaring isalin na: "anumang bagay na maaari nilang gawin ay magiging posible na para sa kanila" (Tingnan sa Double Negatives)

Halikayo

Kung ang iyong wika ay may paraan para humikayat o mag-utos sa mga tao na simulan ng magtrabaho, tulad ng sa Ingles, “Tara!” maaari mo itong gamitin dito.

bumaba tayo

Ang salitang "tayo" ay pangmaramihan kahit na tumutukoy ito sa Diyos. Isinasalin ito ng iba bilang "Ako ay bababa" o "Bababa ako. Kung ginawa mo ito, lagyan mo ng isang talababa para sabihin na ang panghalip ay pangmaramihan." Tingnan ang tala sa "Tayo ay gumawa" sa 1:26.(Tingnan sa:Pronouns)

lituhin natin ang kanilang wika

Nangangahulugan itong patitigilin ni Yahweh ang pagsasalita ng mga tao ng iisang wika sa buong mundo. Maaaring isalin na: "guluhin ang kanilang wika." (Tingnan: Assumed Knowledge)

para hindi nila maintindihan ang isa’t isa

Ito ang layunin na lituhin ang kanilang wika. Maaaring isalin na: " para hindi na maintindihan kung ano ang sinasabi ng bawat isa." (UDB) (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Genesis 11:8

mula doon

"mula sa lungsod"

tinawag ang pangalan nitong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh

Ang pangalang "Babel" ay kasintunog ng salitang nangangahulugang "nilito". Maaaring magdagdag ng talababa ang tagasalin tungkol dito.

nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo

Nangangahulugan ito na idinulot ni Yahweh na hindi na kailanman magsasalita ng iisang wika ang tao sa buong mundo. Maaaring isalin na: "ginulo ang wika ng buong mundo." (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Genesis 11:10

Pangkalahatang Kaalaman

Ang natitira pang bahagi ng kabanatang ito ay tinatala ang mga kaapu-apuhan ni Sem hanggang kay Abram.

Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem

Nagsisimula ang pangungusap na ito sa talaan ng mga kaapu-apuhan ni Sem.

baha

Ito ang baha mula sa panahon ni Noe kung saan ang mga tao ay naging napakasama kaya nagpadala ang Diyos ng baha para takpan ang buong mundo.

naging ama ni Arfaxad

"nagkaroon ng anak na lalaki na si Arfaxad" o "isinilang ang kaniyang anak na lalaki na si Arfaxad "

Arfaxad

pangalan ng isang lalaki (Tingnan sa: How to Translate Names)

isandaan...dalawa...limandaan

Maaaring sumulat ang tagasalin ng mga salita o mga pamilang na "100," "2", at "500". (Mayroong mga salita ang ULB at ang UDB kung may isa o dalawa ang bilang na mga salita lamang; mayroon silang mga pamilang kung may tatlo o higit pang mga salita ang bilang. (Tingnan sa: Numbers)

Genesis 11:12

naging ama siya ni Selah

"isinilang ang anak niyang lalaki na si Selah"

Selah

pangalan ng isang lalaki lalaki (Tingnan sa: How to Translate Names)

Genesis 11:14

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang mga talaan sa Genesis 11:12-25 ay may parehong ayos. Isalin ito sa parehong paraan gaya ng iyong pagsalin sa 11:12-13. (Tingnan sa: How to Translate Names) (Tingnan sa: Numbers)

Genesis 11:16

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang mga talaan sa Genesis 11:12-25 ay may parehong ayos. Isalin ito sa parehong paraan gaya ng iyong pagsalin sa 11:12-13. (Tingnan sa: How to Translate Names) (Tingnan sa: Numbers)

Genesis 11:18

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang mga talaan sa Genesis 11:12-25 ay may parehong ayos. Isalin ito sa parehong paraan gaya ng iyong pagsalin sa 11:12-13. (Tingnan sa: How to Translate Names) (Tingnan sa: Numbers)

Genesis 11:20

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang mga talaan sa Genesis 11:12-25 ay may parehong ayos. Isalin ito sa parehong paraan gaya ng iyong pagsalin sa 11:12-13. (Tingnan sa: How to Translate Names) (Tingnan sa: Numbers)

Genesis 11:22

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/11]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/11]]

Pangkalahatang Impormasyon:

Ang mga talaan sa Genesis 11:12-25 ay may parehong ayos. Isalin ito sa parehong paraan gaya ng iyong pagsalin [[rc://tl/bible/notes/gen/11/12]].

Genesis 11:24

Abram, Nahor, at Haran

Hindi natin alam kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga anak niya noong sila ay isinilang.

Genesis 11:27

Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah

Nagpapakilala ang pangungusap na ito ng kasaysayan ng mga kaapu-apuhan ni Terah. Ang Genesis 11:27-25:11 ay nagsasabi tungkol sa kaapu-apuhan ni Terah, lalo na sa anak niyang si Abram. Maaaring isalin na: "Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Terah." (Tingnan sa: How to Translate Names) (Tingnan sa: Numbers)

Namatay si Haran sa harap ng kaniyang amang si Terah

Nangunguhulugan ito na namatay si Haran habang buhay pa ang kaniyang ama. Maaaring isalin na: "Namatay si Haran habang ang kaniyang ama, si Terah, ay kasama pa niya”

Genesis 11:29

Kumuha ng mga asawa

"nagpakasal sa mga asawa"

Iscah

Pangalan ito ng isang babae.

Ngayon

Ginamit ang salitang ito para ipakilala ang bagong impormasyon tungkol kay Sarai na magiging mas mahalaga sa mga susunod na kabanata.

baog

Ang salitang ito naglalarawan sa isang babaeng hindi makapagdalantao o makapagbigay ng isang anak. (Tingnan sa: Euphemism)

Genesis 11:31

kaniyang

Ang salita dito na "kaniyang" ay tumutukoy kay Terah

Sarai na kaniyang manugang, na asawa ng kaniyang anak na si Abram

“si Sarai na kaniyang manugang na asawa ng kaniyang anak na si Abram"

Haran...Haran

Dalawang magkaibang mga pangalan ito at binaybay ng magkaiba sa Hebreo. Ang isa ay tumutukoy sa isang tao at ang isa ay tumutukoy sa isang lungsod. (Ang tunog ng “h” sa pangalan ng lungsod ay mas malakas kaysa sa tunog ng “h” sa pangalan ng tao. Maaari mo itong piliing baybayin ng magkaiba sa iyong wika para maipakita ito.


Chapter 12

1 Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, "Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo. 2 Gagawin kitang isang dakilang bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging isang pagpapala. 3 Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain." 4 Kaya humayo si Abram, gaya ng sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin, at sumama si Lot sa kaniya. Pitumpu't-limang taong gulang si Abram nang umalis siya sa Haran. 5 Isinama ni Abram si Sarai, na kaniyang asawa, si Lot, na anak na lalaki ng kaniyang kapatid, lahat ng mga ari-arian na kanilang naipon, at mga nakuha nilang mga tauhan sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupain ng Canaan. 6 Naglakbay si Abram hanggang sa Shekem sa kakahuyan ng Moreh. Sa panahong iyon ang mga Cananeo ang naninirahan sa lupain. 7 Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, "Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan." Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya. 8 Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh. 9 Pagkatapos nagpatuloy si Abram sa paglalakbay patungong Negeb. 10 Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain. 11 Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai, "Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae. 12 Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto sasabihin nilang, 'Ito ay kaniyang asawa,' at ako ay papatayin nila, pero hahayaan ka nilang mabuhay. 13 Sabihin mong ikaw ay kapatid kong babae, para mapabuti ako ng dahil sa iyo, at maliligtas ang buhay ko dahil sa iyo." 14 Nang papasok na si Abram sa Ehipto, nakita ng mga taga-Ehipto na napakaganda ni Sarai. 15 Nakita siya ng mga prinsepe ng Paraon, at pinuri siya kay Paraon, at dinala ang babae sa sambahayan ng Paraon. 16 Pinakitunguhan nang mabuti ni Paraon si Abram alang-alang sa kaniya, at binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga lalaking asno, mga lalaki at babaeng lingkod, mga babaeng asno, at mga kamelyo. 17 Pagkatapos pinahirapan ni Yahweh ang Paraon at ang kaniyang sambahayan ng mga matinding salot dahil kay Sarai, na asawa ni Abram. 18 Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, "Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa? 19 Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo." 20 Pagkatapos, binigyan ng utos ng Paraon ang kaniyang mga tauhan patungkol sa kaniya, at siya ay pinaalis nila, kasama ang kaniyang asawa at ang lahat ng mayroon siya.



Genesis 12:1

Ngayon

Ginamit ang salitang ito dito para tandaan ang bagong bahagi ng kuwento.

Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak

"Humayo ka mula sa iyong lupain, mula sa iyong pamilya

Gagawin kitang isang dakilang bansa

Dito ang “ka” ay pang-isahan at tumutukoy kay Abram, pero si Abram ay kumakatawan sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Maaaring isalin na: "Magsisimula ako ng dakilang bansa sa pamamagitan mo" o "Gagawin kong dakilang bansa ang iyong mga kaapu-apuhan" (Tingnan: Synecdoche)

at gagawin kong dakila ang iyong pangalan

Ang salitang "pangalan" ay kumakatawan sa reputasyon ng tao. Maaaring isalin na: "at gagawin kitang isang tanyag"(Tingnan sa: Metonymy)

ikaw ay magiging isang pagpapala

Ang mga salitang “sa ibang mga tao” ay nauunawaan na. Maaaring isalin na: “ikaw ay magiging isang pagpapala sa ibang mga tao” (Tingnan sa: Ellipsis)

sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko

"Isusumpa ko ang sinumang tuturing sa iyo nang nakakahiyang paraan" o "at kung sinuman ang tuturing sa iyo nang walang halaga, isusumpa ko siya."

Sa pamamagitan mo ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain

Maaari itong gawing aktibo. Maaaring isalin na: "Pagpapalain ko ang lahat ng mga pamilya sa pamamagitan mo." (Tingnan sa: Active o Passive)

Sa pamamagitan mo

"Dahil sa iyo" o "Dahil ikaw ay pinagpala ko"

Genesis 12:4

mga ari-arian

Kasama dito ang mga hayop at mga kagamitan.

mga nakuha nilang tao

Mga posibleng kahulugan ay 1) "ang mga alipin na kanilang natipon" (UDB) o 2) "ang mga taong kanilang nalikom para makasama."

Genesis 12:6

Naglakbay si Abram

Tanging pangalan ni Abram ang binanggit dahil siya ang padre de pamilya. Inutusan siya ng Diyos na dalhin ang kaniyang pamilya at pumunta roon. Maaaring isalin na: "Kaya si Abram at ang kaniyang pamilya ay naglakbay."

sa lupain

"sa lupain ng Canaan"

kakahuyan ng Moreh

Moreh marahil ang pangalan ng lugar. (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Yahweh, na nagpakita sa kaniya

"Yahweh, dahil nagpakita siya sa kaniya"

Genesis 12:8

itinayo ang kaniyang tolda

Maraming taong kasama si Abram habang naglalakbay sila. Ang mga nakatira sa mga tolda ay ang mga taong palipat-lipat. Maaaring isalin na: "at itinayo nila ang kanilang mga tolda."

tumawag sa pangalan ni Yahweh

"nanalangin sa pangalan ni Yahweh" o "sumamba kay Yahweh"

Pagkatapos nagpatuloy si Abram sa paglalakbay

"Pagkatapos kinuha ni Abram ang kaniyang tolda at nagpatuloy sa paglalakbay." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

patungong Negev

"patungo sa rehiyon ng Negeb" o "patungo sa timog" o "timog sa disyerto ng Negev" (UDB)

Genesis 12:10

Nagkaroon ng taggutom

"Walang pagkaing makuha" o "May kakulangan sa pagkain. " Hindi maganda ang tubo ng mga pananim sa panahong iyon. Maaari itong gawing aktibo. Maaaring isalin na: “Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain” (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa lupain

"sa bahagi ng lugar" o "sa lupain kung saan naninirahan si Abram"

pumunta pababa

Mga posibleng kahulugan ay 1) "pumunta sa timog" (UDB) o 2) "lumayo mula sa Canaan patungong." Pinakamabuting isalin ito gamit ang iyong mga pangkaraniwang salita para sa pagbaba mula sa mataas na lugar patungo sa mababang lugar.

ako ay papatayin nila…at ikaw ay buhay

Maaaring gawing malinaw ang dahilan kung bakit papatayin nila si Abram: "papatayin nila ako para ikaw ay kanilang mapangasawa (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

at maililigtas ang buhay ko dahil sa iyo

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. "para, dahil sa iyo, hindi na nila ako papatayin" (Tingnan sa: Active or Passive)

Genesis 12:14

Nangyari na

Mga posibleng kahulugan ay 1) Ginamit ang pariralang ito dito para tandaan kung saan nagsisimula ang kilos, at kung may paraan ang iyong wika sa paggawa nito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito, o 2) "At iyon ang nangyari" (UDB)

Nakita siya ng mga prinsepe ng Paraon

"Nakita si Sarai ng mga opisyales ng Paraon" o "Nakita siya ng mga opisyales ng Hari" (UDB)

dinala ang babae sa sambahayan ng Paraon

Pinahayag ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Dinala siya ng Paraon sa kaniyang sambahayan" o "Pinapadala siya sa sambahayan ng Paraon sa kaniyang mga kawal"

sambahayan ng Paraon

Mga posibleng kahulugan ay 1) "Pamilya ng Paraon," iyon ay, bilang asawa, o 2) "Bahay ng Paraon" o "Palasyo ng Paraon," ang badyang pangpalubagloob para kay Paraon na siya ay maging isa sa kaniyang mga asawa.

alang-alang sa kaniya

"alang-alang kay Sarai" o "dahil sa kaniya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/12]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/12]]

ang babae

Sarai

Genesis 12:17

dahil kay Sarai, na asawa ni Abram

Maaari itong gawing mas malinaw. Maaaring isalin na: "dahil kinuha ng Paraon si Sarai, na asawa ni Abram, bilang kaniyang asawa" (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Pinatawag ng Paraon si Abram

"Tinawag ni Paraon si Abram" o "Inutusan ng Paraon si Abram na pumunta sa kaniya"

Ano itong ginawa mo sa akin?

Ginamit ng Paraon ang patalumpating katanungang ito para ipakita ang matinding pagkagalit niya sa ginawa ni Abram sa kaniya. Maaari rin itong ilahad ng bulalas. "Nakagawa ka ng isang karumal-dumal na bagay sa akin!" (UDB). (Tingnan sa: Rhetorical Question)

Pagkatapos, binigyan ng utos ng Paraon ang kaniyang mga tauhan patungkol sa kaniya

"Pagkatapos tinuruan ng Paraon ang kaniyang mga opisyales patungkol sa kay Abram"

at siya ay pinaalis nila, kasama ang kaniyang asawa at ang lahat ng mayroon siya

"at pinalayo ng mga opisyales si Abram mula kay Paraon, kasama ang kaniyang asawa at lahat ng kaniyang mga ari-arian"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/12]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/12]]


Chapter 13

1 Kaya umalis si Abram sa Ehipto at pumunta sa Negeb, siya, ang kaniyang asawa, at ang lahat ng mayroon siya. Sumama rin si Lot sa kanila. 2 Ngayon si Abram ay napakayaman na sa mga hayop, pilak, at ginto. 3 Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay mula sa Negeb patungong Bethel, sa lugar kung saan naroon ang kaniyang tolda noon, sa pagitan ng Bethel at Ai. 4 Pumunta siya sa lugar kung saan niya dating itinayo ang altar. Dito tumawag siya sa pangalan ni Yahweh. 5 Ngayon si Lot, na kasama ni Abram sa paglalakbay, ay mayroon ding mga kawan, mga alagang hayop at mga tolda. 6 Dahil ang kanilang mga ari-arian ay napakarami, hindi na kayang tugunan ng lupain ang kanilang pangangailangan na manirahang magkasama, kaya hindi na sila maaaring magsama. 7 At isa pa, mayroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pastol ng mga hayop ni Abram at ng mga pastol ng mga hayop ni Lot. Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon. 8 Kaya sinabi ni Abram kay Lot, "Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya. 9 Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain? Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili sa akin. Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan. O kung pupunta ka sa kanan, pupunta naman ako sa kaliwa. 10 Kaya tumingin si Lot sa paligid at nakitang sagana sa tubig ang buong kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar, katulad ng hardin ni Yahweh, katulad ng lupain sa Ehipto. Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah. 11 Kaya pinili ni Lot ang lahat ng kapatagan ng Jordan para sa kaniyang sarili at naglakbay sa silangan at naghiwalay na ang magkakamag-anak. 12 Nanirahan si Abram sa lupain ng Canaan, at si Lot ay nanirahan naman sa mga lungsod ng kapatagan. Nagtayo siya ng kaniyang mga tolda hindi kalayuan sa Sodoma. 13 Ngayon napakasama ng mga kalalakihan ng Sodoma at namumuhay sila laban kay Yahweh. 14 Sinabi ni Yahweh kay Abram pagkatapos lumayo ni Lot sa kaniya, "Tumingin ka mula sa kinatatayuan mo, sa hilaga, timog, silangan at kanluran. 15 Lahat ng lupaing ito na nakikita mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman. 16 At gagawin kong kasindami ng alikabok sa lupa ang iyong mga kaapu-apuhan, kaya kung mabibilang ng isang tao ang alikabok ng mundo, sa gayon ay mabibilang din ang mga kaapu-apuhan mo. 17 Tumindig ka, lakarin mo ang kahabaan at kalawakan ng lupain, dahil ibibigay ko ito sa iyo. 18 Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.



Genesis 13:1

umalis

Maaaring isalin na: "humayo mula sa" o "lumisan mula sa"

pumunta sa Negeb

Ang Negeb ay isang disyertong rehiyon na nasa dakong timog ng Canaan, kanluran ng Ehipto. Maaari itong gawing malinaw. Maaaring isalin na: "bumalik sa disyertong Negeb" (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

napakayaman na ni Abram sa mga hayop, pilak, at ginto

"Nagkaroon si Abram ng maraming mga hayop, maraming mga pilak, at maraming mga ginto"

mga hayop

"mga alagang hayop" o "mga baka"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:3

Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay

Naglakbay si Abram at ang kaniyang pamilya ng yugto sa yugto, pumupunta sa isang lugar patungo sa isa pa. Maaari itong gawing malinaw. Maaaring isalin na: "Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa lugar kung saan niya dating itinayo ang altar

Maaaring magdagdag ang mga tagasalin ng talababa na nagsasabing "Tingnan sa Genesis 12:8." Ang panahon ng kanilang paglalakbay ay maaaring gawing malinaw: "sa lugar kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda bago siya pumunta sa Ehipto." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

tumawag siya sa pangalan ni Yahweh

"nanalangin siya sa pangalan ni Yahweh" o "sinamba niya si Yahweh." Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 12:8.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:5

Ngayon

Ginamit ang salitang ito dito para maipakita na kasunod nito ang nakaraang batayan na makakatulong sa tagabasa na maintindihan ang dahilan ng mga sumusunod na mga kaganapan. (Tingnan sa: Background Information)

hindi na kayang tugunan ng lupain ang kanilang pangangailangan

Walang sapat na damuhan at tubig doon para sa lahat ng kanilang mga hayop.

kanilang mga ari-arian

Kabilang dito ang mga alagang hayop na nangangailangan ng pastulan at tubig.

hindi na sila maaaring magsama

"hindi na maaaring mamuhay ng magkasama"

Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon.

Ito ang isa pang dahilan kung bakit hindi na silang lahat kayang matugunan ng lupain.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:8

Huwag nating hayaang magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa

"Huwag tayong mag-away"

alitan

"hamunan" o "paglalaban-laban" o "pag-aaway-away"

at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol

"at pigilan natin sa pag-aaway ang mga tao na nangangalaga sa ating mga hayop"

kung tutuusin, tayo ay magkapamilya

"dahil tayo ay pamilya"

kapamilya

"malalapit na kamag-anak" o "mga kamag-anak." Si Lot ay pamangkin ni Abraham.

Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain?

Ang retorikang katanungan na ito ay maaaring isalin sa positibong pahayag. Maaaring isalin na: "Ang buong lupain ay nakahanda para magamit mo." (Tingnan sa: Rhetorical Question)

Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili

Masuyong nagsasalita si Abraham kay Lot at hinimok siya na gumawa ng bagay na kapwa makakatulong sa kanila. Maaaring isalin na: "Maghiwalay tayo."

Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan

Mga posibleng kahulugan ay 1) "Kung pupunta ka sa isang daan, ibang daan naman ang pupuntahan ko" o 2) "Kung pupunta ka sa hilaga, pupunta ako sa timog." Hinayaan ni Abraham si Lot na pumili ng bahagi ng lupain na kaniyang nais, at kukunin ni Abraham kung ano man ang natira.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:10

ang buong kapatagan ng Jordan

Ito ay tumutukoy sa kabuuang rehiyon ng Ilog Jordan.

sagana sa tubig

"mayroong panustos ng malinis na tubig"

katulad ng hardin ng Yahweh, katulad ng lupain ng Ehipto

"katulad ng hardin ni Yahweh o katulad ng lupain ng Ehipto." Dalawang magkaibang lugar ang mga ito.

Hardin ni Yahweh

Isa pa itong pangalan para sa hardin ng Eden.

hardin

Gamitin ang parehong salita para sa "hardin" na iyong ginamit sa 2:8.

Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah

Inaasahan nito na isang bagay ang mangyayari kinalaunan. Mahalaga ito rito dahil ipinapaliwanag nito kung bakit nanatili si Lot sa rehiyon na hindi na malago kinalaunan

ang magkakamag-anak

"mga malalapit na kamag-anak" o " mga magkakapamilya." Tumutukoy ito kina Lot at Abram kasama ang kanilang mga sambahayan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:12

Nanirahan

"nanatili" o "nakatira"

sa lupain ng Canaan

"ang lupain ng mga Cananeo"

Nagtayo siya ng kaniyang mga tolda hanggang sa kalayuan ng Sodoma

Mga posibleng kahulugan 1) "Itinayo niya ang kaniyang mga tolda malapit sa Sodoma" (UDB) o 2) "Nilipat niya ang kaniyang mga tolda na nakapalibot sa lugar na umaabot hanggang sa Sodoma."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:14

pagkatapos lumayo ni Lot sa kaniya

"matapos iwan ni Lot si Abraham"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

Genesis 13:16

lakarin mo ang haba at kaluwangan ng lupain

"lakarin ang paligid sa lahat ng dako ng buong lupain"

Mamre

Ito ang pangalan ng tao na nagmamay-ari ng mga puno ng ensina. (Tingnan sa: How to Translate Names)

Hebron

pangalan ng lugar (Tingnan sa: How to Translate Names)

altar para kay Yahweh

“altar para sambahin kay Yahweh”

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/13]]


Chapter 14

1 Nangyari na sa mga araw nina Amrafel, hari ng Sinar, Ariok, hari ng Elasar, Kedorlaomer, hari ng Elam, at Tidal, hari ng Goyim, 2 na nakipagdigma sila laban kina Bera, hari ng Sodoma, Birsha, hari ng Gomorra, Shinab, hari ng Adma, Shemeber, hari ng Zeboim, at sa hari ng Bela (tinatawag ding Zoar). 3 Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin). 4 Labindalawang taon silang nanilbihan kay Kedorlaomer, pero naghimagsik sila sa ika-labintatlong taon. 5 Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam, 6 at ang mga Horeo sa kanilang bulubunduking bansa ng Seir, hanggang sa El Paran, na malapit sa desyerto. 7 Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar. 8 Pagkatapos lumabas at naghanda para sa digmaan ang hari ng Sodoma, ang hari ng Gomorra, ang hari ng Adma, ang hari ng Zeboim, at ang hari ng Bela (tinatawag ding Zoar), 9 laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima. 10 Ngayon puno ng mga hukay na may alkitran ang lambak ng Sidim, at nang tumakas ang mga hari ng Sodoma at Gomorra, nahulog sila roon. Tumakas ang mga natira patungo sa mga kabundukan. 11 Kaya kinuha ng kaaway ang lahat ng mga kagamitan ng Sodoma at Gomorra at ang lahat ng kanilang mga panustos, at nagpatuloy sa kanilang landas. 12 Nang umalis sila, dinala rin nila si Lot, ang anak ng kapatid ni Abram na naninirahan sa Sodoma, kasama ang lahat ng kaniyang mga ari-arian. 13 Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram. 14 Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan. 15 Kinagabihan hinati niya ang kaniyang mga tauhan laban sa kanila at nilusob sila, at hinabol sila hanggang sa Hoba na nasa hilaga ng Damasco. 16 Pagkatapos dinala niya ang lahat ng mga ari-arian, at dinala rin niya ang kaniyang kamag-anak na si Lot at ang kaniyang mga kagamitan, pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao. 17 Matapos bumalik ni Abram mula sa pagtalo kina Kedorlaomer at sa mga hari na kasama niya, ang hari ng Sodoma ay lumabas para salubungin siya sa lambak ng Save (tinatawag ding Lambak ng Hari). 18 Naglabas si Melquisedec, hari ng Salem, ng tinapay at alak. Siya ay pari ng Kataastaasang Diyos. 19 Siya ay kaniyang pinagpala na nagsasabing, "Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa. 20 Pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay." Pagkatapos ibinigay ni Abram sa kaniya ang ikasampu ng lahat ng kaniyang pag-aari. 21 Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, "Ibigay mo sa akin ang mga tao, at kunin mo ang mga kagamitan para sa iyong sarili." 22 Sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, "Itinaas ko ang aking kamay kay Yahweh, sa Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa, 23 na hindi ako kukuha ng sinulid, sintas ng sandalyas, o anumang sa iyo, para ikaw ay hindi kailanman makapagsabing, "Ako ang nagpayaman kay Abram.' 24 Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi."



Genesis 14:1

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang mga lugar sa 14:1-2 ay mga malalayang lungsod. (Tingnan sa: How to Translate Names)

Nangyari na

Ginamit ang pariralang ito dito para tandaan ang simula ng panibagong bahagi ng kuwento. Kung ang iyong wika ay may isang paraan para gawin ito, maaari mong isaalang-alang ang paggamit nito dito.

sa mga araw nina

"sa panahon nina"

nakipagdigmaan sila

"pumunta sila sa digmaan" o "nagsimula sila ng digmaan" o "naghanda sila para sa digmaan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

Genesis 14:3

Ang limang mga hari ay nagsama-sama

Maaaring gawing malinaw ang impormasyon na kasama nila ang kanilang mga hukbo: Maaaring isalin na: "Ang limang mga hari ay nagsama-sama pati na ang kanilang mga hukbo." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Labindalawang taon silang nanilbihan

Nangyari na ang mga kaganapan sa talata 4-7 bago pa ang talata 3. Maaaring may paraan ang iyong wika ng pagpapakita nito.

silang nanilbihan kay Kedorlaomer

Marahil kinailangan nilang magbayad sa kaniya ng buwis at maglingkod bilang kaniyang hukbo. Maaaring isalin na: "napasailalim sila sa pamamahala ni Kedorlaomer." (Tingnan sa: How to Translate Names)

naghimagsik sila

"tumanggi silang maglingkod sa kaniya" o "tumigil sila sa paglilingkod sa kaniya"

dumating at nilusob

"dumating at nilusob." Ginawa nila ito dahil naghimagsik ang ibang mga hari.

ang mga Refaita ... ang mga Zuzita ... ang mga Emita ... at ang mga Horeo

Mga pangalan ito ng mga lahi.

Astarot Carnaim ... Ham ... Save-Kiryatam ... Seir ... El Paran

Mga pangalan ito ng mga lugar.

El Paran, na malapit sa disyerto

Makakatulong ang pananalaysay na ito sa mga tagabasa na maintindihan kung nasaan ang El Paran. Maaari itong maisalin sa magkaibang pangungusap kung kinakailangan. Maaaring isalin na: "El Paran. Malapit ang El Paran sa disyerto. "

Genesis 14:7

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

Pangkalahatang Kaalaman:

Inuulit ng talata 8 at 9 kung ano ang sinabi sa 14:3 at patuloy na sinasabi kung ano ang nangyari nang nagkatipon ang mga hari para makipaglaban.

lumiko sila at dumating

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa apat na mga hari na banyaga na lumulusob sa rehiyon ng Canaan. Ang kanilang mga pangalan ay Amrafel, Ariok, Kedorlamer, hari ng Elam, at Tidal. Maaaring isalin na: "lumiko sila at pumunta sa"

ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar

Nagsasabi ang pariralang ito kung aling Amoreo ang natalo. May iba pang mga Amoreo ang naninirahan sa ibang mga lugar.

ang hari ng Bela (tinawag din na Zoar)

Tinawag din na Zoar ang lungsod ng Bela. Maaari ding ilagay sa hulihan ng pangungusap ang impormasyon na ito: "at lumabas at naghanda ang hari ng Bela para sa digmaan. Tinawag din na Zoar ang Bela."

naghanda para sa digmaan

"sumali sa digmaan" o "naghanda ng hukbo para sa labanan." Kinakailangan ding sabihin ng ilang mga tagasalin na nakipaglaban ang mga hukbo, gaya ng ginawa ng UDB sa talata 9. (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

apat na mga hari laban sa lima

Yamang nauna nang nailista ang limang mga hari, may ilang mga wika na maaaring piliin na isalin ito bilang "limang hari laban sa apat."

Genesis 14:10

Ngayon

Pasimula ang salita na ito ng nakaraang batayan tungkol sa lambak ng Sidim. Maaaring may iba pang paraan ang iyong wika na pasimulan ang nakaraang batayan. (Tingnan sa: Background Information)

puno ng mga hukay na may alkitran

"mayroong mga hukay na may alkitran." Ito ang mga hukay sa lupa na mayroong alkitran sa loob.

alkitran

matigas, madikit at itim na likido na nagmumula sa lupa. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 11:3.

ang mga hari ng Sodoma at Gomorra

Ito ay isang tayutay na tumutukoy sa mga hari at sa kanilang mga hukbo. (Tingnan sa: Metonymy)

nahulog sila doon

Mga posibleng kahulugan 1) Nahulog ang ilan sa kanilang mga kawal sa mga hukay na may alkitran o 2) Nahulog ang mga hari sa mga hukay na may alkitran. Yamang sinasabi ng 14:17 na pumunta ang hari ng Sodoma para makipagkita kay Abram, higit na wasto ang naunang kahulugan. (Tingnan sa: Metonymy)

ang mga natira

"ang mga hindi namatay sa digmaan at hindi nahulog sa mga hukay"

kaaway

Ito ay tumutukoy kay Haring Kedorlamer at ang iba pang mga hari at ang kanilang mga hukbo na kasama niyang lumusob sa Sodoma at Gomorra.

mga kagamitan ng Sodoma at Gomorra

Ang Sodom at Gomorra ay metonimi para sa mga tao na naninirahan sa mga lungsod na iyon. Maaaring isalin na: "mga kayamanan ng Sodoma at Gomorra" o "ang pagmamay-ari ng Sodoma at Gomorra" (Tingnan sa: Metonymy)

kanilang mga panustos

"kanilang pagkain at inumin"

tumungo sa kanilang landas

"umalis sila"

dinala rin nila si Lot, ang anak ng kapatid ni Abram na naninirahan sa Sodoma, kasama ang lahat ng kaniyang mga ari-arian

Nagpapaalala ang mga pariralang "anak ng kapatid ni Abram" at "na naninirahan sa Sodoma" sa tagabasa ng mga bagay na naunang naisulat na patungkol kay Lot. Maaaring isalin na: "dinala rin nila si Lot kasama ang lahat ng kaniyang mga ari-arian. Si Lot ang anak ng kapatid ni Abram na nanirahan sa Sodoma sa mga panahong iyon." (Tingnan sa: Distinguishing Versus Informing or Reminding)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

Genesis 14:13

Pumunta ang isang nakatakas

"Nakatakas ang isang tao mula sa labanan at pumunta"

Naninirahan siya

"Naninirahan si Abram." Pasimula ito ng nakaraang batayan. (Tingnan sa: Background Information)

pawang mga kakampi ni Abram

"mga nakasunduang-kasama ni Abram" o "mayroong kapayapaang kasunduan kay Abram"

kaniyang kamag-anak

Ito ay tumutukoy kay Lot.

sinanay na tauhan

"mga tauhan na sinanay para makipaglaban"

tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan

"tauhang ipinanganak sa sambahayan ni Abram." Mga anak sila ng mga lingkod ni Abram.

tinugis sila

" hinabol sila"

Dan

Ito ay isang lungsod na nasa kalayuang hilaga ng Canaan, malayo mula sa kampo ni Abram.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

Genesis 14:15

Kinagabihan hinati niya ang kaniyang mga tauhan laban sa kanila at nilusob sila

Marahil tumutukoy ito sa pamamaraan ng pakikipagdigmaan: "Pinaghiwa-hiwalay ni Abram ang kaniyang mga tauhan sa ilang mga grupo at nilusob ang kanilang mga kaaway mula sa iba't ibang mga direksiyon" (UDB).

lahat ng mga ari-arian

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ninakaw ng mga kaaway mula sa mga lungsod ng Sodoma at Gomorra.

at ang kaniyang mga kagamitan

"at ang pagmamay-ari ni Lot na ninakaw ng mga kaaway mula kay Lot"

pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao

"pati na rin ang mga babae at iba pang mga tao na nabihag ng apat na mga hari"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

Genesis 14:17

bumalik

Maaaring gawing malinaw ang ipinapahiwatig na kaalaman tungkol sa kung saan siya babalik. Maaaring isalin na: "bumalik kung saan siya naninirahan." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Melquisedec, hari ng Salem

Ito ang pinakanaunang beses na nabanggit ang haring ito.

tinapay at alak

Ang tinapay at bino ang pang karaniwang kinakain mga tao. Tingnan kung paano mo isinalin ang "tinapay" sa 3:19 at ang “alak” in 9:21.

Genesis 14:19

Siya ay kaniyang pinagpala

Pinagpala ni Haring Melchizedek si Abram.

Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Pagpalain nawa ng Kataastaasang Diyos, ang Manlilikha ng langit at lupa si Abram."

langit

Tumutukoy ito sa lugar kung nasaan ang Diyos nananahan.

Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay.

"Kataastaasang Diyos, dahil nagbigay siya."Ang pariralang nagsisimula sa "na siyang nagbigay" ay nagsasabi sa atin ng mas marami pang mga bagay tungkol sa Kataastaasang Diyos.

Pagpalain ang Kataastaasang Diyos

Ito ay isang paraan ng pagpupuri sa Diyos. Tingnan kung paano mo isinalin ang "Pagpalain" sa 9:26.

sa iyong kamay

"sa iyong sipil" o "sa iyong kapangyarihan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

Genesis 14:21

Ibigay mo sa akin ang mga tao

Ang pariralang "ang mga tao" ay maaaring tumukoy sa mga tao ng Sodoma na nabihag ng mga kaaway. Niligtas sila ni Abram nang iligtas niya si Lot.

Itinaas ko ang aking kamay

Ito ay nangangahulugang "Ako ay sumumpa" o "Gumawa ako ng pangako."

Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki

Maaaring isalin na: "Kukunin ko lamang mula sa iyo ang kung anong nakain ng aking mga kabataang lalaki." Tinatanggihan ni Abram na tumanggap ng anumang bagay para sa kaniyang sarili, pero nagpahayag na may nakain ang mga kawal mula sa mga panustos habang naglalakbay pabalik sa Sodoma pagkatapos ng digmaan.

ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin

Ang buong kahulugan ng pahayag na ito ay maaaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "ang bahagi ng mga nabawi na mga ari-arian na nauukol sa mga lalaki na tumulong sa akin na mabawi ito ulit." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Aner, Escol, at Mamre

Ito ay ang mga kakampi ni Abram (Tingnan sa: 14:13). Dahil mga kakampi sila ni Abram nakipaglaban sila sa digmaan kasama niya. Ang buong kahulugan ng pahayag na ito ay maaaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "Mga kakampi kong sina Aner, Escol, at Mamre." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/14]]


Chapter 15

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, "Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala." 2 Sinabi ni Abram, "Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?" 3 Sinabi ni Abram, "Dahil hindi mo ako binigyan ng anak, tingnan mo, ang katiwala ng aking bahay ay siyang aking tagapagmana." 4 Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing "Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo." 5 Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, "Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin." Pagkatapos sinabi niya sa kaniya," Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan." 6 Naniwala siya kay Yahweh, at itinuring ito sa kaniya bilang pagiging matuwid. 7 Sinabi niya sa kaniya, "Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito." 8 Sinabi niya, "Panginoong Yahweh, paano ko malalaman na mamanahin ko ito?" 9 Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, "Dalhan mo ako ng tatlong taong gulang na baka, tatlong taong gulang na babaeng kambing at tatlong taong gulang na lalaking tupa, isang kalapati at isang batang pitson." 10 Dinala niya sa kaniya lahat ng ito, at hinati ang ito sa dalawa, at nilapag sa magkabilang bahagi ang bawat kalahati, pero hindi niya hinati ang mga ibon. 11 Nang bumaba ang mga ibong mandaragit para kainin ang mga patay na hayop, itinaboy sila ni Abram papalayo. 12 Pagkatapos nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at masdan, siya ay nilukuban ng isang malalim at nakakapangilabot na kadiliman. 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, "Alamin mong tiyak na ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging dayuhan sa lupaing hindi kanila, at sila ay gagawing alipin at aapihin sa loob ng apatnaraang taon. 14 Hahatulan ko ang bansang iyon na paglilingkuran nila, at pagkatapos sila ay lalabas na may saganang mga ari-arian. 15 Pero ikaw ay pupunta sa iyong mga ama nang payapa, at ikaw ay ililibing sa angkop na katandaan. 16 Sa ikaapat na salinlahi sila ay muling babalik dito, dahil ang mga kasalanan ng mga Amorito ay hindi pa nakaabot sa sukdulan nito." 17 Nang lumubog na ang araw at dumilim, masdan, isang umuusok na banga at umaapoy na sulo ang dumaan sa pagitan ng mga piraso. 18 Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, "Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates— 19 ang mga Cenio, ang mga Cenizeo, ang mga Kadmoneo, 20 ang mga Heteo, ang mga Perezeo, ang mga Refiata, 21 ang mga Amoreo, ang mga Cananeo, ang mga Gergeseo at mga Jebuseo."



Genesis 15:1

Pagkatapos ng mga bagay na ito

“Ang mga bagay na ito” ay tumutukoy sa kung kailan lumaban ang mga hari at iniligtas ni Abram si Lot.

dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain

Ang idyomang ito ay nangangahulugang si Yahweh ay nagsalita. "Nangusap si Yahweh kay Abram sa isang pangitain." (Tingnan: Idiom)

ang salita ni Yahweh

Dito ang “salita: ay kumakatawan sa mensahe ni Yahweh. Maaaring isalin na: “ang mensahe ni Yahweh” (Tingnan: Metonymy)

panangga...gantimpala

Ginamit ng Diyos ang dalawang metaporang ito para sabihin kay Abram ang tungkol sa kaniyang katangian at ang kaniyang kaugnayan kay Abram. (Tingnan: Metaphor)

Ako ang iyong panangga

Gumagamit ng panangga ang mga kawal para ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa kanilang mga kaaway. Maaaring isalin na: "Poprotektahan kita gaya ng isang panangga," o "Ako ang iyong panangga para ipagtanggol ka." (Tingnan: Metaphor)

Gantimpala

"kabayaran." Ito ay tumutukoy sa kabayaran na nararapat sa isang tao. Dalawang posibleng kahulugan 1)"Ako ang lahat ng iyong pangangailangan" o 2)"Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng iyong pangangailangan."

sinabi ni Abram, "Dahil hindi mo ako binigyan

“Nagpatuloy sa pagsasalita si Abram at sinabing, 'Dahil hindi mo ako binigyan' "

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

Genesis 15:4

Pagkatapos, narito

Ang salitang "narito" ay binibigyang-diin ang katunayan na dumating muli ang salita ni Yahweh kay Abraham.

dumating ang salita ni Yahweh

Ang idyomang ito ay nangangahulugang nagsalita ang Diyos. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 15:3.

ang salita ni Yahweh

Dito ang “salita” ay kumakatawan sa mensahe ni Yahweh. Maaaring isalin na: “ang mensahe ni Yahweh” (Tingnan: Metonymy)

Ang taong ito

Tumutukoy it okay Eliezer ng Damascus.

manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang

“ang siyang magiging aalagaan mo bilang ama” o “ang sarili mong anak.” Ang sariling anak ni Arbram ang magiging tagapagmana niya.

Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan

Tulad ni Abram na hindi kayang bilangin ang mga bituin, hindi rin niya kayang bilangin ang lahat ng kaniyang mga kaapu-apuhan dahil ito ay napakamarami.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

Genesis 15:6

Naniwala siya kay Yahweh

Ito ay nangangahulugan na tinanggap niya at nagtiwala siya na totoo ang sinabi ni Yahweh.

itinuring ito sa kaniya bilang pagiging matuwid

"Itinuring ni Yahweh ang paniniwala ni Abram bilang pagiging matuwid " o "Itinuring ni Yahweh si Abram na matuwid dahil naniwala si Abram sa kaniya"

Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur

Pinaalalahanan ni Yahweh si Abraham kung ano ang kaniyang ginawa para malaman ni Abraham na si Yahweh ay may kapangyarihan para ibigay kung ano ang kaniyang ipinangako sa kaniya.

para manahin ito

Maaaring isalin na: "para matatangap ito" o "para angkinin mo ito"

paano ko malalaman

Humihingi si Abram ng karagdagang katibayan na ibibigay ni Yahweh sa kaniya ang lupain.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

Genesis 15:9

ang mga patay na hayop

"ang mga patay na katawan ng mga hayop at mga ibon"

itinaboy sila ni Abram papalayo

"Pinaalis ni Abram ang mga ibon." Tiniyak niyang hindi kakainin ng mga ibon ang mga patay na hayop.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

Genesis 15:12

nakatulog nang mahimbing si Abram

Isa itong idyoma. "Napakahimbing ng tulog ni Abram" (Tingnan: Idiom)

malalim at nakakapangilabot na kadiliman

"matinding kadiliman na nakapagpakilabot sa kaniya"

Siya ay nilukuban

"pinalibutan siya"

mga dayuhan

"mga galing sa ibang lugar" o "mga estranghero"

at sila ay gagawing alipin at aapihin

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "at ang mga may-ari ng lupaing iyon ay aalipinin ang iyong mga kaapu-apuhan at aapihin sila.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

Genesis 15:14

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na nagsasalita si Yahweh kay Abram habang nananaginip si Abram.

Hahatulan ko

Dito ang “hahatulan” ay isang metonimi para sa mangyayari pagkatapos gumawa ng hatol ang Diyos. Maaaring isalin na: “Parurusahan ko” (Tingnan: Metonymy)

na paglilingkuran nila

Ang buong kahulugan ng pahayag na ito ay maaaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "na paglilingkuran ng iyong mga kaapu-apuhan" (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

saganang mga ari-arian

Isa itong idyoma. Maaaring isalin na: "maraming ari-arian" o "malaking kayamanan" (Tingnan: Idiom)

ikaw ay pupunta sa iyong mga ama

Isa itong maayos na paraan ng pagsasabing "mamamatay ka." (Tingnan: Euphemism)

mga ama

Ang salitang "mga ama" ay isang pagpapalit-saklaw para sa lahat ng kaniyang mga ninuno. Maaaring isalin na: “mga ninuno” o “mga kanunu-nunuan” (Tingnan: Synecdoche)

ikaw ay ililibing sa angkop na katandaan

Maaaring isalin na: "magiging napakatanda mo kapag ikaw ay namatay at ililibing ng iyong pamilya ang iyong katawan"

sa ikaapat na salinlahi

Dito ang isang salinlahi ay tumutukoy sa haba ng buhay ng 100 taon. Maaaring isalin na: "Pagkatapos ng apatnaraang taon."

sila ay muling babalik dito

"ang iyong mga kaapu-apuhan ay muling babalik dito. "Ang mga kaapu-apuhan ni Abraham ay muling babalik sa lupain kung saan si Abraham naninirahan, ang lupain na ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa kaniya.

hindi pa nakaabot sa sukdulan nito

"ay hindi pa ganap." Maaaring isalin na: "maging mas malala bago ko sila parusahan."

Genesis 15:17

masdan

Ang salitang "masdan" dito ay nagpapahayag ng hudyat sa atin na bigyang pansin ang mga susunod na kagulat-gulat na kaalaman.

isang umuusok na banga at umaapoy na sulo ang dumaan sa pagitan ng mga piraso

Ginawa ito ng Diyos para ipakita kay Abram na gumagawa siya ng tipan kasama niya.

dumaan sa pagitan ng mga piraso

Maaaring isalin na: "dumaan sa pagitan ng dalawang hanay ng mga pirasong hayop"

tipan

Sa tipan na ito ang Diyos ay nangangako na pagpapalain si Abram, at patuloy niyang pagpalain si Abram hangga't sumusunod siya sa kaniya.

Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito

Sa pamamagitan ng pagsasabi nito, ibinibigay ng Diyos ang lupain sa mga kaapu-apuhan ni Abram. Ginawa ito ng Diyos, pero ang mga kaapu-apuhan ay hindi makakapunta sa lupain hanggang lumipas ang maraming mga taon.

dakilang ilog, ng Eufrates

"ang malaking ilog, ang Eufrates." Ito ay dalawang paraan para tukuyin ang parehong ilog.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/15]]


Chapter 16

1 Ngayon si Sarai, asawa ni Abram, ay hindi nagkaanak sa kaniya, pero mayroon siyang babaeng lingkod, taga-Ehipto, na ang pangalan ay Agar. 2 Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, "Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya." Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai. 3 Iyon ay matapos na si Abram ay nanirahan ng sampung taon sa lupain ng Canaan nang ibinigay ni Sarai, asawa ni Abram, si Agar, na kaniyang lingkod na taga-Ehipto, sa kaniyang asawa bilang asawa. 4 Kaya nagkaroon siya ng kaugnayan kay Agar, at nabuntis siya. At nang makita niyang nabuntis siya, tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae. 5 Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, "Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin. 6 Pero sinabi ni Abram kay Sarai, "Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti." Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya. 7 Ang anghel ni Yahweh ay nakita siya sa isang bukal ng tubig sa ilang, ang bukal na matatagpuan sa daan patungong Shur. 8 Sinabi niya, "Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?" Sinabi niya, "Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai". 9 Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, "Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan". 10 Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, "Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami nila para bilangin. 11 Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, "Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap". 12 Siya ay magiging isang lalaking mistulang mabangis na asno. Magiging kalaban siya ng bawat tao at bawat tao ay magiging kalaban niya at mamumuhay siyang hiwalay sa kaniyang mga kapatid. 13 Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, "Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin," dahil sinabi niya, "Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?" 14 Dahil dito tinawag na Beerlahairoi ang balon; masdan, naroon ito sa pagitan ng Kades at Bered. 15 Nanganak si Agar ng anak na lalaki ni Abram, at pinangalanan ni Abram ang kaniyang anak, na isinilang ni Agar, na Ismael. 16 Si Abram ay walumpu't-anim na taong gulang nang isilang ni Agar si Ismael para kay Abram.



Genesis 16:1

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit sa Ingles para simulan ang panibagong bahagi ng kwento at ang nakaraang batayan tungkol kay Sarai. (Tingnan: Background Information)

babaeng lingkod

"babaeng-alipin." Ang ganitong uri ng alipin ay naglilingkod sa babae ng sambahayan.

na walang anak

"mula sa pagkakaroon ng anak"

magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya

Maaaring isalin na: "Itatayo ko ang aking pamilya sa pamamagitan niya"

Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai

Maaaring isalin na: "Ginawa ni Abram ang sinabi ni Sarai"

tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae

"hinamak niya ang kaniyang among babae" o "inisip niya na mas mahalaga siya kaysa kaniyang among babae"

kaniyang among babae

Dito tumutukoy ito kay Sarai. Ang among babae ay may kapangyarihan sa kaniyang alipin. Maaaring isalin na: "ang nagmamay-ari sa kaniya" o "Sarai."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

Genesis 16:5

Ang kamaliang ito sa akin

"Ang hindi makatarungang ito na laban sa akin"

ay dahil sa iyo

"ay iyong responsibilidad" o "ay iyong kasalanan."

Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig

Ginamit ni Sarai ang salitang "bisig" dito para tukuyin si Abram na sumiping sa kaniya. Maaaring isalin na: "Ibinigay ko sa iyo ang aking babaeng lingkod para siya ay iyong masipingan." (Tingnan sa Euphemism)

hinamak niya ako sa kaniyang paningin

Maaari itong maging aktibo. Maaaring isalin na: "kinasusuklaman niya ako" o "siya ay nagsimulang masuklam sa akin" o "iniisip niya na mas kaaya-kaaya siya kaysa sa akin." (Tingnan: Active or Passive)

Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin

"Nais kong si Yahweh ang magsabi kung ito ba ay aking kasalanan o iyong kasalanan" o "Nais kong si Yahweh ang magpasya kung sino sa ating dalawa ang tama." Ang pariralang "humusga sa pagitan" ay nangangahulugan na magpasya kung sinong tao ang tama sa pagtatalo nila.

Tingnan mo

"Makinig ka sa akin" o "Bigyang-pansin"

nasa iyong kapangyarihan

"nasa ilalim ng iyong kapangyarihan"

pinagmalupitan siya ni Sarai

"Pinakitunguhan ni Sarai si Agar ng napakasama"

at siya ay tumakas mula sa kaniya

"at tumakas si Agar mula kay Sarai"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

Genesis 16:7

Ang anghel ni Yahweh

Mga posibleng kahulugan 1) Ginawa ni Yahweh ang kaniyang sarili na magmukhang anghel o 2) ito ay isa sa mga anghel ni Yahweh o 3) ito ay isang natatanging mensahero mula sa Diyos (inisip ng ilang mga iskolar na ito ay si Hesus). Dahil ang parirala ay hindi masyadong maintindihan, ito ay makabubuting isalin ito ng simple tulad ng "ang anghel ni Yahweh" gamit ang normal na salita na ginagamit mo para sa "anghel"

ilang

Ang ilang na lugar na kaniyang pinuntahan ay isang disyerto. Maaaring isalin na: "disyerto."

Shur

Ito ay ang pangalan ng isang lugar sa timog ng Canaan at silangan ng Ehipto.

aking among babae

Dito tumutukoy ito kay Sarai. Ang mo ay mayroong kapangyarihan sa kaniyang alipin. “ang nagmamay-ari sa akin” Tingnan kung paano mo isinalin ang “kaniyang amo” sa 16:4.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

ang angel ni Yahweh

Tingnan ang tanda tungkol sa pariralang ito sa .

Genesis 16:9

Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh

"Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Agar"

iyong among babae

Ito ay tumutukoy kay Sarai. Si Sarai ay mayroong kapangyarihan sa kaniyang lingkod, si Agar. Ang "Iyong among babae" ay maaari ring isalin bilang "ang nagmamay-ari sa iyo" o "Sarai".

sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, (Ako)

Nang sinabi niyang "kong," tinutukoy niya si Yahweh. Kapag isinasalin kung ano ang nasa panipi, gawin ito gaya ng ginawa ng anghel at gamitin ang salitang "Ako" kapag tumutukoy kay Yahweh.

Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan

"Bibigyan kita ng sobrang daming mga kaapu-apuhan."

napakarami nila para bilangin

"napakarami na wala ni isa sa kanila ang makabibilang"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

Genesis 16:11

anghel ni Yahweh

Tingnan ang tanda tungkol sa pariralang ito sa 16:7.

Tingnan mo

"Tingnan" o "Makinig" o "Bigyang-pansin"

manganganak ka ng isang anak na lalaki

"magsisilang ka ng isang batang lalaki"

pangangalanan mo siyang

"bibigyan mo siya ng pangalang. "Ang salitang "mo" ay tumutukoy kay Agar.

Ismael, dahil narinig ni Yahweh

Ang mga tagasalin ay maaaring magdagdag ng isang talababa na nagsasabing "Ang pangalang 'Ismael' ay nangangahulugang "narinig ng Diyos.'''

paghihirap

Siya ay naghihirap dahil sa dalamhati at pagtitiis.

Siya ay magiging isang lalaking mistulang mabangis na asno

Ito ay hindi isang pang-iinsulto. Ito ay maaaring mangahulugang si Ismael ay hindi aasa sa iba at magiging matapang tulad ng isang mabangis na asno. Maaaring isalin na: "Siya ay magiging tulad ng isang mabangis na asno sa mga tao." (Tingnan sa: Metaphor)

Magiging kalaban siya ng bawat tao

"Magiging kaaway siya ng bawat tao"

bawat tao ay magiging kalaban niya

"Bawat isa ay magiging kaaway niya"

mamumuhay siyang hiwalay

Ito ay maaari ring mangahulugang "siya ay mamumuhay ng may galit sa mga."

mga kapatid

"kaanak" o "kamag-anak"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

Genesis 16:13

Yahweh na nangusap sa kaniya

Maaaring isalin na: " Yahweh, dahil nangusap siya sa kaniya"

Talaga bang patuloy akong makakakita,…ako?

Ginamit ni Agar ang patalumpating tanong na ito para ipahayag ang kaniyang pagkamangha na buhay pa rin siya kahit pagkatapos niyang makita ang Diyos. Inaasahan ng mga tao na kapag nakita nila ang Diyos, mamamatay sila. Maaaring isalin na: “Nagulat ako na ako ay buhay pa rin, … ako.” (Tingnan sa: Metonymy and Rhetorical Questions)

Dahil dito tinawag na Beerlahairoi ang balon

Ang mga tagasalin ay maaaring magdagdag ng isang talababa na nagsasabing "ang Beerlahairoi ay nangangahulugang ang balon ng isang nabubuhay na nakakita sa akin." (Tingnan sa: How to Translate Names)

masdan, naroon ito sa pagitan ng Kades at Bered

Ang salitang "masdan" dito ay kumukuha ng pansin sa katotohanan na ang balon ay nasa isang lugar na alam ng may-akda at ng mga mambabasa. Maaaring isalin na: "Sa katunayan, ito ay nasa pagitan ng Kades at Bered." (Tingnan sa: How to Translate Names)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

Genesis 16:15

Nanganak si Agar

Ang pagbabalik ni Agar kay Sarai at kay Abram ay ipinahihiwatig. Maaari mong gawin ito nang mas malinaw. Maaaring isalin na: "Kaya bumalik si Agar at nanganak." (Tingnan sa: Assumed Knowledge and Implicit Information)

pinanggalanan ni Abram ang kaniyang anak, na isinilang ni Agar

"pinangalanan niya ang kaniyang anak kay Agar" o "pinangalanan niya ang anak nila ni Agar"

Si Abram ay

Pinasimulan ito ng nakaraang batayan tungkol sa edad ni Abram nang nangyari ang mga bagay na ito. Ang iyong wika ay maaaring mayroong natatanging paraan para tandaan ang nakaraang batayan. (Tingnan sa: Background Information)

isilang si Ismael para kay Abram

Ang ibig sabihin nito ay "isinilang ang anak ni Abram, si Ismael." Ang pansin ay nakatuon kay Abram sa pagkaroon ng isang anak.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/16]]


Chapter 17

1 Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, "Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid. 2 Pagkatapos pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at lubos kitang pararamihin." 3 Nagpatirapa si Abram na nakasayad ang mukha sa lupa at nangusap ang Diyos sa kanya, sinabing, 4 "Para sa akin, masdan mo, ang aking tipan ay sumasaiyo. Ikaw ay magiging ama ng napakamaraming bansa. 5 Ang pangalan mo ay magiging Abraham, at hindi na Abram—dahil itinalaga kita na maging ama ng napakamaraming bansa. 6 Pamumungahin kita nang lubos, at magmumula sa iyo ang maraming bansa, at ang mga magiging hari ay magmumula rin sayo. 7 Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan. 8 Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila." 9 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, "Para sayo, dapat mong ingatan ang aking tipan, ikaw at ang susunod mong kaapu-apuhan hanggang sa kanilang buong salinlahi. 10 Ito ang aking tipan sa pagitan ko at sa pagitan mo at sa susunod mong mga kaapu-apuhan na dapat mong ingatan: Lahat ng lalaki sa inyo ay dapat matuli. 11 Dapat kayong matuli sa laman ng iyong balat, at ito ang magiging palatandaan ng tipan sa pagitan ko at pagitan mo. 12 Bawat lalaki sa inyo ay dapat na matuli pagsapit ng ikawalong araw na gulang, maging sa mga susunod ninyong salinlahi. Kasama rito ang mga ipinanganak sa iyong sambahayan, pati na ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan na hindi kasama sa iyong mga kaapu-apuhan. 13 Siya na ipinanganak sa iyong sambahayan, at nabili ng iyong salapi ay dapat matuli. Sa gayon ang aking tipan ay mapapasaiyong laman para sa walang hanggang tipan. 14 Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan. 15 Sinabi ng Diyos kay Abraham, "Tungkol naman kay Sarai na iyong asawa, hindi na Sarai ang itatawag mo sa kanya. Sa halip, Sarah ang kanyang magiging pangalan. 16 Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya. Pagpapalain ko siya, at siya ang magiging ina ng mga bansa. Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya." 17 Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, "Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya? 18 Sinabi pa ni Abraham sa Diyos, "Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan!" 19 Sinabi ng Diyos, "Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan. 20 Tungkol naman kay Ismael, narinig kita. Pagmasdan mo, pinagpapala ko siya ngayon at pamumungahin ko siya, at pararamihin ko siya nang masagana. Siya ay magiging ama ng labindalawang mga pinuno ng mga lipi, at gagawin ko siyang isang malaking bansa. 21 Pero itatatag ko ang aking tipan kay Isaac, na siyang isisilang ni Sarah sa ganitong oras sa susunod na taon." 22 Nang siya ay tapos ng makipag-usap sa kanya, umakyat ang Diyos mula kay Abraham. 23 Pagkatapos, kinuha ni Abraham ang kanyang anak na si Ismael at lahat ng ipinanganak sa kanyang sambahayan, at lahat ng mga nabili niya sa kanyang salapi, bawat lalaki na kabilang sa mga tauhan ng sambahayan ni Abraham, at tinuli sa laman ng kanilang balat sa parehong araw, gaya ng sinabi ng Diyos sa kanya. 24 Natuli si Abraham sa laman ng kanyang balat nang siya ay siyamnapu't-siyam na taong gulang. 25 At natuli si Ismael sa laman ng kanyang balat nang siya ay labing tatlong taong gulang. 26 Sa magkaparehong araw, parehong natuli si Abraham at si Ismael na kanyang anak. 27 Lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan ay natuli rin kasama niya, pati na ang mga ipinanganak sa sambahayan, at ang mga nabili ng salapi mula sa dayuhan.



Genesis 17:1

Nang si Abram ay siyamnapu't-siyam na taong gulang

siyam na taong gulang**- Ginamit ang pariralang ito rito para markahan ang simula ng bagong bahagi ng kuwento. Kung ang iyong wika ay mayroong paraan sa paggawa nito, maaari mo itong gamitin dito.

Diyos na makapangyarihan

"Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat" o "ang Diyos na mayroong kapangyarihan sa lahat"

Lumakad ka sa akin

Ang paglalakad ay isang talinhaga para sa pamumuhay. Maaaring isalin na: "Mamuhay ka sa akin" o "Mamuhay ka sa aking paningin."

Pagkatapos pagtitibayin ko

"Kapag ginawa mo ito, pagtitibayin ko"

pagtitibayin ko ang aking tipan

"Ibibigay ko ang aking tipan" o "Gagawin ko ang aking tipan"

tipan

Sa tipang ito nangako ang Diyos na pagpapalain si Abram, pero inatasan din niya si Abram na sumunod sa kanya.

lubos kitang pararamihin

"labis na pararamihin ang bilang ng iyong mga kaapu-apuhan" o "bigyan ka ng napakaraming kaapu-apuhan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:3

Nagpatirapa si Abram na nakasayad ang mukha sa lupa

Ginawa niya ito upang ipakita na ginagalang niya ang Diyos at susundin siya. AT: "Nagpatirapa si Abram na nakababa ang mukha sa lupa" o "Agad niyuko ni Abraham ang kaniyang mukha sa lupa."

Para sa akin

Ginamit ng Diyos ang pariralang ito para ipakilala kung ano ang kanyang gagawin para kay Abram bilang bahagi ng kanyang tipan kay Abram.

masdan mo, ang aking tipan ay sumasaiyo

Ang salitang "masdan mo" rito ay sinasabi na tiyak kung ano ang susunod: "ang aking tipan ay tiyak na sasaiyo."

ama ng napakamaraming bansa

"ama ng napakaraming bilang ng mga bansa" o "ang ninuno ng maraming mga bansa". Ang pahayag na "ama" ay pasimbolong tumutukoy sa isang tao na pinuno ng isang lugar o isang bagay.

Abraham

Ang mga tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng mga sumusunod na talababa: Ang pangalang "Abram" ay nangangahulugang "tinanghal na ama" at ang pangalang "Abraham" ay katunog ng "ama ng karamihan."

Pamumungahin kita nang lubos

Maaaring isalin na: "Idudulot ko na magkakaroon ka ng maraming kaapu-apuhan"

magmumula sa iyo ang maraming bansa

"gagawin kong mga bansa ang iyong mga kaapu-apuhan"

ang mga magiging hari ay magmumula rin sayo

Maaaring isalin na: "magmumula sa iyong kaapu-apuhan ang mga hari" o "ilan sa mga kaapu-apuhan mo ay magiging mga hari"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:7

Pangkalahatang kaalaman

Patuloy na nakikipag-usap ang Diyos kay Abraham

hanggang sa kanilang buong salinlahi

"sa bawat salinlahi"

para sa isang walang hanggang tipan

"Bilang isang tipan na mananatili magpakailanman." Maaaring isalin na: "At ang tipang ito ay mananatili magpakailanman"

na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan

Maaaring isalin na: "na ako ang magiging Diyos mo at Diyos ng iyong mga kaapu-apuhan" o "Ako ang magiging Diyos mo at Diyos ng iyong kaapu-apuhan"

para sa walang hanggang pag-aari

"bilang walang hanggang pag-aari" o "para angkinin magpakailanman." "At mapapabilang iyo sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman."

Genesis 17:9

Para sa iyo

Ginamit ng Diyos ang pariralang ito para ipakilala kung ano ang dapat gawin ni Abraham bilang bahagi ng tipan ng Diyos sa kaniya.

ingatan ang aking tipan

"panatilihin ang aking tipan" o "parangalan ang aking kasunduan" o "sundin ang aking kasunduan"

ito ang aking tipan

"Ito ay kailangan sa aking tipan" o "Ito ay bahagi ng aking tipan." Ang pangungusap na ito ay nagpakilala ng bahagi ng tipan na dapat gawin ni Abram.

Lahat ng lalaki sa inyo ay dapat matuli

Maaaring isalin na: "Dapat ninyong tuliin ang bawat lalaki sa inyo"

Lahat ng lalaki

Ito ay tumutukoy sa mga lalaki.

Dapat kayong matuli sa laman ng iyong balat

Ang ilang mga komunidad ay maaring pumili ng mas kaunting pagpapaliwanag tulad ng "Dapat kayong matuli."

palatandaan ng tipan

"ang palatandaan na nagtatanda ng tipan" o "ang palatandaan na nagpapakita na buhay ang tipan"

Ang palatandaan

Maaaring mga kahulugan ay 1) "ang palatandaan" o 2) "isang palantandaan." Ang una ay nangangahulugang mayroong isang palatandaan, at ang pangalawa ay may ibig sabihin na mayroon pang maraming palatandaan. Ang salitang "palatandaan" dito ay nangangahulugang isang paalala sa isang bagay na naipangako.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:12

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Pangkalahatang kaalaman

Patuloy na nakikipag-usap ang Diyos kay Abraham.

Bawat lalaki

"Bawat kalalakihan"

maging sa mga susunod ninyong salinlahi

"sa bawat salinlahi"

ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan

"sinumang lalaki na binili." Tumutukoy ito sa mga alipin.

ang aking tipan ay mapapasaiyong laman

"ang aking tipan ay mamarka sa inyong laman"

para sa walang hanggang tipan

"bilang permanenteng tipan." Dahil ito ay nakamarka sa iyong laman, hindi ito madaling burahin.

mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat

Ang salitang "hindi tuli" at ang pariralang sumusunod sa "lalaki" ay magkapareho ng kahulugan. Ang Hebreo ay kadalasang nagsasabi ng parehong bagay ng dalawang beses. Ang mga tagapagsalita ay dapat magpasya kung gagamitin ito sa kanilang wika.

ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan

Nangangahulugan itong "mahihiwalay mula sa kanyang sambahayan" o "wawasakin sa gitna ng kaniyang sambahayan."

Sinira niya ang aking tipan

"Hindi siya sumunod sa patakaran ng aking tipan." Ito ang dahilan kung bakit siya ihihiwalay sa kanyang sambahayan.

Genesis 17:15

Tungkol naman kay Sarai

Ang salitang "Tungkol kay" ay pagpapakilala sa susunod na tao na kinakausap ng Diyos.

bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya

"Ako ang magdudulot na magsilang siya ng anak na lalaki sa iyo"

siya ang magiging ina ng mga bansa

"siya ang magiging ninuno ng maraming bansa" (UDB) o "magiging mga bansa ang kanyang mga kaapu-apuhan "

Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya

Ang mga hari ng mga tao ay manggagaling sa kanya" o "Ilan sa kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging mga hari ng mga tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:17

sinabi sa kanyang puso

Maaaring isalin na: "sinabi sa kanyang sarili" o "tahimik na sinabi sa kanyang sarili"

"Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na?

Ginamit ni Abraham na patanong na talumpating ito dahil hindi siya naniniwala na mangyayari ito. Maaaring isalin na: "Tiyak na ang isang lalaking isandaan taong gulang na ay hindi na magkakaroon ng anak."

At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya?

Muling ginamit ni Abraham ang patanong na talumpati dahil hindi siya naniniwala na mangyayari ito. Ang pariralang "siyamnapung taong gulang" ay maaaring ipahayag sa hiwalay na pangungusap: "At si Sarah ay siyamnapung taong gulang na. Magkakaanak pa ba siya" o : "At si Sarah ay siyamnapung gulang na. Siguradong hindi na siya magkakaanak."

"Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan

Iminumungkahi ni Abraham ang isang bagay na pinaniwalaan niya na talagang mangyayari. Maaaring isalin na: "Pakiusap hayaan mong manahin ni Ismael ang tipan na ginawa mo sa akin" o "Marahil matatanggap ni Ismael ang pagpapala mong tipan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:19

Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki

Sinabi ito ng Diyos para itama ang paniniwala ni Abraham na hindi na magkakaroon ng anak na lalaki si Sarah.

pangalanan mo siyang Isaac

Ang salitang "mo" ay tumutukoy kay Abraham.

Tungkol naman kay Ismael

Ang salitang "Tungkol kay" ay nagpapakita na magpapalit ang Diyos ng pag-uusapan mula sa batang isisilang kay Ismael.

Pagmasdan mo

"Tingnan mo" o "Pakinggan mo" o "Bigyang-pansin mo kung ano ang sasabihin ko sa iyo"

pamumungahin ko siya

Ito ay isang idyoma na nangangahulugang "Idudulot ko na siya ay magkaroon ng maraming anak."

at pararamihin ko siya nang masagana

"At idudulot kong magkaroon siya ng maraming kaapu-apuhan"

mga pinuno ng mga lipi

"mga pinakapuno" o "mga namamahala." Ang mga pinunong ito ay hindi ang labindalawang anak na lalaki at apong lalaki ni Jacob na mamumuno sa labindalawang lipi ng Israel.

Pero itatatag ko ang aking tipan kay Isaac

Binalik ng Diyos ang usapan tungkol sa kanyang tipan kay Abraham at binigyang-diin na tutuparin niya ang kanyang pangako kay Isaac, hindi kay Ismael.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:22

Nang siya ay tapos ng makipag-usap sa kanya

"Nang tapos ng makipag-usap ang Diyos kay Abraham"

umakyat ang Diyos mula kay Abraham

"Iniwan ng Diyos si Abraham"

bawat lalaki na kabilang sa mga tauhan ng sambahayan ni Abraham

"bawat kalalakihan sa sambahayan ni Abraham" o "bawat lalaki sa sambahayan ni Abraham." Ito ay tumutukoy sa lalaki sa lahat ng gulang: mga bata, mga batang lalaki, at mga lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

Genesis 17:24

pati na ang mga ipinanganak sa sambahayan, at ang mga nabili ng salapi mula sa dayuhan

"Kasama na rito ang mga isinilang sa kanyang sambahayan at maging ang mga nabili niya mula sa mga dayuhan"

ang mga nabili ng salapi mula sa dayuhan

Tumutukoy ito sa mga lingkod o sa mga alipin.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/17]]

ang mga nabili

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "maging ang mga nabili niya"


Chapter 18

1 Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre. 2 Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa. 3 Sinabi niya, "Panginoon, kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, huwag kang umalis at iwan ang iyong lingkod. 4 Hayaan ninyong maidala ang kaunting tubig, mahugasan ang inyong mga paa, at makapagpahinga kayo sa ilalim ng punong kahoy. 5 Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod." Sinabi nila, "Gawin mo ang sinabi mo." 6 Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, "Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay." 7 Pagkatapos tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha siya ng guyang mainam at maayos at ibinigay ito sa lingkod, at nagmadali siyang ihanda ito. 8 Kumuha siya ng mantikilya at gatas, at ang guya na naihanda at nilagay ang pagkain sa harap nila. At tumayo siya sa ilalim ng puno habang sila ay kumakain. 9 Sinabi nila sa kanya, "Nasaan ang iyong asawa na si Sarah?" Sumagot siya, "Naroon sa loob ng tolda." 10 Sinabi niya, "Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah." Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham. 11 Ngayon matanda na nga sina Abraham at Sarah, talagang napakatanda na at nalampasan na ni Sarah ang edad kung saan hindi na maaaring magkaanak pa ang isang babae. 12 Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing," "Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?" 13 Sinabi ni Yahweh kay Abraham, "Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' 14 Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki. 15 Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, "Hindi ako tumawa," dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, "Hindi, tumawa ka." 16 Pagkatapos tumayo ang mga lalaki para umalis at tumingin pababa patungong Sodoma. Sumama si Abraham sa kanila para ihatid sila sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay. 17 Pero sinabi ni Yahweh, "Dapat ko bang itago kay Abraham ang gagawin ko, 18 gayong tiyak na magiging dakila at makapangyarihang bansa si Abraham, at pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sa pamamagitan niya? 19 Dahil pinili ko siya para maturuan ang kanyang mga anak pati na ang sambahayan na susunod sa kanya na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh, na gumawa ng matuwid at makatarungan, nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya." 20 Pagkatapos sinabi ni Yahweh, "Dahil napakarami ng paratang laban sa Sodoma at Gomora, at napakalubha na ng kanilang kasalanan, 21 bababa ako ngayon doon at titingnan ko kung kasingsama sila gaya ng paratang sa kanila na sinabi sa akin. Kung hindi man, malalaman ko." 22 Pagkatapos ang mga lalaki ay umalis mula roon at pumunta patungo sa Sodoma, pero nanatiling nakatayo si Abraham sa harapan ni Yahweh. 23 Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, "Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan? 24 Marahil mayroong limampung matuwid sa loob ng lungsod. Lilipulin niyo ba ito at hindi ililigtas ang lugar alang-alang sa kapakanan ng limampung matuwid na naroon? 25 Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?" 26 Sinabi ni Yahweh, "Kung may nakita kang limampung matuwid sa lungsod na iyon, ililigtas ko ang buong lugar para sa kanila." 27 Sumagot si Abraham at sinabi, "Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon, kahit na alikabok at abo lamang ako! 28 Paano kung nabawasan ng lima ang limampung matuwid? Wawasakin mo ba ang buong lungsod dahil nabawasan ng lima? At sinabi niya, "Hindi ko ito wawasakin kung may mahanap akong apatnapu't lima." 29 Muli siyang nakipag-usap sa kanya at sinabing, "Paano kung apatnapu ang makita roon? Sumagot siya, "Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin." 30 Sinabi niya, "Pakiusap, huwag kayong magagalit Panginoon, para makapagsalita ako. Kung sakali na tatlumpu ang mahanap doon? "Sinabi ng Diyos, "Hindi ko ito gagawin kung may mahanap akong tatlumpu doon." 31 Sinabi niya, "Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon." Tumugon siya, "Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu." 32 Sinabi niya, "Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon." At sinabi niya, "Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira." 33 Nagtungo na si Yahweh sa kaniyang paroroonan matapos siyang makipag-usap kay Abraham, at bumalik na si Abraham sa kanyang tahanan.



Genesis 18:1

Mamre

Ito ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng mga kakahuyan.

sa pintuan ng tolda

"sa bukasan ng tolda" o "sa pasukan ng tolda"

kainitan ng araw

"pinakamainit na oras ng araw"

Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo

"Tumingala siya at nakita niya, at napagmasdan ang tatlong lalaki"

Naroon

Ang salitang "naroon" dito ay nagpapakita sa atin na ang susunod ay kabigla-bigla kay Abraham. Maaaring isalin na: "Bigla."

sa harap niya

"malapit sa" o "doon." Sila ay malapit sa kanya, pero malayo para sa kaniya na tumakbo patungo sa kanila.

yumukod

Ang ibig sabihin nito ay yumuko para ipakita ng may pagpapakumbaba ang paggalang at karangalan para sa isang tao.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:3

Panginoon

Isa itong titulo para sa karapat-dapat igalang. Maaaring mga kahulugan ay 1) Alam ni Abraham na Diyos ang isa sa mga lalaking ito, o 2) Alam ni Abraham na ang mga lalaking ito ay dumating sa ngalan ng Diyos.

Kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin

Nagsasalita si Abraham sa isa sa mga lalaki.

huwag kayong umalis

"pakiusap huwag muna kayong magpatuloy"

iyong lingkod

Tinutukoy ni Abraham ang kanyang sarili sa ganitong paraan para ipakita ang panggalang sa kanyang bisita. Maaaring isalin na: "Ako"

Hayaan mong maidala ang kaunting tubig

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo: Maaaring isalin na: "Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting tubig" o "Magdadala ang aking alipin sa inyo ng tubig."

kaunting tubig...kaunting pagkain

Ang pagsasabi ng "kakaunti" ay isang magalang na paraan ng pagpapakita ng pagiging mapagbigay. Bibigyan sila ni Abraham ng maraming tubig at pagkain. Maaaring isalin na: "na tubig...na pagkain."

mahugasan ang iyong mga paa

Ang kaugaliang ito ay nakatutulong sa mga pagod na manlalakbay para ipahinga ang kanilang sarili pagkatapos malayong paglalakad.

ninyo...kayo

Nang nagsalita si Abraham sa ikaapat at ikalimang taludtod, ang salitang "kayo" at "ninyo" ay pangmaramihan. Nag-aalok siya ng tubig, pagkain, at kapahingahan sa lahat ng tatlong lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:6

tatlong takal

halos 22 litro

Tinapay

Marahil mabilis na naluto ang tinapay na ito sa mainit na bato. Maaaring pantay o pabilog tulad ng maliliit na tinapay o rolyo.

nagmadali siyang ihanda ito

Ang salitang "siya" ay tumutukoy sa lingkod.

ihanda ito

Maaaring isalin na: "para hiwain at ihawin ito"

gatas

Tumutukoy ito sa matigas na bahagi ng binurong gatas. Maaaring gatas ito o keso.

ang guya na naihanda

"ang inihaw na guya"

at nilagay ang pagkain sa harap nila

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa tatlong bisita.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:9

Sinabi nila sa kanya

"Pagkatapos sinabi nila kay Abraham"

Sinabi niya, "Makatitiyak kang babalik ako sa iyo

Ang salitang "niya" ay tumutukoy sa taong tinatawag ni Abraham na "Panginoon" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/18/03]].

sa tagsibol

Maaaring isalin na: "sa parehong panahong ito sa susunod na taon" o "sa panahong ito sa susunod na taon" (UDB)

at makikita mo

Ang salitang "makikita" dito ay nagbibigay-hudyat sa atin na magbigay-pansin sa kagulat-gulat na kaalaman na susunod.

sa pintuan ng tolda"

"sa may bukasan ng tolda" o "sa papasok ng tolda"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:11

magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan...rin?

Maaari kang magdagdag ng "magkaroon ng sanggol"

gayong ang panginoon ko ay matanda na rin

Ibig sabihin nito ay "yamang matanda na rin ang aking asawa"

ang panginoon

Ito ay isang katayuan ng paggalang ni Sarah na binibigay sa kanyang asawang si Abraham.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:13

Bakit tumawa si Sarah at sinabing

Ginamit ng Diyos ang talumpating tanong na ito para ipakita na alam niya ang iniisip ni Sarah at hindi niya ito ikinalugod.

Dahil napakalubha ng kanilang kasalanan?

"Mayroon bang bagay na napakahirap para kay Yahweh na gawin? o "Mayroon bang bagay na hindi kayang gawin ni Yahweh?" Ginamit ng Diyos ang talumpating tanong na ito para paalalahanan si Abraham na magagawa ng Diyos ang anumang bagay.

Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol

"Sa panahong itinakda ko." Ang pariralang "sa tagsibol" ay nagbibigay linaw kung anongpanahon ang itinakda ng Diyos.

Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing

"Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito sa pamamagitan ng pagsasabing"

Sumagot siya

"Sumagot si Yahweh"

Hindi, tumawa ka

Nangangahulugang itong "Hindi, hindi totoo iyan; ang totoo niyan tumawa ka talaga." Maaaring isalin na: "Oo, tumawa ka."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:16

para ihatid sila sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay

"para ihatid sila sa kanilang dadaanan" o "para makapagsabi ng "Paalam" sa kanila" (UDB)

Dapat ko bang itago ito kay Abraham ang gagawin ko...sa kanya?

Ginamit ng Diyos ito ang talumpating tanong para sabihin na kakausapin niya si Abraham tungkol sa napaka-importanteng bagay. "Hindi ko itatago kay Abraham ang gagawin ko...sa kanya" o "Sasabihin ko kay Abraham ang aking gagawin ko...sa kanya"

gayong tiyak na magiging dakila...si Abraham

Sinasabi nito bakit binalak ng Diyos na sabihin kay Abraham ang kanyang gagawin. Maaari itong isalin sa magkahiwalay na pangungusap pagkatapos ng talumpating tanong.

pagpapalain ang lahat ng bansa sa pamamagitan niya

Maaaring isalin na: "Pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa sanlibutan sa pamamagitan ni Abraham."

pagpapalain sa pamamagitan niya

Sa pagsasalin ng "sa pamamagitan niya" tingnan kung paano mo isinalin ang "sa pamamagitan niya" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/12/01]]. AT: "pagpapalain dahil kay Abraham" o "pagpapalain dahil pinagpala ko si Abraham."

para maturuan ang kanyang

"para mapangunahan ang kaniyang" o "para mautusan ang kaniyang"

na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh

"na masunod ang hinihingi ni Yahweh." Nagsasalita ang Diyos sa kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "na mapanatili ang aking kaparaanan."

na gumawa ng matuwid at makatarungan

Sinasabi rito kung paano nila mapananatili ang kaparaanan ni Yahweh. AT: "Sa pamamagitan ng paggawa ng matuwid at makatarungan."

nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya

Tumutukoy ito sa pangakong tipan ni Yahweh na pagpalain si Abraham at gawin siyang dakilang bansa. Maaaring isalin na: "nang sa gayon pagpalain ni Yahweh si Abraham gaya ng sinabi niyang gagawin."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:20

paratang laban sa Sodoma at Gomora

Labis na isinumpa ng mga tao ang mga mamamayan ng Sodoma at Gomora dahil sa kanilang kasamaan. Maaaring tumawag na sila sa Diyos para parusahan sila. Maaaring isalin na: "Ang hiyaw laban sa Sodoma at Gomora."

napakalubha na ng kanilang kasalanan

"matindi na ang kanilang kasalanan" o "labis na silang nagkasala"

bababa ako ngayon doon

"bababa ako ngayon sa Sodoma at Gomora"

bababa...doon at titingnan

"bababa...doon para malaman" o "bababa...doon para magpasiya"

kasingsama sila gaya ng paratang sa kanila na sinabi sa akin

Maaaring usalin na: "kasin sama ng narinig ko tungkol sa kanila"

Kung hindi man

"Kung hindi sila kasingsama gaya ng iminumungkahi ng hiyaw"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:22

Umalis mula roon

"Lumabas sa kampo ni Abraham"

nanatiling nakatayo si Abraham sa harapan ni Yahweh

"nananatiling magkasama sina Abraham at Yahweh"

lumapit

"lumapit kay Yahweh" o "naglakad palapit kay Yahweh"

lilipulin

"wawasakin"

ang matuwid kasama ang makasalanan

Maaaring isalin na: "Ang mga matutuwid kasama ang mga taong makasalanan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:24

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Marahil mayroong

"Sabihin ng mayroong"

Lilipulin niyo ba ito

Umaasa si Abraham na magsasabi ang Diyos na "Hindi ko ito lilipulin."

lilipulin ito

"wawasakin ito". Dito ang salitang "lilipulin" ay ginamit ng patalinhaga at nangangahulugang wasakin agad.

at hindi ililigtas ang lugar alang-alang sa kapakanan ng limampung matuwid na naroon?

Umaasa si Abraham na magsasabi ang Diyos na "Ililigtas ko ang lugar para sa limampung matuwid na naroon."

Iligtas ang lugar

Maaaring isalin na: "ilagay sa" o "pigilin ang pagpatay" o "hayaang mabuhay ang mga tao"

alang-alang sa kapakanan

"dahil sa"

Malayong gawin mo ito

"Hindi ka ganito" o "Hindi ganito ang iyong gawain"

Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?

Ginamit ni Abraham ang talumpating tanong na ito para sabihin kung ano ang inaasahan niyang gawin ng Diyos. Maaaring isalin na: "Ang Hukom ng buong mundo ay tiyak na gagawin kung ano ang makatarungan." o "Yamang ikaw ang Hukom ng buong mundo, tiyak na gagawin mo kung ano ang matuwid."

Hukom

Madalas hinahalintulad ng Diyos sa isang hukom sapagkat siya ang perpektong tagahatol na huling nagpapasya ukol sa kung ano ang tama o mali.

Genesis 18:27

Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon

Maaaring isalin na: "Patawarin mo ako dahil nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon"

alikabok at abo lamang

Ang talinghagang ito ay naglalarawan kay Abraham bilang isang tao na mamamatay at babalik ang katawan sa alikabok at mga abo. AT: "Isang mortal na tao lamang" o "gaya ng walang halagang alikabok at abo."

nabawasan ng lima ang limampung matuwid

"apatnapu't- lima lamang ang matutuwid"

nabawasan ng lima

"kung mas kaunti ng lima ang matutuwid"

Hindi ko ito wawasakin

"Hindi ko wawasakin ang Sodoma at Gomora"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:29

siyang nakipag-usap sa kanya

"nakipag-usap si Abraham kay Yahweh"

Paano kung apatnapu ang makita roon

Ibig sabihin nito "Kung may makita kang apatnapung matuwid sa Sodoma at Gomora."

Sumagot siya

"Sumagot si Yahweh"

Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin

Maaaring isalin na: "Hindi ko wawasakin ang lungsod kung may nakita akong apatnapung matutuwid doon"

Tatlumpu

"Tatlumpung matutuwid" o "Tatlumpung mabubuting tao"

Tingnan mo

Ang pariralang "Tingnan mo" rito ay nagbibigay pansin sa kagulat-gulat na kaalaman na susunod.

nangahas akong makipag-usap

"ang lakas ng loob kong makipag-usap sa iyo." Maaaring isalin na: "Patawarin mo ako sa lakas ng loob kong sa pakikipag-usap sa iyo" o "Patawarin mo ako dahil nangahas akong magsalita."

Dalawampu

"dalawampung matutuwid" o "dalawampung mabubuting tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

Genesis 18:32

Marahil sampu ang makita roon

"Marahil sampu ang makikita mong matutuwid doon"

sampu

"sampung matutuwid" o "sampung mabubuting tao"

At sinabi niya

"At sumagot si Yahweh"

alang-alang sa sampung natira

"kung mayroon akong makitang sampung matutuwid na naroroon"

Nagtungo na si Yahweh

"Lumisan na si Yahweh" o "Umalis na si Yahweh"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/18]]


Chapter 19

1 Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa. 2 Sinabi niya, "Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan." At sinabi nila, "Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan. 3 Pero pinilit niya sila kaya sumama sila sa kanya, at pumasok sila sa kanyang bahay. Naghanda siya ng makakain nila at nagluto ng tinapay na walang pampaalsa at sila ay kumain. 4 Pero bago sila humiga, pinaligiran ng mga kalalakihan sa lungsod, mga kalalakihan sa Sodoma, bata at matanda sa lahat ng sulok ng bayan, ang bahay niya, lahat ng kalalakihan sa bawat bahagi ng lungsod. 5 Tinawag nila si Lot at sinabi, "Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila. 6 Kaya lumabas si Lot sa kanyang bahay at sinara ang pinto sa likuran niya. 7 Sinabi niya sa kanila, "Nagmamakaawa ako sa inyo, mga kapatid ko, huwag kayong gumawa ng kasamaan. 8 Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay." 9 Sabi nila, "Tumabi ka!" Sinabi rin nila, "Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila." Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto. 10 Pero inabot ng mga lalaki ng kanilang mga kamay si Lot at dinala sa loob ng bahay kasama nila at sinara ang pinto. 11 At doon naman sa mga tao na nasa labas ng pinto ng bahay, inatake sila ng mga panauhin ni Lot at ginawang bulag, ang mga bata pati matatanda, kaya nahirapan silang makita ang pinto ng bahay. 12 Pagkatapos, sinabi ng mga lalaki kay Lot, "Mayroon ka pa bang ibang kasama rito? Mga manugang, mga anak na lalaki at babae at kung sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod, ilabas mo na sila rito. 13 Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito." 14 Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, "Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod." Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya. 15 Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, "Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod." 16 Pero nag-alinlangan siya. Kaya hinawakan ng mga lalaki ang kanyang kamay, at ang kamay ng kanyang asawa, at mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae, dahil mahabagin si Yahweh sa kanya. Sila ay inilabas nila, at dinala sa labas ng lungsod. 17 Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, "Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol. 18 Sinabi ni Lot sa kanila." Hindi, pakiusap aking mga panginoon! 19 Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng pabor sa inyong paningin at pinakitaan ninyo kami ng dakilang kagandahang-loob sa pagligtas sa aking buhay, pero hindi ako makakatakas sa mga bundok dahil aabutan din ako ng sakuna at mamamatay ako.. 20 Tingnan ninyo, ang lungsod banda roon ay malapit at maliit lamang para makatakas kayo. Pakiusap, hayaan ninyo akong makatakas doon (diba maliit lamang iyon?), at ang buhay ko ay maliligtas." 21 Sinabi niya sa kanya, "Sige, pagbibigyan ko rin ang kahilingang ito, hindi ko rin wawasakin ang lungsod na nabanggit mo. 22 Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon." Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito. 23 Mataas na ang araw sa mundo nang narating ni Lot ang Zoar. 24 Pagkatapos, nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan. 25 Winasak niya ang mga lungsod na iyon, at lahat ng kapatagan at lahat ng naninirahan sa mga lungsod, pati na ang mga pananim na tumutubo sa lupa. 26 Pero lumingon ang asawa ni Lot na nasa likod niya at siya ay naging isang haligi ng asin. 27 Bumangon si Abraham nang maaga at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh. 28 Tumingin siya sa baba sa Sodoma at Gomora at sa lahat ng lupain ng kapatagan. Nakita niya at namasdan ang usok na umaakyat mula sa lupa na katulad ng usok sa isang pugon. 29 Kaya matapos wasakin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan, naalala ng Diyos si Abraham. Inilabas niya si Lot mula sa gitna ng kapahamakan ng winasak niya ang mga lungsod kung saan nanirahan si Lot. 30 Pero nagpunta si Lot paakyat mula sa Zoar para manirahan sa kabundukan kasama ang kanyang dalawang anak na babae dahil natakot siyang manirahan sa Zoar. Kaya nanirahan siya sa loob ng kuweba kasama ng kanyang dalawang anak na babae. 31 Sinabi ng nakakatanda sa nakababata, "Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng kinagawian ng mga tao sa buong mundo. 32 Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama. 33 Kaya, pinainom nila ang kanilang ama ng alak ng gabing iyon. Pagkatapos, pumasok ang nakatatanda at sumiping sa kanyang ama; hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon. 34 Kinabukasan, sinabi ng nakakatanda sa nakababata, "Makinig ka, sinipingan ko kagabi ang aking ama. Painumin ulit natin siya ng alak ngayong gabi, at ikaw naman ang papasok at sisiping sa kanya para mapalawig natin ang lahi ng ating ama." 35 Kaya ng gabing iyon, muli nilang pinainom ng alak ang kanilang ama, pumasok at sumiping sa kanya ang nakababata. Hindi niya alam kung kailan siya humiga ni kung kailan siya bumangon. 36 Kaya nabuntis ang parehong anak na babae ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama. 37 Ang nakakatanda ay nanganak ng isang lalaki at pinangalanan siyang Moab. Siya ang naging ninuno ng mga Moabita hanggang sa kasalukuyan. 38 At sa nakababatang anak na babae, siya rin ay nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan siyang Ben Ammi. Naging ninuno siya ng mga mamamayan ng Ammon hanggang sa kasalukuyan.



Genesis 19:1

ang dalawang anghel

Sinabi ng Genesis 18 na dalawang lalaki ang pumunta sa Sodoma. Nalaman natin dito na tunay silang mga anghel. (Tingnan: [[rc://tl/bible/notes/18/22]])

tarangkahan ng Sodoma

"ang pasukan patungo sa lungsod ng Sodoma." Mayroong nakapalibot na pader sa lungsod , at at kinakailangan dumaan ang mga tao sa tarangkahan para makapasok. Ito ay napakahalagang lugar sa isang lungsod. Dito kadalasan nagpapalipas ng oras ang mga importanteng tao.

nagpatirapa

Nangangahlugan itong yumuko para mapagkumbabang ipahayag ang paggalang at karangalan sa isang tao.

aking mga panginoon

Ito ay isang katawagan sa pagbibigay galang na ginamit ni Lot para sa mga anghel.

Nakikiusap ako...na kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod

"Pakiusap pumunta muna kayo at manatili sa bahay ng inyong lingkod"

hugasan ang inyong mga paa

Gusto ng mga tao na maghugas ng kanilang mga paa pagkatapos nilang maglakbay.

bumangon nang maaga

"gumising nang maaga"

magpapalipas na lang kami ng gabi

Nang sinabi ng dalawang anghel ito, tinutukoy lamang nila ang kanilang sarili, hindi si Lot. Pinagplanuhan nilang dalawa na matulog sa liwasang bayan. Ang ilang mga wika ay nais gamitin ang piling paraan ng "tayo" rito. (Tingnan: [[rc://tl/ta/vol]])

liwasang bayan

Ito ay pampubliko, panlabas na lugar sa bayan.

sumama sila sa kanya

"bumalik sila at sumama sa kanya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:4

bago sila humiga

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa mga bisita ni Lot sa kaniyang bahay.

kalalakihan sa lungsod, mga kalalakihan sa Sodoma

"ang mga kalalakihan sa lungsod, sila ay, mga kalalakihan sa Sodoma" o "mga kalalakihan sa lungsod ng Sodoma" lang

ang bahay

"bahay ni Lot"

bata at matanda

Nangangahulugan iton "mga kalalakihan sa lahat ng edad" at tumutukoy sa mga kalalakihan sa Sodoma na pumapalibot sa bahay ni Lot. Maaaring isalin na: "mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda."

pumasok sa inyo

"pumasok sa bahay ninyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:6

sa likuran niya

"sa likod niya" o "pagkatapos niyang pumasok"

Nagmamakaawa ako sa inyo, mga kapatid

"Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid ko"

mga kapatid ko

Nagsalita si Lot sa mga kalalakihan ng lungsod sa magiliw na paraan, umaasa na pakikinggan siya ng mga ito. Maaaring isalin na: "mga kaibigan."

huwag kayong gumawa ng kasamaan

"huwag gumawa ng anumang bagay na masama" o "huwag gumawa ng ganitong bagay na masama"

Tingnan niyo

"Bigyan niyo ng pansin" o "Tumingin kayo rito"

ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata

"anumang naisin ninyo" o "anumang gusto ninyo"

nasa loob ng aking pamamahay

"sa ilalim ng pangangalaga ng aking bahay." Ang dalawang lalaki ay bisita sa tahanan ni Lot, kaya obligado siyang pangalagaan sila.

[[rc://tl/bibel/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen19]]

Genesis 19:9

Tumabi ka!

"Lumayo ka!" o "Umalis ka sa daraanan namin!" (UDB)

Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan

"Dumating ang taong ito rito bilang isang tagalabas" o "Ang dayuhang ito ay pumunta rito para manirahan"

Ang taong ito

"Ang taong ito" ay tumutukoy kay Lot.

at ngayon siya ay naging hukom natin

"at ngayon ay hinahatol niya tayo"

Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot

Maaaring isalin na: "at malakas nilang tinulak si Lot"

ang lalaki, si Lot

Ito ay dalawang paraan ng pagtukoy kay Lot.

at lumapit para sirain ang pinto

"at lumapit sa pinto para sirain ito"

[[rc://tl/bible/questions;comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen19]]

Genesis 19:10

Pero...ang lalaki

"Pero ang dalawang panauhin ni Lot" o "Pero ang dalawang anghel"

inatake sila ng mga panauhin ni Lot at ginawang bulag

"Binulag sila ng mga panauhin ni Lot" o "tinanggalan nila ito ng paningin ang mga ito" Ang pariralang "inatake sila" ay isang na kasama na ang pisikal na pananakit.

mga bata pati matatanda

"kalalakihan sa lahat ng edad." AT: "maliliit pati na mga dakila." Ipinapahiwatig nito ang katayuan sa lipunan kaysa sa edad.

kaya nahirapan silang makita ang pinto ng bahay

"kaya napagod sila sa kahahanap sa pinto ng bahay"

[[rc://tl/bible;questions/cmprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen19]]

Genesis 19:12

Pagkatapos sinabi ng mga lalaki

"Pagkatapos sinabi ng dalawang lalaki" o "Pagkatapos, sinabi ng mga anghel"

Mayroon ka pa bang ibang kasama rito?

""Mayroon ka pa bang ibang miyembro ng pamilya sa lungsod" o "Mayroon ka pa bang ibang kahit sinong miyembro sa pamilya mo sa lugar na ito?"

sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod

"sino pa mang mga kasamahan niyo sa pamilya na naninirahan sa lungsod na ito"

Wawasakin na namin

Ang salitang "kami" rito ay mayroong tinutukoy lamang. Ang dalawang anghel lamang ang wawasak sa lungsod; hindi si Lot ang wawasak nito. Kung ang iyong wika ay may piling anyo ng "kami," gamitin mo ito rito.

dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh

Maaaring isalin na: "marami ng mga paratang ang mga tao kya Yahweh laban sa mamamayan ng lungsod na ito"

[[rc://tl/bible/questions;comprehension;gen/]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:14

Lumabas si Lot

Maaaring isalin na: "Kaya lumabas si Lot ng bahay"

ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae

manugang, ang mga lalaki na nangako na pakakasalan ang kanyang dalawang anak na babae** - Ang pariralang "mga lalaki na nangako na pakakasalan ang kanyang mga anak na babae" ay nagpapaliwanag kung anong ibig sabihin ng "manugang" dito. Maaaring isalin na: "ang mga lalaking magpapakasal sa kanyang dalawang anak na babae" o "ang mga kasintahan ng kanyang mga anak na babae"

Umalis ka na

"Umalis ka na ngayon"

hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod

"para hindi ka rin mawasak ni Yahweh kapag pinarusahan na niya ang mga mamamayan sa lungsod na ito.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:16

Pero nag-alinlangan siya

"Pero nagdalawang-isip si Lot" o "Pero hindi pa umalis si Lot"

Kaya hinawakan ng mga lalaki

"Kaya hinawakan ng dalawang lalaki" o "Kaya hinawakan ng dalawang anghel"

mahabagin...sa kanya

"nahabag kay Lot." Si Yahweh ay inilarawan bilang "mahabagin" dahil sa pagliligtas niya sa buhay ni Lot at ng kanyang pamilya sa halip na wasakin sila kasabay nang pagwasak niya sa mamamayan ng Sodoma dahil sa kamalian na kanilang ginawa.

Nang nailabas na sila

"Nang nailabas na ng dalawang lalaki ang pamilya ni Lot"

Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay!

"Tumakbo na kayo at iligtas at inyong mga buhay!

para hindi kayo malipol

Maaaring isalin na: "o kung hinidi wawasakin kayo ng Diyos kasabay ng mga mamamayan ng lungsod"

[[rc://tl/bible;questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:18

Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng pabor sa inyong paningin

"Nalugod kayo sa akin" (UDB) o "Tinanggap niyo na ako"

inyong lingkod

"Ako". Si Lot ay nagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagtukoy sa kaniyang sarili bilang "inyong lingkod."

pinakitaan ninyo kami ng dakilang kagandahang-loob sa pagligtas sa aking buhay

"naging napakabait ninyo sa akin sa pamamagitan ng pagligtas sa aking buhay"

hindi ako makakatakas sa mga bundok dahil aabutan din ako ng sakuna

Ang pahiwatig na kaalaman kung bakit maaabutan siya ng sakuna ay maaaring gawing malinaw: : "Hindi ako makakatakas doon sa malalayong mga bundok dahil maaabutan din ako ng sakuna bago pa ako makarating doon."

(diba maliit lamang iyon?)

Ginamit ni Lot ang talumpating tanong na ito para makuha niya ang atensyon ng mga anghel na ang lungsod ay talagang maliit lamang. Maaaring isalin na: "tingnan ninyo kung gaano kaliit ito." Maaari mo itong isalin bago o pagkatapos ng huling pangungusap. (Tingnan: [[rc://tl/ta/vol1;traanslate;figs-rquestion]])

ang buhay ko ay maliligtas

Ang ipinahihiwatig na kaalaman tungkol sa kung paano maliligtas ang kaniyang buhay ay maaaring gawing malinaw: Ang buhay ko ay maliligtas kung hindi ninyo wawasakin ang lungsod na iyon."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:21

pagbibigyan ko rin kahilingang ito

"Gagawin ko ang hinihiling mo"

hindi ko magagawa ang anumang bagay

Maaari itong gawing malinaw: Maaaring isalin na: "hindi ko magagawa ang anumang bagay para wasakin ang Sodoma at Gomora."

Zoar

Ang mga tagasalin ay maaaring maglagay ng talibaba na nagsasabi, "Ang pangalang Zoar ay kasintunog ng salitang Hebreo na nangangahulugang "maliit' . Tinawag ni Lot ang bayang ito na "maliit" sa Genesis 19:20."

[[rc://tl/bible;questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible;questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:23

Mataas na ang araw mundo

"Sumikat na ang araw sa mundo." Ang pariralang sa mundo ay maaaring gawing pahiwatig na lamang tulad ng sa UDB na hindi na isinalin.

narating ang Zoar

"dumating sa Zoar" o "pumasok sa Zoar"

nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan

Ang pararilang "mula kay Yahweh" ay nangangahulugang nanggaling sa kapangyarihan ng Diyos ang asupre at apoy. Maaaring isalin na: "Nagbagsak si Yahweh sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy mula sa kalangitan."

asupre at apoy

Maaaring isalin na: "nagliliyab na asupre" o "nag-aapoy na ulan"

ang mga lungsod na iyon

Ang pangunahing tinutukoy nito ay ang Sodoma at Gomora, pati na rin ang tatlo pang ibang mga bayan.

naninirahan sa mga lungsod

"ang mga taong nakatira sa mga lungsod"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:26

siya ay naging isang haligi ng asin

Maaaring isalin na: "naging katulad siya ng isang rebulto na asin" o "ang kanyang katawan ay tulad ng isang mataas na bato ng asin"

namasdan

Ang salitang "namasdan" ay nagbibigay ng atensyon sa kagulat gulat na kaalaman na susunod.

katulad ng usok sa isang pugon

Pinapakita nito na napakakapal ng usok nito. Maaaring isalin na: "katulad ng usok mula sa napakalaking sunog"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:29

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

naalala ng Diyos si Abraham

"Naalala ng Diyos na maging mahabagin kay Abraham." Sinasabi nito kung bakit niligtas ng Diyos si Lot.

mula sa gitna ng kapahamakan

Maaaring isalin na AT: "malayo sa kapahamakan" o "malayo mula sa winasak" o "malayo mula sa panganib"

Genesis 19:30

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:31

Ang nakakatanda

"ang unang babaeng anak ni Lot" o "Ang nakakatandang anak na babae"

nakakabata

" ang nakakabatang babaeng anak." Maaaring isalin na: "nakakabatang niyang kapatid"

painumin ng alak

Maaaring isalin na: "painumin ng alak hanggang malasing siya " (UDB) o "malasing sa alak"

para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama

"para mapanatili natin ang angkan ng ating ama" o "para magkaanak tayo na magiging kaapu-apuhan ng ating ama" (UDB)

hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon.

Maaaring isalin na: "wala siyang anumang alam tungkol dito" o "hindi niya alam na sinipingan siya nito."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:34

para mapalawig natin ang lahi ng ating ama

Tingnan kung paano mo isasalin ito [[rc://tl/bible/notes/gen/19/31]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

Genesis 19:36

nabuntis ng kanilang ama

"nabuntis mula sa kanilang ama" o "nagdadalang-tao dahil sa kanilang ama" o "naglihi ng mga anak sa kanilang ama"

Siya ay naging

"Siya ay"

ng mga Moabita hanggang sa kasalukuyan

"ng mga taong Moab na nabubuhay ngayon"

sa kasalukuyan

Ang salitang "sa kasalukuyan" ay tumutukoy sa panahon kung kailan nabuhay ang may-akda ng Genesis. Ang may-akda ay ipinanganak at isinulat ito maraming taon na ang nakalipas pagkatapos mabuhay at mamatay ang pamilya ni Lot.

ang mga mamamayan ng Ammon

"ang mga kaapu-apuhan ni Ammon" o "ang Ammonita"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/19]]


Chapter 20

1 Naglakbay si Abraham mula roon patungo sa lupain ng Negeb, at nanirahan sa pagitan ng Kadesh at Sur. Isa siyang dayuhan na naninirahan sa Gerar. 2 Sinabi ni Abraham patungkol sa kanyang asawa na si Sarah, "Kapatid ko siya." Kaya nagpadala si Abimelech hari ng Gerar, ng kanyang mga tauhan at kinuha nila si Sarah. 3 Pero kinagabihan, pumunta ang Diyos kay Abimelech sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya, "Masdan mo, ikaw ay mamamatay dahil sa babae na kinuha mo dahil siya ay asawa ng lalaki." 4 Ngayon, hindi nilapitan ni Abimelech si Sarah at sinabi niya, "Panginoon, papatayin mo rin ba ang matuwid na bansa? 5 Hindi ba sinabi niya mismo sa akin, 'Kapatid ko siya?'Kahit si Sarah, sinabi niya rin mismo sa akin na, 'Kapatid ko siya.' Nagawa ko ito sa katapatan ng aking puso at kamusmusan ng aking mga kamay." 6 Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa kanya sa panaginip, "Oo, alam ko na sa katapatan ng iyong puso na nagawa mo ito at hindi ko hinayaang magkasala ka sa akin. Kaya hindi ko hinayaang mahawakan mo siya. 7 Kaya ibalik mo ang asawa ng lalaki, dahil siya ay isang propeta. Ipananalangin ka niya at mabubuhay ka. Pero kung hindi mo siya ibabalik, alam mo na ikaw at ang lahat ng nasa iyo ay tiyak na mamamatay." 8 Bumangon si Abimelech nang maaga at pinapunta ang lahat ng kanyang lingkod sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila, at matinding takot ang naramdaman ng kanyang mga lingkod. 9 Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya," Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin." 10 Sinabi ni Abimelech kay Abraham, "Ano ang nagtulak sa iyo na gawin mo ang bagay na ito?" 11 Sumagot si Abraham, "Dahil naisip ko, 'Tiyak na walang kinatatakutan na Diyos ang mga tao sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.' 12 Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko, ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina; at siya ay aking naging asawa. 13 Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na "'Kapatid ko siya.'''' 14 Pagkatapos, kumuha si Abimelech ng mga tupa at mga baka, mga aliping lalaki at mga babae at ibinigay ang mga ito kay Abraham. Pagkatapos, ibinalik niya sa kanya si Sarah na asawa ni Abraham. 15 Sinabi ni Abimelech, "Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin. 16 Kay Sarah sinabi niya. "Tingnan mo, binigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong piraso ng pilak. Pantakip ito sa mga kamalian laban sa iyo sa mga mata ng lahat ng kasama mo, at sa harapan ng lahat, tuluyan kang ginawang matuwid." 17 Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang kanyang asawa, at kanyang mga babaeng alipin para sila ay tuluyan ng magkaroon ng anak. 18 Dahil hinayaan ni Yahweh na ganap na hindi magkaanak ang lahat ng mga babae sa sambayanan ni Abimelech, dahil kay Sarah, na asawa ni Abraham.



Genesis 20:1

Sur

Isa itong disyertong rehiyon sa silangang hangganan ng Ehipto.

nagpadala...ng kanyang mga tauhan at kinuha nila si Sarah

Maaaring isalin na: "pinakuha si Sarah sa kaniyang mga tauhan at dinala siya sa kaniya"

pumunta ang Diyos kay Abimelech

"nagpakita ang Diyos kay Abimelech"

Masdan mo

"Makinig sa akin" (UDB). Ang salitang "masdan mo" rito nagbibigay diin sa kung ano ang mga susunod.

ikaw ay mamamatay

Isa itong mabigat na paraan ng pagsasabing "tiyak na mamamatay ka kalaunan" o "papatayin kita."

asawa ng lalaki

"may asawang babae"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

Genesis 20:4

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit para tandaan ang pagbabago mula sa kuwento sa kaalaman tungkol kay Abimelech.

Hindi nilapitan ni Abimilech si Sarah

Maaaring isalin na: "Hindi sumiping si Abimelech kay Sarah" o "Hindi hinawakan ni Abimelech si Sarah"

Hindi ba sinabi niya sa mismo akin, 'Kapatid ko siya?'

Ginamit ni Abimelech ang talumpating tanong para ipaalala sa Diyos ang isang bagay na alam na ng Diyos. Maaaring isalin na: "Pero si Abraham mismo ang nagsabi sa akin na "Kapatid ko siya."

Hindi ba sinabi niya mismo

Ang mga salitang "mismo niya" ay ginamit para magbigay-diin para dalhin ang pansin kay Abraham. Maaaring isalin na: "Hindi ba sinabi rin mismo si Abraham." Ipinapakita ni Abimelech na kasalanan ni Abraham na kinuha ni Abimelech si Sarah.

Kahit si Sarah, sinabi niya rin mismo sa akin na, 'Kapatid ko siya

Ang mga salitang "mismo niya" ay ginamit para magbigay-diin para dalhin ang pansin kay Sarah."

Nagawa ko ito sa katapatan ng aking puso at kamusmusan ng aking mga kamay

Nangangahulugan itong "nagawa ko ito na may mabuting hangarin at kilos" o "nagawa ko ito na walang masamang hangarin at kilos." Ang puso at mga kamay ay tayutay para sa kaisipan at kilos.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

Genesis 20:6

Sinabi ng Diyos sa kanya

"Sabi ng Diyos kay Abimelech"

sa katapatan ng iyong puso na nagawa mo ito

"ginawa mo ito ng may mabuting hangarin" o "ginawa mo ito ng walang masamang hangarin"

mahawakan mo siya

mahawakan si Sarah

ang asawa ng lalaki

"asawa ni Abraham"

mabubuhay ka

"hahayaan kong mabuhay ka"

ang lahat ng nasa iyo

"lahat ng sambahayan mo"

[[rc://tl/bible/notes/gen/20/04]] |

[[rc://tl/bible/notes/gen/20/08]]

Genesis 20:8

Sinabi niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila

"Sinabi niya sa kanila ang lahat ng sinabi ng Diyos sa kanya"

Ano itong ginawa mo sa amin?

Ginamit ni Abimelech ang talumpating tanong na ito para akusahan si Abraham. Maaaring isalin na: "Ginawan mo kami ng kasamaan!" o "Tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa amin!"

sa amin

Ang salitang "amin" dito ay mayroong tinutukoy lamang at hindi kasama si Abraham at Sarah. Kung ang inyong wika ay gumagamit ng piling anyo ng "kami" o "amin," gamitin ninyo rito.

Paano ako nagkasala sa iyo...kasalanan?

Ginamit ni Abimelech ang talumpating tanong na ito para ipaalala kay Abraham na hindi siya nagkasala laban kay Abraham. AT: "Hindi ako nagkasala laban sa iyo...kasalanan."

nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan

Maaaring isalin na: "na dinala mo ako at ang aking kaharian sa isang katakot-takot na kasalanan"

Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin

"Hindi mo dapat ginawa ito sa akin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

Genesis 20:10

Ano ang nagtulak sa iyo na gawin mo ang bagay na ito?"

"Anong dahilan na ginawa mo ito?" o "Bakit mo ginawa ito?" Ang ginawa ni Abraham ay maaaring ipahayag ng malinaw. "Bakit sinabi mong kapatid mo si Sarah?"

kinatatakutan na Diyos

Nangangahulugan itong malalim na igalang ang Diyos at magpakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya.

sa lugar na ito

"sa Gerar"

Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko

"At saka, totoo na kapatid ko si Sarah" o "At saka, si Sarah ay kapatid ko talaga"

ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina

Maaaring isalin na: "pareho ang aming ama, pero magkaiba ang aming ina"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

Genesis 20:13

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

Sinabi ko sa kanya

"Sinabi ko kay Sarah"

Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa

Maaaring isalin na: "maging tapat ka sa akin sa pamamagitan ng paggawa mo nito"

Sa bawat lugar na pupuntahan natin

"saanmang dako tayo pumunta" o "saan man tayo pumunta"

sabihin mo na "'Kapatid ko siya.'"

"sabihin mo sa mga taong nakatira roon na kapatid mo ako"

kumuha ni Abimelech

"tinipon ni Abimelech"

mga baka

Ang mga baka ay toro na ginagamit ng mga tao para manghila ng mga mabibigat na dalahin o gamitin sa iba pang mabibigat na trabaho. Ang mga baka ay kadalasang nagtatrabaho ng may pares.

Genesis 20:15

Sinabi ni Abimelech

"Sinabi ni Abimelech kay Abraham"

Tingnan mo

Dito at sa talata 16 ang salitang "tingnan" ay nagbibigay-diin kung ano ang susunod.

Manirahan ka kung saan mo naisin.

"Manirahan ka kung saan mo gusto"

isang libo

"1,000"

Pantakip ito sa mga kamalian laban sa iyo sa mga mata ng lahat ng kasama mo

Maaaring isalin na: "Ibibigay ko ito sa kanya, para ang mga kasama mo ay hindi mag-iisip na nakagawa ka ng anumang bagay na mali."

sa mga mata

"sa mga kaisipan" o "sa mga palagay"

sa harapan ng lahat, tuluyan kang ginawang matuwid

Maaaring isalin na: "para patunayan sa lahat na wala kang kasalanan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

Genesis 20:17

ganap na hindi magkaanak

"hindi na maaaring magkaroon ng mga anak"

dahil kay Sarah, na asawa ni Abraham

"dahil si kinuha ni Abimelech ang asawa ni Abraham"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/20]]


Chapter 21

1 Binigyang pansin ni Yahweh si Sara gaya ng sinabi niya at tinupad ni Yahweh ang kanyang pangako kay Sara. 2 Nabuntis at nagsilang ng isang anak na lalaki si Sara para kay Abraham sa kanyang katandaan, sa itinakdang panahong sinabi ng Diyos sa kanya. 3 Pinangalanan ni Abraham bilang Isaac ang kanyang anak na lalaki, siya na isinilang sa kaniya, na isinilang ni Sara para sa kanya. 4 Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac nang ito ay walong araw na gulang, ayon sa iniutos ng Diyos sa kanya. 5 Si Abraham ay isandaang taong gulang nang isilang si Isaac sa kanya. 6 Sinabi ni Sara, "Pinatawa ako ng Diyos; tatawa ang bawat isang makakarinig kasama ko." 7 Sinabi rin niya, "Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magaalaga ng mga anak, at gayunpaman nagsilang ako sa kanya ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan!" 8 Lumaki ang bata at hiniwalay na sa kanyang ina, at naghanda si Abraham ng isang malaking pagdiriwang sa araw na hiniwalay na si Isaac sa kayang ina. 9 Nakita ni Sara na nangungutya ang anak ni Agar na taga-Ehipto, na isinilang niya kay Abraham. 10 Kaya sinabi niya kay Abraham, "Palayasin mo ang babaeng aliping ito kasama ang kanyang anak: dahil hindi magiging tagapagmana ang anak ng babaeng aliping iyan kasama ng anak kong si Isaac." 11 Ang bagay na ito ay labis na nagpalungkot kay Abraham dahil sa kanyang anak. 12 Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, "Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki, at dahil sa iyong babaeng lingkod. Pakinggan mo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa bagay na ito, dahil sa pamamagitan ni Isaac makikilala ang mga kaapu-apuhan mo. 13 Gagawin ko ring isang bansa ang anak ng babaeng lingkod, dahil siya ay iyong anak. 14 Maagang bumangon si Abraham, kumuha siya ng tinapay at isang lalagyang tubig at nilagay ito sa balikat ni Agar. Dinala niya ang batang lalaki sa kanya at pinaalis siya. Umalis siya at nagpagala-gala sa ilang na lugar ng Beer-seba. 15 Pagkaubos ng tubig sa lalagyang balat, iniwan niya ang bata sa ilalim ng isang mababang puno. 16 Pagkatapos umalis siya at naupo sa di kalayuan mula sa kanya, na parang isang tudla ng pana ang layo, dahil ang sabi niya, "Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata." Habang nakaupo siya roon sa kabila ng bata, nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak. 17 Narinig ng Diyos ang boses ng bata, at tumawag ang anghel ng Diyos kay Agar mula sa langit, at sinabi sa kanya, "Anong gumagambala sa iyo, Agar? Huwag kang matakot, sapagkat narinig ng Diyos ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan. 18 Tumayo ka, ibangon mo ang bata at patatagin siya; sapagkat gagawin ko siyang isang dakilang bansa." 19 Pagkatapos minulat ng Diyos ang mga mata ni Agar at nakakita siya ng isang balon ng tubig. Pinuntahan niya ito at pinuno ng tubig ang lalagyang gawa sa balat at pinainom ang bata. 20 Sinamahan ng Diyos ang bata, at lumaki siya. Nanirahan siya sa ilang at naging isang mamamana. 21 Namuhay siya sa ilang ng Paran, at kumuha ng mapapangasawa niya ang kaniyang ina mula sa lupain ng Ehipto. 22 Sa panahong iyon kinausap nila Abimelek at Ficol na kapitan ng kanyang hukbo si Abraham at sinabing, "Kasama mo ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. 23 Kaya ngayon manumpa ka sa Diyos, na hindi mo ako gagawan ng masama, ni ang aking mga anak, ni ang aking mga kaapu-apuhan. Ipakita mo sa akin at sa lupain kung saan ka naninirahan ang parehong katapatan sa kasunduan na ipinakita ko sa iyo." 24 "Nangangako ako" sagot ni Abraham. 25 Nagreklamo rin si Abraham kay Abimelek patungkol sa balon ng tubig na inagaw mula sa kanya ng mga lingkod ni Abimelek. 26 Sinabi ni Abimelek, "Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng bagay na ito. Hindi mo ito sinabi sa akin liban ngayon; hindi ko ito narining kundi ngayon." 27 Kaya kumuha si Abraham ng tupa at mga lalaking baka at binigay ang mga ito kay Abimelek, at gumawa ang dalawa ng isang kasunduan. 28 Pagkatapos nagbukod si Abraham ng pitong mga babaeng tupa ng kawan. 29 Sinabi ni Abimelek kay Abraham, "Anong kahulugan nitong pitong babaeng tupang ibinukod mo?" 30 Sumagot siya, "Matatanggap mo mula sa aking kamay itong pitong babaing tupa, upang maging saksi para sa akin, na hinukay ko ang balong ito." 31 Kaya tinawag niya ang lugar na iyong Beer-seba, dahil doon sila kapwa nagsumpaan ng isang kasunduan. 32 Gumawa sila ng isang kasunduan sa Beer-seba, at pagkatapos bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo. 33 Nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisko sa Beer-seba. Doon sinamba niya si Yahweh, ang Diyos na walang hanggan. 34 Namalagi si Abraham bilang isang dayuhan sa lupain ng mga Filisteo nang maraming araw.



Genesis 21:1

Binigyang pansin ni Yahweh si Sara

Ang pariralang "binigyang pansin ni" dito ay tumutukoy sa pagtulong ni Yahweh kay Sara na magkaroon ng isang sanggol. Maaaring isalin na: "Tinulungan ni Yahweh si Sara."

nagsilang ng isang anak na lalaki si Sara kay Abraham

"isinilang kay Abraham ang batang lalaki"

sa kanyang katandaan

"nang si Abraham ay napakatanda na"

sa itinakdang panahong sinabi ng Diyos sa kanya

"sa tamang panahon na sinabi sa kanya ng Diyos para mangyari ito"

Pinangalanan ni Abraham bilang Isaac ang kanyang anak na lalaki, siya na isinilang sa kaniya, na isinilang ni Sara para sa kanya.

"Pinangalanan ni Abraham ang kanyang bagong silang na anak na lalaki, ang isa na isinilang ni Sara, Isaac" o "Pinangalanan ni Abraham ang kanilang bagong silang na anak na lalaki na Isaac"

Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac nang ito ay walong araw na gulang

"Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na lalaki na si Isaac walong araw pagkasilang nito"

walong araw

"8 araw"

iniutos sa kanya

"Iniutos kay Abraham para gawin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:5

isandaang

"100"

Pinatawa ako ng Diyos

Tumatawa si Sara dahil nabigla at natuwa siya. Maari itong gawing hayagan. AT: "Ang Diyos ang nagdulot sa akin na tumawa sa kagalakan."

bawat isang makakarinig

Kung ano ang maririnig ng mga tao ay maaring gawing hayagan: "bawat isa na makakarinig patungkol sa ginawa ng Diyos para sa akin"

Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magpapasuso ng anak

Ito ay isang tanong pangretorika na kung saan binibigyang-diin kung paano naging walang katiyakan para kay Sara na magkakaroon pa siya ng mga anak. Maaaring isalin na: "Wala ni isa ang makapagsasabi kailanman kay Abraham, 'na magpapasuso pa si Sara ng mga anak.'

magpapasuso ng mga anak

Ito ay maayos na paraan na tumutukoy sa pagpapasuso ng mga bata. Maaaring isalin na: "Pasusuhin ang sanggol ng sariling gatas ng kanyang ina"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:8

Lumaki ang bata at hiniwalay na sa kanyang ina

Ang “hiniwalay”ay payak na paraan para sabihing hindi na sususo ang bata sa kaniyang ina. Maaaring isalin na: "Lumaki ang sanggol at nang hindi na niya kinakailangan ang gatas ng kanyang ina, nagkaroon ng malaking pagdiriwang si Abraham. (Tingnan: Euphemism)

Lumaki si bata at hiniwalay na sa kanyang ina, at naghanda si Abraham ng isang malaking pagdiriwang sa araw na hiniwalay na si Isaac sa kanyang ina

"Lumaki ang bata, at nang si Isaac ay hindi na kinakailangan ang gatas ng kanyang ina, nagtakda ng isang malaking pagdiriwang si Abraham." Ang mga salitang "ang sanggol" at "kaniyang" ay parehong tumutukoy kay Isaac na anak na lalaki ni Sara.

anak ni Agar na taga-Ehipto, kung sino ay isinilang niya kay Abraham

Ang pangalan ng anak na lalaki ni Agar ay maaring maglalahad ng kaliwanagan. Maaaring isalin na: "Ishmael, ang anak na lalaki ni Hagar na taga Ehipto at Abraham."

nangungutya

"tumatawa kay Isaac"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:10

sinabi niya kay Abraham

"Sinabi ni Sara kay Abraham"

palayasin

"paalisin" o "itaboy" (UDB)

babaeng aliping ito kasama ang kanyang anak

Ito ay tumutukoy kina Agar at Ismael. Marahil hindi sila tinukoy ni Sara sa pamamagitan ng kanilang pangalan dahil sag alit niya sa kanila.

kasama ng anak kong si Isaac

"kasama ang aking anak na si Isaac"

Ang bagay na ito ay mabigat kay Abraham

"labis na nalungkot si Abraham tungkol sa sinabi ni Sara"

dahil sa kanyang anak

"dahil tungkol ito sa kanyang anak na lalaki." Tinutukoy nito si Ishmael na kaniyang anak.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:12

Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki, at dahil sa iyong babaeng lingkod

"Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki at sa iyong babaeng lingkod"

Pakinggan mo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa bagay na ito

Ang “lahat ng sinasabi” dito ay tumutukoy sa sinabi ni Sara. Maaaring isalin na: "Gawin mo ang lahat ng bagay na sinabi ni Sara sa iyo tungkol sa kanila"

dahil sa pamamagitan ni Isaac makikilala ang mga kaapu-apuhan mo

Maaaring isalin na: "Magmumula kay Isaac ang lahat ng iyong kaapu-apuhan" o "Si Isaac ang magiging ninuno ng iyong mga kaapu-apuhan na aking ipinangako na ibibigay sa iyo" (UDB)

makikilala ang mga kaapu-apuhan mo

Maaaring isalin na: "Na ang mga tao ay papangalanan ang iyong mga kaapu-apuhan" o "Na ang mga tao ay itatala ang iyong mga kaapu-apuhan."

Gagawin ko ring isang bansa ang anak ng aliping babae

Ang salitang “bansa”ay nangangahulugang bibigyan siya ng Diyos ng maraming kaapu-apuhan para maging isang bansa. Maaaring isalin na: "Gagawin ko rin ang mga kaapu-apuhan ng anak na lalaki ng aliping babae na maging isang malaking bansa" o "Gagawin ko ring ninuno ng isang malaking bansa ang anak na lalaki ng aliping babae"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:14

tinapay

Ang mga posibleng kahulugan nito ay 1) tumutukoy sa pagkain sa kabuuan (gaya ng nasa UDB) o 2) sa tinapay mismo.

isang lalagyang balat ng tubig

"Isang sisidlan ng tubig." Gawa ang sisidlan ng tubig sa balat ng hayop.

Pagkaubos ng tubig sa lalagyang balat

"Nang maubos ang tubig sa sisidlan" o “Nang mainom na nila lahat ng tubig”

na parang isang tudla ng pana ang layo

Ito ay tumutukoy sa layo ng aabutin ng palaso kapag pumana. Ang layo ay humigit-kumulang sa 100 metro.

Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata

Ang di-tiyak na pangngalang “kamatayan” ay maaring sabihing “mamatay." Maaaring isalin na: "Ayaw kong makitang mamatay ang batang lalaki"

nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak

Dito ang salitang “boses” ay kumakatawan sa tunog ng kaniyang pag-iyak. Ang “nilakasan niya ang kaniyang boses” ay nangangahulugan ng paglakas ng kaniyang boses. Maaaring isalin na: "Sumigaw siya ng malakas at umiyak" o "umiyak siya ng malakas"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:17

ang boses ng bata

"ang boses ng batang lalaki" Ang “boses”ay kumakatawan sa tunog ng iyak ng bata o ang kaniyang pagsasalita. Maaaring isalin na: "ang tunog ni Ismael" (UDB)

ang anghel ng Diyos

"isang mensahero mula sa Diyos" o "mensahero ng Diyos"

Mula sa langit

Dito ang "langit" ay nangangahulagang lugar kung saan nakatira ang Diyos.

Anong gumagambala sa iyo

Maaaring isalin na: "Anong nangyari" o "Bakit ka umiiyak"

ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan

"ang boses ng batang lalaki na nakahiga banda roon"

ibangon mo ang bata

"tulungan mong makatayo ang batang lalaki"

gagawin ko siyang isang dakilang bansa

Ang pag-buo ng bansa mula kay Ismael ay nangangahulugang bibigyan siya ng Diyos ng maraming kaapu-apuhan para maging malaking bansa. Maaaring isalin na: "Gagawin kong isang malaking bansa ang kanyang mga kaapu-apuhan" o "Gagawin ko siyang ninuno ng isang malaking bansa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:19

minulat ng Diyos ang mga mata ni Agar at nakakita siya

Sinabi dito ang pagpapakita ng Diyos kay Agar ng balon na parang minulat mismo ng Diyos ang mata nito. "Ang Diyos ang nagdulot kay Hagar upang makakita" o "Nagpakita ang Diyos kay Hagar"

ang lalagyang balat

"ang sisidlan na gawa sa balat" o "ang sisidlan"

ang bata

"ang batang lalaki" o "Ismael"

Sinamahan ng Diyos ang bata

Ang salitang “sinamahan”dito ay isang idioma na nangangahulugan na tinulungan ng Diyos o pinagpala ang bata. Maaaring isalin na: "Ginabayan ng Diyos ang batang lalaki" o "Pinagpala ng Diyos ang batang lalaki"

naging isang mamamana

Ang mamamana ay isang tao na nangangaso sa pamamagitan ng pana at mga tunod. Maaaring inalis na: "Naging dalubhasa sa paggamit ng pana at mga palaso.

kumuha ng mapapangasawa niya ang kaniyang ina

"nakahanap ng asawa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:22

Nangyari sa panahong iyon

Ang pariralang ito ay ginamit dito upang maghudyat ng isang bagong bahagi ng kwento. Kung ang iyong wika ay may ibang paraan para gawin ito, maaari mong gamitin ito dito.

Ficol

Ito ay pangalan ng isang lalaki.

kapitan

"pinuno ng hukbo" (UDB)

kanyang hukbo

"Ang salitang "kanya" ay tumutukoy kay Abimelek.

Kasama mo ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa

Ang pariralang “kasama mo”ay isang idioma na ang ibig sabihin ay tinutulungan o pinagpapala ng Diyos si Abraham. Maaaring isalin na: "Pinagpapala ng Diyos ang lahat ng iyong ginagawa"

Kaya ngayon

Ang salitang “ngayon”ay hindi nangangahulugang “sa panahong ito,”pero ginamit para kunin ang atensiyon sa mahalagnag punto na kasunod. Maaaring isalin na: “Kaya” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

isumpa mo sa akin dito sa ngalan ng Diyos

Ito ay isang idioma na nangangahulugang manumpa na nasaksihan ng isang mataas na awtoridad, ang Diyos. Maaaring isalin na: "mangako ka sa akin sa pangalan ng Diyos" (Tingnan: Idiom)

na hindi mo ako lilinlangin

"na hindi ka magsisinungaling sa akin"

na hindi mo ako gagawan ng masama…ni ang aking mga kaapu-apuhan

Maaari itong sabihin sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “gagawan mo kami ng mabuti…ni ang aking mga kaapu-apuhan” (Tingnan: Double Negatives)

Ipakita mo sa akin at sa lupain kung saan ka naninirahan ang parehong katapatan sa kasunduan na ipinakita ko sa iyo

Ang dalawang lalaki ay gumawa ng kasunduan sa bawat isa. Ang basal na pangngalang “katapatan” ay maaring sabihin bilang “matapat”o “mapagkakatiwalaan.” Maaaring isalin na: “Maging matapat sa akin at sa lupain na tulad ng pagturing ko sa iyo”(Tingnan: Abstract Nouns)

sa lupain

Ang “lupa” dito ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: "sa mga tao sa lupain" (Tingnan: Metonymy)

"Nangangako ako"

Maaari itong sabihin kasama ang impormasyon na naunawaan. Maaaring isalin na: "Nangangako akong ipapakita sa iyo at ang iyong bayan na gaya ng kabaitan na iyong ipinakita sa akin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:25

Nagreklamo rin si Abraham kay Abimelek

Mga posibleng kahulugan ay 1) Nagrereklamo si Abraham tungkol sa nangyari o 2) “Pinuna ni Abraham si Abimelech”

patungkol sa balon ng tubig na inagaw mula sa kanya ng mga lingkod ni Abimelek

“dahil kinuha ng mga lingkod ni Abimelek ang isa sa mga balon ni Abraham"

inagaw mula sa kanya

"kinuha mula kay Abraham" o "kinuha at iba ang namahala" (UDB)

hindi ko ito narining kundi ngayon

Maaaring isalin na: "Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang tungkol nito"

kumuha si Abraham ng tupa at mga lalaking baka at binigay ang mga ito kay Abimelek

Ito ay tanda ng isang pagkakaibigan at ng pag-sangayon ni Abraham na makipagkasundo kay Abimelek.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:28

nagbukod si Abraham ng pitong mga babaeng tupa ng kawan

"naghiwalay si Abraham ng pitong babaeng tupa mula sa kawan"

pito

"7"

kawan

ito ay tumutukoy sa pangkat ng tupa ni Abraham.

Anong kahulugan nitong pitong babaeng tupang ibinukod mo?

"Bakito mo hiniwalay itong pitong babaeng tupa mula sa kawan?"

Matatangggap mo

"iyong makukuha"

mula sa aking kamay

"mula sa akin"

itong

Ang salitang “itong” ay tumutukoy sa regaling pitong tupa.

upang maging saksi para sa akin

Ang basal na pangngalang “saksi” ay maaring sabihing “patunayan.” Maaaring isalin na: "upang patunayan sa bawat isa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:31

tinawag niya ang lugar na iyon

"Tinawag ni Abraham ang lugar"

Beer-seba

Ang mga tagapagsalin ay maaring magdagdag ng isang talababa na nagsasabi "ang Beer-seba ay maaaring alin sa dalawa ang ibig sabihin "balon ng panunumpa" o "balon ng pito."

sila kapwa

"Abraham at Abimelech"

Ficol

Ito ay pangalan ng isang lalaki. Tingnan kung paano mo naisalin ang pangalan na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/21/22]].

bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo

"umuwi sa lupain ng Filisteo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

Genesis 21:33

puno ng tamarisko

Ito ay tumutukoy sa isang punong-kahoy na parating berde na maaaring tumubo sa disyerto. Maaari itong sabihin bilang pangkalahatan. Maaaring isalin na: "isang punong kahoy."

ang Diyos na walang hanggan

"ang Diyos na nabubuhay magpakailanman" maraming araw Kumakatawan ito sa mahabang panahon. (Tingnan: Metonymy)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/21]]


Chapter 22

1 Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito na sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya, "Abraham!" Sumagot si Abraham, "Narito ako." 2 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo." 3 Kaya maagang bumangon kinaumagahan si Abraham, inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga kabataang lalaki, kasama si Isaac na kanyang anak. Nagsibak siya ng kahoy para sa handog na susunugin, at naglakbay patungo sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya. 4 Sa ikatlong araw, tumingala si Abraham at natanaw niya ang lugar sa kalayuan. 5 Sinabi ni Abraham sa kanyang mga kabataang lalaki, "Manatili kayo rito kasama ang asno, at pupunta ako roon kasama ang bata. Sasamba kami at muling babalik sa inyo." 6 Pagkatapos kinuha ni Abraham ang kahoy para sa handog na susunugin at ipinapasan ito kay Isaac na kanyang anak. Dinala niya sa kanyang kamay ang apoy at ang kutsilyo; at kapwa silang umalis na magkasama. 7 Kinausap ni Isaac si Abraham na kaniyang ama at sinabing, "Aking ama," at sumagot si Abraham, "Narito ako, aking anak." Sinabi niya, "Narito, ang apoy at ang kahoy, ngunit nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?" 8 Sinabi ni Abraham, "Ang Diyos mismo ang magbibigay ng tupa para sa handog na susunugin, aking anak." Kaya sila ay nagpatuloy nang magkasama. 9 Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya, gumawa si Abraham ng isang altar at inilatag niya ang kahoy dito. Pagkatapos tinalian ni Abraham si Isaac na kanyang anak, at inilagay niya ito sa altar, sa ibabaw ng kahoy. 10 Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay na hawak ang kutsilyo para patayin ang kanyang anak. 11 Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, "Abraham, Abraham!" at sinabi niya, "Narito ako." 12 Sinabi niya, "Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin. 13 Tumingala si Abraham nang biglang, may isang tupa sa likuran niya ang sumabit ang sungay sa mga halaman. Pinuntahan at kinuha ni Abraham ang tupa at inalay ito bilang handog na susunugin sa Diyos sa halip na ang kanyang anak. 14 Kaya tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na, "Si Yahweh ang magbibigay," at tinatwag din hanggang sa araw na ito, "Sa bundok ni Yaweh, ito ay ibibigay." 15 Tinawag ng anghel ni Yahweh si Abraham sa ikalawang pagkakataon mula sa langit 16 at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, "Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak, 17 tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway. 18 Sa pamamagitan ng iyong anak, ang lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain, dahil sinunod mo ang aking tinig. 19 Kaya bumalik si Abraham sa kanyang mga tauhan, at umalis sila at magkakasamang pumunta sa Beer-seba, at nanirahan siya sa Beer-seba. 20 Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabihan si Abraham, "Nagkaroon din ng mga anak si Milca, sa iyong kapatid na si Nahor. 21 Sila ay sina Hus ang kanyang panganay, si Buz na kapatid niya, si Kemuel na ama ni Aram, 22 Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel. 23 Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca. May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham. 24 Nagsilang din si Reumah ang pangalan ng isa pang asawa ni Nahor, sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca.



Genesis 22:1

Nangyari na

Ginamit ang pariralang ito dito upang maghudyat ng simula ng isang panibagong bahagi ng kwento. Kung ang iyong wika ay mayroong paraan para magawa ito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito.

pagkatapos ng mga bagay na ito

Ang pariralang "pagkatapos ng mga bagay na ito" ay tumutukoy sa mga kaganapan sa kabanata 21.

sinubok

Ipinahiwatig na sinubok ng Diyos si Abraham para malaman kung magtatapat sa kaniya si Abraham. Ang buong kahulugan ng salitang ito ay maaring gawing hayagan. Maaaring isalin na: Sinubukan ng Diyos ang katapatan ni Abraham”(Tingnan: Assumed knowledge and Impicit Information)

Narito ako

Maaaring isalin na: "Oo?" o "Ano ito" o "Nakikinig ako"

ang kaisa-isang anak mo

Ipinapahiwatig nito na alam ng Diyos na may isa pang anak si Abraham, si Ismael. Binibigyang diin nito na si Isaac ang anak na ipinangako ng Diyos kay Abraham. Maaring maging hayagan ang pangungusap na ito. Maaaring isalin na: "ang kaisa-isa mong anak na lalaki na aking ipinangako."

Na iyong minamahal

Binibigyang diin nito ang pagmamahal ni Abraham sa kaniyang anak na si Isaac.

sa lupain ng Moria

"ang lupain na tinawag na Moria"

inihanda ang kanyang asno

"kinargahan ang kanyang asno" o "inilagay sa kanyang asno kung ano ang kinakailangan niya para sa paglalakbay"

mga tauhan

"mga lingkod" (UDB)

naglalakbay patungo sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya

"sinimulan ang kanyang paglalakbay" o "sinimulan ang pagbabiyahe" (UDB)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:4

Sa ikatlong-araw

Ang salitang “ikatlong”ay ang bilang na tatlo. Maaaring isalin na: “Matapos maglakbay ng tatlong araw”(Tingnan: Ordinal Numbers)

natanaw niya ang lugar sa kalayuan

"nakita sa malayo ang lugar na sinabi ng Diyos"

Kabataang lalaki

"mga lingkod" (UDB)

Sasamba kami

Ang salitang "kami" ay tumutukoy lamang kay Abraham at Isaac.

muling babalik sa inyo

"babalik sa inyo"

ipinasan ito kay Isaac na kanyang anak

"pinahintulutan si Isaac, kanyang anak, na dalhin ito"

Dinala niya sa kanyang kamay

Ang “kaniayng kamay” ditto ay nagbibigay diin na si Abrham mismo ang nagdala ng mga gagamitin. Maaaring isalin na: "Dinala mismo ni Abraham" (Tingnan: Synechdoche)

ang apoy

Ito ay maaaring isang kawali na naglalaman ng baga o isang sulo o ilawan. Maaaring isalin na:"isang bagay para pansimula ng apoy" (UDB). (See: Metonymy)

kapwa silang umalis na magkasama

"umalis silang magkasama" o "ang dalawa sa kanila ay magkasamang umalis"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:7

Aking ama

Ito ay isang mapagmahal na paraan para kausapin ng isang anak ang kanyang ama.

Narito ako

“Oo, ako ay nakikinig” o “Oo, ano iyon?” Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/01]].

aking anak

Ito ay isang mapagmahal na paraan para kausapin ng isang ama ang kanyang anak.

ang apoy

Ang “apoy” dito ay kumakatawan sa isang lalagyan na may baga o sulo o ilawan. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/04]].

ang tupa para sa handog na susunugin

"ang tupa na iyong ibibigay bilang handog na susunugin"

Ang Diyos mismo

Ang “mismo” dito ay nagbibigay diin na ang Diyos ang magbibigay ng tupa. (Tingnan: reflexive Pronouns)

magbibigay

“magbibigay sa atin”

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:9

Nang dumating sila sa lugar

"Nang dumating si Abraham at Isaac sa lugar"

tinali

"nakatali"

sa altar, sa ibabaw ng kahoy

Maaaring isalin na: "sa itaas ng kahoy na nasa ibabaw ng altar"

Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay na hawak ang kutsilyo

"kinuha ang kutsilyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:11

ng anghel ni Yaweh

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) Ginawa siya ni Yahweh na magmukhang anghel o 2) ito ay isa sa mga anghel ni Yahweh o 3) ito ay isang natatanging mensahero mula sa Diyos (ang ibang mga iskolar ay iniisip na si Jesus ito). Yamang ang pariralang ito ay hindi maunawaang mabuti, mainam na isalin na lang ito bilang “ang anghel ni Yahweh” gamit ang karaniwang salita na ginagamit sa “anghel.” Tingnan ang talaan tungkol sa pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/16/07]].

Mula sa langit

Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nakatira ang Diyos.

Narito ako

“Oo, ako ay nakikinig” o “Oo, ano iyon?”Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/01]].

" Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya

Ang pariralang “Huwag mong pagbuhatan ng kamay”ay isang paraan para sabihing “huwag mong saktan.”Sinabi ng Diyos nang dalawang beses ang parehong bagay para bigyang-diin na hindi dapat saktan ni Abraham si Isaac. Maaaring isalin na: "Huwag mong saktan ang bata sa anumang paraan."

sapagkat ngayon alam kong...sa akin

Ang mga salitang "ako" at "sa akin" ay tumutukoy kay Yahweh. Kapag magsasalin kung ano ang nasa loob ng panipi, gawin ito gaya ng ginawa ng anghel ni Yahweh at gamitin ang mga salitang "ako" at " sa akin" kapag tumutukoy ito kay Yahweh.

Takot ka sa Diyos

Ito ay tumutukoy sa labis na paggalang sa Diyos at ang pagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya.

nakikita kong

"dahil nakita ko na"

hindi mo ipinagkait ang iyong anak...sa akin

"hindi mo ipinagkait ang iyong anak...mula sa akin" Ito ay maaaring sabihin sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “ginusto mong ialay ang iyong anak...sa akin" (Tingnan: Double Negatives)

ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak

Ipinapahiwatig nito na alam ng Diyos na may isa pang anak si Abraham, si Ismael. Binibigyang diin nito na si Isaac ang anak na ipinangako ng Diyos kay Abraham. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/01]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:13

Nang biglang

Ang salitang "nang biglang" dito ay naghudyat sa atin para bigyang pansin sa susunod na kagulat-gulat na impormasyon.

may isang tupa sa likuran niya ang sumabit ang sungay sa mga halaman

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “isang lalaking tupa na sumabit ang kaniyang sungay sa mga halaman” o “isang tupa na sumabit sa mga halamanan” (Tingnan: Active or Passive)

Pinuntahan at kinuha ni Abraham ang lalaking tupa

"Pinuntahan ni Abraham ang lalaking tupa at kinuha ito"

Si Yahweh ang magbibigay

Maaaring isalin na: "Si Yahweh ang magbibigay kung ano ang kinakailangan"

sa araw na ito

"kahit ngayon" Ito ay tumutukoy sa panahon na sumusulat ang may akda.

ay ibibigay

Maaaring isalin na: "kanyang ibibigay."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:15

ng anghel ni Yahweh

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) Ginawa siya ni Yahweh na magmukhang anghel o 2) ito ay isa sa mga anghel ni Yahweh o 3) ito ay isang natatanging mensahero mula sa Diyos (ang ibang mga iskolar ay iniisip na si Jesus ito). Yamang ang pariralang ito ay hindi maunawaang mabuti, mainam na isalin na lang ito bilang “ang anghel ni Yahweh” gamit ang karaniwang salita na ginagamit sa “anghel.” Tingnan ang talaan tungkol sa pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/16/07]].

Ikalawang pagkakataon

Ang salitang “ikalawang”ay ang bilang na dalawa. Maaaring isalin na: “muli” (Tingnan: Ordinal Number)

mula sa langit

Dito ang salitang "langit" ay tumutukoy sa lugar kung saan nakatira ang Diyos.

at sinabing- ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh

"at sinabi ang mga salita ni Yahweh" o "at pinahayag ang mga salita ni Yahweh." Ito ay isang pormal na paraan ng pagsasabi na ang mga salita na sumunod ay direktang nagmula kay Yahweh.

Nangangako ako sa aking sarili

Maaaring isalin na: "Nangako ako at ako ang aking saksi." Ang mga salitang “nangangako sa”ay ginamit para tukuyin ang magiging basehan ng pangako. Wala nang mas hihigit pa kay Yahweh para pangakuan.

ginawa mo ang bagay na ito

"sinunod mo ako." Ito ay maaring sabihin sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “nagnanais na ialay ang iyong anak sa akin.” (Tingnan: Double Negatives)

ang iyong kaisa-isang anak

Ipinapahiwatig nito na alam ng Diyos na may isa pang anak si Abraham, si Ishmael. Binibigyang diin nito na si Isaac ang anak na ipinangako ng Diyos na ibibigay kay Abraham. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/01]]. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

tinitiyak kong pagpapalain

"siguradong pagpapalain"

labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan

"Dudulutin ko na ang iyong mga kaapu-apuhan na patuloy na dumami" o "dudulutin kong dumami ang iyong mga kaapu-apuhan"

gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan

Hinalintulad ng Diyos ang mga kaapu-apuhan ni Abraham sa mga bituin at buhangin. Gaya ng mga tao na hindi kayang mabilang ang malaking bilang ng mga bituin o mga butil ng buhangin, na ganoon din magiging bilang ng mga kaapu-apuhan ni Abraham na hindi sila kayang bilangin ng mga tao. Maaaring isalin na: "Lampas sa maaari mong bilangin."

gaya ng mga bituin sa kalangitan

Dito ang salitang "kalangitan" ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ating makikita sa itaas ng mundo, kabilang ang araw, buwan, at mga bituin.

aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway

Ang “tarangkahan dito”ay kumakatawan sa buong lungsod. Ang “aangkinin...ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway”ay nangangahulugang wawasakin ang kanilang mga kaaway. Maaaring isalin na: “lubos na magtatagumpay laban sa kanilang mga kaaway."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:18

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain

Ito ay maaring sabihin sas aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Ako, ang Panginoon, ang magpapala sa lahat ng mga tao"

mga bansa sa mundo

Ang “mga bansa”dito ay kumakatawan sa mga mamamayan ng mga bansa.” (Tingnan: Metonymy)

dahil sinunod mo ang aking tinig

Ang “tinig”dito ay kumakatawan sa kung anong sinabi ng Diyos. Maaaring isalin na: "Sinunod mo kung ano ang aking sinabi" o " sinunod mo ako"

bumalik si Abraham

Si Abraham lamang ang pinangalanan dahil siya ang ama, ngunit ito ay nagpahiwatig na kasama niyang bumalik ang kanyang anak. Maaaring isalin na: "Bumalik si Abraham at ang kanyang anak.

mga tauhan

"mga lingkod" (UDB)

umalis sila

"Iniwan nila ang lugar na iyon"

nanirahan siya sa Beer-seba

Si Abraham lamang ang nabanggit dahil siya ang pinuno ng kanyang pamilya at mga lingkod, ngunit ito ay nagpahiwatig na kasama niya sila. Maaaring gawing hayagan ang buong kahulugan nito. Maaaring isalin na: "Si Abraham at ang kanyang mga tao ay nanatili sa Beer-seba."

Genesis 22:20

Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito

"Pagkatapos ng mga kaganapang ito." Ang pariralang "mga bagay na ito" ay tumutukoy sa mga kaganapan sa Genesis 22:1-19.

sinabihan si Abraham

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "sinabi ng ibang tao kay Abraham"

Nagkaroon din ng mga anak si Milca

"Si Milca ay nagsilang din ng mga anak"

Milca

Ito ay pangalan ng isang babae.

Sila ay sina Hus na kanyang panganay, si Buz na kapatid

"Ang pangalan ng kanyang panganay ay si Hus, at ang pangalan ng kanyang mga anak ay si Buz na kanyang kapatid,"

Hus...Buz...Kemuel...Aram...Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel

Lahat ng mga ito ay mga pangalan ng mga lalaki. Isalin ito upang malinaw na ang lahat ng mga ito ay mga anak ni Nachor at Milca maliban kay Aram.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

Genesis 22:23

Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca

Maaaring isalin na: "Kalaunan si Bethuel ay naging ama ni Rebeca" o "Kalaunan si Rebeca ay isinilang kay Bethuel"

Rebeca

Ito ay ang pangalan ng isang babae.

May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham.

"Ang mga ito ang walong anak ni Milca at Nahor na kapatid ." Ito ay tumutukoy sa mga anak na naitala sa Genesis 22:21-22.

walo

"8"

isa pang asawa

"isa pang asawa ni Nachor"

Reuma

Ito ay pangalan ng isang babae. (Tingnan: How to Translate Names)

Isinilang din

"nanganak din kay"

Tebah, Gaham, Tahas, at Maaca

Ito ay mga pangalan lahat ng mga lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/22]]


Chapter 23

1 Nabuhay si Sara ng isandaan at dalawampu't-pitong taon. Ito ang mga taon ng buhay ni Sara. 2 Namatay si Sara sa Kiriat Arba, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara. 3 Pagkatapos, tumayo si Abraham at umalis mula sa namatay niyang asawa, at nakipag-usap sa mga anak na lalaki ni Het, na nagsabing, 4 "Ako ay isang dayuhan sa inyo. Pakiusap bigyan ninyo ako ng isang ari-arian para gawing libingan dito, para mailibing ko ang aking patay." 5 Sumagot ang mga anak ni Heth kay Abraham, nagsasabing, 6 "Makinig ka sa amin, aking panginoon. Ikaw ay prinsipe ng Diyos sa amin. Ilibing mo ang iyong patay sa aming piling mga libingan. Wala sa amin ang magkakait sa iyo ng libingan, para ilibing ang iyong patay." 7 Tumayo si Abraham at yumuko sa mga mamamayan ng lupain, sa mga anak ni Het. 8 Nagsalita siya sa kanila, na nagsabing, "Kung sumasang-ayon kayo na dapat kong ilibing ang aking patay, dinggin ninyo ako at pakiusapan si Efron na anak ni Zohar, para sa akin. 9 Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan." 10 Ngayon nakaupo si Efron kasama ang mga anak ni Het, at sumagot si Efron ang Heteo kay Abraham habang naririnig ng mga anak ni Het at ng lahat ng mga taong pumunta sa loob ng tarangkahan ng siyudad, na nagsabing, 11 "Hindi, aking panginoon, pakinggan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang bukid, at ang kuwebang narito. Ibibigay ko ito sa iyo, sa harapan ng mga anak ng aking mga kababayan. Ibibigay ko ito sa iyo para mapaglibingan ng iyong patay." 12 Pagkatapos yumuko si Abraham sa harapan ng mga mamamayan ng lupain. 13 Kinausap niya si Ephron na naririnig ng mga tao sa lupain, na nagsasabing, "Ngunit kung papayag ka, pakiusap dinggin mo ako. Babayaran ko ang bukid. Tanggapin mo ang pera mula sa akin, at doon ko ililibing ang aking patay." 14 Sumagot si Ephron kay Abraham, na nagsasabing, 15 "Pakiusap, aking panginoon, makinig ka sa akin. Ang pirasong lupain na nagkakahalagang apatnaraang shekel ng pilak, ano ba ito sa pagitan natin? Ilibing mo na ang iyong patay." 16 Nakinig si Abraham kay Efron at tinimbang ni Abraham sa harap ni Efron ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi na naririnig ng mga anak ni Het, apatnaraang shekel ng pilak, ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal. 17 Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa 18 kay Abraham sa pamamagitan ng pagbili sa harapan ng mga anak ni Het, at sa harapan ng lahat ng mga pumunta sa loob ng tarangkahan ng lungsod. 19 Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. 20 Kaya ang bukid at ang kuwebang naroon ay naipasa kay Abraham mula sa mga anak ni Het bilang ari-arian upang gawing libingan.



Genesis 23:1

Nabuhay si Sara ng isandaan at dalawampu't pitong taon.

"Nabuhay si Sarah ng 127 taon"

Ito ang mga taon ng buhay ni Sara.

Ang ibang mga salin ay hindi sisinasama ang pangungusap na ito.

Kiriat Arba

Ito ay pangalan ng isang lungsod.

Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara

"Labis na nalungkot at umiyak si Abraham dahil namatay si Sara"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:3

tumayo si Abraham at umalis sa namatay niyang asawa

"tumayo at iniwan ang bangkay"

mga anak na lalaki ni Het

Ang "mga lalaking anak" ay kumakatawan sa mga tao na nagmula kay Het. Maaaring isalin na: "Ang mga kaapu-apuhan ni Het."

sa inyo

Ang kaisipang ito ay nagpapahayag sa kinaroroonan. Maaaring isalin na: "sa inyong bansa'" o "dito"

Pakiusap bigyan ninyo ako ng isang ari-arian

"Pabilihin niyo ako ng ilang lupain" o "Pahintulutan ninyo akong bumili ng piraso ng lupain"

ang aking patay

Ang pang-uring pangalang "patay" ay maaaring gamitin bilang isang pang-uri o pandiwa. Maaaring isalin na: "aking patay na asawa" o "aking asawa na siyang namatay."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:5

mga anak ni Heth

Ang “mga anak” dito ay tumutukoy sa mga kapau-apuhan ni Het. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/03]]. Maaaring isalin na: “mga kaapu-apuhan ni Het” (Tingnan: How to Translate Names)

aking panginoon

Ang pariralang ito ay ginamit para magpakita ng paggalang kay Abraham.

prinsipe ng Diyos

Ito ay isang idyoma. Marahil nangangahulugan itong "isang taong makapangyarihan"

iyong patay

Ang pang-uring pangalang "patay" ay maaaring gamitin bilang isang pang-uri o pandiwa o “asawa.” Maaaring isalin na: "iyong asawang namatay" o "iyong asawa na siyang namatay."

aming piling mga libingan

"ang pinakamainam naming lugar na mga libingan"

magkakait sa iyo ng kanyang libingan

"pagkaitan ka ng kanyang libingan para sa iyo" o "tumanging ibigay sa iyo ang kanyang libingan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:7

yumuko

Ito ay nanganguhulugan ng pagyuko o pagluhod ng napakababa upang magpakita ng kababaang-loob at pagparangal sa ibang tao.

sa mga tao ng lupain, sa mga anak ni Heth

"sa mga lalaking anak ni Het na siyang nanirahan sa lugar"

mga anak ni Het

Ang “mga anak” dito ay kumakatawan sa mga nagmula kay Het. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/03]]. Maaaring isalin na: “mga kaapu-apuhan ni Het” Tingnan kung paano mo ito sinalin sa 23:3. (Tingnan: How to Translate Names)

Nakiusap siya sa kanila

"Nakipag-usap siya sa kanila"

aking patay

Ang pang-uring pangalang "patay" ay maaaring gamitin bilang isang pandiwa o “asawa.” Maaaring isalin na: "aking patay na asawa" o "aking asawa na siyang namatay."

Efron...Zohar

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

ang kuweba ng Macpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid

"ang kanyang kuweba na nasa kaduluhan ng kanyang parang na siyang machpelah"

ang kuweba ng Macpela

"ang kuweba na nasa Macpela." Machpela ang pangalan noon ng pook o ng rehiyon. Pagmay-ari ni Ephron ang isang parang na nasa Macpela at ang kuweba na naroon sa loob ng bukid.

kanyang pagmamay-ari

Ito ay nagsasabi ng isang bagay tungkol sa kuweba. Pagmamay-ari ni Ephron ang kuweba.

na nasa dulo ng kanyang bukid

Ito ay nagsasabi ng isang bagay tungkol sa kuweba. Ang kuweba na nasa dulo ng parang ni Ephron.

Ipagbili ito sa akin nang hayagan

"sa harapan ninyong lahat" (UDB) o "sa inyong harapan"

ari-arian

"kapirasong lupain na maaari kong pagmamay-ariin at gamitin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:10

Ngayon nakaupo si Efron kasama ang mga anak ni Het

Ang salitang “ngayon” ay ginamit dito upang maghudyat ng paglipat mula sa kuwento patungo sa kaalaman tungkol kay Efron.

Ephron

Ito ay pangalan ng isang lalaki. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/07]].

Mga anak ni Heth

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/03]].

sa pakikinig ng mga anak ni Heth

Ang basal na pangngalan na "sa pakikinig" maaring gamitin bilang "pakinggan" o "pakikinig." Maaaring isalin na: "upang mapakinggan ng lahat ng mga lalaking anak ni Heth si Abraham" o "habang nakikinig ang lahat ng mga lalaking anak ni Heth"

lahat ng mga taong pumunta sa loob ng tarangkahan

Tinutukoy nito kung sino sa mga anak ni Het ang nakikinig. Maaaring isalin na: “silang mga nagtititpon sa tarangkahan ng lungsod” (Tingnan: Distinguishing versus informing or Reminding)

Tarangkahan ng kanyang lungsod

Ang tarangkahan ng lungsod ay kung saan ang mga pinuno ng lungsod ay nagtitipon para gumawa ng mga mahalagang pagpapasya.

kanyang lungsod

Ito ay nagsasabi kung sino sa mga lalaking anak ni Heth ang nakikinig. Maaaring isalin na: "sa lahat na siyang nagtipon sa tarangkahan ng kanyang lungsod"

Kanyang lungsod

Ang pariralang ito ay nagpapakita na si Ephron ay kabilang sa lungsod. Hindi nangangahulugan na pag-aari niya ang lungsod. Maaaring isalin na: "ang lungsod"

Aking amo

Ang pariralang ito ang ginamit upang magpakita ng paggalang kay Abraham.

sa harapan ng mga lalaking anak ng mga tao

Ang salitang "harapan" dito ay kumakatawan sa mga tao na nagsisilbing mga saksi. Maaaring isalin na: "Kasama ko ang aking mga kababayan bilang mga saksi."

mga lalaking anak ng aking mga tao

Ito ay nangangahulugan na ang "ang aking mga kababayan" o "kapwa kong mga Heteo."

Aking mga tao

Ang pariralang ito ay nagpapakita na si Ephron ay kabilang sa pangkat ng mga tao. Hindi ito nangangahulugan na siya ang kanilang pinuno.

Aking ibigay iyon sa iyo upang libingan ng iyong patay.

"Ibigay ko ito sa iyo. Ilibing mo ang iyong patay"

Iyong patay

Ang pang-uring pangngalang "patay" ay maaring sabihin bilang isang pandiwa o nang karaniwan bilang "asawa." AT: "ang iyong asawa na siyang namatay na" o "iyong asawa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:12

yumuko si Abraham sa harapan

Ito ay nangngahulagang pagyuko o pagluhod ng na may pagpapakumbaba para ipakita ang paggalang at parangal sa ibang tao.

Mga tao ng lupain

"mga taong na naninirahan sa lugar na iyon"

Na naririnig ng mga tao sa lupain

Ang basal na pangngalang "pandinig" ay maaaring sabihing "pakinggan" o "nakikinig." Maaaring isalin na: "upang pakinggan ng lahat ng mga tao na nanirahan sa pook na iyon" o "habang nakikinig ang lahat ng mga taong nanirahan sa pook na iyon"

Ngunit kung ikaw papayag

Ang salitang "ngunit" ay nagpapakita ng isang pagsalungat. Gustong ibigay ni Ephron ang bukid kay Abraham; pero gustong bilhin ni Abraham ang bukid. Maaaring isalin na: "Hindi, ngunit kung papayag ka" o "Hindi, ngunit kung sasang-ayon ka sa ganinto"

Babayaran ko ang yaong bukid

"Magbibigay ako sa iyo ng pera para sa bukid"

Aking patay

Ang pang-uring pangngalang "patay" ay maaaring gawing isang pandiwa o "asawa." Maaaring isalin na: "ang aking asawa na namatay" o "aking asawa"

Genesis 23:14

Efron

Ito ay pangalan ng isang lalaki. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/07]].

Pakiusap, aking panginoon, makinig ka sa akin

"Pakinggan mo ako, aking panginoon" o "makinig ka sa akin, mabait na ginoo"

aking panginoon,

Ang pariralang ito ay ginamit para magpakita ng pag-galang kay Abraham.

Ang kapirasong lupang nagkakahalaga ng apatnaraang shekel pilak, ano ba ito sa pagitan natin?

Ang ibig sabihin ni Ephron na siya at si Abraham ay kapwa mayaman, ang 400 mga piraso ng pilak ay maliit na halaga. Maaaring isalin na: "Ang kapiraso ng lupain ay nagkakahalaga lamang ng apat na daang siklong pilak. Para sa iyo at sa akin, iyon ay walang halaga."

apatnaraang shekel ng pilak

Ito ay umaabot ng 4.5 kilong pilak.

apatnaraan

"400"

Ilibing mo ang iyong patay

Ang pang-uring pangngalan na "patay" ay maaaring sabihin bilang isang pandiwa o "asawa." Maaaring isalin na: "umalis ka at ilibing mo ang iyong asawa na namatay" o "umalis ka at ilibing ang iyong asawa"

tinimbang ni Abraham sa harap ni Ephron ang halaga ng pilak

"Tinimbang ni Abraham ang pilak at binigay kay Efron ang halaga" o "Binilang ni Abraham kay Efron ang halaga ng pilak"

ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi

"Ayan ang halaga ng pilak na sinabi ni Ephron"

na naririnig ng mga anak ni Het

Ang basal na pangngalan "ang makinig" maaaring ilagay bilang "pakinggan" o "nakikinig." Maaaring isalin na: "upang mapakinggan ng lahat ng mga tao na nanirahan sa pook na iyon" o "habang nakikinig ang lahat ng mga tao na nanirahan sa pook na iyon"

mga anak ni Heth

Ang mga “anak”dito ay tumutukoy sa mga anak na nagmula kay Het. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/03]]. Maaaring isalin na: “ang mga kaapu-apuhan ni Het”

ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal

"gamit ang pamantayang timbangan ng mga mangangalakal." Ito ay maaring gamitin bilang isang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Kanyang tinimbang ang pilak sa parehong paraang gingawa ng mangangalakal sa pagtimbang ng pilak"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:17

Macpela

Macpela ang pangalan ng isang lugar o rehiyon. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/07]].

Mamre

Ito ay isa pang pangalan para sa lungsod ng Hebron. Maaaring ipinangalan ito kay Mamre, ang kaibigan ni Abraham na nanirahan doon.

ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon

Ang pariralang ito ay nagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng may akda noong isinulat niya "ang parang ni Ephron." Hindi lang ang bukid, ngunit pati na rin ang kuweba at mga punong kahoy na nasa bukid.

ipinasa kay Abraham sa pamamagitan ng pagbili

"Naging pagmamay-ari ni Abraham noong nabili niya ito" o "Pag-aari na ni Abraham pagkatapos niyang bilhin ito."

sa harapan ng mga anak ni Heth

Ang salitang "harapan" dito ay kumakatawan sa mga taong nagsisilbing mga saksi. Maaaring isalin na: "Kasama ang mga kapu-apuhan ni Het na tumatayo bilang mga saksi"

Mga lalaking anak ni Heth

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/03]].

lahat ng mga pumunta sa loob ng tarangkahan na kanyang siyudad

Ito ay nagsabi kung sino sa mga anak ni Het ang nakakita kay Abraham na bumili ng lupain. Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/10]].

Tarangkahan ng kanyang lungsod

Ang tarangkahan ng lungsod kung saan ang mga pinuno ng lungsod ay magkita-kita upang doon gagawin ang mahalagang mga pagpapasya.

kanyang lungsod

Ang pariralang ito nagpapakita na si Ephron ay kasama sa lungsod na iyon. Hindi ito nangangahulugan na pagmamay-ari niya ang lungsod. Maaaring isalin na: "ang lungsod"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/23]]

Genesis 23:19

Pagkatapos nito

"Pagkatapos niya nabili ang bukid"

sa kuweba ng bukid

"Ang kuweba na nasa bukid"

bukid ng Machpela

"Ang bukid na nasa Macpela"

iyon ay, Hebron

Mga posibleng kahulugan ay 1) Mamre ang isa pang pangalan ng Hebron o 2) Ang Hebron ay tinatawag noon na Mamre o 3) Ang Mamre ay malapit sa mas malawak na lungsod na Hebron, kaya tinawag ito ng mga tao na Hebron.

mga anak ni Heth

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/03]].


Chapter 24

1 Ngayon, matanda na si Abraham at pinagpala ni Yahweh si Abraham sa lahat ng mga bagay. 2 Sinabi ni Abraham sa kanyang lingkod, ang pinakamatanda sa kanyang sambahayan, ang kaniyang katiwala sa lahat ng pag-aari niya, "Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita 3 at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan. 4 Ngunit pumunta ka sa aking bansa, at sa aking mga kamag-anak, at kumuha ng isang asawa para sa aking anak na si Isaac." 5 Sinabi ng lingkod sa kanya, "Paano kung hindi pamayag na sumama sa akin ang babae papunta sa lupaing ito? Dapat ko bang dalhin pabalik ang iyong anak sa lupain kung saan ka nanggaling? 6 Sinabi ni Abraham sa kanya, "Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon! 7 Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon. 8 Ngunit kung hindi papayag ang babae na sumunod sa iyo, kung gayon magiging malaya ka mula sa kasunduang kong ito. Huwag mo lang dalhin pabalik doon ang aking anak. 9 Kaya niligay ng lingkod ni Abraham ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ng kanyang among si Abraham at nanumpa sa kanya patungkol sa bagay na ito. 10 Kinuha ng lingkod ang sampung kamelyo ng kanyang amo at umalis. Nagdala rin siya ng lahat ng uri ng mga regalo mula sa kanyang amo. Umalis siya at pumunta sa rehiyon ng Aram Naharaim, sa siyudad ni Nahor. 11 Pinaluhod niya ang mga kamelyo sa gilid ng balon ng tubig sa labas ng siyudad. Gabi na iyon, ang oras na lumalabas ang mga babae upang sumalok ng tubig. 12 Pagkatapos sinabi niya, "Yahweh, Diyos ng aking among si Abraham, bigyan mo ako ngayon ng tagumpay at ipakita ang iyong tipan ng katapatan sa aking among si Abraham. 13 Masdan, narito akong nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig, at dumarating ang mga babaing anak ng mga tao ng siyudad upang sumalok ng tubig. 14 Ganito nawa ang mangyari. Kapag sabihin ko sa isang dalaga, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako,' at sabihin niya sa akin, 'Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,' pagkatapos ay hayaang siya na nga ang babaing iyong itinakda para sa iyong lingkod na si Isaac. Sa pamamgitan nito malalaman kong nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa aking amo." 15 Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham. 16 Ang dalaga ay napakaganda at isang birhen. Wala pang lalaki ang sumiping sa kanya. Pumunta ang babae sa bukal at pinuno ang kanyang pitsel, at umahon. 17 Tumakbo ang lingkod upang salubungin siya at sinabing, "Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting inuming tubig mula sa iyong pitsel. 18 Sinabi niya, "Uminon ka, aking amo," at agad niyang ibinaba ang pitsel na nasa kanyang kamay, at pinainom siya. 19 Nang natapos niya siyang painumin, sinabi niya, sasalok din ako ng tubig para sa iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na ang lahat. 20 Kaya nagmadali siya at ibinuhos ang laman ng kanyang pitsel papunta sa inuman ng mga hayop, at tumakbong muli patungo sa balon upang sumalok ng tubig, at sumalok ng tubig para sa lahat ng kanyang mga kamelyo. 21 Tahimik na pinanood siya ng lalaki upang makita kung pinagpala ni Yahweh ang kanyang paglalakbay o hindi. 22 Nang natapos sa pag-inom ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang isang gintong singsing sa ilong na tumitimbang ng kalahating siklo, at dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga braso na tumitimbang ng sampung siklo 23 at nagtanong, "Kaninong anak ka? Pakiusap sabihin mo sa akin, mayroon bang silid ang bahay ng ama mo na maaari naming pagpalipasan ng gabi?" 24 Sinabi niya sa kanya, "Anak ako ni Bethuel na lalaking anak ni Milcah, na ipinanganak niya kay Nahor." 25 Sinabi rin niya sa kanya, "Marami kami ng kapwa dayami at pagkain ng hayop, at may silid din para kayo magpalipas ng gabi." 26 Pagkatapos yumuko ang lalaki at sumamba kay Yahweh. 27 Sinabi niya, "Pagpalain si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, na hindi pinabayaan ang kanyang tipan ng katapatan at kanyang pagiging mapagkakatiwalaan patungo sa aking amo. Para sa akin, tuwiran akong pinangunahan ni Yahweh sa bahay ng mga kamag-anak ng aking amo." 28 Pagkatapos tumakbo ang dalaga at sinabi sa sambahayan ng kanyang ina ang tungkol sa lahat ng bagay na ito. 29 Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal. 30 Nang nakita niya ang singsing sa ilong at ang mga pulseras na nasa kamay ng kanyang kapatid na babae, at nang narinig niya ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid, "Ito ang sinabi ng lalaki sa akin," pumunta siya sa lalaki, at masdan, nakatayo siya sa tabi ng mga kamelyong nasa bukal. 31 At sinabi ni laban, "Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo." 32 Kaya pumunta ang lalaki sa bahay at diniskargahan niya ng mga kamelyo. Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain ng hayop, naglaan ng tubig upang hugasan ang kanyang mga paa at ang mga paa ng mga lalaking kasama niya. 33 Naglapag sila ng pagkain sa harapan niya upang kainin, ngunit sinabi niya, "Hindi ako kakain hanggang sa masabi ko ang kailangan kong sabihin." Kaya sinabi ni Laban, "Magsalita ka". 34 Sinabi niya, "Lingkod ako ni Abraham. 35 Pinagpala ng lubos ni Yahweh ang aking amo at naging dakila siya. Binigyan siya ng mga kawan at mga pangkat ng hayop, pilak at ginto, mga lingkod na lalaki at mga lingkod na babae, at mga kamelyo at mga asno. 36 Si Sara, ang asawa ng aking amo, ay nagsilang ng isang anak na lalaki sa aking amo nang siya ay matanda na, at ibinigay niya ang lahat ng kanyang mga aria-arian sa kanya. 37 Pinanumpa ako ng aking amo, nagsasabing, "Hindi ka dapat kumuha ng isang asawa para aking anak mula sa mga babaeng anak ng mga Cananeo, sa lupaing ginagawa kong tahanan. 38 Sa halip, dapat kang pumunta sa pamilya ng aking ama, at sa aking mga kamag-anak, at kumaha ng isang asawa para sa aking anak.' 39 Sinabi ko sa aking amo, 'Baka hindi susunod sa akin ang babae.' 40 Ngunit sinabi niya sa akin, 'Si Yahweh, na aking sinusunod, ay magpapadala ng kanyang anghel na makakasama mo at siya ay papatnubayan ang landas mo, upang makakakuha ka ng isang asawa para sa aking anak mula sa aking mga kamag-anak at mula sa linya na pamilya ng aking ama. 41 Ngunit magiging malaya ka lamang mula sa aking tagubilin kung darating ka sa aking mga kamag-anak at hindi nila siya ibibigay sa iyo. Sa gayon magiging malaya ka mula sa aking kasunduan.' 42 Kaya dumating ako ngayon sa bukal, at sinabi, 'O Yahweh, Dios ng aking among si Abraham, pakiusap, kung tunay na nais mong magtagumpay ang aking paglalakbay— 43 narito ako, nakatayo sa gilid ng bukal ng tubig—hayaang ang babaing lumabas para sumalok ng tubig, ang babaing sasabihan kong, "Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong pitsel upang inumin," 44 ang babaing magsasabi sa akin, "Uminom ka, at sasalok din ako ng tubig para sa iyong mga kamelyo"—hayaang siya na nga ang babaing pinili mo, Yahweh, para sa anak ng aking amo.' 45 Bago pa man ako natapos mangusap sa aking puso, masdan, lumabas si Rebeca dala ang pitsel na pasan sa kanyang balikat at bumaba patungong bukal at sumalok ng tubig. Kaya sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom.' 46 Agad niyang ibinaba ang kanyang pitsel mula sa kanyang balikat, at nagsabing, "Uminom ka, at bibigyan ko rin ng tubig ang iyong mga kamelyo.' Kaya uminom ako, at pinainom niya rin ang mga kamelyo. 47 Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso. 48 Pagkatapos lumuhod ako at sinamba si Yahweh, at pinagpala si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, ang siyang nanguna sa akin sa tamang landas upang matagpuan ang babaing anak ng kamag-anak ng aking amo para sa kanyang anak. 49 Kaya ngayon, kung handa kayong pakitunguhan ang aking amo ng pampamilyang katapatan at pagtitiwala, sabihin ninyo sa akin. Ngunit kung hindi, sabihin ninyo sa akin, upang lumiko ako sa kanang kamay, o sa kaliwa." 50 Pagkatapos sumagot si Laban at Bethuel at sinabing, "Ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh; hindi kami makapagsasabi sa iyo ng masama o mabuti. 51 Masdan, nasa harapan mo si Rebeca. Dalhin mo siya at humayo, upang siya ay maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng sinabi ni Yahweh." 52 Nang narinig ng lingkod ni Abraham ang lahat ng kanilang mga salita, iniyuko niya pababa ang kanyang sarili sa lupa kay Yahweh. 53 Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina. 54 Pagkatapos kumain at uminom siya at ang mga lalaking kasama niya. Nanatili sila roon magdamag, at nang bumangon sila sa umaga, sinabi niya, "Ipadala na ninyo ako sa aking amo." 55 Sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, "Hayaan mo munang manatili kasama namin ang dalaga ng mga ilang araw pa, kahit sampu. Pagkatapos niyan maaari na siyang umalis." 56 Ngunit sinabi niya sa kanila, "Huwag ninyo akong hadlangan, yamang pinagpala ni Yahweh ang aking landas. Ipadala na ninyo ako sa aking landas upang makapunta sa aking amo." 57 Sinabi nila, "Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya." 58 Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, "Sasama ka ba sa lalaking ito?" Sumagot siya, "Sasama ako." 59 Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca, kasama ang kanyang babaing lingkod, sa kanyang paglalakbay kasama ang lingkod ni Abraham at kanyang mga kasamahang lalaki. 60 Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, "Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila." 61 Pagkatapos tumayo si Rebeca, at siya at ang kanyang mga lingkod na babae ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki. Kaya kinuha ng lingkod si Rebeca, at lumakad na sa kanyang landas. 62 Ngayon naninirahan si Isaac sa Negev, at kababalik lang galing Beerhalohai. 63 Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating! 64 Tumingin si Rebeca, at nang nakita niya si Isaac, tumalon siya pababa mula sa kamelyo. 65 Sinabi niya sa lingkod, sino iyong lalaking naglalakad sa bukid upang salubungin tayo?" Sinabi ng lingkod, "Iyon ang aking amo." Kaya kinuha niya ang kanyang belo, at tinakpan ang sarili. 66 Isinalaysay ng lingkod kay Isaac ang lahat ng mga bagay na kanyang ginawa. 67 Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob tolda ng kanyang inang si Sara at kinuha si Rebeca, at siya ay naging kanyang asawa, at siya ay minahal niya. Kaya naginhawahan si Isaac matapos ang kamatayan ng kanyang ina.



Genesis 24:1

Ngayon,

Ang salitang ito ay naghuhudyat ng pagputol sa pangunahing daloy ng kwento. Ang may akda ay nagsisimula ng isang bagong yugto para sa kwento.

Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita

Sasabihan ni Abraham ang lingkod na manumpa para gawin ang isang bagay. Nagpapakita ang paglagay ng kanyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na nangangako siyang gagawin ang ipanapangako niya.

At pasusumpain kita

Maaari itong ipahayag bilang isang utos. Maaaring isalin na: "at manumpa" (Tingnan: Imperatives-Other Uses)

pasusumpain kita kay Yahweh

Nangangahulugan ang pariralang "pasusumpain kita kay" sa paggamit ng pangalan ng isang bagay o tao bilang basehan o kapangyarihan ng isang pangako. Maaaring isalin na: "mangako ka sa akin sa ngalan ni Yahweh bilang iyong saksi"

ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa

"Ang Diyos ng langit at ng lupa." Ang mga salitang 'langit at "lupa" ay pinagsama para ipakita na ang lahat ng bagay ay likha ng Diyos. Maaaring isalin na: "ang Diyos ng lahat ng bagay sa langit at lupa"

Langit

Tumutukoy ito sa lugar kung saan nananahan ang Diyos.

Mula sa mga babaeng anak ng mga Cananeo

Tumutukoy ito sa mga babaeng Cananeo. Maaaring isalin na: "Mula sa mga babaeng Cananaeo" o "mula sa mga Cananeo"

na kasama kong nanahan

"Sa piling ng kung pinananahanan ko." Dito, ang "Ako" tumutukoy kay Abraham at sa lahat ng kanyang pamilya at mga lingkod. Maaaring isalin na: "sa piling ng kung saan kami naninirahan"

Ngunit pupunta ka

Maaari itong ipahayag bilang isang utos. Maaaring isalin na: "Mangako na aalis ka" o "Ngunit aalis"

Aking mga kamag-anak

"Aking pamilya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Genesis 24:5

Paano kung

"Ano ang dapat kong gawin kung"

Hindi papayag na sumunod sa akin

"Hindi ako susundan" o "tatangging bumalik kasama ako"

Dapat ko bang dalhin pabalik ang iyong anak sa lupain kung saan ka nanggaling

"Dapat bang dalhin ko ang iyong anak upang mamuhay sa lupain kung saan ka nagmula"

Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!

Nagbibigay diin ang pariralang "Tiyakin mo" sa utos na kasunod. Maaaring isalin na: "Ingatang hindi madala ang aking anak na lalaki pabalik doon" o "Huwag na huwag mong dalhin ang aking anak na lalaki pabalik doon."

siyang nangako sa akin ng mataimtim na panata na nagsasabing, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,'

Maaaring isalin na: "Nangako siya sa akin ng mataimtim sa kasunduang kanyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi"

siyang nangako sa akin ng mataimtim na panata

"Nagbigay siya sa akin ng isang pangako"

ipapadala niya ang kanyang anghel

Tumutukoy kay Yahweh ang salitang "siya" at "kanya".

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!

Nagbibigay diin ang pariralang "Tiyakin mo" sa utos na kasunod. Maaaring isalin na: "Ingatang hindi madala ang aking anak na lalaki pabalik doon" o

"Huwag na huwag mong dalhin ang aking anak na lalaki pabalik doon."na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama

Kumakatawan dito ang "tahanan" bilang mga taong nasa kanyang pamilya. Maaaring isalin na: "ang siyang kumuha sa akin mula sa aking ama at sa iba ko pang pamilya"

na nagsasabing, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,'

Isa itong sipi na nasa isa pang sipi. Maaari itong ihayag bilang isang hindi tuwirang sipi. Maaaring isalin na: "sinabi niya na gusto niyang ibigay ang lupaing ito sa kanyang lahi"

Genesis 24:8

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Ngunit kung hindi papayag ang babae na sumunod sa iyo

"Ngunit kung tumanggi ang babae na sumama sa iyo." Sinasagot ni Abraham ang tanong ng lingkod mula sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/05]].

magiging malaya ka mula sa kasunduan kong ito

"pakakawalan ka mula sa pangakong iyong binigay sa akin." Sinasabi ang hindi pagtupad sa isang pangako na para bang ang tao ay malaya mula sa isang bagay na nakagapos sa kanya. Maaaring isalin na: "hindi mo na dapat gawin kung ano man ang iyong pinangako sa akin na iyong dapat gawin"

inilagay ng lingkod ni Abraham ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ng kanyang among si Abraham

Para ipakitang tiyak na gagawin niya na ito ang ipinapangako niyang gawin.

nanumpa sa kanya

"nagbigay ng isang pangako sa kanya"

patungkol sa bagay na ito

"ukol sa kahilingan ni Abraham" o "na ibig niyang gawin kung ano ang sinabi ni Abraham"

Pangkalahatang Impormasyon:

Ang bersikulo 8 ay isang pagpapatuloy ng mga pagtuturo ni Abraham na binigay niya sa kanyang lingkod.

Genesis 24:10

at umalis. Nagdala rin siya

Ang pagsisimula ng pangungusap na "Kinuha niya rin" ay nagbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa dinala ng lingkod kasama niya sa paglalakbay. Tinipon niya sila bago siya umalis.

Nagdala rin siya ng lahat ng uri ng mga regalo mula sa kanyang amo

Nangangahulugan ito na kanya ring kinuha ang maraming mga magandang bagay na gusto ng kanyang amo na ibibigay sa pamilya ng babae.

Umalis siya at pumunta

"humayo at nagtungo" o "siya ay umalis at nagtungo"

Aram Naharaim

Ito ay ang pangalan ng isang pook sa hilagang lupain ng Canaan.

sa siyudad ni Nahor

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) ang siyudad kung saan si Nahor ay nanirahan" 2) "ang siyudad na tinawag na Nahor." Kung kaya mo itong isalin na hindi namimili ng kahulugan, gawin ito.

Pinaluhod niya ang mga kamelyo

Ang mga kamelyo ay matatangkad na mga hayop na may mahahabang mga binti. Kanyang pinabaluktot ang kanilang mga binti at pinababa ang kanilang mga katawan sa lupa. Maaaring isalin na: "Kanyang pinahiga ang mga kamelyo"

Balon ng tubig

"Tubig balon" o "balon" (UDB)

Sumalok ng tubig

"kumuha ng tubig" (UDB)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Genesis 24:12

Pagkatapos sinabi niya

"Pagkatapos sinabi ng lingkod"

bigyan mo ako ngayon ng tagumpay at ipakita ang iyong tipan ng katapatan sa aking among si Abraham

Maaari mo itong ihayag ng may pang-ugnay na salitang "sa pamamagitan ng." Nagbigay linaw kung paano ninais ng lingkod na magpakita ng katapatan ang Diyos sa kanyang tipan. Maaaring isalin na: "Magpakita ng katapatan sa tipan sa aking amo na si Abraham sa pamamagitan ng pagbigay sa akin ng tagumpay ngayon."

Ipagkaloob sa akin ang tagumpay

"Bigyan ako ng tagumpay." Gustong ng lingkod makahanap ng mabuting asawa para sa anak na lalaki ni Abraham. Ang basal na pangngalang "tagumpay" ay maaaring ipahayag bilang pandiwa. Maaaring isalin na: "Tulungan mo akong magtagumpay" o "Pahintulutan mo akong gawin kung ano ang ipinunta ko dito."

Ipakita ang tipan na katapatan para sa aking amo na si Abraham

Ito ay katapatan dahil sa kasunduan na ginawa ng Diyos kay Abraham. Ang basal na pangngalang "katapatan" ay maaaring ipahayag bilang "mag-ingat ka" Maaaring isalin na: "Maging matapat sa aking among si Abraham dahil sa iyong kasunduan"

Masdan

Dito ang salitang "Masdan" nagdaragdag ng diin kung ano ang sumusunod.

Ang bukal ng tubig

"Ang Bukal" o "Ang Balon"

Ang mga babaeng anak nga mga tao ng siyudad

"Ang dalagang babae ng siyudad"

Nawa ay mangyari ng ganito

"Nawa ay mangyari sa ganitong paraan" o "Gawin itong mangyari"

Nang aking sinabi sa isang dalagang babae, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang maaari akong makainom

Isa itong sipi na nakapaloob sa isa pang sipi. Maaari itong sabihin sa isang di-tuwirang sipi. AT: "Nang nagtanong ako sa isang dalagang babae na nawa painomin ako ng tubig mula sa iyong banga" Nang aking sinabi sa isang dalagang babae, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako; at sinabi niya sa akin Maaaring isalin na: "Sasabihan ko ang isang dalagang babae, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako.' Nawa ang isa na siyang magsasabi para sa akin"

Pitsel

Isang katamtamang-sukat na banga na gawa sa luwad na ginamit upang lalagyan at pagbuhusan ng mga likido.

Mga kamelyo

tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/10]].

Ang iyong lingkod na si Isaac

Ito ay tumutukoy sa anak na lalaki ni Abraham.

Na iyong pinakitaan ng tipan ng katapatan para sa aking amo

Ang basal na pangngalan "Tipan na kasunduan" ay maaaring ibig sabihin bilang "Naging matapat." AT: "Na ikaw ay naging tapat sa aking amo dahil sa iyong tipan na kasunduan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel

Dala-dala ng dalaga ang pitsel na nakalagay sa kanyang balikat. Kinailangan niyang ibaba ito upang bigyan ang lalaki ng isang maiinom.

Genesis 24:15

Nangyari na

Ang pariralang ito ay ginamit dito upang mag marka kung saan nagsisimula ang kilos. Kung ang iyong wika ay may isang paraan upang gawin ito, maaari mo itong gamitin dito.

masdan

Ang salitang "masdan" dito ay nagpapahayag ng hudyat sa atin upang bigyang-pansin ang nakakagulat na kaalaman na susunod. Pitsel. Tingnan kung paano mo naisalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/12]].

Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham

Ang ama ni Rebeca ay si Bethuel. Ang mga magulang ni Bethuel ay sina Milcah at Nahor. Kapatid ni Abraham si Nahor"

Bethuel

Ama ni Rebeca si Bethuel. Tingnan kung paano mo isnalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/20]].

Nahor

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng lalaki ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/11/22]].

Milcah

Si Milcah ay asawa ni Nahor at ina ni Bethuel. Tingnan kung paano mo naisalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/11/29]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Pumunta ang babae sa bukal at pinuno ang kanyang pitsel, at umahon

Ang bukal ay nasa isang lugar mas mababa kumpara sa lugar na kinatatayuan ng lingkod.

Genesis 24:17

upang salubungin siya

"upang salubungin ang dalagang babae"

kaunting inuming tubig

"Isang kaunting tubig" pitsel Tignan kung paano mo naisalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/12]].

aking amo

"ginoo." Dito ang dalaga ay gumamit ng terminong ito sa paggalang para tukuyin ang lalaki, kahit hindi siya ang kanyang alipin. agad niyang ibinaba ang pitsel na nasa kanyang kamay,

"Agad binaba niya ang kanyang pitsel." Dala-dala niya ang pitsel na nasa kanyang balikat.

Kanyang binaba ito upang kumuha ng tubig para sa lingkod.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Genesis 24:19

sasalok din ako ng tubig

"Kukuha ako ng tubig"

mga kamelyo

Tingnan kung paano mo naisalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/10]].

Kaya nagmadali siya at ibinuhos ang laman ng kanyang pitsel

"Kaya dali-dali niyang binuhos ang laman ng kanyang pitsel"

inuman ng mga hayop

"Ang tubig lalagyan' ng mga hayop" (UDB). Isang tubig lalagyan na bukas na mahaba para lagyan ng tubig para sa inumin ng mga hayop.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Genesis 24:21

lalaki

"Ang lingkod' (UDB)

pinanood siya

"Pinanood niya si Rebeca" o "kanyang pinanood ang dalagang babae"

upang makita

Pinag-aaralan ang isang bagay na madalas sinabi na kunwaring nakikita. Maaaring isalin na: "Upang malaman"

pinagpala... ang kanyang paglalakbay

"Nagkaroon ng katuparan ang kanyang layunin sa paglalakbay" o "Naisagawa ang kanyang paglalakbay ng matagumpay." Maaari monng gawing malinaw kung ano ang tiyak na pasya. Maaaring isalin na: "Ipinakita sa kanya ang babae na siyang ibig na maging asawa ni Isaac"

O hindi

Maaari mong ihayag ng malinaw ang naintindihang kaalaman. Maaaring isalin na: "O hindi naging matagumpay ang kanyang paglalakbay"

Mga kamelyo

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/10]].

isang gintong singsing sa ilong na tumitimbang ng kalahating siklo

"Isang gintong sing-sing na may timbang na anim na gramo"

dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga kamay na nagtitimbang ng sampung siklo

"dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga kamay na may timbang ng 110 gramo." Ang bigat ay nagpapakita sa kanilang mga sukat at halaga. Maaaring isalin na: "dalawang mahabang gintong pulseras para sa kanyang mga kamay"

Kaninong anak ka

"Sino ang iyong ama"

mayroon bang silid ang bahay ng ama mo

"Mayroon bang isang bakanteng lugar sa bahay na iyong ama"

na maaari naming pagpalipasan ng gabi

"Kung saan aming matutuluyan para sa buong gabi." Sa katunayan may iba pang mga lalaking kasamahan ang lingkod ni Abraham sa kanyang paglalakbay.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

naming

Sa katunayan may iba pang mga lalaking kasamahan ang lingkod ni Abraham sa kanyang paglalakbay. Dito ang "kami" ay tumutukoy sa lingkod at sa iba pang naglalakbay kasama niya.

pagpalipasan ng gabi

Ito ay tungkol sa oras ng gabi na katulad ng isang kagamitan ng isang tao na maaaring gastusin. Maaaring isalin na: "kung saan maaari naming mapagpahingahan para sa isang gabi."

Genesis 24:24

Sinabi niya

"Sinabi ni Rebeca" o "ang sinabi ng dalagang babae"

sa kanya

"para sa lingkod"

Ako ang babaeng anak ni Bethuel na anak ni Milcah, ang siyang nagsilang kay Nahor

"Si Bethuel ang aking ama, at ang kanyang mga magulang ay sina Milcah at Nahor"

Marami kami ng kapwa dayami at pagkain

Maaaring isalin na: Ating naintindihan na ang dayami at pagkain ay para sa mga kamelyo. Maaaring isalin na: "Mayroon kaming maraming dayami at pagkain para sa mga kamelyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

at may silid din para magpalipasan ninyo ng gabi

Tumutukoy ito tungkol sa oras ng gabi katulad sa isang kagamitan ng isang tao na ibig gastusan. Maaaring isalin na: "Na kung saan maaari kami magpalipas ng gabi."

para kayo

Dito ang "iyo" ay tumutukoy sa lingkod at sa mga kasamahan na naglalakbay kasama niya

Genesis 24:26

Ang lalaki

"Ang lingkod" (UDB) hindi tumalikod sa kanyang tipan ng katapatan

at sa kanyang pananalig

"Hindi siya huminto sa pagpapakita ng kanyang tipan ng kasunduan at pananalig' o "Nagpatuloy siya sa kanyang pagiging pagkamatapatin at mapagkatitiwalaan"

Tipan ng katapatan

Ito ay isang pagkamatapat dahil sa kasunduan na ginawa ng Diyos kay Abraham. Maaaring isalin na: "Pagkamatapatin dahil sa kanyang kasunduan" o "katapatan" o "Kabutihan dahil sa kanyang kasunduan."

Kamag-anak

"pamilya" o "angkan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Yumuko ng pababa

Ito ay isang tanda ng kababaang-loob sa harapan ng Diyos.

hindi tumalikod sa kanyang tipan ng katapatan at sa kanayang pananalig patungo sa aking amo

"Hindi siya huminto sa pagpapakita ng kanyang tipan ng katapatan at pananalig sa aking amo." ang basal na mga pangngalan "katapatan" at "Pananalig" ay maaaring ipahayag bilang "ipagpatuloy ang pagiging katapatan at pananalig." Maaaring isalin na: "ipagpatuloy ang pagiging matapat at pananalig dahil sa kanyang kasunduan kasama ang aking amo"

hindi tumalikod

Ito ay maaaring ipahayag sa positibong anyo. Maaaring isalin na: "Nagpapatuloy sa pagpapakita"

Genesis 24:28

lahat ng mga bagay

"lahat ng mga bagay na nangyari"

Ngayon

Ginamit ang salitang ito dito upang magmarka ng isang paghinto sa pangunahing kuwento. Dito nagsasabi ang may akda tungkol sa nakaraang impormasyon tungkol kay Rebeca. Ang may akda ay nagpapakilala sa kanyang kapatid na lalaki, na si Laban, sa kwento.

Bukal

Tignan kung paano mo naisalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/12]].

Nang kanyang makita ang sing-sing para sa ilong...at nang kanyang marinig ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid na babae

Ito ay nagsasabi kung bakit si Laban tumakbo papunta sa lalaki.

Nang kanyang narinig ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid na babae, "Ito ang sinabi ng lalaki sa akin,"

Ito ay maaaring ihayag bilang isang hindi tiyak na sipi. Maaaring isalin na: "Nang kanyang marinig ang kanyang kapatid na babae na si Rebeca na nagsasalaysay kung ano ang sinabi ng lalaki sa kanya"

Masdan

Ang salitang "masdan" dito ay nagdadagdag ng diin kung ano ang susunod. Maaaring isalin na: "talaga nga"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Tumakbo at sinabi niya sa kanyang inang sambahayan

ang salitang "sambayanan" ay kumakatawan sa lahat ng mga taong naninirahan sa bahay ng kanyang ina. Maaaring isalin na: "tumakbo patungo sa bahay at sinabi sa kanyang ina at sa lahat ng roon"

Nang kanyang nakita ang sing-sing para sa ilong ... at nang kanyang narinig ang mga salita ni Rebeca na kanya kapatid na babae

Ang mga ito ay nangyari bago paman siya tumakbo patungo sa lalaki. Ito ay nagsasabi kung bakit tumakbo si Laban patungo sa lalaki.

Genesis 24:31

Halika

"Pumasok ka sa loob" o "Pasok ka" Ikaw na pinagpala ni Yahweh "ikaw na siyang pinagpala ni Yahweh"

Ikaw

Ang salita ditong "Ikaw" ay tumutukoy sa lingkod ni Abraham.

Bakit ka pa tumatayo diyan sa labas?

Ginamit ni Laban ang tanong na ito upang imbitahin ang lingkod ni Abraham na pumasok sa bahay. Ang tanong na ito ay maaaring sinalin bilang pagpapahayag. Maaaring isalin na: "Hindi mo kailangan tumambay sa labas."

Kanyang tinanggalan ng mga karga ang mga kamelyo

Dito hindi malinaw kung sino ang gumawa ng trabaho. Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Tinanggalan ng mga lingkod ni Laban ng karga ang mga kamelyo"

Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain, at pinaghandaan din ng tubig

Hindi ito nangangahulugang kung sino ang gumawa ng trabaho. Kung gagamitin mo ito sa aktibong anyo "Ang mga lingkod ni Laban ang nagbigay ng dayami at pagkain sa mga kamelyo at kanilang binigyan ng tubig. upang hugasan ang kanilang mga paa at ang mga paa ng mga lalaki na kasama niya Maaaring isalin na: "para sa lingkod ni Abraham at sa mga lalaki na kanyang kasama na huhugasan ang kanilang mga paa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Kaya dumating na ang lalaki sa bahay

Ang salitang "dumating" ay maaring isasalin bilang "Pumunta."

para hugasan ang kanyang paa ... niya

"para sa lingkod ni Abraham at sa mga lalaki na kasama niya para hugasan ang ang kanilang mga paa"

Genesis 24:33

Sila

Dito, ang salitang "Sila" ay tumutukoy sa mga miyembro ng pamilya ni Laban o sa mga lingkod ng sambahayan.

Naghanda ng pagkain sa aking harapan

"Binigyan ng pagkain ang lingkod"

sinabi kung ano ang kailangan niyang sasabihin

"sinabi ko ang aking mga salita " o "Sabihin ko kung bakit ako narito"

Siya ay naging dakila

Dito ang salitang "siya" ay tumutukoy kay Abraham.

Dakila

"Napakamayaman"

Binigyan siya

Ang salitang "Siya" ay tumutukoy ito kay Yahweh.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Naghanda sila

Dito, ang salitang "sila" ay tumutukoy sa miyembro ng pamilya ni Laban o sa mga lingkod ng sambahayan.

Naging dakila

"naging napakadakila"

Genesis 24:36

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Nagsilang ng isang anak para sa aking amo

"Nagsilang ng isang anak"

Pinanumpa ako ng aking amo, sinabing

"Pinasumpa ako ng aking amo sa ibig kong gawin kung ano man ang inutos niya sa akin na gagawin ko. sinabi niya"

Mga babae na hindi galing sa mga Cananeo, ang lupain na siyang ginagawa kong tahanan

"Itong mga Cananeo na kasama nating naninirahan"

Pangkalahatang Impormasyon:

Ang lingkod ni Abraham ay nagpapatuloy sa pakikipag-usap sa pamilya ni Rebeca.

kanyang binigay ... sa kanya

"nagbigay ang aking amo ... sa kanyang anak"

Mga anak na babae na nanggaling sa mga Cananeo

Ito ay tumutukoy sa mga Cananeo na mga babae. Maaaring isalin na: "Ang mga babaeng Cananeo" o "Galing sa mga Cananeo"

Na siyang lupain na ginagawa kong tahanan

Ang pariralang "Ang siyang kasama kong naninirahan." Dito, ang "Ako" ay naghahalili kay Abraham at sa lahat ng kanyang pamilya at mga lingkod. Maaaring isalin na: "Ang siyang kasama kong naninirahan"

Sa aking mga kamag-anak

"Sa aking sariling angkan" (UDB)

Genesis 24:39

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Marahil hindi susunod sa akin ang babae.

Ito ay isang bagay na posibleng mangyari. Maaaring isalin na: "Paano kung ang babae ay hindi sasama sa akin." o "Ano ang aking gagawin kung ang babae ay hindi sasama sa akin?"

Ang siyang aking pinaglilingkuran

Ang paglilingkod kay Yahweh ay sinabi na para bang si Abraham ay naglalakad sa presensya ni Yahweh. Maaaring isalin na: "Ang siyang aking pinaglilingkuran"

Kanyang papaunlarin ang iyong paglalakbay

"Gagawin niya ang iyong paglalakbay na maging matagumpay"

kalinya ng kanyang pamilya

"Pamilya"

Ngunit magiging malaya ka sa aking pangako kung pupunta ka sa aking mga kamag-anak at kapag hindi nila ibigay ang babae sa iyo. Pagkatapos, magigiging malaya ka sa aking sumpa

Ito ay isa lamang palagay ni Abraham sa isang sitwasyon na hindi inisip kung ano ang maaring mangyari. Mga posibleng kahulugan 1) "Mayroon lamang isang paraan upang ikaw ay maging malaya mula sa aking sumpa: Kung pupunta ka sa aking mga kamag-anak at kapag hindi nila ibinigay ang babae sa iyo, kaya magiging malaya ka mula sa aking sumpa" o 2) Sa talata 40, "Kung pupunta ka sa pamilya ng aking ama at magtatanong para sa isang babae, kailangan mong gawin kung ano ang mga sinabi ko sa iyo na gagawin mo. Kapag hindi sila magbigay ng babae sa iyo, nangangahulugang magiging malaya ka mula sa aking sumpa na iyong pinangako sa akin."

Kung pupunta ka sa aking mga kamag-anak

Mayroong iba't-ibang mga wika na ginamit ang mga salitang dumarating at nawawala. Maaaring isalin na: "Kapag marating mo ang tahanan ng aking mga kamag-anak" o "Kapag pupunta ka sa aking mga kamag-anak"

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy na nakikipag-usap ang lingkod ni Abraham sa pamilya ni Rebeca.

Magiging malaya ka mula sa aking sumpa

"Magiging malaya ka mula sa aking sumpa na iyong ginawa sa akin." Hindi pa naisakatuparan ang isang sumpa na naisalita ay kunwaring ang tao ay malaya na mula sa isang bagay na kung saan kanya pang itatakda.

Genesis 24:42

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Ang bukal

"Ang balon"

Narito ako, tumatayo sa gilid ng bukal ng tubig

Ang lingkod ay nag-abala kung ano ang kanyang gawing tanong sa Diyos at sa pamamagitan nito mailapit ng Diyos ang kanyang pansin sa lingkod sa lugar kung saan siya nakatayo.

Sana ang dalagang babae na darating...ang babae na siyang sabihan ko ng...ang dalagang babae na siyang magsasabi sa akin

Ang lingkod ay bumalik upang sabihin ang kanyang kahilingan, at mayroon siyang tatlong sasabihin tungkol sa babae na kanyang inasahan na ibig niyang dumating.

upang kumuha ng tubig

"Para sumalok ang tubig"

Pitsel

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/15]].

sana ay siya na maging babae

Tinapos ng lingkod ang kanyang kahilingan.

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy na nakikipag-usap ang lingkod ni Abraham sa pamilya ni Rebeca.

Sana ang dalagang babae na darating...ang babae na siyang sabihan ko ng...ang babae na magsasabi sa akin

Ang lingkod ay bumalik upang sabihin ang kanyang kahilingan, at mayroon siyang tatlong sasabihin tungkol sa babae na kanyang inasahan na ibig niyang dumating.

Genesis 24:45

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Nangusap sa kanyang puso

Nagdasal ng tahimik sa sariling isipan na kunwari siya ay nagsasalita sa kanyang puso. Ang salitang "Puso" tumutukoy sa kanyang pananaw at sa kanyang isipan. Maaaring isalin na: "Nagdarasal"

masdan

Ang salitang "masdan" dito ay hudyat sa atin upang bigyan ng pansin ang kamangha-manghang kaalaman sa susunod. Maaaring isalin na: "Talaga nga" o "Biglaan."

Pitsel

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/15]].

Bukal

"Balon"

Pinainom ang mga kamelyo

"Binigyang tubig ang mga kamelyo"

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy na nakikipag-usap ang lingkod ni Abraham sa pamilya ni Rebeca.

Bumaba siya patungo sa bukal

Ang pariralang "Bumaba" ay ginamit dahil ang bukal ay nasa mababang bahagi kumpara sa lugar kung saan siya nakatayo.

Genesis 24:47

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Ang babaeng anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.

"Ang ama ko at si Bethuel. Ang kanyang mga magulang ay sina Nahor at Milcah."

nanguna sa akin sa tamang landas

"Dinala ako dito" ang siyang nanguna sa akin Ang pang-unay na salitang "dahil" maaaring gamitin upang ipakita ito kung bakit ang lingkod ay sumamba sa Diyos. Maaaring isalin na: "dahil si Yahweh ang gumabay sa akin" (Tingnan sa:

Ang kamag-anak ng aking amo

Ito ay tumutukoy kay Bethuel, ang anak ni Abraham sa kanyang kapatid na si Nahor.

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nakikipag-usap ang lingkod ni Abraham sa pamilya ni Rebeca.

Ang babaeng anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya

"Aking ama si at Bethuel. Ang kanyang mga magulang ay sina Nahor at Milcah"

Sing-sing ... pulseras

Tingnan kung paano ito isinalin sa mga [[rc://tl/bible/notes/gen/24/21]].

lumuhod ako

Ito ay isang palatandaan ng kababaang-loob sa harapan ng Diyos.

Genesis 24:49

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Ngayon sa makatuwid

"Ngayon" (UDB). Dito "Ngayon" ay hindi nangangahulugan ng "sa mismong oras na ito, " ngunit ito ay ginagamit upang ilapit ang pansin sa mahalagang punto na susunod.

Kung ikaw ay handa ng ituring ang aking amo kasama ang kanyang pamilyang may katapatan at may pananalig, sabihan mo ako.

Paano nila ibig ipakita ang kanilang katapatan at pananalig ay maaring tahasang sabihin. Maaaring isalin na: "Sabihin mo sa akin na magiging tapat ka at kapanaligan ka ng aking amo kapag maging kapiling mo na Rebeca ang anak ng aking amo.

Ikaw

Ang salitang "Ikaw" ay tumutukoy ito kay Laban at Bethuel.

Pamilyang may Katapatan

Ito ang katapatan ng mga miyembro ng aking pamilya. Ngunit kung hindi Ang naintindihang kaalaman maaring malinaw na sabihin. Maaaring isalin na: "Ngunit kung hindi ka handa na ituring ang aking amo na mayroong katapatan at pananalig." Upang ako ay lumiko papunta sa kaliwang kamay. o papunta sa kanan Mga posibleng kahulugan 1) nag-iisip kung ano ang dapat sabihin na para bang ang tao ay pisikal na liliko sa kanayang pupuntahan o sa ibang daan. Maaaring isalin na: "Upang malaman ko kung ano ang aking gagawin" o 2) gustong malaman ng lingkod kung kailangan niyang maglakbay sa iba pang lugar. AT: "Upang maipatuloy ko ang aking paglalakbay"

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy na nakikipag-usap ang lingkod ni Abraham sa pamilya ni Rebekka.

Kung ikaw ay handa ng ituring ang aking amo kasama ang kanyang pamilyang may katapatan at may pananalig, sabihin mo sa akin

Paano nila ibig ipakita ang kanilang katapatan at pananalig at maaring tahasang sabihin. Maaaring isalin na: "Sabihin mo sa akin na magiging tapat ka at kapanaligan ka ng aking amo kapag maging kapiling mo na Rebeca ang anak ng aking amo.

Pagkamatapatin at kapapanaligan

Ang mga ito ay mga basal na pangngalan at maaring sabihin bilang "Matapat at mapanalig."

Genesis 24:50

Bethuel

Ito ay ama nina Laban at Rebeca.

Ang bagay na ito ay galing kay Yahweh

"Si Yahweh ang siyang gumawa ng lahat ng mga ito upang mangyare "

Hindi kami makapagsasabi sa'yo kung ito ay masama o mabuti

Sila ay nagsasabi na wala silang karapatan para magpasiya kahit kung ito'y ginawa ng Diyos na mabuti o masama. Maaaring isalin na: "Hindi kami maglalakas-loob na hatulan kung ano man ang ginagawa ni Yahweh."

Masdan

Ang salitang "Masdan" dito ay nagdadagdag ng diin kung ano man ang susunod.

Nasa harapan mo si Rebeca.

"Na rito si Rebeca"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Genesis 24:52

Ang kanilang mga salita

"Laban at Bethuel na mga salita." Ang salitang "Mga salita" ay humahalili kung ano ang kanilang sinabi. Maaaring isalin na: "Ang sinabi ni Laban at Bethuel"

Kanyang iniyuko ang kanyang sarili paibaba

Pagyuko ng paibaba sa harapan ng Diyos ay isang pagpapahayag ng pagsamba sa Diyos.

Ang mga artikulo ng pilak at mga artikulo ng ginto

"Pilak at gintong mga bagay" o "Mga bagay na galing sa pilak at ginto"

Mahalaga

"Mamahalin" o "Mahalaga"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Mahalagang mga regalo

"Mamahaling mga regalo" o "Mahahalagang mga regalo"

Genesis 24:54

Siya at ang kanyang mga kasamang mga lalaki na sumama sa kanya

"Lingkod ni Abraham at ang kanyang kasamahang mga lalaki"

Magpalipas doon ng buong gabi

"Natulog doon nang buong gabi"

Bumangon sa kinaumagahan

"Bumangon sa kinaumagahan'

Ilang mga araw, kahit sampu

"Kahit sampu o mahigit pa sa samapung araw"

Sampu

"10"

Pagkatapos noon

"Pagkatapos"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Pauwiin na ninyo ako

"Hayaan na ninyo akong umalis at bumalik"

Genesis 24:56

sinabi niya

"sinabi ng lingkod ni Abraham"

para sa kanila

"para sa kapatid na lalaki at ina ni Rebeca"

Huwag ninyo akong hadlangan

"Huwag ninyo akong patagalin" (UDB) o "Huwag ninyo akong paghintayin"

Ipadala na ninyo ako sa aking landas

"Hayaan na ninyo akong umalis"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

pinagpala ni Yahweh ang aking landas

Dito tumatayo ang salitang "daan" sa isang paglalakbay. Maaaring isalin na: "Si Yahweh ang nagdulot sa akin na magtagumpay tungkol pakay ng aking paglalakbay"

Genesis 24:59

Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca

"Kaya pinadala ng pamilya si Rebeca"

kanilang kapatid

Kapatid si Rebeca ni Laban. Maaaring isalin na: "kanilang kamag-anak" o "Kapatid ni Laban"

Ang kanilang babaeng lingkod

Tumutukoy ito sa babaeng lingkod na siyang nagpakain kay Rebeca noong bata pa siya, nag-alaga sa kanya noong bata pa siya, at pinaglilingkuran parin siya hanggang ngayon.

Aming kapatid

Hindi kapatid si Rebeca ng lahat sa kanyang pamilya. Ngunit tinawag siya nito upang ipakitang mahal nila siya. Maaaring isalin na: "Aming mahal na si Rebeca"

nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo

Nagpapahiwatig na ninuno ang salitang "ina" dito . Maaaring isalin na: "Maging ninuno ka nawa ng milyun-milyong mga tao" o "Magkaroon ka nawa ng maraming kaapu-apuhan"

nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila

Sasalakay paloob sa mga tarangkahan ng kanilang mga kalaban ang mga hukbo at lulupigin ang mga tao. Maaaring isalin na: "tuluyan nawang matalo ng inyong mga kaapu-apuhan ang mga namumuhi sa kanila"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

mga libu-libo ng sampung libo

Nangangahulugan itong isang napalaking bilang o dami na hindi mabibilang.

Genesis 24:61

Pagkatapos tumindig si Rebeca, siya at ang kanyang lingkod na mga babae ay sumakay na sa mga kamelyo

"Pagkatapos si Rebeca at ang kanyang lingkod na mga babae ay tumungo at sumakay na sa ibabaw ng mga kamelyo"

Ang siyang lingkod na kinuha ni Rebeca, at tumungo na sa kanilang daan

"Sa ganitong paraan ang lingkod ni Abraham na nagdala kay Rebeca at tumungo pabalik sa lugar na kanyang pinanggalingan"

Ngayon

Ang salitang ito ay nagtatanda sa isang pagbago sa kuwento. Ito ay nagpapahayag na ang lingkod ay naghahanap ng isang mapapangasawa. at ngayon ito ay magsasabi tungkol kay Isaac.

Beerlahairoi

Ito ay isang pangalan ng isang tubig balon na nasa Negev. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/16/13]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

Genesis 24:63

Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi

"Isang gabi lumabas si Isaac patungo sa parang para magisip-isip." Maaaring napakahabang panahon ito pagkatapos umalis ng kanyang tahanan ang lingkod at ni Rebeca sapagkat malayo ang nilakbay nila.

Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!

Dito naghahayag ang salitang "masdan" ng hudyat upang ating bigyang pansin ang matalinhagang kaalaman na kasunod. Maaaring isalin: "Namangha siya ng tumingala siyang makita ang mga kamelyong paparating"

Tumingin si Rebeca

"Tumingala si Rebeca"

tumalon siya pababa mula sa kamelyo

"Agad siyang bumaba sa kamelyo"

Kaya kinuha niya ang kanyang belo, at tinakpan ang sarili

"Kaya kanyang tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang belo." Tanda ito ng respeto at kababaang-loob tungo sa lalaki na kanyang pakakasalan.

Belo

Isang kapiraso ng tela na ginagamit para sa ulo ng isang tao, mga balikat, at sa mukha

Genesis 24:66

At kinuha si Rebeca, at siya ay naging asawa

Nangangahulugan ang dalawang mga parirala na pinakasalan ni Isaac si Rebeca. Maaaring isalin na: "At pinakasalan si Rebeca" o "at kinuha siya bilang kanyang asawa"

Kaya si Isaac ay nagkaroon ng kaluwagan

Maaari sabihin ang saitang ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Kaya nagdulot ng kaginhawaan si Rebeca kay Isaac"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/24]]


Chapter 25

1 Kumuha ng isa pang asawa si Abraham; ang kanyang pangalan ay Keturah. 2 Isinilang niya sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak, at si Shuah. 3 Si Jokshan ay naging ama nina Sheba at Dedan. Ang mga kaapu-apuhan ni Dedan ay ang lahi ng Assyria, ang lahi ng Letush at ang lahi ng Leum. 4 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Ephah, Epher Hanoch, Abida at si Eldaah. Lahat ng mga ito ay mga kaapu-apuhan ni Keturah. 5 Ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac. 6 Subalit, habang siya ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at pinadala sila sa lupain ng silangan, malayo mula sa kanyang anak na si Isaac. 7 Ito ang naging mga araw ng mga taon sa buhay ni Abraham na kanyang ibinuhay, 175 na mga taon. 8 Inihinga ni Abraham ang kanyang huli at namatay sa isang kalugud-lugud na katandaan, isang matandang lalaking puno ng buhay. At siya ay natipon sa kanyang bayan. 9 Sina Isaac at Ismael, na kanyang mga anak, ay inilibing siya sa kuweba ng Macpela, sa lupain ni Epron na anak na lalaki ni Zohar na mga anak ni Heth, na malapit sa Mamre. 10 Ang lupang ito ay binili ni Abraham mula sa mga anak na lalaki ni Heth. Si Abraham ay inilibing doon kasama ng kanyang asawang si Sara. 11 Pagkatapos ng kamatayan ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak, at si Isaac ay nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi. 12 Ngayon ang mga ito ay ang mga kaapu-apuhan ni Ismael, na anak na lalaki ni Abraham, kay Hagar na taga Ehipto, na lingkod ni Sara, nagsilang mula kay Abraham. 13 Ang mga ito ay ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunud ng kapanganakan: Nebayot—ang panganay ni Ismael, Kedar, Abdeel, Mibsam, 14 Misma, Duma, Massa, 15 Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedama. 16 Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael, at ang mga ito ay ang kanilang mga pangalan, ayon sa kanilang mga nayon, at sa kanilang mga kampo; labindalawang prinsipe ayon sa kanilang mga tribu. 17 Ang mga ito ay ang mga taon sa buhay ni Ismael, 137 na mga taon: inihinga niya ang kanyang huli at namatay, at natipon sa kanyang bayan. 18 Sila ay nanirahan mula sa Havila hanggang Shur, na malapit sa Ehipto, nagkaisa sila na pumunta sa Assyria. Nanirahan silang may poot sa bawat isa. 19 Ang mga ito ay ang mga pangyayari patungkol kay Isaac, na anak na lalaki ni Abraham: Si Abraham ang naging ama ni Isaac. 20 Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo. 21 Nagdasal si Isaac kay Yahweh para sa kanyang asawa dahil wala itong anak, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal, at si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis. 22 Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya, "Bakit ito nangyayari sa akin?" Tinanong niya si Yahweh tungkol dito. 23 Sinabi ni Yahweh sa kanya, "Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan, at dalawang bayan ang mahihiwalay mula sa iyong loob. Isang bayan ang magiging mas malakas kaysa sa isa, at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata." 24 Nang oras na para siya ay manganak, masdan mo, mayroong kambal sa kanyang sinapupunan. 25 At ang unang lumabas ay nababalutan ng pula gaya ng mabalahibong damit. Tinawag nila siya sa kanyang pangalan na Esau. 26 Pagkatapos noon, ang kanyang kapatid ay lumabas. Ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau. Siya ay tinawag na Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang ang kanyang asawa ay nagsilang sa kanila. 27 Ang mga bata ay lumaki na, at si Esau ay naging mahusay na mangangaso, isang taong sanay sa gubat; subalit si Jacob ay isang tahimik na tao, na ginugugul ang kanyang oras sa mga tolda. 28 Ngayon minahal ni Isaac si Esau dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli, subalit si Rebeca ay minahal si Jacob. 29 Si Jacob ay nagluto ng nilaga. Dumating si Esau mula sa gubat, at siya ay nanghihina sa gutom. 30 Sinabi ni Esau kay Jacob, "Pakainin mo ako niyang mapulang nilaga. Pakiusap, ako ay pagod!" Kaya iyon ang dahilan na ang kanyang pangalan ay tinawag na Edom. 31 Sinabi ni Jacob, "Ipagbili mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay." 32 Sabi ni Esau "Tingnan mo, ako ay halos mamamatay na. Ano ang kabutihan ng karapatan ng unang isinilang sa akin?" 33 Sinabi ni Jacob, "Manumpa ka muna sa akin." Kaya sumumpa si Esau at sa ganung paraan ipinagbili niya kay Jacob ang kanyang karapatan ng unang pagkasilang. 34 Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang.



Genesis 25:1

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Lahat ng mga ito

Ito ay tumutukoy sa mga taong pinangalan sa talata 2-4

Pangkalahatang Impormasyon

Tingnan .

Genesis 25:5

Ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac

"Minana lahat ni Isaac ang pag-aari ni Abraham." Karaniwan na ito para sa ama na hatiin ang kanyang kayamanan kapag siya ay matanda na at hindi iwanan iyon para sa iba ang gumamit pagkatapos niyang mamatay.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Genesis 25:7

Ito ang naging mga araw ng mga taon sa buhay ni Abraham na kanyang ibinuhay, 175 taon

"Si Abraham ay nabuhay ng 175 taon"

Inihinga ni Abraham ang kanyang huli at namatay

"Inihinga ni Abraham ang kanyang huli at namatay." Maaring isalin na: "Namatay si Abraham"

sa kalugud-lugud na katandaan, isang matanda na puno ng buhay

Ang dalawang pariralang ito ay iisa lang ang ibig sabihin at binigyang-diin na si Abraham ay nabuhay ng napakahabang panahon. Maaring isalin na: "Nang siya ay nabuhay ng napakahabang panahon at napakatanda" (Tingnan: [[rc://tl/ta/vol2translate/figs-doublet]])

siya ay natipon sa kanyang lahi

Ibig sabihin nito na pagkatapos ni Abraham ay namatay, ang kanyang kaluluwa ay pumunta sa parihong lugar ng kanyang mga kamag-anak na naunang namatay sa kanya. Ito ay maaaring pinapahayag sa aktibong paraan. Maaring isalin na: "siya ay sumali sa kanyang kamag-anak na naunang namatay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Ito ang naging mga araw ng mga taon sa buhay ni Abraham, 175 taon

"Nabuhay si Abraham ng 175 taon"

Inihinga ang kanyang huli

Ito ay ang magalang na paraan sa pagsasabing ang tao ay namatay.

isang matandang lalaking puno ng buhay

Ang pagkabuhay ng mahabang panahon ay sinasabi na ang buhay ay parang isang lalagyan na naging puno.

Genesis 25:9

ang kuweba ng Macpela, sa lupa ni Ephron

Si Ephron ang nagmamay-ari ng lupain sa Macpela at ang kuweba na nasa lupaing iyon. Binili ni Abraham ang lupain sa Epron.

Macpela

Tingnan kung paano mo isinalin itong pangalan ng lugar sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/07]].

Ephron...Zohar

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalan ng taong ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/07]].

na malapit sa Mamre

Ang Macpela ay malapit sa Mamre.

Mamre

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng lugar na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/17]].

Ang lupaing ito na nabili ni Abraham

"Binili ni Abraham ang lupaing ito"

mga anak na lalaki ni Heth

"ang mga kaapu-apuhan ni Heth" o "ang mga anak ni Heth." Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/05]].

Beer-lahai-roi

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng lugar na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/16/13]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Ephron ... Zohar

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalan ng mga lalaki sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/07]].

Inilibing si Abraham

Ito ay maaring ipinahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Inilibing nila si Abraham"

kanyang anak na lalaki

"anak na lalaki ni Abraham"

Genesis 25:12

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit sa Ingles para ipakilala ang bagong bahagi ng kuwento at impormasyon tungkol kay Ismael.

[[rc://tl/bible/questopms/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questopms/comprehension/gen/25]]

Genesis 25:13

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael...at ito ang kanilang mga pangalan, ayon sa kanilang mga nayon, at sa kanilang mga kampo; labindalawang prinsipe ayon sa kanilang lipi

Maaring isalin na: "Ito ang mga pangalan ng labindawalang mga anak na lalaki. Pinangunahan nila ang mga liping ipinangalan sa kanila, at ang bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng sarili nilang mga nayon at mga kampo.

labindalawa

"12"

mga prinsipe

Dito ang salitang "mga prinsipe" ay may ibig sabihin na ang mga lalaki ay mga pinuno o mga nangangasiwa ng mga lipi; hindi ibig sabihin na sila ay ang mga anak na lalaki ng hari.

Pangkalahatang Impormasyon:

Tingnan:.

Genesis 25:17

Ito ang mga taon sa buhay ni Ismael, 137 taon

"Nabuhay si Ismael ng 137 taon"

inihinga niya ang kanyang huli at namatay

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/25/07]].

natipon sa kanyang lahi

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/25/07]].

Sila ay nanirahan

"Ang kanyang mga kaapu-apuhan ay namalagi" (UDB)

mula sa Havila hanggang Shur

"sa pagitan ng Havila at Shur"

Havila

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/02/11]].

bilang ang isa ay napupunta patungong

"sa direskyon ng"

Nanirahan silang may poot sa bawat isa

Ang mga posibling ibig sabihin nito ay 1) "hindi sila namuhay ng payapa na magkasama" (UDB), o 2) "sila ay nanirahan malayo sa iba nilang kamag-anak."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Ito ang mga taon sa buhay ni Ismael, 137 taon

"si Ismael ay nabuhay ng 137 taon"

Genesis 25:19

Ito ang mga pangyayari patungkol kay Isaac, na anak na lalaki ni Abraham

Ang pangungusap na ito ay nagpapakilala sa kasaysayan ng mga kaapu-apuhan ni Isaac sa Genesis 25:19-35:29. Maaring isalin na: "Ito ay ang mga pangyayari sa mga kaapu-apuhan ni Isaac, na anak na lalaki ni Abraham."

apatnapung

"40"

nang kinuha niya bilang asawa si Rebeca

"nang pinakasalan niya si Rebeca"

Bethuel

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng taong ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/20]].

Padan-aram

Ito ang pangalan ng isang lupain.

Laban

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng taong ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/28]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

apatnapung taong gulang

"40 taong gulang"

Genesis 25:21

wala siyang anak

"siya ay walang kakayahang mag buntis"

si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis

Ito ay maaring gawaing hayagan na si Rebeca ay nagdalang-tao ng dalawang sanggol sa parehong panahon: "Rebeca, ang kanyang asawa, ay nagdalantao ng kambal."

Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya

"ang mga sanggol sa loob niya ay patuloy na nagbabanggaan" o "Ang mga sanggol ay nagtulakan sa isa't-isa sa loob niya"

Pumunta siya at tinanong si Yahweh tungkol dito

"Pumunta siya at tinanong si Yahweh tungkol dito." Hindi malinaw kung saan siya pumunta. Maaring siya ay pumunta sa isang pribadong lugar para magdasal, o maari siyang pumunta sa isang lugar para mag-alok ng pag-aalay.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Ang mga bata...sa loob niya

Si Rebeca ay nagbuntis ng kambal.

Genesis 25:23

sinabi sa kanya

"sinabi kay Rebeca"

Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan

Ito ay patulang salita na nangangahulugan na ang dalawang anak ay magsisimulang maging magkahiwalay na bansa. Maaring isalin na: "Dalawang bansa ang manggagaling mula sa kambal sa loob mo" o "Ang dalawang sanggol sa iyong sinapupunan ang bawat isa ay magiging ninuno ng isang bansa."

at dalawang mga lahi ang mahihiwalay galing sa loob mo

Ito ay maaring isalin sa aktibong pandiwa: "at ang dalawang bayan ay maghihiwalay mula sa isa't-isa kahit na ipanganak mo sila."

ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata

Maaring ang ibig sabihin nito ay ang mga 1) "ang mas matandang anak na lalaki ay ang maglilingkod sa mas batang anak na lalaki" o 2) "ang kaapu-apuhan ng mas matandang anak na lalaki ay magsilbi sa mga kaapu-apuhan ng mas batang anak na lalaki." Kung posible, ay isalin ito upang maintindihan ng mga tao sa alinmang kahulugan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Genesis 25:24

masdan mo

Ang salitang "masdan mo" dito ay nagdadagdag ng diin sa ano mang sumusunod. Maaring isalin na: "indeed"

mapula ang kabuuan gaya ng mabalahibong damit

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) ang kanyang balat ay pula at siya ay maraming buhok sa kanyang katawan o 2) meron siyang maraming mapulang buhok sa kanyang katawan. AT: "at siya ay pula at mabuhok gaya ng isang damit na ginawa galing sa balat ng hayop"

Esau

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng isang talababa na nagsasabi "Ang pangalang Esau ay katulad ng tunog ng 'mabalahibo.'"

nakakapit sa sakong ni Esau

"nakahawak sa likod na parte ng paa ni Esau"

Jacob

maaring dagdagan ng mga tagasalin ng isang talababa na nagsasabi "Ang ibig sabihin ng pangalang Jacob ay 'hinawakan niya ang sakong.'"

animnapu

"60"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

animnapung taong gulang

"60 taong gulang"

Genesis 25:27

naging mahusay na mangangaso

"naging magaling sa pangangaso at pagpatay ng mga hayop para sa pagkain"

isang tahimik na tao

"isang mapayapang tao" o " isang hindi gaanong masiglang tao"

Ngayon

ang salitang ito ay ginamit dito para markahan ang isang pagbabago mula sa kuwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol kina Isaac at Rebeca.

minahal

Dito ang salitang "minahal" ay ibig sabihin "napaboran" o "ginusto."

dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli

"dahil nakain niya ang mga nahuling hayop ni Esau" o "dahil nasiyahan siyang kumain ng karne ng ligaw na hayop na nahuli ni Esau"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

na ginugugul niya ang kanyang oras sa mga tolda

Ito ay nagsasabi tungkol sa oras na kung ito ay mistulang isang kalakal na maaring gastosin ng isang tao. Maaring isalin na: "na nanatili sa tolda ng maraming oras"

minahal ni Isaac

Dito ang salitang "minahal" ay may ibig sabihin na "napaboran" o "ginusto."

Genesis 25:29

si Jacob ay nagluto

Dahil ito ang umpisa sa isang kuwento tungkol sa isang bagay na nangyari isang pagkakataon, ang ibang tagasalin ay maaring mag-umpisa sa isang parirala gaya ng "Isang araw, nagluto si Jacob" sa isang katulad na paraan sa UDB.

nagluto ng ilang nilaga

"pinakuluang pagkain" o "nagluto ng sopas." Ang nilagang ito ay gawa sa pinakuluang mga lentil. (Tingnan: [[rc://tl/bible/notes/gen/25/31]])

siya ay nanghihina sa gutom

"Siya ay nanghihina na sapagkat siya ay gutom na gutom" o "siya ay gutom na gutom"

ako ay nanlalambot na

"Ako ay pagod na pagod na sa gutom" o "Ako ay gutom na gutom na"

Edom

maaring madagdagan ng mga tagasalin ng isang talababa na nagsasabi "Ang pangalang Edom ay may ibig sabihin na 'pula.'"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

Genesis 25:31

karapatan bilang panganay

"karapatan bilang panganay para magmana ng halos lahat ng yaman ng ating ama" (UDB)

ako ay halos mamatay na

Nagsalita ng labis si Esau para bigyang-diin kung gaano na siya kagutom. AT: "Ako ay gutom na gutom na pakiramdam ko ay mamamatay na ako"

Ano pa ang kabutihan ng karapatan ng isinilang sa akin?

Gumamit si Esau ng isang tanong para idiin na mas importante ang kumain kaysa karapatan ng isinilang. Ito ay maaring maisalin bilang isang pahayag. Maaring isalin na: "Ang aking pamana ay hindi na makabubuti sa akin kung mamatay ako sa gutom!"

Manumpa ka muna sa akin

Ano ang ninais ni Jacob kay Esau para manumpa ay maaring ipahayag ng malinaw. Maaring isalin na: "Mangako ka muna sa akin na iyong ipagbibili sa akin ang iyong karapatan ng isinilang"

mga lentil

Ang mga ito ay pareho ng patani, subalit ang kanilang mga buto ay napakaliit, mabilog, at medyo patag.

kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng isinilang

"Pinakita ni Esau na hindi niya pinapahalagahan ang kanyang karapatan ng isinilang"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/25]]


Chapter 26

1 Ngayon, may taggutom sa lupain, bukod pa sa naunang taggutom na nagkaroon sa panahon ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, ang hari ng Filisteo sa Gerar. 2 Ngayon nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi, "Huwag kang pumunta sa Ehipto; tumira ka sa lugar na sinabi ko na iyong pagtirhan. 3 Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama. 4 Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat na mga lupaing ito. Sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain. 5 Gagawin ko ito dahil sinunod ni Abraham ang aking utos at sinunod niya ang aking mga tagubilin, mga utos ko at mga batas ko." 6 Kaya namalagi si Isaac sa Gerar. 7 Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, "Siya ay aking kapatid na babae." Natakot siyang sabihin, "Siya ay aking asawa," dahil naisip niya, "Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya." 8 Pagkatapos, nagtagal si Isaac doon, Si Abimelec ang hari ng mga Filisteo ay nagkataong tumingin sa labas sa bintana. Nakita niya, masdan, si Isaac na nilalambing si Rebeca, na kanyang asawa. 9 Ipinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya at sinabi, "Tingnan mo, tiyak nga na siya ay iyong asawa. Bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?" Sinabi ni Isaac sa kanya, "Dahil naisip ko na maaring mayroong pumatay sa akin para makuha siya." 10 Sinabi ni Abimelec, "Ano itong ginawa mo sa amin? Maaring may taong madaling sumiping sa iyong asawa, at madala mo sa amin ang pagkakasala." 11 Kaya binalaan ni Abimelec ang lahat ng mga tao at sinabi, "Kung sino man ang gumalaw sa taong ito o sa kanyang asawa ay tiyak na malalagay sa kamatayan." 12 Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani sa parehong taon ng isang sandaang beses, dahil pinagpala siya ni Yahweh. 13 Naging mayaman siya, at lumago ng higit-higit pa hanggang siya ay naging napakadakila. 14 Mayroon siyang maraming tupa at mga baka, at isang malaking sambahayan. Ang mga Filisteo ay kinaiinggitan siya. 15 Ngayon ang lahat ng mga balon na hinukay ng mga lingkod ng kanyang ama sa panahon ni Abraham, na hininto ng mga Palestina sa pamamagitan ng pag-tambak ng lupa. 16 Sinabi ni Abimelec kay Isaac, "Umalis ka palayo sa amin, dahil mas makapangyarihan ka kaysa sa amin." 17 Kaya umalis si Isaac mula doon at namalagi sa lambak ng Gerar, at nanirahan doon. 18 Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig, na hinukay nila noong panahon ni Abraham na kanyang ama. Pinahinto sila ng mga Filisteo pagkatapos mamatay ni Abraham. Tinawag ni Isaac ang mga balon sa parehong mga pangalan na binigay ng kanyang ama dito. 19 Nang naghukay ang mga lingkod ni Isaac sa lambak, nakita nila doon ang isang balong dumadaloy ang tubig. 20 Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi "Ang tubig na ito ay sa amin." Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon na "Esek," dahil nakipag-away sila sa kanya. 21 Pagkatapos naghukay sila ng isa pang balon, at nag-away rin sila nito, kaya binigyan niya ito ng pangalang "Sitnah." 22 Umalis siya doon at naghukay muli ng isa pang balon, subalit hindi na nila pinag-awayan ang isang iyon. Kaya tinawag niya itong Rehobot, at sinabi niya, "Ngayon ay gumawa si Yahweh ng kaluwagan sa amin, at tayo ay sasagana sa lupa." 23 Pagkatapos pumunta si Isaac mula doon patungong Beer-seba. 24 Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, "Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham." 25 Nagtayo si Isaac ng altar doon at tumawag sa pangalan ni Yahweh. Nagtindig siya ng tolda doon, at ang kanyang mga lingkod ay naghukay ng balon. 26 Pagkatapos si Abimelec ay pumunta sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzat, kanyang kaibigan, at si Picol, ang kapitan ng kanyang hukbo. 27 Sinabi ni Isaac sa kanila, "Bakit kayo naparito sa akin, samantalang galit kayo sa akin at pinaalis ninyo ako palayo sa inyo?" 28 At sinabi nila, "Malinaw naming nakita na si Yahweh ay iyong kasama. Kaya napagpasyahan namin na dapat ay mayroong sumpaan sa pagitan natin, oo, sa pagitan mo at sa amin. Kaya gagawa kami ng tipan sa iyo, 29 na hindi mo kami sasaktan, gaya ng hindi namin pananakit sa iyo, at sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo at sa pagpapaalis namin sa iyo ng mapayapa. Tunay nga, ikaw ay pinagpala ni Yahweh." 30 Kaya gumawa si Isaac ng pista para sa kanila, at sila ay kumain at uminom. 31 Bumangon sila ng maaga kinabukasan at sila ay nagsumpaan sa bawat isa. Pagkatapos pinaalis sila ni Isaac, at siya ay iniwan nila ng mapayapa. 32 Nang araw ding iyon dumating ang mga lingkod ni Isaac at sinabi sa kanya tungkol sa balong kanilang hinukay. Sinabi nila, "Nakakita kami ng tubig", 33 Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito. 34 Nang si Esau ay apatnapung taong gulang na, siya ay nag-asawa, si Judit ang anak ni Beeri na mga anak ni Heth, at saka si Basemat ang anak na babae ni Elon na mga anak ni Heth. 35 Sila ay nagdala ng kalungkutan kay Isaac at Rebeca.



Genesis 26:1

Ngayon

Ginamit ang salitang ito dito para markahan ang bagong bahagi ng kuwento.

isang taggutom ang nangyari

"mayroong taggutom" o "mayroong isa pang taggutom"

sa lupa

alinmang lupain tinutukoy nito ay maaari itong ipahayag ng tahasan. Maaring isalin na: "sa lupa kung saan si Isaac at kanyang pamilya namuhay"

na nagkaroon sa panahon ni Abraham

Ang pariralang "sa panahon" ay tumatayong nang si Abraham ay nanirahan. Maaring isalin na: "na nangyari sa panahon sa buhay ni Abraham"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Genesis 26:2

nagpakita sa kanya

"nagpakita kay Isaac"

sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito

"sapagkat ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan"

tutuparin ang sinumpaan

Maaring isalin na: "Panatilihin ang pangako"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Ngayon si Yahweh ay nagpakita

Dito ang "Ngayon" ay nagpapakilala kay Yahweh sa bahaging ito ng kuwento.

Huwag kang pumunta sa Ehipto

karaniwan na itong sabihin sa pag-alis sa pinangakong lupain bilang "pumunta" sa kung saan man.

tutuparin ko ang lahat ng aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama.

"tutuparin ko ano man ang pinangako ko kay Abraham na iyong ama na gagawin ko"

Genesis 26:4

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan

"Gagawin kong dumami ang iyong mga kaapu-apuhan" o "pagkakalooban kita ng napakaraming kaapu-apuhan."

kagaya ng mga bituin sa langit

Ito ay nagsasabi tungkol sa bilang ng mga kaapu-apuhan ni Isaac bilang sila ay kapareho ng bilang sa mga bituin. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/15]].

langit

Tinutukoy nito ang lahat ng bagay na nakikita natin sa itaas ng lupa, kalakip ang araw, buwan, at mga bituin.

lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa lupa"

sinunod ang aking mga utos

Dito ang "utos" ay tumutukoy para kay Yahweh. Maaring isalin na: "sinunod ako"

Pangkalahatang Impormasyon:

Nagpatuloy si Yahweh ng pagsasalita kay Isaac

sinunod ni Abraham ang aking mga utos at kinupkop niya ang aking mga tagubilin, mga utos ko at mga batas ko

Ang mga pariralang "sinunod ang aking mga utos" at "kinupkop niya ang aking mga tagubilin, mga utos ko at mga batas ko" ay ibig sabihin iisa lang ang kahulugan. Maaring isalin na: "Sinunod ako ni Abraham at ginawa lahat ng aking iniutos sa kanya"

Genesis 26:6

Kaya nanatili si Isaac sa Gerar

Si Isaac lamang ang binanggit dahil siya ang pinuno ng pamilya, subalit ang kanyang buong pamilya ay nasa kanya. Maaring isalin na: "Kaya si Isaac at ang kanyang pamilya nanatili sa Gerar"

Natakot siyang sabihin

Dito ang "takot" ay tumutukoy sa hindi kalugud-lugod na damdamin na mayroon ang isang tao kapag nagkaroon ng banta ng pinsala sa kanyang sarili o sa iba. Maaring isalin na: "Natakot siyang sabihin"

para makuha si Rebeca

"para makuha si Rebeca"

Nakita niya, masdan, si Isaac

Ang salitang "masdan" ay ipinapakita na ano man ang nakita ni Abimelec ay ikinagulat niya. Maaring isalin na: "At nagulat siya nang makita si Isaac"

nilalambing si Rebeca

Ang mga posibling kahulugan nito ay 1) siya ay hinahawakan niya gaya ng paghawak ng isang mag-asawa 2) siya ay tumatawa at nakikipag-usap sa kanya kagaya ng mag-asawa. Maaring isalin na: "hinahawakan si Rebeca" o "inaakit si Rebeca"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Genesis 26:9

Pinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya

Marahil ay nagpadala ng isang tao si Abimelec para sabihan si Isaac na pumunta ito sa kanya. Maaring isalin na: "Nagpadala ng isang tao si Abimelec para dalhin si Isaac sa kanya"

para makuha siya.

"para siya ay makuha niya"

Ano itong ginawa mo sa amin?

Ginamit ni Abimelec ang tanong na ito para pagalitan si Isaac. Maaring isalin na: "Hindi mo dapat ito ginawa sa amin!"

Kung sino man ang gumalaw sa taong ito

Dito ang "gumalaw" ibig sabihin ay pagbuhatan ng kamay. Maaring isalin na: "Kung sino man ang puminsala sa taong ito"

tiyak na malalagay sa kamatayan

Maaring nilalayon ni Abimelec para sabihin sa isang tao na papatayin sinuman ang maaring puminsala kay Isaac o Rebeca. Maari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Ilalagay ko siya sa kamatayan" o "uutosan ko ang aking mga lalaki upang patayin siya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

madala mo sa amin ang pagkakasala

Ito ay nagsasaad tungkol sa nagiging sanhi ng isang tao para ito ay maging may kasalanan na para bang ang "pagkakasala" ay isang bagay na malagay sa isang tao. Maaring isalin na: "magawa mo kaming magkaroon ng sanhi para kami ay magkasala sa pagkuha ng asawa ng iba"

sa amin

Dito ang "amin" ay tumutukoy kay Abimelec at kanyang mga tao.

Genesis 26:12

sa lupang iyon

"sa Gerar"

isandaang beses

Ibig sabihin nito ay "isang daang beses sa dami ng kanyang itinanim." Maari itong isalin higit pa sa pangkalahatang bilang "napakalaking pananim" (UDB)

Ang tao ay naging mayaman

"si Isaac ay naging mayaman" o "Siya ay naging mayaman"

hanggang siya ay naging napakadakila

"at siya ay nakakuha ng higit at higit pa hanggang siya ay naging napaka-yaman"

tupa

maaring kasali rin dito ang mga kambing.

ang mga Filisteo ay nainggit sa kanya

"Kaya ang mga Filisteo ay nanibugho sa kanya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Pangkalahatang Impormasyon:

Ito ay nagsisimula sa isang bagong bahagi ng kuwento. Ito ay nagbabago mula sa pagsasabi tungkol sa pagtawag ni Isaac kay Rebeca na kanyang kapatid na babae, at nagsisimula ito sa pagsabi tungkol sa kung paano si Isaac naging napaka-yaman at ang mga Filisteo ay nanibugho sa kanya.

isang malaking sambahayan

Dito ang "sambahayan" ay tumutukoy para sa mga manggagawa o mga lingkod.

Genesis 26:15

sa panahon ni Abraham na kanyang ama

Ang pariralang "sa panahon ng" ay tumutukoy para sa isang buhay ng tao. Maaring isalin na: "Nang si Abraham, na ama, ay nabubuhay pa"

mas makapangyarihan pa sa amin

"mas malakas pa kaysa sa amin"

Kaya umalis is Isaac

Si Isaac lang ang nabanggit sapagkat siya ay ang pinuno, subalit ang kanyang pamilya at mga lingkod ay nasa kanya. Maaring isalin na: "Kaya si Isaac at kanyang sambahayan ay umalis"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Ngayon

Dito hindi ibig sabihin ng salitang ito "sa mga sandaling ito." Ito ay nagpapahiwatig kung saan ang kilos nagsisimula sa kuwentong ito. Ito ay maaring maisalin na may nag-uugnay na salitang "Kaya" para ipakita na ito ay resulta sa kung ano ang nangyari sa [[rc://tl/bible/notes/gen/26/12]].

sinabi ni Abimelec

Ang mga posibling mga kahulugan ay 1) ito ay isa pang pagkilos para puwersahin si Isaac at kanyang mga tao para umalis. Maaring isalin na: "Kaya sinabi ni Abimelec" o "sa wakas sinabi ni Abimelec o 2)Ginawa ni Abimelec ang desisyong ito dahil nakita niya na ang kanyang mga tao ay nagselos at umastang nasa galit na paraan sa kay Isaac. Maaring isalin na: "Samakatuwid sinabi ni Abimelec"

Genesis 26:18

na kanilang hinukay

"kung saan ang mga lingkod ni Abraham ay naghukay"

sa panahon ni Abraham na kanyang ama

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/26/15]].

Pinahinto sila ng mga Palestina pagkatapos ng kamatayan ni Abraham

Ito ang rason kaya hinukay ni Isaac ang mga ito. Yaman lang na ito ay unang nangyari, ang pangungusap na ito ay maaring malagay bago ang mga pangungusap tungkol sa paghuhukay ni Isaac sa mga ito, gaya ng sa UDB. O itong pangungusap ay maaring umpisahan sa "Ginawa ito ni Isaac dahil."

Pinahinto sila

"pinuno nila ito ng lupa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

naghukay si Isaac

Dito si "Isaac" ay tumatayo para sa kayang sarili at sa kanyang mga lingkod. Maaring isalin na: "si Isaac at kanyang mga lingkod ay naghukay"

Genesis 26:19

umaagos na tubig

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa isang bukal na natural na kanilang nailadlad nang sila ay naghukay ng isang bagong balon. Ito ay nagbigay ng tuloy-tuloy na agos ng sariwang inuming tubig. Maaring isalin na: "sariwang tubig"

Esek

Maaring lagyan rin ng mga tagasalin ng talababa na nagsasabi "Ang ibig sabihin ng pangalang Esek ay 'mag-away' o 'makipagtalo.'"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

mga pastol

"mga lalaki na nag-aalaga ng mga kawan"

Ang tubig na ito ay sa amin

Dito ang "sa amin" ay tumutukoy sa mga pastol ng Gerar.

Genesis 26:21

Pagkatapos naghukay sila

"Pagkatapos ang mga lingkod ni Isaac ay naghukay" (UDB)

nag-away sila

"Ang mga pastol ng Gerar ay nakipagtalo sa mga pastol ni Isaac"

kaya binigay niya ito

"kaya binigyan ito ni Isaac"

Sitnah

Maaring lagyan ito ng mga tagasalin ng talababa na nagsasabi "Ang ibig sabihin ng pangalang Sitnah ay 'salungatin' o 'akusahan.'"

Rehoboth

Maaring lagyan ito ng mga tagasalin ng talababa na nagsasabi "Ang ibig sabihin ng pangalang Rehoboth ay 'gawaan ng kaluwagan' o 'walang laman na lugar.'"

amin...tayo

si Isaac ay nagsasalita tungkol sa kanyang sarili at ng kanyang sambahayan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

amin...tayo

si Isaac ay nagsasalita tungkol sa kanyang sarili at ng kanyang sambahayan.

Genesis 26:23

pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan

"Gagawin ang iyong mga kaapu-apuhan na sila ay lubos na madagdagan" o "gagawin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami"

alang-alang sa aking lingkod na si Abraham

"Para sa aking lingkod na si Abraham." Maaring isalin na: Maari mong gawing malinaw ang ganap na kahulogan. Maaring isalin na: "dahil nangako ako sa aking lingkod na si Abraham na gagawin ko ito"

Nagtayo si Isaac ng altar doon

Kung bakit nagtayo si Isaac ng altar ay maaari itong gawing malinaw. Maaring isalin na: "Nagtayo si Isaac ng altar doon upang mag-alay kay Yahweh"

tumawag sa pangalan ni Yahweh

Dito ang "pangalan" ay kumakatawan para kay Yahweh. Para "tumawag" ibig sabihin para magdasal o para magsamba. Maaring isalin na: "nagdasal kay Yahweh" o "sinamba si Yahweh"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

pumunta si Isaac mula doon patungong Beer-seba

Dito ang "pumunta" ay maaaring isang sanggunian para papuntang hilaga. Sabihin sa pinaka-natural na paraan para sa iyong wika na siya ay umalis. Maaring isalin na: "Umalis si Isaac doon at pumunta sa Beer-seba"

Genesis 26:26

pumunta sa kanya

"pumunta kay Isaac"

kasama si Ahuzzath

Ito ay pangalan ng isang tao.

Phicol

Tingnan kung paano mo isinalin ang kanyang pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/21/22]].

kanyang kaibigan

Ang mga posibling ibig sabihin ay 1) "kaibigan ni Abimelec" o 2) "tagapayo ni Abimelec."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Genesis 26:28

sinabi nila

ito ay tumutukoy kay Abimelec, Ahuzzath, at Phicol. Isa sa kanila ay nagsalita at ang dalawa ay sumang-ayon sa anumang sinabi niya. Hindi ibig sabihin nito na sila ay nagsalita ng magkasabay. AT: "isa sa kanila ay nagsabi"

Malinaw naming nakita

"alam namin" o "natitiyak namin"

Kaya gagawa tayo ng tipan

"Kaya gusto namin gumawa ng isang tipan"

sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo

Ito ay maaari rin maisalin bilang simula ng isang bagong pangungusap bilang ito ay nasa UDB. Maaring isalin na: "Bilang paggawa lamang namin ng mabuti sa iyo"

ikaw ay pinagpala ni Yahweh

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "pinagpala ka ni Yahweh"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Genesis 26:30

para sa kanila

Dito ang "kanila" ay tumutukoy kina "Abimelec, Ahuzat, at Picol"

sila ay kumain

Dito ang "sila" ay tumutukoy kina Isaac, Abimelec, Ahuzat, at Picol. Maaring isalin na: "kumain silang lahat" (UDB)

bumangon sila

Maaring isalin na: "Bumangon sila ng maaga" o "Sila ay tumayo ng maaga."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

gumawa si Isaac ng pagdiriwang para sa kanila, at sila ay kumain at uminom

ang pagsabay na kumain ng pagkain ay bahagi na ng paggawa ng tipan sa bawat isa.

Bumangon sila ng maaga

"Maaga silang nagising"

Genesis 26:32

Tinawag niya ang balon na Shibah

"Kaya tinawag niya ang balon na Shibah". Maaaring dagdagan ng mga tagasalin ng talababa na nagsasabing "Ang tunog ng pangalang Shibah ay kapareho ng salita na ibig sabihin ay 'panunumpa.'"

Beer-seba

Maaaring dagdagan ng mga tagasalin ng isang talababa na sinasabing "ang Beer-seba ay maaaring ibig sabihin ay alinman sa "balon ng panunumpa" o "balon ng pito." (Tingnan ang tala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/21/31]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

Genesis 26:34

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/26]]

apatnapung

"40"

siya ay nag-asawa

"siya ay nag-asawa." Maaari itong ipahayag ng malinaw na siya ay mayroong dalawang babaeng asawa"

Judit...Basemat

Ito ang mga pangalan ng mga asawa ni Esau

Beeri...Elon

Ito ang mga pangalan ng mga lalaki.

mga anak ni Heth

"ang mga kaapu-apuhan ni Heth" o "ang kaapu-apuhan ni heth"

Sila ay nagdala ng kalungkutan kay Isaac at Rebeca

Dito ang "sila" ay tumutukoy kina Judit at Basemat. Para gawin ang isang tao na nalulungkot o kahabag-habag ay sinasabi na parang ang "nalulungkot" ay isang bagay na maaring madala ng isang tao sa isa pang tao. Maaring isalin na: "ginawa nila sina Isaac at Rebeca na nalulungkot" o "sina Isaac at Rebeca ay naging kahabag-habag dahil sa kanila"

Pangkalahatang Impormasyon:

Karamihan sa Genesis 26 ay tungkol kay Isaac. Ang mga talatang ito ay tungkol sa kanyang panganay na anak na lalaki na si Esau.

Judith...Basemath

Ito ang mga pangalan ng mga asawa ni Esau

Beeri...Elon

Ito ang mga pangalan ng mga lalaki.


Chapter 27

1 Nang matanda na si Isaac at ang kanyang mga mata ay malabo na kaya hindi na siya makakita, tinawag niya ang nakatatandang anak niyang si Esau. Sinabi niya, "Anak ko." 2 Sumagot ito, "Narito po ako." Sinabi niya rito, "Tumingin ka rito, matanda na ako. Hindi ko alam ang araw ng aking kamatayan. 3 Kaya kunin mo ang iyong mga sandata, ang iyong sisidlan ng palaso at pana at mangaso ka sa bukid para sa akin. 4 Gawan mo ako ng masarap na pagkain na gusto ko at dalhin mo iyon sa akin para makain ko iyon at pagpalain ka bago ako mamatay." 5 Ngayon narinig ni Rebeca nang kausapin ni Isaac si Esau na kanyang anak. Nagpunta si Esau sa bukid para mangaso ng hayop at dalhin ito pauwi. 6 Kinausap ni Rebeca si Jacob na kanyang anak at sinabi, "Tumingin ka rito, narinig kong kinausap ng iyong ama ang kapatid mong si Esau. Sinabi niya 7 'Dalhan mo ako ng pinangasong hayop at gawan ako ng masarap na pagkain, upang kainin ko ito at pagpapalain ka sa harap ni Yahweh bago ang aking kamatayan.' 8 Kaya ngayon, anak ko, sundin mo ang tinig ko habang inuutusan kita. 9 Pumunta ka sa kawan at dalhan mo ako ng dalawang batang kambing; at magluluto ako ng masarap na pagkain para sa ama mo, na katulad ng gusto niya. 10 Dadalhin mo ito sa kanya para kainin upang ikaw ay pagpalain niya bago ang kanyang kamatayan." 11 Sinabi ni Jacob sa kanyang inang si Rebeca, "Tingnan ninyo, ang kapatid kong si Esau ay mabalahibo, at ako ay makinis na tao. 12 Malamang himasin ako ng ama ko, at ako ay magmimistulang manlilinlang sa kanya. Magdadala ako ng isang sumpa sa aking sarili at hindi pagpapala." 13 Sinabi sa kanya ng kanyang ina, "Anak ko, hayaan mong mapunta sa akin ang anumang sumpa. Basta sundin mo ang tinig ko, at umalis ka, at dalhin mo ang mga iyon sa akin." 14 Kaya kinuha ni Jacob ang dalawang batang kambing at dinala ang mga ito sa kanyang ina, at ang kanyang ina ay gumawa ng masarap na pagkain katulad ng gusto ng kanyang ama. 15 Kinuha ni Rebeca ang pinakamagandang damit ni Esau, na nakatatandang anak niya, na nasa kanya sa bahay, at ipinasuot ito kay Jacob, na nakababatang anak niya. 16 Inilagay niya ang balat ng batang kambing sa mga kamay niya at sa makinis na bahagi ng leeg niya. 17 Inilagay niya ang inihanda niyang masarap na pagkain at ang tinapay sa kamay ng anak niyang si Jacob. 18 Pumunta si Jacob sa kanyang ama at nagsabi, "Ama ko." Sinabi niya, "Narito ako; sino ka, anak ko?" 19 Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, "Ako si Esau na unang anak mo; nagawa ko na ang sinabi mo sa akin. Umupo ka at kainin ang aking napangaso upang pagpalain mo ako." 20 Sinabi ni Isaac sa kanyang anak, "Paano mo itong natagpuan nang napakabilis, anak ko?" Sinabi niya, "Dahil si Yahweh na iyong Diyos ay dinala ito sa akin." 21 Sinabi ni Isaac kay Jacob, "Lumapit ka upang mahimas kita at malaman kung ikaw ang tunay kong anak na si Esau o hindi." 22 Pumunta si Jacob sa kanyang amang si Isaac, at hinimas siya ni Isaac at sinabi niya, "Ang tinig ay tinig ni Jacob, ngunit ang mga kamay ay mga kamay ni Esau. 23 Hindi siya nakilala ni Isaac dahil ang kanyang mga kamay ay mabalahibo, katulad ng mga kamay ng kapatid niyang si Esau, kaya pinagpala siya ni Isaac. 24 Sinabi niya, "Ikaw ba talaga ang anak kong si Esau?" Sumagot siya, "Ako nga." 25 Sinabi ni Isaac, "Dalhin mo sa akin ang pagkain at kakainin ko ang napangaso mo upang mapagpala kita." Dinala ni Jacob sa kanya ang pagkain. Kumain si Isaac, at dinalhan siya ni Jacob ng alak, at siya ay uminom. 26 Sinabi ng kanyang amang si Isaac, "Lumapit ka sa akin at hagkan mo ako, anak ko." 27 Lumapit si Jacob at hinalikan siya, at naamoy niya ang amoy ng kanyang damit at pinagpala siya. Sinabi nya, "Tingnan mo, ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng isang bukid na pinagpala ni Yahweh. 28 Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak. 29 Nawa ang mga tao ay maglingkod sa iyo at yumuko sa iyo ang mga bansa. Maging amo ka ng iyong mga kapatid na lalaki, at nawa ang mga anak ng iyong ina ay yumuko sa iyo. Nawa ang bawat isang sumumpa sa iyo ay sumpain; at nawa ang bawat isang magpala sa iyo ay pagpalain." 30 Matapos pagpalain ni Isaac si Jacob, at bahagya pa siyang lumayo sa presensya ng ama niyang si Isaac, noon naman dumating ang kapatid niyang si Esau mula sa pangangaso. 31 Gumawa rin siya ng masarap na pagkain at dinala iyon sa kanyang ama. Sinabi niya, "Ama, bumangon ka at kainin mo ang ilan sa napangaso ng iyong anak upang mapagpala mo ako." 32 Ang kanyang amang si Isaac ay nagsabi sa kanya, "Sino ka?" Sinabi niya, "Ako ang anak mo, ang unang anak mong si Esau." 33 Nanginig nang matindi si Isaac at nagsabi, "Sino pala iyon na nangaso ng hayop na ito at dinala sa akin? Kinain ko lahat ito bago ka dumating, at pinagpala ko siya. Tunay nga, siya ay pagpapalain." 34 Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kanyang ama, siya ay umiyak nang napakalakas at umiyak ng may kapaitan, sinabi sa kanyang ama, "Ako rin, pagpalain mo ako, ama ko." 35 Sinabi ni Isaac, "Mapanlilinlang na naparito ang kapatid mo at inagaw ang iyong pagpapala." 36 Sinabi ni Esau, "Hindi ba tama lang na pinangalanan siyang Jacob? Dahil dinaya niya ako sa dalawang pagkakataong ito. Inagaw niya ang aking karapatan ng isinilang at tingnan mo, ngayon ay inagaw niya ang aking pagpapala." At sinabi niya, "Wala ka bang naitabing pagpapala para sa akin?" 37 Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau, "Tingnan mo, nagawa ko na siyang amo mo at naibigay ko na sa kanya ang lahat ng mga kapatid niya bilang alipin. At nabigyan ko siya ng butil at bagong alak. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?" 38 Sinabi ni Esau sa kanyang ama, "Wala ka bang kahit isang pagpapala sa akin, ama ko? Pagpalain mo ako, ako rin, ama ko." Umiyak nang malakas si Esau. 39 Sumagot ang kanyang amang si Isaac at sinabi sa kanya, "Tingnan mo, ang lugar na pinaninirahan mo ay magiging malayo sa kayamanan ng mundo, malayo sa hamog ng langit sa itaas. 40 Mabubuhay ka sa pamamagitan ng iyong espada, at paglilingkuran mo ang iyong kapatid na lalaki. Subalit kapag magrebelde ka, maaalog mo ang kanyang pamatok mula sa iyong leeg." 41 Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, "Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob." 42 Ang mga salita ni Esau na nakatatanda niyang anak ay nasabi kay Rebeca. Kaya nagpadala at tinawag niya si Jacob na nakababatang anak niya at sinabi rito, "Tingnan mo, ang kapatid mong si Esau ay inaaliw ang kanyang sarili sa pagbabalak na patayin ka. 43 Kaya ngayon, anak ko, sundin mo ako at tumakas ka papunta kay Laban, na kapatid kong lalaki, sa Haran. 44 Manatili ka nang ilang araw sa piling niya, hanggang sa humupa ang galit ng kapatid mo, 45 hanggang mawala ang galit ng kapatid mo sa iyo, at malimutan niya ang ginawa mo sa kanya. Pagkatapos magpapadala ako at ibabalik ka mula roon. Bakit kailangang kapwa kayong mawala sa akin sa isang araw?" 46 Sinabi ni Rebeca kay Isaac, "Ako ay pinanghihinaan sa buhay dahil sa mga anak na babae ni Heth. Kung kunin ni Esau na asawa ang isa sa mga anak ni Heth, tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain, ano pa ang kabuluhan ng buhay ko?"



Genesis 27:1

ang kanyang mga mata ay malabo

Ito ay nagsasabi tungkol sa pagiging halos bulag na tila ba ang mga mata ay isang lampara at ang liwanag ay halos nawala na. Maaring isalin na: "siya ay malapit nang mabulag" o "siya ay halos bulag na"

Sinabi niya sa kanya

"At sumagot si Esau"

Narito ako.

"Ako ay narito" o "Nakikining ako." Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/01]].

Sinabi niya

"Pagkatapos ay sinabi ni Isaac"

Tumingin ka rito

Ang pariralang "tumingin ka rito" ay nagdaragdag ng diin sa kung ano susunod. Maaring isalin na: "Makining nang mabuti"

Ako ay matanda na. Hindi ko alam ang araw ng aking kamatayan

Maaring isalin na: Ako ay tumanda na at hindi alam kung kailan ako mamamatay.

kamatayan

Ito ay tumutukoy sa pisikal na kamatayan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Hindi ko alam ang araw ng aking kamatayan

"Hindi ko alam kung gaano katagal pa ako mabubuhay." Ipinapahayag na alam ni Isaac na malapit na siyang mamatay. Maaring isalin na: "Maaaring mamatay na ako anumang araw ngayon" (Tingnan:

Genesis 27:3

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

iyong mga sandata

"Iyong mga gamit sa pangangaso"

iyong sisidlan

Ang sisidlan ay gamit para paglagyan ng mga palaso. Maaring isalin na: "ang iyong sisidlan ng mga palaso" o "ang iyong mga palaso"

mangaso para sa akin

"Manghuli ng mabangis hayop para sa akin"

Gawan mo ako ng masarap na pagkain, na gusto ko

Ang salitang "masarap" ay tumutukoy sa isang bagay na kaaya-aya sa panlasa. AT: "Ipagluto mo ako ng masarap na karne na gusto ko"

pagpalain

Sa panahon ng Banal na Kasulatan, ang isang ama ay madalas magpahayag ng pormal na pagpapala sa kanyang mga anak.

Pangkalahatang Impormasyon:

Si Isaac ay patuloy na nagbibigay ng tagubilin sa nakatatanda niyang anak na si Esau.

pagpalain ka

Sa panahon ng Banal na Kasulatan, ang isang ama ay madalas magpahayag ng pormal na pagpapala sa kanyang mga anak.

Genesis 27:5

Ngayon

Ang salitang "ngayon" ay ginamit dito upang ipakilala ang pagbabago mula sa pagsasalaysay tungkol sa sinabi ni Isaac kay Esau patungo sa sinabi ni Rebeca kay Jacob. .

Narinig ni Rebeca nang kausapin ni Isaac si Esau na kanyang anak

"Narinig ni Rebeca si Isaac na nakikipag-usap sa kanyang anak na si Esau"

Tumingin ka rito

Ang pariralang "tumingin ka rito" ay nagdaragdag ng diin sa kung ano ang sumusunod." Maaring isalin na: "Makinig nang mabuti"

Dalahan mo ako ng pinangasong hayop

"Dalhan mo ako ng mabangis na hayop na iyong pinangaso at pinatay"

gawan ako ng masarap na pagkain

"Magluto ka para sa akin ng masarap na pagkaing gusto ko." Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/03]].

pagpapalain ka sa presensya ni Yahweh

"Pagpapalain ka sa harapan ni Yahweh"

bago ang aking kamatayan

"Bago ako mamatay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Nagpunta is Esau sa bukid...dalhin ito pabalik. Kinausap ni Rebeca si Jacob

Ang mga salitang "kaya nang" ay maaaring idagdag upang ipakita na si Rebeca ay nakikipag-usap kay Jacob dahil sa kanyang narining at siya ay nakikipag-usap sa kanya habang si Esau ay wala. Maaring isalin na: "Kaya nang si Esau ay nagpunta sa bukid...dalhin ito pabalik, kinausap ni Rebeca si Jacob" (Tingnan:

kay Esau na kanyang anak...kay Jacob na kanyang anak

Si Esau at Jacob ay kapwa mga anak nina Isaac at Rebeca. Tinawag silang "kanyang anak" at "kanyang anak" upang bigyang diin na ang isang magulang ay may pagtatangi sa isang anak na lalaki higit sa ibang anak na lalaki.

Genesis 27:8

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

sundin ang tinig ko habang inuutusan kita

Sinabi ni Rebeca, "ang tinig ko" upang tumukoy sa kanyang sinasabi. Maaring isalin na: "sundin mo ako at gawin ang aking sinasabi"

gagawa ako ng masarap na pagkain mula sa mga iyon para sa iyong ama, na katulad ng gusto niya.

Tingnan kung paano ang kahawig na pangungusap ay sinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/03]].

Dadalhin mo ito sa iyong ama

"Pagkatapos ay dalhin ito sa iyong ama"

para siya ay kumain nito at ikaw ay pagpalain niya

"Matapos niya itong kainin, pagpapalain ka niya"

bago ang kanyang kamatayan

"Bago siya mamatay"

Pangkalahatang Impormasyon:

Si Rebeca ay patuloy na nakipag-usap sa nakababatang anak niyang si Jacob.

Ngayon

Ito ay hindi nangangahulugang "sa sandaling ito," ngunit ginamit upang ituon ang pansin sa mahalagang puntong sumusunod.

pagpalain ka niya

Ang salitang "pagpalain" ay tumutukoy sa pormal na pagpapala na ipinapahayag ng isang ama sa kanyang mga anak.

Genesis 27:11

Ako ay makinis na lalaki

"Ako'y lalaking may makinis na balat" o "Ako ay hindi mabalahibo"

at ako ay magmimistulang isang manlilinlang sa kanya

"At iisipin niya na ako ay isang sinungaling" o "malalaman niya na nililinlang ko siya"

Magdadala ako ng isang sumpa sa aking sarili at hindi isang pagpapala

Ang pagiging isinumpa o pinagpala ay binanggit na tila ba ang isang sumpa at ang isang pagpapala ay mga bagay na inilalagay sa isang tao. Maaring isalin na: "Pagkatapos dahil dito, susumpain niya ako at hindi ako pagpapalain"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Genesis 27:13

Anak ko, hayaang mapunta sa akin ang anumang sumpa

"Hayaang ang iyong sumpa ay mapunta sa akin." Ang pagiging isinumpa ay binanggit na para bang ang sumpa ay isang bagay na inilagay sa tao. Maaring isalin na: 'hayaang ang ama mo ay sumpain ako sa halip na ikaw, anak ko"

sundin ang tinig ko

Sinabi ni Rebeca, "ang tinig ko" upang tumukoy sa kanyang sinasabi. Maaring isalin na: "sundin ang sinasabi ko sa iyo" o "sundin ako"

dalhin mo ang mga iyon sa akin

"Dalhin mo sa akin ang mga batang kambing"

gumawa ng masarap na pagkain, katulad ng gusto ng kanyang ama

Tingnan kung paano ang kahawig na pangungusap ay isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/03]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Genesis 27:15

Inilagay niya ang balat ng batang kambing sa kanyang mga kamay

Ang mga balat ng kambing ay may buhok pa.

Inilagay niya ang masarap na pagkain at ang tinapay na inihanda niya sa kamay ng anak niyang si Jacob

"Ibinigay niya sa kanyang anak na si Jacob ang masarap na pagkain at tinapay na kanyang inihanda"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Genesis 27:18

Sinabi niya

"At ang kanyang ama ay sumagot" o "Sumagot si Isaac"

Narito ako

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/07]]

Nagawa ko na tulad ng sinabi mo sa akin

"Nagawa ko kung ano ang sinabi mo sa aking gawin"

ang ilan sa aking napangaso

Ang salitang "napangaso" ay tumutukoy sa mga mabangis na hayop na hinuhuli at pinapatay ng isang tao. Tingnan kung paano ang "napangaso" ay isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/03]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Genesis 27:20

Sinabi niya

"Sumagot si Jacob"

Paano mo itong natagpuan nang napakabilis

Maaring isalin na: "Nakakagulat na natagpuan mo ito nang napakabilis."

dinala ito sa akin

Ito ay nangangahulugan na ang Diyos ay pinangyari iyon. Maaring isalin na: "pinangyari ang hayop na lumakad sa harap ko" o "tinulungan ako na maptagumpay habang nangangaso"

kung ikaw ang tunay na anak kong si Esau

"kung ikaw talaga ang anak kong si Esau"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

kung ikaw ang tunay na anak kong si Esau o hindi

"kung ikaw talaga ang anak kong si Esau"

Genesis 27:22

Pumunta si Jacob sa kanyang amang si Isaac

"Si Jacob ay lumapit kay Isaac na kanyang ama"

Ang tinig ay tinig ni Jacob

"Ang tunog ng tinig ay tulad ng tinig ni Jacob." Ito ay maaaring sabihin na si Isaac ay tuwirang nakikipag-usap sa kanyang anak na lalaki. Maaring isalin na: "Ikaw ay tulad ni Jacob sa tinig"

subalit ang mga kamay ay mga kamay ni Esau

"subalit ang mga kamay ay mga kamay ni Esau" o "subalit ang pakiramdam sa mga kamay ay tulad ng mga kamay ni Esau." Ito maaaring sabihin na si Isaac ay nakikipag-usap nang tuwiran sa kanyang anak na lalaki. Maaring isalin na: "subalit ang mga kamay mo kung pakiramdaman ay tulad sa mga kamay ni Esau"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Genesis 27:24

kainin ang napangaso mo

Tingnan kung paano ang "napangaso" ay isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/05]].

at siya ay uminom

"at ininom iyon ni Isaac"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Sinabi niya

Si Isaac ay nagtanong bago niya pinagpala ang kanyang anak na lalake. Maaring isalin na: "Ngunit si Isaac ay nagtanong muna"

Genesis 27:26

at naamoy niya

"at naamoy ni Isaac"

ang amoy

"ang halimuyak"

at pinagpala siya

"at pagkatapos siya ay pinagpala niya." ito ay tumutukoy sa pormal na pagpapala ng isang ama na ipinapahayag sa kanyang mga anak.

na pinagpala ni Yahweh

Dito ang salitang "pinagpala" ay nangangahulugang dinulot ni Yahweh ang mga mabuting bagay sa bukid at ito ay naging mabunga. Maaring isalin na: "na dinulot ni Yahweh na magkaroon ng maraming halaman" o "na si Yahweh ay dinulot na may maraming hayop na mapangaso"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

naamoy niya ang amoy ng kanyang damit at pinagpala siya

Maaring gawing malinaw na ang damit ay may amoy na tulad ng damit ni Esau. Maaring isalin na: "naamoy niya ang damit nito at iyon ay tulad ng amoy ng damit ni Esau. Kaya siya ay pinagpala ni Isaac"

Tingnan mo, ang amoy ng aking anak na lalaki

Dito ginamit ni Isaac ang "tingnan mo" upang idiin ang katotohanan ng kanyang nakatakdang sabihin. Maaring isalin na: "Tunay nga, ang amoy ng aking anak" (UDB)

Genesis 27:28

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Ikaw

Dito ang "ikaw" ay isahan at tumutukoy kay Jacob. Subalit ang pagpapala ay mapupunta rin sa mga kaapu-apuhan ni Jacob.

hamog ng langit

Ang "hamog" ay mga patak ng tubig na namumuo sa mga halaman sa gabi. Ito ay maaaring gawing malinaw sa salin. Maaring isalin na: "ang ambon sa gabi mula sa langit upang diligin ang inyong mga pananim"

ang katabaan ng lupa

Ang salitang "katabaan ng lupa" ay tumutukoy sa "mayabong na lupa" o lupang nagdudulot ng marami." Maaring isalin na: "mabuting lupa na nagdudulot ng pananim."

Pangkalahatang Impormasyon:

Ito ang pagpapala ni Isaac. Akala niya na siya ay nakikipag-usap kay Esau, ngunit siya ay nakikipag-usap kay Jacob.

bigyan ka

Dito ang "ka" ay isahan at tumukoy kay Jacob. Subalit ang pagpapala ay mapupunta rin sa mga kaapu-apuhan ni Jacob.

katabaan ng lupa

Ang pagiging mayabong ng lupa ay binabanggit na para bang ang lupa ay mataba o mayaman. Maaring isalin na: "mabuting lupa na nagdudulot ng pananim"

masaganang mga butil at bagong alak

Kung ang "butil" at "alak" ay hindi kilala, ito ay maaring sasabihin sa mas pangkalahatang paraan. Maaring isalin na: "napakaraming pagkain at inumin"

Genesis 27:29

yumuko

Ito ay nangangahulugan na yumuko upang may pagpapakumbabang magpahayag ng paggalang at parangal sa isang tao.

Ikaw...iyo

Dito ang mga panghalip ay isahan at tumutukoy kay Jacob. Subalit ang pagpapala ay mapupunta rin sa mga sa mga kaapu-apuhan ni Jacob.

Maging amo ka ng iyong mga kapatid na lalaki

"Maging isang amo ng iyong mga kapatid na lalaki"

at nawa ang mga anak na lalaki ng iyong ina ay yumuko sa iyo

"at ang mga anak na lalaki ng iyong ina ay yuyuko sa iyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Ikaw...iyo

Dito ang mga panghalip ay isahan at tumutukoy kay Jacob. Subalit ang pagpapala ay mapupunta rin sa mga sa mga kaapu-apuhan ni Jacob.

ang mga bansa ay yumuko

Dito ang "mga bansa" ay tumutukoy sa mga tao. Maaring isalin na: "mga tao mula sa lahat ng mga bansa ay yumuko"

iyong mga lalaking kapatid...mga anak na lalaki ng iyong ina

Si Isaac ay sinasabi itong pagpapala nang tuwiran kay Jacob. Subalit ito ay mapupunta rin sa mga kaapu-apuhan ni Jacob na mamumuno sa mga kaapu-apuhan ni Esau at mga kaapu-apuhan ng iba pang mga kapatid na magkakaroon si Jacob.

Nawa ang bawat isang sumumpa sa iyo ay sumpain

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Nawa ang Diyos ay sumpain ang bawat isang sumumpa sa iyo"

nawa ang bawat isang magpala sa iyo ay pagpalain."

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Nawa ang Diyos ay pagpalain ang bawat isang magpala sa iyo"

Genesis 27:30

bahagya pa siyang nakakalayo sa presensya ng ama niyang si Isaac

"Kaaalis pa lamang sa tolda ni Isaac na kanyang ama"

noon naman dumating ang kapatid niyang si Esau mula sa pangangaso

"Si Esau na kapatid niya ay bumalik mula sa kanyang pangangaso"

masarap na pagkain

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/03]].

Ama, bumangon ka

"hayaang ang aking ama ay bumangon"

ilan sa napangaso ng inyong anak

Dito ang "ng inyong anak" ay isang magalang na paraan ni Esau na tukuyin kanyang inihandang pagkain.

ipinangaso ng inyong anak

Dito ang "pinangaso" ay tumutukoy sa mga mabangis na hayop na hinuhuli ng mga tao upang kainin. Tingnan kung paano isinalin ang "pinangaso" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/05]].

pagpalain

Ito ay tumutukoy sa pormal na pagpapala na ipinapahayag ng isang ama sa kanyang mga anak.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

pagpalain mo ako

Ito ay tumutukoy sa pormal na pagpapala na ipinapahayag ng isang ama sa kanyang mga anak.

Genesis 27:32

nagsabi sa kanya

"sinabi kay Esau"

Nanginig nang matindi si Isaac

"si Isaac ay nagsimulang manginig"

nangaso ng hayop na ito

Tingnan kung paano ang "nangaso" ay sinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/05]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Genesis 27:34

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

siya ay umiyak nang napakalakas at mapait na iyak

Ang umiyak sa isang paraan na nagpapakita ng lungkot at hinagpis ay binangit na tila ba ito ay lasa ng ng isang bagay na mapait. Maaring isalin na: "siya ay umiyak nang malakas"

tinangay ang iyong pagpapala

Ang pagpalain sa halip na ibang tao ay sinabi na tila ba ang "pagpapala" ay isang bagay na maaaring tangayin ng isang tao. Maaring isalin na: "Pinagpala ko siya sa halip na ikaw"

Genesis 27:36

Hindi ba tama lang na pinangalanan siyang Jacob?

Gumamit si Esau ng isang tanong upang bigyang diin ang kanyang galit kay Jacob. Maaring isalin na: "Ang Jacob ay talagang tamang pangalan para sa aking kapatid!"

Jacob

Ang mga tagasalin ay maaari ring magdagdag ng talababa na nagsasabi: "Ang pangalang Jacob ay nangangahulugang 'dinakma niya ang sakong.' Sa orihinal na wika ang pangalang 'Jacob' ay sintunog din ng salitang ''siya ay nanlinlang.'"

Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?

Gumamit si Isaac ng isang tanong upang bigyang diin na wala na siyang iba pang magagawa. Maaring isalin na: "Wala na akong iba pang magagawa para sa iyo!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Tinangay niya ang aking karapatan ng isinilang

Ito ay tumutukoy sa isang karapatan ng isinilang na para bang ito ay isang bagay na maaaring tangayin ng isang tao. Maaring isalin na: "Nilinlang niya ako upang ibigay sa kanya ang dalawahang mana na dapat kong tanggapin bilang unang anak na lalaki"

ngayon ay tinangay niya ang aking pagpapala

Ito ay nagsasabi tungkol sa isang pagpapala na para bang ito ay isang bagay na maaaring tangayin ng isang tao. Maaring isalin na: "ngayon ay nilinlang niya kayo upang pagpalain mo siya sa halip na ako"

Wala ka bang naitabing pagpapala para sa akin

Alam ni Esau na ang kanyang ama ay hindi siya maaaring pagpalain tulad na mga bagay na pinagpala niya kay Jacob. Si Esau ay nagtatanong kung may anumang natirang maaaring masabi sa kanya na hindi sinabi ni Isaac habang pinagpapala si Jacob.

Genesis 27:38

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Wala ka ba kahit isang pagpapala para sa akin, ama ko

Ito ay maaaring sabihin sa positibong anyo. Maaring isalin na: "Ama ko, mayroon ka pa bang isa pang pagpapala para sa akin"

Genesis 27:39

sinabi sa kanya

"sinabi kay Esau"

Tingnan mo

Ito ay nagdaragdag ng diin sa kung ano ang sunod na sasabihin in Isaac. Maaring isalin na: "Makining" o "Bigyang pansin kung anong sasabihin ko sa iyo"

kayamanan ng mundo

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/28]].

iyong...ikaw (ka)

Sa 27:39-40 ang mga panghalip na ito ay isahan at tumutukoy kay Esau, subalit sinabi rin ni Isaac na ito ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Esau .

hamog ng langit sa itaas

Tingnan kung paano mo isinalin ang "hamog mula sa langit" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/27/28]].

Mabubuhay ka sa pamamagitan ng iyong espada

Dito ang "espada" ay kumakatawan sa karahasan. Maaring isalin na: "Ikaw ay magnanakaw at papatay ng mga tao upang makuha ang kailangan mo para mabuhay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

malayo mula sa kayamanan ng mundo

Ito ay tumutukoy sa mayabong na lupa na para bang ito ay mayaman at mataba. Maaring isalin na: "malayo mula sa mayabong na lupa"

iyong...ikaw (ka)

Sa 27:39-40 ang mga panghalip na ito ay isahan at tumutukoy kay Esau, subalit sinabi rin ni Isaac na ito ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Esau .

aalugin mo ang kanyang pamatok mula sa iyong leeg

Ito ay tumutukoy sa isang tao na may amo na para bang ang kapangyarihan ng amo sa taong ito ay isang pamatok na kailangang dalhin ng nasabing tao. Maaring isalin na: "palalayain mo ang iyong sarili sa kanyang kapangyarihan" (UDB)

Genesis 27:41

Sinabi ni Esau sa kanyang puso

Dito ang "puso" ay kumakatawan sa sarili ni Esau. Maaring isalin na: "Si Esau ay nagsabi sa kanyang sarili"

malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama

Ito at tumutukoy sa bilang ng araw na ang isang tao ay nagluluksa kapag ang isang miyembro ng pamilya ay namatay.

Ang mga salita ni Esau na nakatatanda niyang anak ay nasabi kay Rebeca

Ito ay maaring isalin na may aktibong sugnay. Maaring isalin na: "May isang taong nagsabi kay Rebeca tungkol sa balak ni Esau."

Tingnan mo

"Pakinggan" o "Bigyang pansin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Ang mga salita ni Esau na nakatatanda niyang anak ay nasabi kay Rebeca

Dito ang "mga salita" ay kumakatawan sa kung ano ang sinabi ni Esau. Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "May isang taong nagsabi kay Rebeca tungkol sa balak ni Esau."

ay inaaliw ang kanyang sarili

"ginagawa niyang mas mabuti ang kanyang pakiramdam"

Genesis 27:43

tumakas papunta kay Laban

"Umalis ka agad at pumunta kay Laban"

nang ilang araw

Maaring isalin na: "sa loob ng ilang panahon" o "nang sandali"

hanggang sa humupa ang pagpupuyos ng kapatid mo

"hanggang sa ang iyong kapatid ay huminahon"

hanggang sa ang galit ng kapatid mo ay mawala sa iyo

Ang pagkawala ng galit ay sinabi na para bang ang galit ay natuon sa ibang dako palayo sa tao. Maaring isalin na: "hanggang sa siya ay hindi na galit sa iyo"

Bakit kailangang mawala kayong pareho sa akin sa isang araw?

Gumamit si Rebeca ng isang tanong upang bigyang diin ang kanyang pag-aalala. Maaring isalin na: "Ayaw kong mawala kayong pareho sa akin sa loob ng isang araw!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

Ngayon

Hindi ibig sabihin nito na "sa sandaling ito," kundi ito ay ginamit upang ituon ang pansin sa mahalagang puntong sumusunod.

sandali

Dito ang "sandali" ay nangangahulugan ng hindi tiyak na bilang ng panahon" Maaring isalin na: "sa loob ng ilang panahon"

mawala kayong pareho sa akin sa isang araw

Pinahihiwatig na kung patayin ni Esau si Jacob, bibitayin nila si Esau bilang mamamatay tao.

mawala sa akin

Ito ay magalang na paraan ng pagbabanggit sa pagkamatay ng kanyang mga anak na lalaki.

Genesis 27:46

Ako ay nanghihina sa buhay

Si Rebeca ay nagpapalabis upang bigyang diin kung gaano siya nababalisa tungkol sa mga anak na babae ni Heth na napangasawa ni Esau. Maaring isalin na: "Ako ay labis na nababalisa"

mga anak na babae ni Heth

"itong mga babaeng Hittite" o "mga kaapu-apuhan ni Heth"

tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain

Ang pariralang "mga anak na babae ng lupain" ay nangangahulugang mga kababaihan sa malapit. Maaring isalin na: "tulad ng mga babaing naninirahan sa lupaing ito"

ano pa ang kabuluhan ng aking buhay?

Gumamit si Rebeca ng isang tanong upang bigyang diin kung gaano siya nababalisa kung si Jacob ay mag-asawa ng babaeng anak ni Heth. Maaring isalin na: "Ang aking buhay ay magiging kakila-kilabot"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/27]]


Chapter 28

1 Tinawag ni Isaac si Jacob, pinagpala siya at inutusan, "Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihang taga-Cananeo. 2 Tumayo ka, pumunta ka sa Paddan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina, at kumuha ka ng asawa mula roon, sa isa sa mga anak ni Laban, na kapatid ng iyong ina. 3 Pagpalain ka nawa ng Makapangyarihang Diyos, pamungahin ka at paramihin, para dumami ang iyong lahi. 4 Ibigay niya nawa sa iyo ang pagpapala ni Abraham, sa iyo, at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, para manahin mo ang lupain kung saan ka naninirahan, na ibinigay ng Diyos kay Abraham." 5 Kaya pinaalis ni Isaac si Jacob. Pumunta si Jacob sa Paddan-aram, kay Laban na anak ni Bethuel na Aramean, kapatid ni Rebeca na ina nina Esau at Jacob. 6 Ngayon nakita ni Esau na pinagpala ni Isaac si Jacob at pinapunta siya sa Paddan-aram para kumuha ng asawa roon. Nakita rin niya na pinagpala siya ni Isaac at binigyan siya ng utos, na nagsasabing, "Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihan ng Canaan." 7 Nakita rin ni Esau na sinunod ni Jacob ang kanyang ama at ina, at nagpunta sa Paddan-aram. 8 Nakita ni Esau na hindi nalugod ang kaniyang amang si Isaac sa mga kababaihan ng Canaan. 9 Kaya nagpunta siya kay Ismael, at kinuha, bukod pa sa mga asawang mayroon siya, si Mahalath na anak ni Ismael, anak ni Abraham, kapatid na babae ni Nabaioth, para maging asawa niya. 10 Nilisan ni Jacob ang Beer-seba at nagpunta sa Haran. 11 Dumating siya sa isang lugar at nanatili roon buong gabi, dahil lumubog na ang araw. Kumuha siya ng isang bato sa lugar na iyon, inilagay iyon sa ilalim ng kanyang ulo at nahiga sa lugar na iyon para matulog. 12 Siya ay nanaginip at nakakita ng hagdanang itinayo sa mundo. Ang tuktok nito ay umaabot sa langit at ang mga anghel ng Diyos ay akyat-panaog doon. 13 Masdan, si Yahweh ay nakatayo sa ibabaw niyon at nagsabi, "Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham na iyong ama, at ang Diyos ni Isaac. Ang lupang hinihigaan mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan. 14 Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain. 15 Masdan mo, kasama mo ako, iingatan kita saan ka man magpunta. Dadalhin kitang muli sa lupaing ito; dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat ng naipangako ko sa iyo." 16 Si Jacob ay nagising mula sa kanyang pagtulog at sinabi nya, "Tunay nga na si Yahweh ay nasa lugar na ito, at hindi ko iyon alam." 17 Natakot siya at nagsabi, "Nakakikilabot naman ang lugar na ito! Ito ay walang iba kundi ang tahanan ng Diyos. Ito ang tarangkahan ng langit." 18 Bumangon si Jacob kinaumagahan at kinuha ang batong inilagay niya sa ilalim ng kaniyang ulo. Itinayo niya ito bilang isang haligi at nagbuhos ng langis sa ibabaw nito. 19 Tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Bethel, pero ang dating pangalan ng lungsod na iyon ay Luz. 20 Si Jacob ay sumumpa ng isang panata na nagsasabing, "Kung ang Diyos ay kasama ko at pangangalagaan ako sa daang ito na aking nilalakaran, at bibigyan ako ng tinapay para kainin, at mga damit para suutin, 21 nang sa gayon matiwasay akong makabalik sa bahay ng aking ama, pagkatapos si Yahweh ay magiging Diyos ko. 22 Pagkatapos ang batong ito na itinayo ko bilang isang haligi ay magiging banal na bato. Mula sa lahat ng ibinigay mo sa akin, tiyak na ibabalik ko sa iyo ang ikasampung bahagi."



Genesis 28:1

Hindi ka dapat kumuha

Maaaring isalin na: "Huwag kang kumuha"

Tumayo ka, pumunta ka

Maaaring isalin na: "Pumunta ka agad"

Paddan-aram

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/25/19]].

bahay ni

Ito ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ng isang tao o ibang mga kamag-anak.

Bethuel

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng lalaking ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/20]].

ama ng iyong ina

"iyong lolo"

isa sa mga anak na babae

Maaaring isalin na: "mula sa mga anak na babae"

lalaking kapatid ng iyong ina

"iyong tiyuhin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Genesis 28:3

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

pamungahin ka at paramihin

Ang salitang "paramihin" ay nagpapaliwanag kung paano "pamumungahin" ng Diyos si Jacob. Maaaring isalin na: "bigyan ka ng maraming mga anak at kaapu-apuhan"

Ibigay niya nawa sa iyo ang pagpapala ni Abraham

Maaaring isalin na: "Nawa ibigay ni Yahweh ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham."

mga susunod mong kaapu-apuhan

Maaaring isalin na: "mga supling mo na kasama mo"

ang lupain kung saan ka naninirahan

"ang lupain kung saan ka namamalagi"

na ibinigay ng Diyos kay Abraham

Maaaring isalin na: "na ipinangako ng Diyos kay Abraham"

Genesis 28:5

Paddan-aram

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/25/19]].

Bethuel

Tingnan kung paano isinalin ang pangalan ng lalaking ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/20]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Genesis 28:6

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit upang tandaan ang pagbabago mula sa kuwento patungo sa nakaraang batayan tungkol kay Esau.

Paddan-aram

Tingnan kung paano ito naisalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/25/19]].

para kumuha ng asawa

"para kumuha ng asawa para sa kanyang sarili"

Nakita rin niya na pinagpala siya ni Isaac

"Nakita rin ni Esau na pinagpala ni Isaac si Jacob"

Hindi ka dapat kumuha

"Huwag kang kumuha"

kababaihan ng Canaan

"mga anak na babae ng Canaan" o mga babaeng Cananeo"

Genesis 28:8

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Nakita ni Esau

"Napagtanto ni Esau"

hindi nalugod ang kaniyang amang si Isaac sa mga kababaihan ng Canaan

"hindi sang-ayon ang kanyang amang si Isaac sa mga kababaihan ng Canaan

mga kababaihan ng Canaan

"mga anak na babae ng Canaan" o "ang mga babaeng Cananeo"

Kaya

"Dahil dito"

bukod pa sa mga asawang mayroon siya

"karagdagan sa mga asawang mayroon na siya"

Mahalath

Ito ang pangalan ng isa sa mga anak na babae ni Ismael.

Nabaioth

Ito ang pangalan ng isa sa mga anak na lalaki ni Ismael.

Genesis 28:10

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Dumating siya sa isang lugar at nanatili roon buong gabi, dahil lumubog na ang araw

Dumating siya sa isang lugar at, dahil lumubog na ang araw, nagpasya siyang magpalipas ng gabi"

Genesis 28:12

Siya ay nanaginip

"Si Jacob ay nagkaroon ng panaginip"

itinayo sa mundo

"nakatayo sa mundo"

langit

Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nakatira ang Diyos.

Masdan

Ang salitang "masdan" dito ay naghuhudyat sa atin na bigyang pansin ang nakagugulat na kaalaman na susunod.

ni Abraham na iyong ama

"ni Abraham ang iyong kanunu-nunuan" o ni Abraham ang iyong ninuno"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Genesis 28:14

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo

Inihahalintulad ng Diyos ang mga kaapu-apuhan ni Jacob sa alikabok sa mundo para bigyang diin ang kanilang malaking bilang. Maaaring isalin na: "Ikaw ay magkakaroon ng mas maraming kaapu-apuhan kaysa sa kaya mong bilangin"

ikaw ay kakalat sa kanluran

Dito ang salitang "ikaw" ay pang-isahan pero tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Jacob. Tinutukoy lamang si Jacob dahil siya ang pinuno ng pamilya. Maaaring isalin na: "at ang iyong mga kaapu-apuhan ay kakalat sa kanluran"

Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain

Ito ay maaring isalin sa aktibong anyo: AT: "Pagpapalain ko ang lahat ng mga pamilya sa mundo sa pamamgitan mo at ng iyong mga kaapu-apuhan"

Masdan mo

Maaaring isalin na: "Tingnan mo" o "Makinig ka" o "Bigyan pansin mo ang sasabihin ko sa iyo"

dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat

"dahil hindi kita iiwan hanggang magawa ko na ang lahat"

iingatan kita

"pananatilihin kitang ligtas" o "pangangalagaan kita"

Dadalhin kitang muli sa lupaing ito

"Ibabalik kita sa lupaing ito"

Genesis 28:16

nagising mula sa kanyang pagtulog

"gumising mula sa pagtulog"

ang tahanan ng Diyos...ang tarangkahan ng langit

Ang pariralang "ang tarangkahan ng langit" ay nagpapaliwanag na ang lugar na ito ay ang pasukan patungo sa "tahanan ng Diyos" at "ang pasukan kung saan nakatira ang Diyos."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Genesis 28:18

haligi

Ito ay isang paalaalang haligi, iyon ay, isa lamang malaking bato o dambuhalang bato na itinayo sa dulo nito.

nagbuhos ng langis sa ibabaw niyon

Maaaring itong isalin nang malinaw. Maaaring isalin na: "nagbuhos ng langis sa ibabaw nito upang italaga ang haligi sa Diyos"

Bethel

Ang mga tagasalin ay maaari ring magdagdag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Bethel ay nangangahulugang 'tahanan ng Diyos'"

Luz

Ito ay pangalan ng isang lungsod.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

Genesis 28:20

sumumpa ng isang panata

"gumawa ng isang panata"

banal na bato

Maaaring isalin na: "tahanan ng Diyos" o "lugar ng Diyos"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/28]]


Chapter 29

1 Pagkatapos nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay at nakarating sa lupain ng mga mamamayan sa silangan. 2 Nang siya ay nagmasid, mayroon siyang nakitang balon sa bukid, at nakita niya, na may tatlong mga kawan ng tupa na namamahinga sa paligid nito. Dahil mula sa balong iyon pinapainom nila ang mga kawan, at ang bato sa bunganga ng balon ay malaki. 3 Kapag sama-samang napagtipon ang lahat ng mga kawan doon, igugulong ng mga pastol ang bato mula sa bunganga ng balon at paiinumin ang mga tupa, at pagkatapos ibabalik muli ang bato sa bunganga ng balon, pabalik sa kinalalagyan nito. 4 Sinabi ni Jacob sa kanila, "Mga kapatid ko, saan kayo nanggaling?" At sinabi nila, "Kami ay nanggaling sa Haran". 5 Sinabi niya sa kanila, "Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nahor?" At sinabi nila, "Kilala namin siya". 6 Sinabi niya sa kanila "Mabuti ba ang kalagayan niya?" Sinabi nila, "Mabuti naman siya, at, tumingin ka roon, si Raquel na kanyang anak ay paparating kasama ang mga tupa." 7 Sinabi ni Jacob, "Tingnan mo, ito katanghaliang-tapat. Hindi pa oras para sa mga kawan na sama-samang tipunin. Painumin ninyo ang mga tupa at pagkatapos umalis kayo at hayaan silang manginain ng damo." 8 Sinabi nila, "Hindi namin sila mapapainum hangga't hindi pa sama-samang natitipon ang mga kawan. Saka pa lamang igugulong ng mga kalalakihan ang bato mula sa bunganga ng balon, at paiinumin namin ang mga tupa." 9 Habang si Jacob ay nakikipag-usap pa rin sa kanila, dumating si Raquel kasama ang mga tupa ng kanyang ama, dahil inaalagaan niya ang mga ito. 10 Nang makita ni Jacob si Raquel, anak na babae ni Laban, kapatid na lalaki ng kanyang ina, lumapit si Jacob, pinagulung ang bato mula sa bunganga ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kanyang ina. 11 Hinalikan ni Jacob si Raquel at umiyak ng malakas. 12 Sinabi ni Jacob kay Raquel na siya ay kamag-anak ng kanyang ama, at siya ay anak ni Rebeca. Pagkatapos tumakbo si Raquel at sinabi niya sa kanyang ama. 13 Nang marinig ni Laban ang balita tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid na babae, siya ay tumakbo para salubungin siya, yakapin, halikan at dalhin sa kanyang bahay. Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito. 14 Sinabi ni Laban sa kanya, "Tunay nga na ikaw ay aking buto at laman," Pagkataposnanatili si Jacob sa piling niya ng isang buwan. 15 Pagkatapos sinabi ni Laban kay Jacob, "Pagsisilbihan mo ba ako sa wala dahil kamag-anak mo ako? Sabihin mo sa akin, ano ang iyong magiging kabayaran?" 16 Ngayon si Laban ay may dalawang anak na babae. Ang pangalan ng nakatatanda ay Lea at ang pangalan ng nakababatang kapatid ay Raquel. 17 Si Lea ay may mapupungay na mga mata, pero si Raquel ay maganda sa anyo at itsura. 18 Minahal ni Jacob si Raquel, kaya sinabi niya, "Maninilbihan ako sa iyo ng pitong taon para kay Raquel, ang iyong nakababatang anak na babae." 19 Sinabi si Laban, "Mas mabuti na ibigay ko siya sa iyo, kaysa ibigay ko siya sa ibang lalaki. Manatili ka sa akin." 20 Kaya naninilbihan si Jacob ng pitong taon para kay Raquel; at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya, dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya. 21 Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban, "Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya!" 22 Kaya tinipon ni Laban ang lahat ng mga lalaki sa lugar at nagpista. 23 Kinagabihan, kinuha ni Laban si Lea na kanyang anak at dinala kay Jacob, na siyang sumiping sa kanya. 24 Binigay rin ni Laban ang kanyang babaeng lingkod na si Zilpa sa kanyang anak na si Lea, para maging lingkod niya. 25 Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, "Ano ba itong ginawa mo sa akin?" Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?" 26 Sinabi ni Laban, "Hindi namin kaugalian na ibigay ang nakababatang anak na babae bago ang panganay. 27 Tapusin mo ang isang linggong kasalan sa anak kong ito, at ibibigay rin namin sa iyo ang isa bilang kapalit ng iyong paninilbihan sa akin ng karagdagang pitong taon." 28 Kaya ginawa iyon ni Jacob, at natapos ang isang linggo para kay Lea. Pagkatapos ay ibinigay ni Laban sa kanya si Raquel bilang kanyang asawa rin. 29 Ibinigay rin ni Laban si Bilha sa kanyang anak na babaeng si Raquel, para maging lingkod. 30 Kaya pinakasalan ni Jacob si Raquel, dahil minahal niya si Raquel nang mas higit pa kay Lea. Kaya nanilbihan si Jacob kay Laban ng karagdagang pitong taon. 31 Nakita ni Yahweh na si Lea ay hindi minahal, kaya binuksan niya ang kanyang sinapupunan, pero si Raquel ay walang anak. 32 Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki, at pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, "Dahil nakita ni Yahweh ang aking paghihirap; tiyak ngayon na mamahalin na ako ng aking asawa. 33 Pagkatapos muli siyang nagdalang-tao at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, "Dahil narinig ni Yahweh na hindi ako minahal, kaya binigyan din niya ako ng anak na lalaki," at pinangalanan niya itong Simeon. 34 Pagkatapos nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, "Ngayon, sa pagkakataong ito, ang aking asawa ay magiging malapit na sa akin dahil nakapagsilang ako para sa kanya ng tatlong lalaki." Kaya nga ang kanyang pangalan ay tinawag na Levi. 35 Nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, "Sa pagkakataong ito pupurihin ko si Yahweh." Kaya nga pinangalanan niya itong Juda; Pagkatapos huminto na siya sa pagkakaroon ng anak.



Genesis 29:1

at nakita niya, na may tatlong mga kawan ng tupa na namamahinga sa paligid nito

Ang salitang "nakita niya" ay nagtatanda ng pagsisimula ng ibang pangyayari sa mas malawak na kuwento. Ang iyong wika ay maaaring may paraan na gawin ito.

Dahil mula sa balong iyon

Ang pariralang ito ay nagtatanda ng pagbabago mula sa kuwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol sa kung paano pinapainum ng mga pastol ang mga kawan.

pinapainom nila

"pinapainom ng mga pastol" o "pinapainom ng mga nangangalaga ng mga tupa"

sa bunganga ng balon:

"sa bukasan ng balon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:4

Sinabi ni Jacob sa kanila

"Sinabi ni Jacob sa mga pastol"

Mga kapatid ko

Ito ay isang magalang na paraan ng pagbati sa isang dayuhan.

at, tumingin ka roon, si Raquel na kanyang anak ay paparating kasama ang mga tupa.

"Ngayon tumingin ka! Paparating si Raquel na kanyang anak kasama ang kanyang mga tupa"

Si Laban na anak ni Nahor

Dito ang "anak" ay tumutukoy sa lalaking kaapu-apuhan. Isa pang maaaring kahulugan ay "Si Laban ang apo ni Nahor." (UDB)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:7

para sa mga kawan na sama-samang tipunin

Ito ay maaring isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin an: "para sa iyo na itipon ang mga kawan" (Tingnan sa:

hayaan silang manginain ng damo

"hayaan silang kumain ng damo sa bukid"

mula sa bunganga ng balon

"mula sa balon" o "mula sa bukasan ng balon"

at paiinumin namin ang mga tupa

" pagkatapos at paiinumin namin ang mga tupa

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:9

kapatid na lalaki ng kanyang ina

"kanyang tiyuhin"

sa bunganga ng balon

"ang balon" o " ang bukasan ng balon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:11

Hinalikan ni Jacob si Raquel

Sa sinaunang kalapit na silangan, pangkaraniwan ang pagbati sa isang kamag-anak sa pamamagitan ng paghalik. Gayumpaman, ito ay kalimitang pagbati sa pagitan ng mga lalaki. Kung ang iyong wika ay mayroong magiliw na pagbati para sa kamag-anak, gamitin mo ito. Kung hindi, gamitin mo kung ano ang angkop.

kamag-anak ng kanyang ama

"may kaugnayan sa kanyang ama"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:13

anak ng kanyang kapatid na babae

"kanyang pamangkin"

yakapin

" yapusin siya"

halik

Sa sinaunang kalapit na silangan, pangkaraniwan ang pagbati sa isang kamag-anak sa pamamagitan ng paghalik. Gayumpaman, ito ay kalimitang pagbati sa pagitan ng mga lalaki. Kung ang iyong wika ay mayroong magiliw na pagbati para sa kamag-anak, gamitin mo ito. Kung hindi, gamitin mo kung ano ang angkop.

Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito

" Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng bagay na sinabi niya kay Raquel"

aking buto at laman

ang pariralang ito ay nangangahulugang may kaugnayan ang mga ito nang direkta. Maaaring isalin na: "aking kamag-anak"o " miyembro ng aking pamilya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:15

Pagsisilbihan mo ba ako sa wala

Gumagamit si Laban ng tanong para magbigay diin. AT: "Hindi tama na pagtrabahuin ka ng walang bayad!"

Ngayon si Laban ay may

Ang salitang "ngayon" ay ginamit dito para tandaan ang pagbabago mula sa kuwento patungo sa nakaraang batayan tungkol kay Laban at sa kanyang mga anak na babae.

Si Lea ay may mapupungay na mga mata

Maaaring mga kahulugan ay 1) "Maganda ang mga mata ni Lea o 2) "Ang mga mata ni Lea ay simple."

Minahal

Dito ang salitang " minahal" ay tumutukoy sa romantikong atraksyon sa pagitan ng lalaki at ng babae.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:19

kaysa ibigay ko siya sa ibang lalaki

"kaysa mabigay siya sa ibang lalaki"

at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya

pero tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya

dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya

"sa ngalan ng pagmamahal niya sa kanya" o " dahil sa pag-ibig na mayroon siya para sa kanya

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:21

Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya

Maaaring isalin na: "Ibigay mo na sa akin si Raquel para pakasalan ko siya, dahil nagtrabaho na ako ng pitong taon para sayo."

nagpista

"naghanda ng pistang pangkasal

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:23

Si Zilpa

Ito ang pangalan ng lingkod ni Lea na babae.

nagulat siya, dahil si Lea

Ang salitang "nagulat siya" rito ay nagpapakita na nagulat na [ang tao] dahil sa kaniyang nakita. Maaaring isalin na: "Nagulat si Jacob ng makita na si Lea ang nasa higaan kasama niya"

Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Rachel?

Ginagamit ni Jacob ang mga tanong na ito para ipahayag ang sakit o paglabag sa tiwala ni Laban. Maaaring isalin na: "Nanilbihan ako sa iyo ng pitong taon para pakasalan si Raquel!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:26

Hindi namin kaugalian na ibigay

"Sa aming pamilya hindi namin ibinibigay"

Tapusin mo ang isang linggong kasalan sa anak kong ito

"Tapusin mo ang kapistahan ng linggong kasalan kay Lea"

at ibibigay rin namin sa iyo ang isa

Ang buong kahulugan ay maaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "at sa susunod na linggo ay ibibigay rin namin si Raquel"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:28

ginawa iyon ni Jacob, at natapos ang isang linggo para kay Lea

" At ginawa ni Jacob ang hiniling ni Laban, at tinapos niya ang pagdiriwang ng isang linggong kasalan para kay Lea"

Si Bilha

Ito ang pangalan ng babaeng lingkod ni Raquel.

minahal

Ito ay tumutukoy sa romantikong pagmamahalan sa pagitan ng lalaki at ng babae.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:31

si Lea ay hindi minahal

Ito ay maaring isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Hindi minahal ni Jacob si Lea"

ay walang anak

"ay hindi magkaroon ng anak"

Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki

"Si Lea ay nabuntis at nagsilang ng isang batang lalaki"

pinangalanan niyang Ruben

Ang mga tagsalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsabing: " Ang pangalang Reuben ay nangangahulugang 'Tingnan mo, isang batang lalaki."

aking paghihirap

Si Lea ay nakararanas ng hindi pagtanggap mula kay Jacob. Maaaring isalin na: "aking madamdaming sakit" o "ang aking kalungkutan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:33

Pagkatapos muli siyang nagdalang-tao

"Pagkatapos nabuntis si Lea"

nagsilang ng lalaki

"nanganak ng lalaki"

narinig ni Yahweh na hindi ako minahal,

Maaaring isalin na: "Narinig ni Yahweh na hindi ako minahal ng aking asawa"

pinangalanan niya itong Simeon

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Simeon ay nangangahulugang "narinig."

ang aking asawa ay magiging malapit na sa akin

"yayakapin na ako ng aking asawa"

nakapagsilang ako para sa kanya ng tatlong lalaki

"nanganak ako para sa kanya ng tatlong anak na lalaki"

ang kanyang pangalan ay tinawag na Levi

Ang mga tagasalin ay maaari ring madagdag ng talababa na nagsasabing " Ang pangalang Levi ay nangangahulugang " magiging malapit"'

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

Genesis 29:35

Nagdalang-tao siya muli

"Nabuntis muli si Lea"

nagsilang ng lalaki

"nanganak ng lalaki"

pinangalanan niya itong Juda

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing " Ang pangalang Juda ay nangangahulugang "pupurihin."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/29]]


Chapter 30

1 Nang makita ni Raquel na wala siyang naging anak kay Jacob, si Raquel ay nainggit sa kanyang kapatid na babae. Sinabi niya kay Jacob, "Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako." 2 Ang galit ni Jacob ay nagsiklab laban kay Raquel. Sinabi niya, "Nasa lugar ba ako ng Dios, na pumigil sa iyo na magkaanak?" 3 Sinabi niya, "Tingnan mo, iyan ang aking lingkod na si Bilha. Sipingan mo siya para magkaroon siya ng mga anak sa aking mga tuhod, at ako ay magkakaroon ng mga anak sa pamamagitan niya." 4 Kaya binigay niya ang kanyang lingkod na si Bilha bilang asawa at sinipingan siya ni Jacob. 5 Nagdalang-tao si Bilha at nagsilang ng anak na lalaki kay Jacob. 6 Sinabi ni Raquel, "Narinig ako ng Diyos. Tiyak na narinig niya ang aking tinig at binigyan ako ng isang anak. Kaya nga, pinangalanan niya itong Dan. 7 Si Bilha, ang lingkod ni Raquel, ay nagdalang-tao muli at nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak. 8 Sinabi ni Raquel, "Sa matinding pakikipagbuno, nakipagbuno ako sa aking kapatid at ako ay nanaig." Siya ay pinangalanan niyang Nephtali. 9 Nang nakita ni Lea na natigil na siya sa pagkakaroon ng anak, kinuha niya si Zilpa, ang kanyang lingkod, at ibinigay kay Jacob bilang asawa. 10 Si Zilpa, na lingkod ni Lea, ay nagsilang ng lalaki kay Jacob. 11 Sinabi ni Lea, "Ito ay napakapalad!" Kaya siya ay pinangalanan niyang Gad. 12 Pagkatapos si Zilpa, lingkod ni Lea, ay nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak. 13 Sinabi ni Lea, "Masaya ako! Dahil ang mga anak na babae ay tatawagin akong masaya." Kaya siya ay pinangalanan niyang Asher. 14 Pumunta si Ruben nang panahon ng pag-ani ang trigo at nakakita ng mga halaman ng mendreik. Dinala niya ito sa kanyang inang si Lea. Pagkatapos sinabi ni Raquel kay Lea, "Bigyan mo ako ilan sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak." 15 Sinabi ni Lea kay Raquel, "Maliit na bagay lang ba sa iyo na kinuha mo ang aking asawa? Ngayon gusto mo namang kunin din ang mga halaman ng mendreik ng aking anak?" Sinabi ni Raquel, "Matutulog siya kasama mo ngayong gabi, bilang kapalit sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak." 16 Nanggaling si Jacob sa kanyang sakahan kinagabihan. Lumabas si Lea para salubungin siya at sinabi, "Kailangan mong matulog kasama ko ngayong gabi, dahil inupahan kita sa pamamagitan ng mga halaman na mendreik ng aking anak." Kaya natulog si Jacob kasama ni Lea nang gabing iyon. 17 Dininig ng Diyos si Lea, at nagdalang tao siya at nagsilang ng ikalimang anak nila ni Jacob. 18 Sinabi ni Lea, "Ibinigay ng Diyos sa akin ang aking mga kabayaran, dahil ibinigay ko sa aking asawa ang aking babaeng lingkod." Siya ay pinangalanan niyang Isacar. 19 Muling nagdalang-tao si Lea at nagsilang kay Jacob ng ikaanim na anak. 20 Sinabi ni Lea, "Binigyan ako ng Diyos ng magandang regalo. Ngayon, pararangalan na ako ng aking asawa, dahil nagsilang ako ng anim na batang lalaki sa kanya." Siya ay pinangalanan niyang Zebulon. 21 Pagkatapos nagsilang siya ng batang babae at siya ay pinangalanan niyang Dina. 22 Naalala ng Diyos si Raquel at dininig siya. Dinulot niya na siya ay mabuntis. 23 Nagdalang-tao siya at nagsilang ng isang anak na lalaki. Sinabi niya, "Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan." 24 Siya ay pinangalanan niyang Jose, na nagsasabing, "Si Yahweh ay nagdagdag sa akin ng lalaking anak." 25 Pagkatapos isilang ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, "Ipadala mo ako sa malayo, para ako ay makapunta sa sarili kong tahanan at sa aking bansa. 26 Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at mga anak na dahilan ng aking paninilbihan sa iyo, at hayaan mo akong umalis dahil alam mo naman ang paglilingkod na ibinigay ko sa iyo." 27 Sinabi ni Laban sa kanya, "Kung nakahanap ako ng pabor sa iyong mga mata ngayon, maghintay ka muna, dahil nalaman ko sa aking pagdarasal na pinagpala ako ni Yahweh para sa iyong kapakanan." 28 Pagkatapos sinabi niya, "Sabihin mo kung magkano ang iyong kabayaran at babayaran ko." 29 Sinabi ni Jacob sa kanya, "Alam mo kung paano ako nanilbihan sa iyo at alam mo kung paano lumago ang iyong mga hayop. 30 Dahil kakaunti lang ang mayroon ka bago ako dumating, at dumami ito nang dumami. Pinagpala ka ni Yahweh saan man ako nagtrabaho. Ngayon kailan naman ako maghahanda para sa aking sariling sambahayan?" 31 Kaya sinabi ni Laban, "Ano ang ibabayad ko sa iyo?" Sinabi ni Jacob, "Hindi mo ako bibigyan ng anumang bagay. Kung gagawin mo ang bagay na ito para sa akin, pakakainin ko ulit at iingatan ang iyong mga kawan. 32 Hayaan mo akong lumakad doon sa iyong mga kawan ngayon, aalisin ko ang bawat may batik at may dungis na tupa, at lahat ng mga itim sa iyong mga tupa, at ang mga may dungis at batik sa mga kambing. Ito ang aking magiging kabayaran. 33 Ang aking katapatan ang magpapatunay para sa akin kalaunan, kapag pupunta ka para tingnan ang aking kabayaran. Lahat na mga walang batik, walang dungis sa mga kambing, at itim sa mga tupa, kung mayroon mang makita na nasa akin, ay ituturing na ninakaw." 34 Sinabi ni Laban, "Pumapayag ako. Mangyayari ang mga ito ayon sa sinabi mo." 35 Sa araw na iyon inalis ni Laban ang lahat ng mga lalaking kambing na may guhit at dungis, at ang lahat ng mga babaeng kambing na may batik at dungis, ang lahat na may puti, at ang lahat ng mga itim sa mga tupa, at ibinigay niya ito sa kamay ng kanyang mga anak na lalaki. 36 Naglagay din si Laban ng tatlong araw na paglalakbay sa pagitan ng kanyang sarili at kay Jacob. Kaya si Jacob ay nagsikap na alagaan ang natitirang kawan ni Laban. 37 Kumuha si Jacob ng sariwang pinutol na mga sanga ng sariwang alamo, at ng almendro at ng kastanong punongkahoy, at binalatan sila ng puting guhit, at pinalitaw ang puting loob ng kahoy na nasa mga patpat. 38 Pagkatapos inilagay niya ang binalatang patpat sa harap ng mga kawan, sa harap ng patubigan kung saan ang mga kawan ay umiinom. Nabubuntis sila sa tuwing sila ay umiinom. 39 Ang mga kawan ay nagparami sa harap ng mga patpat; at ang mga kawan ay nanganak ng may guhit, may batik, at may dungis na bata. 40 Si Jacob ay naghiwalay sa mga babaeng tupa, at hinarap ang kanilang mga mukha sa mga hayop na may guhit at lahat ng itim na tupa sa kawan ni Laban. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang kaniyang mga kawan at hindi na sila isinama kailanman sa kawan ni Laban. 41 Sa tuwing nagpaparami ang mga malalakas na tupa sa kawan, nilalagay ni Jacob ang mga patpat sa may patubigan sa harapan ng mga mata ng kawan, para mabuntis sila sa gitna ng mga patpat. 42 Pero kapag dumating ang mahihinang hayop sa kawan, hindi niya inilalagay ang mga patpat sa kanilang harapan. Kaya ang mga mahihinang hayop ay kay Laban, at ang mga malalakas ay kay Jacob. 43 Naging masagana ang lalaki. Mayroon siyang maraming mga kawan, mga babaeng at lalaking lingkod, mga kamelyo at mga asno.



Genesis 30:1

wala siyang naging anak kay Jacob

Maaaring isalin na: "hindi siya nakakapagsilang pa ng mga anak kay Jacob."

mamamatay ako

Si Raquel ay gumagamit ng eksaherasyon para ipahayag ang tungkol sa hindi pagkakaroon ng mga anak. AT: "nararamdaman kong ganap akong walang kabuluhan"

Ang galit ni Jacob ay nagsiklab laban kay Raquel

Maaaring isalin na: " Si Jacob ay nagalit ng husto kay Raquel"

Nasa lugar ba ako ng Dios, na pumigil sa iyo na magkaanak

Ito ay talumpating tanong na ginamit ni Jacob para pagsabihan si Raquel. Maaaaring isalin na: "Hindi ako Diyos! Hindi ako ang pumipigil para magkaroon ka ng mga anak!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:3

Sinabi niya

" Sinabi ni Raquel"

Tingnan mo

Maaaring isalin na: "Tumigin ka" (UDB) o "Makinig ka" o "Bigyan pansin mo kung ano ang sasabihin ko"

Si Bilhah

Ito ang pangalan ng babaeng lingkod ni Raquel.

sa aking mga tuhod

Ang pahayag na ito ay nangangahuluan na ang mga anak ni Bilha ay nabibilang kay Rachel. Maaaring isalin na: "para sa akin"

ako ay magkakaroon ng mga anak sa pamamagitan niya.

Maaaring isalin na: "Itatayo ko ang aking pamilya sa pamamagitan niya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:5

Nagdalang-tao si Bilha

Ito ang pangalan ng lingkod ni Raquel na babae. Tingnan kung paano mo ito isasalin ang pangalang ito [[rc://tl/bible/notes/gen/29/28]]..

nagsilang ng anak na lalaki kay Jacob

"nanganak ng lalaki para kay Jacob"

Narinig ako ng Diyos

Maaaring isalin na: "Hinatulan ako ng Diyos

narinig niya ang aking tinig

Maaaring isalin " Narinig niya ako"

pinangalanan niya itong

"pinangalanan ni Rachel itong"

pinangalanan niya itong Dan

Ang mga tagsalin ay maaring madagdag ng talababa na nagsabing "Ang pangalang Dan ay nangangahulugang " Hinatulan siya"'

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:7

Si Bilha...ay nagdalang-tao muli

"Si Bilha... ay nabuntis muli"

at nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak

"at nanganak ng ikalawang anak para kay Jacob"

Sa matinding pakikipagbuno, nakipagbuno ako sa aking kapatid

Ang pariralang "pakikipagbuno, nakipagbuno ako" ay isang sawikain na ginamit para magbigay-diin. Isa rin itong talinghaga na naghahalintulad sa pisikal na away nang magtangkang magkaroon ng anak si Raquel na tulad ng kaniyang kapatid. Maaarig isalin na: "Mayroon akong malaking pagsubok na magkaroon ng mga anak tulad ng aking nakakatandang kapatid na si Lea"

at nanaig ako.

" at nanalo ako" o "nagtagumpay ako"

pinangalanan niyang Nephtali

Ang mga tagapagsalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing " Ang pangalang Naptali ay nangangahulugan na " ang aking pagsubok."'

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:9

Nang nakita ni Lea

" Nang nalaman ni Lea"

kinuha niya si Zilpa, ang kanyang lingkod, at ibinigay kay Jacob bilang asawa

"Ibinigay niya si Zilpa, ang kanyang lingkod, kay Jacob bilang asawa"

si Zilpa

Ito ang pangalan ng babaeng lingkod ni Lea.

nagsilang ng lalaki kay Jacob

"nanganak siya ng lalaki para kay Jacob"

Ito ay napakapalad!

" Napakapalad! "o" Napakagandang kapalaran!"

pinangalanan niyang Gad

Ang mga tagasalin ay maari ring magdagdag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Gad ay nangangahulugang "napakapalad."'

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:12

Pagkatapos si Zilpa

Tingnan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/30/09]] kung paano isalin ang Zilpa

nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak

" nanganak ng ikalawang anak para kay Jacob"

"Masaya ako!

"Napakapalad ko!" o "Napakasaya ko!"

mga anak na babae

"ang mga babae" o "ang mga batang babae"

pinangalanan niyang Asher

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing " Ang pangalang Asher ay nangangahulugang "masaya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:14

Pumunta si Reuben

"Lumabas si Reuben"

nang panahon ng pag-ani ang trigo

Dito ang pariralang "nang panahon ng" ay isang sawikain na tumutukoy sa panahon o oras ng taon. Maaring isalin na: "nang panahon sa taon ng pag-aani ng trigo "o" sa panahon ng pag-aani ng trigo."

mga halaman ng mendreik

Ito ay bunga na sinasabing nakapagpaparami ng anak at pagnanais na sumiping sa may minamahal na. Maaaring isalin na: "bunga ng pag-ibig"

Maliit na bagay lang ba sa iyo

Ito isang talumpating tanong na ginamit para pagsabihan si Raquel. Kung ginagamit ng iyong wika ang mga talumpating tanong sa ganitong paraan, maaari itong isalin bilang " Wala ka bang pakialam?" o " Wala bang kahulugan ang lahat ng ito sayo?" O, ito ay maaaring isalin bilang isang pangungusap: "Masama na kinuha mo ang aking asawa." .

Ngayon gusto mo namang kunin din?

Ito ay isang talumpating tanong na ginamit para pagsabihan si Raquel. Maaaring isalin na: " Ngayon gusto mo...rin!"

Matutulog siya

"Matutulog si Jacob" o "Papayagan kong matulog si Jacob"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:16

sa pamamagitan ng mga halaman na mendreik ng aking anak

"para bayad sa mga halaman na mendreik ng aking anak." Tingnan kung paano mo isinalin ang "mendreik" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/30/14]].

nagdalang tao siya

"nabuntis siya"

at nagsilang ng ikalimang anak nila ni Jacob

"at nanganak ng ikalimang anak para kay Jacob"

aking mga kabayaran

Naniwala si Lea na ginantimpalaan siya ng Diyos dahil ibinigay niya ang kanyang lingkod kay Jacob. AT: "ang aking dahilan" o "ang aking gantimpala."

Siya ay pinangalanan niyang Isacar

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing " ang pangalang Isacar ay nangangahulugang "mayroong regalo."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:19

Muling nagdalang-tao si Lea

"Muling nabuntis si Lea"

at nagsilang kay Jacob ng ikaanim na anak

"at nanganak ng ikaanim na anak para kay Jacob"

Siya ay pinangalanan niyang Zebulon

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing: " Ang pangalang Zebulun ay nangangahulugang "karangalan."

at siya ay pinangalanan niyang Dina

Ito ang pangalan ng babaeng anak ni Lea.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:22

Naalala ng Diyos si Raquel

May malasakit ang Diyos kay Rachel at pinili niyang siya ay mabuntis.

Siya ay pinangalanan niyang Jose

Ang mga tagasalin ay maaring magdagdag ng talababa na nagsasabing " Ang pangalang Jose ay nangangahulugang 'nawa dagdagan niya.""

Si Yahweh ay nagdagdag sa akin ng lalaking anak

Ang unang anak ni Raquel ay sa pamamagitan ng kanyang babaeng lingkod na si Bilha.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:25

Pagkatapos isilang ni Raquel si Jose

"Pagkatapos manganak ni Raquel kay Jose"

at hayaan mo akong umalis

"para makaalis na ako"

alam mo naman ang paglilingkod na ibinigay ko sa iyo

"alam mo na sapat na ang paninilbihan ko sa iyo" Pinapaalala ni Jacob kay Laban ang kanilang kasunduan

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:27

Sinabi ni Laban sa kanya

"Sinabi ni Laban kay Jacob"

"Kung nakahanap ako ng pabor sa iyong mga mata ngayon

Ang pariralang " sa iyong mga mata" ay tumutukoy sa pag-iisip at palagay ni Jacob. Ang sakiwaing "nakahanap ng pabor" ay nangangahulugang "sinang-ayunan" ng isang tao. Maaaring isalin na: "Kung nakahanap ka ng pabor sa iyo" o "kung nalulugod ka sa akin."

maghintay ka muna

"pakiusap manatili ka muna"

nalaman ko sa aking pagdarasal

"Nalaman ko sa pamamagitan ng aking sariling gawaing espiritwal"

para sa iyong kapakanan

" dahil sa iyo"

Sabihin mo kung magkano ang iyong kabayaran

Ito ay maaring gawing mas malinaw. Maaaring isalin na: "Sabihin mo sa akin kung magkano ang ibabayad ko sa iyo para manatili ka rito"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:29

Sinabi ni Jacob sa kanya

"Sinabi Jacob kay Laban"

kung paano lumago ang iyong mga hayop

" Kung paano naging maayos ang iyong mga hayop simula ng ako ay nag-alaga nito"

Dahil kakaunti lang ang mayroon ka bago ako dumating

"Kaunti lamang ang mga kawan mo bago ako nagtrabaho sayo"

at dumami ito nang dumami

"pero ngayon ang iyong kayamanan ay dumami nang dumami"

Ngayon kailan naman ako maghahanda para sa aking sariling sambahayan?

Ngayon, kailan ba ako mag-aalaga sa sarili kong pamilya?" Maaari itong isalin bilang pahayag. Maaaring isalin na: "Ngayon gusto kung alagaan naman ang aking pamilya!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:31

Ano ba ang maibabayad ko sa iyo?

"Ano ang maaari kong ibayad sa iyo?" o "Ano ang maaari kong ibigay sa iyo?" Ito ay maaring gawing malinaw: "Ano ba ang maaari kong ibayad sa iyo para manatili ka at magtrabaho sa akin?" .

Kung gagawin mo ang bagay na ito para sa akin

"Pero kung gagawin mo ang bagay na ito para sa akin"

pakakainin ko ulit at iingatan ang iyong mga kawan

"pakakainin at aalagaan ko ang iyong mga kawan"

aalisin ko ang bawat may batik at may dungis na tupa, at lahat ng mga itim sa iyong mga tupa, at ang mga may dungis at batik sa mga kambing

"aalisin ko ang bawat may dungis na mga tupa, at bawat itim sa iyong mga tupa, at ang bawat may dungis sa mga kambing"

Ito ang magiging aking kabayaran

"Ito ang magiging halaga ng pananatili ko rito"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:33

Ang aking katapatan ang magpapatunay para sa akin kalaunan

Ang salitang "katapatan" ay nangangahulugang totoo o patas. Maaaring isalin na: At kalaunan malalaman mo kung ako ay naging totoo sa iyo o hindi.

Lahat na mga walang batik, walang dungis sa mga kambing, at itim sa mga tupa, kung mayroon mang makita na nasa akin, ay ituturing na ninakaw

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong pandiwa. Maaaring isalin: "Kung mayroon kang makitang kambing o tupa na hindi itim, ituring mo itong ninakaw."

Mangyayari ang mga ito ayon sa sinabi mo

"Mangyayari ito gaya ng sinasabi mo" o "gagawin namin kung ano ang sinabi mo" (UDB)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:35

na may guhit at dungis

"na mayroong mga guhit at dungis"

na may batik at dungis

"na mayrooong mga may dungis"

ang lahat ng may puti

"ang lahat ng kambing na may mga puti"

at ang lahat ng mga itim sa mga tupa,

"at ang lahat ng mga itim na tupa"

ibinigay niya ito sa kamay

Nangangahulugan itong inilagay sa pamamahala at pangangalaga sa kaniyang mga anak.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:37

sariwang alamo...almendro...kastanong punongkahoy

Lahat ng ito ay mga puno na may maputing kahoy.

at binalatan sila ng puting guhit, at pinalitaw ang puting loob ng kahoy na nasa mga patpat

"at binalatan ang mga piraso ng kahoy para lumitaw ang puting kahoy na nasa ilalim"

patubigan

mataas na bukas na sisidlan ng tubig na napag-iinuman ng mga hayop

Nabubuntis

"Nakikipagtalik" o "Nagpapalahi"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:39

nagparami

"nagpalahi" o ' nagtalik" (UDB)

nanganak ng may guhit, may batik , at may dungis na bata

"nagsilang ng mga batang may batik at may dungis"

hinarap ang kanilang mukha sa

"pinaharap sila para tumingin sa"

Ihiniwalay niya ang kanyang mga kawan

"pinaghiwalay niya ang kaniyang mga kawan"

hindi na sila isinama

"hindi niya sila inilagay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:41

sa harapan ng mga mata ng kawan

Maaaring isalin na: "para makita ang mga ito ng mga kawan."

para mabuntis sila sa gitna ng mga patpat

Maaaring isalin na: "para lumaki ang pagkakataong mabuntis sila sa gitna ng mga patpat."

mabuntis

"magparami" o "makipagtalik"

sa gitna ng mga patpat

"sa harap ng mga patpat"

mahihinang hayop

"mas mahihinang mga hayop"

Kaya ang mga mahihinang hayop ay kay Laban, at ang mga malalakas ay kay Jacob

"Kaya ang mga mahinang anak ay kay Laban, pero ang malalakas na mga anak ay kay Jacob." Maaari mo itong gawing mas malinaw. Maaaring isalin na: "Kaya ang mga mahihinang anak ay hindi nagkaroon ng mga guhit at dungis kaya napunta ito kay Laban, habang ang malalakas na anak ay nagkaroon ng mga guhit at dungis kaya napunta ito kay Jacob"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

Genesis 30:43

Ang lalaki

"Jacob"

naging napakayaman

"naging masagana" o "naging napakayaman"

mga asno.

Isang hayop na parang maliit na kabayo na may mahabang mga tainga

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/30]]


Chapter 31

1 Ngayon narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na sinabi nila, "Kinuha ni Jacob ang lahat na mga pag-aari ng ating ninuno, at galing sa mga pag-aari ng ating ninuno ang lahat nang nakuha niyang kayamanan." 2 Nakita ni Jacob ang anyo ng mukha ni Laban. Nakita niya na nagbago ang kanyang pakikitungo sa kanya. 3 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, "Bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninuno at sa iyong mga kamag-anak, at ako'y makakasama mo." 4 Pinatawag at pinapunta ni Jacob sina Raquel at Lea sa bukid sa kanyang kawan 5 at sinabi sa kanila, "Nakita kong nagbago ang pakikitungo ng inyong ama sa akin, ngunit ang Diyos ng aking ama ay kasama ko. 6 Alam ninyong pinaglingkuran ko ang inyong ama ng buong lakas ko. 7 Nilinlang ako ng inyong ama at pinalitan ng sampung beses ang sahod ko, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na ako'y masaktan. 8 Nang sinabi niya, 'Ang batik-batik na mga hayop ang ibibigay kong sahod sa iyo,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang batik-batik. At nang sinabi niya, 'Ang mga guhitan ang iyong magiging sahod,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang guhitan. 9 Sa ganitong paraan kinuha ng Diyos ang mga alagang hayop ng inyong ama at ibinigay sila sa akin. 10 Minsan sa panahon ng pagpaparami, nakita ko sa isang panaginip ang mga lalaking kambing na nakikipagtalik sa kawan. Ang mga lalaking kambing ay mga guhitan, batik-batik at may butlig. 11 Sinabi sa akin ng anghel ng Diyos sa panaginip, "Jacob.' Sumagot ako, 'Narito ako.' 12 Sabi niya, 'Imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ang lahat ng mga lalaking kambing na nagpaparami sa kawan. Sila ay mga guhitan, may batik-batik at may batik, sapagkat nakita ko ang lahat ng bagay na ginagawa ni Laban sa iyo. 13 Ako ang Diyos ng Bethel, kung saan mo binuhusan ng langis ang isang haligi, kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin. Ngayon, tumindig ka at lisanin ang lupaing ito at bumalik sa lupain ng iyong kapanganakan."' 14 Sumagot sina Raquel at Lea at sinabi sa kanya, "Mayroon ba kaming makukuhang anumang pamana sa bahay ng aming ama? 15 Hindi ba itinuring niya tayo bilang mga dayuhan? Sapagkat ipinagbili niya tayo at tuluyang inubos ang ating pera. 16 Dahil lahat ng kayamanang kinuha ng Diyos sa ating ama ngayo’y sa atin na at sa ating mga anak. Kaya ngayon, anumang sinabi ng Diyos sa iyo, gawin mo." 17 Pagkatapos bumangon si Jacob at pinasakay ang kanyang mga anak at mga asawa sa mga kamelyo. 18 Pinauna niya ang kanyang mga alagang hayop, kasabay ng lahat ng kanyang mga ari-arian, pati na ang mga alagang hayop na nakuha niya sa Paddan Aram. Pagkatapos humayo siya patungo sa lupain ng Canaan sa kanyang amang si Isaac. 19 Nang umalis si Laban para gupitan ang kanyang mga tupa, ninakaw naman ni Raquel ang diyos ng sambahayan ng kanyang ama. 20 Nilinlang din ni Jacob si Laban na Aramean, sa hindi pagsasabing aalis siya. 21 Kaya tumakas siya dala lahat ng mayroon siya at nagmamadaling tumawid sa Ilog, patungo sa dako ng burol na bansa ng Galaad. 22 Sa ikatlong araw, nalaman ni Laban na tumakas si Jacob. 23 Kaya dinala niya ang kanyang mga kamag-anak at tinugis siya sa pitong araw na paglalakbay. Naabutan siya sa burol na bansa ng Galaad. 24 Ngayon nagpakita ang Diyos kay Laban na Aramean sa isang panaginip sa gabi at sinabi sa kanya, "Mag-ingat kang magsalita kay Jacob, kahit masama man o mabuti." 25 Naunahan ni Laban si Jacob. Ngayon itinayo ni Jacob ang kanyang tolda sa burol na bansa. Nagkampo rin si Laban at ang kanyang mga kamag-anak sa burol na bansa ng Galaad. 26 Sinabi ni Laban kay Jacob, "Ano ang ginawa mo, na nilinlang mo ako at tinangay ang aking mga anak na babae na parang mga bilanggo sa digmaan? 27 Bakit ka tumakas nang palihim at nilinlang ako at hindi mo man lang ako sinabihan. Pinaalis sana kita nang may pagdiriwang, at may mga awitin, may tamborin at may mga alpa. 28 Hindi mo ako pinayagang halikan ang aking mga apong lalaki at babae upang makapagpaalam. Gumawa ka ng kamangmangan. 29 Nasa kapangyarihan ko ang gawan kayo ng masama, ngunit ang Diyos ng inyong ama ay nakipag-usap sa akin kagabi at sinabi, 'Mag-ingat kang magsalita laban kay Jacob masama man o mabuti.' 30 At ngayon, lumayo ka dahil labis ka nang nangulila sa bahay ng iyong ama. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?" 31 Sumagot si Jacob at sinabi kay Laban, "Dahil natatakot ako at ang akala ko na kukunin mo ang iyong mga anak na bababe mula sa akin nang sapilitan kaya umalis ako nang palihim. 32 Kung sino man ang nagnakaw ng iyong mga diyos-diyosan ay hindi na patuloy na mabubuhay. Sa harap ng ating mga kamag-anak, alamin mo kung anong mayroon sa akin ang sa iyo at kunin mo." Pagkat hindi alam ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw sa mga iyon. 33 Pumunta si Laban sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea at sa tolda ng dalawang babaeng alipin, ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito. Pumunta siya sa tolda ni Lea at pumasok sa tolda ni Raquel. 34 Ngayon kinuha ni Raquel ang diyos ng sambahayan, nilagay niya ang mga ito sa upuan sa likod ng kamelyo at inupuan niya. Hinanapan ni Laban ang buong tolda, ngunit hindi niya ito natagpuan. 35 Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, "Huwag kang magalit, aking panginoon, sapagkat hindi ako makakatayo sa kinauupuan ko dahil sa ako ay may buwanang dalaw." Kaya naghanap siya ngunit hindi niya natagpuan ang kanyang pansambahayang diyos. 36 Nagalit si Jacob at nakipagtalo kay Laban. Sinabi niya sa kanya, "Ano ba ang atraso ko? Ano ba ang kasalanan ko, na pinag-iinitan mo akong habulin? 37 Hinanapan mo na ang lahat ng aking ari-arian. Anong natagpuan mong iyong mga pansambahayang bagay? Ilagay ang mga iyon dito sa harap ng ating mga kamag-anak, upang humatol sila sa pagitan nating dalawa. 38 Kasama ninyo ako sa loob ng dalawampung taon. Ang inyong mga babaeng tupa at babaeng kambing ay hindi nakunan, ni kumain ako ng anumang lalaking tupa mula sa iyong mga kawan. 39 Anuman ang nilapa ng mga mababangis na hayop hindi ko dinala sa iyo. Sa halip, inako ko ang pagkawala nito. Palagi mo akong pinagbayad sa mga nawawalang hayop, kahit na ninakaw sa araw o ninakaw sa gabi. 40 Naroon ako; sa araw pinahirapan ako ng init, at ng nagyeyelong hamog sa gabi; at nagtiis ako nang walang tulog. 41 Nitong dalawampung taon ay nasa inyong sambahayan mo ako. Nagtrabaho ako ng labing-apat na taon para sa dalawa mong anak na babae, at anim na taon para sa iyong kawan. Binago mo ang aking sahod ng sampung beses. 42 Kung ang Diyos na sinasamba ng aking ama, ang Diyos ni Abraham, at ang isang kinatatakutan ni Isaac ay kasama ko, tiyak na ngayon pinaalis mo na sana akong walang dala. Nakita ng Diyos ang aking kaapihan at kung gaano kabigat ako nagtrabaho, at pagsabihan ka niya kagabi." 43 Sumagot si Laban kay Jacob. ''Ang mga anak na babae ay aking mga anak na babae, ang mga apo ay aking mga apo, ang mga kawan ay aking mga kawan. Lahat ng nakita mo ay akin. Ngunit ano ba ang gagawin ko ngayon sa aking mga anak na babae at sa magiging anak nila na kanilang isinilang? 44 Kaya ngayon, gagawa tayo ng isang kasunduan, ikaw at ako, at hayaang maging saksi ito sa pagitan mo at sa akin." 45 Kaya kumuha si Jacob ng isang bato at itinayo bilang isang haligi. 46 Sinabi ni Jacob sa kanyang mga kamag-anak, "Magtipon kayo ng mga bato." Kaya kumuha sila ng mga bato at gumawa ng isang tumpok. Pagkatapos doon sila kumain sa may tumpok. 47 Tinawag ni Laban itong Jegar-sahaduta, ngunit tinawag ni Jacob itong Galeed. 48 Sinabi ni Laban, "Ang mga tumpok na ito ang isang saksi sa pagitan ko at sa iyo ngayon." Kaya ang pangalan ay tinawag na Galeed. 49 Tinawag din itong Mizpah, dahil sinabi ni Laban, "Nawa si Yahweh ang magbantay sa pagitan mo at ako, kung hindi natin nakikita ang isa't isa. 50 Kung abusuhin mo ang aking mga anak, o kumuha ka ng ibang mga asawa maliban sa mga anak ko, bagamat wala tayong kasama, tingnan mo, ang Diyos ang saksi sa pagitan mo at ako." 51 Sinabi ni Laban kay Jacob, "Tingnan mo ang tumpok na ito at tingnan ang poste, kung saan itinakda ko sa pagitan mo at ako. 52 Ang poste na ito ay isang saksi, at ang haligi ay isang saksi, na hindi ako lalampas sa tumpok na ito patungo sa iyo, at hindi ka lalampas sa tumpok na ito at sa haliging ito patungo sa akin, para gumawa ng pinsala. 53 Nawa'y ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Nahor, ang Diyos ng kanilang ama, ang humatol sa pagitan natin." Nanumpa si Jacob sa Diyos, na kinatatakutan ng kanyang amang si Isaac. 54 Nag-alok ng isang alay si Jacob sa bundok at tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain. Kumain sila at nanatili sila sa bundok buong gabi. 55 Madaling araw pa bumangon si Laban, hinalikan ang kanyang mga apong lalaki at mga anak na babae at pinagpala sila. Pagkatapos umalis si Laban at bumalik sa kanyang tahanan.



Genesis 31:1

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit para tandaan ng pagtigil ng daloy ng kwento. Dito, ang may akda ay nagsimula ng bagong bahagi ng kwento.

narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na sinabi nila

Dito ang "mga salita" ay tumutukoy sa kung ano ang kanilang sinabi. Maaaring isalin na: "Narinig ni Jacob ang mga anak ni Laban na nagsabi"

Kinuha ni Jacob ang lahat na mga pag-aari ng ating ninuno

Ang mga anak ni Laban ay nagmamalabis dahil sila ay nagagalit. Maaaring isalin na: "Lahat ng bagay na kinuha ni Jacob ay pag-aari ng aming ama"

Nakita ni Jacob ang anyo ng mukha ni Laban. Nakita niya na nagbago ang kanyang pakikitungo sa kanya

Ang dalawang mga pangungusap na ito ay talagang nangangahulugan ng parehong bagay. Ang pangalawa ay nagpapaliwanag sa anyo na nakikita ni Jacob sa mukha ni Laban. Maaaring isalin na: "Napansin ni Jacob na hindi na nasisiyahan si Laban sa kanya"

iyong mga ninuno

"iyong ama na si Isaac at ang iyong lolo na si Abraham"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:4

Pinatawag at pinapunta ni Jacob sina Raquel at Lea sa bukid ng kanyang mga kawan

"Pinatawag ni Jacob sina Raquel at Lea at sinabihan sila na makipagkita sa labas ng bukid ng kanyang mga kawan"

at sinabi sa kanila

Ito ay magiging isang bagong pangungusap: "Sinabi niya sa kanila"

Nakita kong nagbago ang pakikitungo ng inyong ama sa akin

"Napansin ko na hindi na nasisiyahan ang inyong ama sa akin"

Alam ninyo na pinaglingkuran ko ang inyong ama ng buo kong lakas

Ang salitang "ninyo" ay tumutukoy kay Raquel at Lea. Ito din ay nagdadagdag diin. Maaaring isalin na: "Alam ninyo sa inyong sarili na pinagsilbihan ko ang inyong ama ng buong kong lakas"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

sa kanyang mga kawan at sinabi sa kanila

Maaaring ito ay nagsasabi ng isang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "sa kanyang kawan. Sinabi niya sa kanila"

Genesis 31:7

Nilinlang ako

"nagsinungaling sa akin" o "hindi pantay ang pakikitungo sa akin"

aking sahod

"kung ano ang kanyang sinabi ay babayaran niya ako"

na ako'y saktan

Mga maaaring kahulugan ay 1) Pisikal na panakit (UDB) o 2) Gawing magdusa si Jacob sa kahit anong paraan.

kawan ay magsilang

"ang kawan ay nagsilang sa"

Ang batik-batik na mga hayop

"Ang mga hayop na may mga bahid"

Ang mga guhitan

"Ang mga hayop na may mga guhit"

Sa ganitong paraan kinuha ng Diyos ang mga paghahayupan ng iyong ama at ibinigay sila sa akin

"Sa ganitong paraan ibinigay ng Diyos ang mga hayop ng inyong ama sa akin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:10

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Minsan sa panahon ng pagpaparami

"Sa tuwing panahon ng pagpaparami

mga guhitan, batik-batik at may butlig

"nagkaroon ng guhitan, maliliit na mga batik, at malalaking mga batik"

anghel ng Diyos

Mga maaaring kahulugan ay 1) Ang Diyos mismo ang nagpakita bilang isang tao, o 2) isa sa mga mensahero ng Diyos ang nagpakita. Pagkat ang parirala ay hindi ganap na mauunawaan, mas pinakamainam ay isalin lamang ito bilang "ang anghel ng Diyos," paggamit sa karaniwang salita na iyong ginamit para sa "anghel."

Ako ay nagsabi, 'Narito ako.'

"At sumagot ako, 'Narito ako."'

Narito ako

Tingnan kung paano mo isinalin dito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/22/01]].

Pangkalahatang impormasyon:

Ipinagpatuloy ni Jacob ang kanyang kwento sa kanyang mga asawang sina Lea at Raquel.

nakikipagtalik sa kawan

Dito "kawan" ay tumutukoy sa mga babaeng kambing. Maaaring isalin na: "nakikipagtalik sa mga babaeng kambing ng kawan"

Ako ay nagsabi

"At ako ay sumagot"

Genesis 31:12

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Imulat mo ang iyong mga mata

Ito ang isang paraan ng pagsasabing "Tumingala".

haligi

Ito ay tumutukoy sa isang bantayog na haligi na alin lamang sa isang malaking bato o malaking batong inilagay sa dulo nito.

mga guhitan, may batik-batik at may butlig

"mayroong mga guhit at mga batik"

kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin

"kung saan ka gumawa ng panata sa akin"

sa lupain ng iyong kapanganakan

"ang lupain kung saan ka isinilang"

Pangkalahatang impormasyon:

Ang anghel ng Diyos ay nagpatuloy na nakipag-usap kay Jacob. (Tingnan sa: [[rc://tl/bible/notes/gen/31/10]])

na nagpaparami sa kawan

Dito "kawan" ay tumutukoy sa babaeng kambing. Maaaring isalin na: "na nagpaparami sa babaeng kambing ng kawan"

kung saan ninyo binuhusan ng langis ang haligi

Binuhusan ni Jacob ng langis ang haligi upang italaga ito sa Diyos.

Genesis 31:14

Sumagot sina Raquel at Lea at sinabi sa kanya

Hindi ibig sabihin nito na sila ay nakipag-usap sa parehong oras. Ito ay binigyang diin na sila ay sumang-ayon sa bawat isa.

Mayroon ba kaming makukuhang anumang pamana sa bahay ng aming ama?

Gumamit ng isang katanungan sina Raquel at Lea para bigyang diin na walang anuman ang naiwan para ibigay ng kanilang ama. Maaaring isalin na: "Walang lubos na naiwan para manahin mula sa aming ama."

Hindi ba niya tayo itinuring bilang mga dayuhan?

Gumamit sila ng isang katanungan para ipakita ang kanilang galit tungkol sa kung paano sila itinuturing ng kanilang ama. Ito ay maaaring naglalagay sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Itinuturing kami ng aming ama katulad ng mga babaeng dayuhan sa halip na mga anak na babae!"

Sapagkat tayo ay kanyang ipinagbili

Ito ay maaaring ginawang higit na malinaw. Maaaring isalin na: "Ipinagbili tayo para sa kanyang sariling kapakanan"

tuluyang inubos

"tuluyang ginamit"

sa atin na ngayon at sa ating mga anak na

"kabilang sa atin at sa ating mga anak"

gawin mo ang anumang sinabi ng Diyos sa iyo, gawin mo

"gawin lahat ng sinabi ng Diyos sa iyo"

tuluyang inubos ang ating pera

Tuluyang ginamit ni Laban ang pera na ibibigay sana sa kanyang mga anak na babae ay sinabing parang isa siyang mabangis na hayop na kinain ang pera na parang ito ay mga pagkain. Maaaring isalin na: "tuluyan niyang ginamit ang aming pera"

Kaya ngayon

Dito ang "ngayon" ay hindi ibig sabihin "ngayon sa pagkakataong ito," ngunit ito ay ginamit upang maglabas pansin sa mahalagang puntong sumusunod.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:17

kanyang mga anak na lalaki

Kinuha lahat ni Jacob ang kaniyang mga anak. Binanggit lamang ang mga anak na lalaki dahil sila ay mahalaga bilang kaniyang tagapagmana. Maaaring isalin na: "kaniyang mga anak"

Pinauna niya ang kaniyang mga paghahayupan

"Mga hayop" ay tumutukoy sa lahat ng kaniyang pinaamong mga hayop. Maaaring isalin na: "Inihatid niya lahat ng kaniyang baka."

kanyang mga ari-arian, pati na ang mga paghahayupan na nakuha niya sa Paddan Aram

"ang mga baka na kaniyang nakuha sa Paddan Aram"

Nagsimula siyang pumunta sa kanyang amang si Isaac, sa lupain ng Canaan

"Pumunta siya sa lupain ng Canaan, sa kaniyang amang si Isaac"

Pinauna niya ang kaniyang mga alaga niyang hayop

Dito "mga alaga niyang hayop" ay tumutukoy sa lahat ng kaniyang pinaamong mga hayop. Maaaring isalin na: "Inihatid niya lahat ng kaniyang baka."

pati na ang mga alagang hayop na nakuha niya sa Paddan Aram

"at ang ibang kawan ng baka na kaniyang kinuhang pagmamay-ari noong siya ay sa Paddan Aram"

Kaya humayo siya patungo sa lupain ng Canaan sa kanyang amang si Isaac.

"Pumunta siya sa lupain ng Canaan, kung saan nakatira ang kanyang amang si Isaac"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:19

Ngayon umalis si Laban para ahitan ang kanyang mga tupa, ninakaw naman ni Raquel ang sambahayang diyus-diyosan ng kanyang ama

Maaaring isalin na: "noong si Laban ay nakaalis para gupitan ang balahibo ng kanyang tupa, ninakaw ni Raquel ang mga anito ng kanyang ama." Ang ilog ay tumutukoy sa Ilog Eufrates. munting bundok ng bayan ng Galaad "ang mga kabundukan ng Galaad" o "bundok ng Galaad"

Nang umalis si Laban para ahitan ang kanyang mga tupa

"Noong si Laban ay nakaalis para gupitan ang balahibo ng kanyang tupa"

patungo sa dako

"naglakbay patungong"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:22

Nang ikatlong araw

Iyon ay kaugalian ng mga Judio na bilangin ang mga araw ng pagyaon na bilang isang araw. Maaaring isalin na: "Dalawang araw pagkaraan nilang umalis" napagsabihan si Laban Maaaring ito ay sinabi sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "isang tao ang nagsabi kay Laban"

na tumakas si Jacob

Si Jacob lang ang nabanggit dahil siya ang pinuno ng pamilya. Maaaring ito ay ginawang malinaw na ang kanyang pamilya ay sumama sa kanya. Maaaring isalin na: "na si Jacob ay tumakas kasama ang kanyang mga asawa at mga anak"

kaya dinala niya

"Kaya dinala ni Laban"

at tinugis siya

"at hinabol si Jacob"

sa pitong araw na paglalakbay

Naglaan si Laban ng pitong araw na paglalakad upang hulihin si Jacob.

siya ay inabutan niya

"Naabutan niya siya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:24

Ngayon nagpakita ang Diyos sa isang panaginip ni Laban na Aramean sa gabi

Ang salitang "Ngayon" ay ginamit dito upang tandaan ang pagbabago mula sa kwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol kay Laban. Maaaring isalin na: "Sa gabing iyon nagpakita ang Diyos sa panaginip ni Laban"

Mag-ingat ka kung magsalita ka laban o kay Jacob, masama man ito o mabuti

Ang pariralang "mabuti o masama" ay magkasamang ginamit para sa kahulugang "kahit ano." Maaaring isalin na: "Huwag kang magsalita ng kahit ano upang subukan at pigilan si Jacob mula sa pag-alis"

Naunahan ni Laban si Jacob. Ngayon itinayo ni Jacob ang kanyang tolda sa munting bundok ng bayan. Nagkampo din si Laban at ang kanyang mga kamag-anak sa munting bundok ng bayan ng Galaad

Ang salitang "Ngayon" ay ginamit dito upang tandaan ang pagbabago mula sa kwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol kay Jacob at Laban. Maaaring isalin na: "Noong nahuli ni Laban si Jacob ay nakapagpatayo ng kampo sa bulubundukin. Pagkatapos si Laban at ang kanyang mga kamag-anak ay nagtayo din ng kampo sa munting bundok ng bayan ng Galaad"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:26

parang mga bilanggo sa digmaan

Inihalintulad ni Laban ang pag-alis ni Jacob kasama ng kanyang pamilya sa isang hukbo ng mga sundalo na pinilit ang mga bilanggo na maglakbay kasama nila. Mas pinapalala ni Laban ang kalagayan dahil siya ay nagagalit at sinubukan na si Jacob ay makakadama na may sala sa kung ano ang kanyang ginawa.

tumakas ng palihim

"lumayas na palihim"

may pagdiriwang

"may tuwa"

tamborin

isang instrumento na pangmusika na ang dulo ay parang tambol na makakatama at may pira-pirasong metal na nakapaligid sa gilid na tumutunog kapag ang instrumento ay inaalog

na humalik sa aking mga apo na lalaki

Dito "mga lalaking apo" ay maaaring isinasali lahat ng kanyang mga apo ito man ay lalaki o babae. Maaaring isalin na: "na humalik sa aking mga apo"

nakagawa ka ng kamangmangan

"ikaw ay nakagawa ng kahangalan"

kinuha mo ang aking mga anak na parang bilanggo sa digmaan

Si Laban ay nagsalita tungkol kay Jacob sa pagkuha sa kanyang pamilya sa kanya pabalik sa lupain ng Canaan parang kinuha sila ni Jacob na parang binilanggo pagkatapos ng labanan at pilitin na sila ay sumama sa kanya. Mas pinapalala ni Laban ang kalagayan dahil siya ay nagagalit at sinubukan niya na makadama ng pagkakasala si Jacob sa kung ano ang kanyang ginawa.

may tamborin at may mga alpa

Ang mga instrumentong ito ay tumutukoy sa musika. Maaaring isalin na: "at may musika"

Ngayon nakagawa ka ng parang hangal

"ikaw ay nakagawa ng kahangalan"

Ngayon

Hindi ito ibig sabihin "ngayon sa pagkakataong ito," ngunit ito ay ginamit upang maglabas pansin sa mahalagang puntong sumusunod.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:29

Nasa kapangyarihan ko ang gawan kayo ng masama

Ang salitang "kayo" ay pangmaramihan at tumutukoy sa bawat isa na kasama si Jacob. Maaaring isalin na: "Mayroon akong sapat na tauhan na kasama ko upang saktan kayong lahat"

Mag-ingat ka na magsalita laban kay Jacob masama man ito o mabuti

Tingnan kung paano mo isinasalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/31/24]].

lumayo ka

Itong "ka" ay pang-isahan at tumutukoy kay Jacob.

bahay sa iyong ama

Dito "bahay" ay tumutukoy sa pamilya. Maaaring isalin na: "sa tahanan kasama ang iyong ama at ang iba pa sa iyong pamilya"

aking diyus-diyosan

"aking mga anito"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:31

Dahil natatakot ako at ang akala ko na kukunin mo ang iyong mga anak na babae mula sa akin ng sapilitan kaya umalis ako ng palihim

"Umalis ako ng palihim dahil natatakot ako na kukunin mo nang sapilitan ang iyong mga anak na babae mula sa akin"

Kung sino man yung nagnakaw ng iyong diyus-diyosan ay hindi na magpapatuloy na mabuhay

Maaaring ito ay sinabi sa positibong anyo. Maaaring isalin na: "Papatayin namin kung sino man ang nagnakaw ng iyong diyos-diyosan"

Sa harap ng aming mga kamag-anak

Ang salitang "aming" ay tumutukoy sa mga kamag-anak ni Jacob at kasali na ang kamag-anak ni Laban. Lahat ng kamag-anak ay magbabantay para gawing tiyak ang lahat ng bagay ay makatarungan at tapat. kung ano ang mayroon ako at magiging sa iyo "kahit ano ang mayroon ako ay sa iyo na, kunin mo"

Pagkat hindi alam ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw sa mga iyon.

Itong pagbabago mula sa kuwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol kay Jacob.

alamin mo kung ano ang mayroon ako ay magiging sa iyo at kunin mo

"tingnan mo kahit ano ang mayroon kami ay magiging sa iyo at kunin mo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:33

ang dalawang babaeng mga alipin

Ito ay tumutukoy kay Zilpah at Bilhah.

hindi niya natagpuan ang mga ito

"hindi niya natagpuan ang kanyang mga diyus-diyosan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:34

Ngayon si Raquel

Ang salitang "ngayon" ay ginamit dito upang tandaan ang pagbabago mula sa kwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol kay Raquel.

silya

isang upuan na inilalagay sa likod ng hayop upang ang tao ay makasakay dito

aking amo

Pagtawag sa isang tao "aking amo" ay paraan ng pagpuri sa kanila.

na hindi makakatayo sa kinauupuan ko

"dahil hindi ako makakatayo sa iyong harapan"

dahil sa ako ay dinatnan

Ito ay tumutukoy sa panahon ng buwan kapag ang babae ay may pagdurugo mula sa kanyang sinapupunan.

Ngayon si Raquel...sa kanila

Ang salitang "ngayon" ay ginamit dito upang tandaan ang pagbabago mula sa kuwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol kay Raquel.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:36

Sabi nito sa kanya

"Sinabi ni Jacob kay Laban"

Ano ba ang nilabag ko? Ano ba ang aking kasalanan, na ako'y iyong pinag-iinitan na habulin?

Ang mga pariralang "Ano ang nilabag ko" at "Ano ang aking kasalanan" ang kahulugan talaga ay parehong bagay. Si Jacob ay nagtatanong kay Laban para sabihin sa kanya kung ano ang ginawa niyang mali. Maaaring isalin na: "Ano ang nagawa kong mali na pinag-iinitan mo ako ng ganito?"

Ano natagpuan mo ba ang iyong mga kagamitang pangsambahayan?

"Ano natagpuan mo ba ang pag-aari mo?"

Ilagay sila dito sa harap ng ating mga kamag-anak

Dito ang salitang "ating" ay tumutukoy sa mga kamag-anak ni Jacob at pati ang mga kamag-anak ni Laban. Maaaring isalin na: "Ilagay lahat ng natagpuan sa harapan ng ating mga kamag-anak"

nang sa gayon hahatulan nila ang pagitan nating dalawa.

Dito "sa ating dalawa" ay tumutukoy kay Jacob at kay Laban. Ang pariralang "hahatul sa pagitan natin" ibig sabihin na magpasya kung saang tao ang tama sa pakikipagkatwiran. AT: "upang sila ay hahatol sa pagitan nating dalawa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

pag-iinitang habulin ako

Dito ang salitang "kainitan" ibig sabihin si Laban ay mapilit na hahabulin si Jacob at nagbabalak na hulihin siya.

Genesis 31:38

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

dalawampung taon

"20 na taon"

babaeng tupa

babaeng tupa

hindi nakunan

Ibig sabihin nito ay hindi sapat na tamang pagbubuntis na maagang nakunan at hindi inaasahan na sa batang tupa o isinilang na namatay.

Anuman ang nilapa ng mga mababangis na hayop na hindi ko dinala sa iyo

Maaaring isalin na: "Kapag ang mabangis na hayop ay pumatay ng isa sa iyong mga alagang hayop hindi ko dinala ito sa iyo"

Sa halip na, inako ko ang pagkawala nito

Para kay Jacob ang bilangin ang namatay na hayop ni Laban bilang nawala mula sa kanyang sariling kawan na sinalita bilang ito ay pasanin na dadalhin ito sa kanyang balikat. Maaaring isalin na: "Sa halip na bilangin ito na nawala mula sa iyong mga kawan, binilang ko ito bilang nawala sa aking mga kawan"

Nandoon na ako, sa araw na ako ay matupok sa init, at sa gabi ay hamog na nagyeyelo

Ang pagdurusa sa mainit at malamig na lagay ng panahon ay sinalita bilang mga hayop na kumain kay Jacob. Maaaring isalin na: "Nanatili ako kasama ng iyong mga kawan kahit sa panahon ng pinakamainit na bahagi ng araw at ng pinakamalamig na bahagi ng gabi"

Pangkalahatang impormasyon:

Nagpatuloy na nagsasalita si Jacob kay Laban.

Ano ba ang nilapa ng hayop na hindi ko dinala sa inyo

Ito ay sinabi sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Kapag ang mababangis na hayop ay pumatay ng isa sa iyong mga hayop hindi ko ito dinala sa inyo"

Genesis 31:41

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Itong dalawampung taon

"Itong nakaraang 20 na taon"

labing apat na taon

"14 na taon"

binago mo ang aking sahod ng makasampung beses

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/31/07]].

ang Diyos ng aking ama

Dito ang salitang "ama" ay tumutukoy sa kanyang magulang, na si Isaac

at ang isang kinatatakutan ni Isaac

Dito ang salitang "kinatatakutan" tumutukoy sa "takot kay Yahweh," ibig sabihin na labis na igalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya.

walang dala

inilipat*** - Ito ay tumatayong nagkaroon ng wala. Maaaring isalin na: "lubos na wala"

Pangkalahatang impormasyon:

Nagpatuloy na nagsasalita si Jacob kay Laban Maliban kung ang Diyos ng aking ama, ang

Diyos ni Abraham, at ang isang kinatatakutan ni Isaac ay kasama ko

Tinutukoy ni Jacob ang parehong Diyos hindi ang tatlong magkaibang diyus-diyosan. Maaaring isalin na: "Kung ang Diyos ni Abraham at ni Isaac, aking ama, ay hindi ko kasama"

Nakita ng Diyos ang aking paghihirap, at kung gaano ako matinding nagtrabaho

Ang basal na pangngalang "paghihirap" ay maaaring sinabi bilang "pinahirapan: Maaaring isalin na: "Nakita ng Diyos kung gaano ako nagtrabaho at kung gaano ako pinahihirapan"

Genesis 31:43

Ngunit ano ba ang gagawin ko ngayon sa aking mga anak na babae at sa magiging anak nila na kanilang isinilang?

Gumamit si Laban ng katanungan upang bigyang diin na wala na siyang magagawa. Maaaring isalin na:"Ngunit, wala akong magagawa upang dalhin pabalik ang aking mga anak na babae sa akin."

kasunduan

Kapag ang mga tao ay gagawa ng kasunduan sa bawat isa, sila ay mangangako na sila ay gagawa ng anumang bagay, at kanila itong gagawin.

hayaang maging saksi ito

Dito ang salitang "saksi" ay hindi tumutukoy sa tao, ngunit ito ay ginamit na pasimbolo at tumutukoy sa kasunduan na ginawa nina Jacob at Laban. Ang kasunduan ay sinabi bilang tayo ay isang tao na nandoon noong sila ay nagkasundo na kumilos ng matiwasay sa isa't isa.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:45

haligi

Ibig sabihin nito na ang mga malaking bato ay itinayo lamang sa hagganan upang tandaan ang lugar kung saan ang mahahalagang pangyayari ay naganap.

gumawa ng isang tumpok

"nakasalansan sila sa ibabaw ng bawat isa"

Jegar-sahaduta

Ang tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng isang talababa na nagsabing: "Ang pangalan na Jegar-sahaduta ibig sabihin ay bunton na saksi sa wika ni Laban.." (Tingnan sa:

Galeed

Ang tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng isang talababa na nagsabing: "Ang pangalan na Galeed ibig sabihin ay 'bunton na saksi sa wika ni Jacob.

Pagkatapos doon sila kumain sa may tumpok

Kumain ng pagkain na magkasama ay bahagi ng paggawa ng kasunduan sa bawat isa.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:48

Ang mga tumpok na ito ang isang saksi sa pagitan mo at sa iyo ngayon

Ang mga bato ay hindi talaga tataglay na saksi bilang isang tao. Maaaring isalin na: "Ang mga tumpok ay maging paalala sa pagitan mo at sa akin"

Galeed

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/31/45]].

Mizpah

Ang tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsabing: "Ang pangalan na Mizpah ibig sabihin ay tagabantay na tore."'

bagaman wala ni isa ang kasama natin

Dito "natin" ay tumutukoy kay Laban at Jacob. Maaaring isalin na: "kahit na wala ni isa ang titingin sa atin"

tingnan

Ito ay nagdagdag diin kung ano ang kasunod na sinabi. Maaaring isalin na: "tandaan"

kung di natin matingnan ang isa't isa

Dito "walang titingin" ay tumutukoy na hindi na kailanman magkakasama sa bawat isa. Maaaring isalin na: "kapag wala na tayo sa isa't isa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:51

Ang tumpok na ito ay isang saksi, at ang haligi ay isang saksi

Ang mga tumpok ng mga bato ay pagkilos bilang alaala at hangganang pananda para kay Jacob at Laban hinggil sa kanilang kasunduan. Sinalita nila ito bilang sila ay mga taong saksi.

Nawa'y ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Nahor, ang Diyos ng kanilang ama, hahatol sa pagitan natin

Si Abraham ay lolo ni Jacob. Si Nahor ay lolo ni Laban. Ang ama ni Abraham at Nahor ay si Terah. Marahil, lahat ng mga lalaking ito ay hindi sumasamba ng parehong Diyos.

ng kanilang ama

Ito ay tumutukoy kay Terah, ang naging ama nina Abraham at Nahor.

Isaac

Dito ang salitang "kinatatakutan" ay tumutukoy sa "takot kay Yahweh," ibig sabihin na labis na igalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

Genesis 31:54

Madaling araw...bumalik sa bahay

Talata 55 ay unang talata ng kabanata 32 sa orihinal na Hebreo na teksto, ngunit ang huling talata ng kabanata 31 sa pinakamodernong Bibliya. Iminumungkahi namin na inyong susundin ang pagbibilang ng Bibliya sa inyong pambansang wika.

pinagpala

Ibig sabihin nito ay nagpapahayag ng hangarin sa positibo at kapaki-pakinabang na bagay na mangyayari sa isang tao.

tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain

Kumain ng pagkain na magkasama ay bahagi ng paggawa ng kasunduan sa bawat isa.

Madaling araw...bumalik sa bahay

Talata 55 ay unang talata ng kabanata 32 sa orihinal na Hebreo na teksto, ngunit ang huling talata ng kabanata 31 sa pinakamodernong Bibliya. Iminumungkahi namin na inyong sundin ang pagbibilang ng Bibliya sa inyong pambansang wika.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/31]]


Chapter 32

1 Humayo na rin si Jacob, at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos. 2 Nang makita sila ni Jacob, sinabi niya, "Ito ang kampo ng Diyos," kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Mahanaim. 3 Nagpadala si Jacob ng mga mensahero para sa kanyang kapatid na si Esau, sa lupain ng Seir, sa rehiyon ng Edom. 4 Inutusan niya sila at sinabing, "Ito ang sasabihin ninyo sa aking panginoon na si Esau: "Ito ang sinasabi ng iyong alipin na si Jacob: 'Naninirahan ako kapiling ni Laban hanggang ngayon. 5 Mayroon akong mga baka, mga asno, at mga kawan, babae at lalaking mga alipin. Nagpadala ako para sabihin ito sa aking panginoon, upang makasumpong ako ng pabor sa iyong paningin."' 6 Bumalik ang mga mensahero kay Jacob at sinabi, "Pumunta kami sa iyong kapatid na si Esau. Paparito siya upang makipagkita sa iyo at may kasama siyang apat na daang tao." 7 Labis na natakot at nababahala si Jacob. Kaya hinati niya ang mga taong kasama sa dalawang kampo pati ang mga kawan, mga pangkat ng mga hayop at mga kamelyo. 8 Sinabi niya, "Kapag sinalakay ni Esau ang isang kampo, ang naiwang kampo ay makakatakas." 9 Sinabi ni Jacob, "Diyos ng aking amang si Abraham, Diyos ng aking amang si Isaac, Yahweh, na siyang nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita,' 10 Hindi ako karapat-dapat sa lahat ng iyong mga gawa ng tipan ng katapatan at lahat ng pagtitiwalang ginawa mo para sa iyong lingkod. Dahil tungkod ko lamang ang dala ko nang tumawid dito sa Jordan, at ngayon naging dalawang kampo ako. 11 Pakiusap iligtas mo ako sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau, sapagkat natatakot ako sa kanya, na darating siya at sasalakayin ako at mga ina na kasama ang kanilang mga anak. 12 Ngunit sinabi mo, "Tiyak na gagawin kitang masagana. Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na parang buhangin ng dagat, na hindi kayang bilangin dahil sa kanilang dami."'' 13 Nanatili doon si Jacob sa gabing iyon. Kumuha siya ng ilan sa kung anong mayroon siya bilang regalo kay Esau, na kanyang kapatid: 14 dalawandaang babaeng kambing at dalawampung lalaking kambing, dalawandaang babaeng tupa at dalawampung lalaking tupa, 15 tatlumpung gatasang kamelyo at kanilang mga bisiro, apatnapung baka at sampung toro, dalawampung babaeng asno at sampung lalaking asno. 16 Ang mga ito ay ipinadala niya sa kanyang mga lingkod, bawat kawan ayon sa sarili nito. Sinabi niya sa kanyang mga lingkod, "Mauna kayo sa akin at maglagay ng puwang sa paggitan ng bawat mga kawan." 17 Inutusan niya ang unang lingkod, na nagsasabing, "Kapag salubungin kayo ng aking kapatid at tanungin kayo, na nagsasabing, 'Kanino kayo nabibilang? Saan kayo pupunta? At kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?' 18 Sa gayon sasabihin mong, 'Sila ay kay Jacob na iyong lingkod. Sila ay regalong pinadala sa aking among si Esau. At tingnan ninyo, siya ay paparating din kasunod namin."' 19 Nagbigay din si Jacob ng tagubilin sa pangalawang pangkat, sa pangatlo, at sa lahat ng taong nakasunod sa kawan. Sinabi niya, "Ganun din ang sasabihin ninyo kay Esau kapag nakasalubong ninyo siya. 20 Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, "Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako." 21 Kaya nauna sa kanya ang mga regalo. Siya mismo ay nanatili sa kampo nang gabing iyon. 22 Bumangon si Jacob sa kalagitnaan ng gabi, at dinala ang kanyang dalawang asawa, kanyang dalawang babaeng alipin, at ang kanyang labing isang mga anak. Pinadala niya sila sa kabila ng sapa ng Jabbok. 23 Sa ganitong paraan pinadala niya sila sa kabila ng ilog kasama ang lahat ng kanyang mga ari-arian. 24 Mag-isang naiwan si Jacob, at may taong nakipagbuno sa kanya hanggang madaling araw. 25 Nang makita ng tao na hindi niya siya kayang talunin, hinampas niya ang balakang ni Jacob. Napilayan ang balakang ni Jacob sa pakikipagbuno niya sa kanya. 26 Sinabi ng tao, "Pahintulutan mo akong umalis, pagkat mag-uumaga na." Sabi ni Jacob, "Hindi kita pahihintulutang umalis maliban kung pagpalain mo ako." 27 Sinabi ng tao sa kanya, "Ano ang pangalan mo?" Sinabi ni Jacob, "Jacob." 28 Sinabi ng tao, "Ang pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob, sa halip, Israel na. Sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa tao at nanaig ka." 29 Tinanong siya ni Jacob, "Pakiusap sabihin mo sa akin ang iyong pangalan." Sinabi nito, "Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?" Pagkatapos siya ay kanyang pinagpala. 30 Tinawag ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel sapagkat ang sabi niya, "Nakita ko ang mukha ng Diyos nang harapan, at iniligtas ang buhay ko." 31 Sinikatan ng araw si Jacob habang dumadaan siya sa Peniel. Paika-ika siya dahil sa kanyang balakang. 32 Kaya hanggang ngayon ang bayan ng Israel ay hindi kumakain ng mga litid ng balakang na nasa dugtong ng balakang, dahil ang taong pumilay sa mga litid ng balakang na nasa habang inaalis sa puwesto ang balakang ni Jacob.



Genesis 32:1

Mahanaim

Ang tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsabing: "Ang pangalan na Mahanaim ibig sabihin ay "dalawang kampo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:3

aking amo na si Esau

Gumamit ng magalang na wika si Jacob at tumutukoy ito sa kanyang kapatid na lalaki bilang "aking amo"

ang iyong lingkod na si Jacob

Gumamit ng magalang na wika si Jacob at tumutukoy ito sa kanyang sarili na lalaki bilang "iyong lingkod"

asno

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/12/14]].

Nagpadala ako para sabihin ito

Ang pariralang "aking mga mensahero" ay nababatid. Maaaring isalin na: "pinadala ng aking mensahero upang sabihin ito"

nang ako ay maging kaaya-aya sa iyong paningin

Dito "paningin" ay tumatayo sa mga pag-iisip ng tao o opinyon. Maaaring isalin na: "upang ikaw ay nalulugod sa akin"

Seir

Ito ay mabundok na pook sa rehiyon ng Edom.

"Ito ang sasabihin ninyo sa aking panginoon na si Esau: Ito ang gustong sabihin ng inyong alipin na si Jacob: 'ako ay nagiging...sa iyong paningin.'

Ito ay nagkaroon ng balanggit sa loob ng balanggit. Ang tuwirang balanggit ay maaaring sinabi bilang di-tuwirang balanggit. Maaaring isalin na: "'Ito ang ibig kong sabihin mo sa aking panginoon na si Esau. Sabihin mo sa kanya na ako ay nagiging...sa kanyang paningin.'"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:6

apat na raang tao

"400 na kalalakihan" (Tingnan sa:

natakot

Ito ay tumutukoy sa hindi kalugod-lugod na pakiramdam ng tao nang magkaroon ng pagbabanta na saktan ang kanyang sarili o sa iba.

nababahala

"namimighati" o "kaguluhan"

sa isang kampo at sasalakayin ito, pagkatapos ang kampong naiwan ay makakatakas

Dito "kampo" ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: "upang salakayin ang mga tao sa isang kampo, pagkatapos ang mga tao sa isang kampo ay makakatakas"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:9

Diyos ng aking ama na si Abraham, at Diyos ng aking ama na si Isaac, Yahweh

Ito ay hindi tumutukoy sa iba't-ibang diyus-diyosan, ngunit sa isang Diyos silang lahat ay sumamba. Maaaring isalin na: "Yahweh, ang Diyos ng aking lolo na si Abraham at aking ama na si Isaac."

at sa iyong mga kamag-anak

"at sa iyong pamilya"

papasaganahin kita

"gagawa ako ng mabuti para sa iyo" o "pakikitunguhan kita ng maayos"

Hindi ako karapat-dapat sa lahat iyong tipan ng katapatan at lahat ng pagtitiwala na nagawa mo sa iyong alipin

Ang basal na pangngalang "katapatan" at "pagtitiwala" ay maaaring sinabi na "matapat" at "tapat na loob." Maaaring isalin na: "Hindi ako nararapat sa iyo na manatiling matapat sa iyong kasunduan o para sa iyo na maging tapat na loob sa akin, iyong lingkod."

iyong lingkod

Ito ay magalang na paraan sa pagsasabing "ako"

Yahweh, na nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita.'

Ito ay balanggit sa loob ng isang balanggit. Maaaring ito ay sinabi sa di-tuwirang balanggit. Maaaring isalin na: "Yahweh, ikaw na nagsabi na kailangan kong bumalik sa aking bansa at sa aking mga kamag-anak, at nang sa ganun pasasaganain mo ako."'

ngayon dalawang kampo na ako

Ang "ako ay naging" dito ay tumatayo kung ano ang mayroon sa kanya ngayon. Maaaring isalin na: "at ngayon mayroon akong sapat na tao, mga kawan, at mga ari-arian sa akin upang makagawa ng dalawang kampo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:11

iligtas mo ako

"sagipin mo ako"

mula sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau

Dito ang salitang "kamay" ay tumutukoy sa kapangyarihan. Ang dalawang parirala ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ang pangalawa ay naglilinaw na ang kapatid na lalaki na siyang sadyain ni Jacob ay si Esau. Maaaring isalin na: "mula sa kapangyarihan ng aking kapatid na lalaki, Esau" o "mula sa aking kapatid na lalaki na si, Esau"

ako'y natakot sa kanya, na siya ay

"natakot ako na siya ay"

gagawin kitang masagana

"gagawa ng mabuti sa iyo" o "pakikitunguhan ng mahusay"

Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na parang buhangin sa dagat

Ito ay sinabi tungkol sa napakalaking bilang ng kaapu-apuhan ni Jacob bilang ang kanilang bilang gaya ng butil ng buhangin sa tabing dagat.

na hindi kayang bilangin ng kanilang bilang

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "alinman na walang isa ang makakabilang dahil sa kanilang bilang"

Ngunit sinabi mo, "Tiyak na gagawin kitang masagana. Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan...bilang.'

Ito ay balanggit sa loob ng balanggit. Maaaring ito ay sinabi sa di-tuwirang balanggit. Maaaring isalin na: "Ngunit sinabi mo tiyak na gagawin mo akong masagana, at gagawin mo ang aking mga kaapu-apuhan...bilang."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:13

dalawang daan

"200"

babaeng tupa

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/31/38]].

dalawampu...tatlumpu...apatnapu

"20...30...40"

at kanilang mga anak

"at kanilang mga bata"

asno

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/12/14]].

dalawampu...tatlumpu...apatnapu...sampu

"20 ... 30 ... 40 ... 10" Ang mga ito ay ipinadala niya sa kanyang mga lingkod, bawat kawan ayon sa kanya-kanya Sa "ipinadala" ibig sabihin ay ilagay sa isa na nauukol. Maaaring isalin na: "Hinati niya ang lahat sa malilit na kawan, at nilagay ang bawat kawan sa pag-aalaga ng isa sa kanyang mga lingkod" (UDB) maglagay kayo ng puwang sa paggitan ng bawat mga kawan "hayaang maglakbay ang bawat kawan na may puwang sa ibang mga kawan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:17

Inutusan niya

"Inutos niya"

Kanino kayo nabibilang?

"Sino ang inyong amo?"

Kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?

"Sino ang nagmamay-ari sa mga hayop sa harapan ninyo?"

Sila ay kay Jacob na iyong lingkod

"Sila ay pagmamay-ari ng iyong lingkod na si Jacob"

magtatanong, na nagsasabing, 'Kanino kayo nabibilang? Saan kayo pupunta? Kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?'

Ito ay balanggit sa loob ng balanggit. Maaaring ito ay sinabi bilang di-tuwirang balanggit. Maaaring isalin na: "magtatanong sa inyo kung sino ang inyong amo, saan ka pupunta, at sino ang nagmamay-ari nitong mga hayop"

Kaya sasabihin mong, "Sila ay kay Jacob na iyong lingkod. Sila ay pinadala na handog para sa aking among si Esau. At tingnan ninyo, siya ay kasunod din namin.'

Ito ay balanggit sa loob ng balanggit. Maaaring ito ay sinabi sa di-tuwirang balanggit. Maaaring isalin na: "Pagkatapos gusto kong sabihin mo sa kanya na ang lahat ng bagay na ito ay pag-aari ni Jacob, kanyang lingkod, at sila ay ibibigay sa iyong amo, Esau. At sabihin mo sa kanya na si Jacob ay sumusunod na sa amin upang makipagkita sa kanya"

ang iyong lingkod na si Jacob

Tinutukoy ni Jacob ang kanyang sarili sa magalang na paraan bilang lingkod ni Esau.

sa aking amo na si Esau

Tinutukoy ni Jacob si Esau sa magalang na paraan bilang kanyang panginoon.

kasunod amin

Dito ang "amin" ay tumutukoy sa lingkod na nagsasalita at ang ibang lingkod na nagdala ng kawan kay Esau.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:19

Nagbigay din ng tagubilin

"inutusan"

Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob

Mga maaaring kahulugan ay 1) "Sasabihin mo rin, ''Iyong lingkod na si Jacob' "o 2) "Sasabihin mo, "Saka, iyong lingkod na si Jacob."'

Mahuhupa ko siya

"Mapapatahimik ko siya" o "Humupa ang kanyang galit"

binigyan ko ng tagubilin ang pangalawang pangkat

"inutusan ang pangalawang pangkat"

Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob

Mga maaaring kahulugan ay 1) "Sasabihin mo rin, ''Iyong lingkod na si Jacob' "o 2) "Sasabihin mo, "Saka, Iyong lingkod na si Jacob."'

tanggapin niya ako

"sasalubungin niya ako nang mabait"

Kaya ang mga handog ay nauna sa kanya

Dito "handog" ay tumatayo para sa mga lingkod na kumuha ng handog.

Nanatili siya

Dito "kanyang sarili" ay binigyang diin na si Jacob ay hindi sumama sa kanyang mga lingkod.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:22

kanyang dalawang babaeng alipin

"Ang dalawang alipin ng kanyang mga asawa." Ibig sabihin nito Zilpah and Bilhah.

sapa

Ang mababaw na bahagi sa ilog na madaling tawirin

Jabbok

Ito ang pangalan ng ilog.

lahat ng kanyang ari-arian

"lahat ng mayroon siya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:24

balakang

"bokilya ng hita." Ito ang bahagi kung saan ang itaas na buto ng binti na nakakabit sa balakang.

Nawala sa lugar ang balakang ni Jacob sa pakikipagbuno niya sa kanya

Maaaring ito ay sinabi sa aktibong anyo. AT: "Nasaktan ng tao ang balakang ni Jacob habang siya ay nakikipagbuno sa kanya" o "Ang tao ang dahilan ng buto ng hita ni Jacob na nahila papalayo mula sa kanyang bokilya ng hita"

pagpapalain

Dito "pagpapalain" ibig sabihin ay magbigkas ng pormal na pagbasbas sa isang tao at upang ito ang dahilan ng magagandang bagay na mangyayari sa isang tao.

hanggang madaling araw

"hanggang mag-uumaga" (UDB)

pagkat mag-uumaga na.

"ang araw ay sumisikat na"

Hindi kita pahihintulutang umalis hanggang sa pagpapalain mo ako

Maaaring ito ay sinabi sa positibong anyo. AT: "Siguradong hindi! Kailangan mo muna akong pagpalain, pagkatapos papayagan kitang umalis"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:27

Israel

Ang tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsabing "Ang pangalan na Israel ibig sabihin 'Siya ay nakipaglaban sa Diyos.'"

at sa tao

Dito ang "lalaki" ay nangangahulugang "mga tao" sa kabuuan

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:29

Sinabi nito, "Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?"

"Sinabi niya, 'Bakit ka nagtatanong tungkol sa aking pangalan?'" Ang retorikang tanong na ito ay para manggulat, pagtatama at para isipin ni Jacob ang nangyari sa paggitan niya at sa taong na nakipagbuno sa kanya. Maaaring isalin na: "Huwag mong tanungin ang aking pangalan!"

Peniel

Ang tagapagsalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsabing: "Ang pangalan na Peniel ibig sabihin ay "ang mukha ng Diyos."'

ligtas ang buhay ko

Maaaring ito ay sinabi sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "gayunman ipinagkait niya ang aking buhay"

malapitan

Sa paraang "harapan" ibig sabihin na ang dalawang tao ay nagkita sa isa't isa ng personal, malapitan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

Genesis 32:31

Kaya hanggang ngayon

Ito ay tanda ng pagbabago sa kuwento hanggang sa nakaraang batayan tungkol sa kaapu-apuhan ni Israel.

mga litid ng balakang

Ito ay tumutukoy sa kalamnan na nag-uugnay sa buto ng hita hanggang sa bokilya ng hita.

dugtong ng balakang

"bokilya ng hita"

habang inaalis sa puwesto

"habang nag-aaklas"

sa ngayong araw

Ibig sabihin sa ngayong araw ang may-akda ay sumulat nito.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/32]]


Chapter 33

1 Tumingala si Jacob at masdan, paparating si Esau, at kasama niya ang apatnaraang lalaki. Hinati ni Jacob ang mga bata kina Lea, Raquel at sa dalawang babaeng alipin. 2 Pagkatapos inilagay niya ang mga babaeng alipin at ang kanilang mga anak sa harapan, kasunod si Lea at ang kanyang mga anak, at kasunod si Raquel at si Jose ang pinakahuli sa lahat. 3 Siya mismo ang nauna sa kanila. Yumukod siya ng pitong beses, hanggang makalapit siya sa kanyang kapatid. 4 Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap siya, niyapos ang kanyang leeg, at hinalikan siya. Pagkatapos sila'y nag-iyakan. 5 Nang tumingala si Esau, nakita niya ang mga babae at mga bata. Sinabi niya, "Sino itong mga taong kasama mo?" Sinabi ni Jacob, "Ang mga anak na malugod na ipinagkaloob ng Diyos sa iyong lingkod." 6 Pagkatapos ang mga babaeng alipin ay lumapit kasama ang kanilang mga anak, at sila'y yumukod. 7 Sunod na lumapit si Lea at ang kanyang mga anak at yumukod. Sa huli, si Jose at si Raquel ay lumapit at yumukod. 8 Sinabi ni Esau, "Anong ibig mong sabihin sa lahat ng mga pangkat na nasalubong ko?" Sinabi ni Jacob, "Upang makasumpong ako ng pabor sa paningin ng aking panginoon." 9 Sinabi ni Esau, "Mayroon na akong sapat, kapatid ko. Itago mo na kung ano ang mayroon ka para sa iyong sarili." 10 Sinabi ni Jacob, "Hindi, pakiusap, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, sa gayon tanggapin mo ang aking regalo mula sa aking kamay, dahil tunay, nakita ko ang iyong mukha at kahalintulad nito ang pagkakita sa mukha ng Diyos, at tinanggap mo ako. 11 Pakiusap tanggapin mo ang aking mga regalong dinala ko sa iyo, dahil malugod akong pinakitunguhan ng Diyos, at dahil mayroon na akong sapat." Kaya pinilit siya ni Jacob, at tinanggap naman ito ni Esau. 12 Pagkatapos sinabi ni Esau, "Lumakad na tayo. Mauuna ako sa inyo." 13 Sinabi ni Jacob sa kanya, "Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay musmos pa lang, at ang mga tupa at mga baka ay nagpapasuso ng kanilang mga anak. Kung sila'y pipiliting maglakad ng mabilis kahit isang araw lang, ang lahat ng mga hayop ay mamamatay." 14 Pakiusap ko mauna na ang aking panginoon sa kanyang lingkod. Maglalakbay ako ng mabagal, ayon sa hakbang ng aking mga alagang hayop na nasa harapan ko, at ayon sa hakbang ng mga bata, hanggang makarating ako sa aking panginoon sa Seir." 15 Sinabi ni Esau, "Hayaan mong ipaiwan ko sa iyo ang ilan sa mga kasama kong tauhan." Subalit sinabi ni Jacob, "Bakit mo gagawin iyan? Ang aking panginoon ay naging mabait nang sa akin." 16 Kaya sa araw na iyon nagsimula si Esau na bumalik sa Seir. 17 Naglakbay si Jacob papuntang Sucot, iginawa ang kanyang sarili ng bahay, at gumawa ng mga silungan para sa kanyang mga alagang hayop. Kaya tinawag ang pangalan ng lugar na Sucot. 18 Nang dumating si Jacob mula sa Paddan Aram, ligtas siyang nakarating sa lungsod ng Sechem, na nasa lupain ng Canaan. Nagkampo siya malapit sa lungsod. 19 Pagkatapos binili niya ang kapirasong lupa kung saan niya itinayo ang kanyang tolda mula sa mga anak na lalaki ni Hamor, na ama ni Sechem, sa halagang isandaang piraso ng pilak. 20 Nagtayo siya roon ng altar at tinawag itong El Elohe Israel.



Genesis 33:1

nagulantang siya

Ang salitang "nagulantang siya" dito ay nagbibigay hudyat sa atin na bigyang pansin ang isang kabigla-bigla at panibagong bahagi ng kuwento.

apat na raang lalaki

"400 na lalaki"

mga babaeng alipin

"Mga aliping asawa." Ito ay tumutukoy kay Bilha at Zilpa.

yumukod

Dito ang kahulugan ng salitang "yumukod" ay bumalutok pababa upang magbigay galang at parangal sa isang tao.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

hinati ni Jacob ang kanyang mga bata...mga babaeng alipin

Hindi ibig sabihin na hinati ni Jacob ang mga bata na pantay ang bilang upang ang bawat babae ay may parehong bilang ng mga bata. Hinati ni Jacob ang mga bata upang ang bawat isa ay sumama sa kani-kanilang ina. Siya mismo ang naunang humayo sa kanila Dito ang "siya mismo" ay nagbibigay diin na si Jacob ay naunang humayo na mag-isa sa harap ng iba.

Siya ay yumukod

Dito ang kahulugan ng salitang "yumukod" ay yumuko pababa upang magbigay galang at parangal sa isang tao.

Genesis 33:4

sinalubong siya

"sinalubong si Jacob"

niyakap siya, niyapos ang kanyang leeg at hinalikan siya

Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Inilagay ni Esau ang kanyang braso palibot kay Jacob, niyapos sa leeg, at hinalikan siya"

sila ay umiyak

Ito ay maaaring isalin sa mas hayagan na pagpapahayag. Maaaring isalin na: "Pagkatapos umiyak nina Jacob at Esau dahil sa masayang pagkikita nila muli"

nakita niya ang mga babae at mga bata

"nakita niya ang mga babae at mga batang kasama ni Jacob"

mga anak na biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa iyong lingkod

Ang pariralang "iyong lingkod" ay paraan ng paggalang ni Jacob na tumutukoy sa kanyang sarili. Maaaring isalin na: "Ito ang mga anak na pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos sa akin, na iyong lingkod"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

Genesis 33:6

mga aliping babae

"Mga aliping asawa." Ito ay tumutukoy kina Bilha at Zilpa.

Anong ibig sabihin ng lahat ng mga pangkat na nasalubong ko?

Ang pariralang "lahat ng mga pangkat" ay tumutukoy sa mga grupo ng mga alipin na ipinadala ni Jacob para magbigay ng mga regalo kay Esau. Maaaring isalin na: "Bakit mo ipinadala ang ibat-ibang mga pangkat na iyon upang salubungin ako?"

upang makatanggap ng pabor sa paningin ng aking panginoon

Dito ang "paningin" ay kumakatawan sa kaisipan o palagay ng isang tao. Maaaring isalin na: "Upang ikaw, aking panginoon, ay malugod sa akin"

yumukod pababa

Ito ay isang tanda ng pagpapakumbaba at paggalang sa harapan ng isang tao.

aking panginoon

Ang pariralang "aking panginoon" ay magalang na paraan ng pagtukoy kay Esau.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

Genesis 33:9

Mayroon na akong sapat

Ang salitang "mga hayop" o "ari-arian" ay maunawaan na. Maaaring isalin na: "Mayroon na akong sapat na mga alagang hayop"

kung nakatanggap ko ang pabor sa iyong paningin

Dito ang "paningin" ay kumakatawan sa kaisipan o palagay ng isang tao. Maaaring isalin na: "Kung ikaw ay nagagalak sa akin"

aking handog mula sa aking kamay

Dito ang "kamay" ay tumutukoy kay Jacob. Maaaring isalin na: "itong handog na ibinibigay ko para sa iyo"

dahil tunay

Ito ay maaaring isalin sa bagong pangungusap: "Ang totoo'y"

nakita ko ang iyong mukha, at kahalintulad nito'y ang pagkakita ko sa mukha ng Diyos

Ang ibig sabihin ng paghahalintulad na ito ay hindi maliwanag. Ang mga maaaring kahulugan ay 1) Maligaya si Jacob na pinatawad siya ni Esau katulad ng pagpapatawad sa kanya ng Diyos o 2) Si Jacob ay namangha na makitang muli ang kanyang kapatid na lalaki kagaya ng kanyang pagkamangha na makita ang Diyos o 3) Si Jacob ay may kababaang loob na maging nasa harapan ni Esau kagaya ng may kababaang loob na maging nasa harapan ng Diyos.

dahil natanggap ko ang lubos na biyaya ng Diyos

"Lubos na maganda ang pagkikitungo ng Diyos sa akin" o "Pinagpala ako ng Diyos ng labis -labis"

Nagpumilit si Jacob at tinanggap naman ito ni Esau.

Nakaugalian na ang pagtanggi sa handog sa simula, ngunit pagkatapos ay tangggapin naman ang handog bago pa masaktan ang damdamin ng nagbibigay.

aking kamay, dahil totoo nga

Ito ay maaaring maisalin bilang bagong pangungusap: "aking kamay. Dahil totoo nga"

nakita ko ang iyong mukha

Dito ang "mukha" ay tumutukoy kay Esau. Ito ay mas mainam na maisalin bilang "mukha" dahil sa kahalagahan ng salitang "mukha" dito kasama ang "mukha ng Diyos" at "mukha sa mukha" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/32/29]]

na dinala sa iyo

Ito ay maaaring ilahad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "na dinala ng aking mga alipin sa iyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

Genesis 33:12

Aking panginoon

Ito ay ang paggalang at pormal na paraan na pantukoy kay Esau. Maaaring isalin na: "ikaw"

ang mga bata ay maliliit pa

Ang kahulugan ay maaring sabihin ng mas malinaw. Maaaring isalin na: "ang mga bata ay maliliit pa upang maglakbay ng mabilis"

ang mga tupa at mga baka na dala ko ay may mga anak

"ang mga tupa at mga baka na dala ko ay nagpapasuso ng kanilang mga maliliit"

pilitin sila

"pilitin sila ng labis"

kanyang lingkod

Ito ay paggalang at pormal na paraan na pantukoy ni Jacob sa kanyang sarili. Maaaring isalin na: "ako."

ayon sa hakbang ng mga kawan na nasa aking unahan

"sa bilis ng mga hayop na aking inaalagaan na kayang lakbayin"

alam ng aking panginoon

Ito ay magalang at pormal na paraan ng pagtukoy kay Esau. Maaaring isalin na: "Ikaw, aking amo, ang nakakaalam"

Kung sila'y piliting lumakad ng mabilis kahit isang araw

Ito ay maaaring ilahad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Kung pilitin natin silang lumakad ng napakabilis kahit sa isang araw"

Pakiusap hayaang mauna ang aking panginoon sa kanyang lingkod

Ito ay ang magalang at pormal na paraan ng pagtukoy ni Jacob sa kanyang sarili. Maaaring isalin na: "Aking panginoon, ako ay ang iyong lingkod. Pakiusap mauna kayo sa akin"

Seir

Tingnan kung paano mo isinalin sa: [[rc://tl/bible/notes/gen/32/03]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

Genesis 33:15

Bakit mo gagawin iyan?

Gumagamit si Jacob ng isang katanungan upang bigyang diin na si Esau ay hindi na kailangang umiwan ng mga lalaki. Maaaring isalin na: "Huwag mong gawin iyan." o "Hindi mo na kailangang gawin iyan."

Aking panginoon

Ito ay ang magalang at pormal na paraang pantukoy kay Esau. Maaaring isalin na: "Ikaw." .

Sucot

Ang mga tagasalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsasabing, "Ang ibig sabihin ng pangalang Sucot ay 'mga kanlungan'"

para sa kanyang mga alagang hayop

"para sa mga hayop na kanyang inaalagaan"

ang aking panginoon ay mayroong

Ito ay ang magalang at pormal na paraan na pantukoy kay Esau. Maaaring isalin na: "Ikaw, aking panginoon, ay mayroon" .

nagtayo ng sariling bahay

Ito ay nagpapahiwatig na ang bahay ay para din sa kanyang pamilya. Maaaring isalin na: "nagtayo ng bahay para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

Genesis 33:18

Nang dumating si Jacob mula sa Paddan Aram

"Pagkatapos iwanan ni Jacob ang Paddan Aram"

Humimpil siya malapit

"Itinayo niya ang kanyang Kampo malapit sa"

kapirasong lupa

"piraso ng lupain"

Hamor

Ito ay pangalan ng lalaki.

Sequem

Ang Sequem ay pangalan ng isang lungsod at pangalan ng isang lalaki.

isang daan

"100"

El Elohe Israel

Ang mga tagasalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsasabing: "Ang kahulugan ng pangalang El Elohe Israel ay 'Diyos, ang Diyos ng Israel.'"

Pangkalahatang Impormasyon:

Ito ay simula ng bagong bahagi ng kuwento. Ang may-akda ay naglalarawan kung ano ang ginawa ni Jacob pagkatapos magpahinga sa Sucot.

Nang si Jacob...siya ay dumating...siya ay humimpil

Si Jacob lang ang nabanggit dito dahil siya ang pinuno ng pamilya. Ito ay nanganaghulugang ang kanyang pamilya ay kasama niya.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/33]]


Chapter 34

1 Ngayon si Dina, na babaeng anak ni Lea kay Jacob ay lumabas para makilala ang mga dalaga ng lupain. 2 Nakita siya ni Sechem, na anak ni Hamor na Hevita ang prinsipe ng lupain at hinila siya, nilapastangan at hinalay. 3 Naakit siya kay Dina, na anak ni Jacob. Minahal niya ang dalaga at magiliw na kinausap siya. 4 Kinausap ni Sechem ang kanyang amang si Hamor, sinabing, "Kunin mo ang dalagang ito para sa akin upang maging asawa ko." 5 Ngayon narinig ni Jacob na dinungisan niya si Dina na kanyang anak. Nasa bukid ang kanyang mga anak na lalaki kasama ng kanyang mga alagang hayop, kaya nanahimik si Jacob hanggang sa dumating sila. 6 Pumunta kay Jacob si Hamor na ama ni Sechem. 7 Dumating ang mga anak na lalaki ni Jacob na galing sa bukid nang marinig nila ang nangyari. Nasaktan ang mga lalaki. Labis silang nagalit dahil pinahiya nila ang Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob, dahil ang bagay na iyon ay hindi dapat ginawa. 8 Nakipag-usap si Hamor sa kanila at sinabing, "Iniibig ng aking anak na si Sechem ang iyong anak na babae. Pakiusap ibigay mo siya sa kanya bilang asawa. 9 Makipag-asawa kayo sa amin, ibigay mo ang mga anak mong babae sa amin, at kunin ninyo ang mga anak naming babae para sa inyong sarili. 10 Maninirahan kayo sa amin, at magiging bukas ang lupain para sa inyo para manirahan at makipagkalakalan, at makakuha ng ari-arian." 11 Sinabi ni Sechem sa kanyang ama at sa kanyang mga kapatid na lalaki, "Hayaan ninyong makasumpong ako ng pabor mula sa inyong mga mata, at anuman ang sabihin ninyo sa akin ay ibibigay ko. 12 Hingiin ninyo sa akin gaano man kalaki ang dote at ragalong naisin ninyo, at ibibigay ko ang anumang sabihin ninyo sa akin, ngunit ibigay ninyo ang dalaga bilang asawa." 13 Sumagot ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Sechem at kay Hamor na kanyang ama na may panlilinlang, sapagkat dinungisan ni Sechem si Dina na kanilang kapatid. 14 Sinabi nila sa kanila, "Hindi namin magagawa ang bagay na ito, ang pagbibigay ng aming kapatid na babae sa sinumang hindi tuli; sapagkat iyan ay magiging kahihiyan sa amin. 15 Sa kondisyong ito lamang kami makikipagkasundo sa inyo: kung magpapatuli kayo kagaya namin, kung ang bawat lalaki sa inyo ay tutuliin. 16 Sa gayon ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyo, at kukunin namin ang inyong mga anak na babae para sa aming sarili, at makipamuhay kami sa inyo at tayo ay magiging isang bayan. 17 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa amin at magpatuli, sa gayon kukunin namin ang aming kapatid at aalis kami." 18 Kinalugdan ni Hamor at ng kanyang anak na si Sechem ang kanilang mga sinabi. 19 Hindi na nag-atubili ang binatang gawin kung ano ang sinabi nila, dahil siya ay nalugod sa anak na babae ni Jacob, at dahil siya ang pinakamarangal na tao sa buong sambahayan ng kanyang ama. 20 Pumunta si Hamor at Sechem sa kanyang anak sa tarangkahan ng kanilang siyudad at nakipag-usap sa mga kalalakihan ng kanilang siyudad na sinasabing, 21 "Ang mga taong ito ay namumuhay ng payapa kasama natin, kaya hayaan natin silang mamuhay sa lupain at mangalakal dito, dahil tunay na ang lupain ay malawak na sapat para sa kanila. Kunin natin ang mga anak nilang babae bilang mga asawa, at ibigay natin sa kanila ang ating mga anak na babae. 22 Sa ganitong kondisyon lamang papayag ang mga kalalakihan na manirahan kasama natin at tayo'y maging isang bayan: kung tutuliin ang bawat lalaki sa atin, tulad ng sila ay tuli. 23 Hindi ba maaaring ang kanilang mga alagang hayop at ang kanilang ari-arian—lahat ng kanilang mga hayop ay magiging atin? Kaya makipagkasundo tayo sa kanila, at maninirahan sila kasama natin." 24 Lahat ng mga lalaki ng lungsod ay nakinig kay Hamor at Sechem, na kanyang anak. Nagpatuli ang bawat lalaki. 25 Sa ikatlong araw, nang matindi ang sakit ng sugat nila, ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob, sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina, ang kanilang espada at pumunta sa lungsod na walang bantay, at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan. 26 Pinatay nila si Hamor at Sechem na kanyang anak, sa pamamagitan ng talim ng espada. Kinuha nila si Dina mula sa bahay ni Sechem at umalis. 27 Ang ibang anak na lalaki ni Jacob ay pumunta sa mga patay na katawan at ninakawan nila ang siyudad, dahil nilapastangan ng mga tao ang kanilang kapatid na babae. 28 Kinuha nila ang kanilang mga kawan, mga pangkat ng hayop, mga asno at lahat ng bagay na nasa siyudad at nakapalibot na mga bukid kasama 29 ang lahat ng kanilang kayamanan. Hinuli nila ang lahat ng kanilang mga anak at mga asawa. Kinuha nila maging ang lahat ng bagay na nasa mga bahay. 30 Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, "Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan. 31 Ngunit sinabi ni Simeon at Levi, "Maari bang pakitunguhan ni Sechem ang aming kapatid na katulad ng babaeng bayaran?"



Genesis 34:1

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit dito upang markahan ang bagong bahagi ng kuwento.

Dina

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/30/19]].

ang Hevita

Tingnan kung paano mo isinalin ang katulad ng salitang "mga Hevita" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/10/15]].

Nahumaling siya kay Dina

"Siya ay naakit sa kanya"

ang prinsipe ng lupain

Ito ay tumutukoy kay Hamor hindi kay Sechem. Ganon din, ang prinsipe dito ay hindi nangangahulugang anak ng hari. Ang ibig sabihin ay si Hamor ang pinuno ng mga tao sa bahaging iyon.

magiliw na kumausap sa kanya

Ibig sabihin nito'y nakiusap siya ng magiliw para kumbinsihin siyang mahal niya siya, at nais niyang ibigin din siya.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:4

Ngayon si Jacob

Ang "ngayon" dito ay ginagamit upang markahan ang pagbabago mula sa kuwento patungo sa nakaraang batayan tungkol kay Jacob. (Tingnan sa: [[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Narinig ni Jacob na siya

Ang salitang "siya" ay tumutukoy kay Shekem.

dinungisan niya

Ito ay nangangahulugan na labis na siniraan ng puri at binigyan ng kahihiyan ni Shekem si Dina sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na sipingan siya.

pinanatili ang kanyang katahimikan

Ito ay ang paraan ng pagsasabi na si Jacob ay hindi nagsalita o gumawa ng anumang bagay tungkol sa pangyayari.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:6

Si Hamor...pumunta kay Jacob

"Si Hamor...pumunta upang makipagkita kay Jacob"

ang mga lalaki ay nagalit

"ang mga lalaki ay lubhang nagalit"

siniraan niya ng puri ang Israel

Dito ang salitang "Israel" ay tumutukoy sa bawat miyembro ng pamilya ni Jacob. Ang Israel bilang grupo ng tao ay nasiraan ng puri. Maaaring isalin na: "hiniya niya ang pamilya ni Israel" o "nagdala siya ng kahihiyan sa mga tao ng Israel"

ipinilit niya ang kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob

Tingnan kung paano mo isinalin ang katulad na mga parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/34/01]]. ang bagay na iyon ay hindi dapat nangyari Ito ay maaring ilahad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "dahil hindi niya dapat ginawa ang kakila-kilabot na bagay"

Si Hamor...lumabas papunta kay Jacob

Si Hamor...pumunta upang makipagkita kay Jacob"

Sila ay labis na nagalit...hindi dapat nangyari

Gaya sa UDB, ito ay maaaring ipahayag bilang direktang panipi na sinabi ng mga anak na lalaki ni Jacob.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:8

Nakipag-usap si Hamor sa kanila

"Nakipag-usap si Hamor kay Jacob at sa kanyang mga anak na lalaki"

umiibig sa iyong anak na babae

Dito ang salitang "pag-ibig" ay tumutukoy sa romantikong pag-ibig sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Maaaring isalin na: "umiibig sa kanya at nais niyang pakasalan siya"

ibigay siya sa kanya bilang asawa

Sa ilang mga kultura, ang mga magulang ang magpapasya kung sino ang napapangasawa ng kanilang mga anak.

Makipag-asawa kayo sa amin

Ang pakikipag-asawa ay pagpapakasal sa kasapi ng ibang lahi, ibang lipunan, ibang relihiyon, o ibang tribu. Maaaring isalin na: "Pahintulutan ang pakikipag-asawa mula sa inyong mamamayan at sa amin."

ang lupain ay magiging bukas sa inyo

"ang lupain ay magamit ninyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:11

Sinabi ni Sechem sa kanyang ama

"Sinabi ni Sechem sa ama ni Dina na si Jacob"

Marapatin ninyong makatanggap ako ng pabor mula sa inyong mga mata

Maaaring isalin na: "hayaan ninyong maging kaaya-aya ako sa inyo."

dote

Sa ilang kultura, kaugalian ng mga lalaki na magbigay ng pera, ari-arian, kawan ng baka, at iba pang handog sa pamilya ng nobya sa panahon bago ang kasal.

Ang mga anak na lalaki ni Jacob ay sumagot kay Shekem at Hamor na kanyang ama na may panlilinlang

Ang basal na pangngalan Dinungisan ni Sechem si Dina Tingnan kung paano mo isinalin ang "dinungisan" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/34/04]].

Hayaan ninyong maging kaaya-aya ako sa inyong mga mata, at anuman ang sasabihin ninyo ay ibibigay ko

Dito ang "mata" ay kumakatawan sa kaisipan ng tao o opinyon. Maaaring isalin na: "Kung ikaw ay magmamagandang loob at sumang-ayon sa akin, kung gayon ibibigay ko ang kahit anong hilingin ninyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:14

Sinabi nila sa kanila

"Sinabi ng mga anak na lalaki ni Jacob kay Sechem at Hamor"

Hindi namin maaaring gawin ang bagay na ito, ang ibigay ang aming kapatid na babae

"Hindi kami sumasang-ayon na ibigay si Dina upang magpakasal sa kanya"

sapagkat iyan ay malaking kasiraang puri sa amin

"dahil iyan ay magdudulot ng kahihiyan sa amin." Dito ang salitang "amin" ay tumutukoy sa mga anak na lalaki ni Jacob at lahat ng tao ng Israel.

ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyo...at kukunin namin ang inyong mga anak na babae para sa aming sarili

Ito ay nangangahulugan na pinapayagan nila ang isang tao mula sa pamilya ni Jacob na pakasalan ang taong naninirahan sa lupain ni Hamor.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:18

Kinalugdan ni Hamor at ng kanyang anak na si Sechem ang kanilang mga sinabi

Dito ang salitang "mga salita" ay kumakatawan kung ano ang sinabi. Maaaring isalin na: "Si Hamor at ang kanyang anak na si Sechem ay sumang-ayon sa kung ano ang sinabi ng mga lalaking anak ni Jacob"

na gagawin ang kanilang sinabi

"na maging tuli o magpatuli"

anak na babae ni Jacob

"anak na babae ni Jacob na si Dina"

dahil siya ang pinakakagalang-galang na tao sa buong sambahayan ng kanyang ama

Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaring gawing malinaw na pahayag na alam ni Sechem na ang ibang mga kalalakihan ay sasang-ayon na magpapatuli dahil siya ay labis nilang iginagalang. Maaaring isalin na: "Alam ni Sechem na ang lahat ng mga kalalakihan sa sambahayan ng kanyang ama ay sasang-ayon sa kanya dahil siya ang pinakakagalang-galang sa kanila"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:20

Ang mga lalaking ito

"Si Jacob, mga anak niyang lalaki, at ang mga tao ng Israel"

kapayapaan sa atin

Dito ang salitang "atin" ay sumasaklaw kina Hamor, mga anak niyang lalaki at lahat ng mga tao na kanilang kinausap sa pintuan ng lungsod.

hayaan silang mamuhay sa lupain at makipagkalakal dito

"hayaan silang manirahan at mangalakal sa lupain"

dahil, tunay nga, na ang lupain ay sapat na malawak para sa kanila

Ginamit ni Shekem ang salitang "tunay" upang bigyang diin ang kanyang pahayag. Maaaring isalin na: "dahil, totoong, ang lupain ay sukat na malawak" o "dahil, talagang, may labis-labis na lupain para sa kanila upang manirahan dito"

kunin ang kanilang mga anak na babae...ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae

Tingnan kung paano isinalin ang katulad na mga parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/34/08]].

ang pintuan ng kanilang lungsod

Karaniwan sa kanilang mga pinuno ang pagpupulong sa tarangkahan ng lungsod upang gumawa ng opisyal na mga pasya.

kunin ang kanilang mga anak na babae...ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae

Tingnan kung paano mo isinalin ang magkatulad na mga parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/34/08]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:22

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Sa ganitong kondisyon lamang...na katulad nilang tinuli

Kung ang bawat lalaki sa atin lamang ay matutuli, katulad ng mga kalalakihan ng Israel na natuli, sila ay papayag na manirahan kasama natin at makipagkaisa sa atin bilang iisang bayan"

Hindi ba maaring ang kanilang kawan at kanilang ari-arian—lahat ng kanilang mga alagang hayop ay magiging sa atin?

Gumamit si Sequem ng tanong upang bigyang diin na ang mga kawan at mga ari-arian ni Jacob ay maging pag-aari ng mga mamamayan ng Shekem. Maaaring isalin na: "Lahat ng kanilang mga alagang hayop at ari-arian ay magiging atin."

Pangkalahatang Impormasyon:

Sina Hamor at Shekem na kanyang anak na lalaki ay patuloy na nakikipag-usap sa mga nakakatanda sa lungsod.

Sa ganitong kasunduan lamang ito na ang mga lalaki ay sasang-ayon na manirahan kasama natin at magiging isang bayan: kung ang bawat lalaki sa atin lamang ay magpatuli, katulad nilang natuli

"Kung ang bawat lalaki sa atin lamang ay magpapatuli, katulad ng mga kalalakihan sa Israel na natuli, sila ay papayag na manirahan kasama natin at makipag- kaisa sa atin bilang isang bayan"

Genesis 34:24

Nagpatuli ang bawat lalaki

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Bawat lalaki ay nakatanggap ng pagtuli" o "Kaya't inutusan ni Hamor at ni Shekem ang isang tao na tuliin ang lahat ng mga kalalakihan"

sa ikatlong araw

Ito ay maaaring ipahayag kahit walang ordinal na bilang. Maaaring isalin na: "Pagkatapos ng dalawang araw"

nang sila'y labis na nangasasaktan

"nang ang mga kalalakihan sa lungsod ay labis na nangasasaktan"

bawat lalaki ay kumuha ng kanyang espada

"dinala nila ang kanilang mga espada"

pumunta sa lungsod na walang bantay

Dito ang "lungsod" ay kumakatawan mga tao. Maaaring isalin na: "pinasok ang lungsod kung saan ang mga tao ay hindi nag-isip na sila'y sasaktan ng mga Israelita"

at pinatay ang lahat ng mga lalaki

Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Pinatay nina Simeon at Levi ang lahat ng mga kalalakihan sa lungsod."

sa pamamagitan ng dulo ng espada

Dito ang "dulo" ay tumatayong talim ng espada. Maaaring isalin na: "sa pamamagitan ng talim ng kanilang mga espada" o "sa pamamagitan ng kanilang mga espada"

lungsod, at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan

Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "lungsod. Pinatay nina Simeon at Levi ang lahat ng mga kalalakihan sa lungsod"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:27

mga patay na katawan

"bangkay nina Hamor, Shekem, at ng kanilang mga mamamayan"

ninakawan nila ang lungsod

"ninakaw ang lahat ng mahahalagang bagay sa lungsod"

dahil dinungisan ng mga tao ang kanilang kapatid na babae

Si Sequem lang ang lumapastanganan kay Dina, ngunit itinuring ng mga anak na lalaki ni Jacob na ang buong pamilya at bawat isa sa lungsod ay dapat managot sa nagawa.

Kinuha nila ang kanilang mga kawan

"kinuha ng mga anak na lalaki ni Jacob ang mga kawan ng mga tao"

lahat ng kanilang kayamanan

"lahat ng kanilang mga ari-arian at pera"

Lahat ng kanilang mga anak at kanilang mga asawa ay dinakip nila

"Dinakip nila ang lahat ng mga bata at mga asawa"

dinungisan

Tingnan kung paano mo isinalin ang "dinungisan" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/34/04]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Genesis 34:30

nagdala ng gulo sa akin

Ang pagdududlot sa isang tao na makaranas ng gulo ay inihahayag na para bang ang gulo ay bagay na dinala at inilalagay sa isang tao. Maaaring isalin na: "nagdulot ng malaking kahirapan sa akin"

upang umalingasaw ako sa mga naninirahan sa lupain, na mga Cananeo at mga Perezeo

Ang pagdudulot sa mga mamamayan na nakapalibot sa pook na magalit kay Jacob ay binanggit na para bang ang mga anak ni Jacob ay ginawa siyang mabaho sa pisikal na paraan. Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Ginawa ninyo akong kasuklam-suklam sa mga Cananeo at sa mga Perezeo"

Kaunti na lang ang aking bilang

Dito ang salitang "ako

Kung titipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin

"bubuo ng hukbo na lulusob sa akin"

pagkatapos malilipol ako

Ito ay maaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Sisirain nila ako" o "Sisirain nila tayo:

Maaari bang pakitunguhan ni Sechem ang aming kapatid na katulad ng babaeng bayaran?

Gumamit si Simeon at Levi ng katanungan upang bigyang diin na si Sechem ay gumawa ng masama at karapat-dapat na mamamatay. Maaaring isalin na: "Hindi dapat itinuring ni Sechem ang aming kapatid na babae na parang babaeng bayaran!"

Kaunti na lamang ang aking bilang...laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at aking sambahayan.

Dito ang salitang "ako"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/34]]

Titipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako

"bubuo ng hukbo at lulusubin ako" o "bubuo ng hukbo at lulusubin tayo"


Chapter 35

1 Sinabi ng Diyos kay Jacob, "Humayo ka, pumunta ka sa Betel, at manatili roon. Gumawa ng altar doon sa Diyos, na nagpakita sa iyo nang ikaw ay tumakas mula kay Esau na iyong kapatid." 2 Pagkatapos sinabi ni Jacob sa kaniyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, "Ilayo ang mga dayuhang diyos na kapiling ninyo, linisin ang inyong mga sarili, at palitan ang inyong mga damit. 3 Pagkatapos umalis tayo at pumunta sa Betel. Magtatayo ako ng altar doon sa Diyos, na sumagot sa akin sa araw ng aking paghihinagpis, at naging kasama ko saan man ako pumaroon." 4 Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng dayuhang mga diyos na nasa kanilang mga kamay at mga hikaw na nasa kanilang mga tainga. Inilibing ni Jacob ang mga ito sa ilalim ng puno ng kakayuhayng malapit sa Sequem. 5 Habang naglalakbay sila, ginawa ng Diyos na masindak ang mga siyudad na nakapaligid sa kanila, kaya hindi hinabol ng mga taong iyon ang mga anak ni Jacob. 6 Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya. 7 Siya ay gumawa ng altar doon at tinawag ang lugar na El Betel, dahil doon inihayag ng Diyos ng kanyang sarili sa kanya, nang tumatakas siya mula sa kanyang kapati. 8 Namatay si Debora, na tagapag-alaga ni Rebeka. Inilibing siya mula Betel sa ilalim ng kakayuhang puno, kaya tinawag itong Allon Bacuth. 9 Nang si Jacob ay dumating mula sa Paddan Aram, nagpakitaang muli ang Diyos sa kanya at pinagpala siya. 10 Sinabi ng Diyos sa kaniya "Ang pangalan mo ay Jacob, ngunit ang iyong pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob. Ang pangalan mo ay magiging Israel." Kaya tinawag ng Diyos ang kanyang pangalang Israel. 11 Sinabi ng Diyos sa kanya, "Ako ang Makapangyarihang Diyos. Maging mabunga ka at magpakarami. Isang bansa at samahan ng mga bansa ang manggagaling sa iyo, at mga hari ang magiging mga kaapu-apuhan mo. 12 Ang lupaing ibinigay ko kina Abraham at Isaac, ibibigay ko sa iyo. Sa iyong mga kaapu-apuhang susunod sa iyo akin ding ibibigay ang lupain." 13 Umalis ang Diyos paakyat mula sa kanya sa lugar kung saan nakipag-usap siya sa kanya. 14 Si Nagtayo si Jacob ng haligi sa lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, isang haliging bato. Nagbuhos siya ng handog na inumin at nagbuhos ng langis doon. 15 Pinangalanan ni Jacob ang lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, na Betel. 16 Naglakbay pa sila mula sa Betel. Habang may kalayuan pa sila mula Eprath, nakaramdam na si Raquel ng panganganak. 17 Nakaranas siya ng matinding hirap sa panganganak. Habang siya ay nasa pinakamatinding kahirapan sa panganganak, sinabi ng hilot sa kanya "Huwag kang matakot, dahil ngayon magkakaroon ka ng isa pang anak na lalaki. 18 Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin. 19 Namatay si Raquel at inilibing sa daan papunta sa Eprat (iyon ay, Betlehem). 20 Nagtayo si Jacob ng isang haligi sa ibabaw ng kanyang libingan. Iyon ang palatandaan ng libingan ni Raquel hanggang sa araw na ito. 21 Si Israel ay naglakbay pa at itinayo ang kaniyang tolda sa ibayo ng Migdal Eder. 22 Habang nakatira si Israel pa sa lupaing iyon, sumiping si Reuben kay Bilha na ibang asawa kanyang ama, at narinig ito ni Israel. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki. 23 Ang kanyang mga anak na lalaki kay Lea ay sina Reuben, panganay ni Jacob, at si Simeon, Levi, Juda, Isacar, at Zebulun. 24 Ang kanyang mga anak na lalaki kay Raquel ay sina Jose at Benjamin. 25 Ang kanyang mga anak na lalaki kay Bilha, na babaeng lingkod ni Raquel, ay sina Dan at Neftali. 26 Ang mga anak na lalaki ni Zilpa, na babaeng lingkod ni Lea, ay sina Gad at Asher. Lahat ng mga ito ay mga anak na lalaki ni Jacob na ipinanganak sa kanya sa Paddan Aram. 27 Si Jacob ay pumunta kay Isaac, na kanyang ama, sa Mamre sa Kiriath Arba (pareho sa Hebron), kung saan nanirahan sina Abraham at Isaac. 28 Nabuhay si Isaac sa loob ng isandaan at walumpung taon. 29 Inihinga ni Isaacs ang kanyang huli at siya ay namatay, at tinipon siya sa kanyang mga ninuno, isang matandang lalaking ganap ang mga araw. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.



Genesis 35:1

Ilayo ang mga dayuhang diyos na kapiling ninyo

"Itapon palayo ang inyong mga diyos-diyosan" o "Tanggalin ang inyong mga maling diyos"

linisin ang inyong mga sarili, at palitan ang inyong mga damit

Ito ang kaugalian ng paglilinis ng sarili sa paraang moral at pisikal bago tumungo sa pagsamba sa Diyos.

sa araw ng aking paghihinagpis

Ang mga posibleng ibig sabihin para sa "araw" ay 1) Ang araw ng si Jacob ay tumakas mula kay Esau o 2) ang "araw" ay patungkol sa isang panahon kung saan si Jacob ay nakakaranas ng pighati. Maaaring isalin na: "noong ako ay nasa mahirap na sitwasyon" o noong ako ay nasa magulong sitwasyon" o "noong ako ay nasa pagkabahala"

pumunta pataas ng Betel

ang pariralang "pumunta pataas" ay ginamit dahil ang Betel ay mas mataas kaysa Sequem.

Gumawa ng altar doon sa Diyos

Ang Diyos ay nagsalita patungkol sa kaniyang sarili sa ikatlong persona. Maaaring isalin na: "Magtayo ng altar doon para sa akin, na iyong Diyos"

sinabi...sa kanyang sambahayan

"sinabi sa kanyang pamilya"

palitan ang inyong mga damit

Ang pagpapalit ng bagong damit ay isang palatandaan na ginawa nila ang kanilang sariling malinis bago lumapit sa Diyos.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:4

Kaya ibinigay nila

"kaya lahat sa sambahayan ni Jacob" o "kaya lahat ng kapamilya at lahat ng lingkod ay nagbigay"

na nasa kamay nila

Dito ang "kamay nila" ay nangangahulugang kanilang pagmamay-ari. Maaaring isalin na: "na kanilang pagaari" o "na mayroon sila"

hikaw na nasa mga tenga nila

"mga hikaw nila" (UDB). Mga posibleng kahulugan ay 1) ang ginto sa kanilang mga tenga ay maaaring magamit sa paggawa ng marami pang dios-diosan o 2) kinuha nila ang mga hikaw na ito mula sa lungsod ng Sequem pagkatapos nilang lusubin ito at mapatay ang lahat ng mga tao. Ang mga hikaw ang magpapaalala sa kanila ng kanilang kasalanan.

ginawa ng Diyos na mahulog ang pagkatuliro sa mga lungsod na nakapaligid sa kanila

Ang Diyos na nagdulot sa mga tao ng mga lungsod para matakot kay Jacob at sa kanyang pamilya ay sinasalita na para bang ang tuliro ay isang bagay na nahulog sa mga lungsod. Ang basal na pangngalang (abstract noun) "tuliro" ay maaaring gamitin bilang "takot." Maaaring isalin na: "Ginawa ng Diyos ang mga tao sa mga nakapaligid na lungsod na takot kay Jacob at sa mga kasama niya"

mga anak na lalaki ni Jacob

Sinasabi dito na walang sinuman ang sumalakay sa mag-anak ni Jacob. Ngunit dalawa sa mga lalaking anak, si Simeon at Levi ay sumalakay sa mga kamag-anak ni Sequem na mga Cananeo pagkatapos niyang dukutin at sipingan ang babaeng anak ni Jacob. Natakot si Jacob na sila ay maghiganti sa. Maaaring isalin na: "pamilya ni Jacob" o "sambahayan ni Jacob"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

sa mga lungsod

Dito ang "mga lungsod" ay nangangahulugang mga tao na naninirahan sa mga lungsod.

Genesis 35:6

El Betel

Ang mga tagapag-salin ay maaaring mag dag-dag ng talababa na nagsasabing: "ang pangalang El Betel ay nangangahulugang 'Diyos ng Betel.""

Debora

Ito ay pangalan ng isang babae.

alalay ni Rebeka

ang isang alalay ay isang babaeng naga-aruga sa anak ng ibang babae. Ang alalay ay magiting na itinataas at mahalaga sa pamilya.

Allonbacuth

ang mga tagapag-salin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsasabing: ''Ang pangalang Allonbacuth ay nangangahulugang 'Puno ng roble kung saan mayroong paghagulgol.''''

Luz

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/28/18]]

doon ang Diyos ay naghayag ng kaniyang sarili sa kanya

"doon ang Diyos ay nagpakilala kay Jacob"

Siya ay inilibing pababa mula Betel

Ito ay maaaring mabigkas sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Inilibing nila siya pababa mula sa Betel"

pababa mula Betel

Ang pariralang "pababa mula" ay ginamit dahil inilibing nila siya sa lugar na mas mababa ang taas kaysa Betel.

Allon Bacuth

Ang mga tagapag-salin ay maaaring mag dag-dag ng talababa na

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:9

dumating mula sa Paddan Aram

Tingnan ang Genesis [[rc://tl/bible/notes/gen/25/19]] kung paano mo isinalin ang "Paddan Aram."

pinagpala

Dito ang "pinagpala" ay nangangahulugang magbigkas ng pormal na pagpapala sa isang tao at magsanhi na mangyari ang mabubuting bagay sa taong yaon.

ngunit ang iyong pangalan ay hindi na tatawaging Jacob

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "ngunit ang pangalan mo ay hindi na Jacob"

Nang si Jacob ay dumating mula sa Paddan Aram

Maisasalaysay ng malinaw na sila ay nasa Betel. Maaaring isalin na: "Pagkatapos magtungo ni Jacob sa Paddan Aram, at habang siya ay nasa Betel"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:11

Sinabi ng Diyos sa kanya

"Sinabi ng Diyos kay Jacob"

Maging mabunga ka at magpakarami

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga utos na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/01/28]].

Isang bansa at samahan ng mga bansa

Maaaring isalin na: "maraming nasyon"

Isang bansa at samahan ng mga bansa ang manggagaling sa iyo

Dito ang "bansa" at "mga bansa" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Jacob na magtatatag ng mga bansang ito.

Ang Diyos ay nagpunta sa taas mula sa kanya

Dito ang "nagpunta sa taas" ay ginagamit dahil kung saan nananahan ang Diyos ay kadalasang iniisip na nasa itaas o sa kaitaas-taasan ng mundo. Maaaring isalin na: "Iniwan siya ng Diyos"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:14

haligi

Ito ay isang haliging palatandaan na isa lamang simpleng malaking bato o talampas na nakaayos sa kaniyang dulo.

nagbuhos ng langis doon

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/28/18]].

Betel

Ang mga tagapag-salin ay maaaring magdag-dag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Betel ay nangangahulugang 'tahanan ng Diyos."'

Nagbuhos siya ng alay na inumin at nagbuhos ng langis doon

to ay palatandaan na inihahandog niya ang haligi sa Diyos[[Tingnan sa

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:16

siya ay nakaranas ng matinding hirap sa panganganak

"Siya ay nasa oras ng kahirapan habang nanganganak"

Habang siya ay nasa matinding kahirapan

"Nang ang kirot sa panganganak ay nasa katindihan nito"

hilot

isang taong tumutulong sa babae kapag siya ay nanganganak

Nang siya ay namamatay na, kasabay ng kanyang huling hininga

Ang "huling hininga" ay ang hininga bago mamatay ang isang tao. Maaaring isalin na: "Bago siya mamatay, bago siya bawian ng hininga"

Benoni

Ang tagapag-salin ay maaaring magdag-dag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Benoni ay nangangahulugang 'anak ng dalamhati."'

Benjamin

Ang tagapag-salin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Benjamin ay nangangahulugang 'anak ng kanang kamay."' Ang pariralang "kanang kamay" ay nagpapahiwatig ng pwesto ng mahalagang katungkulan na may pabor.

at inilibing

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "at inilibing nila siya"

Ito ang palatandaan ng puntod ni Raquel hanggang ngayon

"Ito ay palatandaan sa libingan ni Raquel hanggang sa kasalukuyang araw na ito"

daan papunta

"tabing daan" (UDB)

hanggang sa mga araw na ito.

Ito ay nangangahulugang hanggang sa araw na isinusulat ito ng nag-akda.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:21

Migdal Eder.

Ito ay tumutukoy sa isang tore o mataas na gusali na itatayo ng mga pastol para bantayan ang kanilang mga kawan.

Bilha

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/28]].

Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki.

Ang pangungusap na ito ay nagsisimula ng isang bagong talataan, na kung saan nagpapatuloy sa mga sumusunod na bersikulo.

Si Israel ay naglakbay

Ito ay malinaw na nagsasabi na ang pamilya ni Israel at mga lingkod ay kasama niya.

labindalawang anak na lalaki.

"12 anak na lalaki"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:23

labindalawang anak na lalaki

"12 anak na lalaki"

Bilha

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/28]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:26

Zilpa

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/23]].

na ipinanganak sa kanya sa Paddan Aram

Malinaw na sinasabi na hindi kasali dito si Benjamin na ipinanganak sa lupain ng Canaan malapit sa Betlehem. Nabanggit lang ang Paddan Aram dahil karamihan sa kanila ay ipinanganak doon. Maaaring isalin na: "na ipinanganak para sa kanya sa Paddan Aram, maliban kay Benjamin na ipinanganak sa lupain ng Canaan"

Mamre

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/13/16]].

Kiriath Arba

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/01]].

Si Jacob ay dumalaw kay Isaac,

Dito ang "dumalaw" ay maaaring maipahayag bilang "pumunta."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

Genesis 35:28

isandaan at walumpung taon

"180 taon"

Nalagutan ng hininga si Isaac at namatay, at tinipon siya sa kanyang mga ninuno, isang matandang lubos at ganap ang mga araw

Tingnan kung paano mo isinalin ang katulad na pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/25/07]].

Nalagutan ng hininga si Isaac at namatay

"Si Isaac ay huminga sa huling pagkakataon at namatay." Ang mga pariralang "nalagutan ng hininga" at "namatay" ay may katulad na kahulugan. Maaaring isalin na: "namatay si Isaac"

Nalagutan ng hininga

Ito ay magalang na pagsasabi na ang isang tao ay namatay na.

tinipon siya sa kanyang mga ninuno

Ito ay nangangahulugan na pagkatapos mamatay ni Isaac, ang kanyang kaluluwa ay napunta sa katulad na lugar kasama ng kaniyang mga kamag-anak na namatay bago siya. Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "napasama na siya sa miyembro ng kanyang pamilyang patay na"

isang matandang lubos at ganap ang mga araw

Ang mga pariralang "isang matandang" at "ganap ang mga araw" ay mayroong magkatulad na kahulugan. Binibigyang pansin nila na si Isaac ay namuhay ng matagal na panahon. Maaaring isalin na: "pagkatapos niyang mabuhay ng matagal na panahon at napakatanda na"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/35]]


Chapter 36

1 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Esau (tinatawag ding Edom). 2 Kinuha ni Esau ang kanyang mga asawa mula sa mga Cananeo. Ito ang mga asawa niya: Si Ada na anak na babae ni Elon na Heteo; si Aholibama na anak na babae ni Ana, na apong babae ni Zibeon na Hivita; 3 at Basemat, anak na babae ni Ismael, na kapatid na babae ni Nebayot. 4 Isinilang ni Ada si Elifaz kay Esau, at si Basemat ay isinilang si Reuel. 5 Isinilang ni Aholibama sina Jeus, Jalam at Korah. Ito ang mga anak na lalaki ni Esau na ipinanganak sa kanya sa lupain ng Canaan. 6 Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, mga anak na lalaki, mga anak na babae, lahat ng mga kabilang sa kanyang sambahayan, kanyang mga alagang hayop—lahat ng kanyang mga hayop, at lahat ng kanyang mga ari-arian, na tinipon niya sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob. 7 Ginawa niya ito dahil ang ari-arian nila ay napakarami para manatili silang magkasama. Ang lupain kung saan sila nanirahan ay hindi sila kayang itaguyod dahil sa kanilang mga alagang hayop. 8 Kaya nga si Esau, na tinatawag ding Edom, ay nanirahan sa bansang burol ng Seir. 9 Ang sumusunod ay ang mga kaapu-apuhan ni Esau, ang ninuno ng mga Edomita sa bansang burol ng Seir. 10 Ito ang mga pangalan ng mga lalaking anak ni Esau: Si Elifaz na lalaking anak ni Ada, asawa ni Esau; Si Reuel na lalaking anak ni Basemat, asawa ni Esau. 11 Ang mga lalaking anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Galam, at Kenaz. 12 Ipinanganak si Amalek ni Timna, na ibang asawa ni Elifaz, na lalaking anak ni Esau. Ito ang mga lalaking apo ni Ada, asawa ni Esau. 13 Ito ang mga lalaking anak ni Reuel: Sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza. Ito ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau. 14 Ito ang mga lalaking anak ni Aholibama, asawa ni Esau, na babaeng anak ni Ana at babaeng apo ni Zibeon. Ipinanganak niya para kay Esau sina Jeus, Jalam, at Korah. 15 Ito ang mga angkan kasama sa mga kaapu-apuhan ni Esau: ang mga kaapu-apuhan ni Elifaz, na panganay na anak ni Esau: sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, 16 Korah, Gatam, at Amalek. Ito ang mga angkang nanggaling kay Elifaz sa lupain ng Edom. Mga apo sila ni Ada. 17 Ito ang mga angkang mula kay Reuel, anak ni Esau: sina Nahat, Zera, Shammah, Miza. Ito ang mga angkang mula kay Reuel sa lupain ng Edom. Sila ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau. 18 Ito ang mga angkan ni Aholibama, asawa ni Esau: sina Jeus, Jalam, Kora. Ito ang mga angkang nagmula sa asawa ni Esau na si Aholibama, babaeng anak ni Ana. 19 Ito ang mga lalaking anak ni Esau, at ito ang kanilang mga angkan. 20 Ito ang mga lalaking anak ni Seir na Horeo, na mga naninirahan sa lupain: sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 21 Dishon, Ezer, at Disan. Ito ay mga angkan ng mga Horeo, na mga naninirahan sa Seir sa lupain ng Edom. 22 Ang mga lalaking anak ni Lotan ay sina Hori at Heman, at si Timna ang babaeng kapatid ni Lotan. 23 Ito ang mga lalaking anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at Onam. 24 Ito ang mga lalaking anak ni Zibeon: si Aya at Ana. Ito ang Ana na nakahanap sa mainit na bukal sa kagubatan, habang nagpapastol siya ng mga asno ni Zibeon na kanyang ama. 25 Ito ang mga anak ni Ana: Sina Dishon at Aholibama, na babaeng anak ni Ana. 26 Ito ang mga lalaking anak ni Dishon: Sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran. 27 Ito ang mga lalaking anak ni Ezer: sina Bilhan, Zaavan, at Akan. 28 Ito ang mga lalaking anak ni Dishan: sina Uz at Aran. 29 Ito ang mga angkan ng mga Horeo: ang Lotan, Shobal, Zibeon, at Ana, 30 Dishon, Ezer, Dishan: ito ang mga angkan ng mga Horeo, ayon sa kanilang mga talaan ng angkan sa lupain ng Seir. 31 Ito ang mga hari na namahala sa lupain ng Edom bago pa man mamahala ang sinumang hari sa mga Israelita: 32 Si Bela na lalaking anak ni Beor, ay namahala sa Edom, at ang pangalan ng kanyang siyudad ay Dinaba. 33 Nang mamatay si Bela, saka naman si Jobab lalaking anak ni Zerah ng Bozra, ang namahala bilang kahalili niya. 34 Nang namatay si Jobab, si Husham na mula sa lupain ng mga Temaneo ang nagharing kahalili niya. 35 Nang mamatay si Husham, si Hadad na lalaking anak ni Bedad, na tumalo sa mga Midianita sa lupain ng Moab, ang nagharing kahalili niya. Ang pangalan ng kanyang siyudad ay Avit. 36 Nang namatay si Hadad, si Samla naman ng Masreka ang nagharing kahalili niya. 37 Nang mamatay si Samla, si Saul ng Rehobot na tagatabing-ilog ang naghari kahalili niya. 38 Nang mamatay si Saul, si Baal Hanan naman na lalaking anak ni Acbor ang nagharing kahalili niya. 39 Nang si Baal Hanan na lalaking anak ni Acbor, ay mamatay, si Hadar naman ang nagharing kahalili niya. Ang pangalan ng kanyang siyudad ay Pau. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel, babaeng anak ni Matred, na babaeng apo ni Me Zahab. 40 Ito ang mga pangalan ng mga pinuno ng mga angkang nagmula sa lahi ni Esau, ayon sa kanilang mga angkan at kanilang mga rehiyon, sa kanilang mga pangalan: sina Timna, Alva, Jetet, 41 Aholibama, Ela, Pinon, 42 Kenaz, Teman, Mibzar, 43 Magdiel, at Iram. Ito ang mga pangulo ng angkan ng Edom, ayon sa kanilang pamayanan sa lupaing inagkin nila. Ito si Esau, ang ama ng mga Edomita.



Genesis 36:1

Ito ang mga kaapu-apuhan ni Esau (tinatawag ding Edom)

"Ito ang mga kaapu-apuhan ni Esau, na tinawag ding Edom." Ang pangungusap na ito ay nagpapakilala sa pag-uulat sa mga lahi ni Esau sa Genesis 36:1-8. Maaaring isalin na: "Ito ay ulat sa mga lahi ni Esau, na tinatawag ding Edom."

Ada...Aholibama

Ito ang mga pangalan ng mga asawa ni Esau.

Elon na Heteo

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/26/34]].

Ana...Zibeon...Nebayot

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Heveo

Ito ay tumutukoy sa mas malaking grupo ng mga tao. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/10/15]].

Basemat

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/26/34]].

Nebayot

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/28/08]].

Ada...Aholibama

Ito ang mga pangalan ng mga asawa ni Esau.

Ana...Zibeon...Nebayot

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:4

Ada...Basemat...Aholibama

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Elifaz...Reuel...Jeus...Jalam...Korah

Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Esau.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Ada...Basemat...Aholibama

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Elifaz...Reuel...Jeus...Jalam...Korah

Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Esau.

Genesis 36:6

ang ari-arian nila

"Ang mga ari-arian nina Esau at Jacob"

hindi sila kayang itaguyod dahil sa kanilang mga alagang hayop

Hindi sapat ang lawak ng lupain para maitaguyod ang lahat ng mga alagang hayop na pagmamay-ari nina Jacob at Esau. Maaaring isalin na: "hindi sapat ang laki para maitaguyod ang lahat ng kanilang mga alagang hayop" o "hindi sapat ang laki para sa kawan ni Esau at kawan ni Jacob"

na tinipon niya sa lupain ng Canaan

Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga bagay na kanyang naipon habang siya ay naninirahan sa lupain ng Canaan. Maaaring isalin na: "na kanyang naipon habang naninirahan sa lupain ng Canaan"

pumunta sa lupaing

Ito ay nangangahulugang pumunta sa ibang lugar at manirahan doon. Maaaring isalin na: "pumunta upang manirahan sa ibang lupain"

kung saan sila nanirahan

Ang salitang "nanirahan" ay nangangahulugang lilipat papunta sa isang lugar at manirahan doon. Maaaring isalin na: "kung saan sila ay lumipat"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:9

Ang sumusunod ay ang mga kaapu-apuhan ni Esau

Ang pangungusap na ito ay pinapakita ang kasaysayan ng mga kaapu-apuhan ni Esau sa Genesis 36:9-43. Maaaring isalin na: "Ito ay kasaysayan ng mga kaapu-apuhan ni Esau."

Elifaz...Reuel

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]].

Ada...Basemat

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Teman, Omar, Zefo, Gatam, at Kenaz...Amalek

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Timna

Ito ang mga pangalan ng ibang asawa ni Elifaz.

sa bansang burol ng Seir

Ito ay nangangahulugan na sila ay nanirahan sa kaburulan sa nayon ng Seir. Maaaring isalin na: "na nanirahan sa kaburulan sa nayon ng Seir"

Elifaz...Reuel

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]].

Ada...Basemat

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Teman, Omar, Zefo, Gatam, at Kenaz...Amalek

Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Elifaz. (Tingnan sa: [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:13

Reuel...Jeus, Jalam, and Kora

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]].

Nahat...Zera...Shammah...Miza...Zibeon

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Basemat...Aholibama...Ana

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Reuel...Jeus, Jalam, at Kora

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]].

Nahat...Zera...Shammah...Miza...Zibeon

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Basemat...Aholibama...Ana

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:15

Elifaz...Ada

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]]

Teman, Omar, Zefo, Kenaz, Kora, Gatam, and Amalek

Ito ay pangalan ng mga angkan.

Elifaz...Ada

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:17

Reuel...Jeush, Jalam, Korah

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]].

Nahat, Zera, Shama, Miza

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/13]].

Basemat...Aholibama...Ana

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

Reuel...Jeus, Jalam, Kora

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/04]].

sa lupain ng Edom

Ito ay nangangahulugang sila ay nanirahan sa lupain ng Edom. Maaaring isalin na: "na nanirahan sa lupain ng Edom"

Basemat...Aholibama...Ana

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/01]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:20

Seir

Ang salitang "Seir" ay pangalan ng isang tao at ng isang bansa.

ang Horeo

Ang salitang "Horeo" ay tumutukoy sa isang lahi. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/14/03]].

mga naninirahan sa lupain

"na nanirahan sa lupain ng Seir, na tinatawag ding Edom"

Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer, at Disan...Hori at Heman

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki

Timna

Ito ay pangalan ng isang babae.

Lotan, Ana, Dishon, Ezer, at Disan...Hori at Heman

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:23

Sobal...Zibeon

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/20]].

Alvan, Manahat, Ebal, Shefo, at Onam...Aya at Ana

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

mga asno

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/12/14]].

Sobal...Zibeon

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/20]].

Alvan, Manahat, Ebal, Shepho, and Onam...Aya at Ana

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:25

Ana...Dishon...Ezer...Dishan

Tingnan kung paano isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/20]]. Sa 36:25 ang "Dishon" ay tumutukoy sa anak na lalaki ni Ana. Sa 36:26 ang "Dishon" ay tumutukoy sa anak na lalaki ni Seir.

Aholibama

Ito ay pangalan ng isang babae.

Hemdan, Esban, Itran, at Keran...Bilhan, Zaavan, at Akan...Uz at Aran

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Ana...Dishon...Ezer...Dishan

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/20]].May dalawang lalaking may pangalan na "Dishon," ang isa ay anak na lalaki ni Anah at ang isa ay anak na lalaki ni Seir.

Hemdan, Esban, Itran, at Keran...Bilhan, Zaavan, at Akan...Uz at Aran

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:29

mga Horeo

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/14/03]].

Lotan, Shobal, Zibeon, at Ana, Dishon, Ezer, Dishan

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/20]].

sa lupain ng Seir

Ito ay nangangahulugan na sila ay nanirahan sa lupain ng Seir. Maaaring isalin na: "sa mga taong nanirahan sa lupain ng Seir"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:31

Bela...Beor...Jobab...Zera

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Dinaba...Bozra

Ito ay mga pangalan ng mga lugar.

Bela...Beor...Jobab...Zera

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

ang pangalan ng kanyang siyudad

Ito ay nangangahulugang ito ang siyudad na kanilang tinirahan. Maaaring isalin na: "ang pangalan ng siyudad kung saan sila nanirahan"

Dinaba...Bozra

Ito ay mga pangalan ng mga lugar.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:34

Jobab

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/31]].

Husham...Hadad...Bedad...Samla

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Avit...Masreca

Ito ay mga pangalan ng mga lugar.

Temaneo

"mga kaapu-apuhan ni Teman"

Husham...Hadad...Bedad...Samla

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

si Husham ng lupain ng mga Temaneo

Ito ay nangangahulugang si Husham ay nanirahan sa lupain ng mga Temaneo. Maaaring isalin na: " Si Husham na nanirahan sa lupain ng mga Temaneo"

Avit...Masreca

Ito ay mga pangalan ng mga lugar.

pangalan ng kanyang siyudad

Ito ay nangangahulugang ang siyudad na ito ang tinirahan niya. Maaaring isalin na: "Ang pangalan ng siyudad kung saan siya nanirahan"

si Samla naman ng Masreca

"Samla na mula sa Masreka"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:37

Samla

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/36/34]].

Saul...Baal Hanan...Acbor...Hadar...Matred...Me Zahab

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Rehobot...Pau

Ito ay mga pangalan ng mga lugar.

sa tabing-ilog

Ito ay tumutukoy sa ilog Eufrates.

Mehetabel

Ito ay pangalan ng isang babae.

si Saul ng Rehobot naman sa may tabing-ilog ang nagharing kahalili niya

Si Saul ay nanirahan sa Rehobot. Ang Rehobot ay nasa bandang ilog Eufrates. Ito ay maaaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "pagkatapos ay nag-hari si Saul kahalili niya. Siya ay mula sa Rehobot na nasa bandang ilog Eufrates."

Saul...Baal Hanan...Acbor...Hadar...Matred...Me Zahab

Ito ay mga pangalan ng mga lalaki.

Rehobot...Pau

Ito ay mga pangalan ng mga lugar.

Ang pangalan ng kanyang siyudad

Ito ay nangangahulugan na ito ang siyudad na kanyang tinitirahan. Maaaring isalin na: "Ang pangalan ng siyudad kung saan siya nakatira"

ang anak na babae ni Matred, ang apong babae ni Me zahab

Ang nawawalang impormasyon ay maaaring idagdag. Maaaring isalin na: "siya ay anak na babae ni Matred, at ang babaeng apo ni Me Zahab"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

Genesis 36:40

Timna, Alva, Jetet, Aholibama, Ela, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram

Ito ay mga pangalan ng mga lahi.

ang ama ng

Ang pariralang ito ay nangangahulugang siya ang ninuno o pinagmulan ng mga lahi.

pangulo ng mga angkan

"ang mga pinuno ng mga angkan"

ayon sa kanilang mga angkan at kanilang mga rehiyon, sa kanilang mga pangalan

Ang mga angkan at ang mga rehiyon ay ipinangalan mula sa mga ulo ng mga angkan. Gayundin, tingnan ang UDB para sa mas malinaw na pagsasalin. Maaaring isalin na: "ang pangalan ng kanilang mga angkan at mga rehiyon kung saan sila nakatira ay ipinangalan sa kanila. Ito ang mga pangalan nila:" )

pamayanan

"lugar tahanan" o "ang lugar na tinitirahan nila"

Ito ay si Esau

Ang listahan ito ay sinasabing "maging kay" Esau, na nangangahulugang ang buong listahan ay ng kanyang kaapu-apuhan. Maaaring isalin na: "Ito ay ang listahan ng mga kaapu-apuhan ni Esau"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/36]]


Chapter 37

1 Nanirahan si Jacob sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan. 2 Ito ang mga pangyayari tungkol kay Jacob. Nang labimpitong taong gulang pa lang si Jose, nagbabantay siya ng kawan kasama ang kanyang mga kapatid. Kasama niya ang mga anak na lalaki ni Bilhah at mga anak na lalaki ni Zilpah, mga asawa nang kanyang ama. Nagdala si Jose ng hindi kanais-nais na balita tungkol sa kanila sa kanilang ama. 3 Minahal ni Israel si Jose nang mas higit sa lahat ng kanyang anak na lalaki dahil siya ang anak niya sa katandaan. Ginawan siya nang isang magandang damit. 4 Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos. 5 Nanaginip si Jose ng isang panaginip, at sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang tungkol dito. Lalo pa nila siyang kinamuhia. 6 Sinabi niya sa kanila, "Pakiusap makinig kayo sa panaginip na aking napanaginipan. 7 Masdan ninyo, itinatali natin ang mga bigkis ng mga butil sa bukid at masdan ninyo, tumayo ang aking bigkis at tumuwid, at masdan ninyo, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis. 8 Sinabi sa kanya ng kanyang mga kapatid, "Magiging hari ka ba talaga namin? Mamumuno ka sa amin? "Lalo siyang kinamuhian dahil sa kanyang mga panaginip at sa kanyang mga salita. 9 Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, "Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin." 10 Sinabi niya ito sa kanyang ama pati sa kanyang mga kapatid, at pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya, "Ano itong panaginip na napaginipan mo? Talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?" 11 Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip. 12 Umalis ang mga kapatid ni Jose upang magpastol ng kawan ng kanilang ama sa Sechem. 13 Sinabi ni Jacob kay Jose, "Hindi ba nagpapastol ng kawan ang iyong mga kapatid sa Sechem? Halika, at ipapadala kita sa kanila." Sinabi ni Jose sa kanya, "Nakahanda ako." 14 Sinabi niya sa kanya, "Umalis ka na ngayon, tingnan mo kung maayos ang mga kapatid mo at maayos ang mga kawan, at balitaan mo ako." Kaya pinadala siya ni Jacob sa lambak ng Hebron, at nagpunta si Jose sa Sichem. 15 May isang taong nakakita kay Jose. Masdan mo, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid. Tinanong siya ng isang lalaki, "Ano ang hinahanap mo?" 16 Sinabi ni Jose, "Hinahanap ko ang aking mga kapatid. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung saan nila nagpapastol ang kawan." 17 Sinabi ng lalaki, "Umalis na sila sa lugar na ito, narinig ko silang nagsabi na, "Pumunta tayo sa Dotan. Pinuntahan ni Jose ang kanyang mga kapatid at natagpuan sila sa Dotan. 18 Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya. 19 Sinabi ng kanyang mga kapatid sa bawat isa, "Tingnan niyo, Papalapit na ang taong mapanaginipin. 20 Halikayo, kung ganon, patayin na natin siya at ihulog siya sa isa sa mga balon. Sabihin natin, 'Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop.' Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip." 21 Narinig ito ni Reuben at iniligtas siya mula sa kanilang kamay. Sinabi niya, "Huwag nating kunin ang kanyang buhay." 22 Sinabi ni Reuben sa kanila, "Huwag magpadanak ng dugo. Itapon siya sa balong ito sa deserto, ngunit huwag ninyo siyang hawakan"— upang mailigtas niya siya sa kanilang kamay para maibalik siya sa kanyang ama. 23 Nangyari na nang dumating si Jose sa kanyang mga kapatid, hinubad sa kaniya ang magandang damit. 24 Dinala siya at itinapon siya sa loob ng balon. Walang laman ang balon ni wala itong tubig. 25 Umupo sila para kumain ng tinapay. Tumingala sila at tumingin, at masdan, may paparating na isang karawan ng mga Ismaelita mula sa Gilead, kasama ang kanilang mga kamelyo na may dala-dalang mga sahog at balsamo at mira. Naglalakbay sila ay para dalhin ang mga iyon pababa sa Ehipto. 26 Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, "Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo? 27 Halina kayo, at ipagbili natin siya sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay. Dahil siya ay ating kapatid, ating laman. Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid. 28 Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto. 29 Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit. 30 Bumalik siya sa kanyang mga kapatid at sinabi, "Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?" 31 Kumatay sila ang isang kambing at pagkatapos kinuha nila ang damit ni Jose at sinawsaw ito sa dugo. 32 Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, "Nakita namin ito. Pakiusap tingnan mo kung ito ang damit ng inyong anak o hindi?" 33 Nakilala ito ni Jacob at sinabi, "Ito ay damit ng aking anak. Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop. Tiyak na nagkawasak-wasak ang katawan ni Jose." 34 Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw. 35 Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, "Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak." Nanangis ang kanyang ama para kanya. 36 Ipinagbili siya ng mga Midianita sa Ehipto kay Potipar, isang opisyal ni Paraon, na kapitan ng bantay.



Genesis 37:1

sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan

"sa lupain ng Canaan kung saan ang kanyang nanirahan ang kanyang ama"

Ito ang mga pangyayari tungkol kay Jacob

Ang pangungusap na ito ay nagpakilala ng kasaysayan ng mga anak ni Jacob sa Genesis 37:1-50:26. Maaaring isalin na: "Ito ang kasaysayan ng pamilya ni Jacob."

labing-pitong taong gulang

"17 taong gulang"

Bilha

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/28]].

Zilpa

Tingnan kung papaano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/23]].

mga asawa

"ibang mga asawa" (UDB)

hindi kanais-nais na balita tungkol sa kanila

"isang masamang balita tungkol sa kanyang mga kapatid na lalaki"

Ito ang mga pangyayari tungkol kay Jacob

Ang pangungusap na ito ay nagpakilala sa kasaysayan ng mga anak ni Jacob sa Genesis 37:1-50:26. Ang "Jacob" dito ay tumutukoy kabuuan ng kanyang pamilya. Maaaring isalin na: "Ito ang kasaysayan ng pamilya ni Jacob."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:3

Ngayon

Ginamit ang salitang ito dito para markahan ang pagbabago mula sa kuwento patungo sa nakaraang batayan tungkol kay Israel at Jose.

minahal

Tumutukoy ito sa pagmamahal sa kapatid o pagmamahal para sa isang kaibigan o kasapi ng pamilya. Ito ay likas na pagmamahal sa tao sa pagitan ng mga kaibigan o mga kamag-anak.

siya ang anak niya sa katandaan

"Si Jose ay ipinanganak nang si Israel ay matanda na"

Nakita ng kanyang mga kapatid na minahal siya ng lubusan ng kanilang ama

"Nakita ng mga kapatid ni Jose na mas minahal ng kanilang ama si Jose"

ayaw makipag-usap nang maayos sa kanya

"hindi kayang makipag-usap ng maayos na paraan sa kanya"

sa katandaan

Ang ibig sabihin nito ay si Jose ay ipinanganak nang si Israel ay matanda na. Maaaring isalin na: "na ipinanganak nang si Israel ay matanda na"

Ginawaan siya

"Gumawa si Israel para kay Jose"

isang magandang damit

"isang magandang balabal"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:5

Nanaginip si Jose ng isang panaginip, at sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang tungkol dito. Lalo panila siyang kinamuhian.

Ito ay isang buod sa mga pangyayari na mangyayari sa 37:6-11.

Lalo pa nila siyang kinamuhian

"At lalong nagalit ang kanyang mga kapatid sa kanya higit pa sa galit nila sa kanya noong una"

pakiusap makinig dito sa panaginip na aking napanaginipan

"Pakiusap pakingggan itong panaginip ko" (UDB)

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:7

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Masdan

Ang salitang "masdan" dito ay naghuhudyat sa atin na bigyang-pansin ang mga nakakagulat na impormasyong sumusunod.

natin

Ang salitang "natin" ay tumutukoy kay Jose at kasama ang lahat ng kanyang kapatid.

itinatali...mga bigkis ng mga butil

Pagkatapos maani ang butil ay itinatali ito sa isang bigkis at isinalansan hanggang sa panahon na maaari ng maihiwalay ang butil mula sa dayami.

at masdan, tumayo ang ang aking bigkis at tumuwid, at masdan, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis

Ang salitang "masdan" dito ay nagpapakita na si Jose ay nagulat kung ano ang kanyang nakita sa kanyang panaginip. Maaaring isalin na: "Pagkatapos biglang, ang aking bigkis ay tumuwid, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis.

Talaga bang maghahari ka sa amin? Talagang bang mamumuno ka sa amin?

Ang dalawang pariralang ito ay pareho lang ang ibig sabihin. Ginamit ng mga kapatid ni Jose ang mga tanong na ito para kutyain si Jose. Maaaring maisulat ang mga ito bilang pahayag. Maaaring isalin na: "Hindi ka kailanman magiging hari namin at hindi kami yuyuko sa iyo kailanman!"

maghahari ka sa amin

Ang salitang "amin" ay tumutukoy sa mga kapatid ni Jose ngunit hindi si Jose.

sa kanyang mga panaginip at sa kanyang mga salita.

"dahil sa kanyang mga panaginip at sa mga nasabi niya"

Pangkalahatang Impormasyon:

Sinabihan ni Jose ang kanyang mga kapatid tungkol sa kanyang panaginip.

at masdan

Ang salitang "masdan" dito ay nagpapakita na si Jose ay nagulat kung ano ang nakita niya.

tumayo ang ang aking bigkis at tumuwid...pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis

Ang bigkis ng butil dito ay tumayo at lumuhod na parang mga tao. Itong mga bigkis ay kumakatawan kay Jose at sa kanyang mga kapatid.

Genesis 37:9

Nanaginip siya ulit ng panaginip

"Si Jose ay nanaginip ng iba pang panaginip"

labing-isang bituin

"11 na bituin"

pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya

"Pinagalitan siya ni Israel, sinabing"

Ano itong panaginip na napaginipan mo? talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?

Gumamit si Israel ng mga tanong upang ituwid si Jose. Maaaring isalin na: "Itong panaginip mo ay hindi totoo. Ang iyong ina, mga kapatid, at ako ay hindi yuyuko sa harap mo."

nagselos

Ang ibig sabihin nito ay pagiging galit dahil may isang taong nagtagumpay o nakilala.

Ano itong panaginip na napaginipan mo? Na ang iyong ina...sa lupa sa iyong harapan?

Ginamit ni Israel ang mga tanong para ituwid si Jose. Ito ay maaaring maisulat bilang pahayag. Maaaring isalin na: "Ang panaginip na iyong napanaginipan ay hindi totoo. Ang inyong ina, mga kapatid, at ako ay hindi yuyuko sa harapan mo."

itinago ang mga bagay sa kanyang isip

Ang ibig sabihin nito ay patuloy niyang iniisip ang tungkol sa kahulugan ng panaginip ni Jose. Maaaring isalin na: "patuloy niyang inisip ang tungkol sa posibleng kahulugan ng panaginip"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:12

Hindi ba nagpapastol ng kawan ang iyong mga kapatid sa Sechem?

Gumamit si Israel ng isang tanong upang simulan ang pag-uusap. Maaari itong maisulat bilang isang pahayag. Maaaring isalin na: "Ang iyong mga kapatid ay nagpapastol ng kawan sa Sechem."

Ako ay handa na

Handa na siyang umalis. "Handa na akong umalis"

balitaan mo ako

Gusto ni Israel na bumalik si Jose at sabihin sa kanya kung ano ang ginagawa ng kanyang mga kapatid at mga kawan. Maaaring isalin na: "halika at sabihin mo kung ano ang iyong natuklasan" o "balitaan mo ako"

Halika

Ito ay nagpapahiwatig dito na si Israel ay humuhiling kay Jose na ihanda ang kanyang sarili para lumisan at pagkatapos ay babalik para makita siya. Maaaring isalin na: "Maghanda ka at puntahan mo ako"

Sinabi niya sa kanya

"Sinabi ni Israel kay Jose"

sa lambak

"galing sa lambak"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:15

May isang taong nakakita kay Jose. Masdan, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid

"may isang taong nakakita kay Jose na pagala-gala sa bukid"

Masdan

Minamarkahan nito ang simula ng isa pang pangyayari sa mas malaking kuwento. Maaaring kasali ang ibat-ibang tao kaysa sa naunang mga pangyayari. Maaaring may paraan ang iyong wika sa paggawa nito.

Ano ang hinahanap mo?

"Ano ang hinahanap mo?"

Pakiusap sabihin mo sa akin kung saan

"Pakiusap sabihin mo sa akin kung saan"

ipinapastol ang kawan

"nagbabantay ng kanilang kawan"

Dotan

Ito ay pangalan ng isang lugar na mayroong 22 kilometro ang layo mula sa Sechem.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:18

Nakita nila si Jose mula sa dikalayuan

"Nakita si Jose ng kanyang mga kapatid na lalaki habang siya ay nasa malayo"

nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya

"gumawa sila ng plano upang patayin siya"

papalapit na ang taong mapanaginipin

"narito na ang taong may mga panaginip"

Halikayo, kung ganon

"Halikayo." Dito sinabi nila ang salitang "halikayo" sa bawat isa upang imungkahi na ituloy nila ang kanilang mga plano." Maaaring isalin na: "Kaya ngayon"

mabangis na hayop

"mapanganib na hayop" o mabangis na hayop"

sinakmal siya

"kinain siya"

Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip

Binalak ng kanyang mga kapatid na patayin siya, kaya mapanuya na sasabihin nilang ang kanyang mga panaginip ay magkakatotoo, dahil mamamatay na siya. Maaaring isalin na: "Sa ganyang paraan makakasiguro tayo na ang kanyang mga panaginip ay hindi magkatotoo."

sinakmal

sabik na kakainin

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:21

narinig ito

"narinig kung ano ang kanilang sinasabi"

at iniligtas siya mula sa kanilang mga kamay

"at sinubukang iligtas si Jose mula sa kanilang mga kamay " o "sinubukang iligtas si Jose sa mula kanila"

Huwag nating kunin ang kanyang buhay

Ang salitang "natin" ay tumutukoy sa lahat ng mga kapatid na lalaki. Gayundin, ang pariralang "kunin ang kanyang buhay" ay isang hindi tuwirang pagsasabi para sa pagpatay ng isang tao. Maaaring isalin na: "Huwag nating patayin si Jose"

Huwag magpadanak ng dugo

Ang pagkakaila ay maaaring ilagay sa pandiwa. Gayundin, ang "magpadanak ng dugo" ay isang hindi tuwirang pagsasabi sa pagpatay ng isang tao. Maaaring isalin na: "Walang dugong kakalat" o "Huwag siyang patayin"

ngunit huwag siyang hawakan

"ngunit huwag natin siyang saktan"

upang mailigtas niya siya

Ito ay maaaring isalin bilang isang bagong pangungusap: "Sinabi ito ni Rueben upang mailigtas niya si Jose"

mula sa kanilang kamay

Ang pariralang "kanilang kamay" ay tumutukoy sa plano ng mga kapatid na patayin siya. Maaaring isalin na: "mula sa kanila" o "mula sa kanilang mga plano"

para maibalik siya

"at ibalik siya"

mula sa kanilang mga kamay

Ang pariralang "sa kanilang kamay" ay tumutukoy sa pagplano ng kanyang mga kapatid na patayin siya. Maaaring isalin na: "mula sa kanila" o "mula sa kanilang mga plano"

huwag natin siyang hawakan

Ito ay nangangahulugang huwag siyang pahirapan o saktan. Maaaring isalin na: "huwag siyang saktan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:23

Dumating ang panahon nang

Ang pariralang ito ay ginamit dito upang tandaan ang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan sa paggawa nito, maaari mo itong gagamitin dito. Maaaring isalin na: "kailan"

hinubaran sa kanyang magandang damit

"pinunit nila ang kanyang magandang damit"

magandang damit

Tingnan sa kung papaano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/37/03]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:25

Umupo sila para kumain ng tinapay

Ang "Tinapay" ay ang pagpapalit-tawag

Itinaas nila ang kanilang mga mata at nakita, at masdan, isang pangkat ng manlalakbay

Dito ang tumingin sa itaas ay inihahayag na literal na itinaas ang kanyang mga mata. Gayundin, ang salitang "masdan" ay ginamit dito para kunin ang pansin ng bumabasa kung ano ang nakita ng mga kalalakihan. Maaaring isalin na: "Tumingin sila sa itaas at bigla nilang nakita ang isang pangkat ng mga manlalakbay"

mga kamelyo na may dala-dala

"kanilang mga kamelyo na may dinadala"

mga sahog

"mga rekado"

balsamo

Isang malangis na sangkap na may mabangong amoy na ginagamit sa pagpapagaling at para sa pangangalaga ng balat. Maaaring isalin na: "gamot"

naglalakbay para dalhin ang mga iyon pababa ng Ehipto

"Dadalhin ang mga iyon pababa ng Ehipto. " Ito ay maaaring maging malinaw. Maaaring isalin na: "dadalhin ang mga ito pababa ng Ehipto upang ibenta."

Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo?

Maaari itong maisulat bilang isang pahayag. Maaaring isalin na: "Wala tayong makukuhang pakinabang sa pagpatay sa ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo."

dala-dala

"Dinadala"

pagtakpan ang kanyang dugo

Sa pag-uusap ng mga magkakapatid tungkol sa pagpatay kay Jose, ginamit nila ang pariralang "kanyang dugo" sa pagtukoy sa "kanyang pagkamatay." Gayundin, "pagtakpan" ay nangangahulugang "itago." Maaaring isalin na: "itago ang kanyang pagkamatay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:27

Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay.

Ang ibig sabihin nito ay huwag siyang pagbuhatan ng kamay o saktan. Maaaring isalin na: "huwag siyang saktan"

dahil siya ay ating kapatid, ating laman

Ang "laman" dito ay ang pagpapalit-tawag .

Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid

Pinakinggan si Juda ng kanyang mga kapatid" o "Sinang-ayunan si Juda ng kanyang mga kapatid"

Midianita...mga Ismaelita

Ang parehong pangalan ay tumutukoy sa parehong grupo ng mga mangangalakal na nakilala ng mga kapatid ni Jose."

para sa dalawampung piraso na pilak

"para sa presyo ng 20 piraso ng pilak"

dinala si Jose sa

"dinala si Jose sa"

sa mga Ismaelita

"sa mga lalaking ito na kaapu-apuhan ni Ismael" (UDB)

Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.

"Dinala si Jose sa Ehipto" (UDB)

Midianita...mga Ismaelita

Ang parehong pangalan ay tumutukoy sa parehong grupo ng mga mangangalakal na nakilala ng mga kapatid ni Jose."

Dinala si Jose sa Ehipto

"dinala si Jose sa Ehipto"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:29

Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon

"Bumalik si Reuben sa balon, at nabigla siya ng makitang wala na doon si Jose." Ang salitang "masdan" dito ay nagpapakita na si Reuben ay nabigla ng malaman niya na si Jose ay wala na.

Pinunit niya ang kanyang mga damit

Ito ay pagpapakita ng matinding pagdadalamhati at kalungkutan. Maaari itong maisulat na mas maliwanag. Maaaring isalin na: "Siya ay lubhang nagdalamhati kaya pinunit niya ang kanyang damit"

Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?

Gumamit si Reuben ng mga tanong para bigyang-diin ang problema na si Jose ay nawawala. Maaari itong maisulat bilang pahayag. Maaaring isalin na: "Ang bata ay wala na! Hindi na ako ngayon makakabalik ng bahay!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:31

ang damit ni Jose

Ito ay tumutukoy sa magandang damit na ginawa ng kanyang ama para sa kanya.

sinakmal siya

"kinain siya"

Tiyak na nagkawasak-wasak ang katawan ni Jose

Ang naisip ni Jacob na sinakmal ng isang mabangis na hayop at niluray-luray ang katawan ni Jose. Maaaring isalin na: "Siguradong niluray-luray si Jose."

ang dugo

"dugo ng kambing"

dinala nila ito

"dinala nila ang damit"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

Genesis 37:34

Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit

Ito ay pagpapakita ng matinding pagkabalisa at kalungkutan. Maaari itong maisulat ng mas maliwanag. Maaaring isalin na: "Matindi ang pagdadalamhati ni Jacob kaya pinunit niya ang kanyang mga damit"

naglagay siya ng magaspang na damit sa kanyang balakang

Ang "balakang" dito ay tumutukoy sa gitnang bahagi ng katawan o ang baywang. Maaaring isalin na: "inilagay ang magaspang na damit."

ngunit tumanggi siyang maaliw

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "ngunit hindi niya sila pinayagang umaliw sa kanya."

sheol

"ang libingan"

Ipinagbili siya ng mga Midianita

"Ipinagbili si Jose ng mga Midianita"

ang kapitan ng bantay

"ang pinuno ng mga sundalo na nagbabantay sa hari"

pumunta

"pumunta sa kanya"

Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa

Ang ibig sabihin nito ay magluluksa siya mula ngayon hanggang siya'y mamatay. Maaaring isalin na: "Talagang kung ako'y mamamatay at bababa ako sa sheol patuloy akong magluluksa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/37]]


Chapter 38

1 Dumating ang panahon na iniwan ni Juda ang kanyang mga kapatid na lalaki at tumira sa isang Adullamita, na ang pangalan ay Hira. 2 Nakilala niya si Sua na anak ng Cananeo na lalaki na ang pangalan ay Sua. Pinakasalan niya at sinipingan niya. 3 Siya ay nabuntis at nagkaroon ng anak na lalaki. Siya ay pinangalanan Er. 4 Nabuntis ulit siya at nagkaroon ng isang anak na lalaki. Tinawag niya siyang Onan. 5 Nagkaroon ulit siya ng isang anak at tinawag siya sa pangalang Selah. Ito ay sa Kizib kung saan siya ipinanganak. 6 Nakahanap si Juda ng isang asawa para kay Er, panganay niya. Ang pangalan niya ay Tamar. 7 Ang panganay niyang anak na si Er ay napakasama sa paningin ni Yahweh. Pinatay siya ni Yahweh. 8 Sinabi ni Juda kay Onan, "Sumiping ka kasama ng asawa ng iyong kapatid na lalaki. Gawin mo ang tungkulin bilang isang kapatid na lalaki, at palakihin mo ang isang bata para sa iyong kapatid. 9 Alam na ni Onan na ang bata ay hindi kanya. Kapag sumisiping siya kasama ng asawa ng kanyang kapatid na lalaki, tinatapon niya sa lupa ang kanyang semilya upang hindi siya magkaroon ng anak para sa kanyang kapatid na lalaki. 10 Ang ginawa niya ay naging masama sa paningin ni Yahweh. Pinatay din siya ni Yahweh. 11 Pagkatapos sinabi ni Juda kay Tamar, na kanyang manugang, "Manatili kang biyuda sa bahay ng iyong ama hanggang sa lumaki si Selah na aking anak." Dahil sa isip niya, "Baka mamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid." Umalis si Tamar at nanirahan sa bahay ng kanyang ama. 12 Pagkatapos ng mahabang panahon, ang anak na babae ni Sua na asawa ni Juda ay namatay. Si Juda ay naaliw at pumunta pataas sa kanyang mga manggugupit ng balahibo ng tupa sa Timnat, siya at ang kanyang kaibigan na si Hira na isang Adullamita. 13 Nasabihan si Tamar, "Tingnan mo, ang iyong biyenan na lalaki ay pupunta pataas sa Timnat upang gupitan ang balahibo ng kanyang mga tupa." 14 Hinubad niya ang damit sa pagkabalo at tinakpan ang kanyang sarili ng isang belo at ibinalot ang sarili. Umupo siya sa tarangkahan ng Enaim, sa tabi ng daan patungong Timnat. Dahil nakita niyang si Selah ay lumaki na ngunit hindi siya binigay bilang asawa niya. 15 Nang makita siya ni Juda naisip niya na siya ay isang babaeng bayaran dahil tinakpan niya ang kanyang mukha. 16 Pumunta siya sa kanya sa tabing daan at sinabi, "Halika, pakiusap hayaan mo akong sumiping sa iyo."- Dahil di niya alam na siya ang manugang niya- at sinabi niya, "Anong ibibigay mo sa akin para sipingan kita?" 17 Sinabi niya, "Papadalhan kita ng isang batang kambing na mula sa kawan." Sinabi niya, "Maaari mo ba akong bigyan ng isang sangla hanggang maipadala mo ito?" 18 Sinabi niya, "Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?" At sinabi niya, "Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay." Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya. 19 Tumindig si Tamar at umalis palayo. Inalis niya ang kanyang belo at isinuot ang damit sa kanyang pagkabalo. 20 Ipinadala ni Juda ang batang kambing mula sa kawan kasama ang kanyang kaibigan na Adullamita para tanggapin ang sangla na mula sa kamay ng babae, ngunit hindi na niya siya nakita. 21 Pagkatapos nito ay tinanong ng Adullamita ang mga lalaki sa lugar, "Nasaan na ang kultong babaeng bayaran na nasa Enaim sa tabing daan? "Sinabi nila, wala namang kultong babaeng bayaran dito." 22 Bumalik siya kay Juda at sinabi, "Hindi ko siya nakita. Maging ang mga lalaki sa lugar ay nagsabi, 'Walang naging kultong babaeng bayaran dito. 23 Sinabi ni Juda, "Hayaan mong itago niya ang mga bagay, baka malagay tayo sa kahihiyan. Totoo nga, ipinadala ko ang batang kambing, ngunit hindi mo siya natagpuan." 24 Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, "Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon." Sinabi ni Juda, "Siya'y ilabas upang sunugin." 25 Nang siya ay dinala palabas, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang biyenan na lalaki, "Dahil sa lalaking nagmamay-ari nito nabuntis ako." Sabi niya, "Pakiusap alamin ninyo kung kaninong selyo, mga kordon at tungkod ito." 26 Nakilala ni Juda ang mga ito at sinabi, "Siya ay mas matuwid kaysa sa akin, dahil hindi ko siya ibinigay bilang isang asawa kay Selah, na aking anak na lalaki." Siya ay hindi na muling sumiping sa kanya. 27 Nang siya ay manganganak na, masdan, kambal ang nasa kanyang sinapupunan. 28 Nang nanganganak na siya, may isang naglabas ng kamay, at kinuha ng komadrona ang isang pulang sinulid at itinali ito sa kanyang kamay at sinabi, "Ito ang unang lumabas." 29 nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, "Paano ka nakalabas!" At pinangalanan siyang Perez. 30 Pagkatapos ang kapatid niya ay lumabas, na mayroong pulang sinulid sa kanyang kamay, at Zera ang ipinangalan sa kanya.



Genesis 38:1

dumating ang panahon na si Juda

Ito ay nagpapakilala sa isang bagong bahagi ng kuwento na sumesentro kay Juda.

sa isang Adullamita, na ang pangalan ay Hira

Ang pangalang Hira ay isang tao na nakatira sa Adullam. Adullamita ang kanyang pagiging mamamayan.

na ang pangalan ay Sua

Si Sua ay isang babaeng Cananeo na naging asawa ni Juda.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

Genesis 38:3

Siya ay nabuntis

"Ang asawa ni Juda ay nabuntis"

Er...Onan...Selah

Ang mga pangalan na ito ay mga anak na lalaki ni Juda.

Kizib

Ito ay pangalan ng isang lugar.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

Siya ay pinangalanan niyang Er

Maaari itong maisulat sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Ang ipinangalan ng kanyang ama ay Er"

Er...Onan...Selah

Ito ang pangalan ng mga anak na lalaki ni Juda.

tinawag siya sa pangalang

"Pinangalanan siya"

Genesis 38:6

Er

Tingnan kung papaano mo isinalin itong pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/03]].

napakasama

"ay napakasama"

Pinatay siya ni Yahweh

Pinatay siya ni Yahweh dahil siya ay napakasamang tao. Ito ay maaaring liwanagin. Maaring isalin na: "Kaya pinatay siya ni Yahweh"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

ay napakasama sa paningin ni Yahweh

Ang pariralang "sa paningin" ay tumutukoy sa nakikita ni Yahweh sa kasamaan ni Er. Maaring isalin na: "siya ay napakasama at nakita ito ni Yahweh"

Genesis 38:8

Onan

Tingnan kung papaano mo isinalin itong pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/03]].

Gawin mo ang tungkulin bilang isang kapatid na lalaki

Maging bayaw niya** - Tumutukoy ito ng isang kaugalian na kapag namatay ang nakatatandang kapatid bago siya at kanyang asawa ay magkaroon ng isang anak, ang susunod na nakatatandang kapatid ay siyang magiging asawa at sisiping sa kanyang biyuda. Pagkatapos manganak ng biyuda ng unang anak na lalaki, ang anak ay maituturing anak ng kanyang nakatatandang kapatid at siya ay makatanggap sa mana na galing sa nakatatandang kapatid.

Pinatay din siya ni Yahweh

Pinatay siya ni Yahweh dahil masama ang kanyang nagawa. Ito ay maaari pang liwanagin. Maaring isalin na: "Pinatay din siya ni Yahweh"

Ang pariralang "sa paningin" tumutukoy sa kasamaan ni Onan na nakikita ni Yahweh. AT: "ay masama at nakita ito ni Yahweh"

Ang pariralang "sa paningin" tumutukoy sa kasamaan ni Onan na nakikita ni Yahweh. Maaring isalin na: "ay masama at nakita ito ni Yahweh"

Genesis 38:11

kanyang manugang na babae

Manugang** - "ang asawa sa ng kanyang nakatatandang anak na lalaki"

Selah

Tingnan kung papaano mo isinalin itong pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/03]].

Baka mamamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid na lalaki

"O mamamatay din siya katulad ng kanyang kapatid"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

sa bahay ng iyong ama

Ang ibig sabihin nito ay tumira siya sa bahay ng kanyang ama. Maaring isalin na: "at tumira ka sa bahay ng iyong ama"

hanggang sa lumaki si Selah na aking anak

Ang balak ni Juda kay Tamar ay pakasalan si Selah kapag siya ay lumaki. Maaring isalin na: Kung si Selah, ang aking anak, ay lumaki, pakakasalan ka niya."

Dahil sa isip niya, "Baka mamamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid.

"Dahil sa isip niya, "Mamamatay din siyang katulad sa kanyang mga kapatid." Si Juda ay natakot na kung mapangasawa ni Selah si Tamar ay mamamatay din siyang katulad ng nangyari sa kanyang mga kapatid"

Genesis 38:12

Sua

Tingnan kung papaano mo isinalin itong pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/01]].

Si Juda ay naaliw at

"Kung kailan si Juda ay hindi na nagdadalamhati, siya"

mga manggugupit ng balahibo ng tupa

"Sa tao na manggugupit ng balahibo mula sa kanyang tupa"

Timnat...Enaim

Ito ang mga pangalan sa isang lugar.

Hira ang Adullamita

Tingnan kung papaano mo isinalin itong pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/01]].

Nasabihan si Tamar

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "May taong nagsabi kay Tamar"

ang iyong biyenan na lalaki

Biyenan** - "Ang ama ng inyong asawang lalaki"

sa pagkabalo

"Ang isinuot ng biyuda"

belo

Isang napakanipis na bagay na ginagamit pangtakip ng ulo at mukha ng babae

ngunit hindi binigay sa kanya bilang asawa

Ito ay maaaring ihayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Hindi siya binigay ni Juda kay Sela bilang isang asawa."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

kanyang mga manggugupit ng balahibo ng tupa sa Timnat

"Timnat, kung saan ang kanyang mga tao ay naggugupit ang tupa"

Timnat...Enaim

Ito ang mga pangalan ng isang mga lugar. (Tingnan sa:

siya at ang kanyang kaibigan na si Hira ang Adullamita

"Ang kanyang kaibigan na si Hiram, mula sa Adullam, umalis kasama siya" (UDB)

Tingnan, ang iyong biyenan na lalaki

Biyenan** - "Makinig." Ang salitang "tingnan" dito ay ginamit para makuha ang pansin ni Tamar.

at ibinalot ang sarili

Ang ibig sabihin ay itinago niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang pananamit para hindi siya makilala ng tao. Sa kaugalian, bahagi ng damit ng babae ay malaking piraso ng damit na pambalot sa kanilang sarili. Maaring isalin na: "at ibinalot ang sarili sa kanyang pananamit para siya ay hindi makilala ng mga tao"

mga daan

"Sa tabing daan" o "sa daan"

Genesis 38:15

Nang makita siya ni Juda

"Nang makita ni Juda si Tamar"

kanyang manugang na babae

manugang** - "ang asawa sa kanyang anak na lalaki"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

dahil tinakpan niya ang kanyang mukha

Hindi naisip ni Juda na siya ay isang patutot dahil sa pagtakip niya sa kanyang mukha ngunit siya din ay nakaupo sa tarangkahan. Maaring isalin na: "dahil tinakpan niya ang kanyang ulo at umupo kung saan ang patutot ay palaging nakaupo"

Pumunta siya sa kanya sa tabing daan

Si Tamar ay nakaupo sa tabi ng daan. Maaring isalin na: "Pumunta siya kung saan siya nakaupo sa tabi ng daan"

Halika

"Sumama ka sa akin" o "Halika ngayon"

Genesis 38:17

bigyan mo ako ng isang sangla

Ang "sangla" ay bagay na inyong iniwan sa ibang tao bilang pagpapakita na tutuparin mo ang iyong pinangako.

selyo at kordon

Ang selyo ay isang kagamitan na may desinyo na may nakaukit dito. Ang "kordon" ay inilalagay sa pamamagitan ng selyo para masuot ito sa may-ari palibot sa kanyang leeg.

Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya

Maaari itong maging pahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Siya ang naging dahilan ng kanyang pagkabuntis."

mula sa kawan

"Mula sa kawan ng aking mga kambing"

Genesis 38:19

belo...at isinuot ang damit sa kanyang pagkabalo

Tingnan kung papaano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/12]].

Adullamita

Tingnan kung papaano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/01]].

tanggapin ang sangla na mula sa kamay ng babae

"kinuha ulit ang sangla mula sa babae." Tingnan kung papaano mo isinalin "sangla" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/17]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

belo...isinuot ang damit sa kanyang pagkabalo

Tingnan kung papaano mo isinalin ang mga ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/12]].

mula sa kawan

"Mula sa kanyang kawan"

tanggapin ang sangla

Maaari itong ihayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "kunin ulit ang sangla"

mula sa kamay ng babae

Ang "kamay" dito ay binigyang diin na kanilang pagmamay-ari. Ang kamay ng babae ay tumutukoy sa babae"

Genesis 38:21

Adullamita

Tingnan kung papaano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/01]].

ang mga lalaki sa lugar

"Ang ibang mga lalaki na nakatira doon"

kultong babaeng bayaran na nasa Enaim sa tabing daan?

"Ang babaeng bayaran na nagsisilbi sa templo? Nakilala ko siya dito sa Enaim sa tabing daan." Tingnan kung papaano mo isinalin "Enaim" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/12]].

baka malagay tayo sa kahihiyan

Kung malalaman ng tao kung ano ang nangyayari kukutyain nila si Juda at pagtawanan siya. Maaari itong liwanagin at ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "o kung hindi ay pagtatawanan tayo ng mga tao kung malalaman nila kung ano ang nangyari"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

kultong babaeng bayaran

"babaeng bayaran na nanilbihan sa templo"

Enaim

Tingnan kung papaano mo isinalin ito [[rc://tl/bible/notes/gen/38/12]].

Genesis 38:24

Dumating ang panahon

Ang pariralang ito ay ginamit dito ng pagtanda ng simulan ang bagong bahagi ng kuwento.

Ang iyong manugang na si Tamar

Manugang** - "Si Tamar, ang asawa ng inyong nakatatandang anak na lalaki"

siya ay nabuntis sa pakikiapid

Ang sa salitang "iyon" dito ay tumutukoy sa "patutot" na kanyang nagawa. Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "ang dahilan sa kanyang pagkabuntis" o "buntis siya"

Dalhin ninyo siya dito

"Dalhin sa labas"

hayaan ninyo siyang masunog

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "susunugin natin siya hanggang mamatay"

Nang si Tamar ay dinala palabas

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Nang dalhin siya sa labas."

kanyang biyenan na lalaki

biyenan** - "ang ama ng kanyang asawa na lalaki"

kordon at tungkod

Tingnan kung papaano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/17]].

Sela

Tingnan mo kung papaano isinalin itong pangalan sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/03]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

nang ito'y nasabi kay Juda

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "may isang taong nagsabi kay Juda"

Genesis 38:27

Dumating ang panahon

Ang pariralang ito ay ginamit dito para sa pagtanda ng simula ng bagong bahagi sa kuwento.

masdan

Ang salitang "masdan" ay maghahanda sa ating pagkabigla na si Tamar ay nagbubuntis ng kambal, na hindi nalalaman noon.

Dumating ang panahon na siya ay manganak

Ang pariralang "Dumating ang panahon" ay nag tanda sa importanteng pangyayari sa kuwento. Kung ang inyong wika ay may pamamaraan sa paggawa nito, maaari mong pag-aralan na gamitin dito.

hilot

Tingnan kung papaano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/35/16]].

pulang sinulid

"pulang sinulid"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

ang isa ay naglabas ng isang kamay

"ang isa sa mga sanggol ay nilabas ang kamay"

sa kanyang kamay

"sa palibot ng kanyang pupulsohan"

Genesis 38:29

masdan

Ang salitang "masdan" dito ay maghahanda sa atin na bigyang pansin ang mga biglang impormasyon na sumusunod.

Perez

Ito ang pangalan ng isang bata. Ang mga taga-salin ay maaaring dagdagan ng talababa na nagsasabi: "Ang pangalang Perez ay ibig sabihin ''nakalabas.'"

Zera

Ito ang pangalan ng isang bata. Ang mga taga-salin ay maaaring dagdagan ng talababa na nagsasabi: "Ang pangalang Zera ay ibig sabihin 'ang pulang eskarlata.'"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/38]]

Dumating ang panahon

Ang pariralang ito ay markahan sa importanteng pangyayari sa kuwento. Kung ang inyong wika ay may pamamaraan sa paggawa nito, maaari mong pag-aralan na gamitin dito.

Paano ka nakalabas!

Ito ay nagpapakita na ang hilot ay nabigla ng makita niya na ang unang lumabas ay ang pangalawang bata. Maaring isalin na: "Kaya ito ang paraan na una kang lumabas "o ikaw ang unang lumabas!"

pinangalanan siyang

Ito ay maaring ihahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "siya ay pinangalanan"


Chapter 39

1 Dinala si Jose pababa sa Ehipto. Binili siya ni Potipar, na isang opisyal at kapitan ng mga bantay ni Paraon at isang taga-Ehipto, mula sa mga Ismaelita, na nagdala sa kanya doon. 2 Si Yahweh ay kasama ni Jose at siya'y naging mayamang tao. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo na taga-Ehipto. 3 Nakita ng kanyang amo na kasama niya si Yahweh at lahat ng ginawa niya ay pinasagana ni Yahweh. 4 Nakitaan si Jose ng pabor sa kanyang paningin. Pinaglingkuran niya si Potipar. Ginawa ni Potipar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang bahay, at lahat ng nasa kanya, nilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga. 5 Dumating ang panahon na ginawa siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari, kaya pinagpala ni Yahweh ang buong bahay ng taga-Ehipto dahil kay Jose. Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potipar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid. 6 Inilagay ni Potipar ang lahat ng nasa kanya sa ilalim ng pangangalaga ni Jose. Hindi na niya kailangan mag-isip tungkol sa anumang bagay maliban sa pagkain na kinakain niya. Ngayon si Jose ay matipuno at kaakit-akit. 7 Dumating ang panahon na pinagnanasaan si Jose ng asawa ng kanyang amo. Sinabi niya, "Sumiping ka sa akin". 8 Ngunit tinanggihan niya ito at sabay sabi sa asawa ng kanyang amo, "Tingnan mo, ang amo ko ay di-nagbigay pansin sa kung ano ang pinaggagawa ko dito sa bahay, at nilagay niya lahat ng kanyang pag-aari sa ilalim ng aking pangangalaga. 9 Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin. Wala siyang anumang pinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil ikaw ang asawa niya. Paano ko kaya magagawa itong malaking kasamaan at magkakasala laban sa Diyos?" 10 Kinausap niya si Jose sa bawat araw, ngunit tumanggi pa rin siya na sipingan siya o para makasama siya. 11 Dumating ang isang araw na pumunta siya sa bahay para gawin ang kanyang gawain. Walang sinuman sa mga lalaki sa bahay ang naroon sa bahay. 12 Siya ay hinablot niya sa pamamagitan ng kanyang damit at sinabi, "Sipingan mo ako." Naiwanan niya ang kanyang damit sa kanyang kamay, lumayo, at nagpunta sa labas. 13 Dumating ang panahon, nang makita niya na naiwanan ni Jose ang kanyang damit sa kanyang kamay at lumayo palabas, 14 tinawag niya ang mga lalaki sa kanyang bahay at sinabi sa kanila, "Tingnan ninyo, nagdala si Potipar ng isang Hebreo para hamakin tayo. Pinuntahan niya ako para sipingan ako, at ako ay sumigaw. 15 Dumating ang panahon nang marinig niya akong sumigaw, naiwan niya ang kanyang damit sa akin, lumayo, at pumunta sa labas." 16 Tinabi niya ang damit hanggang sa makauwi ang kanyang amo sa bahay. 17 Sinabi niya sa kanya ang paliwanag na ito, "Ang lingkod na Hebreo na dinala mo sa amin ay nagpunta sa akin para hamakin ako. 18 Nang sumigaw ako, iniwan niya ang kanyang damit sa akin at lumayo palabas." 19 Dumating ang panahon, nang marinig ng kanyang amo ang pagpapaliwanag ng kanyang asawa sa kanya, "Ito ang ginawa ng iyong lingkod sa akin," siya ay naging labis na galit. 20 Kinuha si Jose ng kanyang amo at siya ay nilagay sa bilangguan, ang lugar na kung saan nakakulong ang mga bilanggo ng hari. Siya ay naroon sa bilangguan. 21 Ngunit si Yahweh ay kasama ni Jose at siya ay nagpakita katapatan sa tipan sa kanya. Siya ay binigyan niya ng kagandahang-loob sa paningin ng bantay ng kulungan. 22 Binigay ng bantay ng kulangan sa kamay ni Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo sa kulungan. Kahit anong gawin nila roon, si Jose ang namamahala. 23 Wala ng inaalalang anuman ang bantay ng kulungan na nasa kamay ni Jose, dahil si Yahweh ay kasama niya. Kahit anong gawin niya, pinasagana siya ni Yahweh.



Genesis 39:1

Dinala si Jose pababa sa Ehipto

Ang paglalakbay sa Ehipto ay palaging isaalang-alang na patungong "baba" at kabaliktaran ay patungong "taas" sa lupang pangako. Ito ay maaaring ilahad sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Dinala si Jose ng mga Ismaelita papuntang Ehipto"

Siya'y naging mayamang tao

"siya ay naging mayamang tao"

Siya'y nasa sa bahay

"siya ay naninirahan sa bahay" o "siya ay nagtrabaho sa bahay" (UDB)"

kanyang among taga-Ehipto

Si Jose ngayon ay alipin ni Potipar

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Si Yahweh ay kasama ni Jose

Nangangahulugan ito na tinulungan ni Yahweh si Jose at parating kasama niya. Maaring isalin na: "Ginabayan ni Yahweh si Jose at siya ay tinulungan"

Naninirahan siya sa bahay

Dito ang may akda ay nagsasalita ng trabaho sa bahay ng amo na para bang ito ay namumuhay sa bahay ng amo. Bukod-tanging ang mga pinaka pinagkakatiwalaang lingkod ang pinapayagang magtrabaho sa bahay ng kanilang amo. Maaring isalin na: "siya ay nagtatrabaho sa bahay"

Genesis 39:3

Nakita ng kanyang amo na si Yahweh ay kasama niya at lahat ng ginawa niya ay pinasagana ni Yahweh.

"Napagtanto ng kanyang amo na ang Diyos ay kasama ni Jose dahil pinasagana ni Yahweh lahat ng bagay na ginawa ni Jose."

Nakitaan ng pabor

Ang sawikaing "nakahanap ng pabor" ay nangahulugan na ang isang tao ay pinagtibay ng ibang tao.

sa kanyang mga paningin

Mga maaring kahulugan ay 1) "Nakahanap ng pabor si Jose sa paningin ni Potipar" o 2) "Nakahanap ng pabor si Jose sa paningin ni Yahweh."

Ginawa ni Potiphar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang sambahayan, at lahat ng nasa kanya, nilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga.

"Nilagay ni Potipar sa pamamahala ni Jose ang kanyang sambahayan at lahat ng bagay na nabibilang kay Potipar."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Nakita ng kanyang amo na si Yahweh ay kasama niya

Ito ay nangangahulugan na nakita ng amo kung paano tinulungan ni Yahweh si Jose. Maaring isalin na: "Nakita ng kanyang amo na tinutulungan siya ni Yahweh"

lahat ng ginagawa niya ay pinagpala ni Yahweh

"Dnulot ni Yahweh na ang lahat ng bagay na ginagawa ni Jose na sumagana"

Nakitaan si Jose ng pabor sa kanyang mga paningin

"Para makahanap ng pabor" nangangahulugang maging pinagtitibay ng isang tao. Ang sawikain "sa kanyang paningin" tumutukoy sa palagay ng isang tao. Mga maaaring kahulugan ay 1) Maaring isalin na: "Nasiyahan si Potipar kay Jose" o 2) Maaring isalin na: "Nasiyahan si Yahweh kay Jose"

Pinaglingkuran niya si Potipar

Ito ay nangangahulugan na siya ay sariling lingkod ni Potipar.

Ginawa ni Potipar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang bahay at lahat ng kanyang pagmamay-ari

"Nilagay ni Potipar si Jose na tagapamahala sa kanyang sambahayan at lahat ng bagay na nabibilang kay Potipar"

inilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga

Kapag ang isang bagay ay "nilagay sa ilalim sa pangangalaga ng isang tao," ito ay nangangahulugan na ang tao ay ang may pananagutan sa pagpapahalaga nito at pananatiling ligtas. Maaring isalin na: "pinangalaga niya si Jose"

Genesis 39:5

Dumating ang panahon na...kaya pinagpala ni Yahweh

"At nang...pinagpala ni Yahweh"

pinagpala

Dito ang "pinagpala" ay nangangahulugan naidulot ang maganda at kapaki-pakinabang na mga bagay na mangyari sa tao o bagay na pinagpapala.

ginawa niya siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari

"Nilagay na tagapamahala ni Potipar si Jose sa kanyang sambahayan at lahat ng bagay na nabibilang sa kanya"

Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potiphar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid

"Pinagpala ni Yahweh ang sambahayan ni Potipar at kanyang mga pananim at paghahayupan"

Inilagay ni Potiphar ang lahat ng nasa kanya sa ilalim ng pangangalaga ni Jose

Kapag ang isang bagay ay "nilagay sa ilalaim ng pangangalaga ng isang tao," ito ay nangangahulugan na ang tao ay ang may pananagutan sa pagpapahalaga nito at pananatiling ligtas. Maaring isalin na: "Kaya nilagay ni Potipar si Jose na tagapamahala sa lahat ng bagay na meron siya"

Hindi na niya kailangan mag-isip tungkol sa anumang bagay maliban sa pagkain na kinakain niya

Hindi na siya nag-aalala sa anumang bagay sa kanyang sambahayan; kailangan niya lang gumawa ng pasya tungkol sa ano ang gusto niyang kainin. Ito ay ihayag sa positibong anyo. Maaring isalin na: "Kailangan lang isipin ni Potipar tungkol sa ano ang gusto niyang kainin. Hindi na siya nag-aalala sa ano pamang bagay sa bahay"

Ngayon si Jose ay matipuno at kaakit-akit

Minamarkahan ang salitang "ngayon" ang bagong bahagi ng kwento at nagbibigay ng nakaraang impormasyon tungkol kay Jose. Maaring isalin na: "Si Jose ay matipuno at malakas."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Dumating ang panahon na

Itong pariralang ito ay ginagamit dito upang markahan ang simula ng kasunod na bahagi ng kuwento.

na ginawa niya siyang tagapangasiwa

"na ginawang tagapangasiwa ni Potipar si Jose"

Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa

Ang may akda dito ay nagsasalita ng biyaya na binigay ni Yahweh na waring ito ay pantakip na pisikal na nilalagay sa ibabaw ng isang bagay. Maaring isalin na: "pinagpala ni Yahweh"

lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potiphar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid

Ito ay tumutukoy sa kanyang sambahayan at kanyang mga pananim at paghahayupan. Maaring isalin na: "Sambahayan ni Potipar at lahat ng kanyang mga pananim at paghahayupan"

Ngayon

Minamarkahan ng salitang "ngayon" ang pagpapahinga sa daloy ng kuwento habang ang may akda ay nagbigay ng nakaraang impormasyon tungkol kay Jose.

matipuno at kaakit-akit

Ang dalawang salita ay magkapareho ang kahulugan. Ito ay tumutukoy sa kalugud-lugod na itsura ni Jose. Siya ay malamang maganda ang hitsura at malakas. Maaring isalin na: "matipuno at malakas"

Genesis 39:7

Dumating ang panahon pagkatapos nito na

"At kaya." Ang pariralang ito ay ginagamit dito para maging tanda sa bagong pangyayari sa kwento.

ang amo ko ay di-nagbigay pansin sa kung ano ang pinaggagawa ko dito sa bahay

"ang amo ko ay walang pag-aalala tungkol sa kanyang sambahayan na ako ang namamahala." Ito ay maaring isulat sa positibong anyo. Maaring isalin na: "pinagkatiwalaan ako ng aking amo ng kanyang sambahayan"

nilagay niya lahat ng kanyang pag-aari sa ilalim ng aking pangangalaga

Kapag ang isang bagay ay "nilagay sa ilalim sa pangangalaga ng isang tao," ito ay nangangahulugan na ang taong iyon ay dapat managot sa pangangalaga nito at sa pananatiling ligtas. Maaring isalin na: "nilagay niya ako sa pangangalaga sa lahat ng bagay na nabibilang sa kanya"

Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin. Wala siyang anumang pinagkait sa akin maliban sa iyo

Maaring isalin na: "Mas mayroon akong kapangyarihan sa kahit sino sa bahay na ito. Binigay niya ang lahat sa akin maliban sayo."

Paano ko kaya magagawa itong malaking kasamaan at magkakasala laban sa Diyos?

Gumamit si Jose ng tanong para sa pagbibigay diin. Ito ay maaring isulat bilang isang pahayag. Maaring isalin na: "Totoong hindi ko magagawa ang gayon kasamaang bagay at pagkakasala laban sa Diyos."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Tignan mo

"Makinig ka." Ang salitang ito ay ginamit ni Jose para makuha ang pansin ng asawa ni Potipar.

Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin

Dito ang may akda ay nagsasalita ng kapangyarihan para bang iyon ay kadakilaan. Maaring isalin na: "Mas mayroon akong kapangyarihan sa kahit sino sa bahay na ito"

Hindi niya ipinagkait sa akin ang anumang bagay maliban sa iyo

Ito ay maaring ipahayag sa positibong anyo. Maaring isalin na: "Binigay niya sa akin ang lahat ng bagay maliban sa iyo"

Genesis 39:10

para makasama siya

"para mapalapit sa kanya"

Dumating ang isang araw na pumunta siya

"Pagkatapos isang araw pumunta siya"

Walang sinuman sa mga lalaki sa bahay ang naroon sa bahay

"Walang ibang lalaki ang naroon sa bahay" o "Wala sa ibang mga katulong ang naroon sa bahay.

lumayo, at nagpunta sa labas

"at mabilis na tumakbo palabas" o "at mabilis na tumakbo palabas ng bahay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Kinausap niya si Jose

Ito ay nangangahulugan na siya ay palagi parin niyang hinihiling na matulog kasama siya. Maaring isalin na: "Paragi parin niyang hinihiling si Jose na matulog kasama siya"

Dumating ang panahon

"At kaya." Ang pariralang ito ay ginagamit dito para maging tanda sa bagong pangyayari sa kwento.

Walang sinuman sa mga lalaki sa bahay

"Walang sinuman sa ibang mga lalaki na nagtatrabaho sa bahay"

Genesis 39:13

Dumating ang panahon...tinawag niya

"Pagkatapos...tinawag niya"

at lumayo palabas

"at mabilis na tumakbo palabas ng bahay"

Pinuntahan niya ako para matulog kasama ako

Dito ang asawa ni Potipar ay pinagbintangan si Jose na sinubukang sunggaban siya at matulog kasama siya.

Dumating ang panahon nang marinig niya akong sumigaw na, naiwan niya

"Nang marinig niya akong sumigaw, siya." Ang salaysay na "dumating ang panahon" ay ginamit dito para magtakda ng bagong pangyayari sa kwento.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Dumating ang panahon...tinawag niya

"Pagkatapos...tinawag niya." Ang parirala na "dumating ang panahon" ay ginamit dito para magtakda ng bagong pangyayari sa kwento.

ang mga lalaki sa kanyang bahay

"ang mga lalaki na nagtatrabaho sa kanyang bahay"

Tignan niyo

"Makinig kayo." Ginamit ng asawa ni Potipar ang salitang ito para makuha ang pansin ng mga lingkod.

Genesis 39:16

Sinabi niya sa kanya ang paliwanag na ito

"Ito ay pinaliwanag niya nang ganito"

dinala mo sa amin

Ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Potipar, kanyang asawa, at kasama ang natitira sa sambahayan.

nagpunta sa akin para hamakin ako

"nagpunta sa akin para gawin akong tanga." Dito, ang salitang "hamakin" ay badyang pangpalubagloob para "upang sunggaban at upang kasamang matulog." Maaring isalin na: "dumating sa kung nasaan ako at sinubukang pilitin ako na matulog kasama niya"

Dumating ang panahon nang

"Pagkatapos." Ginamit ng asawa ni Potipar ang pariralang ito upang tanda ng kasunod na pangyayari sa kuro na sinasabi niya sa kanya tungkol kay Jose na sinusubukang matulog kasama siya.

lumayo palabas

"Mabilis na tumakbo palabas ng bahay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

amo niya

"Amo ni Jose." Ito ay tumutukoy kay Potipar.

Genesis 39:19

Dumating ang panahon

Ang mga kasali ay nakilala: "Dumating ang panahon na, nang marinig ng kanyang (Jose) amo (Potipar) ang pagpapaliwanag ng kanyang (Potipar) asawa sa kanya, "Ito ang ginawa ng iyong (Potipar) lingkod (Jose) sa akin (wife)," siya (Potipar) ay naging sobrang galit. 20 Kinuha si Jose ng kanyang amo (Potipar) at siya (Jose) ay nilagay sa bilangguan, ang lugar na kung saan nakakulong ang mga bilanggo ng hari. Siya (Jose) ay naroon sa bilangguan.

Dumating ang panahon, nang marinig ng kanyang amo ang pagpapaliwanag sa kanya ng kanyang asawa

"Pagkatapos, nang marinig ng kanyang amo ang paliwanag sa kanya ng kanyang asawa"

siya ay naging sobrang galit

"Si Potipar ay naging sobrang galit"

ang lugar na kung saan nakakulong ang mga bilanggo ng hari

Ito ay maaring isalin sa aktibong pandiwa. Maaring isalin na: "ang lugar kung saan nilagay ng hari ang kanyang mga bilanggo."

Siya ay naroon

"Nanatili si Jose doon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Dumating ang panahon

"At kaya." Ang pariralang ito ay ginagamit dito para maging tanda sa bagong pangyayari sa kwento.

amo niya

"Amo ni Jose." Ito ay tumutukoy kay Potipar. Maaring isalin na: "Amo ni Jose, si Potipar"

nang marinig ng kanyang amo ang pagpapaliwanag ng kanyang asawa sa kanya

"Marinig ang kanyang asawa na nagpaliwanag sa kanya." Ang salitang "kanyang" at "kanya" tumutukoy ito kay Potipar.

Genesis 39:21

at siya ay nagpakita ng tipan ng katapatan sa kanya

"At naging tapat sa kanya dahil sa taimtim na pangako na ginawa niya sa mga ninuno ni Jose"

Siya ay binigyan niya ng pabor

"Binigyan ni Yahweh si Jose ng pabor." Ito ay nangangahulugan na dinulot ni Yahweh na ang bantay ng kulungan na pagtibayin si Jose at upang tratuhin siya ng maayos.

ang bantay ng kulungan

"Ang tagapangasiwa ng kulungan" o "ang taong namamahala ng kulungan.

Kahit anong gawin nila roon, si Jose ang namamahala

"Si Jose ang namamahala ng lahat ng bagay na gagawin nila doon"

kahit anumang bagay na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga

"anumang bagay na pinapamahalaan ni Jose"

Kahit anong gawin niya, pinagpapala ni Yahweh

"Dinulot ni Yahweh na ang lahat ng bagay na gawin ni Jose ay sumagana"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/39]]

Ngunit si Yahweh ay kasama ni Jose

Dito ito ay tumutukoy sa paano inalagaan ni Yahweh si Jose at naging mabuti sa kanya. Maaring isalin na: "Ngunit naging mabuti si Yahweh kay Jose"

Siya ay binigyan niya ng pabor sa paningin ng bantay ng kulungan

Ito ay nangangahulugan na dinulot ni Yahweh na ang bantay ng kulungan na pagtibayin si Jose at upang tratuhin siya ng maayos. Maaring isalin na: "Dinulot ni Yahweh na si Jose ang maging bantay ng kulungan"

binigay sa kamay ni Jose

"Nilagay si Jose na tagapamahala ng"

Dahil si Yahweh ay kasama niya

Dito ito ay tumutukoy kung paano tinulungan ni Yahweh si Jose at pinapatnubayan niya. Maaring isalin na: "Dahil pinapatnubayan ni Yahweh si Jose"


Chapter 40

1 Dumating ang panahon pagkatapos ng mga bagay na ito, ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto ay nagkasala sa kanilang amo, na hari ng Ehipto. 2 Galit si Paraon sa dalawa niyang mga opisyal, ang punong tagahawak ng saro at ang punong panadero. 3 Sila ay nilagay niya sa kulungan sa pangangasiwa ng kapitan ng mga bantay, sa parehong kulungan kung saan nakabilanggo si Jose. 4 Tinalaga ng kapitan ng mga bantay si Jose na maging tagapaglingkod nila. Nananatili silang nakabilanggo sa kaunting panahon. 5 Pareho silang nanaginip ng isang panaginip—ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto na nakakulong sa bilangguan—bawat isa ay may sariling panaginip sa parehong gabi, at bawat panaginip ay mayroong sariling paliwanag. 6 Kinaumagahan, dumating si Jose sa kanila at sila ay nakita niya. Masdan, sila ay malungkot. 7 Tinanong niya ang mga opisyal ni Paraon na kasama niya sa pagbabantay sa bahay ng kanyang amo, nagsasabing, "Bakit kayo labis na malungkot ngayong araw na ito?" 8 Sinabi nila sa kanya, "Pareho kaming nanaginip ng isang panaginip at wala ni isa ang makapagpaliwanag nito." Sinabi ni Jose sa kanila, "Hindi ba ang mga pagpapaliwanag ay nabibilang sa Diyos? Pakiusap, sabihin niyo sa akin." 9 Sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Jose ang kanyang panaginip. Sinabi niya sa kanya, "Sa aking panaginip, narito, isang puno ng ubas ay nasa harapan ko. 10 Sa puno ng ubas ay may tatlong mga sanga. Habang ito ay sumisibol, ang mga bulaklak nito ay lumabas at ang mga buwig ng ubas ay nahinog. 11 Nasa kamay ko ang saro ni Paraon. Kinuha ko ang mga ubas at piniga ko ito sa saro ni Paraon, at nilagay ko ang saro sa kamay ni Paraon." 12 Sinabi ni Jose sa kanya, "Ito ang paliwanag nito. Ang tatlong mga sanga ay tatlong mga araw. 13 Sa loob ng tatlong mga araw, itataas ni Paraon ang iyong ulo at ibabalik ka niya sa iyong katungkulan. Ilalagay mo ang saro ni Paraon sa kanyang kamay, katulad noong ikaw pa ang kanyang tagahawak ng saro. 14 Ngunit isipin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at pakiusap pakitaan mo ako ng kagandahang loob. Banggitin mo ako kay Paraon at palabasin ako sa bilangguang ito. 15 Dahil ang totoo ako ay inagaw palabas sa lupain ng mga Hebreo. Dito naman ay wala akong ginawa para ilagay nila ako sa bartolinang ito." 16 Nang makita ng punong panadero na ang paliwanag ay kaaya-aya, sinabi niya kay Jose, "Nagkaroon din ako ng panaginip at narito, tatlong mga sisidlan ng tinapay ang nasa aking ulo. 17 Ang nasa taas na sisidlan ay lahat ng mga uri ng mga pagkain na naluto para kay Paraon, ngunit kinain ito ng mga ibon palabas ng sisidlan na nasa aking ulo." 18 Sumagot si Jose at sinabi, "Ito ang paliwanag. Ang tatlong mga basket ay tatlong mga araw. 19 Sa loob ng tatlong mga araw ay itataas ni Paraon ang iyong ulo at bibitayin ka sa puno. Kakainin ng mga ibon ang iyong laman." 20 Dumating ang panahon sa ikatlong araw ay ang kaarawan ni Paraon. Gumawa siya ng salu-salo para sa lahat ng kanyang mga lingkod. Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa punong tagahawak ng saro at sa punong panadero, na mas higit sa lahat ng iba niyang mga lingkod. 21 Binalik niya ang punong tagahawak ng saro sa kanyang pananagutan, at muli niyang nilagay ang saro sa kamay ni Paraon. 22 Ngunit binitay niya ang punong panadero gaya ng paliwanag ni Jose sa kanila. 23 Ganoon pa man ay hindi naalala ng punong tagahawak ng saro na tulungan si Jose. Sa halip, kinalimutan niya ang tungkol sa kanya.



Genesis 40:1

Dumating ang panahon pagkatapos ng mga bagay na ito

"Pagkatapos ng mga bagay na ito"

ang tagahawak ng saro

Ito ang tao na nagdadala ng mga inumin sa hari.

ang panadero

Ito ang tao na gumagawa ng pagkain para sa hari.

nagkasala sa kanilang amo

"ginulo ang kanilang amo"

ang punong tagahawak ng saro at ang punong panadero

"ang nangungunang tagahawak ng saro at ang nangungunang panadero"

Sila ay nilagay niya sa kulungan

"Sila ay nilagay niya sa kulungan"

sa parehong kulungan kung saan nakabilanggo si Jose

Ito ay maaring isalin sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Ito ay parehong kulungan na si Jose ay naroroon." o "Ito ay parehong kulungan na nilagay si Jose ni Paraon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Dumating ang panahon

Ang pariralang ito ay ginagamit dito upang maging tanda sa bagong pangyayari sa kwento.

Sila ay nilagay niya sa kulungan sa pangangasiwa ng kapitan ng mga bantay

Sila ay nilagay niya sa kulungan na pinapangasiwaan ng kapitan ng bantay"

Sila ay nilagay niya

Hindi sila inilagay ng hari sa kulungan sa halip sila ay inutusan niya na makulong. Maaring isalin na: "Sila ay nilagay niya" o "Inutusan niya ang kanyang mga bantay na ilagay"

Genesis 40:4

nilagay si Jose na tagapamahala nila

"nilagay si Jose na tagapamahala sa tagahawak ng saro at sa panadero"

Siya ay sumama sa kanila

"Tumulong si Jose na mangalaga sa kanila"

Nananatili silang nakabilanggo sa kaunting panahon

"Nananatili silang nakabilanggo sa mahabang panahon"

Pareho silang nanaginip ng panaginip, bawat isa ay mayroong panaginip sa parehong gabi, bawat isa may paliwanag sa kanyang panaginip, ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto na nakakulong sa bilangguan.

"Habang nasa bilangguan, ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto ay may panaginip sa parehong gabi. Bawat panaginip ay may sariling kahulugan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Genesis 40:6

dumating si Jose sa kanila

"Dumating si Jose sa tagahawak ng saro at sa panadero"

Narito, sila'y malungkot

Ang salitang "narito" dito ay nagpapakita na si Jose ay nagulat sa anong nakita niya. Maaring isalin na: "Siya ay nagulat na makita niyang sila ay malungkot."

Hindi ba ang pagpapaliwanag ay sa Diyos?

Gumamit si Jose ng tanong para sa pagbibigay-diin. Ito ay maaring isulat bilang isang pahayag. Maaring isalin na: "Pagpaliwanag ay sa Diyos." o "Itong mga panaginip."

Pakiusap, sabihin niyo sa akin

Nakiusap si Jose sa kanila na sabihin ang kanilang mga panaginip. Maaring isalin na: "Sabihin ninyo sa akin ang mga panaginip, pakiusap"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

opisyal ni Paraon na kasama niya

Ito ay tumutukoy sa tagahawak ng saro at sa panadero.

sa pagbabantay sa bahay ng kanyang amo

"Sa kulungan sa bahay ng kanyang amo." "kanyang amo" tumutukoy sa amo ni Jose, ang kapitan ng mga bantay.

Genesis 40:9

Ang punong tagahawak ng saro

Tignan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/01]].

Sa aking panaginip, narito, ang puno ng ubas ay nasa harapan ko

"Sa aking panaginip, nakakita ako ng puno ng ubas sa harapan ko!" Gumamit ang tagahawak ng saro ng salitang "narito" dito para ipakita na siya ay nagulat sa kung ano ang nakita niya sa kanyang panaginip at para ihanda si Jose na magbigay pansin.

ang buwig ng ubas ay nahinog

"ang mga buwig nito ay nahinog at naging mga ubas"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

piniga ko ito

Ito ay nangangahulugan na piniga niya ang katas ng mga ito. AT: "piniga ang katas mula sa kanila"

Genesis 40:12

Ito ang paliwanag nito

"Ito ang mga kahulugan ng mga panaginip"

Sa loob ng tatlong araw

"Sa mahigit na tatlong araw"

itataas ni Paraon ang iyong ulo

Dito nagsasalita si Jose kay Paraon na pakawalan ang tagahawak ng saro mula sa kulungan na kadahilanan na itataas ni Paraon ang kanyang ulo. Maaring isalin na: "na pakawalan ka mula sa bilangguan"

at ibabalik ka niya sa iyong opisina

"at ibabalik sayo ang iyong trabaho"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Ang tatlong sanga ay tatlong araw

"Ang tatlong sanga ay naglalarawan ng tatlong araw"

katulad noong

Ang nawawalang salita ay maaring idagdag. Maaring isalin na: "katulad nang ikaw ay"

Genesis 40:14

at pakiusap pakitaan mo ako ng kagandahang loob

"at pakiusap maging magandan ang loob mo sa akin"

Banggitin mo ako kay Paraon at palabasin mo ako sa bilangguang ito

Ang ibig sabihin ni Jose sa tagahawak ng saro na sabihan si Paraon tungkol sa kanya upang pakawalan siya ni Paraon sa bilangguan. Maaring isalin na: "Tulungan mo akong makalabas sa kulungang ito sa pamamagitan ng pagsabi kay Paraon tungkol sa akin."

Dahil ang totoo ako ay inagaw

Ito ay maaring isalin sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Dahil ang totoo kinuha ako ng mga tao" o "Dahil ang totoo kinuha ako ng mga Ismaelita."

lupain ng mga Hebreo

"Ang lupain kung saan nakatira ang mga taong Hebreo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Dito naman ay wala akong ginawa para ilagay nila ako sa bartolinang ito

"At habang ako naman ay nasa Ehipto, wala akong ginawa na kung saan kailangan akong ilagay sa kulungan" (UDB)

Genesis 40:16

ang punong panadero

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/01]].

na ang paliwanag ay kaaya-aya

"Na ang kahulugan ng panaginip ay maganda"

Nagkaroon din ako ng panaginip at

"Nagkaroon din ako ng panaginip, at sa panaginip ko,"

narito, tatlong basket ng tinapay ay nasa aking ulo

"mayroong tatlong basket ng tinapay ang nasa aking ulo!" Gumamit ang panadero ng salitang "narito" dito para ipakita na siya ay nagulat sa kung anong nakita niya sa panaginip at para ihanda si Jose na magbibigay-pansin.

pagkain na naluto para kay Paraon

"nalutong pagkain para kay Paraon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Genesis 40:18

Ito ang paliwanag

"Dito ang kahulugan ng panaginip"

itataas ni Paraon ang iyong ulo at bibitayin ka sa puno

Ginamit din ni Jose ang parirala na "itataas ang iyong ulo" nang magsalita siya sa tagahawak ng saro sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/12]]. Dito ay mayroon itong ibang kahulugan. Maaaring mga kahulugan ay 1) "itataas ang iyong ulo at lagyan ng tali paikot ng iyong leeg at bibitayin ka sa isang puno"o 2) itataas ang iyong ulo para putulin ito."

laman

Dito ang "laman" ay nangahulugang tunay na malambot na bahagi sa katawan ng tao.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Ang tatlong mga basket ay tatlong araw

"Ang tatlong mga basket ay naglalarawan ng tatlong araw"

itataas ang iyong ulo

Ginamit pa ni Jose ang parirala na "itataas ang iyong ulo" nang magsalita siya sa tagahawak ng saro sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/12]]. Dito mayroon itong ibang kahulugan. Maaaring mga kahulugan ay 1) "itataas ang iyong ulo at lagyan ng tali sa paikot sa iyong leeg at bibitayin ka sa isang puno"o 2) itataas ang iyong ulo para putulin ito."

Genesis 40:20

ang punong tagahawak ng saro at ang punong panadero

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/01]].

Dumating ang panahon sa ikatlong araw

"Pagkatapos, sa ikatlong araw," Ang parirala na "dumating ang panahon" ay ginamit dito para maging tanda sa bagong pangyayari sa kwento.

Gumawa siya ng salo-salo

"Mayroon silang salo-salo"

Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa punong tagahawak ng saro at sa punong panadero, na mas higit sa lahat ng iba niyang lingkod

Maaring isalin na: "Itinaas niya ang mga ulo ng punong tagahawak ng saro at ng punong panadero sa harapan ng kanyang mga lingkod."

Binalik niya ang punong tagahawak ng saro sa kanyang tungkulin

Ang "tungkulin" ng punong tagahawak ng saro ay tumutukoy sa kanyang trabaho bilang punong tagahawak ng saro. Maaring isalin na: "Binalik niya sa punong tagahawak ng saro ang kanyang trabaho"

at muli niyang nilagay ang saro sa kamay ni Paraon

"kaya inilagay niya ang saro sa kamay ni Paraon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/40]]

Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa...na mas higit sa lahat ng iba niyang mga lingkod

"Sa panahon ng kasiyahan, habang sila ay nag tipon-tipon doon, ipinatawag ng hari ang punong tagahawak ng saro at ang punong panadero mula sa bilangguan" (UDB)

Ngunit binitay niya ang punong panadero

Hindi si Paraon mismo ang nagbitay sa panadero, sa halip inutusan siya na bitayin. Maaring isalin na: "Ngunit inutusan niya ang punong panadero na bitayin" o "Ngunit inutusan niya ang kanyang mga bantay na bitayin ang punong panadero"

gaya ng paliwanag ni Jose sa kanila

Ito ay tumutukoy nang pinaliwanag ni Jose ang kanilang mga panaginip. Maaring isalin na: "gaya ng sinabi na paliwanag ni Jose na mangyayar nang pinaliwanag niya ang panaginip ng dalawa lalaki"


Chapter 41

1 Nangyari na pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagkaroon si Paraon ng panaginip. Masdan, nakatayo siya sa tabi ng Ilog Nilo. 2 Masdan, may pitong bakang kanais-nais at matataba ang umahon mula sa Nilo, at nanginain sila sa mga tambo. 3 Masdan, may pitong iba pang mga bakang hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila sa Nilo. Tumayo sila katabi ng ibang mga baka sa pampang ng ilog. 4 Pagkatapos, kinain ng pitong hindi kanais-nais at payat na baka ang pitong kanais-nais at matabang baka. Pagkatapos, nagising si Paraon. 5 Natulog siya at nanaginip sa pangalawang pagkakataon. Masdan, pitong uhay ng butil ang tumubo sa isang tangkay, malulusog at mabubuti. 6 Masdan, pitong uhay, payat at nilanta ng silangang hangin ang umusbong kasunod nila. 7 Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong malulusog at buong uhay. Gumising si Paraon at masdan, iyon ay panaginip. 8 Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon. 9 Pagkatapos sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Paraon, "Ngayon naiisip ko ang aking mga pagkukulang. 10 Nagalit si Paraon sa kaniyang mga lingkod, at inilagay ako sa pangangalaga sa bahay ng kapitan ng mga bantay, ang punong panadero at ako. 11 Nanaginip kami ng isang panaginip sa parehong gabi, siya at ako. Nanaginip kami bawat tao ayon sa paliwanag ng kaniyang panaginip. 12 Doon kasama namin ang isang binatang Hebreo, na isang lingkod ng kapitan ng mga bantay. Sinabi namin sa kaniya at pinaliwanag niya sa amin ang aming mga panaginip. Ipinaliwanag niya sa bawat isa sa amin na ayon sa aming panaginip. 13 Nangyari na kung ano ang ipinaliwanag niya sa amin, iyon ang nangyari. Binalik ako ni Paraon sa aking tungkulin, pero ang isa ay kaniyang binitay." 14 Pagkatapos pinadala at pinatawag ni Paraon si Jose. Mabilis nila siyang inilabas mula sa piitan. Inahitan niya ang kaniyang sarili, pinalitan ang kaniyang damit, at pumunta kay Paraon. 15 Sinabi ni Paraon kay Jose, "Mayroon akong panaginip pero walang tagapagpaliwanag nito. Pero narinig ko ang tungkol sa iyo, na kapag makarinig ka ng panaginip ay maipapaliwanag mo ito. ” 16 Sinagot ni Jose si Paraon, sinabing, "Hindi ito nasa akin. Ang Diyos ang sasagot kay Paraon na may kagandahang loob." 17 Nagsalita si Paraon kay Jose, "Sa panaginip ko, masdan, nakatayo ako sa pampang ng Nilo. 18 Masdan, pitong mga bakang matataba at kanais-nais ang umahon mula sa Nilo at nanginain sila sa mga tambo. 19 Masdan, pitong ibang mga bakang mahihina, hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila. Hindi kailanman ako nakakita sa buong lupain ng Ehipto ng ganoong pagka hindi kanais-nais na katulad nila. 20 Kinain ng payat at hindi kanais-nais na mga baka ang unang pitong matatabang mga baka. 21 Nang matapos nilang kainin ang mga ito, hindi malalamang sila ay kinain nila, dahil sa sila ay nanatiling hindi kanais-nais tulad ng dati. Pagkatapos nagising ako. 22 Tumingin ako sa aking panaginip at masdan, pitong uhay ang umusbong sa isang tangkay, puno at mabubuti. 23 Masdan, pito pang mga uhay, lanta, payat at nilanta ng silangang hangin, ang umusbong kasunod nila. 24 Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong mabubuting uhay. Sinabi ko itong mga panaginip na ito sa mga salamangkero, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag nito sa akin." 25 Sinabi ni Jose kay Paraon, "Ang mga panaginip ni Paraon ay magkatulad. Kung ano ang gagawin ng Diyos, ipinahayag na niya kay Paraon. 26 Ang pitong mga mabubuting baka ay pitong taon at ang pitong mga mabubuting uhay ay pitong taon. Ang mga panaginip ay magkatulad. 27 At ang pitong payat at hindi kanais-nais na mga baka na umahon kasunod nila ay pitong taon, at saka ang pitong payat na uhay na nilanta ng silangang hangin ay magiging pitong taon ng taggutom. 28 Iyon ang bagay na sinabi ko kay Paraon. Kung ano ang gagawin ng Diyos ipinakita na niya kay Paraon. 29 Tingnan mo, pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto. 30 Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos nila at lahat ng kasaganahan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto at ang taggutom ay wawasak sa lupain. 31 Ang kasaganahan ay hindi na maaalala sa lupain dahil sa taggutom na susunod, dahil ito ay magiging napakalala. 32 Ang panaginip ay inulit kay Paraon sa kadahilanang ang mga bagay ay itinatag na ng Diyos at hindi magtatagal ay gagawin ito ng Diyos. 33 Ngayon hayaang maghanap si Paraon ng taong marunong at matalino, at ilagay siya sa pamamahala sa lupain ng Ehipto. 34 Hayaan si Paraon na gawin ito: hayaan siyang humirang ng mga tagapangasiwa sa lupain. Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto sa pitong saganang taon. 35 Hayaan silang tipunin lahat ng pagkain ng mga paparating na mabubuting taon. Hayaan silang mag-imbak ng mga butil sa ilalim ng kapangyarihan ni Paraon para sa pagkain sa mga siyudad. Hayaan silang bantayan ito. 36 Ang pagkain ay magiging panustos sa lupain para sa pitong taong taggutom na mangyayari sa lupain ng Ehipto. Sa ganitong paran ang lupain ay hindi mawawasak dahil sa taggutom." 37 Ang payong ito ay mabuti sa mga mata ni Paraon at sa mga mata ng lahat ng kaniyang mga lingkod. 38 Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, "Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?" 39 Kaya sinabi ni Paraon kay Jose, "Dahil pinakita ng Diyos ang lahat ng ito sa iyo, wala ng ibang marunong at matalinong tulad mo. 40 Mangingibabaw ka sa aking bahay at ayon sa salita mo pamamahalaan ang lahat ng tauhan ko. Tanging sa trono lamang ako ay magiging higit na mataas kaysa sa iyo. 41 Sinabi ni Paraon kay Jose, "Tingnan mo, inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto." 42 Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak mula sa kaniyang kamay at nilagay niya ito sa kamay ni Jose. Binihisan niya siya ng mga damit na pinong lino at nilagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. 43 Pinasakay niya siya sa ikalawang karo na pag-aari niya. Sumigaw ang mga lalaki sa harapan niya, "Ibaluktot ang tuhod." Nilagay siya ni Paraon sa itaas ng lupain ng Ehipto. 44 Sinabi ni Paraon kay Jose, "Ako si Paraon at maliban sa iyo, walang taong magtataas ng kaniyang kamay o kaniyang paa sa lahat ng lupain ng Ehipto. ” 45 Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na "Zafenat-panea." Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto. 46 Si Jose ay tatlumpung taong gulang nang tumayo siya sa harap ni Paraon, hari ng Ehipto. Lumabas si Jose mula sa presensya ni Paraon at pumunta sa buong lupain ng Ehipto. 47 Sa pitong mabiyayang taon ang lupain ay nagbunga nang masagana. 48 Tinipon niya lahat ng pagkaing nasa lupain ng Ehipto ng pitong taon at inilagay ang pagkain sa mga siyudad. Inilagay niya sa bawat siyudad ang pagkain galing sa mga bukid na nakapaligid dito. 49 Inimbak ni Jose ang mga butil na parang buhangin ng dagat, na sa kalabisan ay tumigil na siya sa pagbilang dahil ito ay hindi mabilang. 50 May dalawang anak na lalaki si Jose bago dumating ang mga taon ng taggutom, na isinilang para sa kaniya ni Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On. 51 Tinawag ni Jose ang pangalan ng kaniyang panganay na Manases, at sinabi niya, "Ginawa ng Diyos na makalimutan ko ang lahat ng aking mga bagabag at lahat ng sambahayan ng aking ama." 52 Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, "Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati." 53 Ang pitong saganang mga taon na nasa lupain ng Ehipto ay natapos na. 54 Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain. 55 Nang ang buong lupain ng Ehipto ay gutom na gutom na, tumawag ng malakas ang mga tao kay Paraon para sa pagkain. Sinabi ni Paraon sa lahat ng mga taga Ehipto, "Pumunta kayo kay Jose at gawin ang anumang sabihin niya." 56 Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto. 57 Ang buong mundo ay pumupunta sa Ehipto upang bumili ng butil kay Jose dahil ang taggutom ay matindi sa buong mundo.



Genesis 41:1

nangyari na

Ang pariralang ito ay ginagamit dito upang tandaan ang simula ng bagong pangyayari sa kuwento. Kung ang inyong wika ay may paraan para gawin ito, maaari mong gamitin ito rito.

pagkatapos ng dalawang taong ganap

Dalawang taon ang lumipas pagkatapos ipinaliwanag ni Jose ng tama ang mga panaginip ng tagahawak ng saro at panadero ni Paraon, na naibilanggo kasama ni Jose.

Masdan, nakatayo siya

Ang salitang "masdan" dito ay nagtatanda ng panibagong simula ng iba pang pangyayari sa mas malaking kuwento. Maaaring may sariling paraan ang inyong wika sa paggawa nito.

siya ay nakatayo

"Nakatayo si Paraon"

Masdan

Ang salitang "masdan" dito ay nagpapakita na nagulat si Paraon sa kung ano ang nakita niya. Maaaring isalin na: "biglang"

kanais-nais at matataba

Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap: "malulusog at matataba ang mga ito."

nanginain sa mga tambo

"ay kumakain ng mga damo sa gilid ng ilog"

Masdan, pitong iba pang baka

Ang salitang "masdan" dito ay nagpapakita na nagulat ulit si Paraon sa kung anong nakita niya.

hindi kanais-nais at payat

Ito ay maaaring isalin bilang isang bagong pangungusap: "Sakitin at payat ang mga ito"

pampang ng ilog

Ito ay mataas na lupa sa gilid ng ilog. Maaaring isalin na: "katabi ng ilog" o "tabing ilog"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

mga tambo

matataas, maninipis na mga damo na tumutubo sa mababasang lugar

Genesis 41:4

hindi kanais-nais at payat

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

kanais-nais at matataba

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

nagising

"napukaw"

Masdan, pitong uhay

Ang salitang "narito" dito ay nagpapakita na nagulat ulit si Paraon sa kung anong nakita niya.

uhay ng butil

Ang uhay ay bahagi ng halamang mais na kung saan tumutubo ang mga buto.

tumubo sa isang tangkay

Ang tangkay ay ang matigas at mataas na bahagi ng halaman. Maaaring isalin na: "tumubo sa isang tangkay"

malulusog at mabubuti

Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Sila ay malulusog at magaganda"

payat at nilanta ng silangang hangin

Ito ay maaaring isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "na mapapayat at natuyo dahil sa mainit na hanging sa mula sa silangan"

umusbong

"tumubo" o "sumibol"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

sa pangalawang pagkakataon

Ang salitang "pangalawa" ay isang panunurang bilang

silangang hangin

Hanging mula sa silangan na inihip galing sa desyerto. Kadalasa'y nakakasama ang init ng silangang hangin .

Genesis 41:7

Ang mga payat na uhay

Ang salitang "ng butil" ay naintindihan na. Maaaring isalin na: "Ang mga payat na uhay ng butil"

nilunok

"kinain." Napanaginipan ni Paraon na ang mga hindi malulusog na mais ay kinain ng malulusog na mais katulad ng taong kumakain ng pagkain.

malulusog at mabubuti

"malulusog at mabubuting mga uhay." Tingnan kung paano mo isinalin ang parehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/04]].

nagising

"napukaw"

masdan

Ang salitang "narito" dito ay nagpapakita na nagulat si Paraon sa kung anong nakita niya.

iyon ay panaginip

"nananaginip siya"

nangyari na

Ang pariralang ito ay ginamit upang tandaan ang simula ng panibagong bahagi ng kuwento. Kung mayroong sariling paraan ang inyong wika sa paggawa nito, maaari mong gamitin iyon dito.

nabagabag ang kaniyang espiritu

Dito ang salitang "espiritu" ay tumutukoy sa panloob na katauhan o kaniyang damdamin. Maaaring isalin na: "siya ay nabagabag sa kaniyang panloob na katauhan" o "siya ay nabagabag"

Pinapunta niya

"pinapunta niya nga kaniyang mga lingkod"

pinatawag ang

Ito ay nangangahulugan na "ipinatawag" o "inutusang pumunta"

lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto

Ang mga sinaunang hari at mga pinuno ay gumagamit ng mga salamangkero at mga matatalinong lalaki bilang mga tagapayo.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Pinapunta niya at pinatawag

Ito ay naintindihan bilang pinadala niya ang mga lingkod. Maaaring isalin na: "Ipinadala niya ang kaniyang mga lingkod para tumawag" o "Ipinadala niya ang kaniyang mga lingkod para tawagin"

Genesis 41:9

punong tagahawak ng saro

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/01]].

Ngayon naiisip ko ang aking mga pagkukulang

Ang salitang "Ngayon" ay ginamit para sa pagbibigay-diin. Ang kaniyang mga "pagkukulang" ay ang dapat sabihin niya kay Paraon nang mas maaga pero hindi niya ginawa. Maaaring isalin na: "Napagtanto ko na nakalimutan kong sabihin sa iyo ang isang bagay"

inilagay ako sa pangangalaga sa bahay ng kapitan ng mga bantay, ang punong panadero at ako

Dito ang "bahay" ay tumutukoy sa bilangguan. Maaaring isalin na: "inilagay ako at ng punong panadero sa kulungan kung saan ang kapitan ng mga bantay ang namamahala"

nanaginip kami ng panaginip sa parehong gabi, siya at ako

"Isang gabi pareho kaming nanaginip"

nanaginip kami ayon sa kahulugan ng kaniyang panaginip

"Magkaiba ang kahulugan ng mga panaginip namin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Nagalit si Paraon

Ang tagahawak ng saro ay tumutukoy kay Paraon sa ikatlong tauhan. Ito ay karaniwang paraan para sa isang tao na may mababang kapangyarihan para magsalita sa isang tao na may higit na mataas na kapangyarihan. Maaaring isalin na: "Ikaw, si Paraon, ay nagalit"

kasama ang kaniyang mga lingkod

Dito ang "kaniya" ay tumutukoy kay Paraon. Dito ang "mga lingkod" ay tumutukoy sa tagahawak ng saro at sa punong panadero. Maaaring isalin na: "kasama natin, iyong mga lingkod"

kapitan ng mga bantay, ang punong panadero

Tingnan kung paano mo isinalin ang "punong panadero" at kapitan ng mga bantay" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/01]].

Nanaginip kami

Dito ang "Kami" ay tumutukoy sa punong tagahawak ng saro at punong panadero.

Genesis 41:12

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Mayroong kaming kasama doon

"mayroon akong kasama at ng punong panadero sa bilangguan"

kapitan ng mga bantay

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/40/01]].

Sinabi namin sa kaniya at ipinaliwanag niya sa amin ang aming panaginip

"Sinabi namin sa kaniya ang aming mga panaginip at ipinaliwanag niya ang kahulugan ng mga ito sa amin"

Ipaliwanag niya sa bawat isa sa amin na ayon sa kaniyang panaginip

Dito ang "kaniya" ay tumutukoy sa bawat isa sa kanila, ang tagahawak ng saro at panadero, hindi sa isang nagpapaliwanag ng panaginip. Maaaring isalin na: "Ipinaliwanag niya kung ano ang mangyayari sa bawat isa sa amin"

Nangyari na

Ang pariralang ito ay ginamit dito upang tandaan ang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang inyong wika ay mayroong sariling paraan sa paggawa nito, maaari mong gamitin iyon dito.

kung ano ang ipinaliwanag niya sa amin, iyon ay nangyari

"nangyari kung ano ang ipinaliwanag niya tungkol sa mga panaginip namin"

Binalik ako ni Paraon sa aking tungkulin

Ginamit dito ng tagahawak ng saro ang katawagan ni Paraon sa pakikipag-usap sa kaniya bilang paraan ng ng paggalang. Maaaring isalin na: "Pinahintulutan mo akong makabalik sa aking trabaho"

ang isa

"ang punong panadero"

Pangkalahatang impormasyon:

Patuloy sa pakikipag-usap ang punong tagahawak ng saro kay Paraon.

kaniyang binitay

Dito ang "kaniya" ay tumutukoy kay Paraon. At, ito ay kumakatawan sa mga sundalo na inutusan ni Paraon na bitayin ang punong panadero. Maaaring isalin na: "Inutusan mo ang iyong mga sundalo na bitayin"

Genesis 41:14

pinadala ni Paraon at pinatawag si

Maiintindihan na nagpadala si Paraon ng mga lingkod. Maaaring isalin na: "Pinapunta ni Paraon ang kaniyang mga lingkod upang dalhin si Jose"

inilabas mula sa piitan

"palabas ng kulungan" o "palabas ng bilangguan"

Inahitan niya ang kaniyang sarili

Karaniwang ginagawa ang pag-aahit sa mukha at buhok sa ulo kapag naghahandang pumunta sa harap ni Paraon.

pumunta kay Paraon

Dito ang "pumunta" ay maaaring sabihing "dumating." Maaaring isalin na: "pumunta sa harap ni Paraon"

walang tagapagpaliwanag nito

"walang sinuman ang makapaliwanag ng kahulugan"

maipapaliwanag mo ito

"maipapaliwanag mo ang kahulugan nito"

Hindi ito nasa akin

"Hindi ako ang makapagpaliwanag sa kahulugan"

Ang Diyos ang sasagot kay Paraon na may kagandahang loob

"Sasagutin ng Diyos si Paraon na may pagsang-ayon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Genesis 41:17

masdan, nakatayo ako

Ginamit ni Paraon ang salitang "masdan" para si Jose ay magbigay-pansin sa nakakagulat na kaalaman.

pampang ng Ilog Nilo

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

Narito, pitong baka

Ginamit ni Paraon ang salitang "narito" para si Jose ay magbigay pansin sa nakakagulat na kaalaman.

umahon mula sa Ilog Nilo

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

matataba at kanais-nais

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

nanginain sila sa mga tambo

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Genesis 41:19

Masdan, pitong ibang mga baka

Ginamit ni Paraon ang salitang "masdan" para si Jose ay magbigay-pansin sa nakakagulat na kaalaman.

hindi kanais-nais at payat

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

matatabang baka

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

Kailanman ay hindi ako nakakita sa buong lupain ng Ehipto ng ganoong hindi kanais-nais na katulad nila

Maaaring isalin na: "Sa buong lupain ng Ehipto, ako ay hindi kailanman nakakita ng ganoong walang kabuluhang pagmumukha ng mga baka."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

ganoong pagka hindi kanais-nais

Ang basal na pangngalang

ito ay hindi na batid na ang mga ito ay kinain na nila

Ito ay maaaring ihayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "walang sinuman ang makakapagsabi na ang mga payat na mga baka ang kumain sa mga matatabang baka"

Genesis 41:22

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Masdan, pito pang mga uhay

Ginamit ni Paraon ang salitang "masdan" para bigyan ni Jose ng pansin sa nakakagulat na kaalaman.

ang umusbong sa isang tangkay

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/04]].

Narito, pito pang mga uhay

Ginamit ni Paraon ang salitang "narito" para bigyan ni Jose ng pansin ang nakakagulat na impormasyon.

nilanta

"nabulok" o "nalanta"

nilanta ng silangang hangin

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/04]].

umusbong

"tumubo" o "nabuo"

Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong mabubuting uhay

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/07]].

walang sinuman ang makapagpaliwanag nito sa akin

Mga posibleng kahulugan ay 1) "wala ninuman" o 2) "walang sinuman." Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/07]].

Pangkalahatang Impormasyon:

Nagpatuloy sa pagsasabi si Paraon kay Jose ng kaniyang mga panaginip.

Tumingin ako sa aking panaginip

Ito ang simula ng kasunod na panaginip ni Paraon pagkatapos niyang nagising at bumalik sa pagtulog. Maaaring isalin na: "Pagkatapos nanaginip akong muli"

pitong uhay

Ang mga salitang "ng butil" ay maintindihan na. Maaaring isalin na: "pitong mga uhay ng butil"

lanta, payat at nilanta ng silangang hangin

Ito ay maaaring ihayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "na mga nalanta, payat, at natuyo dahil sa init na hangin na mula sa silangan"

ang silangang hangin

Hanging mula sa silangan ang umihip mula sa disyerto. Ang init ng silangang hangin ay minsan nakakagulo sa mga pananim.

walang sinuman ang maaaring

"walang ni isa ang maaaring" o "wala sa kanila ang"

Genesis 41:25

Kung ano ang gagawin ng Diyos, ipinahayag na niya kay Paraon

Nagsalita si Jose kay Paraon sa ikatlong panauhan. Ito ang paraan ng pagpakita ng paggalang. Ito ay maaaring sabihin sa pangalawang panauhan. Maaaring isalin na: "Ipinapakita ng Diyos kung ano ang malapit mo nang gawin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Ang mga panaginip ni Paraon ay magkatulad

Ito ay nangangahulugan na ang mga ibig- sabihin ay magkatulad. Maaaring isalin na: "Ang bawat panaginip ay nangahulugan ng parehong bagay"

pitong mga mabubuting uhay

Ang mga salitang "ng butil" ay naintindihan na. Maaaring isalin na: "pitong mga mabubuting uhay ng butil"

Genesis 41:27

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

payat at hindi kanais-nais na mga baka na umahon

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/01]].

pitong payat na mga uhay na tinuyo ng silangang hangin

Ito ay maaaring ilahad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "pitong payat na uhay ng butil ang natuyo dahil sa mainit na hanging nagmumula sa silangan"

Iyon ang mga bagay na sinabi ko kay Paraon

Ginamit dito ni Jose ang katawagan ni Paraon bilang isang paraan ng pakikipag-usap na may paggalang sa kaniya. Maaaring isalin na: "Ang mga pangyayaring ito ay mangyayari gaya ng sinabi ko sayo."

ipinakita na niya

"inihayag na niya"

Tingnan mo

Ito ay ginamit upang bigyang-diin kung ano ang sunod na sasabihin ni Jose. Maaaring isalin na: "Magbigay pansin sa kung anong sasabihin ko"

Pangkalahatang Impormasyon:

Nagpatuloy si Jose sa pagpaliwanag sa mga panaginip ni Paraon.

Iyon ang mga bagay na sinabi ko kay Paraon... ipinakita na niya kay Paraon.

Nangusap si Jose sa Paraon sa ikatlong panauhan. Ito ang paraan ng pagpapakita ng paggalang. Ito ay maaaring sabihin sa pangalawang panauhan. Maaaring isalin na: "Ang mga pangyayaring ito ay mangyayari gaya ng sinabi ko sa iyo...ipinakita sa iyo, Paraon"

pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto

Ito ay nagsasaad tungkol sa mga taon ng kasaganaan na tulad ng panahon ng paglalakbay at pagpunta sa isang lugar. Maaaring isalin na: "mayroong pitong taon na kung saan ay may maraming pagkain sa buong lupain ng Ehipto"

Genesis 41:30

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos ng mga ito

Ito ay nagsasabi tungkol sa pitong taon ng taggutom na parang silang mga bagay na maglalakbay at papunta sa isang lugar. Maaaring isalin na: "Pagkatapos magkakaroon ng pitong taon na kakaunti na lamang ang pagkain"

lahat ng kasaganaan ay makakalimutan...at ang taggutom ay wawasak sa lupain. Ang kasaganaan ay hindi na maaalala...dahil sa taggutom na susunod

Ipinapahayag ni Jose ang kaisipan sa dalawang paraan upang bigyang-diin ang kahalagahan nito.

Ang panaginip ay inulit kay Paraon sa kadahilanang ang mga bagay ay itinatag na ng Diyos at hindi magtatagal ay gagawin ito ng Diyos.

Ito ay maaaring ihayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Binigyan ka ng Diyos ng dalawang panaginip para ipakita na talagang idudulot niya na mangyari ang mga bagay na ito"

Pangkalahatang Impormasyon:

Nagpatuloy si Jose sa pagbibigay kahulugan sa mga panaginip ni Paraon.

lahat ng kasaganaan ay makakalimutan...at ang taggutom ay wawasak sa lupain. Ang kasaganaan ay hindi na maaalala...dahil sa taggutom na susunod

Ipinapahayag ni Jose ang kaisipan sa dalawang paraan upang bigyang-diin ang kahalagahan nito.

lahat ng kasaganaan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto

Dito ang "lupain" ay tumutukoy sa mga tao. Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Makakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga taon na mayroong maraming pagkain"

wawasak sa lupain

Dito ang "lupain" ay tumutukoy sa lupa, ang mga tao, at sa buong bayan.

dahil sa taggutom na susunod

Ito ay tumutukoy tungkol sa taggutom na parang isang bagay na naglalakbay at may ibang kasunod sa likuran. Maaaring isalin na: "dahil sa panahon ng taggutom na mangyayari sa kinalaunan"

Genesis 41:33

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Ngayon

Ito ay hindi nangangahulugan na "sa panahong ito" pero ito ay ginamit para kumuha ng pansin sa mga mahahalagang punto na susunod.

ilalagay siya sa pamamahala buong lupain ng Ehipto

Ang pariralang "ilalagay siya sa pamamahala sa buong" ay nangangahulugan na binibigyan ang isang tao ng kapangyarihan. Maaaring isalin na: "bigyan siya ng kapangyarihan sa buong kaharian ng Ehipto" o "ilagay siyang tagapamahala sa kaharian ng Ehipto"

Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim

"Hayaan silang mag-ipon at mag-imbak ng ikalima sa mga pananim."

sa pitong taong sagana

"sa panahon ng pitong taon na kung saan ay marami ang pagkain"

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy sa pagpapaliwanag si Jose kay Paraon

hayaan maghanap si Paraon

Nagsasalita si Jose kay Paraon sa ikatlong panauhan. Ito ang paraan sa pagpakita ng paggalang. Ito ay maaaring sabihin sa pangalawang panauhan. Maaaring isalin na: "Ikaw, Paraon, ang dapat maghanap"

lupain ng Ehipto

Dito ang "lupain" ay tumutukoy sa lahat ng tao at lahat ng bagay na nasa Ehipto.

Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto

Ang salitang "ikalimang bahagi" ay hating-bilang

Genesis 41:35

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Hayaan silang tipunin

"Hayaan ang mga tagapangasiwa na mag-tipon"

mag-imbak

"imbak" o "ipon"

Hayaan silang bantayan ito

Ang mangyayari ay ang mga tagapangasiwa ay may sundalo na magbabantay sa mga butil. Maaaring isalin na: "Hayaan ang tagapangasiwa na magtalaga ng sundalo doon na magbabantay sa mga butil"

Ang pagkain ay maging panustos

"ang pagkain ay tinipon"

hindi mawawasak dahil sa taggutom

Ang mga tao at mga hayop ay hindi na mamamatay sa gutom bunga ng paparating na kakulangan ng ani.

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy sa pagpapayo si Jose kay Paraon.

ng mga mabubuting taong paparating

Ito ay tumutukoy sa mga taon na sila ay para bang maglalakbay at dumating sa isang lugar. Maaaring isalin na: "sa panahon ng mabubuting taon na hindi magtatagal ay mangyayari na"

Hayaan silang mag-imbak ng mga butil sa ilalim ng kapangyarihan ni Paraon para sa pagkain sa mga siyudad

Ang pariralang "ilalim ng kapangyarihan ni Paraon" ay nangangahulugan na binigyan sila ng kapangyarihan ni Paraon. Maaaring isalin na: "Bigyan sila ng kapangyarihan na mag-imbak ng mga butil para sa pagkain ng mga siyudad"

Ang pagkain ay maging panustos para sa lupainDito ang "lupain" ay tumutukoy sa mga tao.

Maaaring isalin na: "Ang mga pagkaing ito ay para sa mga tao" Sa ganitong paraan ang lupain ay hindi

Sa ganitong paraan ang lupain ay hindi mawawasak dahil sa taggutom

Dito ang "lupain" ay tumutukoy sa mga tao. Ito ay maaaring ihayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Sa pamamagitan nito ang mga tao ay hindi na magugutom sa panahon ng taggutom"

Genesis 41:37

Ang payong ito ay mabuti sa mata ni Paraon at sa mga mata ng lahat ng kaniyang mga lingkod

Dito ang "mata" ay kumakatawan sa mga pag-iisip at opinyon ng tao. Maaaring isalin na: "Naisip ni Paraon at ng kaniyang mga lingkod na ito ay magandang plano"

sa mga mata ng

"sa mga opinyon ng"

Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod

"Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga pinuno"

ng ganitong tao

"taong katulad ng inilalarawan ni Jose"

na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos

"na kung saan naninirahan ang Espiritu ng Diyos"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

kaniyang mga lingkod

ito ay nangangahulugan na mga pinuno ni Paraon.

Genesis 41:39

wala ng ibang marunong at matalinong tulad mo

Tingnan kung paano mo isinalin ang "marunong makakita ng kaibahan" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/33]].

Mangingibabaw ka sa aking bahay

Dito ang "bahay" ay kumakatawan sa palasyo ni Paraon at sa mga tao sa kaniyang palasyo. Ang salitang "mangibabaw" ay nangangahulugan na may kapangyarihan si Jose sa lahat. Maaaring isalin na: "Ikaw ang mamamahala sa bawat isa sa aking palasyo"

ayon sa salita mo ang lahat ng tauhan ko ay pamamahalaan

Dito ang "salita" ay tumutukoy sa utos o kung ano ang sinabi. Ito ay maaaring ihayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "mamamahala ka sa aking buong mamamayan at gagawin nila kung anong utos mo"

Tanging sa trono

Dito ang "trono" ay kumakatawan para sa pamumuno ni Paraon bilang hari. Maaaring isalin na: "Tanging sa tungkulin ko bilang hari"

Tingnan mo, inilagay kita

Ang salitang "tingnan mo" ay nagbibigay-diin sa susunod na sasabihin ni Paraon. Maaaring isalin na: "Tingnan mo, inilagay kita"

inilagay kita sa itaas ng buong lupain

"Binigyan kita ng kapangyarihan sa aking buong kaharian"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto

Ang pariralang "inilagay kita sa itaas" ay nangangahulugan na magbigay ng kapangyarihan. Dito ang "lupain" ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: "Inilagay kitang mamamahala sa bawat isa sa Ehipto"

Genesis 41:42

Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak...at nilagay niya ito sa kamay ni Jose

Ipinagkaloob kay Jose ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan na tuparin ang mga planong inilahad niya kay Paraon habang nasa kaniya ang singsing na pantatak ni Paraon.

damit na pinong lino

"Lino" ay isang pino at matibay na damit na gawa sa halamang may asul na bulaklak.

Pinasakay niya siya sa ikalawang karo na pag-aari niya

Sa kaganapang ito ay naging malinaw sa mga tao na si Jose ay pumapangalawa lamang kay Paraon.

Ibaluktot ang tuhod

"Yumukod at parangalan si Jose." Ang pagluhod ng mga tuhod at pagyuko ay isang tanda ng parangal at paggalang.

Nilagay siya ni Paraon sa itaas ng lupain

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/39]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing...gintong kuwentas sa kaniyang leeg.

Lahat ng mga gawaing ito ay tanda na binibigyan ni Paraon si Jose ng kapangyarihan na gawin ang lahat na pinaplano ni Jose.

singsing na pantatak

Ang singsing na ito ay may tatak ni Paraon na nakaukit dito. Ito ang nagbibigay ng kapangyarihan at kayamanan na kailangan ni Jose upang ipatupad ang kaniyang mga plano.

Genesis 41:44

Zaphenath Paneah

Maaaring idagdag ng mga tagasalin ang mga sumusunod na talababa: Ang pangalan na Zaphenath Paneah ay nangangahulugan na "naghahayag ng mga lihim."

Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa

Ang mga pari sa Ehipto ang may pinakamataas at piniling pangkat. Ang kasal na ito ay nagpapahiwatig ng karangalan at pabor.

Binigay niya si Asenat

"Asenat" ay ang pangalan ng babaeng ibinigay ni Paraon kay Jose bilang kaniyang asawa.

anak na babae ni Potifera

"Potifera" ay ang pangalan ng ama ni Asenat.

pari ng On

On ay isang siyudad, tinatawag ding Heliopolis, na "Ang Siyudad ng Araw" at ang sentro ng pagsasamba sa diyos na araw na si Ra.

Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto

Ang basal na pangngalan

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Ako si Paraon at maliban sa iyo

Si Paraon ay nagbibigay-diin sa kaniyang kapangyarihan. Maaaring isalin sa: "Bilang si Paraon, inuutasan ko na bukod sa iyo"

maliban sa iyo, walang taong magtataas ng kaniyang kamay o kaniyang paa sa lahat ng lupain ng Ehipto

Dito ang "kamay" at "paa" ay kumakatawan sa galaw ng tao. Maaaring isalin sa: "walang tao sa Ehipto ang gagawa na wala ang iyong pahintulot" o "Dapat humingi ng pahintulot ang bawat tao sa Ehipto bago sila gumawa ng kahit na ano"

walang taong

Dito ang "tao" ay tumutukoy sa kahit sinong tao sa pangkalahatan, lalaki man o babae.

Genesis 41:46

nang tumayo siya sa harap ni Paraon

Dito ang "nakatayo sa harap" ay kumakatawan kay Jose na nagsisimulang maglingkod kay Paraon. Maaaring isalin na: "Nang nagsimula siyang maglingkod kay Paraon"

ang lupain ay nagbigay ng masagana

"ang lupain ay umani ng malaking ani"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

tatlumpung taong gulang

"30 taong gulang"

pumunta sa buong lupain ng Ehipto

Siniyasat ni Jose ang bayan habang naghahanda siyang ipatupad ang kaniyang mga plano.

Sa pitong saganang taon

"Sa panahon ng pitong mga mabubuting taon"

Genesis 41:48

Tinipon niya

"Tinipon ni Jose"

Inimbak ni Jose ang mga butil na katulad ng buhangin ng dagat

Ito ay naghahambing sa butil na parang buhangin ng dagat upang magbigay-diin sa malaking bilang nito. Maaaring isalin na: "Ang butil na inimbak ni Jose ay kasindami ng buhangin sa tabing-dagat"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Tinipon niya...Inilagay niya

Dito ang "Niya" ay kumakatawan sa mga lingkod ni Jose. Maaaring isalin na: "Inutusan ni Jose ang kaniyang mga lingkod para mag-imbak...Inilagay nila"

Inimbak ni Jose...tumigil na siya

Dito ang "Jose" at "siya" ay kumakatawan sa mga lingkod ni Jose. Maaaring isalin na: "Nag-imbak ang mga lingkod ni Jose...tumigil sila"

Genesis 41:50

Asenat

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/44]].

anak na babae ni Potifera

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/44]].

pari ng On

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/41/44]].

sambahayan ng aking ama

Ito ay tumutukoy sa ama ni Jose na si Jacob at kaniyang pamilya.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

bago dumating ang taon ng taggutom

Ito ay tumutukoy tungkol sa mga taon na parang ang mga ito ay naglalakbay at dumating sa isang lugar. Maaaring isalin na: "bago magsimula ang taon ng taggutom"

Manasseh

Maaaring magdagdag ang mga tagasalin ng talababa na nagsasabing, "Ang pangalang 'Manasseh' ay nangangahulugang "idulot na makalimutan."'

Ephraim

Maaaring magdagdag ang mga tagasalin ng talababa na nagsasabing, "Ang pangalang 'Ephraim' ay nangangahulugang 'maging mabunga' o 'magkaanak.'"

ginawa akong mabunga

Dito ang "mabunga" ay nangangahulugang matagumpay o magkaanak.

sa lupain ng aking dalamhati

Ang basal na pangngalan

Genesis 41:53

sa lahat ng mga lupain

Sa lahat ng nakapalibot na bayan sa ibayo ng Ehipto, kasama ang lupain ng Canaan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.

Ito ay nangangahulugang mayroong pagkain dahil inutusan ni Jose ang kaniyang mga tao na mag-imbak ng pagkain sa panahon ng pitong mabubuting taon.

Genesis 41:55

Nang ang buong lupain ng Ehipto ay gutom na gutom na

Dito ang "lupain" ay kumakatawan sa mga tao. Maaaring isalin na: "Nang ang lahat ng mga taga-Ehipto ay nagutom"

Ang taggutom ay nasa lahat ng mukha sa buong lupain

Ang salitang "mukha" at tumutukoy sa ibabaw ng lupain. Maaaring isalin na: "Ang taggutom ay lumaganap sa buong lupain"

kamalig

Mga gusali na kung saan iniimbak ang mga butil para gamitin sa darating na panahon

matindi

napakalupit

Ang buong mundo ay dumating sa Ehipto

"Dito ang "mundo" ay kumakatawan sa mga taong galing sa ibang rehiyon. Maaaring isalin na: "Ang mga tao ay nagsidatingan sa Ehipto mula sa lahat na kalapit na mga rehiyon"

sa buong mundo

"buong lupain." Ito ay maaaring ang lahat ng iba't ibang kasama sa kalakalan at mga bayan na bahagi ng mga ruta ng kalakalan ng taga-Ehipto ay napinsala ng tagtuyot at dumating sa Ehipto para sa butil.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/41]]

Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto

Dito ang "Jose" ay kumakatawan sa mga lingkod ni Jose. Maaaring isalin na: "Pinabuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at ipinagbili ang mga butil sa mga taga-Ehipto"


Chapter 42

1 Ngayon, napagalaman ni Jacob na may butil sa Ehipto. Sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, "Bakit kayo nakatingin sa isa't isa?" 2 Sinabi niya, "Tingnan niyo ito, narinig kong mayroong butil sa Ehipto. Bumaba kayo doon at bumili para sa atin mula doon para tayo ay mabuhay at hindi mamatay." 3 Ang sampung lalaking kapatid ni Jose ay bumaba para bumili ng butil mula sa Ehipto. 4 Ngunit si Benjamin, na kapatid ni Jose, ay hindi ipinasama ni Jacob sa kaniyang mga lalaking kapatid, dahil sinabi niya, "Baka may kapahamakang maaaring mangyari sa kanya." 5 Ang mga lalaking anak ni Israel ay dumating para bumili kasama ng mga dumating, dahil ang taggutom ay nasa lupain ng Canaan. 6 Ngayon si Jose ang gobernador sa buong lupain. Siya ang nagbebenta sa lahat ng tao sa lupain. Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose at nagpatirapa sila sa kanyang harapan. 7 Nakita ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid at nakilala niya ang mga ito, ngunit nagpanggap siya sa kanila at nagsalita ng marahas sa kanila. Sinabi niya sa kanila, "Saan kayo nanggaling?" Sinabi nila, "Mula po sa lupain ng Canaan para bumili ng pagkain." 8 Nakilala ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid ngunit siya ay hindi nila nakilala. 9 Naalala ni Jose ang mga naging panaginip niya patungkol sa kanila. Sinabi niya sa kanila, "Kayo ay mga ispiya. Dumayo kayo para tingnan ang mga bahagi ng lupain na hindi nababantayan." 10 Sinabi nila sa kanya, "Hindi po, aking panginoon. Ang inyong mga lingkod ay dumating para bumili ng pagkain. 11 Kaming lahat ay mga lalaking anak ng iisang tao. Kami ay tapat na mga lalaki. Ang mga lingkod po ninyo ay hindi mga ispiya." 12 Sinabi niya sa kanila, "Hindi, kayo ay dumating para tingnan ang mga hindi nababantayang mga bahagi ng lupain. 13 Sinabi nila, "Kami na iyong mga lingkod ay labindalawang magkakapatid na lalaki, mga anak ng isang tao sa lupain ng Canaan. Makikita ninyo, ang bunso ngayong araw ay kapiling ng aming ama, at isang kapatid na lalaki ay hindi na nabubuhay." 14 Sinabi ni Jose sa kanila. "Iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo; kayo'y mga ispiya. 15 Sa pamamagitan nito kayo ay masusubok. Sa pamamagitan ng buhay ni Paraon, hindi kayo aalis dito, maliban na lang kung pupunta rito ang bunso ninyong kapatid na lalaki 16 Ipadala ninyo ang isa sa inyo at hayaan ninyong kunin niya ang inyong kapatid. Mananatili kayo sa kulungan, upang masubukan ang inyong mga salita, kung mayroon bang katotohanan sa inyo, o sa buhay ni Paraon tiyak na mga ispiya kayo." 17 Silang lahat ay isinailalim niya sa pagkakabilanggo sa loob ng tatlong araw. 18 Sinabi sa kanila ni Jose sa ikatlong araw. "Gawin ninyo ito at mabuhay, dahil takot ako sa Diyos. 19 Kung kayo ay mga lalaking tapat, hayaan ang isa sa inyong mga lalaking kapatid na makulong sa bilangguang ito, ngunit pumunta kayo, magdala kayo ng butil para sa taggutom ng inyong mga tahanan. 20 Dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid na lalaki sa akin para ang inyong salita ay mapatunayan at hindi kayo mamamatay." Kaya ginawa nga nila ito. 21 Sinabi nila sa isa't-isa, "Tayo ay tunay na nagkasala tungkol sa ating lalaking kapatid dahil nakita natin ang paghihinagpis ng kanyang kaluluwa nang siya ay magmakaawa sa atin at hindi tayo nakinig. Dahil doon ang kabalisahan ay dinaranas natin." 22 Sinagot sila ni Reuben, "Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala laban sa bata,' ngunit hindi kayo nakinig? Tingnan ninyo ngayon, ang kanyang dugo ay hinihingi sa atin." 23 Hindi nila alam na naiintindihan sila ni Jose, dahil may isang tagapagsalin na namamagitan sa kanila. 24 Siya ay tumalikod sa kanila at nanangis. Bumalik siya at nagsalita sa kanila. Kinuha niya si Simeon mula sa piling nila at iginapos siya habang sila ay nakatingin. 25 Pagkatapos ay inutusan ni Jose ang kanyang mga lingkod na punuin ng butil ang mga bayong ng kaniyang mga kapatid, at ilagay ang pera ng bawat lalaki pabalik sa kanilang mga sako, at bigyan sila ng mga kakailanganin para sa paglalakbay. Ginawa ito para sa kanila. 26 Pinasanan ng mga magkakapatid ng butil ang kanilang mga asno at sila'y umalis na roon. 27 Habang ang isa sa kanila ay nagbubukas ng kanyang sako para ipakain sa kanyang asno sa isang lugar-panuluyan, nakita niya ang kanyang pera. At narito, nasa bukana ito ng kanyang sako. 28 Sinabi niya sa kanyang mga lalaking kapatid, "Ang aking salapi ay naibalik sa akin. Tingnan ninyo itong nasa aking sako." At ang kanilang mga puso ay nangabagabag at ang lahat ay nanginig. Sinabi nila, "Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?" 29 Pumunta sila kay Jacob, na kanilang ama sa lupain ng Canaan at sinabi nila ang lahat ng nangyari sa kanila. Sinabi nila, 30 "Ang lalaking panginoon ng lupain ay marahas na nagsalita sa amin at inisip niyang kami ay mga tiktik sa lupain. 31 Sinabi namin sa kanya, 'Kami po ay mga lalaking tapat. Hindi po kami mga tikitk. 32 Kami po ay labindalawang magkakapatid, mga lalaking anak ng aming ama. Ang isa ay hindi na po nabubuhay, at ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw sa lupain ng Canaan.' 33 Sinabi sa amin ng lalaking panginoon ng lupain, 'Sa pamamagitan nito malalaman ko na kayo ay mga lalaking tapat. Iwan ninyo sa akin ang isa sa inyong kapatid na lalaki, kumuha kayo ng butil para sa tag-gutom sa inyong mga tahanan, at humayo na kayo sa inyong daan. 34 Dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid sa akin. Pagkatapos nito ay malalaman ko na hindi nga kayo mga tiktik, ngunit mga taong tapat. Pagkatapos ay papalayain ko ang inyong lalaking kapatid, at maaari na kayong mangalakal sa lupain." 35 Dumating ang panahon habang inaalis nila ang laman ng kanilang mga sako, at narito nga, ang mga lalagyan ng pilak ng bawat isa ay nasa kanilang sako. Nang makita nila at ng kanilang ama ang mga lalagyan ng pilak, sila ay natakot. 36 Sinabi sa kanila ni Jacob na kanilang ama sa, "Inialis ninyo sa akin ang aking mga anak. Hindi na nabubuhay si Jose, si Simeon ay wala na, at kukunin pa ninyo si Benjamin palayo. Lahat ng ito ay laban sa akin." 37 Si Reuben ay nagsalita sa kanyang ama, na nagsasabing. "Maaari mong patayin ang dalawa kong anak kung hindi ko maibalik sa iyo si Benjamin. Ilagay mo siya sa aking mga kamay, at muli ko siyang dadalhin sa iyo." 38 Sinabi ni Jacob, "Ang aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo. Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan. Kapag may kapahamakang nangyari sa kanya sa daan kung saan kayo pupunta, tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol."



Genesis 42:1

Napagalaman ni Jacob ngayon

Ang salitang "ngayon" ay nagmamarka ng bagong bahagi ng kwento.

Bakit kayo nakatingin sa isa't isa?

Gumamit si Jacob ng tanong para sisihin ang kaniyang mga anak na lalaki sa hindi nila pagkilos patungkol sa mga butil. Maaring isalin na: "Huwag kayong basta nalang umupo rito!"

Baka may kapahamakang mangyari sa kanya

Si Benjamin ang pinakabatang anak na lalaki ni Jacob mula kay Raquel na minahal niya. Maaring isalin na: "Baka may masamang bagay na mangyari sa kanya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Bumaba kayo doon...bumaba

Karaniwang sinasabi na ang pagpunta mula Canaan patungong Ehipto ay pagpunta "pababa."

mula Ehipto

Dito ang "Ehipto" ay tumutukoy sa mga taong nagbebenta ng mga butil. Maaring isalin na: "mula doon sa mga nagbebenta ng butil sa Ehipto"

si Benjamin, na kapatid ni Jose, ay hindi ipinadala

Si Benjamin at Jose ay pareho ang ama at ina. Ayaw ipagsapalaran ni Jacob ang pagpapadala sa huling anak na lalaki ni Raquel.

Baka may kapahamakang mangyari sa kanya

"Dahil sinabi niya, 'maaaring may mangyaring masama sa kanya.'" Ito ay maaaring ipahayag billang di-direktang pagtukoy. Maaring isalin na: "dahil siya ay nag-aalala na baka may masamang mangyari kay Benjamin"

Genesis 42:5

Ang mga anak na lalaki ni Israel ay dumating

May dalawang posibleng mga ibig sabihin 1) ang pagsasalaysay ay nahinto sa simula ng b. 5 at sinabi mula sa pananaw ng nasa Ehipto (ULB) o 2) ang pagsasalaysay ay nahinto pagkatapos ng b. 5 at sinabi mula sa pananaw ng nasa Canaan (UDB).

Ang mga anak na lalaki ni Israel ay dumating para bumili kasama ng mga dumating

Ang salitang "dumating" ay maaaring maisalin sa "pumunta." Pati rin, ang mga salitang "butil" at "Ehipto" ay naiintindihan. Maaring isalin na: "Ang mga anak na lalaki ni Israel ay pumunta para bumili ng butil kasama ng ibang mga tao na nagpunta sa Ehipto"

Ngayon si Jose

Ang "Ngayon" ay nagmamarka ng pagbabago mula sa kwento papunta sa nakaraang batayan patungkol kay Jose.

sa buong lupain

Dito ang "lupain" ay tumutukoy sa Ehipto. Maaring isalin na: "buong Ehipto"

lahat ng tao sa lupain

Dito kapag sinabing "lupain" kabilang dito ang Ehipto at iba pang nakapaligid na bansa. Maaring isalin na: "lahat ng mga tao ng lahat ng mga nasyon na dumating para bumili ng butil"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Dumating ang mga kapatid ni Jose

Dito ang "dumating" ay maaaring isalin bilang "pumunta."

nagpatirapa sila sa kanyang harapan

Ito ay pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang.

Genesis 42:7

Nakita ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid at nakilala niya ang mga ito

"Nang makita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, nakilala niya sila."

nagpanggap siya sa kanila

"siya ay umaktong parang hindi siya ang kapatid nila" o "hindi niya hinayaang malaman nila na siya ang kapatid nila"

Saan kayo nanggaling?

Ito ay hindi isang retorikang tanong kahit na alam ni Jose ang sagot. Parte iyon ng kaniyang pagpiling itago ang kaniyang pagkakakilanlan mula sa kaniyang mga kapatid na lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Genesis 42:9

ang mga panaginip na meron siya

Tingnan kung paano mo isinalin ang kaparehong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/37/05]].

Kayo ay mga ispiya

Ang mga ispiya ay mga taong palihim na sumusubok na kumuha ng impormasyon tungkol sa isang bansa para tumulong sa iba namang bansa.

Dumayo kayo para tingnan ang mga bahagi ng lupain na hindi nababantayan

Ang kabuuang ibig sabihin ay maaaring maipahayag ng malinaw. Maaring isalin na: "Dumating kayo para malaman kung saan kami hindi nagbabantay sa aming lupain para salakayin ninyo kami"

aking panginoon

Ito ay isang paraan para tukuyin ang sinuman para igalang sila.

ang inyong mga lingkod

Ang mga kapatid na lalaki ay tinutukoy ang kanilang mga sarili bilang "mga lingkod." Ito ay isang pormal na paraan ng pakikipagusap sa isang taong may higit na dakilang kapangyarihan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Ang mga lingkod mo ay

Tinutukoy ng mga kapatid na lalaki ang kanilang sarili bilang "mga lingkod." Ito ay isang pormal na paraan ng pakikipag-usap sa isang taong may higit na dakilang kapangyarihan. Maaring isalin na: "Kami, ang mga lingkod mo ay, may" o "Kami ay mayroong"

Genesis 42:12

Sinabi niya sa kanila

"Sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid na lalaki"

Hindi, kayo ay dumating para tingnan ang mga hindi nababantayang bahagi ng lupain

"Hindi, dumating kayo para malaman kung saan hindi namin ginagwardiyahan ang aming lupain"

labindalawang magkakapatid na lalaki

"12 magkakapatid na lalaki"

ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw,

"sa pagkakataong ito ang aming bunsong kapatid na lalaki ay kasama ang aming ama"

ang isa naming kapatid na lalaki ay hindi na nabubuhay

"at isang kapatid na lalaki ay hindi na buhay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Hindi, kayo ay dumating para tingnan ang mga hindi nababantayang bahagi ng lupain

Ang buong ibig sabihin ay maaaring maipahayag ng malinaw. Maaring isalin na: "Hindi, dumating kayo para malaman kung saan hindi namin ginagwardiyahan ang aming lupain"

Tingnan ninyo, ang bunso

Ang salitang "tingnan ninyo" ay ginagamit para bigyang-diin kung ano ang susunod nilang sasabihin. Maaring isalin na: "Makinig kayo sa amin, ang bunso"

Genesis 42:14

Iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo; kayo'y mga ispiya

"Katulad nga ng sinabi ko, kayo ay mga tiktik." Tingnan kung paano mo isinalin ang "tiktik" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/42/09]].

Sa pamamagitan nito kayo ay masusubok

Ito ay maaaring maipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Ganito ko kayo susubukin"

sa buhay ni Paraon

Ang pariralang ito ay nagpapahiwatig ng isang taimtim na panunumpa. Maaring isalin na: "Ako ay sumusumpa sa buhay ni Paraon"

Ipadala ninyo ang isa sa inyo at hayaan niyong kunin niya ang inyong kapatid

"Mamili kayo ng isa sa inyo para magtungo at kunin ang inyong kapatid na lalaki"

Kayo ay mananatili sa kulungan, para masubukan ang inyong mga salita

Maaring isalin na: "Ilalagay ko ang natira sa inyo sa kulungan ng sa ganun malaman ko kung nagsasabi kayo ng totoo."

o kung hindi man sa buhay ni Paraon siguradong kayo ay mga tiktik

"Kung hindi, sa buhay ni Paraon, siguradong kayo ay mga tiktik"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Mananatili kayo sa kulungan

"Ang iba sa inyo ay mananatili sa kulungan"

para masubukan ang inyong mga salita, kung may katotohanan nga sa inyo

Dito ang "mga salita" ay naninindigan sa kung ano ang nasabi. Ito ay maaaring maipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "ng sa ganoon ay malaman ko kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan"

sa pagkakabilanggo

"Sa kulungan" (UDB)

Genesis 42:18

Gawin ninyo ito at kayo ay mabubuhay

Ang naiintindihang impromasyong ito ay pwedeng maipahayag ng malinaw. Maaring isalin na: "Kung gagawin mo ang sasabihin ko, hahayaan kitang mabuhay"

takot

Ito ay tumutukoy sa malalim na paggalang sa Diyos at pagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniya.

hayaan ninyong isa sa inyong kapatid na lalaki na makulong sa bilangguan na ito

Ito ay maaaring maipahayag sa aktibong porma. Maaring isalin na: "iwan niyo ang isa sa inyong mga kapatid dito sa kulungan"

ngunit pumunta kayo

Ang "kayo" dito ay nangangahulugang marami ang kinakausap at tumutukoy sa lahat ng magkakapatid na lalake na hindi mananantili sa kulungan. Maaring isalin na: "ngunit ang natira sa inyo ay umalis"

magdala kayo ng trigo para sa taggutom ng inyong mga bahay

Dito ang "mga bahay" ay nangangahulugang pamilya. Maaring isalin na: "magdala kayo ng trigo sa bahay para makatulong sa inyong pamilya habang may taggutom"

para ang inyong salita ay mapatunayan

Dito ang "salita" ay naninidigan sakung ano ang nasabi. Ito ay maaaring maipahayag sa aktibong porma. Maaring isalin na: "para malaman ko na ang sinabi niyo ay totoo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

sa ikatlong araw

Ang salitang "ikatlo" ay isang ordinal na numero. Maaring isalin na: "pagkatapos ng ikalawang araw"

takot...sa Diyos

Ito ay tumutukoy sa malalim na paggalang sa Diyos at pagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya.

hindi kayo mamamatay

Ito ay nagpapahiwatig na ipapapatay sana ni Jose sa kaniyang mga sundalo ang magkakapatid na lalaki kung malalaman niyang sila ay mga ispiya.

Genesis 42:21

dahil nakita natin ang paghihinagpis ng kanyang kaluluwa

Ang salitang "kaluluwa" ay patungkol kay Jose. Maaring isalin na: "dahil nakita natin kung paanong naghinagpis si Jose" o "dahil nakita natin na si Jose ay nagdusa"

Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala sa bata,' ngunit hindi kayo nakinig?

Si Reuben ay gumamit ng tanong para pagsabihan ang kaniyang mga kapatid na lalaki. Maaring isalin na: "Sinabi ko sa inyong huwag saktan ang bata, ngunit ayaw ninyo makinig!"

ang kanyang dugo ay hinihingi sa atin

Dito ang "dugo" ay patungkol sa pagkamatay ni Jose. Inisip ng mga kapatid niyang lalaki na siya ay namatay na. Ang pariralang "ay hinihingi sa atin" ay nangangahulugang sila ay kinakailangang parusahan dahil sa kanilang nagawa. Maaring isalin na: "natatanggap natin kung ano ang karapat-dapat dahil sa kaniyang kamatayan" o "tayo ay nagdudusa sa pagkakapatay sa kaniya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Dahil doon ang kabalisahan ay dumating sa atin

Ang basal na pangngalan na "kabalisahan" ay maaaring maipahayag bilang pandiwang "pagdurusa." Maaring isalin na: "Iyan ang dahilan kung bakit tayo ay nagdurusa ng katulad ng nangyayari ngayon"

"Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala sa bata

Ito ay isang pag-uulit sa sinabi sa loob ng isang pag-uulit sinabi. Maaari itong maipahayag sa di-direktang pag-ulit ng sinabi. Maaring isalin na: "Hindi ko ba sinabi sa inyo na huwag magkasala sa bata" o "Sinabi ko sa inyong huwag saktan ang bata"

Tingnan ninyo ngayon

Dito ang "ngayon" ay hindi nangangahulugang "sa kasalukuyan," ngunit ang "ngayon" at "tingnan" ay parehong ginamit para kumuha ng atensyon para sa importanteng punto na susunod.

Genesis 42:23

isang tagapagsalin

Ang "tagapagsalin" ay ang nagsasalin ng mga sinasabi ng isang tao patungo sa ibang wika. Si Jose ay naglagay ng tagapagsalin sa pagitan niya at ng kanyang mga kapatid para magmistulang hindi siya nagsasalita ng kanilang wika.

nakipagusap sa kanila

Si Jose ay nananatiling nagsasalita gamit ang ibang wika at ginagamit ang tagapagsalin sa pakikipagusap sa kaniyang mga kapatid.

iginapos siya sa tapat ng kanilang mga mata.

Dito ang "mata" ay tumutukoy sa kanilang paningin. Maaring isalin na: "iginapos siya sa kanilang paningin" o "iginapos siya habang sila ay nakatingin"

bigyan sila ng kakailanganin

"ibigay sa kanila ang mga suplay na kakailanganin nila"

Ito ay ginawa para sa kanila.

Ito ay maaaring maipahayag sa aktibong pamamaraan. Maaring isalin na: "Ginawa lahat ng mga lingkod para sa kanila ang mga iniutos ni Jose"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Hindi nila alam...tagapagsalin na namamagitan sa kanila

Dito nagbago mula sa pangunahing linya ng kwento patungo sa palibot na impormasyon na nagpapaliwanag kung bakit naisip ng mga kapatid ni Jose na hindi niya sila maintindihan.

Siya ay tumalikod sa kanila at nanangis

Malinaw na si Jose ay nanangis dahil siya ay emosyonal pagkatapos na marinig ang sinabi ng kaniyang mga kapatid.

Genesis 42:26

Habang ang isa sa kanila ay nagbubukas ng kanyang sako para ipakain sa kanyang asno sa isang lugar-panuluyan, nakita niya ang kanyang pera. At narito, nasa bukana ito ng kanyang sako

"Nang sila ay huminto sa isang lugar para magpalipas ng gabi, isa sa mga magkakapatid ang nagbukas ng kaniyang sako para kumuha ng pagkain para sa kaniyang asno. Sa loob ng sako nakita niya ang kaniyang pera!"

At narito

Ang salitang "At narito" dito ay nagaalerto sa atin na magbigay ng atensyon sa mga sususnod nanakakagulat na impormasyon.

Ang aking salapi ay naibalik sa akin

Ito ay maaaring maipahayag sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "May nagbalik sa akin ng pera ko"

Tingnan ninyo itong

"Tingnan mo ang aking sako!"

ang kanilang mga puso ay nangabagabag

Ang pagiging takot ay sinasabi dito na para bang ang kanilang puso ay lumulubog. Dito ang "puso" tumatayong bilang katapangan. Maaring isalin na: "At sila ay naging sobrang takot" (Tingnan sa: at

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Genesis 42:29

marahas na nagsalita

"masakit na nagsalita"

kami ay mga tiktik

Tingnan kung paano mo isinalin ang "tikitik" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/42/09]].

Ang isa ay hindi na nabubuhay

Ang salitang "kapatid na lalaki" ay naiintindihan. Maaring isalin na: "Isang kapatid na lalaki ay hindi na nabubuhay

at ang bunso...ngayong araw

"at ang bunsong kapatid na lalaki ngayon ay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

panginoon ng lupain

"panginoon ng Ehipto"

Sinabi namin sa kanya, 'Kami ay mga lalaking tapat. Hindi kami mga tiktik. Kami ay labindalawang magkakapatid, mga anak na lalaki ng aming ama. Ang isa ay hindi na nabubuhay, at ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw sa....lupain ng Canaan.'

Ito ay mayroong inulit na sinabi sa loob ng inulit na sinabi. Ito ay maaaring maipahayag bilang isang di-direktang inulit na sinabi. Maaring isalin na: "Sinabi namin sa kaniya na kami ay mga tapat na tao at hindi mga tiktik. Sinabi namin na kami ay labindalawang magkakapatid, mga anak na lalaki ng aming ama, at ang isang kapatid ay hindi na nabubuhay...lupain ng Canaan."

ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw

Ang salitang "kapatid na lalaki" ay naiintindihan. Maaring isalin na: "ang bunsong kapatid na lalaki ay kasama ng aming ama ngayon"

Genesis 42:33

kumuha kayo ng butil para sa taggutom sa inyong mga tahanan

Dito ang "mga tahanan" ay patungkol sa "pamilya." Maaring isalin na: "kumuha kayo ng butil para makatulong sa inyong pamilya sa taggutom"

humayo na kayo sa inyong daan

"umuwi" o "umalis"

at maaari na kayong mangalakal sa lupain

"at papayagan ko kayong magbenta at bumili sa lupain"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

panginoon ng lupain

"panginoon ng Ehipto"

Genesis 42:35

Dumating ang panahon

Ang pariralang ito ay ginamit dito para magbigay tanda sa mahalagang pangyayari sa kwento. Kung ang iyong wika ay may paraan para gawin ito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito.

narito

Ang salitang "narito" dito ay nagpapakitang ang mga magkakapatid ay nagulat sa kanilang nakita. Maaring isalin na: "sa kanilang pagkagulat"

bigkis ng pera

"Lalagyan ng pilak na barya"

natakot

Ito ay tumutukoy sa hindi kanaisnais na pakiramdam na mayroon ang isang tao kapag mayroong banta ng panganib sa kaniyang sarili at sa iba.

Inialis ninyo sa akin ang aking mga anak

"Ipinagkait ninyo sa aking ang aking mga anak" o "idinulot ninyo sa akin na mawala ang dalawa sa aking mga anak"

Lahat ng ito ay laban sa akin

"Lahat ng bagay na ito ay nakasasakit sa akin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Genesis 42:37

Ilagay mo siya sa ilalim ng aking kapangyarihan

Maaring isalin na: "Ilagay mo siya sa pangangalaga ko."

aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo

Kadalasang ginagamit ang pariralang "pupunta pababa" kapag nagsasabing maglalakbay mula Canaan patungong Ehipto. Maaring isalin na: "Ang aking anak, si Benjamin, ay hindi sasama sa inyo patungong Egipto"

Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan

Ang buong ibig sabihin ay maaaring gawing malinaw. Maaring isalin na: "Dahil ang asawa ko, si Raquel, ay mayroon lamang dalawang anak. Si Jose ay patay na at si Benjamin na lamang ang nagiisang naiwan"

tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol

Ang "ibababa...sa sheol" ay paraan ng pagsasabing sila makapagdudulot sa kaniya na mamatay at magtungo sa sheol. Ginamit niya ang salitang "ibababa" dahil kadalasang pinaniniwalaan na ang sheol ay nasa ilalaim ng lupa. Maaring isalin na: "at maidudulot niyo sa akin, isang matanda, na mamatay sa pagdalamhati"

ibababa...sa sheol

Ito ay ibang pamamaraan ng pagsasabing "pahintulutang mamatay." Maaring isalin na: '"at maidudulot niyo sa akin, isang matanda, na mamatay sa pagdalamhati."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/42]]

Ilagay mo siya sa aking mga kamay,

Ito ay isang kahilingan para kay Reuben para dalhin si Jose kasama niya at alagaan siya sa paglalakbay. Maaring isalin na: "Ilagay mo siya sa pangangalaga ko" o "Hayaan mo akong alagaan siya"

kasama ninyo

Dito ang "kasama ninyo" ay pang maramihan at tumutukoy sa mga nakatatandang anak ni Jacob.

sa daan kung saan kayo pupunta

Dito ang "daan" ay nangangahulugang paglalakbay. Maaring isalin na: "habang kayo ay naglalakbay patungong Egipto at pabalik" o "habang kayo ay nasa malayo"

pagka-abo ng aking buhok

Ito ay patungkol kay Jacob at binibigyang-diin ang kaniyang katandaan. Maaring isalin na: "ako, isang matanda"


Chapter 43

1 Matindi na ang taggutom sa lupain. 2 Dumating ang panahon nang maubos na nilang kainin ang butil na kinuha nila mula sa Ehipto, sinabi ng kanilang ama, "Humayo kayong muli at bumili ng pagkain natin. 3 Sinabi sa kanya ni Juda "Mahigpit kaming binalaan ng lalaki, 'Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang iyong kapatid. 4 Kung hahayaan mong isama namin ang aming kapatid, bababa kami at bibili ng pagkain para sa iyo. 5 Ngunit kung hindi mo siya ipapasama, hindi kami bababa. Dahil sinabi ng lalaki sa amin, "Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang inyong kapatid. 6 Sinabi ni Israel, "Bakit mo ako pinakikitunguhan ng masama sa pamamagitan ng pagsasabi sa taong iyon na meron pa kayong isang kapatid?" 7 Sinabi nila, "Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, "Dalhin mo dito ang iyong kapatid?" 8 Sinabi ni Judah sa kanyang ama, "Ipadala mo ang batang lalaki sa amin. Tatayo kami at aalis upang mabuhay kami at hindi mamatay, kapwa kami, ikaw, at ang aming mga anak. 9 Ako ang mananagot sa kanya. Ako ang pananagutin mo. Kung hindi ko siya maibabalik sa iyo at maihaharap sa iyo hayaan mong ako ang masisi habang buhay. 10 Kung hindi kami maaantala, sigurado ngayon nakabalik na kami dito nang pangalawang beses". 11 Sinabi ng kanilang ama na si Israel, "Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra. 12 Doblehin ninyo ang perang dala ninyo. Ang perang naisuli mula sa pagbukas ng inyong mga sako, dalhin ninyo ulit sa inyong mga kamay. Baka isa lang itong pagkakamali. 13 Dalhin rin ang inyong kapatid na lalaki. Tumayo at pumunta kayo ulit sa taong iyon. 14 Nawa'y kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos sa harap ng taong iyon, upang palayain niya sa inyo ang iba niyong mga kapatid at si Benjamin. Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati. 15 At dinala ng mga lalaki ang regalong iyon. Kumuha sila ng dobleng salapi sa kanilang mga kamay at si Benjamin. Tumayo sila, pumunta pababa sa Ehipto, at tumayo sa harapan ni Jose. 16 Nang makita ni Jose na kasama nila si Benjamin, sinabi niya sa katiwala ng kanyang bahay, "Dalhin mo ang mga lalaki sa bahay, kumatay kayo ng hayop at ihanda ito, dahil ang mga lalaki ay kakain kasama ko ngayong tanghalian. 17 Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose. Dinala niya ang mga lalaki sa bahay ni Jose. 18 Natakot ang mga lalaki dahil sila ay dinala sa bahay ni Jose. Sinabi nila, "Ito ay dahil sa perang isinauli sa aming mga sako sa unang pagkakataon na pumunta kami dito, para makahanap siya ng pagkakataon laban sa amin. Maaari niya kaming hulihin at gawin lipin, at kunin ang aming mga asno. 19 Nilapitan nila ang katiwala ng bahay ni Jose, at siya ay kinausap nila sa may pintuan ng bahay, 20 sinabing, "Aking amo, noong unang pagkakataon na pumunta kami dito ay para bumili ng pagkain. 21 Nangyari na, nang makarating na kami sa lugar kung saan kami ay pansamantalang nakatira, na binuksan namin ang aming mga sako, at, tingnan, ang bawat pera ng tao ay nandoon sa bukasan ng kanilang sako, ang aming pera na sakto ang halaga. Ibinalik namin ito sa aming mga kamay. 22 Ang ibang pera ay dinala rin namin sa aming kamay para bumili ng pagkain. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng pera sa aming mga sako." 23 Sinabi ng katiwala, "Ang kapayapaan ay sumainyo, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos at ang Diyos ng inyong ama ang maaaring naglagay ng pera sa inyong mga sako. Natanggap ang iyong pera." Inilabas naman ng katiwala si Simeon sa kanila. 24 Dinala ng katiwala ang mga lalaki sa bahay ni Jose. Binigyan niya ito ng tubig, at hinugasan nila ang kanilang mga paa. Binigyan niya ng mga pagkain ang kanilang mga asno. 25 Inihanda nila ang mga regalo sa pagdating ni Jose sa tanghali, sapagkat narinig nila na sila ay kakain doon. 26 Nang dumating si Jose sa bahay, dinala nila ang mga regalo na nasa kamay nila doon sa bahay, at sila'y yumuko sa harapan niya sa sahig. 27 Tinanong niya sila tungkol sa kanilang kalagayan at nagsabing, "Mabuti ba ang kalagayan ng inyong ama, ang matanda na inyong binabanggit? Buhay pa ba siya?" 28 Sila ay nagsalita, "Ang iyong lingkod ang aming ama ay mabuti naman. Siya ay buhay pa." Sila ay dumapa at yumuko. 29 Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita si Benjamin ang kanyang kapatid na lalaki, ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing, "Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid mo na iyong binabanggit sa akin? Sinabi niya, "Ang Diyos ay maging maawain sa iyo, aking anak". 30 Nagmamadali si Jose na lumabas sa loob, dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid na lalaki. Naghanap siya ng lugar upang iyakan. Pumunta siya sa kanyang silid at doon umiyak. 31 Naghilamos siya at lumabas. Pinigilan niya ang kanyang sarili, na nagsasabing "Ihain na ang pagkain". 32 Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga taga-Ehipto. 33 Ang mga kapatid niya ay umupo sa tapat niya, ang panganay ayon sa kanyang karapatan, at ang pinaka bata ayon sa kanyang pagkabata. Ang mga lalaki ay sama-samang namangha. 34 Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya.



Genesis 43:1

Matindi na ang taggutom sa lupain

"Ang taggutom ay malala na sa lupain ng Canaan"

Dumating ang panahon

Ang parirala na ito ay ginagamit upang lagyan ng tanda ang pagsisimula ng bagong parte ng kwento. Kung ang iyong wika ay may ibang pamamaraan kung paanu ninyo ito gawin, maari ninyo itong gamitin dito.

nang maubos na nilang kainin

"Nang nakakain na si Jacob at ang kanyang pamilya"

na kinuha nila

"Mga matatandang anak na lalaki ni Jacob ang nagdala"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:3

Sinabi sa kanya ni Juda

"Sinabi ni Juda sa kanyang ama na si Jacob"

Mahigpit kaming binalaan

"Siya ay hindi nagbibiro ng pinagbalaan niya kami, sinabing"

kasama ninyo ang kapatid ninyo

Si Juda ay tumutukoy kay Benjamen, ang huling anak ni Raquel bago siya namatay.

Hindi ninyo makikita ang mukha ko

Ginamit ni Juda ang pariralang ito ng dalawang beses sa 43:3-5 para mabigyang-diin sa kanyang ama na hindi sila maaring bumalik sa Ehipto kung wala si Benjamin. Ang pariralang "aking mukha" ay tumutukoy sa isang tao, na si Jose. Maaring isalin na: "Hindi mo ako makikita."

sinabi ng lalaki

"Para sa lalaki na nangangasiwa sa lahat ng mga pagkaing ibinibenta.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:6

Bakit mo ako pinakikitunguhan nang napakasama sa pamamagitan ng pagsasabi sa taong iyon na meron pa kayong isang kapatid?

Gumamit ng patanong si Israel upang pagsabihan ang kanyang mga anak na lalaki. Maaring isalin na: "Hindi mo na sana sinabi sa lalaki na mayroon kapang ibang kapatid, at nagdulot ng lahat ng gulo sa akin!"

Nagtanong ang lalaki ng mga bagay

"ang lalaki ay maraming itinanong"

Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito

"Sinagot namin siya ng naaayon sa mga tanong niya"

Paano namin malalaman na sasabihin niyang, "Dalhin mo dito ang iyong kapatid?

Ang mga anak na lalaki ay gumamit ng patanong upang mabigyan diin. Maaring isalin na: "Hindi namin alam na sasabihin niya iyon na dalhin namin dito ang aming kapatid!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:8

Tatayo kami at aalis upang mabuhay kami at hindi mamatay, kapwa kami, ikaw, at ang aming mga anak

Maaring isalin na: "Aalis na kami ngayon sa Ehipto at kukuha ng mga butil upang ang aming pamilya ay mabuhay."

Ako ang mananagot sa kanya.

Maaring isalin na: "Ako ay nangangako na muli ko siyang ibabalik."

Ako ang papanagutin mo

Maaring isalin na: "Ako ang pananagutin mo kung ano ang mangyayari kay Benjamin."

ako ang masisi

"Maaari mo akung sisihin"

makakabalik kami sa pangalawang pagkakakataon

"Babalik kami sa pangalawang pagkakataon"

Kung hindi kami maaantala

Gusto ni Juda na ilarawan kung ano ang nangyari sa nakaraan ngunit hindi niya ito nagawa. Nagalit si Juda sa kanyang ama dahil sa paghihintay ng matagal na ipadala ang kanyang mga anak sa Ehipto upang kumuha ng pagkain.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:11

Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon

"Kung wala na tayong pagpipilian, gawin nalang natin"

balsamo...pabango at mirra

Tignan kung paano ninyo isinalin ang mga salitang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/37/25]].

pulot-pukyutan

Isang matamis na sangkap na gawa ng mga bubuyog

pili

Isang maliit, berdeng puno ng mani

almendra

Isang puno ng mani na may matamis na lasa.

dalhin niyo ulit sa inyong mga kamay

"Magdala ng dobleng pera sa inyong mga kamay"

Ang perang naisuli mula sa pagbukas ng inyong mga sako, dalhin niyo ulit sa inyong mga kamay.

"Ibalik sa Ehipto ang perang nakita ninyo sa loob ng sako"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:13

Dalhin ninyo rin ang inyong kapatid

"Dalhin rin ninyo si Benjamin"

pumunta kayo ulit

"Bumalik"

iba niyong mga kapatid

"Simeon"

Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati

"Kung mawawalan ako ng mga anak, mawawalan na talaga ako ng mga anak." Ang ibig sabihin ay alam ni Jacob na kailangan niyang tangapin kung ano man ang mangyari sa kanyang mga anak.

dobleng salapi sa kanilang mga kamay

"Dinoble ang pera na nasa kanila"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:16

kasama nila si Benjamin

"Si Benjamin kasama ng mga nakatatandang kapatid ni Jose"

katiwala ng kanyang bahay

Ang "katiwala" ay ang siyang may reponsibilidad sa pangangasiwa sa gawain ng sambahayan ni Jose.

bahay ni Jose

"Saloob ng bahay ni Jose"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:18

Natakot ang mga lalaki

"Natatakot ang mga kapatid ni Jose." Ang salitang "natatakot" ay tumutukoy sa hindi magandang pakiramdam ng isang tao kung ito ay may banta na kasamaan sa kanyang sarili o sa ibang tao.

bahay ni Jose

"Sa loob ng bahay ni Jose"

Ito ay dahil sa perang isinauli sa aming mga sako sa unang pagkakataon

Maaring isalin na: "Ito ay nangyayari dahil sa perang isinauli sa aming mga sako sa unang pagkakataon na nandito kami."

para siya

"Upang si Jose"

pumunta kami dito, para makahanap siya ng pagkakataon laban sa amin

Ito ay maaaring maisalin sa panibagong pangungusap. Maaring isalin na: "Kami ay dinala nila dito upang sa ganun ay magkaroon siya nang pagkakataon na akusahan kami."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:21

Nangyari na

Ang pariralang ito ay ginamit dito upang lagyan ng tanda ang mga importanting pangyayari sa kwento. Kung ang iyong wika ay may ibang pamamaraan na gawin ito, maaari mo itong gamitin dito.

nang makarating na kami sa lugar kung saan kami ay pansamantalang nakatira

"Nang kami ay makarating sa lugar kung saan kami ay mananatili upang magpalipas ng gabi."

tingnan

Ang salitang "tingnan" ipinapakita dito na ang kanyang mga kapatid ay nagulat kung ano ang kanilang nakita.

ang bawat pera ng tao ay nandoon sa bukasan ng kanilang sako, ang aming pera na buo ang bigat

"Nakita ng bawat tao ang buong halaga ng kanilang pera na nakalagay sa sako"

ang aming pera na buo ang bigat. Ibinalik namin ito sa aming mga kamay

"Kaya dala-dala namin ang pera kasama namin"

Ibang pera

"Maraming pera"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:24

hinugasan nila ang kanilang mga paa

Ang kaugaliang ito ay nakakatulong sa mga pagod na manlalakbay para maipahinga nila ang kanilang mga sarili matapos ang mahabang paglalakad ng malayo.

pagkain ang kanilang mga asno

Tuyong pagkain na inihanda para sa mga hayop.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:26

dinala nila ang mga regalo na nasa kamay

"Dinala ng mga kapatid ang mga regalo na kanilang pagmamay-ari"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:28

Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita

Ito ay nangangahulugang "tumingin siya sa itaas."

ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing

Ito ay maaring isalin sa bagong pangungusap: "Kapatid niya sa ina. Sinabi ni Jose."

Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid...akin?

Ang posibleng mga kahulugan ay 1) ito ay patanong na talumpati; Maaring isalin na: "Ito ba ang inyong bunsong kapatid ... akin" o 2) "Si Jose ay naghahanap nang katibayan na ang taong ito ay talagang si Benjamin, ang kanyang kapatid."

Ang Diyos ay maging maawain

"Nawa ang Diyos ay maawain"

aking anak

Ito ay isang pangkaibigang pamamaraan ng pakikipagusap ng isang tao sa isang taong may mababang antas.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:30

Nagmamadali si Jose na lumabas sa silid

"Nagmamadaling lumabas"

dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid

Ang pariralang "labis siyang naantig" ay tumutukoy sa isang matinding nararandaman o emosyon ng isang tao kapag may isang mahalagang bagay ang nanyari. Maaring isalin na: "dahil mayroon siyang malakas na nararamdaman na pagkahabag para sa kanyang kapatid" o "dahil mayroon siyang malakas na nararamdamang pagmamamahal sa kanyang kapatid."

sinabing

"At sinabi"

Ihain na ang pagkain

Ang ibig sabihin ay ipamahagi na ang pagkain upang ang mga tao ay makakain na.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

Genesis 43:32

Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang

"Naghain ang mga lingkod kay Jose na siya lang at ang mga kapatid na lalaki na sila lang at ang mga taga-Ehipto, na kumakain kasama niya, na sila-sila lang"

dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap tanggap sa mga taga-Ehipto

Ito ay maaaring maisalin sa bagong pangungusap: "Ginawa nila ito dahil iniisip ng mga taga-Ehipto na nakakahiya ang kumain kasama ng mga Hebreo."

Ang mga lalaki ay sama-samang namangha

"Ang mga tao ay sobrang nagulat ng naunawaan nila ito"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/43]]


Chapter 44

1 Inatasan ni Jose ang katiwala ng kanyang bahay, sinabing, "Punuin mo ang sako ng mga lalaki ng pagkain, hangga't sa makakaya nilang buhatin, at ilagay ang bawat pera ng lalaki sa ibabaw ng kanyang sako. 2 Ilagay ang aking baso, ang pilak na baso, sa ibabaw ng sako ng bunso, at ganoon din ang kanyang pera para sa butil." Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose. 3 Nang nagbubukang-liwayway na, at ang mga lalaki ay pinaalis na, sila at ang kanilang mga asno. 4 Nang sila ay nakalabas sa lungsod subalit hindi pa nakakalayo, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala, "Tumayo ka, sundan mo ang mga lalaki, at kung maabutan mo sila, sabihin mo sa kanila, 'Bakit ninyo sinuklian ng kasamaan ang kabutihan? 5 Hindi ba ito ang baso mula sa iniinuman ng aking amo, at ang baso na ginagamit niya para sa kanyang panghuhula? Gumawa kayo ng masama, ang bagay na ito na inyong ginawa."' 6 Naabutan sila ng katiwala at sinabi ang mga salitang ito sa kanila. 7 Sinabi nila sa kanya, "Bakit po sinasabi ng aking amo ang ganitong mga salita? Malayong gawin ng inyong mga lingkod ang bagay na iyan. 8 Tingnan ninyo, ang pera na nakita sa aming mga sako, ay muli naming dinala sa inyo sa labas ng lupain ng Canaan. Paano naman namin nanakawin mula sa tahanan ng inyong amo ang pilak o ginto? 9 Kung sinuman sa inyong lingkod ang makitaan, hayaan mo siyang mamatay, at kami rin ay magiging mga alipin ng aming amo." 10 Sinabi ng katiwala, "Ngayon rin hayaang magkaganoon ayon sa iyong mga salita. Siya na mahanapan ng baso ay magiging alipin ko, at ang iyong mga kapatid ay mapapawalangsala." 11 At nagmamadali ang bawat lalaki at dinala ang kanilang sako pababa sa lupa, at binuksan ng bawat lalaki ang kanilang mga sako. 12 Naghanap ang katiwala. Nagsimula siya sa pinaka-panganay at natapos sa bunso, at nahanap ang baso sa sako ni Benjamin. 13 Pagkatapos pinunit nila ang kanilang mga damit. Nilagay ng bawat lalaki ang kanilang asno at bumalik sa lungsod. 14 Si Juda at ang kanyang mga kapatid ay pumunta sa tahanan ni Jose. Siya ay nanatili pa roon, at sila'y yumuko sa lupa sa harapan nito. 15 Sinabi ni Jose sa kanila, "Ano itong ginagawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na ang lalaking tulad ko ay bihasa sa panghuhula?" 16 Sinabi ni Juda, "Ano ang maari naming sabihin sa inyo aming amo? O kaya, paano namin maipagtatanggol ang aming sarili? Nalaman ng Diyos ang kasalanan ng iyong mga lingkod. Tingnan ninyo, kami ay alipin na ng aming amo, kami at siyang nahanapan ng baso." 17 Sinabi ni Jose, "Malayong gawin ko iyan. Ang lalaking nahanapan ng baso sa kanyang kamay, ang lalaking iyon rin ang magiging alipin ko, subalit ang mga iba ay makakauwi na ng mapayapa sa inyong ama." 18 Pagkatapos lumapit si Juda sa kanya at sinabing, "Aking amo pakiusap, pahintulutan po ninyo akong makapagsalita sa pandinig ng aking amo, at huwag hayaang umapoy sa galit laban sa iyong alipin, sapagkat katulad ka ni Paraon. 19 Ang aking amo ay nagtanong sa kanyang mga lingkod, sinasabing, 'Mayroon pa ba kayong ama o kapatid? 20 At sinabi namin sa aming amo, 'Mayroon kaming matandang ama, at anak niya sa kanyang katandaan, isang bunso. At patay na ang kanyang kuya, at siya ay nag-iisa na lamang na naiwan mula sa kanyang ina, at mahal na mahal siya ng kanyang ama.' 21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, 'Dalhin ninyo siya rito sa akin para makita ko siya.' 22 At sinabi namin sa aming amo, 'Hindi kayang iwan ng bata ang kanyang ama. Sapagkat kung iiwan niya ang kaniyang ama ikamamatay ito ng kanyang ama.' 23 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, 'Kung hindi ninyo kasama pababa ang bunso ninyong kapatid, hindi na ninyo muli makikita ang aking mukha.' 24 At nangyari nga nang kami ay nakabalik sa aking ama na iyong mga lingkod, isinalaysay namin sa kanya ang mga salita ng aming amo. 25 At sinabi ng aming ama, 'Umalis kayo muli, bumili kayo ng ilang makakain.' 26 At sinabi namin, 'Hindi na kami makabababa. Kung kasama namin ang aming nakababatang kapatid, kami ay makakaalis pababa, sapagkat hindi na kami hahayaan na makita pa muli ang mukha ng lalaki kung hindi namin kasama ang bunso naming kapatid.' 27 Sinabi ng aking ama na iyong lingkod, 'Alam ninyong dalawa lamang ang ipinanganak ng aking asawa. 28 At ang isa ay nawala mula sa akin at sinabi ko. "Talaga ngang siya ay nagkapira-piraso, at hindi ko na siya nakita mula noon." 29 At kung kukunin rin ninyo itong isa sa akin at muling mapahamak, dadalhin ninyo ako sa katandaan na puno ng dalamhati sa kamatayan.' 30 Kaya ngayon, kung pupunta ako sa aking ama na inyong alipin, at hindi ko kasama ang bata, sapagkat ang kanyang buhay ay karugtong na ng buhay ng batang lalaki, 31 kapag ito ay nangyari, na hindi niya makita na kasama namin ang bata siguradong ikamamatay niya ito. At ang iyong alipin ay magiging dahilan ng pagdurusa ng ama ng iyong alipin sa kamatayan. 32 Sapagkat ang iyong alipin ang katiyakan sa bata para sa aking ama at sinabi kong, 'Kung hindi ko madadala ang bata sa iyo, papasanin ko ang kasalanan magpakailanman sa aking ama. 33 Kaya ngayon, ako po ay nagmamakaawa hayaang manatili ang iyong lingkod sa halip na ang bata ang maging alipin ng aking amo, at hayaang makabalik ang bata kasama ng kanyang mga kapatid. 34 Sapagkat paano ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang bata? Natatakot akong makita ang masamang mangyayari sa aking ama."



Genesis 44:1

pera ng bawat lalaki

Ito ay mga baryang pilak na malamang nasa loob ng maliit na sako.

sa ibabaw ng mga sako

"sa kanyang sako"

Ilagay mo ang aking baso, ang pilak na baso

"ilagay mo ang aking pilak na baso"

sa ibabaw ng sako ng bunso

"sa loob ng sako ng bunsong kapatid"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:3

Nang nagbubukang-liwayway

"Nagpakita ang bukang-liwayway"

ang mga lalaki ay pinaalis na, sila at ang kanilang mga asno

Maaring isalin na: "pinaalis nila ang mga lalaki, kasama ang kanikanilang mga asno." (Tignan sa:

Bakit ninyo sinuklian ng kasamaan ang kabutihan?

"Masama ang ginawa ninyo sa amin, matapos na maging mabuti kami sa inyo!" (Tignan sa:

Hindi ba ito ang baso mula sa iniinuman ng aking amo, at ang baso na ginagamit niya para sa kanyang panghuhula?

Ang tagapangasiwa ay gumagamit ng isang tanong para pagsabihan ang mga magkakapatid. Maaring isalin na: "Alamna ba ninyo na ang basong ito na ginagamit ng aking amo sa kanyang pag-inum at sa kanyang panghuhula!" (Tignan sa:

Gumawa kayo ng masama, itong bagay na iyong ginawa

"Ang ginawa ninyong bagay na ito ay masama." Maaring isalin na: "Ang ginawa ninyo ay masama."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:6

Bakit po sinasabi ng aking amo ang ganitong mga salita?

Tinutukoy ng mga magkakapatid ay ang tagapangasiwa bilang "aking amo." ito ang maayos na pakikipag-usap sa isang taong may mataas na kapangyarihan. Maaring isalin na: "Bakit mo sinasabi ito, aking amo?

Malayong gawin ng inyong mga lingkod ang bagay na iyan

Ang tinutukoy ng mga magkakapatid ay ang kanilang sarili bilang " alipin" at " sila." ito ay magalang na pakikipag usap sa may kapangyarihan. Maaring isalin na: Hindi namin magagawa ang bagay na iyan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:8

Tignan ninyo, ang pera na nakita sa aming mga sako

"Alam mo ang pera na aming nakita sa aming mga sako"

muli naming dinala sa iyo mula sa lupain ng Canaan

"Ay aming isinauli sa iyo mula sa Canaan"

Paano naman namin nanakawin mula sa tahanan ng inyong amo ang pilak o ginto?

Ang magkakapatid ay gumamit ng mga tanong para bigyang diin na hindi sila nagnakaw mula sa diyos ng Ehipto. Maaring isalin na: "Kaya hindi namin kailanman kukunin ang anomang bagay sa bahay ng iyong amo!" (Tignan sa:

Kung sinuman sa inyong lingkod ang makitaan

Ang tumutukoy ng magkakapatid ay ang kanilang sarili bilang "Iyong alipin" ito ang maayos na pakikipag-usap sa isang taong may mataas na kapangyarihan. Maaring isalin na: "Kung makita mo na isa sa amin ang nagnakaw na baso."

kami rin ay magiging alipin ng aming amo

Ang pariralang ito "aking amo" ay tumutukoy sa tagapangasiwa. Maaring isalin na: "maaaring kunin mo kami bilang iyong alipin."

Kung ganoon hayaan nating mangyari ayon sa mga sinabi mo

"Naaayon. Gagawin ko ang sinabi mo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:11

ibinaba ang kaniyang sako

"Ibinaba ang kaniyang sako"

ang panganay...ang bunso

Ang salitang "kapatid" ay nauunawaan. Maaring isalin na: "ang panganay na kapatid...ang bunsong kapatid." (Tignan sa:

at nahanap ang baso sa sako ni Benjamin

Ito ay maaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaring isalin na: "Nahanap ng katiwala ang baso sa sako ni Benjamin." (Tignan sa:

At pinunit nila ang kanilang mga damit

Ang salitang "nila" ay tumutukoy sa magkakapatid. Tignan kung pano mo isinalin ang parihung parirala sa [[rc://tl/bible/notes/gen/37/29]].

at bumalik

"At sila ay bumalik"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:14

Siya ay naroon pa rin

"Naroon pa rin si Jose"

sila'y yumuko sa lupa sa harapan nito

"Dumapa sila sa kanyang harapan"

Hindi ba ninyo alam na ang lalaking tulad ko ay marunong manghula?

Si Jose ay gumagamit ng katanungan upang pagsabihan ang kanyang mga kapatid. Maaring isalin na: "Siguradong alam ninyo na ang tulad ko ay kayang gumamit ng mahika!" (Tingnan sa:

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:16

Ano ang maaari naming sabihin sa inyo aming amo? Ano ang sasabihin namin? O kaya, paano namin maipagtatanggol ang aming sarili?

Maaring isalin na: "Aala na kaming masasabi, aking amo. Hindi kami makapag salita ng anomang bagay na may halaga. Hindi namin mapapawalang sala ang aming sarili." (Tignan sa:

aking amo

Ito ay tumutukoy kay Jose. Ito ang maayos na pakikipag-usap sa isang taong may mataas na kapangyarihan.

Nalaman ng Diyos ang kasalanan ng iyong mga lingkod

Dito "nalaman" ay hindi ibig sabihin na nalaman ng Diyos ang ginawa ng magkakapatid. Ang ibig sabihin nito pinaparusahan sila ng Diyos sa kanilang mga ginawa. Maaring isalin na: "Pinaparusahan tayo ng Diyos sa dati nating kasalanan."

kami at siyang nahanapan ng baso

Maaring isalin na: "At ang siyang nahanapan ng baso sa kamay." (Tignan sa:

Malayong gawin ko iyan

"Hindi ang tulad ko ang gagawa ng bagay na iyan"

Ang lalaking nahanapan ng baso sa kanyang kamay

Maaring isalin na: "Ang lalaking kumuha ng aking baso" (See:

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:18

lumapit sa

"Nilapitan"

pahintulutan ang iyong alipin

Ang tinutukoy ni Juda ay ang kanyang sarili bilang "iyong alipin" ito ang maayos na pakikipag-usap sa isang taong may mataas na kapangyarihan. Maaring isalin na: "Hayaan mo ako, ang iyong alipin."

makapagsalita sa pandinig ng aking amo

"Makipag salita sayo, aking amo" (Tignan sa:

huwag hayaang umapoy sa magalit laban sa iyong alipin

"Nagmamakaawa ako na wag kayong magalit sa akin, na iyong alipin" (Tignan sa:

sapagkat katulad ka ni Paraon

"Sapagkat ikaw ay makapangyarihan tulad ni Paraon" o "sapagkat katulad ka ni Paraon"

Nagtanong ang aking amo sa kanyang mga lingkod

Ang tinutukoy ni Juda kay Jose ay ang salitang " aking amo" at " siya". Tinutukoy rin niya ang kanyang sarili at kanyang mga kapatid bilang "kanyang mga alipin. "Maaring isalin na: Ikaw, aking amo, nagtanong sa amin, iyong mga alipin" o "tinanung mo kami." [[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:20

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

sinabi namin sa aking amo

Ang tinutukoy ni Juda na "aking amo" ay si Jose." ito ang maayos na pakikipag-usap sa isang taong may mataas na kapangyarihan. Maaring isalin na: "sinabi namin sayo, aking amo"

minamahal

Ang tinutukoy nito ay pagmamahal ng magkakapatid o pagmamahal para sa kaibigan o miyembro ng pamilya.

At sinabi mo sa inyong mga alipin

Ang tinutukoy ni Juda ay ang kanyang sarili at kanyang mga kapatid bilang "iyong alipin." Maaring isalin na: At sinabi mo sa amin, na iyong alipin."

Genesis 44:23

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

At sinabi mo sa iyong mga alipin

Ang tinutukoy ni Juda ay ang kanyang sarili at kanyang mga kapatid bilang "iyong alipin."ito ang maayos na pakikipag-usap sa isang taong may mataas na kapangyarihan. Maaring isalin na: "At sinabi mo sa amin, na iyong alipin."

Hindi na ninyo makikita ang aking mukha

Tignan kung paano mo isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/43/03]].

at ito'y nangyari

Ang pariralang ito ay ginamit para markahan ang simula ng bagung bahagi ng kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan para sa paggawa nito, puwede mong ipagpalagay na gamitin dito.

sinabi namin sa kaniya ang mga salita ng aking amo

Ang tinutukoy ni Juda na "aking amo" ay si Jose. Maaring isalin na: "sinabi namin sa kanya kung ano ang sinabi mo, aking amo."

Genesis 44:27

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

sinabi sa amin

"sa amin" Hindi kasama si Jose. (Tignan sa:

Alam mo

Ang "Mo" ay tumutukoy kay Juda.

At kung kukunin mo muli ang isa mula sa akin

Ang "mo" tumutukoy kay Juda, " ang isang ito" mutukoy kay Benjamin, at "ako" tumutukoy kay Jacob.

dadalhin ninyo ako sa katandaan na puno ng dalamhati sa kamatayan

Tignan kung paano moisalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/42/37]].

Genesis 44:30

Ngayon, kaya, kapag ako ay darating

Inilarawan ni Juda kay Jose ang realistiko ngunit ang pagpapalagay sa kasong ito na kung ano ang inaasahang mangyari kay Jacop kapag bumalik na hindi kasama si Benjamin.

hindi natin kasama ang batang lalaki

"ang batang lalaki ay hindi natin kasama"

Mula noon ang kanyang buhay ay nakadipindi na sa buhay ng batang lalaki

Maaring isalin na: "mula nang sinabi niya na mamatay siya kung hindi makakabalik ang batang lalaki."

at ito'y nangrayi

Ang sinasabi ni Juda ay tungkol sa kanyang palagay sa hinaharap baka sakaling tiyak na mangyayari. (Tignan sa :

At dadalhin ng iyong mga lingkod ang katandaan ng ama ng iyong mga alipin na may dalamhati sa kamatayan

Tignan kung pano mo ito isinalin sa parihung kataga sa [[rc://tl/bible/notes/gen/42/37]].

at iyong mga alipin

Ang tinutukoy ni Juda ay ang kanyang sarili at kanyang mga akapatid bilang " alipin." Ito ay paggalang na pananalita sa isang tao na may kapangyarihan. Maaring isalin na: "At tayo, na iyong alipin" o "At tayo."

sa iyong alipin

Ang tinutukoy ni Juda na "alipin" ay ang kanyang sarili." Maaring isalin na: "Sapagkat ako, iyong alipin" o" Sapagkat ako."

ito ang garantiya na binigay ko sa aking ama

"Gumawa ng pangako sa kanyang ama tungkol sa batang lalaki"

at aking dadalhin ang kunsensiya sa aking ama

"At sisihin ako ng aking ama"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

Genesis 44:33

hayaan ang iyong lingkod

Ang tinutukoy ni Juda ay ang kanyang sarili bilang "alipin."Ito ay paggalang na pananalita sa isang tao na may kapangyarihan. Maaring isalin na: "Hayaan mo ako, iyong alipin" o " Ako'y hayaan."

sa aking amo

Ang tinutukoy ni Juda na "aking amo" ay si Jose. Maaring isalin na: "sa iyo, aking amo" o "sa iyo."

Paano ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang batang lalaki?

Gumamit si Juda ng isang katanungan upang bigyang diin ang pagluluksa na mangyayari sa kanya kung hindi maka balik sa tahanan si Benjamin. Maaring isalin na: "Hindi ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang batang lalaki." (Tignan sa:

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/44]]


Chapter 45

1 Pagkatapos hindi nakapagpigil si Jose sa kanyang sarili sa harapan ng lahat ng mga lingkod na nakatayo sa kanyang tabi. Sinabi niya ng malakas, "Iwanan ninyo akong lahat." Kaya walang lingkod na nakatayo sa tabi niya nang siya ay nagpakilala sa kanyang mga kapatid na lalaki. 2 Umiyak siya ng malakas, narinig ito ng mga taga-Ehipto at ang tahanan ng Paraon ay nakarinig ito. 3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, "Ako si Jose. Buhay pa ba ang aking ama?" Ang kanyang mga kapatid na lalaki ay hindi makasagot sa kanya, sapagkat sila ay nabigla sa kanyang presensiya. 4 Pagkatapos sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, "Pakiusap, lumapit kayo sa akin." Lumapit sila. Sinabi niya, "Ako si Jose ang inyong kapatid na lalaki, na inyong ipinagbili sa Ehipto. 5 At ngayon huwag kayong magdalamhati o magalit sa inyong mga sarili na ipinagbili ninyo ako dito, sapagkat nauna na akong ipinadala ng Diyos sa inyo upang pangalagaan ang buhay ninyo. 6 Nasa tagtuyot ang lupain nitong mga dalawang taon at magkakaroon pa nang limang dagdag na mga taon na walang pag-aararo o walang ani. 7 Nauna na akong ipinadala ng Diyos sa inyo upang pangalagaan kayo bilang mga nalalabi dito sa mundo at nang mapanatili kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang kaligtasan. 8 Kaya ngayon, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kung hindi ang Diyos, at ginawa niya akong ama ng Paraon, amo ng lahat ng kanyang tahanan, at pinuno ng lahat ng lupain sa Ehipto. 9 Magmadali kayo at umakyat patungo sa aking ama at sabihin sa kanya 'Ito ang sinabi ng inyong anak na si Jose, ginawa ako ng Diyos na amo ng buong Ehipto. Bumaba ka dito sa akin at huwag mag-atubili. 10 Maninirahan ka sa lupain ng Gosen at nang ikaw ay mapalapit sa akin, ikaw at ang iyong mga anak at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga hayop at ang iyong mga baka, at ang lahat ng nasa iyo. 11 Tutustusan kita doon sapagkat mayroon pang limang mga taon na tagtuyot upang hindi ka humantong sa kahirapan, ikaw, ang iyong tahanan, at ang lahat ng nasa iyo.' 12 Tingnan ninyo, nakikita ng inyong mga mata, at mga mata ng aking kapatid na lalaki na si Benjamin, na itong aking bibig ang nakikipag-usap sa inyo. 13 Sasabihin ninyo sa aking ama ang tungkol sa lahat ng aking kapangyarihan sa Ehipto, at ang lahat ng inyong mga nakita. Magmamadali kayo at dalhin ang aking ama dito." 14 Niyakap niya ang kanyang kapatid na si Benjamin sa leeg at umiyak, at si Benjamin ay umiyak sa kanyang leeg. 15 Hinagkan niya ang lahat ng kanyang mga lalaking kapatid at umiyak sa kanila. Pagkatapos noon nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki. 16 Ang balita tungkol dito ay sinabi sa bahay ng Paraon: "Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose." Ito ay labis na ikinalugod ng Paraon at ng kanyang mga lingkod. 17 Sinabi ng Paraon kay Jose, "Sabihin mo sa iyong mga lalaking kapatid, 'Gawin ito: lagyan ninyo ang inyong mga hayop at pumunta sa lupain ng Canaan. 18 Kunin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sambahayan at pumunta sa akin. Ibibigay ko sa inyo ang kasaganahan ng lupain ng Ehipto, at kakainin ninyo ang taba ng lupain.' 19 Kayo ngayon ay inuutusan ko kayo 'Gawin ninyo ito, kumuha kayo ng mga karitela mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong mga anak at mga asawa. Kunin ninyo ang inyong ama at pumarito. 20 Huwag na kayong mag-alala tungkol sa inyong mga ari-arian, sapagkat sa inyo na ang kasaganahan ng lahat ng lupain sa Ehipto.'" 21 Ginawa ito ng mga anak ni Israel. Binigayan sila ni Jose ng mga karitela, ayon sa utos ng Paraon at binigyan sila ng mga panustos para sa paglalakbay. 22 Sa kanilang lahat nagbigay siya sa bawat tao ng mga pampalit na damit, ngunit kay Benjamin nagbigay siya ng tatlong daang mga piraso ng pilak at limang mga pampalit na damit. 23 Ito ang kanyang ipinadala para sa kanyang ama: Sampung mga asno na may kargang magandang mga kagamitan ng Ehipto, at sampung babaeng mga asno na may karga na mga butil, tinapay, at iba pang mga gamit para sa kanilang ama para sa paglalakbay. 24 Kaya pinadala niya ng papalayo ang kanyang mga lalaking kapatid at sila ay umalis. Sinabi niya sa kanila, "Tiyakin ninyo na huwag kayong mag-aaway sa paglalakbay". 25 Umalis sila mula sa Ehipto at dumating sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama. 26 Sinabi nila sa kaniya, "Buhay pa si Jose at siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto". At ang kanyang puso ay namangha, sapagkat hindi niya sila pinaniniwalaan. 27 Sinabi nila sa kanya ang lahat ng mga salita ni Jose na kanyang sinabi sa kanila. Muling nabuhay ang espiritu ni Jacob na kanilang ama nang makita ni Jacob ang mga karitela na ipinadala ni Jose na magdadala sa kanya,. 28 Sinabi ni Israel, "Sapat na ito. Buhay pa ang aking anak na si Jose. Pupunta ako at makikipagkita sa kanya bago ako mamatay."



Genesis 45:1

sa kanyang tabi

"malapit sa kanya"

tahanan ng Paraon

Tinutukoy dito ng "sambahayan ni Paraon" ang mga tao sa palasyo ng Paraon. Maaring isalin na: "bawat isa sa palasyo ng Paraon"

nabigla sa kanyang paghaharap

"Nasindak sa kanya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

hhindi nakapagpigil si Jose sa kanyang sarili

Nangangahulugan ito na hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. Maaari itong isaad sa positibong anyo. Maaring isalin na: "pasisimula na sa pag-iyak"

Genesis 45:4

na inyong ipinagbili sa Ehipto

Maaari pang isaad ng malinaw ang kahulugan nito. Maaring isalin na: "na siyang inyong ipinagbili bilang isang alipin sa negosyante na siyang nagdala sa akin sa Ehipto"

huwag kayong magdalamhati

"Huwag kayong masaktan" o "huwag kayong magdusa"

upang pangalagaan ang buhay

Ang tinutukoy sa buhay" ay ang mga tao na iniligtas ni Jose mula sa kamatayan sa panahon ng tagtuyot. Maaring isalin na: "upang makapagligtas ako ng maraming buhay"

at magkakaroon pa ng limang dagdag na mga taon na walang pag-aararo o walang ani

"Magkakaroon ng lima pang taon na walang pagtatanim o pag-aani". Tinutukoy dito ng "walang pag-aararo o walang ani" ang katotohanan na hindi pa rin tutubo ang mga tanim dahil sa tagtuyot. Maaring isalin na: "at tatagal ang tagsalat ng lima pang mga taon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

na ipinagbili ninyo ako dito

Maaaring isaad ang kahulugan ng mas malinaw. Maaring isalin na: "na ipinagbili ninyo ako bilang isang alipin at dinala dito sa Ehipto"

Genesis 45:7

upang pangalagaan kayo bilang mga nalalabi dito sa mundo

"maiwanan ka ng mga nalabi sa mundo" o "para tiyakin na makakaligtas ang inyong mga kaapu-apuhan" (UDB)

ginawa niya akong ama ng Paraon

Hinalintulad si Jose sa isang ama dahil nagpayo at pagtulong kay Paraon na gaya ng ama sa kaniyang anak. Maaring isalin na: "ginawa niya akong tagagabay ng Paraon" o "ginawa niya akong pinuno na tagapagpayo ng Paraon"

ng lahat ng kanyang tahanan

Tinutukoy dito ng "tahanan" ang mga tao na naninirahan sa kanyang palasyo. Maaring isalin na: "sa lahat ng kanyang sambahayan" o "sa lahat ng kanyang palasyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

ng mapanatili kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang kaligtasan

Maaaring isaad na "pagsagip" ang buod na pangngalang "kaligtasan". Maaring isalin na: "upang mapanatili kayong buhay sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo sa makapangyarihang pamamaraan"

pinuno ng lahat ng lupain sa Ehipto

Tinutukoy ng "lupain" dito ang mga tao. Maaring isalin na: "pinuno ng lahat ng mga tao sa Ehipto"

pinuno

Ibig sabihin ni Jose dito na siya ang pinuno pangalawa sa Paraon, ang hari ng Ehipto.

Genesis 45:9

umakyat

"bumalik" o "pumunta sa hilaga"

Bumaba dito

"pumunta dito" o "pumunta sa timog"

humantong sa kahirapan

Nagsasabi ito tungkol sa "kahirapan" na tila ito ang kahahantungan. Maaring isalin na: "mawawasak" o "mamatay sa gutom"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

umakyat patungo sa aking ama

Karaniwang ginagamit ang parirala na "umakyat" kapag tungkol sa pag-alis mula sa Ehipto papuntang Canaan ang pinag-uusapan. AT: "bumalik sa aking ama"

sabihin sa kanya 'Ito ang sinabi ng inyong anak na si Jose, ginawa ako ng Diyos na ... ang lahat ng nasa iyo.

Pagbabanggit ito na mayroong tatlong mga latag. Maaari itong paikliin sa dalawang mga latag. Maaring isalin na: "sabihin sa kanya na ito ang aking sinabi: 'ginawa ako ng Diyos na ... ang lahat ng nasa iyo.'"

Bumaba ka dito sa akin

Karaniwang ginagamit ang parirala na "bumaba" kapag tungkol sa pag-alis mula sa Canaan papuntang Ehipto ang pinag-uusapan. Maaring isalin na: "Pumunta dito sa akin"

Genesis 45:12

nakikita ng inyong mga mata, at ng mga mata ng aking kapatid na lalaki na si Benjamin

Tumutukoy ang salitang "mga mata" sa kabuuan ng tao. Maaring isalin na: "Nakikita ninyong lahat at ni Benjamin"

na itong aking bibig ang nakikipag-usap sa inyo

Tumutukoy ang salitang "bibig" sa buong pagkatao. Maaring isalin na: "na ako, si Jose, siyang nakikipag-usap sa inyo"

tungkol sa lahat ng aking kapangyarihan

"kung gaano ako labis na kinararangalan"

ang aking ama dito sa ibaba

Karaniwang ginagamit ang salitang "ibaba" kapag tungkol sa paglalakbay mula sa Canaan papuntang Ehipto ang pinag-uusapan. Maaring isalin na: "ang aking ama dito sa akin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

tungkol sa lahat ng aking kapangyarihan sa Ehipto

"Kung gaano ako labis na kinararangalan ng mga tao sa Ehipto"

Genesis 45:14

Niyakap niya ang kanyang lalaking kapatid na si Benjamin sa leeg at umiyak

"Niyakap ni Jose ang kanyang kapatid na lalaki na si Benjamin at pareho silang umiyak"

Pagkatapos noon ay nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga lalaking kapatid

Masyado silang natakot na magsalita kanina. Naramdaman na nila ngayon na makakapagsalita na sila ng malaya. Maaring isalin na: "Pagtakapos noon malaya ng nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

Hinagkan niya ang lahat ng kanyang mga lalaking kapatid

Sa sinaunang Kalapit Silangan, isang halik ang karaniwan na paraan ng pagbati sa kamag-anak. Kapag mayroong mapagmahal na paraan ng pagbati ang iyong wika para sa kamag-anak, gamitin iyon. Kung hindi, gumamit ng kung anong nararapat.

umiyak sa kanila

Nangangahulugan ito na umiiyak si Jose habang hinahalikan sila.

Genesis 45:16

Sinabi ang balita ng bagay na ito sa tahanan ng Paraon: "Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose.

Maaring isalin na: "Narinig ng lahat na nasa palasyo ng Paraon na dumating ang mga kapatid na lalake ni Jose."

Ibibigay ko sa inyo ang kasaganahan ng lupain ng Ehipto

"Ibibigay ko sa iyo ang pinakamagandang lupain sa Ehipto"

kakainin ninyo ang taba ng lupa

Sinabi dito na ang pinakamainam na pagkain na binibigay ng lupain ay tila ito ang mataba na bahagi ng lupain. Maaring isalin na: "kakainin mo ang pinakamainam na pagkain sa lupain"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

tahanan ng Paraon

Tumutukoy ito sa palasyo ng Paraon.

Genesis 45:19

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

Kayo ngayon ay inuutusan

"Inuutos ko rin sa inyo"

Pangkalahatang impormasyon:

Patuloy na sinasabi ni Paraon kay Jose kung ano ang kanyang sasabihin sa kanyang mga kapatid na lalaki.

ngayon

Hindi ito nangangahulugan na "ngayon mismo", ginamit ito dito bilang tawag-pansin para sa mga sumusunod na mahahalagang mga punto.

Kayo ngayon ay inuutusan

Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaring isalin na: "Inuutusan din kita na sabihin sa kanila" o "saka sabihin sa kanila"

kumuha ng mga karitela mula sa

Ang "mga karitela" ay mga karo na may dalawa o apat na gulong. Uupuan ito ng mga kababaihan at mga kabataan at hihilahin ng mga hayop ang mga karo.

Genesis 45:21

at binigyan sila ng mga panustos para sa paglalakbay

"at binigyan ng kanilang mga kakailanganin sa paglalakbay"

tatlong daang piraso

"300 piraso"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

Genesis 45:24

hindi kayo mag-aaway

Maaaring mangangahulan din na 1) "huwag magtalo" at 2) "huwag matakot"

At ang kanyang puso ay namangha

Tinutukoy dito ng "puso" ang buong katauhan. Maaring isalin na: "at siya ay namangha" o "siya ay sobrang nagulat"

hindi siya naniwala sa kanila

"Hindi niya tinanggap na totoo ang kanilang mga sinabi"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

Umalis sila mula sa Ehipto

Pangkaraniwan na ginagamit ang salitang "Umali sa" kapag tungkol sa paglalakbay mula sa Ehipto papuntang Canaan ang pinag-uusapan.

siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto

Tinutukoy dito ng "lupain ng Ehipto" ang mga tao ng Ehipto. Maaring isalin na: "Pinamumunuan niya ang lahat ng mga tao ng Ehipto"

Genesis 45:27

Sinaysay nila sa kanya

"Sinabi nila kay Jacob"

lahat ng mga salita ni Jose na kanyang sinabi sa kanila

Tinutukoy dito ng "salita" ang kung ano ang sinabi. Maaring isalin na: "lahat ng sinabi ni Jose sa kanila"

Muling nabuhay ang espiritu ni Jacob

Tinutukoy ng salitang "espiritu" ang buong katauhan. Maaring isalin na: "Gumaling ang ama nilang si Jacob" o "Sobrang nasabik ang ama nilang si Jacob"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/45]]


Chapter 46

1 Naglakbay si Israel dala lahat ng mayroon siya at nagtungo sa Beer-seba. Nag-alay siya roon ng mga handog sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. 2 Nangusap ang Diyos kay Israel sa pamamagitan ng pangitain sa gabi, na sinasabing, "Jacob, Jacob." Sinabi niya, "Narito ako." 3 Sinabi niya, "Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot na bumaba patungong Ehipto, dahil doon kita gagawing isang dakilang bansa. 4 Bababa ako kasama mo sa Ehipto at tunay na ibabalik kitang muli. Isasara ni Jose ang iyong mga mata sa pamamagitan ng kanyang sariling kamay." 5 Bumangon si Jacob mula sa Beer-seba. Isinakay ng mga anak na lalaki ni Israel si Jacob na kanilang ama, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa sa mga kariton na ipinadala ng Paraon para magdala sa kanya. 6 Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at mga ari-arian na naipon nila sa lupain ng Canaan. Pumunta si Jacob sa Ehipto at ang lahat ng kanyang mga kaapu-apuhan kasama niya. 7 Dinala niya kasama sa Ehipto ang kanyang mga anak na lalaki, at kanyang mga apong lalaki, kanyang mga anak na babae at kanyang mga apong babae, at lahat ng kanyang mga kaapu-apuhan. 8 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak na lalaki: si Ruben, panganay na anak ni Jacob; 9 mga anak na lalaki ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; 10 mga anak ni Simeon sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul, na mga anak na lalaki ng babaeng taga-Canaan; 11 mga anak na lalaki ni Levi na sina Gershon, Coat at Merari; 12 mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul); 13 Ang mga anak na lalaki ni Isacar: sina Tola, Pua, Job, at Simron; 14 Ang mga anak na lalaki ni Zabulun: sina Sered, Elon, at Jahleel 15 (ito ang mga anak na lalaki ni Lea na ipinanganak kay Jacob sa Paddan Aram, kabilang ang anak niyang babae na si Dina. Ang bilang ng lahat ng kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay tatlumpu't tatlo); 16 ang mga anak na lalaki ni Gad, sina Zifion, Hagui at Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli; 17 ang mga anak na lalaki ni Aser, sina Jimna at Isua, Isui at Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae; ang mga anak na lalaki ni Beria, sina Heber at Malquiel 18 (ito ang mga anak na lalaki ni Zilpa, na ibinigay ni Laban sa kanyang anak na babae na si Lea. Ito ang mga ipinanganak niya kay Jacob— labing-anim lahat); 19 ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Raquel na kanyang asawa—sina Jose and Benjamin. 20 (sa Ehipto ipinanganak sina Manases at Efraim kay Jose at Asenath, anak na babae ni Potifera na pari ng On); 21 ang mga anak na lalaki ni Benjamin, sina Bela, Bequer, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim, at Ard 22 (ito ang mga anak na lalaki ni Raquel na ipinanganak kay Jacob. Ang mga taong ito ay labing-apat lahat); 23 Ang anak na lalaki ni Dan, si Husim; 24 ang mga anak na lalaki ni Neftali, sina Jahzeel, Guni, Jeser, and Silem 25 (ito ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Bilha na ibinigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak na babae. Ang mga taong ito ay pito lahat. 26 Lahat ng mga taong dumating kasama ni Jacob sa Ehipto na kanyang mga kapu-apuhan, bukod sa kanyang mga manugang na babae ay animnapu't anim lahat. 27 Ang dalawang lalaking anak ni Jose na ipinanganak sa kanya sa Ehipto ay dalawa. Lahat ng tao sa bahay ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay pitumpo lahat. 28 Naunang ipinadala ni Jacob si Juda papunta kay Jose upang ituro sa kanya ang daan patungong Gosen at sila ay pumunta sa lupain ng Gosen. 29 Inihanda ni Jose ang kanyang karwahe at umakyat para salubungin si Israel na kanyang ama sa Gosen. Siya ay nakita niya, niyapos ang kanyang leeg at humagulgol sa kanyang leeg ng matagal. 30 Sinabi ni Israel kay Jose, "Ngayon hayaan mo na akong mamatay, yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa." 31 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki at sa bahay ng kanyang ama, "Aakyat ako at sasabihin kay Paraon na, 'Ang aking mga lalaking kapatid at ang tahanan ng aking ama na nasa lupain ng Canaan ay pumunta sa akin. 32 Ang mga lalaki ay mga pastol dahil sila ay tagapag-alaga ng kanilang mga alagang hayop. Dinala nila ang kanilang mga kawan, mga baka at lahat ng mayroon sila.' 33 Darating ang oras, kapag tinawag at tinanong kayo ng Paraon, 'Ano ang inyong hanap-buhay?' 34 sabihin ninyo dapat na, 'Ang inyong mga lingkod ay tagapag-alaga ng mga hayop mula sa aming kabataan hanggang ngayon, kami at ang aming mga ninuno.' Gawin ninyo ito para kayo ay maaring manirahan sa lupain ng Gosen, dahil ang bawat pastol ay kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto."



Genesis 46:1

nagtungo sa Beer-seba

"dumating sa Beer-seba"

patungong Ehipto

"sa Ehipto"

tunay na ibabalik kitang muli

Ang pangako ay ginawa kay Israel (Jacob). Pero ang pangako ay matutupad sa lahat ng mga kaapu-apuhan ni Israel. Maaaring isalin na: "Tunay nga na ilalabas kong muli ang iyong mga kaapu-apuhan sa Ehipto" (Tingnan sa:

Isasara ni Jose ang iyong mga mata sa pamamagitan ng kanyang sariling kamay

Ang pariralang "isasara ang iyong mga mata" ay tumutukoy kay Jose na naroroon kapag mamamatay na si Israel at si Jose ang magsasara sa talukap ng kanyang mga mata kapag siya ay namatay. Maaaring isalin na: "At maging si Jose ay naroroon kasama mo sa panahon ng iyong kamatayan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:5

bumangon...mula

"naghanda mula"

na naipon nila

"na nakuka nila" (UDB) o "na natipon nila"

Dinala niya kasama

"dinala ni Jacob kasama niya"

kanyang mga apong lalaki

"mga apo niyang lalaki"

kanyang mga apong babae

"mga apo niyang babae"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:8

Ito ang mga pangalan

Ito ay tumutukoy sa mga pangalan ng mga taong susunod.

ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto

"ng mga kaapu-apuhan ni Israel na dumating sa Ehipto"

Enoc, Fallu, Hezron at Carmi...Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul...Gershon, Coat at Merari

Ang mga ito ay pawang pangalan ng mga kalalakihan (Tingnan sa:

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:12

Er, Onan, Sela

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/03]].

Fares at Zara

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/38/29]].

Hezron...Hamul...Tola, Pua, Job...Simron...Sered, Elon...Jahleel

Ang mga ito ay pawang pangalan ng mga kalalakihan.

Dina

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/30/19]].

anak na lalaki at mga anak na babae ay tatlumpu't tatlo

tatlo** - Dito ang "mga anak na lalaki" at "mga anak na babae" ay tumutukoy sa kaniyang mga anak na lalaki, babae at mga apo. Maaaring isalin na: "Sa kabuuan mayroon siyang 33 anak na lalaki at babae."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:16

Zifion, Hagui, Suni...Ezbon, Eri, Arodi...Areli... Jimnah...Isui...Isui...Beria...Heber...Malquie

Ang mga ito ay pawang pangalan ng mga kalalakihan.

Sera

Ito ay pangalan ng isang babae. (Tignan sa:

Zilpa

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/23]].

Ito ang mga ipinanganak niya kay Jacob— labing-anim lahat

Ito ay tumutukoy sa 16 na anak, mga apo, at apo sa tuhod na may kaugnayan kay Zilpa.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:19

Asenath

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa: [[rc://tl/bible/notes/gen/41/44]]

Potifera na pari ng On

Tingnan kung paano ito isinalin sa
[[rc://tl/bible/notes/gen/41/44]].

Bela, Bequer, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim, at Ard

Ang mga ito ay pawang pangalan ng mga kalalakihan. (Tingnan sa:

Ang mga taong ito ay labing-apat lahat

Ito ay tumutukoy sa 14 na anak na lalaki at mga apong lalaki na may kaugnayan kay Raquel. (Tingnan sa:

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:23

Husim...Jahzeel, Guni, Jeser...Silem

Ang mga ito ay pawang pangalan ng mga kalalakihan. (Tingnan sa:

Bilha

Tignan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/29/28]].

Ang mga taong ito ay pito lahat

Ito ay tumutukoy sa 7 anak at mga apong may kaugnayan kay Bilha.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:26

animnapu't anim

anim** - "66"

bukod pa

"kasama na" o "hindi kabilang"

bahay ni Jacob

"pamilya ni Jacob" o "sambahayan ni Jacob"

pitumpo

"70"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:28

ituro sa kanya ang daan patungong Gosen

"ituro sa kanila ang daan patungong Gosen"

niyapos ang kanyang leeg at humagulgol sa kanyang leeg ng matagal

"inilagay ang kanyang mga bisig palibot sa kanyang ama, at tumangis ng matagal"

Ngayon hayaan mo na akong mamatay

"Ngayon handa na akong mamatay" o "Ngayon buo na buhay ko"

yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa

Ipinapahayag ni Jacob ang kaligayahan sa pagkakakita niya kay Jose, hindi lang ang mukha ni Jose. Maaaring isalin na: "yamang nakita kitang muli na buhay"

Genesis 46:31

bahay ng kanyang ama

"sambahayan ng kaniyang ama" o "pamilya ng kaniyang ama"

at sasabihan kay Paraon, na

"at sasabihin kay Paraon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

Genesis 46:33

Darating ang oras

Ang pariralang ito ay ginagamit dito para tandaan ang mahalagang kaganapan na mangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay mayroong paraan sa paggawa nito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito rito.

inyong mga lingkod

Ang pamilya ni Jose ay tumutukoy sa kanilang mga sarili bilang "inyong mga lingkod" nang nakipag-usap sila sa Paraon. Ito ay pormal na paraan ng pakikipag-usap sa may mas mataas na katungkulan. Maaaring isalin na: "Kami, ang inyong mga alagad."

ang bawat pastol ay kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto

"Iniisip ng mga taga-Ehipto na ang mga pastol ay napakadumi"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/46]]


Chapter 47

1 Pagkatapos pumasok si Jose at sinabi sa Paraon, "Ang aking ama at ang aking mga kapatid na lalaki, ang kanilang mga hayop, ang kanilang mga alagang kawan, at ang lahat ng kanilang pagmamay-ari, ay dumating na galing sa lupain ng Canaan. Tingnan mo, sila ay nasa lupain na ng Gosen. 2 Sinama niya ang lima sa kanyang mga kapatid na lalaki at ipinakilala sila sa Paraon. 3 Sinabi ng Paraon sa kanyang mga kapatid na lalaki, "Ano ang hanapbuhay ninyo?" Sinabi nila sa Paraon, "Ang iyong mga lingkod ay mga pastol, katulad ng aming mga ninuno. 4 Pagkatapos sinabi nila kay Paraon, "Pumunta kami bilang pansamantalang mamamayan sa lupain. Wala ng pastulan para sa mga hayop ng inyong mga lingkod, dahil malubha na ang taggutom sa lupain ng Canaan. Kaya ngayon, pakiusap hayaan niyo ang iyong mga lingkod na manirahan sa lupain ng Gosen." 5 Pagkatapos nagsalita ang Paraon kay Jose, at sinabing, "Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid na lalaki ay pumunta sa iyo, 6 Ang lupain ng Ehipto ay nasa harapan mo. Patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid na lalaki sa pinakamainam na rehiyon, sa lupain ng Gosen. Kung may kakilala kang mga lalaki mula sa kanila na may kakayahan, ilagay mo sila bilang tagapamahala sa aking mga alagang hayop." 7 Pagkatapos dinala ni Jose ang kanyang ama na si Jacob at ipinakilala siya sa Paraon. Pinagpala ni Jacob si Paraon. 8 Sinabi ng Paraon kay Jacob, "Gaano ka na katagal nabubuhay?" 9 Sinabi ni Jacob kay Paraon, "Ang mga taon ng aking mga paglalakbay ay isandaan at tatlumpu. Ang mga taon ng aking buhay ay maikli at masakit. Hindi ito kasintagal ng aking mga ninuno." 10 Pagkatapos pinagpala ni Jacob ang Paraon at umalis mula sa kanyang harapan. 11 Pagkatapos pinatira ni Jose ang kanyang ama at ang kanyang mga kapatid na lalaki. Binigyan niya sila ng lupain sa Ehipto, ang pinakamainam na lupain, sa lupain ng Rameses, ayon sa utos ng Paraon. 12 Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid, at lahat ng sambahayan ng kanyang ama, ayon sa bilang ng kanilang kasama sa bahay. 13 Ngayon wala ng pagkain sa lahat ng lupain; dahil malubha na ang taggutom. Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nakatiwangwang dahil sa taggutom. 14 Naipon ni Jose ang lahat ng salaping nasa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan, sa pamamagitan ng pagbebenta ng butil sa mga mamamayan. Pagkatapos dinala ni Jose ang salapi sa palasyo ng Paraon. 15 Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, "Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi? 16 Sinabi ni Jose, "Kung wala na kayong salapi, dalhin ninyo ang inyong mga hayop at bibigyan ko kayo ng pagkain bilang kapalit ng inyong mga alagang hayop." 17 Kaya dinala nila ang kanilang mga alagang hayop kay Jose. Binigyan sila ni Jose ng pagkain bilang kapalit ng kanilang mga kabayo, mga hayop, mga kawan, at mga asno. Pinakain niya sila ng tinapay kapalit ng kanilang mga hayop sa taon na iyon. 18 Nang natapos ang taong iyon, pumunta sila sa kanya nang sumunod na taon at sinabi sa kanya, "Hindi kami magtatago sa aming amo na ubos na ang lahat ng aming salapi, at ang mga baka pag-aari na ng aming amo. Wala ng natira pa sa paningin ng aming amo, maliban sa aming katawan at ang aming lupain. 19 Bakit kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupain? Bilhin mo kami at ang aming lupain kapalit ng pagkain, at kami at ang aming lupain ay magiging mga lingkod ni Paraon. Bigyan mo kami ng binhi para mabuhay kami at hindi mamatay, at ang aming lupain ay hindi mapababayan. 20 Kaya nabili ni Jose ang buong lupain ng Ehipto para sa Paraon. Ibinenta ng bawat mamamayan ng Ehipto ang kanilang mga bukid, dahil napakalubha na ng taggutom. Sa paraang ito, ang lupain ay naging pag-aari na ng Paraon. 21 Tungkol naman sa mga tao, ginawa niya silang alipin mula sa dulong hangganan ng Ehipto hanggang sa kabilang dulo. 22 Ang lupain lamang ng mga pari ang hindi nabili ni Jose dahil ang mga pari ay binibigyan ng rasyon. Kumakain sila mula sa rasyon na ibinibigay ng Paraon sa kanila. Kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupain. 23 Pagkatapos sinabi ni Jose sa mga tao, "Masdan ninyo, binili ko kayo at ang inyong lupain sa araw na ito para sa Paraon. Ngayon narito ang mga binhi para sa inyo, at tatamnan niyo ang lupain. 24 Sa anihan, magbigay kayo ng ikalimang bahagi sa Paraon, at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili, para sa binhi ng lupain at para pagkain ng inyong sambahayan at inyong mga anak." 25 Sinabi nila, "Iniligtas mo ang buhay namin. Sana ay maging kalugod-lugod kami sa iyong mga mata. Kami ay magiging mga alipin ng Paraon." 26 Kaya ginawa itong kautusan ni Jose na umiiral pa rin sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito, na ang ikalimang bahagi ay magiging pag-aari ng Paraon. Ang lupain lang ng mga pari ang hindi napunta sa Paraon. 27 Kaya si Israel ay nanirahan sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Goshen. Ang kanyang mga tao roon ay nakakuha ng mga ari-arian. Sila ay mabunga at dumami ng lubos. 28 Si Jacob ay tumira sa Ehipto ng labimpitong taon, kaya ang mga taon ng buhay ni Jacob ay isandaan at apatnapu't pitong taon. 29 Nang malapit na ang oras ng kamatayan ni Israel, tinawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabihan siyang, "Kung ngayon ako ay kalugod-lugod sa iyong paningin, ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pakitaan mo ako ng katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan. Pakiusap huwag mo akong ilibing sa Ehipto." 30 Pagtulog ko kasama ng aking mga ama, ilabas mo ako sa Ehipto at ilibing sa libingan ng aking mga ninuno." Sinabi ni Jose, "Gagawin ko ang sinabi mo." 31 Sinabi ni Israel, "Mangako ka sa akin," at si Jose ay nangako sa kanya. Pagkatapos yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan.



Genesis 47:1

Sinama niya ang lima sa kanyang mga kapatid na lalaki

Isinaayos ng UDB ang pagkasunod-sunod ng kaganapan saParaon, samantalang ang ULB ay initala ang mga kaganapan kung paano ito isinulat ng may-akda.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:3

iyong mga lingkod

Ang mga kapatid na lalaki ni Jose ay tinutukoy ang kanilang mga sarili bilang "iyong mga lingkod." Ito ang pormal na paraan sa pakikipag-usap sa taong may mas kapangyarihan. Maaaring isalin na: "Kami, ang inyong mga lingkod."

Ang iyong mga lingkod ay mga pastol

"Ang iyong mga lingkod ay nagpapastol ng mga kawan"

katulad ng aming mga ninuno

"kami pati ang aming ninuno" o "kami pati ang aming mga kanunu-nunuan"

Pumunta kami bilang pansamantalang mamamayan sa lupain

"Pumunta kami para manatili pansamantala sa Ehipto"

Wala ng pastulan

"Wala ng damo para makain"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:5

Ang lupain ng Ehipto ay nasa harapan mo

"ang lupain ng Ehipto ay bukas para sa inyo"

Patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid na lalaki sa pinakamainam na rehiyon, sa lupain ng Gosen

Patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid sa pinakamainam na lupain, kung saan ang lupain ng Gosen"

Kung may kakilala kang mga lalaki mula sa kanila na may kakayahan

"kung may kakilala kang sinumang lalaki sa kanila na may kasanayan sa pag-aalaga ng mga hayop"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:7

Gaano kana katagal nabubuhay?

"Ilang taon kana?"

Ang mga taon ng aking mga paglalakbay ay isandaan at tatlumpu

Ang pariralang "mga taon ng aking paglalakbay" ay tumutukoy sa kung gaano katagal siya nabuhay sa mundo. Maaaring isalin na: Naglakbay ako sa mundo sa loob ng 130 na taon" o "Ako ay 130 taong gulang."

ay maikli at masakit

Tinutukoy ni Jacob ang angkan ng kanyang ama na nabuhay nang mas matagal pa sa kanya. Sinasalamin din ni Jacob ang kanyang buhay na puno ng paghihirap.

pinagpala

Dito ang "pinagpala" ay nangangahulugang magpahayag ng isang pagnanais para sa positibo at kapaki-pakinabang na mga bagay na mangyari sa taong iyan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:11

Pagkatapos pinatira ni Jose ang kanyang ama at ang kanyang mga kapatid na lalaki

"Pagkatapos inalagaan ni Jose ang kanyang ama at mga kapatid na lalaki"

ang lupain ng Rameses

Ito ang iba pang pangalan ng lupain sa Gosen.

ayon sa bilang ng kanilang kasama sa bahay

"ayon sa dami ng tao sa kanilang mga pamilya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:13

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit para tandaan ang pagbabago mula sa kwento patungo sa nakaraang batayan tungkol sa taggutom sa Canaan at Ehipto.

Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan

Ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa mga lupaing ito. Maaaring isalin na: "Ang mga tao ng Ehipto at ang mga tao ng Canaan"

nakatiwangwang

"pumayat at humina"

sa palasyo ni paraon.

"patungo bahay ni Paraon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:15

Nang naubos ang lahat ng pera sa lupain ng Ehipto at Canaan

Maaaring isalin na: "nang magamit ng mga tao sa Ehipto at Canaan ang lahat ng kanilang pera"

ng mga lupain ng Ehipto at Canaan

"mula sa lupain ng Ehipto at Canaan"

Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi?

Gumamit ang mga tao ng katanungan para bigyang-diin kung gaano sila ka desperado na bumili ng pagkain. Maaring isalin na: "Pakiusap, huwag mo kaming hayaang mamamatay dahil nagamit na namin ang lahat ng aming salapi!"

Pinikain sila ng

"pinagkalooban sila ng" o "binigyan sila ng"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:18

pumunta sila sa kanya

"pumunta ang mga tao kay Jose"

Hindi kami magtatago mula sa aming amo

Tinutukoy ng mga tao si Jose bilang "aming amo." Ito ay pormal na paraan ng pakikipag-usap sa isang taong mas makapangyarihan. Maaring isalin na: "Hindi kami magtatago sa iyo, aming amo."

Wala ng natira pa sa paningin ng aming amo

"Wala ng natira pa sa amin para ibigay sa iyo, aming amo"

Bakit kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupain?

Ang salitang "mga mata" ay tumutukoy sa paningin ni Jose. Ang mga tao ay gumamit ng tanong para bigyan-diin kung gaano sila ka desperadong makabili ng pagkain. Maaaring isalin na: "Pakiusap huwag mo lamang kaming tingnan habang kami ay mamamatay at ang aming mga lupain ay masisira!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:20

Sa paraang ito, ang lupain ay naging pag-aari na ng Paraon

"kaya ang lupain ay naging pag-aari ng Paraon"

Ang lupain lamang ng mga Pari ang hindi binili ni Jose

"Pero hindi niya binili ang lupain ng mga pari"

ang mga pari ay binibigyan ng rasyon

Ang "rasyon" ay halaga ng salapi o pagkain na palaging binibigay ng isang tao sa isa pang tao. Maaaring isalin na: "Binigyan ng Paraon ang mga pari ng tamang bilang ng pagkain bawat araw"

Kumakain sila mula sa rasyon na ibinibigay ng Paraon sa kanila

"Kumakain sila mula sa ibinibigay ni Paraon sa kanila"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:23

at tatamnan niyo

"para makapagtanim kayo"

Sa anihan, magbigay kayo ng ikalimang bahagi sa Paraon, at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili

"Sa panahon ng anihan hatiin ninyo sa limang bahagi ang mga tanim. Ibigay ninyo ang isang bahagi sa Paraon para pambayad at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili"

para pagkain ng inyong sambahayan at inyong mga anak

"para pagkain sa inyong sambahayan at sa inyong mga anak"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:25

Sana ay maging kalugod-lugod kami sa iyong mga mata. Kami ay magiging mga alipin ng Paraon.

Maaaaring isalin na: "Sana ay maging kalugod-lugod kami sa iyong harapan at maging mga alipin ng Paraon."

magiging kalugod-lugod

Nangangahulugan ito na ang isang tao ay sinang-ayunan ng ibang tao.

sa lupain ng Ehipto

"sa buong lupain ng Ehipto" o "sa kabuuan ng lupain ng Ehipto"

ikalimang bahagi

Isalin ito na magkatulad sa paraan na ginawa mo sa "ikalima" sa [[rc://tl/bible/notes/gen/47/23]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:27

Sila ay mabunga at dumami ng lubos

Ang salitang "dumami" ay nagpapaliwanag kung paano sila naging "mabunga." Maaaring isalin na: "Sila ay nagkaroon ng napakaraming mga anak"

labimpitong taon

"17 taon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

Genesis 47:29

Kung ngayon ako ay kalugod-lugod sa iyong paningin

"Kung naging kalugod-lugod ako sa iyo" o "kung ako ay kinasiyahan mo" (UDB)

ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/24/01]].

pakitaan mo ako ng katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan

"ituring mo ako sa isang matapat at mapagkakatiwalaang paraan"

Pakiusap huwag mo akong ilibing sa Ehipto

Ang salitang "pakiusap" ay nagdaragdag ng diin sa kahilingang ito.

Pagtulog ko kasama ng aking mga ama

"kapag ako ay namatay at sumama na sa mga miyembro ng aking pamilya na naunang namatay sa akin"

Mangako ka sa akin

"ipangako mo sa akin" o "manumpa ka sa akin"

nangako sa kanya

"pinangako niya" o "isinumpa niya sa kanya"

yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan

Mga maaaring kahulugan ay 1) "Niyuko ni Jacob ang kanyang ulo sa kama" (ULB) o 2) "Tumalikod si Jacob sa kama at nagpatirapa sa kama (UDB) o 3) "Yumuko si Jacob habang nakasandal sa kanyang tungkod" (Septuagint).

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/47]]


Chapter 48

1 At nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, may nagsabi kay Jose, "Tingnan mo, maysakit ang iyong ama." Kaya kinuha niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Manasses at Efraim. 2 Nang sinabihan si Jacob, "Tingnan mo, ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka," Nag-ipon ng lakas si Israel at umupo sa kanyang higaan. 3 Sinabi ni Jacob kay Jose, "Nagpakita sa aking ang makapangyarihang Diyos sa Luz sa lupain ng Canaan. Binasbasan niya ako 4 at sinabi sa akin, 'Tingnan mo, palalaguin kita, at pararamihin kita. Gagawin kitang kapulungan sa mga bansa. Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan bilang isang walang hanggang pag-aari.' 5 At ngayon ang dalawa mong anak na lalaki na ipinanganak sa iyo mula sa lupain ng Ehipto bago ako dumating dito, sila ay akin. Sina Efraim at Manasses ay magiging akin, tulad nina Ruben at Simeon na akin. 6 Ang susunod na mga anak mo pagkatapos nila ay magiging iyo; sila ay nakalista sa ilalim ng mga pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana. 7 Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem)." 8 Nang nakita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya. "Kanino ang mga ito?" 9 Sinabi ni Jose sa kanyang ama, "Sila ang mga anak kong lalaki, na ibinigay sa akin ng Diyos dito." Sinabi ni Israel, "Dalhin mo sila sa akin para mabasbasan ko sila." 10 Ngayon ang mga mata ni Israel ay malabo na dahil sa kanyang katandaan, kaya hindi na siya nakakakita. Kaya dinala sila ni Jose malapit sa kanya, at hinagkan sila at niyakap. 11 Sinabi ni Israel kay Jose, "Hindi ko kailanman inasahang makikitang muli ang iyong mukha, pero ipinahintulot pa ng Diyos na makita ko ang iyong mga anak." 12 Kinuha sila ni Jose mula sa pagitan ng mga tuhod ni Jacob, at saka yumuko na nakasayad ang mukha sa lupa. 13 Kapwa sila kinuha ni Jose, si Efraim sa kanyang kanang kamay sa may bandang kaliwang kamay ni Israel, at si Manasses sa kanyang kaliwang kamay sa may bandang kanang kamay ni Israel, at dinala sila malapit sa kanya. 14 Inabot ni Israel ang kanyang kanang kamay at inilagay sa ulo ni Efraim, na siyang mas bata, at ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manasses. Pinagsalungat niya ang kanyang mga kamay, dahil si Manasses ang panganay. 15 Binasbasan ni Israel si Jose, na nagsasabing, "And Diyos na kasama ng aking amang si Abraham at si Isaac, ang Diyos na nag-alaga sa akin sa araw na ito, 16 ang anghel na nagbantay sa akin mula sa lahat ng kapahamakan, nawa ay pagpalain niya ang mga kabataang ito. Nawa ang pangalan ko ay ipangalan sa kanila, at ang pangalan ng aking amang sina Abraham at Isaac. Nawa lumago sila at maging napakarami sa mundo." 17 Nang nakita ni Jose ang kanyang ama na nilagay ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim, ikinasama niya ng loob ito. Kinuha niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat mula sa ulo ni Efraim sa ulo ni Manasses. 18 Sinabi ni Jose sa kanyang ama, "Hindi aking ama; ito po ang panganay. Ilagay mo ang iyong kanang kamay sa kanyang ulo." 19 Tumanggi ang kanyang ama at nagsabi, "Alam ko, anak, alam ko, siya ay magiging isang lahi, at siya rin ay magiging dakilang mga lahi. Pero ang kanyang nakababatang kapatid ay magiging mas dakila pa kaysa sa kanya, at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging maraming mga bansa." 20 Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, "Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'." Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses. 21 Sinabi ni Israel kay Jose, "Tingnan mo, malapit na akong mamatay, pero kasama ninyo ang Diyos, at dadalhin kayo pabalik sa lupain ng inyong mga ama. 22 Sa iyo, bilang isang nakahihigit sa iyong mga kapatid, ibibigay ko ang bundok na libis na nakuha ko mula sa Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at aking pana."



Genesis 48:1

At nangyari na

Ang pariralang ito ay ginamit dito para tandaan ang pagsisimula ng isang bagong bahagi ng kwento. Kung ang iyong wika ay may paraan sa paggawa nito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito rito.

may nagsabi kay Jose

"may taong nagsabi kay Jose"

Nang sinabihan si Jacob

"Nang may nagsabi kay Jacob"

ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka

"ang iyong anak na si Jose ay pumunta sa iyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:3

Luz

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng lungsod na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/28/18]].

sa lupain ng Canaan. Binasbasan niya ako at sinabi sa akin

Ito ay maaring isalin kasama ng bagong pangungusap na nagsisimula sa isang ibang lugar. AT: "sa lupain ng Canaan, at binasbasan niya ako. At sinabi sa akin"

binasbasan

Ito ay tumutukoy sa Diyos na nagpapahayag ng isang pormal na basbas sa isang tao.

Tingnan mo

"Tumingin ka" o "Makinig ka" o "Bigyan mo ng pansin ang sasabihin ko sa iyo."

palalaguin kita, at pararamihin kita

Ang pariralang "pararamihin kita" ay nagpapaliwanag kung paano "palalaguin" ng Diyos si Jacob. Maaaring isalin na: "Bibigyan kita ng napakaraming kaapu-apuhan" (Tingnan sa:

pararamihin kita. Gagawin kitang isang kapulungan

"magrami ka, at gawin kong maraming bansa ang magmula sa iyo.."

isang walang katapusang pag-aari

"isang permanenteng pag-aari"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:5

ngayon

Ang salitang ito ay ginagamit para tandaan ang panibagong bahagi ng kwento.

sila ay nakalista sa ilalim ng mga pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana

Nangangahulugan ito na ang iba pang anak ni Jose ay magmamana ng lupain sa bahagi ng mga tribu nina Efraim at Manasses. Maaaring isalin na: "at para sa kanilang mana, ililista mo sila sa ilalim ng mga pangalan ng kanilang mga kapatid"

Efrata

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalan ng lungsod na ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/35/16]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:8

Kanino ang mga ito?

"Kaninong mga anak ito?"

basbasan

Ang isang ay madalas magpapahayag ng pormal na pagbabasbas sa kanyang mga anak o mga apo.

hinagkan sila

"hinagkan sila ni Israel"

Ngayon ang mga mata ni Israel

Ang salitang "ngayon" ay ginamit dito para tandaan ang isang pagbabago mula sa kwento patungo sa nakaraang batayan tungkol kay Israel.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:11

sa pagitan ng mga tuhod ni Israel

Nang nilagay ni Jose ang kanyang mga anak sa kandungan o sa tuhod ni Israel, ito ay tanda na inampon sila ni Israel.

si Manasses sa kanyang kaliwang kamay sa may bandang kanang kamay ni Israel

Ipinuwesto ni Jose ang mga batang lalaki para ipatong ni Israel ang kanyang kanang kamay kay Manasses. Si Manasses ang panganay na anak at ang kanang kamay ay isang palatandaan na siya ay tatanggap ng mas malaking pagbabasbas.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:14

"And Diyos na kasama ng aking amang si Abraham at si Isaac

"Ang Diyos na pinaglingkuran ng aking lolong si Abraham at ng aking amang si Isaac"

na nag-alaga sa akin

Ang Diyos ang nag-alaga kay Israel tulad ng isang pastol na nag-aalaga ng kaniyang mga tupa. "na nag-aalaga sa akin tulad ng isang pastol na nag-aalaga sa kanyang mga hayop."

nagbantay sa akin

"nagligtas sa akin"

ang pangalan ko ay ipangalan sa kanila, at ang pangalan ng aking amang sina Abraham at Isaac

"Nawa maalala ng mga tao si Abraham, Isaac, at ako dahil kay Efraim at Manasses"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:17

Ilagay mo ang iyong kanang kamay sa kanyang ulo

Ang kanang kamay ay isang palatandaan ng mas malaking basbas na dapat matanggap ng panganay na anak.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:19

Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses

Ang unang pagsasabi ni Israel sa pangalan ni Efraim ay isa pang paraan na pinapahiwatig niya na si Efraim ay magiging mas dakila kaysa kay Manasses.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

Genesis 48:21

Sa iyo, bilang isang nakahihigit sa iyong mga kapatid, ibibigay ko

"Dahil ikaw ay mas dakila sa iyong mga kapatid, ibibigay ko sa iyo"

ang bundok na libis na nakuha ko mula sa Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at sa aking pana

"ang bahagi ng lupain na ipinaglaban ko at kinuha mula sa mga Amoreo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/48]]


Chapter 49

1 Pagkatapos tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi: "Magsama-sama kayo, para sabihin ko kung ano ang mangyayari sa inyo sa hinaharap. 2 Magpulong kayo at makinig, kayong mga anak na lalaki ni Jacob. Makinig kayo kay Israel, ang inyong ama. 3 Ruben, ikaw ang aking panganay, aking lakas, at ang simula ng aking kalakasan, katangi-tangi ang dangal at katangi-tangi ang kapangyarihan. 4 Katulad ng hindi mapipigilan na matuling agos ng tubig, hindi ka magkakaroon ng katanyagan, dahil sumampa ka sa kama ng iyong ama. Dinungisan mo ito; sumampa ka sa aking higaan. 5 Sina Simeon at Levi ay magkapatid. Mga armas na marahas ang kanilang mga tabak. 6 O aking kaluluwa, huwag kayong pumunta sa kanilang konseho, huwag kayong makiisa sa kanilang pagpupulong, dahil labis ang karangalan ng aking puso para dito. Papatay sila ng mga tao dahil sa kanilang galit. Pipilayan nila ang baka para sa kanilang kasiyahan. 7 Nawa sumpain ang kanilang galit, dahil ito ay mabagsik—at ang kanilang matinding galit, dahil ito ay malupit. Hahatiin ko sila kay Jacob at ikakalat ko sila sa Israel. 8 Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid na lalaki. Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway. Yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama. 9 Si Juda ay isang batang leon. Anak ko, tapos ka na sa iyong mga biktima. Yumuko siya, yumukod siya katulad ng leon, katulad ng leona. Sino ang hahamon na gisingin siya? 10 Hindi mawawala ang setro sa Juda, kahit ang tungkod ng pinuno mula sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang dumating ang Silo. Susunod ang mga bansa sa kanya. 11 Pagkatali ng kanyang batang kabayo sa puno ng ubas at ng batang asno sa piling puno ng ubas, nilabhan niya ang kanyang mga kasuotan ng alak at ang kanyang balabal sa dugo ng mga ubas. 12 Ang mata niya ay magiging kasing itim ng alak, at ang kanyang ngipin ay kasing puti ng gatas. 13 Titira si Zebulon sa tabing-dagat. Magiging daungan siya ng mga barko at aabot ang kanyang hangganan sa Sidon. 14 Malakas na asno si Isacar na nakahiga sa gitna ng tupahan. 15 Nakakakita siya ng mabuting lugar na pagpahingahan at kaaya-ayang lupain. Iyuyukod niya ang kanyang balikat para pumasan at naging isang alipin para sa tungkulin. 16 Hahatulan ni Dan ang kanyang mga tao bilang isa sa mga lipi ng Israel. 17 Magiging tulad ng ahas si Dan sa gilid ng daan, isang nakalalasong ahas sa daan na nanunuklaw ng mga sakong ng kabayo, upang mahulog ng patalikod ang kanyang sakay. 18 Maghihintay ako sa iyong pagliligtas, Yahweh. 19 Si Gad—lulusubin siya ng mga mananalakay, pero sasalakay siya sa kanilang mga sakong. 20 Magiging masagana ang pagkain ni Aser, at magbibigay siya ng mga pagkain sa maharlika. 21 Si Nephtali ay isang malayang babaeng usa; magkakaroon siya ng magandang mumunting mga usa. 22 Si Jose ay magiging mabungang sanga, isang mabungang sanga malapit sa batis at aakyat sa pader ang mga sanga. 23 Lulusubin siya, papanain at guguluhin ng mga namamana. 24 Pero mananatili ang kanyang pana, at magiging dalubhasa ang kanilang mga kamay dahil sa mga kamay ng Makapangyarihan kay Jacob, dahil sa pangalan ng Pastol, at ang Bato ng Israel. 25 Dahil ang Diyos ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, at dahil sa makapangyarihang Diyos na siyang magbabasbas sa iyo ng pagpapala sa kalangitan, mga pagpapala sa kailaliman na nasa ibaba, mga pagpapala sa mga dibdib at sinapupunan. 26 Mas malaki pa ang mga pagpapala ng iyong ama kaysa sa mga sinaunang bundok o kanais-nais na mga bagay ng walang hanggang mga burol. Sila ay nasa ulo ni Jose, pagpapala na kokorona sa ulo ng isang prinsipe na nakakataas sa kanyang mga kapatid. 27 Gutom na lobo si Benjamin. Lalamunin niya ang kanyang nahuli sa umaga, at hahatiin niya ang mga nakaw sa gabi." 28 Ito ang mga labindalawang lipi ng Israel. Ito ang sinabi ng kanilang ama nang sila ay pinagpala niya. Bawat isa ay pinagpala niya ng nararapat na pagpapala. 29 Tinuruan niya sila at sinabihang, "Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo, 30 sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan. 31 Doon inilibing si Abraham at Sara na kanyang asawa; inilibing nila roon si Isaac at Rebeca na kanyang asawa; at inilibing ko roon si Lea. 32 Binili ang bukid at ang kuweba rito mula sa mga Heth." 33 Nang matapos ni Jacob ang kanyang mga tagubilin sa kanyang mga anak na lalaki, iniunat niya ang kanyang mga paa sa kama at inihinga ang huling hininga, at pumunta sa kanyang mga tao.



Genesis 49:1

Magpulong kayo at makinig, kayong mga anak na lalaki ni Jacob. Makinig kayo kay Israel, ang inyong ama

Ang dalawang pangungusap ay nagsasabi ng parehong bagay para magbigay-diin. Maaaring isalin na: "Halikayo at makinig nang mabuti sa iyong ama"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:3

ang simula ng aking kalakasan

Inihahandog ng mga magulang na Hebreo ang kanilang unang anak sa Diyos. Ang mga salitang "nagsisimula" at "unang bunga" ay nangangahulugan na si Ruben ay pag-aari ng Diyos sa isang bukod tanging paraan. Maaaring isalin na: "ang unang bunga ng aking pagkalalaki."

katangi-tangi ang dangal at katangi-tangi ang kapangyarihan

Ikaw ang una sa parangal at kapangyarihan."

hindi mapipigilan na matuling agos ng tubig

"Inihahambing ni Jacob si Ruben sa malakas na agos ng tubig para bigyang-diin na hindi niya mapipigilan ang kanyang galit at hindi siya matatag.

hindi ka magkakaroon ng katanyagan

"hindi ka mangunguna sa iyong mga kapatid"

dahil sumampa ka sa kama ng iyong ama. Dinungisan mo ito; sumampa ka sa aking higaan

Tumutukoy ito nang si Ruben ay natulog kasama si Bilha sa [[rc://tl/bible/notes/gen/35/21]]. Maaari itong gawing malinaw: "dahil ikaw ay sumampa sa kama at natulog kasama si Bilha na aking asawa. Binigyan mo ako ng kahihiyan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]",

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:5

Mga armas na marahas ang kanilang mga tabak

"Ginagamit nila ang kanilang mga tabak para manakit at pumatay ng mga tao"

O aking kaluluwa...aking puso

Gumagamit si Jacob ng mga salitang "kaluluwa" at "puso" para tukuyin ang kanyang sarili at nagsasabi na ang ibang mga tao—at marahil ang Diyos din—ay pinararangalan siya na hindi niya ginustong sumali sa mga nagbabalak na gumawa ng masama.

huwag kayong pumunta sa kanilang konseho, huwag kayong makiisa sa kanilang pagpupulong

Ang dalawang mga pariralang ito ay magpareho ng kahulugan. Pinagsama ni Jacob ang mga ito para bigyang-diin na hindi niya gustong makisama sa kanilang mga masamang balak. Maaaring isalin na: "Tiyak na hindi ako sasama sa kanila na gumawa ng kahit na anong balak"

pipilayan nila ang baka

Inihahalintulad ni Jacob ang kalalakihan ng Sechem sa mga baka. Ito ay nagbibigay-diin ng mga kalakasan at sila ay pinatay nina Simeon at Levi na tila ang mga tao ay parang mga hayop lamang. Maaring isalin na: "Kinatay nila ang mga kalalakihan na parang kumatay sila ng mga baka"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:7

Nawa sumpain ang kanilang galit

Sa propesiya, ang propeta ay kadalasang nagsasalita ng mga salita ng Diyos na parang ang Diyos mismo ang nagsasalita. Ito ay nagbibigay-diin kung gaano kalapit ang propeta at ang Diyos. Maaaring isalin na: Sinasabi ng Diyos, "Isusumpa ko sila dahil sa kanilang galit" o "Ako, ang Panginoon, ay isusumpa sila dahil sa kanilang galit."

Hahatiin ko sila kay Jacob at ikakalat ko sila sa Israel

Ang salita na "ko" ay tumutukoy sa Diyos. Ang salitang "sila" ay tumutukoy kina Simeon at Levi pero ito ay propesiya tungkol kanilang mga kaapu-apuhan. Ang mga salitang "Jacob" at "Israel" ay tumutukoy sa lahat ng mga bayan ng Israel. Maaaring isalin na: "Hahatiin ko ang kanilang mga kaapu-apuhan at ikakalat ko sila sa lahat ng mga tao sa Israel"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:8

Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway

"Sasakupin mo ang iyong mga kaaway."

Yuyuko

Nangangahulugan itong lumuhod para mapagpakumbabang ipahayag ang paggalang at pagpaparangal sa isang tao.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:9

Juda ay isang batang leon

Ikinukumpara ni Jacob si Juda sa isang batang leon para bigyang diin ang kalakasan. Maaaring isalin na: "Si Juda ay tulad ng isang batang leon"

Anak ko, tapos kana sa iyong mga biktima

"Ikaw, anak ko, ay bumalik mula sa pagkain sa iyong biktima"

katulad ng leona

Inihahantulad rin ni Jacob ang Juda sa isang babaeng leon. Ang leona ay pangunahing mangangaso at tagapagtanggol ng kanyang batang leon

Sino ang hahamon na gigising sa kanya

Gumagamit si Jacob ng katanungan para bigyang-diin kung gaano nakakatakot si Juda sa mga tao. Maaaring isalin na: " Walang gusto na gisingin siya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:10

Hindi mawawala ang setro sa Juda, kahit ang tungkod ng pinuno mula sa pagitan ng kanyang mga paa

Ang "setro" at ang "tungkod" ay mahabang pinalamutiang patpat na hawak ng mga hari. Dito tumutukoy ang ito sa kapangyarihan na mamuno. At ang "Juda" ay tumutukoy sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Maaaring isalin na: "Ang kapangyarihan na mamuno ay laging nasa kaapu-apuhan ni Juda" (Tingnan sa:

hanggang dumating ang Silo. Susunod ang mga bansa sa kanya

Maaaring mga kahulugan ay 1) hanggang dumating ang namumuno sa Silo. Pagkatapos, susundin siya ng mga bansa" o 2) "hanggang sundin siya ng mga bansa at magdala ng parangal sa kaniya." Itinuturing ito ng maraming tao bilang mga propesiya tungkol sa Mesias na na kaapu-apuhan ni haring David. Si David ay kaapu-apuhan ni Juda.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:11

Pagkatali ng kanyang batang kabayo

ang salitang "kaniyang" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Juda, o sa namumuno sa [[rc://tl/bible/notes/gen/49/10]]

nilabhan niya

Kadalasan sa propesiya ang kaganapan na mangyayari sa hinaharap ay inilalarawan na nangyari na sa nakaraan. Binibigyang-diin nito na ang kaganapan ay tiyak na mangyayari. Maaaring isalin na: "lalabhan niya" o "lalabhan nila."

Ang mata niya ay magiging

"ang mga mata nila ay magiging." Maaaring isalin na: "Ang kanyang mata ay" o "ang kanilang mga mata ay."

kasing itim ng alak...kasing puti ng gatas

"mas maitim kaysa sa alak... mas maputi kaysa sa gatas"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:13

Titira si Zebulon

Tumutukoy ito sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon.

Magiging daungan siya

Ang mga bayan na titirhan ni Zebulun o tatayuan ay magbibigay ng silungan para sa mga barko. (Tingnan sa: a:vol2:translate:figs_metonymy]])

Daungan

isang bahagi ng dagat na katabi ng lupa at isang ligtas na lugar para sa mga barko

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:14

Malakas na asno si Isacar

Kadalasan sa propesiya ang kaganapan na mangyayari sa hinaharap ay inilalarawan na nangyari na sa nakaraan. Binibigyang-diin nito na ang kaganapan ay tiyak na mangyayari. Dito si Isacar ay tumutukoy sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Ikinumpara sila sa isang asno. Binibigyang-diin nito na kailangan nilang magtrabaho ng mabuti. Maaaring isalin na: "Ang mga kaapu-apuhan ni Isacar ay magiging tulad ng malakas na asno. (Tingnan sa: at

na nakahiga sa gitna ng tupahan

Maaaring mga kahulugan ay 1) "na nakahiga sa gitna ng mga balot na kanilang dinadala" o 2) "na nakahiga sa gitna ng dalawang kulungan ng tupa." (Tingnan sa :

Nakakakita siya ng mabuting lugar na pagpahingahan at kaaya-ayang lupain

"makakakita sila ng mapagpapahingahang lugar na mabuti at ang lugar ay kaaya-aya"

Iyuyukod niya ang kanyang balikat para pumasan

"magtatrabaho sila nang mabuti para pasanin ang dalahin"

at naging isang alipin para sa tungkulin

"at magtatrabaho sila para sa iba bilang mga alipin"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:16

Hahatulan ni Dan ang kanyang mga tao

Mga maaaring kahulugan ay 1) "hahatulan ng mga pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Dan ang kanilang mga tao. o 2) "hahatulan ng mga kaapu-apuhan ni Dan ang bayan ng Israel."

Magiging tulad ng ahas si Dan sa gilid ng daan

"Magiging tulad ng ahas si Dan sa gilid ng daan. Kahit na maliit ang ahas, kaya nitong magpabagsak ng mangangabayo , kaya si Dan, kahit maliit ang lipi, ito ay mapanganib sa kaniyang mga kaaway.

Maghihintay ako

Ang salitang "ako" ay tumutukoy kay Jacob.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:19

Gad...Aser...Nephtali

Ang mga ito ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ng bawat tao.

Si Nephtali ay isang malaya na babaeng usa

Ikinukumpara dito ang mga kaapu-apuhan ni Nephtali sa babaeng usa na malayang tumakbo. Maaaring binibigyang-diin nito na sila ay maliliksing mensahero. Maaaring isalin na: "Ang mga kaapu-apuhan ni Nephtali ay magiging tulad ng usang pinalaya"

magandang mumunting mga usa

Ang "munting usa" ay isang batang usa. Ang kahulugan ng salitang Hebreo ay hindi malinaw. Ang ibang salin ay isinalin ito bilanh "magandang" mga salita."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:22

Jose ay magiging mabungang sanga

Tumutukoy ito sa mga kaapu-apuhan ni Jose. Ikinumpara sila sa isang sanga ng puno na namumunga ng marami. Binibigyan-diin nito na dadami sila ng labis.

ng mga mamamana

ngmga tao na gumagamit ng mga pana at mga palaso

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:24

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

mga kamay n Makapangyarihan

Ang "mga kamay" ay nagpapahayag ng kapangyarihan ni Yahweh. Maaaring isalin na: "ang kapangyarihan ng Makapangyarihan"

dahil sa pangalang ang Pastol

Dito ang "pangalan" ay tumutukoy sa kabuuan ng tao. Maaaring isalin na: "dahil sa ang Pastol"

ang Pastol, ang Bato

Inihahantulad ni Jacob si Yahweh sa pastol at sa bato. Binigyang-diin nito na si Yahweh ang gumagabay at nangangalaga sa kanyang bayan.

Genesis 49:25

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:26

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Sila ay nasa ulo ni Jose, pagpapala na kokorona sa ulo

Ang "sila" ay tumutukoy sa pagpapala na kanyang ama. Ikinukumpara ni Jacob ang pagpapala na ibinibigay niya kay Jose sa isang korona na isinusuot ng prinsipe. Nagbibigay-diin ito na ang mga pagpapalang ito ay tanda ng karangalan at kapangyarihan ni Jose higit sa kanyang mga kapatid na lalaki. Maaaring isalin na: "Ang mga pagpapalang ito ay katulad ng isang korona sa ulo ni Jose"

prinsipe na nakakataas sa kanyang mga kapatid

"inihiwalay sa kanyang mga kapatid"

Genesis 49:27

Gutom na lobo si Benjamin

Tumutukoy ito kay Benjamin at sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Ikinukumpara sila ni Jacob sa gutom na lobo. Binibigyang-diin nito na sila ay mababagsik na mandirigma. Maaaring isalin na: "Ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay magiging tulad ng gutom na mga lobo" (Tingnan sa: at

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:28

Ito ang mga labindalawang lipi ng Israel

Ang "Ito ang mga" ay tumutukoy sa mga anak ni Jacob na nabanggit sa 49:1-27. Bawat anak na lalaki ay naging pinuno ng kanyang sariling lipi.

nang sila ay pinagpala niya

Dito ang salitang "pinagpala" ay tumutukoy sa pagsasalita ng pormal na mga pagpapala.

Bawat isa ay pinagpala niya ng nararapat na pagpapala

"Binigyan niya ang bawat anak ng angkop na pagpapala"

Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao

"Ako ay malapit ng mamamatay" (Tingnan sa:

Tinuruan niya sila

"inutusan niya sila"

Efron ang Heteo

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/10]].

Macpela...Mamre

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/17]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Genesis 49:31

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/49]]

Binili

Maaaring isalin na: "Binili ni Abraham" (Tingnan sa:

mula sa Heth

"mula sa mga Heteo"

Nang matapos ang mga tagubilin sa kanyang mga anak na lalaki

"natapos tagubilinan ang kanyang mga anak na lalaki" o "natapos utusan ang kanyang mga anak na lalaki"

iniunat niya ang kanyang mga paa sa kama

Nakaupo si Jacob sa kama. Ngayon, lumingon si Jacob at inilagay ang kaniyang mga paa sa kama para siya ay makahiga.

huling hininga, at pumunta sa kanyang mga tao

Tingnan kung paano mo isinalin ang magkaparehong parirala sa [] [[rc://tl/bible/notes/gen/25/07]].


Chapter 50

1 Pagkatapos niyakap ni Jose ang mukha ng kaniyang ama, nagdalamhati siya at hinalikan niya siya. 2 Inutusan ni Jose ang kanyang mga lingkod na manggagamot na embalsamuhin ang kanyang ama. Kaya inembalsamo ng mga manggagamot si Israel. 3 Ginawa nila ito ng apatnapung araw, dahil iyon ang ganap na panahon ng pag-eembalsamo. Umiyak ang mga taga-Ehipto ng pitumpung araw. 4 Nang matapos ang mga araw ng pag-iyak, nakipag-usap si Jose sa hukuman ng Paraon at sinabing, "Kung ngayon may nahanap akong pabor sa iyong mga mata, pakiusap, kausapin mo si Paraon, sabihing, 5 'Pinanumpa ako sa aking ama, sinabing, "Tingnan mo, malapit na akong mamatay, Ilibing mo ako sa aking libingan na hinukay ko doon sa lupain ng Canaan. Doon mo ako ilibing." Ngayon hayaan ninyo akong umakyat at ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay babalik din ako." 6 Sumagot ang Paraon, "Lumakad ka at ilibing ang iyong ama, tulad ng ipinanumpa niya sa iyo." 7 Umakyat si Jose para ilibing ang kanyang ama. Kasama niyang umakyat ang lahat ng mga opisyal ng Paraon, ang mga tagapayo sa kanyang sambahayan, at ang lahat ng mga nakakatandang opisyal sa lupain ng Ehipto, 8 kasama lahat ng sambahayan ni Jose at kanyang mga kapatid, at sambahayan ng kanyang ama. Pero iniwan nila ang mga bata, kanilang mga kawan, at ang kanilang mga kalipunan, sa lupain ng Gosen. 9 Pumunta kasama niya ang mga karwahe at mga mangangabayo. Ito ay isang napakalaking pulutong ng tao. 10 Nang sila ay dumating sa giikan ni Atad na nasa kabilang dako ng Jordan, sila ay nagluksa ng napakatindi at napakalungkot na pagdadalamhati. Doon si Jose ay nagluksa ng pitong araw para sa kanyang ama. 11 Nang nakita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang pagluluksa sa giikan ni Atad, kanilang sinabi, "Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto." Kaya ang pangalang itinawag sa lugar na iyon ay Abel-Mizraim, na nasa kabilang dako ng Jordan. 12 Kaya ginawa ng kanyang mga anak kay Jacob ang ayon sa inihabilin niya sa kanila. 13 Dinala siya ng kanyang mga anak sa lupain ng Canaan at inilibing siya sa kuweba sa bukid ng Macpela, malapit sa Mamre. Binili ni Abraham ang kuweba na may bukid para maging lugar na paglilibingan. Binili niya ito kay Ephron na Hetheo. 14 Matapos niyang ilibing ang kanyang ama, bumalik si Jose patungong Ehipto, siya, kasama ang kanyang mga kapatid na lalaki, siya, at lahat ng sumama sa kaniya sa paglilibing sa kanyang ama. 15 Nang nakita ng mga kapatid na lalaki ni Jose na ang kanilang ama ay patay na, sinabi nila, "Paano kung si Jose ay may dinadala pang sama ng loob at nais niyang pagbayarin tayo ng buo para sa lahat ng kasamaan na ginawa natin sa kanya?" 16 Kaya nagpadala sila ng mensahe kay Jose, na nagsasabing, "Nagbigay ng mga tagubilin ang iyong ama bago siya mamatay, na nagsasabing. 17 'Ganito ang sabihin ninyo kay Jose, "Pakiusap patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga kapatid at ang kamalian na kanilang nagawa nang pinagmalupitan ka nila." Ngayon pakiusap patawarin mo ang mga lingkod ng Diyos ng iyong ama. Si Jose ay umiyak nang dinala ang mensahe sa kanila. 18 Nagpunta rin ang kanyang mga kapatid na lalaki at nagpatirapa sa harap niya. Sinabi nila, "Tingnan mo, kami ay iyong mga lingkod." 19 Pero sinagot sila ni Jose, "Huwag kayong matakot. Nasa lugar ba ako ng Diyos? 20 At para sa inyo, ninais niyo na ipahamak ako, pero ninais ng Diyos ito para sa kabutihan, para pag-ingatan ang buhay ng maraming tao, gaya ng nakikita ninyo ngayon. 21 Kaya ngayon huwag kayong matakot. Paglalaanan ko kayo at ang inyong mga anak." Inaliw niya sila sa paraang ito at nakipag-usap ng may kagandahang-loob sa kanila. 22 Nanirahan si Jose sa Ehipto, kasama ng sambahayan ng kanyang ama. Nabuhay siya ng isandaan at sampung taon. 23 Nakita ni Jose ang mga anak ni Efraim hanggang sa ikatlong salinlahi. Nakita niya rin ang mga anak ni Makir na anak ni Manases. Sila ay "ipinanganak sa kanyang mga tuhod." 24 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, "Malapit na akong mamatay; pero tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos at pangungunahan kayo palabas ng lupaing ito papunta sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob." 25 Pagkatapos ipinasumpa ni Jose ang mga anak ni Israel. Sinabi niya, "Tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos. Sa panahong iyon kailangan ninyong dalhin ang aking mga buto mula rito." 26 Kaya namatay si Jose sa gulang na isandaan at sampung taon. Pagkatapos siyang embalsamuhin, siya ay inilagay nila sa isang kabaong sa Ehipto.



Genesis 50:1

Pagkatapos niyakap ni Jose ang mukha ng kanyang ama

"Pagkatapos si Jose ay namighati sa kalungkutan sa kanyang ama" o "itinapon ni Jose ang kanyang sarili sa kanyang ama"

kanyang mga lingkod na manggagamot

"kanyang mga lingkod na nag-alaga sa patay na katawan"

na embalsamuhin

Isang natatanging paraan ng pangangalaga ng patay na katawan bago ito ilibing.

Ginawa nila ito ng apatnapung araw

"Ginawa nila ito ng 40 na araw"

pitumpung araw

"70 na araw"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:4

mga araw ng pag-iyak

"mga araw ng pagluluksa para sa kanya" o "mga araw ng pag-iyak para sa kanya"

Kung ngayon may nahanap akong pabor sa iyong mga mata

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/30/27]].

Tingnan mo, malapit na akong mamatay

"Tingnan mo, mamamatay na ako"

tulad ng ipinanumpa niya sa iyo

"tulad ng isinumpa mo sa kanya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:7

lahat ng mga opisyal ng Paraon

lahat ng mga pangunahing pinuno ng Paraon ay dumalo sa prusisyon ng libing.

tagapayo ng kanyang sambahayan

Ito ang mga maharlikang salinlahi ng pamilya ni Paraon.

kasama lahat ng sambahayan ni Jose at kanyang mga kapatid, at sambahayan ng kanyang ama

Ito ay maaaring isalin sa bagong pangungusap: "sambahayan ni Jose, kanyang mga kapatid at ang sambahayan ng kanyang ama ay kasama rin niyang pumunta."

Pero iniwan nila ang mga bata

"Pero iniwan nila ang kanilang mga anak"

Ito ay isang napakalaking pulutong ng tao

"Ito ay isang napakamalaking pagtitipon"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:10

Nang sila ay dumating

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa kasama sa prusisyon ng libing.

giikan ni Atad

Ang salitang "Atad" ay nangangahulugang "tinik" at ito ay maaaring tumutukoy sa isang napakalawak na tinik na tumubo sa lugar. O, maaari itong pangalan ng isang tao na nagmamay-ari ng giikan.

sila ay nagluksa ng napakatindi at napakalungkot na pagdadalamhati

"sila ay labis na malungkot at nagluksa sila ng labis"

pitong araw

"7 araw"

sa giikan ni Atad

"sa giikan ni Atad"

Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto

"Ang pagluluksa ng mga taga-Ehipto ay napakalutindi"

Abel Mizraim

Ang tagasalin ay maaaring magdagdag ng talababa na nagsasabing:" Ang pangalang Abel Mizraim ay nangangahulugang "ang pagluluksa ng Ehipto."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:12

kaya ang kanyang mga anak

"Kaya ang mga anak ni Jacob"

ayon sa inihabilin niya sa kanila

"ayon sa iniutos niya sa kanila"

Macpela...Mamre

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/17]].

Efron na Heteo

Tingnan kung paano mo isinalin ang pangalang ito sa [[rc://tl/bible/notes/gen/23/17]].

bumalik si Jose patungong Ehipto

"bumalik si Jose sa Ehipto"

lahat ng sumama sa kaniya

"lahat ng pumunta kasama niya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:15

Paano kung si Jose ay may dinadala pang sama ng loob

"Paano kung galit si Jose sa atin"

Nagbigay ng mga tagubilin ang iyong ama bago siya mamatay, na nagsasabing

Si Jacob ang ama ng lahat ng magkapatid. Dito sinasabi nilang "iyong ama" para bigyang-diin na kailangang magbigay pansin ni Jose sa sinasabi ng kanyang ama. Maaaring isalin na: Bago mamatay ang ating ama, sinabi niya"

at ang kamalian na kanilang nagawa nang pinagmalupitan ka nila

"dahil sa mga masasamang bagay na ginawa nila sa iyo"

Ngayon pakiusap patawarin mo ang mga lingkod ng Diyos ng iyong ama

"Ngayon pakiusap patawarin mo kami, ang mga lingkod ng Diyos ng iyong ama, dahil sa mga masasamang bagay na ginawa namin sa iyo"

Si Jose ay umiyak nang dinala ang mensahe sa kanila

"Si Jose ay umiyak nang narinig niya ang mensaheng ito"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:18

nagpatirapa sa harap niya

Yumuko sila nang nakasayad ang kanilang mukha sa lupa. Ito ay palatandaan ng pagpapakumbaba at respeto kay Jose.

Nasa kalagayan ba ako ng Diyos?

Gumagamit si Jose ng tanong para aliwin ang kanyang mga kapatid. Maaaring isalin an: "Hindi ako ang nasa lugar ng Diyos" o "Hindi ako Diyos"

ninais niyo na ipahamak ako

"sinadya niyong gumawa ng kasamaan sa akin"

ninais ng Diyos ito para sa kabutihan

"sinadya ito ng Diyos para sa kabutihan"

Kaya ngayon huwag kayong matakot

"Kaya huwag ninyo akong katakutan"

Paglalaanan ko kayo at ang inyong mga anak.

"Lagi kong sisiguraduhing kayo at ang inyong mga anak ay may sapat na makakain"

Inaliw niya sila sa paraang ito at nakipag-usap ng may kagandahang-loob sa kanila.

"Inaliw niya sila sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila ng may kagandahang-loob"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

Genesis 50:22

Makir

Ito ang pangalan ng apo ni Jose.

Sila ay "ipinanganak sa kanyang mga tuhod."

Nangangahulugan ang pahayag na ito na nakatanggap sila ng natatanging karapatan sa mana. Maaaring isalin na: "Binigyan sila ni Jose ng natatanging karapatan sa mana."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/gen/50]]