Chapter 1

Ecclesiastes 1:1

Tulad ng isang singaw ng usok, tulad ng isang simoy sa hangin

Ang dalawang pariralang ito ay pareho ang kahulugan at pinagsama para magbigay diin.

Anong mapapala ng sangkatauhan... sa ilalim ng araw?

"Ang sangkatauhan ay walang mapapala.... sa ilalim ng araw."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

Ecclesiastes 1:4

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

Ecclesiastes 1:7

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

Ang lahat ay nakakapagod

Yamang ang tao ay hindi kayang ipaliwanag ang mga bagay na ito, walang kabuluhan subukan ito. Maaaring isalin na: "lahat ng bagay ay nakakapagod"

Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito

Hindi maaaring basta na lang bigyan ng isang karaniwang kahulugan kung ano ang nakikita. Maaaring isalin na: "Ang tao ay hindi nasisiyahan sa mga nakikita ng kaniyang mga mata"

ni man tainga man ay napupuno ng naririnig nito

Hindi maaaring basta na lang bigyan ng isang karaniwang kahulugan kung ano ang naririnig. Maaaring isalin na: "ni ang isang tao ay masisiyahan sa naririnig ng kanyang mga tainga"

Ecclesiastes 1:9

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

anuman ang nagawa ay siyang magagawa

Maaaring isalin na: "anuman ang ginawa ng mga tao noon ay gagawin ng mga tao sa hinaharap"

Mayroon bang anumang bagay na maaaring masabi, 'Masdan mo, ito ay bago'?

Maaaring isalin na: "Walang isang tao man doon ang maaaring magsabi, 'Masdan mo, ito ay bago'?

ay malamang na hindi rin maalala

Maaaring isalin na: "ang mga tao ay malamang na hindi rin sila maalala"

Ecclesiastes 1:12

Inilaan ko ang aking pag-iisip

Maaaring isalin na: " Inalam ko" o "nakapagpasya na ako"

sa pag-aaral at pagsisiyasat

Ang dalawang pariralang ito ay pareho ang kahulugan at binibigyan diin ang masigasig niyang pag-aaral.

mga anak ng tao

Maaaring isalin na: "mga tao"

lahat ng gawain na ginawa

Maaaring isalin na: "lahat ng bagay na ginagawa ng mga tao"

usok

"ulap" o "hininga." hindi ito magtatagal. Maaaring isalin na: "pansamantala" o "ay walang halaga." Ano ang ginagawa ng tao ay katulad ng usok dahil hindi ito nagtatagal at wala itong halaga.

isang pagtangkang paghahabol sa hangin

Ang Mangangaral ay nagsasabi na ang mga bagay na ginagawa ng mga tao ay tulad ng pagtangkang hulihin ang hangin o pigilin ang hangin sa pag-ihip.

Ang baluktot ay hindi na maitutuwid. Ang nawala ay hindi na mabibilang

Maaaring isalin na: "Ang mga tao ay hindi na kayang tuwirin ang mga bagay na binaluktot! Hindi nila kayang bilangin kung ano ang wala doon!"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

Ecclesiastes 1:16

inilagay ko sa aking puso

Maaaring isalin na: " Inalam ko" o "nakapagpasya na ako"

kabaliwan at kahangalan

Ang salitang "kabaliwan" at "kahangalan" ay nagpapahayag ng parehong kahulugan at tumutukoy sa hangal na pag-iisip at pag-uugali, ayon sa pagkakabanggit.

isang pagtangkang paghahabol sa hangin

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/01]]


Translation Questions

Ecclesiastes 1:1

Kaninong lahi nagmula ang Mangangaral?

Ang Mangangaral ay anak ni David, hari sa Jerusalem.

Ecclesiastes 1:4

Ano ang mananatili magpakailanman?

Ang mundo ay mananatili magpakailanman.

Ecclesiastes 1:7

Sa ano hindi nasisiyahan ang mata?

Ang mata ay hindi nasisiyahan sa nakikita nito.

Ecclesiastes 1:9

Ano ang magaganap?

Anuman ang naganap noon ay ang magaganap.

Ecclesiastes 1:12

Sa ano inilaan ng Mangangaral ang kanyang isipan?

Inilaan ng Mangangaral ang kanyang isipan sa pag-aaral at sa pagsisiyasat gamit ang karunungan sa lahat ng bagay na ginawa sa ilalim ng kalangitan.

Saan hahantong ang lahat ng mga gawaing ginawa sa ilalim ng araw?

Lahat ng gawain na ginawa sa ilalim ng araw ay hahantong sa usok at isang pagtatangka na pastulan ang hangin.

Ecclesiastes 1:16

Saan mayroong maraming kabiguan?

Sa kasaganahan ng karunungan ay mayroong napakaraming kabiguan.


Chapter 2

Ecclesiastes 2:1

Sinabi ko sa aking puso

Maaaring isalin na: "sinabi ko sa aking sarili"

susubukin kita sa kasayahan

Dito ang salitang "ikaw" ay tumutukoy sa kanyang sarili. Maaaring isalin na: "susubukan ko ang aking sarili sa mga bagay na makapagpapasaya sa akin"

kaya magsawa sa kalayawan

Maaaring isalin na: "Kaya magsasaya ako sa mga bagay na naka-aaliw sa akin"

Sabi ko sa halakhak, "ito ay kabaliwan''

Maaaring isalin na: "sinabi ko na ito ay kabaliwan na pagtawanan ang mga bagay"

Anong silbi nito?

Maaaring isalin na: "Ito ay walang silbi"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:3

Sinaliksik ko sa aking puso

Maaaring isalin na: ""Pinag-isipan kong mabuti ang tungkol"

mapagbibigyan ang aking mga pagnanasa sa pag-inom ng alak

Maaaring isalin na: "gamitin ang alak para pasiyahin ang aking sarili"

Hinayaan kong gabayan ako ng karunungan

Maaaring isalin na: "naisip ang tungkol sa mga bagay na itinuro sa akin ng matalinong tao"

sa mga araw ng kanilang mga buhay

Maaaring isalin na: "habang sila ay nabubuhay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:4

Nagtayo ako ng mga bahay para sa aking sarili at nagtanim ng mga ubasan

Sinabi marahil ng manunulat sa mga tao gawin ang trabaho. Maaaring : "Mayroon akong mga taong nagtatayo ng mga bahay at nagtatanim ng ubasan para sa akin"

mga hardin at mga liwasan

Ang dalawang salitang ito ay magkasingkahulugan at tinutukoy sa magandang taniman ng bungang kahoy.

diligan ang isang kagubatan

"maglaan ng tubig para sa kagubatan"

kagubatan kung saan naglalakihan ang mga puno

Maaaring isalin na: "kagubatan kung saan tumubo ang mga puno"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:7

mayroon akong mga aliping isinilang sa aking palasyo

Maaaring isalin na: "nagkaroon ako ng mga alipin na isinilang sa aking lugar" o "Nanganak ang mga alipin ko at sila man ay aking mga alipin"

sa pagmamagitan ng maraming asawa at mga iba pang babaeng kinakasama, ginawa ko ang mga bagay na maaaring magdulot nang kaligayahan sa sinumang lalaki sa ibabaw ng mundo

Maaaring isalin na: at ako ay lubhang nasiyahan sa marami kong mga asawa at ibang babaeng kinakasama, katulad ng sinumang lalaki"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:9

Anuman ang hangarin ng aking mga mata

Maaaring isalin na: "Anuman ang aking makita at hinangad"

hindi ako nagpipigil sa kanila

Ito ay maaaring isinaad sa positibong anyo. Maaaring isalin na: "nakamtan ko sa aking sarili"

Hindi ko pinipigil ang aking puso sa anumang kasiyahan

Ito ay maaaring isinaad sa positibong anyo. Maaaring isalin na:"hinayaan ko ang aking sarili para magsaya sa lahat ng bagay na nagbigay sa aking kaligayahan"

ang puso ko ay natuwa

Maaaring isalin na: "Ako ay natuwa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:11

ang lahat ng mga gawain na tinapos gawin ng aking mga kamay

Maaaring isalin na: "lahat ng aking natapos"

usok at parang isang pagtangkang paghahabol sa hangin

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

kabaliwan at kahangalan

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/16]].

Para ano ang maaaring gawin ng susunod na hari...na hindi pa rin nagagawa?

Ang manunulat ay ginagamit ang katanungan para bigyan diin ang kaniyang punto na ang susunod na hari ay hindi na maaaring makagawa ng anumang bagay na mas mahalaga kaysa sa nagawa na niya. Maaaring isalin na: "Dahil wala ng magagawa ang susunod na hari... na hindi pa nagawa na."

ng susunod na hari...na darating pagkatapos ng isang hari

"ang hari...na susunod sa kasalukuyang hari." Marahil ito ay isinulat ng kasalukuyang hari, kaya "kasunod ng hari" ay maaari ring isalin na "kasunod ko" (UDB).

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:13

karunungan ay mayroong kalamangan sa kamangmangan, gaya ng liwanag na mas mabuti kaysa sa kadiliman

Karunungan ay mas mabuti kaysa sa kamangmangan, gaya ng liwanag ay mas mabuti kaysa sa dilim.

Ang matalinong tao ay ginagamit ang kaniyang mga mata sa kaniyang ulo para makita ang kaniyang patutunguhan

Maaaring isalin na: "Ang matalinong lalaki ay tulad ng isang taong ginagamit ang kaniyang mga mata kung saan siya pupunta"

ginagamit ang kaniyang mga mata sa kaniyang ulo para makita

Maaaring isalin na: "maaaring makita"

ang mangmang ay naglalakad sa kadiliman

Maaaring isalin na: "ang mangmang ay gaya ng isang taong naglalakad sa dilim"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:15

sinabi ko sa aking puso

Maaaring isalin na: "sinabi ko sa aking sarili"

Kaya anong mayroong pagkakaiba kung ako ay napakatalino?

Ang manunulat ay ginagamit itong pagtatanong para bigyan diin ang kaniyang punto na walang pakinabang ang pagiging matalino. Maaaring isalin na: "Kaya wala ito pagkakaiba kung naging napakatalino ko."

Napagpasyahan ko na sa aking puso

Maaaring isalin na: "napagpasyahan ko"

usok

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

matalinong tao, tulad ng mangmang, ay hindi na maaalala sa mahabang panahon

Maaaring isalin na: "hindi maaalala ng tao sa napakahabang panahon ang matalino, gaya ng hindi nila maaalala ang mangmang sa napakahabang panahon"

ang lahat ay matagal na kalilimutan

Maaaring isalin na: "matagal nang nalimutan ng tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:17

lahat ng ginawa

Maaaring isalin na: "lahat ng paghihirap na ginagawa ng tao"

usok at isang pagtangkang paghabol sa hangin

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:19

At sino ang nakakaalam kung siya ay magiging matalinong tao o isang mangmang?

Maaaring isalin na: "At walang isa man ang nakakaalam kung siya ay magiging isang matalino o isang mangmang."

siya ay magiging

"siya" ay tumutukoy sa taong magmamana ng kayaman ni Solomon.

nag-umpisang malungkot ang aking puso

Maaaring isalin na: "Nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:21

isang malaking kapahamakan

" isang malaking sakuna"

Para sa anong pakinabang ang makukuha ng tao na nagsisikap magtrabaho at sa kaniyang puso ay pinipilit tapusin ang kaniyang mga gawain sa ilalim ng araw?

Maaaring isalin na: "Kaya ang tao na nagpapakahirap magtrabaho at pinipilit sa kanyang pusong tapusin ang kanyang mga pagtatrabaho sa ilalim ng araw ay walang napapala."

nagsisikap magtrabaho at sa kaniyang puso ay pinipilit

Maaaring isalin na: "balisang sinusubok"

sa kaniyang puso ay pinipilit

Ang dalawang pariralang ito ay talagang iisa ang kahulugan at binibigyan diin kung paano walang tigil magtrabaho ang tao.

masakit at mahirap

Ang dalawang salitang ito ay talagang pareho ang kahulugan at binigbigyan diin kung gaano kahirap ang trabaho ng isang tao.

ang kanyang kaluluwa ay hindi mahanap ang kapahingahan

Maaaring isalin na: "ang kaniyang isipan ay hindi makapagpahinga" o "patuloy siyang nag-aalala"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:24

Kaya sino ang makakakain o sino ang magkakamit ng kahit anong uri nang kasiyahan na hiwalay sa Diyos? Ang katotohanang ito ay nagmumula sa kamay ng Diyos

Maaaring isalin na: "ang katotohanang ito ay galing sa Diyos"

Kaya sino ang makakakain o sino ang magkakamit ng kahit anong uri nang kasiyahan na hiwalay sa Diyos?

Maaaring isalin na: "Kaya walang makakakain o magkaroon ng anumang uri ng kasiyahan ng hiwalay sa Diyos."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

Ecclesiastes 2:26

para maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay kaluguran sa Diyos

Ang salitang "niya" ay maaaring tumutukoy alinman sa Diyos o sa makasalanan. Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa kung ano ang iipunin at itatabi ng makasalan. Ang sumusunod na pagsasalin ay isang paraan ng pagsasabi nito ng hindi nagiging malinaw kung sino itong nagbibigay ng mga bagay na itinatabi. AT: "kaya ang isang nagbibigay lugod sa Diyos ay makamtan ito"

usok at parang isang pagtangkang paghabol sa hangin

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/02]]


Translation Questions

Ecclesiastes 2:1

Ano ang isang pansamantalang simoy lamang?

Ang kasiyahan ay isang pansamantalang simoy lamang.

Ecclesiastes 2:3

Ano ang nais malaman ng Mangangaral?

Nais malaman ng Mangangaral kung ano ang mabuting gawin ng mga tao sa ilalim ng kalangitan sa mga araw ng kanilang buhay.

Ecclesiastes 2:4

Bakit lumikha ng mga lawa ng tubig ang Mangangaral?

Ang Mangangaral ay lumikha ng mga lawa ng tubig upang diligin ang isang kagubatan kung saan naglalakihan ang mga puno.

Ecclesiastes 2:7

Papaano ginawa ng Mangangaral ang mga bagay na magdadala ng kaligayahan sa sinumang lalaki sa mundo?

Sa pamamagitan ng maraming asawa at kerida, ginawa niya ang mga bagay na magdadala ng kaligayahan sa sinumang lalaki sa mundo.

Ecclesiastes 2:9

Sa ano nasisiyahan ang puso ng Mangangaral?

Nasisiyahan ang puso ng Mangangaral sa lahat ng kaniyang pinaghirapan.

Ecclesiastes 2:11

Saan walang pakinabang?

Walang pakinabang sa ilalim ng araw.

Ecclesiastes 2:13

Ano ang nakalaan sa lahat?

Ang magkakatulad na kapalaran ang nakalaan sa lahat.

Ecclesiastes 2:15

Sino ang hindi maaalala sa mahabang panahon?

Ang matalinong tao, katulad ng mangmang, ay hindi maaalala sa mahabang panahon.

Ecclesiastes 2:17

Bakit kinamumuhian ng Mangangaral ang lahat ng natupad niya?

Ang Mangangaral ay kinamumuhian ang lahat ng kaniyang natupad dahil iiwan niya sila sa isang taong kasunod niya.

Ecclesiastes 2:19

Ano ang nararamdaman ng puso ng Mangangaral tungkol sa kaniyang paghihirap?

Ang puso ng Mangangaral ay nagsimulang malungkot sa lahat ng paghihirap na kaniyang ginawa.

Ecclesiastes 2:21

Bakit ang kaluluwa ng nagpapakahirap na magtrabaho ay hindi makapagpahinga sa gabi?

Bawat araw ang kaniyang trabaho ay masakit at mahirap, kaya sa gabi ang kaniyang kaluluwa ay hindi makapagpahinga.

Ecclesiastes 2:24

Ano ang walang mas mabuti sa sinuman?

Walang mas mabuti sa sinuman kundi kumain at uminom at masiyahan lamang sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginawa.

Ecclesiastes 2:26

Ano ang ibinibigay ng Diyos sa makasalanan?

Sa makasalanan, ibinibigay ng Diyos ay pag-iipon at pagtatabi upang maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay lugod sa Diyos.


Chapter 3

Ecclesiastes 3:1

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Sa lahat ng mga bagay ay mayroong isang itinakdang panahon, at isang kapanahunan sa bawat layunin

Ang dalawang pariralang ito ay talagang nangangahulugan ng iisang bagay at pinagsama para magbigay diin.

kapanganakan at...kamatayan at...pagpapagaling

Ito ay iba't ibang aspeto ng buhay gaya ng pagkakalahad magmula sa isang dulo hanggang sa kabila.

panahon ng pagbubunot ng mga pananim

Maaaring mga kahulugan 1) "panahon ng pag-aani" o 2) "panahon ng pagdamo" o 3) "panahon ng pagbubunot."

Ecclesiastes 3:4

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

pag-iyak at...pagtawa...pagtangis at...pagsayaw

ito ay iba't ibang aspeto ng buhay gaya ng pagkakalahad magmula sa isang dulo hanggang sa kabila.

Ecclesiastes 3:6

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:8

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang paghihirap?

Ito ay isang tanong na mapapa-isip ka para dalhin ang mambabasa sa susunod na pag-uusapang paksa.

Ecclesiastes 3:11

Inilagay...ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso

Dito ang salitang "kanila" ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: "inilagay ang kawalang hanggan sa mga puso ng tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:12

dapat maunawaan kung paano matuwa

ang manunulat ay binibigyang diin ang naka-ugaliang kasiyahan ng isang tao sa kaniyang hanapbuhay, hindi ang matalinong kaalaman kung paano masisiyahan ang isang tao sa kaniyang hanapbuhay.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:14

Anuman ang nangyayari ay nangyari na

Tingnan kung paano isinalin itong parirala sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/09]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:16

kasamaan ang nangyayari kung saan dapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran, kasamaan ay madalas matagpuan

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan at nagbibigay diin kung paano pangkaraniwan ang masamang ugali.

kasamaan ay madalas matagpuan

Maaaring isalin na: "madalas nakikita ng tao ang kasamaan"

Sinabi ko sa aking puso

Maaaring isalin na: "sinabi ko sa aking sarili"

bawat bagay at sa bawat ginawa

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan at tumutukoy sa bawat pagkilos na ginagawa ng tao.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:18

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:19

walang kalamangan sa mga hayop

Maaaring isalin na: "hindi mas mabuti kaysa sa mga hayop"

Hindi ba ang lahat ng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang?

Maaaring isalin na: "Lahat ng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

Ecclesiastes 3:21

Sinong nakakaalam kung ang kaluluwa...sa lupa?

Ang manunulat ay nagbibigay ng isang kapahayagan na ang mga hayop ay mayroon ngang isang kaluluwa. Maaaring isalin na: "Walang nakakaalam kung ang kaluluwa...sa lupa"

walang mainam sa kahit na sinong tao kundi

Tingnan kung paano isinalin ang pariralang ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/03/12]].

Sino ang maaaring magpabalik...pagkatapos niya?

Walang isa man ang bumuhay sa sinumang tao o hayop mula sa mga patay. Maaaring isalin na: "walang isa man ang makapagpabalik... pagkalipas niya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/03]]


Translation Questions

Ecclesiastes 3:1

Para sa anong mga bagay mayroong isang panahon?

Mayroon isang panahon sa bawat layunin sa ilalim ng langit.

Ecclesiastes 3:8

Ano ang nakikita ng Mangangaral?

Nakita ng Mangangaral ang gawaing ibinigay ng Diyos para tapusin ng tao.

Ecclesiastes 3:11

Ano ang inilagay ng Diyos sa puso ng tao?

Inilagay ng Diyos ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso?

Ecclesiastes 3:12

Ano ang kaloob mula sa Diyos?

Ang kabutihang nagmumula sa paggawa ng isang tao ay isang kaloob mula sa Diyos.

Ecclesiastes 3:14

Bakit walang maaaring madagdag o mabawas sa anumang ginagawa ng Diyos?

Walang maaaring idagdag o ibawas dito, dahil ang Diyos ang siyang gumawa nito.

Ecclesiastes 3:16

Ano ang madalas matatapuan sa lugar ng katuwiran?

Sa lugar ng katuwiran ang kasamaan ay madalas natatagpuan.

Ecclesiastes 3:19

Paanong naging magkatulad ang tao sa mga hayop?

Katulad ng hayop. lahat ng mga tao ay mamatay. Kailangan nilang huminga ng parehong hangin. Lahat ay nagmula sa alabok, at lahat ay magbabalik sa alabok.

Ecclesiastes 3:21

Ano ang tadhana ng bawat isang tao?

Ang tadhana ng bawat isang tao ay magalak sa kanyang ginawa.


Chapter 4

Ecclesiastes 4:1

Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng kanilang mang-uusig

Maaaring isalin na: "Ang kanilang mang-uusig ay mayroong malaking kapangyarihan" (Tingnan sa:

ngunit walang taga-aliw ang mga taong inuusig

Wala ni isa mang may kapangyarihan ang magtatanggol sa mga inuusig.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:2

mas mapalad kaysa sa kanilang dalawa ang isang hindi pa nabubuhay

Maaaring isalin na: "ang isang hindi pa isinisilang ay mas mabuti pa kaysa sa kanilang dalawa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:4

kinaiinggitan ng kanilang kapwa

Mga maaaring kahulugan ay 1) Ang kapwa ay kinaiinggitan ang bagay na ginawa ng kapwa o 2) ang kapwa ay kinaiinggitan ang mga kasanayang mayroon ang kapwa.

usok at parang isang pagtangkang paghabol sa hangin

Walang isa man ang maaaring makapigil o makapagpasunod sa hangin katulad ng maaari nilang gawin sa hayop. Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:5

naghahalupkipkip ang kaniyang mga kamay at hindi gumagawa

ang ihalukipkip ang mga kamay ay isang tanda ng katamaran at iba pang paraan ng pagsasabi na ang tao ay ayaw magtrabaho.

kaya ang kaniyang pagkain ay kaniyang sariling laman

Maaaring isalin na: "bilang isang resulta, dinudulot niya ang kaniyang sariling pagkawasak."

gawain na sinusubukang habulin ang hangin

Hindi lahat ng trabaho ay kapaki-pakinabang. Ilan gawain ay hindi kapaki-pakinabang gaya ng sinusubukang kontrolin ang hangin.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:7

walang anak o kapatid

Ang taong ito ay walang pamilya.

ang kaniyang mga mata ay hindi nasisiyahan

Maaaring isalin na: "siya ay hindi nasisiyahan"

Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sa sarili ko ang kasiyahan?

Maaaring isalin na: "May iba bang makikinabang sa aking paghihirap at hindi siya nasisiyahan? o Walang sinuman ang nakikinabang sa ginagawa ko at hindi ako nasisiyahan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:9

At kung ang dalawa ay magkasamang mahihiga, maaari silang mainitan

Ang manunulat ay nagsasabi ng dalawang taong pinananatiling mainit ang bawat isa sa isang malamig na gabi.

paanong maaaring mainitan ang nag-iisa

Maaaring isalin na: "ang isang tao ay hindi maiinitan kapag siya ay mag-isa."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:12

mapagtagumpayan... ang isang pagsalakay

"ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa isang pagsalakay"

isang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot

ikit ng lubid ay hindi agad malalagot** - Maaaring isalin na: "ang mga tao ay hindi agad malalagot ang isang lubid na gawa sa 3 ikit na mga hibla"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:13

ipinanganak siyang mahirap sa kaniyang kaharian

Maaaring isalin na: "siya ay ipinanganak sa mahirap na mga magulang na naninirahan sa lupain na maaaring balang araw ay paghaharian niya

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

Ecclesiastes 4:15

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/04]]

nabubuhay at naglilibot

Ang mga salitang "nabubuhay" at "naglilibot" ay talagang may parehong kahulugan at pinagsama para magbigay diin.

Walang katapusan ang lahat ng taong

Maaaring isalin na: "Mayroong napakaraming tao"

usok at parang isang pagtangka na paghabol sa hangin

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].


Translation Questions

Ecclesiastes 4:1

Para sa ano ang walang taga-aliw?

Walang taga-aliw sa mga luha ng inuusig.

Ecclesiastes 4:2

Sino ang mas mapalad kaysa sa kapwa nabubuhay at namatay?

Mas mapalad kaysa sa kapwa nabubuhay at namatay ay ang isang taong hindi pa nabuhay.

Ecclesiastes 4:5

Ano ang mas mabuti kaysa sa dalawang dakot ng gawaing sinusubok pastulan ang hangin?

Mas mabuti ang isang dakot na pakinabang sa matahimik na gawain kaysa sa dalawang dakot ng gawaing sumusubok pastulan ang hangin.

Ecclesiastes 4:9

Bakit ang dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa kung sakaling ang isang ito ay mabubuwal?

Ang dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa dahil kung ang isa ay mabubuwal, ang isa ay maaaring ibangon ang kanyang kaibigan.

Ecclesiastes 4:12

Ano ang hindi madaling malagot?

Ang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot.

Ecclesiastes 4:13

Ano ang mas mabuti kaysa sa isang matanda at mangmang na hari?

Mas mabuti pang maging isang mahirap pero matalinong kabataan kaysa sa matanda at mangmang na hari.

Ecclesiastes 4:15

Ano ang gustong gawin ng mga tao sa bagong hari?

Nais ng mga taong sumunod sa bagong hari.


Chapter 5

Ecclesiastes 5:1

Magtungo doon para makinig

Ito ay mas mahalagang magtungo sa templo para makinig at matutunan ang batas ng Diyos para makasunod sa Diyos kaysa sa paghahain ng mga handog pero patuloy na nagkakasala laban sa Diyos.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:2

magsasalita ang inyong bibig

Gumagawa ng isang pangako o panata sa Diyos

Huwag agad-agad...huwag hayaan ang inyong puso ay agad agad

Ang dalawang pariralang ito ay pareho ang kahulugan.

hayaang kakaunti ang iyong mga salita

"huwag magsasalita ng sobra sobra"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:4

dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang

Isang pag-uugali ng isang mangmang ay gumawa ng mga pangako o mga panata na wala silang balak ingatan o tuparin

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:6

Huwag hayaan ang iyong mga bibig ay magdulot ng kasalanan sa iyong katawan

"Huwag hayaan na ang iyong sinasabi ay magdulot sa iyo sa kasalanan"

Bakit ginagalit ang Diyos...mga kamay?

"ito ay magiging kahangalan para galitin ang Diyos...mga kamay."

wasakin ang gawa ng iyong mga kamay

"wasakin ang lahat ng bagay na iyong ginagawa"

Kaya sa maraming mga panaginip, katulad ng maraming mga salita, ito ay walang kabuluhang usok

"Ang pagdagdag ng mga pananalita ay hindi nagbibigay sa kanila ng kahulugan, katulad ng hindi makatotohanan ang pagkakaroon ng maraming mga panaginip."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:8

inaapi ang mahihirap at pinagnanakawan

Maaaring isalin na: "inaapi ng mga tao ang mahihirap na tao at pinagnanakawan sila"

katarungan at wastong pagtrato

Ang mga salitang "katarungan" at "wasto" ay nangangahulugan talaga ng parehong bagay at tumutukoy sa uri ng pakisamang nararapat sa mga tao. Maaaring isalin na: "patas na pakikisama."

huwag magtaka

"huwag magulat" (UDB)

mayroong mga taong nasa kapangyarihan

Maaaring isalin na: "mayroon mga kalalakihang may katungkulan"

mas mataas sa kanila

Mayroong ibang mga lalaking pinamamahalaan ang mga taong nasa katungkulan. Maaaring isalin na: " kalalakihang may mas katungkulan pa kaysa sa kanila"

ang ani ng lupain

Maaaring isalin na:"ang pagkaing nagmumula sa lupa"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:10

Ito din ay usok

Gaya ng isang usok ay walang kahulugan, kaya walang kasiyahan sa paghahangad ng pera.

Habang nadaragdagan ang kasaganaan

Maaaring isalin na: "Habang ang isang tao ay lalong yumayaman"

gayon din naman ang mga taong nangangailangan nito

Mga maaaring kahalugan ay 1) "gayon din naman gumagastos ng mas maraming pera ang mga tao" o 2) gayon din mas maraming taong gagamitin ang kaniyang kayamanan."

Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ng kaniyang mga mata?

Maaaring isalin na: "Ang tangging pakinabang na mayroon ang may-ari sa kayamanan ay maaari niya itong pagmasdan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:12

Ang tulog ng isang mangagawa ay mahimbing

ang isang taong gumagawa ng maayos o tapat na nagtratrabaho ay maaaring nasisiyahan sa kaniyang sarili, nalalaman na nakagawa siya ng isang araw na gawain ng hindi iniisip ang kaniyang bayad.

kahit kaunti ang kinain o napakarami

"kahit kumain siya ng katiting na pagkain o napakaraming pagkain"

hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing

Ang isang mayamang tao ay hindi kailanman nasiyahan sa kanyang yaman. Nananatili siyang gising sa gabi inaalala ang tungkol sa kanyang salapi, Maaaring isalin na: "pinanatili siya gising sa gabi"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:13

mga kayamanang inimbak ng may-ari

Maaaring isalin na: "isang may-aring patagong iniipon ang mga kayamanan"

sa kamalasan

Mga maaaring kahulugan 1) "sa kapahamakan" o 2) sa isang masamang napagkasunduang pangkalakal."

ang sarili niyang anak... ay walang naiwang anuman sa kaniyang kamay

Ang pariralang "sa kanyang mga kamay" dito ay tumutukoy sa pagmamay-ari. Maaaring isalin na: "wala siyang iniwang pag-aari sa kaniyang sariling anak"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:15

isang taong pinanganak ng hubad...gayon din hubad niyang iiwan ang buhay na ito

Karagdagan pa sa walang pananamit, dito ang salitang "hubad" ay nagbibigay diin na ang mga tao ay ipinanganak ng walang pagmamay-aari. Maaaring isalin na: "isang taong hubad at walang pagmamay-ari nang siya ay ipinanganak...iiwan nito ang buhay niya sa parehong paraan"

niyang iiwan ang buhay na ito

Maaaring isalin na: "mamamatay siya"

walang madadala ang kaniyang kamay

Maaaring isalin na: "Wala siyang madadala kasama niya" )

kung paanong dumating ang isang tao, gayon din siya dapat umalis

Tumutukoy ito sa kapanganakan at kamatayan ng isang tao at pagpapahayag ng parehong kaisipan sa unang talata.

kaya anong pakinabang ang makukuha ng sinumang gumagawa para sa hangin?

Ang manunulat ay ginagamit ang tanong na ito para bigyang diin ang nagtatrabaho para sa hangin. Maaaring isalin na: "Walang pakinabang na makukuha ang sinumang nagtatrabaho para sa hangin."

gumagawa para sa hangin

Mga maaring kahulugan ay 1) "sinusubukang hulihin ang hangin" o 2) "pagtatrabaho para sa hanging kaniyang hinihinga"

Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya sa kadiliman

Dito ang salitang "kadiliman" ay tumutukoy sa malungkot na kalagayan. Mga maaring kahulugan ay 1) "Sa kaniyang panahon kumakain siyang nagluluksa" o 2) "ginugol niya ang kaniyang buhay sa pagluluksa"

lubhang balisa sa kaniyang karamdaman at galit.

Maaaring isalin na: "at lubhang nagdurusa, sa sakit at galit"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:18

Pagmasdan mo

"magbigay pansin" o "makinig ka"

ang nakita kong mabuti at karapat-dapat

Dito ang mga salitang "mabuti" at "karapat-dapat" ay nangangahulugan ng parehong bagay. Pinatitindi ng pangalawa ang kahulugan ng nauna. Maaaring isalin na: "kung ano ang nakita kong pinakamabuting gawin."

sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin.

Maaaring isalin na: "hanggang sa pahintulutan tayo ng Diyos na mabuhay"

bahagi ng tao.

Mga maaring kahulugan ay 1) "gantimpala ng tao" o 2) "ang kapalaran ng tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

Ecclesiastes 5:19

kayamanan, kasaganaan

Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ang mga ito ay tumutukoy sa pera at sa mga bagay na nabibili ng tao sa pera.

tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain

Ito ay pagpapahayag ng abilidad na maging kuntento at magalak sa isang trabaho.

hindi niya madalas na inaalala

Dito ang salitang "niya" at tumutukoy sa isang tao na binigyan ng Diyos ng isang regalo. Maaaring isalin na: "hindi niya inaalala"

ang mga araw ng kaniyang buhay

Maaaring isalin na: "ang mga bagay na nangyari sa kaniyang panahon"

maging abala

"manatiling abala"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/05]]


Translation Questions

Ecclesiastes 5:1

Bakit dapat magtungo sa tahanan ng Diyos ang mga tao?

Dapat magtungo ang mga tao sa tahanan ng Diyos para makinig.

Ecclesiastes 5:2

Bakit dapat maging kaunti ang salita ng mga tao?

Ang Diyos ay nasa langit, pero ang mga tao ay nasa mundo, kaya dapat hayaang kaunti ang kanilang mga salita.

Ecclesiastes 5:4

Ano ang mas mabuting gawin ng isang tao kaysa sa gumawa ng pangako na hindi niya tinutupad?

Mas mabuti pa sa isang tao na huwag mangako kaysa gumawa ng isang pangako na hindi niya tinutupad.

Ecclesiastes 5:8

Kapag nakikita ng sinuman ang pang-aapi ng mahihirap at pagnanakaw ng katarungan at wastong pagtrato, bakit wala dapat magtaka na parang walang nakakaalam?

Kapag nakikita ng sinuman ang pang-aapi ng mahihirap at pagnanakaw ng katarungan at wastong pagtrato, hindi siya dapat magtaka dahil mayroon mga lalaking nasa kapangyarihan na nagbabantay sa nasasakupan nila, at mayroon pang nanunungkulan na mas mataas sa kanila.

Ecclesiastes 5:10

Ano ang mangyayari kapag ang kasaganahan ay dumadami?

Habang dumadami ang kasaganahan, gayun din ang mga taong nangangailangan nito.

Ecclesiastes 5:12

Ano ang hindi nagpapahintulot sa isang mayaman para matulog ng mahimbing?

Ang kayaman ng isang mayaman na tao ang hindi nagpapahintulot sa kanya para matulog ng mahimbing.

Ecclesiastes 5:13

Ano ang manyayari kapag nawala ang kayamanan ng taong mayaman dahil sa kamalasan?

Kapag nawala ang yaman ng mayamang tao dahil sa kamalasan, ang kaniyang sariling anak na kaniyang inalagaan ay walang maiiwang anuman sa kaniyang mga kamay.

Ecclesiastes 5:15

Paano isinilang ang isang tao at paano siya ay lilisan sa buhay na ito?

Ang isang tao ay isinilang na hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din siya ay lilisan ng hubad sa buhay na ito.

Ecclesiastes 5:19

Bakit ang isang tao ay hindi madalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay?

Ang isang tao ay hindi madalas inaalala ang mga araw ng kanyang buhay, dahil ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagay na nasisiyahan siyang gawin.


Chapter 6

Ecclesiastes 6:1

ito ay malubha para sa mga tao

Maaaring isalin na: "nagdudulot ito ng paghihirap sa mga tao"

kayamanan, kasaganaan

Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Tumutukoy ito sa pera at sa mga bagay na nabibili ng pera.

hindi ibibigay ng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito

Para magkaroon ng kayamanan o mga ari-arian at hindi na masiyahan dito ay walang saysay.

hindi siya magkulang

Maaaring isalin na: "mayroon siya lahat ng bagay"

ito ay usok, isang masamang kalungkutan

Ang hindi nasisiyahan sa kanyang kayamanan ay isang masamang karamdaman o sumpa

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

Ecclesiastes 6:3

isang lalaki ay maging ama ng isang daang anak

Maaaring isalin na: "ama ng isang daang anak"

mabuhay ng maraming taon, sa gayon ang mga araw ng kaniyang mga taon ay marami

Ang dalawang pariralang ito ay talagang may parehong kahulugan at pinagsama para magbigay diin.

kung hindi nasiyahan ang kaniyang puso sa kabutihan

Maaaring isalin na: "hindi siya masiyahan sa mga mabubuting bagay"

siya ay hindi inilibing nang may karangalan

Mga maaaring kahulugan ay 1) "walang naglibing sa kaniya" o 2) "walang naglibing sa kaniya nang maayos."

na ang isang sanggol na patay ipinanganak

Maaaring isalin na: "na ang isang sanggol ay ipinanganak nang walang dahilan"

mamatay sa kadiliman

Dito ang salitang kadiliman ay maaaring tumutukoy alin man sa mundo ng mga patay o isang bagay na mahirap maunawaan. Maaaring isalin na: "hindi maipaliwanag na pagkamatay"

ang kaniyang pangalan ay mananatiling lihim

Maaaring isalin na: "walang nakakaalam ng kaniyang pangalan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

Ecclesiastes 6:5

ito ay may kapahingahan bagaman ang taong iyon ay wala

Ang isang sanggol na patay na nang isinilang ay hindi kailanman nakaranas ng paghihirap, ito ay nananatiling nasa kapahingahan. Habang ang taong nabuhay ng maraming taon nang walang kasiyahan ay nagkukulang ng kapahingahan

Kahit mabubuhay ang isang tao ng dalawang libong taon

Ito ay isang pagmamalabis na nagpapakita na walang halaga kung gaano pa man kahabang nabuhay ang isang tao kung hindi siya nasisiyahan sa mga mabuting bagay sa buhay.

dalawang libong taon

Maaaring isalin na: "dalawang libong taon"

ngunit hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay

Ito ang punto, na ang tao ay kailangang matutunang masiyahan sa mga mabubuting bagay na inaalok sa kanya ng buhay.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

Ecclesiastes 6:7

ay para punuin ang kaniyang bibig

Maaaring isalin na: "ilagay ang pagkain sa kanyang bibig" o "kumain"

ang kaniyang gana sa pagkain ay hindi mapupunan

Maaaring isalin na: "hindi napagbigyan ang kaniyang hilig"

anong pakinabang mayroon ang matalinong tao na higit pa sa hangal?

Ang karunungan ng isang matalinong tao ay hindi nagbibigay karapatan sa kaniya para sa anumang karagdagang mga kaginhawaan. Maaaring isalin na' "ang matalinong tao ay walang kalamangan sa mangmang."

Anong pakinabang mayroon ang isang mahirap na tao kahit pa malaman niyang paano kimilos sa harapan ng ibang mga tao?

Maaaring isalin na: "ang mahirap na tao ay walang kalamangan kahit na marunong siyang kumilos sa harap ng ibang tao."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

Ecclesiastes 6:9

nakikita ng mga mata

Ang isang tao ay maaaring makita ang mga bagay na ito dahil nasa kaniya na ang mga ito. Maaaring isalin na: "anong mayroon ang isang tao"

paghahangad ng isang lumalawak na pananabik sa pagkain

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ninanais ng isang tao ngunit wala sa kaniya. Maaaring isalin na: "naisin ang wala sa kanya"

usok at isang pagtangkang paghahabol sa hangin

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/12]].

Anumang bagay ang naririto ay nabigyan na ng kaniyang pangalan

Maaaring isalin na: "Pinangalanan na ng tao ang lahat ng mga bagay"

at nalalaman na kung ano ang katulad ng sangkatauhan

Maaaring isalin na: "Batid na ng mga tao kung ano ang katulad ng sangkatauhan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/06]]


Translation Questions

Ecclesiastes 6:1

Anong kasamaan ang nakikita ng Mangangaral?

Nakita ng Mangangaral na maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganahan, at karangalan sa isang tao para hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, pero pagkatapos ay hindi ibibigay ng Diyos ang kakayanang pakinabangan ang mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga gamit.

Ecclesiastes 6:3

Kung ang puso ng isang tao ay hindi mapuno ng kabutihan at siya ay hindi inilibing ng may karangalan, sino ang mas mabuti kaysa sa kanya?

Kung ang puso ng isang tao ay hindi mapuno ng kabutihan at siya ay hindi inilibing ng may karangalan, kung gayon mas mabuti pa ang isang sanggol na patay nang ipinanganak.

Ecclesiastes 6:5

Kahit na ang isang tao ay mabubuhay ng dalawang libong taon pero hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay, saan siya pupunta?

Kahit na ang isang tao ay mabubuhay ng dalawang libong taon pero hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay, mapupunta siya sa iisang lugar kagaya ng lahat ng iba pa.

Ecclesiastes 6:7

Kahit na ang lahat ng gawain ng isang tao ang pupuno ng kaniyang bibig, ano ang mangyayari?

Kahit na ang lahat ng gawain ng isang tao ang pupuno ng kaniyang bibig, gayon man ang kaniyang gana sa pagkain ay hindi mapupunan.

Ecclesiastes 6:9

Ano mangyayari kapag maraming salita ang sinasabi?

Mas maraming salitang sinasabi, mas lalong nawawalan ng kabuluhan.


Chapter 7

Ecclesiastes 7:1

Ang mabuting pangalan

Maaaring isalin na: "Isang mabuting pangalan"

dapat ilagay sa puso ang mga taong nabubuhay pa

Kinakailangan nilang alalahanin kung anong uri ng pangalan o reputasyon ang mayroon sila at iiwan kapag sila ay namatay. Maaaring isalin na: "silang mga nabubuhay ay dapat isiping mabuti ang tungkol dito"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:3

kalungkutan ng mukha

Ito ay tumutukoy sa pagiging malungkot. Maaaring isalin na : "isang karanasang nagdadala ng kalungkutan sa isang tao"

kagalakan ng puso

Dito ang salitang "puso" ay tumutukoy sa mga kaisipan at damdamin ng isang tao. Kagalakan ay inilalarawan ang kalagayan ng damdamin na pagiging masaya at mapayapa. Maaaring isalin na: "tamang pag-iisip"

Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa

Maaaring isalin na: "Ang matalinong tao ay malalim na pinag-iisipan ang tungkol sa kamatayan"

ngunit ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan

Maaaring isalin na: "pero ang mga taong mangmang ay iniisip lamang ang kasiyahan ng kanilang mga sarili" Tingnan sa:

bahay ng pagluluksa...bahay nang kasayahan

Ang mga pariralang ito ay tinutukoy kung ano ang nangyayari sa mga lugar na ito.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:5

sa pagsuway ng matalino

Maaaring isalin na: "kapag ang matalinong tao ay sinaway ka"

pakinggan ang awit ng mga mangmang

Maaaring isalin na: "pakinggan umawit ang mangmang"

tulad ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang

Ang "halakhak ng mga mangmang" ay inihahalintulad sa nasusunog na tinik na gumagawa ng malakas na ingay pero mabilis na nasusunog.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:7

pangingikil

Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagbibigay ng pera ng isang tao o iba pang mga mahalagang bagay para ang ibang tao ay hindi siya sasaktan. Ito ay ipinapalagay na mali.

nagpapamangmang sa isang matalinong tao

Mga maaaring kahulugan ay 1) "ginagawang isang mangmang ang matalinong tao" o 2) "ang payo ng matalinong tao ay pinalalabas na kahangalan."

nagdudungis ng puso

Dito ang salitang "puso" at tumutukoy sa kaisipan. Maaaring isalin na: "sinisira ang kakayahan ng isang tao para mag-isip at humatol ng matuwid"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:8

ang taong may diwang mahinahon ay mas mabuti kaysa ang palalong kaisaipan

Dito ang salitang "diwa" ay tumutukoy sa pag-uugali ng isang tao. Maaaring isalin na: "ang matiyagang tao ay mas mabuti kaysa sa mayabang na tao" o ang isang matiyagang pag-uugali ay mas mabuti kaysa sa isang mayabang na pag-uugali"

Huwag madaling magalit sa iyong diwa

Maaaring isalin na: "Huwag madaling magalit" o "Huwag maging mainitin ang ulo"

galit sa puso ng mga mangmang

Ang galit ay inihahambing sa isang bagay na nabubuhay sa loob ng isang mangmang na tao. Maaaring isalin na: "ang mangmang na tao ay puno ng galit"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:10

Bakit ang mga nakaraang mga araw ay mas mabuti kaysa sa mga ito?

Itong katanungan ay binanggit ng isang tao para magreklamo tungkol sa kasalukuyang panahon. Maaaring isalin na: "Mas mabuti ang mga bagay noong nakaraan kaysa sa mga ito ngayon"

ito ay hindi dahil sa karunungan kaya tinanong ninyo ito

Ang taong gumagawa ng pahayag na ito ay hindi inihahambing ang kasalukuyan at nagdaan ng ayon sa katuwiran kundi pansariling damdamin. Maaaring isalin na: "kung ikaw ay matalino hindi mo na tatanungin ang katanungang ito" o "ang pagtatanong na ito ay nagpapakita na ikaw ay hindi matalino"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:11

sa mga nakakakita sa araw

Maaaring isalin na: "silang mga buhay"

ang kalamangan ng kaalaman ay itong karunungan ay nabibigay ng buhay

Mga maaaring kahulugan ay 1) na ang manunulat ay ginagamit ang mga salitang "kaalaman" at "karunungan" sa parehong kahulugan, o 2) "ang kalamangan ng nakakakilala ng karunungan ay ito ay nagbibigay buhay."

nagbibigay ng buhay...sa sinumang mayroon ito

ang "ito" ay tumutukoy sa karunungan. Ang kaalaman at karunungan ay "nagbibigay buhay" sa magkakaibang mga paraan. Ang pagpipili ng mabuting pamumuhunan, pagkakaroon ng mabuting kaibigan, pagpipili ng malusog na pamumuhay, umiiral na kapayapaan sa pagitan ng mga tao ay ilan lamang sa mga paraan kung paano ang karunungan ay nagbibigay buhay."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:13

Sino ang maaaring magtuwid ng anumang bagay na ginawa niyang baluktot?

Maaaring isalin na: "Walang maaaring magtuwid ng anumang ginawa niyang baluktot."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:14

Kapag mabuti ang mga panahon...kapag masama ang mga panahon

"Kapag nagaganap ang mga mabubuting bagay...kapag ang mga masamang bagay ay nagaganap"

masayang mamuhay sa kabutihang iyon

"maging maligaya tungkol sa mga mabuting bagay"

magkatabing

"magkasabay"

anumang bagay na darating sa kaniya

Mga maaaring kahulugan ay 1) "anumang bagay na magaganap sa hinaharap" o 2) "anumang bagay na magaganap sa mundo makaraan siya ay mamatay" o 3) "anumang bagay na magaganap sa kaniyapagkatapos niyang mamatay."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:15

sa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran

"kahit na sila ay matuwid"

mapagmatuwid sa sarili, matalino sa sariling mga mata

matuwid, matalino sa iyong sailing paningin** - Ang dalawang pariralang ito ay talagang pareho ang kahulugan at pinagsama para magbigay diin.

Huwag maging mapagmatuwid

matuwid** - "Huwag isipin mas matuwid ka kaysa sa totoong ikaw"

matalino sa iyong sariling mga mata

Maaaring isalin na: "matalino sa iyong sariling palagay"

Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?

Ginagamit ng manunulat ang tanong na ito para bigyan diin na ang pagiging mapagmataas ay sinisira ang isang tao. Maaaring isalin na: "walang dahilan para sirain ang sarili."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:17

Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?

"walang dahilan para ikaw ay mamatay nang maaga sa dapat."

panghahawakan...huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay

Ang dalawang pariralang ito ay talagang may parehong kahulugan at pinagsama para magbigay diin.

panghahawakan ang karunungang ito

"Ilaan ang sarili sa karunungang ito"

huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran

"huwag kang hihintong subukang maging matuwid" o "dapat lagi mong subukang maging matuwid"

makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin

"tutuparin ang lahat ng kaniyang mga obligasyon" o gagawin ang lahat ng kaniyang mga pinangako".

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:19

higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod

Ang karunungan ay inihahambing sa maraming pinuno ng lungsod. Maaaring gawin ng karunungan na mas mahalaga ang isang tao kaysa sa maraming pinuno sa lungsod.

gumagawa nang kabutihan at kailanman hindi nagkasala

Maaaring isalin na: "gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:21

bawat salitang sinasabi

Maaaring isalin na: "lahat ng bagay na sinasabi ng mga tao"

nalalaman ng iyong sarili

"nalalaman ng iyong sarili." Dito ang "iyong sarili" ay ginamit para bigyan diin na "kilala mo."

sa iyong puso

Maaaring isalin na: "sa iyong sariling mga kaisipan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:23

lahat ng ito ay napatunayan ko

"Lahat ng ito na naisulat ko ay aking napatunayan"

ito ay higit sa ninais ko

"ito ay lampas sa aking kakayahang umintindi"

Napakalayo at napakalalim

Mahirap maintindihan ang karunungan. Noong mayroong pang-unawa, ito ay labis na limitado. Nangangailang ito nang mas malalim na kaisipan kaysa sa mayroon ang manunulat. Maaaring isalin na: "mahirap maunawaan"

Sino ang makakahanap nito?

Ginagamit ng manunulat ang tanong na ito para bigyan diin ang kabigatang unawain ang karunungan. Maaaring isalin na: "Walang makakaintindi nito"

Ibinaling ko ang aking puso

Dito ang salitang "puso" ay tumutukoy sa isipan. Maaaring isalin na: "ibinaling ko ang aking mga kaisipan" o "aking napagpasiyahan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:26

sinumang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala

Sinasabi ng manunulat na ang mapanuksong babae ay katulad ng mga bitag na ginagamit ng mga mangangaso para manghuli ng mga hayop.

ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag

Dito ang salitang "puso" ay tumutukoy sa mga kaisipan at damdamin. Isang babae lamang itong may gusto sa pansariling pakinabang. Maaaring isalin na: "na gustong mahulog sa bitag ang isang tao.

patibong at mga bitag

Ang dalawang salitang ito ay parehong tumutukoy sa mga paraan ng tao sa panghuhuli ng mga hayop. Patuloy siyang nag-iisip ng mga paraan upang bitagin ang mga lalaki sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng kaniyang mga bagay.

ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala

Dito ang salitang "mga kamay" ay tumutukoy sa kapangyarihan o pamamahala. Maaaring isalin na: "mula sa kaniya walang maaaring makatakas"

ang makasalanan ay babagsak sa kaniya

Maaaring isalin na: "mabibihag niya ang makasalanan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:27

Idinadagdag ko ang isang natuklasan sa iba pa

Maaaring isalin na: " matutuklasan ang isang bagay matapos ang isa pa"

para magkaroon ng isang paliwanag ng katotohanan

Maaaring isalin na: "para maipaliwanag ang buhay"

isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo

Tanging isang matuwid na lalaki ang natagpuan sa pangkat ng isang libong lalaki. Maaaring isalin na: "isang matuwid na lalaki sa lahat ng isang libo"

isang babae sa kanilang lahat

Walang natagpuang matuwid na babae sa isang pangkat ng isang libong babae.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

Ecclesiastes 7:29

sila ay lumayong naghahanap sa maraming kahirapan

Mga maaaring kahulugan ay 1) "gumawa sila ng maraming masamang balak" o 2) "ginawang mahirap ang kanilang sariling mga buhay."

sila ay lumayo

Dito ang salitang "sila" ay tumutukoy sa "sangkatauhan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/07]]


Translation Questions

Ecclesiastes 7:1

Bakit mas mabuting magtungo sa bahay ng pagluluksa kaysa sa bahay ng kasayahan?

Mas mabuting magtungo sa bahay ng pagluluksa kaysa sa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katupusan ng buhay.

Ecclesiastes 7:3

Nasaan ang puso ng matalino?

Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa.

Ecclesiastes 7:5

Ano ang katulad ng halakhak ng mga mangmang?

Katulad ng pag-iingay ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang.

Ecclesiastes 7:7

Bakit nagiging mangmang ang isang taong matalino?

Ang pangingikil ay ginagawang mangmang ang isang matalinong tao.

Ecclesiastes 7:8

Bakit hindi dapat agad magalit ang espiritu ng mga tao?

Hindi dapat agad magalit ang espiritu ng mga tao dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.

Ecclesiastes 7:11

Paano ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa pera?

Ang karunungan ay nagdudulot ng pangangalaga katulad ang salapi ay magdudulot ng pangangalaga, pero ang kalamangan ng kaalaman ay itong karunungan ay nagbibigay ng buhay sa sinumang mayroon nito.

Ecclesiastes 7:14

Kapag ang mga pagkakataon ay mabuti, paano dapat mamuhay ang mga tao?

Kapag ang mga pagkakataon ay mabuti, ang mga tao ay dapat masayang namumuhay sa kabutihang iyon.

Ecclesiastes 7:15

Anong nangyari sa mga masamang tao na nakita ng Mangangaral?

Nakita ng Mangangaral ang mga masamang tao na nabubuhay ng mahabang buhay kahit na sila ay masama.

Ecclesiastes 7:17

Ano ang mangyayari sa mga taong may takot sa Diyos?

Ang mga taong may takot sa Diyos ay makatutupad ng lahat ng kaniyang mga tungkulin.

Ecclesiastes 7:21

Bakit hindi dapat pakinggan ng mga tao ang bawat salitang sinasabi?

Ang mga tao ay hindi dapat pakinggan ang bawat salitang sinasabi dahil maaari nilang marinig na sinusumpa sila ng kanilang lingkod.

Ecclesiastes 7:23

Nasaan ang karunungan?

Napakalayo ng karunungan.

Ecclesiastes 7:26

Sa pamamagitan nino kukunin ang makasalanan?

Ang makasalanan ay kukunin ng isang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag, at kaniyang mga kamay ay mga tanikala.

Ecclesiastes 7:27

Kahit na ang Mangangaral ay natagpuan ang isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ano ang hindi niya nakita?

Kahit na ang Mangangaral ay natagpuan ang isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ang isang babae sa kalagitnaaan nila ay hindi niya matagpuan.


Chapter 8

Ecclesiastes 8:1

Ano ang isang taong matalino?

Tinatanong ng manunulat ito bilang isang tanong na magpapahayag ng sagot sa mga susunod niyang sasabihin.

nagpapaningning ng kaniyang mukha

Ito ay nangangahulugan na ang mukha ng isang tao ay magpapakita na mayroon siyang karunungan. Maaaring isalin na: "nakikita sa kaniyang mukha"

katigasan sa kaniyang mukha

Maaaring isalin na: "kaniyang mabagsik na anyo"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:2

pangako ng Diyos na ipagtatanggol siya

"ang pangako na iyong ibinigay sa Diyos para ipagtanggol siya"

Huwag magmadaling lumayo sa harapan niya

Mga maaaring kahulugan ay 1) huwag dali-daling umalis ng pisikal sa harapan niya o 2) manatiling tapat sa Hari, huwag dali-daling ipagpalit siya para sa iba.

Ang salita ng hari ay maghahari

Maaaring isalin na: "Ang sinasabi ng hari ay ang batas"

sino ang magsasabi sa kaniya

Maaaring isalin na: "walang makakapagsabi sa kaniya."

Ano ang iyong ginagawa?

Maaaring isalin na: "Hindi mo dapat ginagawa kung ano ang iyong ginagawa."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:5

isang matalinong puso ng tao ay nakikilala

ang "puso" ay tumutukoy sa mga kaisipan. Maaaring isalin na: "Ang isang matalinong tao ay kinikilala"

Sino ang makapagsasabi sa kaniya ano ang susunod?

Ang tanong na ito ay binibigyang diin na walang nakakaalam kung ano ang magaganap sa hinaharap. Maaaring isalin na: "Walang makapagsasabi sa kaniya kung ano ang darating."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:8

Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan

Katulad nang walang sinuman ang may kakayahan pasunurin ang hangin, walang sinuman ang maaaring magpatuloy mabuhay kung ito na ang kanilang oras para mamatay.

kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay

mga maaaring mga kahulugan ay 1) walang maaaring magpasunod sa hangin, 2) Ang kahulugan nito ay walang may kakayanan manatiling buhay kung ito na ang oras ng kamatayan.

ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mga alipin nito

Nagsasalita ang manunulat ng kasamaan katulad ng ito ay ang pagmamay-ari ng isang amo sa sariling mga alipin.

inilagay ko sa aking puso

Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/16]].

bawat uri ng gawa na naganap

Maaaring isalin na: "bawat uri ng trabaho na ginagawa ng tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:10

lantarang inilibing ang masama

Binibigyan ng marangal na libing ang mga masamang taong namatay. Ipinapahiwatig na ang kanilang mga katawan ay dapat itinapon sa tambakan ng basura ng lungsod o katulad nito. Maaaring isalin na: "lantarang inililibing ng mga tao ang masasama"

Sila ay dinala mula sa banal na lugar at inilibing saka pinuri ng mga tao

Maaaring isalin na: " Dinala sila ng mga tao mula sa banal na lugar at inilibing sila at pinuri sila"

Kapag ang isang hatol sa isang masamang krimen ay hindi agad ipinatupad

Maaaring isalin na: "Kapag ang nasa kapangyarihan ay hindi agad ipinatupad ang hatol laban sa isang masamang krimen"

hinihikayat nito ang puso ng taong

Ang salitang "puso" dito ay tumutukoy sa kalooban. Maaaring isalin na: "hinihikayat ang mga tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:12

isang daang ulit

Maaaring isalin na: "isang daang ulit"

magiging mabuti sa mga gumagalang sa Diyos

Maaaring isalin na: "magiging mabuti ang buhay sa mga gumagalang sa Diyos"

sa mga gumagalang sa Diyos, siyang pinararangalan ang kaniyang presensiya

Ang dalawang pariralang ito ay talagang pareho ang kahulugan at pinagsama para mabigay diin.

ang kaniyang buhay ay hindi pahahabain

Maaaring isalin na: "Hindi pahahabain ng Diyos ang kaniyang buhay"

Ang kaniyang mga araw ay katulad ng isang naglalahong anino

Mga maaaring kahulugan ay 1) inihahambing ng manunulat ang haba ng buhay ng masamang tao sa isang aninong madaling lumilipas o 2) ang kabutihan o kaligayahan ng buhay ay panandalian sa isang masamang tao, wala itong halaga sa kaniyang buhay.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:14

walang silbing usok

"walang silbi" o "walang kabuluhan". Mga bagay na naganap na hindi dapat. Katulad ng mabubuting bagay na nangyayari sa masamang tao at mga masamang bagay na nagaganap sa mabubuting tao.

isang bagay pa na naganap sa ibabaw ng mundo

Maaaring isalin na: "ibang bagay pa na ginagawa ng tao sa mundo"

sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya

Maaaring isalin na: "habang hinahayaan siya ng Diyos na mabuhay"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

Ecclesiastes 8:16

ginamit ko ang aking puso

gagamitin ang kaisipan at kaunawaan para malaman ang isang bagay. Tingnan kung paano isinalin ito sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/01/16]].

ang gawaing naganap sa ibabaw ng mundo

Maaaring isalin na: "ang trabahong ginagawa ng mga tao sa ibabaw ng mundo"

nang walang tulog sa mga mata

Maaaring isalin na: "walang tulog"

gawaing naganap sa ilalim ng araw

Mga maaaring kahulugan ay 1) "ang gawain na ginagawa ng Diyos sa ilalim ng araw" o 2) "ang gawain na hinahayaan ng Diyos na gawin ng mga tao sa ilalim ng araw."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/08]]


Translation Questions

Ecclesiastes 8:1

Ano ang isang taong matalino?

Ang isang taong matalino ang nakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay.

Ecclesiastes 8:2

Bakit hindi dapat magmadaling lumayo ang mga tao sa harapan ng hari, at hindi dapat sang-ayunan ang bagay na mali?

Ang mga tao ay hindi dapat magmadaling lumayo sa harapan ng hari, at hindi dapat sang-ayunan ang bagay na mali, dahil magagawa ng hari anuman ang ninanais niya.

Ecclesiastes 8:5

Sino ang lumalayo sa kapahamakan?

Sinumang sinusunod ang mga utos ng hari ay lumalayo sa kapahamakan.

Ecclesiastes 8:8

Sa ano ang sinuman ay walang kapangyarihan?

Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan pigilan ang araw ng kanyang kamatayan.

Ecclesiastes 8:10

Sa pamamagitan nino ang masama ay pinuri?

Ang masama ay pinuri ng mga tao sa lungsod kung saan sila naghasik ng kasamaam.

Ecclesiastes 8:12

Kahit na ang isang makasalanan ay isang daang ulit gumagawa ng masama at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, ano ang mangyayari sa kanilang gumagalang sa Diyos?

Kahit na ang isang makasalanan ay isang daang ulit gumagawa ng masama at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, magiging mabuti ito sa kanilang gumagalang sa Diyos, silang pinahalagahan ang kanyang pagsama sa kanila.

Ecclesiastes 8:14

Bakit pinapayo ng Mangangaral ang kasiyahan?

Ipinapayo ng Mangangaral ang kasiyahan dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya.

Ecclesiastes 8:16

Ano ang hindi maunawaan ng tao?

Hindi maunawaan ng tao ang pangyayaring naganap sa ilalim ng araw.


Chapter 9

Ecclesiastes 9:1

inisip kong mabuti ang lahat ng mga ito

Maaaring isalin na: "pinag-isipan ko ito nang mabuti"

Lahat sila ay nasa mga kamay ng Diyos

Dito ang salitang "sila" ay tumutukoy sa "matuwid at matalino" maging sa kanilang "mga gawa."

nasa mga kamay ng Diyos

Dito ang salitang "mga kamay" ay tumutukoy sa kapangyarihan at karapatan. Maaaring isalin na: "sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:2

mga matuwid na tao at makasalanan
mabuting mga tao at masama
ang malinis at marumi
ang nag-aalay at ang hindi nag-aalay
Tulad ng pagkamatay ng mabubuting tao...ganoon din ang makasalanan
pagkamatay ng nanunumpa...ganoon din ang taong takot gumawa ng panunumpa
[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:3

lahat ng ginawa

Maaaring isalin na: "lahat ng ginagawa ng mga tao"

isang tadhana

Dito ang salitang "tadhana" ay tumutukoy sa kamatayan.

Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan, at kahibangan ay nasa kanilang mga puso

Dito ang salitang "mga puso" ay tumutukoy sa mga iniisip at damdamin. Maaaring isalin na: "Punong-puno ng kasamaan ang mga tao, at kahibangan ang mga iniisip nila"

pumupunta sila sa mga patay

Maaaring isalin na: "nagpupunta sila sa lugar ng mga patay" o "mamamatay sila".

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:4

ang kanilang alaala ay nakalimutan na

Maaaring isalin na: "kinalilimutan sila ng mga tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:6

anumang bagay na ginawa sa ilalim ng araw

Maaaring isalin na: "lahat ng ginagawa ng mga tao sa ilalim ng araw"

masaya mong kainin ang tinapay mo, at inumin ang alak mo nang may masayang puso

Magkasingkahulugan ang dalawang pariralang ito at binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtatamasa sa mga pangunahing gawain sa buhay.

masaya mong kainin ang tinapay mo

Maaaring isalin na: "namnamin mo ang sarap ng pagkain mo"

inumin ang alak mo nang may masayang puso

Dito ang salitang "puso" ay tumutukoy sa mga damdamin. Maaaring isalin na: "inumin mo ang alak mo nang may kagalakan"

Lagi mong panatilihing puti ang iyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.

Ang pagsusuot ng puting mga kasuotan at pagpapahid ng langis sa ulo ng isang tao ay parehong mga tanda ng kagalakan at pagdiriwang.

ang iyong ulo ay laging pinapahiran ng langis

Maaaring isalin na: "pahiran ang ulo mo ng langis"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:9

Masaya kang mamuhay kasama ang iniibig mong asawa

Dapat mahalin ng isang lalaki ang kaniyang asawa. Maaaring isalin na: "Yaman din lamang na mayroon kang asawa na iniibig mo, mamuhay ka nang masaya kasama siya"

Anuman ang gawin ng mga kamay mo

Maaaring isalin na: "Anuman ang kaya mong gawin"

walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan

Maaaring isalin na: "hindi nagtatrabaho ang mga patay o nagpapaliwanag o nakakaalam o nagtataglay nang karunungan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:11

ang oras at pagkakataon ang nakakaapekto sa kanilang lahat

"makaaapekto sa kanila anumang mangyari at kung kailan ito mangyayari"

nakakaapekto sa kanilang lahat

Dito ang mga salitang "silang lahat" ay tumutukoy sa takbuhan, labanan, tinapay, kayamanan, at pabor.

tulad ng isda...katulad ng mga ibon...Katulad ng mga hayop, ang mga tao

Hinuhuli ng kamatayan ang mga tao sa panahong hindi nila inaasahan, gaya ng mga taong nanghuhuli ng mga hayop sa panahong hindi nito inaasahan.

sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) "sa masasamang karanasan na biglang nangyari sa kanila" o 2) "sa pamamagitan ng kamatayan na biglang darating sa kanila."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:13

sa lungsod na iyon, mayroong isang mahirap na matalinong lalaki

Maaaring isalin na: "sa lungsod, nakakita ang mga tao ng mahirap at matalinong tao" o "isang mahirap ngunit matalinong tao ang naninirahan sa lungsod"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:16

ang karunungan ng mahirap na tao ay hinamak

Dahil mahirap ang lalaki, hindi pinahalagahan ng mga tao ang kaniyang talino, o pinarangalan siya sa kaniyang karunungan. Maaaring isalin na: "tinutuya ng mga tao ang karunungan ng mahirap na lalaki"

ang kaniyang mga salita ay hindi pinakinggan

Huminto ang mga tao sa pakikinig sa kaniya. Maaaring isalin na: "hindi sila nakikinig sa mga sinasabi niya" o "hindi nila tinatanggap ang payo niya"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

Ecclesiastes 9:17

mas naririnig

Maaaring isalin na: "mas nauunawaang mabuti"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/09]]


Translation Questions

Ecclesiastes 9:1

Sino ang nasa mga kamay ng Diyos?

Ang mga matuwid at matalino ay nasa kamay ng Diyos.

Ecclesiastes 9:2

Ano ang pareho para sa lahat ng tao?

Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran.

Ecclesiastes 9:3

Puno ng ano ang mga puso ng tao?

Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan.

Ecclesiastes 9:4

Bakit wala nang gantimpala ang mga patay na?

Wala na silang gantimpala dahil ang kanilang alaala ay nakalimutan na.

Ecclesiastes 9:6

Ano ang matagal nang naglaho?

Ang pag-ibig, pagkamuhi, at inggit ng mga patay ay matagal nang naglaho.

Ecclesiastes 9:9

Ano ang dapat gawin ng mga tao anuman ang gawin ng mga kamay nila?

Anuman ang gawin ng mga kamay nila, dapat nilang gawin ito gamit ang kanilang lakas.

Ecclesiastes 9:11

Saan nakakulong ang mga tao?

Ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila.

Ecclesiastes 9:13

Ano ang nangyari sa mahirap na matalinong lalaki, na gamit ang kaniyang karunungan ay niligtas ang lungsod?

Walang nakaalala sa mahirap na matalinong lalaki, na gamit ang kaniyang karunungan ay niligtas ang lungsod.

Ecclesiastes 9:17

Ano ang mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan?

Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan.


Chapter 10

Ecclesiastes 10:1

Katulad ng mga patay na langaw...ganoon din ang muting kamangmangan

Gaya ng mga langaw na sumisira ng pabango, sa kamangmangan masisira din ang reputasyon sa karunungan at karangalan ng tao.

Ang puso ng matalinong tao...ang puso ng mangmang

Dito ang salitang "puso" ay tumutukoy sa isipan o kalooban. Maaaring isalin na: "ang pag-iisip ng matalino...ang pag-iisip ng hangal"

papunta sa kanan...papunta sa kaliwa

Dito ang mga salitang "kanan" at "kaliwa" ay tumutukoy sa tama at mali. Tingnan sa: "mas madalas gumawa ng tama...mas madalas gumawa ng mali"

kulang ang kaniyang pag-iisip

Tingnan sa: "wala siyang alam"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:4

Kung ang mga damdamin ng pinuno ay sumiklab laban sa iyo

Maaaring isalin na: "Kung magagalit sa iyo ang isang tagapamahala"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:5

Ang mga mangmang ay binibigyan ng posisyon sa pagkapinuno

Maaaring isalin na: "Nagbibigay ang mga tagapamahala ng posisyon sa pagkapinuno sa mga hangal"

ang mga taong matagumpay ay binibigyan ng mababang posisyon

Maaaring isalin na: "nagbibigay sila ng mabababang posisyon sa mga matatagumpay na tao"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:8

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

masasaktan nito

Maaaring isalin na: "maaari siyang masaktan ng mga batong iyon"

Ecclesiastes 10:10

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

nagbibigay ng kalamangan ang karunungan para sa katagumpayan

Patatalasin ng matalino ang kaniyang espada at hindi mangangailangang magtrabaho nang lubusan.

bago pa ito mapaamo

Maaaring isalin na: "bago paamuin ang ahas"

Ecclesiastes 10:12

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Magiliw ang mga salita ng bibig ng matalinong tao

Maaaring isalin na: "Magigiliw ang mga salita na sinasabi ng matalino"

nilululon ang mangmang ng kaniyang sariling mga labi

Dito ang salitang "nilululon" ay may pakahulugan na wasakin. Maaaring isalin na: "Ang mga bagay na sinasabi ng isang mangmang na tao ay winawasak siya"

Ecclesiastes 10:13

Sa pag-agos ng mga salita mula sa bibig ng mangmang

Maaaring isalin na: "Sa oras na magsalita ang hangal"

sa huli umaagos sa bibig niya ang masamang kahibangan

Maaaring isalin na: "sa oras na matapos siyang magsalita, nagsasalita siya ng kalokohang puno nang kasamaan"

Pinaparami ng mangmang ang mga salita

Maaaring isalin na: "Patuloy na nagsasalita ang hangal"

walang nakaaalam ng kung ano ang paparating

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/ecc/08/05]].

Sino ang nakaaalam kung ano ang parating pagkatapos niya?

Tinatanong ito ng manunulat para bigyang-diin na walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Maaaring isalin na: "Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kaniya."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:15

Pinapagod

"pagurin sila"

kaya hindi man lang nila alam ang daan papuntang bayan

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) na napapagod ang hangal sa sobrang pagtatrabaho na hindi niya kinakayang hanapin ang tamang daan o 2) napapagod ang hangal sa sobrang pagtatrabaho dahil hindi niya alam ang daan pauwi.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:16

kapag bata pa ang inyong hari

Ibig sabihin, wala pang masyadong karanasan o hindi pa handa ang hari.

magdiriwang sa umaga

Ipinapahiwatig nito na ang mga pinuno ay higit na interesado sa pagpapakasaya kaysa ang pamunuan ang bayan.

masaya ang lupain

Maaaring isalin na: "masaya ang mga taong naninirahan sa lupain"

ang hari ay anak ng mga maharlika

Ipinapahiwatig nito na ang anak ay sinanay ng mga nakatatanda sa mga kagawian ng pagiging mabuting hari.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:18

Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong

Hindi pinapanatili ng tamad ang kaayusan ng kaniyang bahay.

dahil sa mga tamad na kamay

Maaaring isallin na: "dahil sa taong walang ginagawa"

Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa

Maaaring isalin na: "Naghahanda ng pagkain ang mga tao para tumawa"

nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak

Maaaring isalin na: "nakakatulong ang alak para maging masaya sa buhay"

pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) "tinutustusan ng pera ang bawat pangangailangan" o 2) "nagbibigay ang pera ng pagkain at alak."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

Ecclesiastes 10:20

kahit sa iyong isipan

"kahit sa iyong isipan"

mayayaman sa iyong silid-tulugan

"mga mayayaman sa inyong silid tulugan." Nangangahulugan ito na hindi dapat isumpa ang mayayaman kahit na ikaw ay nasa isang pribadong lugar kung saan walang makaririnig sa iyo.

Sapagkat...ang ibon sa himpapawid

Pareho ang kahulugan ng dalawang linya at pinagsama ito para sa pagbibigay-diin. Gumagamit ang manunulat ng metapora ng ibon para sabihin na malalaman ng tao ang sinabi mo sa alinmang paraan.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/ecc/10]]


Translation Questions

Ecclesiastes 10:1

Ano ang nagpapatunay sa lahat na ang isang tao ay isang mangmang?

Kapag kulang ang kaniyang pag-iisip, pinatutunayan nito sa lahat na siya ay mangmang.

Ecclesiastes 10:5

Ano ang nakita ng Mangangaral na ginagawa ng mga alipin?

Nakita ng Mangangaral na ang mga alipin ay nakasakay sa mga kabayo.

Ecclesiastes 10:8

Ano ang maaaring mangyari kapag mayroong sumisira sa pader?

Kapag mayroong sumisira sa pader, maaari siyang kagatin ng ahas.

Ecclesiastes 10:10

Ano ang mangyayari kapag hindi hinahasa ng tao ang mapurol na talim ng bakal?

Kung ang talim ng bakal ay hindi hinahasa ng isang tao, kailangan niyang gumamit ng mas maraming lakas.

Ecclesiastes 10:13

Sa huli, ano ang umaagos mula sa bibig ng mangmang?

Sa huli, umaagos sa bibig ng mangmang ang masamang kahibangan.

Ecclesiastes 10:16

Kailan mayroong gulo sa lupain?

Mayroong gulo sa lupain kung ang hari ay bata pa, at ang mga pinuno ay nagdiriwang sa umaga!

Ecclesiastes 10:18

Bakit may tagas ang bahay?

Dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.

Ecclesiastes 10:20

Bakit hindi dapat sumpain ng mga tao ang hari?

Hindi dapat sumpain ng mga tao ang hari, dahil maaaring may ibon sa himpapawid na magdadala ng mga salita nila.


Chapter 1

Mark 1:1

Anak ng Diyos

Ito ay mahalagang katawagan para kay Jesus.

Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Ituwid ang kaniyang daraanan.

Ang mga salitang "daan" at "daraanan" dito ay paghahambing sa buhay ni Jesus sa isang daanan. Ang dalawang utos na ito ay may iisang kahulugan. Kung pareho ito sa inyong wika, maaari na ninyong alisin ang pangalawang pangungusap, kagaya ng ginawa sa UDB. Maaaring isalin na: "Humanda" upang salubungin ang isang mahalagang tao. (Tingnan sa: and

Mark 1:4

Dumating si Juan

Siguraduhing nauunawaan ng iyong mambabasa na si Juan ang tinutukoy dito. [[rc://tl/bible/notes/mrk/01/01]].

kaniya...niya...kanyang

Ang lahat ng salitang ito ay tumutukoy kay Juan.

Ang buong bansa ng Judea at lahat ng taga-Jerusalem

Ang salitang "lahat" dito ay isang pagmamalabis para sa pagbibigay diin. Maaaring isalin na: "Maraming tao mula sa Judea at Jerusalem." (Tingnan sa:

Mark 1:7

Nangaral siya

"Nangaral si Juan" Tingnan sa: ( [[rc://tl/bible/notes/mrk/01/01]]).

hindi ako karapat-dapat na yumuko para kalasin man lang ang tali ng kaniyang sandalyas

Inihahambing ni Juan ang kaniyang sarili sa isang lingkod upang ipakita kung gaano kadakila si Jesus. Maaaring isalin na: "Hindi ako karapat-dapat para gumawa man lang ng kahit ang hindi kasiya-siyang gawain ng isang lingkod." (Tingnan sa:

yumuko

"yumukod"

babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu

Ang espirituwal na pagbabautismo rito ay inihahambing sa pagbabautismo sa tubig. Ang pagbabautismo sa Espiritu ay nagdadala sa tao sa Banal na Espiritu kagaya ng pagbabautismo sa tubig kung saan idinadala nito ang mga tao sa tubig. Maaaring isalin na: "kilalanin ka kasama ng Banal na Espiritu."

Mark 1:9

Ikaw ang minamahal kong Anak

Ang Ama, Anak, at ang Banal na Espiritu ay nagpakita dito na magkakasama sa iisang pagkakataon.

minamahal kong Anak

Ito ay mahalagang katawagan para kay Jesus.Tinawag ng Ama si Jesus na kaniyang "minamahal na Anak" dahil sa kaniyang walang hanggang pag-ibig sa kaniya.

Mark 1:12

sapilitan siyang pinapunta

"pinaalis si Jesus ng sapilitan"

Nanatili siya sa ilang

"Nasa ilang siya"

apatnapung araw

"40 na araw"

Mark 1:14

matapos madakip si Juan

"matapos ilagay si Juan sa kulungan." Maaaring isalin na: "matapos nilang dakipin si Juan."

nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos

"nangaral ng mabuting balita na nagmula sa Diyos."

Ang panahon ay naganap na

"Ito na ang panahon"

Mark 1:16

nakita niya si Simon at Andres

"Nakita ni Jesus si Simon at Andres"

iniwan nila ang mga lambat at sumunod sa kaniya

"iniwan nila ang kanilang trabaho bilang mangingisda upang maging taga-sunod ni Jesus."

Mark 1:19

sa bangka

"sa kanilang bangka"

nagkukumpuni ng mga lambat

"inaayos ang lambat"

binayarang katulong

"lingkod na nagtatarabaho para sa kanila"

sumunod sila sa kaniya

"sumama kay Jesus sina Santiago at Juan."

Mark 1:23

kanilang sinagoga

Ito ang lugar sambahan na pinuntahan ni Jesus at ang kaniyang mga alagad, kung saan dito rin siya nagsimulang magturo.

Pumarito ka ba upang puksain kami?

Tinanong ng demonyo ang katanungang ito upang hikayatin si Jesus na huwag silang saktan. Maaaring isalin na: "Huwag mo kaming puksain."

Mark 1:29

nang lumabas sila sa sinagoga

pagkatapos umalis nina Jesus, Simon at Andres

nawala ang kaniyang lagnat

"Ang biyenan ni Simon ay gumaling mula sa kaniyang lagnat"

nagsimula siyang paglingkuran sila

Ipinahiwatig na ang pagkain ay inihanda. Maaaring isalin na: "siya ay nagbigay sa kanila ng pagkain at maiinom." (Tingnan sa: [[rc://tl/phase1/team-info/training/quick-reference/discourse/implicit-explicit]])

Mark 1:32

kaniya...niya...niya...siya

Ang mga panghalip na ito ay tumutukoy kay Jesus.

Ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pinto

Ang salitang "buo" ay isang pagmamalabis upang bigyang diin ang bilang ng mga tao na humahanap kayJesus. Maaaring isalin na: "Maraming tao mula sa lungsod na iyon ang nagtipon sa labas ng pintuan.

Mark 1:35

Ang lahat ay naghahanap sa iyo

Ang salitang "lahat" ay isang pagmamalabis upang bigyang diin kung gaano karami ang mga taong naghahanap kay Jesus. Maaaring isalin na: "Maraming mga tao ang naghahanap sa iyo."

Mark 1:38

niya...siya

Ang mga salitang ito ay tumutukoy kay Jesus.

Pumunta tayo sa ibang lugar

"Kailangan nating pumunta sa ibang lugar."

Pumunta siya sa lahat ng dako ng Galilea

Ang salitang "lahat" ay ginamit upang bigyang diin na pumunta si Jesus sa maraming mga lugar sa panahon ng kaniyang ministeryo. Maaaring isalin na: "Pumunta siya sa maraming lugar sa Galilea."

Mark 1:40

Isang ketongin ang lumapit sa kaniya. Siya ay nagmamakaawa sa kaniya, lumuhod siya at sinabi sa kaniya

"Isang ketongin ang lumapit kay Jesus; Nagmamakaawa ang ketongin habang siya ay lumuluhod. Sinabi ng ketongin kay Jesus"

Kung iyong nanaisin

"Kung iyong iibigin na maging malinis ako"

maaari mo akong gawing malinis

Ang salitang "malinis" dito ay kumakatawan sa pagiging malusog. Maaaring isalin na: "mapapagaling mo ako."

nais ko

"Nais kong maging malinis ka"

Mark 1:43

siyang...siyang...kaniya

Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa ketongin na gumaling.

ipakita mo ang iyong sarili

Ang salitang "iyong sarili" dito ay tumutukoy sa balat ng ketongin. Maaaring isalin na: "ipakita mo ang iyong balat."

Mark 1:45

sabihin sa lahat...ikinalat ang nangyari

Ang dalawang salita na ito ay mayroong iisang kahulugan at ginamit upang bigyang diin na ang lalaki ay nagsabi sa maraming mga tao.

lahat

Ang salitang "lahat" ay isang pagmamalabis upang dagdagan ang pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: "sa maraming taong nakasalubong niya."

si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan

"Pinigilan ng maraming tao si Jesus na malayang kumilos sa mga bayan"

mula sa lahat ng dako

Ang salitang "sa lahat ng dako" ay pagmamalabis upang dagdagan ang pagbibigay diin. Maaaring isalin na: "mula sa iba't ibang dako ng rehiyong iyon."


Translation Questions

Mark 1:1

Ano ang ipinahayag ni propeta Isaias na mangyayari bago dumating ang Panginoon?

Ipinahayag na ni Isaias na magdadala ang Diyos ng isang mensahero, isang tinig ng tao ang tumatawag mula sa ilang upang ihanda ang daraanan ng Panginoon.

Mark 1:4

Ano ang ipinangaral ni Juan sa kaniyang pagdating?

Dumating si Juan na ipinapangaral ang pagbabautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Ano ang ginagawa ng mga tao habang sila ay binabautismuhan ni Juan?

Inamin ng mga tao ang kanilang mga kasalanan habang binabautismuhan sila ni Juan.

Ano ang kinakain ni Juan?

Kumakain si Juan ng mga balang at pulot-pukyutan.

Mark 1:7

Ayon kay Juan, sa pamamagitan ng anong pagbabautismo ang darating na kasunod niya?

Sinabi ni Juan na ang darating kasunod niya ay magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Mark 1:9

Ano ang nakita ni Jesus habang siya ay umaahon sa tubig matapos na bautismuhan ni Juan?

Matapos bautismuhan, nakita ni Jesus ang langit na bumukas at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tila isang kalapati.

Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit matapos bautismuhan si Jesus?

Sinabi ng tinig mula sa langit na, "Ikaw ang aking minamahal na Anak; labis akong nalulugod sa iyo".

Mark 1:12

Sino ang nagpapunta kay Jesus sa ilang?

Ang Espiritu ang nagpapunta kay Jesus sa ilang.

Gaano katagal si Jesus sa ilang at ano ang nangyari sa kaniya doon?

Si Jesus ay nasa ilang sa loob ng apatnapung araw at siya ay tinukso ni Satanas doon.

Mark 1:14

Anong mensahe ang ipinangaral ni Jesus?

Ipinangaral ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay malapit na, at ang mga tao ay dapat na magsisi at maniwala sa ebanghelyo.

Mark 1:16

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya kay Simon at Andres?

Sinabi ni Jesus na gagawin niyang mangingisda ng tao sina Andres at Simon.

Ano ang trabaho nina Simon at Andres?

Sina Simon at Andres ay mga mangingisda.

Mark 1:19

Ano ang trabaho nina Santiago at Juan?

Sina Santiago at Juan ay mga mangingisda.

Mark 1:21

Bakit ikinamangha ng mga tao sa sinagoga ang turo ni Jesus?

Ikinamangha ng mga tao ang turo ni Jesus dahil si Jesus ay nagtuturo na katulad ng isang may kapangyarihan.

Mark 1:23

Anong katawagan ang ibinigay ng masamang espiritu sa sinagoga kay Jesus?

Ang masamang espiritu sa sinagoga ay binigyan si Jesus ng katawagan na Ang Banal ng Diyos.

Mark 1:27

Ano ang nangyari sa balita tungkol kay Jesus?

Ang balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa lahat ng dako.

Mark 1:29

Nang pumunta sila sa bahay ni Simon, sino ang pinagaling ni Jesus?

Nang pumunta sila sa bahay ni Simon, pinagaling ni Jesus ang biyenan ni Simon.

Mark 1:32

Ano ang nangyari nang gabi na?

Nang gabi na, dinala ng mga tao ang lahat ng mga may sakit o sinapian ng mga demonyo at pinagaling sila ni Jesus.

Mark 1:35

Ano ang ginawa ni Jesus bago sumikat ang araw?

Bago sumikat ang araw, pumunta si Jesus sa isang lugar kung saan siya mapag-iisa at nanalangin doon.

Mark 1:38

Ano ang sinabi ni Jesus kay Simon na kaniyang gagawin?

Sinabi ni Jesus na siya ay dumating upang mangaral sa nakapaligid na mga bayan

Mark 1:40

Anong pag-uugali ang ipinakita ni Jesus tungo sa lalaking may ketong na nagmakaawa kay Jesus upang gumaling?

Naawa si Jesus sa may ketong at pinagaling siya.

Mark 1:43

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng lalaking may ketong na gawin at bakit?

Sinabi ni Jesus sa lalaking may ketong na umalis at maghandog ng alay na naaayon sa iniutos ni Moises bilang isang patotoo.


Chapter 2

Mark 2:1

napabalita na nakauwi na siya sa kaniyang tahanan.

"narinig ng mga tao na nananatili siya sa iisang bahay"

wala nang puwang maging sa may pintuan

"wala nang lugar sa loob para sa kanila"

Mark 2:3

may dalang paralisadong lalaki

"may dinalang isang lalaki na hindi makalakad o hindi magamit ang kaniyang mga bisig"

apat na tao

"4 na tao"

hindi sila makalapit

"hindi makalapit kung saan naroon si Jesus"

Mark 2:5

ang lalaking paralisado

"ang lalaking hindi makalakad"

Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya

"nalalaman ni Jesus na ang mga lalaki ay may pananampalataya." Ito ay maaaring nangangahulugan 1) na ang mga lalaki lamang na nagdala sa lalaking paralisado ang may pananampalataya o 2) na ang lalaking paralisado at ang mga lalaking nagdala sa kaniya ang may pananampalataya.

Anak

Ang salitang "anak" dito ay nagpapakita ng pagmamalasakit ni Jesus sa lalaki tulad ng pagmamalasakit ng isang ama sa kaniyang anak. Maaaring isalin na: "Aking anak."

pinatawad na ang iyong mga kasalanan

Mga maaaring kahulugan nito ay 1) "Pinatawad na ng Diyos ang iyong mga kasalanan" (tingnan sa 2:7) o 2) "Pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan" (tingnan sa: [[rc://tl/bible/notes/mrk/02/10]])

nangatwiran sa kanilang mga puso

"nag-iisip sa kanilang mga sarili"

Paano nakakapagsalita ang taong ito ng ganito

Ang katanungang ito ay tinanong upang ipakita na ang mga eskriba ay nagduda na si Jesus ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan. Maaaring isalin na: "Ang taong ito ay hindi dapat magsalita sa ganito!"

Sino ang makapagpapatawad sa mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?

Ang katanungang ito ay tinanong upang ipakita na ang mga eskriba ay nagdududa na si Jesus ay Diyos. Maaaring isalin na: "Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan!"

Mark 2:8

ang kanilang iniisip

Ang mga eskriba ay nag-iisip sa kanilang mga sarili; hindi sila nag-uusap sa isa't isa.

Bakit ninyo iniisip ito sa inyong mga puso?

Tinanong ni Jesus ang katanungang ito upang pagsabihan ang mga eskriba dahil sa pagdududa sa kaniyang kapangyarihan. Maaaring Isalin na: "Hindi ninyo dapat pinagdududahan ang aking kapangyarihan!"

Ano ang mas madali...Bumangon ka..'?

Tinanong ni Jesus ang katanungang ito dahil naniniwala ang mga eskriba na ang lalaki ay naparalisado dahil sa kaniyang mga kasalanan at kung ang mga kasalanan ng lalaki ay pinatawad, maaari na siyang makalakad. Kung pinagaling ni Jesus ang lalaking paralisado, ang mga eskriba ay kailangang kilalanin na si Jesus ay may kakayahang magpatawad ng mga kasalanan. Maaaring isalin na: "Ito ay mas madaling sabihin sa paralisadong lalaki na ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na!"

mga puso

Ang salitang "puso" ay madalas gamitin upang tukuyin ang kaisipan, damdamin, pagnanais, o kalooban ng isang tao.

Mark 2:10

upang malaman ninyo

"Patutunayan ko sa inyo"

ang Anak ng Tao

Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili bilang "Anak ng Tao."

ninyo

tumutukoy ito sa mga eskriba at ang maraming tao

sinabi niya sa lalaking paralitiko

"sinabi niya sa lalaking hindi nakakalakad"

sa harap ng lahat

"sa harapan ng maraming taong nagtipun-tipon doon"

Mark 2:13

pumunta sa kaniya ang napakaraming tao

"ang mga tao ay pumunta kung saan siya naroroon"

Mark 2:15

bahay ni Levi

"sa tahanan ni Levi"

maraming tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao ang nakikisalo kay Jesus at sa kaniyang mga alagad, sapagkat marami silang sumunod sa kaniya

"maraming tagasingil ng buwis at makasalanang tao na sumunod kay Jesus ang kumain kasama niya at ng kaniyang mga alagad"

Bakit siya nakikisalo sa mga tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao?

Tinanong ng mga eskriba at mga Pariseo ang katanungang ito upang ipakita na tinututulan nila ang kagandahang-loob ni Jesus. Maaaring isalin na: "Siya ay hindi dapat kumain at uminom kasama ng mga makasalanan at mga lalaking tagasingil ng buwis!"

Mark 2:17

sinabi niya sa kanila

"sinabi niya sa mga Pariseo"

Ang mga taong malakas ang pangangatawan ay hindi nangangailangan ng manggagamot; ang mga may sakit lamang ang nangangailangan nito

Inihahambing ni Jesus ang mga taong nakakaalam na sila ay makasalanan sa mga taong nakakaalam na sila ay may sakit. Maaaring isalin na: "Ang mga taong nag-iisip na sila ay matuwid ay hindi nangangailangan ng tulong; ang mga may sakit lamang ang nangangailangan ng tulong!

Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid na tao, kundi ang mga taong makasalanan

Inaasahan ni Jesus na maiintindihan ng kaniyang mga tagapakinig na pumarito siya para sa mga nangangailangan ng tulong. Maaaring isalin na: "Pumarito ako para sa mga taong nakauunawa na sila ay makasalanan, hindi sa mga taong naniniwala na sila ay matuwid."

Mark 2:18

ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno

Ang pag-aayuno ay nangangahulugan na hindi kakain. Sa mga wika kung saan ang pag-aayuno ay hindi nakaugalian, maaaring mas natural na sabihin sa positibong pahayag. Maaaring isalin na: "ngunit ang iyong mga alagad ay patuloy na palaging kumakain."

Maaari bang mag-ayuno ang mga abay sa kasal kung kasama pa nila ang lalaking ikakasal?

Tinanong ni Jesus ang katanungang ito upang gumawa ng paghahambing sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga alagad sa isang lalaking ikakasal at kaniyang mga kaibigan. Maaaring isalin na: "Ang aking mga alagad ay nagdiriwang habang ako ay naritong kasama nila!"

Mark 2:20

ang lalaking ikinasal ay mailalayo sa kanila

Inihambing ni Jesus ang kaniyang sarili sa isang lalaking ikakasal habang sinasabi niya ang kaniyang kamatayan, muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Kung ang iyong wika ay nangangailangang tukuyin kung sino ang gumagawa ng kilos, hangga't maaari ay gumamit ng pangkalahatan. Maaring palitan ang balintiyak na pangungusap sa pangungusap na ginagamit ang aktibong panahunan kaya maaring isalin ito na: "ilalayo nila ang lalaking ikakasal" o "ang lalaking ikakasal ay aalis."

nila...sila

tinutukoy dito ang mga abay sa kasal

Walang tao ang magtatahi ng bagong tela sa lumang damit

ang pananahi ng isang pirasong bagong tela sa lumang damit ay makakagawa ng butas sa lumang damit nang mas malubha kung ang piraso ng bagong tela ay hindi pa lumiit. Parehong masisira ang bagong tela at ang lumang damit.

Mark 2:22

Walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat

Inihahambing ni Jesus ang katuruan kaniya at ng kaniyang mga alagad sa bagong alak at sisidlang-balat. Ang talinghaga na ito ang sumasagot sa katanungang, "Bakit ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng Pariseo ay nag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?" Maaaring isalin na: "Walang sinumang magbibigay ng mga bagong katuruan sa mga taong nakasanayan na ang mga lumang katuruan."

bagong alak

Ito ay tumutukoy sa alak na hindi pa umaasim. Kung ang mga ubas ay hindi kilala sa inyong lugar, gamitin ang pangkalahatang tawag gaya ng "katas ng prutas".

lumang sisidlang-balat

Tumutukoy ito sa sisidlang-balat na ginamit na ng maraming beses.

sisidlang-balat

Ang mga ito ay sisidlang gawa sa balat ng hayop. Maaari ding tawagin ang mga ito na "sisidlan ng alak" o "balat na sisidlan".

masisira ng alak ang sisidlang-balat

Kapag ang bagong alak ay umasim at umalsa, sisirain nito ang sisidlan dahil hindi na nila ito maaaring unatin pa.

masasayang

"masisira" (UDB)

bagong sisidlang-balat

"bagong sisidlang-balat" o "bagong balat na sisidlan." Ito ay tumutukoy sa sisidlang-balat na hindi kailanman ginamit.

Mark 2:23

Tingnan mo, bakit sila gumagawa ng bagay na ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"

Tinanong ng mga Pariseo si Jesus ng katanungan upang siya ay husgahan. Maaaring isalin na: "Tingnan mo! Sinusuway nila ang kautusan ng mga Judio tungkol sa Araw ng Pamamahinga."

mamitas ng trigo at kainin ito...gumawa ng bagay na ipinagbabawal sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga

Ang pamimitas ng butil sa ibang bukirin, at pagkain nito ay hindi itinuturing na pagnanakaw. Ang katanungang ito ay kung maari nilang gawin ito sa Araw ng Pamamahinga.

mga uhay

Ito ang pinakamataas na bahagi ng halamang trigo na isang uri ng malaking damo. Ang uhay ay merong mga hinog na butil o mga buto ng halaman.

Tingnan mo

"Bigyang mo ng pansin ang sasabihin ko sa iyo"

Mark 2:25

Hindi ba ninyo kailanman nabasa kung ano ang ginawa ni David...kasama niya? Kung paano siya pumasok...

Alam ni Jesus na nabasa na ng mga Eskriba at ng mga Pariseo ang kuwento. Inaakusahan niya sila na sadyang ayaw intindihin ito. Maaring isalin na: "Tandaan kung ano ang ginawa ni David...kasama niya? Kung paano siya pumunta..." o "Kung naiintindihan ninyo kung ano ang ginawa ni David...kasama niya, malalaman ninyo na siya ay pumunta"

Abiatar

Siya ay isa sa mga punong pari noong panahon ni David sa kasaysayan ng mga Judio.

Mark 2:27

Ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa sangkatauhan

Maaaring isalin na: "Itinakda ng Diyos ang araw ng Pamamahinga para sa ikabubuti ng sangkatauhan"

hindi ang sangkatauhan para sa Araw ng Pamamahinga

Maaaring isalin na: "Hindi ginawa ng Diyos ang sangkatauhan para sa ikabubuti ng Araw ng Pamamahinga"


Translation Questions

Mark 2:1

Ano ang ginawa ng apat na lalaking nagdala sa paralisadong lalaki?

Tinanggal ng mga lalaki ang bubong ng bahay at ibinaba ang lalaking paralisado patungo kay Jesus.

Mark 2:5

Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado?

Sinabi ni Jesus, "Anak, ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na".

Bakit tumutol ang ilan sa mga eskriba sa sinabi ni Jesus?

Nangatwiran ang ilan sa mga eskriba na lumapastangan si Jesus, dahil ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan. [2:6-7]

Mark 2:8

Paano ipinakita ni Jesus na siya ay may kapangyarihan sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan?

Sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado na kunin ang kaniyang higaan at pumunta sa kaniyang bahay, at ginawa ito ng lalaki.

Mark 2:10

Paano ipinakita ni Jesus na siya ay may kapangyarihan sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan?

Sinabi ni Jesus sa lalaking paralisado na kunin ang kaniyang higaan at pumunta sa kaniyang bahay, at ginawa ito ng lalaki.

Mark 2:13

Ano ang ginagawa ni Levi nang sabihan siya ni Jesus na sumunod sa kaniya?

Nakaupo si Levi sa lugar kung saan kinokolekta ang buwis nang tawagin siya ni Jesus.`

Mark 2:15

Sa bahay ni Levi, ano ang ginagawa ni Jesus na ikinagalit ng mga Pariseo?

Kumakain si Jesus kasama ang mga makasalanang tao at mga tagasingil ng buwis.

Mark 2:17

Sino ang sinasabi ni Jesus na siya ay dumating upang tawagin?

Sinabi ni Jesus na dumating siya upang tawagin ang mga makasalanang tao.

Mark 2:18

Anong katanungan ang tinanong ng ilang tao kay Jesus tungkol sa pag-aayuno?

Tinanong nila si Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno samantalang ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo ay nag-aayuno.

Paano ipinaliwanag ni Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno?

Sinabi ni Jesus na habang ang lalaking ikakasal ay kasama pa ng mga abay, hindi sila maaaring mag-ayuno. [2:19]

Mark 2:20

Paano sinagot ni Jesus ang katanungan tungkol sa pag-aayuno?

Sinabi ni Jesus na habang ang ikakasal na lalaki ay kasama pa ang mga abay sa kasal, hindi sila maaaring mag-ayuno, ngunit kung ang ikinasal na lalaki ay ilalayo, mag-aayuno sila.

Mark 2:23

Ano ang ginawa ng mga alagad ni Jesus sa ilang mga triguhan sa Araw ng Pamamahinga na ikinagalit ng mga Pariseo?

Namitas ng mga uhay ng butil ang mga alagad ni Jesus at kinain ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.

Mark 2:25

Anong halimbawa ang ibinigay ni Jesus tungkol sa isang tao na nangangailangan at kumain ng tinapay na karaniwang ipinagbabawal para sa kanila?

Ibinigay ni Jesus ang halimbawa ni David na dahil sa pangangailangan ay kinain ang tinapay na handog na karaniwang nakalaan para sa mga pari.

Mark 2:27

Para kanino ang sinabi ni Jesus na ginawa ang Araw ng Pamamahinga?

Sinabi ni Jesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa mga tao.

Anong kapangyarihan ang inaangkin ni Jesus para sa kaniyang sarili?

Sinabi ni Jesus na Panginoon din siya sa Araw ng Pamamahinga. [2:28]


Chapter 3

Mark 3:1

muli siyang naglakad papasok sa loob ng sinagoga

"At pumasok si Jesus sa sinagoga"

isang lalaki na tuyot ang kamay

"isang lalaking may kapintasan ang kamay"

nagmamatyag ng mabuti kung papagalingin siya ni Jesus

"Pinanuod ng mga Pariseo si Jesus upang tignan kung pagagalingin niya ang lalaking may kapintasan ang kamay"

Mark 3:3

Tumindig ka at tumayo sa gitna ng lahat

"Tumayo ka at tumindig dito sa gitna ng maraming tao."

Naaayon ba sa batas...pumatay?

Dahil napansin ng nagsulat na "nanatili silang tahimik," tila hinahamon sila ni Jesus at nagaantay siya ng sagot mula sa kanila. Maaaring isalin na: "Dapat ninyong malaman na pinapayagan ng batas na gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga at hindi ang makapanakit; ang sumagip ng buhay, at hindi ang pumatay."

Naaayon sa batas

naaayon sa Batas ni Moises

Mark 3:5

Iunat mo ang iyong kamay

"Iabot mo ang iyong kamay"

pinagaling ito ni Jesus

"Pinagaling ni Jesus ang kaniyang kamay"

agad bumuo ng sabwatan kasama ng mga taga-sunod ni Herodias

Maaaring isalin na: "agad silang nagtipon-tipon kasama ng mga taga-sunod ni Herodias" o "nagkita-kita at bumuo ng sabwatan kasama ang mga taga-sunod ni Herodias"

Mark 3:7

marinig nila ang lahat ng mga ginagawa niya

"marinig ang tungkol sa mga kamangha-manghang himala na ginagawa ni Jesus"

pumunta sa kaniya

"pumunta ang mga tao kung nasaan si Jesus"

Mark 3:9

Hiniling niya sa kaniyang mga alagad na ipaghanda siya ng isang bangka

"Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Maghanda kayo ng bangka para sa akin."'

upang hindi siya maipit ng mga tao

"ang nagtulakan upang mahipo siya" (UDB)

lahat ng may mga malulubhang karamdaman ang gustong makalapit sa kaniya upang mahawakan siya

"Lahat ng mga may karamdaman ay nagtutulakan upang mahawakan siya"

Mark 3:11

sila...sila...sa mga ito

ang mga taong napapailalim sa kapangyarihan ng maruruming espiritu

Ikaw ang Anak ng Diyos

Ang kapangyarihan ni Jesus laban sa maruruming espiritu ay may kaugnayan sa kaniyang titulong, "Anak ng Diyos."

Anak ng Diyos

Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus.

Mark 3:13

para sila ay makasama niya at maaari niya silang isugo upang mangaral

"makasama niya at isugo niya upang mangaral" (UDB)

Mark 3:17

Tadeo

Si "Tadeo" ay isang lalaki na napili bilang isa sa mga labing-dalawang apostol ni Jesus.

Mark 3:20

maraming tao ang nagtipon-tipong muli, kung kaya hindi man lang sila makakain ng tinapay

" Nagtipon-tipon muli ang maraming tao kung saan siya namamalagi. Maraming tao ang nagsiksikan sa paligid niya. Wala man lang oras na kumain sila Jesus at ang kaniyang mga alagad" (UDB)

agad silang lumabas upang pilit siyang kunin.

Pumunta ang mga miyembro ng kaniyang pamilya sa bahay kung nasaan siya upang kunin siya at pilitin siyang umuwi kasama nila.

Mark 3:23

Paano maitataboy ni Satanas si Satanas?

"Hindi paaalisin ni Satanas ang kaniyang sarili" o "Hindi lalabanan ni Satanas angkasamahan niyang masasamang espiritu"

Mark 3:31

Pinasundo nila siya at ipinatawag

"May inutusan ang ina ni Jesus pati na ang kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki na pumasok sa loob upang sabihin sa kaniya na sila ay nasa labas at kailangan niyang lumabas sa kanila."


Translation Questions

Mark 3:1

Bakit nila minamatyagan si Jesus sa Araw ng Pamamahinga sa sinagoga?

Minamatyagan nila si Jesus upang makita kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang siya ay maakusahan nila. [3:1-2]

Mark 3:3

Anong katanungan ang itinanong ni Jesus sa mga tao tungkol sa Araw ng Pamamahinga?

Tinanong ni Jesus ang mga tao kung pinapayagan ba ng batas na gumawa ng mabuti o ang makasakit sa Araw ng Pamamahinga. [3:4]

Paano tumugon ang mga tao sa katanungan ni Jesus?

Nanatiling tahimik ang mga tao. [3:4]

Mark 3:5

Ano ngayon ang naging saloobin ni Jesus tungol sa kanila?

Sumama ang loob ni Jesus sa kanila. [3:5]

Ano ang ginawa ng mga Pariseo nang napagaling ni Jesus ang lalaki?

Lumabas ang mga Pariseo at bumuo ng plano upang ipapatay si Jesus. [3:6]

Mark 3:7

Gaano karaming tao ang sumunod kay Jesus nang pumunta siya sa dagat?

Napakaraming tao ang sumunod sa kanila. [3:7-8]

Mark 3:11

Ano ang sinigaw ng mga demonyo nang makita nila sa Jesus?

Isinisigaw ng mga demonyo na si Jesus ang Anak ng Diyos. [3:11]

Mark 3:13

Ilang kalalakihan ang itinalaga ni Jesus bilang mga apostol, at ano ang kanilang mga gagawin?

Itinalaga ni Jesus ang labing-dalawang mga apostol upang makasama niya at maaari niya silang ipadala upang mangaral, at magkaroon sila ng kapangyarihang magtaboy ng mga demonyo. [3:14-15]

Mark 3:17

Sino ang apostol na magtataksil kay Jesus?

Ang apostol na magtataksil kay Jesus ay si Judas Iskaryote. [3:19]

Mark 3:20

Ano ang iniisip ng pamilya ni Jesus tungkol sa maraming mga tao at sa mga pangyayari sa paligid ni Jesus?

Inisip ng pamilya ni Jesus na siya ay wala na sa tamang pag-iisip. [3:21]

Ano ang ibintang ng mga eskriba laban kay Jesus?

Inakusahan ng mga eskriba si Jesus na tumataboy ng demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo. [3:22]

Mark 3:23

Ano ang naging tugon ni Jesus sa mga bintang ng mga eskriba?

Sumagot si Jesus na walang kahariang nahahati sa kaniyang sarili ang maaaring tumayo. [3:23-25]

Mark 3:28

Anong kasalanan ang sinasabi ni Jesus na hindi maaaring mapatawad?

Sinabi ni Jesus na ang kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu ay hindi maaaring mapatawad. [3:28-30]

Mark 3:33

Sino ang sinasabi ni Jesus na kaniyang ina at mga kapatid?

Sinabi ni Jesus na ang kaniyang ina at mga kapatid ay ang mga taong sumusunod sa kagustuhan ng Diyos. [3:33-35]


Chapter 4

Mark 4:1

naupo

"naupo siya sa bangka"

Mark 4:3

Agad silang tumubo

"Agad nagsimula silang lumaki ng mabilis"

Mark 4:6

nalanta ang mga ito

"nasunog ang mga ito"

Mark 4:8

Sinuman ang may taingang pandinig, makinig

"Sinumang nakikinig ng mabuti ay mauunawaan niya ang kahulugan" ng talinghagang ito.

Mark 4:10

Ipinagkaloob sa inyo ang hiwaga ng kaharian ng Diyos

"Inihayag ng Diyos sa inyo" o "Inihayag ko sa inyo"

titingin sila, ngunit hindi sila makakakita

"tumingin sila at tumangging makakita" o "tumingin sila at hindi naunawaan"

Mark 4:13

Hindi ba ninyo naiintindihan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo maiintindihan ang iba pang mga talinghaga?

"Kung hindi ninyo kayang unawain ang talinghagang ito, hindi ninyo mauunawaaan ang iba pang mga talinghaga."

Mark 4:18

ang mga alalahanin sa mundo

Maaaring isalin na: "mga alalahanin tungkol sa kasalukuyang buhay na ito"

ang pandaraya ng kayamanan

Maaaring isalin na: "mga kasiyahan mula sa kayamanan na hindi nakakapagpasaya"

ang pagnanasa sa iba pang mga bagay

"ang pagnanasa para sa iba pang mga bagay maliban sa kayamanan"

Mark 4:21

Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket, o sa ilalaim ng higaan?

"Siguradong hindi kayo magdadala ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket, o sa ilalaim ng higaan."

Sinuman ang may taingang pandinig, makinig.

Isalin ito gaya ng iyong ginawa sa [[rc://tl/bible/notes/mrk/04/08]].

Mark 4:24

ang panukat na inyong ginagamit sa iba ang siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo.

"kapag makinig kayo ng maigi, mas malawak ang pang-unawa na ibibigay ng Diyos sa inyo."

sinumang mayroon

"sinuman ang nakaunawa ng aking mga salita."

Mark 4:26

tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi

"tulad ng isang magsasaka na naghahasik ng kaniyang binhi"

panggapas

isang linikong talim o isang matalas na karit na ginagamit na pamutol sa tangkay ng tanim

Mark 4:30

"Saan natin maihahambing ang kaharian ng Diyos, o anong talinghaga ang magagamit natin upang maipaliwanag ito?

"Sa talinghagang ito maipapaliwanag ko kung ano ang katulad ng kaharian ng Diyos."

Mark 4:33

hanggang sa kaya nilang maunawaan

"hanggang sa kaya nilang maintindihan"

Mark 4:38

hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay?

"kailangan mong bigyang pansin ang pangyayaring ito; tayong lahat ay malapit nang mamatay!" -

malapit na tayong mamatay

"Tayo" kabilang ang mga alagad at si Jesus.

sinaway

"pinagsabihan"

Pumayapa ka, tigil.

"Pumayapa ka" at "tigil" ay magkasing-kahulugan.

Mark 4:40

"Bakit kayo natatakot?

"Nadismaya ako na labis kayong natatakot."

Sino ba talaga siya

"Kailangan nating pag-isipang mabuti kung sino talaga ang taong ito!"


Translation Questions

Mark 4:1

Bakit sumakay si Jesus sa bangka upang magturo?

Sumakay si Jesus sa bangka upang magturo, dahil napakaraming mga tao ang nagtipun-tipon sa paligid niya.

Mark 4:3

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa daan?

Dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.

Mark 4:6

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa mabatong lupa nang sumikat ang araw?

Nalanta ang mga ito dahil wala silang ugat.

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa tinikan?

Sinakal ng mga tinik ang mga ito.

Mark 4:8

Ano ang nangyari sa mga binhing naihasik sa matabang lupa?

Ang mga binhing naihasik ay nakapamunga ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at ang ilan ay tig-iisangdaan.

Mark 4:10

Ano ang sinabi ni Jesus na ibinigay sa Labindalawa, ngunit hindi sa mga nasa labas?

Sinabi ni Jesus ang misteryo ng kaharian ng Diyos ay ibinigay sa Labindalawa, ngunit hindi sa mga nasa labas.

Mark 4:13

Sa talinghaga ni Jesus, ano ang binhi?

Ang binhi ay ang salita ng Diyos.

Ano ang kinakatawan ng binhing naihasik sa daan?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, ngunit agad itong inaalis ni Satanas.

Mark 4:16

Ano ang kinakatawan ng mga binhing naihasik sa mabatong lupa?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita nang may kagalakan, ngunit nang dumating ang pag-uusig sila ay nadapa.

Mark 4:18

Ano ang kinakatawan ng mga binhing naihasik sa tinikan?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, ngunit sinakal ng mga alalahanin ng mundo ang salita.

Ano ang kinakatawan ng binhing naihasik sa matabang lupa?

Ito ay kumakatawan sa mga nakarinig ng salita, tinanggap ito, at nakapamunga.

Mark 4:21

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa nakatago at lihim na mga bagay?

Sinabi ni Jesus na ang nakatago at lihim na mga bagay ay dadalhin sa liwanag.

Mark 4:26

Sa anong paraan natutulad ang kaharian ng Diyos sa isang taong naghahasik ng binhi sa lupa?

Inihahasik ng tao ang binhi,tumutubo ito, ngunit hindi niya alam kung paano, at kapag hinog na ang ani, tinitipon niya ito.

Mark 4:30

Sa anong paraan maihahambing ang kaharian ng Diyos sa buto ng mustasa?

Ang buto ng mustasa ay nagsisimula bilang pinakamaliit sa mga buto, gayunpaman tumutubo upang maging isang malaking halaman kung saan marami ang makakagawa ng kanilang mga pugad.

Mark 4:35

Ano ang nangyari habang tumatawid ang mga alagad at si Jesus sa lawa?

Nagsimula ang matinding unos, nagbabantang mapuno ng tubig ang bangka.

Mark 4:38

Ano ang ginagawa ni Jesus sa bangka sa panahong iyon?

Natutulog si Jesus.

Anong katanungan ang itinanong ng mga alagad kay Jesus?

Tinanong ng mga alagad si Jesus kung nababahala ba siya na malapit na silang mamatay.

Kaya ano ang ginawa ni Jesus?

Sinaway ni Jesus ang hangin at pinayapa ang dagat.

Mark 4:40

Matapos gawin ito ni Jesus, ano ang naging tugon ng mga alagad?

Napuno ng matinding takot ang mga alagad at nagtaka kung sino ba talaga si Jesus dahil ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya.


Chapter 5

Mark 5:3

mga tanikala

"mga kadenang bakal"

supilin siya

"kontrolin siya"

Mark 5:7

Sumigaw siya

"Sumigaw ang masamang espiritu"

Ano ang kinalaman ko sa iyo

Maaring isalin na: "Wala akong pakialam sa iyo"

huwag mo akong pahirapan

"Huwag mo akong papagdusahin"

Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa ngalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan

Si Jesus ang "Anak ng Kataas-taasang Diyos," ay may kapangyarihan upang pahirapan ang mga masasamang espiritu.

Anak ng Kataas-taasang Diyos

Ito ay mahalagang katawagan kay Jesus.

Mark 5:9

Sinabi niya sa kaniya, "Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami."

Ang mga espiritu sa loob ng lalaki ay nagsabi kay Jesus na hindi lamang iisang masamang espiritu ang mayroon sa lalaking ito ngunit maraming mga masasamang espiritu.

Mark 5:11

Pinayagan niya sila

"Pinayagan ni Jesus ang masasamang espiritu."

umabot sa dalawang libong mga baboy

"halos 2000 na mga baboy"

Mark 5:14

nasa kaniyang tamang kaisipan

"nasa maayos na kaisipan"

Mark 5:16

lalaking sinapian ng mga demonyo

"ang lalaking pinamumunuan ng demonyo"

Mark 5:18

Decapolis

Ito ay isang rehiyon sa timog-silangang bahagi ng karagatan ng Galilea.

Mark 5:25

sa loob ng labing dalawang taon

"sa 12 taon"

Mark 5:30

at sasabihin mong, 'Sino ang humawak sa akin?'

Maaring isalin na: "nabigla kaming marinig na sabihin mong may humawak sa iyo."

Mark 5:33

Anak

Ginamit ni Jesus ang salitang ito bilang talinghaga na tumutukoy sa babae bilang isang mananampalataya.

Mark 5:35

Bakit mo pa aabalahin ang Guro?

Maaaring isalin na: "Hindi na natin dapat abalahin ang guro."

Mark 5:36

iyakan at pagtangis

Ang mga salitang "iyakan" at "pagtatangis" ay may iisang kahulugan. Maaaring isalin na: "Sumigaw ng malakas habang sila ay umiiyak"

Mark 5:39

Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak?

Maaaring isalin na: "Hindi kayo dapat nalulungkot at umiiyak."

Mark 5:41

siya ay labing dalawang taon

"siya ay 12 taong gulang "

Mahigpit niya silang pinagbilinan

"labis niya silang pinagsabihan"


Translation Questions

Mark 5:1

Sino ang sumalubong kay Jesus nang sila ay dumating sa rehiyon ng Gerasene?

Isang lalaking may masamang espiritu ang sumalubong kay Jesus.

Mark 5:3

Ano ang ilang mga bagay na ginawa ng lalaking ito?

Ang lalaki ay nanirahan sa mga libingan, sinira ang mga kadena at pinaghihiwalay ang damal, at sumisigaw at sinusugatan ang sarili gabi at araw.

Ano ang nangyari nang subukan ng mga tao na pigilin ang lalaki sa pamamagitan ng kadena?

Nang subukan ng mga tao na pigilan ang lalaki sa pamamagitan ng kadena winawasak niya ang kadena.

Mark 5:5

Ano ang ilang mga bagay na ginawa ng lalaking ito?

Ang lalaki ay nanirahan sa mga libingan, sinira ang mga kadena at pinaghihiwalay ang damal, at sumisigaw at sinusugatan ang sarili gabi at araw.

Mark 5:7

Anong katawagan ang binigay ng maruming Espiritu kay Jesus?

Tinawag ng maruming espiritu si Jesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos.

Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaki?

Sinabi ni Jesus sa lalaki, "Lumabas ka sa lalaki, ikaw na masamang espiritu".

Mark 5:9

Ano ang pangalan ng maruming espiritu?

Ang pangalan ng maruming espiritu ay Hukbo, dahil sila ay marami.

Mark 5:11

Ano ang nangyari ng palayasin ni Jesus ang masamang espiritu mula sa lalaki?

Lumabas ang espiritu at pumasok sa grupo ng mga baboy, na tumakbo pababa sa matarik na burol at nalunod sa lawa.

Mark 5:14

Matapos mapalayas ang masamang espiritu, ano ang naging kalagayan ng lalaki?

Ang lalaki ay nakaupo kasama si Jesus, nakadamit at nasa matinong kaisipan.

Mark 5:16

Ano ang hiniling ng mga tao sa rehiyon na gawin ni Jesus?

Hiniling ng mga tao na iwan ni Jesus ang kanilang rehiyon.

Mark 5:18

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng lalaki na nanirahan sa mga libingan na gawin ngayon?

Sinabi ni Jesus sa lalaki na sabihin sa kaniyang mga tao ang ginawa ng Diyos para sa kaniya.

Mark 5:21

Ano ang kahilingan ni Jairo, ang pinuno ng sinagoga kay Jesus?

Hiniling ni Jairo kay Jesus na pumunta kasama niya upang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniyang anak na malapit ng mamatay.

Mark 5:25

Ano ang problema sa babaeng humawak sa balabal ni Jesus?

Ang babae ay dumanas ng pagdurugo sa loob ng labing dalawang taon.

Mark 5:28

Bakit hinawakan ng babae ang balabal ni Jesus?

Inisip ng babae na kung mahawakan man lang niya ang damit ni Jesus, siya ay gagaling.

Mark 5:30

Ano ang ginawa ni Jesus nang hawakan ng babae ang kaniyang balabal?

Alam ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya at tumingin sa paligid upang tingnan kung sino ang humawak sa kaniya.

Mark 5:33

Nang sinabi ng babae kay Jesus ang buong katotohanan, ano ang sinabi ni Jesus sa kaniya?

Sinabi ni Jesus sa kaniya na ang kaniyang pananampalataya ang nagpagaling sa kaniya, at umalis ng may kapayapaan.

Mark 5:35

Ano ang kalagayan ng anak ni Jairo nang dumating si Jesus sa tahanan?

Patay na ang anak ni Jairo.

Mark 5:36

Ano ang sinabi ni Jesus kay Jairo sa pagkakataong ito?

Sinabi ni Jesus kay Jairo na huwag matakot, ngunit maniwala lang.

Sino-sinong mga alagad ang sumama kay Jesus sa silid kung saan naroroon ang bata?

Sina Pedro, Santiago at Juan ay sumama kay Jesus sa silid.

Mark 5:39

Ano ang ginawa ng mga tao sa bahay nang sinabi ni Jesus na ang anak ni Jairo ay natutulog lamang?

Pinagtawanan ng mga tao si Jesus ng sabihin niyang ang anak ni Jairus ay natutulog lamang.

Mark 5:41

Nang bumangon ang bata at lumakad, ano ang naging reaksyon ng mga tao?

Ang mga tao ay labis na namangha.


Chapter 6

Mark 6:1

Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at ang kapatid nina Santiago, Jose, Judas at simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae?

"Isa lamang siyang pangkaraniwang karpintero! Kilala natin siya at ang kaniyang pamilya! Kilala natin si Maria ang kanyang ina! Kilala natin ang kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki na sina Santiago, Jose, Judas at Simon! At ang kaniyang mga nakababatang kapatid na babae ay nakatira rin ditong kasama natin!"

Mark 6:4

Ang isang propeta ay may karangalan, maliban sa...

"Totoo nga na iginagalang ako ng ibang mga tao at ang ibang mga propeta sa ibang lugar, ngunit hindi sa ating sariling bayan! Hindi rin tayo iginagalang maging ang ating mga kamag-anak at ang mga taong nakatira sa ating mga bahay!

Mark 6:7

huwag magsuot ng dalawang tunika

"hindi magdadala ng karagdagang damit."

Mark 6:10

manatili kayo doon hanggang makaalis kayo

"manatili kayo sa bahay na iyon hanggang makaalis kayo sa bayan."

Mark 6:14

Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay

"Binuhay ng Diyos si Juan na Tagapagbautismo"

Mark 6:16

asawa ng kapatid niyang si Felipe

"Ang asawa ng kapatid niyang si Felipe"

Mark 6:18

inilagay ang sarili laban sa

"pinanghawakan ito laban sa"

Mark 6:23

nakalagay sa bandehado

"nakalagay sa isang malaking pinggan"

Mark 6:26

ngunit dahil sa pangako at sa mga panauhin,

"dahil narinig ng kaniyang mga bisita nang sabihin niya ang pangako,"

nasa bandehado

"nasa isang malaking pinggan"

Mark 6:37

dalawang daang denario

"200 denario." Ang denario ay perang pilak ng mga Romano.

Limang tinapay at dalawang isda

"5 tinapay at 2 isda." .

Mark 6:39

tig-iisang daan at tig-lilimampu

"humigit-kumulang sa 100 at humigit-kumulang sa 50."

limang tinapay at ang dalawang isda

"ang 5 tinapay at ang 2 isda"

Mark 6:42

labindalawang basket

"12 basket"

limang libong mga kalalakihan

Maaaring isalin na: "5,000 kalalakihan at ang kanilang mga pamilya"

Mark 6:45

Betsaida

Ito ay isang bayan sa hilagang baybaying Dagat ng Galilea.

Mark 6:48

fourth watch

oras sa pagitan ng alas tres ng umaga at sa pagsikat ng araw.

Lakasan ninyo ang inyong loob! ...Huwag kayong matakot

Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasing-kahulugan, ginamit para masabi ito ng may diin, "Huwag kayong matakot sa akin!"

Mark 6:51

ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga isip.

"hindi nila maintindihan kung gaano siya kamakapangyarihan, na dapat ay maintindihan nila."

Mark 6:53

higaan

"banig na maaring buhatin para dalhin ang tao"

Mark 6:56

ang laylayan ng kaniyang damit

"ang dulo ng kaniyang damit" o "ang dulo ng kaniyang balabal"


Translation Questions

Mark 6:1

Bakit nagulat ang mga tao tungkol kay Jesus sa kaniyang sariling bayan?

Hindi alam ng mga tao kung saan niya nakuha ang mga katuruan ito, ang kaniyang karunungan, at ang kaniyang mga himala. [6:2]

Mark 6:4

Saan walang karangalan ang isang propeta na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan, sa kaniyang mga kamag-anak, at sa kaniyang sariling sambahayan.

Ano ang ikinamangha ni Jesus tungkol sa mga tao sa kaniyang sariling bayan?

Ikinamangha ni Jesus ang kawalan ng pananampalataya ng mga tao sa kaniyang sariling bayan. [6:6]

Mark 6:7

Anong kapangyarihan ang ibinigay ni Jesus sa Labindalawa nang ipadala niya ang mga ito?

Ibinigay ni Jesus sa Labindalawa ang kapangyarihan laban sa mga maruruming espiritu.

Ano ang dinala ng Labindalawa sa kanilang paglalakbay?

Dinala ng Labindalawa ang isang tungkod, sandalyas at isang tunika. [6:8-9]

Mark 6:10

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng Labindalawa kung ang isang lugar ay hindi tumanggap sa kanila?

Sinabi ni Jesus sa Labindalawa na pagpagin ang alikabok sa kanilang mga paa bilang patotoo laban sa kanila. [6:11]

Mark 6:14

Sino si Jesus sa akala ng mga tao?

Inakala ng mga tao na si Jesus ay si Juan na tagapagbautismo, o si Elias, o isang propeta.

Mark 6:18

Ano ang sinabi ni Juan na Tagapagbautismo kay Herodes na ginagawa niyang hindi naaayon sa kautusan?

Sinabi ni Juan kay Herodes na hindi ito naaayon sa kautusan na pakasalan ni Herodes ang asawa ng kaniyang kapatid.

Paano tumugon si Herodes nang marinig niyang nangaral si Juan?

Nabagabag si Herodes nang marinig niya na nangaral si Juan, ngunit nagagalak pa rin siya na pakinggan ito. [6:20]

Mark 6:23

Anong pangako ang sinumpaan ni Herodes kay Herodias?

Ipinangako ni Herodes na makukuha niya ang anumang hilingin niya sa kaniya, hanggang sa kalahati ng kaniyang kaharian.

Ano ang kahilingan ni Herodias?

Hiniling ni Herodias ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo na nakalagay sa isang plato. [6:25]

Mark 6:26

Paano tumugon si Herodes sa kahilingan ni Herodias?

Labis na nalungkot si Herodes, ngunit hindi niya tinanggihan ang kaniyang kahilingan dahil sa mga pangako na nagawa niya sa harapan ng kaniyang mga bisita.

Mark 6:33

Anong nangyari nang si Jesus at ang mga apostol ay sinubukang pumunta sa malayo na sila lamang upang magpahinga?

Maraming tao ang nakakilala sa kanila at tumakbo upang maunahan si Jesus at ang mga apostol na makarating doon.

Ano ang saloobin ni Jesus para sa mga tao na naghihintay sa kanila?

Nahabag si Jesus sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. [6:34]

Mark 6:37

Nang tanungin ni Jesus, ano ang naisip ng mga alagad na dapat nilang gawin upang pakainin ang mga tao?

Naisip ng mga alagad na kinakailangan nilang umalis at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang dinaryo.

Anong pagkain ang mayroon ang mga alagad?

Mayroong limang tinapay at dalawang isda ang mga alagad.

Mark 6:39

Ano ang ginawa ni Jesus habang kinukuha niya ang mga tinapay at isda?

Habang kinukuha niya ang mga tinapay at isda, tumingala si Jesus sa langit, pinagpala at hinati-hati ang mga tinapay, at ibinigay ang mga ito sa kaniyang mga alagad. [6:41]

Mark 6:42

Gaano karaming pagkain ang natira pagkatapos makakain ang bawat isa?

May labindalawang basket ng tinapay, at mga piraso ng isda ang natira matapos makakain ang lahat. [6:43]

Ilang mga lalaki ang pinakain?

May limanlibong mga lalaki na pinakain.

Mark 6:48

Paano pinuntahan ni Jesus ang mga alagad sa lawa?

Naglalakad na pinuntahan ni Jesus ang mga alagad sa lawa.

Anong sinabi ni Jesus sa mga alagad nang siya ay makita nila?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na maging matapang sila at huwag matakot. [6:50]

Mark 6:51

Bakit hindi maintindihan ng mga alagad ang tungkol sa himala ng mga tinapay?

Hindi maiintindihan ng mga alagad ang tungkol sa himala ng mga tinapay dahil mabagal umintindi ang kanilang mga isip. [6:52]

Mark 6:53

Anong ginawa ng mga tao sa rehiyon nang makilala nila si Jesus?

Dinala ng mga tao kay Jesus ang mga may sakit na nasa kamilya kahit saan nila marinig na siya ay darating.

Mark 6:56

Anong nangyari sa mga humawak lamang sa laylayan ng damit ni Jesus?

Gumaling ang mga humawak sa laylayan ng damit ni Jesus.


Chapter 7

Mark 7:2

mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan

Kapag kumakain sila, sumasandal sila sa upuan sa hapag-kainan ang mga Judio. Maaaring isalin na: "mga lalagyan, at kahit ang mga upuan sa hapag-kainan"

Mark 7:5

Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad dahil kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?

"Hindi sinusunod ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng ating mga nakatatanda! Dapat silang maghugas ng kanilang mga kamay alinsunod sa ating mga ritwal!"

tinapay

pagkain

Mark 7:6

Malinaw na sinabi ng propetang Isaias ang tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, isinulat niya

Ang mga sumusunod na mga salita ay galing kay Isaias [[rc://tl/bible/notes/isa/29/13]].

Mark 7:8

mahigpit

matindi

nagsasalita ng masama

"na sumusumpa"

Mark 7:11

Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban

Ang kaugalian ng mga eskriba ay nagsasabi na kapag ang pera o ibang mga bagay ay naipangako na sa templo, hindi na ito maaaring gamitin sa kahit na ano pang mga bagay.

Corban

Gustong ipaalam ng sumulat sa mga mambabasa kung paano ang tunog nito kapag binabasa, kaya isulat ito gamit ang mga alpabeto ng inyong wika upang maging katunog nito ang salita.

Mark 7:14

Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito

Ang mga salitang "makinig" at "unawain" ay magkaugnay. Magkasama itong ginamit ni Jesus upang bigyang-diin na dapat pagtuunan ng pansin ng kaniyang mga taga-pakinig kung ano ang kaniyang sinasabi.

Ang mga bagay na lumalabas sa tao

"Ito ay ang panloob na kaanyuan ng isang tao" o "Ito ay ang iniisip, sinasabi, o ginagawa ng isang tao"

Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, makinig siya.

Wala ang bersikulong ito sa mga itinuturing na magandang sinaunang kasulatan..

Mark 7:17

Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan

Maaaring isalin na: "Matapos ang lahat ng aking mga sinabi at mga ginawa, inaasahan kong naiintindihan na ninyo."

Mark 7:24

nagpatirapa

"lumuhod"

taga-Sirofenisa

Siya ay ipinanganak sa lungsod ng Phoenicia sa Syria.

Mark 7:27

Hayaang pakainin muna ang mga bata

"Dapat maunang kumain ang mga bata" o "Dapat unahin kong pakainin ang mga bata."

mga bata

Ang mga bata ay tumutukoy sa mga Judio. Maaaring isalin na: "Nararapat kong pagsilbihan muna ang mga Judio."

tinapay

pagkain

mga aso

Ang mga aso ay tumutukoy sa mga Gentil.

kahit ang mga aso ay kumakain ng mumo ng mga bata sa ilalim ng lamesa

"maaari mo akong paglingkuran, isang Gentil, sa maliit na paraang ito"

mumo

maliliit na pira-pirasong tinapay

Mark 7:31

dumaan sa

"naglakbay patungo sa"

Decapolis

"ang Sampung mga Bayan," isang rehiyon sa timog-silangan ng Dagat ng Galilea.

taong bingi

"na hindi makarinig"

nahihirapang magsalita

"hindi makapagsalita ng maayos"

Mark 7:33

Effata

Gustong ipaalam ng sumulat sa mga mambabasa kung paano ang tunog nito kapag binabasa, kaya isulat ito gamit ang mga alpabeto ng inyong wika na malapit sa tunog ng "effatha".

nagbuntong-hininga

huminga ng mahaba at malalim upang ipakita na hindi siya natutuwa

napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila

"pinaalis ni Jesus ang humahawak sa kaniyang dila" o "pinagaling siya ni Jesus sa kaniyang hindi pagsasalita ng maayos"


Translation Questions

Mark 7:2

Ano ang ginagawa ng ilan sa mga alagad ni Jesus na naka-insulto sa mga Pariseo at mga eskriba?

Ang ilan sa mga alagad ay kumakain nang hindi naghuhugas ng kamay. [7:2]

Kaninong kaugalian ang dapat maghugas muna ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, at upuan sa hapag-kainan bago kumain?

Iyon ay kaugalian ng mga nakatatanda na ang mga kamay, tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan ay dapat hugasan bago kumain. [7:3-4]

Mark 7:6

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo at mga eskriba tungkol sa kanilang itinuturo tungkol sa paksa ng paghuhugas?

Sinabi ni Jesus na ang mga Pariseo at mga eskriba ay mga mapagpaimbabaw, nagtuturo sila ng mga kautusan ng tao habang inaabanduna ang kautusan ng Diyos. [7:6-7]

Mark 7:8

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo at mga eskriba tungkol sa kanilang itinuturo tungkol sa paksa ng paghuhugas?

Tinalikuran nila ang kautusan ng Diyos at mahigpit na kumapit sila sa tradisyon ng tao." At sinabi niya sa kanila na madali nilang tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang kanilang mga kaugalian. [7:8-9]

Mark 7:11

Paano ipinawalang-bisa ng mga Pariseo at mga eskriba ang kautusan ng Diyos na nagsasabing igalang ang inyong ama at ina?

Pinawalang-bahala nila ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga tao na ibigay sa kanila bilang Corban ang salaping maaaring makatulong sa kanilang mga magulang. [7:11-13]

Mark 7:14

Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na walang nagmumula sa labas ng isang tao ang maaaring makapagparumi sa kaniya kapag pumasok ito sa kaniya. [7:15,18-19]

Ano ang sinasabi ni Jesus ang nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya. [7:15,20-23]

Mark 7:17

Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na walang nagmumula sa labas ng isang tao ang maaaring makapagparumi sa kaniya kapag pumasok ito sa kaniya. [7:15,18-19]

Anong uri ng mga pagkain ang ginawang malinis ni Jesus?

Pinahayag ni Jesus ang lahat ng mga pagkain bilang malinis. [7:19]

Mark 7:20

Ano ang sinasabi ni Jesus na nakapagpapadungis sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya. [7:15,20-23]

Anong tatlong bagay ang sinabi ni Jesus na maaaring lumalabas sa isang tao na makapagpapadungis sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na ang masasamang pag-iisip, seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22pakiki-apid, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan ay maaaring lumabas sa isang tao upang padumihin siya. [7:21-22]

Mark 7:24

Ang babae bang may anak na babae na may maduming espiritu ay Judio o Griego?

Ang babaeng may anak na babae na may maruming espiritu ay isang Griyego. [7:25-26]

Mark 7:27

Paano sumagot ang babae nang sabihin sa kaniya ni Jesus na hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso?

Sinabi ng babae na kahit ang mga aso sa ilalim ng lamesa ay kinakain ang mga mumo ng mga bata. [7:28]

Mark 7:29

Ano ang ginawa ni Jesus para sa babae?

Pinalayas ni Jesus ang demonyo sa anak na babae ng babae. [7:29-30]

Mark 7:33

Nang dalhin ang lalaking bingi at nahihirapang magsalita kay Jesus, ano ang ginawa niya upang pagalingin siya?

Hinawakan niya ang kaniyang tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila. Tumingala siya sa langit at nagbuntong hininga. Sinabi niya sa kaniya, "Ephphatha", na ang ibig sabihin ay, "Bukasan!" [7:33-34]

Mark 7:36

Ano ang ginawa ng mga tao nang sabihin sa kanila ni Jesus na huwag sabihin sa kahit na sino ang kaniyang pagpapagaling?

Habang ipinag-uutos ni Jesus sa kanila na manahimik, lalo nila itong ipinagsasabi. [7:36]


Chapter 8

Mark 8:1

tatlong araw

"3 araw"

maaari silang himatayin

Mga maaaring kahulugan: 1) "maaaring pansamantala silang mawalan ng malay" o 2) "maaari silang manghina"

Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?

Ang mga alagad ay nagpapakita ng pagkagulat na inaasahan ni Jesus na makakakita sila ng sapat na pagkain. Maaaring isalin na: "Ang lugar na ito ay ilang at wala tayong mapagkukunan ng sapat na tinapay dito upang busugin ang mga taong ito!" (UDB)

Mark 8:5

umupo

Gamitin ang salita sa inyong mga wika, na kung paano nakasanayan ng mga taong kumain nang walang mesa, maging paupo o pahiga.

Mark 8:7

Dalmanuta

Ito ay isang lugar sa hilagang-kanlurang baybayin ng Dagat ng Galilea.

Mark 8:11

humingi

"sinubukang makakuha"

Napabuntong-hininga

Tingnan kung paano ninyo ito isinalin sa [[rc://tl/bible/notes/mrk/07/33]].

Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito?

Pinagsasabihan sila ni Jesus. Maaaring isalin na: Ang salinlahing ito ay hindi dapat maghanap ng palatandaaan."

ang salinlahing ito

"lahat kayong mga tao"

Mark 8:14

lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes

Maaaring isalin na: "mga maling katuruan ng mga Pariseo at ang mga maling katuruan ni Herodes"

Magmasid at magbantay

Ang dalawang salitang ito ay magkasing-kahulugan at inulit dito para sa pagbibigay diin.

Mark 8:16

Bakit ninyo ipinangangatwirang wala kayong tinapay?

Nadismaya si Jesus dahil hindi nila nauunawaan. Maaaring isalin na: "Hindi ninyo dapat iniisip na ako ay nagsasalita tungkol sa totoong tinapay." Tingnan sa:

Mark 8:18

Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi pa rin ba ninyo naaalala?

Nadismaya si Jesus dahil hindi nila nauunawaan. Maaaring isalin na: "Mayroon kayong mga mata, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang inyong nakikita! Mayroon kayong mga tainga, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang inyong naririnig! Dapat ninyong tandaan!" (Tingnan sa:}

Mark 8:20

Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan?

Maaaring isalin na: Dapat nauunawaan na ninyo ngayon na hindi ako nagsasalita tungkol sa totoong tinapay."

Mark 8:22

Betsaida

Ito ay isang lungsod sa silangan ng Ilog ng Jordan

Mark 8:31

ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda at ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon

Maaaring isalin na: "ang Anak ng Tao ay itatakwil ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba at papatayin, at muli siyang bubuhayin ng Diyos"

tatlong araw

"3 araw"

Mark 8:35

Sapagkat

Sinasabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang dahilan kung bakit kailangan nilang isipin na sila ay katulad ng mga kriminal na malapit nang mamatay ( [[rc://tl/bible/notes/mrk/08/33]]).

Mark 8:38

Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel

Si Jesus, ang Anak ng Tao na siya ring Anak ng Diyos ay babalik na may kaluwalhatiang gaya din ng kaniyang Ama.

Anak ng Tao

Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus.


Translation Questions

Mark 8:1

Anong pagmamalasakit ang sinabi ni Jesus tungkol sa napakaraming taong sumusunod sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na nagmamalasakit siya dahil walang makain ang napakaraming tao.

Mark 8:5

Ilang tinapay mayroon ang mga alagad?

Mayroong pitong tinapay ang mga alagad.

Ano ang ginawa ni Jesus sa mga tinapay ng mga alagad?

Nagpasalamat si Jesus, hinati-hati ang mga tinapay, at ibinigay ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi.

Mark 8:7

Ilang tao ang kumain at nabusog?

Humigit-kumulang apat na libong tao ang kumain at nabusog.

Gaano karaming pagkain ang natira matapos makakain ang lahat?

Pitong basket ng pagkain ang natira matapos na makakain ang lahat.

Mark 8:11

Upang subukin siya, ano ang nais ng mga Pariseo na gawin ni Jesus?

Nais ng mga Pariseo na bigyan sila ni Jesus ng palatandaan mula sa langit.

Mark 8:14

Patungkol saan binalaan ni Jesus ang kaniyang mga alagad tungkol sa mga Pariseo?

Binalaan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na magbantay sa pampaalsa ng mga Pariseo.

Mark 8:16

Ano ang inisip ng mga alagad tungkol sa sinasabi ni Jesus?

Inisip ng mga alagad na ang sinasabi ni Jesus ay tungkol sa katotohanang nakalimutan nilang magdala ng tinapay.

Mark 8:18

Ano ang ipinaalala ni Jesus sa kaniyang mga alagad na nangyari nang hinati-hati niya ang limang tinapay?

Ipinaalala ni Jesus sa kanila na noong hinati-hati niya ang limang tinapay, limang libong tao ang nakakain at labindalawang basket na puno ng mga piraso nito ang naipon.

Mark 8:22

Anong dalawang bagay ang unang ginawa ni Jesus sa lalaking bulag upang mapanumbalik ang kaniyang paningin?

Niluraan muna ni Jesus ang kaniyang mga mata at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya.

Mark 8:24

Anong ikatlong bagay ang ginawa ni Jesus sa lalaking bulag upang tuluyang mapanumbalik ang kaniyang paningin?

Ipinatong ni Jesus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata.

Mark 8:27

Sino si Jesus ayon sa sinasabi ng mga tao?

Sinasabi ng mga tao na si Jesus ay si Juan na Tagapagbautismo, si Elias, o isa sa mga propeta.

Mark 8:29

Sino si Jesus ayon kay Pedro?

Ayon kay Pedro, si Jesus ang Cristo.

Mark 8:31

Tungkol sa anong mga pangyayari sa hinaharap ang sinimulang ituro ni Jesus ng malinaw sa kaniyang mga alagad?

Itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa, itakwil, patayin, at muling mabubuhay matapos ang tatlong araw.

Mark 8:33

Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro nang sinimulan siyang pagsabihan nito?

Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos, kundi ang mga bagay tungkol sa mga tao."

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng sinumang nagnanais na sumunod sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na ang sinumang nagnanais na sumunod sa kaniya ay kailangang ikaila ang kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus.

Mark 8:35

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagnanais ng isang taong makuha ang mga bagay sa mundo?

Sinabi ni Jesus, "Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay?"

Mark 8:38

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya tungkol sa mga taong ikinahihiya siya at ang kaniyang mga salita?

Sinabi ni Jesus na sa kaniyang pagbabalik, ikahihiya niya ang mga taong ikinahihiya siya at ang kaniyang mga salita.


Chapter 9

Mark 9:1

nagbago ang kaniyang anyo

"kakaibang anyo" (UDB)

kumikinang nang napakaliwanag

"napaka-puti"

pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito

Ang "pampaputi" ay isang kemikal na ginagamit upang tanggalin ang mantsa mula sa mga damit at upang gawin silang maputi. Ang "Nagpapaputi" ay isang tao na tumatanggal ng mantsa.

Mark 9:4

lubhang natakot

"labis na natakot"

Mark 9:7

Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya

Ipinahayag ng Diyos Ama ang kaniyang pag-ibig para sa kaniyang "minamahal na Anak," Ang Anak ng Diyos.

minamahal na Anak

Ito ay mahalagang katawagan para kay Jesus, ang Anak ng Diyos.

Mark 9:9

Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili

"Kaya hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa bagay na ito kasama ang kahit na sinong hindi nakita na nangyari ang mga ito.

bumangon mula sa mga patay

"mabuhay muli matapos mamatay"

Mark 9:11

Tunay na mauunang darating si Elias...kasusuklaman siya ng mga tao?

Ipinahayag na ng propesiya na muling darating si Elias mula sa langit, pagkatapos ay ang Mesiyas, ang Anak ng Tao ay darating upang mamuno at maghari. Ipinahayag din ng ibang propesiya na ang Anak ng Tao ay daranas ng hirap at kapopootan ng mga tao. Ang mga alagad ay nalito kung paanong ang mga ito ay parehong magiging totoo.

si Elias ay dumating

Sa mga propesiya, kadalasan ay mayroong dalawang katuparan.

Mark 9:14

nakikipagtalo

"pinag-uusapan" o "tinatanong"

Mark 9:17

palayasin ito sa kaniya

"palayasin ang espiritu sa aking anak"o "palayasin ang demonyo sa malayo"

ko kayo pagtiitiisan

"pagtitiisan kayo" o "magpatuloy kasama kayo"

Mark 9:20

kaawaan

"kahabagan" o "magkaroon ng kagandahang loob"

Mark 9:23

Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung magagawa mo? Ang lahat...naniniwala."

Sinasaway ni Jesus ang pag-aalinlangan ng lalaki. Maaaring isalin na: "Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Bakit mo sinasabing "Kung magagawa mo?"! lahat ay...naniniwala."'o " Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Hindi mo dapat sinabing, "Kung magagawa mo!" lahat ng bagay... naniniwala."

Mark 9:26

Nagmukhang parang isang patay ang bata

"Ang bata ay nagmistulang patay" o "Ang bata ay parang patay"

Mark 9:28

Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin

Ang salitang "hindi" at "maliban" ay parehong mga negatibong salita. Sa ibang wika mas natural na gumamit ng positibong pahayag. Maaaring isalin na: "Ang ganitong klase ay mapapalayas lamang sa pamamagitan ng panalangin."

Mark 9:30

dumaan sa

"pumunta sa " or "dumaan"

tatlong araw

"3 araw"

Mark 9:38

nagpapalayas ng demonyo

"nagpapalayas ng demonyo sa malayo"

Mark 9:40

hindi mawawala

Ang "hindi mawawala" ay parehong negatibo. Sa ibang wika mas natural na gumamit ng positibong pahayag. Maaaring isalin na: "tanggapin"

Mark 9:42

gilingang bato

Ito ay isang malaking bato na ginagamit pang giling ng butil upang maging harina.

apoy na hindi namamatay

"apoy na hindi mapatigil"

kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay

Wala ito sa itinuturing na pinakamagandang sinaunang kopya ng Kasulatan.

Mark 9:45

maitapon sa impiyerno

"at para itapon ka ng Diyos sa impiyerno"

kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay.

Tingnan ang talaan ng bersikulo 46.

Mark 9:47

ang kanilang mga uod

"ang mga uod na kumain sa kanilang mga patay na katawan"


Translation Questions

Mark 9:1

Sino ang sinabi ni Jesus na makakakita ng kaharian ng Diyos na darating ng may kapangyarihan?

Sinabi ni Jesus na ilan sa mga nakatayo doon na kasama niya ay hindi mamamatay bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan.

Ano ang nangyari kay Jesus nang sina Pedro, Santiago at Juan ay umakyat sa mataas na bundok kasama niya?

Si Jesus ay nagbago ng anyo at ang kaniyang kasuotan ay naging napakakinang.

Mark 9:4

Sino ang nakikipag-usap kay Jesus sa bundok?

Nakikipag-usap kayn Jesus sina Elias at Moises.

Mark 9:7

Sa bundok, ano ang sinabi ng tinig mula sa ulap?

Sinabi ng tinig, "Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya."

Mark 9:9

Ano ang iniutos ni Jesus sa mga alagad tungkol sa kanilang nakita sa bundok?

Inutusan sila ni Jesus na wala silang pagsasabihan sa kung ano ang kanilang nakita, hanggang sa ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa mga patay.

Mark 9:11

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagdating ni Elias?

Sinabi ni Jesus na si Elias ay mauunang darating upang ibalik sa dati ang lahat ng mga bagay, at si Elias ay dumating na nga.

Mark 9:17

Ano ang hindi kayang gawin ng mga alagad para sa ama at sa kaniyang anak?

Hindi kayang paalisin ng mga alagad ang masamang espiritu mula sa anak ng ama.

Mark 9:20

Saan itinapon ng masamang espiritu ang batang lalaki upang subukan siyang sirain?

Itinapon ng masamang espiritu ang batang lalaki sa apoy o sa tubig upang subukan siyang sirain.

Mark 9:23

Paano tumugon ang ama nang sabihin ni Jesus na ang lahat ng bagay ay maaari sa kaniya na naniniwala?

Tumugon ang ama na, "Naniniwala ako! tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!"

Mark 9:28

Bakit hindi kayang palayasin ng mga alagad ang pipi at binging espiritu sa batang lalaki?

Hindi kayang palayasin ng mga alagad ang espiritu dahil hindi ito mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.

Mark 9:30

Ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na mangyayari sa kaniya?

Sinabi ni Jesus sa kanila na siya ay papatayin, at pagkatapos ng ikatatlong araw siya ay muling mabubuhay.

Mark 9:33

Ano ang pinagtatalunan ng mga alagad sa daan?

Pinagtatalunan ng mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.

Sino ang sinabi ni Jesus na magiging una?

Sinabi ni Jesus na ang magiging una ay ang siyang lingkod ng lahat.

Mark 9:36

Kapag tinanggap ng sinuman ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus, sino ang kanila ring tinatanggap?

Kapag tinanggap ng sinuman ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus, tinatanggap rin nila si Jesus at ang nagsugo kay Jesus.

Mark 9:42

Ano ang mas mabuti sa sinumang nagiging dahilan ng pagkadapa ng isang bata na naniniwala kay Jesus?

Mas mabuti pa sa taong iyon kung ang isang gilingang bato ay nakatali sa kaniyang leeg at siya ay itapon sa dagat.

Mark 9:47

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin sa anumang bagay na nagdudulot sa iyo upang madapa?

Sinabi ni Jesus na alisin ang anumang nagiging dahilan sa iyo upang madapa.

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin sa iyong mata kung ito ay nagiging dahilan upang ikaw ay madapa?

Sinabi ni Jesus na tanggalin mo ang ang iyong mata kung ito ay nagiging sanhi ng iyong pagkadapa.

Ano ang sinabi ni Jesus na nangyayari sa impiyerno?

Sinabi ni Jesus na sa impiyerno ang mga uod ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi mapapatigil.


Chapter 10

Mark 10:5

matigas ninyong mga puso

"katigasan ng inyong mga ulo"

Mark 10:7

Kaya hindi na sila dalawa, kundi iisang laman

Ito ay isang talinghaga upang ilarawan ang kanilang malapitang pisikal na pagsasama bilang mag-asawa.

Mark 10:13

"Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan

Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasing-kahulugan, inulit para sa pagbibigay diin. Sa ibang mga wika, maaaring may ibang mas natural na paraan sa pagbibigay diin. Maaaring isalin na: "Tiyakin na payagan ang mga maliliit na bata upang pumunta sa akin."

huwag pagbawalan

Ito ay dalawang negatibong salita. Sa ibang mga wika, mas natural na gumamit ng positibong pahayag. Maaaring isalin na: "payagan."

Mark 10:17

Bakit mo ako tinawag na mabuti?

Maaaring isalin na: Dapat mong isipin ng mabuti kung ano ang inyong ipinahihiwatig

Mark 10:23

mata ng karayom

Ang "mata ng karayom" ay ang butas sa itaas ng isang karayom.

Mas madali pang makapasok sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.

Hindi maaaring ang isang kamelyo ay makapasok sa butas ng karayom. Kasin hirap ito sa mga mayayamang tao na magpasiya na pahintulutan nilang maghari ang Diyos sa kanilang mga buhay."

Mark 10:26

Kung gayon sino ang maliligtas?

"Kung gayon walang sinuman ang maliligtas"

Mark 10:29

walang sinuman ang nang-iwan...ang hindi makatatanggap

"sinuman na siyang nang-iwan...ay makatatanggap."

alang-alang sa akin

"para sa akin" o "para sa aking kapakinabangan"

mundong ngayon

"sa buhay na ito" o "kasalukuyang panahon"

ang mundong paparating

"ang buhay na darating" o "ang panahong darating"

Mark 10:32

ihaharap ang Anak ng Tao

"ihahatid ng mga tao ang Anak ng Tao" o "ibibigay ng mga tao ang Anak ng Tao."

Mark 10:38

Ang tasang iinuman ko

Ginamit ni Jesus ang pangungusap na ito upang tukuyin ang paghihirap na kaniyang mararanasan.

ang bautismo na ibabautismo sa akin

Ginamit ni Jesus ang mga pangungusap na ito upang tukuyin ang paghihirap na kaniyang mararanasan.

Mark 10:41

ang itinuturing na pinuno

"ang mga taong inaakalang maging pinuno"

nangingibabaw

"may pamamahala sa" o "may kapangyarihan na nangingibabaw"

Mark 10:43

maging dakila

" mabigyan ng paggalang" o "mahangaan"

sinuman

"kahit sino"

Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran

"Sapagkat ang Anak ng Tao ay hindi dumating upang paglingkuran ng mga tao"

Mark 10:46

Bartimeo

Ito ay pangalan ng isang lalaki.

Timaeus

Ito ang pangalan ng ama ng pulubing bulag.

Mark 10:49

iniutos na siya ay tawagin

"inutusan ang ibang tao upang tawagin siya"

Maging matapang ka

"Huwag kang matakot"

Mark 10:51

paningin

"kakayahang makakita"

kaagad

"agad" o "walang anumang antala"


Translation Questions

Mark 10:5

Bakit ibinigay ni Moises sa mga Judio ang kautusang ito tungkol sa paghihiwalay?

Ibinigay ni Moises ang kautusang ito sa mga Judio dahil sa kanilang matitigas na mga puso.

Sa anong pangyayari sa kasaysayan tinukoy ni Jesus sa mga Pariseo ang tungkol sa orihinal na layunin ng Diyos para sa pag-aasawa?

Tinukoy ni Jesus ang paglikha sa lalaki at babae sa simula, nang sinasabi niya ang tungkol sa orihinal na layunin ng Diyos para sa pag-aasawa. [10:6]

Mark 10:7

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa dalawang tao, ang lalaki at ang kaniyang asawa, mangyayari kapag sila ay mag-asawa na?

Sinabi ni Jesus na ang dalawa ay magiging iisang laman.

Anong sinabi ni Jesus tungkol sa pinagbuklod ng Diyos bilang mag-asawa?

Sinabi ni Jesus na kung ano ang pinagbuklod ng Diyos, huwag hayaang paghiwalayin ng tao. [10:9]

Mark 10:13

Ano ang naging reaksiyon ni Jesus nang sawayin ng mga alagad ang mga nagdadala ng mga maliliit na bata sa kaniya?

Nagalit si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila na payagan ang mga maliliit na bata na pumunta sa kaniya.

Mark 10:15

Paano ang sinabi ni Jesus dapat tanggapin ang kaharian ng Diyos upang makapasok dito?

Sinabi ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay dapat tanggapin na tulad ng isang maliit na bata upang makapasok dito.

Mark 10:17

Ano ang unang sinabi ni Jesus sa lalaki na dapat niyang gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?

Sinabi ni Jesus sa lalaki na dapat huwag pumatay, huwag mangalunya, huwag magnakaw, huwag magpatotoo ng kasinungalingan, huwag mandaya, at dapat igalang ang kaniyang ama at ina. [10:19]

Mark 10:20

Anong karagdagang kautusan ang ibinigay ni Jesus sa lalaki?

Inutusan ni Jesus ang lalaki na ipagbili ang lahat ng mayroon siya at sumunod sa kaniya. [10:21]

Paano tumugon ang lalaki nang ibinigay sa kaniya ang kautusang ito at bakit?

Labis na nalungkot ang lalaki at naglakad palayo, sapagkat mayroon siyang maraming ari-arian. [10:22]

Mark 10:23

Sino ang sinasabi ni Jesus na labis na mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Sinabi ni Jesus na ang mga mayayaman ay labis na mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Mark 10:26

Paano sinabi ni Jesus na kahit ang isang mayamang tao ay maaaring maligtas?

Sinabi ni Jesus na para sa mga tao ito ay imposible, ngunit sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay posible.

Mark 10:29

Ano ang sinabi ni Jesus na matatanggap ng sinumang nag-iwan ng bahay, pamilya, at mga lupain para sa kapakanan ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na makakatanggap sila ng isang daang ulit ng higit pa sa mundong ito, na may mga pag-uusig, at buhay na walang hanggan sa mundong paparating.

Mark 10:32

Sa anong daan naglalakbay si Jesus at ang mga alagad?

Naglakbay si Jesus at ang mga alagad sa daan paakyat sa Jerusalem.

Anong sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na mangyayari sa kaniya sa Jerusalem?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na siya ay hahatulan ng kamatayan, at pagkatapos ng tatlong araw ay muli siyang mabubuhay. [10:33-34]

Mark 10:35

Anong kahilingan ang ginawa nina Santiago at Juan kay Jesus?

Hiniling nina Santiago at Juan na paupuin sila ni Jesus sa kanan at kaliwang kamay kasama niya sa kaluwalhatian.

Mark 10:38

Ano ang sinabi ni Jesus na kailangang tiisin nina Santiago at Juan?

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang kopang iinuman ko, iinuman ninyo, at ang bautismo kung saan ako nabautismuhan, titiisin ninyo. [10:39]

Ipinagkaloob ba ni Jesus ang hiling nina Santiago at Juan?

Hindi, sinabi ni Jesus na ang mga upuan sa kaniyang kanan at kaliwang kamay ay hindi siya ang magkakaloob. [10:40]

Mark 10:41

Paano pinakikitunguhan ng mga Gentil ang kanilang mga nasasakupan na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na nangingibabaw ang mga pinuno ng mga Gentil sa kanilang mga nasasakupan. [10:42]

Mark 10:43

Paano dapat mamuhay ang mga nagnanais na maging dakila sa mga alagad na sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na dapat maging tagapaglingkod ng lahat ang mga nagnanais maging dakila sa mga alagad.

Mark 10:46

Ano ang ginawa ng lalaking bulag na si Bartimeo nang sinaway siya ng marami at sinabi sa kaniya na tumahimik siya?

Lalo pang sumigaw si Bartimeo, "Anak ni David, maawa ka sa akin!" [10:48]

Mark 10:51

Ano ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo na nagpagaling sa kaniyang pagiging bulag?

Sinabi ni Jesus kay Bartimeo na pinagaling siya ng kaniyang pananampalataya. [10:52]