Tagalog: Unlocked Literal Bible for 1 Corinto, 1 Juan, 1 Pedro, 1 Tesalonica, 1 Timoteo, 2 Juan, 2 Mga taga-corinto, 2 Mga taga-tesalonica, 2 Pedro, 2 Timoteo, 3 Juan, Filemon, Juan, Judas, Lucas, Marcos, Mateo, Mga gawa, Mga hebreo, Mga taga-colosas, Mga taga-efeso, Mga taga-filipos, Mga taga-galacia, Mga taga-roma, Pahayag, Santiago, Tito

Formatted for Translators

©2022 Wycliffe Associates
Released under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License.
Bible Text: The English Unlocked Literal Bible (ULB)
©2017 Wycliffe Associates
Available at https://bibleineverylanguage.org/translations
The English Unlocked Literal Bible is based on the unfoldingWord® Literal Text, CC BY-SA 4.0. The original work of the unfoldingWord® Literal Text is available at https://unfoldingword.bible/ult/.
The ULB is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License.
Notes: English ULB Translation Notes
©2017 Wycliffe Associates
Available at https://bibleineverylanguage.org/translations
The English ULB Translation Notes is based on the unfoldingWord translationNotes, under CC BY-SA 4.0. The original unfoldingWord work is available at https://unfoldingword.bible/utn.
The ULB Notes is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License.
To view a copy of the CC BY-SA 4.0 license visit http://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0/
Below is a human-readable summary of (and not a substitute for) the license.
You are free to:
The licensor cannot revoke these freedoms as long as you follow the license terms.
Under the following conditions:
Notices:
You do not have to comply with the license for elements of the material in the public domain or where your use is permitted by an applicable exception or limitation.
No warranties are given. The license may not give you all of the permissions necessary for your intended use. For example, other rights such as publicity, privacy, or moral rights may limit how you use the material.

Mateo

1

1Ito ang aklat ng talaan ng angkan ni Jesu-Cristo na anak ni David na anak ni Abraham. 2Si Abraham ang ama ni Isaac at si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid niya. 3Si Juda ang ama ni Fares at Zara kay Tamar, si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram.

4Si Aram ang ama ni Aminadab, si Aminadab ang ama ni Naason, si Naason ang ama ni Salmon. 5Si Salmon ang ama ni Boaz kay Rahab, si Boaz ang ama ni Obed kay Ruth, si Obed ang ama ni Jesse, 6Si Jesse ang ama ni David na hari, si David ang ama ni Solomon sa asawa ni Urias.
7Si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abias, si Abias ang ama ni Asa. 8Si Asa ang ama ni Josafat, si Josafat ang ama ni Joram, si Joram ang ama ni Ozias.
9Si Ozias ang ama ni Jotam, si Jotam ang ama ni Acaz, si Acaz ang ama ni Ezequias. 10Si Ezequias ang ama ni Manases, si Manases ang ama ni Amon, at si Amon ang ama ni Josias. 11Si Josias ang ama ni Jeconias at ng mga kapatid niya noong panahon ng pagpapatapon sa Babilonia.
12Pagkatapos ng pagpapatapon sa Babilonia, anak naman ni Jeconias si Salatiel, si Salatiel ay ninuno ni Zerubabel. 13Si Zerubabel ang ama ni Abiud, si Abiud ang ama ni Eliakim, at si Eliakim ang ama ni Azor. 14Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ang ama ni Aquim, at si Aquim ang ama ni Eliud.
15Si Eliud ang ama ni Eliasar, si Eliasar ang ama ni Matan, at si Matan ang ama ni Jacob. 16Si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria na nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo. 17Lahat ng salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na salinlahi, mula kay David hanggang sa pagkakatapon sa Babilonia ay labing-apat na salinlahi, mula sa pagpapatapon sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na salinlahi.
18Naganap ang kapanganakan ni Jesu-Cristo sa ganitong kapamaraanan. Si Maria na kaniyang ina ay naipagkasundong maikasal kay Jose. Ngunit bago pa man sila magsama, nalamang nagdadalang tao siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19Si Jose na asawa niya ay isang matuwid na tao, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria sa mga tao. Kaya palihim niyang tinapos ang kasunduan niyang magpakasal sa kaniya.
20Habang iniisip ni Jose ang mga bagay na ito, nagpakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon sa panaginip at sinabi, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang kaniyang pinagbubuntis ay sa Banal na Espiritu. 21Isisilang niya ang isang anak na lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao mula sa mga kasalanan nila."
22Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang mga sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, 23"Masdan ito, magdadalang tao ang isang birhen at magsisilang ng isang lalaki at tatawagin nilang Emmanuel"— na nangangahulugang, "kasama natin ang Diyos."
24Nagising si Jose mula sa kaniyang pagkakatulog at ginawa niya ang iniutos ng anghel ng Panginoon sa kaniya at kinuha niya si Maria bilang asawa niya. 25Gayunpaman, hindi niya ito sinipingan hanggang sa isinilang niya ang anak na lalaki. At tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jesus.

2

1Pagkatapos maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga araw ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang mga pantas na kalalakihan mula sa silangan na nagsasabi, 2"Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya." 3Nang marinig ito ni haring Herodes, nabagabag siya at ang buong Jerusalem na kasama niya.

4At tinipon ni Herodes ang lahat ng mga punong pari at mga eskriba ng mga tao, at tinanong niya ang mga ito, "Saan ipapanganak ang Cristo?" 5Sinabi nila sa kaniya, "Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta, 6'At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Judah, ay hindi pinakahamak sa mga pinuno ng Judah, sapagkat sayo magmumula ang isang pinuno na magpapastol sa aking mga taong Israelita.'"
7At lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas na kalalakihan upang tanungin kung ano ang tiyak na oras na nagpakita ang bituin. 8Pinapunta niya ang mga ito sa Bethlehem at sinabing, "Humayo kayo at hanaping mabuti ang bata. Kung nahanap ninyo siya, ipaalam ninyo sa akin upang makapunta at makasamba din ako sa kaniya."
9Pagkatapos nilang makinig sa hari, sila ay tumuloy sa kanilang lakbayin, at pinangunahan sila ng bituwin na kanilang nakita mula sa silangan hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan naroroon ang bata. 10Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.
11Sila ay pumunta sa bahay at kanilang nakita ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Yumukod sila at sumamba sa kaniya. Binuksan nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog nila ang kanilang mga kaloob na ginto, kamanyang, at mira. 12Binalaan sila ng Diyos sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya umiba sila ng daan pauwi sa kanilang bayan.
13Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, "Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya". 14Sa gabing iyon, bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at umalis patungong Egipto. 15Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay si Herodes. Tinupad nito ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, "Mula sa Egipto tinawag ko ang aking anak."
16Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.
17At natupad nga ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na si Jeremias, 18"Isang tinig ang narinig sa Ramah, pananangis at labis na pagdadalamhati, umiiyak si Raquel para sa kaniyang mga anak at ayaw niyang paaliw sapagkat sila ay wala na."
19Nang si Herodes ay namatay, masdan ito, nagpakita sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa Egipto at sinabi, 20"Bumangon ka at kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat ang mga naghahangad sa buhay ng bata ay patay na." 21Bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at tumungo sila sa lupain ng Israel.
22Ngunit nang mabalitaan niya na si Arquelao na ang naghahari sa Judea kapalit ng kaniyang ama na si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Pagkatapos siyang balaan ng Diyos sa panaginip, umalis siya patungo sa rehiyon ng Galilea 23at pumunta siya at nanirahan sa lungsod na tinatawag na Nazaret. Natupad kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta na siya ay tatawaging Nazareno.

3

1Sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral sa ilang ng Judea at nagsasabi, 2"Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit." 3Sapagkat siya ang binanggit ni propeta Isaias na nagsasabi, "Isang tinig ang sumisigaw mula sa ilang, 'Ihanda ang daan ng Panginoon, gawing matuwid ang kaniyang landas.'"

4Ngayon, nagsusuot si Juan ng damit na gawa sa buhok ng kamelyo at sinturong balat sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan. 5Pumunta sa kaniya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea at lahat ng karatig rehiyon ng Ilog ng Jordan. 6Binautismuhan niya sila sa Ilog ng Jordan habang sila ay nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
7Ngunit nang makita niyang nagsisidatingan ang maraming mga Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo sa kaniya, sinabi niya sa kanila, "Kayong mga anak ng mga makamandag na mga ahas, sino ang nagbabala sa inyo na makakaiwas kayo sa poot na darating? 8Mamunga kayo na karapat-dapat sa pagsisisi. 9Huwag ninyong isiping sabihin sa inyong mga sarili na, 'Si Abraham ang aming ama.' Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kayang bumuhay ng Diyos ng mga anak ni Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
10Nakahanda na ang palakol sa mga ugat ng mga puno. Kaya bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy. 11Binabautismuhan ko kayo sa tubig para sa pagsisisi. Ngunit ang darating kasunod ko ay mas makapangyarihan kaysa sa akin at ako ay hindi karapat-dapat na magdala maging sa kaniyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy. 12Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula."
13Pagkatapos ay dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula Galilea upang magpabautismo kay Juan. 14Ngunit pinigilan siya ni Juan at nagsasabi, "Ako ang dapat mong bautismuhan? Bakit ka lumalapit sa akin?" 15Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, "Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran." Kaya pinahintulutan siya ni Juan.
16Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya. 17Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, "Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya."

4

1Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. 3Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay." 4Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos."'

5Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at dinala siya sa pinakamataas na bahagi ng gusali ng templo 6at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sa baba, sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang pangalagaan ka,' at 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato."'
7Sinabi ni Jesus sa kaniya, "At nasusulat din, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.'" 8Muli, dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar at ipinakita ang lahat ng mga kaharian ng mundo pat na ang kanilang karingalan. 9Sinabi niya sa kaniya, "Ang lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay yuyukod at sasambahin ako."
10At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Umalis ka dito Satanas! Sapagkat nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran." 11At iniwan siya ng diyablo at masdan ito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.
12Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea. 13Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali.
14Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias, 15"Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil! 16Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag at sumikat ang liwanag sa mga taong nakaupo sa rehiyon at anino ng kamatayan. "
17Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, "Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit."
18Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda. 19Sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao." 20Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.
21Habang naglalakad si Jesus mula doon, nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak na lalaki ni Zebedeo at si Juan na kaniyang kapatid. Kasama nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na nagkukumpuni ng kanilang mga lambat. Tinawag niya ang mga ito, 22at agad nilang iniwan ang kanilang ama at ang bangka at sumunod sa kaniya.
23Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24Kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong Siria at dinala ng mga tao sa kaniya ang lahat ng mga may sakit, may iba't ibang uri ng karamdaman at sakit, ang mga sinaniban ng mga demonyo, lahat ng epileptiko at paralisado, pinagaling sila ni Jesus. 25Maraming tao ang sumunod kay Jesus mula sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem at Judea at maging sa ibayo ng Jordan.

5

1Noong nakita ni Jesus ang maraming tao, umakyat siya sa bundok. Nang makaupo na siya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya. 2Nagsalita siya at tinuruan sila na sinasabi, 3"Pinagpala ang mahihirap sa espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit. 4Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.

5Pinagpala ang mga maamo, sapagkat mamanahin nila ang mundo. 6Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. 7Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan. 8Pinagpala ang may pusong dalisay, sapagkat makikita nila ang Diyos.
9Pinagpala ang mga mapagpayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 10Pinagpala ang mga inuusig alang-alang sa katuwiran, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
11Pinagpala kayo kung inaalipusta kayo at inuusig ng mga tao o pagsalitaan ng lahat ng uri ng mga masasamang bagay na pawang mga kasinungalingan ng dahil sa akin. 12Magsaya kayo at labis na magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Sapagkat sa ganitong paraan inusig ng mga tao ang mga propetang nabuhay noon bago pa kayo.
13Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano muling maibabalik ang alat nito? Wala na itong pakinabang pa kundi itapon at tapak-tapakan ng mga tao. 14Kayo ang ilaw ng mundo. Ang lungsod na nakatayo sa isang burol ay hindi maitatago.
15Ni hindi nagsisindi ang mga tao ng lampara at ilagay sa loob ng basket, bagkus sa isang patungan ng ilawan, at magliliwanag ito sa lahat ng nasa bahay. 16Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao sa paraang makikita nila ang inyong mga mabubuting gawa at papurihin ang inyong Amang nasa langit.
17Huwag ninyong isipin na pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta. Naparito ako hindi upang sirain ang mga ito kundi upang ito ay tuparin. 18Sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hanggang hindi lilipas ang langit at lupa, wala ni isang tuldok o kudlit man ang mawawala sa kautusan, hanggang sa ang lahat ng mga bagay ay maganap.
19Kung gayon, sinuman ang lalabag ng kahit isa sa kaliit-liitan sa mga kautusang ito at nagtuturo sa iba na gawin ang paglabag nito ay tatawaging pinakahamak sa kaharian ng langit. Ngunit ang sinumang tumupad sa mga ito at itinuturo sa iba na tupariin ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit. 20Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hangga't hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
21Inyong narinig na sinabi sa kanila noong mga unang panahon, 'Huwag kang pumatay,' at 'Sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom.' 22Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno.
23Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo, 24iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob.
25Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan. 26Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang.
27Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.' 28Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang tumingin sa isang babae upang siya ay pagnasaan ay nangalunya sa babaing iyon sa kaniyang puso.
29At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno. 30At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno.
31At sinabi din, 'Kung sinuman ang magpalayas sa kaniyang asawang babae, dapat niya itong bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.' 32Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae maliban lamang kung sa sekswal na imoralidad ang dahilan nito ay nagiging sanhi ng pangangalunya ng kaniyang asawa. At kung sinumang magpakasal sa kaniya pagkatapos siyang hiwalayan ay nangangalunya rin.
33Narinig ninyo rin na sinabi nang mga tao noong unang panahon, 'Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan ngunit tuparin mo ang iyong mga sumpa sa Panginoon.' 34Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na lamang kayong manumpa, huwag sa langit dahil ito ang trono ng Diyos, 35huwag sa lupa dahil ito ang tapakan ng kaniyang mga paa, huwag din sa Jerusalem dahil ito ang lungsod ng dakilang Hari.
36Huwag ka ring manumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat ni isa mang buhok ay hindi mo kayang gawing puti o itim. 37Ngunit hayaan mo ang iyong salita ay maging, 'Oo, kung oo' o 'Hindi, kung hindi.' Anuman ang lalabis pa sa mga ito ay galing sa kaniya na masama.
38Narinig ninyo itong sinabi, 'Mata para sa mata at ngipin para sa ngipin.' 39Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong labanan ang taong masama, sa halip, sinumang sumampal sa iyong kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.
40At kung hiniling ng sinuman na magpunta sa hukuman kasama ka at kunin ang iyong tuniko, hayaan mo rin na mapasakaniya ang iyong balabal. 41At sinumang pumilit sa iyo na maglakad ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya kasama niya. 42Ibigay mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.
43Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.' 44Ngunit sinasabi ko sa inyo, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo, 45upang magiging mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at mabuti at kaniyang ipinadadala ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.
46Sapagkat kung mamahalin ninyo lamang ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 47At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong babatiin, ano ang ginawa ninyo na higit sa iba? Hindi ba't ganiyan din ang ginagawa ng mga Gentil? 48Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.

6

1Pag-ingatan ninyo na hindi ninyo gawin ang inyong mga gawain ng katuwiran sa harap ng mga tao upang makita nila ito, kung hindi ay wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa Ama na nasa langit. 2Kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong patunugin ang isang trumpeta para sa iyong sarili tulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sumakanila ang papuri ng mga tao. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.

3Ngunit kung magbibigay ka ng mga limos, huwag mong hayaang malaman ng kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay, 4upang maibigay mo nang lihim ang iyong handog. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa iyo.
5At kung manalangin kayo, huwag kayong maging katulad ng mga mapagpanggap, sapagkat nais nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at mga sulok ng lansangan upang makita ng mga tao. Totoo itong sinasabi ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6Ngunit ikaw, kung mananalangin ka, pumasok ka sa loob ng iyong silid. Isara ang pinto at manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. At ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang gagantimpala sa inyo. 7At kung mananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng paulit-ulit ng mga walang kabuluhang salita tulad ng ginagawa ng mga Gentil, sapagkat iniisip nila na mas maririnig sila dahil sa dami ng kanilang sinasabi.
8Kaya, huwag kayong maging katulad nila, sapagkat alam ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kailangan bago pa ninyo hilingin sa kaniya. 9Kaya manalangin kayo ng katulad nito: 'Ama naming nasa langit, gawing banal ang iyong pangalan. 10Pumarito ang inyong kaharian, mangyari ang iyong kalooban, dito sa lupa katulad ng sa langit.
11Bigyan mo kami ngayon ng aming pang araw-araw na pagkain. 12Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang katulad din ng pagpapatawad namin sa mga nagkautang sa amin. 13At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.
14Sapagkat kung patatawarin ninyo ang pagkakasala ng mga tao, patatawarin din kayo ng Ama na nasa langit. 15Ngunit kung hindi ninyo patatawarin ang kanilang pagkakasala, maging ang inyong Ama ay hindi rin patatawarin ang inyong pagkakasala.
16Bukod doon, kung mag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang nagdadalamhati katulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap, sapagkat dinudungisan nila ang kanilang mga mukha upang makita ng mga taong nag-aayuno sila. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17Ngunit ikaw, kung mag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at maghilamos ka. 18Sa ganoon ay hindi ka mapansin ng mga tao na nag-aayuno, ngunit sa iyong Ama na nasa lihim lamang. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa lihim.
19Huwag kayong mag-ipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili dito sa lupa, kung saan sisirain ng tanga at kalawang, at kung saan papasukin at nanakawin ng mga magnanakaw. 20Sa halip, mag-ipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan maging mga tanga ni kalawang ay di kayang sirain, at kung saan ang mga magnanakaw ay di kayang pasukin at nakawin. 21Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
22Ang mata ay ang ilaw ng katawan. Kaya kung mabuti ang inyong mata, mapupuno ng liwanag ang buong katawan. 23Ngunit kung masama ang inyong mata, ang inyong buong katawan ay puno ng kadiliman. Kaya kung ang liwanag na nasa inyo ay pawang kadiliman, napakatindi ng kadilimang iyon! 24Walang sinuman ang maaaring maglingkod sa dalawang amo, sapagkat kakamuhian niya ang isa at mamahalin ang isa, o di kaya tapat siya sa isa at hahamakin ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.
25Ngayon sasabihin ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o ang inyong iinumin--o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Sapagkat hindi ba mas higit ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa mga damit? 26Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim o nag-aani ni nag-iipon sa mga kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit kayong mahalaga kaysa sa kanila?
27At sino sa inyo ang kayang dagdagan ng isang siko ang haba ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagkabalisa? 28At bakit kayo nababalisa tungkol sa inyong kasuotan? Isipin ninyo ang mga liryo sa mga bukirin kung papaano sila tumubo. Hindi sila nagtatrabaho, at hindi sila gumagawa ng damit. 29Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit na si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagsuot ng tulad sa isa sa mga ito.
30Kung ganoong dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa bukirin, na nabubuhay ngayon at itatapon sa hurno kinabukasan, gaano pa kaya na kayo ay higit na kaniyang dadamitan, kayong may maliit na pananampalataya? 31Kaya huwag kayong mabalisa at sabihin, 'Ano ang aming kakainin?' o 'Ano ang aming iinumin?' o di kaya, 'Ano ang isusuot naming mga damit?'
32Sapagkat hinahanap ng mga Gentil ang mga bagay na ito, at alam ng iyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga ito. 33Sapagkat hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran at ang lahat na ito ay maibibigay sa inyo. 34Kaya huwag kayong mabahala sa kinabukasan, sapagkat ang bukas ang mababahala sa kaniyang sarili. Ang bawat araw ay may sapat na sariliing kaguluhan.

7

1Huwag kayong humatol, at kayo ay hindi hahatulan. 2Sapagkat ang paghatol na iyong inihatol ay siyang ihahatol sa inyo. At ang panukat na inyong ginamit ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.

3At bakit mo tinitingnan ang maliit na pirasong dayami na nasa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo napapansin ang troso na nasa sarili mong mata? 4Paano mo sasabihin sa iyong kapatid, 'Hayaan mo akong alisin ang pirasong dayami na nasa iyong mata,' habang ang troso ay nasa iyong mata? 5Mapagpanggap ka! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at pagkatapos ay malinaw kang makakakita upang alisin ang piraso ng dayami na nasa mata ng iyong kapatid.
6Huwag ninyong ibigay ang anumang banal sa mga aso, at huwag ninyong ihagis ang inyong mga perlas sa harapan ng mga baboy. Kung hindi, ito ay tatapak-tapakan lang nila, at kayo ay babalingan at pagpipira-pirasuhin.
7Humingi kayo, at ito ay ibibigay sa inyo. Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo. Kumatok kayo, at bubuksan ito para sa inyo. 8Sapagkat ang lahat na humihingi, ay makatatanggap. At ang lahat na maghahanap, ay makakatagpo. At sa kanila na kumakatok, ito ay mabubuksan. 9O anong tao sa inyo na kapag humingi ng tinapay ang kaniyang anak ay bibigyan niya ng bato? 10O kapag humihingi siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
11Kaya kung kayong mga masasama ay marunong magbigay ng mga mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit na nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya? 12Kaya kung anuman ang gusto inyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila, sapagkat ito ang sa kautusan at ng mga propeta.
13Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan. Sapagkat malawak ang tarangkahan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at maraming tao ang dumaraan doon. 14Subalit makitid ang tarangkahan at makitid ang daan na patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakahanap nito.
15Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo. 16Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga sila ay inyong makikilala. Makapipitas ba ang tao ng mga ubas mula sa puno ng dawag, o ng mga igos sa mga matitinik na halaman? 17Sa gayon ding paraan, ang lahat ng puno na namumunga ng mabuti ay mabuti, ngunit ang masamang puno ay namumunga ng masamang bunga.
18Ang mabuting puno ay hindi maaaring magbunga ng masamang bunga, hindi rin magbubunga ng mabuti ang masamang puno. 19Bawat puno na hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 20Sa gayon, makikilala ninyo sila sa pamamagitan nang kanilang mga bunga.
21Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit. 22Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?' 23At hayagan kong sasabihin sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng masama!'
24Kaya ang lahat ng nakikinig sa aking mga salita at sumusunod sa kanila ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kaniyang bahay sa isang bato. 25Bumuhos ang ulan at bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay ngunit hindi ito bumagsak, sapagkat ito ay natatayo sa bato.
26Subalit lahat ng nakarinig sa aking mga salita at hindi sinusunod ang mga ito ay mahahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan. 27Bumuhos ang ulan, bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay. At ito ay bumagsak at nawasak nang tuluyan."
28At pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, namangha ang maraming tao sa kaniyang pagtuturo, 29sapagkat nagturo siya sa kanila tulad ng isang may kapangyarihan, at hindi kagaya ng kanilang mga eskriba.

8

1Noong bumaba si Jesus mula sa burol, maraming tao ang sumunod sa kaniya. 2Masdan ito, isang lalaking may ketong ang lumapit at lumuhod sa kaniya na nagsasabi, "Panginoon, kung iyong nais, maaari mo akong gawing malinis." 3Inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabin, "Nais ko. Maging malinis ka." Agad siyang nalinis sa kaniyang ketong.

4Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila."
5Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, isang senturion ang lumapit at kumausap sa kaniya 6na nagsasabin, "Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at lubhang nahihirapan." 7Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pupunta ako at pagagalingin ko siya."
8Sumagot ang senturion at sinabing, "Panginoon, hindi ako karapat-dapat na papasukin ka sa ilalim ng aking bubong, sabihin mo lamang ang salita at gagaling na ang aking lingkod. 9Sapagkat ako ma'y isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal ako na napapasailalim sa akin. Sinasabi ko sa isa, 'Humayo ka' at siya ay humayo, sa isa 'Halika' at siya ay lalapit at sa aking lingkod 'Gawin mo ito' at ginawa nga niya." 10Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha at kaniyang sinabi sa mga taong sumusunod sa kaniya, "Totoo ito sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong pananampalataya sa Israel.
11Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12Ngunit ang mga anak ng kaharian ay ipatatapon sa kadiliman sa labas na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin." 13Sinabi ni Jesus sa senturion, "Humayo ka! Mangyari sa iyo ang naaayon sa iyong pinaniwalaan." At gumaling nga ang kaniyang lingkod sa ganap na oras na iyon.
14Pagkarating ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. 15Hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at inibsan siya ng lagnat. Bumangon siya at nagsimulang maglingkod sa kaniya.
16Nang sumapit ang gabi, dinala ng mga tao kay Jesus ang maraming taong sinapian ng mga demonyo. Pinalayas niya ang mga espiritu sa pamamagitan ng salita at pinagaling niya ang lahat ng may sakit. 17Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Isaias na propeta, "Kinuha niya ang ating mga sakit at dinala ang ating mga karamdaman."
18Ngayon, nang nakita ni Jesus ang maraming tao sa paligid niya, nagbigay siya ng mga tagubilin na aalis siya upang magpunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea. 19At may lumapit na eskriba sa kaniya at nagsabi, "Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magpunta." 20Sinabi ni Jesus sa kaniya, "May mga lungga ang mga asong-gubat, may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang lugar na mapagsandalan ng kaniyang ulo."
21May ibang alagad din ang nagsabi sa kaniya, "Panginoon, payagan mo akong ilibing muna ang aking ama." 22Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sumunod ka sa akin, hayaan mong ang patay ang maglibing sa sarili nilang patay."
23Nang sumakay na si Jesus sa bangka, sumunod sa kaniya ang mga alagad niya. 24Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus. 25Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, "Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!"
26Sinabi ni Jesus sa kanila, "Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?" At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan. 27Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, "Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?"
28Nang dumating si Jesus sa kabilang dako, sa bayan ng mga Gadareno, may sumalubong sa kaniya na dalawang lalaki na sinapian ng mga demonyo. Galing sila sa mga libingan at lubhang napakarahas kaya walang mga manlalakbay ang nakararaan sa daan na iyon. 29Masdan ito, sumigaw sila at nagsabi, "Ano ang pakialam namin sa iyo, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang kami ay pahirapan bago ang itinakdang oras?"
30Ngayon, may kawan ng mga baboy ang nanginginain doon sa hindi kalayuan sa kinarorooonan nila. 31Patuloy na nagmakaawa kay Jesus ang mga demonyo at nagsasabing, "Kung paaalisin mo kami, ipadala mo kami at papasukin sa kawan ng mga baboy." 32Sinabi ni Jesus sa kanila, "Pumunta kayo!" Lumabas ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. At masdan ito, nagmadali ang mga baboy pababa sa isang matarik na burol sa dagat at namatay silang lahat sa tubig.
33Ang mga lalaking nag-aalaga sa mga baboy ay nagsitakbuhan. Nagpunta sila sa lungsod at ipinamalita ang lahat, lalo na ang nangyari sa mga lalaking sinapian ng mga demonyo. 34Masdan ito, lahat ng lungsod ay nagpunta upang makita si Jesus. At nang makita nila siya, nagmakaawa sila na umalis siya sa kanilang rehiyon.

9

1Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang dako, at nakarating sa kaniyang lungsod. 2Masdan ito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nakaratay sa isang higaan. Nang nakita niya ang kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus sa paralisado, "Anak, magalak ka. Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na."

3Masdan ito, may ilan sa mga eskriba ang nagsabi sa kanilang mga sarili, "Ang taong ito ay lumalapastangan sa Diyos," 4Batid ni Jesus ang mga nasa isip nila at sinabi, "Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso? 5Sapagkat alin ba ang mas madaling sabihin, 'Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin, 'Tumayo ka at lumakad'? 6Ngunit para malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan dito sa lupa,..." sinabi niya sa paralisado, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay."
7Pagkatapos ay tumayo ang lalaki at umuwi sa kaniyang bahay. 8Nang makita ito ng napakaraming tao, namangha sila at nagpuri sa Diyos, na siyang nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa mga tao. 9Nang si Jesus ay umalis mula doon, nakita niya ang lalake na nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar ng paningilan ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo siya at sumunod sa kaniya.
10Habang nakaupo si Jesus upang kumain sa bahay, masdan ito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao at nakisalo sila kay Jesus at sa mga alagad niya. 11Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, "Bakit ang iyong guro ay kumakain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga taong makasalan?"
12Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya," Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga taong may malalakas na pangangatawan, iyon lamang may mga sakit. 13Dapat kayong humayo at unawain ang ibig sabihin nito, 'Nais ko ay habag at hindi alay.' Sapagkat ako ay pumarito, hindi upang tawagin ang matuwid na magsisi, kundi ang mga makasalanan."
14Pagkatapos ay pumunta ang mga alagad ni Juan sa kaniya at sinabi, bakit kami at ang mga Pariseo ay madalas na nag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno? 15Sinabi ni Jesus sa kanila, "Malungkot ba ang mga panauhin habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na kukunin na sa kanila ang lalaking ikakasal at saka sila mag-aayuno.
16Walang tao ang maglalagay ng bagong tela sa lumang damit, sapagkat pupunitin lamang ng tagpi ang bagong damit, at gagawa lamang ito ng mas malalang punit.
17Ni walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kung ito ay gagawin, puputok ang sisidlang balat at matatapon lang ang alak, at ang sisidlang balat ay masisira. Sa halip, ilalagay nila ang bagong alak sa bagong sisidlang balat, at pareho silang magtatagal."
18Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kanila, masdan ito, dumating ang isang opisyal at lumuhod sa kaniya. At nagsabi, "Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae, ngunit sumama ka at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya ay mabubuhay." 19Pagkatapos ay tumayo si Jesus at sumunod sa kaniya, at ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga alagad.
20Masdan ito, may isang babae na dinudugo ng malala sa loob ng labindalawang taon ang lumapit sa likuran ni Jesus at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit. 21Sapagkat sinabi niya sa kanyang sarili, "Kung mahawakan ko lamang ang kaniyang damit, ay gagaling na ako." 22Ngunit lumingon si Jesus at nakita siya at sinabi, "Anak, magpakatatag ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." At agad na gumaling ang babae.
23Nang dumating si Jesus sa bahay ng opisyal nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang mga tao na gumagawa ng matinding ingay. 24Sinabi niya, "Umalis kayo, sapagkat hindi patay ang babae kundi natutulog lamang." Ngunit siya ay pinagtawanan nila nang may pangungutya.
25Noong napalabas na ang mga tao, pumasok siya sa silid at hinawakan niya ito sa kamay at ang batang babae ay bumangon. 26Ang balita tungkol dito ay kumalat sa buong rehiyon na iyon.
27Habang papalayo si Jesus mula roon, dalawang bulag na lalaki ang sumunod sa kaniya. Patuloy silang sumisigaw at nagsasabi, "Maawa ka sa amin, Anak ni David!" 28Nang dumating si Jesus sa bahay, lumapit ang mga bulag sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?" Sinabi nila sa kanya, "Opo, Panginoon."
29At hinawakan ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi, "Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya." 30At nabuksan ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus, "Tiyakin ninyo na walang makakaalam tungkol dito." 31Ngunit lumabas ang dalawang lalake at ikinalat ang balitang ito sa buong rehiyon.
32Habang papalayo ang dalawang lalaki, masdan ito, isang lalaking pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus. 33Nang mapalayas na ang demonyo, ang lalaking pipi ay nakapagsalita. Ang mga tao ay namangha at nagsabi, "Kailan man ay hindi pa ito nakita sa Israel!" Ngunit sinabi ng mga Pariseo, 34"Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, siya ay nakapagpapalayas ng mga demonyo."
35Pumunta si Jesus sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nagpatuloy siyang nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinangangaral ang mabuting balita ng kaharian, at pinapagaling niya ang lahat ng mga uri ng karamdaman at ang lahat ng uri ng sakit. 36Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, dahil sila ay naguguluhan at pinanghihinaan ng loob. Para silang tupang walang pastol.
37Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa. 38Kaya madaliin ninyong idalangin sa Panginoon ng pag-aani, upang makapagpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan."

10

1Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.

2Ngayon ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una, si Simon (na siya ring tinatawag niyang Pedro), at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid; 3si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alpeo, at si Tadeo; 4si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.
5Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito. Tinagubilinan niya ang mga ito at sinabi, "Huwag kayong pumunta sa alin mang lugar na tinitirhan ng mga Gentil, at huwag kayong papasok sa alin mang bayan ng mga Samaritano. 6Sa halip, pumunta kayo sa mga nawawalang tupa sa sambahayan ng Israel. 7At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
8Pagalingin ninyo ang may sakit, buhayin ang patay, linisin ang mga ketongin, at palayasin ang mga demonyo. Tumanggap kayo nang walang bayad, ipamigay ninyo nang walang bayad. 9Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka. 10Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain.
11Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis. 12Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon. 13Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
14Sa mga hindi naman tumatanggap sa inyo o nakikinig sa inyong mga salita, kapag kayo ay umalis sa bahay o lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang mga alikabok mula sa inyong mga paa. 15Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mas mapagtitiisan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra sa araw ng paghuhukom kaysa sa lungsod na iyon.
16Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati. 17Mag-ingat kayo sa mga tao! Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga. 18At kayo ay dadalhin at ihaharap sa mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga Gentil.
19Kapag dinala nila kayo, huwag kayong mabahala kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagkat ibibigay sa inyo ang mga dapat ninyong sabihin sa oras na iyon. 20Sapagkat hindi kayo ang magsasalita subalit ang Espiritu ng inyong Ama ang siyang magsasalita sa inyo.
21Dadalhin ng kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang ama sa kaniyang anak. Sasalungat ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila. 22Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makapagtitiis hanggang huli, ang taong iyon ay maliligtas. 23Kapag inusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo sa kabila, sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo matatapos na puntahan ang mga lungsod ng Israel bago dumating ang Anak ng Tao.
24Ang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro, ni mas mataas ang lingkod sa kaniyang amo. 25Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
26Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman. 27Ang sinabi ko sa inyo sa kadiliman ay sabihin sa liwanag, at kung anong narinig ninyo ng mahina sa inyong tainga, ipahayag sa ibabaw ng mga bubungan.
28Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno. 29Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama. 30At kahit na ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang lahat. 31Huwag kayong matakot. Mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
32Samakatwid ang lahat na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko din sa harap ng Ama na nasa langit. 33Ngunit ang magtanggi sa akin sa harap ng mga tao ay itatanggi ko din sa harap ng aking Ama na nasa langit.
34Huwag ninyong isipin na pumarito ako sa lupa upang magbigay ng kapayapaan. Hindi ako dumating upang magbigay ng kapayapaan, kundi isang espada. 35Sapagkat naparito ako upang paglabanin ang isang lalaki sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenan na babae. 36Ang magiging kaaway ng tao ay kaniyang sariling sambahayan.
37Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38Ang hindi nagbubuhat ng kaniyang krus at sumunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39Ang naghahanap ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang mawawalan ng buhay nang dahil sa akin ay makahahanap nito.
40Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin. 41Ang tumatanggap sa isang propeta dahil isang propeta siya ay makatatanggap ng gantimpalan ng isang propeta. At siya na tumatanggap sa isang matuwid na tao dahil matuwid na tao siya ay makatatanggap ng gantimpala ng isang matuwid na tao.
42Sinuman ang magbibigay sa isa sa mga hamak na mga ito, kahit na isang basong malamig na tubig upang inumin, dahil isa siyang alagad, totoo itong sasabihin ko sa inyo, hindi maaring mawala sa kaniya ang kaniyang gantimpala."

11

1Nangyari nang matapos tagubilinan ni Jesus ang labingdalawa niyang alagad, umalis siya mula doon upang magturo at mangaral sa kanilang mga lungsod. 2Ngayon, nang marinig ni Juan mula sa bilangguan ang mga bagay tungkol sa mga gawa ng Cristo, nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad 3at sinabi nito sa kaniya, "Ikaw na nga ba Ang Darating o mayroon pang ibang tao na dapat naming hanapin?"

4Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Humayo kayo at iulat ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. 5Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, nakapaglalakad ang mga lumpo, ang mga may ketong ay nagiging malinis, ang mga bingi ay nakaririnig nang muli, ang mga patay ay muling binuhay, at ang mga mahihirap ay nasabihan na tungkol sa mabuting balita. 6At pinagpala ang sinumang hindi makahahanap ng katitisuran sa akin."
7Habang nagtungo ang mga lalaking ito sa kanilang daan, sinimulang sabihin ni Jesus sa mga tao ang tungkol kay Juan, "Ano ang nilabas ninyo sa ilang para makita—isang tambo na inaalog-alog ng hangin? 8Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang lalaki na nakasuot ng malambot na kasuotan? Totoo nga, ang nagsusuot lamang ng ganoong kasuotan ay iyong naninirahan sa bahay ng mga hari.
9Ngunit ano ang nilabas ninyo para makita—isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo at mas higit pa sa isang propeta. 10Siya itong sinasabi sa naisulat, 'Tingnan ninyo, ipadadala ko ang aking mensahero na mauuna sa iyo na siyang maghahanda ng iyong daan.'
11Sinasabi ko sa inyo, totoo nga na sa lahat ng mga ipinanganak ng mga babae, walang nakahihigit kay Juan na Tagapagbautismo. Ngunit ang pinakahamak na tao sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa sa kaniya. 12Mula sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagdurusa sa karahasan at sapilitan itong kinukuha ng mga taong mararahas.
13Sapagkat lahat ng mga propeta at ang kautusan ay patuloy na nagpapahayag hanggang kay Juan. 14At kung nakahanda kayong tanggapin ito, ito ay si Elias na paparating. 15Ang may taingang pandinig ay makinig.
16Saan ko dapat ihalintulad ang salinlahing ito? Tulad nito ay mga batang naglalaro sa may pamilihan, na nakaupo at tinatawag ang isa't isa 17at magsasabi, 'Kami ay tumugtog ng plauta para sa inyo ngunit hindi kayo nagsayaw. Kami ay nagluksa ngunit hindi kayo tumangis.'
18Sapagkat dumating si Juan na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sasabihin nilang, 'May demonyo siya.' 19Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nilang, 'Tingnan ninyo, siya ay napakatakaw na tao at lasenggero, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!' Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa."
20At sinimulang sawayin ni Jesus ang mga lungsod kung saan nangyari ang karamihan sa mga makapangyarihan niyang gawa dahil sila ay hindi nagsisi. 21"Sa aba mo, Korazin! Sa aba mo, Bethsaida! Kung ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, noon pa man nagsisi na sana sila sa pamamagitan ng sako at mga abo. 22Ngunit mas mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.
23Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon. 24Ngunit sinasabi ko sa iyo na mas magiging madali pa para sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa iyo."
25Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, "Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata. 26Oo, Ama, sapagkat ito ang labis na nakalulugod sa iyong paningin. 27Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.
28Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29Dalhin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay mahinahon at may mapagpakumbabang puso at makakamit ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. 30Sapagkat madali ang aking pamatok at ang aking pasanin ay magaan."

12

1Nang panahong iyon, sa Araw ng Pamamahinga, napadaan si Jesus sa mga triguhan. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at nag-umpisa silang pumitas ng mga uhay at kinain iyon. 2Ngunit nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus, "Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng labag sa kautusan sa Araw ng Pamamahinga."

3Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya ay nagutom at pati ang mga lalaking kasama niya? 4Kung paano siya pumasok sa tahanan ng Diyos at kinain ang tinapay na handog, na labag sa kautusan na kainin niya at labag sa kautusan na kainin din ng kaniyang mga kasama, ngunit nararapat lamang sa mga pari?
5At hindi ba ninyo nabasa sa kautusan na sa Araw ng Pamamahinga, ang mga pari sa templo ay nilalapastanganan ang Araw ng Pamamahinga ngunit hindi nagkakasala? 6Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang mas dakila sa templo ay narito.
7At kung alam sana ninyo ang ibig sabihin nito, 'Ang nais ko ay habag at hindi handog,' hindi sana ninyo hinatulan ang walang kasalanan. 8Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."
9Pagkatapos, umalis si Jesus mula doon at pumasok sa kanilang sinagoga. 10Masdan ito, may isang lalake na tuyot ang kamay. Nagtanong ang mga Pariseo kay Jesus, at sinabi, "Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?" upang siya ay maparatangan nila ng pagkakasala.
11Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sino kaya sa inyo, na kung mayroon siyang nag-iisang tupa, at nahulog ang tupang ito sa malalim na butas sa Araw ng Pamamahinga ay hindi ito iaahon sa butas para ilabas? 12Gaano pa kaya kahalaga ang isang tao kaysa sa isang tupa. Kaya hindi labag sa kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga."
13At sinabi ni Jesus sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga niya ito, at bumalik ang dating kalusugan nito, gaya ng kaniyang isang kamay. 14Ngunit lumabas ang mga Pariseo at nagsabwatan laban sa kaniya. Naghahanap sila ng paraan kung paano siya maipapatay.
15Nang mapansin ito ni Jesus, lumayo siya doon. Maraming tao ang sumunod sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat. 16Sila ay pinagbilinan niya na huwag ipapaalam sa iba ang tungkol sa kaniya, 17ito ay upang magkatotoo ang sinabi sa pamamagitan ni Isaias na propeta, na nagsasabi,
18"Tingnan ninyo, ang aking lingkod na aking pinili; ang aking pinakamamahal, na siyang lubos na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ilalagay ko sa kaniya ang aking Espiritu, at ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
19Hindi siya magpupumilit o makikipagsigawan ng malakas, ni walang sinumang makaririnig ng kaniyang tinig sa mga lansangan. 20Hindi niya babaliin ang anumang tambong marupok; hindi rin niya papatayin ang kahit na anong umuusok na pabilo, hanggang maipadala niya ang paghuhukom sa katagumpayan. 21At ang mga Gentil ay magkakaroon ng pananalig sa kaniyang pangalan."
22Pagkatapos ay may isang tao na bulag at pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus. Pinagaling niya ito at ang lalaki ay nakapagsalita at nakakita. 23Ang lahat ng napakaraming tao ay namangha, at sinabi, " Anak kaya ni David ang lalaking ito?"
24Ngunit nang marinig ng mga Pariseo ang mga himalang ito, kanilang sinabi, "Ang taong ito ay hindi nakapagpapalayas ng mga demonyo maliban sa pamamagitan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. " 25Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang mga iniisip at sinabi sa kanila, "Ang bawat kahariang nahahati laban sa kaniyang sarili ay magiging mapanglaw, at bawat lungsod o bahay na nahahati laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
26Kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, siya ay nahahati laban sa kaniyang sarili. Paano mananatili ang kaniyang kaharian? 27At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa kanino pinalalayas ng inyong mga tagasunod ang mga demonyo? Dahil dito, sila ang inyong magiging mga hukom.
28Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, samakatuwid, ang kaharian ng Diyos ay dumating na sa inyo. 29Paano malolooban ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao at nanakawin ang kaniyang mga pag-aari na hindi muna igagapos ang malakas na tao? Saka pa niya nanakawin ang kaniyang mga pag-aari sa kaniyang bahay. 30Ang sinuman na hindi kasapi ko ay laban sa akin, at sino man ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.
31Kung gayon ay sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng kasalanan at kalapastangan sa tao ay mapapatawad. Ngunit ang lahat ng kalapastanganan sa Espiritu ay hindi mapapatawad. 32Sinumang magbigkas ng anumang salita laban sa Anak ng Tao, siya ay mapapatawad. Ngunit sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, siya ay hindi mapapatawad, maging dito sa mundo o sa darating.
33O gawing mabuti ang puno at ang bunga nito ay mabuti, o gawing masama ang puno at ang bunga nito ay masama, sapagkat makikilala ang bawat puno ayon sa bunga nito. 34Kayong mga anak ng mga ulupong, dahil kayo ay masama, paano kayo magsasabi ng mga mabubuting bagay? Sapagkat kung ano ang nilalaman ng puso ay siyang binibigkas ng bibig. 35Ang mabuting tao mula sa mabuting kayamanan ng kaniyang puso ay naglalabas ng mabuti at ang masamang tao na may masamang kayamanan sa kaniyang puso ay naglalabas ng masama.
36At sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, ang mga tao ay mananagot sa bawat salita na kanilang binitawan na walang kabuluhan. 37Sapagkat sa iyong mga salita ikaw ay mapapawalang-sala, at sa iyong mga salita ikaw ay parurusahan."
38At sumagot ang ilang mga eskriba at Pariseo kay Jesus at sinabi, "Guro, nais naming makakita ng palatandaan mula sa iyo," 39Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Isang masama at mapangalunyang salinlahi ang naghahanap ng palatandaan. Ngunit walang ibibigay na palatandaan sa kaniya maliban sa palatandaan ni Jonas na propeta. 40Sapagkat gaya ni Jonas na tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng malaking isda, gayundin na ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi na nasa ilalim ng lupa.
41Ang mga tao sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng salinlahing ito at parurusahan ito. Sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Jonas.
42Ang Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao ng salinlahing ito at parurusahan ito. Naglakbay siya mula sa dulo ng mundo upang dinggin ang karunungan ni Solomon, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Solomon.
43Kung ang isang masamang espiritu ay umalis sa isang tao, siya ay dadaan sa lugar na walang tubig, at siya ay maghahanap ng mapagpapahingahan, ngunit hindi niya ito mahanap. 44At sasabihin nitong, 'Ako ay babalik sa dati kong tahanan kung saan ako nanggaling.' Nang makabalik, nakita niya ang bahay na malinis at maayos. 45Siya ay aalis at magsasama ng pito pang espiritu na mas masama pa sa kaniya at silang lahat ay papasok at maninirahan doon. At ang kalagayan ng taong iyon ay magiging mas malala pa kaysa sa dati. Katulad ng masasamang salinlahing ito."
46Habang nagsasalita pa si Jesus sa napakaraming tao, masdan ito, ang kaniyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, hinahanap siya upang kausapin. 47May nagsabi sa kaniya, "Tingnan mo, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, hinahanap ka upang makausap."
48Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Sino ang aking ina? At sino ang aking mga kapatid?" 49Pagkatapos iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad at sinabi, "Tingnan ninyo, nandito ang aking ina at ang aking mga kapatid! 50Sapagkat ang sinumang gumagawa sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit, ang taong iyon ay aking kapatid at ina."

13

1Sa araw na iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabi ng dagat. 2May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.

3At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, "Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik. 4Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito. 5Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa. 6Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito.
7Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito. 8Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu. 9Ang may taingang pandinig, ay makinig."
10Dumating ang mga alagad at sinabi kay Jesus, "Bakit mo kinakausap ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga?" 11Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay. 12Dahil kung sinuman ang mayroon na ay higit pang mabibigyan at siya ay magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinuman na wala, kukunin sa kaniya maging ang tanging mayroon siya.
13Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa. 14Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
15Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay naging mapurol, at hirap sila sa pakikinig, at ipinikit nila ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita sa kanilang mga mata, o makarinig sa kanilang mga tainga, o makaintindi sa kanilang mga puso, upang sila ay babalik muli at sila ay aking pagagalingin.'
16Ngunit pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito ay nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito ay nakakarinig. 17Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maraming mga propeta at mga taong matuwid ang ninais na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila ito nakita. Ninais nila na marinig ang mga bagay na inyong mga naririnig, ngunit hindi nila ito napakinggan.
18Ngayon, makinig kayo sa talinghaga ng manghahasik. 19Kapag mapakinggan ng sinuman ang salita ng kaharian ngunit hindi ito nauunawaan, darating ang masama at nanakawin ang mga binhi na naihasik sa kaniyang puso. Ito ay ang binhi na naihasik sa tabi ng daan.
20Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak. 21Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
22Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga. 23Siya na naihasik sa mabuting lupa ay siyang nakarinig sa salita at nakaunawa dito. Siya ang tunay na namumunga at nagpapayabong nito; ang ilan ay namunga ng tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tig-tatatlumpu.."
24Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid. 25Ngunit habang tulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik din ng mga damo kasama ng mga trigo saka umalis. 26Nang sumibol ang mga dahon at namunga ay lumitaw din ang mga damo.
27Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?' 28Sinabi niya sa kanila, 'Ginawa ito ng isang kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang puntahan namin at bunutin ang mga ito?'
29Sinabi ng may-ari ng lupa, 'Huwag, sapagkat kapag binunot ninyo ang mga damo, baka mabunot niyo din ang mga trigo kasama nito. 30Hayaan lang silang parehong lumaki hanggang dumating ang anihan. Sa oras na nang pag-aani ay sasabihin ko sa mga tagapag-ani na, "Unahin ninyong bunutin ang mga damo at bigkisin ang mga ito at inyong sunugin samantalang ang mga trigo naman ay inyong ipunin sa aking kamalig.'""
31Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid. 32Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito."
33Muling nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, "Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang ito ay umalsa."
34Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng talinghaga. At kung hindi sa pamamagitan ng talinghaga ay hindi siya nagsalita sa kanila. 35Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, "Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo."
36Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid." 37Sumagot si Jesus at sinabi, "Ang naghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao. 38Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama, 39at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel.
40Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo. 41Magpapadala ang Anak ng Tao ng kaniyang mga anghel at titipunin nila sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng bagay na sanhi ng kasalanan at ang mga gumagawa ng masama. 42Itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin. 43At ang mga matutuwid na tao ay magliliwanag tulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may taingang pandinig ay makinig.
44Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon. 45Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas. 46Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito.
47Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba't ibang uri ng lamang dagat. 48Nang ito ay napuno, hinila ito ng mga mangingisda sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo sila at tinipon ang mga mabuting bagay sa mga lalagyan, ngunit kanilang itinapon ang mga bagay na walang pakinabang.
49Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid. 50Sila ay itatapon nila sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
51Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?" Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Oo." 52At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan." 53At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
54Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, "Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito? 55Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? 56At hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama din natin? Kaya saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?"
57Nasaktan sila nang dahil sa kaniya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan maliban sa kaniyang sariling bansa o sa kaniyang sariling pamilya." 58At hindi siya gumawa ng maraming himala doon dahil sa kawalan nila ng paniniwala.

14

1Nang mga panahon na iyon, narinig ni Herodes na tetrarka ang mga balita tungkol kay Jesus. 2Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, "Ito ay si Juan na Tagapagbautismo, muli siyang nabuhay mula sa mga patay. Kaya ang mga kapangyarihang ito ay gumagawa sa kaniya."

3Sapagkat ipinadakip ni Herodes si Juan, iginapos siya at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. 4Sapagkat sinabi ni Juan sa kaniya, "Labag sa batas na gawin mo siyang asawa mo." 5Nais ni Herodes na siya ay ipapatay subalit natatakot siya sa mga tao sapagkat itinuring nila itong propeta.
6Ngunit noong dumating ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa gitna at nalugod si Herodes. 7Bilang tugon, nangako siya na may panunumpa na ipagkakaloob ang anumang hihilingin nito.
8Pagkatapos matagubilinan ng kaniyang ina, sinabi niya, "Ibigay mo sa akin dito, sa isang bandihado, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo." 9Lubhang nabalisa ang hari dahil sa kaniyang kahilingan, ngunit dahil sa kaniyang sumpang binitawan at dahil sa lahat ng naroon sa hapunan na kasama niya, iniutos niya na ito ay mangyari.
10Nag-utos siya at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11Pagkatapos ay dinala ang kaniyang ulong nasa bandihado at ibinigay sa babae at dinala niya ito sa kaniyang ina. 12Pagkatapos nito ay dumating ang kaniyang mga alagad at kinuha ang kaniyang bangkay at saka inilibing. Pagkatapos nito, umalis sila at ibinalita ito kay Jesus.
13Ngayon, nang marinig ito ni Jesus, umalis siya mula roon sa pamamagitan ng bangka at nagpunta sa isang liblib na lugar. Nang marinig ito ng mga tao, sinundan siya ng mga ito na naglalakad mula sa mga lungsod. 14At dumating si Jesus na nauna sa kanila at nakita ang maraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling ang mga may sakit sa kanila.
15Nang sumapit ang gabi, lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi, "Ito ay ilang na lugar at natapos na ang araw. Pauwiin na ninyo ang mga taong napakarami, upang sila ay makapunta sa mga nayon at makapamili ng makakain para sa kanilang sarili."
16Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi na nila kailangan pang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain." 17Sinabi nila sa kaniya, "Mayroon lamang kaming limang piraso ng tinapay at dalawang isda rito." 18Sinabi ni Jesus, "Dalhin ninyo sa akin ang mga iyan."
19Pagkatapos ay inutusan ni Jesus ang mga maraming tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang pirasong tinapay at dalawang isda. Habang nakatingala sa langit, binasbasan niya at pinagpira-piraso ang mga tinapay at saka ibinigay sa mga alagad. Ipinamahagi naman ito ng mga alagad sa mga tao. 20Lahat sila ay nakakain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga natira sa mga pinagpira-pirasong pagkain—labindalawang basket ang napuno. 21Lahat ng kumain ay umabot sa limanlibong kalalakihan bukod sa mga kababaihan at mga bata.
22Kaagad na pinasakay niya ang mga alagad sa bangka upang mauna silang tumungo sa kabilang dako, habang pina-uuwi niya ang mga tao. 23Pagkatapos niyang mapauwi ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok upang manalangin. Nang lumalim na ang gabi, mag-isa lamang siya roon. 24Ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat, halos hindi na ito mapigilan dahil sa mga alon, sapagkat pasalubong ang hangin.
25Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat. 26Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, "Multo," at sila ay nagsigawan sa takot. 27Ngunit agad nagsalita si Jesus sa kanila at sinabi, "Magpakatapang kayo! Ako ito! Huwag kayong matakot."
28Sumagot si Pedro sa kaniya at sinabi, "Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa tubig." 29Sinabi ni Jesus, "Halika." Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus. 30Ngunit nang napansin ni Pedro ang hangin, siya ay natakot. Habang siya ay nagsimulang lumubog, sumigaw siya at sinabi, "Panginoon, iligtas mo ako!"
31Kaagad iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro at sinabi sa kaniya, "Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?" 32At nang sumakay si Jesus at Pedro sa bangka, huminto ang hangin sa pag-ihip. 33At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, "Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos."
34Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genasaret. 35Nang nakilala si Jesus ng mga taong tagaroon, ipinamalita nila saan mang lugar sa palibotlibot at dinala nila sa kaniya ang bawat isa na may sakit. 36Nagmakaawa sila sa kaniya na kung maaari ay mahawakan nila ang laylayan ng kaniyang kasuotan, at lahat ng humawak dito ay gumaling.

15

1At may ilang mga Pariseo at mga eskriba na mula sa Jerusalem ang pumunta kay Jesus. Sinabi nila, 2"Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng mga nakatatanda? Sapagkat hindi nila hinuhugasan ang kanilang mga kamay kapag sila ay kakain." 3Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "At kayo—bakit ninyo nilalabag ang kautusan ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian?

4Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at iyong ina,' at 'Sinuman ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay tiyak na mamamatay. 5Ngunit sinabi ninyo, 'Sinuman ang magsabi sa kaniyang ama o ina, "Anumang tulong ang matanggap sana ninyo na galing sa akin, ngayon ay isa nang kaloob na ibinigay sa Diyos,"' 6hindi na kailangang igalang ng taong iyon ang kaniyang ama. Sa ganitong paraan binalewala ninyo ang salita ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian.
7Kayong mga mapagkunwari, tama ang propesiya tungkol sa inyo ni Isaias noong sinabi niya, 8'Iginagalang ako ng mga taong ito sa kanilang mga labi ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin. 9Sinasamba nila ako na walang kabuluhan, dahil ang itinuturo nila bilang mga doktrina ay ang mga utos ng mga tao.'''
10Pagkatapos ay tinawag niya ang maraming tao palapit sa kaniya at sinabi sa kanila, ''Makinig kayo at intindihin ninyo— 11Walang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa isang tao. Sa halip, kung ano ang lumalabas sa kaniyang bibig, ito ang nakapagpaparumi sa tao.''
12Pagkatapos, lumapit ang kaniyang mga alagad at sinabi kay Jesus, "Alam ba ninyo na nasaktan ang mga Pariseo nang marinig nila ang inyong sinabi?" 13Sumagot si Jesus at sinabi, "Bawat halaman na hindi itinanim ng aking Amang nasa langit ay bubunutin. 14Hayaan ninyo sila, mga bulag sila na gabay. Kung ang isang bulag na tao ay gagabayan ang kapwa niyang bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay."
15Sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, "Ipaliwanag mo sa amin ang talinghagang ito." 16Sinabi ni Jesus, "Kayo din ba ay wala pa ring pang-unawa? 17Hindi ba ninyo nakikita na kung anumang pumapasok sa inyong bibig ay dadaan sa tiyan at pagkatapos pinapalabas sa palikuran?
18Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay galing sa puso. Ang mga bagay na ito ang nakapagpaparumi sa tao. 19Sapagkat sa puso nanggagaling ang mga masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, bulaang saksi at mga paghamak. 20Ito ang mga bagay na nakapagpaparumi sa tao. Ngunit ang kumain na hindi naghugas ng mga kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao."
21Pagkatapos, umalis si Jesus mula roon at pumunta patungo sa mga rehiyon sa lungsod ng Tiro at Sidon. 22Masdan ito, may isang Cananeang babae ang lumabas galing sa rehiyon na iyon. Sumigaw siya at sinabing, "Kahabangan mo ako, Panginoon, anak ni David; ang aking anak na babae ay lubhang pinapahirapan ng isang demonyo. 23Ngunit hindi siya sinagot ni Jesus kahit isang salita. Lumapit ang kaniyang mga alagad at nagmakaawa sa kaniya, sinabi, "Paalisin ninyo siya sapagkat sumisigaw siyang sumusunod sa atin."
24Subalit sumagot si Jesus at sinabi, "Hindi ako sinugo sa kaninuman maliban sa mga tupang naliligaw sa tahanan ng Israel." 25Ngunit lumapit at lumuhod ang babae sa kaniyang harapan, na nagsasabi, "Panginoon, tulungan mo ako." 26Sumagot siya at sinabi, "Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak at ihagis sa mga tuta."
27Sinabi niya, "Oo nga, Panginoon, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga katiting na tinapay na nahulog mula sa kainan ng kanilang mga amo. 28Pagkatapos, sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ayon sa iyong hinihiling." At gumaling ang kaniyang anak na babae sa oras na iyon.
29Umalis si Jesus sa lugar na iyon at pumunta malapit sa Dagat ng Galilea. Pagkatapos umakyat siya sa isang burol at doon umupo. 30Napakaraming tao ang lumapit sa kaniya. Kasama nila ang mga pilay, bulag, pipi at mga lumpo, at marami pang iba na may mga sakit. Inilagay sila sa paanan ni Jesus at sila ay pinagaling niya. 31Kaya namangha ang maraming tao nang nakita nila ang mga pipi na nakapagsalita, ang lumpo na napagaling, ang pilay na nakakalakad at mga bulag na nakakakita. Pinuri nila ang Diyos ng Israel.
32Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Nahahabag ako sa mga tao dahil sila ay nanatili kasama ko sa loob na ng tatlong araw at walang makain. Ayaw ko silang pauwiin na hindi kumakain upang hindi sila himatayin sa daan." 33Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Saan naman tayo kukuha ng sapat na tinapay sa ilang para busugin ang napakamaraming tao?" 34Sinabi ni Jesus sa kanila, "IIan ang tinapay na meron kayo?" Sinabi nila, "Pito, at kaunting maliliit na isda." 35At inutosan ni Jesus ang maraming tao na maupo sa lupa.
36Kinuha niya ang pitong tinapay at mga isda, at pagkatapos magbigay ng pasasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At ibinigay ng mga alagad ang mga ito sa mga tao. 37Ang lahat ng tao ay nakakain at nabusog. At inipon nila ang mga pagkain mula sa pira-pirasong natira, pitong basket ang napuno. 38Mayroong apat na libong lalaki ang kumain, bukod sa mga babae at mga bata. 39Pagkatapos, pinauwi ni Jesus ang maraming tao at sumakay siya sa bangka at pumunta sa rehiyon ng Magadan.

16

1Lumapit ang mga Pariseo at Saduseo at sinubok si Jesus sa pamamagitan ng paghingi sa kaniya na ipakita sa kanila ang isang palatandaan mula sa langit. 2Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Pagsapit ng gabi, sasabihin ninyo. 'Magiging maganda ang panahon, sapagkat pula ang kalangitan.'

3At sasabihin ninyo sa umaga, 'Hindi magiging maganda ang panahon ngayon, sapagkat ang langit ay pula at maulap.' Alam ninyo kung paano bigyan ng kahulugan ang anyo ng langit, ngunit hindi ninyo kayang bigyang kahulugan ang mga palatandaan ng mga panahon. 4Maghahanap ng palatandaan ang mga masama at mapang-apid na salinlahi, ngunit walang maibibigay na palatandaan sa kanila maliban sa palatandaan ni Jonas." Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus at umalis.
5Nagpunta ang mga alagad sa kabilang bahagi, ngunit nakalimutang magdala ng tinapay. 6Sinabi ni Jesus sa kanila, "Unawain ninyo at mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo." 7Nagdahilan ang mga alagad sa kanilang mga sarili at sinabi, "Ito ay dahil wala tayong nadalang tinapay." 8Batid ito ni Jesus at sinabi, "Kayong maliit ang pananampalataya, bakit kayo nagdadahilan sa inyong mga sarili at sinasabi na ito ay dahil wala kayong nadalang tinapay?
9Hindi pa rin ba ninyo napapansin o naaalala ang limang tinapay para sa limang-libo, at ilang mga basket na tinapay ang naipon ninyo? 10O ang pitong basket na tinapay na para sa apat na libo at ilang mga basket ang inyong naipon?
11Paanong hindi ninyo naintindihan na hindi ako nagsasalita sa inyo tungkol sa tinapay? "Unawain ninyo at mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at Saduseo." 12Pagkatapos naintindihan nila na sila ay hindi pinag-iingat sa lebadura sa tinapay, kundi upang mag-ingat sa itinuturo ng mga Pariseo at mga Saduseo.
13Ngayon, nang dumating si Jesus sa mga bahagi ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kaniyang mga alagad, na sinasabi, "Ano ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?" 14Sinabi nila, "Sabi ng iba na si Juan na Tagapagbawtismo; ang iba, si Elias; at ang iba, si Jeremias, o isa sa mga propeta." 15Sinabi niya sa kanila, "Ngunit ano ang sinasabi ninyo sa kung sino ako?" 16Sumagot si Simon Pedro at sinabi, "Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos."
17Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Pinagpala ka, Simon Bar Jonas, sapagkat ito ay hindi nahayag sa iyo ng laman o ng dugo, kundi ng aking Amang nasa langit. 18Sinasabi ko rin sa iyo na ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Ang tarangkahan ng hades ay hindi mananaig laban dito.
19Ibibigay ko sa iyo ang mga susi sa kaharian ng langit. Anumang gapusin mo sa lupa ay gagapusin din sa langit, at anumang kalagan ninyo sa lupa ay kakalagan din sa langit." 20At inutusan ni Jesus ang mga alagad na huwag nilang sabihin sa iba na siya ang Cristo.
21Magmula sa oras na iyon sinimulang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem, magdurusa ng maraming bagay sa kamay ng mga nakatatanda at sa mga punong pari at sa mga eskriba, papatayin at mabubuhay muli sa ikatlong araw. 22Pagkatapos ay hinila siya ni Pedro sa tabi at pinagsabihan siya, na sinasabi, "Mailayo sana ito sa iyo, Panginoon, hindi sana ito mangyari sa iyo." 23Ngunit bumaling si Jesus kay Pedro at sinabi, "Lumayo ka sa akin, Satanas! Hadlang ka sa akin, sapagkat wala kang pakialam sa mga bagay ng Diyos, kundi sa mga bagay ng mga tao."
24Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Kung sinuman ang nais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, buhatin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. 25Sapagkat sinuman ang may nais iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawala ang buhay alang-alang sa akin ay matatagpuan niya ito. 26Ano ang mapapala ng isang tao, kung mapasakaniya man ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay? Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kaniyang buhay?
27Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos, bibigyan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa. 28Katotohanang sinasabi ko sa inyo, may mga ilan sa inyo na nakatayo dito na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa kaniyang kaharian."

17

1Makalipas ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at si Juan na kaniyang kapatid at sila ay dinala niya sa isang mataas na bundok nang sila lang. 2Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.

3Masdan ito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya. 4Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, "Panginoon, mabuti na kami ay narito. Kung nais ninyo, gagawa ako dito ng tatlong pagsisilungan—isa para sa inyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias."
5Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya." 6Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot. 7Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, "Tumayo kayo at huwag kayong matakot." 8At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.
9Nang pababa na sila sa bundok, inutos ni Jesus sa kanila, na nagsasabi, "Huwag ninyong ipagsabi sa sinuman ang pangitaing ito hanggang ang Anak ng Tao ay muling ibangon mula sa mga patay." 10Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na sinasabi, "Bakit sinasabi ng mga eskriba na kailangan daw munang dumating si Elias?"
11Sumagot si Jesus at sinabi, "Totoo na darating si Elias at aayusin ang lahat ng mga bagay. 12Ngunit sinasabi ko sa inyo, si Elias ay dumating na, ngunit siya ay hindi nila nakilala. Sa halip, ginawa nila ang nais nilang gawin sa kaniya. Sa gayon ding paraan, ang Anak ng Tao ay magdurusa rin sa kanilang mga kamay." 13At naintindihan ng mga alagad na ang tinutukoy niya ay si Juan na Tagapagbautismo.
14Pagbalik nila sa kinaroroonan ng mga tao, lumapit ang isang tao at lumuhod sa kaniyang harapan, at sinabi, 15"Panginoon, mahabag kayo sa aking anak na lalaki, sapagkat siya ay may epilepsiya at lubhang nahihirapan. Sapagkat madalas siyang nahuhulog sa apoy o sa tubig. 16Dinala ko siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila siya mapagaling.
17Sumagot si Jesus at sinabi, "Kayong salinlahi na walang pananampalataya at mga baluktot, hanggang kailan ba ako mananatili kasama ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya sa akin." 18Sinaway siya ni Jesus at umalis ang demonyo sa kaniya. Gumaling ang bata sa oras ding iyon.
19Pagkatapos nito sarilinang lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Bakit hindi namin ito mapalayas?" 20Sinabi ni Jesus sa kanila, "Dahil maliit ang inyong pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinliit ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon,' at lilipat nga ito at walang magiging imposible sa inyo. 21(Ngunit hindi mapapalayas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa panalangin at pag-aayuno.)
22Habang sila ay nanatili sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao. 23At siya ay papatayin nila, at mabubuhay siya sa ikatlong araw." Labis itong ikinalungkot ng kaniyang mga alagad.
24Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga lalaking naningil ng kalahating siklo ng buwis at sinabi, "Nagbabayad ba ng kalahating siklo ng buwis ang iyong guro?" 25Sinabi niya, "Oo." Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, " Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?"
26Nang sinabi ni Pedro, "Sa mga dayuhan," sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung ganoon hindi kasama ang kanilang mamamayan sa pagbabayad. 27Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo."

18

1Sa oras ding iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi, " Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?" 2Tinawag ni Jesus ang isang bata sa kaniya, at inilagay niya sa kanilang kalagitnaan, 3at sinabi, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maliban na lamang kung kayo ay magsisi at maging katulad ng mga maliliit na bata, hindi talaga kayo makapapasok sa kaharian ng langit.

4Kaya kung sinuman ang nagpapakumbaba sa kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito, ang taong iyon ang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5At sinumang tumatanggap sa katulad ng maliit na batang ito alang-alang sa aking pangalan ay tinatanggap ako. 6Ngunit ang sinuman ang magiging sanhi ng pagkakasala ng isa sa mga maliliit na bata na sumampalataya sa akin, mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking batong gilingan, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat.
7Sa aba sa sanlibutan dahil sa panahon ng pagkatisod! Sapagkat kinakailangang dumating ang mga panahong iyon, ngunit sa aba sa taong sanhi ng pinanggalingan nito! 8Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa.
9Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata.
10Tingnan ninyo na huwag ninyong hahamakin kahit na isa sa mga maliliit na bata. Sapagkat sasabihin ko sa inyo na sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. (11Sapagkat pumarito ang Anak ng Tao upang maligtas ang mga nawawala.)
12Ano sa palagay ninyo? Kung may isang taong mayroong isandaang tupa, at ang isa ay naligaw, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa burol at maghahanap sa isang naliligaw? 13At kung matagpuan niya ito, totoo itong sinasabi ko sa inyo, ikagagalak niya ito higit sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. 14Sa gayon ding paraan, hindi ito ang kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa mga maliliit na batang ito ay mapahamak.
15Kung ang iyong kapatid ay nagkasala laban sa iyo, pumuntahan mo, ipakita mo ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung makikinig siya sa iyo, mapapanumbalik mo ang iyong kapatid. 16Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, isama mo sa iyo ang isa o dalawa pang mga kapatid, upang sa pamamamagitan ng bibig ng dalawa o tatlong mga saksi ang bawat salita ay maaaring mapatunayan.
17At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
18Totoo itong sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang igapos ninyo sa lupa ay igagapos din sa langit. At anumang mga bagay ang inyong kalagan sa lupa ay kakalagan din sa langit. 19Dagdag pa nito, sinasabi ko sa inyo, na kung ang dalawa sa inyo ay sumang-ayon sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling, mangyayari ito sa kanila sa pamamagitan ng aking Amang nasa langit. 20Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ang nagkatipon dahil sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan."
21Pagkatapos, lumapit si Pedro at sinabi kay Jesus, "Panginoon, ilang beses ba na magkakasala ang aking kapatid laban sa akin at akin siyang patatawarin? Hanggang pitong beses?" 22Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hindi ko sasabihin sa inyo na pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit at pito.
23Samakatuwid, ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa isang hari na nais makipagsulit sa kaniyang mga utusan. 24Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento. 25Ngunit dahil sa wala siyang kakayanan na magbayad, inutusan siya ng kaniyang amo na ipagbili, kasama ng kaniyang asawa at mga anak at lahat na mayroon siya, at nang makabayad.
26Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.' 27Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
28Ngunit lumabas ang utusan at nakita ang isa sa kaniyang kapwa utusan na nagkautang sa kaniya ng isang daang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal at sinabi, 'Bayaran mo ako sa iyong inutang.' 29Ngunit lumuhod ang kaniyang kapwa utusan at nakiusap sa kaniya na nagsasabi, "Pagtiisan mo ako, at babayaran rin kita.'
30Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang. 31Nang makita ng kapwa mga utusan kung ano ang nangyari, labis silang nagdamdam. Pumunta sila sa kanilang amo at sinabi ang lahat ng nangyari.
32Pagkatapos nito, ipinatawag ng amo ang kaniyang utusan, at sinabi sa kaniya, 'Napakasama mong utusan, pinatawad kita sa lahat ng iyong inutang dahil ikaw ay nakiusap sa akin. 33Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo?
34Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang. 35Kaya ganoon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung ang bawat isa sa inyo ay hindi magpapatawad sa kaniyang kapatid na mula sa kaniyang puso."

19

1Nangyari, nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, umalis siya mula sa Galilea at nakarating sa hangganan ng Judea lampas pa ng Ilog Jordan. 2Napakaraming tao ang sumunod sa kaniya at sila ay pinagaling niya roon.

3Pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya na nagsasabi, "Pinahihintulutan ba sa batas na hihiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa sa anumang kadahilanan?" 4Si Jesus ay sumagot at nagsabi, "Hindi ba ninyo nabasa, na ang gumawa sa kanila sa simula pa lamang ay ginawa silang lalaki at babae?
5At sinabi rin niyang, 'Sa ganitong dahilan iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makiisa sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging iisang laman?' 6Kaya nga sila ay hindi na dalawa, kundi iisang laman. Samakatwid ang ano mang pinagsama ng Diyos ay walang sinumang makapaghihiwalay."
7Sinabi nila sa kaniya, "Bakit noon ay inutusan tayo ni Moises na gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay at paalisin na siya?" 8Sinabi niya sa kanila, "Dahil sa katigasan ng inyong puso ay pinayagan ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong mga asawa, subalit mula sa simula hindi gayon. 9Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang makikipaghiwalay sa kaniyang asawa, maliban sa sekwal na imoralidad, at mag-aasawa ng iba, ay nangangalunya. At ang lalaki na magpapakasal sa hiniwalayan na babae ay nakagawa ng pangangalunya."
10Sinabi ng mga alagad kay Jesus, "Kung ganyan ang kalagayan ng lalaki sa kaniyang asawa, mabuti pang hindi na mag-aasawa." 11Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi lahat ay tatanggap sa aral na ito, kundi sila lamang na pinahihintulutan na tanggapin ito. 12Sapagkat mayroong mga eunuko na ipinanganak sa sinapupunan ng kanilang ina. At may mga eunoko na ginawang eunuko ng mga tao. At may mga eunuko na ginawa nilang mga eunuko ang kanilang sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Siya na kayang tumanggap sa aral na ito, tanggapin niya ito.
13May maliliit na mga bata na dinala sa kaniya upang patungan ng kaniyang mga kamay at ipanalangin sila, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14Ngunit sinabi ni Jesus, "Hayaan ang maliliit na mga bata, at huwag silang pagbawalan na pumunta sa akin, sapagkat ang kaharian ng langit ay para sa mga ganito." 15At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at pagkatapos umalis mula roon.
16Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, "Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?" 17Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan."
18At sinabi ng lalaki sa kaniya, "Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus, "Huwag kang pumatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magsinungaling sa iyong pagsaksi, 19igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili.
20At sinabi ng binatang lalaki sa kaniya, ang lahat nang ito ay sinunod ko. Ano pa ba ang kailangan ko? 21Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin." 22Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian.
23Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mahirap makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng langit. 24Muling sinasabi ko sa inyo, madali pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos."
25Nang mapakinggan ito ng mga alagad, sila ay namangha at sinabi, "Sino kung gayon ang maaaring maligtas?" 26Tumingin sa kanila si Jesus at sinabi, "Sa mga tao ito ay imposible ngunit sa Diyos, lahat ay posible." 27Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod saiyo. Ano ang makakamtan namin?"
28Sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kayo na sumunod sa akin, sa bagong kapanganakan kapagka ang Anak ng Tao ay uupo na sa trono sa kaniyang kaluwalhatian, kayo rin naman ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labingdalawang mga tribu ng Israel."
29Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan. 30Subalit marami ang nauna ngayon na mahuhuli at marami sa mga nahuhuli ay mauuna.

20

1Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang nagmamay-ari ng lupain, na lumabas ng maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan. 2Pagkatapos niyang makipagsundo sa mga manggagawa sa isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya sila sa kaniyang ubasan.

3Lumabas siya muli sa dakong alas nuwebe noong umagang iyon at nakita niya ang ibang mga manggagawa na nakatayong walang ginagawa sa pamilihan. 4Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta rin kayo sa ubasan, at kung ano ang nararapat sa inyo ay ibibigay ko.' At sila ay pumunta upang magtrabaho.
5Lumabas siyang muli nang mag-aalas dose ng tanghali at muli nang mag-aalas tres ng hapaon, at ganoon din ang ginawa niya. 6At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?' 7Sinabi nila sa kaniya, 'Sapagka't wala ni isang umupa sa amin,' Sinabi niya sa kanila, 'Kayo rin ay pumunta sa ubasan.'
8At nang sumapit ang gabi, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang tagapangasiwa, 'Tawagin ang mga manggagawa at ibigay ang kanilang sahod, mula sa nahuli hanggang sa nauna.' 9At nang ang mga manggagawa na inupahan nang mag-aalas singko ay dumating, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denaryo. 10At nang ang mga naunang manggagawa ay dumating, inisip nila na higit na marami ang kanilang tatanggapin, subalit bawat isa sa kanila ay tumanggap rin ng tig-iisang denaryo.
11At nang matanggap nila ang kanilang mga sahod, sila ay nagreklamo tungkol sa may-ari ng ubasan. 12Sabi nila, 'Ang mga huling manggagawang ito ay isang oras lang na nagtrabaho, ngunit ipinantay mo sila sa amin, sa amin na nagdala ng pasan sa buong araw at sa nakakasunog na init.'
13Subalit sumagot ang may-ari ng ubasan at nagsabi sa isa sa kanila, 'Kaibigan, wala akong nagawang mali sa iyo, Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo? 14Tanggapin mo ang para sa iyo at humayo ka. Kagalakan ko ang magbigay sa mga nahuling mga manggagawa na inupahan katulad ng sa inyo.
15Hindi ba marapat sa akin na gawin kung ano ang nais kong gawin sa aking mga pag-aari?' O ang iyong mata ay masama dahil ako ay mabuti? 16Kaya nga ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna."
17Habang si Jesus ay patungo sa Jerusalem, ang labindalawa ay isinama niya at habang nasa daan sinabi niya sa kanila, 18"Tingnan ninyo, aakyat tayo patungo sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga punong mga pari at mga eskriba. At siya ay hahatulan nila ng kamatayan 19at ibibigay sa mga Gentil upang siya ay kutyain, paluin, at ipako siya sa krus. Ngunit sa ikatlong araw siya ay babangunin.
20At ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo ay pumunta kay Jesus kasama ang kaniyang mga anak. Yumukod siya sa kaniyang harapan at humiling ng isang bagay sa kaniya. 21Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ano ang nais mong hilingin?" Sinabi niya sa kaniya, "Ipag-utos mo na ang aking dalawang anak ay makakaupo sa iyong kaharian, ang isa sa iyong dakong kanang kamay at ang isa naman ay sa iyong dakong kaliwang kamay,."
22Subalit sinagot siya ni Jesus at nagsabi, "Hindi ninyo alam kung ano ang iyong hinihiling. Kaya ba ninyong inumin ang tasa na aking iinumin?" Sinabi nila sa kaniya, "Kaya namin." 23Sinabi niya sa kanila, "Ang aking tasa ay tunay ninyong inumin. Subalit ang pag-upo sa aking dakong kanang kamay at sa aking dakong kaliwang kamay ay hindi sa aking pagpapasya, ngunit ito ay para sa kanila na pinaghandaan ng aking Ama." 24At nang mapakinggan ito ng sampung mga alagad, labis silang hindi nasiyahan sa dalawang magkapatid.
25Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, "Alam ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay nanglulupig sa kanila, at ang mga mahahalagang mga tao sa kanila ay gumagamit ng kapangyarihan upang sundin sila. 26Subalit hindi dapat mangyari ito sa inyo. Sa halip, ang sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo. 27At ang sinumang nagnanais na maging una sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo. 28Katulad ng Anak ng Tao hindi siya naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pangtubos sa marami.
29Habang sila ay paalis mula sa Jerico, napaka-raming tao ang sumunod sa kaniya. 30At nakita nila ang dalawang bulag na lalaki na nakaupo sa daan. Nang marinig nila na si Jesus ay dumaraan, sila ay sumigaw at nagsabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin." 31Subalit sinaway sila ng mga tao, sinabihan sila na tumahimik. Ngunit, lalo silang nagsisisigaw ng malakas at nagsabi, "Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin."
32At huminto si Jesus at tinawag sila at nagsabi, "Ano ang nais ninyong gawin ko sa inyo?" 33Sinabi nila sa kaniya, "Panginoon, na ang aming mga mata ay mabuksan." 34At si Jesus, na nakadama ng pagkahabag, hinipo ang kanilang mga mata. Agad agad ay natanggap nila ang kanilang paningin at sumunod sa kaniya.

21

1Habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay papalapit na sa Jerusalem at dumating sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo, sinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad 2na nagsasabi sa kanila, "Pumunta kayo sa susunod na nayon at makakakita kaagad kayo ng nakataling asno at may kasamang isang batang asno. Kalagan ninyo sila at dalhin sa akin. 3Kung may magsabi sa inyo ng kahit na ano sa inyo tungkol dito sabihin ninyo, 'Kailangan sila ng Panginoon,' at kaagad-agad ipapadala ng taong iyon ang mga iyon sa inyo.

4Ngayon nangyari nga ito upang maganap kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng propeta. Sinabi niya, 5"Sabihin sa anak na babae ng Sion, 'Tingnan mo, ang inyong Hari ay darating sa inyo, mapagpakumbaba at nakasakay sa asno at sa batang asno, ang anak ng asno.
6At ang mga alagad ay nagpunta at ginawa kung ano ang ibinilin sa kanila ni Jesus. 7Dinala nila ang asno at ang batang asno, at inilagay nila ang kanilang mga damit sa kanila, at umupo roon si Jesus. 8Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan, ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga kahoy at inilatag sa daan.
9Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, "Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!" 10Nang makarating si Jesus sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nagkagulo at nagsabi, "Sino ba ito?" 11Ang mga tao ay sumagot, "Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia."
12Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati. 13Sinabi niya sa kanila, "Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw." 14At pumunta sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga lumpo at sila ay pinagaling niya.
15Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, "Hosana sa anak ni David," sila ay lubhang nagalit. 16Sinabi nila sa kaniya, "Narinig mo ba kung ano ang sinasabi ng mga taong ito?" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Oo! Ngunit hindi ba ninyo nababasa, 'Na mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga sumususo pa lamang ay ginawa mong ganap ang papuri'?" 17At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.
18Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya. 19Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, "Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man." Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo.
20At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, "Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?" 21Sumagot at sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay may pananampalataya at hindi mag-alinlangan, hindi lang ninyo magagawa kung ano ang nangyari sa puno ng igos, maaari ninyo ring sabihin sa burol na ito, 'Maiangat ka at maihagis sa dagat,' at ito ay magaganap. 22Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo."
23Nang dumating si Jesus sa templo, pumunta sa kaniya ang mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao habang siya ay nagtuturo at sinabi nila sa kaniya, "Sa anong kapangyarihan ginawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na ito?" 24Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Ako rin ay magtatanong sa inyo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasagutin ko rin kayo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
25Ang bautismo ni Juan--saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?" Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, "Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?' 26Kung sasabihin natin na, 'Galing sa tao,' natatakot tayo sa mga tao, sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang propeta." 27Sumagot sila kay Jesus at nagsabi, "Hindi namin alam." Sinabi rin niya sa kanila, 'Kung gayon hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
28Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,' 29Sumagot ang anak at nagsabi, 'Ayaw ko,' subalit, pagkatapos nito nagbago ang kaniyang isip at pumunta siya. 30At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta.
31Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?" Sabi nila, "Ang nauna." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo. 32Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
33Pakinggan ang isa pang talinghaga. May isang tao na nagmamay-ari ng napakalawak na lupain. Nagtanim ng mga ubas at binakuran niya ito, at naghukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng tore ng bantay, at pinaupahan ito sa mga tagapag-alaga ng ubasan. At siya ay nagtungo sa ibang bayan. 34Nang ang panahon ng pag-aani ng ubasan ay papalapit na, nagpadala siya ng ilan sa kaniyang mga utusan sa mga tagapag-alaga ng ubasan upang kunin ang kaniyang mga ubas.
35Subalit sinunggaban ng mga tagapag-alaga ng ubasan ang kaniyang mga utusan, pinalo ang isa, pinatay ang iba, at binato rin ang iba. 36Minsan pa, ang may ari ay nagpadala ng iba pang mga utusan, mas marami pa sa nauna, subalit ganoon din ang ginawa sa kanila ng mga tagapag-alaga ng ubasan. 37Pagkatapos noon, pinadala ng may-ari ang kaniyang sariling anak sa kanila, na nagsabi, ''Igagalang nila ang aking anak.'
38At nang makita ng mga tagapag-alaga ng ubas ang anak, sinabi nila sa kanilang mga sarili, "Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at angkinin natin ang mana.' 39Kaya kinuha nila siya at itinapon palabas ng ubasan, at pinatay siya.
40Ngayon, kung darating ang may ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga tagapag-alaga ng ubasan?" 41Sinabi nila sa kaniya, "Pupuksain niya sila na tampalasan na mga tao sa mabagsik na pamamaraan at ang ubasan ay pauupahan sa ibang tagapagpangalaga ng ubasan, sa mga taong magbabayad kapag ang ubas ay mahinog na."
42At sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ba ninyo nabasa sa mga kasulatan, 'Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ay naging batong panulukan. Ito ay galing sa Panginoon, at ito ay kamanghamangha sa ating mga mata.'
43Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito. 44Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya."
45Nang napakinggan ng mga punong pari at mga Pariseo ang kaniyang mga talinghaga, nakita nila na ang kaniyang sinasabi ay patungkol sa kanila. 46Subalit sa tuwing naisin nilang dakpin siya, natatakot sila sa mga tao sapagkat tinuturing siya ng mga tao na isang propeta.

22

1At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi, 2"Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki. 3Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta.

4At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, 'Sabihin sa mga naanyayahan, "Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.'
5Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo. 6Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, pinahiya at pinatay sila. 7Subalit nagalit ang hari. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.
8At sinabi niya sa kaniyang mga utusan, 'Ang kasal ay handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat. 9Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan at anyayahan ninyo kung gaano karaming tao ang inyong matatagpuan sa salu-salo sa kasal.' 10At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
11Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan. 12Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
13At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Gapusin ang kamay at paa ng taong ito, at ihagis siya sa kadiliman sa labas, kung saan doon ay may pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.' 14Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili."
15At umalis ang mga Pariseo at nagbalak kung papaanong mabitag nila si Jesus sa kaniyang sariling salita. 16At pinadala nila ang kanilang mga alagad sa kaniya, kasama ang mga tagasunod ni Herodes. Sinabi nila kay Jesus, "Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan, at nagtuturo sa pamamaraan ng Diyos ng may katotohanan. At wala kayong pakialam sa sinasabi nang sinuman, at hindi nagpapakita ng pagtatangi sa mga tao. 17Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?"
18Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, "Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari? 19Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi." Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya.
20At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kaninong mukha at pangalan ang narito?" 21Sinabi nila sa kaniya, "Kay Cesar." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos." 22Nang mapakinggan nila ito, namangha sila. At iniwan nila siya at umalis sila.
23Sa araw na iyon ilan sa mga Saduseo na mga nagsasabi na walang muling pagkabuhay ay pumunta sa kaniya. Tinanong nila siya, 24na nagsasabi, "Guro, sinabi ni Moises na, 'Kung ang tao ay mamatay, na walang anak, kailangang pakasalan ng kapatid niya ang kaniyang asawa at magkaroon ng anak alang-alang sa kaniyang kapatid.'
25Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Ang panganay ay nag-asawa at namatay, at hindi nagkaanak. Iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalaki. 26At ang pangalawang kapatid na lalaki gayon din ang ginawa niya, at ang pangatlo, hanggang sa pampitong kapatid na lalaki. 27Pagkatapos nilang lahat, namatay din ang babae. 28Ngayon sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya sa pitong magkakapatid? Sapagkat siya ay naging asawa nilang lahat."
29Subalit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos. 30Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa, o pag-aasawahin. Sa halip, sila ay katulad ng mga anghel sa langit.
31Ngunit tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nababasa kung ano ang sinabi sa inyo ng Diyos, na nagsasabi, 32'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob'? "Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kung hindi ng mga buhay." 33Nang mapakinggan ito ng mga tao, sila ay namangha sa kaniyang katuruan.
34Subalit nang mapakinggan ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, nagtipuntipon sila. 35Isa sa kanila na isang abogado ay nagtanong sa kaniya ng isang katanungan, upang subukin siya-- 36"Guro, alin ba ang pinakadakilang utos sa kautusan?"
37Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.' 38Ito ang dakila at unang kauutusan.
39At ang pangalawang kautusan ay katulad nito-- 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.' 40Dito sa dalawang mga kautusang ito nakasalalay ang buong kautusan at ang mga propeta."
41Ngayon habang ang mga Pariseo ay nagkakatipon pa rin, si Jesus ay nagtanong sa kanila ng katanungan. 42Sinabi niya, "Ano ang iniisip ninyo tungkol kay Cristo? Kaninong anak siya?" Sinabi nila sa kaniya, "Ang anak ni David."
43Sinabi ni Jesus sa kanila, "Papaanong si David sa Espiritu ay tumawag sa kaniyang Panginoon, na nagsabi, 44'Ang Panginoon ay nagsabi sa aking Panginoon, "Umupo ka sa dako ng aking kanang kamay, hanggang ang iyong mga kaaway ay maging tungtungan ng iyong mga paa."'?"
45Kung si David nga ay tinawag niya ang Cristo na 'Panginoon', paano siya naging anak ni David?" 46Walang kahit isa na makasagot sa kaniya ng isang salita, at mula sa araw na iyon walang sinumang sumubok pang magtanong sa kaniya.

23

1Pagkatapos nito, nagsalita si Jesus sa maraming tao at sa kaniyang mga alagad. 2Sinabi niya, "Ang mga eskriba at mga Pariseo ay umuupo sa upuan ni Moises. 3Kaya kung ano man ang iutos nila na gawin ninyo, gawin at sundin ninyo ang mga bagay na ito. Ngunit huwag ninyong tularan ang mga gawa nila, dahil nagsasabi sila ngunit hindi naman nila ginagawa.

4Totoo nga, nagbibigkis sila ng mga mabibigat na mga pasanin na mahirap dalhin, at ipinapasan nila sa balikat ng mga tao. Ngunit sila mismo ay hindi gagalaw ng iisang daliri upang buhatin nila ang mga ito. 5Lahat ng mga gawa nila, ginawa nila upang makita ng mga tao. Sapagkat pinapalawak nila ang mga pilakterya nila at pinalalaki nila ang mga laylayan ng kanilang mga damit.
6Gusto nilang umupo sa mga pangunahing lugar ng mga pista at sa mga pangunahing upuan sa sinagoga, 7at mga natatanging pagbati sa mga pamilihan at tawagin silang, " Rabi" ng mga tao.
8Ngunit hindi kayo dapat tawagin na 'Rabi', sapagkat iisa lang ang guro ninyo, at lahat kayo ay magkakapatid. 9At huwag ninyong tawagin na ama ang kahit sinuman sa lupa dahil iisa lang ang inyong Ama at siya ay nasa langit. 10At hindi rin dapat kayong tawagin na 'guro' dahil iisa lang ang inyong guro, ang Cristo.
11Ngunit ang pinakadakila sa inyo ay siyang maging tagapaglingkod sa inyo. 12Kung sinuman ang nagtataas sa kaniyang sarili ay ibababa. At kung sinumang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay itataas.
13Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinarhan ninyo ang kaharian ng langit sa mga tao. Kayo nga mismo ay hindi pumapasok at hindi rin ninyo pinayagan yung ibang papasok pa lamang. 14(Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaeng balo habang nagpapakita kayo ng mahabang panalangin.) 15Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalakbay ninyo ang karagatan at lupain upang makahikayat ng isang mananampalataya. At kung maging mananampalataya na siya, dalawang beses ninyo siyang ginawang anak ng impyerno na katulad ninyo mismo.
16Aba kayo, kayong mga bulag na tagapaggabay, kayo na nagsasabi, 'Kung ipanumpa ng ninuman ang templo, balewala lang iyon. Ngunit kung ipanumpa ninuman ang ginto sa templo, nakagapos siya sa kaniyang panunumpa.' 17Kayong mga hangal na bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang ginto o ang templo kung saan iniaalay ang ginto sa Diyos?
18At, 'Kung ipanumpa ninuman ang altar, balewala lang iyon. Subalit kung ipanumpa ninuman ang handog na nasa altar, nakagapos siya sa kaniyang panunumpa.' 19Kayong mga bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang kaloob o ang altar kung saan iniaalay ang kaloob sa Diyos?
20Kaya kung ipanumpa ninuman ang altar, ipanumpa niya ito at ang lahat ng mga naroon. 21At kung ipanumpa ninuman ang templo, ipanumpa niya ito at sa kaniya na nakatira doon. 22At kung ipanumpa ninuman ang langit, ipanumpa niya ang trono ng Diyos at sa kaniya na nakaupo roon.
23Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng mga yerbabuena, anis at kumin, ngunit hindi ninyo ginagawa ang mas mahalagang mga bagay tungkol sa batas - katarungan, kahabagan at pananampalataya. Subalit dapat sanang gawin ninyo ang mga ito at huwag pabayaang gawin ang iba. 24Kayong mga bulag na tagagabay, kayong mga nagsasala ng mga niknik ngunit nilulunok ang kamelyo!
25Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit sa loob puno ang mga ito ng pangingikil at kalabisan. 26Ikaw bulag na Pariseo, linisin mo muna ang loob ng tasa at pinggan upang ang labas ay magiging malinis din.
27Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat tulad kayo ng mga mapuputing puntod na nilinis na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at lahat ng karumihan. 28Gayon din, kayo rin sa panlabas ay matuwid sa paningin ng mga tao, ngunit sa loob ay puno kayo ng pagkukunwari at mga katampalasanan.
29Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat gumagawa kayo ng mga puntod ng mga propeta at pinalamutian ang mga puntod ng mga matuwid. 30Sinasabi ninyo na, 'Kung nabuhay kami sa kapanahunan ng aming mga ama, hindi kami sasali sa pag-ula ng dugo ng mga propeta.' 31Sa gayon kayo mismo ang nagpapatotoo na kayo ay mga anak ng mga pumatay sa mga propeta.
32Pinupuno rin ninyo ang mga kota ng kasalanan ng inyong mga ama. 33Kayong mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang hatol sa impyerno?
34Kaya, tingnan ninyo, magsusugo ako ng mga propeta, mga pantas, at mga eskriba. Ang iba sa kanila ay papatayin ninyo at ipapako sa krus. At yung iba sa kanila hahagupitin ninyo sa mga sinagoga ninyo at hahabulin ninyo sila saang lungsod man sila. 35Ang kalabasan ay mapapasainyo ang lahat ng mga dugo ng mga matuwid na inula sa lupa, mula sa dugo ni Abel na matuwid hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa gitna ng santuwaryo at altar. 36Katotohanang sinasabi ko sa inyo, lahat ng mga ito ay mangyayari sa salin-lahing ito.
37Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon! 38Tingnan ninyo, maiwan na sa inyo ang bahay ninyo na napabayaan. 39Sapagkat sasabihin ko sa inyo, Magmula ngayon hindi na ninyo ako makikita hanggang sa sasabihin ninyong, "Pinagpala ang darating sa pangalan ng Panginoon."

24

1Lumabas si Jesus mula sa templo at nagpatuloy sa kaniyang pupuntahan. Nilapitan siya ng mga alagad niya upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo. 2Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga ito? Totoo itong sinasabi ko sa inyo, wala ni isa mang bato na maiiwang nakapatong sa isa pang bato na hindi guguho."

3Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, "Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?" 4Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, "Mag-ingat kayo na walang makahikayat sa inyo na mailigaw kayo. 5Sapagkat marami ang paririto sa aking pangalan. Sasabihin nila, 'Ako ang Cristo,' at marami ang maililigaw.
6Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga balita tungkol sa digmaan. Tingnan ninyo na hindi kayo mababalisa, sapagkat kailangang mangyari ang mga ito; ngunit hindi pa ito ang katapusan. 7Sapagkat lalabanan ng isang bansa ang kapwa bansa, at kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga taggutom at mga lindol sa iba't ibang mga lugar. 8Ngunit lahat ng mga ito ay simula pa lamang ng sakit ng paghilab ng babaeng manganganak.
9Pagkatapos nito, dadalhin nila kayo sa kapighatian at papatayin kayo. Kasusuklaman kayo ng lahat ng mga bansa ng dahil sa pangalan ko. 10At marami ang matitisod at ipagkanulo nila ang isa't isa, at kasusuklaman nila ang isa't isa. 11Marami ang lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw nila ang marami.
12Dahil lalaganap ang katampalasanan, ang pag-ibig ng karamihan ay lalamig. 13Ngunit kung sino ang makapagtitiis hanggang sa katapusan, siya ang maliligtas. 14Itong ebanghelyo ng kaharian ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa. At pagkatapos nito darating na ang katapusan.
15Kaya, kapag makita na ninyo ang kasuklamsuklam na kalagiman, na sinabi ng propetang si Daniel, na nakatayo na sa banal na lugar (unawain ito ng nagbabasa), 16kailangang tumakas silang mga nasa Judea patungo sa kabundukan, 17iyong nasa taas ng kanilang bahay huwag nang bumaba upang kumuha ng anumang nasa bahay, 18at iyong nasa bukid huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
19Ngunit aba sila na mga nagdadalang tao at ang mga nagpapasuso ng mga anak nila sa panahong iyon! 20Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21Sapagkat magkaroon ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula pa sa simula ng mundo hanggang ngayon, hindi, hindi na muling mangyayari kailanpaman. 22Maliban na lamang kung paiikliin ang mga araw na iyon, wala ni isa mang laman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiikliin.
23Kaya kung mayroong magsasabi sa inyo na, ''Tingnan ninyo, narito ang Cristo!' o 'Nariyan ang Cristo!' huwag ninyong paniwalaan. 24Sapagkat darating ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta at magpapakita ng kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan, upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang. 25Tingnan ninyo, ipinagpauna ko ng sabihin ito sa inyo.
26Kaya kapag pagsinasabi nila sa inyo, 'Tingnan ninyo, ang Cristo ay nasa sa ilang', huwag kayong pumunta sa ilang. O, 'Tingnan ninyo, siya ay nasa loobang silid, huwag ninyong paniwalaan ito. 27Sapagkat katulad ng pagliwanag ng kidlat galing sa silangan at pagkislap nito sa kanluran, ganoon din ang pagdating ng Anak ng Tao. 28Kung saan man naroroon ang patay na hayop, doon din magtitipon ang mga buwitre.
29Ngunit agad-agad pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim, hindi na magliwanag ang buwan, malalaglag ang mga bituin mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.
30Pagkatapos nito, ang palatandaan ng Anak ng Tao ay lilitaw sa himpapawid, at kakabugin ng lahat ng mga tribu ang kanilang mga dibdib. Makikita nila ang Anak ng Tao na darating mula sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 31Susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta, at titipunin nila ang lahat ng kaniyang hinirang mula sa apat na mga hangin, mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabilang dulo.
32Pag-aralan ninyo ang aral mula sa puno ng igos. Kapag nananariwa na ang mga sanga at nagdadahon na ito, alam na ninyo na malapit na ang tag-araw. 33Gayun din naman, kung makikita ninyo ang lahat ng mga ito, dapat malaman ninyo na malapit na siya, nasa tarangkahan na.
34Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang salinlahing ito ay hindi lilipas hanggang mangyari ang lahat ng ito. 35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.
36Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon, walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, ni ang Anak, tanging ang Ama lamang.
37Katulad sa kapanahunan ni Noe, ganoon din ang pagparito ng Anak ng Diyos. 38Dahil katulad sa mga araw bago ang baha, sila ay nagkainan at nag-inuman, nag-aasawa at pinahintulutan ang mga anak nila na mag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa arka, 39at wala silang kaalam-alam hanggang sa dumating ang baha at kinuha silang lahat--ganoon din sa pagparito ng Anak ng Tao.
40Sa panahong iyon ay may dalawang tao na nasa bukid — ang isa ay kukunin at ang isa naman ay maiiwan. 41Dalawang babae ang naggigiling sa gilingan — ang isa ay kukunin at ang isa naman ay maiiwanan. 42Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.
43Ngunit alamin ninyo ito, kung alam lang sana ng amo ng tahanan kung anong oras darating ang magnanakaw, nagbantay sana siya at hindi niya hinayaang mapasukan ang kaniyang bahay. 44Kaya kailangang maghanda kayo, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.
45Kaya sino ang matapat, matalino na utusan na pinagkatiwalaan ng kaniyang amo sa kaniyang sambahayan, upang magbigay ng kanilang pagkain sa tamang panahon? 46Pinagpala ang utusan na iyon, na maratnan ng kaniyang among gumagawa nito sa kaniyang pagdating. 47Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ipamamahala ng amo sa kaniya ang lahat ng kaniyang ari-arian.
48Ngunit kung may masamang utusan na magsasabi sa puso niya, 'Naantala ang aking amo,' 49at nagsimulang mamalo ng kapwa niyang utusan, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasingero, 50darating ang amo ng bahay na iyon sa araw na hindi inaasahan ng utusan, sa oras na hindi niya alam. 51Hahatiin siya sa dalawa ng kaniyang amo at gagawin ang kaniyang kapalaran katulad ng sasapitin ng mga mapagkunwari, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.

25

1Ang kaharian ng langit ay magiging katulad ng sampung birhen na nagdala ng kanilang mga ilawan at pumuntang sumalubong sa lalaking ikakasal. 2Ang lima sa kanila ay hangal at ang lima ay matatalino. 3Sapagkat noong dinala ng limang hangal na birhen ang kanilang mga ilawan, hindi sila nagdala ng karagdagang langis. 4Ngunit yung limang matatalinong birhen ay nagdala ng mga langis sa lalagyan kasama ng kanilang ilawan.

5Ngayon habang naantala ang lalaking ikakasal, lahat sila ay inantok at nakatulog. 6Ngunit noong hating gabi na ay may sumigaw, 'Tingnan ninyo ang lalaking ikakasal! Pumunta na kayo at salubungin siya.'
7Kaya't tumayo ang lahat ng mga birhen at inayos ang kanilang mga ilawan. 8Sabi ng mga hangal sa mga matatalino, 'Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat nauubusan na ang aming ilawan.' 9Ngunit sumagot at sinabi ng mga matatalino, 'Dahil hindi na sapat ang mga ito para sa amin at sa inyo, pumunta nalang kayo doon sa mga nagbebenta at bumili kayo para sa inyong mga sarili.'
10Habang umalis sila upang bumili, dumating ang lalaking ikakasal at ang mga nakahanda na ay sumama sa kaniya sa handaan ng kasal at isinara ang pintuan. 11Pagkatapos nito ang ibang mga birhen ay dumating din at nagsabi, 'Panginoon, panginoon, pagbuksan ninyo kami.' 12Ngunit sumagot siya at nagsabi, 'Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala.' 13Kaya kailangan kayong magbantay, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.
14Sapagkat ito ay katulad ng isang taong maglalakbay sa ibang bansa. Tinawag niya ang sarili niyang mga utusan at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang kayamanan. 15Ang isa sa kanila ay binigyan niya ng limang talento, ang isa naman ay binigyan niya ng dalawa at ang isa naman ay binigyan niya ng isang talento. Nakatanggap ang bawat isa ayon sa kaniya-kaniyang kakayahan, at ang taong iyon ay pumunta sa kaniyang paglalakbay. 16Agad-agad ang nakatanggap ng limang talento ay umalis at ipinuhunan niya ang mga ito at nagkaroon pa siya ng limang talento.
17Ganoon din ang nakatanggap ng dalawang talento, nagkaroon din ng dalawa pa. 18Ngunit ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay umalis, naghukay sa lupa at itinago ang pera ng kaniyang amo.
19Pagkalipas ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga utusan at nakipagsulit sa kanila. 20Dumating ang utusan na nakatanggap ng limang talento at nagdala ng lima pang talento, at sinabi niya, "Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng lima pang talento.' 21Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
22Dumating din ang utusan na nakatanggap ng dalawang talento, at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng dalawa pang talento.' 23Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
24Pagkatapos nito, ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay dumating at nagsabi, 'Panginoon, alam ko na mahigpit kang tao. Gumagapas ka kung saan hindi ka nagtanim, at umaani kung saan hindi ka naghasik. 25Natakot ako, kaya ako ay umalis at itinago ko ang inyong talento sa lupa. Tingnan mo, nandito ang pagmamay-ari mo.'
26Ngunit sumagot ang kaniyang amo at sinabi sa kaniya, 'Ikaw na masama at tamad na utusan, alam mo naman na gumagapas ako kung saan hindi ako nagtanim at umaani kung saan hindi ako naghasik. 27Kaya ibinigay mo sana ang pera ko sa mga tagabangko, upang sa aking pagdating natanggap ko na may tubo ang aking pera.
28Kaya kunin ninyo ang talento sa kaniya at ibigay ninyo doon sa mayroong sampung talento. 29Sapagkat kung sinuman ang mayroon, mas marami pa ang ibibigay — mas masagana pa. Subalit kung sino ang walang pagmamay-ari, kahit ang nasa sa kaniya ay kukunin pa. 30Itapon ang walang silbing utusan sa kadiliman sa labas, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.
31Pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian at kasama ang lahat ng kaniyang mga anghel, uupo siya sa kaniyang marangal na trono. 32Sa harap niya magtitipon ang lahat ng mga bansa, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa't isa, katulad ng pastol na hinihiwalay ang tupa at kambing. 33Ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
34At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, pinagpala kayo ng aking Ama, mamanahin ninyo ang kaharian na inihanda para sa inyo mula pa noong likhain ang mundo. 35Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako; 36ako ay hubad at dinamitan ninyo ako, ako ay may sakit at inalagaan ninyo ako; ako ay nasa kulungan at pinuntahan ninyo ako.
37At sasagot ang mga matuwid at sasabihin, 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain, o nauhaw at binigyan ng inumin? 38at kailan ka namin nakitang dayuhan at pinatuloy ka? O hubad at dinamitan? 39At kailan ka namin nakita na may sakit, o nakulong at pinuntahan ka namin?' 40At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung ano man ang nagawa ninyo sa mga hamak kong kapatid dito, ginawa ninyo ito sa akin.'
41At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel, 42sapagkat ako ay nagutom ngunit hindi ninyo ako binigyan ng pagkain; nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng inumin; 43ako ay isang dayuhan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy, hubo't hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan, may sakit at nasa kulungan, ngunit hindi ninyo ako inalagaan.
44At sasagot din sila at sasabihin, "Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa kulungan, at hindi kayo pinaglingkuran?' 45At sasagot siya sa kanila at magsabi, 'Totoo itong sasabihin ko sa inyo, anumang hindi ninyo ginawa sa mga pinakahamak na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' 46Ang mga ito ay pupunta sa walang katapusang parusa ngunit ang matuwid, sa buhay na walang hanggan."

26

1At nangyari nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 2"Alam ninyo na pagkalipas ng dalawang araw darating ang Paskua, at ang Anak ng Tao ay ibibigay upang maipako sa krus".

3At ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ng mga tao ay nagkatipun-tipon sa palasyo ng pinakapunong pari na nagngangalang si Caifas.   4Nagsabwatan sila na hulihin si Jesus ng panakaw at patayin.   5Sapagkat sinasabi nila, "Hindi sa araw ng pista, upang hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao.
6Ngayon, habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,   7habang siya ay nakasandal sa mesa, may babae na lumapit sa kaniya na may dalang isang sisidlang alabastro ng mamahaling pabango, at ibinuhos niya ito sa kaniyang ulo.   8Subalit ng makita ng kaniyang mga alagad ito, sila'y nagalit at sinabi, "Anong dahilan sa pag-aaksayang ito? 9Maaari sana itong ipagbili ng malaking halaga at ipamimigay sa dukha."
10Ngunit si Jesus, na nalalaman ito, sinabi sa kanila, "Bakit ninyo binabagabag ang babaing ito? Sapagkat gumagawa siya ng napakabuting bagay sa akin. 11Nasa inyo palagi ang mga dukha, subalit hindi ninyo ako makakasama palagi.
12Sapagkat nang binuhos niya itong pabango sa aking katawan, ginawa niya ito para sa aking paglilibing. 13Totoo itong sinasabi ko sa inyo, saan man ipangaral ang magandang balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay ipagsasabi din sa pag-alala sa kaniya."
14At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari  15at sinabi, "Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?" At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.   16Mula ng panahong iyon humanap siya ng pagkakataon upang ibigay siya sa kanila.
17Ngayon sa unang araw ng tinapay na walang pampaalsa, nagsilapit ang mga alagad kay Jesus at nagsabi, "Saan mo nais na tayo ay maghanda upang iyong kainin ang pagkain ng Paskwa?"  18Sinabi niya, "Pumunta kayo sa lungsod sa isang tao roon at sabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng Guro, "Ang panahon ko ay malapit na. Gaganapin ko ang Paskwa sa inyong bahay kasama ng aking mga alagad.""'  19Ginawa ng mga alagad kung ano ang ipinag-utos ni Jesus sa kanila, at inihanda nila ang pagkain ng Paskwa.
20Nang sumapit ang gabi, umupo siya upang kumain kasama ang mga labingdalawang alagad.   21Habang sila'y kumakain, sinabi niya, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo."  22At sila'y lubhang nalungkot, at ang bawat isa ay nagsimulang nagsipagtanong sa kaniya, "Tiyak na hindi ako, Panginoon?"
23Sumagot siya, "Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.   24Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak."  25Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya ay nagsabi, "Ako ba, Rabi?" Sinabi niya sa kaniya. "Ikaw mismo ang nagsabi."
26Habang sila'y kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay, ipinagpasalamat ito, at pinagputol-putol. Binigay niya ito sa kaniyang mga alagad at sinabi, "Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay ang aking katawan."
27Kumuha siya ng kopa at nagpasalamat, at ibinigay ito sa kanila at sinabi, "Inumin ninyo ito, kayong lahat.   28Sapagkat ito ay ang aking dugo ng kasunduan na ibinuhos para sa marami para sa ikapapatawad ng mga kasalanan.   29Subalit sasabihin ko sa inyo, buhat ngayon hindi na ako muling iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na ako ay iinom nito ng panibago kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama."
30At pagka-awit nila ng isang himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.   31At sinabi ni Jesus sa kanila, "Lahat kayo ay aalis ngayong gabi nang dahil sa akin, sapagkat ito ay nasusulat, 'Hahampasin ko ang pastol ng tupa at ang mga tupa ng kawan ay maikakalat.'  32Ngunit pagkatapos nang aking pagkabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea."
33Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit ang lahat ay aalis dahil sa iyo, ako ay hinding-hindi aalis."  34Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Totoo itong sinasabi ko sa inyo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako ng tatlong beses."  35Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit ako ay mamatay, hindi kita ikakaila." At ganoon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
36Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, "Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin."  37Sinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang nalungkot at nabagabag.   38At sinabi niya sa kanila, "Ang kaluluwa ko ay lubha na namimighati, maging sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay kasama ko."
39Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, "Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo." 40Lumapit siya sa mga alagad at sila'y kaniyang nadatnang natutulog at sinabi niya kay Pedro, "Ano, hindi ba ninyo kayang magbantay kasama ko ng isang oras?   41Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina."
42Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, "Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap."  43At siya'y nagbalik muli at nakita silang natutulog, sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata.   44At muli niya silang iniwan at siya'y umalis. Nanalangin siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi ang ganoon ding mga salita.
45Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Natutulog pa rin ba kayo at namamahinga? Tingnan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.   46Tumindig kayo, aalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang magkanulo sa akin."
47Habang siya'y nagsasalita, si Judas na isa sa Labingdalawa ay dumating. Kasama niya ang napakaraming tao na mula sa mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao. Dumating sila na may dalang mga espada at mga pamalo.   48Ngayon ang tao na magkanulo kay Jesus ay nagbigay ng hudyat sa kanila na nagsasabi, "Kung sinuman ang aking hahalikan, siya na iyon. Sunggaban siya."
49Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, "Binabati kita, Rabi" At hinalikan niya siya. 50Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kaibigan, gawin mo kung ano ang ipinunta mo dito." Pagkatapos, nagsidatingan sila at hinawakan si Jesus, at sinunggaban siya.
51Masdan ito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay inunat ang kaniyang kamay at hinugot ang kaniyang espada at tinapyas ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kaniyang tainga.   52Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ibalik mo ang espada sa kaniyang kaluban, sapagkat ang lahat ng gagamit ng espada ay masasawi sa pamamagitan din ng espada.   53Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel? 54Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?"
55Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, "Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli.   56Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad." At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.
57Ang mga humuli kay Jesus ang nagdala sa kaniya sa pinakapunong pari na si Caifas, kung saan ang mga eskriba at mga nakatatanda ay nagkatipun-tipon. 58Ngunit sumunod si Pedro sa kaniya na may kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Pumunta siya sa loob at umupo kasama ng mga tagapagbantay upang makita ang kahihinatnan.
59Ngayon, ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng maling patotoo laban kay Jesus, upang siya'y kanilang mapatay.   60Ngunit wala silang mahanap na kahit ano, bagamat maraming maling mga saksi ang nagsilapit. Ngunit mayamaya may dalawang lumapit  61at sinabi, "Sinabi ng taong ito, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muling maipatayo sa loob ng tatlong araw."'
62Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi sa kaniya, "Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinapatotoo nila laban sa iyo?   63Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, "Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos.   64Si Jesus ay sumagot sa kaniya, "Ikaw na mismo ang nagsabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo, magmula ngayon ay inyo nang makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa mga ulap ng langit."
65At pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga damit at nagsabi, "Siya ay nagsalita ng kalapastangan! Bakit kailangan pa natin ang mga saksi? Ngayon inyo nang narinig ang kalapastangan.   66Ano sa tingin ninyo?" Sumagot sila at nagsabi, "Siya'y karapatdapat na mamatay."
67At dinuraan nila siya sa mukha at pinagsusuntok at pinagsasampal 68at sinabi, "Hulaan mo sa amin, ikaw na Cristo. Sino sa amin ang humampas sa iyo?"
69Ngayon si Pedro ay nakaupo sa labas ng patyo at isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at sinabi, "Kasama ka din ni Jesus na taga-Galilea." 70Ngunit ikinaila niya ito sa harap nilang lahat, na sinasabi, "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."
71Nang siya ay lumabas sa isang tarangkahan, isa pang utusang babae ang nakakita sa kaniya at sinabi sa mga nandoon, "Ang taong ito ay kasama din ni Jesus na taga-Nazaret."  72At muli niyang ikinaila na may sumpa, "Hindi ko kilala ang lalaking iyan."
73At pagkalipas ng ilang sandali ay lumapit kay Pedro ang mga nakatayo doon at sinabi, "Tiyak na ikaw rin ay isa sa kanila, sapagkat halatang-halata ka sa iyong pananalita."  74Pagkatapos nito, nagsimula siyang magsalita ng masama at nanumpang, "Hindi ko kilala ang lalaking iyan," at agad-agad tumilaok ang tandang.   75At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus na, "Bago tumilaok ang tandang ikakaila mo ako nga tatlong beses." At siya'y lumabas at labis na umiyak.

27

1Ngayon, nang dumating na ang umaga, ang lahat ng mga punong pari, at mga nakatatanda ng mga tao ay nagsabwatan laban kay Jesus upang siya ay patayin. 2Siya ay ginapos nila at dinala palabas at ibinigay kay Pilato na gobernador.

3Pagkatapos nang si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakitang nahatulan si Jesus, siya ay nagsisisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at mga nakatatanda, 4at sinabi, "Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan." Ngunit sinabi nila, "Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili." 5At kaniyang itinapon pababa ang tatlumpung piraso ng pilak sa templo, at umalis, at pumunta sa labas at siya ay nagbigti.
6At kinuha ng mga punong pari ang tatlumpung piraso ng pilak at sinabi, "Labag sa kautusan na ilagay ito sa kaban ng yaman, sapagkat ito ay kabayaran ng dugo." 7Sama-sama nilang pinag-usapan ang bagay na ito at ang salapi ay ipinambili ng Bukid ng Magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan.   8At dahil dito ang bukid na iyon ay tinawag na, "Ang bukid ng dugo" magpa-hanggang ngayon.
9At ang sinabi ni Jeremias na propeta ay natupad, na nagsasabi, "Kinuha nila ang tatlumpung piraso ng pilak, ang halaga na inilaan sa kaniya ng mga tao ng Israel,   10at ibinigay nila ito para sa Bukid ng Magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon."
11Ngayon, nakatayo si Jesus sa harap ng gobernador, at tinanong siya ng gobernador, "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?" Sumagot si Jesus sa kaniya, "Ikaw na ang nagsabi."  12Ngunit nang siya ay paratangan ng mga punong pari at mga nakatatanda, hindi siya sumagot ng kahit ano.   13At sinabi ni Pilato sa kaniya, "Hindi mo ba naririnig ang mga paratang laban sa iyo?" 14Ngunit hindi siya sumagot ng kahit isang salita, kaya ang gobernador ay labis na namangha.
15Ngayon, sa kapistahan nakaugalian na ng gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na napili ng mga tao.   16At sa panahon na iyon mayroon silang pusakal na bilanggo na ang pangalan ay si Barabas.
17At nang sila ay nagkatipun-tipon, sinabi sa kanila ni Pilato, "Sino ang gusto ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?" 18Dahil alam niya na ipinasakamay siya ng mga ito dahil sa inggit.   19Habang siya ay nakaupo sa upuan ng hukuman, ang kaniyang asawa ay nagpadala ng pasabi sa kaniya na nagsabi, "Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan. Sapagkat labis akong pinahirapan ngayon sa panaginip tungkol sa kaniya."
20Ngayon, ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ay hinikayat ang mga tao upang hilingin si Barabas, at si Jesus ay patayin. 21At tinanong sila ng gobernador, "Sino sa dalawang ito ang nais ninyong pakawalan ko?" Sinabi nila, si Barabas." 22At sinabi ni Pilato sa kanila, "Ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?" Sumagot silang lahat, "Ipako siya sa krus."
23At sinabi niya, "Bakit, ano ang krimen na kaniyang nagawa?" Ngunit sila ay sumigaw pa ng mas malakas, "Ipako siya sa krus."  24At nang nakita ni Pilato na wala siyang magagawa, dahil nagsimula na ang kaguluhan, kumuha siya ng tubig, naghugas siya ng kamay sa harapan ng maraming tao, at sinabi, "Wala na akong pananagutan sa dugo sa matuwid na taong ito. Kayo na ang bahala niyan."
25Ang lahat ng mga tao ay nagsabi, "Nawa'y mapasaamin at sa aming mga anak ang kaniyang dugo."  26Pagkatapos ay pinakawalan niya si Barabas sa kanila, ngunit hinampas niya si Jesus at ipinasakamay niya upang mapako sa krus.
27Pagkatapos, dinala ng mga kawal ng gobernador si Jesus sa pretorio at tinipon ang buong pulutong ng mga kawal.   28At hinubaran nila siya at nilagyan ng pulang pula na balabal.   29At gumawa sila ng koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo, at naglagay ng tungkod sa kaniyang kanang kamay. Sila ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at kinutya siya, at nagsabi, "Sambahin, ang Hari ng mga Judio!"
30At siya ay dinuraan nila, at kinuha nila ang tungkod at hinampas siya sa ulo.   31Pagkatapos nilang kutyain siya, tinanggal nila ang kaniyang balabal at isinuot sa kaniya ang sarili niyang damit, at inilabas nila siya upang ipako siya sa krus.
32Habang sila ay lumalabas, nakakita sila ng taong taga Cirene na nagngangalang Simon, na kanilang pinilit na sumama sa kanila upang pasanin niya ang kaniyang krus.   33At sila ay nakarating sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay, "Lugar ng mga Bungo."  34At siya ay binigyan ng alak na may halong apdo. Ngunit nang matikman niya ito, ayaw niya itong inumin.
35Nang siya ay ipinako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kaniyang mga kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran.   36At sila ay nagsiupo at binantayan siya. 37Sa itaas ng kaniyang ulo ay nilagyan nila ng sakdal laban sa kaniya na nagsasabi, "Ito ay si Jesus, ang Hari ng mga Judio."
38May dalawang magnanakaw na naipako sa krus na kasama niya, ang isa ay sa kaniyang kanan at ang isa ay sa kaniyang kaliwa.   39At hinamak siya ng mga dumaan, at iniling ang kanilang mga ulo  40at nagsasabi, "Ikaw na sisira ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka riyan sa krus!"
41Sa ganoon ding paraan kinutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba at mga nakatatanda, at sinabi,   42Siya'y nagligtas ng iba, ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Siya ay Hari ng Israel. Hayaan mo siyang bumaba mula sa krus at tayo ay maniniwala na sa kaniya.
43Nagtiwala siya sa Diyos. Iligtas siya ng Diyos ngayon kung nais niya, dahil sinabi niya, 'Ako ay Anak ng Diyos. ’  44At ang mga magnanakaw na kasama niyang naipako sa krus ay nagsalita din ng katulad na panlalait sa kaniya.
45Ngayon, mula sa tanghaling tapat dumilim ang buong paligid hanggang sa alas tres ng hapon.   46At dakong alas tres ng hapon, sumigaw si Cristo na may malakas na tinig at sinabi, "Eli, Eli, lama sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"  47Nang ang ilan sa mga nakatayo doon ay nakarinig nito, sinabi nila, "Tinatawag niya si Elias."
48Agad-agad ang isa sa kanila ay tumakbo at kumuha ng spongha, pinuno ito ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng tungkod at ibinigay ito sa kaniya upang inumin.   49At ang iba sa kanila ay nagsabi, "Hayaan ninyo siya. Tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya."  50Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu.
51Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.   52At ang mga libingan ay nabuksan, at ang katawan ng mga banal na tao na nakatulog ay bumangon. 53At lumabas sila mula sa mga libingan pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay, pumasok sa banal na lungsod, at nagpakita sa marami.
54Ngayon nang masaksihan ng kapitan ng kawal at ng mga nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, lubha silang natakot at nagsabi, "Tunay na Anak siya ng Diyos."  55At maraming mga kababaihan na sumunod kay Jesus mula sa Galilea upang mag-aruga sa kaniya ay naroon at nakatinggin sa di kalayuan.   56Kabilang sa kanila ay si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo.
57Nang sumapit ang gabi, may dumating na mayamang tao na taga-Arimatea na nagngangalang Jose, na isa ding alagad ni Jesus.   58Kinausap niya si Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus. Pagkatapos nito nag-utos si Pilato na ibigay ito sa kaniya.
59Kinuha ni Jose ang katawan, binalot ito ng malinis na lino,   60at hinimlay niya ito sa kaniyang bagong libingan na kaniyang inuka sa bato. Pagkatapos, pinagulong ang malaking bato at ipinangtakip sa pinto ng libingan at umalis.   61Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon, nakaupo sa tapat ng libingan.
62Sa sumunod na araw, na ang araw matapos ang Paghahanda, ang mga punong pari at ang mga Pariseo ay nagkatipun-tipon kasama ni Pilato.   63At sinabi nila, "Ginoo, naalala namin noong nabubuhay pa ang mapanlinlang, sinabi niya, 'Pagkatapos ng tatlong araw ako ay muling mabubuhay.'  64Kaya iutos mo na ang libingan ay mabantayang mabuti hanggang sa ikatlong araw. Kung hindi maaring pumunta ang kaniyang mga alagad at nakawin siya at sasabihin sa mga tao, 'Nabuhay siya mula sa mga patay.' At ang huling panlilinlang ay malala pa sa nauna."
65Sinabi ni Pilato sa kanila, "Magdala kayo ng tagapagbantay. Pumunta kayo at tiyakin ninyong ligtas hanggang sa kaya ninyo."  66Kaya pumunta sila at siniguradong ligtas ang libingan, sinelyohan ang bato at naglagay ng tagapagbantay.

28

1Nang matapos na ang araw ng Pamamahinga at magsimulang magbukang liwayway sa unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang libingan. 2Masdan ito, may malakas na lindol, dahil bumaba mula langit ang anghel ng Panginoon, dumating at ginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.

3Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang kasuotan ay kasing puti ng niyebe.   4At nayanig ng takot ang mga tagapagbantay at naging tulad ng patay na mga tao.
5Kinausap ng anghel ang mga babae at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot, dahil alam kong hinanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.   6Wala na siya dito, ngunit bumangon na katulad ng kaniyang sinabi. Halikayo tingnan ang lugar na hinimlayan ng Panginoon. 7Pumunta kayo kaagad at sabihin sa kaniyang mga alagad, 'Siya ay bumangon na mula sa mga patay. Makinig kayo, siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. At doon makikita ninyo siya.' Makinig kayo, nasabi ko na sa inyo."
8At kaagad na umalis ang mga babae sa libingan na may takot at malaking tuwa at nagsitakbo upang sabihin sa mga alagad.   9Masdan ito, sinalubong sila ni Jesus at sinabi, "Binabati ko kayo." At lumapit ang mga babae, hinawakan ang kaniyang mga paa at sinamba siya.   10Pagkatapos nito sinabi ni Jesus sa kanila, "Huwag kayong matakot. Pumunta kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sa Galilea. Doon makikita nila ako."
11Ngayon habang ang mga babae ay papunta, masdan ito, ang ilan sa mga tagapagbantay ay pumunta sa lungsod at sinabi sa mga punong pari ang lahat ng nangyari.   12Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan nila ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal  13at sinabi sa kanila, "Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.'
14Kung makarating sa gobernador ang balitang ito, hihikayatin namin sila at alisin sa inyo ang anumang pagkabahala."  15Kaya kinuha ng mga kawal ang pera at ginawa kung ano ang iniutos sa kanila. Ang balitang ito ay kumalat agad sa mga Judio at nagpatuloy magpahanggang ngayon.
16Ngunit ang labing-isa na mga alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na kung saan itinuro ni Jesus sa kanila.   17Nang siya ay nakita nila, sinamba nila siya, ngunit ang iba ay nag-alinlangan.
18Pumunta si Jesus sa kanila at nagsalita sa kanila at sinabi, "Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.   19Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
20Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo."

Marcos

1

1Ito ang simula ng ebanghelyo tungkol kay Jesu-Cristo, na Anak ng Diyos. 2Katulad ng nasusulat sa aklat ni Isaias na propeta, "Tingnan mo, ipapadala ko ang aking taga-pamalita na mauuna sa iyo, ang maghahanda ng iyong daan. 3Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Ituwid ang kaniyang daraanan.'"

4Dumating si Juan na nagbabautismo sa ilang at nangangaral tungkol sa bautismo ng pagsisisi alang-alang sa kapatawaran ng mga kasalanan. 5Ang buong bansa ng Judea at lahat ng taga-Jerusalem ay pumunta sa kaniya. Sila ay binautismuhan niya sa Ilog ng Jordan, na nagtatapat ng kanilang mga kasalanan. 6Nakasuot si Juan ng balabal gawa sa balahibo ng kamelyo at sinturong balat sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain siya ng mga balang at pulot- pukyutan.
7Nangaral siya at sinabi, "Mayroong darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na yumuko para kalasin man lang ang tali ng kaniyang sandalyas. 8Binautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit babautismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu."
9Nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret sa Galilea at siya ay binautismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan. 10Nang si Jesus ay umahon sa tubig, nakita niya na bumukas ang langit at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tulad ng kalapati. 11At isang tinig ang nagmula sa langit, "Ikaw ang minamahal kong Anak. Ako ay labis na nalulugod sa iyo."
12At agad-agad, sapilitan siyang pinapunta ng Espiritu sa ilang. 13Nanatili siya sa ilang sa loob ng apatnapung araw na tinutukso ni Satanas. Kasama niya ang mababangis na hayop at pinaglingkuran siya ng mga anghel.
14Ngayon matapos madakip si Juan, dumating si Jesus sa Galilea na nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos, 15at sinasabi, "Ang panahon ay naganap na, at ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Magsisi kayo at maniwala sa ebanghelyo."
16At habang dumadaan siya sa tabi ng Dagat ng Galilea, nakita niya si Simon at Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. 17Sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao." 18At kaagad na iniwan nila ang mga lambat at sumunod sa kaniya.
19Habang si Jesus ay naglalakad papalayo, nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo at Juan na kapatid nito, sila ay nasa bangka na nagkukumpuni ng mga lambat. 20Agad silang tinawag ni Jesus at iniwan nila ang kanilang amang si Zebedeo sa bangka kasama ang mga binayarang katulong at sumunod sila sa kaniya.
21At nakarating sila sa Capernaum at sa Araw ng Pamamahinga, agad na pumunta si Jesus sa sinagoga at nagturo. 22Namangha sila sa kaniyang pagtuturo sapagkat siya ay nagtuturo katulad ng isang taong may kapangyarihan at hindi tulad ng mga eskriba.
23Noon din ay may isang lalaki sa kanilang sinagoga na may masamang espiritu, at sumigaw siya, 24na nagsasabi, "Ano ang kinalaman namin sa iyo, Jesus ng Nazaret? Pumarito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos!" 25Sinaway ni Jesus ang demonyo at sinabi, "Tumahimik ka at lumabas ka sa kaniya!" 26At binagsak siya ng masamang espiritu, lumabas mula sa kaniya habang sumisigaw ng malakas.
27At ang lahat ng tao ay namangha, kaya nagtanungan sila sa isa't isa, "Ano ito? Bagong katuruan na may kapangyarihan? Nauutusan niya kahit ang mga masasamang espiritu at sumusunod naman ang mga ito sa kaniya!" 28At agad na kumalat sa lahat ng dako ang balita tungkol sa kaniya sa buong rehiyon ng Galilea.
29At kaagad, nang lumabas sila sa sinagoga, pumunta sila sa tahanan ni Simon at Andres kasama sina Santiago at Juan. 30Ngayon ang babaing biyenan ni Simon ay nakahigang nilalagnat, at agad nilang sinabi kay Jesus ang tungkol sa kaniya. 31Kaya lumapit siya, hinawakan siya sa kamay at itinayo siya; nawala ang kaniyang lagnat at nagsimula siyang paglingkuran sila.
32Nang gabing iyon, pagkatapos lumubog ng araw, dinala nila sa kaniya ang lahat ng may sakit at ang mga sinapian ng mga demonyo. 33Ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pinto. 34Marami ang pinagaling niya na mayroong iba't ibang sakit at nagpalayas siya ng mga demonyo, ngunit hindi niya pinahintulutan ang mga demonyong magsalita dahil kilala siya ng mga ito.
35Bumangon siya ng napaka-aga, habang madilim pa; umalis siya at pumunta sa isang lugar kung saan siya maaaring mapag-isa at nanalangin siya doon. 36Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama niyang naroon. 37Natagpuan nila siya at sinabi sa kaniya, "Naghahanap ang lahat sa iyo."
38Sinabi niya, "Pumunta tayo sa ibang lugar, sa mga nakapaligid na mga bayan upang makapangaral din ako doon. Iyon ang dahilan kaya ako naparito." 39Pumunta siya sa lahat ng dako ng Galilea, nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
40Isang ketongin ang lumapit sa kaniya. Siya ay nagmamakaawa sa kaniya, lumuhod siya at sinabi sa kaniya, "Kung iyong nanaisin, maaari mo akong gawing malinis." 41Sa habag niya, iniabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, sinasabi sa kaniya, "Nais ko. Maging malinis ka." 42Kaagad na nawala ang kaniyang ketong at siya ay naging malinis.
43Mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus at agad siyang pinaalis. 44Sinabi niya sa kaniya, "Siguraduhin mong wala kang sasabihin sa kahit na sino, ngunit humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa pari at maghandog kung ano ang iniutos ni Moises para sa iyong pagkalinis, bilang patotoo sa kanila."
45Ngunit siya ay umalis at sinimulang sabihin sa lahat, at labis na ikinalat ang nangyari, anupat si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan. Kaya siya ay nanatili sa mga ilang na lugar at pumupunta ang mga tao sa kaniya mula sa lahat ng dako.

2

1Nang makabalik si Jesus sa Capernaum makalipas ang ilang araw, napabalita na nakauwi na siya sa kaniyang tahanan. 2At maraming tao ang nagtipun-tipon doon kaya wala nang puwang, maging sa may pintuan at ipinangaral ni Jesus ang salita sa kanila.

3At may ilang lalaking pumunta sa kaniyang may dalang paralisadong lalaki; apat na tao ang bumuhat sa kaniya. 4Nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa maraming tao, inalis nila ang bubong sa taas kung saan siya naroon. At nang nakagawa sila ng butas doon, ibinaba nila ang higaan kung saan nakahiga ang lalaking paralisado.
5Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lalaking paralisado, "Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan." 6Ngunit nangatwiran sa kanilang mga puso ang ilan sa mga eskriba na nakaupo doon, 7"Paano nakapagsasalita ang taong ito ng ganito? Lumapastangan siya! Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?"
8At nalaman agad ni Jesus sa kaniyang espiritu kung ano ang kanilang iniisip. Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ito iniisip sa inyong mga puso? 9Ano ang mas madaling sabihin sa lalaking paralisado, ''Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin 'Bumangon ka, kunin ang iyong higaan at lumakad ka'?
10Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan," sinabi niya sa paralitiko, 11"Sinasabi ko sa iyo, bumangon ka, kunin ang iyong higaan, at pumunta ka sa iyong bahay." 12Bumangon siya at kaagad kinuha ang kaniyang higaan at lumabas siya sa bahay na iyon sa harap ng lahat, kaya't silang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos, at kanilang sinabi, "Kailanman ay hindi pa kami nakakita ng katulad nito."
13Muli siyang bumalik sa tabi ng lawa at pumunta sa kaniya ang napakaraming tao, at tinuruan sila ni Jesus. 14Sa kaniyang pagdaan, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis at sinabi sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo si Levi at sumunod siya sa kaniya.
15At nang kumakain si Jesus sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang tao ang nakikisalo kay Jesus at sa kaniyang mga alagad, sapagkat marami sila na sumunod sa kaniya. 16Nang makita ng mga eskriba na mga Pariseo si Jesus na kumakain kasama ang mga makasalanang tao at tagasingil ng buwis, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, "Bakit siya nakikisalo sa mga tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao?"
17Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, "Ang mga taong malakas ang pangangatawan ay hindi nangangailangan ng manggagamot, ang mga may sakit lamang ang nangangailangan. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid na tao kundi ang mga taong makasalanan."
18Ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo ay nag-aayuno. Lumapit ang ilang tao at sinabi sa kaniya, "Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at mga alagad ng mga Pariseo ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?" 19Sinabi ni Jesus sa kanila, "Maaari bang mag-ayuno ang mga tagapaglingkod sa kasal kung kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Hanggang kasama pa nila ang lalaking ikakasal ay hindi pa sila maaaring mag-ayuno.
20Ngunit darating din ang araw na ang lalaking ikakasal ay mailalayo sa kanila at sa mga araw na iyon, mag-aayuno sila. 21Walang taong magtatahi ng bagong tela sa lumang damit dahil kung ganoon ang itinagpi nito ay mapupunit at magkakaroon ng mas malalang punit.
22Walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat dahil kung ganoon ay masisira ng alak ang sisidlang-balat at kapwa masasayang ang alak at ang sisidlang balat. Sa halip ay maglagay ng bagong alak sa bagong sisidlang-balat."
23Sa Araw ng Pamamahinga, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa triguhan at nagsimulang mamitas ang kaniyang mga alagad ng mga uhay. 24At sinabi ng mga Pariseo sa kaniya, "Tingnan mo, bakit sila gumagawa ng bagay na ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"
25Sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong siya ay nangailangan at nagutom—siya at ang mga lalaking kasama niya? 26Kung paano siya pumasok sa tahanan ng Diyos noong si Abiatar ang pinakapunong pari at kinain ang tinapay—na handog na hindi naaayon sa batas na kainin ng kahit na sino maliban sa mga pari—at binigyan pa niya ang kaniyang mga kasama?"
27Sinabi ni Jesus, "Ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa para sa sangkatauhan, at hindi ang sangkatauhan para sa Araw ng Pamamahinga. 28Kung gayon, ang Anak ng Tao ay Panginoon maging sa Araw ng Pamamahinga."

3

1At muli siyang naglakad papasok sa loob ng sinagoga at doon may isang lalaki na tuyot ang kamay. 2Ilan sa mga tao ay nagmamatyag ng mabuti kung papagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pamamahinga upang maparatangan nila siya.

3Sinabi ni Jesus sa lalaki na tuyot ang kamay, "Tumindig ka at tumayo sa gitna ng lahat." 4At sinabi niya sa mga tao, "Naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga o ang manakit; ang sumagip ng buhay o ang pumatay?" Ngunit tahimik ang mga tao.
5Tiningnan niya sila ng may galit, labis siyang nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at sinabi niya sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat niya ang kaniyang kamay at pinagaling ito ni Jesus. 6Lumabas ang mga Pariseo at agad bumuo ng sabwatan kasama ng mga taga-sunod ni Herodias laban sa kaniya upang ipapatay siya.
7Pagkatapos, pumunta si Jesus sa dagat kasama ng kaniyang mga alagad at napakaraming tao ang sumunod sa kanila mula sa Galilea, at Judea, 8Jerusalem at mula sa Idumea at ibayo ng Jordan at sa palibot ng Tiro at Sidon, napakaraming tao ang pumunta sa kaniya nang marinig nila ang lahat ng mga ginagawa niya.
9Hiniling niya sa kaniyang mga alagad na ipaghanda siya ng isang bangka upang hindi siya maipit ng mga tao. 10Dahil sa marami na siyang napagaling, lahat ng may mga malulubhang karamdaman ay gustong makalapit sa kaniya upang mahawakan siya.
11Sa tuwing makikita siya ng mga maruming espiritu, nagpapatirapa sila at sumisigaw, "Ikaw ang Anak ng Diyos." 12Mahigpit niyang iniutos sa mga ito na huwag nilang ipapaalam kung sino siya.
13Umakyat siya sa bundok at tinawag niya ang mga gusto niya at pumunta sila sa kaniya. 14Itinalaga niya ang Labindalawa (na tinawag niyang mga apostol) para sila ay makasama niya at maaari niya silang isugo upang mangaral, 15at upang magkaroon sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. 16Itinalaga niya ang Labindalawang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro,
17si Santiago na anak ni Zebedeo, si Juan na kapatid ni Santiago, na mga pinangalanan niyang Boanerges na ang ibig sabihin ay mga anak ng kulog, 18at sila Andres, Felipe, Bartolomeo, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Tadeo, Simon na makabayan, 19at si Judas Iskaryote, na magkakanulo sa kaniya.
20Pagkatapos ay umuwi na siya at muling nagtipon-tipon ang maraming tao, kung kaya hindi man lang sila makakain ng tinapay. 21Nang marinig ng kaniyang pamilya ang balitang ito, agad silang lumabas upang pilit siyang kunin, dahil sinasabi nilang, "Nahihibang na siya." 22Sinabi ng mga eskribang nanggaling sa Jerusalem, "Sinaniban siya ni Beelzebul," at, "Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, pinapaalis niya ang mga demonyo."
23Tinawag sila ni Jesus at nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, "Paano maitataboy ni Satanas si Satanas?" 24Kung nahahati ang isang kaharian laban sa kaniyang sarili, ang kahariang ito ay hindi maaaring manatili. 25Kung ang isang tahanan ay nahahati laban sa kaniyang sarili, ang tahanang ito ay hindi maaaring manatili.
26Kung naghimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili at magkabahabahagi, hindi siya maaaring manatili, subalit siya ay magwawakas. 27Ngunit walang sinuman ang makapapasok sa bahay ng isang malakas na tao at magnakaw ng kaniyang mga kagamitan nang hindi niya ito gagapusin muna, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito.
28Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ng tao ay mapapatawad, maging ang lahat ng mga kalapastanganang sinasabi nila, 29ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan." 30Sinabi ito ni Jesus dahil sinasabi nilang, "Mayroon siyang maruming espiritu."
31Pagkatapos ay dumating ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki at tumayo sila sa labas. Pinasundo nila siya at pinatawag. 32Umupo ang napakaraming tao sa palibot niya at sinabi sa kaniya, "Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka nila."
33Sinagot niya sila, "Sino ang ina at mga kapatid ko?" 34Tiningnan niya ang mga taong nakaupo sa palibot niya at sinabi, "Tingnan ninyo, ito ang aking ina at mga kapatid! 35Dahil kung sino man ang tumutupad sa kalooban ng Diyos, ang taong iyon ay ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina."

4

1Muli siyang nagsimulang mangaral sa tabi ng dagat. At nagtipun-tipon ang napakaraming tao sa paligid niya, kaya sumakay siya sa bangka na nasa dagat at naupo. Ang mga tao ay nasa tabi ng dagat sa dalampasigan. 2At tinuruan niya sila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga, at sinabi niya sa kanila sa kaniyang pagtuturo,

3"Makinig kayo, lumabas ang manghahasik upang maghasik. 4Habang siya ay naghahasik, mayroong mga binhing napunta sa daan at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito. 5Ang ibang mga binhi ay napunta sa mabatong lupa na kung saan ang lupa ay kakaunti lamang. Agad silang tumubo dahil hindi malalim ang lupa nito.
6Ngunit nang sumikat ang araw, nalanta ang mga ito at dahil wala silang ugat natuyo ang mga ito. 7Ang ibang mga binhi ay napunta sa tinikan. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito, at hindi ito nakapamunga ng kahit isang butil.
8Napunta sa matabang lupa ang ibang binhi at nagkabutil habang lumalago at dumarami, at may nagkabutil ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisangdaan". 9At sinabi niya, "Sinuman ang may taingang pandinig, makinig!"
10Nang nag-iisa na si Jesus, nagtanong ang mga malalapit sa kaniya kasama ang Labindalawa tungkol sa talinghaga. 11Sinabi niya sa kanila, "Ipinagkaloob sa inyo ang hiwaga ng kaharian ng Diyos. Ngunit sa ibang nasa labas ang lahat ay mga talinghaga, 12nang sa gayon, kapag sila ay tumingin, oo titingin sila, ngunit hindi sila makakakita, at kapag sila ay nakinig, oo makaririnig sila, ngunit hindi sila makauunawa, o kundi sila ay manumbalik at patatawarin sila ng Diyos."
13At sinabi niya sa kanila, "Hindi ba ninyo naiintindihan ang talinghagang ito? Paano pa kaya ninyo maiintindihan ang iba pang mga talinghaga? 14Ang manghahasik ay naghasik ng salita. 15Ang ilan sa mga ito ay ang nahulog sa tabi ng daan, kung saan ang salita ay naihasik. At nang marinig nila ito, agad na dumating si Satanas upang alisin ang salitang naitanim sa kanila.
16At ang iba ay ang mga naitanim sa mabatong lupa, nang makarinig sila ng salita, agad nila itong tinatanggap nang may kagalakan. 17At hindi sila nakapag-ugat kaya sila nakatiis lang ng maikling panahon. At dumating ang mga pagdurusa o pag-uusig dahil sa salita at agad silang nadapa.
18At ang iba naman ay naihasik sa tinikan. Narinig nila ang salita at tinanggap ito, 19ngunit ang mga alalahanin sa mundo, ang pandaraya ng kayamanan at ang pagnanasa sa iba pang mga bagay ay pumasok at nasakal ang salita, at ito ay hindi nakapamunga. 20At mayroon namang naihasik sa matabang lupa. Narinig nila ang salita at tinanggap ito at nakapamunga: may tatlumpu, may animnapu, at may isangdaan."
21Sinabi ni Jesus sa kanila, "Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket o sa ilalaim ng higaan? Dadalhin ninyo ito sa loob at ilalagay sa lagayan ng lampara. 22Sapagkat walang itinatago na hindi maihahayag at walang lihim na hindi maibubunyag. 23Sinuman ang may taingang pandinig, makinig.
24Sinabi niya sa kanila, "Pakinggan ninyong mabuti ang inyong naririnig, ang panukat na inyong ginagamit ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at idadagdag ito sa inyo. 25Dahil sinumang mayroon ay pagkakalooban ng higit pa, at sinumang wala, kukunin maging ang anumang nasa kaniya."
26At sinabi niya, "Ang kaharian ng Diyos ay tulad ng isang taong naghasik ng kaniyang binhi sa lupa. 27Sa gabi siya ay natutulog at sa umaga siya ay bumabangon, at ang binhi ay sumisibol at tumutubo, ngunit hindi niya alam kung paano. 28Ang lupa sa sarili niya ay namumunga ng butil: una ang sibol, sunod ang mga tangkay, sunod ang mga hinog na butil sa tangkay. 29At kapag nahinog na ang butil, agad niyang ipinadadala ang panggapas sapagkat dumating na ang anihan."
30At sinabi niya, "Saan natin maihahambing ang kaharian ng Diyos, o anong talinghaga ang magagamit natin upang maipaliwanag ito? 31Ito ay katulad ng buto ng mustasa na kapag ito ay itinanim, ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga buto sa daigdig. 32Gayunpaman, kapag ito ay naitanim, tumutubo ito at nagiging pinakamalaki sa lahat ng mga tanim sa bukirin at nagkakaroon ito ng malalaking sanga, kaya ang mga ibon sa himpapawid ay nakakapamugad sa lilim nito.
33Ipinangaral niya ang salita sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang katulad nito, hanggang sa kaya nilang maunawaan, 34at hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ngunit kapag siya ay nag-iisa na lamang, ipinapaliwanag niya ang lahat sa kaniyang sariling mga alagad.
35Kinagabihan, nang araw ding iyon, sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabilang dako." 36Kaya iniwan nila ang maraming tao na isinama nila si Jesus dahil nakasakay na siya sa bangka. Mayroon ding ibang mga bangkang sumama sa kaniya. 37Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig.
38Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, "Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay? 39At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, "Pumayapa ka, tigil." Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan.
40At sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?" 41Lubha silang natakot at sinabi nila sa isa't isa, "Sino ba talaga siya, dahil maging ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?"

5

1Dumating sila sa kabilang dako ng dagat, sa rehiyon ng Geraseno. 2At nang bumababa si Jesus sa bangka, agad may isang lalaking may maruming espiritu ang pumunta sa kaniya mula sa mga libingan.

3Ang lalaki ay nakatira sa mga libingan. Wala nang makapagpigil sa kaniya, kahit pa kadena. 4Ilang ulit na siyang ginapos gamit ang mga tanikala at kadena. Sinisira niya ang mga kadena at winawasak niya ang kaniyang mga tanikala. Walang sinuman ang may lakas na supilin siya.
5Bawat gabi at araw sa mga libingan at sa mga bundok, sumisigaw siya at sinusugatan niya ang kaniyang sarili ng mga matatalas na bato. 6Nang nakita niya si Jesus sa malayo, tumakbo siya sa kaniya at yumuko sa kaniyang harapan.
7Sumigaw siya nang may malakas na boses, "Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo sa Diyos mismo, huwag mo akong pahirapan." 8Sapagkat sinasabi niya sa kaniya, "Lumabas ka sa lalaking ito, ikaw na maruming espiritu."
9At tinanong niya ito, "Ano ang pangalan mo?" At sumagot siya, "Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami." 10Paulit-ulit siyang nakiusap sa kaniya na huwag silang papuntahin sa labas ng rehiyon.
11Ngayon may malaking kawan ng baboy ang naroon na kumakain sa burol, 12at nagmakaawa sila sa kaniya, na sinasabi, "Papuntahin mo kami sa mga baboy, hayaan mo kaming pumasok sa kanila." 13Kaya pinayagan niya ang mga ito, lumabas ang mga masamang espiritu at pumasok sa mga baboy, at nagtakbuhan sila patungo sa matarik na burol papunta sa dagat, halos dalawang libong baboy ang nalunod sa dagat.
14At tumakbo ang mga nagpapakain sa mga baboy at ipinamalita sa lungsod at sa mga karatig-pook kung ano ang nangyari. At maraming tao ang pumunta upang makita kung ano ang nangyari. 15Pagkatapos ay pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking sinapian ng demonyo— na may Pulutong—na nakaupo, nakabihis, at nasa kaniyang tamang kaisipan, at sila ay natakot.
16Sinabi sa kanila ng mga nakakita ng nangyari sa lalaking sinapian ng demonyo kung ano ang nangyari sa kaniya at gayon din ang tungkol sa mga baboy. 17At nagsimula silang nagmakaawa sa kaniya na umalis sa kanilang rehiyon.
18At nang sumasakay na siya sa bangka, nakiusap sa kaniya ang lalaking sinaniban ng demonyo kung maaari siyang sumama sa kaniya. 19Ngunit hindi siya pumayag dito, subalit sinabi niya sa kaniya, "Umuwi ka sa iyong bahay at sa mga kasama mo, at sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa iyo at kung paano ka niya kinahabagan." 20Kaya siya ay umalis at nagsimulang ihayag ang mga dakilang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya sa Decapolis at ang lahat ay namangha.
21At nang si Jesus ay muling tumawid sa kabilang dako, maraming mga tao ang pumalibot sa kaniya sa bangka, sapagkat siya ay nasa tabing dagat. 22At isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating, at nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan. 23Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, "Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay." 24Kaya sumama siya sa kaniya at sumunod sa kaniya ang napakaraming tao at sila ay nag-uumpukan sa palibot niya.
25Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon. 26Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala. 27Narinig niya ang mga balita tungkol kay Jesus. Kaya pumunta siya sa kaniyang likuran habang siya ay naglalakad sa gitna ng maraming tao, at hinawakan niya ang kaniyang balabal.
28Sapagkat iniisip niya, "Kung mahawakan ko man lang kahit ang kaniyang damit, ako ay gagaling." 29Nang mahawakan niya siya, tumigil ang pagdurugo, at naramdaman niya sa kaniyang katawan na siya ay gumaling na sa kaniyang paghihirap.
30At agad napansin ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan mula sa kaniya. At lumingon siya sa mga tao at nagtanong, "Sino ang humawak sa aking damit?" 31Sinabi sa kaniya ng mga alagad, "Nakita mo ang napakaraming taong nag-uumpukan sa paligid mo, at sasabihin mong 'Sino ang humawak sa akin?" 32Ngunit si Jesus ay tumingin sa paligid upang malaman kung sino ang may gawa nito.
33Nang nalaman ng babae ang nangyari sa kaniya, natakot siya at nanginig. Lumapit siya at nagpatirapa sa kaniyang harapan at sinabi ang buong katotohanan. 34Sinabi niya sa kaniya, "Anak, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Umuwi ka nang may kapayapaan at gumaling ka sa iyong karamdaman."
35Habang siya ay nagsasalita, ilang tao mula sa pinuno ng sinagoga ang dumating at nagsabi, "Patay na ang iyong anak. Bakit mo pa aabalahin ang Guro?"
36Ngunit nang marinig ni Jesus ang kanilang sinabi, sinabi niya sa pinuno ng sinagoga, "Huwag kang matakot, maniwala ka lang." 37Hindi niya pinayagan ang kahit sino na sumama sa kaniya maliban kay Pedro, Santiago, at Juan na kapatid ni Santiago. 38Nakarating sila sa bahay ng pinuno nang sinagoga at nakita niya ang kaguluhan, napakaraming iyakan at pagtangis.
39Nang pumasok siya sa bahay, sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nababalisa at bakit kayo umiiyak? Ang bata ay hindi patay kundi natutulog." 40Siya ay pinagtawanan nila, ngunit pinalabas niya silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at maging ang mga kasama niya, at pumunta sila kung saan naroroon ang bata.
41Kinuha niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya, "Talitha koum," na ang ibig sabihin ay "Batang babae, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka." 42Agad na tumayo ang bata at naglakad (sapagkat siya ay labindalawang taon). At kaagad labis silang namangha. 43Mahigpit niya silang pinagbilinan na walang dapat makaalam ng tungkol dito. At inutusan niya sila na bigyan ang bata ng makakain.

6

1Umalis siya doon at pumunta siya sa kaniyang sariling bayan at sumunod ang kaniyang mga alagad. 2Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kaniya at namangha sila. Sinabi nila, "Saan niya nakuha ang mga katuruang ito?" "Ano itong karunungan na naibigay sa kaniya?" "Ano itong mga himala na nagagawa niya sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay?". 3"Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?" At sumama ang kanilang loob kay Jesus.

4At sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang isang propeta ay hindi nawawalan ng parangal, maliban sa kaniyang sariling bayan at sa kaniyang mga kamag-anak at sa kaniyang sariling sambahayan." 5Hindi siya makagawa ng kahit na anong makapangyarihang gawain, maliban lamang sa pagpatong ng kaniyang mga kamay sa ilang may sakit at pagalingin sila. 6Ikinamangha niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya. At naglibot siyang nagtuturo sa mga nayon.
7Tinawag niya ang Labindalawa at sinimulan silang isugo ng dalawahan at binigyan niya sila ng kapangyarihan laban sa maruruming espiritu, 8at ipinagbilin niya sa kanila na huwag magdala ng kahit ano sa kanilang paglalakbay maliban lamang sa tungkod, walang tinapay, walang sisidlan at wala ring pera nailalagay sa kanilang sinturon, 9kundi magsuot ng sandalyas at huwag magsuot ng dalawang tunika.
10At sinabi ni Jesus sa kanila, "Sa tuwing papasok kayo sa isang bahay, manatili kayo doon hanggang makaalis kayo sa lugar na iyon. 11At kung mayroong bayan na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo sa lugar na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok mula sa inyong mga paa bilang patotoo sa kanila.
12Humayo sila at inihayag na dapat talikuran ng mga tao ang kanilang mga kasalanan. 13Pinalayas nila ang maraming demonyo at pinahiran nila ng langis ang mga taong may sakit at pinagaling sila.
14Nabalitaan ito ni Haring Herodes sapagkat kilalang-kilala na ang pangalan ni Jesus. Sinasabi ng iba, "Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay mula sa mga patay at dahil dito, ang mga kamangha-manghang kapangyarihang ito ang kumikilos sa kaniya." 15Sinasabi ng iba, "Siya si Elias." Sinabi pa ng iba, "Siya ay isang propeta, tulad ng isa sa mga propeta noong sinaunang panahon."
16Ngunit nang marinig ito ni Herodes, sinabi niya, "Si Juan na pinugutan ko ng ulo ay binuhay." 17Sapagkat mismong si Herodes ang nagpadakip kay Juan at ipinagapos siya sa bilangguan dahil kay Herodias, (asawa ng kapatid niyang si Felipe) dahil naging asawa niya ito.
18Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, "Hindi naaayon sa batas na mapasaiyo ang asawa ng iyong kapatid." 19Ngunit nagkimkim ng galit si Herodias laban sa kaniya at gusto niya itong patayin, ngunit hindi niya magawa, 20sapagkat natatakot si Herodes kay Juan, alam niyang matuwid at banal na tao si Juan, at pinanatili niya itong ligtas. At sa pakikinig nito sa kaniya ay labis siyang nabagabag, subalit siya ay nakinig sa kaniya na may galak.
21At dumating ang araw ng pagkakataon nang ipagdiwang ni Herodes ang kaniyang kaarawan at naghanda siya ng hapunan para sa kaniyang mga opisyal, mga pinuno ng mga kawal at mga pinuno ng Galilea. 22Dumating ang mismong anak na babae ni Herodias at sumayaw para sa kanila at naaliw niya si Herodes at kaniyang mga panauhin. At sinabi ng hari sa babae, "Humingi ka ng kahit na anong gusto mo at ibibigay ko ito sa iyo."
23Sumumpa siya sa kaniya at sinabi, "Kahit na anong hingin mo sa akin, ibibigay ko sa iyo, hanggang sa kalahati ng aking kaharian." 24Lumabas siya at sinabi sa kaniyang ina, "Ano ang dapat kong hingin sa kaniya?" Sinabi niya, "Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo." 25At kaagad siyang pumasok nang nagmamadali papunta sa hari at humingi, sinabi, "Gusto kong ibigay mo sa akin ngayon din ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo na nakalagay sa bandehado."
26Lubhang nalungkot ang hari, ngunit dahil sa pangako at sa mga panauhin, hindi niya matanggihan ang kaniyang hinihingi. 27Kaya pinapunta ng hari ang isang kawal mula sa kaniyang mga bantay at inutusan niyang dalhin sa kaniya ang ulo ni Juan. Pumunta ang kawal at pinugutan siya sa bilangguan. 28Dinala niya ang ulo na nasa bandehado at ibinigay ito sa dalaga at ibinigay ito ng dalaga sa kaniyang ina. 29At nang marinig ito ng kaniyang mga alagad, pumunta sila at kinuha ang kaniyang katawan at inilagay sa isang libingan.
30Nagtipun-tipon ang mga apostol sa palibot ni Jesus at sinabi sa kaniya ang lahat ng kanilang nagawa at naituro. 31At sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo punta tayo sa ilang na lugar at sandaling magpahinga." Sapagkat maraming dumarating at umaalis, at wala man lamang silang oras para kumain. 32Kaya sumakay sila sa bangka papunta sa ilang na lugar.
33Ngunit nakita silang umaalis at maraming nakakilala sa kanila, at nagsitakbo ang mga tao mula sa mga bayan at naunahan nila sina Jesus na dumating doon. 34Nang makarating na sila sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. At sinimulan niyang magturo sa kanila ng maraming bagay.
35Nang dapit-hapon na, nagpunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, "Ilang ang lugar na ito at gumagabi na. 36Paalisin mo nalang sila upang makapunta sila sa karatig-pook at sa mga nayon upang bumili ng makakain para sa kanilang sarili."
37Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, "Bigyan ninyo sila ng anumang makakain." Sinabi nila sa kaniya, "Maaari ba kaming pumunta at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario at ibigay sa kanila upang kainin?" 38Sinabi niya sa kanila, "Ilang pirasong tinapay ang mayroon kayo? Pumunta kayo at tingnan ninyo." Nang napag-alaman nila, sinabi nila, "Limang pirasong tinapay at dalawang isda."
39Inutusan niya ang lahat ng tao na umupo ng pangkat-pangkat sa may damuhan. 40Umupo silang pangkat-pangkat, mga pangkat ng tig-iisang daan at tig-lilimampu. 41Nang kinuha niya ng limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpasalamatan at pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang ibigay sa mga tao. At pinaghinati-hati niya ang dalawang isda para sa kanilang lahat.
42Kumain silang lahat hanggang sila ay nabusog. 43Tinipun nila ang pinagpira-pirasong tinapay, labindalawang basket ang napuno, kasama na rin ang pinaghati-hating isda. 44At may limanlibong mga kalalakihan ang kumain ng mga tinapay.
45Agad niyang pinasakay ang kaniyang mga alagad sa bangka at pinauna sila sa kabilang dako, sa Betsaida, habang pinaaalis niya ang mga tao. 46Nang wala na sila, umakyat siya sa bundok upang manalangin. 47Sumapit ang gabi, nasa kalagitnaan na ng dagat ang bangka, at siya ay nag-iisa sa lupa.
48At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila. 49Ngunit nang makita nilang naglalakad siya sa dagat, naisip nila na isa siyang multo at nagsigawan sila, 50dahil nakita at natakot sila sa kaniya. Agad niya silang kinausap at sinabi sa kanila, "Lakasan ninyo ang inyong loob! Ako ito! Huwag kayong matakot!"
51Sumakay siya sa bangka at tumigil ang pag-ihip ng hangin at lubos silang namangha sa kaniya. 52Sapagkat hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan ng tinapay, ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga kaisipan.
53Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genesaret at idinaong nila ang bangka. 54Nang makababa sila sa bangka, agad nilang nakilala siya. 55At nagtakbuhan sila sa buong rehiyon at nagsimulang dalhin sa kaniya ang mga may sakit na nasa higaan, saan man nila mabalitaan na siya ay pupunta.
56Sa tuwing pumapasok siya sa mga nayon, o sa mga lungsod, o sa mga bayan, inilalagay nila ang mga may sakit sa mga pamilihan at nagmamakaawa sila sa kaniya na payagan man lamang silang hawakan ang laylayan ng kaniyang damit. At lahat ng humawak sa kaniya ay gumaling.

7

1Nagtipon-tipon sa paligid niya ang mga Pariseo at ilang mga eskriba na nanggaling sa Jerusalem.

2At nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumain ng tinapay na madungis ang kanilang mga kamay; na hindi nahugasan 3(Dahil ang mga Pariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain hanggang hindi sila naghuhugas ng maigi ng kanilang mga kamay; pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga nakatatanda. 4Tuwing nanggagaling sa pamilihan ang mga Pariseo, hindi sila kumakain hanggang hindi sila nakapaligo. At marami pang ibang mga patakaran ang mahigpit nilang sinusunod, kasama na rito ang paghuhugas ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan.)
5Tinanong ng mga Pariseo at ng mga eskriba si Jesus, "Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad, sapagkat kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?"
6Ngunit sinabi niya sa kanila, "Malinaw na sinabi ng propetang Isaias ang tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, isinulat niya, 'Pinaparangalan ako ng mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit malayo ang kanilang puso sa akin. 7Walang laman ang pagsasamba na inaalay nila sa akin, itinuturo nila ang mga patakaran ng mga tao bilang kanilang doktrina.'
8Tinalikuran ninyo ang kautusan ng Diyos at mahigpit ninyong pinanghahawakan ang kaugalian ng mga tao." 9At sinabi niya sa kanila, "Madali ninyong tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang inyong kaugalian! 10Sapagkat sinabi ni Moises, 'Igalang ninyo ang inyong ama at ina,' at 'Ang sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama at ina ay tiyak na mamamatay.'
11Ngunit sinasabi ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kaniyang ama at ina, "Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban,"' (ibig sabihin, 'Ibinigay sa Diyos') - 12kung gayon hindi na ninyo siya pinapayagang gumawa ng kahit na ano para sa kaniyang ama at ina. 13Pinapawalang-bisa ninyo ang kautusan ng Diyos dahil sa mga ipinasa ninyong mga kaugalian. At marami pang mga bagay na katulad nito ang ginagawa ninyo."
14Tinawag niyang muli ang maraming tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito. 15Walang kahit anumang pumapasok sa tao ang makakapagpadungis sa kaniya. Ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya." 16(Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, hayaang marinig niya.)
17Ngayon nang iniwan ni Jesus ang maraming tao at pumasok sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad tungkol sa talinghaga. 18Sinabi ni Jesus, "Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan? Hindi ba ninyo alam na kahit anong pumasok sa isang tao mula sa labas, ito ay hindi makapagpapadungis sa kaniya, 19dahil hindi ito maaaring mapunta sa kaniyang puso kung hindi sa kaniyang sikmura at lalabas ito patungo sa palikuran." Dahil sa pahayag na ito, ginawang malinis ni Jesus ang lahat ng mga pagkain.
20Sinabi niya, "Ang lumalabas sa tao ang siyang nakapagpapadungis sa kaniya. 21Dahil kung ano ang sinasaloob ng tao, na nanggaling sa kaniyang puso, lalabas ang masasamang pag-iisip, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22pangangalunya, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan. 23Ang lahat ng mga ito na masasama ay nanggagaling sa loob, at ito ang mga nakakapagpapadungis sa isang tao."
24Tumayo siya mula doon at umalis papunta sa lupain ng Tiro at Sidon. Pumasok siya sa isang bahay at hindi niya nais na malaman ng kahit na sino na naroroon siya, ngunit hindi niya nagawang makapagtago. 25Subalit may isang babae na may anak na babae na sinapian ng maruming espiritu, nang nakarinig ng tungkol sa kaniya ay agad-agad lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan. 26Ngayon ang babaing ito ay isang Griego na taga-Sirofenisa, ayon sa lahi. Nagmakaawa siya sa kaniya na palayasin ang demonyo sa kaniyang anak na babae.
27Sinabi niya sa kaniya, "Hayaang pakainin muna ang mga bata. Sapagkat hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso." 28Ngunit sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, "Opo, Panginoon, kahit ang mga aso na nasa ilalim ng lamesa ay kumakain ng mumo ng mga bata."
29Sinabi niya sa kaniya, "Dahil sa sinabi mo ito, malaya ka nang makakaalis. Lumayas na ang demonyo sa anak mong babae." 30Bumalik ang babae sa kaniyang bahay at nakita ang bata na nakahiga sa higaan, at wala na ang demonyo.
31Pagkatapos ay muli siyang umalis mula sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon patungo sa Dagat ng Galilea, paakyat sa lupain ng Decapolis. 32At dinala sa kaniya ang isang taong bingi at nahihirapang magsalita, at nagmakaawa sila sa kaniya na ipatong niya ang kaniyang kamay sa lalaki.
33Inihiwalay niya siya mula sa maraming tao nang sarilinan at hinawakan niya ang kaniyang mga tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila. 34Tumingala siya sa langit, at nagbuntong-hininga at sinabi sa kaniya, "Effata", na ang ibig sabihin ay, "Bumukas ka!" 35Agad bumukas ang kaniyang pandinig at napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila at malinaw na siyang nakapagsasalita.
36At ipinag-utos niya sa kanilang huwag itong ipagsabi sa kahit na sino. Ngunit habang lalo pa niya itong pinagbabawal, mas lalo nila itong inihahayag. 37Lubos silang namangha at sinasabi nilang, "Mahusay ang lahat ng kaniyang ginawa. Nagagawa niyang makarinig ang bingi at makapagsalita ang pipi."

8

1Sa mga araw na iyon, naroon muli ang maraming tao at wala silang makain. Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, 2"Naaawa ako sa mga tao dahil patuloy nila akong sinamahan ng tatlong araw at wala silang makain. 3Kung pauuwiin ko sila sa kanilang mga tahanan na hindi pa nakakakain, maaari silang himatayin sa daan. At nagmula pa sa malayo ang ilan sa kanila." 4Sinagot siya ng kaniyang mga alagad, "Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?"

5Tinanong sila ni Jesus, "Ilang tinapay ang mayroon kayo?" Sinabi nila, "Pito." 6Inutusan niyang umupo sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat at hinati-hati ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamigay nila, at ipinamigay nila ang mga ito sa mga tao.
7Mayroon din silang ilang maliliit na isda, at matapos siyang makapagpasalamat para sa mga ito, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na ipamahagi din ito. 8Kumain sila at nabusog. At kinuha nila ang mga natirang pinaghati-hati, umabot ang mga ito sa pitong malalaking basket. 9May apat na libo ang mga taong naroroon. At pinauwi niya sila. 10Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at pumunta sila sa rehiyon ng Dalmanuta.
11At pumunta ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kaniya. Humingi sila sa kaniya ng palatandaan mula sa langit upang subukin siya. 12Napabuntong-hininga siya sa kaniyang espiritu at kaniyang sinabi, "Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito? Totoong sinasabi ko sa inyo, walang palatandaang ibibigay sa salinlahing ito." 13Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus, muling sumakay sa bangka, at pumunta sa kabilang dako.
14Ngayon nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay. Mayroon lamang silang natitirang isang tinapay sa bangka. 15Binalaan niya sila at sinabi, "Magmasid kayo at magbantay laban sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes."
16Nangatwiran ang mga alagad sa isa't isa, "Ito ay dahil wala tayong tinapay." 17Batid ito ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ipinangangatwirang wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo nababatid? Hindi ba ninyo nauunawaan? Naging tigang na ba ang inyong mga puso?
18Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi pa rin ba ninyo naaalala? 19Nang hinati ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket ang inyong napuno ng mga hinati-hating tinapay?" Sinabi nila sa kaniya, "Labindalawa."
20"At nang hinati-hati ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang basket ang inyong napuno?" Sinabi nila sa kaniya, "Pito." 21Sinabi niya, "Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan?"
22Nakarating sila sa Betsaida. Dinala sa kaniya ng mga tao doon ang isang lalaking bulag at pinakiusapan nila si Jesus na hawakan siya. 23Inalalayan ni Jesus ang lalaking bulag at dinala siya palabas ng nayon. Nang niluraan niya ang kaniyang mga mata at pinatong ang kaniyang kamay sa kaniya, tinanong niya ito, "May nakikita ka bang anumang bagay?"
24Tumingin siya at sinabi, "Nakakakita ako ng mga taong parang mga punong naglalakad." 25Kaya ipinatong niyang muli ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata, at iminulat ng lalaki ang kaniyang mga mata, nanumbalik ang kaniyang paningin, at malinaw niyang nakita ang lahat ng mga bagay. 26Pinauwi siya ni Jesus sa kaniyang tahanan at sinabi, "Huwag kang papasok sa bayan."
27Umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad patungo sa nayon ng Cesarea Filipos. Sa daan tinanong niya ang kaniyang mga alagad, "Sino ako ayon sa mga sinasabi ng mga tao?" 28Sumagot sila at sinabi, "Si Juan na Tagabautismo. Sinasabi ng iba, 'si Elias,' at ang iba, 'Isa sa mga propeta.'"
29Tinanong sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Ikaw ang Cristo." 30Binalaan sila ni Jesus na huwag ipagsabi sa kahit kanino ang tungkol sa kaniya.
31At nagsimula siyang magturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon matapos ang tatlong araw. 32Malinaw niya itong sinabi. At dinala siya ni Pedro sa isang tabi at nagsimula siyang pagsabihan.
33Ngunit lumingon si Jesus at tumingin sa kaniyang mga alagad at sinaway niya si Pedro at sinabi, "Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos ngunit pinahahalagahan mo ang mga bagay tungkol sa mga tao." 34Pagkatapos tinawag niya ang maraming tao, kasama ng kaniyang mga alagad, at sinabi niya sa kanila, "Kung sinuman ang nagnanais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin.
35Sapagkat ang sinumang nais magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito at sinumang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin at para sa ebanghelyo ay makapagliligtas nito. 36Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay? 37Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kaniyang buhay?
38Kapag ikinahiya ako at ang aking salita ng sinuman sa mapangalunya at makasalanang salinlahing ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel."

9

1At sinabi niya sa kanila, "Totoo itong sasabihin ko sa inyo, mayroong ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan bago nila makita ang kaharian ng Diyos na darating na may kapangyarihan." 2At makalipas ang anim na araw, sinama ni Jesus si Pedro, Santiago at Juan na umakyat sa mataas na bundok, na sila lang ang naroon. Pagkatapos, nagbago ang kaniyang anyo sa kanilang harapan. 3Ang kaniyang kasuotan ay kumikinang nang napakaliwanag, labis na maputi, mas maputi kaysa sa anumang pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito.

4Pagkatapos ay nagpakita sa kanila si Elias kasama si Moises, at nakikipag-usap sila kay Jesus. 5Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, "Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto kaya hayaan mo kaming gumawa ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." 6(Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.)
7Isang ulap ang dumating at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang boses ang nagmula sa ulap, "Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya." 8Biglang, nang sila ay lumingon sa paligid, wala silang ibang nakitang kasama nila kundi si Jesus lamang.
9Habang sila ay bumababa ng bundok, inutusan niya na walang sinuman ang kanilang pagsasabihan kung ano ang kanilang nakita, hanggang ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa patay. 10Kaya inilihim nila ang nangyari sa kanilang mga sarili, ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig sabihin ng "bumangon mula sa patay."
11Siya ay tinanong nila, "Bakit sinasabi ng mga eskriba na dapat maunang dumating si Elias?" 12Sinabi niya sa kanila, "Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman? 13Ngunit sinasabi ko sa inyo na si Elias ay dumating na at ginawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa kaniya, tulad ng sinasabi ng kasulatan tungkol sa kaniya."
14At nang makabalik sila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo ang mga eskriba sa kanila. 15At nang makita nila si Jesus, namangha ang lahat ng mga tao at kaagad nagsipagtakbuhan papunta sa kaniya upang siya ay batiin. 16Tinanong niya ang kaniyang mga alagad, "Ano ang inyong pinagtatalunan sa kanila?"
17Sinagot siya ng isa sa mga taong naroroon, "Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki, mayroon siyang espiritu na pumipigil sa kaniya na makapagsalita, 18at nagiging sanhi ito ng kaniyang pangingisay at ibinabagsak siya nito, bumubula ang kaniyang bibig, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin at naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ito sa kaniya ngunit hindi nila ito magawa." 19Sinagot sila ni Jesus, "Salinlahing walang pananampalataya, hanggang kailan ba ako kailangang manatili kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin."
20Dinala nila ang batang lalaki sa kaniya. Nang makita ng espiritu si Jesus, kaagad siya nitong pinangisay. Natumba ang bata sa lupa at bumula ang bibig. 21Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, "Gaano na siya katagal na ganito?" Sinabi ng ama, "Mula pagkabata. 22Madalas siyang tinatapon nito sa apoy o sa tubig at sinubukan siya nitong patayin. Kung may magagawa kang kahit ano, kaawaan mo kami at tulungan mo kami."
23Sinabi ni Jesus sa kaniya, "'Kung may magagawa'? Ang lahat ay magagawa sa mga naniniwala." 24Agad na sumigaw ang ama ng bata at nagsabi, "Naniniwala ako! Tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!" 25Nang makita ni Jesus ang mga tao na tumatakbo papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang espiritu at sinabi, "Ikaw pipi at binging espiritu, inuutusan kita, lumabas ka at huwag nang bumalik pa sa kaniya."
26Sumigaw ito at matinding pinangisay ang bata at pagkatapos ay lumabas. Nagmukhang parang isang patay ang bata kaya marami ang nagsabi, "Patay na siya." 27Ngunit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at ibinangon siya, at tumayo ang batang lalaki.
28Nang pumasok si Jesus sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad ng sarilinan. "Bakit hindi namin iyon mapalayas?" 29Sinabi niya sa kanila, "Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin."
30Umalis sila mula roon at dumaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng kahit sino kung nasaan sila, 31sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao, at siya ay papatayin nila. Kung siya ay pinatay na, babangon siyang muli pagkalipas ng tatlong araw." 32Ngunit hindi nila naintindihan ang pahayag na ito, at natakot silang tanungin siya.
33At dumating sila sa Capernaum. At nang siya ay nasa loob ng bahay, tinanong niya sila, "Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?" 34Ngunit sila ay tahimik. Sapagkat habang sila ay nasa daan nakikipagtalo sila sa isa't isa kung sino ang pinakadakila sa kanila. 35Umupo siya at tinawag ang Labindalawa nang magkakasama, at sinabi niya sa kanila, "Kung sino man ang nais mauna, dapat siyang maging huli sa lahat at maging tagapaglingkod ng lahat."
36Kumuha siya ng isang maliit na bata at pinaupo sa kanilang kalagitnaan. Binuhat niya ito at sinabi sa kanila, 37"Sinumang tumanggap sa isang batang katulad nito sa aking pangalan ay tumanggap din sa akin, at kung sinuman ang tumanggap sa akin, hindi lamang ako ang tinanggap niya, kundi maging ang nagsugo sa akin."
38Sinabi ni Juan sa kaniya, " Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa iyong pangalan at pinatigil namin siya, dahil hindi siya sumusunod sa atin." 39Ngunit sinabi ni Jesus, "Huwag ninyo siyang patigilin, sapagkat walang sinuman ang gagawa ng dakilang bagay sa pangalan ko at pagkatapos ay magsasalita ng anumang masama tungkol sa akin.
40Sinumang hindi laban sa atin ay sumasa atin, 41Sinumang magbigay sa inyo ng isang tasa ng tubig upang inumin dahil kabilang kayo kay Cristo, totoong sinasabi ko sa inyo, hindi mawawala ang kaniyang gantimpala.
42Ang sinumang nagiging dahilan na madapa ang isa sa mga bata na ito na naniniwala sa akin, mas mabuti pa sa kaniya na talian ang kaniyang leeg ng malaking gilingang bato at itapon siya sa dagat. 43Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. 44(kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay)
45Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno. 46(kung saan ang kanilang mga uod ay hindi kailanman mamamatay at ang apoy ay hindi kailanman mamamatay.)
47Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno, 48kung saan hindi namamatay ang kanilang mga uod at hindi namamatay ang apoy.
49Dahil ang lahat ay maasinan ng apoy. 50Ang asin ay mabuti, ngunit kung mawala ang pagka-alat nito, paano mo ito mapapaalat muli? Taglayin ninyo ang asin sa inyong mga sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't-isa."

10

1Iniwan ni Jesus ang lugar na iyon at pumunta sa rehiyon ng Judea at sa lugar lampas sa Ilog ng Jordan at muling pumunta ang mga tao sa kaniya. Tinuruan niyang muli ang mga ito, gaya ng kaniyang nakagawian. 2At pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya at nagtanong, "Naaayon ba sa batas ang hiwalayan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa?" 3Sumagot siya, "Ano ba ang iniutos sa inyo ni Moises?" 4Sinabi nila, "Pinahintulutan ni Moises ang lalaki na sumulat ng katibayan ng paghihiwalay at pagkatapos ay paaalisin siya."

5Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ito ay dahil sa matitigas ninyong mga puso, kaya isinulat niya ang batas na ito. 6Ngunit sa simula pa lamang ng paglikha, 'Ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.'
7'Sa kadahilanang ito, iiwanan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makipisan sa kaniyang asawa, 8at ang dalawa ay magiging isang laman.' Kaya hindi na sila dalawa, kundi iisang laman. 9Kaya ang pinagbuklod ng Diyos, huwag paghiwalayin ng tao."
10Nang nasa bahay na sila, muli siyang tinanong ng kaniyang mga alagad tungkol dito. 11Sinabi niya sa kanila, "Sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng ibang babae ay nangangalunya laban sa kaniya. 12At kung makikipaghiwalay ang babae sa kaniyang asawa at mag-asawa ng ibang lalaki, siya ay nangangalunya."
13At dinala nila ang kanilang mga anak sa kaniya upang sila ay maaari niyang hawakan, ngunit sinaway sila ng mga alagad. 14Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, "Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos.
15Totoo, sinasabi ko ito sa inyo, sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang maliit na bata ay tiyak na hindi makakapasok dito." 16Pagkatapos, kinalong niya ang mga bata at binasbasan niya sila sa pagpatong ng kaniyang kamay sa kanila.
17At nang simulan niya ang kaniyang paglalakbay, patakbong lumapit sa kaniya ang isang lalaki at lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?" 18At sinabi ni Jesus, "Bakit mo ako tinawag na mabuti? "Walang sinuman ang mabuti, maliban lamang sa Diyos. 19Alam mo ang mga kautusan: 'Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magpapatotoo ng kasinungalingan, huwag kang mandaraya, igalang mo ang iyong ama at ina'."
20Sinabi ng lalaki, "Guro, sinunod ko ang lahat ng mga bagay na ito magmula pa sa aking pagkabata." 21Tiningnan siya ni Jesus at minahal siya. Sinabi niya sa kaniya, "Isang bagay ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ibigay sa mga mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay sumunod ka sa akin." 22Ngunit pinanghinaan siya ng loob sa mga pahayag na ito, umalis siya na lubusang nalungkot sapagkat marami siyang ari-arian.
23Tumingin si Jesus sa kaniyang paligid at sinabi sa kaniyang mga alagad, "Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!" 24Namangha ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Ngunit muling sinabi ni Jesus sa kanila, "Mga bata, napakahirap ang makapasok sa kaharian ng Diyos! 25Mas madali pang makapasok sa butas ng karayom ang kamelyo, kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos."
26Labis silang namangha at sinabi sa isa't isa, "Kung gayon sino ang maliligtas?" 27Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, " Hindi magagawa ito sa mga tao, ngunit hindi sa Diyos. Sapagkat magagawa ng Diyos ang lahat." 28Nagsimulang magsalita sa kaniya si Pedro, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo."
29Sinabi ni Jesus, "Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita, 30ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. 31Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna."
32Nasa daan sila, paakyat sa Jerusalem at nauuna si Jesus sa kanila. Namangha ang mga alagad at ang mga sumusunod ay natatakot. At muling ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at nagsimulang sabihin sa kanila ang nalalapit na mangyayari sa kaniya, 33"Tingnan ninyo, pupunta tayo sa Jerusalem, at ihaharap ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga Gentil. 34Kukutyain nila siya, duduraan, hahagupitin at kanilang papatayin. Ngunit mabubuhay siya pagkatapos ng tatlong araw."
35Pumunta sa kaniya sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo at sinabi, "Guro, gusto naming gawin mo para sa amin ang kahit anong hingin namin sa iyo." 36Sinabi niya sa kanila, "Anong gusto ninyong gawin ko para sa inyo?" 37Sinabi nila, "Payagan mo kaming umupo na kasama mo sa iyong kaluwalhatian, isa sa iyong kanang kamay at ang isa sa iyong kaliwa."
38Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, "Hindi ninyo alam ang inyong hinihingi. Makakaya ba ninyong uminom sa tasang iinuman ko o tiisin ang bautismo na ibabautismo sa akin?" 39Sinabi nila sa kaniya, "Makakaya namin." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang tasang iinuman ko, iinuman ninyo at ang bautismo na ibabautismo sa akin, titiisin ninyo. 40Ngunit kung sino ang uupo sa aking kanang kamay o sa aking kaliwang kamay, hindi ako ang magkakaloob kundi para ito sa kaninumang naihanda na."
41Nang marinig ng iba pang sampung alagad ang tungkol dito, nagsimula silang magalit ng labis kina Santiago at Juan. 42Tinawag sila ni Jesus at sinabi, "Alam ninyo na ang itinuturing na mga pinuno ng mga Gentil ang nangingibabaw sa kanila, at ang kanilang mga mahahalagang tao ang nagpapatupad ng kapangyarihan sa kanila.
43Ngunit hindi sa paraang ito ang nararapat sa inyo. Sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay nararapat ninyong maging lingkod, 44at sinumang nagnanais na manguna sa inyo ay nararapat na maging alipin ng lahat. 45Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran, ngunit upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang katubusan ng lahat."
46Nakarating sila sa Jerico. Nang paalis na si Jesus sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang anak ni Timeo, na si Bartimeo, isang bulag na pulubi ay nakaupo sa tabi ng daan. 47Nang marinig niyang si Jesus na taga-Nazaret iyon, nagsimula siyang sumigaw at nagsabi, "Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!" 48Maraming sumusuway sa bulag, na nagsasabi na manahimik siya. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, "Anak ni David, maawa ka sa akin!"
49Huminto si Jesus at iniutos na siya ay tawagin. Tinawag nila ang bulag na sinasabi, "Maging matapang ka! Tumayo ka! Tinatawag ka niya." 50Inihagis niya ang kaniyang balabal, lumukso at pumunta kay Jesus.
51At sinagot siya ni Jesus at sinabi, "Anong gusto mong gawin ko para sa iyo?" Sinabi ng bulag, "Rabi, gusto kong matanggap ang aking paningin." 52Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Humayo ka. Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo." Kaagad niyang natanggap ang kaniyang paningin at sumunod siya kay Jesus sa daan.

11

1Ngayon nang makarating sila sa Jerusalem, nang malapit na sila sa Betfage at Bethania, sa Bundok ng Olibo, inutusan ni Jesus ang dalawa niyang alagad 2at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo sa nayon sa tapat natin. Sa oras na makapasok kayo, makakakita kayo ng isang batang asno hindi pa nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin ninyo sa akin. 3At kung sinuman ang magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo ginagawa iyan?', sabihin ninyo lang, 'Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din ito agad dito.' "

4Umalis sila at nakita ang isang batang asno na nakatali sa labas ng isang pintuan sa lansangan at kinalagan nila ito. 5May ilang mga tao ang nakatayo doon at nagtanong sa kanila, "Anong ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?" 6Sinagot nila sila gaya ng sinabi sa kanila ni Jesus at pinabayaan na silang makaalis ng mga tao.
7Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya. 8Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. 9Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, "Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 10Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!"
11Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa loob ng Jerusalem at tumuloy sa templo at tumingin sa paligid at sa lahat ng mga bagay. Ngayon, dahil hapon na, pumunta siya sa Bethania kasama ang Labindalawa. 12Kinabukasan, sa kanilang pagbabalik mula sa Bethania, nagutom siya.
13At nang nakakita siya sa malayo ng puno ng igos na may mga dahon, pumunta siya upang tingnan kung mayroon ba siyang makukuha rito. At pagkarating niya doon, wala siyang nakita kung hindi puro dahon, dahil hindi pa panahon ng mga igos. 14Kinausap niya ito, "Wala ng makakakain muli ng bunga mula sa iyo." At narinig ito ng kaniyang mga alagad.
15Nakarating sila sa Jerusalem, pumasok siya sa templo at sinimulan niyang palayasin ang mga nagtitinda at namimili sa templo. Tinaob niya ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng kalapati. 16Hindi niya pinayagang makapasok ang kahit na sino na may dalang kahit na anong bagay na maaaring ibenta sa templo.
17Tinuruan niya sila at sinabi, "Hindi ba nasusulat na, 'Ang aking tahanan ay tatawaging Bahay ng Panalangin para sa lahat ng mga bansa'? Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw." 18Narinig ng mga punong pari at ng mga eskriba ang sinabi niya, at naghanap sila ng paraan upang ipapatay siya. Kinatatakutan nila siya dahil ang lahat ng mga tao ay namangha sa kaniyang mga tinuturo. 19At tuwing sumasapit ang gabi ay umaalis sila sa lungsod.
20Nang dumaan sila kinaumagahan, nakita nilang nalanta na ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. 21Naalala ito ni Pedro at sinabi, "Rabi, tignan mo! Nalanta ang puno ng igos na sinumpa mo."
22Sinagot sila ni Jesus, "Manampalataya kayo sa Diyos. 23Totoo itong sinasabi ko sa inyo na kung sinuman ang magsasabi sa bundok na ito na, ''Mapataas ka at ihagais mo ang iyong sarili sa dagat,' at kung hindi siya magdududa sa kaniyang puso ngunit naniniwala siyang mangyayari ang sinabi niya, iyon ang gagawin ng Diyos.
24Kaya sinasabi ko ito sa inyo: Ang lahat ng inyong ipapanalangin at hinihiling, maniwala kayong natanggap na ninyo, at ito ay mapapasa-inyo. 25Kapag tumayo ka at mananalangin, kailangan mong patawarin ang kahit na anong mayroon ka laban sa kahit na sino, nang sa gayon ay mapatawad din ng inyong Amang nasa langit ang iyong mga pagsuway." 26(Ngunit kung hindi ka magpapatawad, hindi rin patatawarin ng Amang nasa langit ang inyong mga kasalanan.)
27Nakarating silang muli ng Jerusalem, habang si Jesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong pari, mga eskriba, at ng mga nakatatanda. 28Sinabi nila sa kaniya, "Sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang gawin ang mga ito?"
29Sinabi sa kanila ni Jesus, "Tatanungin ko kayo ng isang katanungan. Sabihin ninyo sa akin at sasabihin ko rin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito. 30Ang pagbabautismo ni Juan, nanggaling ba iyon sa langit o sa tao? Sagutin ninyo ako."
31At sila ay nag-usap-usap at nagtalu-talo at sinabi, "Kung sasabihin nating, 'Sa langit,' sasabihin niyang, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?' 32Ngunit kung sasabihin nating, 'Mula sa tao,'..." Natakot sila sa mga tao, dahil pinanghahawakan nilang lahat na si Juan ay isang propeta. 33Pagkatapos ay sinagot nila si Jesus at sinabi, "Hindi namin alam." At sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito."

12

1Pagkatapos nagsimulang magturo sa kanila si Jesus ng mga talinghaga. Sinabi niya, "May isang tao na gumawa ng ubasan, binakuran ang paligid nito, at gumawa ng hukay para sa pisaan ng ubas. Nagtayo siya ng toreng bantayan at pagkatapos ay pinaupahan niya ang ubasan sa mga katiwala ng ubas. Pagkatapos ay naglakbay siya. 2Sa tamang panahon, ipinadala niya ang kaniyang lingkod sa mga tagapag-alaga ng ubas upang tanggapin mula sa kanila ang ilan sa mga bunga ng ubasan. 3Ngunit kinuha nila siya, binugbog at pinalayas na walang dalang anuman.

4Muli siyang nagpadala sa kanila ng iba pang lingkod, sinugatan nila ito sa ulo at ipinahiya. 5Nagpadala siya ng isa pa, at pinatay rin nila ito. Ganito din ang pakikitungo nila sa mga iba pa, binugbog ang ilan at pinapatay ang iba.
6Mayroon pa siyang isang taong maipapadala, ang pinakamamahal niyang anak. Siya ang pinakahuling taong ipinadala niya sa kanila. Sinabi niya, "Igagalang nila ang aking anak." 7Ngunit sinabi ng mga katiwala sa isa't isa, "Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at mapapasaatin ang kaniyang mana."
8Dinakip nila siya, pinatay at ipinatapon sa labas ng ubasan. 9Kaya, ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Darating siya at papatayin ang mga katiwala ng ubas at ibibigay ang ubasan sa iba.
10Hindi ba ninyo nababasa ang kasulatang ito? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo, ang naging batong-panulukan. 11Mula ito sa Panginoon at kamangha-mangha ito sa ating mga mata."' 12Nais nilang hulihin si Jesus ngunit natakot sila sa maraming tao, sapagkat alam nilang sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Kaya iniwan nila siya at umalis.
13Pagkatapos, nagpadala sila sa kaniya ng ilan sa mga Pariseo at mga tauhan ni Herodes upang bitagin siya sa pamamagitan ng mga salita. 14Nang makarating sila, sinabi nila sa kaniya, "Guro, alam namin na wala kayong pakialam sa saloobin ninuman at hindi kayo nagpapakita ng pagpanig sa pagitan ng mga tao. Tunay na iyong itinuturo ang daan ng Diyos. Naaayon ba sa kautusan na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi? Kailangan ba kaming magbayad o hindi?" 15Ngunit batid ni Jesus ang kanilang pagkukunwari at sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng denario upang matingnan ko ito."
16Nagdala sila ng isa kay Jesus. Sinabi niya sa kanila, "Kaninong larawan at tatak ito?" Sumagot sila, "Kay Cesar." 17Sinabi ni Jesus, "Ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos." Namangha sila sa kaniya.
18Pagkatapos pumunta sa kaniya ang mga Saduceo na nagsasabing walang pagkabuhay muli. Tinanong nila siya na nagsasabi, 19"Guro, sumulat si Moises para sa atin, 'Kung namatay ang kapatid na lalaki ng isang lalaki at maiwan niya ang asawa, ngunit walang anak, kailangang kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng mga anak para sa kaniyang kapatid.'
20Mayroong pitong magkakapatid na lalaki; ang una ay nakapangasawa at pagkatapos ay namatay na walang naiwang anak. 21Pagkatapos kinuha siya upang mapangasawa ng ikalawa at namatay na walang naiwang anak. At gayundin ang ikatlo. 22At walang naiwang anak ang pito. Sa huli namatay din ang babae. 23Sa muling pagkabuhay, kapag sila ay bumangon muli, sino ang kaniyang magiging asawa? Gayong napangasawa niya ang lahat ng pitong magkakapatid."
24Sinabi ni Jesus, "Hindi ba ito ang dahilan kaya kayo nagkakamali, dahil hindi ninyo nalalaman ang kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos? 25Sapagkat kapag bumangon sila mula sa mga patay, hindi na sila mag-aasawa o makapag-aasawa, ngunit katulad sila ng mga anghel sa langit.
26Ngunit tungkol sa mga patay na ibinangon, hindi ba ninyo nabasa sa Aklat ni Moises, sa salaysay tungkol sa mababang punong kahoy, kung paano nangusap sa kaniya ang Diyos at sinabi, 'Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob?' 27Hindi siya ang Diyos ng mga patay, ngunit ng mga buhay. Nagkakamali kayo.
28Isa sa mga eskriba ang nagpunta at nakarinig sa kanilang pag-uusap, nakita niyang mahusay silang sinagot ni Jesus. Tinanong niya ito, "Ano ang pinakamahalagang kautusan sa lahat?" 29Sumagot si Jesus, "Ang pinakamahalagang kautusan ay, 'Makinig kayo, Israel, ang Panginoong ating Diyos, ang Panginoon ay iisa. 30Ibigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong kalakasan.' 31Ito ang ikalawang kautusan, 'Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili.' Wala nang iba pang kautusang higit na dakila kaysa mga ito."
32Sinabi ng eskriba, "Mahusay, Guro! Tunay na nasabi ninyong iisa ang Diyos, at wala ng iba pa maliban sa kaniya. 33Ang ibigin siya nang buong puso, nang buong pang-unawa, nang buong kalakasan, at ang ibigin ang kapwa gaya ng sarili ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng mga susunuging mga alay at mga hain." 34Nang makita ni Jesus na siya ay nagbigay ng matalinong kasagutan, sinabi niya sa kaniya, "Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos." Matapos iyon walang sinumang nangahas magtanong kay Jesus ng anumang mga katanungan.
35At tumugon si Jesus, habang nangangaral siya sa templo, sinabi niya, "Paano ito nasasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David? 36Si David mismo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagsabi, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanang kamay, hanggang magawa kong tapakan ng paa mo ang iyong mga kaaway.' 37Mismong si David ay tinawag na Cristo ang 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?" Masayang nakinig sa kaniya ang napakaraming tao.
38Sa kaniyang pagtuturo, sinabi ni Jesus, "Mag-ingat kayo sa mga eskriba na nagnanais na maglakad ng may mahabang mga balabal at batiin sa mga pamilihan 39at magkaroon ng mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at sa mga pangunahing lugar sa mga kapistahan. 40Kinakamkam din nila ang mga bahay ng mga balo at nananalangin sila ng mga mahahabang panalangin upang makita ng mga tao. Makatatanggap ang mga taong ito ng mas mabigat na parusa."
41Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera. 42At dumating ang isang mahirap na balo at naglagay ng dalawang kusing na nagkakahalaga ng isang pera.
43At tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Mahalaga itong sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na balong ito ay nakapaglagay ng higit kaysa lahat ng nagbigay sa lalagyan ng kaloob 44Sapagkat nagbigay ang lahat sa kanila mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang balong ito, sa kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng perang mayroon siya na kaniyang ikabubuhay."

13

1Habang si Jesus ay naglalakad papalayo mula sa templo, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, "Guro, tingnan mo ang kamangha-manghang mga bato at mga gusali!" 2Sinabi niya sa kaniya, "Nakikita ba ninyo ang naglalakihang mga gusali na ito? Walang isa mang bato ang matitira sa ibabaw ng kapwa bato, ang lahat ay maguguho."

3Nang umupo siya sa Bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang sarilinan nina Pedro, Santiago, Juan at Andres, 4"Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan na ang lahat na ito ay malapit nang mangyari?"
5Nagsimulang magsalita si Jesus sa kanila, "Mag- ingat kayo na walang sinuman ang magligaw sa inyo. 6Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako siya,' at ililigaw nila ang karamihan.
7Kapag nakarinig kayo ng mga digmaan, at mga balita ng digmaan, huwag kayong mag-alala; dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. 8Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak.
9Maging mapagbantay kayo. Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at kayo ay bubugbugin sa mga sinagoga. Haharap kayo sa mga hari at mga gobernador alang-alang sa akin, bilang isang patotoo sa kanila. 10Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa.
11Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu. 12Ipasakamay ng isang kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang isang ama naman ang kaniyang anak. Ang mga anak ay lalaban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila. 13Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makatitiis hanggang sa wakas, ang taong iyon ay maliligtas.
14Kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na lagim na nakatayo kung saan ito hindi dapat nakatayo (intindihin ng bumabasa), tumakas papunta sa mga bundok ang mga nasa Judea, 15ang mga nasa bubungan ay huwag ng bumaba pa sa loob ng bahay, o magdala ng ano pa man mula doon, 16at ang mga nasa bukirin ay huwag ng umuwi upang kunin ang kanilang balabal.
17Ngunit aba silang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng mga sanggol sa mga panahong iyon! 18Ipanalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng tag-lamig. 19Sapagkat magkakaroon ng matinding kahirapan na wala pang kagaya mula nang simula, nang likhain ng Diyos ang daigdig hanggang sa ngayon at wala nang mangyayari pa na katulad nito. 20Maliban na lang kung paiksiin ng Panginoon ang mga araw, walang sinuman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na mga pinili niya, paiiksiin niya ang bilang ng mga araw.
21At kung may nagsabi sa inyong, 'Tingnan ninyo, nandito ang Cristo!' o 'Tingnan ninyo, nandito siya' huwag ninyo itong paniwalaan. 22Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at bulaang mga propeta at magbibigay ng mga himala at kababalaghan upang linlangin, kung maaari, maging ang mga hinirang. 23Maging mapagbantay kayo! Ngayon pa lang ay sinabi ko na ang mga bagay na ito sa inyo.
24Ngunit pagkatapos ng matinding kahirapan sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim at ang buwan ay hindi na magliliwanag, 25ang mga bituwin ay mahuhulog mula sa langit at ang kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig. 26Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap taglay ang dakila nitong kapangyarihan at kaluwalhatian. 27Pagkatapos ipapadala niya ang kaniyang mga anghel upang tipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo, mula sa mga dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.
28Matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos. Sa oras na maging malambot ang sanga nito at magsimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit nang dumating ang tag-araw. 29Gayon din, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alam ninyong malapit na siyang darating, malapit sa mga tarangkahan.
30Totoo ang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito hanggang hindi nangyayari ang lahat ng mga ito. 31Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas. 32Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakakaalam, maging ang mga anghel sa langit o maging ang Anak, tanging ang Ama lamang.
33Maging handa kayo! Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung sa anong oras ito. 34Katulad ito ng isang lalaking naglakbay: umalis siya sa bahay niya at ipinagkatiwala sa kaniyang mga lingkod ang pamamahala sa kaniyang bahay, ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain. At inutusan niya ang tagapagbantay na manatiling gising.
35Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga. 36Kung bigla siyang dumating, huwag ninyong hayaan na madatnan niya kayong natutulog. 37Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo!"

14

1Dalawang araw pa bago ang Paskua at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Nag-iisip ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila patagong madakip si Jesus at pagkatapos ay papatayin. 2Sapagkat sinasabi nila, "Hindi sa panahon ng pista, sa gayon hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao."

3Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo. 4Ngunit may ilang nagalit. Nag-usap-usap ang bawat isa at sinabi, "Ano ang dahilan sa pag-aaksayang ito? 5Ang pabangong ito ay maaaring ipagbili ng higit pa sa tatlong daang denario at maibigay sa mga mahihirap." At sinasaway nila siya.
6Ngunit sinabi ni Jesus, "Pabayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya ginugulo? Ginawa niya ang isang magandang bagay para sa akin. 7Nasa inyo lagi ang mga mahihirap, at kung gugustuhin ninyo, matutulungan ninyo sila, ngunit hindi ninyo ako laging kasama. 8Ginawa niya ang kaniyang makakaya, pinahiran niya ang aking katawan para sa paglilibing sa akin. 9Totoo ang sinasabi ko sa inyo, saanman maihayag ang mabuting balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay pag-uusapan bilang alaala sa kaniya."
10Pagkatapos, pumunta sa mga pangulong pari si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa upang ibigay si Jesus sa kanila. 11Nang marinig ito ng mga punong pari, nasiyahan sila at nangakong bigyan siya ng pera. Nagsimula siyang maghanap ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila.
12Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang naghandog sila ng batang tupa alang-alang sa Paskua, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, "Saan mo kami nais pumunta upang maghanda ng hapunan alang-alang sa Paskua?" 13Ipinadala niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo sa lungsod, at isang lalaki na may dalang tubig na nakalagay sa pitsel ang sasalubong sa inyo. Sundan ninyo siya. 14Sundan ninyo siya kung saang bahay siya papasok at sabihin sa may-ari ng bahay na iyon, 'Ipinapatanong ng Guro, "Nasaan ang aking silid na aking kakainan sa Paskua kasama ang aking mga alagad?" '
15"Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na kumpleto ang kagamitan na nakahanda na. Gawin ninyo ang mga paghahanda para sa atin doon." 16Umalis ang mga alagad at pumunta sa lungsod, natagpuan nila ang lahat gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang hapunan alang-alang sa Paskua.
17Kinagabihan, dumating siya kasama ang Labindalawa. 18Habang nakasandal sila sa lamesa at kumakain, sinabi ni Jesus, "Totoo, sinasabi ko sa inyo. Isa sa inyo na kasama kong kumakain ang magkakanulo sa akin. 19Labis silang nalungkot at isa-isang nagtanong sa kaniya, "Siguradong hindi ako, di ba?"
20Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Isa sa Labindalawa, ang kasama kong ngayong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok. 21Sapagkat tatahakin ng Anak ng Tao ang daan na sinasabi sa kasulatan tungkol sa kaniya. Ngunit aba sa taong magkakanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pang hindi na siya isinilang."
22Habang kumakain sila, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala at hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, "Kunin ninyo ito. Ito ang aking katawan." 23Kumuha siya ng tasa, nagpasalamat, ibinigay ito sa kanila at uminom silang lahat mula rito. 24Sinabi niya sa kanila, "Ito ang aking dugo ng kasunduan, ang dugo na maibubuhos para sa marami. 25Totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi ako muling iinom nitong bunga ng ubas hanggang sa araw na iyon kung kailan ako iinom ng panibago sa kaharian ng Diyos."
26Pagkatapos nilang umawit ng himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo. 27Sinabi ni Jesus sa kanila, "Iiwanan ninyo akong lahat, sapagkat ito ang nasusulat, 'Papatayin ko ang pastol at magsisikalat ang mga tupa.'
28Ngunit pagkatapos kong mabuhay muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea." 29Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kahit iwanan kayo ng lahat, hindi kita iiwanan."
30Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Totoo, sinasabi ko ito sa iyo, ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, ipagkakaila mo ako ng tatlong beses. 31Ngunit sinabi ni Pedro, "Kung kailangan kong mamatay kasama mo, hindi kita ipagkakaila." Ganun din ang pangako na sinabi nilang lahat.
32Dumating sila sa lugar na tinatawag na Getsemani at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Umupo kayo dito habang ako ay nananalangin." 33Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabalisa at labis na nabahala. 34Sinabi niya sa kanila, "Ang aking kaluluwa ay labis na nagdadalamhati, kahit sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay."
35Pumunta si Jesus sa di kalayuan, nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lampasan siya ng oras na ito. 36Sinabi niya, "Abba, Ama, kaya mong gawin ang lahat. Alisin mo ang tasang ito sa akin. Ngunit hindi ang aking kalooban, kundi ang iyong kalooban."
37Bumalik siya at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, "Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagbantay ng isang oras man lang? 38Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo matukso. Tunay na ang espiritu ay nakahandang sumunod, ngunit mahina ang laman." 39Muli siyang umalis at nanalangin at kaniyang sinabi ang ganoon ding mga salita.
40Muli siyang bumalik at nadatnan silang natutulog, sapagkat antok na antok sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya. 41Bumalik siya sa pangatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, "Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras. Tingnan ninyo! Ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 42Bumangon kayo, umalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang taong magkakanulo sa akin.
43Habang nagsasalita si Jesus, kaagad na dumating si Judas, isa sa Labindalawa, at napakaraming tao ang kasama niya na may mga espada at pamalo, mula sila sa mga punong pari, mga eskriba, at mga nakatatanda. 44Ngayon, nagbigay na ng palatandaan ang magkakanulo sa kaniya, na nagsasabi, "Kung sino man ang hahalikan ko, siya iyon. Hulihin ninyo siya at bantayang mabuti sa pagdala ninyo sa kaniya. 45Pagdating ni Judas, kaagad niyang pinuntahan si Jesus at sinabi "Rabi!" At kaniyang hinalikan. 46At siya ay sinunggaban nila at dinakip.
47Ngunit nagbunot ng kaniyang espada ang isa sa kanila na nakatayo sa malapit at tinaga ang tainga ng lingkod ng pinakapunong pari. 48Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kayo ba ay nagsilabasan na laban sa isang magnanakaw, na may mga espada at pamalo upang dakpin ako?" 49Nang araw-araw ninyo akong kasama at nagtuturo sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit nangyari ang mga ito upang matupad ang mga kasulatan. 50Iniwanan si Jesus ng lahat ng kasama niya at nagsitakas sila.
51Sumunod sa kaniya ang isang binatang nakasuot lamang ng isang linong kasuotan na nakabalot sa kaniya; hinuli nila siya ngunit 52iniwan niya roon ang linong kasuotan at tinakasan niya sila na nakahubad.
53Dinala nila si Jesus sa mga pinakapunong pari. Nagkatipun-tipon doon kasama niya ang lahat ng mga punong pari, mga nakatatanda, at mga eskriba. 54Ngayon sumunod si Pedro sa kaniya mula sa malayo, hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Naupo siya kasama ng mga bantay na malapit sa apoy na nagpapainit.
55Ngayon ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng magpapatotoo laban kay Jesus upang maipapatay nila siya. Ngunit wala silang mahanap. 56Sapagkat marami ang nagsabi ng maling patotoo laban sa kaniya, ngunit maging ang kanilang patotoo ay hindi nagtugma.
57Tumayo ang ilan at nagsabi ng maling patotoo laban sa kaniya, sinabi nila, 58"Narinig namin siyang nagsabi, 'Wawasakin ko ang templong ito na gawa ng mga kamay at sa tatlong araw muli akong magtatayo ng isang hindi gawa ng mga kamay.' " 59Gayunpaman, hindi nagtugma maging ang kanilang mga patotoo.
60Tumayo sa kanila ang pinakapunong pari at tinanong si Jesus, "Wala ka bang kasagutan? Ano itong patotoo ng mga tao laban sa iyo?" 61Ngunit tahimik siya at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng pinakapunong pari at sinabi, "Ikaw ba ang Cristo, ang anak ng Pinagpala?" 62Sinabi ni Jesus, "Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao kapag nakaupo na siya sa bandang kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa ulap sa langit."
63Pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga kasuotan at sinabi, "Kailangan pa ba natin ng mga saksi? 64Narinig ninyo ang kalapastanganan na sinabi niya. Ano ang inyong pasya?" At hinatulan siya nilang lahat bilang isang nararapat sa kamatayan. 65At sinimulan siyang duraan ng ilan at tinakpan ang kaniyang mukha, hinampas siya at sinabi sa kaniya, "Hulaan mo!" Kinuha siya ng mga opisyal at binugbog siya.
66Habang si Pedro ay nasa ibaba ng patyo, isa sa mga babaing lingkod ng pinakapunong pari ang pumunta sa kaniya. 67Nakita niya si Pedro habang nakatayo sa tapat ng apoy na nagpapainit at pinagmasdan niya itong mabuti. Pagkatapos sinabi niya, "Kasama ka rin ng taga-Nazaret na si Jesus." 68Ngunit itinangggi niya ito at sinabi, "Hindi ko nalalaman o naiintindihan man ang iyong sinasabi." Pagkatapos lumabas siya sa patyo (at tumilaok ang manok).
69Ngunit nakita siya roon ng babaeng lingkod at muling nagsimulang magsabi sa mga nakatayo roon, "Ang taong ito ay isa sa kanila!" 70Ngunit muli niya itong itinanggi. Hindi nagtagal sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, "Siguradong isa ka sa kanila, sapagkat isa ka ring taga-Galilea."
71Ngunit nagsimula siyang manungayaw at manumpa, "Hindi ko nakikilala ang lalaking sinasabi ninyo." 72Pagkatapos tumilaok ang tandang ng ikalawang beses. At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bago tumilaok ang tandang ng dalawang ulit, tatlong beses mo akong itatanggi." At nanlumo siya at tumangis.

15

1Maagang-maaga pa nagtipon-tipon na ang mga punong pari kasama ang mga nakatatanda at mga eskriba, at ang buong Konseho ng Sanedrin. Pagkatapos ay iginapos nila si Jesus at inilabas siya. Ipinasa nila siya kay Pilato. 2Tinanong siya ni Pilato, "Ikaw ba ang hari ng mga Judio?" Sinagot niya siya, "Kung iyan ang sinasabi mo." 3Nagpalabas ang mga punong pari ng maraming mga bintang laban kay Jesus.

4Tinanong siya muli ni Pilato, "Wala ka bang maibibigay na kasagutan? Nakikita mo ba kung ilan ang mga inilalabas nilang mga bintang laban sa iyo?" 5Ngunit hindi na muling sinagot ni Jesus si Pilato, at dahil doon, namangha siya.
6Ngayon sa panahon ng pista, kadalasang nagpapalaya si Pilato ng isang bilanggo, isang bilanggong hiniling nila. 7Doon, sa kulungan kasama sa mga manghihimagsik, kabilang sa mga mamamatay tao na kasapi sa rebelyon, ay isang lalaking nagngangalang Barabas. 8Pumunta ang maraming tao kay Pilato at nagsimula silang humiling sa kaniya na gawin niya ang ginagawa niya noong mga nakaraang panahon.
9Sinagot sila ni Pilato at sinabi, "Gusto ba niyong palayain ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?" 10Dahil alam niyang dahil sa inggit ng mga punong pari kay Jesus kung kaya siya ay ipinasa sa kaniya. 11Ngunit sinulsulan ng mga punong pari ang maraming tao para isigaw na si Barabas ang dapat palayain.
12Sinagot silang muli ni Pilato at sinabing, "Ano ngayon ang gagawin ko sa Hari ng mga Judio?" 13Sumigaw silang muli, "Ipako siya sa krus!"
14Sinabi sa kanila ni Pilato, "Anong kasalanan ang ginawa niya?" Ngunit mas lalo nilang isinigaw, "Ipako siya sa krus." 15Gusto ni Pilato na malugod ang mga tao kaya pinalaya niya si Barabas sa kanila. Hinampas niya si Jesus at ibinigay siya upang maipako sa krus.
16Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo (ng kwartel), at tinawag nila ang buong hukbo ng mga kawal. 17Nilagyan nila si Jesus ng balabal na kulay lila, at gumawa sila ng isang koronang gawa sa tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo. 18Nagsimula silang saluduhan siya at sinabi, "Mabuhay, Hari ng mga Judio!"
19Hinampas nila ang kaniyang ulo ng tambo at dinuraan siya. Nagluhod-luhuran silang nagpakita ng paggalang sa kaniya. 20Nang matapos nila siyang kutyain, tinanggal nila mula sa kaniya ang balabal na kulay lila at inilagay sa kaniya ang kaniyang mga damit, at pagkatapos inilabas siya upang ipako sa krus. 21Pinilit nilang tumulong ang isang taong dumaan na galing sa bukid na nagngangalang Simon na taga-Cirene (ang ama ni Alejandro at Rufo); pinilit nila siyang pasanin ang krus ni Jesus.
22Dinala si Jesus ng mga kawal sa lugar na kung tawagin ay Golgotha (na ang ibig sabihin ay, Lugar ng Bungo). 23Inalok nila siya ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ito ininom. 24Ipinako nila siya at pinaghati-hatian ang kaniyang kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran upang malaman kung anong parte ng kasuotan ang makukuha ng bawat kawal.
25Ikatlong oras na nang siya ay ipinako nila. 26Sinulat nila sa isang karatula ang bintang laban sa kaniya, "Ang Hari ng mga Judio." 27Kasama niyang ipinako sa krus ang dalawang magnanakaw, isa sa kanan niya, at isa sa kaliwa. 28(At naisakatuparan ang Kasulatan na nagsasabing: At siya ay ibinilang sa mga suwail.)
29Ininsulto siya ng mga taong dumaraan, umiiling ang kanilang mga ulo at sinasabi, "Oy! Ikaw na wawasak sa templo at magtatayo muli nito sa loob ng tatlong araw, 30iligtas mo ang iyong sarili at bumaba ka mula sa krus!"
31Sa ganoong paraan din ay kinukutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba, at sinabi, "Iniligtas niya ang iba, ngunit hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili. 32Hayaan nating bumaba mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, nang makita natin at mapaniwala tayo." Pati ang mga kasama niyang nakapako sa krus ay nilalait rin siya.
33Sa ika-anim na oras, nagdilim ang buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras. 34Sa ika-siyam na oras, sumigaw si Jesus ng may malakas na boses, "Eloi, Eloi, lama sabachthani?" na ang ibig sabihin, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" 35Narinig iyon ng ilan sa mga nakatayo na malapit sa kaniya at sinabing, "Tignan ninyo, tinatawag niya si Elias."
36May isang tumakbo, naglagay ng maasim na alak sa espongha, inilagay ito sa isang tambong tungkod at ibinigay ito sa kaniya upang inumin. Sinabi ng lalaki, "Tingnan natin kung darating si Elias upang ibaba siya." 37Pagkatapos ay sumigaw si Jesus ng may malakas na boses at namatay. 38Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba.
39At nang makita ng senturion na nakatayo at nakaharap kay Jesus na namatay siya sa ganitong paraan, sinabi niya, "Tunay ngang siya ang Anak ng Diyos." 40Mayroon ding mga babaing nakatingin sa malayo. Kabilang sa kanila ay sina Maria Magdalena, Maria (ang ina ni Santiago na nakababata at ni Jose), at si Salome. 41Nang siya ay nasa Galilea sumunod sila sa kaniya at pinaglingkuran siya. Marami ring mga kababaihan ang sumama sa kaniya sa Jerusalem.
42Nang gumabi na, dahil ito ay araw ng Paghahanda, na ang araw bago ang Araw ng Pamamahinga, 43pumunta si Jose na taga-Arimatea doon. Isa siya sa mga iginagalang na kasapi ng Konseho na naghihintay sa Kaharian ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus. 44Namangha si Pilato nang malaman niyang patay na si Jesus. Ipinatawag niya ang senturion upang tanungin kung patay na nga si Jesus.
45Nang malaman niya mula sa senturion na patay na nga siya, ibinigay na niya ang katawan ni Jesus kay Jose. 46Bumili si Jose ng linong tela. Ibinaba niya siya mula sa krus, ibinalot siya sa linong tela, at ihinimlay siya sa isang libingan na tinapyas mula sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan. 47Nakita nila Maria Magdalena at ni Maria na ina ni Jose ang lugar kung saan inilibing si Jesus.

16

1Nang matapos ang Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago, at si Salome ay bumili ng pabango upang makapunta sila at mapahiran ang katawan ni Jesus para sa paglilibing. 2Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, nang sumikat ang araw pumunta sila sa libingan.

3Sinabi nila sa isa't isa, "Sino ang magpapagulong ng bato ng pasukan ng libingan para sa atin?" 4Nang tumingin sila sa itaas, nakita nila na mayroon ng nagpagulong ng bato na napakalaki.
5Pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang nakasuot ng puting balabal, nakaupo sa gawing kanan at namangha sila. 6Sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Bumangon na siya! Wala siya rito. Tingnan ninyo kung saan siya inilagay. 7Ngunit humayo kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro na mauuna siyang pupunta sa inyo sa Galilea. Doon makikita ninyo siya, gaya ng sinabi niya sa inyo."
8Lumabas sila at tumakbo mula sa libingan; natakot sila at namangha. Wala silang sinabi sa sinuman dahil matindi ang kanilang takot.
9Maaga sa unang araw ng linggong iyon, matapos siyang bumangon, una siyang nagpakita kay Maria Magdalena, na mula sa kaniya napalayas niya ang pitong demonyo. 10Umalis si Maria Magdalena at sinabi sa mga kasama niya, habang nagluluksa sila at umiiyak. 11Narinig nilang buhay si Jesus at nakita niya ito ngunit hindi sila naniwala.
12Matapos ng mga pangyayaring ito, nagpakita siya sa kakaibang anyo sa dalawa pang tao, habang naglalakad sila palabas ng bayan. 13Pumunta sila at nagbalita sa iba pang mga alagad ngunit hindi sila naniwala sa kanila.
14Sa ibang pagkakataon, nagpakita si Jesus sa labing-isa habang nakasandal sila sa hapag, at sinaway sila dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso, dahil hindi sila naniniwala sa mga nakakita sa kaniya matapos siyang bumangon mula sa mga patay. 15Sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha. 16Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas at ang hindi naniniwala ay hahatulan.
17Ang mga palatandaang ito ay tataglayin ng mga sumasampalataya. Sa aking pangalan sila ay magpapalayas ng mga demonyo. Magsasalita sila sa mga bagong wika. 18Pupulot sila ng mga ahas, at kung iinom sila ng anumang nakamamatay ay hindi sila masasaktan nito. Magpapatong sila ng kamay sa mga may sakit at gagaling sila."
19Matapos magsalita sa kanila ang Panginoon, iniakyat siya patungo sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos. 20Humayo ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako, habang ang Panginoon ay kumikilos kasama nila at pinatunayan ang salita sa pamamagitan ng mga sumunod pang mga kahanga-hangang palatandaan.

Lucas

1

1Marami ang sumubok na ayusin ang salaysay tungkol sa lahat ng bagay na naganap sa amin kalagitnaan, 2na gaya ng binigay nila sa amin, sila na sa simula pa ay naging saksi at mga lingkod ng mensahe. 3Sa akin din naman, nang nasiyasat ko nang mabuti ang lahat ng pangyayaring ito mula pa noong simula—sa tingin ko ay mabuti na isulat ko ang mga ito ayon sa kanilang pagkasunod-sunod—pinakatanyag na Teopilo. 4Nang sa gayon ay malaman mo ang katotohanan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.

5Sa mga araw ni Herodes, na hari ng Judea, may isang pari na nagngangalang Zacarias na nagmula sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay nagmula sa mga babaeng anak ni Aaron, at ang kaniyang pangalan ay Elisabet. 6Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon. 7Ngunit wala silang anak, sapagkat si Elisabet ay baog, at silang dalawa ay matanda na sa panahong ito.
8Ngayon ay nangyari na si Zacarias ay nasa presensiya ng Diyos, gumagawa ng mga tungkulin bilang pari sa kapanahunan ng kaniyang pangkat. 9Ayon sa nakaugaliang paraan ng pagpili kung sinong pari ang maglilingkod, siya ay pinili sa pamamagitan ng sapalaran upang makapasok sa templo ng Panginoon at upang siya ay makapagsunog ng insenso. 10Napakaraming tao ang nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso.
11Ngayon, isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya at tumayo sa kanang bahagi ng altar ng insenso. 12Si Zacarias ay nasindak nang makita niya ito, labis ang pagkatakot niya. 13Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya "Huwag kang matakot Zacarias, sapagkat ang iyong panalangin ay pinakinggan. Ipagbubuntis ng asawa mong si Elisabet ang iyong anak na lalaki. Juan ang ipapangalan mo sa kaniya.
14Magkakaroon ka ng kagalakan at saya, at marami ang matutuwa sa pagsilang sa kaniya. 15Sapagkat siya ay magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o matapang na inumin, at siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.
16At maraming tao sa bayan ng Israel ang mapapanumbalik sa Panginoon na kanilang Diyos. 17Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias. Gagawin niya ito upang mapanumbalik ang puso ng mga ama sa mga anak, upang ang mga hindi sumusunod ay mamuhay sa karunungan ng mga matuwid. Gagawin niya ito upang ihanda para sa Panginoon, ang mga taong inihanda na para sa kaniya."
18Sinabi ni Zacarias sa anghel, "Paano ko malalaman ito? Sapagkat ako ay matanda na at ang aking asawa ay may pataw na ng maraming taon." 19Ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, "Ako si Gabriel na nakatayo sa presensiya ng Diyos. Ako ay inutusan upang makipag-usap sa iyo, upang iparating sa iyo ang mabuting balita. 20Masdan mo, magiging pipi ka, hindi ka makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito. Ito ay dahil sa hindi ka naniwala sa aking mga salita na matutupad ito sa tamang panahon."
21Ngayon ay inaantay ng mga tao si Zacarias. Sila ay nagulat sapagkat siya ay labis na gumugol ng panahon sa loob ng templo. 22Ngunit nang siya ay lumabas, hindi siya makapagsalita sa kanila. Naisip ng mga tao na nagkaroon siya ng pangitain habang siya ay nasa loob ng templo. Patuloy siyang gumagawa ng mga senyas sa kanila at nanatiling hindi makapagsalita. 23Dumating ang panahon na natapos ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, umalis siya at bumalik sa kaniyang bahay.
24Pagkatapos ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay nagbuntis. Siya ay nanatili sa kaniyang bahay sa loob ng limang buwan. Sinabi niya, 25"Ito ang ginawa ng Panginoon sa akin nang tiningnan niya ako nang may biyaya upang tanggalin ang aking kahihiyan sa harapan ng ibang tao."
26Ngayon sa kaniyang ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod sa Galilea na ang pangalan ay Nazaret, 27sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa lalaking nagngangalang Jose. Siya ay kabilang sa angkan ni David at ang pangalan ng birhen ay Maria. 28Siya ay lumapit sa kaniya at sinabi, "Binabati kita, ikaw ay lubos na pinagpala! Ang Panginoon ay nasa iyo." 29Ngunit siya ay lubhang naguluhan sa kaniyang sinabi at siya ay namangha kung anong uri ng pagbati ito.
30Sinabi ng anghel sa kaniya, "Huwag kang matakot, Maria, dahil ikaw ay nakatanggap ng biyaya sa Diyos." 31At makikita mo, ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki. Tatawagin mo ang kaniyang pangalan na 'Jesus'. 32Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David. 33Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian."
34Sinabi ni Maria sa anghel, "Paano mangyayari ito, yamang hindi pa naman ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki?" 35Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, "Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
36At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog. 37Sapagkat walang hindi kayang gawin ang Diyos." 38Sinabi ni Maria, "Tingnan mo, ako ay babaeng lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong mensahe." At iniwan na siya ng anghel.
39Pagkatapos, si Maria ay gumayak noong mga araw na iyon at nagmadaling pumunta sa maburol na bahagi ng lupain, sa isang lungsod sa Judea. 40Siya ay pumunta sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet. 41At nangyari nga nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, lumukso ang bata sa kaniyang sinapupunan at si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu.
42Ang kaniyang tinig ay tumaas at nagsabi nang malakas, "Pinagpala ka sa lahat ng mga babae at Pinagpala din ang bunga ng iyong sinapupunan. 43At bakit ito nangyari sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay kailangan pang pumunta sa akin? 44Sapagkat tingnan mo, nang marinig ko ang iyong pagbati ay tumalon sa galak ang bata sa aking sinapupunan. 45At pinagpala ang siyang nanampalataya na mayroong katuparan ang mga bagay na ipinahayag sa kaniya mula sa Panginoon."
46Sinabi ni Maria, "Ang kaluluwa ko ay nagpupuri sa Panginoon, 47at ang aking espiritu ay nagalak sa Diyos na aking tagapagligtas."
48Sapagkat siya ay tumingin sa kababaan ng kaniyang lingkod na babae. Kaya tingnan mo, mula ngayon ang lahat ng salinlahi ay tatawagin akong pinagpala. 49Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa akin, at ang kaniyang pangalan ay banal.
50Ang kaniyang habag ay walang katapusan mula sa lahat ng salinlahi para sa mga nagpaparangal sa kaniya. 51Nagpakita siya ng lakas ng kaniyang mga bisig; ikinalat niya ang mga nagmamataas ng nilalaman ng kanilang mga puso.
52Pinabagsak niya ang mga prinsipe mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga may mababang kalagayan. 53Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit ang mga mayayaman ay pinaalis niyang gutom.
54Nagkaloob siya ng tulong sa Israel na kaniyang lingkod, na gaya ng pag-alaala niya sa kaniyang pagpapakita ng habag 55(na sinabi niya sa ating mga ama) kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman."
56Nanatili si Maria kina Elisabet sa loob ng mga tatlong buwan at pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay. 57Ngayon ay dumating ang panahon ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang lalaki. 58Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na ang Panginoon ay nagpakita ng dakilang habag para sa kaniya, at sila ay nagalak kasama niya.
59Ngayon ay nangyari sa ikawalong araw na tuliin nila ang sanggol. Tatawagin sana nila siyang "Zacarias" mula sa pangalan ng kaniyang ama, 60ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, "Hindi; siya ay tatawaging Juan." 61Sinabi nila sa kaniya, "Wala pa ni isa sa iyong angkan ang tinawag sa ganyang pangalan."
62Sumenyas sila sa kaniyang ama kung ano ang gusto niyang ipangalan sa kaniya. 63Humingi ang kaniyang ama ng isang sulatan at nagsulat siya, "Ang kaniyang pangalan ay Juan." Silang lahat ay namangha dito.
64Agad nabuksan ang kaniyang bibig at napalaya ang kaniyang dila. Nagsalita at nagpuri sa Diyos. 65Natakot ang lahat ng nakatira malapit sa kanila. Lahat ng mga bagay na ito ay kumalat sa lahat ng bahagi ng maburol na lupain ng Judea. 66At ito ay itinago ng lahat ng nakarinig sa kanilang mga puso, na nagsasabi, "Ano kaya ang magiging kapalaran ng batang ito?" Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya.
67Ang kaniyang amang si Zacarias ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagpahayag na nagsasabi, 68"Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat tumulong siya at tinubos ang kaniyang mga tao.
69Itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ng kaniyang lingkod na si David, mula sa kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si David, 70tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon. 71Magdadala siya ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga galit sa atin.
72Gagawin niya ito upang ipakita ang habag sa ating mga ama at upang alalahanin ang kaniyang banal na kasunduan, 73ang pangako na kaniyang sinalita kay Abraham na ating ama. 74Siya ay nangako na kaniyang tutuparin sa atin, upang tayo, bilang mga pinalaya mula sa kamay ng lahat ng ating mga kaaway, ay makapaglingkod sa kaniya nang walang takot, 75sa kabanalan at katuwiran sa kaniyang harapan sa lahat ng ating panahon.
76Oo, at ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan, sapagkat ikaw ay mauuna sa Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daraanan, upang ihanda ang mga tao sa kaniyang pagdating, 77upang magbigay kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
78Mangyayari ito dahil sa dakilang habag ng ating Diyos, dahil dito ay dumarating sa atin ang pagsikat ng araw mula sa itaas, 79upang magliwanag sa kanila na nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Gagawin niya ito upang gabayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan."
80Ngayon ang bata ay lumaki at naging malakas sa espiritu, at siya ay nasa ilang hanggang sa kaniyang pagharap sa Israel.

2

1Ngayon sa mga araw na iyon, nangyari na si Cesar Agustus ay naglabas ng isang batas na nag-uutos na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo. 2Ito ang unang sensus na ginawa habang si Cirenio ang gobernador ng Syria. 3Kaya pumunta ang bawat isa sa kaniyang sariling bayan upang mailista para sa sensus.

4Si Jose ay umalis din mula sa lungsod ng Nazaret sa Galilea at naglakbay papunta sa Betlehem na bayan ng Judea na kilala bilang lungsod ni David, dahil siya ay kaapu-apuhan mula sa pamilya ni David. 5Pumunta siya doon upang magpalista kasama si Maria na nakatakdang ikasal sa kaniya at kasalukuyang nagdadalang tao.
6At nangyari nang habang sila ay naroroon, dumating ang oras para ipanganak niya ang kaniyang sanggol. 7Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, ang kaniyang panganay na anak, at maayos niya itong binalot ng pirasong tela. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa sabsaban dahil wala nang bakanteng silid para sa kanila sa bahay-panuluyan.
8Sa rehiyon ding iyon, may mga pastol na naninirahan sa parang at nagbabantay sa kanilang mga kawan ng tupa sa gabi. 9Biglang lumitaw sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila at lubha silang natakot.
10Pagkatapos, sinabi ng anghel sa kanila, "Huwag kayong matakot, sapagkat ako ay may dala sa inyong mabuting balita na magbibigay ng lubos na kagalakan sa lahat ng tao. 11Ngayong araw, isang tagapagligtas ang ipinanganak para sa inyo sa lungsod ni David! Siya si Cristo ang Panginoon! 12Ito ang palatandaan na maibibigay sa inyo, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng pirasong tela na nakahiga sa isang sabsaban."
13Kasama ng anghel, biglang may malaking bilang ng hukbong makalangit na nagpupuri sa Diyos, at sinasabi, 14"Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan, at nawa ay magkaroon ng kapayapaan dito sa lupa sa mga tao na kaniyang kinalulugdan."
15At nangyari nang umalis ang mga anghel mula sa kanila patungong langit, sinabi ng mga pastol sa bawat isa, "Tayo na pumunta sa Betlehem, at tingnan ang bagay na ito na nangyari na ipinaalam ng Panginoon sa atin". 16Sila ay nagmadaling pumunta doon at natagpuan sina Maria at Jose, at nakita ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17Pagkatapos nilang makita ito, ipinaalam nila sa mga tao kung ano ang sinabi sa kanila tungkol sa batang ito. 18Lahat ng nakarinig nito ay namangha sa sinabi sa kanila ng mga pastol. 19Ngunit laging iniisip ni Maria ang lahat ng bagay na kaniyang narinig, iniingatan ang mga ito sa kaniyang puso. 20Bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng kanilang narinig at nakita, tulad ng sinabi sa kanila.
21Noong ikawalong araw at siyang panahon para tuliin ang sanggol, pinangalanan nila siyang Jesus, ang pangalan na ibinigay ng anghel bago pa siya ipinagbuntis.
22Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon. 23Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, "Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon." 24Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, "dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato."
25Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya. 26Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay bago niya makita ang Cristo ng Panginoon.
27Isang araw, siya ay pumunta sa templo sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Nang dinala ng mga magulang ang bata na si Jesus upang gawin para sa kaniya ang nakaugaliang hinihingi ng kautusan, 28tinanggap siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig, at nagpuri sa Diyos at sinabi, 29"Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod nang may kapayapaan, Panginoon, ayon sa iyong salita.
30Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas 31na iyong inihanda sa paningin ng lahat ng tao. 32Siya ay liwanag para sa paghahayag sa mga Gentil at kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel."
33Ang ama at ina ng bata ay namangha sa mga bagay na sinabi tungkol sa kaniya. 34Pagkatapos ay pinagpala sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata, "Makinig kang mabuti! Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel at para sa tanda na tututulan. 35Gayundin, isang espada ang tatagos sa iyong sariling kaluluwa, upang ang mga iniisip ng maraming puso ay maihayag.
36Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa, 37at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw. 38Sa oras ding iyon, lumapit siya sa kanila at nagsimulang magpasalamat sa Diyos. Siya ay nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
39Nang matapos nila ang lahat ng dapat nilang gawin na naaayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayan na Nazaret. 40Ang bata ay lumaki at naging malakas, lumalawak sa karunungan at ang biyaya ng Diyos ay nasa kaniya.
41Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taon-taon para sa Pista ng Paskwa. 42Nang siya ay labindalawang taong gulang, sila ay muling umakyat para sa nakaugaliang panahon para sa pista. 43Pagkatapos nilang manatili sa buong bilang ng araw para sa pista, nagsimula na silang umuwi. Ngunit ang batang Jesus ay nanatili sa Jerusalem at ito ay hindi alam ng kaniyang mga magulang. 44Inakala nila na siya ay nasa pangkat na kasama nilang naglalakbay, kaya sila ay nagpatuloy ng isang araw sa paglalakbay. Pagkatapos ay nagsimula silang hanapin siya sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
45Nang siya ay hindi nila matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at sinimulang hanapin siya roon. 46At nangyari nga na makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila siya sa loob ng templo na nakaupo sa gitna ng mga guro, nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila ng mga katanungan. 47Lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at sa kaniyang mga kasagutan.
48Nang siya ay nakita nila, nagulat sila. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, "Anak, bakit mo kami pinakitunguhan ng ganito? Makinig ka, ako at ang iyong ama ay nag-aalala na naghahanap sa iyo." 49Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na narito sa bahay ng aking Ama?" 50Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon.
51Pagkatapos, siya ay sumama sa kanila pabalik sa kanilang tahanan sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na ito sa kaniyang puso. 52At si Jesus ay patuloy na lumaki sa karunungan at pangangatawan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

3

1Ngayon, sa ika-labinlimang taon na paghahari ni Tiberio Cesar, habang si Poncio Pilato ay gobernador sa Judea, at si Herodes ang tetrarka sa Galilea, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ang tetrarka sa rehiyon ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia, 2at sa panahon na sina Anas at Caifas ang pinakapunong pari, dumating ang salita ng Diyos ay kay Juan na anak ni Zacarias, sa ilang.

3Siya ay naglakbay sa buong rehiyon sa palibot ng ilog Jordan, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
4Gaya ito ng nasusulat sa libro ng mga salita ni propeta Isaias, "Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gawing tuwid ang kaniyang landas.
5Ang bawat lambak ay mapupunan, ang bawat bundok at burol ay gagawing patag, ang mga likong daan ay magiging tuwid, at ang mga daang baku-bako ay gagawing maayos. 6Ang lahat ng tao ay makikita ang pagliligtas ng Diyos."
7Kaya sinabi ni Juan sa napakaraming bilang ng tao na dumarating upang magpabautismo sa kaniya, "Kayo na mga anak ng mga makamandag na ahas, sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na paparating?"
8Mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi, at huwag ninyong simulan na sabihin sa inyong mga sarili, 'Mayroon tayong Abraham bilang ama natin,' dahil sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay may kakayahang lumikha ng mga anak para kay Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
9Ang palakol ay nailagay na sa ugat ng mga puno. Kaya ang bawat puno na hindi namumunga nang mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy."
10At ang maraming tao ay nagtanong sa kaniya, nagsasabi "Ano ang dapat naming gawin?" 11Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, "Kung ang isang tao ay may dalawang tunika, dapat niyang ibigay ang isa sa sinumang wala nito at sinuman ang may pagkain ay ganoon din ang dapat gawin."
12At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, "Guro, ano ang dapat naming gawin?" 13Sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil."
14May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, "At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?" Sinabi niya sa kanila. "Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod."
15Ngayon, habang ang mga tao ay sabik na naghihintay na dumating si Cristo, nagtataka ang bawat isa sa kanilang mga puso kung si Juan mismo ang Cristo. 16Sinagot sila ni Juan na nagsabi sa kanilang lahat, "Para sa akin, binabautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit may isang paparating na mas higit na makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng kaniyang mgapnyapaks. Siya ang magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
17Ang kaniyang kalaykay ay hawak niya sa kaniyang kamay upang linisin nang mabuti ang kaniyang giikan at upang tipunin ang trigo sa kaniyang kamalig. Ngunit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mamamatay kailanman."
18Sa pamamagitan ng iba pang madaming panghihikayat, ipinangaral niya ang magandang balita sa mga tao. 19Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka, dahil pinakasalan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na lalaki, na si Herodias, at sa lahat ng iba pang kasamaan na ginawa ni Herodes. 20Ngunit gumawa pa ng napakasamang bagay si Herodes. Ipinakulong niya sa bilangguan si Juan.
21At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas. 22Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, "Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo."
23Ngayon si Jesus mismo, nang siya ay nagsimulang magturo, ay nasa edad na tatlumpung taon. Siya ang anak na lalaki (ayon sa pagpapalagay ng mga tao) ni Jose na anak ni Eli 24na anak ni Matat na anak ni Levi na anak ni Melqui na anak ni Janai na anak ni Jose
25na anak ni Matatias na anak ni Amos na anak ni Nahum na anak ni Esli na anak ni Nagai 26na anak ni Maat na anak ni Matatias na anak ni Semei na anak ni Josec na anak ni Joda
27na anak ni Joanan na anak ni Resa na anak ni Zerubabel na anak ni Salatiel na anak ni Neri 28na anak ni Melqui na anak ni Adi na anak ni Cosam na anak ni Elmadam na anak ni Er 29na anak ni Josue na anak ni Eliezer na anak ni Jorim na anak ni Matat na anak ni Levi
30na anak ni Simeon na anak ni Juda na anak ni Jose na anak ni Jonam na anak ni Eliaquim 31na anak ni Melea na anak ni Menna na anak ni Matata na anak ni Natan na anak ni David 32na anak ni Jesse na anak ni Obed na anak ni Boaz, na anak ni Salmon na anak ni Naason
33na anak ni Aminadab na anak ni Admin na anak ni Arni na anak ni Esrom na anak ni Farez na anak ni Juda 34na anak ni Jacob na anak ni Isaac na anak ni Abraham na anak ni Terah na anak ni Nahor 35na anak ni Serug na anak ni Reu na anak ni Peleg na anak ni Eber na anak ni Sala,
36na anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak ni Shem na anak ni Noe na anak ni Lamec na anak ni Metusalem na anak ni Enoc 37na anak ni Jared na anak ni Mahalaleel na anak ni Kenan 38na anak ni Enos na anak ni Set na anak ni Adan na anak ng Diyos.

4

1Nang si Jesus ay na puspos ng Banal na Espiritu, bumalik siya mula sa ilog Jordan at pinangunahan ng Espiritu sa ilang 2sa loob ng apatnapung araw at siya ay tinukso ng diyablo. Sa mga araw na iyon, hindi siya kumain ng anuman at sa huling mga araw siya ay nagutom.

3Sinabi ng diyablo sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay." 4Sinagot siya ni Jesus, "Nasusulat, 'Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao."'
5At dinala siya ng diyablo sa mataas na lugar, at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng mundo nang ilang sandali. 6Sinabi ng diyablo sa kaniya, "Bibigyan kita ng kapangyarihang mamuno sa lahat ng mga kahariang ito, pati na ang kanilang kadakilaan. Kaya kong gawin ito dahil ibinigay ang mga ito sa akin upang pamunuan, at maaari ko itong ibigay sa sinumang gustuhin ko. 7Kaya kung ikaw ay yuyuko at sasamba sa akin, ang lahat ng ito ay mapapasaiyo."
8Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lang ang dapat mong paglingkuran."'
9Pagkatapos dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at inilagay siya sa pinakamataas na bahagi ng templo, at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula dito, 10Sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang alagaan ka at ingatan ka,' 11at, 'Iaangat ka nila sa kanilang mga kamay, upang hindi tumama ang iyong paa sa bato '."
12Sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, "Nasasabi, 'Hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos."' 13Nang matapos tuksuhin ng diyablo si Jesus, umalis siya at iniwanan siya hanggang sa ibang pagkakataon.
14Pagkatapos, bumalik si Jesus sa Galilea as kapangyarihan ng Espiritu, at kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong paligid ng rehiyon. 15Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga, at ang bawat isa ay nagpuri sa kaniya.
16Isang araw, siya ay pumunta sa Nazaret, ang lungsod na kung saan siya pinalaki. Sa kaniyang nakagawian, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga, at tumayo upang basahin ang kasulatan. 17Ang balumbon ni propeta Isaias ay iniabot sa kaniya, kaya binuksan niya ang balumbon at nakita ang bahagi kung saan nakasulat,
18"Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, dahil itinalaga niya ako upang ipangaral ang magandang balita sa mga mahihirap. Isinugo niya ako upang ipahayag ang kalayaan sa mga bihag, at manumbalik ang paningin ng mga bulag, upang palayain ang mga inaapi, 19ipahayag ang pinagpalang panahon ng Panginoon."
20Pagkatapos ay inirolyo niya ang kasulatang binalumbon, ibinalik sa tagapangasiwa ng sinagoga, at umupo. Ang mga mata ng lahat ng tao sa sinagoga ay nakatuon sa kaniya. 21Siya ay nagsimulang magsalita sa kanila, "Ngayon itong kasulatan ay natupad sa inyong pandinig." 22Bawat isa sa kanila ay nasaksihan ang lahat ng kaniyang mga sinabi at lahat sila ay namangha sa mga mapagpalang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Sinasabi nila, "Ito ay anak lamang ni Jose, hindi ba?"
23Sinabi ni Jesus sa kanila, "Tinitiyak kong sasabihin ninyo ang kawikaang ito sa akin, 'Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili. Anuman ang aming narinig na ginawa mo sa Capernaum, gawin mo din dito sa iyong bayang kinalakihan."' 24Sinabi din niya, "Tapat kong sinasabi sa inyo, walang propeta ang tinanggap sa sarili niyang bayan.
25Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan na maraming mga balo sa Israel sa panahon ni Elias, noong sumara ang kalangitan na walang ulan sa loob ng tatlo at kalahating mga taon, noong nagkaroon ng matinding taggutom sa lahat ng kalupaan. 26Ngunit hindi ipinadala si Elias sa kahit sinuman sa kanila, ngunit sa isang balo lamang na naninirahan sa Sarepta na malapit sa lungsod ng Sidon. 27Mayroon ding maraming mga ketongin sa Israel sa panahon ni propeta Eliseo, ngunit wala sa kanila ang gumaling maliban kay Naaman na taga-Siria."
28Lahat ng tao sa sinagoga ay napuno ng matinding galit nang marinig nila ang mga bagay na ito. 29Tumayo sila at ipinagtabuyan siya paalis ng lungsod, at dinala siya sa gilid ng burol kung saan itinayo ang kanilang lungsod, upang siya ay maari nilang ihulog sa bangin. 30Ngunit siya ay lumakad palusot sa kanilang kalagitnaan at siya ay umalis.
31At siya ay bumaba patungong Capernaum, isang lungsod ng Galilea. Sa isang Araw ng Pamamahinga siya ay nagturo sa mga tao sa sinagoga. 32Sila ay namangha sa kaniyang itinuturo, dahil nagsalita siya nang may kapangyarihan.
33Ngayon, sa sinagoga sa araw na iyon may isang tao na may espiritu ng maruming demonyo, at siya ay sumigaw nang may malakas na tinig, 34"Ano ang nais mong gawin sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Ikaw ba ay pumarito para kami ay puksain? Alam ko kung sino ka! Ikaw ang Banal ng Diyos!"
35Sinaway ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi, "Manahimik ka at lumabas ka sa kaniya!" Nang naihagis ng demonyo ang lalaki sa kalagitnaan nila, siya ay lumabas mula sa kaniya na walang nangyaring masama sa lalaki. 36Lahat ng tao ay lubhang namangha, at sila ay patuloy na nag-uusap sa isa't isa sa nangyari. Sinabi nila, "Anong uri ang mga salitang ito? Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan at sila ay lumabas." 37Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa bawat bahagi ng nakapaligid na rehiyon.
38Pagkatapos, umalis si Jesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Ngayon, ang biyenan ni Simon ay nahihirapan dahil sa mataas na lagnat, at sila ay nakiusap para sa kaniya. 39Kaya tumayo siya malapit sa kaniya at sinaway ang kaniyang lagnat, at umalis ito. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglingkod sa kanila.
40Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang bawat may sakit at may iba't ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa bawat isa sa kanila at sila ay gumaling. 41May mga demonyo din na lumabas mula sa kanila, sumusigaw at nagsasabi, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" Sinaway ni Jesus ang mga demonyo at hindi niya sila pinayagang magsalita, dahil alam nila na siya ang Cristo.
42Nang dumating ang dapit-umaga, pumunta siya sa isang tahimik na lugar. Maraming mga tao ang naghahanap sa kaniya at pumunta kung saang lugar siya naroon. Sinubukan nila na pigilan siya sa pag-alis sa kanila. 43Ngunit sinabi niya sa kanila, "Dapat ko ring ipangaral ang magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa marami pang lungsod, dahil ito ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito." 44At siya ay nagpatuloy na nangaral sa mga sinagoga sa buong Judea.

5

1Ngayon nangyari na habang nagsisiksikan ang maraming tao sa palibot ni Jesus at nakikinig sila sa salita ng Diyos, si Jesus ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret. 2Nakakita siya ng dalawang bangka na nakapagilid sa pampang ng lawa. Nakababa na ang mga mangingisda mula dito at naglilinis sila ng kanilang mga lambat. 3Sumakay si Jesus sa isa sa mga bangka, na pagmamay-ari ni Simon at hiniling niya sa kaniya na dalhin niya ito sa tubig na hindi kalayuan sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo siya at nagturo sa mga tao habang nasa bangka.

4Nang matapos na siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, "Dalhin mo ang bangka sa mas malalim na tubig at ibaba ang inyong mga lambat para manghuli". 5Sumagot si Simon at sinabi, "Panginoon, magdamag kaming nangisda ngunit wala kaming nahuli, ngunit sa iyong salita, ibababa ko ang mga lambat." 6Nang ginawa nila ito, nakahuli sila ng napakaraming bilang ng isda, at ang kanilang mga lambat ay nagsimulang mapunit. 7Kaya't kumaway sila kanilang kasamahan sa kabilang bangka upang puntahan at tulungan sila. Dumating sila at napuno ang dalawang bangka, kaya't sila ay nagsimulang lumubog.
8Ngunit nang makita ito ni Simon Pedro, siya ay lumuhod sa paanan ni Jesus, na nagsasabi, "Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat ako ay taong makasalanan." 9Sapagkat siya ay namangha at ang lahat din na kaniyang mga kasama, sa dami ng isdang kanilang nahuli. 10Kasama dito sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, "Huwag kang matakot, sapagkat mula ngayon, mangingisda ka na ng tao." 11Nang madala nila sa dalampasigan ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kaniya.
12At nangyari nga na habang siya ay nasa isa sa mga lungsod, isang taong puno ng ketong ang naroon. Nang makita niya si Jesus, siya ay nagpatirapa at nagmakaawa sa kaniya, na nagsabi, "Panginoon, kung iyong nanaisin, ako ay maaari mong linisin." 13Pagkatapos, inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, na sinasabi, "Nais ko. Maging malinis ka." At agad nawala ang kaniyang ketong.
14Siya ay pinagbilinan niya na huwag ipagsabi kahit kanino, sa halip, sinabi sa kaniya, "Pumunta ka sa iyong pupuntahan, at magpakita ka sa mga pari at mag-alay ka ng handog para sa iyong ikalilinis, batay sa mga kautusan ni Moises, bilang pagpapatotoo sa kanila."
15Ngunit ang balita tungkol sa kaniya ay lalong kumalat, at maraming mga tao ang dumating upang pakinggan siyang magturo at upang mapagaling sa kanilang mga sakit. 16Ngunit siya ay madalas pumunta sa mga lugar na ilang at nanalangin.
17At nangyari nga sa isa sa mga araw na iyon na siya ay nagtuturo, at mayroong mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan ang nakaupo roon na nagmula pa sa mga iba't-ibang lugar sa mga rehiyon ng Galilea at Judea, at mula rin sa lungsod ng Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kaniya upang magpagaling.
18Ngayon ay may mga lalaking dumating, binubuhat ang isang paralitikong lalaki na nakalagay sa higaan, at sila ay naghanap ng paraan upang maipasok siya at mailagay sa harapan ni Jesus. 19Hindi sila makahanap ng paraan upang siya ay maipasok dahil sa dami ng tao, kaya sila ay umakyat sa bubungan ng bahay at ibinaba nila ang lalaking nasa higaan sa kalagitnaan ng mga tao, sa mismong harapan ni Jesus.
20Pagkakita niya sa kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus, "Lalaki, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan." 21Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ay nagsimulang magtanong tungkol dito, na sinasabi, "Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos?" Sino ang nagpapatawad ng kasalanan, hindi ba't ang Diyos lamang?"
22Ngunit si Jesus, na nalalaman ang kanilang mga iniisip, sumagot at sinabi sa kanila, "Bakit ninyo ito inuusisa sa inyong mga puso? 23Alin ang mas madaling sabihin, 'Napatawad ka na ng iyong mga kasalanan' o ang sabihing 'Tumayo ka at maglakad?.' 24Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa mundo upang magpatawad ng mga kasalanan, sinasabi ko sa iyo, 'Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at pumunta ka sa iyong bahay.'"
25Agad siyang tumayo sa kanilang harapan at binuhat ang kaniyang higaan; pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Diyos. 26Ang lahat ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos. Sila ay napuno ng takot na sinasabi, "Nakakita tayo ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa araw na ito."
27Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." 28Kaya't iniwan ni Levi ang lahat, tumayo, at sumunod sa kaniya.
29Pagkatapos ay naghanda si Levi sa kaniyang bahay ng malaking handaan para kay Jesus, at maraming mga maniningil ng buwis ang nandoon, at iba pang mga taong nakasandal sa mesa ang kumakain kasama nila. 30Ngunit ang mga Pariseo at kanilang mga eskriba ay nagreklamo sa kaniyang mga alagad, na nagsasabi, "Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga naniningil ng buwis at iba pang mga taong makasalanan?" 31Sumagot si Jesus sa kanila, "Ang mga taong malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, ang mga taong may sakit lamang ang nangangailangan nito. 32Hindi ako dumating upang tawagin sa pagsisisi ang mga taong matuwid, kundi tawagin sa pagsisisi ang mga taong makasalanan."
33Sinabi nila sa kaniya, "Ang mga alagad ni Juan ay madalas nag-aayuno at nananalangin, gayundin ang mga alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang iyong mga alagad ay kumakain at umiinom." 34Sinabi ni Jesus sa kanila, "Mayroon bang mag-uutos sa mga panauhin ng kasal na mag-ayuno habang kapiling pa nila ang lalaking ikakasal? 35Subalit darating ang mga araw na aalisin mula sa kanila ang lalaking ikakasal, at sa mga araw na iyon sila ay mag-aayuno."
36Pagkatapos ay nagbahagi din si Jesus ng isang talinghaga sa kanila, "Walang tao ang gugupit ng kapirasong tela mula sa bagong damit upang tagpiin ang lumang damit. Kung ganyan ang gagawin niya, mapupunit niya ang bagong damit, at ang kapirasong tela mula sa bagong damit ay hindi babagay sa tela ng lumang damit.
37Gayundin naman, walang tao ang naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa niya ito, puputukin ng bagong alak ang mga sisidlang balat, at matatapon ang mga alak, at ang mga sisidlan ay masisira. 38Ngunit ang mga bagong alak ay marapat na ilagay sa bagong sisidlang balat. 39Walang tao na pagkatapos uminom ng lumang alak, ay maghahangad na uminom ng bagong alak, dahil sasabihin niya, 'Ang luma ay mas mabuti.'"

6

1Ngayon ay nangyari na sa Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay naglalakad sa triguhan at ang kaniyang mga alagad ay nangunguha ng mga uhay, ang mga ito ay kinikiskis sa kanilang mga palad at kinakain ang mga butil. 2Ngunit sinabi ng ibang mga Pariseo, "Bakit kayo gumagawa ng isang bagay na labag sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?"

3Sumagot si Jesus sa kanila na sinabi, "Hindi man lamang ba ninyo nabasa ang tungkol sa ginawa ni David nang siya ay magutom, siya at ang kaniyang mga kasamang kalalakihan? 4Pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kinuha ang tinapay na handog at kumain ng ilan sa mga ito, at ibinigay din ang ilan sa kaniyang mga kasamang kalalakihan para kainin, kahit na ayon sa batas mga pari lamang ang pwedeng kumain." 5Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."
6Nangyari sa ibang Araw ng Pamamahinga na siya ay pumunta sa sinagoga at nagturo sa mga tao doon. Isang tao ang naroon na tuyot ang kanang kamay. 7Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagmamanman sa kaniya upang makita kung si Jesus ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang sila ay makahanap ng dahilan upang siya ay paratangan na gumagawa ng masama. 8Ngunit alam niya kung ano ang kanilang iniisip at sinabi niya sa tao na may tuyot na kamay, "Tumayo ka, at pumunta ka dito sa gitna ng lahat." Kung kaya't ang tao ay tumayo at pumaroon.
9Sinabi ni Jesus sa kanila, "Itinatanong ko sa inyo, naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga, ang magligtas ng buhay o sirain ito?" 10Pagkatapos ay tumingin siya sa kanilang lahat at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Ginawa nga niya at ang kaniyang kamay ay nanumbalik sa dati. 11Ngunit sila ay napuno ng galit, at sila ay nag-usap-usap kung ano ang maari nilang gawin kay Jesus.
12Nangyari sa mga araw na iyon na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. Siya ay patuloy na nanalangin sa Diyos ng buong gabi. 13Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa, na tinawag din niyang "mga apostol."
14Ang pangalan ng mga apostol ay sina Simon (na kaniya ring pinangalanang Pedro) at ang kaniyang kapatid na si Andres, Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, 15Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na tinawag na Masigasig, 16Judas na anak ni Santiago at Judas Iscariote na siyang naging taksil.
17Pagkatapos, si Jesus ay bumaba mula sa bundok kasama sila at tumayo sa patag na lugar. Naroon ang napakaraming bilang ng kaniyang mga alagad, ganoon din ang malaking bilang ng tao na mula sa Judea at Jerusalem at mula sa dalampasigan ng Tiro at Sidon. 18Sila ay dumating upang makinig sa kaniya at para gumaling sa kanilang mga karamdaman. Ang mga taong binabagabag ng mga maruming espiritu ay pinagaling din. 19Ang lahat ng napakaraming tao ay sinusubakan siyang hipuin dahil ang kapangyarihang magpagaling ay lumalabas mula sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat.
20Pagkatapos ay tumingin siya sa kaniyang mga alagad at sinabi, "Pinagpala kayong mga mahihirap sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos. 21Pinagpala kayo na nagugutom ngayon, sapagkat kayo ay mapupuno. Pinagpala kayo na tumatangis ngayon sapagkat kayo ay tatawa.
22Pinagpala kayo kung kayo ay kinamumuhian ng mga tao at kung kayo ay ihinihiwalay at itinuturing ang inyong pangalan na masama alang-alang sa Anak ng Tao. 23Magalak sa araw na iyon at tumalon sa galak sapagkat tiyak na kayo ay may dakilang gantimpala sa langit, sapagkat ang kanilang mga ninuno ay pinakitunguhan ang mga propeta sa ganoon ding paraan.
24Ngunit aba kayo na mayayaman! Sapagkat natanggap na ninyo ang inyong ginhawa. 25Aba kayo na busog ngayon! Sapagkat kayo ay magugutom. Aba kayo na tumatawa ngayon! Sapagkat kayo ay magdadalamhati at tatangis.
26Aba kayo kung ang lahat ng tao ay nagsasabi ng mabuti tungkol sa inyo! Sapagkat pinakisamahan ng kanilang mga ninuno ang mga bulaang propeta sa ganoon ding paraan.
27Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo. 28Pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga umaapi sa inyo.
29Sa sumasampal sa iyong pisngi, ialok mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may kumuha ng iyong panlabas na damit, huwag mong ipagkait pati na ang iyong panloob na tunika. 30Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may kumuha ng isang bagay na pag-aari mo, huwag mong hingiin sa kaniya na ibalik ito sa iyo.
31Kung anuman ang nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang dapat ninyong gawin sa kanila. 32Kung ang minamahal lamang ninyo ay ang mga taong nagmamahal sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalan ay minamahal din ang mga nagmamahal sa kanila. 33Kung sa mga taong gumawa sa inyo ng mabuti lamang kayo gumagawa ng mabuti, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalanan ay ganoon din ang ginagawa. 34Kung ang inyong pinapahiraman lamang ay ang mga tao na inaasahan ninyong magbibigay ng mga ito pabalik sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan at umaasang iyon ding halaga ang muling matatanggap.
35Ngunit mahalin ninyo ang inyong kaaway at gawin ang mabuti sa kanila. Pahiramin ninyo sila na hindi kailanman nag-aalala kung may babalik pa sa inyo at ang inyong gantimpala ay magiging dakila. Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya mismo ay mabuti sa mga taong hindi marunong magpasalamat at masasama. 36Maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.
37Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag magparusa at hindi kayo parurusahan. Patawarin ninyo ang iba at kayo ay patatawarin.
38Magbigay sa iba at ito ay maibibigay sa inyo. Labis-labis na halaga—siksik, liglig at umaapaw—ang ibubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat kung anumang batayan ng panukat ang inyong ginamit sa pagsukat, iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo."
39At sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga. "Maaari bang gabayan ng isang bulag ang kapwa bulag? Kung gagawin niya ito, kapwa sila mahuhulog sa hukay, hindi ba? 40Ang isang alagad ay hindi higit kaysa sa kaniyang guro, ngunit ang bawat isa na ganap na sinanay ay magiging kagaya ng kaniyang guro.
41At bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang troso sa iyong sariling mata? 42Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, hayaan mong tanggalin ko ang maliit na dayami na nasa iyong mata,' kung ikaw mismo ay hindi nakikita ang troso sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa iyong mata, at nang sa gayon ay malinaw kang makakakita para alisin ang piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid.
43Sapagkat walang mabuting puno ang namumunga ng bulok na bunga, ni walang bulok na puno ang namumunga ng mabuting bunga. 44Sapagkat ang bawat puno ay nakikilala sa uri ng kaniyang bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi umaani ng igos sa matinik na damo, ni hindi sila umaani ng ubas sa matinik na baging.
45Inilalabas ng mabuting tao ang kabutihan na nagmumula sa kayamanan ng kaniyang puso, at inilalabas ng masamang tao ang masama mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso. Sapagkat mula sa kasaganaan ng kaniyang puso, nagsasalita ang kaniyang bibig.
46Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko? 47Ang bawat tao na lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at sinusunod ang mga ito, sasabihin ko sa inyo kung ano ang kaniyang katulad. 48Siya ay tulad ng isang tao na nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim sa lupa at itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato. Nang dumating ang baha, umagos ang malakas na tubig sa bahay ngunit hindi nito kayang yanigin dahil ito ay itinayo nang mahusay.
49Ngunit ang tao na nakikinig sa aking mga salita at hindi ito sinusunod, siya ay tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na walang pundasyon. Nang umagos ang malakas na tubig sa bahay, agad-agad itong gumuho at ganap ang pagkasira ng bahay na iyon.

7

1Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga taong nakikinig, pumunta siya sa Capernaum.

2Isang alipin ng senturion, na mahalaga sa kaniya ang may malubhang sakit at nasa bingit na ng kamatayan. 3Ngunit nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus, nagsugo ang senturion sa kaniya ng mga nakatatanda ng mga Judio upang pakiusapan siya na pumunta at iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin. 4Nang malapit na sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya, na nagsasabi, "Karapat-dapat na gawin mo ito sa kaniya, 5dahil mahal niya ang aming bansa, at isa siya sa nagtayo ng sinagoga para sa amin."
6Kaya si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang lakad kasama nila. Ngunit nang malapit na siya sa bahay, ang senturion ay nagpadala ng mga kaibigan para sabihin sa kaniya, "Panginoon, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan sa aking tahanan. 7Sa dahilang ito, hindi ko rin inisip na karapat-dapat ako na humarap man lamang sa iyo, magbigay lang kayo ng salita at gagaling na ang aking alipin. 8Sapagkat ako rin ay isang tao na itinalaga sa ilalim ng isang may kapangyarihan at may mga kawal sa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka,' pupunta siya roon, at sa isa naman, 'Halika,' at lumalapit siya, at sa aking alipin, 'Gawin mo ito,' ginagawa niya ito.''
9Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha sa kaniya, at habang humarap sa mga maraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, "Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong kalaking pananampalataya kahit na sa Israel." 10Pagkatapos, bumalik sa bahay ang mga isinugo at natagpuang magaling na ang alipin.
11Ilang panahon pagkatapos nito, nangyari na si Jesus ay naglakbay sa lungsod na tinatawag na Nain. Ang kaniyang mga alagad ay sumama sa kaniya kasama ang maraming mga tao. 12Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod. 13Pagkakita sa kaniya, ang Panginoon ay labis na nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, "Huwag kang umiyak." 14Pagkatapos lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay, at ang mga nagdadala ay napatigil. Sinabi niya, "Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka." 15Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.
16At silang lahat ay nadaig ng takot. Nagpatuloy silang nagpuri sa Diyos, na nagsasabi, "Isang dakilang propeta ang nakasama natin" at "Tiningnan ng Diyos ang kaniyang mga tao." 17Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa buong Judea at sa lahat ng kalapit na mga rehiyon.
18Sinabi kay Juan ng mga alagad niya ang lahat ng mga bagay na ito. 19Pagkatapos ay tinawag ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sila ay pinapunta sa Panginoon upang sabihin, "Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pa bang iba na aming hahanapin?" 20Nang malapit na sila kay Jesus, sinabi ng mga lalaki, "Kami ay ipinadala ni Juan na Tagapag-bautismo sa iyo upang sabihin, 'Ikaw ba ang Siyang Darating, o mayroon pang ibang tao na aming hahanapin?"'
21Sa oras na iyon siya ay nagpagaling ng maraming tao mula sa pagkakasakit at mga paghihirap at mula sa mga masamang espiritu, at maraming mga bulag ang kaniyang binigyan ng paningin. 22Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Kapag nakaalis na kayo, ibalita ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay nabuhay, at ibinabahagi ang magandang balita sa mga taong mahihirap. 23Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa."
24Pagkatapos nang umalis ang mga tagapagbalita ni Juan, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa maraming tao tungkol kay Juan, "Ano ang ipinunta ninyo sa disyerto upang makita, isang tambo na inaalog ng hangin? 25Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang taong nakadamit ng marilag na kasuotan? Tingnan ninyo, ang mga taong nagsusuot ng marilag na damit at namumuhay sa karangyaan ay nakatira sa palasyo ng mga hari. 26Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
27Siya ang tinutukoy sa nasusulat, 'Tingnan mo, aking ipinapadala ang aking mensahero na mauuna sa iyo, na siyang maghahanda sa iyong daraanan bago ka dumating.' 28Sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae, walang mas hihigit kay Juan, ngunit ang pinakamababang tao sa kaharian ng Diyos ay mas higit pa sa kaniya."
29Nang marinig ito ng lahat ng tao, kabilang ang mga maniningil ng buwis, ipinahayag nila na ang Diyos ay matuwid. Sila ay kabilang sa mga nabautismuhan sa bautismo ni Juan. 30Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusan ng mga Judio, na hindi niya nabautismuhan, ay tinanggihan ang karunungan ng Diyos para sa kanilang mga sarili.
31"Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila? 32Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.'
33Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.' 34Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!' 35Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak."
36Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain. 37Masdan ito, may isang babae sa lungsod na makasalan. Nalaman niya na si Jesus ay nakasandal sa hapagkainan sa bahay ng Pariseo, at nagdala siya ng isang alabastro ng pabango. 38Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
39Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, "Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan." 40Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo." Sinabi niya, "Sabihin mo, Guro!"
41Sinabi ni Jesus, "May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram. Ang isa ay may utang ng limang daang denaryo, at ang isa ay may utang ng limampung denaryo. 42Dahil sila ay walang pera na pangbayad, sila ay pareho niyang pinatawad. Kaya, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa kanya?" 43Sinagot siya ni Simon at sinabi, "Sa palagay ko ay ang pinatawad niya nang lubos." Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Tama ang iyong paghatol."
44Humarap si Jesus sa babae at sinabi niya kay Simon, "Nakikita mo itong babae. Ako ay pumasok sa iyong bahay. Hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa, ngunit siya, ay binasa niya ang aking mga paa sa pamamagitan ng kaniyang mga luha, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok. 45Hindi mo ako binigyan ng isang halik, ngunit siya, mula nang ako ay dumating, ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa.
46Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo, ngunit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa. 47Dahil dito, sinasabi ko sa iyo na siya na may maraming kasalanan at pinatawad nang lubos, ay nagmahal din nang lubos. Ngunit siya na pinatawad lamang nang kaunti, ay nagmamahal lamang nang kaunti."
48At sinabi niya sa babae, "Napatawad na ang iyong mga kasalanan." 49Ang mga magkakasamang nakasandal sa hapag kainan, nagsimulang magsalita sa kanilang mga sarili, "Sino ito na nagpapatawad pa ng mga kasalanan?" 50At sinabi ni Jesus sa babae, "Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa."

8

1Pagkatapos, nangyari agad na si Jesus ay nagsimulang maglakbay sa iba't ibang mga lungsod at mga nayon, nangangaral at nagpapahayag ng magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos at ang Labindalawa ay sumama sa kaniya, 2at gayundin ang mga ilang kababaihan na napagaling mula sa mga masasamang espiritu at mga karamdaman. Sila ay sina Maria na tinatawag na Magdalena, na mula sa kaniya ay pitong demonyo ang pinalayas, 3si Juana ang asawa ni Cusa, na tagapangasiwa ni Herodes, si Susana at marami pang ibang mga kababaihan na nagbigay sa kanilang pangangailangan mula sa kanilang sariling mga pinagkukunan.

4Ngayon, nang ang napakaraming bilang ng tao ay nagtipun-tipon, kasama ang mga tao na pumupunta sa kaniya mula sa iba't-ibang mga lungsod, siya ay nagsalita sa kanila gamit ang isang talinghaga. 5"May isang manghahasik na lumabas upang maghasik ng mga butil. Sa kaniyang paghahasik, ang ilang mga butil ay nahulog sa tabi ng daan at ang mga ito ay natapakan, at nilamon ang mga ibon sa langit ang mga ito. 6Ang ibang mga butil ay nahulog sa mabatong lupa, at agad sa kanilang pagtubo, ang mga ito ay nalanta dahil sa kawalan ng halumigmig.
7Ang ibang mga butil naman ay nahulog sa mga matitinik na halaman, at ang mga matitinik na halaman ay tumubo kasabay ng mga butil at sinakal ang mga ito. 8Ngunit ang ilang mga butil ay nahulog sa mabuting lupa at namunga ng higit pa sa isandaan." Pagkatapos na sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, siya ay nangusap, "Sinuman ang may taingang pandinig, makinig siya."
9Pagkatapos, ang kaniyang mga alagad ay nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang ito. 10Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang mga hiwaga sa kaharian ng Diyos, ngunit ang ibang mga tao ay tuturuan lamang sa mga talinghaga, kaya tumingin man sila ay hindi talaga sila makakakita, at makinig man sila ay hindi talaga sila makakaunawa.
11Ngayon, ito ang ibig sabihin ng talinghaga. Ang butil ay ang salita ng Diyos. 12Ang mga butil na nahulog sa tabi ng daan ay ang mga taong nakarinig ng salita ngunit ang diyablo ay dumating at kinuha ang salita mula sa kanilang puso upang sila ay hindi manampalataya at mailigtas. 13At ang mga nahulog sa mabatong lupa ay ang mga tao na, nang marinig nila ang salita, tinanggap nila ito nang may galak, ngunit sila ay walang anumang mga ugat; sila ay maniniwala nang panandalian at pagkatapos, sa panahon ng pagsubok, sila ay tumiwalag.
14Ang mga butil na nahulog sa mga matitinik na halaman ay ang mga taong nakarinig ng salita ngunit sa kanilang pagtahak ng daan, sila ay nasakal ng kanilang mga alalahanin at mga kayamanan at mga kaligayahan sa buhay na ito, kaya wala silang bungang madala sa paglago. 15Ngunit ang mga butil na nahulog sa mabuting lupa, ito ay ang mga tao na may tapat at mabuting puso, pagkatapos nilang marinig ang salita, ito ay kanilang pinanghawakan nang mabuti at nagbunga nang may pagtitiyaga.
16Ngayon, walang sinuman, na kung kaniyang sisindihan ang ilawan ay tatakpan ito ng mangkok o ilalagay ito sa ilalim ng kama. Sa halip ito ay kaniyang ilalagay sa patungan ng ilawan, upang ang lahat ng papasok ay makikita ang liwanag. 17Sapagkat walang nakatago na hindi malalaman, ni anumang lihim na hindi malalaman at mabubunyag sa liwanag. 18Kaya mag-ingat kung paano kayo makinig, dahil kung sinuman ang mayroon, siya ay bibigyan pa ng mas marami, at kung sinuman ang wala ay kukunin kahit na ang inaakala niyang mayroon siya."
19Pagkatapos, ang ina at mga kapatid na lalaki ni Jesus ay lumapit sa kaniya, ngunit sila ay hindi makalapit dahil sa napakaraming tao. 20At ito ay sinabi sa kaniya, "Ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, ninanais kang makita." 21Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Ang aking ina at ang aking mga kapatid na lalaki ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sinusunod ito."
22Ngayon, nangyari isa sa mga araw na iyon na si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka, at sinabi niya sa kanila, "Pumunta tayo sa kabilang dako ng lawa." At sila ay naglayag. 23Ngunit sa kanilang paglalayag, si Jesus ay nakatulog, at isang bagyo na may napakalakas na hangin ang dumating sa buong lawa, at ang kanilang bangka ay nagsimulang mapuno ng tubig, at sila ay nasa matinding panganib.
24At lumapit ang mga alagad ni Jesus sa kaniya at siya ay ginising, nagsasabi, "Panginoon! Panginoon! Tayo ay nasa bingit ng kamatayan!" Siya ay gumising at sinaway ang hangin at ang nagngangalit na tubig at ang mga ito ay humupa, at nagkaroon ng kapanatagan. 25Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, "Nasaan ang inyong pananampalataya?" Sa pagkatakot, sila ay lubos na namangha, at sinabi sa isa't isa. "Sino nga kaya ito, na kaniyang nauutusan kahit na ang mga hangin at tubig at ang mga ito ay sumusunod sa kaniya?"
26Dumating sila sa rehiyon ng Geraseno, na katapat ng Galilea. 27Nang nakababa si Jesus sa lupa, may isang lalaki mula sa lungsod ang sumalubong sa kaniya at ang lalaking ito ay may mga demonyo. Sa matagal na panahon, siya ay walang suot na damit at hindi tumira sa isang bahay, sa halip, ay sa mga libingan.
28Nang makita niya si Jesus, sumigaw siya at lumuhod sa harap niya. Sa malakas na tinig kaniyang sinabing, "Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sayo, huwag mo akong pahirapan." 29Sapagkat inuutusan ni Jesus ang maruming espiritu na umalis sa lalaking iyon, dahil maraming beses na siyang sinaniban nito. Kahit na siya ay nakagapos sa mga kadena at mga tanikala at binabantayan nang mabuti, napuputol niya ang mga gapos at dinadala ng demonyo sa ilang.
30At nagtanong sa kaniya si Jesus, "Ano ang iyong pangalan?" At siya ay sumagot, "Pulutong", dahil maraming demonyo ang sumanib sa kaniya. 31Patuloy silang nagsusumamo sa kaniya na huwag silang utusang itapon sa bangin na napakalalim.
32Ngayon, may kawan ng mga baboy na kumakain sa burol, at nakiusap ang mga demonyo na payagan silang pasukin ang mga baboy. Pinahintulutan niya silang gawin ito. 33Kaya ang mga demonyo ay lumabas sa lalaki at pumasok sa mga baboy, at ang kawan ng baboy ay tumakbo nang mabilis pababa ng matarik na burol papunta sa lawa at nalunod.
34Nang makita ng mga lalaki na nagbabantay sa mga baboy ang nangyari, tumakbo sila at ibinalita ito sa lungsod at sa kabukiran. 35Kaya ang mga taong nakarinig tungkol dito ay lumabas upang makita kung ano ang nangyari, at sila ay pumunta kay Jesus at nakita nila ang lalaki na pinalaya mula sa mga demonyo. Siya ay nakadamit at nasa matinong pag-iisip, nakaupo sa paanan ni Jesus at sila ay natakot.
36Pagkatapos, ang mga nakakita sa nangyari ay sinabi sa iba kung paanong ang lalaking dating nasasaniban ng mga demonyo ay nailigtas. 37Lahat ng taong nasa rehiyon ng Geraseno at sa palibot na mga lugar ay humiling kay Jesus na lumayo sa kanila, sapagkat sila ay nabalot ng matinding takot. Kaya siya ay sumakay sa bangka upang bumalik.
38Ang lalaki na napalaya mula sa mga demonyo ay nagmakaawa kay Jesus na siya ay hayaang sumama kasama niya, ngunit siya ay pinaalis ni Jesus, na sinasabing, 39"Bumalik ka sa iyong bahay at sabihin ang lahat ng mga kahanga-hangang bagay na ginawa ng Diyos para sa iyo." Ang lalaki ay umalis, ipinahayag sa buong lungsod ang lahat ng mga kamangha-manghang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya.
40Sa pagbabalik ni Jesus, sinalubong siya ng napakaraming tao, dahil sa sila ay naghihintay sa kaniya. 41Masdan ito, may isang lalaki na dumating na nagngangalang Jairo, at siya ay isa sa mga pinuno ng sinagoga. Si Jairo ay lumuhod sa paanan ni Jesus at nakiusap na pumunta sa kaniyang bahay, 42dahil sa siya ay may kaisa-isang anak na babae, na nasa labindalawang taon ang edad, at siya ay nag-aagaw-buhay. Ngunit nang papunta siya kay Jesus, maraming tao ang nagsisiksikan sa kaniya.
43Isang babae ang naroroon na labindalawang taon nang dinudugo at ginugol ang lahat ng kaniyang pera sa mga manggagamot, ngunit hindi siya mapagaling ng kahit sinuman sa kanila. 44Siya ay pumunta sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit, at agad na huminto ang kaniyang pagdurugo.
45Sinabi ni Jesus, "Sino ang humipo sa akin?" Nang ang lahat ay tumanggi, sinabi ni Pedro, "Panginoon, napakaraming tao ang nagsisiksikan sa inyo at sila ay nanggigitgit sa inyo. 46Ngunit sinabi ni Jesus, "May isa ngang humipo sa akin, dahil alam ko na may kapangyarihang lumabas sa akin."
47Nang makita ng babae na hindi niya maitago ang kaniyang ginawa, siya ay lumapit na nanginginig. Habang lumuluhod sa harap ni Jesus, ipinahayag niya sa harap ng lahat ng tao ang dahilan ng paghipo niya sa kaniya at kung paano siya gumaling agad. 48Pagkatapos, sinabi niya sa kaniya, "Anak, ang iyong pananampalataya ang siyang nagpagaling sa iyo. Humayo ka nang may kapayapaan."
49Habang siya ay patuloy pang nagsasalita, may isang lumapit mula sa bahay ng pinuno ng sinagoga, na nagsasabi, "Ang iyong anak na babae ay patay na. Huwag mong gambalain ang guro." 50Ngunit nang marinig iyon ni Jesus, siya ay sumagot sa kaniya, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang, at siya ay maliligtas."
51Pagkatapos, nang siya ay dumating sa bahay, hindi niya pinayagan ang sinuman na pumasok kasama niya, maliban kina Pedro, Juan, at Santiago, ang ama ng batang babae, at ang kaniyang ina. 52Ngayon, lahat ng taong naroroon ay nagluluksa at tumataghoy para sa kaniya, ngunit sinabi niya, "Huwag kayong tumaghoy. Hindi siya patay, ngunit natutulog lamang." 53Ngunit siya ay pinagtawanan nila nang may pangungutya, sa pagkakaalam na siya ay patay na.
54Ngunit hinawakan niya ang batang babae sa kaniyang mga kamay, tumawag, na nagsasabing, "Bata, tumayo ka." 55Ang espiritu ng bata ay bumalik, at siya ay agad na bumangon. Nag-utos si Jesus na bigyan siya ng makakain. 56Namangha ang mga magulang ng bata, ngunit inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin kanino man kung ano ang nangyari.

9

1Tinawag niya ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatan laban sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit. 2Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.

3Sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong magdadala ng anuman para sa inyong paglalakbay—maging tungkod, o pitaka, o tinapay o salapi—ni magdala ng dalawang panloob na tunika." 4Saanmang bahay kayo pumasok, manatili kayo doon hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.
5Para naman sa mga hindi tatanggap sa inyo, kung kayo ay aalis sa lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila." 6Pagkatapos sila ay umalis at pumunta sa mga nayon, ipinapahayag ang magandang balita at nagpapagaling ng mga tao sa lahat ng dako.
7At ngayon, narinig ni Herodes na tetrarka ang tungkol sa lahat ng mga nangyayari at siya ay lubhang nabahala, sapagkat sinasabi ng iba na si Juan na Tagapagbautismo ay nabuhay muli mula sa kamatayan, 8at sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sabi ng iba na isa sa mga sinaunang propeta ang muling nabuhay. 9Sinabi ni Herodes, "Pinapugutan ko si Juan, ngunit patungkol kanino itong mga bagay na naririnig ko?" At sinubukan ni Herodes na gumawa ng paraan upang makita si Jesus.
10Nang bumalik ang mga isinugo ni Jesus, sinabi nila sa kaniya ang lahat ng kanilang mga ginawa. Pagkatapos, isinama niya sila sa isang lungsod na tinatawag na Betsaida. 11Ngunit narinig ito ng mga tao at sumunod sa kaniya, at sila ay tinanggap niya, at siya ay nagsalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling ang mga nangailangan ng kagalingan.
12Nang patapos na ang araw, lumapit sa kaniya ang Labindalawa at sinabi, "Pauwiin mo na ang mga tao upang sila ay makapunta sa mga kalapit na nayon at kabukiran upang makapaghanap ng matutuluyan at makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na lugar." 13Ngunit sinabi niya sa kanila, "Bigyan ninyo sila ng makakain." Sinabi nila, "Ang mayroon po tayo ay hindi hihigit sa limang tinapay at dalawang isda, maliban na lamang kung kami ay bibili ng pagkain para sa mga taong ito. 14Mayroong nasa limanlibong lalaki ang naroon. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Paupuin ninyo sila sa grupong may tiglilimampung bilang."
15At ginawa nila iyon at lahat ng mga tao ay umupo. 16Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at habang nakatingin sa langit, pinagpasalamatan niya ang mga ito, at pinagpira-piraso, at ibinigay niya ito sa kaniyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 17Silang lahat ay nakakain at nabusog, at ang mga tira sa mga pagkain ay pinulot at napuno ang labindalawang basket.
18Nangyari nga, na habang siya ay mag-isang nananalangin, kasama ang kaniyang mga alagad, at sila ay kaniyang tinanong na sinasabi, "Ano ang sinasabi ng maraming tao kung sino ako?" 19Sumagot sila at nagsabi, "Si Juan na Tagapagbautismo, ngunit ang iba ay nagsasabing ikaw ay si Elias, ang iba ay nagsasabing isa ka sa mga propeta mula noong unang panahon na nabuhay muli."
20Sinabi niya sa kanila, "Ngunit sino ako para sa inyo?" Sumagot si Pedro at sinabi, "Ang Cristo na nagmula sa Diyos." 21Ngunit nagbigay siya ng babala sa kanila, binilin sa kanila ni Jesus na huwag nila itong ipagsabi sa kahit kaninuman, 22sinasabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming bagay at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, mga punong-pari at mga eskriba, at siya ay papatayin, at sa ikatlong araw ay bubuhayin muli.
23Sinabi niya sa kanilang lahat, "Kung sinuman ang may gustong sumunod sa akin, kailangan niyang tanggihan ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw, at sumunod sa akin. 24Sinumang sumubok na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay maliligtas ito. 25Ano ang mapapala ng tao kung makamit niya ang buong mundo, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang kaniyang sarili?
26Ang sinuman na ikakahiya ako at ang aking mga salita, siya din ay ikakahiya ng Anak ng Tao kapag siya ay dumating na nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel. 27Ngunit katotohanang sinasabi sa inyo, mayroong iba sa inyong nakatayo dito, na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang kaharian ng Diyos."
28At nangyari, pagkalipas ng mga walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, dinala niya sina Pedro, Juan, at Santiago, at umakyat ng bundok upang manalangin. 29Habang siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha, ang kaniyang damit ay naging puti at nagniningning.
30Masdan ito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya! Sila ay sina Moises at Elias 31na nag-anyong maluwalhati. Nagsalita sila patungkol sa kaniyang paglisan na malapit na niyang maisakatuparan sa Jerusalem.
32Ngayon, si Pedro at ang kaniyang mga kasama ay mahimbing na natutulog. Ngunit nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya. 33At nangyari nga, habang ang mga lalaki ay papalayo na kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya, "Panginoon, mabuti at nandito kami at marapat na magtayo kami ng tatlong kanlungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias." Hindi niya naintindihan kung ano ang kaniyang mga sinasabi.
34Pagkatapos, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may ulap na dumating at nililiman sila; at sila ay natakot habang sila ay napapalibutan ng ulap. 35Isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi, "Ito ang aking Anak na pinili. Makinig kayo sa kaniya." 36Nang matapos ang tinig, mag-isa na si Jesus. Sila ay tumahimik, at sa mga araw na iyon ay wala silang pinagsabihan sa mga bagay na kanilang nakita.
37At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao. 38Masdan ito, mayroong isang ama na sumisigaw mula sa maraming tao na nagsasabi, "Guro, nagmamakaawa ako na tingnan ninyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ay nag-iisa kong anak. 39Sinasaniban siya ng isang espiritu, at bigla siyang sumisigaw, kaya siya ay nangingisay na bumubula ang bibig. Pahirapan itong umalis sa kaniya, lubha siyang sinasaktan nito kapag ito ay umaalis. 40Nagmakaawa ako sa iyong mga alagad na piliting palabasin ito sa kaniya, ngunit hindi nila magawa."
41Sumagot si Jesus at sinabi, "Kayong mga hindi nananampalataya at masamang salinlahi, gaano katagal ko kailangang manatili sa inyo at pagtiisan kayo? Dalhin mo dito ang iyong anak." 42Habang lumalapit ang batang lalaki ay ihinagis siya ng demonyo pababa at pinangisay nang marahas. Ngunit sinaway ni Jesus ang maruming espiritu, at pinagaling ang batang lalaki, at ibinalik siya sa kaniyang ama.
43Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 44"Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao." 45Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.
46Pagkatapos, isang pagtatalo ang nagsimula sa kanila tungkol sa kung sino ang magiging lubos na dakila. 47Ngunit nang malaman ni Jesus ang kanilang mga pangangatwiran sa kanilang mga puso, kumuha siya ng isang bata at nilapit sa kaniyang tabi, 48at sinabi sa kanila, "Kung sinuman ang tumanggap sa isang maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, siya rin ay tumatanggap sa akin, at kung sinuman ang tumatanggap sa akin, siya rin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin. Dahil kung sinuman ang pinakamababa sa inyong lahat ay siyang dakila."
49Sumagot si Juan at sinabi, "Panginoon, may nakita kaming isang tao na nagpapalayas ng demonyo gamit ang iyong pangalan at pinigilan namin siya sapagkat siya ay hindi sumusunod sa atin." 50Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Huwag ninyo siyang pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay kasama ninyo."
51Nangyari ng habang papalapit na ang kaniyang pag-akyat sa langit, lubos niyang inihanda ang kaniyang sarili na pumunta sa Jerusalem. 52Nagpadala siya ng mga mensahero bago siya pumunta, at sila ay pumunta at nakarating sa isang Samaritanong bayan upang maghanda para sa kaniya. 53Ngunit siya ay hindi tinanggap ng mga tao roon, sapagkat nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.
54Pagkatapos, nang makita ito ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan, sinabi nila, "Panginoon, nais mo bang iutos naming bumaba ang apoy mula sa langit at puksain sila?" 55Ngunit hinarap niya sila at sinaway sila. 56Pagkatapos, sila ay pumunta sa ibang nayon.
57Habang sila ay papunta sa kanilang daraanan, may nagsabi sa kaniya, "Ako ay susunod sa iyo saan ka man pumunta." 58Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang malatagan ng kaniyang ulo."
59At sinabi niya sa isa pang tao, "Sumunod ka sa akin." Ngunit sinabi niya, "Panginoon, hayaan mong ilibing ko muna ang aking ama." 60Ngunit sumagot siya sa kaniya, "Hayaan ninyo ang patay na maglibing sa sarili nilang mga patay, ngunit kayo ay humayo at ipahayag sa lahat ng dako ang kaharian ng Diyos."
61Isa pang tao naman ay nagsabi din, "Ako ay susunod sa iyo, Panginoon, ngunit hayaan mo muna akong magpaalam sa kanila na nasa aking bahay." 62Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya, "Walang sinumang naglagay ng kaniyang mga kamay sa araro at tumitingin sa likuran, ang karapat-dapat para sa kaharian ng Diyos."

10

1Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan. 2Sinabi niya sa kanila, "Marami ang aanihin, ngunit ang manggagawa ay kakaunti. Kaya nga madaliing manalangin sa Panginoon ng ani, upang magpadala siya ng manggagawa sa kaniyang ani.

3Humayo kayo sa inyong lakad. Tingnan, Sinusugo ko kayo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo. 4Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, lalagyang panglakbay, ni mga sandalyas, at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
5Anumang mga bahay na inyong tutuluyan, una ninyong sabihin, 'Magkaroon nawa ng kapayapaan sa bahay na ito.' 6Kung ang isang taong payapa ay naroon, ang inyong kapayapaan ay mapapasakaniya, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa iyo. 7Manatili kayo sa bahay na iyon, kumain at uminom ng anumang ibigay nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.
8Sa lungsod na inyong tutuluyan, at kayo ay tinanggap, kumain kayo ng anumang ihain sa inyong harapan, 9at pagalingin ninyo ang may sakit na naroroon. Sabihin niyo sa kanila, 'Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.'
10Ngunit sa anumang mga lungsod na inyong pupuntahan, at hindi nila kayo tinanggap, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin, 11'Kahit ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa ay aming pinupunasan laban sa inyo! Ngunit alamin ito, ang kaharian ng Diyos ay malapit na.' 12Sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, higit na mapagtitiisan ang Sodoma kaysa sa lungsod na iyon.
13Aba sa inyo, Corazin! Aba sa inyo Betsaida! Kung ang makapangyarihang mga gawa na nagawa sa inyo ay nagawa sa Tiro at Sidon, matagal na sana silang nagsisi, na nakaupo sa telang magaspang at sa mga abo. 14Ngunit mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa panahon ng paghuhukom kaysa sa inyo. 15Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades.
16Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin, at ang tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin."
17Bumalik ang pitumpu na may kagalakan, nagsasabing, "Panginoon, kahit ang mga demonyo ay nagpasakop sa amin sa iyong pangalan." 18Sinabi ni Jesus sa kanila, "Pinanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat. 19Tingnan, binigyan ko kayo ng kapangyarihan na tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang makapananakit sa inyo sa anumang paraan. 20Gayon pa man huwag kayong magalak lamang sa mga ito, na ang mga espiritu ay sumusunod sa inyo, ngunit higit na magalak na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit."
21Sa parehong oras na iyon, siya ay nagalak nang lubusan sa Banal na Espiritu, at sinabi, "Pinupuri kita, O Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at nakakaunawa, at ipinahayag ang mga ito sa mga walang muwang, tulad ng mga maliliit na bata. Oo, Ama, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyong paningin."
22''Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak, at kanino man na naisin ng Anak na ipahayag siya."
23Nang humarap siya sa mga alagad, sinabi niya nang bukod, "Pinagpala ang mga nakakakita sa mga bagay na nakikita ninyo. 24Sinasabi ko sa inyo, maraming mga propeta at mga hari na hinangad na makita ang mga bagay na inyong nakikita, at hindi nila ito nakita, at marinig ang mga bagay na inyong naririnig, at hindi nila narinig."
25Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, "Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?" 26Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ano ang nakasulat sa kautusan? Paano mo ito binabasa?" 27Sumagot na nagsabi siya, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." 28Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Tama ang iyong sinabi. Gawin mo ito, at mabubuhay ka."
29Ngunit ang guro na naghahangad na na bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, "At sino ang aking kapwa?" 30Sumagot na nagsabi si Jesus, "May isang tao na bumaba sa Jerico mula sa Jerusalem. Nahulog siya sa kamay ng mga magnanakaw, na sumamsam sa kaniyang mga ari-arian, at binugbog siya, at iniwan siyang halos patay na.
31Nagkataon na may isang pari ang bumaba sa daang iyon, at nang siya ay nakita nito, siya ay dumaan sa kabila ng daan. 32Gayon din naman sa isang Levita, nang siya ay dumating sa lugar at nakita siya, ay dumaan sa kabila ng daan.
33Ngunit isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya. Nang makita siya, siya ay nahabag. 34Lumapit siya sa kaniya at binendahan ang kaniyang mga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito. Sinakay siya sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-panuluyan, at inalagaan siya. 35Nang sumunod na araw, siya ay kumuha ng dalawang denaryo, at ibinigay sa katiwala ng bahay-panuluyan, at sinabi, 'Alagaan mo siya at anumang magagastos mong labis, sa aking pagbalik, babayaran kita.'
36Sino sa tatlong ito, sa tingin mo, ang naging isang kapwa sa kaniya na nahulog sa mga magnanakaw?" 37Sinabi ng guro, "Ang nagpakita ng awa sa kaniya." Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Humayo ka at gayon din ang gawin mo."
38Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay. 39Mayroon siyang isang kapatid na nagngangalang Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kaniyang salita.
40Ngunit si Marta ay sobrang abala sa paghahanda ng pagkain. Lumapit siya kay Jesus, at sinabi, "Panginoon, pababayaan mo ba na iniwan ako ng aking kapatid na mag-isang maglingkod? Kaya sabihin mo sa kaniya na tulungan ako." 41Ngunit sumagot ang Panginoon at sinabi sa kaniya, "Marta, Marta, masyado kang abala tungkol sa maraming bagay, 42ngunit iisang bagay lamang ang kinakailangan. Pinili ni Maria kung ano ang pinakamabuti, na hindi makukuha mula sa kaniya."

11

1At nangyari nang si Jesus ay nananalangin sa isang lugar, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, "Panginoon, turuan mo kaming manalangin na gaya ng tinuro ni Juan sa kaniyang mga alagad."

2Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung kayo ay mananalangin, sabihin ninyo, 'Ama, sambahin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo ay dumating.
3Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw. 4Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso.'"
5Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sino sa inyo ang mayroong kaibigan, at pupunta ka sa kaniya sa hating gabi, at sasabihin mo sa kaniya, 'Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay, 6sapagkat kararating lamang ng isang kaibigan ko mula sa paglalakbay at wala akong anumang maihahanda sa kaniya.' 7At ang nasa loob na sasagot na magsasabi na, 'Huwag mo akong gambalain. Sarado na ang pinto, ako at ang aking mga anak ay nakahiga na. Hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo ng tinapay.' 8Sinasabi ko sa inyo, kahit na siya ay hindi bumangon at magbigay sa iyo ng tinapay dahil ikaw ay kaibigan niya, ngunit dahil sa iyong hindi nahihiyang pagpupumilit, siya ay babangon at bibigyan ka ng tinapay ayon sa dami ng iyong kailangan.
9Sinasabi ko rin sa inyo, humingi kayo at ito ay maibibigay sa inyo, maghanap at inyong matatagpuan. Kumatok, at ito ay mabubuksan para sa inyo. 10Sapagkat ang bawat tao na humihingi ay makatatanggap at ang tao na naghahanap ay makatatagpo at sa tao na kumakatok, ito ay mabubuksan.
11Aling ama sa inyo, kung ang iyong anak na lalaki ay humingi ng isda ay bibigyan mo ng ahas sa halip na isda? 12O kung siya ay humingi ng itlog, bibigyan mo ba siya ng alakdan? 13Kaya, kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama mula sa langit na ibibigay ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kaniya?"
14Pagkatapos, si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo at ito ay pipi. At nangyari nang lumabas ang demonyo, nagsalita ang pipi. Namangha ang napakaraming tao! 15Ngunit sinabi ng ilang mga tao, "Sa pamamagitan ni Beelzebub, ang pinuno ng mga demonyo, siya ay nagpapalayas ng mga demonyo."
16Sinubok siya ng iba at naghanap sa kaniya ng palatandaan mula sa langit. 17Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip at sinabi sa kanila, "Bawat kaharian na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay napababayaan at ang bahay na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay bumabagsak.
18Kung si Satanas ay nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili, paano mananatili ang kaniyang kaharian? Sapagkat sinasabi ninyo na ako ay nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub. 19Kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ang inyong mga tagasunod? Dahil dito, sila ang inyong magiging mga hukom. 20Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, kung gayon ang kaharian ng Diyos ay dumating sa inyo.
21Kung ang isang malakas na tao na lubos na armado ay binabantayan ang kaniyang bahay, ang kaniyang mga ari-arian ay ligtas 22ngunit kung siya ay dinaig ng mas malakas sa kaniya, kukunin ng mas malakas ang kaniyang baluti at nanakawin ang pag-aari ng tao. 23Ang hindi ko kasama ay laban sa akin at ang hindi nagtitipon na kasama ako ay naghihiwa-hiwalay.
24Kung ang maruming espiritu ay umalis mula sa isang tao, ito ay dumadaan sa mga tuyong lugar at maghahanap ng mapagpapahingaan. Nang wala itong mahanap, sasabihin nito, 'Ako ay babalik sa aking bahay kung saan ako nanggaling.' 25Sa kaniyang pagbabalik, natagpuan nito ang bahay na iyon na nawalisan at maayos. 26Pagkatapos, ito ay nagpatuloy at nagsama ng pitong iba pang espiritu na mas masama pa sa kaniya at pumasok silang lahat para tumira doon. Kaya ang kalagayan ng tao ay naging mas malubha kaysa noong una.
27Nangyari na, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may isang babae na sumigaw sa gitna ng napakaraming tao at nagsabi sa kaniya, "Pinagpala ang sinapupunan na nagsilang sa iyo at ang nagpasuso sa iyo." 28Ngunit sinabi niya, "Higit pa na pinagpala ang mga nakarinig ng salita ng Diyos at iningatan ito."
29Nang nagtitipon ang napakaraming tao, sinimulan niyang sabihin, "Ang salinlahi na ito ay masamang salinlahi. Naghahanap ito ng palatandaan ngunit walang palatandaan na maibibigay dito, kung hindi ay ang palatandaan ni Jonas. 30Sapagkat katulad ni Jonas na naging palatandaan sa mga taga-Nineveh, ganoon din na ang Anak ng Tao ay magiging palatandaan sa salinlahi na ito.
31Ang Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao sa salinlahi na ito at sila ay hahatulan niya, sapagkat siya ay nanggaling sa dulo ng mundo upang makinig sa karunungan ni Solomon, at tingnan ninyo, narito ang higit na dakila kaysa kay Solomon.
32Ang mga tao ng Nineveh ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao sa salinlahi na ito at hahatulan ito, sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, narito ang higit na dakila kaysa kay Jonas.
33Wala kahit sino na matapos sindihan ang ilawan ay ilalagay ito sa madilim na silid o sa ilalim ng basket, kung hindi ay sa patungan ng ilawan para magkaroon ng ilaw ang pumapasok. 34Ang iyong mata ay ilawan ng iyong katawan. Kapag ang iyong mata ay malinaw, ang buong katawan ay napupuno ng liwanag. Ngunit kung ang iyong mata ay malabo, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman. 35Samakatuwid kayo ay mag-ingat na ang liwanag na nasa inyo ay hindi kadiliman. 36Kung ganoon nga, na ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag, na walang bahagi nito na nasa kadiliman, ang iyong buong katawan ay magiging tulad ng ilawan na kumikinang ang liwanag sa iyo."
37Nang matapos siyang magsalita, isang Pariseo ang humiling sa kaniya na kumain kasama niya sa kaniyang bahay, kung kaya pumasok si Jesus at sumandal. 38At ang Pariseo ay nagulat dahil hindi muna siya naghugas bago ang hapunan.
39Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya, "Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng mga tasa at mga mangkok, ngunit ang inyong loob ay puno ng kasakiman at kasamaan. 40Kayong mga walang saysay na tao! Hindi ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob? 41Ibigay ninyo sa mga mahihirap ang nasa loob at ang lahat ng bagay ay magiging malinis para sa inyo.
42Sa aba ninyong mga Pariseo, sapagkat ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena at ruda at ang bawat ibang halaman sa hardin ngunit pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig ng Diyos. Kinakailangan na kumilos nang may katarungan at may pagmamahal sa Diyos na hindi rin pinababayaan na gawin ang ibang mga bagay.
43Sa aba ninyong mga Pariseo, sapagkat gustong gusto ninyo ang mga upuan sa unahan sa mga sinagoga at mga magalang na pagbati sa mga pamilihan. 44Sa aba ninnyo sapagkat kayo ay katulad ng libingan na walang marka na nilalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman."
45At isang tagapagturo ng mga kautusan ng Judio ang sumagot sa kaniya at nagsabi, "Guro, ang sinabi mo ay isang insulto rin sa amin." 46Sinabi ni Jesus, "Sa aba ninyo, mga tagapagturo ng kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga pasanin na mahirap dalhin ngunit hindi man lang ninyo hinahawakan ang mga pasanin na iyon sa isa sa inyong sariling mga daliri.
47Sa aba ninyo, sapagkat nagtatayo kayo ng mga bantayog para sa libingan ng mga propeta subalit ang inyong mga ninuno ang pumatay sa kanila. 48Kaya kayo ay mga saksi at nagpahintulot sa ginawa ng inyong mga ninuno dahil tunay nga na pinatay nila ang mga propeta na siyang pinatayuan ninyo ng mga bantayog.
49Sa kadahilanan ding ito, sinabi ng karunungan ng Diyos, 'Ako ay magpapadala sa kanila ng mga propeta at mga apostol, at uusigin nila at papatayin ang iba sa kanila.' 50Kung gayon ang salinlahi na ito ang may pananagutan sa lahat ng dugo ng mga propeta na dumanak mula sa simula ng mundo, 51mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, ang salinlahi na ito ang may pananagutan.
52Sa aba ninyong mga tagapagturo ng mga kautusan ng Judio sapagkat kinuha ninyo ang susi ng kaalaman, kayo mismo ay hindi pumapasok at hinahadlangan ninyo ang mga pumapasok."
53Pagkatapos umalis ni Jesus doon, ang mga eskriba at ang mga Pariseo ay tutol sa kaniya at nakipagtalo sa kaniya tungkol sa maraming bagay, 54sinusubukan siyang hulihin sa kaniyang mga salita.

12

1Samantala, nang ang libu-libong mga tao ay nagkatipon-tipon, na halos ang bawat isa ay nagkakatapak-tapakan, sinimulan muna niyang sabihin sa kaniyang mga alagad, "Mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo, na ang pagkukunwari.

2Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat, at walang lihim ang hindi malalaman. 3Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong.
4Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos iyon, ay wala na silang magagawa. 5Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya.
6Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos. 7Ngunit kahit ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat. Huwag matakot. Higit kayong mas mahalaga kaysa sa maraming maya.
8Sinasabi ko sa inyo, ang bawat taong kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos, 9ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin.
11Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin, 12dahil ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.
13At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, "Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana", 14Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?" 15At sinabi niya sa kanila, "Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian."
16Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga, na nagsasabi, "Ang bukid ng isang mayamang tao ay umani ng masagana, 17at nangatwiran sa kaniyang sarili, na nagsasabi, "Ano ang aking gagawin, dahil wala na akong paglagyan ng aking mga ani?' 18Sinabi niya, 'Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at tatayuan ko ng mas malalaki at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at iba pang mga ari-arian. 19Sasabihin ko sa aking kaluluwa, "Kaluluwa, marami kang mga ari-arian na naitago sa maraming taon. Magpahinga ng mabuti, kumain, uminom, at magpakasaya.'"
20Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, 'Hangal na tao, ang iyong kaluluwa ay kukunin ngayong gabi, at ang mga bagay na iyong inihanda, kanino mapupunta ang mga ito? 21Ganyan ang isang tao na nag-iipon ng kayamanan para sa kaniyang sarili at hindi mayaman para sa Diyos."
22Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabahala tungkol sa inyong buhay—kung ano ang inyong kakainin, o tungkol sa inyong katawan—kung ano ang inyong susuotin. 23Sapagkat ang buhay ay mas higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay mas higit kaysa sa mga damit.
24Isipin ninyo ang mga uwak, hindi sila naghahasik o umaani. Wala silang bodega o kamalig, ngunit sila ay pinapakain ng Diyos. Gaano na lamang kayo kahalaga kaysa sa mga ibon! 25At sino sa inyo ang sa pag-aalala ay makapagdaragdag ng kahit isang kubit sa haba ng kaniyang buhay? 26Kung gayon na hindi ninyo magawa ang kahit pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababahala sa ibang mga bagay?
27Isipin ninyo ang mga liryo—kung paano sila lumalaki. Sila ay hindi nagtatrabaho o ni nagsusulid man lang. Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagdamit na tulad ng isa sa mga ito. 28Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid, na nananatili ngayon, at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kayo na kaniyang dadamitan, O kayong mga maliit ang pananampalataya!
29Huwag hanapin kung ano ang inyong kakainin, at kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong mabahala. 30Dahil ang mga bagay na ito ang hinahanap ng lahat ng mga bansa sa mundo, at alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito.
31Ngunit hanapin ang kaniyang kaharian, at ang lahat ng bagay na ito ay maidadagdag sa inyo. 32Huwag matakot, maliit na kawan, dahil ang inyong Ama ay lubos na nalulugod na ibigay sa inyo ang kaharian.
33Ipagbili ang inyong mga ari-arian at ibigay ito sa mahihirap. Gumawa kayo ng inyong mga sariling mga pitaka na hindi nasisira—mga kayamanan sa kalangitan na hindi nawawala, na hindi nilalapitan ng magnanakaw, at hindi sinisira ng tanga. 34Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.
35Isuksok ninyo ang inyong mahabang damit sa inyong sinturon, at panatilihing nag-aapoy ang inyong mga ilawan, 36at maging katulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang amo na bumalik mula sa kasalan, upang kung siya ay bumalik at kumatok, agad nilang bubuksan ang pinto para sa kaniya.
37Pinagpala ang mga lingkod na iyon, na masusumpungan ng amo na nagbabantay sa kaniyang pagbabalik. Totoo, sinasabi ko sa inyo na isusuksok niya ang mahaba niyang damit sa kaniyang sinturon, pauupuin sila para sa pagkain, at lalapit at pagsisilbihan sila. 38Kung ang amo ay dadating sa pangalawang pagbantay sa gabi o kahit sa pangatlong pagbantay at nakita silang handa, pinagpala ang mga lingkod na iyon.
39Dagdag pa nito alamin ninyo ito, na kung alam ng amo ang oras ng pagdating ng magnanakaw, hindi niya hahayaang mapasok ang kaniyang tahanan. 40Maging handa din, dahil hindi niyo alam ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao."
41Sinabi ni Pedro, "Panginoon, sa amin mo lamang ba sinasabi ang talinghagang ito o para rin sa lahat?" 42Sinabi ng Panginoon, "Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon? 43Pinagpala ang lingkod na iyon, na masusumpungan ng kaniyang panginoon na gumagawa niyan sa kaniyang pagdating. 44Totoong sinasabi ko sa inyo na siya ay gagawing tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian.
45Ngunit kung sinasabi ng lingkod na iyon sa kaniyang puso, "Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon,' at sinimulan niyang bugbugin ang mga lalaki at babaeng lingkod, at kakain at iinom, at malalasing, 46ang panginoon ng lingkod na iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya ay pagpipira-pirasuhin at magtatalaga siya ng lugar para sa kaniya kasama ang mga hindi tapat.
47Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami. 48Ngunit ang hindi nakakaalam, at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa pagbugbog, ay mabubugbog nang kaunti. Ang lahat ng binigyan ng marami, marami din ang hihingiin sa kaniya, at ang pinagkatiwalaan ng marami, marami ang hihingiin nila sa kaniya.
49Pumarito ako upang magbaba ng apoy sa mundo, at ninanais ko na ito ay magningas. 50Ngunit mayroon akong bautismo na kailangang danasin, at labis akong namimighati hanggang sa ito ay matapos!
51Iniisip ba ninyo na ako ay naparito upang magdala ng kapayapaan sa mundo? Hindi, sinasabi ko sa inyo, sa halip ay pagkabaha-bahagi. 52Dahil mula ngayon may lima sa isang tahanan na magkakabaha-bahagi—tatlong tao laban sa dalawa at dalawang tao laban sa tatlo. 53Sila ay magkakabaha-bahagi, ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama; ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina; ang biyenan na babae laban sa manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenan na babae.
54Sinasabi din ni Jesus sa napakaraming tao, "Kung nakikita ninyong namumuo ang ulap sa kanluran, agad ninyong sinasabi, 'May ulan na paparating', at gayon ang nangyayari. 55At kung iihip ang hangin sa timog, sinasabi ninyo, 'Magkakaroon ng matinding init,' at ito ay nangyayari. 56Mga mapagkunwari, alam ninyo kung paano ipakahulugan ang anyo ng mundo at kalangitan, ngunit paanong hindi ninyo alam bigyang-kahulugan ang kasalukuyang panahon?
57Bakit hindi ninyo hatulan kung ano ang tama para sa inyong mga sarili? 58Sapagkat kung ikaw ay pupunta sa harapan ng hukom kasama ang iyong kaaway, sa daan ay sikapin mong ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa kaniya upang hindi ka niya kaladkarin sa hukom, upang hindi ka dalhin ng hukom sa opisyal at hindi ka ilagay ng opisyal sa bilangguan. 59Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalaya mula doon hanggang mabayaran mo ang kahuli-hulihang salapi."

13

1Nang panahong iyon, sinabi sa kaniya ng ilang tao na naroon ang tungkol sa mga taga-Galilea, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa kanilang mga sariling alay. 2Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan ang mga taga-Galilea na ito kaysa sa ibang mga taga-Galilea dahil nagdusa sila sa ganitong paraan? 3Hindi, sinasabi ko sa inyo. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, mamamatay kayong lahat sa ganoon ding paraan.

4O iyong labing walong tao sa Siloam na nabagsakan ng tore at namatay, sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan sila kaysa sa ibang tao sa Jerusalem? 5Hindi, sinasabi ko. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo ay mamatay din."
6Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito, "May isang taong may isang puno ng igos na nakatanim sa kaniyang ubasan at dumating siya at naghanap ng bunga nito ngunit wala siyang matagpuan. 7Sinabi niya sa hardinero, 'Tingnan mo, tatlong taon na akong pumaparito, at sinubukang maghanap ng bunga ng puno ng igos na ito ngunit wala akong natagpuan. Putulin mo ito. Bakit hahayaang sayangin nito ang lupa?'
8Sumagot ang hardinero at sinabi, 'Pabayaan mo muna ito sa taong ito hanggang sa aking mahukayan ang palibot nito at malagyan ito ng pataba. 9Kung mamunga ito sa susunod na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin mo ito!"'
10Ngayon, nagtuturo si Jesus sa isa sa mga sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. 11Masdan, may isang babaeng naroon na labing-walong taon nang may masamang espiritu ng panghihina, at siya ay baluktot at hindi siya lubusang makatayo.
12Nang makita siya ni Jesus, tinawag niya ito at sinabi, "Babae, napalaya ka na mula sa iyong panghihina." 13Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa babae, at kaagad siyang naunat at niluwalhati niya ang Diyos. 14Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya sumagot ang pinuno at sinabi sa maraming mga tao, "May anim na araw kung saan kinakailangang magtrabaho. Pumarito kayo at mapagaling sa mga araw na iyon, huwag sa Araw ng Pamamahinga."
15Sinagot siya ng Panginoon at sinabi, "Mga mapagkunwari! Hindi ba kinakalag ng bawat isa sa inyo ang tali ng kaniyang asno o baka mula sa sabsaban nito upang painumin sa Araw ng Pamamahinga? 16Kaya ito ring babaeng anak ni Abraham, na labing-walong taon nang iginapos ni Satanas, hindi ba nararapat kalagan ang kaniyang gapos sa Araw ng Pamamahinga?"
17Nang sinabi niya ang mga bagay na ito, lahat ng sumalungat sa kaniya ay napahiya, ngunit nagagalak ang maraming tao sa mga maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
18At sinabi ni Jesus, "Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos, at ano ang maaari kong ihambing dito? 19Ito ay tulad ng isang buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihagis sa kaniyang halamanan, at ito ay tumubo at naging isang malaking puno, at namugad sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit."
20Muli, sinabi niya, "Saan ko maaaring ihambing ang salita ng Diyos? 21Ito ay tulad ng lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang sa ito ay umalsa."
22Binisita ni Jesus ang bawat bayan at baryo sa daan patungong Jerusalem at tinuruan sila. 23May nagsabi sa kaniya, "Panginoon, kakaunti lamang bang tao ang maliligtas?" Kaya sinabi niya sa kanila, 24"Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan, dahil marami ang susubok ngunit hindi sila makakapasok.
25Kapag tumayo na ang may-ari ng bahay at isinara ang pintuan, at kayo ay tatayo sa labas at kakalabugin ang pinto at sasabihin, 'Panginoon, Panginoon, papasukin mo kami.' At siya ay sasagot at sasabihin sa inyo, 'Hindi ko kayo kilala o kung taga-saan kayo.' 26Pagkatapos ay inyong sasabihin, 'Kami ay kumain at uminom sa iyong harapan at nagturo ka sa aming mga lansangan.' 27Ngunit sasagot siya, 'Sinasabi ko sa inyo, hindi ko alam kung taga-saan kayo. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!'
28Magkakaroon ng pagnanangis at pagngangalit ng ngipin kapag nakita ninyo sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, ngunit kayo—kayo ay itinapon sa labas. 29Darating sila mula sa silangan, kanluran, hilaga, at timog at sila ay uupo sa hapag-kainan sa kaharian ng Diyos. 30At alamin ninyo ito, ang mga pinakahuli ay ang mga una, at ang una ay magiging huli."
31Hindi nagtagal, may ilang mga Pariseong dumating at sinabi sa kaniya, "Pumunta ka at umalis dito dahil nais kang patayin ni Herodes." 32Sinabi ni Jesus, "Pumunta kayo at sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Tingnan mo, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ako ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay maaabot ko ang aking layunin.' 33Gayunman, kinakailangan na ako ay magpatuloy ngayon, bukas at sa susunod na araw, sapagkat hindi katanggap-tanggap na pumatay ng isang propeta sa labas ng Jerusalem.
34Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga ipinadala sa iyo. Kaydalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak tulad ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi mo ito ninais. 35Tingnan mo, iniwan ang iyong bahay. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ako makikita hanggang sabihin mo, 'Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon."'

14

1Nangyari sa isang Araw ng Pamamahinga, nang pumunta si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo upang kumain ng tinapay, na minamanmanan nila si Jesus. 2Masdan ito, doon sa kaniyang harapan ay may isang lalaking nagdurusa dahil sa pamamanas. 3Tinanong ni Jesus ang mga dalubhasa sa kautusan ng Judio at ang mga Pariseo, "Naaayon ba sa batas na magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?"

4Ngunit nanatili silang tahimik. Kaya hinawakan siya ni Jesus, pinagaling siya at pinaalis. 5Sinabi niya sa kanila, "Sino sa inyo ang may isang lalaking anak o isang baka na kapag mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, ang hindi kaagad mag-aahon sa kaniya?" 6Hindi sila nakapagbigay ng sagot sa mga bagay na ito.
7Nang mapansin ni Jesus kung paano pinili ng mga inanyayahan ang mga upuang pandangal, nagsabi siya ng isang talinghaga, sinasabi sa kanila, 8"Kapag inanyayahan ka ng isang tao sa isang kasalan, huwag kang umupo sa mga upuang pandangal dahil maaaring may isang taong naanyayahan na mas pinararangalan kaysa sa iyo. 9Kapag dumating ang taong nag-anyaya sa inyong dalawa, sasabihin niya sa iyo, 'Ibigay mo sa taong ito ang iyong upuan,' at sa kahihiyan lilipat ka sa kababababaang dako.
10Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, pumunta ka at umupo sa kababababaang dako, upang kung dumating ang taong nag-anyaya sa iyo, maaari niyang sabihin sa iyo, 'Kaibigan, lumipat ka sa mas mataas.' At ikaw ay mapararangalan sa harapan ng lahat ng kasalo mo sa hapag. 11Sapagkat ang bawat nagmamataas ay maibababa at siya na nagpapakababa ay maitataas.
12Sinabi rin ni Jesus sa taong nag-anyaya sa kaniya, "Kapag naghanda ka ng pananghalian o hapunan, huwag mong anyayahan ang iyong mga kaibigan, o ang iyong mga kapatid, o ang iyong mga kamag-anak o ang mga mayayaman mong kapit-bahay, sapagkat maaari ka din nilang anyayahan at ikaw ay mababayaran.
13Ngunit kapag ikaw ay maghahanda ng salu-salo, anyayahan mo ang mga mahihirap, ang mga lumpo, ang mga pilay, at ang mga bulag, 14at ikaw ay pagpapalain dahil hindi ka nila mababayaran. Sapagkat ikaw ay mababayaran sa muling pagkabuhay ng mga matuwid."
15Nang marinig ng isa sa mga taong kasalo ni Jesus ang mga bagay na ito, sinabi niya kay Jesus, "Pinagpala siya na kakain ng tinapay sa kaharian ng Diyos!" 16Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "May isang taong naghanda ng malaking hapunan at inanyayahan ang marami. 17Nang maihanda na ang hapunan, inutusan niya ang kaniyang utusan na sabihin sa mga naanyayahan, 'Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.'
18Silang lahat ay pare-parehong nagsimulang magdahilan. Sabi ng una sa kaniya, 'Bumili ako ng bukid at kinakailangan kong umalis at tingnan ito.' Pakiusap ipagpaumanhin mo ako.' 19At sinabi naman ng isa, 'Bumili ako ng limang pares na baka, at pupunta ako upang subukan ang mga ito. Pakiusap ipagpaumanhin mo ako.' 20At sabi naman ng isang lalaki, 'Kakakasal ko pa lamang sa aking asawa, at kaya hindi ako makakadalo.'
21Dumating ang utusan at sinabi sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Pagkatapos, nagalit ang panginoon ng bahay at sinabi sa kaniyang utusan, 'Bilisan mo, pumunta ka sa mga kalye at sa mga daanan ng lungsod at dalhin mo dito ang mga mahihirap, ang mga bulag, at ang mga pilay.' 22Sinabi ng utusan, 'Panginoon, ang iyong iniutos ay nagawa na, ngunit mayroon pa ring silid.'
23Sinabi ng panginoon sa utusan, 'Pumunta ka sa mga kalsada at sa mga bakuran at pilitin mo silang pumasok, upang mapuno ang aking bahay. 24Sapagkat sinasabi ko sa iyo, wala sa mga taong naunang naanyayahan ang makakatikim ng aking hapunan.'"
25Ngayon maraming tao ang sumasama sa kaniya, at bumaling siya at sinabi sa kanila, 26"Kung sinuman ang lumapit sa akin at hindi namumuhi sa kaniyang sariling ama, ina, asawa, anak, mga kapatid—oo, at pati ang kaniyang sariling buhay—hindi siya maaaring maging alagad ko. 27Ang sinumang hindi magbubuhat ng kaniyang sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
28Sapagkat sino sa inyo, ang naghahangad na magtayo ng isang tore, ang hindi muna mauupo at bibilangin ang gastos upang kuwentahin kung nasa kaniya ang mga kailangan niya upang ito ay tapusin? 29Kung hindi, kapag nagtayo siya ng pundasyon at hindi ito natapos, sisimulan siyang kutyain ng lahat ng mga makakakita nito, 30sinasabi, 'Ang taong ito ay nagsimulang magtayo at hindi niya natapos.'
31O anong hari, sa kaniyang pagpunta upang sagupain sa digmaan ang isa pang hari, ang hindi muna mauupo at hihingi ng payo kung kaya ba niya kasama ang sampung libong tao na labanan ang isa pang hari na dumarating laban sa kaniya na may kasamang dalawampung libong tao? 32At kung hindi, habang malayo pa ang hukbo na iyon, magpapadala siya ng kinatawan at hihingi ng mga kailangan sa pagkakasundo. 33Kaya, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman sa inyo na hindi magsusuko ng lahat ng nasa kaniya.
34Ang asin ay mabuti, ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano ito magiging maalat muli? 35Ito ay wala nang pakinabang sa lupa o kahit pa sa tumpok ng dumi. Itinatapon ito. Siya na may tainga upang makarinig, makinig."

15

1Ngayon, ang lahat ng mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan ay lumalapit kay Jesus upang makinig sa kaniya. 2Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba sa isa't isa, sinasabi, "Malugod na tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at kumakain pa kasama nila."

3Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila, sinasabi, 4"Sino sa inyo, kung mayroon siyang isang daang tupa at pagkatapos nawala ang isa sa kanila, ang hindi iiwanan ang siyamnapu't siyam sa ilang, at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan niya ito? 5Pagkatapos, kapag natagpuan niya ito, pinapasan niya ito sa kaniyang mga balikat at nagagalak.
6Pagdating niya sa bahay, tinitipon niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, sinasabi sa kanila, 'Makisaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang aking nawawalang tupa.' 7Sinasabi ko sa inyo na gayon din, magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi, higit pa sa siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi kailangang magsisi.
8O sinong babaing may sampung pilak na barya, kung mawalan siya ng isang barya, ang hindi magsisindi ng ilawan, magwawalis sa bahay, at masikap na maghahanap hanggang sa matagpuan niya ito? 9At kapag natagpuan niya ito, tinitipon niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, sinasabi, 'Makisaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang baryang nawala ko.' 10Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa kinaroroonan ng mga anghel ng Diyos sa isang makasalanang nagsisisi.
11Pagkatapos, sinabi ni Jesus, "May isang lalaking may dalawang lalaking anak, 12at sinabi ng nakababata sa kanila sa kaniyang ama, 'Ama, ibigay mo na sa akin ngayon ang ari-arian na nararapat na manahin ko.' Kaya hinati niya ang kaniyang kayamanan sa pagitan nila.
13Pagkaraan ng ilang mga araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pag-aari at pumunta sa isang malayong bansa, at doon ay winaldas niya ang kaniyang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi niya kailangan, at pag-aaksaya ng kaniyang pera sa masamang pamumuhay. 14Ngayon, nang naubos na niya ang lahat, matinding taggutom ang lumaganap sa buong bansang iyon, at siya ay nagsimulang mangailangan.
15Siya ay pumunta at namasukan sa isa sa mga mamamayan ng bansang iyon, na nagpapunta sa kaniya sa kaniyang bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16At nais na sana niyang kainin ang mga balat ng buto na kinakain ng mga baboy dahil walang nagbigay sa kaniya ng anumang makakain.
17Ngunit nang nakapag-isip-isip ang nakababatang anak, sinabi niya, 'Napakaraming mga upahang utusan ng aking ama ang may higit pa sa sapat na pagkain, at ako ay nandito, namamatay sa gutom! 18Aalis ako rito at pupunta sa aking ama, at sasabihin ko sa kaniya, "Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin. 19Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo; gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan.'"
20Kaya umalis ang nakababatang anak at pumunta sa kaniyang ama. Habang siya ay malayo pa, nakita siya ng kaniyang ama, at siya ay nahabag, at tumakbo, at niyakap at hinagkan siya. 21Sinabi ng anak sa kaniya, "Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi ako karapat-dapat na tawaging anak mo."
22Sinabi ng ama sa kaniyang mga utusan, 'Kunin ninyo kaagad ang pinakamagandang balabal, at isuot sa kaniya, at lagyan ng sing-sing ang kaniyang kamay, at sandalyas ang kaniyang mga paa. 23Pagkatapos, dalhin ninyo dito ang pinatabang guya at katayin. Tayo ay magsikain at magdiwang. 24Sapagkat ang anak ko ay namatay, at ngayon siya ay nabuhay. Siya ay nawala, at ngayon siya ay natagpuan.' At sila ay nagsimulang magdiwang.
25Sa panahong iyon, ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumating at palapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26Tinawag niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung ano ang mga bagay na ito. 27Sinabi ng utusan sa kaniya, 'Dumating ang iyong kapatid at nagpakatay ang iyong ama ng pinatabang guya, dahil nakabalik siya nang ligtas.'
28Nagalit ang nakatatandang anak, at ayaw niyang pumasok, at lumabas ang kaniyang ama, at pinakiusapan siya. 29Ngunit sumagot ang nakatatandang anak at sinabi sa kaniyang ama, 'Tingnan mo, nagpa-alipin ako sa iyo sa loob ng maraming taon, at kailanman ay hindi ako sumuway sa iyong utos, ngunit kailanman ay hindi mo ako binigyan ng isang batang kambing upang magdiwang ako kasama ng aking mga kaibigan, 30ngunit nang dumating ang iyong anak, na umubos ng iyong kabuhayan sa mga babaing nagbebenta ng aliw, nagpakatay ka ng pinatabang guya para sa kaniya.'
31Sinabi ng ama sa kaniya, 'Anak, lagi kitang kasama, at lahat ng sa akin ay sa iyo. 32Ngunit dapat lang na tayo ay magdiwang at maging masaya, sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay, at ngayon ay nabuhay; siya ay nawala, at ngayon ay natagpuan.'"

16

1Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, "May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari. 2Kaya pinatawag siya ng mayamang lalaki at sinabi sa kaniya, 'Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala, dahil ka na maaaring maging tagapamahala.'

3Sinabi ng tagapamahala sa kaniyang sarili, 'Anong gagawin ko, dahil aalisin sa akin ng amo ko ang pagiging tagapamahala? Wala akong lakas na magbungkal, at nahihiya akong magpalimos. 4Alam ko na ang aking gagawin, para kapag natanggal ako sa pagiging tagapamahala, malugod akong tatanggapin ng mga tao sa kanilang mga bahay.'
5At tinawag ng tagapamahala ang mga tao na may utang sa kaniyang amo, at tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa amo ko?' 6Sinabi niya, 'Isang daang takal na langis ng olibo'. At sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan, umupo kang madali at isulat mong limampu.' 7At sinabi ng tagapamahala sa isa pa, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot siya, 'Isang daang takal ng trigo.' Sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan at isulat mong walumpu.'
8At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. 9Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan.
10Ang tapat sa kakaunti ay tapat din sa marami, at ang hindi makatarungan sa kakaunti ay hindi rin makatarungan sa marami. 11Kung hindi ka naging tapat sa paggamit ng perang hindi makatarungan, sino ang magtitiwala sa iyo ng tunay na kayamanan? 12At kung hindi ka naging tapat sa paggamit sa pera ng ibang tao, sino ang magbibigay sa iyo ng sarili mong pera?
13Walang lingkod ang magkapaglilingkod sa dalawang amo, sapagkat kasusuklaman niya ang isa at mamahalin niya ang isa, o magiging tapat siya sa isa at kamumuhian niya ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan."
14Ngayon ang mga Pariseo, na mangingibig ng pera, ay narinig ang lahat ng mga ito, at siya ay kanilang kinutya. 15At sinabi niya sa kanila, "Pinapawalang-sala ninyo ang inyong mga sarili sa paningin ng mga tao, ngunit nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso. Ang siya na dinadakila ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
16Ang kautusan at ang mga propeta ang umiiral hanggang sa dumating si Juan. Mula noon, ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at ang lahat ay sinusubukang pumasok nang pilit doon. 17Ngunit mas madaling maglaho ang langit at lupa kaysa mawalan ng bisa ang isang kudlit ng isang letra ng kautusan.
18Ang bawat taong hinihiwalayan ang kaniyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay gumagawa ng pangangalunya, at ang mag-asawa sa babaing hiwalay sa kaniyang asawa ay magkakasala ng pangangalunya.
19Ngayon, may isang mayamang lalaki na nakadamit ng kulay lila na gawa sa pinong lino, at araw-araw nagsasaya sa kaniyang labis na kayamanan. 20May isang pulubi na nagngangalang Lazarus na pinahiga sa kaniyang tarangkahan na lipos ng sugat, 21at inaasam-asam niyang kainin ang nahuhulog sa mesa ng mayamang tao—at maliban doon, lumapit ang mga aso at dinilaan ang kaniyang mga sugat.
22At nangyari na namatay ang pulubi at dinala ng mga anghel sa kinaroroonan ni Abraham. Namatay din ang mayamang tao at inilibing, 23at doon sa hades, sa kaniyang pagdurusa, tumingala siya at nakita si Abraham sa malayo at si Lazarus na nasa tabi niya.
24At sumigaw siya at sinabi, 'Amang Abraham, maawa ka sa akin at papuntahin mo si Lazarus, upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig at palamigin ang aking dila, dahil naghihirap ako sa apoy na ito.'
25Ngunit sinabi ni Abraham, 'Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo, natanggap mo ang mga magagandang bagay, at si Lazaro sa ganoon ding paraan ay masasamang bagay. Ngunit ngayon, siya ay inaaliw dito, at ikaw ay nagdurusa. 26At maliban sa lahat ng ito, may malaking bangin na nakalagay upang ang mga gustong tumawid mula rito papunta sa iyo ay hindi makakatawid, at wala ring makakatawid mula riyan papunta sa amin.'
27At sinabi ng mayamang tao, 'Nagmamakaawa ako, Amang Abraham, na papuntahin mo siya sa bahay ng aking ama— 28sapagkat ako ay may limang kapatid na lalake—upang balaan niya sila, dahil baka pumunta rin sila sa lugar na ito ng pagdurusa.'
29Ngunit sinabi ni Abraham, 'Nasa kanila si Moises at mga propeta; makinig sila sa kanila.' 30Sumagot ang mayamang tao, 'Hindi, Amang Abraham, ngunit kung may pumunta sa kanila mula sa mga patay, magsisisi sila.' 31Ngunit sinabi ni Abraham sa kaniya, 'Kung hindi sila makikinig kay Moises at sa mga propeta, hindi rin sila mahihikayat kung may mabuhay mula sa mga patay.". /.

17

1Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, "Tiyak na darating ang mga bagay na magiging dahilan upang tayo ay magkasala, ngunit aba sa taong pagmumulan ng mga ito! 2Mas mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato at ihagis siya sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakatisod ng maliliit na ito.

3Mag-ingat kayo. Kung nagkasala ang iyong kapatid na lalaki, sawayin mo siya, at kung siya ay nagsisi, patawarin mo siya. 4Kapag nagkasala siya laban sa iyo ng pitong beses sa isang araw, at pitong beses na bumalik sa iyo, sinasabi, 'Nagsisisi ako,' dapat mo siyang patawarin!"
5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, "Dagdagan mo ang aming pananampalataya." 6Sinabi ng Panginoon, "Kung may pananampalataya kayo na tulad ng isang butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa puno ng sicamorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat,' at kayo ay susundin nito.
7Ngunit sino sa inyo, na may lingkod na nag-aararo o nag-aalaga ng tupa, ang magsasabi sa kaniya kapag nakabalik na siya mula sa bukid, 'Pumarito ka kaagad at umupo upang kumain'? 8Hindi ba niya sasabihin sa kaniya, 'Maghanda ka ng kakainin ko, magbigkis ka at pagsilbihan mo ako hanggang sa matapos akong kumain at uminom. At pagkatapos, kumain ka at uminom'?
9Hindi siya nagpapasalamat sa lingkod dahil ginawa niya ang mga bagay na iniutos, nagpapasalamat ba siya? 10Ganoon din kayo, kapag nagawa ninyo ang lahat ng bagay na iniutos sa inyo, dapat ninyong sabihin, 'Hindi kami karapat-dapat na mga lingkod. Ginawa lang namin ang dapat naming gawin."'
11Nangyari na habang sila ay nasa daan patungong Jerusalem, siya ay naglalakbay sa lupaing pagitan ng Samaria at Galilea. 12At sa kaniyang pagpasok sa isang nayon, doon ay sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin. Tumayo sila nang malayo sa kaniya 13at nilakasan nila ang kanilang tinig, sinasabi, "Jesus, Amo, maawa ka sa amin."
14Nang makita niya sila, sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili sa mga pari." At nangyari nga na habang sila ay papunta, sila ay nalinisan. 15Nang makita ng isa sa kanila na gumaling siya, bumalik siya nang may malakas na tinig na niluluwalhati ang Diyos. 16Yumuko siya sa paanan ni Jesus, nagpapasalamat sa kaniya. Isa siyang Samaritano.
17Sumagot si Jesus, sinabi, "Hindi ba sampu ang nilinis? 18Nasaan ang siyam? Wala bang ibang bumalik upang luwalhatiin ang Diyos, maliban sa dayuhang ito?" 19Sinabi niya sa kaniya, "Tumayo ka, at humayo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya."
20Nang naitanong sa kaniya ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos, sinagot sila ni Jesus at sinabi, "Ang kaharian ng Diyos ay hindi isang bagay na mapagmamasdan. Ni hindi nila sasabihin, 21'Tumingin kayo rito!' o, 'Tumingin kayo roon!' dahil ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo."
22Sinabi ni Jesus sa mga alagad, "Darating ang mga araw na nanaisin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo ito makikita. 23Sasabihin nila sa inyo, 'Tingnan ninyo, naroon!' o, 'Tingnan ninyo, narito!' Ngunit huwag kayong pumunta, ni sumunod sa kanila, 24sapagkat gaya ng paglitaw ng kidlat kapag ito ay kumislap buhat sa isang panig ng kalangitan tungo sa ibang panig ng kalangitan, gayon din naman ang Anak ng Tao sa kaniyang araw.
25Ngunit kailangan muna niyang magdusa ng labis at itakwil ng salinlahing ito. 26Katulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayon din ang mangyayari sa mga araw ng Anak ng Tao. 27Nagsisikain sila, nagsisiinom, nagsisipag-asawa at ibinibigay sila upang mag-asawa, hanggang sa araw na pumasok sa arko si Noe—at dumating ang baha at pinatay silang lahat.
28Gayon din naman, katulad ng nangyari sa panahon ni Lot, sila ay nagsisikain, nagsisiinom, nagsisibili, nagsisitinda, nagsisipagtanim at sila ay nagsisipatayo ng gusali. 29Ngunit nang araw na lumabas mula sa Sodoma si Lot, umulan ng apoy at asupre mula sa langit, at pinuksa silang lahat.
30Ganoon din naman ang mangyayari sa araw na maihayag ang Anak ng Tao. 31Sa araw na iyon, ang nasa taas ng bahay ay huwag nang bumaba upang ilabas ang kaniyang mga kagamitan sa bahay. At ang nasa bukid ay huwag nang bumalik.
32Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. 33Sinumang naghahangad na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang buhay ay makapagliligtas nito.
34Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon ay mayroong dalawang tao sa isang higaan. Ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan. 35Mayroong dalawang babae ang magkasamang gigiling. Ang isa ay kukunin at ang isa ay iiwan." 36(Mayroong dalawang tao sa bukid, ang isa ay kukunin at ang isa ay iiwan.) 37Tinanong nila sa kaniya, "Saan, Panginoon?" At sinabi niya sa kanila, "Kung saan naroon ang bangkay, doon din nagtitipon ang mga buwitre."

18

1Pagkatapos, sinabi niya ang isang talinghaga sa kanila tungkol sa kung paano sila dapat laging manalangin, at huwag panghinaan ng loob, 2sinasabi, "Sa isang lungsod, may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang mga tao.

3Ngayon may isang babaeng balo sa lungsod na iyon, at madalas itong pumupunta sa kaniya, sinasabi, 'Tulungan mo akong makamit ang katarungan laban sa aking kaaway.' 4Sa loob ng mahabang panahon hindi niya ito nais na tulungan, ngunit pagkatapos ng maikling panahon, sinabi niya sa kaniyang sarili, 'Bagaman hindi ako natatakot sa Diyos o hindi ko iginagalang ang tao, 5ngunit dahil ginagambala ako ng balong ito, tutulungan ko siyang makamit ang katarungan, upang hindi niya ako pagurin sa kaniyang palagiang pagpunta rito."'
6Pagkatapos sinabi ng Panginoon, "Pakinggan ninyo ang sinabi ng hindi makatarungang hukom. 7Ngayon, hindi ba ibibigay din ng Diyos ang katarungan sa kaniyang mga hinirang na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya magiging matiyaga sa kanila? 8Sinasabi ko sa inyo na agad niyang dadalhin ang katarungan sa kanila. Ngunit kapag dumating ang Anak ng Tao, may matatagpuan ba siyang pananampalataya sa lupa?"
9At sinabi din niya ang talinghagang ito sa mga taong nagsasabi sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid at humahamak sa ibang tao, 10"Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin—ang isa ay Pariseo at ang isa naman ay maniningil ng buwis.
11Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay na ito tungkol sa kaniyang sarili, 'Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi ako katulad ng ibang taong magnanakaw, mga hindi matuwid, mga mangangalunya, o tulad ng maniningil ng buwis na ito. 12Nag-aayuno ako ng dalawang beses bawat linggo. Ibinibigay ko ang ikapu ng lahat ng aking nakukuha.'
13Ngunit ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa di-kalayuan, ayaw man lang tumingin sa langit, ngunit dinadagukan niya ang kaniyang dibdib, sinasabi, 'Diyos, kaawaan mo ako, na isang makasalanan.' 14Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito sa kaniyang bahay na napawalang-sala kaysa sa isa, dahil maibababa ang bawat taong nagmamataas ng kaniyang sarili at maitataas ang bawat taong nagpapakababa ng kaniyang sarili."
15Dinadala rin ng mga tao kay Jesus ang kanilang mga sanggol, upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit nang makita ito ng mga alagad, sinaway nila ang mga ito, 16Ngunit pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, sinasabi, "Payagan ninyo ang mga maliliit na bata na lumapit sa akin at huwag ninyo silang pagbawalan. Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nauukol sa mga gaya nila. 17Totoo, sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang bata ay tiyak na hindi makapapasok doon."
18Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya, sinasabi, "Mabuting guro, ano ang kailangan kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?" 19Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti, kundi ang Diyos lamang. 20Alam mo ang mga kautusan—huwag kang mangalunya, huwag kang pumatay, huwag kang magnakaw, huwag kang magpatotoo ng kasinungalingan, igalang mo ang iyong ama at ina." 21Sinabi ng pinuno, "Sinunod ko ang lahat ng bagay na ito mula pa sa aking pagkabata."
22Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya sa kaniya, "Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit—at halika, sumunod ka sa akin." 23Ngunit nang marinig ng mayamang lalaki ang mga bagay na ito, labis siyang nalungkot, sapagkat napakayaman niya.
24Habang tinitingnan siya ni Jesus, lubha siyang nalungkot at sinabi, "Gaano na lamang kahirap para sa mga mayayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos! 25Sapagkat mas madali para sa isang kamelyo na pumasok sa butas ng isang karayom, kaysa sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos."
26Sinabi ng mga nakarinig nito, "Kung ganoon sino ang maliligtas?" 27Sumagot si Jesus, "Ang mga bagay na hindi magagawa ng mga tao ay magagawa ng Diyos."
28Sinabi ni Pedro, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat ng aming pag-aari at sumunod sa iyo." 29Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo, sinasabi ko sa inyo na walang sinumang nag-iwan ng kaniyang bahay, o asawang babae, o mga kapatid na lalaki, o mga magulang, o mga anak, para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos, 30ang hindi makatatanggap ng mas marami sa mundong ito at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan."
31Pagkatapos niyang tipunin ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila, "Masdan ninyo, paakyat tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng bagay na isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao ay matutupad. 32Sapagkat ibibigay siya sa mga Gentil, at kukutyain, at ipapahiya, at duduraan. 33Pagkatapos siyang hagupitin, siya ay papatayin nila at sa ikatlong araw muli siyang mabubuhay."
34Wala silang naunawaan sa mga bagay na ito, at ang salitang ito ay lingid sa kanila, at hindi nila naunawaan ang mga bagay na nasabi.
35At nangyari, nang palapit si Jesus sa Jerico, may isang bulag na lalaking nakaupo sa tabi ng kalsada na namamalimos, 36at nang narinig niya ang maraming tao na dumaraan, tinanong niya kung ano ang nangyayari. 37Sinabi nila sa kaniya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret.
38Kaya sumigaw ang bulag na lalaki, sinasabi, "Jesus, anak ni David, maawa ka sa akin." 39Sinaway ng mga naunang naglalakad ang bulag na lalaki, sinasabi sa kaniya na manahimik. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, "Anak ni David, maawa ka sa akin."
40Huminto si Jesus at iniutos na dalhin sa kaniya ang lalaki. At nang malapit na ang bulag na lalaki, tinanong siya ni Jesus, 41"Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?" Sinabi niya, "Panginoon, gusto kong makakita."
42Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Tanggapin mo ang iyong paningin. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." 43Kaagad niyang natanggap ang kaniyang paningin, at sumunod sa kainya na niluluwalhati ang Diyos. Pagkakita nito, nagbigay ng papuri ang lahat ng tao sa Diyos.

19

1Pumasok si Jesus at dumaraan sa Jerico. 2Masdan ninyo, mayroong lalaki doon na nagngangalang Zaqueo. Siya ay isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at siya ay mayaman.

3Sinusubukan niyang makita kung sino si Jesus, ngunit hindi niya makita sa dami ng tao, dahil siya ay maliit. 4Kaya tumakbo siya sa unahan ng mga tao at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita siya, dahil daraan si Jesus sa daang iyon.
5Nang makarating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at sinabi sa kaniya, "Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat sa araw na ito, kinakailangan kong manatili sa iyong tahanan." 6Kaya nagmadali siya, bumaba at tinanggap siya nang may galak. 7Nang makita ito ng lahat, dumaing silang lahat, sinasabi, "Pumunta siya upang bisitahin ang isang taong makasalanan."
8Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, "Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses." 9Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Sa araw na ito, dumating ang kaligtasan sa bahay na ito, dahil anak din siya ni Abraham. 10Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang mga taong nawawala."
11Habang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siyang magsalita at nagsabi ng isang talinghaga, dahil malapit siya sa Jerusalem, at inakala nila na ang kaharian ng Diyos ay magsisimula na kaagad. 12Kaya sinabi niya, "May isang maharlikang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya at pagkatapos ay babalik.
13Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga lingkod, at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, 'Mag-negosyo kayo hanggang ako ay bumalik.' 14Ngunit kinamuhian siya ng kaniyang mga mamamayan at pinasunod sa kaniya ang isang lupon ng kinatawan, sinasabi, 'Ayaw namin na ang taong ito ang mamuno sa amin.' 15Nangyari nang siya ay bumalik, natanggap na niya ang kaharian, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera, upang malaman niya kung magkano ang kanilang tinubo sa pagnenegosyo.
16Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.' 17Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.'
18Ang pangalawa dumating, sinasabi, 'Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng limang mina.' 19Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Mamamahala ka sa limang lungsod.'
20At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela, 21sapagkat natatakot ako sa iyo, dahil ikaw ay mabagsik na tao. Kinukuha mo ang hindi mo iniipon, at inaani ang hindi mo inihasik.'
22Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Huhusgahan kita ayon sa iyong mga salita, ikaw na masamang lingkod. Alam mo na ako ay mabagsik na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik. 23Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang aking pera sa bangko, upang sa pagbalik ko, makuha ko ito nang may kasamang tubo?'
24Sinabi ng maharlika sa mga nakatayo doon, 'Kunin ninyo ang mina sa kaniya, at ibigay ninyo sa may sampung mina.' 25Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.'
26'Sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mayroon ay mabibigyan pa ng mas marami, ngunit sa kaniya na wala, kahit ang mayroon siya ay kukunin sa kaniya. 27Ngunit ang aking mga kaaway, ang mga may ayaw na maghari ako sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sila sa harapan ko.'"
28Nang nasabi na niya ang mga bagay na ito, nauna na siyang pumunta, paakyat sa Jerusalem.
29At nangyari nang palapit na siya sa Bethfage at sa Bethania, sa bundok na tinatawag na Olivet, nagsugo siya ng dalawa sa mga alagad, 30sinasabi, "Pumunta kayo sa kabilang nayon. Sa inyong pagpasok, matatagpuan ninyo ang isang bisiro na hindi pa kailanman nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin. 31Kung may magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo kinakalagan iyan?' sabihin ninyo, 'Kailangan ito ng Panginoon.'"
32Ang mga isinugo ay pumunta at natagpuan ang bisiro gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. 33Habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi ng mga may-ari sa kanila, "Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?" 34Sinabi nila, "Kailangan ito ng Panginoon." 35Dinala nila ito kay Jesus, at inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro at pinasakay si Jesus. 36Habang siya ay nagpapatuloy, inilatag nila ang kanilang mga kasuotan sa daan.
37Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita, 38na sinasabi, "Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!"
39Sinabi sa kaniya ng ilan sa mga Pariseong kasama ng maraming tao, "Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad." 40Sumagot si Jesus at sinabing, "Sinasabi ko sa inyo, kung tatahimik sila, ang mga bato ay sisigaw."
41Nang palapit na si Jesus sa lungsod, iniyakan niya ito, 42sinasabi, "Kung alam mo lang sa araw na ito, kahit ikaw, ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ngayon ang mga ito ay lingid sa iyong mga mata.
43Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na magtatayo ng harang ang iyong mga kaaway sa palibot mo, at papalibutan ka, at gigipitin ka mula sa bawat panig. 44Hahampasin ka nila pababa sa lupa at kasama ang iyong mga anak. Hindi sila magtitira ng isang bato sa ibabaw ng isa pang bato, dahil hindi mo kinilala nang sinusubukan kang iligtas ng Diyos."
45Pumasok si Jesus sa templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda, 46sinasabi sa kanila, "Nasusulat, 'Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw."
47Kaya araw-araw nagtuturo si Jesus sa templo. Ang mga punong pari at ang mga eskriba at ang mga pinuno ng mga tao ay nais siyang patayin, 48ngunit wala silang mahanap na paraan upang gawin ito, dahil ang lahat ng mga tao ay nakikinig nang mabuti sa kaniya.

20

1At nangyari sa isang araw, habang tinuturuan ni Jesus ang mga tao sa templo at ipinapangaral ang ebanghelyo, nilapitan siya ng mga punong pari at mga eskriba kasama ang mga nakatatanda. 2Nagsalita sila, at sinasabi sa kaniya, "Sabihin mo sa amin kung sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? O sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang ito?"

3Sumagot siya at sinabi sa kanila, "May itatanong din ako sa inyo. Sabihin niyo sa akin ang tungkol 4sa pagbautismo ni Juan. Mula ba ito sa langit o mula sa tao?"
5Nagusap-usap sila at sinabi, "Kapag sasabihin natin, 'Mula sa langit,' sasabihin niya, 'Kung ganoon bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?' 6Pero kung sasabihin natin, 'Mula sa tao,' babatuhin tayo ng lahat ng mga tao, dahil nahikayat sila na si Juan ay isang propeta."
7Kaya sumagot sila na hindi nila alam kung saan ito nagmula. 8Sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ko din sasabihin sa inyo kung saan galing ang aking kapangyarihan na gumawa ng mga bagay na ito."
9Sinabi niya sa mga tao ang talinghagang ito, "May isang taong nagtanim ng ubasan, pinaupa niya ito sa mga magtatanim ng ubas, at pumunta sa ibang bansa sa mahabang panahon. 10Nang dumating ang takdang panahon, pinapunta niya ang kaniyang utusan sa mga magtatanim ng ubas, upang siya ay bigyan nila ng bunga ng ubasan. Ngunit binugbog siya ng mga magtatanim ng ubas, at pinaalis siyang nang walang dala.
11Pagkatapos, pinapunta niya ang isa pang utusan, at siya ay binugbog din nila, at kahiya-hiya ang ginawa sa kaniya, at pinaalis siya nang walang dala. 12At pinapunta pa rin niya ang ikatlo at sinugatan din nila, at itinapon siya palabas.
13Kaya sinabi ng may-ari ng ubasan, 'Ano ang gagawin ko? Papupuntahin ko ang pinakamamahal kong anak na lalaki. Baka sakaling igalang nila siya.' 14Ngunit nang makita siya ng mga magtatanim ng ubas, nag-usap-usap sila, sinasabing, 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapunta sa atin ang kaniyang mana.'
15Pinalayas nila siya sa ubasan, at pinatay. Ano nga kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan sa kanila? 16Siya ay darating at pupuksain ang mga magtatanim ng ubas at ipamimigay sa iba ang ubasan." Nang marinig nila ito, sabi nila, "Huwag sanang pahintulutan ng Diyos ito!"
17Ngunit tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, "Ano ang kahulugan ng kasulatang ito? 'Ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa ng gusali, ay ginawang batong panuluk'? 18Ang bawat isa na babagsak sa batong iyon ay magkakadurog-durog. Ngunit kung sinuman ang mabagsakan ng batong ito ay madudurog."
19Kaya pinagsikapan na hulihin ng mga eskriba at mga punong pari si Jesus sa oras ding iyon, dahil alam nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Ngunit natakot sila sa mga tao. 20Maingat siyang inaabangan, nagpadala sila ng mga espiya na nagkukunwaring matuwid upang makahanap sila ng pagkakamali sa kaniyang salita, upang ibigay siya sa batas at sa kapangyarihan ng gobernador.
21Sila ay nagtanong sa kaniya, at sinabi, "Guro, alam naming nagsasabi at nagtuturo ka nang tama, at hindi ka nahihikayat ng sinuman, ngunit itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa daan ng Diyos. 22Naayon ba sa batas na magbayad kami ng buwis kay Cesar, o hindi?"
23Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang katusuhan, at sinabi niya sa kanila, 24"Ipakita niyo sa akin ang isang dinario. Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito? At sinabi nila, "Kay Cesar."
25Sinabi niya sa kanila, "Kung gayon, ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos." 26Hindi mabatikus ng mga eskriba at mga pinunong pari ang kaniyang sinabi sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kaniyang sagot at wala silang nasabi.
27Nang magpunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduceo, na nagsasabing walang muling pagkabuhay, 28tinanong nila siya, sinabi, "Guro, sumulat si Moises sa amin na kung ang kapatid na lalaki ng isang lalaki ay namatay, na may asawa, at walang anak, dapat kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng anak para sa kaniyang kapatid.
29May pitong magkakapatid na lalaki at nag-asawa ang panganay, ngunit namatay nang walang anak, 30at ganoon din ang pangalawa. 31Napangasawa ng ikatlong kapatid ang babae, at ganoon din ang pito ay hindi nag-iwan ng mga anak, at namatay. 32Pagkatapos ang babae ay namatay din. 33Sa muling pagkabuhay, kaninong asawa ang babae? Sapagkat siya ay naging asawa ng pito?
34Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang mga anak na lalaki ng mundong ito ay mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa. 35Ngunit ang mga nahatulan na karapat-dapat na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay at pumasok sa walang hanggang ay hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa. 36At hindi na rin sila mamamatay, sapagkat kapantay nila ang mga anghel at sila ay mga anak ng Diyos, bilang mga anak ng muling pagkabuhay.
37Ngunit ang mga patay ay binuhay na muli, maging si Moises ay ipinakita niya, sa lugar ng mababang punong kahoy, na tinawag niya ang Panginoon na ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. 38Ngayon, hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya."
39Sumagot ang ilan sa mga eskriba, "Guro, mahusay ang iyong sagot," 40At hindi na sila nangahas pang magtanong sa kaniya ng anumang tanong.
41Sinabi ni Jesus sa kanila, "Paano nila nasabi na ang Cristo ay anak ni David? 42Sapagkat sinabi mismo ni David sa Aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, 'Umupo ka sa aking kanang kamay, 43hanggang gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.' 44Kaya tinawag ni David ang Cristo na 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?"
45Habang nakikinig ang lahat ng mga tao, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, 46"Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong maglakad na nakasuot ng mahabang mga balabal, at gustong-gusto ang mga pagbati sa mga lugar na pamilihan, at mga upuang pandangal sa sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga pista. 47Nililimas din nila ang mga bahay ng mga balong babae, at nagpapanggap na nananalangin nang mahaba. Sila ay tatanggap ng mas mabigat na paghatol."

21

1Tumingala si Jesus at nakita niya ang mga mayayamang tao na inilalagay ang kanilang mga kaloob sa kabang-yaman. 2Nakita rin ang isang mahirap na babaeng balo na inihuhulog ang dalawang katiting. 3Kaya sinabi niya, "Totoo, sinasabi ko sa inyo, mas malaki ang inilagay ng mahirap na babaeng balong ito kaysa sa kanilang lahat. 4Nagbigay silang lahat ng mga kaloob mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang babaeng balo na ito, sa kabila ng kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng salaping mayroon siya upang mabuhay."

5Habang pinag-uusapan ng ilan ang templo, kung paano ito pinalamutihan ng magagandang bato at mga handog, kaniyang sinabi, 6"Patungkol sa mga bagay na ito na inyong nakikita, darating ang mga araw na wala ni isang bato ang maiiwan sa ibabaw ng isa pang bato na hindi babagsak."
7Kaya't siya ay kanilang tinanong, "Guro, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging palatandaan kapag malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?" 8Sumagot si Jesus, "Mag-ingat kayo na hindi kayo malinlang. Sapagkat maraming darating sa pangalan ko, magsasabi, 'Ako ay siya' at, 'Malapit na ang panahon.' Huwag kayong sumunod sa kanila. 9Kapag kayo ay nakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong masindak, sapagkat kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito, ngunit ang wakas ay hindi kaagad na magaganap."
10At sinabi niya sa kanila, "Titindig ang isang bansa laban sa bansa, at kaharian laban sa kaharian. 11Magkakaroon ng mga malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakaroon ng taggutom at mga salot. Magkakaroon ng mga kakila-kilabot na pangyayari at mga dakilang palatandaan mula sa langit.
12Ngunit bago ang lahat ng ito, dadakipin nila kayo at uusigin, ibibigay kayo sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, dadalhin kayo sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. 13Ito ay magbibigay-daan ng pagkakataon para sa inyong patotoo.
14Kaya pagtibayin ninyo sa inyong puso na huwag ihanda ang inyong isasagot nang maagang panahon, 15sapagkat ibibigay ko sa inyo ang mga salita at karunungan, na hindi malalabanan at matutulan ng lahat ng iyong kaaway.
16Ngunit kayo ay ibibigay din ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan, at papatayin nila ang iba sa inyo. 17Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. 18Ngunit hindi mawawala kahit isang buhok sa inyong ulo. 19Sa inyong pagtitiis ay makakamtan ninyo ang inyong mga kaluluwa.
20Kapag nakita ninyo ang Jerusalem na napaliligiran ng mga hukbo, kung gayon malalaman ninyo malapit na ang pagkawasak nito. 21Kung magkagayon, ang mga nasa Judea ay magsitakas patungo sa mga bundok, at lahat ng mga nasa kalagitnaan ng lungsod ay umalis, at ang mga nasa bayan ay huwag pumasok doon. 22Sapagkat ito ang mga araw ng paghihiganti, upang matupad ang lahat ng nasusulat.
23Sa aba ng mga nagdadalang-tao at sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon! Sapagkat magkakaroon ng matinding kapighatian sa lupain, at poot sa mga taong ito. 24At sila ay babagsak sa pamamagitan ng talim ng espada at sila ay dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa, at ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
25Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. At sa lupa, magkakaroon ng kapighatian sa mga bansa, na walang pag-asa dahil sa dagundong ng dagat at sa mga alon. 26Manlulupaypay ang mga tao dahil sa takot at dahil sa inaasahang darating sa mundo. Sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan ng kalangitan.
27At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28Ngunit kapag magsisimulang mangyari ang mga bagay na ito, tumindig kayo, at tumingala, sapagkat nalalapit na ang inyong kaligtasan."
29Nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, "Tingnan ninyo ang puno ng igos, at ang lahat ng mga puno. 30Kapag ang mga ito ay umusbong, nakikita ninyo mismo at nalalaman na malapit na ang tag-araw. 31Gayon din naman, kapag nakita ninyo na nangyayari na ang mga bagay na ito, nalalaman ninyong nalalapit na ang kaharian ng Diyos.
32Totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang ang salinlahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito. 33Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas.
34Ngunit bigyang-pansin ang inyong mga sarili, upang hindi magnais ang inyong mga puso ng kahalayan, kalasingan, at mga alalahanin sa buhay. Sapagkat darating ang araw na iyon sa inyo nang biglaan 35na gaya ng bitag. Sapagkat darating ito sa lahat ng naninirahan sa ibabaw ng buong mundo.
36Ngunit maging mapagmatiyag kayo sa lahat ng oras, nananalangin na kayo ay magkaroon ng sapat na lakas upang matakasan ninyo ang lahat ng ito na magaganap, at upang tumayo sa harapan ng Anak ng Tao."
37Kaya't tuwing umaga siya ay nagtuturo sa templo at sa gabi siya ay lumalabas, at nagpapalipas ng gabi sa bundok na tinatawag na Olivet. 38Ang lahat ng mga tao ay dumarating nang napakaaga upang makinig sa kaniya sa templo.

22

1Ngayon, papalapit na ang Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskwa. 2Pinag-usapan ng mga punong pari at mga eskriba kung paano nila ipapapatay si Jesus, sapagkat natatakot sila sa mga tao.

3Pumasok si Satanas kay Judas Iscariote, isa sa Labindalawa. 4Nagpunta si Judas at nakipag-usap sa mga punong pari at mga kapitan tungkol sa kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila.
5Nagalak sila, at nakipagkasundong bibigyan siya ng pera. 6Sumang-ayon siya, at naghanap ng pagkakataon upang madala niya si Jesus sa kanila malayo sa maraming mga tao.
7Dumating ang araw ng tinapay na walang pampaalsa, na kung saan kailangang ialay ang kordero ng Paskwa. 8Isinugo ni Jesus sina Pedro at Juan, at sinabi, "Pumunta kayo at maghanda ng hapunang Pampaskua upang ito ay ating kainin." 9Tinanong nila sa kaniya, "Saan mo kami gustong gumawa ng mga paghahanda?"
10Sinagot niya sila, "Makinig kayo, kapag nakapasok na kayo sa lungsod, may isang lalaking sasalubong sa inyo na may isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay kung saan siya papasok. 11Pagkatapos, sabihin ninyo sa panginoon ng bahay 'Ipinapatanong ng Guro sa iyo, "Nasaan ang silid pampanauhin, kung saan kami kakain ng aking mga alagad sa araw ng Paskwa?'"
12Ipapakita niya sa inyo ang malaki at maayos na silid sa itaas. Doon ninyo gawin ang mga paghahanda. 13Kaya pumunta sila, at nakita ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang hapunang Pampaskwa.
14Nang dumating ang panahon, umupo siya kasama ang mga apostol. 15Pagkatapos sinabi niya sa kanila, "Labis kong ninais na makasalo kayo sa Pista ng Paskwang ito bago ako magdusa. 16Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi ko na ito kakaining muli, hanggang sa matupad ito sa kaharian ng Diyos."
17Pagkatapos, kumuha si Jesus ng isang kopa, at nang makapagpasalamat, sinabi niya, "Kunin ninyo ito at ibahagi ito sa isa't isa. 18Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos."
19Pagkatapos, kinuha niya ang tinapay at nang makapagpasalamat, hinati-hati niya ito, at ibinigay sa kanila, sinasabi, "Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." 20Kinuha niya ang tasa sa parehong paraan pagkatapos ng hapunan, sinasabi, "Ang tasang ito ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa inyo.
21Ngunit makinig kayo. Ang taong magkakanulo sa akin ay kasama ko ngayon sa hapag. 22Sapagkat ang Anak ng Tao ay mamamatay ayon sa itinakda. Ngunit sa aba sa taong iyon na magkakanulo sa kaniya!" 23At nagsimula silang magtanong sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
24At nagkaroon din ng pagtatalo sa kanila tungkol sa kung sino sa kanila ang itinuturing na pinakadakila. 25Sinabi niya sa kanila, "Ang mga hari ng mga Gentil ay may kapangyarihang pamunuan sila, at ang mga may kapangyarihan sa kanila ay tinawag na mga pinunong kagalang-galang.
26Ngunit sa inyo ay hindi dapat maging tulad nito. Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ay maging katulad ng pinakabata. At ang pinakamahalaga sa inyo ay maging katulad ng isang naglilingkod. 27Sapagkat sino ang mas dakila, ang taong nakaupo sa may hapag o ang siyang naglilingkod? Hindi ba ang taong nakaupo sa may hapag? Bagaman kasama ninyo ako bilang isang naglilingkod.
28Ngunit kayo ang mga nagpatuloy na kasama ko sa aking mga pagsubok. 29Ibibigay ko sa inyo ang kaharian, katulad ng aking Ama na nagbigay sa akin ng kaharian, 30upang kayo ay kumain at uminom sa aking mesa sa aking kaharian. At uupo kayo sa mga trono na hahatol sa labindalawang lipi ng Israel.
31Simon, Simon, mag-ingat kayo, sapagkat hinihingi kayo ni Satanas upang salain kayo tulad ng trigo. 32Ngunit ipinanalangin kita, upang hindi humina ang iyong pananampalataya. At pagkatapos mong muling manumbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid."
33Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan." 34Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, Pedro, hindi titilaok ang tandang sa araw na ito, bago mo ikaila ng tatlong beses na kilala mo ako."
35At sinabi ni Jesus sa kanila. "Nang ipinadala ko kayo na walang pitaka, supot ng mga kakailanganin, o sapatos, nagkulang ba kayo ng kahit na ano?" At sumagot sila, "Hindi." 36Kaya sinabi niya sa kanila, "Ngunit ngayon, siya na may pitaka, kunin niya ito, at maging ang supot ng pagkain. Ang walang espada ay dapat ipagbili niya ang kaniyang balabal at bumili ng isa.
37Sapagkat sinasabi ko sa inyo, kinakailangang matupad ang nasusulat tungkol sa akin, 'At itinuring siyang isa sa mga lumalabag sa batas.' Sapagkat natutupad na ang pahayag tungkol sa akin." 38Kaya sinabi nila, "Panginoon, tingnan mo! Narito ang dalawang espada." At sinabi niya sa kanila, "Tama na iyan."
39Pagkatapos ng hapunan, pumunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo gaya ng madalas niyang ginagawa, at sumunod ang mga alagad sa kaniya. 40Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, "Ipanalangin ninyo na hindi kayo matukso."
41Lumayo siya sa kanila sa di-kalayuan, at lumuhod siya at nanalangin, 42sinasabi, "Ama, kung nais mo, alisin mo sa akin ang tasang ito. Gayunman, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang mangyari."
43Pagkatapos, isang anghel mula sa langit ang nagpakita sa kaniya, pinapalakas siya. 44Sa matinding paghihirap, nanalangin siya nang lalong taimtim, at ang kaniyang pawis ay naging tulad ng malalaking tulo ng dugo na nahuhulog sa lupa.
45Nang tumayo siya mula sa kaniyang pananalangin, pumunta siya sa kaniyang mga alagad, at nakita niyang natutulog ang mga ito dahil sa kanilang pagdadalamhati, 46at tinanong sila, "Bakit kayo natutulog?" Bumangon kayo at manalangin, nang hindi kayo pumasok sa tukso."
47Habang siya ay nagsasalita, masdan ito, dumating ang maraming tao, kasama si Judas na isa sa Labindalawa na pinangungunahan sila. Lumapit siya kay Jesus upang siya ay halikan, 48ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, "Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?"
49Nang makita ng mga nakapalibot kay Jesus ang nangyayari, sinabi nila, "Panginoon, lulusob na ba kami gamit ang tabak?" 50At isa sa kanila ang lumusob sa lingkod ng pinakapunong pari, at tinaga ang kaniyang kanang tainga. 51Sinabi ni Jesus, "Tigilan na ninyo ito." At hinawakan ni Jesus ang kaniyang tainga at pinagaling siya.
52Sinabi ni Jesus sa mga punong pari, sa mga kapitan ng templo, at sa mga nakatatanda na dumating laban sa kaniya. " Nagpunta kayo na tila laban sa isang magnanakaw, na may dalang mga espada at mga pamalo? 53Nang kasama ko kayo araw-araw sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman."
54Dinakip siya, itinaboy siya palayo, at dinala sa bahay ng pinakapunong pari. Ngunit sumunod si Pedro sa di-kalayuan. 55Pagkatapos nilang magpaningas ng apoy sa gitna ng patyo at sama-samang umupo, umupo si Pedro sa kanilang kalagitnaan.
56Nakita siya ng isang utusang babae habang nakaupo sa naiilawan ng apoy, at tinitigan siya nito at sinabi, "Kasama rin siya ng taong iyon." 57Ngunit ikinaila ito ni Pedro, at sinabi, "Babae, hindi ko siya kilala." 58Pagkaraan ng ilang sandali, nakita uli siya ng iba pang tao, at sinabi, "Isa ka rin sa kanila." Ngunit sinabi ni Pedro, "Lalaki, hindi."
59Pagkatapos ng isang oras iginiit ng isa pang lalaki at sinabi, "Totoo na ang lalaking ito ay kasama niya, sapagkat siya ay taga-Galilea." 60Ngunit sinabi ni Pedro, "Lalaki, hindi ko alam ang sinasabi mo." At agad-agad, habang nagsasalita pa siya, tumilaok ang tandang.
61Lumingon ang Panginoon at tumingin kay Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon, nang sabihin niya sa kaniya, "Bago tumilaok ang tandang sa araw na ito, tatlong ulit mo akong ikakaila." 62Siya ay lumabas, tumangis si Pedro ng labis.
63Pagkatapos ay kinutya at hinampas si Jesus ng mga lalaking nagbabantay sa kaniya. 64Pagkatapos siyang piringan, tinanong siya at sinabi, "Hulaan mo! Sino ang humampas sa iyo?" 65Nagsalita pa sila ng maraming mga bagay laban kay Jesus, nilalapastangan siya.
66Kinaumagahan, nagtipun-tipon ang mga nakatatanda, ang mga punong pari at mga eskriba. Siya ay dinala nila sa Konseho, 67sinasabi "Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin." Ngunit sinabi niya sa kanila, "Kung sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala, 68at kung tanungin ko kayo, hindi kayo sasagot.
69Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos." 70Sinabi nilang lahat, "Kung gayon ikaw ang Anak ng Diyos?" At sinabi ni Jesus sa kanila, "Sinabi ninyo na ako nga." 71Sinabi nila, "Bakit pa natin kailangan ng isang saksi? Sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig."

23

1Ang buong kapulungan ay tumayo, at dinala si Jesus sa harapan ni Pilato. 2Nagsimula silang paratangan siya, sinasabi, "Nalaman na inaakay ng taong ito ang aming bansa sa kasamaan, ipinagbabawal niyang magbigay ng buwis kay Ceasar, at sinasabing siya mismo ang Cristo, na isang hari."

3Tinanong siya ni Pilato, sinasabi, "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?" At sinagot siya ni Jesus at sinabi, "Ikaw na ang may sabi." 4Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa maraming tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." 5Ngunit sila ay nagpupumilit, sinasabi, "Ginugulo niya ang mga tao, nagtuturo sa buong Judea, mula sa Galilea maging sa lugar na ito."
6Kaya nang marinig ito ni Pilato, tinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea. 7Nang malaman niyang nasa ilalim siya ng pamumuno ni Herodes, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nasa Jerusalem din sa mga araw na iyon.
8Nang makita ni Herodes si Jesus, labis siyang natuwa, dahil matagal na niya itong nais makita. Nakarinig siya ng tungkol sa kaniya at ninais niyang makakita ng ilang himala na ginawa niya. 9Maraming itinanong si Herodes kay Jesus, ngunit walang isinagot si Jesus sa kaniya. 10Tumayo ang mga punong pari at mga eskriba, marahas siyang pinaparatangan.
11Inalipusta siya ni Herodes kasama ng kaniyang mga kawal, at kinutya siya, at dinamitan siya ng magandang kasuotan, at ipinadala si Jesus pabalik kay Pilato. 12Naging magkaibigan sina Herodes at Pilato sa araw ding iyon (dati silang magkaaway.)
13Tinipon ni Pilato ang mga punong pari at ang mga pinuno at ang napakaraming tao, 14at sinabi sa kanila, "Dinala ninyo ang taong ito sa akin na tila isang taong pinangungunahan ang mga tao upang gumawa ng masama, at tingnan ninyo, tinanong ko siya sa harapan ninyo, wala akong nakitang kasalanan sa taong ito tungkol sa mga bagay na inyong ipinaparatang sa kaniya.
15Wala, kahit si Herodes, sapagkat siya ay ipinabalik niya sa atin, at tingnan ninyo, wala siyang ginawang karapat-dapat ng kamatayan. 16Kaya parurusahan ko siya, at pakakawalan siya. 17(Ngayon, sa pista, kailangang magpalaya ni Pilato ng isang bilanggo para sa mga Judio.)
18Ngunit sabay-sabay silang sumigaw, sinasabi, "Alisin ninyo ang taong ito, at palayain si Barabbas para sa amin!" 19Si Barabbas ay isang taong ibinilanggo dahil sa pagrerebelde sa lungsod at dahil sa pagpatay.
20Kinausap ulit sila ni Pilato, ninanais na palayain si Jesus. 21Ngunit sumigaw sila, sinasabi, "Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus." 22Sinabi niya sa kanila sa ikatlong pagkakataon, "Bakit, anong masamang ginawa ng taong ito? Wala akong natagpuan upang siya ay marapat na parusahan ng kamatayan. Kaya, pagkatapos niyang maparusahan, pakakawalan ko siya."
23Ngunit sila ay mapilit na may malalakas na tinig, hinihiling na ipapako siya krus. At nahikayat si Pilato ng kanilang mga tinig. 24Kaya nagpasya si Pilato na ibigay ang kanilang kahilingan. 25Pinalaya niya ang taong hiniling nila, na ibinilanggo dahil sa panggugulo at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Jesus ayon sa kalooban nila.
26Nang siya inilalayo nila, sinunggaban nila ang isang Simon na taga-Cirene, na nanggaling sa kabukiran, at pinapasan nila ang krus sa kaniya upang buhatin niya, na sumusunod kay Jesus.
27Siya ay sinusundan ng napakaraming tao, at mga kababaihang nagdadalamhati at tumatangis dahil sa kaniya. 28Ngunit lumingon si Jesus sa kanila, at sinabi, "Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, ngunit tangisan ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga anak.
29Dahil tingnan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, 'Pinagpala ang mga baog at ang mga sinapupunang hindi nanganak, at ang mga suso na hindi nagpasuso.' 30Sa panahong iyon sasabihin nila sa mga bundok, 'Bumagsak kayo sa amin,' at sa mga burol, 'Tabunan ninyo kami.' 31Sapagkat kung gagawin nila ang mga bagay na ito habang ang puno ay berde, anong magyayari kapag tuyo na ito?"
32May iba pang dalawang lalaking na mga kriminal ang dinala kasama niya upang patayin.
33Nang makarating sila sa lugar na kung tawagin ay Bungo, doon ay kanilang ipinako siya sa krus kasama ang mga kriminal, isa sa kaniyang kanan at isa sa kaniyang kaliwa. 34Sinabi ni Jesus, "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa." At sila ay nagsapalaran, hinati-hati ang kaniyang kasuotan.
35Ang mga tao ay nakatayong nanonood habang kinukutya rin siya ng mga pinuno, sinasabi, "Niligtas niya ang iba. Hayaan ninyong iligtas niya ang kaniyang sarili, kung siya nga ang Cristo ng Diyos, ang hinirang."
36Pinagtawanan din siya ng mga kawal, lumalapit sa kaniya, inaalukan siya ng suka, 37at sinasabi, "Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili." 38Mayroon ding isang karatula sa itaas niya, "ITO ANG HARI NG MGA JUDIO."
39Nilait siya ng isa sa mga kriminal na nakapako sa krus, sinasabi, "Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami." 40Ngunit sumagot ang isa, sinaway siya at sinabi, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos, sapagkat ikaw ay nasa ilalim ng parehong parusa? 41Nararapat lang na narito tayo, sapagkat tinatanggap natin ang nararapat sa ating mga ginawa. Ngunit ang taong ito ay walang ginawang mali."
42At dagdag pa niya, "Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian." 43Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Tunay ngang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa paraiso."
44Nang pasapit na ang Ika-anim na oras, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras 45habang nagdidilim ang araw. Pagkatapos, nahati sa gitna ang kurtina ng templo.
46At si Jesus, na may malakas na tinig ay nagsabi, "Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay." Pagkasabi niya nito, siya ay namatay. 47Nang makita ng senturion ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos, sinabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito."
48Nang ang mga bagay na naganap ay nakita ng napakaraming taong sama-samang dumating upang saksihan ang pangyayaring ito, nagsi-uwian sila na dinadagukan ang kanilang mga dibdib. 49Ngunit ang lahat ng mga kakilala niya, at ang mga babaing sumunod sa kaniya mula sa Galilea, ay nakatayo sa di-kalayuan, pinapanood ang mga bagay na ito.
50Masdan ninyo, may isang lalaking nagngangalang Jose, na kabilang sa Konseho, isang mabuti at matuwid na tao 51(hindi siya sumang-ayon sa kanilang pasya at sa kanilang ginawa), mula sa Arimatea, isang Judiong lungsod, na siyang naghihintay sa kaharian ng Diyos.
52Ang taong ito ay lumapit kay Pilato, hiningi ang katawan ni Jesus. 53Ibinababa niya ito, at binalot ito ng pinong lino, at inilagay siya sa isang libingang inukit sa bato, na hindi pa napaglilibingan.
54Noon ay ang Araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang Araw ng Pamamahinga. 55Ang mga babaing kasama niyang lumabas sa Galilea ay sumunod, at nakita ang libingan at kung paano inilagay ang kaniyang katawan. 56Sila ay umuwi, at naghanda ng mga pabango at mga pamahid. At sa araw ng Pamamahinga, sila ay nagpahinga ayon sa kautusan.

24

1Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, pumunta sila sa libingan, dala-dala ang pabangong ihinanda nila. 2Natagpuan nilang naigulong ang bato palayo sa libingan. 3Pumasok sila sa loob, ngunit hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoon Jesus.

4At nangyari na, habang sila ay nalilito tungkol dito, biglang may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na nakakasilaw ang damit. 5Ang mga babae ay napuno ng takot at yumuko sa lupa, sinabi nila nila sa mga babae, "Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa mga patay?
6Wala siya dito, ngunit siya ay muling nabuhay! Alalahanin niyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, 7sinabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanang tao at ipapako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay."
8Naalala ng mga babae ang mga sinabi niya, 9at bumalik sila galing ng libingan at sinabi ang lahat ng nangyari sa labing isang alagad at lahat ng iba pa. 10Ngayon, sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang iba pang mga babaeng kasama nila ang nagbalita ng mga nangyari sa mga apostol.
11Ngunit ang balitang ito ay tila walang kabuluhan sa mga apostol, at hindi nila pinaniwalaan ang mga babae. 12Gayon pa man, tumayo si Pedro, at tumakbo papunta sa libingan, at yumuko siya at tumingin sa loob, nakita niya na ang mga telang lino na lamang ang naroon. Kaya umuwi si Pedro sa kaniyang tahanan, na nagtataka kung ano ang nangyari.
13Masdan ninyo, sa araw ding iyon, dalawa sa kanila ang papunta sa nayon na tinatawag na Emaus, na animnapung stadia ang layo mula sa Jerusalem. 14Pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng nangyari.
15Nangyari na, habang nag-uusap sila at nagtatanungan sa isat-isa, lumapit si Jesus mismo at sumama sa kanila. 16Ngunit ang kanilang mga mata ay nahadlangan upang hindi siya makilala.
17Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa habang naglalakad kayo?" Huminto sila na nalulungkot. 18Isa sa kanila na nagngangalang Cleopas, ang sumagot sa kaniya, "Ikaw lang ba ang tao sa Jerusalem na hindi nakakaalam sa mga bagay na nangyayari doon sa mga araw na ito?"
19Sinabi ni Jesus sa kanila, "Anong mga bagay?" Sumagot sila sa kaniya, "Ang mga bagay tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, na isang propeta, na makapangyarihan sa gawa at salita sa harapan ng Diyos at ng mga tao. 20At kung papaano siya ibinigay ng mga punong pari at mga pinuno natin upang hatulan ng kamatayan at ipako sa krus.
21Ngunit umasa kami na siya ang magpapalaya sa Israel. Oo, at maliban pa sa lahat ng ito, pangatlong araw na ngayon mula ng nangyari ang mga bagay na ito.
22Ngunit bukod dito, pinamangha kami ng ilan sa mga kababaihang kasamahan namin, na pumunta sa libingan nang maaga. 23Nang hindi nila nakita ang kaniyang katawan, pumunta sila sa amin, sinasabing may nakita silang pangitain ng mga anghel na nagsabing siya ay buhay. 24Pumunta sa libingan ang ilan sa mga kalalakihang kasama, at nakita nila ito na gaya ng sinabi ng mga kababaihan. Ngunit hindi nila siya nakita."
25Sinabi ni Jesus sa kanila, "O mga lalaking hangal at makukupad ang puso na maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta! 26Hindi ba kinakailangang si Cristo ay magdusa ng ganitong mga bagay, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?" 27At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.
28Habang papalapit sila sa nayon, na kanilang pupuntahan, lumakad si Jesus na wari magpapatuloy pa. 29Ngunit siya ay pinigilan nila, sinasabi, "Manatili ka sa amin, sapagkat malapit nang gumabi at dumidilim na." Kaya pumasok si Jesus upang tumuloy sa kanila.
30At nangyari, nang siya ay umupong kasalo nila upang kumain, kinuha niya ang tinapay, at pinagpasalamatan ito, at pinagpira-piraso ito, at ibinigay niya ito sa kanila. 31Pagkatapos, nabuksan ang kanilang mga mata, at siya ay nakilala nila, at siya ay naglaho sa kanilang paningin. 32At sinabi nila sa isa't-isa, "Hindi ba umaalab ang ating puso, habang kinakausap niya tayo sa daan, habang binubuksan niya sa atin ang mga Kasulatan?"
33Tumayo sila sa oras ding iyon, at bumalik sa Jerusalem. Natagpuan nila ang labing-isa na nagtipon-tipon at ang iba pang kasama nila, 34sinasabi, "Totoo ngang muling nabuhay ang Panginoon, at nagpakita siya kay Simon". 35Kaya ikinuwento nila ang nangyari sa daan, at kung paano nila nakilala si Jesus nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay.
36Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus mismo sa kalagitnaan nila, at sinabi niya sa kanila, "Kapayapaan ay sumainyo." 37Ngunit sila ay nasindak at napuno ng takot, at inakala nila na espiritu ang kanilang nakita.
38Sinabi ni Jesus sa kanila, "Bakit kayo naguguluhan? Bakit may mga katanungan sa inyong puso? 39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at paa, na ako talaga ito. Hawakan ninyo ako at tingnan ninyo. Sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, gaya ng inyong nakikita na nasa akin." 40Pagkatapos niyang sabihin ito, pinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at paa.
41Habang sila ay hindi pa rin makapaniwala dahil sa galak, at namangha, sinabi ni Jesus sa kanila, "Mayroon ba kayong anumang makakain?" 42Siya ay binigyan nila ng inihaw na isda. 43Kinuha ito ni Jesus at kinain niya ito sa harapan nila.
44Sinabi niya sa kanila, "Nang kasama ko kayo, sinabi ko sa inyo na lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit ay kailangan matupad."
45At binuksan niya ang kanilang mga isipan upang maunawaan nila ang Kasulatan. 46Sinabi niya sa kanila, "Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw. 47At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.
48Kayo ay mga saksi ng lahat ng ito. 49Tingnan ninyo, ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Ngunit mag-hintay kayo sa lungsod, hanggang kayo ay mapagkalooban ng kapangyarihang mula sa taas."
50At inilabas sila ni Jesus hanggang malapit na sila sa Bethania. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at binasbasan sila. 51Nangyari na, habang sila ay binabasbasan niya, sila ay iniwan niya at siya ay dinala paakyat sa langit.
52Kaya siya ay sinamba nila, at bumalik sila sa Jerusalem nang may labis na kagalakan. 53Namalagi sila sa Templo, na nagpupuri sa Diyos.

Juan

1

1Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2Itong Salitang ito ay nasa simula pa kasama ng Diyos. 3Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha.

4Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan. 5Ang liwanag ay sumisinag sa kadiliman, at ito ay hindi napawi nang kadiliman.
6May isang lalaki na isinugo mula sa Diyos, na ang pangalan ay Juan. 7Dumating siya bilang isang saksi upang magpatotoo tungkol sa liwanag, upang ang lahat ay maaaring maniwala sa pamamagitan niya. 8Hindi si Juan ang liwanag, ngunit naparito upang makapagpatotoo siya tungkol sa liwanag.
9Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat.
10Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya. 11Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan.
12Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos, 13ipinanganak sila hindi sa pamamagitan nang dugo, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng laman, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos.
14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian,  kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan. 15Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, "Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'"
16Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob. 17Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.
19Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin siyang, "Sino ka?" 20Malaya niyang inilahad, at hindi ikinaila, ngunit tumugon, "Hindi ako ang Cristo." 21Kaya siya ay tinanong nila, "Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?" Sabi niya, "Hindi ako." Sabi nila, "Ikaw ba ang propeta?" Sumagot siya, "Hindi."
22Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, "Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" 23Sinabi niya, "Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta."
24Ngayong mayroong mga isinugo duon mula sa mga Pariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya, 25"Kung ganoon bakit ka nagbabautismo kung hindi ikaw ang Cristo, ni hindi si Elias, ni hindi ang propeta?"
26Tumugon si Juan sa kanila sinasabi, "Nagbabautismo ako ng tubig. Subalit, sa kalagitnaan ninyo ay nakatayo ang isang hindi ninyo nakikilala. 27Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas." 28Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
29Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, "Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo! 30Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.' 31Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig."
32Nagpatotoo si Juan, "Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya. 33Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.' 34Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
35Muli, sa sumunod na araw, habang si Juan ay nakatayong kasama ang dalawang alagad 36nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, "Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!"
37Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus. 38At si Jesus ay lumingon at nakita silang sumusunod at sinabi sa kanila, "Anung nais ninyo?" Sumagot sila, "Rabi (na ang ibig sabihin ay 'Guro'), saan ka nakatira?" 39Sinabi niya sa kanila, "Halikayo at tingnan." At sila ay pumaroon at nakita kung saan siya nakatira; sila ay tumira kasama niya sa araw na iyon sapagkat noon ay halos mag-aalas kuwatro na.
40Isa sa dalawang nakarinig na nagsalita si Juan at pagkatapos sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, "Nakita na namin ang Mesias," (na sinalin na, 'ang Cristo'). 42Dinala niya siya kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, "Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas" (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').
43Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." 44Ngayon si Felipe ay galing sa Bethsaida, ang lungsod nila Andres at Pedro. 45Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, "Ang siyang naisulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta - ay nakita namin, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose."
46Sinabi ni Nathanael, "Maaari bang may magandang bagay na magmula sa Nazaret?" Sinabi ni Felipe sa kaniya, "Halika at tingnan mo." 47Nakita ni Jesus na palapit si Nataniel sa kaniya at sinabi ang tungkol sa kaniya, "Tingnan ninyo, isa ngang tunay na Israelita, na walang panlilinlang." 48Sinabi sa kaniya ni Nataniel, "Papaano mo ako nakikilala?" Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita."
49Sumagot si Nathanael, "Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!" 50Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', naniniwala ka na? Makakakita ka ng mga bagay na mas higit pa kaysa dito." 51Sinabi ni Jesus, "Totoo, totoo itong sinasabi ko sa iyo, makikita mong magbukas ang mga kalangitan, at ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa kinaroroonan ng Anak ng Tao."

2

1Matapos ang tatlong araw, may kasalan sa Cana ng Galilea, at ang ina ni Jesus ay naroon. 2Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay naanyayahan sa kasalan.

3Nang maubos ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, "Wala silang alak." 4Sumagot si Jesus, "Babae, ano ang kinalaman niyan sa akin? Ang oras ko ay hindi pa dumarating." 5Sinabi nang kaniyang ina sa mga lingkod, "Anumang sabihin niya sa inyo, gawin ninyo."
6Ngayon mayroon doong anim na mga banga ng tubig na ginagamit sa seremonya ng paghuhugas ng mga Judio, na ang bawa't isa ay naglalaman ng may dalawa hanggang tatlong metretes. 7Sinabi ni Jesus sa kanila, "Punuin ninyo ang banga ng tubig." Kaya pinuno nila ang mga ito hanggang labi. 8Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, "Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi." Kaya ginawa nga nila.
9Tinikman ng punong tagapag-silbi ang tubig na naging alak, ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ito ng mga lingkod na kumuha ng tubig). Pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking bagong kasal 10at sinabi sa kaniya, "Ang unang hinahain ng bawa't isa ay ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga tao ay lasing na. Ngunit itinira mo ang napakainam na alak hanggang ngayon."
11Ang himalang ito sa Cana ng Galilea ay ang simula ng mga mahimalang tanda na ginawa ni Jesus, ipinapahayag ang kaniyang kaluwalhatian, kaya ang mga alagad ay nananampalataya sa kaniya.
12Pagkatapos nito, si Jesus, ang kaniyang ina, ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad ay pumunta pababa ng Capernaum, at duon nanatili sila ng mga ilang araw.
13Ngayon malapit na ang Paskwa ng mga Judio, kaya si Jesus ay umakyat sa Jerusalem. 14Natagpuan niya sa templo ang mga nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati. Ang mga tagapagpalit ng pera ay naroroon din at nakaupo.
15Kaya gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas ng templo, pati na ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang pera ng tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa. 16Sinabi niya sa mga taga-benta nang kalapati, "Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Tigilan ninyong gawing palengke ang tahanan ng aking Ama."
17Naalala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, "Ang sigasig para sa iyong tahanan ay tutupok sa akin." 18Pagkatapos ay tumugon ang mga may katungkulang Judio, sinasabi sa kaniya, "Anong tanda ang ipapakita mo sa amin dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito?" 19Sumagot si Jesus, "Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito."
20At sinabi ng mga may katungkulang Judio, "Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?" 21Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan. 22Kaya't pagkatapos noon nang siya ay ibangon mula sa kamatayan, naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito, at sila ay nanalig sa kasulatan at sa pahayag na sinabi ni Jesus.
23Ngayon nang siya ay nasa Jerusalem, habang pista ng Paskwa, marami ang naniwala sa kaniyang pangalan, nang nakita nila ang ginawa niyang mapaghimalang tanda. 24Ngunit walang tiwala si Jesus sa kanila dahil kilala niya lahat ng sangkatauhan. 25Hindi niya kailangan ang sinuman para magpatotoo sa kaniya tungkol sa kung ano ang klase ng mga tao, sapagkat alam niya kung anong nasa sa kanila.

3

1Ngayon mayroon isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo, kasapi ng Konseho ng Judio. 2Pumunta ang taong ito kay Jesus nang bandang gabi, at sinabi niya "Rabi, alam namin ikaw ay isang guro galing sa Diyos dahil walang sinumang makagagawa ng mga tandang ito na ginawa mo maliban na nasa kaniya ang Diyos."

3Sumagot si Jesus sa kanya, "Tunay nga, maliban kung isilang muli ang isang tao hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos." 4Sinabi ni Nicodemo sa kaniya, "Paano ipapanganak ang isang tao kung siya ay matanda na? Hindi na siya pwedeng pumasok sa pangalawang pagkakataon sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak, kaya ba niya?"
5Sumagot si Jesus, "Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6Iyong ipanganak sa laman ay laman, at iyong ipanganak sa Espiritu ay espritu.
7Huwag kayong mamangha na sinabi ko sa inyo, 'Dapat kayong ipanganak muli.' 8Umiihip ang hangin kung saan niya gusto. Naririnig ninyo ang huni nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nagmula o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isilang sa Espiritu."
9Sumagot si Nicodemo, sinasabi, "Paano mangyayari ang mga bagay na ito?" 10Sinagot siya ni Jesus, "Ikaw ba ay guro ng Israel, at hindi mo naiintindihan ang mga bagay na ito? 11Tunay nga, sinasabi namin iyong alam namin, at pinatotohanan iyong nakita namin. Subalit kayong mga tao, hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
12Kung sinabi ko sa iyo ang tungkol sa mga bagay na makalupa at hindi ka naniwala, paano ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na makalangit? 13Walang sinumang umakyat sa langit maliban ang bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.
14Tulad ng pagtaas ni Moises ng ahas sa ilang, gayon din naman ang Anak ng Tao ay kailangang maitaas, 15upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
16Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 17Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya. 18Ang nananampalataya sa kaniya ay hindi mahatulan. Ang hindi nananampalataya ay nahatulan na dahil hindi siya nananampalataya sa pangalan ng natatanging Anak ng Diyos.
19Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa. 20Dahil ang sinuman na gumagawa ng masama ay galit sa liwanag at hindi lumalapit sa ilaw upang ang kaniyang mga gawa ay hindi malantad. 21Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa liwanag upang ang kaniyang mga gawa ay malinaw na makita at ang mga iyon ay naganap dahil sa pagsunod sa Diyos."
22Pagkatapos nito, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa lupain ng Judea. Doon siya ay naglalaan ng panahon kasama nila at nagbabautismo. 23Ngayon si Juan din ay nagbabautismo sa Enon malapit sa Salim dahil higit na marami ang tubig doon. Lumalapit sa kaniya amg mga tao at sila ay nababautismuhan, 24dahil hindi pa naipatapon sa bilangguan si Juan.
25Pagkatapos ay may lumitaw na alitan sa pagitan ng ilang alagad ni Juan at sa isang Judio tungkol sa seremonya ng paghuhugas. 26Pumunta sila kay Juan, at sinabi nila sa kanya "Rabi, yung kasama mo sa ibayo ng ilog Jordan, na iyong pinatotohanan, tingnan mo, nagbabautismo siya at pumupunta ang lahat sa kaniya."
27Sumagot si Juan, "Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit. 28Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi ko, 'Hindi ako ang Cristo' sa halip sinabi ko, 'Isinugo ako bago pa siya."
29Ang kasama ng ikakasal na babae ay ang ikakasal na lalaki. Ngayon ang kaibigan ng ikakasal na lalaki, na siyang nakatayo at nakikinig, ay labis ang tuwa dahil sa tinig ng ikakasal na lalaki. Ito ngang aking kagalakan ay naging ganap. 30Siya ay dapat maitaas, subalit ako ay dapat maibaba.
31Ang mula sa kaitaasan ay nakatataas sa lahat. Ang taga lupa ay nagmula sa lupa at nagsasalita ng mga bagay na makalupa. Ang mula sa langit ay nakatataas sa lahat. 32Nagpapatotoo siya kung ano ang kaniyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap sa kaniyang patotoo. 33Ang tumanggap sa kaniyang patotoo ay pinatunayan na totoo ang Diyos.
34Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos. Dahil hindi niya ibinigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat. 35Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat sa kaniyang mga kamay. 36Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya."

4

1Ngayon, nang malaman ni Jesus na narinig na ng mga Pariseo na siya ay humihirang at nagbabautismo ng mas maraming alagad kaysa kay Juan 2(bagama't hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo kundi ang kaniyang mga alagad), 3iniwan niya ang Judea at lumisan papuntang Galilea.

4Ngayo'y kinakailangan niyang dumaan ng Samaria. 5Kaya dumating siya sa isang bayan ng Samarya na tinawag na Sicar, malapit sa isang lagay ng lupa na ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose.
6Naroon ang balon ni Jacob. Napagod si Jesus sa kaniyang paglalakbay, at siya ay umupo sa may balon. Ito ay magtatanghaling tapat. 7Isang Samaritana ang dumating upang mag-igib ng tubig, at sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bigyan mo ako ng konting tubig na maiinom." 8Dahil ang kaniyang mga alagad ay umalis papuntang bayan upang bumili ng pagkain.
9Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, "Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?" Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano. 10Sinagot siya ni Jesus, "Kung batid mo ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong nagsasabi sa iyong, 'Bigyan mo ako ng inumin,' ikaw sana ang hihingi sa kaniya, at ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay."
11Sumagot ang babae, "Ginoo, wala kang panalok, at malalim ang balon. Saan kayo kukuha ng tubig na buhay? 12Hindi ka higit na dakila kaysa aming amang si Jacob, di ba, na nagbigay sa amin ng balon, at uminom siya mula dito, gayun din ang kaniyang mga anak at kaniyang mga baka?"
13Sumagot si Jesus, "Ang bawat iinom ng kaunting tubig na ito ay muling mauuhaw, 14ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan."
15Ang sabi ng babae sa kaniya, "Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito para hindi na ako mauuhaw at hindi na pumunta dito para umigib ng tubig." 16Ang sabi ni Jesus sa kaniya, "Umuwi ka, tawagin mo ang iyong asawa, at bumalik ka dito."
17Sumagot ang babae, sinasabi sa kanya, "Wala akong asawa." Sumagot si Jesus, "Mabuti ang pagkasabi mo, 'wala akong asawa,' 18dahil nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Sa gayon mabuti ang pagkasabi mo."
19Ang sabi ng babae sa kaniya, "Ginoo, nakikita kong ikaw ay isang propeta. 20Dito sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno, ngunit iyong sinasabi na itong Jerusalem ay ang lugar kung saan ang mga tao ay dapat sumamba."
21Sumagot si Jesus sa kaniya, "Babae, maniwala ka sa akin, darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama ni sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman. Alam namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmula sa mga Judio.
23Subalit darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang Ama ay naghahanap ng mga ganoong tao na sasamba sa kaniya. 24Ang Diyos ay isang Espiritu, at ang mga taong sasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan."
25At sinabi ng babae sa kaniya, "Alam ko na ang Mesias ay darating (ang tinatawag na Cristo). Kapag dumating siya, ihahayag niya ang lahat ng bagay sa amin." 26Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ako, na nagsasalita sa iyo, ay siya nga."
27At sa sandaling iyon bumalik ang kaniyang mga alagad. Ngayon sila ay nagtataka bakit siya nakikipag-usap sa isang babae. Ngunit walang isa man ang nagsabi, "Ano ang iyong gusto?" o "Bakit ka nakikipag-usap sa kanya?"
28Kaya iniwan ng babae ang kaniyang sisidlan ng tubig. Bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tao, 29"Halikayo tingnan niyo ang lalaking nagsabi sa akin ng lahat ng aking ginawa. Hindi maaaring maging siya ang Cristo, maaari kaya? " 30Nagsilabasan sila sa bayan, at nagpunta sa kaniya.
31Samantala hinihimuk siya ng mga alagad, sinasabi, "Rabi, kumain ka." 32Ngunit sinabi niya sa kanila, "Mayroon akong pagkaing kakanin na hindi niyo nalalaman." 33Kaya sinabi ng mga alagad sa isa't-isa, "Wala namang nagdala sa kaniya ng anumang kakainin, mayroon ba?"
34Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng siyang nagpadala sa akin, at para tapusin ang kaniyang gawa. 35Hindi ba sinasabi ninyo, 'Mayroon pang apat na buwan at pagkatapos darating ang anihan'? Sinasabi ko sa inyo, tingnan ninyo at pagmasdan ang mga kabukiran, dahil ang mga iyon ay hinog na upang anihin! 36Ang nag-aani ay tatanggap ng bayad at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang ang nagtatanim at ang umaanii ay maaaring magkasamang magdiwang.
37Dahil dito totoo ang kasabihan 'Isa ang nagtatanim, at iba ang nag-aani.' 38isinugo ko kayo upang anihin iyong hindi kayo ang nagpagal. Iba ang nagpagal at kayo mismo ay napabilang sa kanilang pagpapagal."
39Marami sa mga Samaritano sa lunsod na yun ang nananampalataya sa kaniya dahil sa ulat ng babae na nagpapatotoo, "Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking nagawa." 40Nang dumating ang mga Samaritano sa kaniya, nagsumamo sa kaniya na manatili sa kanila, at siya ay nanatili doon ng dalawang araw.
41At marami pa ang nananampalataya dahil sa kaniyang salita. 42Sinasabi nila sa babae, "Kami ay naniwala, hindi lamang dahil sa iyong mga salita, sapagkat napakinggan namin siya sa aming sarili, at alam namin na tunay ngang siya ang tagapagligtas ng mundo."
43Pagkalipas ng dalawang araw na iyon, lumisan siya mula roon patungong Galilea. 44Dahil si Jesus mismo ang nagpahayag na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bansa. 45Nang dumating siya sa Galilea, malugod na tinanggap siya ng mga taga Galilea. Nakita nila ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem at sa kapistahan, dahil sila din ay nagpunta sa kapistahan.
46Ngayon dumating muli siya sa Cana na nasa Galilea, sa lugar na ginawa niyang alak ang tubig. Mayroong isang maharlikang pinuno na ang anak na lalaking nasa Capernaum ay may sakit. 47Nang marinig niya na si Jesus ay dumating sa Galilea mula Judea, pumunta siya kay Jesus at nagsumamo siya upang lumusong at pagalingin ang kaniyang anak, na nasa bingit ng kamatayan.
48At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Maliban na inyong makita ang mga tanda at mga kahanga-hangang mga gawa, hindi kayo maniniwala." 49Sinabi ng pinuno sa kaniya, "Ginoo, halina't sumama ka na bago mamatay ang aking anak." 50Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Humayo ka, mabubuhay ang iyong anak." Ang lalaki ay naniwala sa salita na sinabi ni Jesus sa kaniya, at tumuloy sa kaniyang landas.
51Habang siya ay bumababa, sinalubong siya ng kaniyang mga lingkod, nagsasabing buhay ang kaniyang anak. 52Kaya nagtanong siya sa kanila kung anong oras siya nagsimulang gumaling. Sumagot sila sa kaniya, "Kahapon ng ala una ay nawala ang kaniyang lagnat."
53At napagtanto ng ama na iyon din ang oras nang binanggit ni Jesus sa kaniya, "Mabubuhay ang iyong anak." Kaya siya mismo at ang kaniyang buong sambahayan ay nanampalataya. 54Ito ang pangalawang tanda na ginawa ni Jesus mula nang umalis siya sa Judea patungong Galilea.

5

1Pagkatapos nito mayroong isang kapistahan ang mga Judio, at si Jesus ay umakyat pa Jerusalem. 2Ngayon, mayroon sa Jerusalem, sa may tarangkahan ng tupa, isang palanguyan na tinatawag sa Hebreo na Bethzata. Ito ay mayroong limang mga portico na may bubungan. 3Maraming bilang ng mga tao na may sakit, bulag, pilay, o lumpo ang mga nakahiga sa mga portico na ito. 4( naghihintay sa paggalaw ng tubig)

5Nandoon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon ng lumpo. 6Nang makita siya ni Jesus na nakahiga doon, at napag-alaman niyang matagal na siya nandoon, sinabi niya sa kaniya, "Ibig mo bang gumaling?"
7Sumagot ang lalaking may sakit, "Ginoo, wala akong sinumang magdadala sa akin sa palanguyan kapag napukaw ang tubig. Kapag aking sinusubukan, mayroong nauuna sa akin." 8Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bumangon ka, kunin mo ang iyong banig, at lumakad ka."
9Agad-agad gumaling ang lalaki, binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Ngayon ang araw na iyon ay Araw ng Pamamahinga.
10Kaya sinabihan ng mga Judio sa kaniyang pinagaling, "Ito ang Araw ng Pamamahinga, at hindi ka pinapayagang magbuhat ng iyong banig." 11Sumagot siya, "Ang nagpagaling sa akin ang nagsabi sa akin, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka.'"
12Tinanong nila siya, "Sino ang taong nagsabi sa iyong, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka?'" 13Subalit, hindi kilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay palihim na umalis papalayo, dahil maraming ng tao sa lugar.
14Pagkatapos, natagpuan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya, "Tingnan mo, ikaw ay gumaling na! Huwag ka nang magkasala pa, baka may malala pang mangyari sa iyo." 15Ang lalaki ay umalis papalayo at pinagbigay-alam sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya.
16Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga. 17Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa. 18Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
19Sinagot sila ni Jesus, "Tunay nga, walang magagawa ang Anak sa kaniyang sarili lamang, maliban lamang sa anong nakikita niya na ginagawa ng Ama, sapagkat anuman ang ginagawa ng Ama, ang mga bagay na ito ay ginagawa din ng Anak. 20Sapagkat iniibig ng Ama ang Anak, at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng kaniyang ginagawa, at ipapakita niya ang mga mas dakilang bagay kaysa sa mga ito para kayo ay mamangha.
21Sapagkat tulad ng Ama na binabangon ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayun din naman ang Anak ay nagbibigay ng buhay kung kanino niya naisin. 22Sapagkat walang hinuhusgahan ang Ama, kundi ibinigay na niya ang lahat ng paghuhusga sa Anak 23upang ang lahat ay parangalan ang Anak katulad ng pagparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
24Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay.
25Tunay nga, sinasabi ko sa inyo na darating ang panahon at narito na, na maririnig ng patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang mga nakarinig ay mabubuhay.
26Sapagkat tulad ng Ama na may buhay sa kaniyang sarili, kaya binigyan din niya ang Anak ng buhay sa kaniyang sarili, 27at binigyan ng Ama ang Anak ng kapangyarihan na gampanan ang paghahatol sapagkat siya ang Anak ng Tao.
28Huwag mamangha dito, sapagkat darating ang panahon kung saan lahat ng nasa libingan ay maririnig ang kaniyang tinig 29at sila ay magsilabasan: iyong mga nakagawa ng mabuti sa pagkabuhay muli sa buhay, at iyong mga nakagawa ng masama sa pagkabuhay na muli sa paghahatol.
30Wala akong magagawa mula sa aking sarili. Kung anon narinig ko, humahatol ako, at ang aking hatol ay matuwid dahil hindi ko hinahangad ang sarili kong kalooban ngunit ang kalooban ng nagpadala sa akin. 31Kung ako ay magpapatotoo tungkol sa aking sarili lamang, ang aking patotoo ay hindi magiging tunay. 32Mayroong isa pa na siyang nagpapatotoo patungkol sa akin, at alam ko na ang patotoo na ibibigay niya tungkol sa akin ay tunay.
33Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya sa katotohanan. 34Subalit, ang patotoo na aking natanggap ay hindi galing sa tao. Sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. 35Si Juan ay isang lamparang nagniningas at nagliliwanag, at kayo ay kusang nagalak ng isang kapanahunan sa kaniyang liwanag.
36Ngunit ang patotoo na mayroon ako ay higit na dakila kaysa kay Juan, sapagkat ang mga gawaing ibinigay sa akin ng Ama na dapat kong ganapin, ang mismong mga gawain na ginagawa ko, ay nagpapatotoo tungkol sa akin na ako ay isinugo ng Ama. 37Ang Ama na siyang nagpadala sa akin ang siya ring nagpatotoo tungkol sa akin. Hindi ninyo kailanman narinig ang kaniyang tinig o nakita ang kaniyang anyo. 38Hindi nananatili ang kaniyang salita sa inyo, sapagkat hindi kayo naniniwala sa kaniyang isinugo.
39Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin, 40at hindi ninyo gustong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41Hindi ako tumatanggap ng papuri mula sa mga tao, 42ngunit alam ko na wala ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga sarili.
43Ako ay dumating sa ngalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinatanggap. Kung may iba na dumating sa kaniyang sariling pangalan, tatanggapin ninyo siya. 44Papaano kayo maniniwala, kayo na tumatanggap ng papuri mula sa isa't isa ngunit hindi naghahangad ng papuri na nagmumula sa kaisa-isang Diyos?
45Huwag ninyong isipin na ako mismo ang magpaparatang sa inyo sa harap ng Ama. Ang nagpaparatang sa inyo ay si Moises, na pinaglalagyan ninyo ng inyong mga pag-asa. 46Kung naniniwala kayo kay Moises, maniniwala kayo sa akin sapagkat sumulat siya tungkol sa akin. 47Kung hindi kayo nanininwala sa kaniyang mga isinulat, paano kayo maniniwala sa aking mga salita?"

6

1Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis papunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea, na tinatawag din na Dagat ng Tiberias. 2Napakaraming tao ang sumusunod sa kaniya dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa may mga sakit. 3Umakyat si Jesus sa gilid ng bundok at naupo doon kasama ang kaniyang mga alagad.

4(Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na). 5Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, "Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?" 6(Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
7Sumagot si Felipe sa kaniya, "Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti." 8Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus, 9"Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?"
10Sinabi ni Jesus, "Paupuin ninyo ang mga tao." (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang. 11At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila. 12Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang."
13Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain. 14At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, "Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo." 15Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
16Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa. 17Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila). 18Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
19At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot. 20Subalit sinabi niya sa kanila, "Ako ito, huwag kayong matakot." 21Pagkatapos kusa nilang tinanggap siya sa bangka, at kaagad nakarating ang bangka sa lugar kung saan sila papunta.
22Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang. 23(Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.)
24Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus. 25Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, "Rabi, kailan ka nagpunta dito?
26Sumagot si Jesus sa kanila, sinasabi, "Tunay nga, hinanap ninyo ako, hindi dahil nakakita kayo ng mga tanda, ngunit dahil nakakain kayo ng ilang tinapay at kayo ay nabusog. 27Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya.
28Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, "Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?" 29Sumagot si Jesus, "Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
30Kaya sinabi nila sa kaniya, "Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo? 31Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, "Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin."
32Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, "Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo. 34Kaya sinabi nila sa kaniya, "Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito."
35Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman. 36Subalit, sinabi ko sa inyo na nakita ninyo na ako, ngunit hindi pa rin kayo naniniwala. 37Lahat ng ibibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at ang lalapit sa akin ay hinding hindi ko itataboy.
38Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. 39At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw. 40Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.
41Pagkatapos nagbulungan ang mga Judio tungkol sa kaniya dahil sa sinabi niya, "Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit." 42Sinabi nila, "Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?"
43Sumagot si Jesus, sinasabi sa kanila, "Tigilan ninyo ang pagbubulung-bulungan sa inyong mga sarili." 44Walang taong maaaring makalapit sa akin maliban na lamang kung ilapit siya ng Ama na siyang nagsugo sa akin, at ibabangon ko siya sa huling araw. 45Ito ay nasusulat sa mga propeta, "Silang lahat ay tuturuan ng Diyos.' Bawat isang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lalapit sa akin.
46Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama. 47Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan.
48Ako ang tinapay ng buhay. 49Kinain ng inyong mga ninuno ang manna sa ilang at sila ay namatay.
50Ito ang tinapay na nagmula sa langit, upang ang isang tao ay kumain nito at hindi mamamatay. 51Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo.
52Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, "Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?" 53At sinabi sa kanila ni Jesus, "Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili.
54Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. 55Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya.
57Gaya ng buhay na Ama na nagsugo sa akin, at gaya ng ako ay nabuhay dahil sa Ama, ang kakain sa akin ay mabubuhay din dahil sa akin. 58Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. 59Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang siya ay nagtuturo sa Capernaum.
60Pagkatapos nang narinig ng marami sa kaniyang mga alagad ito, sinabi nila, "Ito ay mahirap na katuruan; sino kaya ang tatanggap nito?" 61Dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na ang kaniyang mga alagad ay naguusap-usap tungkol dito, sinabi niya sa kanila, "Ito ba ay nakasakit sa inyo?
62Kung ganoon, paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat papunta sa dati niyang kinaroroon? 63Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang pakinabang ang laman. Ang mga salita na nasabi ko sa inyo ay mga espiritu, at ang mga ito ay buhay.
64Gayun man mayroong ilan sa inyo na hindi mananampalataya." Sapagkat alam ni Jesus mula pa sa simula sino ang hindi mananampalataya at sino itong magkakanulo sa kaniya. 65Sinabi niya, " Dahil dito ay sinabi ko sa inyo na walang isa man na maaring makalapit sa akin maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama."
66Pagkatapos nito, marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na lumakad kasama niya. 67Kaya sinabi ni Jesus sa Labingdalawa, "Hindi rin ninyong gustong umalis? hindi ba?" 68Sinagot siya ni Simon Pedro, "Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, 69at kami ay naniwala at nalaman namin na ikaw ang Banal ng Diyos. "
70Sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ko ba kayo pinili, na Labindalawa, at ang isa sa inyo ay isang diyablo?" 71Ngayon sinabi niya ang tungkol kay Judas anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya iyon na kabilang sa Labingdalawan na magkakanulo kay Jesus.

7

1At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jesus ay naglakbay sa Galilea, sapagkat hindi niya gustong pumunta sa Judea dahil ang mga Judio ay nagpaplanong patayin siya. 2Ngayon, nalalapit na ang kapistahan ng mga Hudyo, na Kapistahan ng mga Kanlungan.

3Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga kapatid na lalaki, "Iwanan mo ang lugar na ito at pumunta ka sa Judea, upang makita din ng iyong mga alagad ang mga gawaing ginagawa mo. 4Walang sinumang gumagawa ng anumang bagay na palihim kung siya mismo ay gustong makilala ng hayagan. Kapag ginawa mo ang mga bagay na ito, ipakita mo ang iyong sarili sa buong mundo."
5Sapagkat kahit ang mga kapatid niya ay hindi naniniwala sa kaniya. 6Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang aking panahon ay hindi pa dumating, ngunit ang inyong panahon ay palaging nakahanda. 7Hindi ka maaring kamuhian ng mundo, ngunit kinamumuhian ako nito dahil ako ay nagpatotoo tungkol dito na ang kaniyang mga gawa ay masama.
8Pumunta na kayo sa kapistahan; hindi ako pupunta sa kapistahang ito dahil ang aking oras ay hindi pa natutupad." 9Pagkatapos niyang sinabi ang mga bagay na ito sa kanila, siya ay nanatili sa Galilea.
10Subalit, pagkatapos pumunta ng kaniyang mga kapatid sa kapistahan, sumunod din siya, hindi hayagan ngunit palihim. 11Hinahanap siya ng mga Judio sa kapistahan at sinabi, "Nasaan siya?"
12Nagkaroon ng matinding talakayan sa maraming tao tungkol sa kaniya, sinabi ng ilan, "Siya ay mabuting tao." Sinabi ng iba, "Hindi, nililigaw niya ang karamihan." 13Ngunit wala ni isa na hayagang nagsalita tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
14Nang malapit na matapos ang kapistahan, umakyat si Jesus sa templo at nagsimulang magturo. 15Namanghang ang mga Judio at sinasabi, "Paano nagkaroon ng maraming karunungan ang taong ito? Hindi naman siya nakapag-aral." 16Sinagot sila ni Jesus at sinabi, "Ang aking katuruan ay hindi akin, ngunit sa kaniya na nagsugo sa akin.
17Kung sinuman ang nagnanais gawin ang kaniyang kalooban, malalaman niya ang tungkol sa katuruang ito, kung ito ay nangagaling sa Diyos o nanggaling sa sarili ko. 18Sinuman ang magsalita mula sa kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kalulwalhatian, ngunit sinuman ang naghahangad ng kalulwalhatian sa kaniya na nagsugo sa kaniya, ang taong iyon ay totoo at walang kasamaan sa kaniya.
19Hindi ba binigay sa inyo ni Moises ang kautusan? Gayunman wala sa inyo ang gumagawa ng batas. Bakit gusto ninyo akong patayin?" 20Sumagot ang maraming tao, "Mayroon kang isang demonyo. Sino ang may gustong pumatay sa iyo?
21Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Gumawa ako ng isang bagay, at namangha kayo dahil dito. 22Binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli (hindi sa iyon ay nagmula kay Moises, ngunit nagmula sa mga ninuno), at sa Araw ng Pamamahinga tinutuli ninyo ang isang lalaki.
23Kung ang isang lalaki ay tumanggap ng pagtutuli sa Araw ng Pamamahinga upang ang batas ni Moises ay hindi malabag, bakit kayo nagagalit sa akin dahil ginawa kong ganap na magaling ang isang tao sa Araw ng Pamamahinga? 24Huwag humatol ayon sa anyo, ngunit humatol ng may katuwiran.
25Sinabi ng ilan sa kanila na taga-Jerusalem, "Hindi ba ito ang siyang hinahangad nilang patayin? 26At tingnan ninyo, hayagan siyang nagsasalita at wala silang sinabi sa kaniya. Hindi kaya alam ng mga pinuno na ito ang Cristo, maaari kaya? 27Alam natin kung saan nanggaling ang taong ito. Subalit, kapag dumating ang Cristo, walang isa man ang nakakaalam kung saan siya mangagaling."
28Sumisigaw si Jesus sa loob ng templo, nagtuturo at nagsasabi, "Kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling. Hindi ako pumarito sa aking sarili, ngunit ang nagsugo sa akin ay totoo at hindi niyo siya kilala. 29Kilala ko siya dahil ako ay nanggaling mula sa kaniya at ako ay isinugo niya.
30Sinusubukan nilang dakpin siya, ngunit walang sinumang nangahas na hulihin siya dahil hindi pa dumadating ang kaniyang panahon. 31Subalit, marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Sinabi nila, "Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa sa mga ginawa ng taong ito?" 32Narinig ng mga Pariseo ang bulong-bulungan ng maraming tao tungkol kay Jesus, at ang mga punong pari at ang mga Pariseo ay nagsugo ng mga opisyal upang hulihin siya.
33At sinabi ni Jesus, "Sa sandaling panahon mananatili pa ako kasama ninyo, pagkatapos pupunta na ako sa nagsugo sa akin. 34Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita; kung saan ako papunta, hindi kayo makakasama."
35Kaya nag-usap-usap ang mga Judio, "Saan papunta ang taong ito na hindi natin siya kayang hanapin? Pupunta ba siya sa Pagkakalat sa mga Griyego at tuturuan ang mga Griyego? 36Ano itong salita na kaniyang sinabi, 'Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ako makikita; kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?"
37Ngayon sa huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, "Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. 38Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay.
39Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.
40Ang ilan sa maraming tao, nang narinig nila ang mga salitang itoay nagsabi, "Tunay nga na ito ang propeta." 41Sinabi ng iba, "Ito ang Cristo." Ngunit sinabi ng iba, "Ano, ang Cristo ba ay mangagaling sa Galilea? 42Hindi ba sinabi ng mga kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David at mula sa Betlehem, ang nayon kung saan galing si David?"
43Kaya nagkaroon ng pagbabahagi sa maraming tao dahil sa kaniya. 44Ang iba sa kanila ay ninais sanang dakpin siya, ngunit walang isa man ang humuli sa kaniya.
45Pagkatapos bumalik ang mga opisyal sa mga punong pari at mga Pariseo, na nagsabi sa kanila, "Bakit hindi ninyo siya dinala?" 46Sumagot ang mga opisyal, "Walang pang tao ang nagsalita kailanman ng katulad nito."
47Kaya sinagot sila ng mga Pariseo, "Kayo ba ay nailigaw na rin?" 48Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya? 49Ngunit itong maraming tao na hindi alam ang batas—sila ay sinumpa."
50Sinabi ni Nicodemo sa kanila, (siya na kabilang sa mga Pariseo na pumunta noong una pa kay Jesus), 51"Ang ating batas ba ay humahatol sa isang tao nang hindi muna marinig siya at nabatid kung ano ang kaniyang ginagawa?" 52Sumagot sila at sinabi sa kaniya, "Nanggaling ka din ba sa Galilea? Saliksikin at tingnan mo na walang propetang manggagaling sa Galilea. "
53[Pagkatapos bawat tao ay nagtungo sa kanilang sariling bahay.

8

1Si Jesus ay nagtungo sa Bundok ng mga Olibo. 2Kinaumagahan, pumunta siyang muli sa templo, at lahat ng mga tao ay pumunta sa kaniya; umupo siya at tinuruan sila. 3Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagdala ng isang babaeng nahuli sa kasalukuyan ng pangangalunya. Nilagay nila siya sa gitna.

4At sinabi nila kay Jesus, "Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa kasalukuyang ng pangangalunya. 5Ngayon sa batas inuutos ni Moises na batuhin ang ganitong uri ng mga tao; ano ang iyong masasabi tungkol sa kaniya?" 6Sinabi nila ito upang bitagin siya upang mayroon silang maiparatang sa kaniya, ngunit yumuko si Jesus at sumulat sa lupa gamit ang kaniyang daliri.
7Nang patuloy sila sa pagtatanong sa kaniya, siya ay tumayo at sinabi sa kanila, "Ang walang kasalanan sa inyo, siya ang unang magtapon ng bato sa kaniya." 8Muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa gamit ang kaniyang daliri.
9Nang narinig nila ito, isa isa silang umalis, simula sa pinakamatanda. Sa bandang huli naiwan si Jesus mag-isa, kasama ang babae na nasa kanilang kalagitnaan. 10Tumayo si Jesus at sinabi sa kaniya, "Babae, nasaan ang iyong mga taga-usig? Wala bang humatol sa iyo?" 11Sabi niya "Wala ni sinuman, Panginoon." Sabi ni Jesus, "Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka sa iyong pupuntahan; mula ngayon huwag ka nang magkakasala pa."]
12Muli nagsalita si Jesus sa mga tao at sinabi, "Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay." 13Sinabi sa kaniya ng mga Pariseo, "Ikaw ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; ang iyong patotoo ay hindi tunay."
14Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Kahit na ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay tunay. Alam ko kung saan ako nanggaling at saan ako pupunta, ngunit kayo hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling o saan ako pupunta. 15Humahatol kayo ayon sa laman; ako ay walang hinahatulan. 16Ngunit paghumatol ako, ang aking paghatol ay tunay dahil hindi ako nag-iisa, ngunit kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin.
17Tama, at sa inyong batas ay nakasulat ang pagpapatotoo ng dalawang tao ay tunay. 18Ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo tungkol sa akin.
19Sinabi nila sa kaniya, "Nasaan ang iyong ama?" Sumagot si Jesus, "Hindi ninyo ako kilala ni ang aking Ama; kung nakilala ninyo ako, makilala niyo na rin ang aking Ama." 20Sinabi niya ang mga salitang ito na malapit sa lugar ng ingat-yaman noong siya ay nagturo sa templo, at walang sinuman ang humuli sa kaniya dahil hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
21Sinabi niya muli sa kanila, "Ako ay aalis; hahanapin ninyo ako at mamamatay kayo sa inyong kasalanan. Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama." 22Sabi ng mga Judio "Papatayin ba niya ang kaniyang sarili, siya na nagsabi, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?"
23Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kayo ay nagmula sa ibaba; ako ay nagmula sa itaas. Kayo ay sa sanlibutang ito; ako ay hindi sa sanlibutang ito. 24Kaya, sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Sapagkat maliban na maniniwala kayo na AKO NGA, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan."
25Kaya sinabi nila sa kaniya, "Sino ka?" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung ano sinabi ko sa inyo mula pa sa simula. 26Marami akong mga bagay na sasabihin at hahahtulan tungkol sa inyo. Subalit, ang nagpadala sa akin ay totoo; at ang mga bagay na narinig ko sa kaniya, ang mga ito ay sinasabi ko sa mundo." 27Hindi nila naunawaan na siya ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Ama.
28Sinabi ni Jesus, "Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na AKO NGA, at wala akong ginawa sa aking sarili. Ayon sa itinuro ng aking Ama, sinasabi ko ang mga bagay na ito. 29Ang nagsugo sa akin ay nasa akin, at hindi niya ako iniwang mag-isa, dahil palagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya." 30Habang sinasabi ni Jesus ang tungkol sa mga bagay na ito, marami ang naniwala sa kaniya.
31Sinabi ni Jesus sa mga Judio na naniwala sa kaniya, "Kapag kayo ay nanatili sa aking salita, kayo nga ay tunay kong mga alagad; 32at malalaman ninyo ang katotohan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. 33Sumagot sila sa kaniya, "Kami ay mga lahi ni Abraham at hindi kailanman inalipin ng kahit sinuman; paano mo nasabi, 'Kayo ay mapapalaya?"
34Si Jesus ay sumagot sa kanila, "Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang magkasala ay alipin ng kasalanan. 35Ang alipin ay hindi laging nananatili sa tahanan; ang anak ay laging nananatili. 36Kung gayon, kapag pinalaya na kayo ng Anak, kayo ay tunay ngang malaya.
37Alam ko na kayo ay kaapu-apuhan ni Abraham; gusto ninyo akong patayin dahil ang aking mga salita ay walang lugar sa inyo. 38Sinasabi ko ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, at kayo din ginagawa ninyo ang mga bagay na narinig ninyo mula sa inyong ama.
39Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, "Ang aming ama ay si Abraham." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawain ni Abraham. 40Ngunit, ngayon ninanais ninyo na patayin ako na isang taong nagsabi sa inyo ng katotohan na narinig ko mula sa Diyos. Hindi ito ginawa ni Abraham. 41Ginawa ninyo ang gawain ng inyong ama." Sinabi nila sa kaniya, "Hindi kami ipinanganak sa seksual na imoralidad; may isa kaming Ama, ang Diyos."
42Sabi ni Jesus sa kanila, "Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin ninyo ako, sapagkat ako ay nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagkat hindi ako naparito dahil sa aking sarili lamang, kundi isinugo niya ako. 43Bakit hindi ninyo naiintindihan ang aking mga salita? Ito ay dahil hindi ninyo kayang makinig sa aking mga salita. 44Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
45Subalit, dahil nagsasalita ako ng katotohanan hindi kayo naniniwala. 46Sino sa inyo ang hahatol sa aking kasalanan? Kung nagsasalita ako ng katotohanan, bakit hindi ninyo ako pinapaniwalaan? 47Ang sa Diyos ay nakikinig sa mga salita ng Diyos; hindi ninyo naririnig ang mga ito dahil hindi kayo sa Diyos."
48Ang mga Judio ay sumagot at sinabi sa kaniya "Hindi ba tama ang sinabi namin na ikaw ay isang Samaritano at may demonyo," 49Sumagot si Jesus, "Wala akong demonyo; pero pinaparangalan ko ang aking ama, at hindi ninyo ako pinaparangalan.
50Hindi ko hinahanap ang sarili kong kaluwalhatian; mayroong isang naghahanap at naghahatol. 51Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan.
52Sinabi ng mga Judio sa kaniya, "Ngayon alam namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay; pero sinasabi mo, 'Kung sinuman ang tutupad sa aking salita ay hindi kailanman matitikman ang kamatayan.' 53Hindi ka nakakahigit sa aming amang si Abraham na namatay, hindi ba? Ang mga propeta din ay namatay. Kanino mo hinahalintulad ang iyong sarili?"
54Sumagot si Jesus, "Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang halaga; ang nagluluwalhati sa akin ay ang aking Ama—na sinasabi ninyo na siya ang inyong Diyos. 55Hindi niyo siya nakikila, pero kilala ko siya. Kung sasabihin ko, 'Hindi ko siya kilala,' maitutulad ako sa inyo na sinungaling. Subalit, kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita. 56Ang iyong amang si Abraham ay nagalak na nakikita ang araw ko; nakita niya ito at natuwa."
57Sabi ng mga Judio sa kanya, "Hindi ka pa limampung taon gulang, at nakita mo na si Abraham?" 58Sabi ni Jesus sa kanila, "Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham, ay AKO NGA." 59Kaya dumampot sila ng mga bato para batuhin siya ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.

9

1Ngayon nang si Jesus ay dumaan, nakakita siya ng isang taong bulag mula pa sa kapanganakan. 2Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, "Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito o ang kaniyang mga magulang, na dapat siyang isilang na bulag?"

3Sumagot si Jesus, "Hindi nagkasala ang taong ito ni ang kaniyang mga magulang, kundi upang ang mga gawa ng Dios ay mahayag sa kaniya. 4Kailangan nating gawin ang mga gawain niya na siyang nagpadala sa akin habang araw pa. Darating ang gabi na kung kailan wala ng kayang gumawa. 5Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan."
6Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik sa pamamagitan ng laway, at pinahiran ng putik ang mga mata ng lalake. 7Sinabi niya sa kaniya, "Pumunta ka at maghilamos sa languyan ng Siloam (na isinalin na 'isinugo')." Kaya't umalis ang lalake, naghilamos, at bumalik nang nakakakakita na.
8Pagkatapos, ang mga kapitbahay ng lalake at iyong mga dating nakakita sa kaniya bilang isang pulubi ay nagsasabi, "Hindi ba't ito ang lalaking dating nakaupo at namamalimos?" 9Sinabi ng ilan, "Siya nga." Sinabi ng iba, "Hindi, ngunit siya ay kamukha niya." Ngunit sinasabi niya, "Ako nga iyon."
10Sinabi nila sa kaniya, "Kung gayon paanong nabuksan ang iyong mga mata?" 11Sumagot siya, "Ang taong tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at pinahiran ang aking mga mata at sinabi sa akin, "Pumunta ka sa Siloam at maghilamos.' Kaya umalis ako at naghilamos, at nanumbalik ang aking paningin." 12Sinabi nila sa kaniya, "Nasaan siya?" sumagot siya, "Hindi ko alam."
13Dinala nila ang lalaki na dating bulag sa mga Pariseo. 14Ngayon iyon ay Araw ng Pamamahinga nang si Jesus ay gumawa ng putik at pinadilat ang kaniyang mga mata. 15Pagkatapos tinanong siya muli ng mga Pariseo kung paano niya natanggap ang kaniyang paningin. Sinabi niya sa kanila, "Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako, at ngayon nakakakita na ako."
16Sinabi ng ilang mga Pariseo, "Ang taong ito ay hindi galing sa Dios dahil hindi niya tinutupad ang Araw ng Pamamahinga." Sinabi ng iba, "Papaanong makakagawa ng ganyang mga pangitain ang isang tao na iyon na makasalanan?" Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanilang kalagitnaan. 17Kaya tinanong nilang muli ang lalaking bulag, "Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya dahil pinadilat niya ang iyong mga mata?" Sinabi ng lalaking bulag, "Siya ay isang propeta." 18Ngayon ang mga Judio ay hindi pa din naniniwala tungkol sa kaniya na dating bulag at nakamit ang kaniyang paningin hanggang sa tinawag nila ang mga magulang ng iyong nagkamit ng kaniyang paningin.
19Tinanong nila ang mga magulang, "Ito ba ang inyong Anak na sinasabi ninyong pinangangak na bulag? Papaanong nakakakita na siya ngayon?" 20Kaya sumagot ang kaniyang mga magulang sa kanila, "Alam naming ito ang aming anak at siya ay bulag nang isilang. 21Kung paano siya ngayon ay nakakakita na, hindi namin alam, at kung sino ang nagpadilat sa kaniyang mga mata, hindi namin alam. Tanungin ninyo siya. Siya ay matanda na. Makakapag-salita siya para sa kaniyang sarili."
22Sinabi ito ng kaniyang mga magulang sapagkat takot sila sa mga Judio. Sapagkat nagkasundo na ang mga Judio na kung sinumang magpahayag na si Jesus ay ang Cristo, dapat siyang palayasin sa sinagoga. 23Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang, "Siya ay matanda na. Tanungin ninyo siya.
24Kaya sa pangalawang pagkakataon tinawag nila ang lalake na naging bulag at sinabi sa kaniya, "Magbigay papuri ka sa Dios. Alam naming makasalanan ang taong iyon." 25At sumagot ang taong iyon, "Kung siya man ay isang makasalanan, hindi ko alam. Isang bagay ang alam ko: Noon ako ay bulag, at ngayon ako ay nakakakita na."
26At sinabi nila sa kaniya, "Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinadilat ang iyong mga mata?" 27Sumagot siya, "Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan! Bakit ninyo gustong itong marinig muli? Hindi ninyo nais maging alagad din niya, hindi ba?" 28Nilait nila siya at sinabi, "Ikaw ay kaniyang alagad, ngunit kami ay mga alagad ni Moises. 29Alam namin na ang Dios ay nakipag-usap kay Moises, ngunit para sa taong iyon, hindi namin alam kung saan siya nanggaling."
30Ang lalake ay sumagot at sinabi sa kanila, "Bakit, ito ay isang kamangha-manghang bagay, at hindi ninyo alam kung saan siya nagmula, gayon pinadilat niya ang aking mga mata. 31Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos.
32Mula ng nagsimula ang mundo hindi kailanman narinig na napadilat ng sinuman ang mga mata ng isang taong isinilang na bulag. 33Kung ang taong ito ay hindi galing sa Diyos, wala siyang kayang gawin." 34Sumagot sila at sinabi sa kaniya, "Ikaw ay pawang ipinanganak sa mga kasalanan, at tinuturuan mo kami ngayon?" Pagkatapos ay pinalabas nila siya sa sinagoga.
35Narinig ni Jesus na pinalayas nila siya sa sinagoga. Nakita niya siya at sinabi, "Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?" 36Sumagot siya at sinabi, "Sino siya, Panginoon, upang sasampalataya ako sa kaniya?" 37Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Nakita mo na siya, at siya itong nakikipag-usap sa iyo." 38Sinabi ng lalake, "Panginoon, sumasampalataya ako." Pagkatapos, sumamba siya sa kaniya.
39Sinabi ni Jesus, "Naparito ako sa mundong ito para sa paghuhukom upang ang mga hindi nakakakita ay makakita, at upang ang mga nakakakita ay maging bulag." 40Narinig ng ilan sa mga Pariseo na kasama niya ang mga bagay na ito, at nagtanong sa kaniya, "Bulag din ba kami?" 41Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung kayo ay mga bulag, wala sana kayong kasalanan. Subalit, ngayon sinasabi ninyong, "Nakakakita kami," kaya ang inyong kasalanan ay nananatili.

10

1"Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ang hindi pumasok sa pamamagitan ng pinto papasok sa kulungan ng tupa, subalit umaakyat sa ibang daanan, ang taong iyon ay isang magnanakaw at isang tulisan. 2Ang pumapasok sa pamamagitan ng pinto ay ang tagapag-alaga ng tupa.

3Binubuksan siya ng tagapagbantay ng tarangkahan. Pinapakinggan ng mga tupa ang kaniyang boses, at tinatawag niya ang sarili niyang tupa sa kani-kanilang pangalan at pinangungunahan silang palabas. 4Kapag nailabas na niya ang lahat nang sariling kaniya, pinangungunahan niya sila, at sumusunod sa kaniya ang mga tupa sapagkat kilala nila ang kaniyang boses.
5Hindi sila susunod sa isang estranghero ngunit sa halip ay iiwasan ito, sapagkat hindi nila kilala ang boses ng mga estranghero." 6Sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang mga bagay na ito na sinasabi niya sa kanila.
7Pagkatapos muling sinabi ni Jesus sa kanila, "Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ako ang pinto ng mga tupa. 8Lahat nang naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit ang mga tupa ay hindi nakinig sa kanila.
9Ako ang tarangkahan. Kung sinumang pumapasok sa pamamagitan ko, siya ay maliligtas; siya ay papasok at lalabas at makakahanap ng pastulan. 10Ang magnanakaw ay hindi pumarito maliban sa pagnanakaw, pagpatay, at pagwasak. Ako ay pumarito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.
11Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. 12Ang isang bayarang-lingkod, na hindi isang pastol, na hindi nagmamay-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo at pinababayaan ang mga tupa at tumatakas. Tinatangay ng lobo ang mga ito at pinangangalat ang mga ito. 13Siya ay tatakbo dahil siya ay isang bayarang-lingkod at hindi nagmamalasakit sa mga tupa.
14Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang sa akin, at ang sa akin ay nakikilala ako. 15Kilala ako ng Ama, at kilala ko ang Ama, at ibinigay ko ang aking buhay para sa mga tupa. 16Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
17Ito ang dahilan kung bakit ako iniibig ng Ama: Ibibigay ko ang aking buhay upang muli kong kunin. 18Walang sinumang kukuha nito sa akin, kundi kusa ko itong ibibigay. Ako'y mayroong kapangyarihang ibigay ito, at mayroon din akong kapangyarihan na ito ay kunin muli. Natanggap ko ang utos na ito mula sa Ama."
19Isang pagkakabaha-bahagi ang muling nangyari sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito. 20Sinabi ng marami sa kanila, "Mayroon siyang demonyo at nababaliw. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?" 21Sinabi ng iba, "Hindi ito ang mga pahayag ng isang inaalihan ng isang demonyo. Kaya ba ng isang demonyo na makapagpadilat ng mga mata ng isang bulag?"
22At dumating ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Jerusalem. 23Taglamig noon, at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Solomon. 24At pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kaniya, "Hanggang kailan mo kami pananatilihing bitin? Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo nang maliwanag."
25Sumagot si Jesus sa kanila, "Sinabihan ko kayo, ngunit hindi kayo naniwala. Ang mga gawain na aking ginawa sa ngalan ng aking Ama, ang mga ito ang magpapatotoo patungkol sa akin. 26Gayunman hindi kayo naniwala dahil hindi ko kayo mga tupa.
27Naririnig ng aking tupa ang aking boses; kilala ko sila, at sila ay sumusunod sa akin. 28Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay.
29Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin, ay dakila kaysa sa lahat, at walang sinuman na kayang umagaw sa kanila sa kamay ng Ama. 30"Ako at ang Ama ay iisa." 31Pagkatapos ay kumuhang muli ng mga bato ang mga Judio upang batuhin siya.
32Sinagot sila ni Jesus, "Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawain mula sa Ama. Alin sa mga gawaing ito ang dahilan na pagbabatuhin ninyo ako?" 33Sumagot ang mga Judio sa kaniya, "Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili."
34Sumagot si Jesus sa kanila, "Hindi ba nasusulat sa inyong batas, 'Sinabi ko, "kayo ay mga diyos?'" 35Kung tinatawag niyang mga diyos sila na dinatnan ng salita ng Diyos (at ang kasulatan ay hindi maaaring sirain), 36sinasabi ba ninyo ang tungkol sa kaniya na siyang itinalaga ng Ama at isinugo sa mundo, 'Ikaw ay naglalapastangan,' dahil sinabi kong, 'Ako ang Anak ng Diyos'?
37Kung hindi ko ginagawa ang gawain ng aking Ama, huwag kayong manampalataya sa akin. 38"Subalit, kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo manampalataya sa akin, maniwala kayo sa mga gawain upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa sa akin at ako ay nasa sa Ama." 39Sinubukan muli nilang lupigin si Jesus, ngunit siya ay umalis sa kanilang mga kamay.
40Umalis muli si Jesus patungo sa ibayo ng Jordan sa lugar nang una'y pinagbabautismuhan ni Juan, at siya ay nanatili doon. 41Maraming tao ang lumapit kay Jesus. Patuloy nilang sinasabi, "Sa katunayan walang ginawang mga tanda si Juan, ngunit lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo." 42Doon ay maraming sumampalataya kay Jesus.

11

1Ngayon, may isang lalaki na nagngangalang Lazaro na may karamdaman. Siya ay mula sa Bethania na ang nayon ni Maria at ng kaniyang babaeng kapatid na si Martha. 2Siya rin ang Maria na magpapahid ng mira sa Panginoon at magpupunas gamit ang kaniyang buhok sa mga paa ng Panginoo, siya ang kapatid ni Lazaro na siyang may karamdaman.

3At nagpasabi ng mensahe ang magkapatid na babae kay Jesus at sinabi, "Panginoon, tingnan mo, ang iyong minamahal ay may karamdaman." 4Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya, "Ang karamdamang ito ay hindi magtatapos sa kamatayan, sa halip ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos upang ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito."
5Ngayon mahal ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro. 6Nang marinig ito ni Jesus, nanatili pa siya ng dalawang araw sa lugar kung nasaan siya. 7Pagkatapos nito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Tayo nang muli sa Judea."
8Sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Rabi, ngayon palang ay sinusubukan kang batuhin ng mga Judio, at babalik ka ba muli roon? 9Sumagot si Jesus, "Hindi ba sa isang araw ay may labingdalawang oras na liwanag? Kapag ang isang tao ay lumalakad samantalang araw, hindi siya matitisod sapagkat nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.
10Gayon pa man, kung siya ay lumalakad sa gabi, siya ay matitisod dahil wala sa kaniya ang liwanag. 11Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabi niya sa kanila, "Ang ating kaibigan na si Lazaro ay nakatulog, subalit pupunta ako doon upang gisingin siya mula sa kaniyang pagkakatulog."
12Kaya sinabi ng mga alagad sa kaniya, "Kung si Lazaro ay nakatulog, siya ay gagaling. 13Ngayon, sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kamatayan ni Lazaro, ngunit inakala nilang lahat na ito ay tungkol lamang sa pagpapahinga sa pagtulog. 14Pagkatapos, sinabi sa kanila ni Jesus nang malinaw, "Si Lazaro ay patay na."
15Para sa inyong kapakanan, masaya ako na wala ako roon upang kayo ay maniwala. Pumunta tayo sa kaniya. 16Si Tomas na dating tinatawag na Didimo, sinabi niya sa kapwa niya alagad, "Pumunta rin tayo, upang mamatay din tayo kasama ni Jesus."
17Nang dumating si Jesus, nalaman niya na apat na araw ng nasa libingan si Lazaro. 18Ngayon, malapit ang Bethania sa Jerusalem, mga labinglimang estadio ang layo. 19Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro. 20At nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo pa rin sa kanilang bahay.
21Sinabi ni Marta kay Jesus, "Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko. 22Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo." 23Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ang kapatid mo ay babangong muli."
24Sinabi ni Marta sa kaniya, "Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw." 25Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; 26at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?"
27Sinabi niya sa kaniya, "Oo Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na siyang paparito sa mundo." 28Matapos niyang sabihin ito, umalis siya at tinawag si Maria na kaniyang kapatid, nang sarilinlan. Sinabi niya, "Narito ang Guro at ipinatatawag ka." 29Nang marinig ito ni Maria, mabilis siyang tumayo at pumunta kay Jesus.
30Ngayon, hindi pa nakakarating sa nayon si Jesus, kundi nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya kinatagpo ni Marta. 31At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak. 32Nang makarating si Maria kung saan naroroon si Jesus, at siya ay nakita niya, nagpatirapa siya sa kaniyang mga paa at sinabi sa kaniya, "Panginoon, kung nandito lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid."
33Nang makita ni Jesus na siya ay umiiyak at ang mga Judio na kasama niya ay umiiyak din, naghinagpis ang kaniyang espirtu at nabagabag; 34sinabi niya, "Saan niyo sya inilibing?" Sinabi nila sa kaniya, "Panginoon, pumarito kayo at tingnan." 35Si Jesus ay tumangis.
36Pagkatapos, sinabi ng mga Judio, "Tignan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro!" 37Pero sinabi ng ilan, "Hindi ba kaya ng taong ito na siyang nagmulat ng mga mata ng dati ay bulag, na gawin ring hindi mamatay ang lalaking ito?"
38Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito. 39Sinabi ni Jesus, "Alisin ang bato." Si Martha, na kapatid ni Lazaro na namatay, ay nagsabi kay Jesus, "Panginoon, sa mga oras na ito ang kaniyang katawan ay naaagnas na, sapagkat apat na araw na ang nakalipas mula nang siya ay mamatay." 40Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung ikaw ay maniwala makita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?"
41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus at sinabi, "Ama, nagpapasalamat ako sa iyo dahil pinakinggan mo ako. 42Alam ko na lagi mo akong pinakikinggan, pero ito ay dahil sa mga taong nakatayong palibot sa akin kaya sinabi ko ito, upang maniwala sila na isinugo mo ako."
43Matapos niyang sabihin ito, sumigaw siya nang may malakas na boses, "Lazaro, lumabas ka!" 44Lumabas ang patay na lalaki, na nakabalot ang mga kamay at mga paa ng damit panglibing at ang kaniyang mukha ay nababalot din ng tela. Sinabi ni Jesus sa kanila, kalagan ninyo siya at pakawalan."
45At ang maraming Judio na pumunta kay Maria at nakita kung ano ang ginawa ni Jesus, ay sumampalataya sa kaniya; 46ngunit may ilan sa kanila ang umalis papunta sa mga Pariseo at sinabi ang mga ginawa ni Jesus.
47At tinipon ng mga pinunong pari at ng mga Pariseo ang konseho at sinabi, "Ano ang ating gagawin? Ang taong ito ay maraming ginagawang mga tanda. 48Kung hahayaan natin siyang mag-isa katulad ng ganito, lahat ay maniniwala sa kaniya; ang mga Romano ay paparito at kukunin ang ating lugar at gayon din ang ating bansa.
49Gayon pa man, may isang lalaki sa kanila, si Caifas na ang pinakapunong pari nang taong iyon ay nagsabi sa kanila, "Wala kayong nalalaman. 50Hindi ba ninyo iniisip na ito ay naaangkop na may isang taong dapat mamatay para sa mga tao kaysa ang buong bansa ang mamatay."
51Ngayon, sinabi niya ito hindi sa kaniyang sariling pagkukusa; sa halip, dahil siya ang pinakapunong pari ng taong iyon, nagpropesiya siya na si Jesus ay dapat mamatay para sa bansa, 52at hindi para sa bansa lamang, kundi upang tipunin din ni Jesus ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa iba't ibang lugar. 53Kaya mula ng araw na iyon ay pinagplanuhan na nila kung paano papatayin si Jesus.
54Hindi na naglalakad ng hayag si Jesus sa gitna ng mga Judio, ngunit umalis siya doon at pumunta sa isang bansa na malapit sa ilang sa isang bayan na tinatawag na Efraim. Doon ay nanatili siya kasama ang mga alagad. 55Ngayon ang Paskwa ng mga Judio ay nalalapit na, marami ang pumunta sa Jerusalem mula sa mga bansa upang linisin ang kanilang mga sarili.
56Hinahanap nila si Jesus, at pinag-uusapan nila sa isa't isa habang sila ay nakatayo sa templo, "Ano sa inyong palagay? Hindi kaya siya darating sa kapistahan?" 57Ngayon, ipinag-utos ng mga punong pari at mga Pariseo na kung sinuman ang nakakaalam kung nasaan si Jesus ay ipagbigay-alam nila ito upang sa gayon maaari nila siyang dakipin.

12

1Anim na araw bago ang Paskwa, nagpunta si Jesus sa Bethania, kung saan naroon si Lazaro na siyang binuhay niya mula sa mga patay. 2Kaya hinandaan nila siya ng hapunan doon, at si Marta ang nagsisilbi, habang si Lazaro ay isa sa mga naupo sa mesa kasama ni Jesus. 3Pagkatapos kumuha si Maria ng isang litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa, at napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.

4Si Judas Iscariote, isa sa mga alagad na magkakanulo sa kaniya, ay nagsabi, 5"Bakit hindi ipinagbili ang pabango na ito ng tatloong daang dinario at ibigay sa mahihirap. 6Ngayon, sinabi niya ito, hindi dahil sa may malasakit siya sa mga mahihirap, kundi dahil siya ay isang magnanakaw: siya ang may hawak ng sisidlan ng pera, at kumukuha dito ng ilang pera para sa kaniyang sarili.
7Sinabi ni Jesus, " Hayaan ninyong ilaan niya ang mayroon siya para sa araw ng aking libing. 8Palagi ninyong kapiling ang mga mahihirap, ngunit hindi ninyo ako laging makakasama."
9Ngayon, napag-alaman ng maraming mga Judiio na naroon si Jesus, at sila ay dumating, hindi lamang dahil kay Jesus, ngunit nagbabakasakali rin silang makita si Lazaro na binuhay ni Jesus mula sa mga patay. 10Ang mga punong pari ay nagsabwatan upang patayin na rin si Lazaro, 11dahil siya ang dahilan kung bakit maraming mga Judio ang nagsi-alis at sumampalataya kay Jesus.
12Nang sumunod na araw, napakaraming tao ang dumating para sa kapistahan. Nang kanilang marinig na si Jesus ay darating sa Jerusalem, 13kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: "Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!"
14Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat, 15"Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno."
16Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.
17Ngayon ang maraming mga tao na nakasama ni Jesus ng tawagin niya si Lazarus palabas sa libingan at binuhay mula sa mga patay, ay nagpatotoo sa iba. 18Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao ay lumabas upang salubungin siya, dahil narinig nilang ginawa niya ang tandang ito. 19Kaya nagsabi ang mga Pariseo sa isa't isa: Tingnan ninyo, wala kayong magagawa; tingnan ninyo, ang sanlibutan ay sumusunod sa kaniya."
20Ngayon, may ilang mga Griyego na kasama nilang umakyat upang sumamba sa kapistahan. 21Lumapit sila kay Felipe na mula sa Bethsaida ng Galilea, at tinanong siya na nagsasabi, "Ginoo, nais naming makita si Jesus." 22Pumunta si Felipe at sinabi kay Andres; si Andres ay pumunta kasama si Felipe, at sinabi nila kay Jesus.
23Sinagot sila ni Jesus at sinabi, "Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin. 24Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay nanatili sa kaniyang sarili na mag-isa, ngunit kung ito ay mamatay, magbubunga ito ng napakarami.
25Ang nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay. 26Kung sinuman ang maglingkod sa akin, sumunod siya sa akin, at kung saan ako naroroon, ang aking lingkod ay naroon din. Kung sinuman ang maglingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.
27Ang aking kaluluwa ay nababagabag ngayon, "Ano ang aking sasabihin? 'Ama, iligtas mo ako sa oras na ito'? Subalit dahil dito, naparito ako sa oras na ito. 28Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan." Pagkatapos isang tinig ang nagmula sa langit, at nagsabi, "Niluwalhati ko na at muli ko rin itong luluwalhatiin" 29Pagkatapos ang maraming mga tao na nakatayo sa malapit at nakarinig nito ay nagsabi na kumulog. Sinabi ng iba, "Isang anghel ang nagsalita sa kaniya."
30Sumagot si Jesus at nagsabi, "Ang tinig na ito ay hindi dumating alang-alang sa akin, kundi para sa inyong kapakanan. 31Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.
32At ako, kung ako ay maitaas mula sa lupa, aking ilalapit ang mga tao sa aking sarili. 33Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung sa paanong paraan na kamatayan siya mamamatay.
34At sumagot ang maraming tao sa kaniya, "Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, "Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?" "Sino itong Anak ng Tao?" 35Saka sinabi ni Jesus sa kanila, "Gayunman sa kaunting panahon na lamang ay kasama ninyo ang ilaw. Lumakad habang nasa inyo ang liwanag upang hindi kayo abutan ng kadililman. Ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nakakaalam kung saan siya patutungo. 36Habang mayroon sa inyo ang liwanag, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga anak ng liwanag. Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos umalis siya at hindi na muling nagpakita sa kanila.
37Kahit na maraming nagawang mga tanda si Jesus sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampalataya sa kaniya 38upang ang salita ni Isaias na propeta ay maaring matupad, na kaniyang sinabi: "Panginoon, sino ang naniwala sa aming ulat? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?"
39Sa kadahilanang ito hindi sila sumasampalataya, sapagkat sinabi rin ni Isaias, 40"Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila.
41Sinabi ang mga bagay na ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagsalita siya ng tungkol sa kaniya. 42Gayunpaman, maraming mga pinuno ang naniwala kay Jesus, pero dahil sa mga Pariseo, hindi nila inaamin ito upang hindi sila ipagbawal sa sinagoga. 43Minahal nila ang papuri na nagmumula sa mga tao kaysa sa papuring nagmumula sa Diyos.
44Sumigaw si Jesus at nagsabi, "Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lang sa akin sumasampalataya kundi maging sa kaniya na nagsugo sa akin. 45At ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kaniya na nagsugo sa akin.
46Ako ay naparito bilang isang liwanag sa mundo upang ang sinumang maniwala sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman. 47Kung sinuman ang nakakarinig ng aking mga salita, subalit hindi sinusunod ang mga ito, hindi ko siya hinahatulan, sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang mundo, kundi upang iligtas ang mundo.
48Ang sinumang tumanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita ay mayroong isang hahatol sa kaniya, ito ay ang salita na aking sinabi na siyang hahatol sa kaniya sa huling araw. 49Sapagkat hindi ako nagsalita mula sa aking sarili. Sa halip ang Ama na siyang nagsugo sa akin, na siyang nagbigay sa akin ng utos tungkol sa kung ano ang aking dapat sabihin at dapat ipahayag. 50Alam ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; kaya iyong mga sinasabi ko--na ayon sa sinasabi ng Ama sa akin, ay sinasabi ko sa kanila."

13

1Ngayon, bago ang Kapistahan ng Paskuwa, dahil alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na, na siya ay dapat ng umalis ng mundong ito tungo sa kaniyang Ama, minamahal niya ang sariling kaniya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa huli. 2Ngayon, nailagay na sa puso ni Judas Iscariote na anak ni Simon, na ipagkanulo si Jesus.

3Alam ni Jesus na ibinigay ng Ama sa kaniyang mga kamay ang lahat ng mga bagay at siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos. 4Tumayo siya nang hapunan at ibinaba ang kaniyang panglabas na kasuotan. At kumuha siya ng tuwalya at ibinigkis ito sa kaniyang sarili. 5Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at upang punasan sila ng tuwalya na ibinigkis sa kaniyang sarili.
6Lumapit si Jesus kay Simon Pedro, at sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, "Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?" 7Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Sa ngayon ang ginagawa ko ay hindi mo pa maintindihan, ngunit sa darating na panahon ay maiintindihan mo rin ito" 8Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa." Sumagot si Jesus, "Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin." 9Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, "Panginoon, huwag lamang ang aking mga paa ang iyong hugasan, ngunit pati na rin ang aking mga kamay at aking ulo."
10Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Ang sinuman na nakaligo na ay hindi na kailangang maghugas ng kahit ano pa maliban sa kaniyang mga paa, at siya ay malinis na malinis na; malinis ka na, ngunit hindi lahat kayo." 11Dahil alam ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya; kaya sinabi niya; "Hindi ang lahat sa inyo ay malinis."
12Pagkatapos hugasan ni Jesus ang kanilang mga paa at kunin ang kaniyang mga damit at muling umupo, sinabi niya sa kanila, "Alam ba ninyo ang ginawa ko para sa inyo? 13Tinatawag ninyo akong 'Guro' at 'Panginoon', at tama ang sinasabi ninyo, dahil ako nga iyon. 14Kung ako nga na Panginoon at Guro, ay hinugasan ang iyong mga paa, dapat ninyo ring hugasan ang mga paa ng iba. 15Dahil binigyan ko kayo ng halimbawa upang dapat gawin din ninyo tulad ng ginawa ko sa inyo.
16Tunay nga sinasabi ko sa inyo, ang lingkod ay hindi mas matataas sa kaniyang Panginoon; ni ang isinugo ay mas mataas kaysa sa nagsugo sa kaniya. 17Kung alam mo ang mga bagay na ito, pinagpala ka kung ginagawa mo ang mga ito. 18Hindi ako nagsasalita tungkol sa inyong lahat, dahil alam ko ang aking mga pinili -- ngunit sinasabi ko ito upang ang kasulatan ay maganap: 'Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.'
19Sinasabi ko ito ngayon sa inyo upang kung ito ay mangyayari, maniniwala kayo na AKO NGA. 20Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang sinumang aking isinusugo, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang siyang nagsugo sa akin.
21Nang sinabi ni Jesus ito, siya ay nabagabag sa espiritu at sinabi "Tunay nga sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin." 22Nagtinginan ang mga disipulo sa isa't-isa, nagtataka kung sino ang kaniyang tinutukoy.
23May isa na nasa lamesa ang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, ang minamahal ni Jesus. 24Kaya hinudyatan ni Simon Pedro ang alagad na ito at sinabi, "Sabihin mo sa amin kung sino ang kaniyang tinutukoy. 25Sumandal ang alagad na iyon sa dibdib ni Jesus at sinabi sa kaniya, "Panginoon, sino po iyon?"
26At sumagot si Jesus, "Iyong aking ipagsasawsaw ng pirasong tinapay at bibigyan. "Nang kaniyang isawsaw ang tinapay, ibinigay niya ito kay Judas na anak ni Simon Iscariote. 27At pagkatapos ng tinapay, pumasok si Satanas sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kaniiya, "Kung ano ang iyong gagawin, gawin mo ito agad."
28Ngayon, walang sinuman na nasa lamesa ang nakaaalam nang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus ito sa kaniya. 29Naisip ng iba na, dahil si Judas ang nangangalaga sa supot ng salapi, sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bumili ka ng mga bagay na kailangan natin para sa kapistahan," o kaya naman na siya ay dapat magbigay sa mga mahihirap. 30Pagkatapos tanggapin ni Judas ang tinapay, agad siyang lumabas; at gabi na noon.
31Nang si Judas ay umalis na, sinabi niJesus, "Ngayon ang Anak ng Tao ay naluwalhati. 32At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Luluwalhatiin siya ng Diyos sa kaniyang sarili, at agad siyang luluwalhatiin niya. 33Mga batang paslit, makakasama pa ninyo ako ng maikli pang panahon. Hahanapin ninyo ako, at tulad ng sinabi ko sa mga Judio, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakapunta.' Ngayon sinasabi ko rin ito sa inyo.
34Binibigyan ko kayo ng isang bagong kautusan, na dapat ninyong mahalin ang bawat isa, kung paano ko kayo minahal, gayundin naman dapat ninyong mahalin ang bawat isa. 35Sa pamamagitan nito, malalaman ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad, kung mahahalin niyo ang bawat isa."
36Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, "Panginoon, saan kayo pupunta?" Sumagot si Jesus, kung saan ako pupunta, sa ngayon ay hindi kayo makakasunod, ngunit makakasunod kayo pagkatapos nito." 37Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Panginoon, bakit hindi kita masusundan kahit ngayon? Ibibigay ko ang buhay ko para sa iyo." 38Sumagot si Jesus, "Ibibigay mo ang buhay mo para sa akin? Tunay nga sinasabi ko sa iyo, hindi titiilaok ang tandang hanggang ikaila mo ako ng tatlong beses.

14

1Huwag ninyong hayaan mabalisa ang inyong puso. Manampalataya kayo sa Diyos; manampalataya rin kayo sa akin. 2Sa tahanan ng aking Ama ay maraming mga tirahan; Kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo; sapagka't aalis ako upang maghanda ng tirahan para sa inyo. 3Kung aalis ako at maghanda ng matititrahan ninyo, ako ay muling babalik at tatanggapin kayo sa aking sarili, upang kung saan man ako, kayo ay naroon din.

4Alam ninyo ang daan kung saan ako pupunta." 5Sinabi ni Tomas kay Jesus, "Panginoon, hindi namin alam kung saan kayo pupunta, papaano namin malalaman ang daan? 6Sabi ni Jesus sa kaniya, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko. 7Kung nakilala mo na ako, dapat kilala mo na rin ang aking Ama; mula ngayon kilala mo na siya at nakita mo na siya."
8Ang sabi ni Felipe kay Jesus, "Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at iyon ay sapat na sa amin". 9Ang sabi ni Jesus sa kaniya, "Felipe, hindi ba matagal na akong kasama ninyo, at hindi mo pa rin ako nakikilala? Kung sinuman ang nakakita sa akin, nakakita sa Ama; paano mo nasasabi, 'Ipakita sa amin ang Ama'?
10Hindi ka ba naniniwala na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko hindi sa aking sariling kapasyahan; sa halip, ito ay ang Ama na nananahan sa akin na siyang gumagawa ng kaniyang gawain. 11Maniwala kayo sa akin, na ako ay nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin; o kaya, maniwala kayo sa akin dahil sa mismo kong ginagawa.
12Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, sinuman ang sumasampalataya sa akin, sa mga gawain na ginagawa ko, gagawin niya rin itong mga ginagawa ko; at gagawa siya ng mas higit na dakilang mga gawain dahil ako ay pupunta sa Ama. 13Anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, gagawin ko upang ang Ama ay maluluwalhati sa Anak. 14Kung anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, iyon ay gagawin ko.
15Kung mahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga kautusan. 16At mananalangin ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Manga-aliw upang siya ay sumainyo magpakailanman, 17na ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya maaaring tanggapin ng mundo dahil hindi siya nakikita nito o nakikilala man. Subalit, kayo, kilala ninyo siya, dahil nanatili siya sa inyo at sasainyo.
18Hindi ko kayo iiwanan nang nag-iisa. Babalik ako sa inyo. 19Sa sandaling panahon, hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita ninyo ako. Sapagkat nabubuhay ako, mabubuhay din kayo. 20Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako ay nasa Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.
21Ang sinuman na mayroon ng aking mga kautusan at isinasagawa ang mga ito; siya ang nagmamahal sa akin; at siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kaniya ang aking sarili." 22Sinabi ni Judas (hindi si Iscariote) kay Jesus, "Panginoon, ano ang nangyayari na inyong ipakikita ang iyong sarili sa amin at hindi sa mundo?"
23Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: "Kung sinuman ang magmamahal sa akin, isasagawa niya ang aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama, at kami ay paparoon sa kaniya at gagawa kami ng aming tirahan kasama niya. 24Ang sinumang hindi nagmamahal sa akin ay hindi isinasagawa ang aking mga salita. Ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin, ngunit sa Ama na nagsugo sa akin.
25Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito, habang ako ay nabubuhay pa kasama ninyo. 26Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo. 27Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
28Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo, "Ako ay aalis, at babalik ako sa inyo'. Kung minahal ninyo ako, nagagalak na sana kayo dahil pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa sa akin. 29Ngayon nasabi ko na sa inyo bago pa ito mangyayari upang kung mangyari man ito, kayo ay maaring maniwala. 30Hindi na ako masyadong magsasalita sa inyo, dahil darating na ang prinsipe ng mundong ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, 31ngunit upang malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, ginagawa ko kung ano ang inuutos ng Ama sa akin, katulad lamang ng pagbigay niya sa akin ng kautusan. Magsitindig na kayo, umalis na tayo sa lugar na ito."

15

1Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga ng ubasan. 2Inaalis niya sa akin ang bawat sanga na hindi nagbubunga, at nililinis niya ang bawat sanga na nagbubunga upang ito ay lalong mamunga ng higit pa.

3Kayo ay malinis na dahil sa mensahe na sinabi ko sa inyo. 4Manatili kayo sa akin at ako sa inyo. Katulad ng sanga na hindi maaring magbunga sa kaniyang sarili, maliban na ito ay nananatili sa puno, kaya hindi rin kayo maaring magbunga, maliban kung kayo ay mananatili sa akin.
5Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang mananatili sa akin at ako sa kaniya, ang tao ring ito ay namumunga ng marami, sapagka't wala kayong magagawa kung kayo ay hiwalay sa akin. 6Ang sinumang hindi nanatili sa akin, tinatapon siya katulad ng sanga at natutuyo; tinitipon ng mga tao ang mga sanga at itinatapon ang mga ito sa apoy, at ang mga ito ay sinusunog. 7Kung kayo ay mananatili sa akin, at kung ang aking mga salita ay mananatili sa inyo, humingi kayo ng anumang nais ninyo, at ito ay gagawin para sa inyo.
8Sa ganito ay naluluwalhati ang aking Ama na kayo ay mamunga ng marami at na kayo ay maging aking mga alagad. 9Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, kayo rin ay minahal ko, manatili kayo sa aking pagmamahal.
10Kung tutuparin ninyo ang aking mga kautusan, mananatili kayo sa aking pagmamahal katulad ng pagtutupad ko sa mga kautusan ng Ama at nanatili sa kaniyang pagmamahal. 11Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang ang aking kagalakan ay sumainyo at upang ang inyong kagalakan ay maging lubos.
12Ito ang akin kautusan, na dapat ninyong mahalin ang isa't isa katulad ng pagmamahal ko sa inyo. 13Walang sinuman ang nagmahal na hihigit pa rito, na kaniyang inaalay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.
14Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang mga bagay na iniuutos ko sa inyo. 15Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod, dahil hindi nalalaman ng lingkod kung ano ang ginagawa ng kaniyang Panginoon. Tinawag ko kayong mga kaibigan dahil ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng mga bagay na narinig ko mula sa aking Ama.
16Hindi kayo ang pumili sa akin ngunit pinili ko kayo at itinalaga kayo na humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Ito ay upang kung anuman ang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ibibigay niya ito sa inyo. 17Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, na magmahalan kayo sa isa't isa.
18Kung kinamumuhian kayo ng mundo, alam ninyo na kinamuhian muna ako nito bago kayo kamuhian nito. 19Kung kayo ay sa mundo, mamahalin kayo ng mundo bilang sa kaniya; ngunit dahil hindi kayo sa mundo, at dahil pinili ko kayo mula sa mundo, sa kadahilanang ito kayo ay kinamumuhian ng mundo.
20Tandaan ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo. 'Ang lingkod ay hindi mas dakila kaysa sa kaniyang panginoon'. Kung inusig nila ako, uusigin din nila kayo; kung sinunod nila ang aking salita, susundin din nila ang sa inyo. 21Gagawin nila ang lahat ng mga bagay na ito sa inyo dahil sa aking pangalan sapagkat hindi nila kilala ang nagsugo sa akin. 22Kung hindi ako dumating at nagsalita sa kanila, hindi sana sila nagkasala; subali't ngayon wala silang maidadahilan para sa kanilang kasalanan.
23Ang namumuhi sa akin ay namumuhi rin sa akin Ama. 24Kung hindi ko sana ginawa sa kanilang kalagitnaan ang mga gawain na hindi pa nagawa ninuman; hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan, ngunit ngayon, pareho na nilang nakita at kinamuhian ako at ang aking Ama. 25Ito ay nangyayari upang ang salita ay matupad na ayon sa nakasulat sa kanilang kautusan: Kinamumuhian nila ako ng walang kadahilanan."
26Kapag darating na ang Manga-aliw na siyang aking isusugo sa inyo mula sa Ama, na ang Espiritu ng katotohanan, na nanggaling mula sa Ama, magpapatotoo siya tungkol sa akin. 27Magpapatotoo rin kayo dahil kasama ko na kayo mula pa sa simula.

16

1Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo matisod. 2Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga; tunay nga na darating ang oras na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang gumagawa siya ng mabuting gawain para sa Diyos.

3Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama o ako. 4Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang kung ang oras ay dumating para ang mga ito ay mangyari, maaari ninyong maalala ang mga ito at kung paano ko sinabi sa inyo ang mga bagay tungkol sa mga ito. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong simula dahil ako ay kasama ninyo.
5Subalit, ngayon ako ay pupunta sa kaniya na nagsugo sa akin, ngunit wala ni isa man sa inyo ang nagtanong sa akin: " Saan ka pupunta?" 6Dahil sa sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng kalungkutan ang inyong puso. 7Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyo na ako ay lumisan; dahil kung hindi ako lilisan; hindi darating sa inyo ang Manga-aliw, subalit kung ako ay lilisan, susuguin ko siya sa inyo.
8Sa kaniyang pagdating, ipahahayag ng Mangaaliw sa mundo tungkol sa kasalanan, tungkol sa katuwiran at tungkol sa paghuhukom-- 9tungkol sa kasalanan, dahil hindi sila naniniwala sa akin, 10tungkol sa katuwiran, dahil ako ay pupunta sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita, 11at tungkol sa paghuhukom, dahil ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan na.
12Maraming mga bagay akong sasabihin sa inyo, subalit hindi ninyo mauunawaan ang mga ito sa ngayon. 13Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating. 14Luluwalhatiin niya ako, dahil kukunin niya ang mga bagay na akin, at ihahayag ang mga ito sa inyo.
15Ang lahat ng anumang bagay na mayroon ang Ama ay akin. Kaya nga sinabi ko na kukunin ng Espritu ang mga bagay na akin at ihahayag ang mga ito sa inyo. 16Sa kaunting panahon na lamang, ako ay hindi na ninyo makikita, pagkatapos muli ng kaunting panahon makikita ninyo ako."
17Ang ilan sa mga alagad ay nagsabi sa isa't -isa, "Ano itong sinasabi niya sa atin, 'Sa kaunting panahon at hindi na ninyo ako makikita,' at muli 'Sa kaunting panahon at makikita ninyo ako' at 'Dahil ako ay pupunta sa Ama?' 18Kaya nga sinabi nila, "Ano nga ito na sinabi niya, 'Sa kaunting panahon?' Hindi natin alam ang sinasabi niya."
19Nakita ni Jesus na sila ay sabik na tanungin siya, at sinabi niya sa kanila, "Tinatanong ba ninyo ang inyong mga sarili tungkol dito, na aking sinabi, 'Sa kaunitng panahon ay hindi na ninyo ako makikita; at matapos ang kaunting panahon, muling makikita ninyo ako?' 20Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kayo ay mananangis at mananaghoy, subalit ang mundo ay magagalak; kayo ay magdadalamhati subalit ang inyong dalamhati ay magiging kagalakan. 21Ang babae ay may dalamhati kapag siya ay nakararamdam ng pananakit ng tiyan dahil ang oras ng kaniyang panganganak ay malapit na; ngunit kapag naipanganak na niya ang bata, hindi na niya naaalala ang sakit dahil sa kaniyang kagalakan na isang sanggol ay naipanganak na sa mundo.
22Kayo rin, may dalamhati kayo ngayon, ngunit makikita ko kayong muli; at ang inyong puso ay magagalak, at walang sinumang makapag-aalis ng kagalakang ito mula sa inyo. 23Sa araw na iyon, hindi kayo magtataong ng kahit anong tanong. Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kung anuman ang hingin ninyo sa Ama, ibibigay niya ito sa inyo sa aking pangalan. 24Hanggang ngayon wala pa kayong hinihinging anuman sa aking pangalan; humingi kayo at kayo ay tatanggap upang ang inyong kagalakan ay maging lubos.
25Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito sa nakakubling wika, ngunit ang oras ay darating, na hindi na ako magsasalita sa inyo sa nakakubling wika, ngunit sa halip sasabihin ko ng malinaw ang tungkol sa Ama.
26Sa araw na iyon kayo ay hihingi sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi na ako ay dadalangin sa Ama para sa inyo; 27dahil ang Ama mismo ay nagmamahal sa inyo, dahil minahal ninyo ako at sapagka't kayo ay naniwala na ako ay nagmula sa Ama. 28Nagmula ako sa Ama, at ako ay dumating sa mundo; muling lilisanin ko ang mundo at ako ay pupunta sa Ama.
29Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, "Tingnan mo, ngayon ay nagsasalita ka sa amin ng malinaw at hindi gumagamit ng matalinghagang pananalita. 30Ngayon alam na namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay at hindi mo kailangan ang sinuman upang ikaw ay tanungin ng mga katanungan. Dahil dito naniniwala kami na ikaw ay nagmula sa Diyos. 31Sinagot sila ni Jesus, "Naniniwala na ba kayo?"
32Tingnan ninyo, ang oras ay paparating, oo at dumating na nga, na kayo ay magkakahiwa-hiwalay, bawa't isa sa kaniyang sariling pag-aari, at iiwanan ninyo akong mag-isa. Subalit ako ay hindi nag-iisa dahil ang Ama ay kasama ko. 33Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Sa mundo, kayo ay mayroong mga kabalisahan, subalit lakasan ninyo ang inyong loob; napagtagumpayan ko na ang mundo.

17

1Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito; pagkatapos, tumingala siya sa langit at sinabi, "Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak-- 2tulad ng pagbigay mo sa kaniya ng kapangyarihan sa lahat ng laman upang siya ay makapagbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng sinumang ibinigay mo sa kaniya.

3Ito ang buhay na walang hanggan: na ikaw ay dapat nilang makilala, ang nag-iisang tunay na Diyos, at ang isinugo mong si Jesu-Cristo. 4Ikaw ay niluwalhati ko sa lupa, pagkatupad ko sa mga gawain na ibinigay mo sa akin para gawin. 5Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako kasama ng iyong sarili sa kaluwalhatian na mayroon ako sa iyo bago pa nalikha ang mundo.
6Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa mundo. Sila ay iyo; at ibinigay mo sila sa akin, at pinanatili nila ang iyong salita. 7Ngayon, alam nila na kahit anumang mga bagay na ibinigay mo sa akin ay nagmula sa iyo, 8dahil ang mga salitang ibinigay mo sa akin -- ibinigay ko ang mga salitang ito sa kanila. Tinanggap nila ang mga ito at totoong nalaman na ako ay nanggaling sa iyo, at naniwala sila na ako ay isinugo mo.
9Nananalangin ako para sa kanila. Hindi ako nananalangin para sa mundo ngunit para sa kanilang mga ibinigay mo sa akin, dahil sila ay sa iyo. 10Ang lahat ng bagay na akin ay sa iyo, at ang mga bagay na sa iyo ay akin; naluwalhati ako sa kanila. 11Ako ay hindi na sa mundo, ngunit ang mga taong ito ay nasa mundo, at ako ay pupunta na sa iyo. Banal na Ama, panatilihin sila sa iyong pangalan na ibinigay mo sa akin upang sila ay maging isa, katulad natin na iisa.
12Habang ako ay kasama nila, pinanatili ko sila sa iyong pangalan na ibinigay mo sa akin; binantayan ko sila, at wala ni isa sa kanila ang napahamak, maliban sa anak ng kapahamakan, upang ang kasulatan ay matupad. 13Ngayon, ako ay pupunta sa iyo; ngunit sinasabi ko ang mga bagay na ito sa mundo upang sila ay magkaroon ng aking kagalakan na ginawang lubos sa kanilang mga sarili. 14Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; ang mundo ay namuhi sa kanila sapagkat hindi sila sa mundo, katulad lamang na ako ay hindi sa mundo.
15Hindi ko ipinapanalangin na dapat mo silang kunin mula sa mundo ngunit sila ay dapat mong pangalagaan mula sa kaniya na masama. 16Sila ay hindi mula sa mundo, tulad ko na hindi mula sa mundo. 17Italaga mo sila sa iyong sarili na nasa katotohanan; ang iyong salita ay katotohanan.
18Isinugo mo ako sa mundo, at isinugo ko sila sa mundo. 19Alang-alang sa kanila itinalaga ko ang aking sarili sa iyo ng sa gayon sila din ay maitalaga sa iyo sa katotohanan.
20Hindi ako nanalangin para lang sa mga ito, ngunit pati na rin sa mga mananampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita 21upang lahat sila ay maging isa, na gaya mo, Ama, ay nasa akin, at ako ay nasa iyo. Ipinapanalangin ko na sila rin ay magig isa sa atin upang ang mundo ay maniwala na isinugo mo ako.
22Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin -- ibinigay ko ito sa kanila, upang sila ay maging isa, tulad natin na iisa -- 23ako sa kanila, at ikaw sa akin, na sila ay maging ganap na iisa; nang malaman ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin, at minahal ko sila, tulad ng pagmamahal mo sa akin.
24Ama, silang mga ibinigay mo sa akin -- nais ko rin na sila ay makasama ko kung nasasaan ako, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: dahil ako ay minahal mo mula noong bago pa lang natatag ang mundo.
25Amang matuwid, hindi ka kilala ng mundo, ngunit ikaw ay kilala ko; at alam ng mga ito na isinugo mo ako. 26Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa kanila, at ipapahayag ko ito upang ang pagmamahal na iyong ibinigay sa akin ay mapasakanila, at ako ay mapasakanila."

18

1Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, lumabas siya kasama ang kaniyang mga alagad sa Lambak ng Cedron, kung saan mayroong isang hardin na kaniyang pinasok, siya at ang kaniyang mga alagad. 2Ngayon si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang lugar, dahil madalas magpunta roon si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad. 3Pagkatapos, si Judas, pagkatanggap sa grupo ng mga sundalo at ang mga opisiyal mula sa mga pinunong mga pari at ng mga Pariseo, dumating roon ng may mga lampara, mga sulo at mga sandata.

4Pagkatapos, si Jesus, na nakaaalam ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa kaniya, ay pumunta sa harapan at tinanong sila, "Sino ang inyong hinahanap?" 5Sumagot sila sa kaniya "Si Jesus ng Nazaret." Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ako iyon." Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya, ay nakatayo rin kasama ng mga sundalo.
6Kaya nang sinabi niya sa kanila, "Ako nga," umatras sila at bumagsak sa lupa. 7Pagkatapos, muli niya silang tinanong, "Sino ang inyong hinahanap?" Muli nilang sinabi, "Si Jesus ng Nazaret."
8Sumagot si Jesus, "Sinabi ko na sa inyo na ako nga siya; kaya kung ako ang inyong hinahanap, hayaan ninyong makaalis ang mga ito." 9Ito ay upang matupad ang salita na kaniyang sinabi: "Sa lahat ng mga ibinigay mo sa akin, wala ni isang nawala."
10Pagkatapos, si Simon Pedro na may isang espada, ay hinugot ito at tinaga ang lingkod ng pinunong pari at tinapyas ang kaniyang kanang tenga. Ngayon, ang pangalan ng lingkod ay Malco. 11Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Ibalik mo ang espada sa lalagyan nito. Ang tasa na ibinigay ng Ama sa akin, hindi ko ba ito dapat iinumin?"
12Kaya dinakip si Jesus ng grupo ng mga sundalo, at ng kapitan, at ng mga opisiyal ng mga Judio at ginapos siya. 13Una siyang dinala nil kay Annas, sapagkat siya ang biyenan ni Caifas na pinunong pari ng taong iyon. 14Ngayon, si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga Judio na naaangkop na isang tao ang dapat mamatay para sa mga tao.
15Sinundan ni Simon Pedro si Jesus, gayun din ang isa pang alagad. Ngayon, ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong pari, at siya ay pumasok kasama ni Jesus sa patyo ng pinakapunong pari; 16ngunit nakatayo si Pedro sa pinto sa labas. Kaya ang isa pang disipulo, na kilala ng pinakapunong pari, ay lumabas at kinausap ang babaeng lingkod na nagbabantay ng pinto, at ipinasok si Pedro.
17Pagkatapos, sinabi ng babaeng lingkod na nagbabantay sa pinto kay Pedro, "Hindi ba isa ka rin sa mga alagad ng lalaking ito?" Sinabi niya, "Hindi." 18Ngayon, ang mga lingkod at ang mga opisiyal ay nakatayo roon; gumawa sila ng apoy gamit ang uling, sapagkat malamig noon, at pinapainitan nila ng kanilang mga sarili. Si Pedro ay kasama rin nilang nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili.
19Tinanong ng pinakapunong pari si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad at kaniyang katuruan. 20Sinagot siya ni Jesus, "Ako ay hayagang nagsasalita sa mundo; palagi akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo kung saan ang lahat ng mga Judio ay nagsasama -sama. Wala akong sinabi na palihim. 21Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakapakinig sa akin tungkol sa aking sinabi. Alam ng mga taong ito ang mga bagay na aking sinabi."
22Nang masabi ito ni Jesus, hinampas si Jesus ng isa sa mga opisiyal na nakatayo sa malapit sa pamamagitn ng kaniyang kamay at sinabi, "Ganiyan ka ba dapat sumagot sa pinakapunong pari?" 23Sinagot siya ni Jesus, "Kung may sinabi akong anumang masama, maging saksi ka sa kasamaan. Gayunman, kung maayos akong sumagot, bakit mo ako hinampas?" 24Pagkatapos nito pinadala ni Annas si Jesus na nakagapos kay Caifas na pinakapunong pari.
25Ngayon si Simon Pedro ay nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili. At sinabi ng mga tao sa kaniya, "Hindi ba isa ka rin sa kaniyang mga alagad? Itinanggi niya ito at sinabi, "Hindi." 26Ang isa sa mga lingkod ng pinakapunong pari, na kamag-anak ng lalaking tinapyas ni Pedro ang tenga, ay nagsabi, "Hindi ba nakita kita sa hardin kasama niya?" 27At itinanggi itong muli ni Pedro, at agad-agad tumilaok ang tandang.
28Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio. Umagang-umaga pa noon at sila mismo ay hindi pumasok sa Pretorio upang hindi sila marumihan at upang sila ay makakain sa Paskwa. 29Kaya lumabas si Pilato sa kanila at sinabing, "Anong paratang ang dala-dala ninyo laban sa lalaking ito?" 30Sumagot sila at sinabi sa kaniya, "Kung ang lalaking ito ay hindi manggagawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa iyo."
31Kaya sinagot sila ni Pilato, "Dalhin ninyo siya, at hatulan siya ayon sa inyong batas." Sinabi ng mga Judio sa kaniya, "Hindi naaayon sa batas para sa amin ang pumatay ng sinumang tao." 32Sinabi nila ito upang matupad ang mga salita ni Jesus, ang salita na kaniyang sinabi na ipinahiwatig kung anong uri ng kamatayan siya mamamatay.
33Pagkatapos, muling pumasok si Pilato sa Pretorio at tinawag si Jesus, sinabi niya sa kaniya, "Ikaw ba ang hari ng mga Judio?" 34Sumagot si Jesus, "Tinatanong mo ba ito ayon sa iyong sariling palagay, o sinabi ng iba sa iyo na itanong ito sa akin? 35Sumagot si Pilato, "Hindi ako Judio, di ba? Ang iyong sariling bayan at ang mga pinunong pari ay dinala ka dito sa akin; ano ba ang iyong ginawa?"
36Sumagot si Jesus, "Ang aking kaharian ay hindi sa mundong ito. Kung ang aking kaharian ay kabahagi ng mundong ito, makikipaglaban ang aking mga lingkod upang hindi ako maibigay sa mga Judio. Sa katunayan, ang aking kaharian ay hindi nagmumula dito." 37Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, "Ikaw nga ba ay isang hari?" Sumagot si Jesus, "Sinabi mo na ako ay hari. Ako ay ipinanganak para sa layuning ito, at para sa layuning ito ako naparito sa mundo upang ako ay magpatotoo sa katotohanan. Lahat ng kabilang sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig."
38Sinabi ni Pilato sa kaniya, "Ano ang katotohanan?" Nang masabi niya ito, lumabas siya muli sa mga Judio at sinabi sa kanila, "Wala akong nakitang krimen sa taong ito. 39Mayroon kayong kaugalian na dapat akong magpalaya ng isang tao sa Paskwa. Kaya gusto ba ninyong pakawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?" 40Sumigaw silang muli at sinabi, "Hindi ang lalaking ito, kundi si Barabas. Ngayon si Barabas ay isang tulisan.

19

1Pagkatapos kinuha ni Pilato si Jesus at nilatigo siya. 2Ang mga sundalo ay pumilipit ng mga tinik upang gumawa ng korona. Inilagay nila ito sa ulo ni Jesus at dinamitan siya ng kulay lilang na kasuotan. 3Lumapit sila sa kaniya at sinabi, "Bigyang parangal, ang Hari ng mga Judio!" At hinampas nila siya ng kanilang mga kamay.

4Pagkatapos ay lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao. "Tingnan ninyo, inilalabas ko ang lalaki sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakitang kasalanan sa kaniya." 5Kaya lumabas si Jesus; suot- suot niya ang koronang mga tinik at kulay lilang na kasuotan. Pagkatapos sinabi ni Pilato sa kanila, "Tingnan ninyo, narito ang lalaki." 6Kaya nga nang makita ng mga pinunong pari at ng mga opisiyal si Jesus, sumigaw sila at sinabin, "Ipako siya! Ipako siya!" Sinabi ni Pilato sa kanila, "Kayo na mismo ang kumuha sa kaniya at ipako siya sapagkat wala akong nakitang krimen sa kaniya."
7Sumagot ang mga Judio kay Pilato, "Mayroon kaming isang batas, at sa pamamagitan ng batas na iyon dapat siyang mamatay dahil ginawa niya ang kaniyang sarili na Anak ng Diyos." 8Nang marinig ni Pilato ang pahayag na ito, mas lalo pa siyang natakot, 9at pumasok siyang muli sa Pretorio at sinabi kay Jesus, "Saan ka nanggaling?" Subalit hindi siya binigyan ng sagot ni Jesus.
10Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, "Hindi ka ba magsasalita sa akin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan ako na palayain ka at kapangyarihan na ipapako ka?" 11Sumagot si Jesus sa kaniya, "Wala kang kapangyarihan laban sa akin maliban kung ito ay ibinigay sa iyo mula sa itaas. Kaya ang taong nagdala sa akin sa iyo ay may mas malaking kasalanan."
12Sa sagot na ito, sinubukan ni Pilato na palayain siya, ngunit ang mga Judio ay sumigaw at sinabi, "Kung papalayain mo ang lalaking ito, ikaw ay hindi kaibigan ni Cesar: Lahat ng tao na ginagawa ang kaniyang sarili na isang hari ay nagsasalita laban kay Cesar." 13Nang marinig ni Pilato ang mga salitang ito, inilabas niya si Jesus at umupo sa upuan ng paghuhukom sa lugar na tinatawag na Ang Entablado, ngunit sa Hebreo ay Gabbatha.
14Ngayon, ito ay ang araw ng paghahanda para sa Paskwa, nang mag-iika-anim na oras. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, "Tingnan ninyo, narito ang inyong hari!" 15Sumigaw sila, "ilayo ninyo siya sa amin, ilayo ninyo siya amin, ipako siya." Sinabi ni Pilato sa kanila, "Dapat ko bang ipako ang inyong Hari?" Sumagot ang mga pinunong pari, "Wala kaming ibang hari kundi si Cesar." 16Pagkatapos, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang maipako.
17Kaya dinala nila si Hesus, at siya ay lumabas, pasan-pasan niya ang krus, tungo sa lugar na kung tawagin ay Ang Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgota. 18Doon nila ipinako si Jesus, kasama niya ang dalawa pang lalaki, isa sa magkabilang tabi, at nasa gitna si Jesus.
19Sumulat rin si Pilato ng karatula at inilagay ito sa krus. Ito ang nakasulat doon: SI JESUS Na TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO. 20Maraming mga Judio ang nakabasa ng karatulang ito dahil ang lugar kung saan ipinako si Jesus ay malapit sa lungsod. Ang karatula ay naisulat sa Hebreo, sa Latin at sa Griyego.
21At sinabi ng mga pinunong pari ng mga Judio kay Pilato, "Huwag mong isulat, 'Ang hari ng mga Judio', sa halip ay ang sinabi niyang, 'Ako ang Hari ng mga Judio.'" 22Sumagot si Pilato, "Ang naisulat ko na ay naisulat ko na."
23Pagkatapos ipako ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kaniyang kasuotan at pinaghatihati ng apat, isang bahagi sa bawat sundalo, at gayon din ang tunika. Ngayon ang tunika ay walang tahi, ito ay hinabi mula sa itaas at sa lahat ng bahagi. 24Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, "Huwag nating punitin ito, sa halip tayo ay magsapalaran para dito upang malaman natin kung kanino ito mapupunta." Nangyari ito upang maganap ang kasulatan na nagsasabi, "Pinaghati-hatian nila ang mga kasuotan ko sa kanilang mga sarili, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran."
25Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena-- ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus. 26Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, "Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak." 27Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, "Tingnan mo, narito ang iyong ina!" Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.
28Pagkatapos nito si Jesus, dahil alam niya na ang lahat ng mga bagay ay tapos na, upang ang kasulatan ay magkatotoo sinabi niya, "Ako ay nauuhaw." 29Isang lalagyan na puno ng maasim na alak ang nailagay doon, kaya naglagay sila ng isang espongha puno ng maasim na alak sa isang tukod ng isopo at iniangat ito sa kaniyang bibig. 30Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, "Naganap na." Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.
31Noon ay Paghahanda, at upang hindi manatili ang katawan sa krus habang Araw ng Pamamahinga, (sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay isang mahalagang araw), hiniling ng mga Judio kay Pilato na ang mga binti ng mga lalaking ipinako ay baliin, at ibaba na ang kanilang mga katawan. 32At pumunta ang mga sundalo at binali ang mga binti ng unang lalaki at ng ikalawang lalaki na napako kasama ni Jesus. 33Nang pumunta sila kay Jesus, nakita nila na siya ay patay na kaya hindi na nila binali ang kaniyang mga binti.
34Gayunpaman, tinusok ng isa sa mga sundalo ang kaniyang tagiliran gamit ang sibat, at agad-agad lumabas ang dugo at tubig. 35Ang nakakita nito ay naging saksi at at ang kaniyang patotoo ay totoo. Alam niya na anuman ang kaniyang sinabi ay totoo upang kayo din ay maniwala.
36Ang mga bagay na ito ay nangyari upang ang kasulatan ay matupad, "Walang mababali ni isa sa kaniyang mga buto." 37Isa pang kasulatan ay nagsabi, "Pagmamasdan nila siya na kanilang ipinako."
38Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na taga Arimatea, dahil siya ay isa sa mga alagad ni Jesus, ngunit sa takot sa mga Judio ay palihim na hiniling kay Pilato kung maaari niyang kunin ang katawan ni Jesus. Binigyan siya ni Pilato ng pahintulot. Kaya pumunta si Jose at kinuha ang kaniyang katawan. 39Pumunta rin si Nicodemo, na siyang unang pumunta kay Jesus ng gabi. Nagdala siya ng pinaghalong mira at sabila, mga isang daang litras ang bigat.
40Kaya kinuha nila ang katawan ni Jesus at binalot ito ng telang lino na may kasamang mga pabango, ayun sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing ng mga katawan. 41Ngayon, sa lugar kung saan siya napako ay may isang hardin; at sa hardin na iyon ay may isang bagong libingan na kung saan ay wala pang tao na naililibing. 42Dahil ito ay araw ng paghahanda para sa mga Judio at dahil sa malapit lang ang libingan, inilagay nila si Jesus doon.

20

1Ngayon madaling araw ng unang araw ng linggo habang madilim pa, nagpunta si Maria Magdalena sa libingan; nakita niya na naigulong ang bato malayo sa libingan. 2Kaya siya ay tumakbo at nagpunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na minamahal ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, "Kinuha nila ang katawan ng Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya dinala."

3Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad at nagpunta sila sa libingan. 4Kapwa silang tumakbong magkasama, naunahan sa pagtakbo ng isa pang alagad si Pedro at naunang dumating sa libingan. 5Yumuko siya at tumingin sa loob; nakita niya ang telang lino na nakalatag doon, ngunit hindi pa siya pumasok sa loob.
6Pagkatapos ay dumating si Simon Pedro kasunod niya at ito ay pumasok sa loob ng libingan. Nakita niya ang mga telang lino na nakalatag doon 7at ang tela na dati ay nasa kaniyang ulo. Hindi ito kasamang nakalatag sa mga damit na lino ngunit ito ay nakabalumbon sa lugar kung saan ito nakalagay.
8At ang isa pang alagad ay pumasok rin, na unang dumating sa libingan; nakita niya at siya ay naniwala. 9Dahil hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin nila alam ang kasulatan na si Jesus ay dapat mabuhay na muli mula sa kamatayan. 10Kaya ang mga alagad ay umalis muli at umuwi sa kanilang mga tahanan.
11Gayunpaman si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na tumatangis; habang siya ay umiiyak, yumuko siya at tumingin sa loob ng libingan. 12Nakita niya ang dalawang anghel na nakaputing kasuotan na nakaupo, isa sa may ulunan, at ang isa sa may paanan, kung saan ang katawan ni Jesus ay inihiga. 13Sinabi nila sa kaniya, "Babae, bakit ka tumatangis?" Sinabi niya sa kanila, " Dahil kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.
14Nang sinabi niya ito, napalingon siya at nakitang nakatayo doon si Jesus, ngunit hindi niya alam na ito ay si Jesus. 15Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Babae, bakit ka tumatangis? "Sino ang hinahanap mo?" Akala niya na siya ang hardinero kaya sinabi niya sa kaniya, "Ginoo, kung kinuha ninyo siya, sabihin ninyo kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko siya."
16Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Maria!" Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, "Rabboni," ibig sabihin "Guro." 17Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama; ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos at inyong Diyos". 18Pumunta si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, "Nakita ko ang Panginoon," at sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniya.
19Kinagabihan ng araw na iyon na unang araw ng linggo, at habang nakasara ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, "Sumainyo ang kapayapaan." 20Nang sinabi niya ito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. At nang makita ng mga alagad ang Panginoon, nagalak sila.
21At muling sinabi sa kanila ni Jesus, "Nawa ang kapayapaan ay sumainyo. Kung paano ako isinugo ng Ama, gayun din ko kayo sinusugo." 22Nang sinabi ito ni Jesus, hiningahan niya sila, at sinabi sa kanila, "Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. 23Kung kanino mang kasalanan ang inyong patatawarin, ang mga ito ay pinatatawad para sa kanila; kung kanino mang mga kasalanan ang inyong pinanatili, ang mga ito ay mananatili."
24Si Tomas, na isa sa Labindalawa, na tinatawag na Didimo, ay hindi nila kasama nang si Jesus ay dumating. Paglaon ay sinabi ng iba pang mga alagad sa kaniya, 25"Nakita namin ang Panginoon." Sinabi niya sa kanila, "Maliban na makita ko ang mga bakas ng mga pako sa kaniyang mga kamay, at mailagay ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako, at mailagay ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako maniniwala."
26Pagkalipas ng walong araw, muling nasa loob ang mga alagad at si Tomas ay kasama nila. Dumating si Jesus habang ang mga pinto ay nakasara, tumayo sa gitna nila at sinabi, "Nawa ang kapayapaan ay sumainyo." 27At sinabi niya kay Tomas, "Iabot mo dito ang iyong daliri at tingnan ang aking mga kamay; iabot mo rito ang iyong mga kamay at ilagay sa aking tagiliran; huwag maging walang pananampalataya ngunit maniwala ka."
28Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya, "Aking Panginoon at aking Diyos." 29Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Dahil nakita mo ako, ikaw ay naniwala". Pinagpala silang mga hindi nakakita ngunit naniwala."
30Ngayon, si Jesus ay gumawa ng maraming mga tanda sa harapan ng mga alagad, mga tandang hindi naisulat sa aklat na ito, 31ngunit naisulat ang mga ito upang kayo ay maniwala na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang habang kayo ay naniniwala, kayo ay magkakaroon ng buhay sa kaniyang pangalan.

21

1Pagkatapos ng mga ito, nagpakita muli si Jesus sa mga alagad sa Dagat ng Tiberias; sa ganito niya pinakita ang kaniyang sarili: 2Si Simon Pedro kasama sila Tomas na tinatawag na Didimus, Nataniel na mula sa Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedee, at iba pang dalawang alagad ni Jesus. 3Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, "Ako ay mangingisda." Sinabi nila sa kaniya, "Kami rin ay sasama sa iyo." Umalis sila at sumakay sa isang bangka, ngunit sa buong gabing iyon ay wala silang nahuli.

4Nang magbubukang liwayway na, tumayo si Jesus sa dalampasigan, ngunit hindi nakikilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. 5At sinabi ni Jesus sa kanila, "Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, "Wala." 6Sinabi niya sa kanila, "Ihagis ninyo ang lambat sa kanang bahagi ng bangka at mayroon kayong mahuhuli." Kaya inihagis nga nila ang kanilang lambat, ngunit hindi na nila ito mahatak dahil sa dami ng mga isda.
7Pagkatapos sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, "Ang Panginoon iyon." Nang marinig ni Simon Pedro na siya ang Panginoon, sinuot niya ang kaniya damit panlabas ( dahil siya ay bahagyang nakahubad), at tumalon sa dagat. 8Ang ibang mga alagad ay sumakay sa bangka (dahil sila ay hindi naman malayo mula sa lupa, humigit kumulang, mga dalawang daang kubit), at kanilang hinihila ang lambat na puno ng isda. 9Nang makaahon sila sa lupa, may nakita sila nagbabagang uling at may isdang nakalagay sa ibabaw nito, at may tinapay.
10Sinabi sa kanila ni Jesus, "Magdala kayo ng ilang mga isda na kahuhuli ninyo pa lamang." 11Umakyat si Simon Pedro at hinatak ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, 153 ang mga ito, kahit napakarami ng mga ito, ang lambat ay hindi napunit.
12Sinabi ni Jesus sa kanila, "Halikayo at mag-almusal." Wala sa mga alagad ang nagtangkang magtanong sa kaniya na, "Sino ka?" Alam nila na siya ang Panginoon. 13Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay, at ibinigay ito sa kanila, ganoon din ang isda. 14Ito ang ikatlong beses na pinakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga alagad pagkatapos niyang bumangon mula sa patay.
15Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, "Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?" Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita." Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pakainin mo ang aking mga tupang bata." 16Sa pangalawang pagkakataon, sinabi niya muli sa kaniya, "Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako? Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Oo, Panginoon, alam mo na mahal kita." Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Alagaan mo ang aking mga tupa".
17Sinabi ni Jesus sa ikatlong pagkakataon, "Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?" Nalungkot si Pedro dahil sinabi sa kanya ni Jesus ng ikatlong beses, "Mahal mo ba ako?" Sinabi niya sa kaniya, "Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay; alam mo na mahal kita." Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Pakainin mo ang aking tupa". 18Tunay nga sinabi ko sa iyo, noong bata ka pa, dinadamitan mo ang iyong sarili at lumalakad ka kahit saan mo gusto; subalit pagtumanda ka na, iuunat mo ang iyong mga kamay, at ibang tao ang magdadamit sa iyo at dadalhin ka sa lugar na ayaw mong puntahan."
19Ngayon sinabi ito ni Jesus upang ipakita kung anong uri ng kamatayan na maluluwalhati ni Pedro ang Diyos. Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi niya kay Pedro, "Sumunod ka sa akin."
20Lumingon si Pedro at nakita ang alagad na minamahal ni Jesus na sumusunod sa kanila - na siya ring sumandal sa dibdib ni Jesus sa hapunan at nagsabi, "Panginoon, sino ang magkakanulo sa iyo? 21Nakita siya ni Pedro at sinabi kay Jesus, "Panginoon, ano ang gagawin ng lalaking ito?"
22Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Kung nais kong maghintay siya hangang sa aking pagbalik, ano iyon sa iyo? Sumunod ka sa akin." 23Kaya itong pahayag na ito ay kumalat sa mga kapatiran, na yung alagad na iyon ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Jesus kay Pedro na ang alagad na ito ay hindi mamamatay, ngunit, "Kung nais ko na dapat siyang maghintay hanggang sa aking pagbalik, ano iyon sa iyo?"
24Ito ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito, at siya ang sumulat ng mga bagay na ito, at alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo. 25Marami pa ring ibang mga bagay ang ginawa ni Jesus. Kung ang bawat isa ay naisulat, sa palagay ko kahit ang mundo mismo ay hindi mapagkakasya ang mga aklat na maisusulat.

Mga gawa

1

1Teofilo, nabanggit sa unang aklat na aking isinulat ang lahat ng mga gawain na sinimulan at itinuro ni Jesus. 2Hanggang sa araw na siya ay tinanggap sa itaas. Ito ay matapos siyang bigyan ng utos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu para sa mga Apostol na kaniyang pinili. 3Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, iniharap niyang buhay ang kaniyang sarili sa kanila kasama ang marami pang mga kapani-paniwalang katibayan. Sa loob ng apatnapung araw, nagpakita siya sa kanila at nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.

4Noong nakikipagkita pa siya sa kanila, iniutos niya sa kanila na huwag umalis ng Jerusalem, kundi maghintay sa pangako ng Ama na kung saan sinabi niya "Narinig ninyo mula sa akin 5na tunay na nagbautismo si Juan gamit ang tubig, ngunit kayo ay mababautismuhan sa Banal na Espiritu sa mga susunod na araw.''
6Nang sama-sama silang nagkatipon tinanong nila siya, ''Panginoon, ito na ba ang oras na ibabalik mo ang kaharian sa Israel?'' 7Sinabi niya sa kanila, ''Hindi na para malaman ninyo ang mga oras o ang mga panahon na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan. 8Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''
9Nang sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, habang nakatingala sila, siya ay itinaas, at itinago siya ng ulap mula sa kanilang mga mata. 10Habang nakatitig sila sa langit nang siya ay paalis, bigla na lamang may dalawang lalaking nakatayo sa tabi nila na nakasuot ng puti. 11Sinabi nila, "Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo dito na nakatingin sa langit? Itong Jesus na umakyat sa langit ay babalik rin sa paraang katulad ng nakita ninyo na pagpunta niya sa langit."
12At bumalik sila sa Jerusalem mula sa Bundok ng Olibo, na malapit sa Jerusalem, isang Araw ng Pamamahinga na paglalakbay. 13Pagkarating nila, umakyat sila sa silid na nasa itaas, kung saan sila nananatili. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Filipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na Makabayan at si Judas na anak ni Santiago. 14Sama-sama silang nagkakaisa habang patuloy silang masigasig na nananalangin. Kasama rito ang mga kababaihang sina Maria na ina ni Jesus at ang kaniyang mga kapatid.
15Sa mga araw na iyon, tumayo si Pedro sa kalagitnaan ng mga kapatid, na halos 120 katao at sinabi, 16"Mga kapatid, kinailangan na ang kasulatan ay matupad, na ang Banal na Espiritu ay magsalita sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang gumabay sa mga dumakip kay Jesus.
17Sapagkat nakasama natin siya at tinanggap ang kaniyang bahagi ng kapakinabangan sa ministeryong ito." 18(Ngayon bumili ang taong ito ng bukid mula sa kaniyang natanggap kita dahil sa kaniyang kasamaan, at doon ay nahulog siya na nauna ang ulo, ang kanyang katawan ay sumambulat, at lahat ng kanyang bituka ay sumabog. 19Narinig ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem ang tungkol dito, kaya tinawag nila ang bukid na iyon na "Akeldama," na ang ibig sabihin sa kanilang salita ay, "Bukid ng Dugo".)
20"Sapagkat nasusulat sa Aklat ng Mga Awit, 'Hayaan ninyong walang manirahan sa kaniyang bukirin, at huwag ninyong hayaan ang kahit na isang tao na manirahan doon'; at 'Hayaang may isang tao na kumuha sa kanyang posisyon ng pamumuno.'
21Ito ay kinakailangan, samakatuwid, na isa sa mga kalalakihang nakasama natin sa lahat ng oras nang ang Panginoong Jesus ay kasa-kasama pa natin, 22simula sa pagbautismo ni Juan hanggang sa araw na kunin siya sa atin, dapat ay isa siyang saksing kasama natin sa kaniyang muling pagkabuhay." 23Naglapit sila sa harapan ng dalawang kalalakihan, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinangalanan ring Justo, at si Matias.
24Nanalangin sila at sinabi, "Ikaw, Panginoon, ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao, kaya ipahayag mo kung sino sa dalawang ito ang iyong pinili 25upang pumalit sa gawaing ito at sa pagka-apostol mula nang si Judas ay lumabag upang magtungo sa kaniyang sariling lugar.'' 26Sila ay nagpalabunutan para sa kanila; at napunta kay Matias ang palabunutan at siya ang ibinilang na kasama ng labing-isang apostol.

2

1Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar. 2Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo. 3Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila. 4Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.

5Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit. 6Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika. 7Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, "Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
8Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan? 9Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya, 10sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma, 11Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos."
12Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, "Ano ang ibig sabihin nito?" 13Ngunit nangutya ang iba at sinabi, "Lasing na lasing sila ng bagong alak."
14Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, "Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. 15Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
16Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel: 17'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
18Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag. 19Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok.
20Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon. 21Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
22Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman- 23dahil sa nakatakdang plano at kaalaman ng Diyos mula sa simula pa siya ay isinuko ninyo sa mga kamay ng taong lumalabag sa batas, ipinako siya sa krus at pinatay; 24binuhay ng Diyos, inalis ang mga sakit at kamatayan sa kaniya, sapagakat hindi siya maaaring pigilan nito.
25Sapagkat sinasabi ni David tungkol sa kaniya, 'Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan, sapagkat siya ay nasa aking kanang kamay upang hindi ako matinag. 26Samakatuwid, natuwa ang aking puso at nagalak ang aking dila. Maging ang aking laman ay mamumuhay nang may pananalig.
27Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok. 28Ipinahayag mo sa akin ang mga daan ng buhay; pupunuin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.'
29Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon. 30Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono. 31Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.'
32Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat. 33Kaya naman pinarangalan siya sa kanang kamay ng Diyos at tinanggap ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34Sapagkat si David ay hindi pumaitaas sa langit, ngunit sinabi niya, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, "Umupo ka sa aking kanang kamay, 35hanggang sa gawin kong maging tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway." 36Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus."
37Nang marinig nila ito, nadurog ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, "Mga kapatid, ano ba ang dapat naming gawin?" 38At sinabi ni Pedro sa kanila, "Magsisi at magpabautismo, ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan, at inyong tatanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu. 39Sapagkat sa inyo ang pangako at sa inyong mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo, at sa mga tao na tatawagin ng ating Panginoong Diyos."
40Pinatotohanan at hinimok niya sila sa pamamagitan ng maraming mga salita; sinabi niya," Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga masasamang salin-lahing ito. 41Pagkatapos tinanggap nila ang kaniyang salita at nabautismuhan, at ng araw na iyon may mga naidagdag na aabot sa tatlong libong mga kaluluwa. 42Nagpatuloy sila sa mga katuruan ng mga apostol at pagsasama-sama, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa pananalangin.
43Dumating ang takot sa bawat kaluluwa, at maraming mga kamangha- manghang bagay at mga tanda ang nagawa ng mga apostol. 44Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian, 45at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa.
46Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso. 47Nagpupuri sila sa Diyos at kinalugdan sila ng lahat ng mga tao. Dinagdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.

3

1Ngayon papunta sina Pedro at Juan sa templo sa oras ng pananalangin, alas tres ng hapon. 2May isang lalaking pilay mula pa nang isinilang ang dinadala doon araw-araw at ipinapahiga sa harapan ng templo na tinawag na Pintuang Maganda, upang mamalimos sa mga taong pumupunta sa templo. 3Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos.

4Tinitigan siya ni Pedro, kasama si Juan na nagsabi, "Tumingin ka sa amin." 5Tumingin sa kanila ang lalaking pilay, na umaasang makatatangap ng anuman mula sa kanila.6Ngunit sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak at ginto, ngunit ibibigay ko sa iyo kung ano ang mayroon ako. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka."
7Hinawakan siya ni Pedro sa kanang kamay, at itinayo: kaagad na lumakas ang kaniyang mga paa at ang mga buto sa kaniyang bukung-bukong. 8Paluksong tumayo ang lalaki at nagsimulang maglakad, pumasok siya na kasama sina Pedro at Juan sa templo, lumalakad, lumulundag, at nagpupuri sa Diyos.
9Nakita siya ng lahat ng mga tao na naglalakad at nagpupuri sa Diyos. 10Nakilala nila na ito ang lalaking nakaupo at tumatanggap ng limos sa may Magandang Pintuan ng templo, at labis silang nagtaka at namangha dahil sa nangyari sa kaniya.
11Habang nakahawak siya kina Pedro at Juan, tumakbong magkakasama papunta sa kanila ang lahat ng mga tao sa tinatawag na portiko ni Solomon, na labis na nagtataka. 12Nang makita ito ni Pedro, sumagot siya sa mga tao, "Kayong mga Israelita, bakit kayo nagtataka? Bakit kayo nakatitig sa amin, na parang kami ang nakapagpalakad sa kaniya sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan o pagiging makadiyos?
13Ang Diyos ni Abraham, Isaac, at ni Jacob. Ang Diyos ng ating mga ninuno ay niluwalhati ang kaniyang lingkod na si Jesus. Siya na inyong dinala at itinakwil sa harapan ni Pilato, nang ipinasya niyang palayain siya. 14Inyong itinakwil Ang Banal at Ang Matuwid, at sa halip hiniling ninyo na mapalaya ang isang mamamatay tao para sa inyo.
15Pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay -at kami ang mga saksi ng mga ito. 16Ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan, pinalakas ang lalaking ito na inyong nakita at nakikilala. Ang pananampalataya sa pamamagitan ni Jesus ang nagbigay sa kaniya ng lubos na kagalingan, sa harapan ninyong lahat.
17Ngayon, mga kapatid, alam ko na gumawa kayo ng kamangmangan, kagaya ng ginawa ng inyong mga pinuno. 18Ngunit ang mga bagay na siyang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na kinakailangang maghirap ang kaniyang Cristo ay tinupad niya na ngayon.
19Kaya nga magsisi kayo at magbalik loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, nang sa gayon mayroong dumating na panahon ng pagpapanibagong-lakas sa presensya ng Panginoon; 20at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo.
21Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta. 22Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo. 23Mangyayari na ang lahat ng tao na hindi makikinig sa propetang ito ay tiyak na malilipol mula sa mga tao.'
24Oo, at lahat ng mga propeta na mula kay Samuel at mga sumunod pagkatapos niya, nagsalita sila at nagpahayag sa mga araw na ito. 25Kayo ang mga anak ng mga propeta at ng kasunduan na ginawa ng Diyos kasama ng inyong mga ninuno, katulad ng sinabi niya kay Abraham, 'Sa iyong binhi pagpapalain ko ang lahat ng mga sambahayan sa buong mundo.' 26Pagkatapos itaas ng Diyos ang kaniyang lingkod, isinugo siyang una sa inyo upang pagpalain kayo sa pamamagitan ng pagtalikod ng bawat isa mula sa inyong mga kasamaan."

4

1Habang nakikipag-usap sina Pedro at Juan sa mga tao, lumapit sa kanila ang mga pari at ang kapitan ng templo at maging ang mga Saduseo. 2Nabalisa sila ng labis dahil nagtuturo sa mga tao sina Pedro at Juan tungkol kay Jesus at ipinapahayag ang kaniyang muling pagkabuhay mula sa mga patay. 3Sila ay dinakip nila at inilagay sa kulungan hanggang sa kinabukasan, sapagkat gabi na noon. 4Ngunit marami sa mga tao na nakarinig sa mensahe ang nanampalataya; at ang bilang ng mga lalaking nanampalataya ay nasa limanglibo.

5nang sumunod na araw, ang kanilang mga tagapamuno, mga nakatatanda, at mga eskriba ay nagtipon-tipon sa Jerusalem. 6Naroon si Anas, ang pinakapunong pari, at si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at lahat ng mga kamag-anak ng pinakapunong pari. 7Nang mailagay nila sina Pedro at Juan sa kanilang kalagitnaan, tinanong nila sila, "Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan, nagagawa ninyo ito?"
8At si Pedro, na napuspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi, "Kayong mga pinuno ng mga tao at mga nakatatanda, 9kung sinisiyasat kami sa araw na ito tungkol sa kabutihang ginawa sa isang lalaking may karamdaman- sa anong paraan napagaling ang lalaking ito? 10Malaman nawa ninyong lahat, at ng lahat ng mga taga-Israel, na sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na muling binuhay ng Diyos mula sa mga patay- sa pamamagitan niya kaya ang lalaking ito ay nakatayo na malusog sa inyong harapan.
11Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan. 12Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas."
13Nang makita nila ang katapangan ni Pedro at Juan, at nabatid nila na sila ay pangkaraniwan lang, mga taong walang pinag-aralan, nagulat sila, at nalaman nilang sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus. 14Dahil nakita nila ang lalaking gumaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabi laban dito.
15Ngunit pagkatapos nilang utusan ang mga apostol na iwan ang pagpupulong ng konseho, nag-usap-usap sila. 16Sinabi nila, "Ano ang gagawin natin sa mga lalaking ito?" Dahil ang katotohanan na may kakaibang himalang nagawa sa pamamagitan nila ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maipagkakaila. 17Ngunit upang hindi ito kumalat pa sa mga tao, bigyan natin sila ng babala na huwag magsasalita kaninuman sa pangalang ito." 18Tinawag nila sina Pedro at Juan na pumasok at inutusan sila na huwag magsasalita o magtuturo kailan man sa pangalan ni Jesus.
19Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, "Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol. 20Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig."
21Pagkatapos muling balaan sina Pedro at Juan, pinayagan na nila silang umalis. Hindi sila makahanap ng anumang dahilan upang sila ay parusahan, sapagka't ang lahat ng mga tao ay nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari. 22Ang lalaking nakaranas ng himalang ito ng kagalingan ay higit na apatnapung taong gulang.
23Pagkatapos nilang mapalaya, pumunta sina Pedro at Juan sa kanilang mga kasamahan at ibinalita ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga punong pari at mga nakatatanda. 24Nang marinig nila ito, sama-sama nilang nilakasan ang kanilang mga boses sa Diyos at sinabi, "Panginoon, ikaw na siyang may gawa ng langit at lupa, at ng dagat, at ng lahat ng naroon, 25ikaw na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David na iyong lingkod, ay nagsabi, 'Bakit nagngangalit ang mga bansang Gentil at ang mga tao ay nag-iisip ng mga walang kabuluhang bagay?
26Naghanda ang mga hari sa mundo, at sama-samang nagtipon ang mga tagapamuno laban sa Panginoon, at laban kay Cristo.
27Totoong kapwa sina Herod at Poncio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang mga Israelita ay nagtipon-tipon sa lungsod na ito laban sa inyong banal na lingkod na si Jesus, na inyong pinili. 28Nagtipon-tipon sila upang isagawa ang lahat na napagpasyahan ng inyong kamay at ng inyong kagustuhan na mangyari noon pang una.
29Ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga babala at ipagkaloob mo sa iyong mga lingkod na maipahayag ang iyong salita na may katapangan. 30Sa gayon habang iniuunat mo ang iyong kamay para magpagaling, ang mga palatandaan at himala ay mangyayari sa pamamagitan ng pangalan ng iyong banal na lingkod na si Jesus." 31Nang matapos silang manalangin, ang lugar kung saan sila nagtipon-tipon ay nayanig, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu, at ipinahayag nila ng may katapangan ang salita ng Diyos.
32May iisang puso at kaluluwa ang maraming bilang ng mga nanampalataya: at wala ni isa man sa kanila ang nagsabi na anuman ang mayroon siya ay tunay na kaniya; sa halip, para sa kanilang lahat ang lahat ng bagay. 33Ipinapahayag ng mga apostol ang kanilang patotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ng may dakilang kapangyarihan, at labis na biyaya ay napa-sa kanilang lahat.
34Wala ni isa man sa kanila ang kinukulang sa anumang bagay, dahil ang lahat ng mga nag mamay-ari ng titulo ng mga lupa o mga bahay ay ibinenta ang mga ito at dinala ang pera ng mga napagbentahan 35at inilagay sa paanan ng mga apostol. At nangyari ang mga pagbaha-bahagi sa bawat mananampalataya, ayon sa kani-kanilang pangangailangan.
36Si Jose, na Levita, isang lalaking taga-Cyprus, ay binigyan ng pangalan ng mga apostol na Barnabas (na ang ibig sabihin ay anak ng pagpapalakas-loob). 37Dahil mayroon siyang bukid, ibinenta niya ito at dinala ang pera at inilagay ito sa paanan ng mga apostol.

5

1Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian, 2at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol.

3Ngunit sinabi ni Pedro, ''Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu upang itago ang bahagi ng napagbilhan ng iyong lupa? 4Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos." 5Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito. 6Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing.
7Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari. 8Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga." Sinabi niya, "Oo, sa ganoong halaga."
9Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, "Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas." 10Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa. 11Matinding takot ang dumating sa buong iglesiya, at sa lahat ng mga nakarinig nang bagay na ito.
12Maraming mga tanda at mga kababalaghan ang naipamalita sa mga tao sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol. Nagkakatipon silang lagi sa portiko ni Solomon. 13Ngunit walang sinuman ang may lakas ng loob na sumali sa kanila; gayunpaman, sila ay patuloy na pinahalagahan ng mga tao.
14Marami pang mga mananampalataya ang naidagdag sa Panginoon, maraming mga lalaki at mga babae, 15kaya dinadala nila maging ang mga may sakit sa daanan at ipinapahiga sa mga higaan at sa hiligan, upang sa pagdating ni Pedro baka sakaling tumama sa ilan sa kanila ang kaniyang anino. 16Mayroon ding maraming bilang ng mga tao ang dumating mula sa mga bayan sa palibot ng Jerusalem, dinadala ang mga may sakit at mga pinapahirapan ng maruming mga espiritu, at silang lahat ay gumaling.
17Ngunit tumayo ang pinakapunong pari, at ang lahat ng kaniyang mga kasama (na sekta ng mga Saduceo) at sila ay napuno ng inggit 18at dinakip nila ang mga apostol, at inilagay sila sa pampublikong bilangguan.
19Ngunit kinagabihan binuksan ng anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at ginabayan sila palabas, at sinabi, 20"Pumunta kayo sa templo tumayo at magsalita sa mga tao lahat ng mga salita ng Buhay na ito." 21Nang marinig nila ito, pumasok sila sa templo ng magbubukang-liwayway at nagturo. Ngunit dumating ang pinaka punongpari, at lahat ng kasama niya, at tinawag ang buong konseho, lahat ng mga matatanda ng Israel, at pinapunta sila sa bilangguan upang kunin ang mga apostol.
22Ngunit hindi sila nakita sa bilangguan ng mga pumuntang opisyal, at bumalik sila at ibinalita, 23"Natagpuan namin na maingat na nakasarado ang bilangguan at ang mga bantay ay nakatayo sa pintuan, ngunit nang aming buksan ay wala kaming nakita."
24Ngayon nang narining ng kapitan ng templo at ng mga punong pari ang mga salitang ito, sila ay labis na naguluhan ukol sa kanila ayon sa kung ano ang kalalabasan nito. 25Pagkatapos may isang dumating at sinabi sa kanila, ''Ang mga lalaki na inyong inilagay sa bilangguan ay nakatayo sa templo at nagtuturo sa mga tao.''
26Kaya't nagtungo ang kapitan kasama ang mga opisyal, ibinalik sila, ngunit walang karahasan, dahil natakot sila na baka batuhin sila ng mga tao. 27Nang dalhin nila sila, iniharap sila sa konseho. Nagtanong ang pinaka-punong pari sa kanila, 28nagsasabing, ''Hindi ba't mahigpit namin kayong pinangbilinan na huwag magturo sa pangalang ito, gayon pa man, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong katuruan, at ninais ninyong dalhin sa amin ang dugo ng taong ito."
29Ngunit sumagot si Pedro at ang mga apostol, "Kinakailangang sundin namin ang Diyos ng higit kaysa sa mga tao. 30Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno. 31Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan. 32Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya."
33Nang marinig ito ng mga kasapi ng konseho, galit na galit sila at ninais na patayin ang mga apostol. 34Ngunit ang isang Pariseo na nagngangalang Gamaliel na isang tagapagturo ng kautusan at iginagalang ng lahat ng tao, ay tumayo at iniutos na sandaling ilabas ang mga apostol.
35At sinabi niya sa kanila, ''Mga tao ng Israel pagtuunan ninyong mabuti ng pansin ang panukala na inyong ginagawa sa mga taong ito. 36Hindi pa nagtatagal ng lumitaw si Teudas na inaangking siya ay kilalang tao, at maraming tao, mga apat na raan ang sumali sa kaniya. Pinatay siya, at lahat ng sumusunod sa kaniya ay nagkalat at walang nangyari. 37Pagkatapos ng lalaking ito, lumitaw si Judas ng Galilea sa mga araw ng pagpapatala at nakahikayat siya ng ilang tao na susunod sa kaniya. Nasawi rin siya, at kumalat lahat ng sumusunod sa kaniya.
38Ngayon sinasabi ko sa inyo, ''Lumayo kayo sa mga taong ito at hayaan sila, dahil kung sa tao ang plano o gawaing ito ito ay babagsak. 39Ngunit kung ito ay sa Diyos hindi ninyo sila maaring pabagsakin; lalabas pang kayo ay lumalaban sa Diyos.'' Kaya nahikayat sila.
40Pagkatapos pinapasok nila ang mga apostol at sila ay binugbog at inutusang huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus at hinayaan silang umalis. 41Iniwan nila ang konseho na nagagalak na sila ay napabilang na karapat-dapat na makaranas ng kasiraang-puri para sa kaniyang Pangalan. 42Pagkatapos noon araw-araw sa templo at sa bawat bahay, sila ay patuloy na nagtuturo at ipinapangaral si Jesus bilang Cristo.

6

1Ngayon sa mga araw na ito, nang ang bilang ng mga alagad ay dumarami, nagsimula ang reklamo mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo, sa dahilan na ang kanilang mga babaing balo ay napapabayaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain.

2Tinawag ng labing dalawang apostol ang marami sa kanilang mga alagad at sinabi, ''Hindi nararapat para sa amin na pabayaan ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag. 3Mga kapatid, nararapat na pumili kayo ng pitong mga lalaki na mula sa inyo, mga lalaking may mabubuting pagkatao, puspos ng Espiritu at karunungan, na maaari naming ilagay sa trabahong ito. 4Ngunit kami ay palaging magpapatuloy sa pananalangin at sa ministeryo ng salita."
5Nalugod ang lahat ng maraming tao sa kanilang pananalita, kaya pinili nila si Esteban ang lalaking puno ng pananampalataya at ng banal na Espiritu, at si Felipe, si Procorus, si Nicanor, si Timon, si Parmenas, at Nicolas, ang nahikayat na magbago ng paniniwala mula sa Antioquia. 6Dinala ng mga mananampalataya ang mga kalalakihang ito sa harap ng mga apostol, ang mga nanalangin at nagpatong ng kamay sa kanila.
7Kaya't lumaganap ang salita ng Diyos, at lubhang dumami ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem; at naging masunurin sa pananampalataya ang malaking bilang ng mga pari.
8Ngayon si Esteban, na puspos ng biyaya at kapangyarihan, ay gumagawa ng mga kamanghamanghang bagay at mga palatandaan sa gitna ng mga tao. 9Ngunit may ilang mga tao na kabilang sa sinagoga na tinawag na ang sinagoga ng mga Taong Pinalaya, ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ilang mga taga Cilicia, at taga Asya. Nakikipagtalo ang mga taong ito kay Esteban.
10Ngunit hindi nila kayang sumagot laban sa karunungan at sa Espiritu kung paano nagsalita si Esteban. 11Pagkatapos palihim nilang hinikayat ang ilang mga lalaki upang sabihin, ''Narinig naming nagsalita si Esteban ng mga salitang paglapastangan laban kay Moises at laban sa Diyos.''
12Inudyukan nila ang mga tao, ang mga matatanda, at ang mga eskriba, at hinarap nila si Esteban, sinunggaban siya, at dinala sa konseho. 13Nagdala sila ng mga bulaang saksi, na nagsabi, "Hindi tumitigil ang lalaking ito sa pagbigkas sa mga salitang laban sa banal na dakong ito at sa kautusan. 14Sapagkat narinig namin siya na nagsasabing sisirain ni Jesus ng Nazaret ang lugar na ito at papalitan ang kaugalian na ipinasa sa atin ni Moises.'' 15Ang lahat ng nakaupo sa konseho ay nakatutok ang kanilang mga mata sa kaniya at nakita nilang ang kaniyang mukha ay katulad ng sa mukha ng anghel.

7

1Sinabi ng pinaka-punong pari, "Totoo ba ang mga bagay na ito?'' 2Sinabi ni Esteban, ''Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa akin: Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ama na si Abraham noong siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran; 3sinabi niya sa kaniya, 'Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.'

4Pagkatapos iniwan niya ang lugar ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran; mula doon, matapos mamatay ang kaniyang ama, dinala siya ng Diyos sa lupain na ito, kung saan kayo naninirahan ngayon. 5Wala siyang ibinigay na anuman dito bilang pamana sa kaniya, wala, kahit na sapat man lang na paglagyan ng paa. Ngunit siya ay nangako—kahit na wala pang Anak si Abraham—na kaniyang ibibigay ang lupain bilang pag-aari para sa kaniya at sa kaniyang magiging kaapu-apuhan na susunod sa kaniya.
6Nakikipag-usap sa kaniya ang Diyos ng katulad nito, na ang kaniyang kaapu-apuhan ay panandaliang maninirahan sa ibang lupain, at dadalhin sila ng mga naninirahan doon sa pagkaalipin at pakikitunguhan sila ng masama ng apatnaraang taon. 7At hahatulan ko ang bansa kung saan sila ay magiging alipin,' sabi ng Diyos, 'at pagkatapos lalabas sila at sasambahin ako sa lugar na ito.' 8At ibinigay niya kay Abraham ang tipan ng pagtututli. Kaya si Abraham ang naging ama ni Isaac at tinuli siya sa ikawalong araw; Si isaac ang naging ama ni Jacob, at si Jacob ang naging ama ng labindalawang patriyarka.
9Nainggit kay Jose ang mga patriyarka kaya ibenenta nila siya sa Egipto, at Sinamahan siya ng Diyos, 10at iniligtas siya mula sa lahat ng kaniyang mga pagdurusa, at pinagpala siya ng Diyos ng karunungan sa harap ni Faraon, na hari ng Egipto. Pagkatapos ginawa siya ng Faraon na gobernador ng Egipto at ng kaniyang buong sambahayan.
11Ngayon ay nagkaroon ng taggutom sa buong lupain ng Egipto at Canaan, at labis na pagdurusa: at walang natagpuang pagkain ang ating mga ninuno. 12Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na mayroong butil sa Egipto, ipinadala niya ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon. 13Sa ikalawang pagkakataon, ipinakita ni Jose ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kapatid; at ang sambahayan ni Jose ay nakilala ng Faraon.
14Pinabalik ni Jose ang kaniyang mga kapatid upang sabihin kay Jacob na kaniyang ama na magtungo sa Egipto, kasama lahat ng kanilang kamag-anak at pitumpu't limang tao silang lahat. 15Kaya bumaba si Jacob sa Egipto; pagkatapos namatay siya, pati na rin ang ating mga ninuno. 16Sila ay dinala sa Siquem at inihimlay sa libingan na binili ni Abraham sa halaga ng pilak mula sa mga anak ni Hamor na taga Siquem.
17Habang papalapit ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, ang mga tao ay lumago at dumami sa Egipto, 18hanggang sa may tumayo na ibang hari sa buong Egipto, isang hari na hindi alam ang tungkol kay Jose. 19Siya din ang hari na nanlinlang sa ating mga kababayan at nagmalupit ng labis sa ating mga ninuno, na kinailangan nilang itapon ang kanilang mga sanggol upang makaligtas.
20Isinilang si Moises ng panahong iyon; siya ay napakaganda sa harapan ng Diyos at inalagaan ng tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama. 21Nang siya ay itinapon, kinuha siya ng anak na babae ng Paraon at pinalaki siya na kagaya ng kaniyang sariling anak.
22Naturunan si Moises sa lahat ng kaalaman ng mga taga Egipto, at naging makapangyarihan siya sa kaniyang mga salita at mga gawa. 23Ngunit nang siya ay nasa apatnapung taon na, pumasok sa kaniyang puso na bisitahin ang kaniyang mga kapatid, ang mga anak ni Israel. 24Nang makakita siya ng Israelita na inaapi, ipinagtanggol siya ni Moises at pinaghiganti sa pamamagitan ng paghampas sa Egipcio: 25Inakala niya na maiintindihan siya ng kaniyang mga kapatid na inililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ngunit hindi nila naintindihan.
26Nang sumunod na araw pumunta siya sa ilang mga Israelita habang sila ay nag-aaway; sinubukan niyang pagkasunduin sila; sinabi niya, 'Mga Ginoo, kayo ay magkapatid; bakit kayo nag-aaway?' 27Ngunit itinulak siya ng lalaking nanakit sa kaniyang kapatid at sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo upang mamuno at humatol sa amin? 28Nais mo ba akong patayin katulad ng pagpatay mo sa Egipcio kahapon?'
29Tumakas si Moises matapos na marinig ito, naging dayuhan siya sa lupain ng Madian, kung saan siya ay naging ama ng dalawang anak na lalaki. 30Nang makalipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kaniya ang anghel sa ilang ng bundok Sinai, sa ningas ng apoy na nasa mababang punongkahoy.
31Nang makita ni Moises ang apoy, namangha siya sa kaniyang nakita; at habang siya ay papalapit upang tingnan ito, doon ay dumating ang tinig ng Panginoon, na nagsasabing, 32'Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.' Nanginig si Moises at hindi naglakas loob na tumingin.
33Sinabi ng Panginoon sa kaniya, 'Alisin mo ang iyong sandalyas, sapagkat ang lugar na iyong kinatatayuan ay banal na dako. 34Nakita kong tiyak ang pagdurusa ng aking mga tao na nasa Egipto; Aking narinig ang kanilang pagdaing, at bumaba ako upang sila ay iligtas, at ngayon halika, isusugo kita sa Egipto.'
35Itong Moises na kanilang tinanggihan, nang kanilang sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol?'—siya ang sinugo sa atin ng Diyos upang maging tagapamuno at tagapagligtas. Sinugo siya ng Diyos sa pamamagitan ng kamay ng anghel na nagpakita kay Moises sa mababang puno. 36Ginabayan sila ni Moises palabas ng Egipto, pagkatapos gumawa ng mga himala at tanda sa Egipto at sa dagat na pula at sa ilang sa loob ng apatnapung taon. 37Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga tao ng Israel, 'Maghihirang ang Diyos ng isang propeta para sa inyo mula sa inyong mga kapatid, isang propeta na katulad ko.'
38Ito ang lalaki na nasa kapulungan sa ilang kasama ang anghel na nangusap sa kaniya sa Bundok Sinai. Ito ang lalaking nakasama ng ating mga ninuno; ito ang lalaki na siyang tumanggap ng mga buhay na salita upang ibigay sa atin. 39Ito ang lalaking tinanggihang sundin ng ating mga ninuno; siya ay itinulak nila palayo mula sa kanilang sarili, at sa kanilang mga puso sila ay bumalik sa Egipto. 40Sa mga panahong iyon sinabi nila kay Aaron, 'Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Sapagkat itong Moises na nanguna sa amin palabas ng Egipto ay hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
41Kaya nang mga araw na iyon sila ay gumawa ng guya at nagdala sila ng mga handog sa mga diyus-diyosan, at nagalak dahil sa ginawa ng kanilang mga kamay. 42Ngunit ang Diyos ay tumalikod at isinuko sila upang sumamba sa mga bituin sa langit, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, 'Nag-alay ba kayo sa akin ng patay na hayop at ng mga handog sa ilang sa loob ng apatnapung taon, sambahayan ng Israel?
43Tinanggap ninyo ang tabernakulo ni Molec at ang bituin ng diyos na si Rephan, at ang mga imahe na inyong ginawa upang sila ay sambahin. At dadalhin ko kayo palayo sa Babilonia.'
44Ang ating mga ninuno ay mayroong tabernakulo ng patotoo sa ilang, tulad ng iniutos ng Diyos noong siya ay nagsalita kay Moises, na kailangan niyang gawin ito na kagaya ng anyo na nakita niya. 45Ito ay ang tolda ng ating mga ninuno, nang sila ay tumalikod ay dinala sa lupain kasama ni Josue. Ito ay nangyari nang sila ay pumasok sa mga pag-aari ng mga bansang itinaboy ng Diyos sa harapan ng ating mga ninuno. Ito ay katulad nito hanggang sa mga araw ni David, 46na nakatanggap ng biyaya sa paningin ng Diyos; hiniling niyang makahanap ng lugar na pananahanan para sa Diyos ni Jacob.
47Ngunit nagtayo si Solomon ng bahay ng Diyos, 48Gayunpaman, ang Kataas-taasan ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; kagaya ito ng sinasabi ng propeta, 49'Ang langit ang aking trono at ang lupa ang tungtungan para sa aking mga paa. Anong uri ng bahay ang maaari ninyong itayo sa akin? Sabi ng Panginoon: o saan ang lugar para sa aking kapahingahan? 50Hindi ba't ang aking kamay ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito?'
51Kayong mga tao, na mapagmatigas at hindi tuli sa puso at mga tainga, lagi ninyong nilalabanan ang banal na Espiritu; ginawa ninyo ang kagaya ng ginawa ng inyong mga ninuno. 52Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya, 53kayong mga tao na tumanggap ng kautusan na itinatag ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito iningatan."
54Ngayon, nang marinig ng mga kasapi ng konseho ang mga bagay na ito, nasugatan sila sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga ngipin ay nagngalit kay Esteban. 55Ngunit siya na puspos ng Banal na Espiritu ay kusang tumingala sa langit at kaniyang nakita ang kaluwalhatian ng Diyos; at nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos. 56Sinabi ni Esteban, "Tingnan ninyo, nakita ko na binuksan ang kalangitan, at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos."
57Ngunit ang mga kasapi ng konseho ay sumigaw ng may malakas na boses, at tinakpan ang kanilang mga tainga, at sinunggaban siya, 58itinapon siya nila sa labas ng lungsod at siya ay binato: at inilatag ng mga saksi ang kanilang balabal sa paanan ng binatang ang pangalan ay Saulo.
59Habang binabato nila si Esteban, patuloy siyang tumatawag sa Panginoon at sinasabing, ''Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.'' 60Lumuhod siya at tumawag ng may malakas na boses, ''Panginoon, huwag mong ipataw ang kasalanang ito laban sa kanila." Nang matapos niyang sabihin ito, siya ay nakatulog.

8

1Si Saulo ay may kinalaman sa kaniyang pagka matay. Kaya nagsimula sa araw na iyon ang malaking pag-uusig laban sa iglesia sa Jerusalem; at ang lahat ng mga mananampalataya ay nagsikalat sa lahat ng rehiyon ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol. 2Mga lalaking may takot sa Diyos ang naglibing kay Esteban at nagkaroon ng matinding pagdadalamhati para sa kaniya. 3Ngunit pininsala ng matindi ni Saulo ang iglesia; pumupunta siya sa bawat bahay upang kaladkarin ang mga lalaki at babae at inilagay sila sa kulungan.

4Gayon pa man, ang mga mananampalataya na nagsikalat ay nagpatuloy na mangaral ng salita ng Diyos. 5Si Felipe ay pumunta pababa sa lungsod ng Samaria at ipinahayag si Cristo sa kanila.
6Nang mapakinggan at makita ng maraming tao ang mga palatandaan na ginawa ni Felipe, nakinig sila ng mabuti sa kaniyang sinabi. 7Dahil ang karamihan sa kanila ay nagtataglay ng maruruming espiritu habang sumisigaw ng malakas; at gumaling ang maraming lumpo at mga paralitiko. 8At nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod.
9Ngunit mayroong isang lalaki sa lungsod na ang pangalan ay Simon na gumagawa na noon pang una ng pangkukulam; ginagamit niya ito upang mamangha ang mga tao sa Samaria upang angkinin na siya ay mahalagang tao. 10Binigyang pansin siya ng lahat ng mga Samaritano, mula sa pinaka mababa hanggang sa pinaka dakila, at kanilang sinabi. "Ang taong ito ay ang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na Dakila." 11Nakinig sila sa kaniya dahil labis niya silang pinamangha sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kaniyang pangkukulam.
12Ngunit nang paniwalaan nila ang ipinangaral ni Felipe tungkol sa ebanghelyo na tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, kapwa mga lalaki at babae. 13At si Simon mismo ay naniwala: pagkatapos niyang mabautismuhan, nagpatuloy siyang kasama ni Felipe; nang makita niya ang mga tanda at mga makapangyarihang gawa, siya ay namangha.
14Ngayon nang marinig ng mga apostol sa Jerusalem na ang mga taga-Samaria ay tinanggap ang salita ng Diyos, sinugo nila sina Pedro at Juan. 15Nang sila ay dumating, nanalangin sila para sa kanila na tanggapin ang Banal na Espiritu. 16Sapagkat ng mga panahong iyon hindi pa dumating ang Banal na Espiritu sa sinuman sa kanila. Nabaustimuhan lamang sila sa pangalan ng Panginoon. 17Pagkatapos ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila, at tinanggap nila ang Banal na Espiritu.
18Ngayon nang makita ni Simon na naipagkaloob ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng mga apostol sa kanila, inalok niya sila ng pera. 19Sinabi niya," Ibigay mo rin sa akin ang kapangyarihang ito upang sinumang patungan ng aking mga kamay ay tatanggap ng Banal na Espiritu."
20Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, "Masawi ka sana kasama ng iyong pilak, sapagkat iniisip mong makakamit mo ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng pera. 21Wala kang kabahagi o karapatan sa bagay na ito, dahil ang iyong puso ay hindi tama sa Diyos. 22Samakatuwid magsisi ka sa iyong mga kasamaan, at manalangin sa Panginoon, upang ikaw ay patawarin sa kung ano ang iyong hinahangad. 23Sapagakat nakikita ko na ikaw ay nasa lason ng kapaitan at naka gapos sa kasalanan."
24Sumagot si Simon at sinabi, "Ipanalangin mo ako sa Panginoon na hindi mangyari sa akin ang mga bagay na iyong sinabi."
25Nang si Pedro at Juan ay nagpatotoo at nagpahayag ng salita ng Panginoon, sila ay bumalik sa Jerusalem; habang nasa daan, nangaral sila ng ebanghelyo sa maraming nayon ng mga Samaritano.
26Ngayon ang anghel ng Panginoon ay nangusap kay Felipe at sinabi, "Tumayo ka at pumunta sa bahaging timog sa daang pababa mula sa Jerusalem papuntang Gaza."( Ang daang ito ay nasa disyerto). 27Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba. 28Siya ay bumalik at nakaupo sa kaniyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni propeta Isaias.
29Sinabi ng Espiritu kay Felipe, "Umakyat ka at sabayan mo ang karwahe." 30Kaya patakbong lumapit si Felipe, at narinig niyang binabasa ang aklat ni propeta Isaias, at sinabi, "Naiintindihan mo ba ang iyong binabasa?" 31Sumagot ang taga-Ethiopia, "Paano ko maiintindihan, maliban kung may magtuturo sa akin?" Nakiusap siya kay Felipe na umakyat sa karwahe at umupo sa tabi niya.
32Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, "Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig: 33Sa kaniyang kahihiyan kinuha sa kaniya ang katarungan: sino ang magpapahayag sa kaniyang salinlahi? sapagkat ang kaniyang buhay ay kinuha mula sa mundong ito."
34Kaya nagtanongang eunoko kay Felipe, at sinabi, "Nakikiusap ako sa iyo sino ang tinutukoy ng propeta? ang kaniyang sarili ba mismo o ibang tao?" 35Nagsimulang magsalita si Felipe; Nagsimula siya sa kasulatan ni Isaias upang ipangaral si Jesus sa kaniya.
36Habang nagpapatuloy sila sa daan, napunta sila sa ilang bahagi ng tubig; at sinabi ng eunoko, "Tingnan mo, may tubig dito, ano pa ang puwedeng makahadlang sa akin upang ma bautismuhan?" 37Sinabi ni Felipe," kung nananampalataya ka ng buong puso, ikaw ay mag pabautismo. Ang taga Ethopia ay sumagot," Naniniwala ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos." 38Kaya inutusan ng taga Ethopia na tumigil ang karwahe. Bumaba sila sa tubig, si Felipe at ang eunoko at binautismuhan siya ni Felipe.
39Nang umahon sila sa tubig, kinuha ng Espiritu ng Panginoon si Felipe at hindi na siya nakita ng eunuko; at siya ay umalis ng may kagalakan. 40Ngunit si Felipe ay lumitaw sa Azoto. Siya ay dumaan sa rehiyong iyon at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng lungsod, hanggang sa makarating siya sa Ceasaria.

9

1Subalit si Saulo na patuloy pa rin na nagsasalita ng mga banta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon ay nagtungo sa mga pinakapunong pari 2at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem.

3Habang siya ay naglalakbay, nangyari nga na nang malapit na siya sa Damasco, biglang may nagningning na liwanag mula sa langit sa buong paligid; 4at siya ay natumba sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi sa kanyang, "Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?"
5Sumagot si Saulo, "Sino kayo Panginoon? "Sumagot ang Panginoon, "Ako si Jesus na iyong inuusig; 6ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin." 7Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita.
8Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco. 9Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
10Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, "Ananias" At sinabi niya, "Tingnan mo, narito ako, Panginoon." 11Sinabi ng Panginoon sa kaniya,"Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin; 12at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita."
13Ngunit sumagot si Ananias,"Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem. 14Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan." 15Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya," Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel; 16sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan."
17Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, "Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu." 18Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan; 19at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw.
20Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos. 21lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha at sinabi. "Hindi ba ito ang taong lumipol sa mga taga-Jerusalem na tumatawag sa pangalang ito? At siya ay naparito upang dalhin sila na nakagapos sa mga punong pari." 22Ngunit si Saulo ay lalong napalakas upang mangaral at nalito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Jesus ay ang Cristo.
23Pagkalipas ng maraming araw, sama-samang nagplano ang mga Judio upang siya ay patayin. 24Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang plano. Nagbantay sila sa pintuang bayan araw at gabi upang siya ay patayin. 25Subalit nang gabi ay kinuha siya ng kaniyang mga alagad at binaba siya sa pader sa pamamagitan ng isang basket.
26Nang dumating siya sa Jerusalem, nagtangkang sumama si Saulo sa mga alagad, subalit natakot silang lahat sa kaniya, hindi sila naniniwalang siya ay isang alagad. 27Ngunit isinama siya ni Bernabe at ipinakilala sa mga alagad. At sinabi niya sa kanila kung paanoni Saulo nakita ang Panginoon sa daan at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya, at kung paano buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa pangalan ni Jesus.
28Nakipagkita siya sa kanila habang sila ay pumapasok at lumalabas ng Jerusalem. Nagsalita siya ng may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus 29at nakipagtalo sa mga Helenista; ngunit sinubukan parin nila siyang patayin. 30Nang malaman ito ng mga kapatiran, siya ay dinala nila pababa sa Cesarea at ipinadala siya patungo sa Tarso.
31Kaya ang iglesia sa buong Judea, Galilea, at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan at ito ay lumago at lumalakad ng may takot sa Panginoon sa tulong ng Banal na Espiritu, ang iglesia ay lumago sa bilang. 32Ngayon nangyari nga na habang si Pedro ay pumupunta sa buong rehiyon, pumunta din siya sa mga mananampalataya na naninirahan sa bayan ng Lydda.
33Doon ay nakita niya ang isang lalaki na ang pangalan ay Eneas, na nakaratay sa kaniyang higaan ng halos walong taon, sapagkat siya ay paralitiko 34Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Eneas, si Jesu-Cristo ang nagpagaling saiyo. Tumayo ka at ayusin mo ang iyong higaan." At agad siyang tumayo. 35Kaya lahat ng nakakita sa Lida at Saron ay nakita ang lalaki at nagbalik loob sila sa Panginoon.
36Ngayon mayroon alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabitha, na kung isasalin ay "Dorcas." Ang babaeng ito ay puno ng mga mabubuti at maawaing gawa, na ginagawa niya para sa mahihirap. 37At nangyari nga sa mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay; nang siya ay kanilang hugasan, pinahiga siya sa kuwarto sa itaas.
38Dahil malapit ang Lida sa Joppa, at narinig ng mga alagad na naroon si Pedro, nagsugo sila ng dalawang lalaki at pumunta sa kaniya, nagmamakaawa na sinabi sa kaniyang, "Sumama ka sa amin agad". 39Tumayo si Pedro at sumama sa kanila. Nang dumating siya, dinala nila siya sa kuwarto sa itaas, at ang lahat ng mga balo ay nakatayo sa paligid niya na nananangis, ipinapakita sa kaniya ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas habang kasama pa nila siya.
40Pinalabas silang lahat ni Pedro sa silid, lumuhod siya at nanalangin; at humarap siya sa katawan at sinabi niya. "Tabitha, bumangon ka." Minulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro siya ay umupo. 41Pagkatapos iniabot ni Pedro ang kaniyang kamay at ibinangon siya; at nang tawagin niya ang mga mananampalataya at mga balo ay iniharap niya siya sa kanila na buhay. 42Nalaman ang pangyayaring ito sa buong Joppa, at maraming mga tao ang nanampalataya sa Panginoon. 43Nangyari nga na nanatili si Pedro ng maraming araw sa Joppa kasama ang lalaki na ang pangalan ay Simon, na tagapagbilad ng balat ng hayop

10

1Ngayon may isang tao sa lungsod ng Cesarea, na nagngangalang Cornelio, isang senturiong tinawag na hukbong Italyano. 2Siya ay isang maka-diyos, na sumasamba sa Diyos kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan; siya ay nagbigay ng malaking halaga ng salapi sa mga Judio at palaging nananalangin sa Diyos.

3Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, "Cornelio!" 4Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, "Ano po iyon, ginoo?" Sinabi ng anghel sa kaniya, "Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos. 5Ngayon magpadala ka ng mga lalaki sa lungsod ng Joppa upang sunduin ang lalaking nagngangalang Simon, na pinangalanan ding Pedro. 6Siya ay naninirahan sa bahay ng mambibilad ng balat ng hayop na si Simon, na ang bahay ay nasa tabing dagat."
7Nang makaalis ang anghel na kumausap sa kaniya, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod sa bahay, at isang sundalo na sumasamba sa Diyos na kabilang sa mga sundalong naglilingkod rin sa kaniya. 8Sinabi ni Cornelio sa kanila ang lahat nang nangyari at sila ay pinapunta sa Joppa.
9Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin. 10Nagutom siya at gusto niya ng kumain, ngunit habang nagluluto ang mga tao ng pagkain, nabigyan siya ng isang pangitain, 11at nakita niyang bumukas ang langit at may isang sisidlan na bumababa mula sa langit, katulad ng isang malaking kumot na ipinababa sa lupa sa pamamagitan ng apat na mga sulok nito. 12Naroon ang lahat na uri ng hayop na may apat na paa, at mga bagay na gumagapang sa lupa, at mga ibon sa himpapawid.
13At may tinig na kumausap sa kaniya: "Bumangon ka Pedro, magkatay ka at kumain." 14Ngunit sinabi ni Pedro, "Hindi maaari Panginoon, dahil ni minsan hindi ako kumain ng anumang marumi at hindi malinis." 15Ngunit muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: "Huwag mong ituring na marumi ano man ang nilinis na ng Diyos." 16Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
17Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan. 18At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
19Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, "Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo. 20Bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila. Huwag kang matakot na sumama sa kanila, dahil ipinadala ko sila." 21Kaya bumaba si Pedro at sinabi sa mga lalaki, "Ako ang hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?"
22Sinabi nila, "Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo." 23Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
24Noong sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Hinihintay sila ni Cornelio; tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at kaniyang mga malalapit na kaibigan.
25Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya. 26Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi na, "Tumayo ka; ako rin ay isang tao lamang.
27Habang nakikipag-usap si Pedro sa kaniya, pumasok siya at natagpuan niya ang napakaraming tao na nagtipon-tipon doon. 28Sinabi niya sa kanila, "Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis. 29Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta."
30Sinabi ni Cornelio, " May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan. 31At sinabi niya, "Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo. 32Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.) 33kaya agad kitang ipinatawag, mabuti at dumating ka. At ngayon nandito kaming lahat sa harapan ng Diyos upang makinig sa lahat ng mga itinuro sa iyo ng Diyos na sasabihin mo."
34At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, "Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos. 35Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya.
36Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat— 37Alam ninyo mismo ang mga kaganapan na nangyari, na naganap sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea, pagkatapos nang pagbautismo na ipinahayag ni Juan; 38ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
39Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy. 40Itong taong ito ay muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ibinigay siya upang makilala, 41hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na noon pa man ay pinili na ng Diyos- kami mismo, na kumain at uminom kasama niya pagkatapos niyang muling mabuhay mula sa mga patay.
42Inutusan niya kami upang mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang pinili ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. 43Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan."
44Habang sinasabi pa lamang ni Pedro ang mga bagay na ito, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa lahat ng mga nakikinig sa kaniyang mensahe. 45Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.
46Dahil narinig nila ang mga Gentil na nagsasalita ng iba't-ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Pagkatapos sinabi ni Pedro, 47"Mayroon bang hahadlang sa mga taong ito upang hindi mabautismuhan sa tubig, ang mga taong ito na nakatanggap ng Banal na Espiritu na katulad natin?" 48At sila ay inutusan niya na magpabautismo sa ngalan ni Jesu-Cristo. At hiniling nila na manatili siya sa kanila ng ilang araw.

11

1Ngayon narinig ng mga alagad at mga kapatiran na nasa Judea na ang mga Gentil ay tumanggap din ng salita ng Diyos. 2Nang makarating si Pedro sa Jerusalem, pinuna ng mga taong nabibilang sa mga tinuling pangkat; 3sinabi nila, "Nakihalubilo ka sa mga hindi tuling lalaki at kumain kasama nila!"

4Ngunit nagsimulang ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang bagay na iyon ng detalyado; sinabi niya, 5Nananalangin ako sa lungsod ng Joppa, nang ako'y makakita ng isang pangitain ng isang sisidlang bumababa, katulad ng malaking kumot na ipinababa sa pamamagitan ng apat na sulok nito. Ito ay bumaba sa akin. 6Minasdan ko ito at inisip ko ang tungkol dito. Nakita ko ang mga may apat na paang mga hayop sa lupa, mga mababangis na hayop, mga hayop na gumagapang, at mga ibon sa himpapawid.
7Pagkatapos narinig ko ang tinig na nagsabi sa akin, "Bumangon ka, Pedro; kumatay at kumain." 8Sinabi ko, "Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailanman walang hindi banal o hindi malinis na pumasok sa aking bibig." 9Ngunit ang tinig ay sumagot muli mula sa langit, "Ang ipinahayag ng Diyos na malinis, huwag mong ituring na hindi malinis." 10Nangyari ito ng tatlong beses, at pagkatapos noon ang lahat ay naibalik muli sa langit.
11At narito, agad na may tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng bahay kung saan kami naroon; sila ay ipinadala sa akin mula Cesarea. 12Iniutos ng Espiritu sa akin na sumama sa kanila, at dapat hindi ako tatangi sa kanila. Itong anim na mga kapatid ay sumama sa akin, at pumasok kami sa bahay ng lalaki. 13Sinabi niya sa amin kung paano niya nakita ang anghel na nakatayo sa kaniyang bahay at nagsasabing, "Magpadala ka ng mga lalaki sa Joppa at sunduin si Simon na ang isa pang pangalan ay Pedro. 14Siya ay magsasalita sa iyo ng isang mensahe na sa pamamagitan nito maliligtas ka— ikaw at lahat ng iyong sambahayan."
15Nang magsimula akong magsalita sa kanila, dumating ang Banal na Espiritu sa kanila, gayang nangyari sa atin noong una. 16Naalala ko ang mga salita ng Panginoon, kung paano niya sinabing, "Tunay nga na nagbautismo si Juan ng tubig, ngunit kayo ay babautismuhan sa Banal na Espiritu."
17At kung ibinigay ng Diyos sa kanila ang parehong kaloob na gaya ng ibinigay niya sa atin nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ba ako upang salungatin ang Diyos?" 18Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, " Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay."
19Kaya kumalat ang mga mananampalataya mula Jerusalem dahil sa paghihirap na nagumpisa noong kamatayan ni Esteban—ang mga mananampalatayang ito ay umabot sa mga malalayong lugar ng Fenicia, Sayprus at Antioquia. Sinabi nila ang mensahe tungkol kay Jesus sa mga Judio lamang, at wala nang iba pa. 20Ngunit ang ilan sa kanila, na mga lalaking taga- Sayprus at taga-Cirene, ay pumunta sa Antioquia at nagsalita sa mga Griego rin at ipinangaral ang Panginoong Jesus. 21At ang kamay ng Panginoon ay kasama nila; malaking bilang ang nanampalataya at bumalik sa Panginoon.
22Ang balita tungkol sa kanila ay nakarating sa tainga ng iglesia sa Jerusalem: at kanilang ipinadala si Bernabe hanggang sa Antioquia. 23Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso. 24Sapagkat siya'y mabuting tao at puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya, at maraming tao ang naidagdag sa Panginoon.
25Pagkatapos nito, pumunta ng Tarso si Bernabe upang hanapin si Saulo. 26Nang makita niya siya, isinama niya siya sa Antioquia. At nangyari, na sa loob ng isang taon, nakitipon sila sa iglesia at tinuruan ang maraming tao. At ang mga alagad ay unang tinawag na Kristiyano sa Antioquia.
27Ngayon sa mga araw na ito ilang mga propeta ang bumaba mula Jerusalem papuntang Antioquia. 28Isa sa kanila na nagngangalang Agabo, ay tumayo, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng Espiritu, na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong mundo. Nangyari nga ito sa panahon ni Claudio.
29Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa. 30Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo.

12

1Nang panahong ding iyon, pinagbuhatan ng kamay ni haring Herodes ang ilan sa kapulungan, upang abusuhin sila. 2Pinatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.

3Nang makita niya na nalugod ang mga Judio, ipinadakip din niya si Pedro. Ito ay sa panahon ng mga tinapay na walang lebadura. 4Pagkatapos siyang dakipin, ipinabilanggo siya at nagtalaga ng apat na pangkat ng mga sundalo upang siya ay bantayan; binabalak niyang iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng Paskwa.
5Kaya nanatili si Pedro sa kulungan, ngunit ang kapulungan ay masigasig na nanalangin sa Diyos para sa kaniya. 6Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
7At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, "Bumangon kang madali." Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay. 8Sinabi sa kaniya ng anghel, "Magdamit ka at isuot ang iyong sandalyas."Ginawa nga ito ni Pedro. Sinabi ng anghel sa kaniya, "Isuot mo ang iyong panlabas na kasuotan at sumunod ka sa akin."
9Kaya sumunod nga si Pedro sa anghel at lumabas. Hindi niya alam na ang nangyari sa pamamagitan ng anghel ay totoo. Ang akala niya nakakakita siya ng isang pangitain. 10Pagkatapos nilang makalampas sa una at sa pangalawang bantay, nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod, kusa itong bumukas para sa kanila. Lumabas sila at bumaba sa isang kalye, at kaagad siyang iniwan ng anghel.
11Nang matauhan si Pedro, sinabi niya, "Ngayon, aking napatunayan na ipinadala ng Diyos ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes, at mula sa lahat ng inaasahan ng mga mamamayang Judio." 12Pagkatapos niyang maunawaan ito, dumating siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na ang huling pangalan ay Marcos; maraming mananampalataya ang nagkatipon doon at nananalangin.
13Nang kumatok siya sa may pintuan ng tarangkahan, isang aliping babae na nagngangalang Roda ang pumunta upang sumagot. 14Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa kaniyang kagalakan, hindi niya nabuksan ang pintuan; sa halip, tumakbo siya sa silid at kaniyang ibinalita na nakatayo si Pedro sa may pintuan. 15Kaya sinabi nila sa kaniya, "Nababaliw ka na."Ngunit kaniyang ipinilit na ito ay totoo. Kanilang sinabi, "Ito ang kaniyang anghel."
16Ngunit patuloy pa rin si Pedro sa pagkatok, at nang kanilang buksan ang pintuan, nakita nila siya at sila ay namangha. 17Sumenyas si Pedro sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang kamay na tumahimik, at sinabi niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Diyos sa bilangguan. Sinabi niya, "Ibalita ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid." Pagkatapos umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
18Nang sumapit na ang araw, gulong-gulo ang mga kawal tungkol sa nangyari kay Pedro. 19Pagkatapos siyang hanapin ni Herodes at hindi matagpuan, tinanong niya ang mga bantay at iniutos na patawan sila ng kamatayan. Pagkatapos siya ay bumaba mula Judea hanggang Cesarea at nanatili doon.
20Ngayon galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at Sidon. Pumunta sila sa kaniya na magkakasama. Hinikayat nila si Blasto, na kanang kamay ng Hari, upang tulungan sila. Pagkatapos humiling sila ng kapayapaan, dahil ang kanilang bansa ay tumatanggap ng pagkain mula sa bansa ng hari. 21Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.
22Sumigaw ang mga tao, "Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao!" 23Kaagad siyang hinampas ng isang anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos; kinain siya ng mga uod at namatay.
24Ngunit lumago at lumaganap ang salita ng Diyos. 25Nang matapos nina Bernabe at Saul ang kanilang misyon sa Jerusalem, bumalik sila mula doon; isinama nila si Juan na ang huling pangalan ay Marcos.

13

1At ngayon sa kapulungan ng Antioquia, mayroong mga iilang propeta at mga guro. Sila ay sina Bernabe, Simeon (na tinatawag na Niger), Lucio na taga-Cirene, Manaen (kinakapatid na lalaki ni Herodes na Tetrarka) at Saul. 2Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu, "Ihiwalay ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul, upang gawin ang gawain kung saan ko sila tinawag." 3Pagkatapos na ang kapulungan ay mag-ayuno, manalangin at magpatong ng kanilang mga kamay sa mga lalaking ito, sila ay kanilang sinugo.

4Kaya sumunod sina Bernabe at Saul sa Banal na Espiritu at bumaba papuntang Seleucia; Mula doon ay naglayag sila papunta sa isla ng Sayprus. 5Nang naroon na sila sa lungsod ng Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama din nila si Juan Marcos bilang kanilang katulong.
6Nang makaalis sila sa buong isla hanggang Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero, isang bulaang propeta na Judio na nagngangalang Bar-Jesus. 7May kaugnayan ang salamangkerong ito sa gobernador na si Sergio Paulo, na isang taong matalino. Pinatawag ng taong ito sina Bernabe at Saul, dahil ibig niyang marinig ang salita ng Diyos. 8Ngunit kinalaban sila ni Elimas "ang salamangkero" (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
9Ngunit si Saulo, na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tinitigan siya nito 10at sinabi, "Ikaw na anak ng diyablo, punong-puno ka ng lahat ng uri ng pandaraya at kasamaan. Ikaw ay kaaway ng bawat katuwiran. Hindi ka ba talaga titigil sa pagbabaluktot sa mga tuwid na daan ng Diyos?
11Ngayon tingnan mo, ang kamay ng Panginoon ay nasa iyo at ikaw ay mabubulag. Pansamantala mo munang hindi makikita ang araw." At biglang nagdilim ang paningin ni Elimas, nagsimula siyang lumibot na humihiling sa mga tao na siya ay akayin sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. 12Pagkatapos na makita ng gobernador kung ano ang nangyari, siya ay naniwala, dahil namangha siya sa katuruan tungkol sa Panginoon.
13Naglayag ngayon si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Pafos at dumating sa Perga ng Panfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at bumalik sa Jerusalem. 14Naglakbay si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Perga at nakarating sa Antioquia ng Pisidia. Doon ay pumunta sila sa loob ng sinagoga sa Araw ng Pamamahinga at umupo. 15Nang matapos ang pagbabasa ng kautusan at ng mga propeta, nagbigay ang mga pinuno ng sinagoga ng mensahe sa kanila na sinasabi, "Mga kapatid, kung mayroon kayong mensahe ng pampalakas loob sa mga tao dito, sabihin ninyo ito."
16Kaya tumayo si Pablo at sumenyas sa pamamagitan ng kaniyang kamay, sinabi niya, "Mga taga-Israel at kayo na gumagalang sa Diyos, makinig kayo. 17Ang Diyos ng mga taong ito sa Israel ang pumili sa ating mga ninuno at pinarami ang mga tao nang nanatili sila sa Egipto, at sa pamamagitan ng pagtaas ng kaniyang kamay ay pinangunahan niya sila na makalabas mula dito. 18Sa halos apatnapung taon nagtiis siya na kasama nila sa ilang.
19Pagkatapos niyang wasakin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob niya sa ating mga tao ang kanilang lupain bilang pamana. 20Naganap ang lahat ng pangyayaring ito sa loob ng apat na raan at limampung taon. Matapos ang lahat ng bagay na ito, binigyan sila ng Diyos ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
21Pagkatapos nito, humingi ang mga tao ng isang hari, kaya ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Cis, isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin sa loob ng apatnapung taon. 22Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, 'Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.'
23Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin. 24Nagsimula itong mangyari bago dumating si Jesus, unang ipinahayag ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa lahat ng tao sa Israel. 25At nang matatapos na ni Juan ang kaniyang gawain, sinabi niya 'Sino ba ako sa akala ninyo? Ako ay hindi siya. Ngunit makinig kayo, may isang darating na kasunod ko, hindi man lang ako karapat-dapat na magtanggal ng kaniyang sandalyas.'
26Mga kapatid, mga anak na mula sa lipi ni Abraham at ang mga kasama ninyo na sumasamba sa Diyos, ito ay para sa atin kaya ipinadala ang mensaheng ito tungkol sa kaligtasan. 27Para sa kanila na taga-Jerusalem, at sa kanilang mga pinuno, na hindi totoong nakakakilala sa kaniya, ni hindi talaga nila nauunawaan ang tinig ng mga propeta habang binabasa tuwing Araw ng Pamamahinga; kaya natupad nila ang mga mensahe ng mga propeta sa pamamagitan ng paghatol kay Jesus sa kamatayan.
28Kahit pa wala silang natagpuang dahilan upang patayin siya, hiniling nila kay Pilato na siya ay patayin. 29At nang natupad na nilang lahat ang mga bagay na isinulat tungkol sa kaniya, siya ay kanilang ibinaba mula sa puno at inihiga sa isang libingan.
30Ngunit binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay. 31Nakita siya sa loob ng maraming araw ng mga sumama sa kaniya mula Galilea hanggang Jerusalem. Ang mga taong ito ang naging mga saksi niya ngayon sa mga tao.
32Kaya dala namin sa inyo ang magandang balita tungkol sa mga pangakong ibinigay sa ating mga ninuno. 33Iningatan ng Diyos ang mga pangakong ito sa atin na kanilang mga anak, na kung saan binuhay niya si Jesus mula sa mga patay. Ito din ang naisulat sa ikalawang awit: 'Ikaw ang aking Anak, at ngayon ako ay iyong magiging Ama.' 34Tungkol din naman sa katotohanang binuhay siya mula sa mga patay upang hindi mabulok ang kaniyang katawan, nagsalita siya ng katulad nito: 'Ipagkakaloob ko saiyo ang banal at maaasahang mga pagpapala ni David.'
35Ito rin ay kung bakit niya sinabi sa iba pang awit, 'Hindi mo pahihintulutan na makitang mabulok ang iyong Nag-iisang Banal.' 36Nang matapos paglingkuran ni David ang kaniyang sariling salinlahi sa mga nais ng Diyos, nakatulog siya, kasama nang kaniyang mga ama, at nabulok, 37ngunit siya na binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.
38Kaya dapat ninyo itong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito ay naipahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan. 39Sa pamamagitan niya ang bawat isang mananampalataya ay pinawalang-sala mula sa lahat ng bagay na hindi kayang maipawalang-sala sa inyo sa kautusan ni Moises.
40Kaya't mag-ingat kayo na hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta: 41'Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at mamangha kayo at saka mamamatay sapagkat isasagawa ko ang gawain sa inyong mga araw, isang gawaing hindi ninyo paniniwalaan kailanman, kahit pa mayroong maghayag nito sa inyo.'''
42Habang paalis na sina Pablo at Bernabe, nagmakaawa sa kanila ang mga tao kung maaari nilang sabihin muli ang katulad na mensahe sa susunod na Araw ng Pamamahinga. 43Nang matapos na ang pagpupulong sa sinagoga, marami sa mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala ang sumunod kina Pablo at Bernabe, na nagsalita sa kanila at nanghikayat na magpatuloy sa biyaya ng Diyos.
44Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos ang buong lungsod ay nagsama-samang nagkatipon upang makinig ng salita ng Panginoon. 45Nang makita ng mga Judio ang maraming tao, napuno sila ng pagka-inggit at nagsalita laban sa mga bagay na ipinahayag ni Pablo at ininsulto siya.
46Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, "Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil. 47Sapagkat iniutos sa amin ng Panginoon, na nagsasabi, 'Inilagay ko kayo bilang ilaw sa mga Gentil upang kayo ay magdala ng kaligtasan sa mga pinakadulong bahagi ng mundo."'
48Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan. 49Lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong rehiyon.
50Ngunit hinikayat ng mga Judio ang mga relihiyoso at mga mahahalagang babae, gayon din ang mga lalaking namumuno sa lungsod. Nagdulot ito ng matinding pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe at itinaboy sila hanggang sa hangganan ng kanilang lungsod. 51Ngunit ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok mula sa kanilang mga paa laban sa kanila. Pumunta sila sa lungsod ng Iconio. 52At napuno ang mga alagad ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.

14

1Nangyari din ito sa Iconio, na sina Pablo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa loob ng sinagoga ng mga Judio at nagsalita sa paraan na napakaraming Judio at Griyego ang nanampalataya. 2Ngunit nanghikayat ang mga suwail na Judio sa kalagitnaan ng mga Gentil at hinimok sila na magalit laban sa mga kapatid.

3Kaya nanatili sila doon ng mahabang panahon, matapang na nagsasalita sa kapangyarihan ng Diyos, Habang nagbibigay siya ng patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kamay nina Pablo at Bernabe. 4Ngunit nahati ang karamihan sa lunsod: pumanig ang iba sa mga Judio at sa mga apostol naman ang iba.
5Nang subukang himukin ng mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe, 6nalaman nila ang mga ito at tumakas sila patungo sa lungsod ng Licaonia, Listra at Derbe at sa palibot na rehiyon, 7at doon nangangaral sila ng ebanghelyo.
8Sa Listra may isang lalaking nakaupo sa kaniyang mga paa na walang lakas, isang lumpo mula pa noong nasa sinapupunan ng kaniyang ina, na hindi kailanman nakapaglakad. 9Narinig ng taong ito si Pablo na nagsasalita. Itinuon ni Pablo ang kaniyang mga mata sa kaniya at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang gumaling. 10Kaya sinabi niya sa kaniya ng malakas ang boses, ''Tumayo ka." tumalon ang lalaki at lumakad.
11Nang makita ng maraming tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila ng malakas, nagsasalita sa wikang Licaonia, ''Ang mga diyos ay bumaba sa atin sa anyo ng tao." 12Tinawag nilang "Zeus," si Bernabe at "Hermes" naman si Pablo dahil siya ang pangunahing tagapagsalita. 13Nagdala ng baka at koronang bulaklak sa tarangkahan ang pari ni Zeus, na ang templo ay nasa labas lamang ng lungsod; siya at ang maraming tao ay gustong mag-alay ng handog.
14Ngunit nang narinig ito ng mga apostol na sina, Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang kasuotan at agad na lumabas na sumisigaw sa maraming tao 15na sinasabi, ''Mga tao, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? mga tao din kami na may damdamin tulad ninyo. Dinala namin sa inyo ang mabuting balita, upang tumalikod kayo sa mga bagay na walang halaga para sa Diyos na buhay, na gumawa sa kalangitan, lupa, at nang dagat at ang lahat ng mga naroon. 16Sa mga nakalipas na panahon, pinahintulutan niya ang lahat ng bansa na lumakad sa sarili nilang kagustuhan.
17Ngunit gayun pa man hindi niya hinayaan ang kaniyang sarili na walang saksi, dahil doon gumawa siya ng mabuti at ibinigay sa inyo ang mga ulan mula sa langit at mabungang mga panahon, pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at kagalakan." 18Maging sa mga salitang ito, napigilan nina Pablo at Bernabe ang pag-aalay sa kanila ng maraming tao.
19Ngunit ilang mga Judio mula Antioquia at Iconio ang dumating at hinikayat ang maraming tao. Binato nila si Pablo at kinaladkad palabas ng lungsod sa pag-aakalang siya ay patay na. 20Ngunit habang nakatayo ang mga alagad sa palibot niya, tumayo siya at pumasok sa lungsod. Nang sumunod na araw pumunta siya sa Derbe kasama si Bernabe.
21Pagkatapos nilang ipinangaral ang ebanghelyo sa lungsod na iyon at magkaroon ng maraming alagad, bumalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia. 22Ipinagpatuloy nilang palakasin ang isipan ng mga alagad at hinikayat sila na magpatuloy sa pananampalataya. Sinabi nila sa kanila na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa bago tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
23Nang makapagtalaga sila ng mga nakatatanda sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya, at makapanalangin na may pag-aayuno, ipinagkatiwala nila sila sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan. 24Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Panfilia. 25Nang kanilang maihayag ang salita sa Perga, umalis sila pababa ng Atalia. 26Mula doon naglayag sila patungong Antioquia kung saan ipinagkatiwala nila sa biyaya ng Diyos ang gawaing kanilang natapos.
27Nang dumating sila sa Antioquia at sama-samang tinipon ang kapulungan, ibinalita nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil. 28Nanatili sila ng mahabang panahon kasama ng mga alagad.

15

1May ilang mga lalaki na bumaba galing sa Judea at nagturo sa mga kapatid na nagsasabi "Maliban na kayo ay magpatuli mula sa kaugalian ni Moises, kayo ay hindi maliligtas." 2Nang nakipagharap at nakipagtalo sa kanila sina Pablo at Bernabe, nagpasiya ang mga kapatid na sina Pablo, Bernabe, at ang ilan sa kanila ay kailangang pumunta sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga nakatatanda patungkol sa mga pinagtatalunan nila.

3Kaya sila, na pinadala ng iglesiya ay dumaan ng Fenicia at Samaria at ipinahayag ang pagbabalik-loob ng mga Gentil. Nagdulot sila ng lubos na kagalakan sa lahat ng kapatid. 4Nang dumating sila sa Jerusalem, sinalubong sila ng iglesia, ng mga apostol at ng nakatatanda, at ipinahayag ang lahat ng mabuting ginawa ng Diyos sa kanila.
5Ngunit ilan sa mga kalalakihan na nanampalataya, na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo ay tumayo at nagsabi, "Kinakailangan na sila ay matuli at utusan sila na sundin ang kautusan ni Moises." 6Kaya nagtipon ang mga apostol at nakatatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.
7Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumayo si Pedro at sinabi sa kanila "Mga kapatid, alam ninyo na hindi pa nagtatagal ay pumili ang Diyos sa inyo, na sa pamamagitan ng aking bibig kailangang marinig ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo, at manampalataya. 8Ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila, ibinibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, katulad ng ginawa niya sa atin; 9at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya.
10Ngayon bakit ninyo sinusubukan ang Diyos, na dapat kayong maglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ama o maging tayo man ay hindi kayang makadala? 11Ngunit naniniwala tayo na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, katulad nila."
12Nanatiling tahimik ang mga tao habang nakikinig kay Bernabe at Pablo na ibinabalita ang mga tanda at himala na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan nila.
13Pagkatapos nilang tumigil sa pagsasalita, sumagot si Santiago, na sinasabi "Mga kapatid, makinig kayo sa akin. 14Sinabi ni Simon kung paano unang tinulungan ng may mapagmahal ng Diyos ang mga Gentil upang kumuha mula sa kanila ng mga tao para sa kaniyang pangalan."
15Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, katulad ng nasusulat, 16'Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako ay babalik, at itatayo ko muli ang tolda ni David na bumagsak; aayusin ko at itatayong muli ang mga guho nito, 17upang ang mga natitirang mga kalalakihan ay hanapin ang Panginoon, kasama ang lahat na mga Gentil na tinawag sa aking pangalan.' 18Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan.
19Kaya, ang opinyon ko ay dapat huwag nating gambalain ang mga Gentil na nagbalik sa Diyos; 20sa halip, sulatan natin sila na dapat silang lumayo sa karumihan ng mga diyus-diyosan, mula sa sekswal na imoralidad, at mula sa mga binigti at sa dugo. 21Mula sa mga nagdaang salinhali may mga tao na nagpapahayag at nagbabasa ng katuruan ni Moises sa sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga".
22Kaya't minabuti ng mga apostol at mga nakatatanda, kasama ang buong iglesia na piliin si Judas na tinatawag na Barsabas, at Silas, na mga pinuno ng iglesia upang ipadala sila sa Antioquia kasama ni Pablo at Bernabe. 23Isinulat nila ito, "Ang mga apostol, mga nakatatanda at mga kapatid, sa mga kapatid na Gentil sa Antioquia, Siria at Cilicia, binabati ko kayo.
24Nalaman namin na may ilang mga kalalakihan kung saan hindi kami nagbigay ng anumang utos ay pumunta sa inyo at nagbagabag sa inyo sa mga katuruang aming ipinahayag na nagbabagabag sa inyong mga kaluluwa. 25Kaya minabuti naming lahat na magkaisa na pumili ng mga lalaki na papapuntahin namin sa inyo kasama sa aming mga minamahal na sina Pablo at Bernabe, 26mga taong nagtaya ng kanilang mga buhay para sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
27Kaya isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas, na magsasabi din sa inyo ng gayon ding mga bagay. 28Sapagkat minabuti namin at ng Banal na Espiritu na huwag kayong bigyan ng mabibigat na mga pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan: 29na talikuran ninyo ang bagay na naialay sa mga diyus-diyosan, sa dugo, sa mga binigti, at sa sekswal na imoralidad. Kapag nailayo ninyo ang inyong mga sarili sa mga ito, ikabubuti ninyoito. Paalam."
30Kaya sila, nang sila ay pinauwi, pumunta sila sa Antioquia; pagkatapos nilang tipunin ang lahat ng tao, iniabot nila ang liham. 31Nang mabasa nila ito, sila'y nagalak dahil sa pag-asa at lakas na ibinigay sa kanila. 32Si Judas at Silas na mga propeta rin, ay pinatatag ang loob ng mga kapatiran sa marami nilang mga salita na nakapagpatibay sa kanila.
33Pagkatapos nilang mamalagi ng ilang panahon doon, ay payapa silang pinauwi sa mga kapatid na nagsugo sa kanila. 34(Ngunit minabuti ni Silas na magpaiwan doon.) 35Ngunit si Pablo at Bernabe ay nanatili sa Antioquia kasama ng mga iba pa, na kung saan sila ay nagturo at nagpahayag ng salita ng Panginoon.
36Lumipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, "Balikan natin ngayon at dalawin ang ating mga kapatid sa bawat lungsod na kung saan ipinahayag natin ang salita ng Panginoon, at kumustahin ang kanilang kalagayan. 37Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. 38Ngunit naisip ni Pablo na hindi mabuting isama si Marcos na nag-iwan sa kanila sa lugar ng Pamfilia at hindi na sumama sa kanilang gawain.
39At sila ay nagkaroon ng matinding di pagkakaunawaan, kaya sila naghiwalay, isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Sayprus. 40Pinili naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis pagkatapos siyang ipagkatiwala ng mga kapatiran sa biyaya ng Panginoon. 41At siya pumunta patungong Siria at Cilicia, na pinagtitibay ang mga iglesiya.

16

1Nakarating din si Pablo sa Derbe at Listra, at masdan ito, naroon ang isang alagad na nagngangalang Timoteo, anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya; ang kaniyang ama ay isang Griego. 2Maganda ang sinasabi tungkol sa kaniya ng mga kapatiran na taga Listra at Iconio. 3Gusto ni Pablo na makasama siya sa paglalakbay; kaya siya ay isinama niya at tinuli dahil sa mga Judio na nasa lugar na iyon, sapagkat alam nilang lahat na ang kaniyang ama ay isang Griego.

4Nang sila ay patungo na sa mga lungsod, inihatid nila sa mga Iglesia ang mga tagubilin upang kanilang sundin, mga tagubilin na isinulat ng mga apostol at ng mga nakatatanda sa Jerusalem. 5Kaya napalakas sa pananampalataya ang mga iglesia at dumami ang kanilang bilang araw-araw.
6Tumungo si Pablo at ang kaniyang mga kasama sa mga lupain ng Frigia at Galacia, dahil hindi pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral sila ng salita ng Diyos sa probinsiya ng Asia. 7Nang malapit na sila sa Misia, ninais nila na tumungo sa Bitinia, ngunit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus. 8Kaya ng makalampas sila sa Misia, tumungo sila sa lungsod ng Troas.
9Isang pangitain ang nakita ni Pablo ng gabing iyon: may isang lalaki na Macedonia ang nakatayo doon na tumatawag sa kaniya at nagsasabing, "Tumungo kayo dito sa Macedonia at tulungan kami." 10Nang makita ni Pablo ang pangitain, nagmamadali kaming pumunta sa Macedonia, pinatutunayan na tinawag kami ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo sa kanila.
11Pagkalayag namin galing ng Troas, dumiretso kami sa Samotracia at nang sumunod na araw kami ay dumating sa Neapolis; 12Mula roon ay pumunta kami sa Filipos, isang lungsod ng Macedonia, ang pinakamahalagang lungsod sa distrito at nasasakupan ng Roma, at nanatili kami sa lungsod na ito ng ilang araw. 13Nang Araw ng Pamamahinga lumabas kami sa tarangkahan sa may tabi ng ilog, na kung saan naisip namin na may lugar doon upang manalangin. Naupo kami at nakipag usap sa mga nagtipon-tipon na mga babae.
14May isang babae na nagngangalang Lidia ang nagbebenta ng mga tela na kulay lila na nanggaling sa lungsod ng Tiatira na sumasamba sa Diyos, nakinig siya sa amin. Binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang bigyangpansin ang mga bagay na sinabi ni Pablo. 15Nang mabautismuhan siya at ang kaniyang sambahayan, hinikayat niya kami, at nagsasabing, "Kung itinuturing ninyo na ako ay matapat sa Panginoon, pumunta kayo sa aking bahay, at manatili roon." At nahikayat niya kami.
16Nangyari nga, habang kami ay patungo sa lugar ng panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babae na may espritu ng panghuhula. Nagdadala siya sa kaniyang mga amo ng maraming pakinabang sa pamamagitan ng panghuhula. 17Sumunod ang babaeng ito kay Pablo at sa amin at sumigaw, na nagsasabing, "Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos. Nagpapahayag sila sa inyo ng daan ng kaligtasan." 18Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, "Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya." At agad itong lumabas.
19Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan. 20Nang dinala sila sa mga hukom, sinabi nilang, "Judio ang mga taong ito at sila ay gumagawa ng maraming kaguluhan sa ating lungsod. 21Nagtuturo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa ating batas upang tanggapin o gawin bilang mga Romano."
22At nagkaisa ang napakaraming tao laban kina Pablo at Silas; Pinunit ng mga hukom ang kanilang mga damit at nag-utos na hampasin sila ng pamalo. 23Nang mapalo na sila ng maraming beses, ipinatapon sila sa bilangguan at inutusan ang bantay ng bilangguan na sila ay bantayang maigi. 24Pagkatapos niyang matanggap ang utos na ito, pinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinadena ang kanilang paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
25Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila. 26Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.
27Nagising ang bantay sa kaniyang pagkakatulog at nakitang bukas ang mga pintuan ng bilangguan; hinugot niya ang kaniyang espada at magpapakamatay na sana, dahil inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo. 28Ngunit sumigaw si Pablo ng may malakas na boses na nagsasabing, "Huwag mong saktan ang iyong sarili, narito kaming lahat."
29Humingi ng ilaw ang bantay ng bilangguan at nagmamadaling pumasok na nanginginig sa takot at nagpatirapa kina Pablo at Silas, 30at inilabas sila at nagsabing, "Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" 31Sinabi nila sa kaniya, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan."
32Ipinahayag nila ang salita ng Panginoon sa kaniya, kasama ang lahat sa kaniyang tahanan. 33Nang gabing iyon kinuha sila ng bantay ng bilanguan sa oras ding iyon at hinugasan ang kanilang mga sugat at siya at ang lahat ng kaniyang sambahayan ay agad na nabautismuhan. 34Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
35Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, "Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon." 36Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, " Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan."
37Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila, "Hayagan nila kaming hinampas, mga Romano kaming hindi nahatulan at pinatapon kami sa bilangguan; at ngayo'y palalayain kami ng lihim? Hindi maaari; hayaan ninyo sila mismo ang pumarito at dalhin tayo palabas." 38Binalita ng mga bantay ang mga salitang ito sa mga hukom; natakot ang mga hukom nang kanilang marinig na sina Pablo at Silas ay mga Romano. 39Dumating ang mga hukom at nagmakaawa sa kanila; at nang inilabas nila sila sa bilangguan, pinakiusapan nila si Pablo at si Silas na umalis na sa lungsod.
40Kaya lumabas na ng bilangguansina Pablo at Silas at nagtungo sa bahay ni Lidia. Nang makita nina Pablo at Silas ang mga kapatid, pinalakas nila ang kanilang kalooban at sila ay umalis mula sa lungsod.

17

1Ngayon nang dumaan sila sa mga bayan ng Amfipolis at Apolonia, sila ay dumating sa bayan ng Tesalonica, kung saan ay mayroong isang sinagoga ng mga Judio. 2Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan.

3Binubuksan niya ang mga kasulatan at nagpapaliwanag na kinakailangan ng Cristo na magdusa at muling mabuhay mula sa mga patay. Sinabi niya, "Itong si Jesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Cristo." 4May ilang mga Judio ang nahikayat at sumama kina Pablo at Silas, pati na rin ang mga debotong Griego, mga kilalang kababaihan, at lubhang napakaraming tao.
5Ngunit nang dahil sa inggit, ang mga hindi naniniwalang mga Judio ay kumuha ng mga masasamang tao mula sa pamilihan, nagsama-sama sila upang manggulo sa lungsod. Pinasok nila ang bahay ni Jason dahil nais nilang iharap sina Pablo at Silas sa mga tao. 6Ngunit nang hindi nila sila matagpuan, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga kapatid sa harapan ng mga pinuno ng lungsod na sumisigaw "Pumunta rito ang mga lalaking ito na nagdulot ng kaguluhan." 7Itong mga lalaking tinanggap ni Jason ay sumasalungat laban sa mga kautusan ni Ceasar; sinasabi nilang mayroong pang ibang hari - si Jesus."
8Nang marinig ng karamihan at ng mga pinuno ng lungsod ang mga bagay ito, sila ay nabagabag. 9Pagkatapos nilang makuha ang perang pambayad mula kay Jason at sa kasamahan niya pinalaya na nila sila.
10Nang gabing iyon pinapunta ng mga kapatid sina Pablo at Silas sa Berea. Nang makarating sila roon, nagpunta sila sa sinagoga ng mga Judio. 11Ngayon ang mga taong ito ay mas matalino kaysa sa mga taga Tesalonica, dahil tinanggap nila ang salita nang may kahandaan ng isip, nagsasaliksik ng mga kasulatan araw araw, upang makita kung ang mga bagay na ito ay totoo. 12Kaya naman marami sa kanila ang nanampalataya, kabilang ang ilang mga kilalang kababaihang Griego at maraming kalalakihan.
13Ngunit nang mapag-alaman ng mga Judio na taga Tesalonica na nagpapahayag si Pablo ng Salita ng Dios sa Berea, nagpunta sila doon at niligalig at ginulo nila ang mga tao. 14Pagkatapos, agad - agad na pinapunta ng mga kapatid si Pablo papunta doon sa dagat, ngunit nanatili sina Silas at Timoteo doon. 15Dinala si Pablo ng mga naghatid sa kaniya hanggang sa lungsod ng Atenas. Nang sila ay papaalis na doon, nagbilin sa kanila si Pablo, na papuntahin sina Silas at Timoteo sa kaniya sa lalong madaling panahon.
16Ngayon habang nag-aantay si Pablo sa kanila sa Atenas, nabagabag ang kaniyang espiritu nang kaniyang makita na ang lungsod ay puno ng mga diyus-diyosan. 17Kaya nangatwiran siya sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumamba sa Diyos at maging sa mga nakikipagkita sa kaniya sa pamilihan araw-araw.
18Ngunit mayroong din mga pilosopong Epicureo at Estoico na kaniyang nakaharap. At may mga nagsabi, "Ano ang nais sabihin ng madaldal na ito?" sabi ng iba, "Parang mangangaral siya ng ibang diyos," dahil nangangaral siya tungkol kay Jesus at nang muling pagkabuhay.
19Dinala nila si Pablo papunta sa Areopago na sinasabing, "Maaari ba naming malaman ang bagong katuruan na iyong sinasabi? 20Sapagkat naghatid ka ng kakaibang bagay sa aming tainga. Kaya nga, nais naming malaman ang kahulugan ng mga ito. 21(Ngayon lahat ng mga taga Atenas at mga dayuhang nakatira doon ay ginugugol lamang ang kanilang panahon sa pagkukwento o pakikinig tungkol sa mga bagay na bago.)
22Kaya tumayo si Pablo sa kalagitnaan ng Aeropago at nagsabi, "Kayong mga taga-Atenas, nakita ko na kayo ay napakarelihiyoso sa lahat ng paraan. 23Sapagkat sa aking pagdaraan at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba, natagpuan ko ang isang altar na may naka-ukit na ganito, "SA DIYOS NA HINDI NAKIKILALA ". Ang sinasamba ninyo na hindi nakikilala ang aking ipinapahayag sa inyo.
24Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay. 25Hindi rin siya pinagsilbihan ng mga kamay ng tao, na para bang kailangan niya ang anuman, dahil siya mismo ang nagbigay ng buhay sa tao at hininga at lahat ng iba pang mga bagay.
26At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan. 27Kaya nga dapat nilang hanapin ang Diyos at baka sakaling maabot siya at matagpuan at sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.
28Dahil sa kaniya tayo ay nabubuhay at gumagalaw, at mayroong pagkatao, gaya nga ng sabi ng inyong mga makata, 'Dahil tayo rin ay kaniyang anak.' 29Dahil tayo ay anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang pagkadiyos ay tulad ng ginto o pilak o mga batong nilikha ng kaisipan ng tao.
30Kaya nga, pinalampas ng Diyos ang panahon na hindi siya kinilala, ngunit ngayon inuutusan niya ang lahat ng mga tao sa lahat ng dako na magsisi. 31Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay."
32Ngayon nang marinig ng mga kalalakihan ng Atenas ang tungkol sa muling pagkabuhay sa mga patay, kinutya ng iba si Pablo; ngunit sinabi ng iba, "Pakikinggan ka naming muli tungkol sa mga bagay na ito." 33Pagkatapos niyon, iniwan sila ni Pablo. 34Ngunit may ilang mga lalaking sumama sa kaniya at nanampalataya, kabilang si Dionisio na Areopagita, isang babaing nagngangalang Damaris at iba pang kasama nila.

18

1Pagkatapos mangyari ng mga bagay na ito si Pablo ay umalis sa Atenas at pumunta sa Corinto. 2Natagpuan niya doon ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila na nagmula sa Punto na kagagaling lamang ng Italya, kasama si Priscila na kaniyang asawa, dahil pinag-utos ni Claudio na lahat ng Judio ay umalis ng Roma. Pumunta si Pablo sa kanila; 3Namuhay at nagtrabaho si Pablo kasama nila dahil siya ay katulad din nila. Mga manggagawa ng tolda.

4Kaya nangangatwiran si Pablo sa loob ng sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga. Hinikayat niya ang mga Judio at mga Griyego. 5Ngunit nang dumating sina Silas at Timoteo sa Macedonia, Inudyukan ng Espiritu si Pablo na magpatotoo sa mga Judio na si Jesus ang Kristo. 6Nang hindi sumang-ayon ang mga Judio at siya ay nilait, pinagpag ni Pablo sa kanila ang kaniyang kasuotan at sinabi sa kanila, "Ang inyong dugo ay sumainyong sariling mga ulo; wala akong kasalanan. Simula ngayon sa mga Gentil na ako pupunta."
7At siya ay umalis at nagpunta sa tahanan ni Ticio Justu, isang lalaking sumasamba sa Diyos. Ang kaniyang tahanan ay nasa tabi ng sinagoga. 8Si Crispo na namumuno sa sinogoga at lahat sa kaniyang sambahayan ay nanampalataya sa Panginoon. Marami sa mga taga-Corinto na nakarinig kay Pablo ay nanampalataya at nabautismuhan.
9Isang gabi sinabi ng Panginoon kay Pablo sa isang pangitain, "Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik. 10Dahil kasama mo ako, at walang sinumang magtatangkang manakit sa iyo, dahil marami akong tao sa lungsod na ito." 11Tumira doon si Pablo ng isang taon at anim na buwan, Nagtuturo ng salita ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.
12Ngunit nang si Galio ay naging Gobernador ng Acaya, sama-samang nag alsa ang mga Judio laban kay Pablo at dinala siya sa harap ng hukuman; 13sinabi nila, " Ang lalaking ito ay nanghihikayat sa mga tao na sumamba sa Diyos na labag sa batas."
14Ngunit nang magsasalita na si Pablo, sinabi ni Galio sa mga Judio, "kayong mga Judio, kung totoo man na ito ay tungkol sa isang pagkakamali o isang krimen, nararapat lamang na harapin ko kayo. 15Ngunit dahil ito ay mga katanungan lamang tungkol sa mga salita at mga pangalan at sarili ninyong batas, lutasin ninyo ito sa inyong mga sarili. Hindi ko gustong maging hukom ng mga bagay na ito."
16Pinaalis sila ni Galio sa hukuman. 17Kaya sinunggaban nila si Sostenes na pinuno ng mga sinagoga at binugbog siya sa harapan ng hukuman. Ngunit hindi pinansin ni Galio ang kanilang ginawa.
18Matapos manatili doon ni Pablo ng marami pang mga araw, iniwanan ang mga kapatid at naglayag papunta ng Siria kasama sina Priscila at Aquila. Bago siya umalis sa daungan ng Cencrea, ipinaahit niya ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang panatang Nazaro. 19Nang dumating sila sa Efeso, iniwan niya sina Priscila at Aquila doon, ngunit siya mismo ay nagpunta sa sinagoga at nangatuwiran sa mga Judio.
20Nang tanungin nila si Pablo na manatili pa ng mas mahabang panahon, tumanggi siya. 21Ngunit ng siya ay paalis na, sinabi niya, "Babalik akong muli sa inyo kung kalooban ng Diyos." Kaya siya ay naglayag mula sa Efeso.
22Nang makadaong si Pablo sa Caesarea, umakyat siya at binati ang iglesia sa Jerusalem at pagkatapos ay bumaba siya sa Antioquia. 23Pagkatapos niyang manatili doon ng ilang panahon, umalis si Pablo at nagpunta sa mga rehiyon ng Galatia at Phyrgia at pinalakas ang lahat ng mga disipulo.
24Ngayon, may isang Judio na nagngangalang Apollos na ipinanganak sa Alexandria, ang nagpunta sa Efeso. Mahusay siyang mangusap at bihasa sa mga kasulatan. 25Naturuan si Apollos sa mga katuruan ng Panginoon. Sa pagiging maalab sa espiritu, nagsalita siya at nagturo nang wasto tungkol sa mga bagay ukol kay Jesus, ngunit tungkol lamang sa baustismo ni Juan ang kaniyang nalalaman. 26Nagsimulang magsalita si Pablo nang may katapangan sa sinagoga. Ngunit nang marinig siya nina Priscila at Aquila, kinaibigan nila siya at ipinaliwanag sa kaniya ang paraan ng Diyos ng mas mabuti.
27Nang ninais niyang dumaan sa Acaya, pinalakas ng mga kapatiran ang kaniyang loob at sumulat sa mga disipulo sa Acaya upang siya ay tanggapin. Nang dumating siya, tinulungan niya ng labis ang mga nanampalataya sa pamamagitan ng biyaya. 28Lubhang dinaig ni Apolos sa publiko ang mga Judio taglay ang kaniyang kapangyarihan at kahusayan, ipinapakita sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus nga ang Cristo.

19

1At nang si Apolos ay nasa Corinto, dumaan si Pablo sa mga matataas na lupain at nakarating sa lungsod ng Efeso, at natagpuan niya ang ilang alagad doon. 2Sinabi ni Pablo sa kanila, "Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang kayo ay manampalataya?" Sinabi nila sa kaniya, "Hindi, hindi man lang namin narinig ang tungkol sa Banal na Espiritu."

3Sinabi ni Pablo, "Kung gayon saan kayo nabautismuhan?" Sinabi nila, "Sa bautismo ni Juan." 4Kaya sumagot si Pablo, "Nagbautismo si Juan kasama ang bautismo ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga tao na dapat silang manampalataya sa darating na kasunod niya, kay Jesus."
5Nang narinig ito ng mga tao, nabautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6At nang ipatong ni Pablo ang kaniyang kamay sa kanila, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanila at sila ay nagsalita ng iba't ibang mga wika at nagpahayag ng propesiya. 7mga labindalawang kalalakihan silang lahat.
8Pumunta si Pablo sa sinagoga at matapang na nagsalita sa loob ng tatlong buwan. Pinangungunahan niya ang mga pagpapaliwanag at panghihikayat sa mga tao tungkol sa mga bagay patungkol sa Kaharian ng Diyos. 9Ngunit nang ang ilan sa mga Judio ay nagmamatigas at hindi sumusunod, nagsimula silang magsalita ng masama sa daan ni Cristo sa harap ng maraming tao. Kaya iniwan sila ni Pablo at pinangunahan niya ang mga mananampalataya palayo sa kanila. Nagsimula siyang magsalita araw-araw sa loob ng bulwagan ng Tiranus. 10Nagpatuloy ito ng dalawang taon, lahat ng mga taong nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita ng Panginoon, maging Judio o Griego.
11Gumagawa ang Diyos ng mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo, 12upang maging ang mga may sakit ay gumaling, at ang mga masasamang espiritu ay lumabas mula sa kanila, nang makakuha sila ng mga panyo at epron mula sa katawan ni Pablo.
13Ngunit may mga Judio na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang naglalakbay sa lugar na ginagamit ang pangalan ni Jesus para sa kanilang pansariling nais. Sila ay nagsalita sa mga nasapian ng mga masasamang espiritu; sinabi nilang, Mula sa pagpapahayag ni Pablo inuutusan kita sa pamamagitan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, lumayas ka." 14Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva.
15Sumagot ang masamang espiritu sa kanila, "Kilala ko si Jesus at kilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?" 16Lumundag ang masamang espiritu sa mga nagpalayas ng masamang espiritu at tinalo sila at sinaktan. Pagkatapos tumakas sila palabas sa bahay na iyon na walang damit at sugatan. 17Nalaman ito ng lahat, maging mga Judio at Griego na nanirahan sa Efeso. Natakot sila ng labis at naparangalan ang pangalan ng Panginoong Jesus.
18Gayon din, marami sa mga mananampalataya ang dumating na nagsabi at umamin ng kanilang mga kasamaang ginawa. 19Marami sa mga gumagawa ng salamangka ang nagdala ng kanilang mga libro at sinunog nila sa paningin ng lahat. Nang bilangin nila ang halaga nito, ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piraso ng pilak. 20Kaya't ang salita ng Panginoon ay lumaganap sa makapangyarihang paraan.
21Ngayon nang natapos ni Pablo ang kaniyang ministeryo sa Efeso, nagpasya siya sa Espiritu na dumaan sa Macedonia at Acaya patungong Jerusalem; sinabi niya, "Pagkagaling ko roon, kailangan ko ring makita ang Roma." 22Pinadala ni Pablo ang dalawa sa kaniyang mga alagad sa Macedonia, si Timoteo at Erasto, na tumulong sa kaniya. Ngunit siya ay nanatili muna sa Asia ng kaunting panahon.
23At nagkaroon ng malaking kaguluhan sa panahong iyon Efeso patungkol sa Daan. 24May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday. 25Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, "Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga.
26Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay. 27At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo."
28Nang marinig nila ito, napuno sila ng galit at sumigaw na nagsasabi, "Dakila si Diana ng mga taga- Efeso." 29Napuno ng kaguluhan ang buong lungsod, at ang mga tao ay sama-samang nagmadali papunta sa tanghalan. At dinampot nila ang mga kasamahan ni Pablo sa paglalakbay na sina Gaius at Aristarco, na taga-Macedonia.
30Nais ni Pablo na pumasok sa gitna ng napakaraming tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad. 31Maging ang ilan sa mga opisyal ng probinsiya ng Asia na kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng mensahe na nakikiusap na huwag siyang tumuloy sa tanghalan. 32Ang ibang mga tao ay sumisigaw ng isang bagay, at ang ilan ay naman, sapagkat nalito ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung bakit sila nagkatipon-tipon doon.
33Dinala ng mga Judio si Alejandro palabas sa maraming tao, ihinarap siya sa mga tao. Si Alejandro ay nagsenyas ng kaniyang kamay upang magbigay ng paliwanag sa mga tao. 34Ngunit nang malaman nila na siya ay isang Judio, sumigaw silang lahat ng may iisang tinig sa loob ng dalawang oras, "Dakila si Diana ng mga taga Efeso."
35Nang patahimikin ng kalihim ng bayan ang mga tao, sinabi niya, "Kayong mga taga-Efeso, sino ba naman ang hindi nakakaalam na ang lungsod ng mga taga Efeso ay tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana at ng kaniyang imahe na nahulog mula sa langit? 36Nakikita naman natin na ang mga bagay na ito ay hindi maitatanggi, kinakailangan na kayo ay manahimik at huwag maging pabigla-bigla. 37Sapagkat dinala ninyo ang mga lalaking ito sa hukumang ito na hindi magnanakaw sa templo o nagsasalita ng masama sa ating diyosa.
38Kaya, kung si Demetrio at ang mga manggagawa na kasama niya ay may reklamo laban sa sinuman, bukas ang hukuman at nandiyan ang mga gobernador. Hayaan ninyo na akusahan nila ang isat isa. 39Ngunit kung naghahanap kayo ng kasagutan sa anumang bagay, ito ay maaring maayos sa pagpupulong. 40Kung gayon tayo ay nanganganib na maakusahan sa nangyaring kaguluhan sa araw na ito. Walang dahilan para sa kaguluhang ito, at hindi natin kayang ipaliwanag ito." 41Nang sabihin niya ito, tinapos na niya ang pagpupulong.

20

1Nang tumigil na ang kaguluhan, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad at pinalakas ang kanilang loob. Pagkatapos nagpaalam siya sa kanila at umalis papuntang Macedonia. 2Nang mapuntah niya ang mga rehiyong iyon at labis na mapalakas ang loob ng mga mananampalataya, pumunta siya sa Grecia. 3Pagkatapos niyang namalagi ng tatlong buwan doon, may nabuong masamang balak ang mga Judio laban sa kaniya nang siya ay maglalayag sa Siria, kaya nagpasiya siya na bumalik sa Macedonia.

4Sinamahan siya hanggang sa Asia nina Sopater na anak ni Pirro mula sa Berea; Aristarco at Segundo, na mga mananampalataya na nagmula sa Tesalonica; ni Gayo na nagmula sa Derbe; Timoteo; Tiquico at Trofimo mula sa Asia. 5Ngunit nauna ang mga kalalakihang ito at hinintay kami sa Troas 6Naglayag kami mula Filipos pagkatapos ng mga araw ng tinapay na walang lebadura, at sa loob ng limang araw ay nakarating kami sa Troas. Nanatili kami doon ng pitong araw.
7Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi. 8May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon.
9May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay. 10Ngunit bumaba si Pablo, dumapa sa kaniya at yinakap siya. At sinabi niya "Wag kayong mag-alala, dahil siya ay buhay."
11Pagkatapos umakyat siya sa itaas at pinag-piraso ang tinapay at kumain. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanila hanggang madaling-araw, siya ay umalis. 12Naibalik nila ang binata ng buhay at naging panatag ang kanilang kalooban.
13Nauna kaming pumunta kay Pablo sa pamamagitan ng barko at naglayag papuntang Ason, kung saan namin binalak isakay si Pablo. Ito ang ninais niyang gawin, dahil binalak niyang maglakbay sa lupa. 14Nang nakasalubong namin siya sa Ason, isinama namin siya sa barko at nagpunta sa Mitilene.
15At naglayag kami mula doon at nakarating kinabukasan sa kabilang pulo ng Quio. Sa sumunod na araw nakarating kami sa pulo ng Samos, at pagkalipas ng isang araw, nakarating kami sa lungsod ng Mileto. 16Sapagka't ipinasya ni Pablo na lumampas ng Efeso, upang hindi siya maglaan ng ilang araw sa Asia; sapagkat nagmamamadali siyang makarating sa Jerusalem para sa araw ng Pentecostes, kung ang lahat na ito'y makaya niyang gawin.
17Mula Mileto, nagpadala siya ng mga kalalakihan sa Efeso at pinatawag niya mismo ang mga nakatatanda ng iglesia. 18Nang dumating sila sa kaniya, sinabi niya sa kanila, "Kayo mismo ang nakakaalam, na mula pa noong unang araw na tumungtong ako sa Asia, palagi akong naglalaan ng oras kasama kayo. 19Patuloy akong naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip at may luha, at sa mga pagdurusang naranasan ko dahil sa mga masamang balak ng mga Judio. 20Alam ninyo na hindi ko ipinagkait na ituro sa inyo ang mga bagay na nakatutulong, at kung paano ko kayo tinuruan sa publiko at pumunta din ako sa mga bahay-bahay. 21Alam ninyo na lagi kong binabalaan ang mga Judio at mga Griego tungkol sa pagsisisi sa Diyos at pananalig sa ating Panginoong Jesus.
22Ngayon, tingnan ninyo, pupunta ako na natatali sa Banal na Espiritu patungong Jerusalem, na hindi nalalaman kung ano ang mangyayari sa akin doon, 23maliban sa pagpapatotoo sa akin ng Banal na Espiritu sa bawat lungsod at magsabing naghihintay sa akin ang mga kadena at pagdurusa. 24Ngunit hindi ko itinuturing na mahalaga ang aking buhay para sa aking sarili, upang matapos ko ang aking pagtakbo at ang ministeryong tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, na magpatotoo sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
25Ngayon, tingnan ninyo, nalalaman ko na kayong lahat, na pinuntahan ko at ipinangaral ang patungkol sa kaharian, hindi na ninyo makikita pang muli ang aking mukha. 26Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y walang sala sa dugo ng sinumang tao. 27Dahil hindi ko ipinagkait sa inyo ang pagpapahayag ng lahat ng kalooban ng Diyos.
28Kaya mag-ingat kayo sa inyong mga sarili, at tungkol sa mga kawan na pinamahala ng Banal na Espiritu sa inyo. Pag-ingatan ninyo ang kawan sa kapulungan ng Panginoon, na tinubos ng kaniyang sariling dugo. 29Alam ko na pagkatapos ng aking pag-alis, papasukin kayo ng mabagsik na mga lobo, at walang ititira sa kawan. 30Alam ko na kahit sa inyong mga sarili, may ilang mga tao na lilitaw at magsasabi ng masasamang mga bagay, upang ilayo ang mga alagad sa kanila.
31Kaya maging mapagbantay. Alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumigil sa pagtuturo sa inyo na may kasamang luha sa araw at gabi. 32At ngayon ipinagkatiwala ko kayo sa Diyos, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay at magbigay sa inyo ng mana kasama sa lahat ng mga taong nakalaan sa Diyos.
33Hindi ko pinagnasahan ang pilak, ginto o damit ng ibang tao. 34Alam ninyo na itong mga kamay na ito ang naglingkod para sa aking sariling pangangailangan at maging sa pangangalingan ng aking mga kasama. 35Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: "Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap."
36Pagkatapos niyang magsalita sa ganitong paraan, lumuhod siya at nanalangin kasama nilang lahat. 37Umiyak silang lahat ng labis at yumakap kay Pablo at hinalikan siya. 38Higit sa lahat nalulungkot sila dahil sa kaniyang sinabi, na hindi na nila makikita pa kailan man ang kaniyang mukha. At hinatid nila siya sa barko.

21

1Nang humiwalay kami mula sa kanila at naglayag, dumeretso kami patungo sa lungsod ng Cos at nang sumunod na araw sa lungsod ng Rodas, at mula roon patungo sa lungsod ng Patara. 2Nang makakita kami ng barko na papunta sa Fenicia, sumakay kami at naglayag.

3Nang natatanaw na namin ang lungsod ng Cyprus, nilampasan namin ito sa kaliwa, at naglayag kami patungong Siria, at dumaong sa lungsod ng Tiro, sapagkat doon ibababa ang mga kargamento ng barko. 4Pagkatapos naming matagpuan ang mga alagad, nanatili kami roon ng pitong araw. Nagsabi kay Pablo Ang mga alagad na ito sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang tumapak ng kaniyang mga paa sa Jerusalem.
5Nang makapagpalipas kami ng mga araw, umalis kami at nagpatuloy sa paglalakbay. Lahat sila, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ay sinamahan kami sa daan hanggang makalabas kami ng lungsod. Pagkatapos lumuhod kami sa tabing dagat, nanalangin at nagpaalam na sa bawat isa. 6Sumakay kami sa barko, habang pabalik sila sa kanilang tahanan.
7Nang matapos namin ang paglalakbay mula sa Tiro, dumating kami sa Tolemaida. Doon ay binati namin ang mga kapatid at nanatili na kasama nila ng isang araw. 8Kinabukasan umalis kami at nagtungo sa Cesarea. Pumasok kami sa bahay ni Felipe, na tagapangaral ng ebanghelyo na isa sa pito, at nanatili kaming kasama niya. 9Ngayon ang taong ito ay may apat na anak na babaeng birhen na nagpapahayag ng propesiya.
10Habang nanatili kami doon ng ilang araw, dumating ang isang propeta mula sa Judea na nagngangalang Agabo. 11Lumapit siya sa amin at kinuha ang sinturon ni Pablo. Sa pamamagitan nito itinali niya ang kaniyang mga paa at kamay at sinabing, " Sinabi ng Banal na Espiritu, 'Sa ganito rin itatali ng mga Judio sa Jerusalem ang taong nag mamay-ari ng sinturong ito, at ipapasakamay siya sa mga mga Gentil."
12Nang marinig namin ang mga bagay na ito, nagmakaawa kami at ang mga tao na nakatira sa lugar na iyon kay Pablo na huwag pumunta sa Jerusalem. 13Kaya sumagot si Pablo, "Ano ang ginagawa ninyo, umiiyak at dinudurog ang aking puso? Sapagkat handa na ako, hindi lang upang magapos, ngunit para mamatay din sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus." 14Dahil ayaw ni Pablo na hikayatin siya, tumigil na kami sa pagsubok at sinabing "Nawa mangyari ang kalooban ng Panginoon."
15Pagkatapos nang mga araw na ito, kinuha namin ang aming mga daladalahan at umakyat patungong Jerusalem. 16Mayroon ding mga sumama sa amin na mga alagad sa lugar na iyon galing Cesarea. Kasama nila ang isang lalaki na nagngangalang Mnason, isang taong taga-Cyprus, na isa sa unang alagad kung saan kami manunuluyan.
17Nang dumating kami sa Jerusalem, tinanggap kami ng mga kapatid nang may kagalakan. 18Kinabukasan sumama sa amin si Pablo papunta kay Santiago at naroon ang lahat ng mga nakatatanda. 19Nang batiin niya sila, isa-isang ibinalita ni Pablo ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministeryo.
20Nang marinig nila ito, nagpuri sila sa Diyos at sinabi nila sa kaniya, "Nakita mo, kapatid, kung ilang libo ang nanampalataya sa mga Judio. Nagsisikap silang lahat na sundin ang kautusan. 21nakapagbalita sa kanila ng tungkol sa iyo, na iyong itinuturo sa lahat ng mga Judio na naninirahan kasama ng mga Gentil upang iwanan si Moises, at sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak at huwag sumunod sa sinaunang kaugalian.
22Ano ang ating dapat gawin? Tiyak na maririnig nila na ikaw ay dumating. 23Kaya gawin mo kung ano ang aming sasabihin saiyo ngayon: may apat kaming kalalakihan na gumawa ng panata. 24Isama mo ang mga lalaking ito at linisin mo ang iyong sarili kasama nila, at bayaran ang mga gastusin nila, upang ahitin nila ang kanilang mga ulo. Upang malaman ng bawat isa na ang mga bagay na sinabi nila tungkol sa iyo ay mali. Malalaman nila na sumusunod ka rin sa kautusan.
25Ngunit tungol sa mga Gentil na nanampalataya, sumulat kami at nagbigay ng tagubilin na ingatan nila ang kanilang mga sarili mula sa mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at sa dugo, at mula sa mga nagbigti at mula sa kahalayan." 26Pagkatapos isinama ni Pablo ang mga kalalakihan, at kinabukasan, nang makapaglinis na siyang kasama nila, tumungo sila sa templo, inihayag niya ang takdang panahon ng paglilinis, hanggang maialay ang handog para sa bawat isa sa kanila.
27Nang malapit nang matapos ang pitong araw, nakita ng ilan sa mga Judio na galing ng Asia si Pablo sa loob ng templo at sinulsulan ang lahat ng napakaraming tao at siya ay dinakip. 28Sumisigaw sila ng, "Mga lalaki sa Israel, tulungan ninyo kami. Ito ang taong nagtuturo sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako ng mga bagay na laban sa mga tao, sa kautusan, at sa lugar na ito. Bukod dito, nagdala din siya ng mga Griego sa loob ng templo at dinungisan ang banal na lugar na ito." 29Sapagkat kamakailan lamang ay nakita nila si Trofimo na taga-Efeso na kasama nila sa lungsod, at iniisip nilang si Pablo ang nagdala sa kaniya sa templo.
30Nagkagulo ang buong lungsod at sama samang tumakbo ang mga tao at dinakip si Pablo. Kinaladkad nila siya palabas ng templo, at agad na isinara ang mga pintuan. 31Habang binabalak nila na siya ay patayin, nakarating ang balita sa pinunong kapitan ng mga bantay na ang lahat ng nasa Jerusalem ay nagkagulo.
32Agad-agad nagsama siya ng mga kawal at mga senturion, at tumakbo pababa papunta sa maraming tao. Nang makita ng mga tao ang pinunong kapitan at ang mga kawal, huminto sila sa pagbugbog kay Pablo. 33Pagkatapos lumapit ang pinunong kapitan at dinakip si Pablo, at nag-utos na igapos siya gamit ang dalawang kadena. Tinanong niya kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.
34Ang ilan sa mga tao ay sumisigaw ng isang bagay at iba naman ang sinisigaw ng iba. Dahil hindi makapagsabi ang kapitan ng anumang bagay dahil sa ingay ng lahat, nag-utos siya na dalhin si Pablo sa loob ng kampo. 35Nang dumating siya sa hagdanan, binuhat siya ng mga kawal dahil sa karahasan ng mga tao. 36Sapagkat ang karamihan ng mga tao ay sumusunod at patuloy na sumisigaw ng, "Alisin siya!"
37Nang dadalhin na si Pablo sa loob ng kampo, sinabi niya sa pinunong kapitan, "Maaari ba akong magsabi ng isang bagay saiyo?" Sinabi ng kapitan, "Nagsasalita ka ba ng Griego? 38Hindi ba ikaw iyong taga-Egipto, na dating nangunguna sa paghihimagsik at nagsama ng apat na libong terorista patungo sa ilang?"
39Sinabi ni Pablo, "Ako ay isang Judio, na mula sa lungsod ng Tarso sa Cilicia. Ako ay mamamayan ng isang mahalagang lungsod. Nakikiusap ako saiyo, hayaan mo akong magsalita sa mga tao." 40Nang bigyan siya nang pahintulot ng kapitan, Tumayo si Pablo sa hagdanan at sinenyas ang kaniyang kamay sa mga tao. Nang magkaroon ng labis na katahimikan, nagsalita siya sa kanila sa wikang Hebreo. Sinabi niya,

22

1"Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa aking pagtatanggol na aking gagawin sa inyo ngayon. 2Nang marinig ng mga tao si Pablo na nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, tumahimik sila. Sinabi niya,

3"Isa akong Judio, ipinanganak sa Tarso sa Cilicia, subalit nag-aral sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel. Tinuruan ako mula sa mahigpit na mga kaparaanan ng kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa Panginoon, katulad ninyong lahat ngayong. 4Inusig ko ang Daang ito hanggang sa kamatayan; iginapos ko ang mga lalaki at gayon din ang mga babae at ipinabilanggo ko sila. 5Ang punong pari at lahat ng mga nakatatanda ay maaari ding sumaksi na ako ay tumanggap ng liham na galing sa kanila para sa mga kapatid sa Damasco, upang ako ay maglakbay doon. Dadalhin ko sana sa Jerusalem na nakakadena silang mga nasa Daang ito upang parusahan.
6Mangyari nga nang ako ay naglalakbay at malapit na sa Damasco, bandang tanghali may biglang pumalibot na matinding liwanag sa akin na galing sa langit. 7Natumba ako sa lupa at nakarinig ng tinig na nagsabi sa akin, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?' 8Sumagot ako, 'Sino ka, Panginoon?' Sinabi niya sa akin, 'Ako ay si Jesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.'
9Nakita rin ng mga nakasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang kaniyang tinig na kumausap sa akin. 10Sinabi ko, 'Panginoon, ano ang dapat kong gawin?' Sinabi ng Panginoon sa akin, 'Tumayo ka at magtungo sa Damasco; doon sasabihin sa iyo ang lahat ng iyong gagawin.' 11Hindi ako makakita dahil sa sinag ng liwanag, kaya pumunta ako sa Damasco na inakay ng mga kasama ko.
12Doon nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Ananias, isang tapat na tao na sumusunod sa kautusan at maganda ang sinasabi patungkol sa kaniya ng mga Judio na nakatira doon. 13Lumapit siya sa akin, tumayo sa aking tabi, at sinabi, 'Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.' Sa mga oras din na iyon, nakita ko siya.
14Pagkatapos sinabi niya 'Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman ang kaniyang kalooban, upang makita ang Isang Matuwid, at upang pakinggan ang tinig na manggagaling sa kaniyang sariling bibig. 15Dahil ikaw ang magiging saksi sa kaniya sa lahat ng mga tao tungkol sa iyong nakita at narinig. 16At bakit ka naghihintay ngayon? Tumayo ka, at magpabautismo, at hugasan ang iyong mga kasalanan na tumatawag sa kaniyang pangalan.'
17Pagkatapos kong makabalik sa Jerusalem at habang ako ay nananalangin sa templo, nangyari nga na binigyan ako ng pangitain. 18Nakita ko siya na sinabi sa akin, 'Magmadali ka at lisanin kaagad ang Jerusalem, dahil hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.'
19Sinabi ko, 'Panginoon, sila mismo ang nakakaalam na ako ay nagpabilanggo at nagparusa ng mga sumampalataya sa iyo sa bawat sinagoga. 20Nang dumanak ang dugo ni Esteban na iyong saksi, nandoon ako na nakatayo at sumasang-ayon at binabantayan ko ang mga damit ng mga pumatay sa kaniya. 21Ngunit sinabi niya sa akin "Umalis ka, dahil papupuntahin kita sa mga Gentil."
22Pinahintulutan siya ng mga tao na magsalita hanggang sa puntong ito. Ngunit pagkatapos nagsigawan sila at nagsabing, "Alisin ang taong ito sa lupa: sapagkat hindi siya nararapat na mabuhay." 23Habang sila ay nagsisigawan, hinahagis nila ang kanilang mga kasuotan, at naghahagis ng alikabok sa hangin 24at ipinag-utos ng punong kapitan na dalhin si Pablo sa kampo. Iniutos na hagupitin siya habang tinatanong, upang malaman niya kung bakit nagsisigawan sila laban sa kaniya ng ganoon.
25Nang magapos na nila siya ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa tabi, "Naaayon ba sa batas na hagupitin mo ang isang taong Romano na hindi pa nahahatulan?" 26Nang marinig ito ng senturion, pinuntahan niya ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, "Ano ang gagawin mo? Dahil ang taong ito ay isang mamamayang Romano."
27Pumunta ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, "Sabihin mo sa akin, isa ka nga bang Romano?" sinabi ni Pablo, "Oo." 28Sumagot ang punong kapitan, "Dahil lamang sa malaking halaga ng salapi kaya ako naging isang mamamayan."Ngunit sinabi ni Pablo, "Ipinanganak ako na isang mamamayang Roma." 29At ang mga tao na magtatanong sa kaniya ay agad na iniwan siya. Natakot din ang punong kapitan, nang malaman niya na si Pablo ay isang mamamayang Romano, dahil ipinagapos niya siya.
30Sa sumunod na araw, gustong malaman ng punong kapitan ang katotohanan tungkol sa mga paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya tinanggal niya ang gapos at inutusan ang mga punong pari at lahat ng konseho upang magpulong. At dinala nila si Pablo sa baba at iniharap sa kanila.

23

1Tumingin si Pablo ng diretso sa mga miyembro ng konseho at sinabi, "Mga kapatid, namuhay ako sa harapan ng Diyos ng may mabuting budhi hanggang sa araw na ito." 2Inutusan ng pinakapunong pari na si Ananias ang mga nakatayo sa tabi niya na sampalin siya sa kaniyang bibig. 3At sinabi ni Pablo sa kaniya, "Ang Diyos ang maghahampas sa'yo, ikaw na pinaputing nilinis na pader. Ikaw ba ay naupo para husgahan ako ayon sa kautusan, ngunit nag-utos ka na sampalin ako na labag sa kautusan?"

4Ang mga nakatayo sa paligid ay sinabing, "Ganito mo ba insultuhin ang pinakapunong pari ng Diyos?" 5Sinabi ni Pablo, "Hindi ko alam, mga kapatid, na siya ay pinakapunong pari. Sapagkat nasusulat, Huwag kang magsalita ng masama laban sa pinuno ng iyong mga tao."
6Nang makita ni Pablo na ang isang bahagi ng konseho ay mga Saduceo at ang iba ay Pariseo, nagsalita siya ng malakas sa konseho, "Mga kapatid, isa akong Pariseo, anak ng mga Parise. Ito ay dahil sa lubos akong nagtitiwala sa muling pagkabuhay ng mga patay kaya ako hintulan." 7Nang sabihin niya ito, nag-umpisang magtalo ang mga Pariseo at Saduceo, at nahati ang kapulungan. 8Dahil sinasabi ng mga Saduceo na walang muling pagkabuhay ng mga patay, walang mga anghel, at walang mga espiritu, ngunit sinasabi ng mga Pariseo na mayroon ng lahat na ito.
9Kaya nagkaroon ng malakas na sigawan at ang ilan sa mga eskriba na kabilang sa mga Pariseo ay tumayo at nakipagtalo na nagsasabi, "Wala kaming mahanap na mali sa lalaking ito. Paano kung nakipag-usap ang espiritu o isang anghel sa kaniya?" 10Nang magkaroon ng labis na pagtatalo, natakot ang punong kapitan na baka pagpira-pirasuin nila si Pablo, kaya inutusan niya ang mga kawal na bumaba at sapilitan siyang kinuha ng mga kasapi ng konseho at dinala siya sa loob ng kampo.
11Nang sumunod na gabi tumayo ang Panginoon sa kaniyang tabi at sinabi, "Huwag kang matakot, kung paano ka nagpatotoo patungkol sa akin sa Jerusalem, kailangan mo ring maging saksi sa Roma."
12Kinaumagahan, may ilang mga Judio ang gumawa ng kasunduan at sinumpa sa kanilang sarili: sinabi nila na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hangga't hindi nila mapatay si Pablo." 13Mahigit apat-napung kalalakihan ang gumawa ng planong ito.
14Pumunta sila sa mga punong pari at mga nakatatanda at sinabi, "Nilagay namin ang aming sarili sa isang matinding sumpa, na hindi kami kakain ng anuman hangga't hindi namin mapatay si Pablo. 15Kaya ngayon, hayaan ninyo na ang konseho ang magsabi sa punong kapitan na dalhin siya sa inyo, na para bang pagpapasyahan mo ng husto ang kaniyang kaso. Para sa amin, handa namin siyang patayin bago siya makapunta dito."
16Ngunit narinig ito ng lalaking anak ng kapatid na babae ni Pablo na matagal silang naghihintay, kaya pumunta siya at pumasok sa kampo at sinabi kay Pablo. 17Tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion at sinabi, "Dalhin mo ang binata na ito sa punong kapitan, dahil mayroon siyang sasabihin sa kaniya."
18Kaya sinama ng senturion ang binata at dinala sa punong kapitan at sinabi, "Pinatawag ako ng bilanggong si Pablo na pumunta sa kaniya, at nakiusap siya kung maaaring dalhin ko ang binatang ito sa iyo. May nais siyang sabihin sa iyo" 19Hinila siya sa kamay ng punong kapitan at dinala sa pribadong lugar at siya ay tinanong, "Ano ang kinakailangan mong sabihin sa akin?"
20Sinabi ng binata, "Nagkasundo ang mga Judio na hilingin sa iyo na ipadala mo si Pablo sa konseho bukas, na para bang sisiyasatin siya ng mabuti patungkol sa kaniyang kaso. 21Pero huwag kang maniniwala sa kanila, dahil mayroong higit sa apat-napung kalalakihan ang nag-aabang sa kaniya. Isinumpa nila ang kanilang sarili, na hindi sila kakain o iinom hangga't mapatay nila siya. Ngayon pa lang nakahanda na sila, naghihintay ng pahintulot mula sa iyo."
22Kaya hinayaan ng punong kapitan ang binata na umalis, pagkatapos siyang mapagsabihang, "Wag mong babanggitin sa iba ang mga bagay na sinabi mo sa akin." 23Kaya pinatawag niya ang dalawang senturion at sinabi, "Maghanda kayo ng dalawang-daang kawal na handang magtungo hanggang sa Cesarea, at pitumpung mangangabayo, at dalawang-daang maninibat. Aalis kayo alas nuwebe ng gabi." 24Inutusan din niyang magbigay sila ng hayop na masasakyan ni Pablo, at dalhin siya ng ligtas kay gobernador Felix.
25At nagsulat siya ng liham na ganito: 26"Mula kay Claudio Lisias para sa kagalang-galang na Gobernador Felix, binabati ko kayo. 27Ang taong ito ay dinakip ng mga Judio at muntik na nilang patayin, Nang dumating ako sa kanila kasama ang mga kawal upang sagipin siya, dahil nalaman kong isa siyang mamamayang Romano.
28Nais kong malaman kung bakit siya pinaratangan nila, kaya dinala ko siya sa kanilang konseho. 29Nalaman ko na pinaratangan siya patungkol sa mga katanungang hinggil sa kanilang sariling batas, ngunit wala sa mga inereklamo laban sa kaniya ang nararapat sa kamatayan o pagkabilanggo. 30Pagkatapos naibalita sa akin na mayroon silang masamang balak laban sa lalaki, kaya agad-agad ko siyang pinadala sa iyo, at ipinagbilin din sa mga nag-aakusa sa kaniya na dalhin ang kanilang mga reklamo laban sa kaniya sa iyong harapan. Paalam."
31Kaya sumunod ang mga kawal sa kaniyang mga utos: kinuha nila si Pablo at dinala sa Antipatris ng gabing iyon. 32Nang sumunod na araw, halos lahat ng kawal ay iniwan ang mga mangangabayo para sumama sa kaniya at sila mismo ay nagbalik sa kampo. 33Nang nakarating ang mga mangagabayo sa Cesarea at naihatid ang sulat sa gobernador, hinarap nila si Pablo sa kaniya.
34Nang mabasa ng gobernador ang liham, tinanong niya kung saang lalawigan nagmula si Pablo; nang malaman niya na siya ay taga-Cilicia, 35sinabi niyang "Papakinggan ko ang lahat kapag nandito na ang mga nagpaparatang sa iyo." At ipinag-utos niya na manatili siya sa palasyo ni Herodes.

24

1Pagkaraan ng limang araw, pumunta roon si Ananias na pinakapunong pari, ilang mga nakatatanda, at ang mananalumpati na nagngangalang Tertulo. Nagdala ng mga bintang ang mga kalalakihang ito sa gobernador laban kay Pablo. 2Nang tumayo si Pablo sa harap ng gobernador, nagsimula siyang paratangan ni Tertulo at sinabi sa gobernador, "Dahil sa iyo nagkaroon kami ng labis na kapayapaan; at ang pag-iintindi mo sa amin ay nagdulot ng ikauunlad ng aming bansa; 3kaya buong pasasalamat, tinanggap namin ang lahat ng bagay na iyong ginawa, kataas-taasang Felix.

4Kaya hindi ko na kayo gagambalain pa, hinihiling ko sa inyo na makinig ng sandali sa akin ng may kagandahang loob. 5Dahil natuklasan namin na ang taong ito ay nanggugulo at dahilan ng paghihimagsik ng lahat ng mga Judio sa buong mundo. Siya ang pinuno ng sektang Nazareno. 6Sinubukan pa niyang lapastanganin ang templo; kaya namin siya hinuli. (At gusto pa namin siyang hatulan ayon sa aming batas.)
7( "Ngunit si Lisias na opisyal ay dumating at sapilitan siyang kinuha sa aming mga kamay.") 8Kung tatanungin ninyo si Pablo tungkol sa lahat ng mga bagay na ito, maging ikaw din, malalaman mo ang mga paratang namin sa kaniya." 9Sama-sama ding pinaratangan ng mga Judio si Pablo, at sinabi na ang lahat ng mga bagay na ito ay totoo.
10Ngunit nang sumenyas ang gobernador upang magsalita si Pablo, sumagot si Pablo, "Nauunawaan ko na sa maraming taon ay naging hukom ka sa bansang ito, kaya ikinagagalak kong ipaliwanag ang aking sarili sa iyo. 11Mapapatunayan mo na hindi pa aabot sa labindalawang araw mula ng ako ay umakyat sa Jerusalem upang sumamba; 12at nang makita nila ako sa templo, hindi ako nakipagtalo kahit kaninuman, at hindi ko ginulo ang maraming tao, maging sa mga sinagoga o sa lungsod; 13at hindi nila kayang mapatunayan sa iyo ang mga reklamo nila laban sa akin ngayon.
14Subalit inaamin ko ito sa iyo, na ayon sa pamamaraan na tinatawag nilang sekta, sa pamamaraan ding iyon, naglingkod ako sa Diyos ng aming mga ninuno. Tapat ako sa lahat ng nasa batas at sa mga kasulatan ng mga Propeta. 15Ganoon din ang pagtitiwala ko sa Diyos, katulad din ng paghihintay ng mga taong ito, sa pagdating ng araw ng pagkabuhay ng mga patay ng kapwa matuwid at hindi matuwid na tao; 16at dahil dito, pinagsisikapan ko na magkaroon ng budhing walang kapintasan sa lahat ng mga bagay sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
17Ngayon, pagkalipas ng maraming taon, ako'y dumating upang maghatid ng tulong sa aking bansa at maging sa pagkaloob ng mga pera. 18Nang ginawa ko ito, may ilang mga Judio na taga-Asia ang nakakita sa akin na nagsasagawa ng seremonyang paglilinis sa templo, na walang maraming tao at walang kaguluhan. 19Ang mga taong ito ay dapat na narito sa harapan ninyo at sabihin kung ano ang mayroon sila laban sa akin, kung mayroon man.
20O kaya, ang mga tao ding ito ay dapat magsabi kung ano ang kanilang natagpuang kamalian na ginawa ko nang tumayo ako sa konseho ng mga Judio; 21maliban kung ito ay patungkol sa isang bagay na pasigaw kong sinabi ng tumayo ako sa gitna nila, 'Ito ay patungkol sa pagkabuhay ng mga patay na inyong inihatol ngayon sa akin."'
22Ganap ang kaalaman ni Felix patungkol sa Daan, kaya pinaghintay niya ang mga Judio. Sinabi niya, "Pagpapasiyahan ko ang iyong kaso kapag bumaba ang pinunong kapitan na si Lisias galing Jerusalem." 23At inutusan niya ang pinuno ng mga kawal na bantayan si Pablo, subalit may kaluwagan, at walang makakapigil sa kaniyang mga kaibigan sa pagtulong o kaya sa pagdalaw sa kaniya.
24pagkalipas ng ilang araw, nagbalik si Felix kasama ang kaniyang asawa na si Drusila, isang babaing Judio, ipinatawag niya si Pablo at napakinggan ang tungkol sa pananampalataya kay Cristo. 25Subalit nang nagbahagi si Pablo tungkol sa pagkamatuwid, pagpipigil sa sarili, at sa nalalapit na paghuhukom, nagkaroon na ng takot si Felix; at siya'y sumagot, "Lumayo ka muna sa ngayon, kapag may oras ako muli, ipapatawag kita."
26niyang bibigyan siya ni Pablo ng pera, kaya't palagi niyang pinapatawag at nakikipag-usap sa kaniya. 27Ngunit pagkaraan ng dalawang taon, si Porcio Festo ang naging gobernador kapalit ni Felix, ngunit nais ni Felix na magtamo ng pabor ng mga Judio, kaya iniwan niya si Pablo na patuloy na binabantayan.

25

1Ngayon, dumating si Festo sa lalawigan at pagkatapos nang tatlong araw ay nagpunta siya mula sa Cesarea paakyat sa Jesrusalem. 2Ang pinakapunong pari at mga kinikilalang mga Judio ay nagharap kay Festo ng mga paratang laban kay Pablo, at malakas silang nagsalita kay Festo. 3At humingi sila ng pabor tungkol kay Pablo, na tawagin siya sa Jesrusalem upang magkaroon sila ng pagkakataon na patayin siya sa daan.

4Ngunit sumagot si Festo na si Pablo ay isang bilanggo sa Caesarea, at babalik siya agad doon. 5"Kung gayun, kung sino man ang pwede," Sinabi niyang, "dapat sumama sa amin doon. Kung may pagkakamali sa taong ito, kinakailangang paratangan ninyo siya."
6Pagkatapos niyang manatili pa ng walo o sampung araw, siya ay bumaba patungo sa Cesarea. Kinabukasan, naupo na siya sa hukuman at pinag-utos na dalhin si Pablo sa kaniya. 7Nang siya ay dumating, nakatayo sa di kalayuan ang mga Judiong galing sa Jerusalem, at nagharap sila ng mga mabibigat na bintang laban sa kaniya na hindi nila mapatunayan. 8Pinagtanggol ni Pablo ang kaniyang sarili at sinabing, "Hindi laban sa pangalan ng mga Judio, hindi laban sa templo, at hindi laban kay Cesar, wala akong ginawang masama."
9Ngunit gustong makuha ni Festus ang loob ng mga Judio kaya sumagot siya kay Pablo at sinabing, "Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem at doon kita husgahan tungkol sa mga bagay na ito?" 10Sinabi ni Pablo, "Tatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan ako dapat hatulan, Hindi ako gumawa ng mali sa mga Judio, gaya ng pagkakaalam ninyo.
11Kung may nagawa man akong pagkakamali at kung may nagawa man akong karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatanggihan ang mamatay. Ngunit kung ang kanilang mga paratang ay walang halaga, walang sino man ang maaaring magdala sa akin sa kanila. Kaya nga ako tumatawag kay Cesar." 12Pagkatapos makipag-usap ni Festo sa kapulungan, sumagot siya, "Tumawag ka kay Cesar; pupunta ka kay Cesar."
13Ngayon pagkalipas ng ilang mga araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at Bernice upang magbigay ng opisyal na pagdalaw kay Festo. 14Pagkatapos ng maraming araw na naroon siya, inilahad ni Festo ang kaso ni Pablo sa hari; sinabi niya, "May isang tao na naiwan dito ni Felix na bilanggo. 15Nang ako ay nasa Jerusalem, ang mga pinunong pari at mga nakatatanda sa mga Judio ay nag harap sa akin ng mga bintang laban sa taong ito, at humihingi sila ng kahatulan laban sa kaniya. 16Sinagot ko sila ng ganito na hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang isang tao bilang pabor; kundi, may pagkakataon ang naparatangang tao na harapin niya ang mga nagparatang sa kaniya at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga ibinintang sa kaniya.
17Kung gayun, hindi ako naghintay, nang dumating silang sama-sama rito, ngunit ng kinabukasan ay naupo ako sa upuan ng paghatol at iniutos ko na dalin sa loob ang taong ito. 18Nang tumayo ang mga nagparatang at pinaratangan siya, inisip ko na walang mabigat sa mga bintang na hinarap nila sa taong ito. 19Sa halip, maroon silang ilan na di pagkakaunawaan tungkol sa kanilang sariling relihiyon at tungkol sa isang Jesus na namatay, na siyang pinatutunayan ni Pablo na buhay. 20Nalilito ako kung papaano ko sisiyasatin ang bagay na ito, at tinanung ko siya kung gusto niya na pumunta sa Jerusalem upang husgahan doon tungkol sa mga bagay na ito.
21Ngunit nang ipinatawag si Pablo upang siya ay bantayan hanggang sa makapag-desisyon ang Emperador, Iniutos ko na bantayan siya hanggang maipadala ko siya kay Cesar." 22Sinabi ni Agripa kay Festo, "Nais ko rin na makinig sa taong ito." "Bukas," sinabi ni Festo, "Maririnig mo siya."
23Kaya kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice na may maraming seremonya; dumating sila sa loob ng bulwagan kasama ang mga pinunong kawal at kasama ang mga kinikilalang tao sa lungsod. At nang sabihin ni Festo ang utos, dinala si Pablo sa kanila. 24Sinabi ni Festo, "Haring Agripa, at sa lahat ng mga tao na narito na kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito; ang lahat ng mga Judio ay nakipag-usap sa akin sa Jerusalem at sa lugar ding ito, at sumigaw sila sa akin na hindi na siya kinakailangang mabuhay.
25Napag-alaman ko na wala siyang ginawa na karapdapat sa kamatayan; ngunit dahil tumawag siya sa Emperador, nagpasya ako na dalin siya sa kaniya. 26Ngunit wala akong tiyak na maisusulat sa Emperador. Sa dahilang ito, dinala ko siya sa inyo, lalo na sa iyo, Haring Agripa, upang may maisulat ako tungkol sa kasong ito. 27Sapagkat parang hindi katanggap tanggap sa akin na ipadala ang isang bilanggo na hindi rin maipahayag ang mga bintang laban sa kaniya."

26

1Kaya sinabi ni Agripa kay Pablo, "Maaari kang magsalita para sa iyong sarili." Pagkatapos iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay at nagsalita. 2"Masaya ako, Haring Agripa, na gagawin ko ang pagtatanggol ng aking kaso sa harapan mo sa araw na ito laban sa lahat ng paratang ng mga Judio; 3lalo na, sapagkat dalubhasa ka sa lahat ng mga nakaugalian at mga katanungan ng mga Judio. Kaya't hinihingi ko ang katiyagaan mong makinig sa akin.

4nga, nalalaman nang lahat ng mga Judio kung papaano ako namuhay sa aking kabataaan sa aking sariling bansa at sa Jerusalem. 5Kilala nila ako mula sa simula at kinakailangan nilang tanggapin na namuhay ako bilang isang Pariseo, isang napakahigpit na sekta ng aming relihiyon.
6Ngayon nakatayo ako rito upang hatulan dahil umaasa ako sa pangako na ginawa ng Diyos sa aming mga ninuno. 7Sapagkat ito ang pangako na inaasahang ng aming labing dalawang tribo na tanggapin habang matiyaga silang sumasamba sa Diyos gabi at araw. Dahil sa pag-asang ito, Haring Agripa, kaya pinaratangan ako ng mga Judio. 8Bakit iniisip ng iba sa inyo na hindi kapani-paniwala na buhayin ng Diyos ang mga patay?
9Sa isang pagkakataon naisip ko sa aking sarili na kinakailangan kong gumawa ng maraming bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret. 10Ginawa ko ang mga ito sa Jerusalem; Ikinulong ko ang maraming mga mananampalataya sa bilangguan, at may kapangyarihan ako mula sa mga punong pari na gawin ito; at nang ipapatay sila, ibinigay ko rin ang aking boto laban sa kanila. 11Madalas ko silang pinarurusahan sa lahat ng mga sinagoga at sinubukan ko silang magsalita ng masama laban sa Diyos. Galit na galit ako sa kanila at hinabol ko sila kahit sa mga lungsod sa ibang bansa.
12Habang ginagawa ko ito, pumunta ako sa Damasco na may kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari; 13at sa daan patungo roon, sa katanghalian tapat, Hari, Nakakita ako ng liwanag mula sa langit na higit na mas maliwanag kaysa sa araw at nagliwanag palibot sa akin at sa mga kalalakihan na naglalakbay na kasama ko. 14Nang bumagsak kaming lahat sa lupa, nakarinig ako ng tinig na nagsasalita sa akin na nag sabi sa wikang Hebreo, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Mahirap para sayo na sumipa sa matulis na tungkod.'
15Pagkatapos sinabi ko, 'Sino ka, Panginoon?' Sumagot ang Panginoon, 'Ako si Jesus na iyong inuusig. 16Ngayon bumangon ka at tumayo sa iyong mga paa; dahil sa layuning ito'y nagpakita ako saiyo, upang italaga ka bilang lingkod at saksi tungkol sa mga bagay na alam mo tungkol sa akin ngayon at sa mga bagay na ipapakita ko pagkatapos nito; 17at ililigtas kita mula sa mga tao at mula sa mga Gentil kung saan kita isusugo, 18upang buksan ang kanilang mga mata at upang ibalik sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, upang tanggapin nila mula sa Diyos ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana na ibibigay ko sa kanila na aking itinalaga para sa aking sarili sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin.'
19Samakatuwid, Haring Agripa, hindi ko sinuway ang pangitain mula sa langit; 20ngunit, una sa mga nasa Damasco at pagkatapos ay sa Jerusalem at sa lahat ng dako ng bansa ng Judea, at pati na rin sa mga Gentil, nangaral ako upang sila ay magsisi at bumalik sa Diyos, gumagawa ng mga bagay na karapatdapat sa pagsisisi. 21Sa kadahilanang ito hinuli ako ng mga Judio sa loob ng templo at sinubukan akong patayin.
22Tinulungan ako ng Diyos hanggang ngayon, kaya't tumayo ako at nagpatotoo sa mga pangkaraniwang tao at sa mga dakila na hindi hihigit sa kung ano ang sinabi ng mga propeta at ni Moises kung ano ang mangyayari; 23na ang Cristo ay dapat magdusa, at siya ang unang ibabangon mula sa mga patay at magpapahayag ng kaliwanagan sa mga Judio at mga Gentil."
24Nang matapos ni Pablo ang kaniyang pagtatanggol, sinabi ni Festo sa malakas na tinig, "Pablo, nababaliw ka; ang napakaraming natutunan mo ang nagpapabaliw sayo." 25Ngunit sinabi ni Pablo, "Hindi ako nababaliw, kagalanggalang na Festo; ngunit nilakasan ko ang aking loob na magpahayag ng mga salita ng katotohanan at kahinahunan. 26Sapagkat nalalaman ng hari ang mga bagay na ito; at kaya't, malaya akong nakapagsasalita sa kaniya, sapagkat ako'y nahikayat na wala sa mga bagay na ito ang maitatago sa kaniya; sapakat hindi ito ginawa sa isang sulok.
27Naniniwala kaba sa mga propeta, Haring Agripa? Alam ko na naniniwala ka." 28Sinabi ni Agripa kay Pablo, "Sa maikling panahon ay hinihikayat mo ako na maging Kristiyano?" 29Sinabi ni Pablo, Ipinanalangin ko sa Diyos na kahit sa maikli o mahabang panahon, hindi lang ikaw, kundi sa lahat ng nakikinig sa akin ngayon, ay maging katulad ko, ngunit maliban sa mga kadenang ito."
30Pagkatapos tumayo ang hari at ang gobernador, at si Bernice din at ang mga naka-upong kasama nila; 31nang umalis sila ng bulwagan, nag-usap-usap ang bawat isa at nagsabing, "Ang taong ito ay walang ginawa na ano man na karapatdapat sa kamatayan o pagkabilanggo." 32Sinabi ni Agripa kay Festo, "Ang taong ito ay maaaring napalaya na kung hindi sana siya umapila kay Cesar."

27

1Nang mapagpasyahan na maglayag kami papunta sa Italia, ibinigay nila si Pablo at iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, na nasa hukbo ni Augusto. 2Sumakay kami sa isang barko galing Adramicio, na malapit nang maglayag na sa mga dalampasigan ng Asia. Kaya naglayag kami. Ssumama sa amin si Aristarco mula sa Tesalonica ng Macedonia.

3Nang sumunod na araw dumaong kami sa lungsod ng Sidon, kung saan pinakitunguhan ng mabuti ni Julio si Pablo at pinayagan siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan upang matanggap ang kaniyang mga kailangan. 4Mula roon, pumunta kami sa dagat at naglayag sa palibot ng isla ng Chipre na nakublihan mula sa hangin, sapagakat ang hangin ay pasalungat sa amin. 5Nang makapaglayag kami sa tubig malapit sa Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira, isang lungsod ng Licia. 6Doon, nakatagpo ang senturion ng barko galing Alexandria na maglalayag patungong Italia. Isinakay niya kami dito.
7Nang makapaglayag kaming may kabagalan ng maraming araw at sa wakas ng makarating kaming may kahirapan malapit sa Cinido, hindi kami pinahintulutan ng hangin na makapunta sa direksyon na iyon, kaya naglayag kami malapit sa mga nasisilungang bahagi ng Creta, tapat ng Salmon. 8Naglayag kami sa gilid ng dalamapsigan na may kahirapan, hanggang nakarating kami sa isang lugar na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa lungsod ng Lasea.
9Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo, 10at sinabi, "Mga kalalakihan, nakikita kong ang paglalayag na ating gagawin ay maaaring may masaktan at maraming pagkawala, hindi lang ng ating mga kargamento at ng barko, ngunit pati na rin ng ating mga buhay." 11Ngunit ang senturion ay mas nagbigay ng pansin sa pinuno at sa may ari ng barko, kaysa sa mga bagay na sinabi ni Pablo.
12Sapagkat hindi madaling tumigil sa daungan sa taglamig, karamihan sa mga mandaragat ay nagpapayong maglayag mula roon, kahit sa anumang paraan ay makaya naming abutin ang lungsod ng Fenix, upang magpalipas doon ng taglamig. Ang Fenix ay isang daungan sa Creta, at ito ay nakaharap sa hilagangsilangan at timogsilangan. 13Nang magsimula ng umihip ng banayad ang hangin mula sa timog, naisip ng mga mandaragat na ang kanilang kailangan ay nasa kanila na. Kaya't isinampa nila ang angkla at naglayag sa gilid ng Creta, malapit sa dalampasigan.
14Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla. 15Nang matangay ng hangin ang barko at hindi kayang harapin ang hangin, hindi na namin kinaya at nagpatangay nalang dito. 16Pumunta kami sa tabi ng kubling bahagi ng maliliit na isla na tinatawag na Cauda: at kahit nahirapan kami nagawa naming iakyat ang bangka sa barko.
17Nang maitaas nila ito, gumamit sila ng mga lubid upang itali ang barko. Natakot sila na masadsad kami sa mga pulong buhangin ng Syrtis, kaya ibinaba nila ang angkla sa dagat at hinayaang tangayin kami. 18Kami ay lubhang nabugbug ng bagyo, kaya't nang sumunod na araw ang mga mandaragat ay nagsimulang mag tapon sa tubig ng mga kagamitan.
19Nang ikatlong araw ay itinapon din ng mga mandaragat sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay ang mga kagamitan ng barko. 20Nang ang araw at mga bituin ay hindi na nagliwanag sa amin ng maraming mga araw, at patuloy ang paghagupit sa amin ng malakas na bagyo, anumang pag-asa na maliligtas kami ay nawala.
21Nang matagal ng ubos ang kanilang pagkain, tumayo si Pablo sa harapan ng mga mandaragat at nagsabing, "Mga kalalakihan, nakinig sana kayo sa akin, at hindi naglayag mula sa Creta, at hindi kayo nagtamo ng pinsala at nawalan. 22At ngayon hinihimok ko kayo na magkaroon kayon ng lakas ng loob, upang walang mawalan ng buhay sa inyo, ngunit pagkawala ng barko lamang.
23Dahil kagabi may isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin na aking sinasamba—tumayo ang kaniyang anghel sa aking tabi 24at sinabing, "Huwag kang matakot, Pablo. Kinakailangan kang tumayo sa harapan ni Cesar, at makita na ang Diyos sa kaniyang kabutihan ay ibinigay na saiyo ang lahat na naglalayag kasama mo. 25Kaya nga, mga kalalakihan, lakasan ninyo ang inyong loob, sapagkat nagtititawala ako sa Diyos, na mangyayari ito tulad ng pagkasabi sa akin. 26Ngunit kinakailangan na mapadpad tayo sa ilang isla."
27Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, nang mapadpad kami kung saan-saan sa Dagat ng Adriatico, bandang hating-gabi naisip ng mga mandaragat na papalapit sila sa isang lupain. 28Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim. 29Natakot sila na baka kami ay sumadsad sa mga bato, kaya ibinaba nila ang apat na angkla mula sa likuran ng barko at nanalangin na dumating na ang umaga.
30Naghahanap ang mga mandaragat ng paraan upang iwanan ang barko at ibinaba sa dagat ang bangka mula sa barko, at nagpanggap na itatapon lang nila pababa ang mga angkla mula sa unahan ng barko. 31Ngunt sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, "Maliban na manatili ang mga lalaking ito sa barko, hindi kayo maliligtas." 32Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at hinayaang mapaanod ito palayo.
33Nang mag-uumaga na, pinakiusapansilang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, "Ngayon ang ikalabing-apat na araw na naghintay kayo at hindi kumain; wala kayong kinain na anuman. 34Kaya nakikiusap ako na kumain kayo, sapagkat para ito sa inyong kaligtasan; at wala kahit isa mang buhok ng inyong mga ulo ang mawawala." 35Nang sinabi niya ito, kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa paningin ng bawat isa. Pagkatapos pinutol niya ang tinapay at nagsimulang kumain.
36Pagkatapos lahat sila ay lumakas ang kalooban at kumuha rin sila ng pagkain, 37276 kami na mga tao sa barko. 38Nang makakain na sila ng sapat, itinapon nila ang mga trigo sa dagat upang gumaan ang barko.
39Nang umaga na, hindi nila nakilala ang lupain, ngunit nakakita sila ng dalampasigan, at pinag-usapan nila kung idadaan ang barko sa lugar na iyon. 40Kaya pinutol nila ang tali ng mga angkla at iniwan nila ang mga ito sa dagat. Sa oras ding iyon ay niluwagan nila ang mga lubid ng mga timon at itinaas ang layag sa hangin; at tinangay sila papuntasa dalampasigan. 41Ngunit dumating sila sa lugar na may dalawang nagsasalubong na agos at sumadsad ang barko sa lupa. Naipit doon ang unahang bahagi ng barko at nanatili na hindi umaalis, ngunit nagsimulang masira ang hulihang bahagi ng barko dahil sa matinding lakas ng alon.
42Binalak ng mga Kawal na patayin ang mga bilanggo upang wala sa kanila ang makalangoy palayo at makatakas. 43Ngunit gustong iligtas ng senturion si Pablo, kaya pinigilan niya ang kanilang balak; at nag-utos siya sa mga marunong lumangoy lumangoy na maunang tumalon sa tubig at pumunta sa lupa. 44Pagkatapos susunod ang mga natirang kalalakihan, ang ilan ay sa mga kahoy, at ang ilan sa ibang mga bagay mula sa barko. Sa ganitong paraan nakararing kaming lahat nang ligtas sa lupa.

28

1Nang kami ay nakarating ng maaayos, nalaman namin na ang islang iyon ay tinawag na Malta. 2Ang mga katutubong tao roon ay nag-alok sa amin ng hindi lang basta pangkaraniwang kabutihan. ngunit sila ay nagsindi ng apoy at tinanggap kaming lahat, dahil sa walang tigil na pag ulan at lamig.

3Ngunit nang si Pablo ay nakapag-ipon ng ilang bigkis ng kahoy at inilagay sa apoy, isang ulupong ang lumabas dahil sa init at kumapit sa kaniyang kamay. 4Nang makita ng mga katutubo na ang ahas ay kumapit sa kaniyang kamay, nasabi nila sa isa't-isa, " Ang taong ito ay tiyak na mamamatay tao, na nakatakas mula sa karagatan, at hindi siya pinayagan ng katarungan upang mabuhay.
5Ngunit ipinagpag niya ang ahas sa apoy at hindi siya nasaktan. 6Hinihintay nila siyang mamaga at mag-apoy sa lagnat o di kaya'y biglang mamatay. Ngunit pagkatapos nilang pagmasdan ng mahabang panahon nakita nila na walang nangyaring pagbabago sa kaniya, nagbago ang kanilang isip at sinabi nila na siya ay isang diyos.
7Ngayon, sa malapit na dakong iyon may mga lupain na pagmamay-ari ng pinuno ng Isla, isang lalaki na nagngangalang Publio. Malugod niya kaming tinanggap at ipinaghanda kami sa tatlong araw. 8Nangyaring ang ama ni Publio ay nagka-lagnat at nagkaroon ng disenterya. Nang si Pablo ay lumapit sa kaniya, nanalangin siya, ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya, at pinagaling siya. 9Pagkatapos nitong mangyari, ang ilan sa mga taong nasa isla na maysakit ay lumalapit din, at sila ay gumaling. 10Pinarangalan din kami ng mga tao ng maraming karangalan. Nang kami ay naghahanda na sa paglayag, binigyan nila kami ng aming mga pangangailangan.
11Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki. 12Nang kami ay dumaong sa lungsod ng Siracusa, kami ay nanirahan doon ng tatlong araw.
13Mula doon kami ay naglayag at nakarating sa lungsod ng Regio. Pagkatapos ng isang araw ang hangin mula sa timog ay umiihip, at sa ikalawang araw ay nakarating kami sa lungsod ng Puteoli. 14Doon nakahanap kami ng ilang kapatiran at inanyayahan kami na tumira sa kanila ng pitong araw. Sa daang ito nakarating kami sa Roma. 15Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.
16Nang kami ay pumasok sa Roma, pinayagan si Pablo na tumirang mag isa kasama ang sundalong nagbantay sa kaniya. 17At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw tinawag ni Pablo ang mga lalaking pinuno mula sa mga Judio. Nang sila ay magkakasamang dumating, sinabi niya sa kanila, "Mga kapatid, ako man ay walang nagawang pagkakamali laban sa mga tao o sa kaugalian ng ating mga ninuno, dinala ako bilang isang bilanggo mula sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Romano. 18Pagkatapos nila akong tanungin, nais nila akong palayain sapagkat walang dahilan para ako’y hatulan ng parusa ng kamatayan.
19Ngunit nang ang mga Judio ay nagsalita labag sa kanilang nais, ako ay napilitang umapila kay Cesar, gayon pa man kahit na hindi ako ang nagdadala ng anumang paratang laban sa aking bansa. 20Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
21At sinabi nila sa kaniya, "Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo. 22Ngunit nais naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo tungkol sa sektang ito, sapagkat ipinaalam ito sa amin na alam ng lahat at pinag-uusapan saan mang dako.
23Nang sila ay nagtakda ng araw para sa kaniya, maraming tao ang lumapit sa kaniya sa lugar na kaniyang tinitirhan. Iniharap niya ang mga bagay sa kanila, at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Dios. Sinubukan niyang himukin sila patungkol kay Jesus, ayon sa batas ni Moises at sa mga propetanasabi, niya, mula umaga hanggang gabi. 24Ang ilan ay nahikayat patungkol sa mga bagay na habang ang iba ay hindi naniwala.
25Nang sila ay hindi sumang-ayon sa isa't isa, umalis sila pagkatapos magsabi ni Pablo ng isang salita. "Ang Banal na Espiritu ay nangusap ng maayos sa pamamagitan ni Isaias ang propeta ng ating mga ninuno. 26Sinabi niya, 'Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin, "Sa pamamagitan ng pakikinig kayo ay makakarinig, ngunit hindi ninyo maintindihan; At sa paningin kayo ay makakakita, ngunit hindi mamamalas.
27Sapagka’t ang puso ng mga taong ito ay naging mahina ang kanilang tainga ay nahihirapang makarinig, ipinikit nila ang kanilang mga mata; ni ayaw makita ng kanilang mga mata, at marinig ng kanilang mga tainga, at maintindihan ng kanilang mga puso, At tumalikod muli at sila'y aking pagagalingin.""
28Kaya, dapat ninyong malaman na ang kaligtasan ng Dios ay naihatid na sa mga Gentil, at sila ay makikinig." 29Nang nasabi na niya ang bagay na ito, ang mga Judio ay umalis nagkaroon ng matinding pagtatalo sa kanilang mga sarili.
30Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya. 31Ipinangaral niya ang kahariaan ng Dios at itinuturo ang mga bagay patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo ng may katapangan. Walang sinuman ang pumigil sa kaniya.

Mga taga-roma

1

1Ako si Pablo, na isang lingkod ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging apostol, at inilaan para sa ebanghelyo ng Diyos. 2Ito ang ebanghelyo na noon pa man ay ipinangako na niya sa pamamagitan ng mga propeta sa banal na kasulatan. 3Ito ay tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak mula sa kaapu-apuhan ni David ayon sa laman.

4Ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos ayon sa kapangyarihan ng Espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa kamatayan, si Jesu-Cristo na ating Panginoon. 5Sa pamamagitan niya ay natanggap namin ang biyaya at ang pagiging apostol upang magdulot ng pagsunod ng pananampalataya sa lahat ng mga bansa, alang-alang sa pangalan niya. 6Kasama ng mga bansang ito, kayo rin ay tinawag upang maging kay Jesu-Cristo.
7Ang liham na ito ay para sa lahat ng nasa Roma, ang mga minamahal ng Diyos, na tinawag upang maging mga taong banal. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan na nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
8Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, dahil naipahayag ang inyong pananampalataya sa buong mundo. 9Sapagkat ang Diyos ang aking saksi, na pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa ebanghelyo ng kaniyang Anak, kung paano ko kayo laging binabanggit sa kaniya. 10Palagi kong hinihiling sa aking mga panalangin na sa kahit anong kaparaanan, nawa sa huli ay magtagumpay ako na makarating sa inyo ayon sa kalooban ng Diyos.
11Sapagkat nais ko kayong makita, nang mabigyan ko kayo ng ilang espirituwal na kaloob upang kayo ay mapalakas. 12Iyon ay, nananabik akong tayo ay magpalakasan ng loob, sa pamamagitan ng pananampalataya ng bawat isa, ang sa inyo at sa akin.
13Ngayon hindi ko nais na hindi ninyo malaman, mga kapatid, na ilang ulit kong binalak na magpunta sa inyo, ngunit ako ay hinahadlangan hanggang ngayon. Ninais ko ito upang sa ganoon ay magkaroon ng ilang bunga sa inyo tulad din ng ibang mga Gentil. 14May utang ako sa mga Griyego at sa mga dayuhan, sa mga marurunong at sa mga mangmang. 15Kaya, para sa akin, handa akong ipahayag ang ebanghelyo sa inyong nasa Roma.
16Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang sinumang sumasampalataya, una ay sa Judio at gayon din sa Griyego. 17Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay naihahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya, gaya ng nasusulat, "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya."
18Sapagkat naihayag ang poot ng Diyos mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kawalan ng katuwiran ng mga tao na sa pamamagitan ng kawalan ng katuwiran ay hinahadlangan ang katotohanan. 19Ito ay dahil ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay nakikita nila. Sapagkat niliwanagan sila ng Diyos.
20Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan. 21Sapagkat kahit kilala nila ang Diyos, siya ay hindi nila niluwalhati bilang Diyos, ni hindi nila siya pinasalamatan. Sa halip, naging hangal sila sa kanilang pag-iisip at nagdilim ang manhid nilang mga puso.
22Sila ay nagmamarunong ngunit sila ay naging mga hangal. 23Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan para sa katulad ng imahe ng taong namamatay, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
24Kaya ibinigay sila ng Diyos sa pagnanasa ng kanilang puso sa karumihan, upang malapastangan ang kanilang mga katawan sa kani-kanilang sarili. 25Sila iyong mga ipinagpalit ang katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan, at mga sumamba at naglingkod sa nilikha sa halip na ang Lumikha, na pinupuri magpakailanman. Amen.
26Dahil dito, ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa, sapagkat ipinagpalit ng kanilang mga kababaihan ang kanilang likas na kaugnayan sa kung ano ang laban sa likas, 27Gayon din, iniwan ng mga kalalakihan ang kanilang likas na kaugnayan sa mga babae at nag-aalab sila sa kanilang pagnanasa sa kapwa lalaki. Sila ang mga lalaking gumawa ng kahalayan sa mga kapwa lalaki, at tumanggap sa kanilang sarili ng parusa na nararapat sa kanilang kabuktutan.
28Dahil ayaw nilang magkaroon ng Diyos sa kanilang kamalayan, hinayaan niya sila sa mahahalay na pag-iisip, upang gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.
29Napuno sila ng pawang kawalan ng katuwiran, kasamaan, kasakiman at kahalayan. Puno sila ng inggit, pagpatay, pag-aawayan, pandaraya at mga masasamang hangarin. 30Sila ay mga tsismoso, mga mapanirang puri at nasusuklam sa Diyos. Sila ay mararahas, mayayabang, at mapagmataas. Mga manlilikha sila ng kasamaan at suwail sa mga magulang. 31Wala silang pang-unawa, hindi mapagkakatiwalaan, walang pagmamahal at walang awa.
32Nauunawaan nila ang mga tuntunin ng Diyos, na ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay karapat-dapat sa kamatayan. Ngunit hindi lamang nila ginagawa ang mga ganitong bagay, sumasang-ayon din sila sa iba na gumagawa nito.

2

1Kaya wala kang maidadahilan, ikaw tao, ikaw na humahatol, sapagkat kung ano ang hatol mo sa iba, iyon ang hatol mo sa iyong sarili. Sapagkat ikaw na humahatol ay gumagawa din ng ganoong mga bagay. 2Ngunit alam natin na ang hatol ng Diyos ay ayon sa katotohanan kapag ito ay bumaba sa mga gumagawa ng ganoong mga bagay.

3Ngunit isipin mo ito, ikaw tao, ikaw na humahatol sa mga gumagawa ng mga bagay na ganoon, kahit na ginagawa mo rin ang ganoong mga bagay. Makatatakas ka ba sa hatol ng Diyos? 4O hinahamak mo ang yaman ng kaniyang kabutihan, ang mga naantala niyang parusa, at ang kaniyang pagtitiyaga? Hindi mo ba alam na ang kaniyang kabutihan ay siyang aakay sa iyo sa pagsisisi?
5Ngunit ayon sa lawak ng iyong katigasan at iyong pusong walang pagsisisi ay nag-iimbak ka para sa iyong sarili ng poot sa araw ng poot, iyon ay, ang araw ng paghahayag ng matuwid na paghatol ng Diyos. 6Magbibigay siya sa bawat tao ayon sa kaniyang ginawa: 7sa mga patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay na naghangad ng papuri, karangalan at ng hindi pagkasira, bibigyan niya ng buhay na walang hanggan.
8Ngunit para sa mga makasarili, mga taong hindi sumusunod sa katotohanan ngunit sumusunod sa kalikuan, darating ang matinding galit at poot. 9Magdadala ang Diyos ng pagdurusa at paghihirap sa bawat kaluluwa ng taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego.
10Subalit kapurihan, karangalan at kapayapaan ang darating sa mga taong gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego. 11Sapagkat walang pinapanigan ang Diyos. 12Sapagkat ang lahat ng nagkasala na wala ang kautusan ay mamamatay rin ng wala ang kautusan, at ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan ayon sa kautusan.
13Sapagkat hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang matuwid sa harapan ng Diyos, kundi ang mga gumagawa ng kautusan ang mapapawalang-sala. 14Sapagkat kapag ang mga Gentil na walang kautusan ay likas na ginagawa ang mga bagay ng kautusan, sila, ay kautusan sa kanilang mga sarili, kahit na wala sa kanila ang kautusan.
15Sa pamamagitan nito, ipinapakita nila na ang mga gawang hinihingi ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso. Pinatotohanan din ito ng kanilang mga budhi, at pinararatangan o ipinagtatanggol sila ng kanilang isipan sa kanilang sarili 16at pati na rin sa Diyos. Mangyayari iyan sa araw na hahatulan ng Diyos ang mga lihim ng lahat ng tao, ayon sa aking ebanghelyo, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
17Ipagpalagay na tinatawag mong Judio ang iyong sarili, nananalig sa kautusan, nagagalak nang may pagmamalaki sa Diyos, 18nalalaman ang kaniyang kalooban at sinusubok ang mga bagay na hindi sang-ayon dito sapagkat tinuruan ka ng kautusan. 19At ipagpalagay na ikaw ay nakatitiyak na ikaw mismo ay taga-akay ng mga bulag, isang ilaw sa mga nasa kadiliman, 20tagapagturo ng mga mangmang, guro ng mga sanggol, at sa kautusan ay mayroon kang anyo ng kaalaman at ng katotohanan.
21Ikaw, kung gayon, na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw, nagnanakaw ka ba? 22Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya, nangangalunya ka ba? Ikaw na namumuhi sa mga diyus-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo?
23Ikaw na nagagalak na may pagmamataas sa kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng iyong paglabag sa kautusan? 24Sapagkat "ang pangalan ng Diyos ay nilalapastangan sa mga Gentil dahil sa iyo," tulad ng nasusulat.
25Sapagkat tunay na pinakikinabangan mo ang pagtutuli kung sinusunod mo ang kautusan, ngunit kung ikaw ay tagalabag ng kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli. 26Kung sinusunod ng taong hindi tuli ang mga hinihingi ng kautusan, hindi ba maituturing na pagtutuli ang kaniyang hindi pagtutuli? 27At hindi ka ba hahatulan ng taong likas na hindi tuli kung tutuparin niya ang kautusan? Sapagkat nasa iyo ang mga kasulatang nasusulat at ang pagtutuli subalit tagalabag kayo ng kautusan!
28Sapagkat hindi siya isang Judio, siya na sa panlabas lamang; hindi rin sa pagtutuli na panlabas lamang sa laman. 29Ngunit siya ay Judio, siya na isang Judio sa panloob, at ang pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi sa titik. Ang kapurihan ng ganoong tao ay nagmumula hindi sa mga tao kundi sa Diyos.

3

1Kung gayon, ano ang kalamangan ng Judio? At ano ang mapapakinabangan sa pagtutuli? 2Napakarami sa anumang paraan. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa mga Judio ang mga pahayag mula sa Diyos.

3Ngunit paano kung walang pananampalataya ang iba sa mga Judio? Ang kawalan ng pananampalataya nila ay nagpapawalang bisa ba sa katapatan ng Diyos? 4Hindi kailanman mangyayari. Sa halip, tapat ang Diyos kahit na ang bawat tao ay sinungaling. Gaya ng nasusulat, "Upang ikaw ay makitang matuwid sa iyong mga salita at mananaig kapag ikaw ay mahatulan."
5Ngunit kung ang ating pagiging hindi matuwid ang nagpapakita ng katuwiran ng Diyos, ano ang sasabihin natin? Matuwid ba ang Diyos kapag pinahihirapan tayo dahil sa poot, matuwid ba siya? Nagsasalita ako ayon sa pangangatwiran ng tao. 6Huwag nawa ito mangyari! Sapagkat kung ganoon, paano hahatulan ng Diyos ang sanlibutan?
7Ngunit kung ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng kasinungalingan ko ay nagbibigay ng saganang kapurihan sa kaniya, bakit pa ako hinahatulan bilang isang makasalanan? 8Bakit hindi nalang sabihin, gaya ng walang katotohanang ulat ng iba na sinasabi daw namin, at gaya ng pinatotohanan ng iba na sinasabi namin, "Gumawa tayo ng masama, upang dumating ang kabutihan?" Ang hatol sa kanila ay makatarungan.
9Ano ngayon? Sasabihin ba nating mas mabuti tayo? Hindi sa anumang paraan. Sapagkat pinaratangan na natin ang mga Judio at Griyego, silang lahat, sa pagiging nasa ilalim ng kasalanan. 10Ito ay gaya ng nasusulat: "Walang matuwid, wala ni isa.
11Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos. 12Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
13Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi. 14Ang kanilang mga bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan.
15Ang mga paa nila ay matutulin upang magdanak ng dugo. 16Pagkawasak at pagdurusa ang nasa kanilang mga landas. 17Ang mga taong ito ay walang alam sa daan ng kapayapaan. 18Walang pagkatakot sa Diyos sa kanilang mga mata."
19Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos. 20Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.
21Ngunit ngayon, naipaalam na ang katuwiran ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng kautusan. Ito ay nasaksihan ng kautusan at ng mga propeta, 22ito ay, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo para sa lahat ng mga naniniwala. Sapagkat walang pagtatangi.
23Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus.
25Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan 26sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.
27Kung gayon, nasaan ang pagmamalaki? Ito ay inihiwalay na! Sa anong batayan? Sa mga gawa? Hindi, kundi batay sa pananampalataya. 28Kaya masasabi natin na ang isang tao ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ang mga gawa ng kautusan.
29O ang Diyos ba ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi ba't siya rin ay Diyos ng mga Gentil? Oo, pati ng mga Gentil. 30Kung magkagayon nga, na ang Diyos ay iisa, ipawawalang-sala niya ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31Pinapawalang-bisa ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip, pinapagtibay pa nga natin ang kautusan.

4

1Ano ngayon ang sasabihin natin na natuklasan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman? 2Sapagkat kung pinawalang-sala si Abraham sa pamamagitan ng mga gawa, magkakaroon sana siya ng dahilan upang magmalaki, ngunit hindi sa harapan ng Diyos. 3Sapagkat ano ang sinasabi ng kasulatan? "Sumampalataya si Abraham sa Diyos at ito ay ibinilang sa kaniya bilang katuwiran."

4Ngayon sa kaniya na gumagawa, ang bayad ay hindi maibibilang na biyaya, ngunit isang kabayaran. 5Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa na sa halip ay sumasampalataya sa kaniya na nagpapawalang-sala sa mga masasama, maibibilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
6Nagpahayag din si David ng pagpapala sa taong ibinilang ng Diyos na matuwid na walang gawa. 7Sinabi niya, "Pinagpala ang mga pinatawad sa kanilang mga katampalasanan, at ang mga taong natakpan ang mga kasalanan. 8Pinagpala ang tao na hindi bibilangin ng Panginoon ang kaniyang kasalanan."
9Kung gayon, ang pagpapalang ito ba ay inihayag sa mga taong tuli lamang, o pati na rin sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin, "Ang pananampalataya ay naibilang kay Abraham na katuwiran." 10Kaya nga, paano ito naibilang? Nang si Abraham ba ay tinuli na o hindi pa? Hindi sa pagtutuli, kundi sa hindi pagtutuli.
11Tinanggap ni Abraham ang tanda ng pagtutuli. Ito ay tatak ng pagkamatuwid ng pananampalataya na mayroon na siya nang siya hindi pa natutuli. Ang bunga ng tandang ito ay siya ang naging ama ng lahat ng nananampalataya, kahit na hindi sila ay nasa hindi pagtutuli. Ito ay nangangahulugan na ang katuwiran ay maibibilang sa kanila. 12Ito ay nangangahulugan ding si Abraham ay naging ama ng pagtutuli, hindi lamang sa mga tuli, kundi pati na rin sa mga sumusunod sa mga yapak ng ating amang si Abraham. At ito ang pananampalataya na mayroon siya noong hindi pa siya natutuli.
13Sapagkat ang pangako na naibigay kay Abraham at pati na rin sa kaniyang mga kaapu-apuhan ay hindi sa pamamagitan ng kautusan, ang pangakong ito na sila ang magiging mga tagapagmana ng mundo. Sa halip ay sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya. 14Sapagkat kung ang mga kabilang sa kautusan ay tagapagmana, ang pananampalataya ay walang kabuluhan, at mawawalan ng bisa ang pangako. 15Sapagkat matinding galit ang naibibigay ng kautusan, ngunit kung saan walang kautusan, wala ring pagsuway.
16Sa kadahilanang ito, nangyayari ito sa pamamagitan ng pananampalataya, upang ito ay sa pamamagitan ng biyaya. Ang kalalabasan, ang pangako ay tiyak para sa lahat ng mga kaapu-apuhan. At hindi lamang ang mga nakakaalam sa kautusan ang makakabilang sa mga kaapu-apuhan na ito, kundi pati na rin ang mga nagmula sa pananampalataya ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat, 17tulad ng nasusulat, "Ginawa kitang ama ng maraming bansa." Naroon si Abraham sa presensiya ng kaniyang pinagkakatiwalaan, iyon ay ang Diyos, na nagbibigay buhay sa mga patay at lumilikha sa mga bagay na wala pa.
18Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, nagtiwala ng lubusan si Abraham sa Diyos para sa hinaharap. Kaya naging ama siya ng maraming bansa, tulad ng sinabi, "... Magiging ganoon ang iyong mga kaapu-apuhan." 19Hindi siya mahina sa pananampalataya. Kinilala ni Abraham na patay na ang kaniyang katawan sapagkat mag-iisandaang taon na siya. Kinilala rin niya ang pagiging patay ng bahay-bata ni Sara.
20Ngunit dahil sa pangako ng Diyos, hindi nag-alinlangan si Abraham sa pananampalataya. Sa halip, napalakas siya sa pananampalataya at nagbigay papuri sa Diyos. 21Lubos siyang naniwala na kung ano ang ipinangako ng Diyos, kaya din niyang tuparin. 22Kung kaya ito ay itinuring sa kaniya bilang katuwiran.
23Ngayon, hindi ito isinulat para lamang sa kaniyang kapakinabangan, na ibinilang sa kaniya. 24Ito rin ay isinulat para rin sa atin, na ibibilang, tayong nanampalataya sa kaniya na bumuhay kay Jesus na ating Panginoon mula sa kamatayan. 25Ito ang siyang ibinigay para sa ating mga kasalanan at muling binuhay para sa ating pagpapawalang-sala.

5

1Yamang napawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2Sa pamamagitan niya nagkaroon din tayo ng daan sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na kung saan tayo ay tumatayo. Nagagalak tayo sa pananalig na ibinibigay sa atin ng Diyos para sa hinaharap, ang pananalig na makikibahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.

3Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa ating mga pagdurusa. Alam natin na ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiis. 4Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pagsang-ayon, at ang pagsang-ayon ay nagbubunga ng katiyakan para sa hinaharap. 5Hindi mangbibigo ang pananalig na ito, dahil ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na siyang ibinigay sa atin.
6Sapagkat habang mahina pa lamang tayo, namatay si Cristo sa tamang panahon para sa mga hindi maka-diyos. 7Sapagkat mahirap para sa isang tao na mamatay para sa isang matuwid na tao. Iyan ay, marahil kung may isang maglalakas-loob na mamatay para sa mabuting tao.
8Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, dahil noong makasalanan pa tayo, namatay si Cristo para sa atin. 9Mas higit pa sa ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, maililigtas tayo sa pamamagitan nito mula sa poot ng Diyos.
10Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway, ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, higit pa ngayon na pagkatapos tayong ipinagkasundo, maililigtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay. 11Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ay natanggap natin ang pagkakasundong ito.
12Kung gayon, sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, sa ganitong kapamaraanan pumasok ang kamatayan dahil sa kasalanan. At lumaganap ang kamatayan sa sangkatauhan, dahil nagkasala ang lahat. 13Sapagkat bago ang kautusan, ang kasalanan ay nasa sanlibutan na, ngunit walang pananagutan para sa kasalanan kung walang kautusan.
14Gayunpaman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, at kahit pa sa mga hindi nagkasala na katulad ng pagsuway ni Adan na siyang huwaran ng paparating. 15Ngunit gayunpaman, ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagkakasala. Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa ay namatay ang marami, mas higit pa na sumagana para sa marami ang biyaya ng Diyos at ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ng isang tao na si Jesu-Cristo.
16Sapagkat ang kaloob ay hindi tulad ng kinahantungan ng nagkasala. Sa isang banda, dumating ang paghatol ng kaparusahan dahil sa pagkakasala ng isang tao. Ngunit sa kabilang banda, ang kaloob na nagbubunga ng pagpapawalang-sala ay dumating pagkatapos ng maraming pagkakasala. 17Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa, ang kamatayan ay naghari sa pamamagitan ng isa, mas lalo nang maghahari ang mga tatanggap ng kasaganahan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng buhay ng isa na si Jesu-Cristo.
18Kung gayon, dahil sa pagkakasala ng isa, ang lahat ng tao ay dumating sa kaparusahan, gayon din sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran ay dumating ang pagpapawalang-sala ng buhay para sa lahat ng tao. 19Dahil sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, ang lahat ay naging makasalanan, gayon din naman sa pamamagitan ng pagsunod ng isa, marami ang naging matuwid.
20Ngunit dumating ang kautusan, upang sa gayon ang pagkakasala ay managana. Ngunit sa pananagana ng kasalanan, higit na nanagana ang biyaya. 21Nangyari ito upang, gaya ng kamatayan na naghahari sa kamatayan, gayon din naman ang biyaya ay maghari sa pamamagitan ng katuwiran para sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon.

6

1Ano ngayon ang sasabihin natin? Dapat ba tayong magpatuloy sa kasalanan upang managana ang biyaya? 2Huwag nawa itong mangyari. Tayong mga namatay sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay rito? 3Hindi ba ninyo alam na kung gaano karami ang nabautismuhan kay Jesu-Cristo ay nabautismuhan sa kaniyang kamatayan?

4Inilibing na tayo kasama niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Nangyari ito upang gaya ng pagkabuhay ni Cristo mula sa patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, lalakad din tayo sa panibagong buhay. 5Sapagkat kung tayo ay nakiisa sa kaniya sa wangis ng kaniyang kamatayan, tayo rin ay makikiisa sa kaniyang muling pagkabuhay.
6Nalalaman natin ito, na ang dati nating pagkatao ay ipinako sa krus kasama niya, upang sa gayon ay masira ang ating katawang makasalanan. Nangyari ito upang hindi na tayo maging alipin pa ng kasalanan. 7Siya na namatay ay inihayag na matuwid hinggil sa kasalanan.
8Ngunit kung namatay tayo kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya. 9Alam nating si Cristo ay binuhay mula sa patay at hindi na siya patay. Hindi na naghahari sa kaniya ang kamatayan.
10Sapagkat ukol sa kamatayan na namatay siya sa kasalanan, namatay siya nang minsanan para sa lahat. Subalit, ang buhay na kaniyang ipinamuhay ay ipinamuhay niya para sa Diyos. 11Sa ganoon ding paraan, kinakailangan din ninyong ituring ang inyong mga sarili na patay sa kasalanan, ngunit buhay sa Diyos kay Cristo Jesus.
12Samakatuwid huwag ninyong hayaan na pagharian ng kasalanan ang inyong mga namamatay na katawan upang inyong sundin ang mga pagnanasa nito. 13Huwag ninyong ihandog ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan bilang kasangkapan para sa kasamaan, ngunit ihandog ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos, na buhay mula sa patay. At ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan ng katuwiran para sa Diyos. 14Huwag ninyong hayaan na pagharian kayo ng kasalanan. Sapagkat wala na kayo sa ilalim ng kautusan ngunit sa ilalim ng biyaya.
15Kaya ano? Magkakasala ba tayo dahil wala tayo sa ilalim ng kautusan, ngunit sa ilalim ng biyaya? Huwag nawa itong mangyari. 16Hindi ba ninyo alam na ang pinaghandugan ninyo ng inyong mga sarili bilang mga alipin ay siyang inyong pinaglilingkuran, ang siyang dapat ninyong sundin? Totoo ito, mga alipin man kayo sa kasalanan na patungo sa kamatayan, o mga alipin sa pagsunod na patungo sa katuwiran.
17Ngunit salamat sa Diyos! Sapagkat kayo ay dating mga alipin ng kasalanan, ngunit sinunod ninyo mula sa puso ang uri ng katuruang ibinigay sa inyo. 18Pinalaya kayo sa kasalanan, at ginawa kayong mga alipin kayo ng katuwiran.
19Nagsasalita ako tulad ng isang tao dahil sa kahinaan ng inyong laman. Sapagkat gaya ng paghahandog ninyo ng mga bahagi ng inyong katawan bilang mga alipin sa karumihan at kasamaan, ngayon, sa ganoon ding paraan, ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin sa katuwiran para sa ikababanal. 20Sapagkat noong kayo ay mga alipin ng kasalanan, malaya kayo sa katuwiran. 21Sa mga panahong iyon, ano ang naging bunga ng mga bagay na ikinahihiya na ninyo ngayon? Sapagkat ang kinahantungan ng mga bagay na iyon ay kamatayan.
22Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan. 23Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

7

1O hindi ba ninyo nalalaman, mga kapatid (sapagkat nagsasalita ako sa mga taong may alam tungkol sa kautusan), na ang kautusan ang namamahala sa isang tao habang siya ay nabubuhay?

2Sapagkat itinatali ng kautusan ang asawang babae sa kaniyang asawa habang siya ay nabubuhay, ngunit kung mamatay ang asawang lalaki, malaya na siya sa kautusan ng pag-aasawa. 3Kung gayon, habang nabubuhay pa ang kaniyang asawang lalaki, kapag nakipamuhay siya sa ibang lalaki, tatawagin siyang mangangalunya. Ngunit kung namatay ang asawang lalaki, malaya na siya sa kautusan, kaya hindi na siya isang mangangalunya kung namumuhay siya kasama ang ibang lalaki.
4Kaya, aking mga kapatid, naging patay kayo sa batas sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ito ay upang maaari kayong makisama sa iba, iyan ay, sa kaniya na binuhay mula sa patay, upang sa gayon maaari tayong magsipagbunga para sa Diyos. 5Sapagkat noong tayo ay nasa laman, ang mga makasalanang pagnanasa ay naging buhay sa ating mga bahagi sa pamamagitan ng kautusan na magbibigay ng bunga sa kamatayan.
6Ngunit ngayon, pinakawalan na tayo mula sa kautusan. Namatay tayo sa kung ano ang dating humahawak sa atin. Ito ay upang makapaglingkod tayo sa panibagong Espiritu at hindi sa kalumaan ng sulat.
7Kaya ano ang sasabihin natin? Ang kautusan ba mismo ay kasalanan? Huwag nawa itong mangyari. Gayunpaman, hindi ko sana malalaman ang kasalanan, kung hindi dahil sa kautusan. Sapagkat hindi ko sana malalaman ang tungkol sa kasakiman kung hindi sinabi ng kautusan na, "Huwag kang maging sakim". 8Ngunit kinuha ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng kautusan at nagdala sa akin ng bawat masamang pagnanasa. Sapagkat kung walang kautusan, patay ang kasalanan.
9Minsan akong nabuhay na wala ang kautusan, ngunit nang dumating ang kautusan, muling nabuhay ang kasalanan at namatay ako. 10Ang kautusan na magdadala sana ng buhay ay naging kamatayan para sa akin.
11Sapagkat kinuha ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng kautusan at nilinlang ako. Sa pamamagitan ng kautusan, pinatay ako ng kasalanan. 12Kaya banal ang kautusan at ang utos ay banal, matuwid at mabuti.
13Kaya, ang mabuti nga ba ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawa itong mangyari. Ngunit ang kasalanan, upang maipakitang ito ay kasalanan sa pamamagitan ng mabuti, ay nagdala ng kamatayan sa akin. Ito ay upang sa pamamagitan ng kautusan, maaaring ang kasalanan ay maging kasalanang walang kapantay. 14Sapagkat alam natin na ang kautusan ay espirituwal, ngunit ako ay sa laman. At ipinagbili akong alipin sa ilalim ng kasalanan.
15Sapagkat hindi ko talaga maintindihan ang aking ginagawa. Sapagkat hindi ko ginagawa ang nais kong gawin, at ang ayaw kong gawin ay siya namang aking ginagawa. 16Ngunit kung ginagawa ko ang ang ayaw kong gawin, sumasang-ayon ako sa kautusan, na ang kautusan ay mabuti.
17Ngunit ngayon hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananahan sa akin. 18Sapagkat alam ko na sa akin, sa aking laman, ay walang nananahang mabuti. Sapagkat ang kagustuhan para sa mabuti ay nasa akin, ngunit hindi ko ito magawa.
19Sapagkat ang mabuti na nais ko ay hindi ko ginagawa, ngunit ang masama na ayaw ko, ang ginagawa ko. 20Ngayon kung ginagawa ko ang ayaw kong gawin, kung gayon hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang namumuhay sa akin. 21Kaya, natuklasan ko na ang prinsipyo na nasa akin, na nais kong gawin ang mabuti, subalit ang kasamaang iyon ay naririto sa akin.
22Sapagkat nagagalak ako sa kautusan ng Diyos sa aking kaibuturan. 23Ngunit may nakikita akong ibang tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan. Nilalabanan nito ang bagong tuntunin sa aking isipan. Binibihag ako nito sa pamamagitan ng tuntunin ng kasalanan na nasa mga bahagi ng aking katawan.
24Kaawa-awa akong tao! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan? 25Ngunit ang pasasalamat ay sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Kaya ako mismo ay naglilingkod sa kautusan ng Diyos sa aking isipan. Gayunman, sa laman naglilingkod ako sa tuntunin ng kasalanan.

8

1Kung gayon, wala ng paghatol sa mga taong na kay Cristo Jesus. 2Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan.

3Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman. 4Ginawa niya ito upang sa gayon ang mga hinihingi ng kautusan ay matupad sa atin, tayong mga hindi lumalakad ayon sa laman, ngunit ayon sa Espiritu. 5Ang mga namumuhay ayon sa laman ay binibigyang-pansin ang mga bagay na para sa laman, ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay binibigyang pansin ang mga bagay na para sa Espiritu.
6Sapagkat ang kaisipan ng laman ay kamatayan, ngunit ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. 7Ito ay dahil sumasalungat sa Diyos ang kaisipan ng laman, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi ito maaaring maging sakop. 8Hindi kayang pasiyahin ng taong nasa laman ang Diyos.
9Gayunman, wala na kayo sa laman ngunit nasa Espiritu, kung totoong ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo. Ngunit kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, siya ay hindi kabilang sa kaniya. 10Kung nasa inyo si Cristo, sa isang panig ang katawan ay patay sa kasalanan, ngunit sa kabilang panig ang espiritu ay buhay sa katuwiran.
11Kung ang Espiritu ng Diyos na bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan ang nananahan sa inyo, siya na bumuhay kay Cristo mula sa kamatayan ang magbibigay din ng buhay sa inyong mga namamatay na katawan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na siyang nananahan sa inyo.
12Kaya nga, mga kapatid, may mga utang tayo, ngunit hindi sa laman upang mamuhay ayon sa laman. 13Sapagkat kung mabubuhay kayo ayon sa laman, kayo ay mamamatay, ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu inyong pinatay ang mga gawain ng inyong katawan, kayo ay mabubuhay.
14Sapagkat marami ang pinapangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ay mga anak ng Diyos. 15Sapagkat hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkabihag upang matakot. Sa halip, natanggap natin ang espiritu ng pagkupkop, na kung saan sumisigaw tayo ng, "Abba, Ama!"
16Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ang ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos. 17Kung tayo ay mga anak, mga tagapagmana rin tayo, mga tagapagmana ng Diyos. At kasama tayo ni Cristo bilang mga tagapagmana, kung tunay nga tayong magdusa kasama niya upang sa gayon maluwalhati rin tayo kasama niya.
18Sapagkat itinuturing ko na ang mga pagdurusa sa panahong ito ay hindi karapat-dapat na ihalintulad sa kaluwalhatian na maihahayag sa atin. 19Sapagkat ang nananabik na pag-asa ng mga nilikha ay naghihintay para sa paghahayag sa mga anak ng Diyos.
20Sapagkat napasailalim sa pagkawalang-saysay ang mga nilikha, hindi sa sarili nitong kalooban, kundi sa kaniya na siyang nagpasailalim nito. Ito ay dahil sa tiyak na kasiguraduhan 21na ang nilikha mismo ay maililigtas mula sa pagkaalipin hanggang sa pagkabulok at madadala ito sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. 22Sapagkat alam natin na magkasamang dumadaing at naghihirap sa sakit ang buong nilikha hanggang ngayon.
23Hindi lamang iyan, ngunit maging tayo mismo, na nagtataglay ng mga unang bunga ng Espiritu—kahit tayo mismo ay dumadaing sa ating mga sarili, naghihintay para sa ating pagkakakupkop, ang pagkatubos ng ating katawan. 24Sapagkat nailigtas tayo sa pamamagitan ng katiyakang ito. Ngunit hindi pa nakikita ang kinatitiyakan nating mangyayari, sapagkat sino ang may katiyakan na maghihintay sa nakita na niya? 25Ngunit kung nakatitiyak tayo tungkol sa hindi pa natin nakikita, naghihintay tayo ng may pagtitiyaga para dito.
26Sa ganoon paraan, tumutulong din ang Espiritu sa ating kahinaan. Sapagkat hindi natin alam kung paano tayo dapat manalangin, ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan sa atin ng mga daing na hindi maipahayag na mga daing. 27Ang sumisiyasat ng mga puso ay alam ang kaisipan ng Espiritu, dahil namamagitan siya para sa mga mananampalataya ayon sa kalooban ng Diyos.
28Nalalaman natin na sa mga nagmamahal sa Diyos, sa lahat ng bagay gumagawa siya para sa ikabubuti, ng mga tinawag ayon sa kaniyang layunin. 29Dahil ang mga kilala na niya noong una pa man, ay itinalaga din niya na matulad sa imahe ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30Ang kaniyang mga itinalaga, sila rin ang kaniyang mga tinawag. Ang kaniyang mga tinawag, sila rin ang kaniyang mga pinawalang-sala. Ang kaniyang mga pinawalang-sala, kaniya ring niluwalhati.
31Ano ngayon ang sasabihin natin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay para sa atin, sino ang laban sa atin? 32Siya na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling Anak ngunit ibinigay niya para sa ating lahat, paanong hindi niya rin ibibigay sa atin ng libre ang lahat ng bagay?
33Sino ang magpaparatang laban sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos ang siyang nagpapawalang-sala. 34Sino ang hahatol? Si Cristo na siyang namatay para sa atin at higit pa roon, binuhay din siyang muli. Naghahari siya kasama ang Diyos sa lugar ng karangalan at siya ang namamagitan para sa atin.
35Sino ang maghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ni Cristo? Ang matinding pagdurusa ba, o pagdadalamhati, o pag-uusig, o pagkagutom, o kahubaran, o panganib, o espada? 36Gaya ng nasusulat, "Para sa iyong kapakinabangan pinapatay kami buong araw. Itinuturing kaming tulad ng isang tupa na kakatayin."
37Sa lahat ng bagay na ito, higit pa tayo sa mga manlulupig sa pamamagitan ng nagmamahal sa atin. 38Sapagkat naniniwala ako na kahit ang kamatayan, ni ang buhay, ni mga anghel, ni mga pamahalaan, ni ang mga bagay sa kasalukuyan, ni ang mga bagay na darating, ni ang mga kapangyarihan, 39ni ang kataasan, ni ang kailaliman, ni anumang bagay na nilikha, ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

9

1Sinasabi ko ang katotohanan sa pamamagitan ni Cristo. Hindi ako nagsisinungaling, at kasamang nagpapatunay ang aking konsiyensya sa Banal na Espiritu, 2na sa akin ay may labis na kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.

3Sapagkat nanaisin kong ako na lamang ang maisumpa at maihiwalay kay Cristo para sa kapakanan ng aking mga kapatid, silang aking mga kalahi ayon sa laman. 4Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako. 5Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen.
6Ngunit hindi sa nabigo ang mga pangako ng Diyos. Sapagkat hindi lahat ng nasa Israel ang tunay na kabilang sa Israel. 7Hindi rin lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham ay tunay niyang mga anak. Ngunit, "Sa pamamagitan ni Isaac tatawagin ang iyong mga kaapu-apuhan."
8Iyan ay, ang mga anak sa laman ay hindi mga anak ng Diyos. Ngunit ang mga anak ng pangako ay itinuturing na kaapu-apuhan. 9Sapagkat ito ang salita ng pangako, "Sa panahong ito ay darating ako, at isang anak na lalaki ang maibibigay kay Sarah."
10Hindi lamang ito, ngunit pagkatapos ring magbuntis ni Rebecca sa pamamagitan ng isang lalaki, na ating amang si Isaac— 11sapagkat ang mga anak ay hindi pa isinisilang at walang pang nagagawang mabuti o masama, upang ang layunin ng Diyos ayon sa pagpili ang manatili, hindi dahil sa mga gawa, kung hindi ay dahil sa kaniya na tumatawag— 12sinabi sa kaniya, "Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata." 13Tulad ng nasusulat: "Inibig ko si Jacob, ngunit kinamuhian ko si Isau."
14Kung gayon, ano ang sasabihin natin? Mayroon bang kawalan ng katarungan sa Diyos? Huwag nawang mangyari. 15Sapagkat sinabi niya kay Moises, "Kaaawaan ko ang sinumang kaaawan ko, at kahahabagan ko ang sinumang kahahabagan ko." 16Kaya nga, hindi dahil sa kaniya na nagnanais, hindi rin dahil sa kaniya na tumatakbo, kundi dahil sa Diyos, na nagpapakita ng awa.
17Sapagkat sinasabi ng kasulatan kay Paraon, "Dahil sa layuning ito kaya itinaas kita, upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo, at upang maipahayag ang pangalan ko sa buong mundo." 18Kaya nga, may awa ang Diyos sa sinumang nais niyang kaawaan, at pinapatigas niya ang kalooban ng sinumang naisin niya.
19Sasabihin mo sa akin, "Bakit pa siya humahanap ng kamalian? Sapagkat sino ang nakapigil sa kaniyang kalooban ni minsan?" 20Sa kabilang banda, tao, sino kang sumasagot laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinulma sa humulma nito, "Bakit mo ako ginawang ganito?" 21Wala bang karapatan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa iisang tumpok ng putik ang isang sisidlan para sa natatanging paggagamitan, at ang isa pang sisidlan para sa pangaraw-araw na paggagamitan?
22Paano kung ang Diyos, na nagnanais ipakita ang kaniyang galit at ipahayag ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiyaga ng may labis na pagtitiis sa mga sisidlan ng galit na naihanda para sa pagkawasak? 23Paano kung ginawa niya ito upang mahayag ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na noon pa ay inihanda na niya para sa kaluwalhatian? 24Paano kung ginawa niya rin ito para sa atin, na tinawag din niya, hindi lamang mula sa mga Judio, ngunit mula rin sa mga Gentil?
25Gaya rin ng sinasabi niya sa Hosea: "Tatawagin kong mga tao ko ang hindi ko dating mga tao, at minamahal na hindi dating minamahal." 26At sa lugar na pinagsabihan sa kanila, 'Hindi ko kayo mga tao,' doon ay tatawagin silang "mga anak ng Diyos na buhay.'"
27Isinisigaw ni Isaias ang tungkol sa Israel, "Kung ang bilang ng mga anak ng Israel ay sindami ng buhangin sa dagat, mangyayari na ang nalalabi lamang ang maliligtas. 28Sapagkat hindi magtatagal, lubusan ng tutuparin ng Panginoon ang kaniyang salita sa daigdig." 29At ito ay gaya ng sinabi ni Isaias noon, "Kung hindi nagtira ng mga lahi ang Panginoon ng mga hukbo para sa atin, tayo ay naging katulad sana ng Sodoma, at naging katulad ng Gomorra.
30Kung gayon, ano sasabihin natin? Na ang mga Gentil na hindi nagsisikap para sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. 31Ngunit ang Israel, na nagsikap ng katuwiran sa kautusan ay hindi nagkamit nito.
32Bakit hindi? Dahil hindi nila ito sinikap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng mga gawa. Natisod sila sa batong katitisuran, 33gaya ng nasusulat, "Tingnan ninyo, naglagay ako sa Sion ng batong katitisuran at malaking batong kadadapaan. Ang sinumang manampalataya rito ay hindi mapapahiya."

10

1Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang hiling ko sa Diyos ay para sa kanila, para sa kanilang kaligtasan. 2Sapagkat sila ay pinatotohanan ko na mayroon silang pagsisikap para sa Diyos, ngunit hindi ayon sa kaalaman. 3Sapagkat hindi nila nalalaman ang katuwiran ng Diyos, at pinagsisikapan nilang itatag ang kanilang sariling katuwiran. Hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.

4Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kautusan para sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya. 5Sapagkat sumulat si Moises tungkol sa katuwiran na nagmumula sa kautusan: "Ang taong gumagawa ng katuwiran ng kautusan ay mabubuhay sa katuwirang ito."
6Ngunit ganito ang sinasabi ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya, "Huwag mong sabihin sa iyong puso, 'Sino ang aakyat sa langit?' (sa makatuwid ay upang pababain si Cristo). 7At huwag mong sasabihing, 'Sino ang bababa sa kailaliman?'" (sa makatuwid ay upang iakyat si Cristo mula sa patay.)
8Ngunit ano ang sinasabi nito? "Malapit sa iyo ang salita, sa iyong bibig at sa iyong puso." Iyan ang salita ng pananampalataya, na aming ipinapahayag. 9Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka. 10Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa katuwiran, at sa bibig kumikilala siya para sa kaligtasan.
11Sapagkat sinasabi ng kasulatan, "Ang sinumang nananampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya." 12Sapagkat walang pagkakaiba ang Judio at Griyego. Dahil iisang Panginoon ang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya. 13Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
14Kung gayon, paano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinasampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kaniya na hindi pa nila naririnig? At paano sila makakarinig kung walang tagapangaral? 15At paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? --- Gaya ng nasusulat, "Kayganda ng mga paa ng mga nagpapahayag ng mga masasayang balita ng mga mabubuting bagay!"
16Ngunit hindi lahat sa kanila ay nakinig sa ebanghelyo. Sapagkat sinasabi ni Isaias, "Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?" 17Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at pakikinig sa salita ni Cristo.
18Ngunit sinasabi ko, "Hindi ba nila narinig?" Oo, tiyak na narinig nila. "Ang kanilang tinig ay nakarating sa buong mundo, at ang kanilang mga salita sa mga dulo ng mundo."
19Bukod dito, sinasabi ko, "Hindi ba nalaman ng Israel?" Noong una ay sinabi ni Moises, "Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng isang hindi bansa. Sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa, gagalitin ko kayo."
20At sinasabi ni Isaias nang buong tapang, "Natagpuan ako ng mga hindi humanap sa akin. Nagpakita ako sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin." 21Ngunit sa Israel sinasabi niya, "Buong araw kong iniunat ang aking mga kamay sa mga taong suwail at matitigas ang ulo."

11

1Kung gayon sinasabi ko, itinakwil ba ng Diyos ang kaniyang mga tao? Nawa ay hindi kailanman. Sapagkat ako rin ay isang Israelita, kaapu-apuhan ni Abraham, mula sa tribu ni Benjamin. 2Hindi itinakwil ng Diyos ang kaniyang mga tao, na kilala na niya noon pa man. Hindi ba ninyo alam kung ano ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias, kung paano siya nakiusap sa Diyos laban sa Israel? 3"Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga altar. Ako na lamang ang naiwan, at gusto nila ang akong patayin."

4Ngunit ano ang sagot sa kaniya ng Diyos? "May inilaan ako para sa aking sarili na pitong libong lalaking hindi lumuhod kay Baal." 5Ganoon din nga, sa panahong ito, mayroon pang nalalabi dahil sa pagpili ng biyaya.
6Ngunit kung ito ay sa pamamagitan ng biyaya, hindi na ito sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi, ang biyaya ay hindi na biyaya. 7Ano kung gayon? Ang bagay na hinahanap ng Israel, ay hindi nito nakamit, ngunit ang napili ang nagkamit nito, at ang iba ay pinagmatigas. 8Gaya ng nasusulat: "Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng kapurulan, ng mga mata upang hindi nila makita, at ng mga tainga upang hindi nila marinig, hanggang sa araw na ito."
9At sinasabi ni David, "Hayaang ang kanilang mga lamesa ay maging isang lambat, bitag, katitisuran, at ganti laban sa kanila. 10Hayaang ang kanilang mga mata ay dumilim upang hindi sila makakita. Lagi mong panatilihing baluktot ang kanilang mga likod."
11Kung gayon, sinasabi ko, "Natisod ba sila nang sa gayon ay bumagsak?" Nawa ay hindi kailanman. Sa halip, sa pamamagitan ng kanilang pagkabigo, dumating ang kaligtasan sa mga Gentil, upang sila ay inggitin. 12Ngayon kung ang kanilang pagkabigo ay ang kayamanan ng mundo, at kung ang kanilang pagkalugi ay ang kayamanan ng mga Gentil, gaano pa mas dakila ang kanilang kapunuan?
13At ngayon kinakausap ko kayong mga Gentil. Habang ako ay isang apostol sa mga Gentil, ipinagmamalaki ko ang aking ministeryo. 14Marahil mainggit ko sila na aking kalaman. Marahil maliligtas natin ang ilan sa kanila.
15Sapagkat kung ang pagkatakwil sa kanila ay ang pakikipagkasundo ng mundo, ano ang magiging pagtanggap sa kanila kundi buhay mula sa mga patay? 16Kung ang mga unang bunga ay nailaan, gayon din ang buong masa. Kung ang mga ugat ay nailaan, gayon din ang mga sanga.
17Ngunit kung ang ilan sa mga sanga ay binali, kung ikaw, na isang ligaw na sanga ng olibo, ay naidugtung sa kanila, at kung nakibahagi ka sa kanila sa kasaganaan ng ugat ng puno ng olibo, 18huwag kang magmayabang sa mga sanga. Ngunit kung ikaw ay nagmamayabang, hindi ikaw ang bumubuhay sa ugat, ngunit ang ugat ang bumubuhay sa iyo.
19Kung gayon, sasabihin mo, "Pinutol ang mga sanga upang maidugtong ako." 20Totoo iyan. Dahil sa kanilang hindi pagsampalataya, pinutol sila, ngunit ikaw ay naging matatag dahil sa iyong pananampalataya. Huwag kang magmalaki, ngunit matakot ka. 21Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang likas na mga sanga, hindi ka rin niya patatawarin.
22Tingnan ninyo kung gayon, ang mga mabubuting gawa at ang kabagsikan ng Diyos. Sa isang dako, ang kalupitan ay dumating sa mga Judio na bumagsak. Ngunit sa kabilang dako, ang kabutihan ng Diyos ay dumarating sa inyo, kung magpapatuloy kayo sa kaniyang kabutihan. Kung hindi, mapuputol din kayo.
23At isa pa, kung hindi sila magpatuloy sa kanilang kawalan ng pananampalataya, sila ay maidudugtong muli. Sapagkat maaari silang idugtong ulit ng Diyos. 24Sapagkat kung kayo ay pinutol sa likas na ligaw na puno ng olibo, at salungat sa kalikasan ay idinugtong kayo sa mabuting puno ng olibo, gaano pa kaya ang mga Judiong ito, na likas na mga sanga, na maidudugtong pabalik sa kanilang sariling punong olibo?
25Sapagkat hindi ko nais na hindi ninyo alam, mga kapatid, ang hiwagang ito, upang hindi kayo magmarunong sa inyong sariling isipan. Ang hiwagang ito ay nagkaroon sa Israel ng bahagyang katigasan, hanggang sa makapasok ang kabuuan ng mga Gentil.
26Kaya ang lahat ng Israel ay maliligtas, gaya ito ng nasusulat: "Mula sa Sion manggagaling ang Tagapagligtas. Tatanggalin niya ang kasamaan mula kay Jacob. 27At ito ang magiging kasunduan ko sa kanila, kapag tinanggal ko ang kanilang mga kasalanan."
28Sa isang dako, patungkol sa ebanghelyo, sila ay kinamuhian dahil sa inyo. Sa kabilang dako ayon naman sa pagpili ng Diyos, sila ay minamahal dahil sa mga ninuno. 29Sapagkat ang mga kaloob at ang tawag ng Diyos ay hindi mababago.
30Sapagkat kayo ay dating hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon kayo ay nakatanggap ng awa dahil sa kanilang hindi pagsunod. 31Gayon din naman, ngayon ang mga Judiong ito ay naging suwail. Ang kinahinatnan nito, sa pamamagitan ng awa na ipinakita sa inyo, makatatanggap din sila ngayon ng awa. 32Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat.
33O, napakayaman ng Diyos sa karunungan at kaalaman! Hindi masuri ang kaniyang mga hatol, at ang kaniyang mga kaparaanan ay hindi kayang matuklasan! 34"Sapagkat sino ang nakakaalam ng isipan ng Panginoon? O sino ang naging tagapayo niya?
35O sino ang nagbigay ng una sa Diyos, upang ito ay bayaran sa kaniya?" 36Sapagkat mula sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.

12

1Kaya hinihikayat ko kayo, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos, na ialay ninyo ang inyong mga katawan na isang buhay na alay, banal, katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ang inyong nararapat na paglilingkod. 2Huwag kayong umayon sa mundong ito, ngunit mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Gawin ninyo ito upang malaman ninyo kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at ganap na kalooban ng Diyos.

3Sapagkat, dahil sa biyayang ibinigay sa akin, sinasabi ko na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip na mas mataas ang inyong sarili kaysa sa nararapat ninyong isipin. Sa halip, dapat kayong mag-isip ng may karunungan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.
4Sapagkat marami tayong bahagi sa iisang katawan, ngunit hindi lahat ng mga bahagi ay may pare-parehong tungkulin. 5Gayon din naman, tayo na marami ay iisang katawan kay Cristo, at ang bawat isa ay bahagi ng isa't isa.
6Mayroon tayong iba't ibang kaloob ayon sa biyayang ibinigay sa atin. Kung ang kaloob ng isa ay paghahayag ng propesiya, gawin niya ito ayon sa sukat ng kaniyang pananampalataya. 7Kung ang kaloob ng isa ay paglilingkod, hayaan siyang maglingkod. Kung ang isa ay may kaloob ng pagtuturo, hayaan siyang magturo. 8Kung ang kaloob ng isa ay pagpapalakas ng loob, hayaan siyang magpalakas ng loob. Kung ang kaloob ng isa ay pagbibigay, hayaan siyang gawin ito ng may kagandahang-loob. Kung ang kaloob ng isa ay pamumuno, gawin ito ng may pag-iingat. Kung ang kaloob ng isa ay pagpapakita ng awa, gawin ito ng may kagalakan.
9Ang pag-ibig ay maging walang pagkukunwari. Kasuklaman kung ano ang masama; panghawakan kung ano ang mabuti. 10Patungkol sa pag-ibig ng mga kapatid, maging magiliw kayo sa isa't isa. Patungkol sa kapurihan, igalang ninyo ang isa't isa.
11Patungkol sa pagsisikap, huwag mag-atubili. Patungkol sa espiritu, maging masigasig. Patungkol sa Panginoon, maglingkod sa kaniya. 12Magalak sa pag-asang mayroon kayo tungkol sa hinaharap. Maging matiisin sa inyong mga kabalisahan. Magpatuloy sa pananalangin. 13Tumulong sa pangangailangan ng mga mananampalataya. Humanap ng maraming paraan upang ipakita ang magiliw na pagtanggap sa iba.
14Pagpalain ninyo ang mga umaapi sa inyo; pagpalain at huwag isumpa. 15Makipaggalak kayo sa mga nagagalak; makipagtangis kayo sa mga tumatangis. 16Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag mag-isip sa mga paraang mapagmataas, ngunit tanggapin ang mga mabababang tao. Huwag maging marunong sa inyong mga sariling isipan.
17Huwag gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Gumawa ng mga mabubuting bagay sa paningin ng lahat ng tao. 18Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng tao.
19Huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili, mga minamahal, ngunit bigyang daan ang galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat na, " 'Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,' sinasabi ng Panginoon." 20"Ngunit kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya. Kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom. Sapagkat kung gagawin mo ito, nagtatambak ka ng mga baga ng apoy sa kaniyang ulo." 21Huwag kang magpadaig sa kasamaan, ngunit daigin mo ng mabuti ang kasamaan.

13

1Ang bawat kaluluwa ay maging masunurin sa mga matataas na kapangyarihan, dahil walang kapangyarihan na hindi nanggagaling sa Diyos. At ang mga may kapangyarihang umiiral ay itinalaga ng Diyos. 2Samakatuwid ang lumalaban sa kapangyarihang iyon ay sumasalungat sa mga utos ng Diyos, at ang mga sumasalungat dito ay makakatanggap ng kahatulan sa kanilang mga sarili.

3Sapagkat ang mga namumuno ay hindi kilabot sa mga mabubuting gawain, kundi sa mga masasama gawain. Nais mo bang hindi matakot sa may kapangyarihan? Gawin mo ang mabuti, at makatatanggap ka ng papuri dahil dito. 4Sapagkat siya ay isang lingkod ng Diyos para sa kabutihan. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, matakot ka. Sapagkat hindi niya dala-dala ang espada ng walang dahilan. Sapagkat siya ay isang lingkod ng Diyos, isang tagapaghiganti ng poot sa mga gumagawa ng masama. 5Samakatuwid dapat kayong sumunod, hindi lang dahil sa matinding poot, ngunit dahil din sa konsensya.
6Dahil dito nagbabayad din kayo ng mga buwis. Sapagkat ang mga may kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos na patuloy na nangangasiwa nito. 7Bayaran ninyo ang lahat kung ano man ang inutang ninyo sa kanila: magbuwis sa dapat pagbayaran ng buwis, magbayad ng upa sa kung sinuman ang inuupahan; matakot sa nararapat katakutan; parangalan ang nararapat parangalan.
8Huwag kayong magkautang ng anuman sa kanino man, maliban sa pagmamahal sa isa't isa. Sapagkat ang sinumang nagmamahal sa kaniyang kapwa ay tumutupad sa kautusan. 9Sapagkat, "Hindi ka mangangalunya, hindi ka papatay, hindi ka magnanakaw, hindi ka mag-iimbot," at kung may iba ring kautusan, pinagsama-sama ito sa pangugusap na ito: "Mamahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili." 10Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa. Kaya, pag-ibig ang katuparan ng kautusan.
11Dahil dito, nalalaman niyo ang oras, na ito na ang oras upang kayo ay magising mula sa inyong pagkakatulog. Sapagkat ngayon, ang ating kaligtasan ay mas malapit na kaysa noong una tayong nanampalataya. 12Palipas na ang gabi at malapit ng mag-umaga. Kaya iisantabi natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isuot ang baluti ng liwanag.
13Lumakad tayo nang nararapat, gaya ng sa liwanag, hindi sa magulong pagdiriwang o sa paglalasing. At huwag tayong mamuhay sa kahalayan o sa pagnanasang walang pagpipigil, at hindi sa alitan o pagkainggit. 14Ngunit paghariin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo at huwag pagbigyan ang kagustuhan ng laman, para sa mga pagnanasa nito.

14

1Tanggapin ang sinumang mahina ang pananampalataya, nang hindi hinahatulan ang mga pagtatalo. 2Sa isang dako, ang isang tao ay may paniniwalang maari niyang kainin ang kahit na ano, ngunit sa kabilang dako, ang ibang mahina ay kumakain lamang ng mga gulay.

3Huwag sanang hamakin ng taong kumakain ng kahit na ano ang taong hindi kinakain ang lahat. At ang siyang hindi kinakain ang lahat ay huwag husgahan ang taong kumakain ng lahat. Dahil tinanggap siya ng Diyos. 4Sino ka, ikaw na humuhusga sa isang lingkod na pagmamay-ari ng iba? Sa harapan ng kaniyang amo siya tatayo o matutumba. Ngunit siya ay patatayuin, dahil nagagawa ng Panginoon na siya ay patayuin.
5Sa isang dako, pinahahalagahan ng isang tao ang isang araw ng higit kaysa sa iba. Sa kabilang dako, pinahahalagahan naman ng iba ang bawat araw ng pantay-pantay. Ang bawat tao ay magpasya sa kaniyang sariling isipan. 6Ang nagpapahalaga ng araw, ay nagpapahalaga nito para sa Panginoon. At siya na kumakain, ay kumakain para sa Panginoon, sapagkat siya ay nagbibigay pasasalamat sa Diyos. Ang hindi kumakain, ay nagpipigil na kumain para sa Panginoon. Nagpapasalamat din siya sa Diyos.
7Sapagkat wala sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili, at walang namamatay para sa kaniyang sarili. 8Sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon. At kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya kung tayo man ay mamamatay o mabubuhay, tayo ay sa Panginoon. 9Dahil sa layuning ito namatay si Cristo at nabuhay muli, upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga buhay.
10Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw, bakit mo kinamumuhian ang iyong kapatid? Dahil lahat tayo ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Diyos. 11Sapagkat ito ay nasusulat, "Habang ako ay nabubuhay," sabi ng Panginoon, "ang bawat tuhod ay luluhod sa akin, at ang bawat dila ay magbibigay ng papuri sa Diyos."
12Kaya kung gayon, ang bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit ng kaniyang sarili sa Diyos. 13Samakatuwid, itigil na natin ang paghuhusga sa isa't isa, ngunit sa halip pagpasyahan ito, na walang sinuman ang maglalagay ng ikatitisod o patibong para sa kaniyang kapatid.
14Nalalaman ko at nahikayat ako sa Panginoong Jesus, na walang bagay na hindi malinis sa kaniyang sarili. Sa kaniya lamang na itinuturing ang anumang bagay na marumi, para sa kaniya ito ay marumi. 15Kung dahil sa pagkain ay nasaktan ang iyong kapatid, hindi ka na lumalakad sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak sa iyong pagkain ang siyang pinagkamatayan ni Cristo.
16Kaya huwag ninyong hayaan na ang inyong mabubuting gawa ang maging dahilan upang kutyain sila ng mga tao. 17Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, ngunit tungkol ito sa pagiging matuwid, kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu.
18Sapagkat ang sinumang naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay katanggap-tanggap sa Diyos at sinang-ayunan ng mga tao. 19Kung gayon, ipagpatuloy natin ang mga bagay ng kapayapaan at ang mga bagay na nakapagpapatibay ng bawat isa.
20Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos ng dahil sa pagkain. Ang lahat ng mga bagay ay tunay na malinis, ngunit masama ito para sa taong kumakain at nagiging dahilan ng kaniyang pagkatisod. 21Mabuti ang hindi kumain ng karne, o uminom ng alak, o anumang magiging sanhi ng pagkakatisod ng iyong kapatid.
22Ang mga paniniwalang ito na mayroon ka, ikaw at ang Diyos lamang ang dapat nakakaalam. Pinagpala ang taong hindi hinahatulan ang kaniyang sarili bilang respeto sa kung ano ang kaniyang sinasang-ayunan. 23Ang nagdududa ay hinahatulan kung siya ay kakain, dahil hindi ito mula sa pananampalataya. At ang anumang hindi mula sa pananampalataya ay kasalanan.

15

1Ngayon tayong mga malalakas ang nararapat na pumasan sa mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi natin dapat bigyang-lugod ang ating mga sarili. 2Bigyang-lugod ng bawat isa sa atin ang kaniyang kapwa dahil mabuti iyon, upang pagtibayin siya.

3Sapagkat kahit si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kaniyang sarili. Sa halip, gaya ng nasusulat, "Ang mga panlalait ng mga nanlait sa iyo ay sa akin bumabagsak". 4Dahil anuman ang isinulat noong una ay para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pamamangitan ng pagpapalakas ng loob ng mga kasulatan ay magkakaroon tayo ng pag-asa.
5Ngayon, nawa ang Diyos ng pagtitiis at ng lakas ng loob ay pagkalooban kayo ng iisang pag-iisip ayon kay Cristo Jesus. 6Nawa ay gawin niya ito upang kayo na may iisang pag-iisip ay magpuri ng may iisang bibig sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 7Kaya tanggapin ninyo ang isa't isa, gaya ng pagtanggap din sa inyo ni Cristo, sa ikapupuri ng Diyos.
8Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay ginawang lingkod ng pagtutuli sa ngalan ng katotohanan ng Diyos. Ginawa niya ito upang patotohanan niya ang mga pangakong ibinigay sa mga ninuno, 9at para sa mga Gentil upang papurihan nila ang Diyos sa kaniyang awa. Ito ay gaya ng nasusulat, "Kaya pupurihin kita kasama ng mga Gentil, at aawit ng papuri sa pangalan mo."
10Muling nitong sinasabi, "Magalak kayo, kayong mga Gentil, kasama ang kaniyang mga tao." 11At muli, "Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga Gentil at hayaan ninyong ang lahat na mga tao ay purihin siya."
12Sinasabi rin ni Isaias, "Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya."
13Ngayon nawa ang Diyos ng pagtitiwala ay punuin kayo ng buong kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala, upang kayo ay managana sa pagtitiwala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
14Ako man sa aking sarili ay naniniwala tungkol sa inyo, aking mga kapatid. Naniniwala din ako na kayo mismo ay puno ng kabutihan, puno ng lahat ng kaalaman. Naniniwala ako na kayo ay may kakayahan ding payuhan ang isa't isa.
15Ngunit mas matapang akong sumusulat sa inyo tungkol sa ilang mga bagay upang paalalahanan kayong muli, dahil sa kaloob na ibinigay sa akin ng Diyos. 16Itong kaloob na dapat akong maging lingkod ni Cristo Jesus na isinugo sa mga Gentil, upang ihandog bilang isang pari ang ebanghelyo ng Diyos. Kailangan kong gawin ito upang ang handog ng mga Gentil ay maging katanggap-tanggap, nakalaan sa Diyos sa pamamangitan ng Banal na Espiritu.
17Kaya ang aking kagalakan ay kay Cristo Jesus at sa mga bagay na mula sa Diyos. 18Sapagkat hindi ako mangangahas na magsalita ng kahit na ano maliban sa mga bagay na ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko para sa pagsunod ng mga Gentil. Ito ay mga bagay ng ginawa sa pamamagitan ng salita at gawa, 19sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga tanda at mga kahanga-hangang gawa, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito ay nangyari mula sa Jerusalem, at sa palibot hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko nang lubos ang ebanghelyo ni Cristo.
20Sa ganitong paraan, ang aking hangarin ay ang maipahayag ang ebanghelyo, ngunit hindi kung saan kilala ang pangalan ni Cristo, upang hindi ako makapagtayo sa pundasyon ng ibang tao. 21Katulad ng nasusulat: "Makikita siya ng mga hindi dinatnan ng balita tungkol sa kaniya, at maiintindihan ng mga hindi nakarinig."
22Kaya maraming beses din akong hinadlangan na tumungo sa inyo. 23Ngunit ngayon, wala na akong iba pang lugar sa mga lupaing ito, at inaasam ko ng maraming taon na makapunta ako sa inyo.
24Kaya sa tuwing pumupunta ako sa Espanya, umaasa akong makita kayo sa aking pagdaan, at inasahan ko din na kayo ang tutulong sa aking pag-alis pagkatapos akong magsaya kasama kayo kahit panandalian lang. 25Ngunit ngayon ay pupunta ako sa Jerusalem upang maglingkod sa mga mananampalataya.
26Sapagkat ito ay kasiyahan ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaya na magambag-ambag para sa mga mahihirap na mananampalataya na nasa Jerusalem. 27Oo, ito ay kanilang kasiyahan, at sa katunayan, sila ang mga may utang sa kanila. Sapagkat kung ang mga Gentil ay nakibahagi sa kanilang mga espirituwal na bagay, dapat lang silang maglingkod sa kanila sa mga materyal na bagay.
28Kaya, kapag natapos kong gawin ito at mapatunayan ang bungang ito sa kanila, dadaan ako diyan sa inyo pagpunta ko sa Espanya. 29Alam ko, na kapag pumunta ako sa inyo, pupunta ako ng may buong pagpapala ni Cristo.
30Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng pag-ibig ng Banal na Espirito, na magsumikap kayo kasama ko sa inyong mga panalangin sa Diyos patungkol sa akin. 31Ipanalangin ninyo na ako ay maligtas sa mga hindi sumusunod na nasa Judea at ang aking paglilingkod sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga mananampalataya. 32Ipanalangin ninyo na ako ay makapunta sa inyo ng may galak sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at ako nawa ay makasumpong ng kapahingahan ka kasama ninyo.
33Nawa ay sumainyong lahat ang Diyos ng kapayapaan. Amen.

16

1Inihahabilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na isang lingkod ng iglesiya na nasa Cencrea, 2upang siya ay tanggapin ninyo sa Panginoon. Gawin ninyo ito sa paraan na karapat-dapat sa mga mananampalataya, at tulungan ninyo siya sa anumang mga pangangailangan niya. Sapagkat siya mismo ay tumulong din sa marami, at ganun din sa akin.

3Batiin ninyo sina Prisca at Aquila, na mga kapwa ko manggagawa kay Cristo Jesus, 4na inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay para sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa kanila, at hindi lamang ako, kundi pati na rin ang lahat ng mga iglesiya ng mga Gentil. 5Batiin ninyo ang iglesiya na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na aking minamahal, na siyang kauna-unahang bunga ng Asia kay Cristo.
6Batiin ninyo si Maria na naglingkod ng lubos para sa inyo. 7Batiin ninyo sina Andronico at Junia, na aking mga kamag-anak, at kasamahan kong mga bilanggo. Kilala sila sa mga apostol, na nauna pang nakakilala kay Cristo kaysa sa akin. 8Batiin ninyo si Ampliato, na aking minamahal sa Panginoon.
9Batiin ninyo si Urbano, na ating kapwa manggagawa kay Cristo, at ang minamahal kong si Staquis. 10Batiin ninyo si Apeles, na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Aristobulo. 11Batiin ninyo si Herodion, na aking kamag-anak. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Narciso, na nasa Panginoon.
12Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa, na naglingkod nang lubos sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na naglingkod nang labis sa Panginoon. 13Batiin ninyo si Rufo, na pinili ng Panginoon, at ang kaniyang ina at ina ko rin. 14Batiin ninyo sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hemas at ang mga kapatid na kasama nila.
15Batiin ninyo sina Filologo at Julia, Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at lahat ng mga mananampalataya na kasama nila. 16Batiin ninyo ang isa't isa sa pamamagitan ng banal na halik. Lahat ng mga iglesiya ni Cristo ay binabati kayo.
17Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, na isipin ninyo ang mga taong nagiging dahilan ng pagkababaha-bahagi at pagkakatisod. Lumalagpas sila sa mga turong inyong napag-aralan. Talikuran ninyo sila. 18Sapagkat ang mga taong tulad nito ay hindi naglilingkod sa ating Panginoong Cristo, kundi ang sarili nilang hangarin. Sa pamamagitan ng kanilang kaaya-aya at mga kalugod-lugod na pananalita nililinlang nila ang mga puso ng mga walang malay.
19Sapagkat ang inyong halimbawa ng pagsunod ay umabot na sa lahat. Kaya nagagalak ako sa inyo, ngunit gusto kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at walang kamalayan sa kasamaan. 20Hindi magtatagal, ang Diyos ng kapayapaan ay dudurugin si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa. Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.
21Binabati kayo ni Timoteo, ang aking kapwa manggagawa, at nina Lucius, Jason, at Sosipato, na aking mga kamag-anak. 22Ako, si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
23Binabati kayo ni Gauis, na tinutuluyan ko at ng buong iglesiya. Binabati kayo ni Erasto, ang ingat-yaman ng lungsod, kasama ang kapatid na si Quarto. 24[Nawa ang biyaya ng ating Panginoon Jesu-Cristo ay mapasainyong lahat. Amen]
25Ngayon sa kaniya na may kakayahang kayo ay pagtibayin ayon sa aking ebanghelyo at sa pangangaral ni Jesu-Cristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na itinago mula pa noon, 26ngunit sa ngayon ay inilahad na at nalaman sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta ayon sa kautusan ng walang hanggang Diyos, para sa pagsunod ng mga Gentil dahil sa kanilang pananampalataya?
27sa iisang Diyos na matalino, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.

1 Corinto

1

1Mula kay Pablo, na tinawag upang maging isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at kay Sostenes na ating kapatid, 2sa iglesia ng Diyos sa Corinto, na mga naihandog kay Cristo Jesus, silang tinawag na maging mga taong banal. Sumusulat din kami sa lahat nang dako sa mga tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang kanilang Panginoon at sa atin. 3Nawa ay sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

4Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ibinigay ng Panginoong Cristo Jesus sa inyo. 5Ginawa niya kayong mayaman sa lahat ng paraan, sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman. 6Ginawa niya kayong mayaman, gaya ng patotoo tungkol kay Cristo na napatunayang totoo nga sa inyo.
7Samakatuwid kayo nga ay hindi nagkukulang sa kaloob ng Espiritu, habang sabik kayong naghihintay sa kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 8Kayo din ay kaniyang palalakasin hanggang sa huli, upang kayo ay walang bahid sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 9Tapat ang Diyos na siyang tumawag sa inyo sa pakikipagtipon sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
10Ngayon, hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkakasundo kayong lahat, at walang pagkakahati-hati sa inyo. Pinapakiusap ko sa inyo na kayo ay magkaisa sa kaisipan at maging sa layunin. 11Sapagkat ibinalita sa akin ng mga tauhan ni Cloe na may namumuong mga alitan sa inyo.
12Ang ibig kong sabihin: Ang bawat isa sa inyo ay nagsasabi, "Kay Pablo ako," o "Kay Apolos ako," o "Kay Cefas ako," o "Kay Cristo ako." 13Si Cristo ba ay nahahati? Si Pablo ba ay napako para sa inyo? Kayo ba ay binautismuhan sa pangalan ni Pablo?
14Ako ay nagpapasalamat sa Diyos na wala akong binautismuhan sa inyo, maliban kay Crispo at Gayo. 15Ito ay upang walang isa man sa inyo na magsasabing binautismuhan ko kayo sa aking pangalan. 16(Binautismuhan ko din ang sambahayan ni Stefanas. Sa kabila nito, hindi ko na alam kung may nabautismuhan pa akong iba.)
17Sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbautismo kundi mangaral ng ebanghelyo. Hindi niya ako isinugo upang mangaral sa salita na may karunungan ng tao, upang ang krus ni Cristo ay hindi mawawalan ng kapangyarihan.
18Sapagkat ang mensahe tungkol sa krus ay kamangmangan sa mga mamamatay. Ngunit para sa mga inililigtas ng Diyos, ito ay ang kapangyarihan ng Diyos. 19Sapagkat nasusulat, "Sisirain ko ang karunungan ng marurunong. Bibiguin ko ang pang-unawa ng mga matatalino."
20Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa? Nasaan ang debatista ng mundong ito? Hindi ba't pinalitan ng Diyos ang karunungan ng mundong ito ng kamangmangan? 21Dahil ang mundo sa sarili nitong karunungan ay hindi kinilala ang Diyos, nalugod ang Diyos sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral na iligtas ang sinumang sumasampalataya.
22Sapagkat humihiling ang mga Judio ng mga tanda ng himala at naghahangad ng karunungan ang mga Griyego. 23Ngunit ipinapangaral namin si Cristo na napako, isang ikinatitisod ng mga Judio at kamangmangan sa mga Griyego.
24Ngunit sa lahat ng mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griyego, ipinapangaral namin na si Cristo ang kapangyarihan at ang karunungan ng Diyos. 25Sapagkat ang kamangmangan ng Diyos ay mas higit sa karunungan ng tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit sa kalakasan ng tao.
26Tumingin kayo sa pagkatawag ng Diyos sa inyo, mga kapatid. Iilan lamang ang marurunong sa inyo sa pamamagitan ng pamantayan ng tao. Iilan lamang ang makapangyarihan sa inyo. Iilan lamang ang may maharlikang kapanganakan sa inyo. 27Ngunit pinili ng Diyos ang mga bagay na mangmang sa mundo upang hiyain ang mga marurunong. Pinili ng Diyos kung anong mahihina sa mundo upang hiyain ang malakas.
28Pinili ng Diyos kung ano ang mabababa at hinamak sa mundo. Pinili nga niya ang mga bagay na itinuring na walang kabuluhan, upang mawalang kabuluhan ang mga bagay na pinanghahawakang mahalaga. 29Ginawa niya ito upang walang sinuman ang may dahilan upang magyabang sa harapan niya.
30Dahil sa ginawa ng Diyos, kayo ngayon ay na kay Cristo Jesus na naging karunungan natin na mula sa Diyos. Siya ang ating naging katuwiran, kabanalan, at katubusan. 31Kaya nga, gaya ng sinabi ng kasulatan, "Kung ang isa man ay magmamalaki, ipagmalaki niya ang Panginoon,"

2

1Nang pumunta ako sa inyo, mga kapatid, hindi ako pumariyan na may kahusayan ng pananalita o karunungan nang aking ipinahayag ang mga lihim na katotohanan tungkol sa Diyos. 2Sapagkat nagpasya akong walang kilalanin nang ako ay nasa inyo maliban kay Jesu-Cristo na siyang ipinako sa krus.

3At nakasama ninyo ako sa kahinaan, at pagkatakot, at sa matinding panginginig. 4At ang aking mensahe at pagpapahayag ay hindi sa mapang-akit na pananalita ng karunungan. Sa halip, kasama ng mga ito ang pagpapakita ng Espiritu at ng kapangyarihan, 5upang ang inyong pananampalataya ay hindi sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
6Ngayon nagsasalita kami ng karunungan sa mga ganap, ngunit hindi ang karunungan ng mundong ito, o ng mga namumuno sa kapanahunang ito, na lumilipas. 7Sa halip nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian.
8Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaalam ng ganitong karunungan, sapagkat kung naunawaan lang sana nila ito sa panahong iyon, hindi na sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. 9Ngunit gaya ng nasusulat, "Mga bagay na hindi nakita ng mata, na hindi narinig ng tainga, na hindi sumagi sa isipan, ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya."
10Ito ang mga bagay na inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat sinasaliksik ng Espiritu ang lahat, kahit ang mga lihim ng Diyos. 11Sapagkat sino ang nakakaalam sa iniisip ng tao, maliban ang espiritung nasa kaniya? Ganoon din, walang nakakaalam sa mga lihim ng Diyos maliban ang Espiritu ng Diyos.
12Ngunit hindi natin tinanggap ang espiritu ng mundo, kundi ang Espiritu na siyang nagmula sa Diyos, upang maaari nating malaman ang mga bagay na kusang ibinigay sa atin ng Diyos. 13Sinasabi namin ang tungkol sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng salita na hindi kayang ituro sa pamamagitan ng karunungan ng tao, ngunit itinuro ng Espiritu sa amin. Ipinapaliwanag ng Espiritu ang mga espiritwal na mga salita sa espiritwal na karunungan.
14Hindi makakatanggap ng mga bagay na nabibilang sa Espiritu ng Diyos ang hindi espiritwal na tao, sapagkat kahangalan ang mga ito sa kaniya. Hindi niya nakikilala ang mga ito dahil ang mga ito ay nakikilala sa pamamagitan ng espiritu. 15Hahatulan ng isang espiritwal ang lahat ng bagay, ngunit hindi siya sakop sa paghahatol ng iba. 16"Sapagkat sino ang nakakaalam sa isip ng Panginoon upang siya ay turuan?" Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.

3

1At ako, mga kapatid, hindi ko kayo nakakausap na tulad ng mga taong espiritual, sa halip bilang mga taong makalaman, bilang mga sanggol kay Cristo. 2Pinaiinom ko kayo ng gatas at hindi ko kayo pinapakain ng karne, sapagkat hindi pa kayo handa sa karne. At hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo handa.

3Sapagkat nananatili kayong makalaman. Dahil kung may paninibugho at pagtatalo na umiiral pa sa inyo, hindi ba namumuhay pa kayo sa laman at hindi ba kayo lumalakad sa pamantayan ng tao? 4Sapagkat kapag may isang nagsabi, "Ako ay sumusunod kay Pablo," at sinasabi naman ng isa, "Ako ay sumusunod kay Apolos," hindi ba namumuhay pa kayo bilang isang tao? 5Sino ba si Apolos? At sino ba si Pablo? Mga lingkod na dahil sa kanila kayo ay sumampalataya, na bawat isa sa kanila ay nabigyan ng Panginoon ng mga tungkulin.
6Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpapalago. 7Kung magkagayon, hindi mahalaga kung sino ang nagtatanim, ni ang nagdidlilig. Ngunit ang Dios ang siyang nagpapalago.
8Ngayon ang nagtatanim at nagdidilig ay iisa, at ang bawat isa ay tatanggap ng kaniyang sahod ayon sa kaniyang sariling trabaho. 9Sapagkat kami ay kapwa mga manggagawa ng Diyos. Kayo ang hardin ng Diyos, gusali ng Diyos.
10Ayon sa biyayang ibinigay sa akin ng Diyos bilang isang mahusay na punong tagapagtayo, ako ang naglagay ng pundasyon at may ibang nagtatayo sa ibabaw nito. Subalit mag-ingat ang bawat tao kung paano siya magtatayo sa ibabaw nito. 11Sapagkat walang sinuman ang makapaglalagay ng ibang pundasyon maliban sa isa na naitayo na, na si Jesu-Cristo.
12Ngayon kung sinumang nagtatayo sa ibabaw ng pundasyon sa ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan, 13ang kaniyang gawa ay maihahayag, dahil ang liwanag ng araw ang magsisiwalat nito. Sapagkat ito ay ihahayag ng apoy. Ang apoy ang susubok sa uri at halaga ng anumang gawa ng bawat isa.
14Kung mananatili ang anumang bagay na tinayo ng tao, siya ay tatanggap ng gantimpala. 15Nguni't kung masunog ang ginawa ng sinuman, siya ay mawawalan. Nguni't siya mismo ay ligtas, na gaya ng naligtas mula sa mga apoy.
16Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo? 17Kung sinuman ang wawasak sa templo ng Diyos, sisirain din ng Diyos ang taong iyon. Sapagkat ang templo ng Diyos ay banal at maging kayo.
18Huwag ninyong dayain ang inyong mga sarili. Kung ang sinuman sa inyo ay nag-iisip na siya ay marunong sa panahong ito, hayaan siyang maging "mangmang" upang magtamo siya ng karunungan. 19Sapagkat ang karunungan sa mundong ito ay kamangmangan sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Hinuhuli niya ang marunong sa kaniyang katusuhan". 20At gayun din, "Alam ng Panginoon na ang mga pangangatuwiran ng marunong ay walang saysay."
21Kaya wala ng magyayabang sa mga tao! Sapagkat lahat ng mga bagay ay sa inyo, 22kahit na si Pablo, o si Apolos, o si Cefas, o ang sanlibutan, o ang buhay, o ang kamatayan, o mga bagay sa kasalukuyan, o mga bagay na darating. Lahat ng mga bagay ay sa inyo, 23at kayo ay kay Cristo, at si Cristo ay sa Diyos.

4

1Ganito dapat ang ipalagay ng tao sa amin, bilang mga lingkod ni Cristo at mga katiwala ng mga lihim na katotohanan ng Diyos. 2Sa kaugnayan nito, kinakailangang mapagkakatiwalaan ang mga katiwala.

3Ngunit para sa akin, ito ay napakaliit lamang na bagay para mahatulan ninyo ako o nang anumang hukuman ng tao. Sapagkat hindi ko nga hinahatulan ang aking sarili. 4Wala akong nalalaman na anumang sakdal laban sa akin ngunit hindi nangangahulugang ako ay walang sala. Ang Panginoon ang siyang hahatol sa akin.
5Kaya, huwag kayong humatol tungkol sa anumang bagay bago ang panahon, bago dumating ang Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga lihim na bagay ng kadiliman at ihahayag ang mga layunin ng puso. At makatatanggap ang bawat isa ng kaniyang papuri mula sa Diyos.
6Ngayon, mga kapatid, ginawa ko ang mga prinsipyong ito sa aking sarili at ni Apolos para sa inyong kapakanan upang mula sa amin ay inyong matutunan ang kahulugan ng kasabihan na, "Huwag ninyong hihigitan kung ano ang nasusulat." Ito ay upang wala sa inyo ang maging mayabang sa pagtatangi ng isa laban sa iba. 7Sapagkat sino ang nakakakita ng pagkakaiba ninyo sa iba? Anong mayroon kayo na hindi ninyo tinanggap ng walang bayad? Kung natanggap ninyo ito ng walang bayad, bakit kayo nagyayabang na parang hindi ninyo nagawa?
8Nasa inyo na lahat ng maaari ninyong gustuhin! Naging mayaman na kayo! Nagsimula na kayong maghari- at nang bukod sa amin! Tunay nga, nais kong maghari kayo upang makapaghari kami na kasama ninyo. 9Sapagkat iniisip kong kaming mga apostol ay inilagay ng Diyos sa kahuli-hulihan ng hanay na pinapanood at gaya ng mga taong nahatulan ng kamatayan. Kami ay naging isang palabas sa mundo, sa mga anghel at sa mga tao.
10Kami ay mga hangal alang-alang kay Cristo, ngunit kayo ay marunong kay Cristo. Kami ay mahina, ngunit kayo ay malakas. Kayo ay kinilala sa karangalan, ngunit kami ay kinilala sa kahihiyan. 11Hanggang sa mga oras na ito, kami ay nagugutom at nauuhaw, kami ay nagkukulang sa kasuotan, kami ay pinalo nang may kalupitan, at kami ay walang matuluyan.
12Nagpakahirap kami sa paggawa, gumagawa sa sarili naming mga kamay. Nang kami ay nilait, nagpapala kami. Nang kami ay inusig, nagtiis kami. 13Noong kami ay siniraan, nagsalita kami ng may kabaitan. Kami ay naging, at maituturing pa rin na inaayawan ng mundo at ang pinakamarumi sa lahat ng mga bagay.
14Hindi ko isinulat ang mga bagay na ito upang hiyain kayo, ngunit upang itama kayo bilang aking mga minamahal na anak. 15Sapagkat kahit mayroon kayong sampung libo na tagabantay kay Cristo, wala kayong maraming ama. Sapagkat naging ama ninyo ako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo. 16Kaya hinihikayat ko kayo na tularan ninyo ako.
17Ito ang dahilan kung bakit ko pinapunta sa inyo si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Siya ang magpapaalala sa inyo ng aking mga kaparaanan kay Cristo, gaya ng pagtuturo ko sa kanila sa lahat ng dako at sa bawat iglesya. 18Ngayon, ang iba sa inyo ay lubhang mayabang, kumikilos na parang hindi ako darating sa inyo.
19Ngunit malapit na akong pumunta sa inyo, kung kalooban ng Panginoon. At hindi ko lamang malalaman ang salita ng mga mayayabang na ito, ngunit makikita ko ang kanilang kapangyarihan. 20Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi naglalaman ng usapin kundi ng kapangyarihan. 21Ano ba ang gusto ninyo? Kailangan ko bang pumunta sa inyo na may pamalo o nang may pag-ibig at sa espiritu ng kahinahunan?

5

1Narinig namin ang ulat na may nangyayaring sekswal na imoralidad sa inyo, ang uri ng imoralidad na hindi nga pinahihintulutan kahit sa mga Gentil. Ang ulat ay ganito, may isa sa inyo na nakikipagtalik sa asawa ng kaniyang ama. 2At masyado kayong mayabang. Sa halip, hindi ba dapat na magluksa kayo? Dapat maalis sa inyo ang gumawa nito.

3Sapagkat, kahit na wala ako sa katawan ngunit kasama pa rin ninyo ako sa espiritu, at hinatulan ko na ang siyang gumawa nito, na parang nariyan ako. 4Kung magtitipun-tipon kayo sa ngalan ng ating Panginoong Jesus, at nariyan din ang aking espiritu sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, hinatulan ko na ang taong iyan. 5Ginawa ko ito upang maipasakamay ang taong ito kay Satanas para sa pagkawasak ng laman, upang maaaring maligtas ang kaniyang espiritu sa araw ng Panginoon.
6Hindi mabuti ang inyong pagmamalaki. Hindi ba ninyo alam na mapapaalsa ang buong tinapay sa kaunting lebadura? 7Linisin ninyo ang inyong sarili sa lumang lebadura upang kayo ay maging bagong masa, at upang kayo ay maging tinapay na walang lebadura. Sapagkat si Cristo, na ating kordero ng Paskua, ay inihandog na. 8Kaya atin nang ipagdiwang ang pista, hindi sa lumang lebadura, na siyang lebadura ng masamang pag-uugali at kasamaan. Kundi, ipagdiwang natin ang tinapay na walang lebadura ng katapatan at katotohanan.
9Sumulat ako sa inyo sa aking liham upang kayo ay huwag makisama sa mga taong mahahalay. 10Hindi ko ibig sabihin na sa mga imoral na tao sa mundong ito, o sa mga sakim, o sa mga mandaraya, o sa mga taong sumasamba sa diyus-diyosan, sapagkat sa paglayo mula sa kanila ay kakailanganin ninyong umalis sa mundo.
11Ngunit ngayon sumusulat ako sa inyo upang huwag kayong makisama sa sinumang tinawag na kapatid kay Cristo ngunit siya ay namumuhay sa sekswal na imoralidad, o sakim, o sumasamba sa mga diyus-diyosan, o mapang-abuso sa pananalita, o lasinggero, o mandaraya. Ni makikisalo sa pagkain sa ganiyang tao. 12Sapagkat paanong ako ay nasasangkot sa paghahatol sa mga tao sa labas ng iglesiya? Sa halip, hindi ba't dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesiya? 13Ngunit ang Diyos ang siyang hahatol sa mga nasa labas. "Alisin ang masamang tao mula sa inyo."

6

1Kung mayroong alitan ang isa sa inyo sa iba, maglalakas-loob ba siya na pupunta sa korteng pambayan sa harapan ng hindi mananampalatayang hukom, sa halip na sa harapan ng mga mananampalataya? 2Hindi ba ninyo alam na ang mga mananampalataya ang hahatol sa mundo? At kung hahatulan ninyo ang mundo, wala ba kayong kakayahan na ayusin ang mga hindi mahahalagang bagay? 3Hindi ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa kaya na hatulan natin ang mga bagay ng buhay na ito?

4Kung gayun nga na kailangan ninyong gumawa ng mga hatol ukol sa pang-araw araw na buhay, bakit ninyo idinudulog ang mga ganitong kaso sa harapan ng mga walang katayuan sa iglesiya? 5Sinasabi ko ito upang kayo ay hiyain. Wala bang kahit isa sa inyo ang may sapat na karunungan upang ayusin ang mga alitan sa pagitan ng mga kapatid? 6Ngunit ang nagyayari ay, ang isang mananampalataya ay pumupunta sa korte laban sa isa pang mananampalataya, at ang kasong iyon ay nakalagay sa harapan ng isang hukom na hindi mananampalataya!
7Ang katunayan na may mga anumang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay pagkatalo na para sa inyo. Bakit hindi nalang pagdusahan ang mali? Bakit hindi nalang hayaan na kayo ay dayain? 8Ngunit ginawan ninyo ng mali at dinaya ang iba, at sila ay inyong mga sariling kapatid!
9Hindi ba ninyo alam na hindi mamanahin ng mga hindi matuwid ang kaharian ng Diyos? Huwag kayong maniwala sa mga kasinungalingan. Ang mga mahahalay, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga nangangalunya, mga lalaking nagbebenta ng aliw, silang mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki, 10mga magnanakaw, mga sakim, mga lasinggero, mga mapanirang-puri, mga mandaraya---wala sa kanila ang magmamana sa kaharian ng Diyos. 11At ganyan ang ilan sa inyo. Ngunit nilinis na kayo, at inihandog na kayo sa Diyos, at kayo ay ginawa nang matuwid sa Diyos sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.
12"Para sa sakin ang lahat ay pinapahintulutan ng batas, ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang para sa akin. "Para sa sakin ang lahat ay pinapahintulutan ng batas," ngunit hindi ako magpapaalipin alinman sa mga ito. 13"Para sa tiyan ang pagkain, at ang tiyan ay para sa pagkain," ngunit kapwa wawasakin ng Diyos ang mga ito. Hindi ginawa ang katawan para sa gawaing mahahalay. Sa halip, ang katawan ay para sa Diyos, at ang Panginoon ang magkakaloob para sa katawan.
14Binuhay ng Diyos ang Panginoon at siya din ang bubuhay sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. 15Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga bahagi ni Cristo? Maaari ko bang kunin ang mga bahagi ni Cristo at isama sa mga nagbebenta ng aliw? Hindi ito maaari!
16Hindi ba ninyo alam na ang sinumang nakipag-isa sa mga nagbebenta ng aliw ay magiging isang laman kasama siya? Gaya ng sinasabi ng kasulatan, "Ang dalawa ay magiging isang laman." 17Ngunit ang sinumang nakipag-isa sa Panginoon ay nakikipag-isa sa kaniya sa espiritu.
18Lumayo sa sekswal na imoralidad! "Ang ibang kasalanan na nagagawa ng tao ay labas sa katawan," ngunit ang mahalay na tao ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.
19Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili? 20Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya, luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng inyong katawan.

7

1Ngayon tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: May mga panahon na nakakabuti sa isang lalaki na huwag sumiping sa babae. 2Ngunit dahil sa mga tukso ng mga mahalay na gawain, bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sariling asawang babae at ang bawat babae ay dapat magkaroon din ng sariling asawang lalaki.

3Dapat ibigay ng asawang lalaki sa kaniyang asawa ang pang mag-asawang karapatan at ganoon din ang asawang babae sa kaniyang asawang lalaki. 4Hindi ang babae ang may kapamahalaan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawang lalaki. At ganoon din, ang lalake hindi siya ang may kapamahalaan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawang babae.
5Huwag ninyong ipagkait sa isa't- isa ang pagsisiping, maliban sa napagkasunduan at sa isang takdang panahon. Gawin ninyo ito upang maitatalaga ang inyong mga sarili sa pananalangin. Pagkatapos magsama kayong muli upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa kawalang pagtitimpi. 6Ngunit sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito bilang pagsusumamo at hindi bilang isang utos. 7Nais ko sanang ang bawat isa ay katulad ko. Kaya lang may kaloob ang bawat isa na galing sa Diyos. Ang isa ay may ganitong uri ng kaloob at ang iba ay may ibang kaloob.
8Sa mga hindi pa nag-aasawa at sa mga babaeng balo sinasabi ko na mas mabuti pa sa kanila na manatiling walang asawa, katulad ko. 9Ngunit kung hindi na nila kayang pigilan ang kanilang mga sarili, sila ay dapat ng mag- asawa. Dahil mas mabuti na sila ay mag-asawa kaysa mag-alab sa pita ng damdamin.
10Ngayon sa mga may asawa ibinibigay ko ang utos na ito--hindi ako, kundi ang Panginoon: "Ang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa". 11Ngunit kung siya ay hihiwalay sa kaniyang asawa, dapat na manatili siyang walang asawa o kaya ay makipagkasundo sa kaniya. At "ang lalaki ay hindi dapat hiwalayan ang kaniyang asawa."
12Ngunit sa iba ay sinasabi ko--ako, at hindi ang Panginoon--na kung may kapatid na lalaki na may asawang hindi mananampalataya, at kung ang babae ay kuntento naman sa pakikisama sa kaniya, huwag niya itong hihiwalayan. 13Kung ang babae ay may asawang hindi mananampalataya at kung ang lalake ay kuntento naman sa pakikisama sa kaniya, huwag niya itong hihiwalayan.14Sapagkat ang asawang lalaki na hindi mananampalataya ay naibukod na dahil sa kaniyang mananampalatayang asawa, at ang babae na hindi mananampalataya ay naibukod na rin dahil sa kaniyang asawang mananampalataya. Kung hindi, ang inyong mga anak ay hindi malilinis, ngunit sa katotohanan sila ay naibukod na.
15Ngunit kung ang hindi Kristiyanong asawa ay humiwalay, hayaan siyang umalis. Sa ganyang mga kalagayan, ang mga kapatid na lalaki at babae ay hindi nakatali sa kanilang mga sumpaan. Tinawag tayo ng Diyos na mamuhay na mapayapa. 16Sapagkat babae, paano mo nalalaman kung maililigtas mo ang iyong asawa? O lalaki, paano mo nalalaman kung maliligtas mo ang iyong asawa?
17Hayaan na lamang na ang bawat isa ay mamuhay sa buhay na itinalaga ng Panginoon sa kanila, gaya ng pagkatawag ng Diyos sa bawat isa. Ito ang aking panuntunan sa lahat ng iglesia. 18Mayroon bang natuli ng siya ay tawagin upang sumampalataya? hindi niya dapat alisin ang mga tanda ng kaniyang pagkakatuli. Mayroon bang hindi natuli ng siya ay tawagin sa pananampalataya? Hindi siya dapat magpatuli. 19Sapagkat hindi ang tuli o ang hindi tuli ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.
20Dapat manatili ang bawat isa sa pagkakatawag kung ano siya noon ng tawagin siya ng Diyos upang sumampalataya. 21Kayo ba ay alipin ng tawagin ng Diyos? Huwag ng alalahanin ang tungkol dito. Ngunit kung ikaw ay maaaring maging malaya, gawin mo ito. 22Sapagkat sinumang tinawag ng Panginoon bilang isang alipin ay malayang tao ng Panginoon. Gayundin sa bawat isa na malaya nang tawagin siya ng Panginoon upang sumampalataya ay alipin ni Cristo. 23Kayo ay nabili ng may halaga kaya huwag na kayong magpa-alipin sa mga tao. 24Mga kapatid, anumang buhay ng bawat isa sa atin nang tayo ay tinawag upang sumampalataya ay manatili tayo sa ganyang buhay.
25Ngayon tungkol sa mga hindi nag-aasawa, ako ay walang kautusan galing sa Panginoon. Ngunit ako ay may iminumungkahi sa inyo bilang mapagkatiwalaan ng dahil sa awa ng Panginoon. 26Dahil dito, naisip ko na dahil sa kagipitan sa kasalukuyan, mas mabuti pa sa isang lalaki na manatili sa kalagayan niya.
27Ikaw ba ay naipagkasundo na sa isang babae sa sumpaan ng pag-aasawa? Huwag mo ng hanapin pang makalaya mula dito. Ikaw ba ay malaya na walang asawa o wala ka pang asawa? Huwag ka ng maghanap pa ng mapapangasawang babae. 28Nguni't kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala. At kung ang isang babae na wala pang asawa ay mag-aasawa, hindi siya nagkakasala. At sa kanila na mga nagsisipag-asawa maraming mga pagsubok na iba't ibang nararanasan habang nabubuhay at gusto kong maligtas kayo mula sa mga ito.
29Ngunit ito ang aking sinasabi mga kapatid na lalaki at babae: Maiksi na ang panahon. Mula ngayon, ang sinumang may asawang babae ay mamuhay na parang walang asawa. 30At sa mga tumatangis ay dapat kumilos na parang hindi tumatangis at sa nagsasaya na parang hindi nagsasaya at sa mga namimili ng anumang bagay ay parang walang pag-aari. 31At sa mga nakikisama sa mundong ito ay dapat silang kumilos na parang walang pakikisama sa mundong ito, sapagkat ang pamamalakad ng mundong ito ay magtatapos na.
32Gusto ko na kayo ay maging malaya sa mga alalahanin. Ang mga lalaking walang asawa ay alalahanin ang mga tungkol sa Panginoon, kung paano Siya paluguran. 33Ngunit ang may asawang lalaki ay inaalala niya ang mga bagay ng mundo upang mapasaya ang kaniyang asawa, 34ang kaniyang kaisipan ay nahahati. Ang isang babae na wala pang asawa o dalaga pa ay inaalala ang mga tungkol sa Panginoon, kung paano niya italaga ang katawan at espiritu. Ngunit ang babaeng may asawa ay inaalala niya ang mga bagay sa mundong ito, kung paano niya mapasaya ang kaniyang asawa.
35Aking sinasabi ito para sa inyong pakinabang, hindi upang hadlangan kayo. Aking sinasabi ito kung ano ang dapat, sa gayon kayo ay maging masigasig sa Panginoon na walang anumang abala.
36Ngunit kung sinuman ay nag-iisip na dahil sa labis na simbuyo ng damdamin hindi na niya napakikitunguhan na may paggalang ang kaniyang magiging asawa, ay pakasalan na niya ang babae dahil iyan ang nais niya. Ito ay hindi kasalanan. 37Ngunit kung ang lalaki ay gumawa ng isang pagpapasya na hindi muna mag-asawa, at walang diwa ng pagmamadali, at kung napipigilan pa niya ang kaniyang nararamdaman, mabuti ang naisin niya kung hindi muna siya mag- asawa. 38Kaya sinuman ang magnanais na magpakasal sa kaniyang magiging asawa ay mabuti naman, at sa isa na pumili na hindi na siya mag-asawa ay mas lalong mainam.
39Ang isang babae ay natatalian sa kaniyang asawa habang siya ay nabubuhay. Ngunit kung ang asawang lalaki ay mamatay, siya ay malayang mag- asawa sa sinuman naisin niya, ngunit sa Panginoon lamang. 40Ngunit sa aking paghatol siya ay mas magiging masaya kung mananatili siya sa kaniyang kalagayan. At iniisip ko na ako rin ay may Espiritu ng Diyos.

8

1Ngayon tungkol sa pagkain na inialay sa mga diyus-diyosan: Alam natin na "tayong lahat ay may kaalaman". Ang kaalaman ay nakapagpapalalo ngunit ang pag-ibig ang nagpapatibay. 2Kung mayroon mang nag-iisip na siya ay may nalalamang isang bagay, ang taong iyan ay wala pa talagang nalalaman gaya ng kaniyang dapat na malaman. 3Ngunit ang sinumang umiibig sa Diyos, ang taong iyan ay nakikilala niya.

4Kaya tungkol sa mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan: Alam natin na "ang diyus-diyosan sa mundong ito ay walang kabuluhan" at "walang Diyos liban sa iisa." 5Sapagkat marami ang tinatawag na mga diyus-diyosan sa langit o sa lupa, gaya ng marami ang mga "diyus-diyosan at mga panginoon". 6"Ngunit sa atin ay may iisang Diyos Ama, na mula sa kaniya ang lahat ng mga bagay at siyang dahilan kaya tayo ay nabubuhay, at may isang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay umiiral at na sa pamamagitan niya tayo ay umiiral."
7Gayunman, ang kaalamang ito ay wala sa bawat isa. Sa halip, kinaugalian na ng iba noong mga nakaraan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan at kumain sila ng pagkaing ito na tila naialay sa diyus-diyosan. Napasama ang kanilang budhi dahil ito ay mahina.
8Ngunit hindi pagkain ang nagmumungkahi sa atin sa Diyos. Hindi tayo malala kung hindi tayo kakain, ni mas mabuti kung tayo ay kakain. 9Ngunit pag-ingatan na ang iyong kalayaan ay huwag maging sanhi na matisod ang isang tao na mahina sa pananampalataya. 10Sapagkat kung ipagpapalagay na mayroong nakakakita sa iyo na may kaalaman, na kumain ka ng pagkain sa isang templo ng diyus-diyosan. Hindi ba mapalalakas ang kaniyang mahinang budhi na kumain ng naialay sa mga diyus-diyosan?
11Kaya dahil sa iyong pang-unawa tungkol sa totoong kalikasan ng mga diyus-diyosan, ang mga mahihinang kapatid na siyang dahilan kung bakit namatay si Cristo ay napupuksa. 12Kaya nga kung ikaw ay nagkasala sa iyong mga kapatid at nasugatan ang kanilang mga mahihinang budhi, ikaw ay nagkasala kay Cristo. 13Kaya nga, kung pagkain ang magiging sanhi na matisod ang aking mga kapatid, hindi na ako kailanman kakain ng karne upang hindi ako maging sanhi ng pagbagsak ng aking mga kapatid.

9

1Hindi ba ako malaya? Hindi ba ako isang apostol? Hindi ko ba nakita si Jesus, ang ating Panginoon? Hindi ba't kayo ang aking mga gawa sa Panginoon? 2Kung hindi ako apostol sa iba, gayunman, apostol naman ako sa inyo. Sapagkat kayo ang patunay ng aking pagka-apostol sa Panginoon.

3Ito ang aking pagtatanggol sa mga sumusuri sa akin. 4Wala ba kaming karapatang kumain at uminom? 5Wala ba kaming karapatan na isama ang aming mga asawa na isang mananampalataya, gaya ng ginagawa ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas? 6O kami lamang ba ni Bernabe ang dapat magtrabaho?
7Sino ang naglilingkod bilang isang kawal sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? O sino ang nag-aalaga ng kawan at hindi umiinom ng gatas mula sa mga ito? 8Sinasabi ko ba ang mga bagay na ito batay sa makataong kapangyarihan? Hindi ba sinabi din ito ng batas?
9Sapagkat nasusulat sa kautusan ni Moises, "Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil." Ang baka nga ba talaga ang pinahahalagahan ng Diyos? 10Hindi ba siya nagsasalita tungkol sa amin? Naisulat ito para sa amin, sapagkat ang siyang nag-aararo ay nag-aararo sa pag-asa at ang gumigiik ay kailangang gumiik na umaasa na makikibahagi sa ani. 11Kung naghasik kami ng mga espirituwal na bagay sa inyo, kalabisan ba sa amin na umani ng mga materyal na bagay mula sa inyo?
12Kung ginagawa ng iba ang karapatang ito mula sa inyo, hindi ba mas lalo na kami? Gayunman, hindi namin inangkin ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat kaysa maging hadlang sa ebanghelyo ni Cristo. 13Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay kumukuha ng pagkain mula sa templo? Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa altar ay nakikibahagi sa kung ano ang naihandog sa altar? 14Sa ganoon ding paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga nagpapahayag ng ebanghelyo ay dapat kunin ang kanilang kabuhayan mula sa ebanghelyo.
15Ngunit hindi ko inangkin ang kahit anuman sa mga karapatang ito. At hindi ako nagsusulat upang maganap ito sa akin. Mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa bawian ako ng sinuman ng maipagmamalaki. 16Sapagkat kung ipinangangaral ko ang ebanghelyo, wala akong dahilan para magmayabang dahil dapat ko itong gawin. At kaawa-awa ako kung hindi ko ipangangaral ang ebanghelyo!
17Sapagkat kung gagawin ko ito ng maluwag sa kalooban, may gantimpala ako. Ngunit kung hindi maluwag sa kalooban, may responsibilidad pa rin ako sa ipinagkatiwala sa akin. 18At ano ang aking gantimpala? Na kung ako ay nangangaral, maiaalok ko ang ebanghelyo nang walang bayad at hindi ko lubos na gagamitin ang aking karapatan sa ebanghelyo.
19Sapagkat kahit malaya ako sa lahat, naging alipin ako sa lahat upang makahikayat pa ako ng mas marami. 20Sa mga Judio, naging katulad ako ng isang Judio upang makahikayat ng mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautuan, naging katulad ako ng isang nasa ilalim ng batas upang makahikayat ng mga nasa ilalim ng batas. Ginawa ko ito kahit na wala ako sa ilalim ng batas.
21Sa mga nasa labas ng kautusan, naging katulad ako ng nasa labas ng kautusan, kahit na ako mismo ay wala sa labas ng kautusan ng Diyos ngunit sa ilalim ng kautusan ni Cristo. Ginawa ko ito upang aking mahikayat ang mga nasa labas ng kautusan. 22Sa mga mahihina ako ay naging mahina, upang aking mahikayat ang mga mahihina. Naging kagaya ako ng lahat ng mga bagay upang sa lahat ng paraan ay maligtas ko ang ilan. 23Ginawa ko ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng ebanghelyo, upang makalahok ako sa lahat ng pagpapala nito.
24Hindi ba ninyo alam na sa isang takbuhan, ang lahat ng mananakbo ay tumatakbo, ngunit iisa lamang ang makatatanggap ng gantimpala? Kaya tumakbo ka upang makamit ang gantimpala. 25Ginagawa ng manlalaro ang pagpipigil sa sarili sa lahat ng kaniyang pagsasanay. Ginagawa nila ito upang makatanggap ng koronang nasisira, ngunit tumatakbo tayo upang makatanggap ng koronang hindi nasisira. 26Samakatwid hindi ako tumatakbo ng walang layunin o sumusuntok sa hangin. 27Ngunit sinusupil ko ang aking katawan at ginagawa itong alipin upang pagkatapos kong mangaral sa iba ay hindi ako maalisan ng karapatan.

10

1Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ating mga ninuno ay napasailalim sa ulap at tumawid silang lahat sa dagat. 2Lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat, 3at lahat ay kumain ng parehong espiritwal na pagkain. 4Lahat ay nakainom ng parehong espirituwal na inumin. Sapagkat sila ay nakainom mula sa parehong espirituwal na bato na sumunod sa kanila, at ang batong ito ay si Cristo.

5Ngunit hindi lubusang nalugod ang Diyos sa karamihan sa kanila, at ang kanilang mga bangkay ay nagkalat sa ilang. 6Ngayon ang mga bagay na ito ay mga halimbawa para sa atin, upang tayo ay hindi manabik sa mga masasamang bagay na gaya ng kanilang ginawa.
7Huwag kayong maging mapagsamba sa mga diyus-diyosan, na tulad ng ilan sa kanila. Ito ay gaya ng nasusulat, "Ang mga tao ay umupo upang kumain at uminom, at tumayo upang sumayaw ng may sekswal na pagnanasa." 8Huwag tayong gumawa ng sekswal na imoralidad, na gaya ng ginawa ng karamihan sa kanila. Dalawampu't tatlong libo ang namatay sa isang araw dahil dito.
9Ni susubukin natin si Cristo, gaya ng ginawa ng karamihan sa kanila at pinatay sila sa pamamagitan ng mga ahas. 10Gayon din huwag kayong magreklamo na katulad ng ginawa ng karamihan sa kanila, at pinatay sa pamamagitan ng isang anghel nang kamatayan.
11Ngayon nangyari ang mga ito sa kanila upang maging halimbawa para sa atin. Ito ay mga alituntunin na naisulat-para sa atin sa mga huling panahon. 12Samakatuwid ang sinumang nag-aakalang nakatayo ay dapat mag-ingat na hindi siya babagsak. 13Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.
14Samakatuwid, aking mga minamahal, lumayo kayo sa pagsamba ng diyus-diyosan. 15Kinakausap ko kayo bilang mga maalalahaning tao, upang inyo ngang hatulan kung ano ang aking sinasabi. 16Ang tasa ng biyaya na ating pinagpala, hindi ba't ito ang pakikibahagi ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpira-piraso, hindi ba't ito ang pakikibahagi ng katawan ni Cristo? 17Sapagkat mayroong iisang tinapay, tayo na marami ay iisang katawan. Magsalu-salo tayong lahat sa iisang tinapay.
18Tingnan ninyo ang mga tao ng Israel: hindi ba't ang mga kumakain ng mga handog ay kabilang sa altar? 19Ano nga ba ang aking sinasabi dito? Na ang diyus-diyosan ay may kabuluhan? O ang pagkain na naialay sa diyus-diyosan ay may kabuluhan?
20Ngunit ang sinasabi ko ay tungkol sa mga bagay na handog ng mga paganong Hentil, na kanilang inihahandog ang mga bagay na ito sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Ayaw ko kayong maging kabahagi ng mga demonyo! 21Hindi kayo maaring uminom sa tasa ng Panginoon at sa tasa ng demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa mesa ng Panginoon at sa mesa ng mga demonyo. 22O galitin ba natin ang Panginoon upang manibugho? Tayo ba ay mas malakas kaysa sa kaniya?
23Ang lahat ay pinapahintulutan ng batas, ngunit hindi lahat ay kapakipakinabang. Ang lahat ay pinapahintulutan ng batas," ngunit hindi lahat ay makakapagpatibay sa tao. 24Walang sinuman ang dapat na maghahanap sa sarili niyang kabutihan. Sa halip, hanapin ng bawat isa ang ikabubuti ng kaniyang kapwa.
25Maaari niyong kainin ang lahat ng nabibili sa pamilihan, na walang katanungan sa budhi. 26Sapagkat "Ang mundo ay sa Diyos at ang kabuuan nito." 27Kung ang isang hindi mananampalataya ay inanyayahan kayong kumain, at gusto ninyong pumunta, kainin ninyo ang anumang inihanda sa inyong harapan na walang katanungan sa budhi.
28Ngunit kung ang isang tao ay nagsabi sa inyo, "Ang pagkain na ito ay mula sa handog ng pagano," huwag ninyong kainin. Ito ay para sa kapakanan ng isang nagsabi sa inyo, at para sa kapakanan ng budhi. 29Hindi ko tinutukoy ang inyong sariling budhi kundi ang budhi ng ibang tao. Sapagkat bakit hinuhusgahan ang aking kalayaan sa pamamagitan ng ibang budhi? 30Kung kakain ako ng pagkain ng may pasasalamat, bakit ako iinsultuhin sa pinagpasalamatan ko?
31Samakatwid, kumakain o umiinom man kayo, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito sa kaluwalhatian ng Diyos. 32Huwag kayong maging sanhi ng ikagagalit ng mga Judio at mga Griyego, o sa iglesia ng Diyos. 33Subukan ninyo na gaya ko na nagbibigay lugod ako sa mga tao sa lahat ng bagay. Hindi ko hinanap ang aking kapakinabangan, kundi sa karamihan. Ginagawa ko ito upang sila ay maligtas.

11

1Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo. 2Ngayon pinupuri ko kayo dahil naalala ninyo ako sa lahat ng bagay. Pinupuri ko kayo dahil pinanghawakan ninyo ng mahigpit ang mga tradisyong gaya ng pagturo ko sa inyo. 3Ngayon, gusto kong maintindihan ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang ulo ng babae, at ang Diyos ang ulo ni Cristo. 4Sinumang lalaki ang mananalangin at magpapahayag ng propesiya na may takip ang kaniyang ulo ay hindi niya ginagalang ang kaniyang ulo.

5Ngunit hindi ginagalang ng sinumang babae ang kaniyang ulo kapag nananalangin at nagpapahayag ng propesiya nang walang takip ang kaniyang ulo. Sapagkat iisa at parehong bagay na parang ang kaniyang ulo ay inahitan. 6Sapagkat kung hindi magtatakip ng kaniyang ulo ang babae, dapat niyang gupitan ang kaniyang buhok ng maiksi. Kung kahihiyan ito sa isang babae na magpagupit ng maiksi o magpaahit ng kaniyang ulo, takpan niya ang kaniyang ulo.
7Sapagkat hindi dapat magtakip ng kaniyang ulo ang lalaki, dahil siya ang larawan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit ang babae ang kaluwalhatian ng lalaki. 8Sapagkat hindi ginawa ang lalaki mula sa babae. Sa halip, ang babae ang ginawa mula sa lalaki.
9Sapagkat, hindi rin nilikha ang lalaki para sa babae, kundi nilikha ang babae para sa lalaki. 10Ito ang dahilan kung bakit ang babae ay dapat magkaroon ng tanda ng kapamahalaan sa kaniyang ulo, dahil sa mga anghel.
11Gayon pa man, sa Panginoon, hindi malaya ang babae sa lalaki, ni hindi rin malaya ang lalaki sa babae. 12Sapagkat nagmula sa lalaki ang babae, gayon din ang lalaki ay nagmula sa babae. At nagmula sa Diyos ang lahat ng bagay.
13Kayo na ang humatol: Angkop ba ito sa isang babae na manalangin sa Diyos nang walang takip ang kaniyang ulo? 14Hindi ba't kahit ang kalikasan mismo ay tinuturuan kayo na kapag may mahabang buhok ang lalaki, kahihiyan ito sa kaniya? 15Hindi ba't tinuturo din ng kalikasan sa inyo na kapag may mahabang buhok ang babae, ito ay kaniyang kaluwalhatian? Sapagkat ibinigay sa kaniya ang kaniyang buhok bilang pantakip. 16Ngunit, kung may sinumang gustong makipagtalo sa bagay na ito, wala kaming ibang kaugalian, gayon din ang mga iglesiya ng Diyos.
17Sa mga sumusunod na mga tagubilin, hindi ko kayo pupurihin. Sapagkat kung kayo ay nagtitipun-tipon, hindi ito para sa ikabubuti subalit sa ikasasama. 18Sapagkat sa simula pa lang, narinig kong kapag kayo ay nagtitipun-tipon sa iglesiya, ay may mga pagkakabaha-bahagi sa inyo, at bahagya ako ay naniniwala. 19Sapagkat dapat may mga pangkat rin kayo, upang makilala sa inyong kalagitnaan ang mga karapat-dapat.
20Sapagkat kung kayo ay nagtitipun-tipon, hindi ang Banal na Hapunan ng Panginoon ang inyong pinagsasaluhan. 21Kapag kumakain kayo, kinakain ng bawat isa ang kaniyang sariling pagkain bago kumain ang iba. Ang iba ay nagugutom, at ang iba ay nalalasing na. 22Wala ba kayong mga bahay upang doon kayo kumain at uminom? Hinahamak ba ninyo ang iglesiya ng Diyos at ibinababa ang mga walang-wala? Ano ang kailangan kong sabihin sa inyo? Pupurihin ko ba kayo? Hindi ko kayo pupurihin para dito!
23Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang ibinibigay ko sa inyo na ang Panginoong Jesus, sa gabing siya ay ipagkanulo, humuha ng tinapay. 24Pagkatapos niyang magpasalamat, pinagpira-piraso niya ito at sinabi: "Ito ang aking katawan, na para sa inyo. Gawin ninyo ito upang alalahanin ako."
25Sa ganoon ding paraan, matapos ang Hapunan, kinuha niya ang tasa at kaniyang sinabi, "Ito ang tasa ng bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo itong madalas na pag-inom, upang alalahanin ako." 26Sapagkat sa tuwing kumakain kayo ng tinapay na ito at umiinom sa tasang ito, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kaniyang pagbabalik.
27Sinuman ang kakain ng tinapay o iinom sa tasa ng Panginoon sa hindi karapat-dapat na pamamaraan, magkakasala siya sa katawan at sa dugo ng Panginoon. 28Siyasatin muna ng isang tao ang kaniyang sarili, at sa paraang ito hayaan siyang kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang katawan, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili. 30Iyan ang dahilan kung bakit marami ang may karamdaman at may sakit sa inyo, at ang ilan sa inyo ay namatay na.
31Ngunit kung sinisiyasat natin ang ating mga sarili hindi tayo mahahatulan. 32Ngunit kapag hinatulan tayo ng Panginoon, dinisiplina tayo, upang hindi na tayo mahatulan pa kasama ang mundo.
33Kaya, mga kapatid, kung nagtitipun-tipon kayo upang kumain, hintayin ninyo ang isa't isa. 34Kung sinuman ang nagugutom, kumain siya sa tahanan, nang sa gayon, kapag nagtitipun-tipon kayo, hindi ito para sa kahatulan. At tungkol sa ibang mga bagay na inyong isinulat, bibigyan ko kayo ng mga panuto kapag dumating ako diyan.

12

1Patungkol sa mga kaloob ng espiritu, mga kapatid, ayaw kong hindi ninyo malaman. 2Alam naman ninyo na noong kayo ay mga pagano pa, naligaw kayo sa mga diyus-diyosang hindi nagsasalita at kahit sa anong paraan ay naakay kayo ng mga ito. 3Kaya nga gusto kong malaman ninyo na walang sinuman ang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na magsasabi, "Isinumpa si Jesus." Wala ring magsasabi, "Si Jesus ay Panginoon," maliban sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

4Ngayon ay may iba't ibang mga kaloob, ngunit iisang Espiritu. 5At may iba't ibang mga ministeryo ngunit parehong Panginoon. 6At may iba't ibang uri ng mga gawain ngunit iisa ang Diyos na gumagawa upang mangyari ito sa bawat isa.
7Ngayon naibigay sa bawat isa ang panlabas na paghahayag ng Espiritu na kapaki-pakinabang sa lahat. 8Sapagkat nabigyan ang iba ng Espiritu na makapagsalita ng karunungan, at sa iba ay makapagsalita ng may kaalaman sa pamamagitan ng iisang Espiritu.
9Sa iba naman ay binibigay niya ang pananampalataya sa pamamagitan ng iisang Espiritu at sa iba naman ay kaloob na magpagaling sa pamamagitan ng iisang Espiritu. 10Binibigay niya sa iba ang paggawa ng may kapangyarihan, at propesiya sa iba. Binibigay niya sa iba ang kakayahang masuri ang mga espiritu, sa iba ay iba't ibang uri ng mga wika at sa iba ay pagbibigay-kahulugan ng mga wika. 11Ngunit iisang Espiritu ang gumagawa sa lahat ng mga ito, binibigay ang mga kaloob sa bawat isa, ayon sa pinili niya.
12Sapagkat ang katawan ay isa at mayroong maraming bahagi at lahat ng bahagi ay nasa iisang katawan, at kay Cristo ito. 13Sapagkat nabautismuhan tayo sa isang Espiritu sa iisang katawan, maging mga Judio o mga Griego man, maging nakagapos o malaya, at pinainom ang lahat sa iisang Espiritu.
14Sapagkat hindi iisang bahagi ang katawan kundi marami. 15Kung sasabihin ng paa, "Yamang hindi naman ako kamay, hindi ako bahagi ng katawan," hindi na nga ba ito bahagi ng katawan. 16At kung sasabihin ng tainga, "Yamang hindi naman ako mata, hindi na ako bahagi ng katawan", hindi na nga ba ito bahagi ng katawan. 17Kung ang buong katawan ay mata, nasaan ang pakiramdam nang pandinig? Kung ang buong katawan ay tainga, nasaan ang pakiramdam nang pang-amoy?
18Ngunit isinaayos ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan sa kaniyang pagkahugis nito. 19At kung silang lahat ay pawang iisang bahagi, nasaan na ang katawan? 20Kaya ngayon sila ay maraming mga bahagi, ngunit iisang katawan.
21Hindi sasabihin ng mata sa kamay, "Hindi kita kailangan." Ni sasabihin ng ulo sa paa, "Hindi kita kailangan.". 22Ngunit ang mga bahagi ng katawan na parang hindi masyadong marangal ay mahalaga. 23At ang mga bahagi ng katawan na iniisip nating hindi masyadong marangal ay binibigyan natin ng mas malaking karangalan, at ang ating mga bahagi na inaakala nating hindi maganda ay mayroong higit na karangalan. 24Ngayon, ang ating mga magandang bahagi ay hindi kailangang ituring ng may karangalan sapagkat mayroon na silang halaga. Ngunit pinagsama-sama ng Diyos ang lahat ng bahagi at binigyan niya ng higit na karangalan ang mga nagkukulang nito.
25Ginawa niya ito upang walang maging pagkakabaha-bahagi sa loob ng katawan, ngunit upang pangalagaan ng mga bahagi ang bawat isa na may parehong pagmamahal. 26At kung ang isang bahagi ay nagdurusa, ang lahat ng mga bahagi ay sama-samang magdurusa. O kung ang isa namang bahagi ay naparangalan, ang lahat ng bahagi ay sama-samang magsasaya. 27Ngayon, kayo ang katawan ni Cristo at ang bawat isa ay bahagi nito.
28At hinirang ng Diyos sa iglesya, una ay ang mga apostol, pangalawa ay mga propeta, pangatlo ay mga guro, ang mga gumagawa ng mga makapangyarihang gawa, mga kaloob ng pagpapagaling, mga nagbibigay ng tulong, mga gumagawa sa gawain ng pamamahala, at ang mga may iba't ibang uri ng wika. 29Tayong lahat ba ay mga apostol? Tayong lahat ba ay mga propeta? Tayong lahat ba ay mga guro? Tayong lahat ba ay gumagawa ng mga makapangyarihang gawa?
30May mga kaloob ba tayong lahat ng pagpapagaling? Nagsasalita ba tayong lahat sa iba't ibang wika? Nagpapaliwanag ba tayong lahat ng mga iba't ibang wika? 31Masigasig ninyong hanapin ang mas higit na mga kaloob. At ipapakita ko sa inyo ang napakahusay na paraan.

13

1Ipagpalagay na nakapagsasalita ako ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay gaya lang ng isang batingaw na maingay o ng isang pompiyang na umaalingawngaw. 2Ipagpalagay na mayroon akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ang lahat ng lihim na katotohanan at kaalaman, at mayroon ako ng lahat ng pananampalataya sa ganoon ay napapalipat ko ang mga bundok. Ngunit kung ako ay walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. 3At ipagpalagay na naibibigay ko ang lahat ng nasa akin upang maipakain sa mga mahihirap, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay walang pakinabang.

4Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas, 5o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian. 6Hindi nagsasaya sa kalikuan. Sa halip, nagsasaya sa katotohanan. 7Ang pag-ibig ay kinakaya ang lahat ng mga bagay, pinaniniwalaan ang lahat, at nagtitiwala sa lahat ng mga bagay, at tinitiis ang lahat ng mga bagay.
8Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroon mang mga propesiya, ang mga ito ay lilipas. Kung mayroon mang pagsasalita ng wika, ang mga ito ay hihinto, at kung may kaalaman ito ay lilipas. 9Sapagkat nalalaman natin ng bahagya at nakapagpapahayag din tayo ng ng propesiya ng bahagya. 10Ngunit kapag ang kaganapan ay dumating na, ang alin mang hindi ganap ay lilipas.
11Noong ako ay bata pa, ang salita ko ay tulad ng isang bata. Ang isip ko ay tulad ng isang bata, nagdadahilan ako na tulad ng isang bata. Ngunit ng ako ay nasa hustong gulang na, iniwan ko na ang mga bagay ng pagiging isip-bata. 12Sa ngayon ang nakikita natin sa salamin ay tila madilim na larawan, ngunit pagkatapos ay mukhaan na. Ngayon ay nalalaman ko ang bahagya, ngunit sa pang-hinaharap lubusan ko ng malalaman na gaya ng lubos na pagkakilala sa akin. 13Ngunit ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, pag-asa sa hinaharap, at pag-ibig. Ngunit ang higit sa lahat ng mga ito ay ang pag-ibig.

14

1Magsumikap na matamo ang pag-ibig at maging masigasig sa mga kaloob ng Espiritu, lalung-lalo na upang maaari kayong makapagpahayag ng propesiya. 2Sapagkat ang sinumang nagsasalita ng ibang wika ay hindi nakikipag-usap sa mga tao kundi sa Diyos. Sapagkat walang sinuman ang nakakaunawa sa kaniya dahil siya ay nagsasalita ng mga lihim na bagay sa Espiritu. 3Ngunit ang sinumang nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao upang patibayin sila, upang palakasin ang kanilang loob, at upang sila ay aliwin. 4Pinalalakas ng sinumang nagsasalita ng ibang wika ang kaniyang sarili, ngunit pinalalakas ng sinumang nagpapahayag ng propesiya ang iglesiya.

5Ngayon nais kong magsalita kayong lahat sa iba't ibang mga wika. Ngunit mas higit pa riyan, nais kong makapagpapahayag kayo ng propesiya. Higit na dakila ang sinumang nagpapahayag ng propesiya kaysa sa sinumang nagsasalita ng iba't ibang mga wika (maliban kung may magbibigay ng kahulugan), upang mapalakas ang iglesiya. 6Ngunit ngayon, mga kapatid, kung papariyan ako sa inyo na nagsasalita ng iba't ibang mga wika, paano ako makapagbibigay ng pakinabang sa inyo? Hindi ko kaya, maliban kung magsasalita ako sa inyo nang may pagpapahayag, o kaalaman, o propesiya, o pagtuturo.
7Kung ang mga instrumento na walang buhay gaya ng plauta o ng alpa ay walang tunog na pagkakakilanlan, paano malalaman ng sinuman kung anong instrumento ang tinutugtog? 8Sapagkat kung hinihipan ang trumpeta sa hindi tiyak na tunog, paano malalaman ng sinuman kung kailan ang oras para humanda sa pakikipaglaban? 9Kagaya din ito sa inyo. Kung magwiwika kayo ng salitang hindi naiintindihan, paano mauunawaan ng sinuman ang inyong sinabi? Magsasalita kayo at walang sinuman ang makakaunawa sa inyo.
10Walang dudang maraming magkakaibang wika sa mundo, at lahat ay may kahulugan. 11Ngunit kung hindi ko alam ang kahulugan ng wika, magiging dayuhan ako sa tagapagsalita, at magiging dayuhan din sa akin ang tagapagsalita.
12Gayon din naman sa inyo. Yamang sabik kayo para sa mga pagpapahayag ng Espiritu, maging masigasig upang sumagana sa pagpapalakas ng iglesiya. 13Kaya kailangang manalangin ang sinumang nagsasalita ng ibang wika na maaari niyang ipaliwanag ito. 14Sapagkat kung mananalangin ako sa ibang wika, nananalangin din ang aking espiritu, ngunit walang pakinabang ang aking pag-iisip.
15Ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, ngunit mananalangin din ako sa pamamagitan ng aking pag-iisip. Ako ay aawit sa pamamagitan ng aking espiritu, at aawit din ako sa pamamagitan ng aking pag-iisip. 16O kaya'y pinupuri ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng espiritu, paano magsasabi ng "Amen" ang tagalabas kapag kayo ay nagpapasalamat, kung hindi niya alam kung ano ang inyong sinasabi?
17Sapagkat tiyak na kayo ay nagpasalamat ng sapat, ngunit hindi napalakas ang ibang tao. 18Nagpapasalamat ako sa Diyos na ako ay nagsasalita ng iba't ibang wika nang higit pa sa inyong lahat. 19Ngunit sa iglesiya mas gugustuhin kong magsalita ng limang salita sa aking pang-unawa upang turuan ko ang iba, kaysa sampung libong salita sa ibang wika.
20Mga kapatid, huwag maging mga bata sa inyong pag-iisip. Sa halip, kung tungkol sa kasamaan, maging gaya ng mga sanggol. Ngunit maging ganap sa inyong pag-iisip. 21Sa kautusan ito ay nasusulat, "Sa pamamagitan ng mga taong may ibang wika at sa pamamagitan ng mga bibig ng mga dayuhan ako ay magsasalita sa mga taong ito. Kahit hindi nila ako pakikinggan," sabi ng Panginoon.
22Samakatwid ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay isang palatandaan, hindi sa mga mananampalataya, kundi sa mga mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng ppropesiya ay isang palatandaan, hindi para sa mga hindi mananampalataya kundi sa mga mananampalataya. 23Samakatuwid, kung ang buong iglesya ay magsasama-sama at magsasalitang lahat ng iba't ibang wika, at may mga tagalabas at hindi manananampalatayang pumasok, hindi ba nila sasabihin na kayo ay nababaliw?
24Ngunit kung kayong lahat ay nagpapahayag at may isang hindi mananampalataya o tagalabas na pumasok, mahihikayat siya sa pamamagitan ng lahat ng kaniyang maririnig. Masisiyasat siya sa pamamagitan ng lahat ng nasabi. 25Mailalantad ang mga lihim ng kaniyang puso. Bilang kalalabasan, magpapatirapa siya at sasamba sa Diyos. Kaniyang ihahayag na ang Diyos ay tunay na nasa inyong kalagitnaan.
26Ano nga ang susunod mga kapatid? Kung magsasama-sama kayo, ang bawat isa ay may salmo, may katuruan, may pahayag, may pagsasalita sa wika, o may pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng bagay upang mapatatag ang iglesya. 27Kung mayroon mang nagsasalita sa iba't ibang wika, hayaan na may dalawa o tatlo, at magsalitan ang bawat isa. At dapat na mayroong magpaliwanag sa kung ano ang nasabi. 28Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa sa iglesya. Hayaang magsalita ang bawat isa sa kaniyang sarili at sa Diyos.
29Hayaang magsalita ang dalawa o tatlong propeta at ang iba na makinig ng may pagkaalam sa kung ano ang nasabi. 30Ngunit kung may kaalaman na naibigay sa isa sa mga nakaupo sa pagtitipon, manahimik ang nagsasalita.
31Sapagkat ang bawat isa sa inyo ay maaring magpahayag ng isa-isa upang matuto ang bawat isa at ang lahat ay mapalakas. 32Sapagkat ang mga espiritu ng mga propeta ay napapasailalim sa pamamahala ng mga propeta. 33Sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kalituhan kundi ng kapayapaan. Gaya ng lahat ng nasa iglesya ng mga mananampalataya,
34dapat manahimik ang mga kababaihan sa mga iglesya. Sapagkat hindi sila pinahihintulutang magsalita. Sa halip, dapat silang magpasakop tulad ng sinasabi sa kautusan. 35Kung mayroon man silang nais matutuhan, hayaan silang magtanong sa kanilang mga asawa sa tahanan. Sapagkat nakakahiya para sa isang babae ang magsalita sa iglesya. 36Nagmula ba sa inyo ang salita ng Diyos? Kayo lamang ba ang naabot nito?
37Kung mayroon man ang nag-iisip sa sarili niya na isa siyang propeta o espiritwal, dapat niyang kilalanin na ang mga bagay na isinulat ko sa inyo ay ang mga kautusan ng Panginoon. 38Ngunit kung may sinumang hindi kumikilala nito, huwag siyang kilalanin.
39Kaya mga kapatid, masigasig ninyong mithiin ang magpahayag ng propesiya at huwag pagbawalan ang sinuman sa pagsasalita sa iba't ibang mga wika. 40Ngunit gawin ang lahat na may angkop at kaayusan.

15

1Ngayon aking pina-aalala sa inyo, mga kapatid, ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa inyo, na inyong tinanggap at tinatayuan. 2Sa pamamagitan ng ebanghelyong ito kayo ay naligtas, kung kayo ay hahawak na mabuti sa mga salita na aking ipinangaral sa inyo, maliban lang kung kayo ay naniwala ng walang kabuluhan.

3Sapagkat binigay ko sa inyo ang pinakamahalaga na aking tinanggap: na si Cristo ay namatay alang-alang sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan, 4na siya ay inilibing, at siya ay nabuhay noong ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.
5At na siya ay nagpakita kay Cefas, at pagkatapos sa Labindalawa. 6Pagkatapos siya ay nagpakita sa mahigit limandaan na mga kapatid ng paminsan. Karamihan sa kanila ay buhay pa, ngunit ang ilan ay natulog na. 7At pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago, at sa lahat ng mga apostol.
8Kahulihulihan sa lahat, siya ay nagpakita sa akin, katulad ng isang sanggol na ipinanganak na hindi pa napapanahon. Sapagkat ako ang pinakahamak sa lahat ng mga apostol. Ako ay hindi karapat-dapat na tawaging apostol, 9sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos.
10Ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ako ay naging ako, at ang kaniyang biyaya sa akin ay hindi nawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako ay mas nagtrabaho ng higit sa kanila. Ngunit hindi ako iyon, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. 11Kaya kahit na ako o sila man, kami ay nangaral at naniwala kayo.
12Ngayon kung si Cristo ay naipahayag na nabuhay mula sa mga patay, paanong sinasabi ng ilan sa inyo na walang pagkabuhay muli sa mga patay? 13Ngunit kung walang pagkabuhay muli sa mga patay, maging si Cristo ay hindi muling nabuhay. 14At kung si Cristo ay hindi muling nabuhay, ang aming pangangaral ay walang kabuluhan at ang pananampalataya rin ninyo ay walang kabuluhan.
15At kami ay makikitang hindi tunay na saksi patungkol sa Diyos, sapagkat kami ay nagpatotoo ng laban sa Diyos, sinasabing nabuhay muli si Cristo, ngunit hindi naman. 16Sapagkat kung ang mga patay ay hindi bubuhayin, kahit si Cristo hindi na rin sana binuhay. 17At kung hindi nabuhay muli si Cristo, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan at kayo ay nanatili pa rin sa inyong mga kasalanan.
18At kung magkaganun ang mga namatay kay Cristo ay napahamak rin. 19Kung sa buhay lang na ito tayo umaasa para sa pang-hinaharap kay Cristo, sa lahat ng mga tao, tayo na ang pinakakawawa.
20Ngunit ngayon si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, ang unang bunga ng mga namatay na. 21Sapagkat ang kamatayan ay dumating sa pamamagitan ng isang tao, at sa pamamagitan rin ng isang tao dumating ang pagkabuhay sa mga patay.
22Sapagkat gaya kay Adan ang lahat ay mamamatay, gaya din kay Cristo ang lahat ay mabubuhay. 23Ngunit ayon sa pagkakasunod-sunod ng bawat isa: Si Cristo, ang pangunahin sa mga bunga, at pagkatapos ang mga nakabilang kay Cristo ay bubuhaying muli sa kaniyang pagdating.
24Pagkatapos darating ang wakas, kapag nailipat na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama. Ito ay kapag kaniyang binuwag na ang lahat ng paghahari at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. 25Sapagkat dapat na Siya ay maghari hanggang maipasakop ang lahat ng mga kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa. 26Ang huling kaaway na sisirain ay ang kamatayan.
27Sapagkat "inilagay niya ang lahat sa ilalim ng kaniyang mga paa." Ngunit kapag sinasabi, "inilagay niya ang lahat," ito ay maliwanag na hindi kasama ang naglagay ng lahat na ipinasakop sa kaniya. 28Kapag ang lahat ay naipasakop na sa kaniya, ang Anak mismo ay magpapasakop doon sa nagpailalim ng lahat sa kaniya. Ito ay mangyayari upang ang Diyos Ama ay maging lahat sa lahat.
29Kung hindi nga, anong gagawin ng mga nabautismuhan para sa mga patay? Kung ang mga patay ay hindi na talaga bubuhayin, bakit nagpapabautismo para sa kanila? 30At bakit kami ay nanganganib bawat oras?
31Mga kapatid, sa aking pagmamalaki sa inyo, na kung anong mayroon ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon, aking ipinahahayag ito: araw araw ako ay namamatay. 32Ano ang aking pakinabang, mula sa isang makataong pananaw, kung ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis sa Efeso, kung ang mga patay ba ay hindi na bubuhayin? "Kumain na lang tayo at uminom sapagkat kinabukasan tayo ay mamamatay."
33Huwag kayong padaya: "Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali." 34Magpakahinahon kayo! Mamuhay ng matuwid! Huwag ng magpatuloy na magkasala. Sapagkat ang ilan sa inyo ay walang kaalaman sa Diyos. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo.
35Ngunit may magsasabi, "Paano bubuhayin ang mga patay? At anong klaseng katawan mayroon sila sa pagparito nila?" 36Kayo ay mga mangmang! Anumang inyong itinanim ay hindi ito lalago maliban sa ito ay mamamatay.
37At anumang inyong itinanim ay hindi gaya ng puno ng katawang kalalabasan, kundi binhi pa lang. Ito ay maaring trigo o ibang tanim. 38Ngunit ang Diyos ang magbibigay ng katawan nito ayon sa pagpili niya, at ang bawat binhi ay may sariling katawan. 39Hindi lahat ng laman ay magkakatulad. Sa halip, mayroong isang laman ang taong mga nilalang, at ibang laman naman para sa mga hayop, at ibang laman naman para sa mga ibon, at iba rin para sa mga isda.
40Mayroon din namang mga katawang panlangit at mga katawang panlupa. Ngunit ang kaluwalhatian ng katawang panlangit ay natatangi at ang kaluwalhatian ng panlupa ay naiiba. 41Mayroong iisang kaluwalhatian ang araw, at may ibang kaluwalhatian ang buwan, at may ibang kaluwalhatian ang mga bituin. Sapagkat naiiba ang isang bituin sa kaluwalhatian ng ibang bituin.
42Kaya gayundin, ang muling pagkabuhay ng mga patay. Ang nailibing ay nasisira at ang muling binuhay ay hindi nasisira. 43Inilibing ito sa kalapastanganan at binuhay sa kaluwalhatian. Inilibing ito sa kahinaan at naibangon sa kapangyarihan. 44Inilibing ito sa likas na katawan at binuhay sa espiritwal na katawan. Kung mayroong likas na katawan, mayroon ding espiritwal na katawan.
45Kaya ito din ay naisulat, "Naging buhay na kaluluwa ang unang tao na si Adan." Naging espiritu na nagbibigay-buhay ang huling Adan. 46Ngunit hindi unang dumating ang espiritwal kundi ang likas, pagkatapos niyon ay ang espiritwal.
47Ang unang tao ay sa mundo na gawa sa alabok. Ang pangalawang tao ay mula sa langit. 48Gaya ng isang taong gawa mula sa alabok, ganoon din ang mga gawa mula sa alabok. Gaya ng taong mula sa langit, ganoon din ang mga taong mula sa langit. 49Gaya natin na isinilang sa larawan ng tao na mula sa alabok, atin ding madadala ang larawan ng taong mula sa langit.
50Ngayon sinasabi ko ito, mga kapatid, na ang laman at dugo ay hindi maaring magmana ng kaharian ng Diyos. Ni ang mga nasisira ay hindi magmamana ng hindi nasisira. 51Tingnan ninyo! Sinasabi ko sa inyo ang lihim na katotohanan: Tayong lahat ay hindi mamamatay ngunit tayong lahat ay mababago.
52Tayong ay mababago sa isang iglap, sa isang kisap-mata, sa huling trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at babangon ang lahat ng namatay na hindi na nasisira at tayo ay mababago. 53Sapagkat itong nasisira ay dapat mailagay sa hindi nasisira at ang namamatay na ito ay dapat mailagay sa hindi namamatay.
54Ngunit kung itong nasisira ay nailagay sa hindi nasisira at ang namamatay na ito ay mailalagay sa hindi namamatay, mangyayari ang tungkol sa kasabihang naisulat, "Nilamon ang kamatayan ng pagtatagumpay." 55"Kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay? Kamatayan, nasaan ang iyong kamandag?"
56Ang kamandag ng kamatayan ay kasalanan at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan. 57Ngunit salamat sa Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
58Kaya nga, aking mga minamahal na kapatid, maging matatag kayo at huwag patitinag. Lagi kayong managana sa gawain ng Panginoon, dahil alam ninyong ang inyong gawain sa Panginoon ay hindi mawawalan ng kabuluhan.

16

1Ngayon tungkol sa koleksiyon para sa mga mananampalataya, gaya ng iniutos ko sa mga iglesia sa Galacia, ay inyo ding gawin. 2Sa unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magtabi ng anumang bagay at ipunin ninyo, ayon sa inyong makakaya. Gawin ninyo ito upang pagpunta ko diyan ay wala ng kokolektahin.

3At kung ako ay makarating, ang sinuman ang inyong pahintulutan, ay aking ipapadala na kasama ng mga liham upang dalhin ang inyong mga handog sa Jerusalem. 4At kung ito ay nararapat para sa akin na pumunta doon, sila'y pupuntang kasama ko.
5Ngunit ako ay pupunta sa inyo, kapag dumaan ako sa Macedonia. Sapagkat dadaan ako sa Macedonia. 6Marahil ako ay mananatili na kasama ninyo o kahit magpalipas ako hanggang sa taglamig, upang ako ay inyong matulungan sa aking paglalakbay, saan man ako pumunta.
7Sapagkat hindi ko nais makita kayo ngayon sa maikling panahon. Ngunit umaasa akong makakagugol ako sa inyo ng mahabang panahon, kung papahintulutan ng Panginoon. 8Ngunit mananatili ako sa Efeso hanggang sa Pentecostes, 9sapagkat may isang maluwang na pintuan ang nabuksan para sa akin, at doon ay maraming kaaway.
10Ngayon kung darating si Timoteo, tingnan ninyo siya na wala siyang dahilang matakot habang kasama ninyo, sapagkat ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ng aking ginagawa. 11Huwag hayaang hamakin siya ninuman. Tulungan ninyo siyang maging mapayapa sa kaniyang daan, upang siya ay makapunta sa akin. Sapagkat inaasahan kong pagpunta niya dito kasama niya ang mga kapatid. 12Ngayon tungkol sa ating kapatid na si Apolos. Matindi kong hinihimok na bisitahin niya kayo na kasama ang mga kapatid. Ngunit nakapagpasiya siyang hindi makakapunta ngayon. Gayunman, siya ay pupunta kapag magkaroon siya ng pagkakataon.
13Maging mapagmatiyag, at maging matatag sa pananampalataya, kumilos gaya ng mga lalaki, maging malakas. 14Ang lahat na inyong ginagawa ay gawin sa pag-ibig.
15Alam ninyo ang sambahayan ni Estefanas. Alam ninyo na sila ang mga unang sumampalataya sa Acaya, at kanilang itinalaga ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga mananampalataya. Ngayon, hinihikayat ko kayo, mga kapatid, 16na magpasakop sa mga taong tulad nila, at sa bawat isa na tumutulong sa gawain at gumagawa kasama namin.
17At nagagalak ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato at Acaico. Sila ang nagpuno sa inyong kawalan. 18Sapagkat pinalakas nila ang aking espiritu at pati ang sa inyo. Kaya, kilalanin ninyo ang mga taong kagaya nito.
19Binabati kayo ng mga iglesiya sa Asya. Binabati rin kayo nina Aquila at Prisca sa Panginoon, kasama ang iglesiya na nasa kanilang tahanan. 20Binabati kayo ng lahat na mga kapatid. Batiin ninyo ang bawat isa ng banal na halik.
21Ako, si Pablo, ang nagsulat nito sa aking sariling kamay. 22Kung sinuman ang hindi umiibig sa Panginoon, sumakaniya ang sumpa. Aming Panginoon, pumarito ka na! 23Ang biyaya ng Panginoong Jesus ang sumainyo. 24Ang aking pag-ibig nawa ang sumainyong lahat kay Cristo Jesus.

2 Mga taga-corinto

1

1Ako si Pablo na apostol ni Jesu-Cristo dahil sa kalooban ng Diyos, at si Timoteo na ating kapatid, para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto at sa lahat ng mga mananampalataya sa buong rehiyon ng Acaya. 2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.

3Nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mapapurihan. Siya ang Ama ng mga awa at ang Diyos ng lahat ng kaalliwan. 4Ang Diyos ang nagbibigay ng kaginhawaan sa atin sa lahat ng ating mga pagdurusa, upang mabigyan natin ng kaaliwan ang lahat ng nagdurusa. Makakapagbigay tayo ng aliw sa iba kung paano tayo binigyang aliw ng Diyos.
5Sapagkat kung paano nananagana ang paghihirap ni Cristo para sa atin, ganoon din nananagana ang kaaliwan na aming nararanasan mula kay Cristo. 6Ngunit kung kami ay nagdurusa, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. At kung kami ay naaaliw, ito ay parasa inyong kaaliwan. Ang inyong kaaliwan ay mabisa kung ibabahagi ninyo nang may tiyaga ang mga paghihirap na atin ding naranasan. 7At ang aming pagtitiwala para sa inyo ay tiyak. Alam namin na habang nakikihati kayo sa paghihirap, nakikihati din kayo sa kaaliwan.
8Dahil ayaw namin na hindi ninyo malaman, mga kapatid, ang tungkol sa kaguluhang naranasan namin sa Asya. Kami ay labis na nabigatan nang higit sa aming makakaya, na halos hindi na kami umasang mabuhay pa. 9Sa katunayan, hinatulan na kami ng kamatayan. Ngunit iyon ay upang hindi kami magtiwala sa aming mga sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay. 10Siya ang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan, at ililigtas niya kaming muli. Inilagay na namin ang aming pagtitiwala sa kaniya na ililigtas niya kaming muli.
11Gagawin niya ito habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong panalangin. At marami ang magpapasalamat para sa amin para sa pagpapala na ibinigay sa amin sa pamamagitan ng panalangin ng marami.
12Ipinagmamalaki namin ito: ang patotoo ng aming budhi. Dahil sa malinis na hangarin at katapatan sa Diyos kaya kami namuhay sa mundo. Ginawa namin ito lalong lalo na sa inyo, at hindi sa karunungan ng mundo, ngunit sa halip sa biyaya ng Diyos. 13Hindi kami sumulat sa inyo ng ano mang bagay na hindi niyo mababasa o maiintindihan. Ako ay nagtitiwala 14na naintindihan na ninyo kami ng bahagya. At nagtitiwala ako na sa araw ng ating Panginoong Jesus, kami ay inyong ipagmamalaki, katulad ng pagmamalaki namin sa inyo.
15Dahil nagtitiwala ako tungkol dito, nais kong una kayong puntahan, upang matanggap ninyo ang pakinabang ng dalawang pagbisita. 16Balak kong bumisita sa inyo sa pagpunta ko sa Macedonia. Pagkatapos nais kong bumisita muli sa inyo sa aking paglalakbay galing Macedonia at upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea.
17Nang nag-iisip ako ng ganito, nag-aalinlangan ba ako? Binalak ko ba ang mga bagay ayon sa pamantayan ng mga tao, upang masabi ko ang "Oo, oo" at "Hindi, hindi" ng sabay? 18Ngunit kung paanong ang Diyos ay tapat, hindi natin sasabihin ng sabay ang "Oo" at "Hindi."
19Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi "Oo" at "Hindi." Kundi laging "Oo". 20Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay "Oo" sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng "Amen" sa kaluwalhatian ng Diyos.
21Ngayon ang Diyos na nagpatibay sa amin at sa inyo kay Cristo, at kaniya tayong sinugo. 22Nilagay niya ang kaniyang tatak sa atin at ibinigay ang Espiritu sa ating mga puso bilang katiyakan sa kung ano ang ibibigay niya sa atin pagkatapos.
23Sa halip, tumawag ako sa Diyos upang maging saksi para sa akin na ang dahilan ng hindi ko pagpunta sa Corinto ay upang matulungan ko kayo. 24Ito ay hindi dahil sa sinusubukan namin kayong pangunahan kung ano ang dapat sa inyong paniniwala. Sa halip, kami ay gumagawa kasama ninyo para sa inyong kagalakan, habang kayo ay naninindigan sa inyong pananampalataya.

2

1Kaya pinasya ko sa aking sarili na huwag na muling pumunta sa inyo nang nakakasakit. 2Kung nagdulot ako sa inyo ng sakit, sino pa ba ang makapagpapasaya sa akin kundi ang mga nasaktan ko?

3Sumulat ako gaya ng aking ginawa upang sa aking pagpunta sa inyo ay maaaring hindi na ako masaktan ng mga dapat ay nagbigay ng kagalakan sa akin. Naniniwala ako sa inyo na ang kagalakan na aking nararanasan ay tulad din ng kagalakang mayroon kayo. 4Dahil sumulat ako sa inyo ng may matinding kapighatian, at may pusong nagdadalamhati, at maraming pagluha. Ayaw kong magdulot sa inyo ng sakit. Sa halip, nais kong malaman ninyo kung gaano kalalim ang pag-ibig na mayroon ako para sa inyo.
5Kung sino man ang nagdulot ng sakit, hindi niya lamang ito ginawa sa akin, ngunit sa halip—hindi sa nagiging mahigpit ako—ay sa inyong lahat. 6Ang parusang ito ng nakararami sa taong iyon ay sapat na. 7Kaya ngayon, sa halip na parusahan, dapat ninyo siyang patawarin at bigyan ng kaaliwan. Gawin ninyo ito upang hindi siya manghina dahil sa labis na kalungkutan.
8Kaya hinihikayat ko kayo na pagtibayin ninyo ang pag-ibig ninyo para sa kaniya sa harapan ng marami. 9Ito ang dahilan kaya ako sumulat, upang masubok ko at malaman kung masunurin kayo sa lahat ng bagay.
10Kung pinatawad ninyo ang sino man, patatawarin ko rin ang taong iyon. Ano man ang aking pinatawad—kung pinatawad ko ang anumang bagay— pinatawad ko ito para sa inyong kapakanan sa harap ni Cristo. Ito ay upang hindi tayo malinlang ni Satanas. 11Dahil hindi tayo mga mangmang sa kaniyang mga balak.
12Isang pinto ang binuksan para sa akin ng Panginoon nang ako ay pumunta sa lungsod ng Troas upang maipangaral ang ebanghelyo ni Cristo doon. 13Kahit pa walang kapayapaan sa aking isipan, dahil hindi ko nahanap doon si Tito na aking kapatid. Kaya iniwan ko sila doon at bumalik sa Macedonia.
14Ngunit, salamat sa Diyos na laging nagdadala sa atin sa tagumpay kay Cristo. Sa pamamagitan natin, ipinalaganap niya ang mabangong samyo ng kaalaman sa kaniya sa lahat ng dako. 15Dahil para sa Diyos, tayo ay mabangong samyo kay Cristo, maging sa mga nailigtas at sa mga napapahamak.
16Sa mga taong napapahamak, ito ay isang samyo mula sa kamatayan para sa kamatayan. Sa mga nailigtas, ito ay isang samyo mula sa buhay para sa buhay. Sino ang karapat-dapat sa mga bagay na ito? 17Dahil hindi kami tulad ng maraming tao na ipinagbibili ang salita ng Diyos para sa kita. Kundi, sa malinis na layunin, nagsasalita kami kay Cristo, dahil kami ay mga sinugo mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos.

3

1Sinisimulan ba naming papurihang muli ang aming mga sarili? Hindi namin kailangan ng mga liham ng rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo, tulad ng ibang tao, hindi ba? 2Kayo mismo, ang aming liham ng rekomendasyon, nasusulat sa aming mga puso, alam at nababasa sa pamamagitan ng lahat ng tao. 3At pinakita ninyo na kayo ay liham mula kay Cristo, na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito ay naisulat hindi sa tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na buhay. Hindi ito nasusulat sa tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng puso ng mga tao.

4At ito ang tiwala na mayroon kami sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. 5Wala kaming kakayahan sa aming mga sarili upang angkinin ang anumang bagay na galing mula sa amin. Sa halip, ang aming kakayahan ay mula sa Diyos. 6ito ang Diyos na siyang gumawa na makaya naming kami ay maging mga lingkod ng isang bagong tipan. Ito ang tipan na hindi isang sulat ngunit ng Espiritu. Dahil ang sulat ay nakamamatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7Ngayon ang gawa ng kamatayan na nakaukit sa mga salita sa ibabaw ng bato ay dumating ng may kaluwalhatian na ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Moises. Dahil ito sa kaluwalhatiang mayroon sa kaniyang mukha, isang kaluwalhatian na naglalaho. 8Hindi ba't ang mga gawa ng Espiritu ay siyang higit na maluwalhati?
9Dahil kung ang paglilingkod ng kahatulan ay may kaluwalhatian, gaano pa kaya nananagana ang paglilingkod ng katuwiran sa kaluwalhatian! 10Dahil sa katunayan, ang minsang naging maluwalhati ay hindi na naging maluwalhati sa paraang ito, dahil sa kaluwalhatian na humigit dito. 11Dahil kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, gaano pa ang nananatili sa kaluwalhatian!
12Dahil mayroon tayong pag-asa, napakatapang natin. 13Hindi tayo tulad ni Moises, na naglagay ng takip sa kaniyang mukha, upang ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng tuwid sa katapusan ng isang kaluwalhatian na naglalaho.
14Ngunit ang kanilang mga isipan ay sarado. Kahit hanggang ngayon sa araw na ito, ang parehong takip sa mukha ay nanatili parin sa pagbasa ng lumang tipan. Hindi ito nabuksan, dahil tanging si Cristo lamang ang nakagawa nito. 15Ngunit hanggang ngayon, sa tuwing si Moises ay mababasa isang takip ang tinataglay nila sa kanilang mga puso. 16Ngunit kapag ang isang tao ay bumalik sa Panginoon, ang takip sa mukha ay matatanggal.
17Ngayon ang Panginoon ay ang Espiritu. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, naroon ang kalayaan. 18Ngayon tayong lahat na walang takip sa mga mukha ay makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon. Binago tayo sa parehong larawan ng kaluwalhatian mula sa isang uri ng antas ng kaluwalhatian tungo sa isa pa, tulad ng mula sa Panginoon, na Espiritu.

4

1Samakatuwid, dahil kami ay mayroong ganitong ministeryo, at dahil nakatanggap kami ng awa, hindi kami pinanghinaan ng loob. 2Sa halip, itinakwil pa namin ang mga kaparaanan na kahiya-hiya at nakatago. Hindi kami namumuhay sa pandaraya, at hindi namin ginagamit sa maling paraan ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan, iminumungkahi namin ang aming sarili para sa budhi ng lahat sa paningin ng Diyos.

3Ngunit kung ang ating ebanghelyo ay nakatalukbong, nakatalukbong lamang ito sa mga nawawala. 4Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos.
5Sapagkat hindi namin ipinapangaral ang aming mga sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon, at kami bilang inyong mga lingkod alang-alang kay Jesus. 6Sapagkat ang Diyos ang siyang nagsabi, "Ang liwanag ay magniningning mula sa kadiliman." Siya ay nagliwanag sa aming mga puso, upang ibigay ang liwanag ng kaalaman sa kaluwalhatian ng Diyos sa presensiya ni Jesu-Cristo.
7Ngunit mayroon kaming kayamanan sa loob ng isang sisidlang gawa sa putik, upang maging malinaw na ang lubhang dakilang kapangyarihan ay nararapat para sa Diyos at hindi sa amin. 8Nagdurusa kami sa lahat ng bagay, ngunit hindi nagapi. Naguguluhan, ngunit hindi kami nawalan ng pag-asa. 9Inuusig kami ngunit hindi pinabayaan. Hinahampas kami ngunit hindi nasira. 10Palagi naming dinadala sa aming mga katawan ang kamatayan ni Jesus, nang sa gayon ang buhay ni Jesus ay maihayag din sa aming mga katawan.
11Kaming mga nabubuhay ay laging nahaharap sa kamatayan alang-alang kay Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay maihayag sa aming mga katawang tao. 12Sa kadahilanang ito, ang kamatayan ay kumikilos sa amin, ngunit ang buhay ay kumikilos sa inyo.
13Ngunit mayroon tayong parehong espiritu ng pananampalataya na ayon sa nasusulat: "Nanampalataya ako, kaya ako ay nagpahayag." Tayo rin ay nananampalataya, kaya't tayo rin ay nagpapahayag. 14Alam namin na ang muling bumuhay sa Panginoong Jesus ay bubuhayin din kaming muli kasama niya. Alam namin na dadalhin niya kami kasama ninyo sa kaniyang presensya. 15Ang lahat ay para sa kapakanan ninyo nang sa gayon, habang lumalaganap ang habag sa maraming tao, ang pasasalamat ay lalong madaragdagan para sa kaluwalhatian ng Diyos.
16Kaya hindi kami nasiraan ng loob. Kahit na pinanghihinaan kami sa aming panlabas na katawan, patuloy na pinalalakas ang amig kalooban sa araw-araw. 17Sapagkat, ang panandalian at bahagyang pagdadalamhati na ito ay naghanda sa amin para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi masukat. 18Sapagkat hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Ang mga bagay na nakikita ay panandalian, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

5

1Alam natin na kung nasira ang ating lupang tahanan na tinitirahan, mayroon tayong tahanan sa langit na ginawa ng Diyos. Ito ay tirahan na hindi ginawa ng kamay ng tao, kundi walang hanggang tahanan, sa langit. 2Sapagkat dumaraing tayo sa katawang lupa na ito, na naghahangad na madamitan ng ating makalangit na tahanan. 3Hinahangad natin ito sapagkat sa pamamagitan ng ating pagsuot dito hindi tayo madaratnang hubad.

4Sapagkat habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo ay dumaraing dahil nabibigatan. Ayaw nating matanggalan ng damit. Sa halip, nais nating madamitan, upang ang katawang namamatay ay mapalitan ng buhay. 5Ang naghanda sa atin para sa ganitong pagbabago ay ang Diyos mismo, na nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katibayan sa kung ano ang darating.
6Kaya maging laging malakas ang loob. Dapat nating malaman na habang tayo ay nasa katawang-lupa, malayo tayo sa Panginoon. 7Sapagkat lumalakad tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita. 8Kaya mayroon tayong lakas ng loob. Mas pipiliin pa nating iwanan ang katawang ito at manirahan kasama ng Panginoon.
9Kaya gawin natin itong layunin, kung tayo man ay nasa ating katawang lupa dito sa mundo o sa langit man, upang malugod siya. 10Sapagkat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo, upang ang bawat isa ay makatanggap ng nararapat sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa katawan, maging sa mabuti man o masama.
11Samakatuwid, sa pagkaalam ng takot sa Panginoon, hinihikayat namin ang mga tao. Malinaw na nakikita ng Diyos kung sino tayo. Sana ay malinaw din ito sa inyong budhi. 12Hindi namin kayo hinihikayat muli upang ipakita na kami ay tapat. Sa halip, ay binibigyan namin kayo ng dahilan upang maipagmalaki ninyo kami, upang may maisasagot kayo sa mga taong nagmamalaki sa mga panlabas na anyo ngunit hindi sa mga nilalaman ng puso.
13Dahil kung kami ay parang wala sa sarili naming kaisipan, para ito sa Diyos. At kung kami ay nasa tamang kaisipan, ito ay para sa inyong kapakanan. 14Dahil ang pagmamahal ni Cristo ang nag-uudyok sa amin, sapagkat kami ay sigurado dito: na mayroong isang tao na namatay para sa lahat, kaya ang lahat ay namatay. 15At namatay si Cristo para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay hindi na mamuhay para sa kanilang mga sarili. Sa halip dapat silang mamuhay para sa kaniya na namatay at muling nabuhay.
16At dahil dito, mula ngayon, hindi na natin hahatulan ang sinuman ayon sa batayan ng tao, kahit na noong simula ay ganoon din ang ating pagtingin kay Cristo. Ngunit ngayon hindi na tayo tumitingin sa kanino man sa ganitong paraan. 17Sapagkat kung sinuman ang kay Cristo, siya ay isang bagong nilalang. Ang luma ay lumipas na. Tingnan, sila ay naging bago na.
18Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagmula sa Diyos. Nakipagkasundo siya sa atin dahil kay Cristo, at binigyan niya tayo ng ministeryo sa pagkakasundo. 19Ang ibig sabihin, dahil kay Cristo, ipinagkakasundo ng Diyos ang mundo sa kaniya, at hindi binilang ang kanilang mga pagkakasala laban sa kanila. Ipinagkakatiwala niya sa atin ang mensahe ng pakikipagkasundo.
20Kaya kami ay itinalaga bilang mga kinatawan ni Cristo, na para bang ang Diyos mismo ang nakikipag-usap sa inyo sa pamamagitan namin. Ipinakikiusap namin sa inyo, alang-alang kay Cristo: "Makipagkasundo kayo sa Diyos!" 21Si Jesus ay ginawa niyang handog para sa ating mga kasalanan. Siya na hindi kailan man nagkaroon ng kasalanan. Ginawa niya ito upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.

6

1At kaya, sa sama-samang paggawa, nakikiusap kami sa inyo na huwag tanggapin ang biyaya ng Diyos ng walang katuturan. 2Sapagkat sinabi niya, "Sa tamang panahon, ikaw ay aking pinansin, at sa araw ng pagliligtas, ikaw ay aking tinulungan." Tingnan ninyo, ngayon ang tamang panahon. Ngayon ang araw ng kaligtasan. 3Hindi kami maglalagay ng katitisurang bato sa harap ng sino man, sapagkat hindi namin hinahangad na ang aming minesteryo ay humantong sa pagkasira ng pangalan.

4Sa halip, pinatutunayan namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng aming mga ginagawa, na kami ay mga lingkod ng Diyos. Kami ay mga lingkod niya sa maraming pagtitiis, kapighatian, kagipitan, kahirapan 5sa panghahagupit, pagkabilanggo, pagkakagulo, pagtatrabaho ng sobra, mga gabing walang tulog, gutom, 6sa kalinisan, sa kaalaman, pagtityaga, kabutihan, sa Espiritu Santo, sa tunay na pag-ibig. 7Kami ay kanyang mga lingkod sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos. Mayroon kaming baluti ng katuwiran sa kanan at sa kaliwang kamay.
8Gumagawa kami sa karangalan at kahihiyan, sa panlalait at papuri. Kami ay napagbintangan na sinungaling ngunit kami ay matapat. 9Kami ay gumagawa na parang mga hindi kilala ngunit kami ay mga kilala pa rin. Gumagawa kami na parang mamamatay na-- at tingnan ninyo! -- nabubuhay pa rin kami. Gumagawa kami na parang pinarurusahan sa aming mga gawa, ngunit hindi para hatulan ng kamatayan. 10Gumagawa kami na parang malulungkot, ngunit kami ay laging nagagalak. Gumagawa kami na parang naghihirap, ngunit ginagawa naming mayaman ang marami. Gumagawa kami na parang walang-wala, ngunit mayroon ng lahat ng bagay.
11Sinabi na namin ang buong katotohanan sa inyo, mga taga-Corinto, at ang aming puso ay nakabukas. 12Hindi kami ang pumigil sa inyong mga puso, ngunit pinigilan kayo ng inyong mga sariling damdamin. 13Ngayon sa makatarungang pagpapalitan—nagsasalita ako na parang kayo ay mga anak ko—malawak ninyong buksan ang inyong mga puso.
14Huwag kayong makikipag-isa sa mga hindi mananampalataya. Ano ang kaugnayan ng katuwiran sa kasamaan? At anong kaugnayan mayroon ang ilaw sa kadiliman? 15Anong kasunduan mayroon si Cristo kay Belial? O anong kabahagi mayroon ang mga mananampalataya sa mga hindi mananampalataya? 16At anong kasunduan mayroon sa pagitan ng templo ng Diyos at sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ang templo ng buhay na Diyos, katulad ng sinabi ng Diyos: "Ako ay mananahan sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ay magiging bayan ko."
17Kaya, "Lumabas kayo mula sa kanilang kalagitnaan, at maihiwalay kayo," sabi ng Panginoon. "Huwag humawak ng anumang maruming bagay, at tatanggapin ko kayo. 18Ako ay magiging Ama sa inyo, at kayo ay magiging aking mga anak na lalaki at babae," sabi ng Panginoong Makapangyarihan.

7

1Mga minamahal, dahil mayroon tayo ng mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa lahat ng bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu. Sikapin nating maging banal sa pagkatakot sa Diyos.

2Gumawa kayo ng lugar para sa amin! Wala kaming ginawan ng mali. Wala kaming sinaktan na kahit sino man o nagsamantala sa kung sino man. 3Hindi para husgahan kayo kaya sinabi ko ito. Sapagkat sinabi ko na sa inyo na kayo ay nasa aming mga puso, para mamatay tayo nang magkasama at mabuhay nang magkasama. 4Mayroon akong malaking tiwala sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo. Napuno ako ng kaginhawaan. Nag-uumapaw ang aking kagalakan sa kabila ng kapighatian.
5Nang makarating kami sa Macedonia, walang pahinga ang aming mga katawan. Sa halip, nabagabag kami sa lahat ng paraan sa maraming kaguluhan sa labas at takot sa kalooban. 6Ngunit ang Diyos, na nagbibigay kaaliwan sa mga pinanghihinaan ng loob, ay nagbigay kaaliwan sa amin sa pamamagitan ng pagdating ni Tito. 7Ito ay hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang pag dating na inaliw tayo ng Diyos. Ito ay dahil na rin sa kaginhawaang tinanggap ni Tito mula sa inyo. Sinabi niya sa amin ang lubos ninyong pagmamahal, ang inyong pighati, at ang inyong labis na pag-aalala sa akin. Kaya lalo akong nagagalak.
8Kahit na naging malungkot kayo dahil sa aking sulat, hindi ko ito pinagsisihan. Ngunit pinagsisihan ko ito nang makita ko na ginawa kayong malungkot ng aking sulat. Ngunit naging malungkot kayo ng sandali lamang. 9Ngayon, masaya ako, hindi dahil sa kayo ay nagdadalamhati, ngunit dahil sa ang inyong kalungkutan ang naging daan sa inyong pagsisisi. Nakaranas kayo ng kalungkutan mula sa Diyos, kaya hindi nasayang ang inyong pagdurusa dahil sa amin. 10Sapagkat ang kalungkutan mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisisi na kumukumpleto sa kaligtasan ng walang panghihinayang. Gayon man, ang kalungkutan sa mundo ay nagdadala ng kamatayan.
11Tingnan kung anong matinding determinasyon ang naidulot sa inyo ng kalungkutang mula sa Diyos na ito. Higit na matindi ang matibay na hangad sa inyo para patunayan na kayo ay walang sala. Namuhi kayo sa inyong sarili, natakot kayo, nanabik, nagsikap, at ninais ninyong makita na ang katarungan ay kailangan mangyari! Sa lahat ng bagay pinatunayan niyo ang inyong mga sarili na walang sala sa bagay na ito. 12Kahit pa sumulat ako sa inyo, hindi ako sumulat para lang sa kapakanan ng mga gumagawa ng mali, ni para sa mga nagdusa sa mali. Sumulat ako para ang inyong pagkamasigasig para sa amin ay maipaalam sa inyo sa paningin ng Diyos.
13Ito ay sa pamamagitan nito kaya malakas ang ating loob. Dagdag sa ating sariling kaginhawaan, nagdiriwang rin kami dahil sa kagalakan ni Tito, dahil ang kaniyang espiritu ay lumakas sa pamamagitan ninyong lahat. 14Dahil kung ipinagmalaki ko sa kaniya ang tungkol sa inyo, hindi ako nahiya. Sa kabilang dako, tulad ng lahat ng bagay na sinabi namin sa inyo ay totoo, ang aming pagmamalaki tungkol sa inyo kay Tito ay napatunayang totoo.
15Ang kaniyang pag-ibig sa inyo ay mas higit pa, habang inaalala niya ang pagiging masunurin ninyong lahat, kung paano ninyo siya tinanggap ng may takot at panginginig. 16Ako ay nagagalak dahil lubos ang aking pagtitiwala sa inyo.

8

1Nais naming malaman ninyo, mga kapatid, tungkol sa biyaya ng Diyos na naibigay sa mga iglesiya sa Macedonia. 2Sa panahon ng matinding pagsubok sa pagdadalamhati, ang kasaganahan ng kanilang kagalakan at ang mahigpit na pangangailangan sa kanilang kahirapan ay nagbunga ng matinding kasaganahan ng kagandahang loob.

3Sapagkat nagpapatotoo ako na nagbigay sila hanggang sa kanilang makakaya, at labis pa sa kung ano ang kanilang makakaya. At naaayon sa kanilang sariling kalooban 4nang may matinding pagmamakaawa, sumasamo sila sa amin para sa pagkakataon ng pagbabahagi sa paglilingkod sa mga mananampalataya. 5Hindi ito nangyari nang gaya sa aming inaasahan. Sa halip, una nilang ibinigay ang kanilang mga sarili sa Panginoon. At ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa amin ayon sa kalooban ng Diyos.
6Kaya hinimok namin si Tito, na nagsimula ng gawaing ito, upang maisakatuparan ang gawaing ito ng kagandahang loob para sa inyo. 7Ngunit nanagana kayo sa lahat ng bagay—sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa lahat ng kasipagan, at sa inyong pag-ibig para sa amin. Kaya siguraduhin niyo na managana kayo sa mga gawain ng kagandahang loob.
8SInasabi ko ito hindi bilang isang utos. Sa halip, sinasabi ko ito upang subukan ang katapatan ng inyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagkukumpara nito sa pananabik ng ibang tao. 9Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kahit na siya ay mayaman, para sa inyong kapakanan siya ay naging mahirap, upang sa pamamagitan ng kaniyang kahirapan kayo ay maaaring maging mayaman.
10Sa bagay na ito bibigyan ko kayo ng payo na makakatulong sa inyo. Isang taon ang nakakaraan, hindi lang kayo nagsimulang gumawa ng isang bagay, kundi ninais ninyong gawin ito. 11Ngayon tapusin ninyo ito. Katulad ng pagsisikap at kagustuhan na gawin ito noon, matapos ninyo rin sana ito, hanggang kaya ninyo. 12Sapagkat kung kayo ay may pagsisikap na gawin ang gawaing ito, ito ay mabuti at katanggap-tanggap. Nakabatay ito sa kung ano ang mayroon ang isang tao, hindi sa kung ano ang wala sa kaniya.
13Sapagkat ang gawaing ito ay hindi upang ang iba ay magaanan at ang iba ay mabigatan. Sa halip, dapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay. 14Ang iyong kasaganaan sa panahong ito ay makapagbibigay sa kung anuman ang kanilang pangangailangan. Ito ay dahil din sa ang kanilang kasaganaan ay maaaring makapagbigay ng iyong pangangailangan, at nang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. 15Katulad ito ng nasusulat: "Ang nananagana ay nawalan ng labis, at ang may kaunti ay hindi nagkulang."
16Ngunit salamat sa Diyos, na naglagay sa puso ni Tito nang katulad ng pagmamalasakit na mayroon ako para sa inyo. 17Sapagkat hindi niya lamang tinanggap ang aming panawagan, ngunit siya rin ay naging napaka-masikap tungkol dito. Dumating siya sa inyo sa kaniyang sariling kagustuhan.
18Siya ay ipinadala namin kasama ang kapatid na pinupuri sa lahat ng mga iglesiya sa kaniyang gawa sa pagpapahayag ng ebanghelyo. 19Hindi lamang ito, ngunit siya rin ang inihalal ng mga simbahan na maglakbay kasama namin sa aming pagangasiwa ng kagandahang loob. Ito ay para sa karangalan ng Panginoon at sa ating pagsusumikap na makatulong.
20Kami ay umiiwas na magkaroon ng sino mang magreresklamo tungkol sa amin hinggil sa kagandahang loob na ito na ating pinangangasiwaan. 21Iniingatan naming gawin kung ano ang kagalang-galang, hindi lamang sa harap ng Panginoon, ngunit sa harap din ng mga tao.
22Ipinapadala rin namin kasama nila ang isa pang kapatid. Siya ay madalas naming nasubok, at napatunayan naming siya ay masigasig sa maraming gawain. Siya ay higit na masipag na ngayon dahil sa matibay na paniniwala niya sa inyo. 23Patungkol naman kay Tito, siya ang aking kasama at kamanggagawa sa inyo. Gayon din naman sa aming mga kapatid, sila ay ipinadala ng mga iglesia. Sila ay karangalan kay Cristo. 24Kaya ipakita niyo sa kanila ang inyong pag-ibig, at ipakita sa mga iglesia ang dahilan ng aming pagmamalaki tungkol sa inyo.

9

1Tungkol naman sa ministeryo para sa mga mananampalataya, para sa akin ay kalabisan na ang sumulat pa sa inyo. 2Alam ko ang tungkol sa inyong hangarin, na ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sinabihan ko sila na ang Acaya ay naghahanda na mula pa nang nakalipas na taon. Ang inyong pagiging masigasig ay nag-udyok sa karamihan sa kanila na kumilos.

3Ngayon ipinadala ko ang mga kapatid upang ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo ay hindi mawalan ng kabuluhan, at upang kayo ay maging handa, gaya ng aking sinabi. 4Sa halip, kung sino man sa mga taga-Macedonia ang sumama sa akin at madatnan kayong hindi handa, mapapahiya tayo—wala akong sinabi tungkol sa inyo—dahil sa lubos na tiwala sa inyo. 5Kaya naisip ko na kinakailangan na himukin ang mga kapatid na pumunta sa inyo at maunang gumawa ng mga kasunduan para sa kaloob na ipinangako ninyo. Ito ay para maging handa bilang isang biyaya, at hindi sapilitan.
6Tandaan ninyo ito: kung sino man ang nagtatanim ng kaunti ay mag aani ng kaunti, at kung sino man ang nagtatanim sa layunin ng pagpapala ay aani ng pagpapala. 7Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.
8At may kakayahan ang Diyos na paramihin ang bawat pagpapala para sa inyo, upang, palagi, sa lahat ng bagay, magkakaroon kayo ng lahat ng kailangan ninyo. Nang sa gayon maaari kayong gumawa ng mas maraming mabubuting bagay. 9Ito ay gaya ng nasusulat: "Ipinamahagi niya ang kaniyang kasaganaan at ibinigay sa mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay magpakailanman."
10Ang nagbibigay ng binhi sa nagtatanim at tinapay para sa pagkain, ay magbibigay din at pararamihin ang inyong binhi para sa pagtatanim. Pararamihin niya ang ani ng inyong katuwiran. 11Pasasaganahin niya kayo sa lahat ng paraan upang maging mapagbigay kayo. Magdadala ito ng pasasalamat sa Diyos mula sa amin.
12Sapagkat ang pangangasiwa sa gawaing ito ay hindi lang makakatugon sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya. Ito rin ay nagpaparami sa maraming gawaing ng pasasalamat sa Diyos. 13Dahil sa nasubok na kayo at napatunayan ng gawaing ito, luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa pagsunod sa inyong pagpapahayag sa ebanghelyo ni Cristo. Luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa kasaganaan ng inyong mayamang handog sa kanila at sa bawat isa. 14Nananabik sila sa inyo, at ipinapanalangin nila kayo. Ginagawa nila ito dahil sa napaka dakilang biyaya ng Diyos na nasa inyo. 15Sa Diyos nawa ang lahat ng pasasalamat sa kaniyang hindi maipaliwanag na kaloob!

10

1Akong si Pablo, ay nananawagan sa inyo, sa kababaang loob at kahinahunan ni Cristo. Ako ay mapagpakumbaba kapag ako ay nasa harap ninyo, ngunit matapang ako sa inyo kapag nasa malayo ako.2Nakikiusap ako sa inyo na, kapag ako ay nasa harapan ninyo, hindi ko kailangang maging matapang at malakas ang loob. Ngunit naisip ko na kailangan kong maging matapang kapag sinagot ko ang mga nag-aakala na namumuhay kami ng naaayon sa laman.

3Bagaman kami ay namumuhay sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman. 4Dahil ang aming sandata sa aming pakikipaglaban ay hindi makalaman. Sa halip, mayroon silang dakilang kapangyarihan para wasakin ang mga kuta. Dinadala nila sa wala ang mga maling pangangatuwiran.
5Winawasak din namin ang bawat pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos. Binibihag namin ang lahat ng kaisipan para sa pagsunod kay Cristo. 6At naghahanda kami upang parusahan ang bawat gawain ng pagsuway, hanggang sa ang inyong pagsunod ay maging ganap.
7Tingnan ninyo kung ano ang maliwanag na nasa inyong harapan. Kung sino man ang naniwala na siya ay kay Cristo, sana ay paalalahanan niya ang kaniyang sarili na kung siya ay kay Cristo, ganoon din kami. 8Dahil kahit na ako ay para bang nagmamalaki ng labis tungkol sa aming kapangyarihan, na ibinigay ng Panginoon sa amin upang kayo ay pagtibayin at hindi upang kayo ay wasakin, hindi ako mahihiya.
9Ayaw kong ipakita na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat. 10Dahil sinasabi ng ibang tao, "Ang kaniyang mga sulat ay mahalaga at makapangyarihan, ngunit ang kaniyang katawan ay mahina. Ang kaniyang mga salita ay hindi karapat-dapat na pakinggan."
11Hayaan nating malamanng mga taong ito na kung ano ang sinasabi namin sa sulat kung kami ay nasa malayo, ay gagawin rin namin kung kami ay nariyan. 12Hindi namin gustong ibukod ang aming mga sarili o ikumpara ang aming mga sarili sa mga pumupuri sa kanilang mga sarili. Ngunit kung susukatin man nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng bawat isa at ikumpara ang kanilang mga sarili sa bawat isa, wala silang mga alam.
13Gayon man, kami ay hindi magmamalaki ng higit sa nararapat. Sa halip, gagawin lang namin sa hangganan na itinakda sa amin ng Diyos, na umabot hanggang sa inyo. 14Sapagkat hindi kami naging palalo sa aming mga sarili nang kami ay pumunta sa inyo. Kami ang naunang pumunta sa inyo para sa ebanghelyo ni Cristo.
15Hindi kami nagmamalaki ng labis tungkol sa mga gawain ng iba. Sa halip, umaasa kami na kasabay ng paglago ng inyong pananampalataya ay mas lalo pang lalawak ang lugar ng ating gawain, at nananatili sa dapat nitong hangganan. 16Umaasa kami para dito, upang maaari naming ipangaral ang ebanghelyo kahit na sa mga rehiyon na lampas sa inyo. Hindi namin ipagmamalaki ang tungkol sa gawain na ginagawa sa lugar ng iba.
17"Ngunit hayaan ang nagmamalaki, na magmalaki sa Panginoon." 18Sapagkat hindi ang sinasang-ayunan ng kanyang sarili ang sasang-ayunan. Sa halip, siya na sinasang-ayunan ng Panginoon.

11

1Ninanais ko na pagtiyagaan ninyo ako sa ilan sa aking kamangmangan. Ngunit ako nga ay inyong pinagtitiyagaan! 2Sapagkat ako ay naninibugho sa inyo. Ako ay may maka-diyos na panibugho sa inyo sapagkat ipinangako ko kayo na mapangasawa ng isang lalaki. Ako ay nangako na ihaharap kayong dalisay na birhen kay Cristo.

3Ngunit ako ay natatakot na baka katulad ni Eba, kayo ay malinlang ng ahas sa kaniyang pagiging tuso, at ang inyong kaisipan ay maaring mailayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Cristo. 4Sapagkat ipagpalagay na may dumating at ipahayag ang ibang Jesus liban sa aming ipinangaral. O ipagpalagay na kayo ay tumanggap ng ibang espiritu liban sa inyong tinanggap. O ipagpalagay na kayo ay tumanggap ng ibang ebanghelyo liban sa inyong tinanggap. Labis na ninyong pinapayagan ang mga ganitong bagay!
5Sapagkat sa tingin ko, hindi ako ang pinakamababa sa mga tinatawag na pinakamagagaling na mga apostol. 6Ngunit kahit na ako ay hindi nagsanay sa pananalita, ako ay hindi kapos sa kaalaman. Sa bawat pagkakataon at sa lahat ng bagay pinaalam namin ito sa inyo.
7Ako ba ay nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas? Sapagkat itinuro ko sa inyo ang mabuting balita ng Diyos ng walang bayad. 8Ninakawan ko ang ibang mga iglesia sa pamamagitan ng pagtanggap ko ng kanilang tulong upang kayo ay aking mapaglingkuran. 9Noong ako ay na sa inyo at nangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kahit na sino. Sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinugunan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Sa lahat ng bagay iniwasan ko na maging pabigat sa inyo at ipagpapatuloy kong gawin iyon.
10Gaya ng katotohanan ni Cristo na nasa akin, ang pagmamayabang kong ito ay hindi mapatatahimik sa mga bahagi ng Acaya. 11Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na kayo ay aking minamahal.
12Ngunit ang aking ginagawa, ay gagawin ko rin. Gagawin ko ito upang maputol ang pagkakataon ng mga nagnanais ng pagkakataon na maging katulad namin sa kanilang mga pinagmamayabang. 13Sapagkat ang mga ganoong tao ay hindi totoong apostol at mapanlinlang na mga manggagawa. Sila ay nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
14At ito ay hindi na nakakagulat sapagkat kahit si Satanas ay nagpanggap na isang anghel ng liwanag. 15Ito ay hindi labis na nakagugulat kung ang kaniyang mga alagad ay nagbabalat kayo rin na mga alagad ng katuwiran. Ang kanilang kapalaran ay kung ano ang nararapat sa kanilang mga gawa.
16Sinasabi ko ulit: Huwag isipin ng kahit na sino man na ako ay mangmang. Ngunit kung ganoon nga ang inyong iniisip, tanggapin ninyo ako tulad ng isang mangmang upang ako ay makapagyabang ng kaunti. 17Ang aking sinasabi tungkol sa mayabang na lakas ng loob na ito ay hindi pinapayagan ng Panginoon ngunit ako ay nagsasalita tulad ng isang mangmang. 18Dahil maraming tao ang nagyayabang na naaayon sa laman, ako rin ay magyayabang.
19Sapagkat masaya ninyong pinagtitiyagaan ang mga mangmang. Kayo mismo ay matatalino! 20Sapagkat pinagtityagaan ninyo ang umaalipin sa inyo, kung siya ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa inyo, kung siya ay nanlalamang sa inyo, kung siya ay nagyayabang, o sinampal niya kayo sa mukha. 21Nahihiya kong sasabin na kami ay labis na mahihina para gawin iyon. Ngunit kung magyayabang—ang iba ako ay nagsasalita na tulad ng isang mangmang—ako rin ay magyayabang.
22Sila ba ay mga Hebreo? Ako rin. Sila ba ay mga Israelita? Ako rin. Sila ba ay mula sa kaapu-apuhan ni Abraham? Ako rin. 23Sila ba ay mga alagad ni Cristo? (Ako ay nagsasalita na para bang ako ay wala sa aking tamang pag-iisip.) Lalong lalo na ako. Ako ay higit na nakaranas ng mabigat na trabaho, sa mas maraming bilangguan, nakaranas ng hindi mabilang na pamamalo, humarap sa panganib ng kamatayan.
24Mula sa mga Judio nakatanggap ako ng limang "apatnapung latigo binawasan ng isa". 25Tatlong beses akong pinalo ng tungkod. Minsang binato. Tatlong beses na nawasak ang barko na aking sinasakyan. nakaranas akong magdamag at buong araw na nasa karagatan. 26Ako ay madalas na nasa paglalakbay, nanganib mula sa mga ilog, nanganib mula sa mga magnanakaw, nanganib mula sa aking mga kababayan, nanganib mula sa mga Gentil, nanganib sa lungsod, nanganib sa ilang, nanganib sa karagatan, nanganib mula sa mapagpanggap na mga kapatid.
27Ako ay nakaranas ng matinding trabaho at paghihirap, mga gabi na walang tulog, madalas na nagugutom at nauuhaw, madalas na nag-aayuno, giniginaw at walang maisuot. 28Bukod pa sa lahat ng ito, araw-araw ang panggigipit sa akin ng aking pag-aalala sa lahat ng mga iglesiya. Kung sinuman ang nanghihina, ako rin ay nanghihina? 29Sino ang naging dahilan ng pagkahulog ng isa sa kasalan, na hindi ako nagalit?
30Kung ako ay magyayabang. Ako ay magyayabang tungkol sa mga nagpapakita ng aking kahinaan. 31Ang Diyos at ang Ama ng Panginoong Jesus, siya na pinupuri magpakailanman, alam niya na hindi ako nagsisinungaling!
32Sa Damascus, ang gobernador sa ilalim ni haring Aretas ay binabantayan ang lungsod ng Damasco upang ako ay huliin. 33Ngunit ako ay ibinaba sa bintana sa pader gamit ang basket at ako ay nakatakas mula sa kaniyang mga kamay.

12

1Dapat akong magyabang, ngunit walang mapapala dito. Ngunit ako ay magpapatuloy sa mga pangitain at mga pahayag na mula sa Panginoon. 2Ako ay may kilalang tao kay Cristo, labing apat na taon na ang nakararaan—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos— na dinala sa ikatlong langit.

3At alam ko na ang taong ito—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos— 4na dinala sa paraiso at narinig ang mga bagay na labis na sagrado na sabihin ng kahit na sino. 5Para sa tulad ng tao na iyon ako ay magyayabang. Ngunit para sa akin hindi ako magyayabang, maliban sa aking mga kahinaan.
6Kung gusto kong magyabang, hindi ako magiging mangmang sapagkat sasabihin ko ang katotohanan. Ngunit pipigilan kong magmayabang upang walang mag-isip na ako ay higit sa kung anong nakikita sa akin o naririnig mula sa akin. 7Pipigilan ko rin na magmayabang dahil sa hindi pangkaraniwang uri na mga pahayag na iyon. Kung kaya, upang ako ay hindi mapuno ng pagmamalaki, isang tinik sa laman ang ibinigay sa akin, isang mensahero mula kay Satanas upang ako ay guluhin at ng ako ay hindi labis na maging mapagmataas.
8Tatlong beses akong nagmakaawa sa Panginoon tungkol dito, para tanggalin ito sa akin. 9At sinabi niya sa akin, "Ang aking biyaya ay sapat sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ay nagiging ganap sa kahinaan." Kung kaya mas mabuti pang ipagmayabang ko ang tungkol sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manahan sa akin. 10Kung kaya ako ay nasisiyahan alang-alang kay Cristo, sa kahinaan man, sa panglalait man, sa kaguluhan man, sa pagmamalupit man, sa mga pangyayari man na nakapagbibigay ng kapighatian. Sa tuwing ako ay mahina, saka ako malakas.
11Ako ay naging isang mangmang! Pinilit ninyo ako na gawin ito, kahit kayo sana ang dapat pumuri sa akin. Sapagkat hindi ako mababa kaysa sa mga tinatawag na matatalinong apostol na iyan, kahit na ako ay walang silbi. 12Ang tunay na palatandaan ng isang apostol ay ginawa sa inyo ng buong pagtitiyaga, ang mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay at mga dakilang gawa. 13Kaya paanong kayo ay mas hindi pinapahalagahan kaysa sa ibang mga iglesiya, maliban na lang na ako ay hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa ganitong kamalian!
14Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak. 15Ako ay labis na matutuwa na gumugol at mapagod para sa inyong mga kaluluwa. Kung mahal ko kayo ng labis, dapat ba akong mahalin ng kakaunti?
16Ngunit ganoon nga, hindi ako naging pabigat sa inyo. Ngunit dahil ako ay tuso, kayo ay aking nahuli sa pamamagitan ng panlinlang. 17Kayo ba ay nilamangan ko sa pamamagitan ng aking mga isinugo sa inyo? 18Pinakiusapan ko si Tito na pumunta sa inyo, at pinasama ko sa kaniya ang isang kapatid. Nilamangan ba kayo ni Tito? Hindi ba tayo lumakad sa parehong paraan?
19Sa tingin niyo ba sa buong panahon ay ipinagtatanggol namin ang aming mga sarili sa inyo? Sa paningin ng Diyos, ayon sa kalooban ni Cristo ipinagsasabi namin ang lahat para sa inyong kalakasan.
20Sapagkat ako ay nangangamba na baka hindi ko makita sa inyo ang aking inaasahan. Ako ay nangangamba na baka hindi niyo makita sa akin ang inyong inaasahan. Ako ay nangangamba na baka mayroong pagtatalo, pagkainggit, pagsilakbo ng galit, makasariling hangarin, usap-usapan, pagmamataas at kaguluhan. 21Ako ay nangangamba na sa aking pagbalik, ibaba ako ng aking Diyos sa inyong harapan. Ako ay nangangamba na baka ako ay magdalamhati dahil sa maraming nagkasala noon, at sa mga hindi nagsisi mula sa karumihan at pangangalunya at kahalayan na kanilang nakaugalian.

13

1Ito na ang pangatlong pagkakataon na ako ay pupunta sa inyo. "Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin ng patotoo ng dalawa o tatlong saksi." 2Sinabi ko na sa mga nagkasala noon at sa lahat, noong ikalawang pagpunta ko riyan, at sasabihin kong muli: Sa aking pagbabalik, hindi ko na sila patatawarin.

3Sinasabi ko ito sa inyo dahil kayo ay naghahanap ng katibayan na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina patungkol sa inyo. Sa halip, siya ay makapangyarihan sa inyo. 4Sapagkat siya ay naipako sa kahinaan ngunit siya ay buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sapagka't kami rin ay mahina ngunit kami ay mabubuhay kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nasa inyo.
5Suriin ninyo ang inyong sarili upang makita ninyo kung kayo ay namumuhay sa pananampalataya. Subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo napagtanto na si Jesu-Cristo ay nasa inyo? Siya ay nasa inyo maliban kung kayo ay hindi pinagtibay. 6At ako ay nakatitiyak na kami ay makikita ninyong pinagtibay.
7Ngayon kami ay nananalangin sa Diyos na sana kayo ay hindi gumawa ng kahit anong mali. Hindi ko pinapanalangin na kami ay lumabas na parang nakapasa sa pagsubok, sa halip, dalangin ko na sana gawin ninyo kung ano ang tama, kahit na parang hindi kami pumasa sa pagsubok. 8Sapagka't hindi namin maaring gawin ang kahit anong laban sa katotohanan, ngunit para lamang sa katotohanan.
9Sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Dalangin din namin na kayo ay maging ganap. 10Sinulat ko ang mga bagay na ito habang ako ay malayo sa inyo upang kung ako ay kasama na ninyo hindi ko na kailangang maging malupit sa inyo. Ayaw kong gamitin ang kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Panginoon upang pagtibayin kayo at hindi upang kayo ay sirain.
11Sa wakas, mga kapatid, kayo ay magalak! Gumawa para sa panunumbalik, maging masigla, magkaisa kayo, mamuhay ng may kapayapaan. At ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay mapapasainyo. 12Batiin ninyo ang isa't isa ng banal na halik.
13Lahat ng mananampalataya ay binabati kayo. 14Nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikisama ng Banal na Espiritu ay sumainyo.

Mga taga-galacia

1

1Ako si Pablo na apostol. Hindi ako apostol na mula sa mga tao o sa pamamagitan ng tao, ngunit sa pamamagitan ni Jesu Cristo at ng Diyos Ama, na muling bumuhay sa kaniya mula sa mga patay. 2Kasama lahat ng mga kapatiran, sumusulat ako sa mga iglesya ng Galacia.

3Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo, 4na nagbigay ng kaniyang sarili alang-alang sa ating mga kasalanan upang mailigtas niya tayo sa kasalukuyang makasalanang panahon, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. 5Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman.
6Nagtataka ako na kayo ay mabilis na bumabaling sa ibang ebanghelyo. Nagtataka ako na tumatalikod kayo sa kaniya na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo. 7Walang ibang ebanghelyo, ngunit may ilang mga tao na ginugulo kayo at gustong ibahin ang ebanghelyo ni Cristo.
8Ngunit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang magpahayag sa inyo ng ebanghelyo na iba sa ipinahayag namin sa inyo, dapat siyang sumpain. 9Katulad ng sinabi namin noon, ngayon sasabihin ko muli, "Kung may magpahayag sa inyo ng ibang ebanghelyo maliban sa ebanghelyong tinanggap ninyo, dapat siyang sumpain." 10Sapagkat hinahangad ko ba ngayon ang pagsang-ayon ng mga tao o ng Diyos? Hinahangad ko ba na magbigay-lugod sa mga tao? Kung sinisikap ko paring magbigay-lugod sa mga tao, kung gayon hindi ako isang lingkod ni Cristo.
11Sapagkat nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyo na aking ipinahayag ay hindi nanggaling sa mga tao lamang. 12Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, hindi rin ito itinuro sa akin. Sa halip, sa pamamagitan ng pahayag ni Jesu-Cristo sa akin.
13Narinig ninyo ang tungkol sa dati kong buhay sa Judaismo, kung paano ko marahas na inuusig ang iglesiya ng Diyos ng walang kapantay at winawasak ito. 14Ako ay nangunguna sa Judaismo nang higit sa maraming kapwa ko Judio. Labis akong masigasig para sa mga kaugalian ng aking mga ninuno.
15Ngunit ikinalugod ng Diyos na piliin ako mula pa sa sinapupunan ng aking ina. Tinawag niya ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya 16upang ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang ipahayag ko siya sa mga Gentil. Hindi ako kaagad sumangguni sa laman at dugo at 17hindi ako pumunta sa Jerusalem sa mga naunang naging apostol kaysa sa akin. Sa halip pumunta ako sa Arabia at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.
18At pagkatapos ng tatlong taon pumunta ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas at nananatili ako sa kaniya ng labing limang araw. 19Ngunit wala akong nakitang ibang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. 20Makinig kayo, sa harapan ng Diyos, hindi ako nagsisinungaling sa mga sinusulat ko sa inyo.
21Pagkatapos, pumunta ako sa rehiyon ng Siria at Cilicia. 22Hindi pa ako nakikita ng mga iglesiya sa Judea na nakay Cristo, 23ngunit naririnig lang nila na, "Ang taong umuusig sa atin noon, ngayon ay nagpapahayag ng pananampalatayang winawasak niya noon." 24Niluluwalhati nila ang Diyos dahil sa akin.

2

1At pagkatapos ng labing-apat na taon muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama si Bernabe. Isinama ko din si Tito. 2Pumunta ako dahil ipinakita sa akin ng Diyos na dapat akong pumunta. Inilahad ko sa kanila ang ebanghelyo na aking ipinapahayag sa mga Gentil. (Ngunit nakipag-usap ako nang sarilinan sa mga waring mga mahahalagang mga pinuno). Ginawa ko ito upang tiyakin na hindi ako tumatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.

3Ngunit kahit si Tito, na kasama ko, na isang Griego, ay hindi napilit na patuli.   4Ang mga bagay na ito ay lumitaw dahil sa nagpapanggap na mga kapatid na patagong dumating upang manmanan ang kalayaang mayroon tayo kay Cristo Jesus. Nais nilang maging alipin tayo sa kautusan.   5Hindi kami nagpasakop sa kanila ng kahit isang oras, upang ang katotohanan ng ebanghelyo ay manatiling walang pababago para sa inyo.
6Ngunit walang naiambag sa akin iyong mga sinasabi ng iba na mga pinuno. Kung ano man sila ay hindi mahalaga sa akin. Hindi tinatanggap ng Diyos ang itinatangi ng mga tao.   7Sa halip, nakita nila na ako ay pinagkatiwalaan na ipahayag ang ebanghelyo sa mga hindi pa tuli. Tulad ni Pedro na nagpapahayag ng ebanghelyo sa mga tuli. 8 Dahil ang Diyos, na kumikilos kay Pedro sa pagiging apostol sa mga tuli, ay kumilos din sa akin para sa mga Gentil.
9Nang si Santiago, Cepas, at Juan, na kinikilalang nagtayo ng iglesia, ay naunawaan ang biyaya na ibinigay sa akin, ibinigay nila kay Bernabe at sa akin ang kanang kamay ng pakikisama. Ginawa nila ito upang kami ay pumunta sa mga Gentil, at upang pumunta sila sa mga tuli.   10Nais din nilang alalahanin namin ang mga mahihirap. Ako din ay nananabik na gawin ang bagay na ito.
11Ngayon noong dumating si Cepas sa Antioquia, tinutulan ko siya ng harapan dahil mali siya.   12Bago pa dumating ang mga taong galing kay Santiago, nakikisalo si Cefas sa mga Gentil. Ngunit nang dumating ang mga taong ito, huminto siya at lumayo mula sa mga Gentil. Natakot siya sa mga taong ito na nag-uutos ng pagtutuli.
13Ganoon din, ang ilang mga Judio ay nakisama sa pagkukunwaring ito ni Cefas. Ang kinahinatnan, kahit si Bernabe din ay nadala sa kanilang pagkukunwari. 14Ngunit noong nakita ko na hindi na sila sumusunod sa katotohanan ng ebanghelyo, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, "Kung ikaw ay Judio ngunit namumuhay sa paraan ng mga Gentil sa halip na sa paraan ng Judio, paano mo mapipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio?"
15Kami na ipinanganak na Judio at hindi "makasalanang mga Gentil" , 16alam namin na walang sinuman ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sa halip, pinawalang-sala sila sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo Jesus. Tayo ay nanampalataya kay Cristo Jesus upang maaari tayong mapawalang-sala sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sapagkat sa pammamagitan ng paggawa ng kautusan, walang laman ang mapapawalang-sala.
17Ngunit kung hangarin natin na ipawalang-sala tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, makikita din natin ang ating mga sarili na makasalanan, naging alipin ba si Cristo ng kasalanan? Huwag nawa itong mangyari! 18Sapagkat kung itatayo ko muli ang aking pagtitiwala sa pagsunod ng kautusan, ang pagtitiwala na aking sinira, ipinapakita ko ang aking sarili na sumusuway sa kautusan.   19Sa pamamagitan ng kautusan, namatay ako sa kautusan, upang maaari akong mabuhay para sa Diyos.
20Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.   21Hindi ko ipinagwawalang-halaga ang biyaya ng Diyos, sapagkat kung ang pagkamakatuwiran ay umiiral sa pamamagitan ng kautusan, kung gayon si Cristo ay namatay nang walang kabuluhan.

3

1Mga hangal na taga-Galacia, kaninong masamang mata ang sumira sa inyo? Hindi ba inilarawan si Cristo na napako sa krus sa inyong mga mata? 2Gusto ko lang malaman ito mula sa inyo. Natanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o sa pamamagitan ng paniniwala sa inyong napakinggan? 3Napakahangal ba ninyo? Nagsimula ba kayo sa Espiritu upang magtapos lamang sa laman?

4Kayo ba ay nagdusa ng napakaraming bagay ng walang kabuluhan, kung totoong ngang ang mga ito ay walang kabuluhan? 5Kung gayon, siya ba na nagbigay ng Espiritu sa inyo at gumawa ng mga makapangyarihang gawa sa inyo ginawa niya ba ito sa pamamagitan ng paggawa sa kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya?
6"Nanampalataya si Abraham sa Diyos at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran." 7Sa gayon ding paraan, unawain ito, na ang mga nananampalataya ay mga anak ni Abraham. 8Noon pa man ay nakita na ng kasulatan na ipapawalang-sala ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ebangelyo noon pa man ay ipinahayag na kay Abraham: "Dahil sa iyo ang lahat ng bansa ay pagpapalain." 9Kaya nga, ang mga may pananampalataya ay pinagpala kasama ni Abraham, sila na may pananampalataya.
10Sila na umasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa. Sapagkat nasusulat, "Sinumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nakasulat sa kautusan, upang gawin ang lahat ng ito." 11Ngayon malinaw na walang sinuman ang pinapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya." 12Ang kautusan ay hindi galing sa pananampalataya, sa halip, "Ang mga gumagawa sa mga bagay na ito na nasa kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga kautusan."
13Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, "Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno." 14Ang layunin ay upang ang pagpapala na nakay Abraham ay dumating sa mga Gentil dahil kay Cristo Jesus, upang sa ganoon ay matanggap natin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
15Mga kapatid, magsasalita ako ayon sa pang-taong mga salita. Maging ang pang-taong kasunduan na napagtibay na ay walang makapagpapawalang-bisa nito o makapagdagdag nito. 16Ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan. Hindi nito sinabi, "Sa mga kaapu-apuhan," na tumutukoy sa marami, kung hindi sa iisa lang. "Sa iyong kaapu-apuhan," na si Cristo.
17At ngayon sinasabi ko ito. Ang kautusan, na dumating pagkaraan ng 430 na taon, ay hindi pinawalang-bisa ang kasunduan na noon ay pinagtibay ng Diyos. 18Sapagkat kung ang pamana ay dumating sa pamamagitan ng kautusan, hindi sana ito dumating sa pamamagitan ng pangako. Ngunit malaya itong ibinigay ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19Kung ganoon, bakit ibinigay ang kautusan? Ito ay idinagdag dahil sa mga paglabag, hanggang sa dumating ang kaapu-apuhan ni Abraham sa mga taong pinangakuan. Ang kautusan ay ipinatupad sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng tagapamagitan. 20Ngayon ipinapahiwatig ng tagapamagitan na may higit sa isang tao, subalit ang Diyos ay iisa lamang.
21Kung gayon ang kautusan ba ay laban sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Sapagkat kung ang kautusan ay ibinigay at may kakayahang magbigay ng buhay, tiyak na ang katuwiran ay dumating sa pamamagitan ng kautusan. 22Ngunit sa halip, ibinilanggo ng kasulatan ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang kaniyang pangako na iligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo ay maibigay sa kanila na sumampalataya.
23Subalit bago ang dumating ang pananampalataya kay Cristo, ibinilanggo tayo at ikinulong ng kautusan hanggang sa kapahayagan ng pananampalataya. 24Kaya ang kautusan ay naging taga-gabay natin hanggang si Cristo ay dumating, upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya. 25Ngayon na dumating na ang pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng taga-gabay. 26Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
27Lahat kayo na nabautismuhan kay Cristo, isinuot ninyo ang buhay ni Cristo na parang damit. 28Walang Judio o Griego, alipin o malaya, lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. 29Kung kayo ay kay Cristo, kayo rin ay mga kaapu-apuhan ni Abraham, tagapagmana ayon sa pangako.

4

1Sinasabi ko na hanggang ang tagapagmana ay bata pa, wala siyang pinagkaiba sa isang alipin, kahit na siya pa ang nagmamay-ari ng buong lupain. 2Sa halip, nasa ilalim pa siya ng kaniyang mga tagapangalaga at mga katiwala hanggang sa dumating ang panahon na itinakda ng kaniyang ama.

3Kaya ganoon din tayo, noong tayo ay mga bata pa, sakop tayo ng pagkaalipin sa mga alituntunin ng daigdig. 4Ngunit nang dumating ang takdang panahon, ipinadala ng Diyos ang kaniyang Anak, ipinanganak ng isang babae, ipinanganak sa ilalim ng kautusan. 5Ginawa niya ito upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop bilang mga anak.
6Dahil kayo ay mga anak, ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, ang Espiritu na tumatawag ng, "Abba, Ama." 7Sa kadahilanang ito, hindi na kayo mga alipin kundi mga anak. Kung kayo ay mga anak, kaya kayo rin ay tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.
8Bago pa, nang hindi pa ninyo kilala ang Diyos, kayo ay mga alipin sa mga bagay na likas na hindi talaga diyos. 9Ngunit ngayon na kilala na ninyo ang Diyos, o higit na mabuting sabihin, ngayon na kilala na kayo ng Diyos, bakit kayo muling bumabalik sa mahina at walang silbing mga pasimulang tuntunin? Gusto niyo bang maging mga alipi muli?
10Mahigpit ninyo ipinagdiriwang ang mga natatanging araw, mga bagong buwan, mga panahon, at mga taon. 11Natatakot ako para sa inyo. Natatakot ako na anumang paraan ay naghirap ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, maging katulad ninyo ako, sapagkat ako ay naging katulad rin ninyo. Wala kayong ginawang mali sa akin. 13Ngunit alam ninyo na dahil sa sakit na pisikal kaya ko ipinahayag ang ebanghelyo sa inyo sa unang pagkakataon. 14Kahit na inilagay kayo ng aking pisikal na kalagayan sa pagsubok, hindi ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip tinanggap ninyo ako tulad ng anghel ng Diyos, na para bang ako mismo si Cristo Jesus.
15Saan, samakatuwid, na ngayon ang inyong kaligayahan? Sapagkat aking pinatotohanan sa inyo na, kung maaari, dinukot na ninyo ang inyong mga sariling mga mata at ibinigay ang mga ito sa akin. 16Kaya noon, naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan sa inyo?
17Nagmamalasakit sila inyo, ngunit hindi sa ikabubuti. Gusto nila kayong ihiwalay sa akin para sumunod kayo sa kanila. 18Laging mabuti ang magmalasakit para sa mga mabubuting dahilan, at hindi lang kung ako ay nariyan na kasama ninyo.
19Maliliit kong mga Anak, ako ay nagdaranas muli ng sakit tulad ng babaing nanganganak para sa inyo hanggang si Cristo ay mabuo sa inyo. 20Gusto kong nariyan ako ngayon kasama ninyo at baguhin ang aking tono, dahil ako ay naguguluhan tungkol sa inyo.
21Sabihin ninyo sa akin, kayo na gustong magpasailalim sa kautusan, hindi ba ninyo narinig kung ano ang sinasabi ng kautusan? 22Sapagkat nasusulat na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa ay sa aliping babae at ang isa ay sa malayang babae. 23Gayunpaman, ang anak ng alipin ay ipinanganak sa laman, ngunit ang ipinanganak ng malayang babae ay ipinanganak sa pamamagitan ng isang pangako.
24Ang mga bagay na ito ay maipapaliwanag gamit ang talinghaga, sapagkat ang dalawang babaeng ito ay katulad ng dalawang kasunduan. Ang isa sa kanila ay mula sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak niya ang kaniyang mga anak na mga alipin. Ito ay si Hagar. 25Ngayon ang Hagar ay Bundok ng Sinai sa Arabia. Isinisimbolo niya ang kasalukuyang Jerusalem, sapagkat siya ay nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26Ngunit ang Jerusalem na nasa taas ay malaya, iyon ay, ang ating ina. 27Sapagkat nasusulat, "Magalak ka, ikaw na babaeng baog, ikaw na hindi nanganganak. Humiyaw ka at sumigaw sa kagalakan, ikaw na hindi pa nakakaranas ng panganganak. Sapagkat marami ang mga anak ng baog na babae, higit pa sa kaniya na may asawa."
28Ngayon, mga kapatid, katulad ni Isaac, ay mga anak ng pangako. 29Sa panahong iyon, siyang ipinanganak ayon sa laman ay inuusig siyang ipinanganak ayon sa Espiritu. Ganoon din ito ngayon.
30Ano ang sinasabi ng kasulatan? "Palayasin mo ang aliping babae at ang kaniyang anak. Sapagkat ang anak ng aliping babae ay hindi kasamang magmamana sa anak ng malayang babae." 31Samakatuwid, mga kapatid, tayo ay hindi mga anak ng isang aliping babae, ngunit, sa halip ng isang malayang babae.

5

1Para sa kalayaan kaya pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag kayong magpabitag muli sa ilalim ng kapangyarihan ng pagkabihag. 2Makinig kayo, ako si Pablo, ay nagsasabi sa inyo na kung kayo ay magiging tuli, walang kayong mapapakinabangan na anuman kay Cristo.

3Muli, pinatotohanan ko sa bawat tao na tuli, na mapipilitan kayong sundin ang buong kautusan. 4Nahiwalay kayo kay Cristo, kayong lahat na "pinawalang sala" sa pamamagitan ng kautusan. Lamayo kayo mula sa biyaya.
5Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu, sa pananampalataya, naghihintay tayo sa pag-asang tayo ay magiging matuwid. 6Hindi mahalaga kay Cristo ang pagtutuli. Ang pananampalataya lamang na gumagawa sa pamamagitan pag-ibig ang may halaga. 7Maganda ang pagtakbo ninyo noon. Sino ang pumipigil sa inyo sa pagtupad sa katotohanan? 8Ang paghikayat na gawin iyan ay hindi galing sa kaniya na tumawag sa inyo.
9Ang kaunting lebadura ay nakakaapekto sa buong minasang harina. 10May pananalig ako sa inyo sa Panginoon na hindi kayo mag-iisip ng kung ano pa man. Siya na nagdudulot ng kalituhan sa inyo ay magdadala ng kaniyang sariling hatol, sinuman siya.
11Mga kapatid, kung ipinahahayag ko parin ang pagtutuli, bakit inuusig parin ako? Kung ganoon nawasak na ang katitisuran ng krus. 12Nais ko sana na ang mga nangligaw sa inyo ay kapunin nila ang mga sarili nila.
13Sapagkat tinawag kayo ng Diyos, mga kapatid, sa kalayaan. Lamang ay huwag ninyong gamitin ang iyong kalayaan bilang pagkakataon para sa laman. Sa halip sa pamamagitan ng pag-ibig paglingkuran ninyo ang bawat isa. 14Sapagkat ang buong kautusan ay natupad sa isang utos; na "Dapat mong mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." 15Ngunit kung magkakagatan at magsasakmalan kayo, tingnan ninyo na hindi ninyo sinisira ang isa't isa.
16Sinasabi ko na, lumakad kayo sa Espiritu, at hindi ninyo matutupad ang hilig ng laman. 17Sapagkat malakas ang nasa ng laman laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay may malakas na nasa laban sa laman. Sapagkat ang mga ito ay laban sa isa't isa. Ang kinahinatnan ay hindi ninyo ginawa ang mga bagay ninais ninyong gawin. 18Ngunit kung ang Espiritu ang nangunguna sa inyo, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.
19Ngayon ang mga gawa ng laman ay nakikita. Ang mga ito ay ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, 20pagsamba sa mga diyus- diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aalitan, paninibugho, silkbo ng galit, pagkakatunggali, pagtatalo, pagkakahiwahiwalay sa mga sekta, 21pagka-inggit, paglalasing, kaguluhan ng dahil sa paglalasing, at iba pang mga katulad nito. Binabalaan ko kayo, tulad ng pagbabala ko sa inyo noon, na ang gumagawa ng mga ito ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.
22Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, kabaitan, pananampalataya, 23pagkamahinahon, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24Sila na nakay Cristo Jesus ay ipinako ang laman na kasama ang silakbo nito at masamang mga pagnanasa.
25Kung tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, tayo rin naman ay lumakad sa pamamagitan ng Espiritu. 26Huwag tayong maging mapagpahalaga sa sarili, galitin ang isa't isa o mainggit sa isa't isa.

6

1Mga kapatid, kung ang isang tao ay nahuli sa ilang pagkakasala, kayo na espiritwal ang dapat magpanumbalik sa taong iyon sa espiritu ng kahinahunan. Bantayan ninyo ang inyong sarili, upang hindi kayo matukso.   2Buhatin ninyo ang pasanin ng bawat isa, at nang sa gayon ay matupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

3Sapagkat kung sinuman ang nag-iisip na siya ay mahalaga gayong wala siyang halaga, nililinlang niya ang kaniyang sarili.   4Dapat suriin ng bawat isa ang kaniyang sariling gawa. At sa ganun mayroon na siyang maipagmayabang sa kaniyang sarili, na hindi kailangang ihambing pa ang kaniyang sarili sa iba.   5Sapagkat bubuhatin ng bawat isa ang kaniyang sariling pasanin.
6Ang taong tinuruan ng salita ay dapat ibahagi ang lahat na mabuting bagay sa guro.   7Huwag magpalinlang. Hindi madadaya ang Diyos. Anuman ang itinanim ng tao, iyon din ang kaniyang aanihin.   8Sapagkat siya na nagtanim ng butil sa kaniyang likas na kasamaan ay aani din ng kapahamakan, ngunit siya na nagtanim ng butil ng Espiritu, ay aani ng buhay na walang hanggan na galing sa Espiritu.
9Hindi tayo dapat mapagod sa paggawa ng mabuti, dahil sa takdang panahon magkakaroon tayo ng ani kung hindi tayo susuko.   10Kaya nga, kung magroon tayong pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa bawat isa. Magsigawa tayo ng mabuti lalo na sa mga nasa sambahayan ng pananampalataya.
11Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo sa aking sariling sulat-kamay. 12Silang naghahangad na makapagbigay kaluguran sa laman ang pumipilit sa inyo na magpatuli. Ginagawa lang nila ito upang hindi sila usigin tungkol sa krus ni Cristo.   13Sapagkat maging ang mga tuli ay hindi sinusunod ang kautusan. Sa halip, nais nila kayong matuli upang maipagmalaki nila ang patungkol sa inyong laman.
14Hindi sana mangyari na ako ay magmalaki maliban lang sa krus ng ating Panginoong Jesu- Cristo. Sa pamamagitan niya ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay sa sanlibutan.   15Sapagkat hindi mahalaga ang pagtutuli o hindi pagtutuli. Sa halip, ang bagong nilalang ang mahalaga.   16Sa lahat ng mga nabubuhay sa ganitong patakaran, sumakanila nawa ang biyaya at awa, at ganun din sa Israel ng Diyos.
17Mula ngayon wala ng manggugulo sa akin, sapagkat dala-dala ko ang mga marka ni Cristo sa aking katawan.   18Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo, mga kapatid. Amen.

Mga taga-efeso

1

1Ako si Pablo na Apostol ni Cristo ayon sa kalooban ng Diyos, para sa mga binukod sa Diyos na mga nasa Efeso at mga tapat kay Cristo Jesus. 2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

3Mapapurihan nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Pinagpala niya tayo ng bawat pagpapalang espirituwal kay Cristo sa kalangitan. 4Bago likhain ang sanlibutan, pinili na tayo ng Diyos na mga mananampalataya kay Cristo. Pinili niya tayo upang tayo ay maging banal at walang kapintasan sa kaniyang paningin.
5Dahil sa pag-ibig itinalaga tayo ng Diyos upang ampunin bilang kaniyang sariling mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ginawa niya ito sapagkat nasiyahan siyang gawin ang kaniyang nais. 6Ang naging resulta ay napapurihan ang Diyos sa kaniyang kamangha-manghang biyaya. Kusang loob niya itong ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pinakamamahal na anak.
7Sapagkat sa kaniyang pinakamamahal na anak, nagkaroon tayo ng katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan. Nagkaroon tayo nito dahil sa yaman ng kaniyang biyaya. 8Ginawa niyang masagana ang kaniyang biyaya para sa atin nang buong karunungan at kaalamann.
9Ipinaalam sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang nais na kaniyang ipinakita kay Cristo. 10Kapag naganap na ang panahon para sa kaniyang kalooban, sama-samang dadalhin ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa kay Cristo.
11Pinili tayo kay Cristo at napagpasyahan noon pa man. Ito ay ayon sa kalooban ng gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng layunin ng kaniyang kalooban. 12Ginawa ito ng Diyos upang tayo ay mamuhay sa pagpuri ng kaniyang kaluwalhatian. Tayo ang nauna na nagkaroon ng tiwala kay Cristo.
13Dahil kay Cristo kaya napakinggan din ninyo ang salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Dahil sa kaniya kayo rin ay nanampalataya at tinatakan sa pinangakong Banal na Espiritu. 14Ang Espiritu ang katibayan ng ating pamana hanggang sa makamtan ang pangako. Para ito sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.
15Dahil dito, mula noong panahon na napakinggan ko ang tungkol sa inyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at tungkol sa inyong pag-ibig sa mga binukod para sa kaniya, 16Hindi ako tumigil sa pagpapasalamat sa Diyos tungkol sa inyo at pagbanggit sa inyo sa aking mga panalangin.
17Ipinapanalangin ko na ang Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kaluwalhatian, ay magbigay sa inyo ng espiritu ng karunungan at kapahayagan ng kaniyang kaalaman. 18Ipinapanalangin ko na ang mga mata ng inyong puso ay maliwanagan upang malaman ninyo kung ano ang inaasahan ng ating pagkakatawag. Ipinapanalangin ko na malaman ninyo ang yaman ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa kanila na binukod para sa kaniya.
19Ipinapanalangin ko na malaman ninyo ang hindi masukat na kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan sa atin na mga nanampalataya. Ang kadakilaang ito ay ayon sa pagkilos sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan. 20Ito ang kapangyarihan na kumilos kay Cristo noong siya ay binuhay ng Diyos mula sa mga patay at pinaupo siya sa kaniyang kanang kamay sa kalangitan. 21Pinaupo niya si Cristo na pinakamataas sa lahat ng kapamahalaan, kapangyarihan, pamunuan, at bawat pangalan na pinangalanan. Pinaupo niya si Cristo hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa panahong darating.
22Pinailalim ng Dios ang lahat sa paanan ni Cristo. Ginawa niya siyang ulo sa lahat ng nasa iglesia. 23Ang iglesiya ay ang kaniyang katawan, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng mga bagay sa lahat ng mga kaparaanan.

2

1Para sa inyo, kayo ay mga patay sa inyong mga pagkakasala at mga kasalanan. 2Sa ganito rin kayo minsang lumakad ayon sa panahon ng mundong ito. Lumalakad kayo ayon sa kapangyarihan ng namumuno sa hangin. Ito ang kaniyang espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway. 3Tayong lahat ay minsan ding naging katulad ng mga hindi mananampalataya. Gumagawa tayo ayon sa mga masasamang nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang kagustuhan ng laman at ng isip. Likas tayong mga anak ng poot katulad ng iba.

4Ngunit sagana ang Diyos sa habag dahil sa kaniyang dakilang pagmamahal kung saan minahal niya tayo. 5Habang tayo ay patay sa pagkakasala, dinala niya tayo sa bagong buhay kay Cristo. Naligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. 6Magkakasama tayong binuhay ng Diyos at magkakasama tayong pinaupo ni Cristo Jesus sa kalangitan. 7Ginawa niya ito upang sa darating na panahon, maipakita niya sa atin ang kaniyang dakila at masaganang biyaya. Ipinakita niya ito sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kabutihan kay Cristo Jesus.
8Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. At hindi ito nagmula sa amin, kaloob ito ng Diyos. 9Hindi ito dahil sa mga gawa. Bilang resulta, walang sinuman ang maaaring magmalaki. 10Sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang gumawa ng mga mabubuting gawa. Ito ang mga gawa na matagal ng binalak ng Diyos para sa atin, upang makalakad tayo sa mga ito.
11Kaya tandaan ninyo na minsan kayo ay naging mga Gentil sa laman. Tinawag kayong "di tuli" sa tinatawag na pagtutuli sa laman na ginawa sa pamamagitan ng kamay ng mga tao. 12Sapagkat hiwalay kayo kay Cristo sa panahong iyon. Kayo ay mga dayuhan sa mga taga-Israel. Hindi kayo kilala sa tipan ng pangako. Wala kayong katiyakan tungkol sa hinaharap. Wala kayong Diyos sa mundo.
13Ngunit ngayon kay Cristo Jesus, kayong minsan na napalayo mula sa Diyos ay nailapit sa Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. 14Sapagkat siya ang ating kapayapaan. Ginawa niyang isa ang dalawa. Sa pamamagitan ng kaniyang laman sinira niya ang pader ng pagkakabaha-bahagi na humati sa atin, ang poot. 15Binuwag niya ang mga batas ng kautusan at mga alituntunin upang maaari siyang makalikha sa kaniyang sarili ng isang bagong tao. Gumawa siya ng kapayapaan. 16Ginawa niya ito upang ipagkasundo ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus. Sa krus inilagay niya sa kamatayan ang poot.
17Dumating si Jesus at nagpahayag ng kapayapaan sa inyo na mga nasa malayo at kapayapaan sa mga nasa malapit. 18Sapagkat sa pamamagitan ni Jesus mayroon tayo parehong daan sa iisang Espiritu patungo sa Ama.
19Kaya ngayon kayong mga Gentil hindi na kayo mga dayuhan at hindi kilala. Sa halip kayo ay mga kapwa mamamayan kasama ng mga pinili para sa Diyos at mga kasapi ng sambahayan ng Diyos. 20Itinayo kayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta. Si Cristo Jesus ang batong panulukan. 21Sa kaniya nagkakaugnay-ugnay ang buong gusali at lumalago bilang isang templo sa Panginoon. 22Dahil sa kaniya kaya kayo din ay magkakasamang itinayo bilang isang tahanan para sa Diyos sa Espiritu.

3

1Dahil dito, akong si Pablo ay bilanggo ni Cristo Jesus alang-alang sa inyo mga Gentil. 2Marahil narinig na ninyo ang gawain tungkol sa biyaya ng Diyos na binigay niya sa akin para sa inyo.

3Nagsusulat ako ayon sa pahayag na ipinaalam sa akin. Ito ang nakatagong katotohanan na sinulat ko ng bahagya sa isa ko pang sulat. 4Kung mababasa ninyo ang tungkol dito, maiintindihan ninyo ang aking pagkaunawa sa nakatagong katotohanan patungkol kay Cristo. 5Sa ibang mga salinlahi hindi ipinaalam ang katotohanang ito sa sangkatauhan. Ngunit ngayon ipinahayag ito ng Espiritu sa kaniyang mga banal na mga apostol at propeta.
6Ang nakatagong katotohanang ito ay ang mga Gentil ay kabahagi at kaanib ng katawan. Kabahagi sila sa pangako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo. 7Dahil dito naging lingkod ako sa pamamagitan ng biyayang kaloob ng Diyos na ibinigay sa akin sa pamamagitan ng pagkilos ng kaniyang kapangyarihan.
8Ibinigay ng Diyos ang kaloob na ito sa akin, kahit na ako ang pinakahamak sa mga pinili ng Diyos. Ang kaloob na ito ay dapat kong ipahayag sa mga Gentil ang ebanghelyo ng hindi masukat na kayamanan ni Cristo. 9Kailangan kong paliwanagan ang lahat ng mga tao patungkol sa lihim na plano ng Diyos. Ito ang plano na nilihim ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay noong una pang panahon.
10Ito ay upang sa pamamagitan ng iglesia, ang mga tagapamuno at mga may kapangyarihan sa kalangitan ay malaman ang maraming panig ng katangian ng karunungan ng Diyos. 11Mangyayari ito ayon sa walang hanggang plano na tinupad niya kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
12Sapagkat dahil kay Cristo mayroon tayong lakas ng loob at kakayahang makalapit sa kaniya nang may tiwala dahil sa ating pananampalataya sa kanya. 13Kaya hinihingi ko sa inyo na huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa aking mga pagdurusa para sa inyo. Ito ang inyong karangalan.
14Dahil dito lumuluhod ako sa Ama, 15kung saan nagmula ang bawat pamilya sa langit at sa lupa. 16Ipinapanalangin ko na pagkalooban kayo ayon sa kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na mapalakas kayo ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na nasa inyo.
17Ipinapanalangin ko na manahan si Cristo sa mga puso ninyo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ipinapanalangin ko na mag-ugat at maging matatag kayo sa kaniyang pag-ibig. 18Nawa nasa pag-ibig niya kayo upang maunawaan ninyo, kasama ng lahat ng nananampalataya, kung gaano kalawak, kahaba, kataas at kalalim ang pag-ibig ni Cristo. 19Ipinapanalangin ko na malaman niyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ni Cristo na higit sa kaalaman. Nawa gawin ninyo ito upang mapuno kayo ng kapuspusan ng Diyos.
20Ngayon sa kaniya na kayang gumawa ng lahat, higit pa sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kaniyang kapangyarihan na kumikilos sa atin, 21sa kaniya ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi magpakailan man. Amen.

4

1Kaya, bilang bilanggo sa Panginoon, nakikiusap ako sa inyo na lumakad kayo ng karapat-dapat sa pagkatawag sa inyo ng Diyos. 2Mamuhay kayo nang may buong pagpapakumbaba at pagkamahinahon at katiyagaan. Tanggapin ninyo nang may pagmamahal ang bawat isa.   3Pagsikapan ninyong manatili ang pagkakaisa sa Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.

4May iisang katawan at iisang Espiritu, katulad din nang pagtawag sa inyo sa iisang pananalig na inaasahan ng iyong pagkatawag.   5At may iisang Panginoon, iisang pananampalataya, iisang bautismo,   6at iisang Diyos at Ama ng lahat. Siya ay higit sa lahat at kumikilos sa lahat at nananatili sa lahat.
7Binigyan ang bawat-isa sa atin ng kaloob ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo.   8Katulad ng sinabi sa kasulatan: "Noong umakyat siya sa itaas, dinala niya ang mga bihag sa pagkabihag. Nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao."
9Ano ang kahulugan ng "Umakyat siya," maliban nalang kung bumaba rin siya sa kailaliman ng mundo?   10Siya na bumaba ay siya ring umakyat sa ibabaw ng buong kalangitan. Ginawa niya ito upang maaari niyang punuin ang lahat ng mga bagay.
11Nagbigay si Cristo ng mga kaloob katulad ng mga ito: pagka- apostol, pagka-propeta, pagka-ebanghelista, pagka-pastor at pagka-guro.   12Ginawa niya ito upang ihanda ang mga mananampalataya sa paglilingkod at sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.   Ginagawa niya ito hanggang sa maabot natin ang pagkakaisa sa pananampalataya at kaalaman sa Anak ng Diyos. 13Ginagawa niya ito hanggang sa maging ganap tayo na katulad ni Cristo.
14Upang hindi na tayo maging tulad ng mga bata. Upang hindi na tayo maligaw. Upang hindi na tayo madala palayo sa bawat hangin ng katuruan, sa pandaraya ng mga tao sa pamamagitan ng matalas na pag-iisip ng kamalian at panlilinlang. 15Sa halip, sabihin natin ang katotohanan na may pag-ibig at lumago sa lahat ng paraan sa kaniya na ulo, si Cristo.   16Pinag-ugnay ni Cristo ang buong katawan ng mananampalataya. Hinahawakan ito sa pamamagitan ng umaalalay na litid upang ang buong katawan ay lumago at tumibay sa pag-ibig.
17Kaya, sinasabi ko ito, at pinapayuhan ko kayo sa Panginoon: huwag na kayong lumakad na katulad ng mga Gentil na lumalakad sa karumihan ng kanilang mga isipan.   18Masama ang kanilang pag-iisip. Napalayo sila sa buhay na nasa Diyos dahil sa kamangmangan na nasa kanila dahil sa pagmamatigas ng kanilang mga puso.   19Hindi sila nakakaramdam ng kahihiyan. Ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan sa malalaswang mga gawa, sa lahat ng uri ng kalabisan.
20Ngunit hindi ganito ang natutunan ninyo patungkol kay Cristo.   21Iniisip kong narinig na ninyo ang patungkol sa kaniya. Iniisip kong naturuan na kayo patungkol sa kaniya, dahil na kay Jesus ang katotohanan. 22Dapat ninyong hubarin ang naaayon sa dati ninyong gawain, ang dating pagkatao. Ito ay ang dating pagkatao na nabubulok dahil sa mapanlinlang na pagnanasa.
23Hubarin ninyo ang dating pagkatao upang mabago ang espiritu ng inyong pag-iisip.   24Gawin ninyo ito upang maisuot ninyo ang bagong pagkatao, na naaayon sa Diyos. Nilikha ito sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.
25Kaya nga alisin ninyo ang kasinungalingan. "Magsalita ng katotohanan, ang bawat isa sa kaniyang kapwa," sapagkat kabahagi tayo ng bawat isa.   26"Magalit kayo, ngunit huwag kayong magkasala." Huwag ninyong hayaan na lumubog ang araw sa inyong galit.   27Huwag mong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
28Sino man ang nagnanakaw ay hindi na dapat magnakaw. Sa halip, kailangan niyang magpagal. Kailangan niyang magtrabaho gamit ang kaniyang mga kamay, upang makatulong sa tao na nangangailangan.   29Dapat walang lalabas na masamang salita sa inyong bibig. Sa halip, dapat mga salitang may pakinabang ang lalabas sa inyong bibig, upang magbigay ng pakinabang sa mga nakikinig.   30At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos. Dahil sa kaniya kayo ay tinatakan para sa araw ng katubusan.
31Dapat ninyong alisin ang lahat ng sama ng loob, poot, galit, pagtatalo, at pang-iinsulto, kasama ang lahat ng uri ng kasamaan.   32Maging mabuti sa isa't-isa. Maging mahabagin. Patawarin ang isa't-isa, katulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

5

1Kaya tularan ninyo ang Diyos, bilang kaniyang mga minamahal na anak. 2At lumakad sa pag-ibig, katulad ng pagmamahal ni Cristo sa atin at pagbigay ng kaniyang sarili sa atin. Siya ay naging alay at handog na naging kalugod-lugod sa Diyos.

3Ang sekswal na imoralidad o ano mang karumihan o mapag-imbot na kaisipan ay hindi dapat nababanggit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga mananampalataya. 4Hindi rin dapat mabangit ang kalaswaan, walang kabuluhang pananalita, o mga pagbibirong nakakainsulto. Sa halip pagpapasalamat.
5Sapagkat matitiyak ninyo na walang nakikiapid, marumi, o sakim na tao, na sumasamba sa diyus-diyosan ang magkaroon ng kahit na anong mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. 6Huwag hayaang may tao na manlinlang sa inyo ng mga salitang walang laman. Dahil sa mga bagay na ito ang galit ng Diyos ay darating sa mga anak ng pagsuway. 7Kaya huwag kayong makibahagi sa kanila.
8Sapagkat noon kayo ay kadiliman, ngunit ngayon kayo ay kaliwanagan sa Panginoon. Kaya lumakad kayo bilang mga anak ng liwanag. 9Sapagkat ang bunga ng liwanag ay napapalooban ng lahat ng kabutihan, katuwiran, at katotohanan. 10Pag-aralan ninyo kung ano ang kalugod-lugod sa Panginoon. 11Huwag makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng kadiliman. Sa halip, ihayag iyon. 12Sapagkat ang mga ginagawa nila ng lihim ay labis na kahiya-hiya maging ang paglalarawan nito.
13Lahat ng mga bagay, kapag ito ay naihayag sa liwanag ay nabubunyag. 14Sapagkat ang lahat na naihayag ay nagiging liwanag. Kaya sinasabi, "Gumising, kayo mga natutulog at bumangon mula sa mga patay at magliliwanag sa inyo si Cristo."
15Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo lumakad, hindi tulad ng mangmang na mga tao kundi katulad ng matalino. 16Samantalahin ninyo ang panahon sapagkat ang mga araw ay masama. 17Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18At huwag magpakalasing sa alak, sapagkat hahantong ito sa pagkasira. Sa halip, mapuspos kayo ng Banal na Espiritu. 19Mangusap kayo sa isat-isa sa mga salmo at mga himno at mga espiritwal na mga awitin. Umawit at magpuri sa inyong mga puso sa Panginoon. 20Magpasalamat lagi sa Diyos Ama sa lahat ng bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 21Magpasakop kayo sa isa't isa tanda ng paggalang kay Cristo.
22Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, gaya sa Panginoon. 23Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng babae, tulad ni Cristo na siyang ulo ng Iglesia. Siya ang tagapagligtas ng katawan. 24Ngunit kung papaanong ang Iglesia ay nagpapasakop kay Cristo, gayon din naman ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng bagay.
25Mga asawang lalaki ibigin ninyo ang inyong mga asawa katulad din ng pagmamahal ni Cristo sa Iglesia at ibinigay ang kaniyang sarili sa kanya. 26Ginawa niya ito upang gawin siyang banal. Nilinis niya ito sa pamamagitan ng paghugas ng tubig sa salita. 27Ginawa niya ito upang maiharap sa kaniya ang isang maluwalhati na Iglesia na walang dungis o kulubot o ano mang katulad nito, ngunit sa halip banal at walang kamalian.
28Gayon din naman, ang mga asawang lalaki ay kailangang mahalin ang kanilang sariling asawa katulad ng sarili nilang katawan. Ang nagmamahal sa kaniyang sariling asawa ay nagmamahal din sa Kaniyang sarili. 29Walang tao ang nagagalit sa kaniyang sariling katawan. Sa halip, inaalagaan niya ito at minamahal katulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia. 30Sapagkat tayo ay mga bahagi ng kaniyang katawan.
31Dahil dito iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikiisa sa kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman." 32Ito ay nakatagong dakilang katotohanan, subalit ako ay nagsasalita patungkol kay Cristo at sa iglesia. 33Gayon pa man, ang bawat isa sa inyo ay kinakailangang mahalin ang kaniyang sariling asawa tulad ng kaniyang sarili, at ang asawang babae ay kinakailangang igalang ang kaniyang asawa.

6

1Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang tama. 2"Igalang mo ang inyong ama at ina" (na siyang unang kautusan na may pangako), 3"upang maaari itong maging mabuti sa inyo at maaaring mabuhay kayo ng mahaba dito sa mundo."

4At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.
5Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong mga panginoon sa lupa na may kasamang malalim na paggalang at pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso. Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo. 6Maging masunurin hindi lamang tuwing nakatingin ang inyong mga panginoon para lang malugod sila. Sa halip, maging masunurin kayo gaya ng alipin ni Cristo. Gawin ninyo ang kalooban ng Diyos mula sa inyong puso. 7Maglingkod kayo ng buong puso, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 8Dapat ninyong malaman na anumang mabuting gawa ang ginagawa ng bawat tao, makakatanggap siya ng gantimpala mula sa Panginoon, alipin man siya o malaya.
9At kayo mga amo, gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan. Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit. Alam ninyo na wala siyang tinatangi.
10Sa wakas, magpakatatag kayo sa Panginoon at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan. 11Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maaari ninyong malabanan ang mga mapanlinlang na mga balak ng diablo.
12Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo. Sa halip, ito ay laban sa pamahalaan at kapangyarihang espiritwal at mga tagapamahala ng kaharian ng masamang kadiliman, laban sa mga masasamang espiritu sa kalangitan. 13Kaya isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang manatili kayong matatag laban sa masama sa panahong ito ng kasamaan. Pagkatapos ninyong gawin ang lahat ng bagay, magiging matatag kayo.
14Kaya nga magpakatatag kayo. Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong maisuot ang sinturon ng katotohanan at maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran. 15Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong mailagay sa inyong mga paa ang kahandaan sa pagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan. 16Sa lahat ng kalagayan kunin ang kalasag ng pananampalataya, kung saan tutupukin ang lahat ng naglalagablab na pana ng masama.
17At kunin ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang espada ng Espiritu, ang salita ng Diyos. 18Manalangin kayo sa lahat ng oras ng may panalangin at paghingi. Magbantay kayong lagi ng may buong pagtitiyaga at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya.
19At ipanalangin ninyo ako na maibigay sa akin ang mensahe kapag binukas ko ang aking bibig. Ipanalangin ninyo na maipaalam ko nang may katapangan ang nakatagong katotohanan tungkol sa ebanghelyo. 20Para ito sa ebanghelyo kaya ako kinatawan na naka-tanikala, upang sa ganito makapagsalita ako nang may katapangan kung ano ang nararapat kong sabihin.
21Ngunit upang inyo ding malaman ang aking mga ginagawa at kung ano ang kalagayan ko, si Tiquico, ang minamahal na kapatid at tapat na alipin sa Panginoon ang magpapaunawa sa inyo ng lahat. 22Pinadala ko siya sa inyo para sa layuning ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang maaliw niya ang inyong mga puso.
23Mapasainyo nawa mga kapatid ang kapayapaan, at pag-ibig na may kasamang pananampalataya mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 24Mapasainyo nawa ang biyaya sa mga nagmamahal sa ating Panginoong Jesu-Cristo na may pag-ibig na hindi kumukupas.

Mga taga-filipos

1

1Mula kina Pablo at Timoteo, mga lingkod ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga nailaan kay Cristo Jesus na nasa Filipos, kasama ang mga tagapangasiwa at mga diakono. 2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

3Nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa bawat ala-ala ninyo. 4Sa bawat panalangin ko para sa inyong lahat, palagi akong nananalangin nang may kagalakan. 5Nagpapasalamat ako sa inyong pakikiisa sa ebanghelyo mula sa unang araw hanggang sa ngayon. 6Nagtitiwala ako sa bagay na ito, na ang nagsimula ng mabuting gawain sa inyo ay ipagpapatuloy na tapusin ito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.
7Tama para sa akin na maramdaman ang ganito tungkol sa inyong lahat dahil kayo ay nasa puso ko. Naging kasama ko kayong lahat sa biyaya pati sa aking pagkakakulong at sa aking pagtatanggol at pagpapatunay ng ebanghelyo. 8Sapagkat ang Diyos ang aking saksi, kung paano ko pinananabikan na makasama kayong lahat sa kalaliman ng pag-ibig ni Cristo Jesus.
9At ipinapanalangin ko ito: na ang inyong pag-ibig ay lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pang-unawa. 10Ipinapanalangin ko ito upang masubukan ninyo at mapili ang mga bagay na mahusay. Ipinapanalangin ko ito upang kayo ay maging tapat at walang sala sa araw ni Cristo. 11Ito rin ay upang mapuno kayo ng bunga ng katuwiran na dumarating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sa kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos.
12Ngayon, nais kong malaman ninyo mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nagbunga ng mabilis na paglaganap ng ebanghelyo. 13Dahil ang aking pagkabilanggo dahil kay Cristo ay nalaman ng mga bantay sa buong palasyo at ng lahat. 14At nahimok ang halos lahat ng mga kapatid sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo na maglakas-loob na ipahayag ang salita nang walang takot.
15Tunay na inihahayag ng iba si Cristo dahil sa inggit at alitan, at ang iba naman ay dahil sa mabuting kalooban. 16Ang mga naghahayag kay Cristo dahil sa pag-ibig ay nalalaman na inilagay ako dito upang ipagtanggol ang ebanghelyo. 17Ngunit ipinapahayag ng iba si Cristo dahil sa makasarili at hindi tapat na mga dahilan. Iniisip nilang mapapahirapan nila ako habang nasa kulungan.
18Ano naman? Sa alinmang paraan maging sa pagkukunwari o sa katotohanan, naihahayag si Cristo, at dahil dito nagagalak ako! Oo, ako ay magagalak. 19Sapagkat alam kong magdudulot ito sa akin ng paglaya. Mangyayari ito dahil sa inyong mga panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo.
20Naaayon ito sa aking matibay na inaasahan at kasiguraduhan na hindi ako mapapahiya. Sa halip, inaasahan kong maitataas si Cristo sa aking katawan, sa buhay man o sa kamatayan nang may buong tapang, na lagi naman at maging sa ngayon. 21Sapagkat para sa akin, ang mabuhay ay kay Cristo at ang mamatay ay kapakinabangan.
22Ngunit kung ang mabuhay sa laman ay magdudulot ng bunga sa aking paghihirap, kung gayon hindi ko alam kung ano ang pipiliin. 23Sapagkat naguguluhan ako sa dalawang pagpipilian na ito. Gusto ko nang mamatay at makasama si Cristo, kung saan iyon ang pinakamabuti! 24Ngunit ang manatili sa laman ay mas kinakailangan para sa inyong kapakanan.
25Dahil nakatitiyak ako tungkol dito, alam kong mananatili ako at magpapatuloy na kasama ninyong lahat, para sa inyong paglago at kagalakan sa pananampalataya. 26Bilang resulta, ang pagluluwalhati ninyo kay Cristo Jesus dahil sa akin ay mananagana, dahil sa muli kong presensya sa inyo. 27Mamuhay lamang kayo na karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo. Gawin ninyo ito upang kahit darating ako para makita kayo o kung wala ako, marinig ko sana ang tungkol sa kung paano kayo tumatayong matibay sa iisang espiritu. Ninanais kong marinig na kayo ay nasa iisang kaluluwa na magkakasamang nagsisikap para sa pananampalataya ng ebanghelyo.
28At huwag kayong matakot sa anumang ginawa ng inyong mga kaaway. Para sa kanila, tanda ito ng kanilang pagkawasak. Ngunit para sa inyo, tanda ito ng inyong kaligtasan, at ito ay nagmula sa Diyos. 29Sapagkat ipinagkaloob na ito para sa inyo, alang-alang kay Cristo, hindi lamang para maniwala sa kaniya, ngunit para magdusa rin para sa kaniya. 30Sapagkat kayo ay may laban na gaya ng nakita ninyo sa akin, at naririnig ninyo na mayroon ako ngayon.

2

1Kung gayon, kung mayroon man kasiglahan kay Cristo. Kung mayroon man kaginhawahan mula sa kaniyang pagmamahal. Kung mayroon man pakikiisa sa Espiritu. Kung mayroon man mga mahinahong awa at habag. 2Gawing ganap ang aking kasiyahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang pag-iisip, pagkakaroon ng parehong pagmamahal, nagkaisa sa espiritu, at sa pagkakaroon ng parehong layunin.

3Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas. Sa halip ay ituring ninyo nang may kababaang-loob ang iba na higit kaysa sa inyong sarili. 4Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan, ngunit pati na rin ang pangangailangan ng iba.
5Mag-isip kayo tulad ng kay Cristo Jesus. 6Nabuhay siya sa anyo ng Diyos, ngunit hindi niya itinuring ang kaniyang pagkakapantay sa Diyos bilang isang bagay na dapat niyang panghawakan. 7Sa halip, tinanggalan niya ng kapakanan ang kaniyang sarili. Nag-anyo siya bilang isang tagapaglingkod. Nagpakita siyang kawangis ng mga tao. Nakita siya bilang anyong tao. 8Ibinaba niya ang kaniyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan, ang kamatayan sa krus.
9Kung kaya't lubos siyang itinaas ng Diyos. Siya ay binigyan niya ng pangalan na nakahihigit sa lahat ng pangalan. 10Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa. 11Ginawa niya ito upang ang lahat ng labi ay magsasabing si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.
12Kaya, mga minamahal ko, tulad ng inyong palaging pagsunod, hindi lamang sa panahong kasama ninyo ako, ngunit mas higit pa ngayong hindi ninyo ako kasama, pagsikapan ninyo ang inyong kaligtasan nang may takot at panginginig. 13Sapagkat ang Diyos na parehong kumikilos sa inyo upang naisin at gawin ninyo ang ipinagagawa niya alang-alang sa kaniyang ikasisiya.
14Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagrereklamo at pagtatalo. 15Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay maging walang kapintasan at tapat na mga anak ng Diyos na walang dungis. Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay magningning tulad ng mga liwanag sa mundo, sa gitna ng baluktot at bulok na salinlahi. 16Ipahayag ninyo ang salita ng buhay nang sa gayon ay may dahilan ako upang magluwalhati sa araw ni Cristo. Doon ko malalaman na hindi ako tumatakbo ng walang kabuluhan o gumagawa ng walang kabuluhan.
17Ngunit kahit na ibinuhos ako bilang isang alay sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, nagagalak ako, at nagagalak ako kasama ninyong lahat. 18Sa ganitong paraan nagagalak din kayo, at nagagalak kasama ko.
19Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na agad niyang ipadala si Timoteo sa inyo, nang sa gayon ay mapalakas din ang aking loob kapag nalaman ko ang mga bagay tungkol sa inyo. 20Sapagkat walang ibang taong may katulad ng ugali niya, na tunay na sabik sa inyo. 21Sapagkat lahat sila ay naghahanap ng kani-kaniyang kapakinabangan, hindi ang mga bagay na kay Jesu-Cristo.
22Ngunit alam ninyo ang kaniyang halaga, dahil tulad ng isang anak na naglilingkod sa kaniyang ama, kaya naglingkod din siya kasama ko sa ebanghelyo. 23Kaya umaasa akong ipadadala siya sa oras na makita ko kung paano magaganap ang mga bagay sa akin. 24Ngunit nagtitiwala ako sa Panginoon na ako, sa aking sarili ay nalalapit na ring makarating.
25Ngunit sa tingin ko ay kinakailangang ipadala muli si Epafrodito pabalik sa inyo. Kapatid ko siya, kapwa manggagawa, at kapwa kawal, at inyong mensahero at lingkod para sa aking mga pangangailangan. 26Sapagkat labis siyang nabalisa, at ninais niyang makasama kayong lahat, dahil nalaman ninyo na siya ay may sakit. 27Sa katunayan, malubha ang kaniyang karamdaman na halos ikamatay niya. Ngunit naawa ang Diyos sa kaniya, at hindi lamang sa kaniya, ngunit pati na rin sa akin, nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang aking kalungkutan ng isa pang kalungkutan.
28Kung kaya mas nakasasabik na ipadadala ko siya, nang sa gayon kung makita ninyo siyang muli ay maaari kayong magalak at ako ay higit na makakalaya sa pagkabalisa. 29Tanggapin ninyo si Epafrodito sa Panginoon ng may buong galak. Parangalan ninyo ang mga taong katulad niya. 30Sapagkat dahil sa gawain para kay Cristo kaya siya nalapit sa bingit ng kamatayan. Itinaya niya ang kaniyang buhay upang mapaglingkuran ako at mapunuan ang hindi ninyo kayang gawin sa paglilingkod sa akin.

3

1Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Para sa akin, hindi kaabalahan ang isulat muli ang parehong mga bagay na ito sa inyo. Pananatilihin kayong ligtas ng mga bagay na ito. 2Mag-ingat kayo sa mga asal aso. Mag-ingat kayo sa mga gumagawa ng masama. Mag-ingat kayo sa mga paninira. 3Sapagkat tayo ang pagtutuli. Tayo na sumasamba sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Tayo na ipinagmamalaki si Cristo Jesus at walang anumang pagtitiwala sa laman.

4Gayunpaman, ako sa aking sarili ay maaaring magkaroon ng pagtitiwala sa laman. Kung iniisip ninuman na siya ay may pagtitiwala sa laman, maaari akong magkaroon ng higit pa. 5Tinuli ako noong ika-walong araw. Ipinanganak ako sa lahi ng Israel, sa lipi ni Benjamin. Ipinanganak akong isang Hebreo ng mga Hebreo. Bilang paggalang sa kautusan, ipinanganak akong isang Pariseo.
6Masigasig kong inusig ang iglesiya. Bilang paggalang sa katuwiran ng batas, wala akong sala. 7Ngunit anumang mga bagay na nagbigay karangalan sa akin, itinuring kong gaya ng mga basura dahil kay Cristo.
8Sa katunayan, ngayon ay itinuring ko ang lahat ng bagay na walang kabuluhan dahil sa kahusayan ng kaalaman ni Cristo Jesus na aking Panginoon. Binalewala ko ang lahat ng bagay para sa kaniya. Itinuring kong gaya ng mga basura ang mga ito upang makamtan ko si Cristo 9at matagpuan ako sa kaniya. Wala akong katuwiran sa aking sarili mula sa kautusan. Sa halip, mayroon akong katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang mula sa Diyos ayon sa pananampalataya. 10Kaya ngayon, nais kong makilala siya at ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at maging kabahagi sa kaniyang mga pagdurusa. Nais kong mabago sa pamamagitan ni Cristo tungo sa larawan ng kaniyang kamatayan, 11upang kahit papaano maaari kong maranasan ang muling pagkabuhay sa mga patay.
12Hindi totoo na natanggap ko na ang mga bagay na ito, o ako ay naging isang ganap. Ngunit nagsumikap ako upang aking matanggap ang anumang natanggap ko sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 13Mga kapatid, hindi ko iniisip na natanggap ko na ito. Ngunit mayroong isang bagay, kinakalimutan ko kung ano ang nakalipas at pinagsisikapan ko kung ano ang nasa hinaharap. 14Nagpatuloy ako sa layunin upang makamit ang gantimpala ng pagkatawag ng Diyos, kay Cristo Jesus.
15Lahat tayong mga matatag na, mag-isip tayo sa ganitong paraan. At kung iba ang paraan ng inyong pag-iisip tungkol sa anumang bagay, ipahahayag din iyon ng Diyos sa inyo. 16Gayunpaman, anuman ang ating nakamit, lumakad tayo sa maayos na paraang naaayon dito.
17Tularan ninyo ako, mga kapatid. Tingnan ninyong mabuti ang mga lumalakad sa pamamagitan ng mga halimbawang mayroon kayo sa amin. 18Marami ang lumalakad, sila ang mga madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon sinasabi ko sa inyo na may kasamang pagluha—marami ang lumalakad bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19Kapahamakan ang kanilang patutunguhan. Sapagkat ang diyos nila ay ang kanilang sikmura, at ang kanilang pagmamalaki ay nasa kanilang kahihiyan. Iniisip nila ang tungkol sa mga makamundong bagay.
20Ngunit ang ating pagkamamamayan ay sa langit, kung saan naghihintay rin tayo sa isang tagapagligtas na ang Panginoong Jesu-Cristo. 21Babaguhin niya ang ating mga katawang lupa upang maging mga katawang binuo gaya ng kaniyang maluwalhating katawan, binuo sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang kapangyarihan upang mapasailalim sa kaniya ang lahat ng bagay.

4

1Kaya nga, minamahal kong mga kapatid na aking kinasasabikan, aking kagalakan at korona. Sa paraang ito, manatili kayong matatag sa Panginoon, mga minamahal kong kaibigan. 2Nagsusumamo ako kay Euodia, at kay Sintique na magkaroon ng parehong pag-iisip sa Panginoon. 3Katunayan, hinihiling ko rin sa iyo, tunay kong kamanggagawa, tulungan mo ang mga babaeng ito. Sapagkat sila ang kasama kong nagsikap sa pagpapalaganap ng ebanghelyo kasama si Clemente at iba pang mga kapwa ko manggagawa, kung saan ang mga pangalan ay nasa aklat ng buhay.

4Magalak lagi sa Panginoon. Muli kong sasabihin, magalak. 5Hayaan ninyong makita ng lahat ng tao ang inyong kahinahunan. Malapit lamang ang Panginoon. 6Huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hayaan ninyong malaman ng Panginoon ang inyong mga kahilingan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7At ang kapayapaan ng Diyos na humihigit sa lahat ng pang-unawa, ang mag-iingat sa inyong mga puso at isipan kay Cristo Jesus.
8Sa wakas, mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, marangal, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig, may mabuting ulat, kung may mga bagay na mahusay at dapat papurihan, isipin ang mga bagay na ito. 9Ang mga bagay na natutunan at natanggap ninyo, narinig at nakita ninyo sa akin, gawin ang mga bagay na ito. Gawin ninyo ang mga bagay na inyong natutunan, natanggap, narinig at nakita sa akin. At sasainyo ang Diyos ng kapayapaan.
10Lubos akong nagagalak sa Panginoon dahil sa wakas ay binago ninyo ang inyong pagpapahalaga para sa akin. Bagama't pinahalagahan ninyo ako noon ngunit wala kayong pagkakataon para tumulong. 11Hindi ko sinasabi ang mga ito para sa aking mga pangangailangan. Sapagkat natutunan ko ang masiyahan sa lahat ng pangyayari. 12Alam ko kung paano mangailangan at alam ko rin kung paano magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay, natutunan ko ang lihim kung paano parehong kumain ng marami at magutom, paano parehong managana at mangailangan. 13Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.
14Gayunpaman, ginawa ninyo ang mabuti sa pakikibahagi sa aking mga paghihirap. 15At alam ninyo, kayong mga taga-Filipos, na sa simula ng ebanghelyo, nang umalis ako sa Macedonia, walang iglesya ang tumulong sa akin sa bagay ng pagbibigay at pagtatanggap maliban sa inyo lamang. 16Kahit nang ako ay nasa Tesalonica, nagpadala kayo ng tulong para sa aking mga pangangailangan ng higit sa isang beses. 17Hindi sa hinahanap ko ang kaloob. Sa halip, hinahanap ko ang bunga na nagpapataas ng inyong halaga.
18Nakatanggap at nagkaroon ako ng lahat bagay. Napuno ako. Natanggap ko mula kay Epafroditus ang mga bagay na galing sa inyo. Ang mga ito ay mababangong samyo, katanggap-tanggap at kalugod-lugod na handog sa Diyos. 19At ang aking Diyos ang magpupuno ng inyong mga pangangailangan ayon sa kaniyang mga kayamanan at kaluwalhatian kay Cristo Jesus. 20Ngayon, nawa'y sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
21Batiin ninyo ang bawat mananampalataya kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kasamahan kong mananampalataya. 22Binabati kayo ng lahat ng mananampalataya dito, lalo na ang mga nasa sambahayan ni Ceasar. 23Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo.

Mga taga-colosas

1

1Ako si Pablo, isang apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at si Timoteo na ating kapatid, 2sa mga mananampalataya at tapat na mga kapatid kay Cristo na nasa Colosas. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa ating Diyos Ama. 3Kami ay nagpapasalamat sa Diyos, ang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at kami ay laging nananalangin para sa inyo.

4Nabalitaan namin ang inyong pananampalataya kay Cristo Jesus at ang pag-ibig na mayroon kayo para sa lahat ng mga inilaan sa Diyos. 5Taglay ninyo ang pag-ibig na ito dahil sa tiyak na pag-asang nakalaan para sa inyo sa kalangitan. Narinig ninyo ang tiyak na pag-asang ito noon sa salita ng katotohanan, ang ebanghelyo 6na nakarating sa inyo. Ang ebanghelyo na ito ay namumunga at lumalago sa buong mundo. Ginagawa rin ito sa inyo mula sa araw na narinig ninyo ito at natutunan ang tungkol sa biyaya ng Diyos sa katotohanan.
7Ito ang ebanghelyo na natutunan ninyo kay Epafras, ang ating minamahal na kapwa-lingkod, na isang tapat na lingkod ni Cristo sa ngalan namin. 8Ipinaalam sa amin ni Epafras ang inyong pag-ibig sa Espiritu.
9Dahil sa pag-ibig na ito, mula sa araw na narinig namin ito, hindi kami tumigil na manalangin para sa inyo. Hinihiling namin na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban sa lahat ng karunungan at pang-unawang espirituwal. 10Ipinapanalangin namin na lumakad kayo na karapat- dapat sa Panginoon sa mga kalugod-lugod na paraan. Ipinapanalangin namin na mamunga kayo sa bawat mabubuting gawa at ng lumago kayo sa inyong kaalaman sa Diyos.
11Ipinapanalangin namin na mapalakas kayo sa bawat kakayahang naaayon sa kapangyarihan ng kaniyang kaluwalhatian tungo sa lahat ng pagtitiyaga at pagtitiis. 12Ipinapanalangin namin na kayo ay magpapasalamat ng may galak sa Ama, na siyang nagkaloob sa inyo na makibahagi sa mga kayamanan ng mga mananampalataya sa liwanag.
13Sinagip niya tayo mula sa pamamahala ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kaniyang minamahal na Anak. 14Sa kaniyang Anak mayroong tayong katubusan, ang kapatawaran ng mga kasalanan.
15Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha. 16Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, ang mga nasa langit at ang mga nasa lupa, ang mga nakikita at ang mga hindi nakikita. Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya. 17Siya ang una sa lahat ng mga bagay, at sa kaniya ang lahat ng bagay ay nagkakaugnay.
18At siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya. Siya ang simula at ang unang anak mula sa mga patay, kaya siya ang pangunahin sa lahat ng mga bagay. 19Sapagkat ang Diyos ay nalugod na ang kaniyang kaganapan ay nararapat na mamuhay sa kaniya, 20at upang ipagkasundo sa kaniya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Anak. Gumawa ang Diyos ng kapayapaan sa pamamagitan ng kaniyang dugo sa krus. Ipinagkasundo ng Diyos ang lahat ng bagay sa kaniyang sarili, maging ang mga bagay sa lupa o ang mga bagay sa kalangitan.
21At kayo rin, sa isang pagkakataon ay mga taong hindi kilala ng Diyos, at mga kaaway niya sa kaisipan at masasamang mga gawa. 22Ngunit pinagkasundo niya kayo ngayon sa kaniyang lupang katawan sa pamamagitan ng kamatayan. Ginawa niya ito upang iharap kayong banal, walang kapintasan at walang dungis sa kaniyang harapan, 23kung kayo ay nagpapatuloy sa pananampalataya, matatag at matibay, hindi napapakilos palayo mula sa tiyak na inaasahan ng ebanghelyo na inyong narinig. Ito ang ebanghelyo na naipahayag sa bawat tao sa ilalim ng langit. Ito ang ebanghelyo kung saan, akong si Pablo ay naging isang lingkod.
24Ngayon nagagalak ako sa aking mga paghihirap para sa inyo. At pinupunan ko sa aking laman anuman ang kakulangan sa mga paghihirap ni Cristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan, na ang iglesiya. 25Dahil sa iglesiyang ito kaya ako naging lingkod, ayon sa tungkulin mula sa Diyos na ibinigay sa akin para sa inyo upang punuin ang salita ng Diyos. 26Ito ang lihim na katotohanan na itinago sa panahon at sa mga salinlahi. Ngunit nahayag ito ngayon sa mga naniniwala sa kaniya. 27Ito ay para sa kanila na nais ng Diyos na makaalam kung ano ang mga kayamanan ng maluwalhating lihim na ito ng katotohanan sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na nasa inyo, ang pagtitiwala ng kaluwalhatian sa hinaharap.
28Siya ito na ating ipinapahayag. Pinagsasabihan natin ang bawat isa, at tinuturuan natin ang bawat isa ng may buong karunungan, upang maiharap natin ang bawat tao na ganap kay Cristo. 29Dahil dito, ako ay gumagawa at nagpapakahirap ayon sa kaniyang kalakasan na kumikilos sa akin sa kapangyarihan.

2

1Sapagkat gusto kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea, at para sa marami pang hindi pa nakikita ang aking mukha ng harapan. 2Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo. 3Sa kaniya ay nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.

4Sinasabi ko ito nang sa gayon ay walang manloko sa inyo sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita. 5At bagaman hindi niyo ako pisikal na kasama, kasama ninyo naman ako sa espiritu. Nagagalak akong makita ang inyong mahusay na kaayusan at ang kalakasan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
6Yamang tinanggap ninyo si Cristo ang Panginoon, lumakad kayong kasama niya. 7Maging matatag kayong nakatanim sa kaniya, mabuo kayo sa kaniya. Magpakatibay kayo sa inyong pananampalataya tulad ng naituro sa inyo, at maging sagana kayo sa pagpapasalamat.
8Tiyakin ninyong walang huhuli sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at ang walang kabuluhang pagmamayabang ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga elemento ng mundo, at hindi naaayon kay Cristo. 9Sapagkat sa kaniyang katawan nabubuhay ang lahat ng kaganapan ng Diyos.
10At napuno kayo sa kaniya. Siya ang ulo ng bawat kapangyarihan at kapamahalaan. 11Sa kaniya, tinuli rin kayo sa pamamagitan ng pagtutuli na hindi ginagawa ng mga tao, ang pagtatanggal sa katawan ng laman, ngunit sa pagtutuli ni Cristo. 12Inilibing kayong kasama niya sa bautismo. At sa kaniya ay ibinangon kayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na siyang nagbangon sa kaniya mula sa mga namatay.
13noong kayo ay patay sa inyong mga pagkakasala at sa hindi pagkakatuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya at pinatawad tayong lahat sa ating mga paglabag. 14Binura niya ang nakasulat na tala ng mga pagkaka-utang at ang mga tuntunin na laban sa atin. Tinanggal niya ang lahat ng mga ito at ipinako ito sa krus. 15Tinanggal niya ang mga kapangyarihan at mga kapamahalaan. Lantaran niya silang ibinunyag at dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng kaniyang krus.
16Kaya, huwag ninyong hayaang husgahan kayo ng iba sa pagkain o sa pag-inom, o tungkol sa araw ng pista o bagong buwan, o tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga. 17Ang mga ito ay anino ng mga bagay na darating, ngunit ang nilalaman ay si Cristo.
18Huwag hayaang manakawan ang sinuman ng gantimpala dahil sa pagnanais ng kababaang-loob at sa pamamagitan ng pagsamba sa mga anghel. Ang taong katulad nito ay nananatili sa mga bagay na nakita niya at nagiging mapagmalaki sa pamamagitan ng kaniyang makalamang pag-iisip. 19Hindi siya kumakapit sa ulo. Nagmumula sa ulo ang pagtutustos at pagsasama ng buong katawan, hanggang sa kaniyang mga kasu-kasuan at mga litid nito; lumalago ito kasama ang paglagong ibinigay ng Diyos.
20Kung namatay kayo kasama ni Cristo sa mga elemento ng mundo, bakit kayo nabubuhay na parang obligado sa mundo: 21"Huwag hawakan, o tikman, o kahit humipo"? 22Nakalaan ang mga bagay na ito para sa masamang paggamit, ayon sa mga tagubilin at mga itinuro ng mga tao. 23Ang mga patakarang ito ay may karunungan sa sariling-gawang relihiyon at pagpapakumbaba at kalupitan ng katawan. Ngunit wala itong halaga laban sa kalayawan ng laman.

3

1Kung itinaas kayo ng Diyos na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan nakaupo si Cristo sa kanang kamay ng Diyos. 2Isipin ninyo ang tungkol sa mga bagay na nasa itaas, at hindi tungkol sa mga bagay sa lupa. 3Sapagkat namatay kayo at itinago ang inyong buhay kasama ni Cristo sa Diyos. 4Kapag nagpakita si Cristo na siya ninyong buhay, makikita rin kayong kasama niya sa kaluwalhatian.

5patayin ninyo ang mga bahagi na nasa mundo--pagnanasa sa laman, karumihan, matinding damdamin, masamang pagnanasa, at kasakiman, na pawang pagsamba sa diyus-diyosan. 6Para sa mga bagay na ito kaya ang poot ng Diyos ay darating sa mga anak ng pagsuway. 7Sa mga bagay na ito na minsan rin ninyong nilakaran ng namuhay kayo sa mga ito. 8Ngunit ngayon dapat ninyong alisin ang lahat ng mga bagay na ito—poot, galit, mga masasamang layunin, mga pang-aalipusta at malaswang pananalita mula sa inyong bibig.
9Huwag kayong magsinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga kaugalian nito. 10Isinuot na ninyo ang bagong pagkatao na binago sa kaalamang naaayon sa larawan ng lumikha sa kaniya. 11Sa kaalamang ito, walang Griyego at Judio, tuli at di-tuli, barbaro, Scythian, alipin, malayang tao, ngunit sa halip si Cristo ang lahat ng mga bagay at sa lahat ng mga bagay.
12Kaya nga, taglayin ninyo, bilang mga pinili ng Diyos, banal at minamahal, mga daluyan ng awa, kabaitan, kapakumbabaan, kaamuhan at katiyagaan. 13Magtiyaga sa bawat isa. Maging maawain sa bawat isa. Kung ang isa ay may hinaing laban sa isa pa, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. 14Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magkaroon kayo ng pag-ibig na siyang bigkis ng pagiging isang ganap.
15Hayaang maghari sa inyong mga puso ang kapayapaan ni Cristo. Para sa kapayapaang ito kaya tinawag kayo sa iisang katawan. Maging mapagpasalamat kayo. 16Hayaang mamuhay ang salita ni Cristo ng masagana sa inyo. Buong karunungang turuan at pagsabihan ninyo ang isa't isa sa pamamagitan ng salmo at himno, at mga awiting espiritwal. Umawit kayo ng may pasasalamat sa inyong mga puso para sa Diyos. 17At anuman ang inyong ginagawa sa salita man o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus. Magpasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
18Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, dahil ito ang nararapat sa Panginoon. 19Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyong mga asawa at huwag maging malupit laban sa kanila. 20Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat nakalulugod ito sa Panginoon. 21Mga ama, huwag ninyong labis na pagalitan ang inyong mga anak, upang hindi sila panghinaan ng loob.
22Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo ayon sa laman sa lahat ng mga bagay, hindi lamang kapag may nakakakita upang magbigay lugod sa mga tao, ngunit nang may tapat na puso. Matakot kayo sa Panginoon. 23Anuman ang inyong ginagawa, gumawa kayo mula sa kaluluwa na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao. 24Nalalaman ninyong tatangap kayo mula sa Panginoon ng gantimpala ng pagkamit nito. Ito ay ang Cristong Panginoon na inyong pinaglilingkuran. 25Sapagkat sinumang gumawa ng hindi matuwid ay tatanggap ng kabayaran para sa hindi matuwid na kaniyang ginawa at wala ditong pinapanigan.

4

1Mga panginoon, ibigay ninyo sa mga alipin kung ano ang nararapat at makatarungan. Alam ninyo na mayroon din kayong Panginoon sa langit.

2Taimtim na magpatuloy sa panalangin. Manatiling handa sa pasasalamat. 3Manalangin kayo ng sama-sama para sa amin, na magbukas ang Diyos ng pagkakataon para sa kaniyang salita upang sabihin ang lihim na katotohanan ni Cristo. Dahil dito, iginapos ako. 4At manalangin na magawa ko ito ng malinaw gaya ng nararapat kong sabihin.
5Lumakad sa karunungan para sa mga hindi mananampalataya at pahalagahan ang pagkakataon. 6Ang inyong pananalita nawa ay laging may biyaya, na magkalasang asin, upang malaman ninyo kung paano dapat sumagot sa bawat tao.
7Para sa mga bagay na may kinalaman sa akin, si Tiquico ang magpapaalam ng mga ito sa inyo. Siya ay isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod at kapwa alipin sa Panginoon. 8Pinapunta ko siya sa inyo para rito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin at upang mapalakas niya ang inyong mga puso. 9Pinapunta ko siya kasama ni Onesimo, ang tapat at minamahal na kapatid, na isa sa inyo. Sasabihin nila sa inyo ang lahat ng nangyari dito.
10Binabati kayo ni Aristarco na aking kapwa bilanggo, pati na rin si Marcos, ang pinsan ni Barnabas tungkol sa kung saan natanggap ninyo ang mga kautusan, "Kung pupunta siya sa inyo tanggapin ninyo siya," 11at si Jesus na tinatawag din nilang Justu. Sila lamang sa pagtutuli ang kapwa ko manggagawa para sa kaharian ng Diyos. Sila ang nakapagbigay ng kaginhawaan sa akin.
12Binabati kayo ni Epafras. Isa siya sa inyo at isang alipin ni Cristo Jesus. Lagi siyang nagsisikap na manalangin para sa inyo, upang tumayo kayong ganap at punong-puno ng katiyakan sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13Sapagkat naging saksi ako sa kaniya, nagpakahirap siyang gumagawa para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14Bumabati sa inyo si Demas at si Lucas na minamahal na manggagamot.
15Batiin mo ang mga kapatid sa Laodicea, si Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay. 16Kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, basahin din ninyo ito sa iglesia ng mga taga-Laodicea at siguraduhin din ninyong nabasa ang liham mula sa Laodicea. 17Sabihin ninyo kay Archipus, "Tingnan mo ang gawain na iyong natanggap sa Panginoon, na dapat mong tapusin ito."
18Ang pagbating ito ay sa pamamagitan ng aking sariling kamay—Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga kadena. Sumainyo nawa ang biyaya.

1 Tesalonica

1

1Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo para sa iglesiya ng mga taga-Tesalonica sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

2Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat, habang binabanggit namin kayo sa aming mga panalangin. 3Inaalala namin ng walang tigil sa harapan ng Diyos at Ama ang inyong mga gawa ng pananampalataya, pagpapagal sa pag-ibig, at pagtitiyagang may pagtitiwala para sa hinaharap sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
4Mga kapatid na iniibig ng Diyos, alam namin ang inyong pagkatawag, 5kung paanong ang ating ebanghelyo ay dumating sa inyo na hindi lamang sa salita, ngunit gayon din sa kapangyarihan, sa Banal na Espiritu, at sa lubos na katiyakan. Gayon din naman, inyong nalalaman kung anong uri ng tao kami sa inyo para sa inyong kapakanan.
6ninyo kami at ang Panginoon, gaya nga ng pagtanggap ninyo sa salita sa matinding paghihirap na may kagalakan mula sa Banal na Espiritu. 7Bilang resulta, kayo ay naging halimbawa sa lahat ng mananampalataya sa Macedonia at Acaya.
8Sapagkat mula sa inyo ang salita ng Panginoon ay lumaganap, at hindi lamang sa Macedonia at Acaya. Kundi, sa lahat ng dako kung saan ang inyong pananampalataya sa Diyos ay naibalita. Bilang resulta, hindi na namin kailangang magsalita ng ano pa man. 9Sapagkat sila mismo ang nagbalita kung paano kami dumating sa inyo. Kanilang sasabihin kung paano kayo nanumbalik sa Diyos mula sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa buhay at tunay na Diyos. 10Ibinalita nila na kayo ay naghihintay sa kaniyang Anak mula sa langit, na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. Ito ay si Jesus, na nagpalaya sa atin mula sa poot na darating.

2

1Kayo mismo ang nakakaalam mga kapatid, na ang aming pagpunta sa inyo ay hindi nawalan ng kabuluhan. 2Alam naman ninyo na kami ay naghirap noon at inalipusta ng kahiya-hiya sa Filipos, gaya ng inyong alam. Malakas ang loob namin sa ating Diyos na ipahayag sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos na may labis na pagsisikap.

3Sapagkat ang aming panghihikayat ay hindi galing sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa panlilinlang. 4Sa halip, kami ay pinagtibay ng Diyos na napagkatiwalaan ng ebanghelyo, kaya ito ay aming sinasabi. Kami ay nagsasalita, hindi upang magbigay lugod sa mga tao, kundi upang magbigay lugod sa Diyos. Siya ang nakakasiyasat sa aming mga puso.
5Sapagkat hindi kami kailanman gumamit ng mga matatamis na salita, gaya ng alam ninyo, ni ng pagdadahilan sa kasakiman, ang Diyos ang aming saksi. 6Ni hindi namin hinahanap ang kaluwalhatian mula sa mga tao, ni sa inyo at sa iba. Nararapat sana naming tanggapin ang aming mga karapatan bilang mga apostol ni Cristo.
7Sa halip, kami ay naging mahinahon sa inyo na gaya ng ina na inaaliw ang kaniyang mga anak. 8Sa ganitong paraan kami ay nagmamalasakit sa inyo. Kami ay nalulugod na ibahagi sa inyo hindi lamang ang ebanghelyo ng Diyos kundi maging ang aming buhay. Sapagkat kayo ay labis na napamahal na sa amin. 9Sapagkat inyong naaalala, mga kapatid, ang aming trabaho at pagpapakahirap. Sa araw at gabi kami ay gumagawa upang hindi maging pabigat kaninuman sa inyo. Sa panahong iyon, ipinangaral namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos.
10Kayo ay mga saksi, at ang Diyos rin, kung gaano kabanal, makatuwiran, at walang dungis na kami ay nagpakahinahon sa inyo na sumasampalataya. 11Sa gayon ding paraan, alam ninyo kung papaano ang bawat isa sa inyo, katulad ng ama sa kaniyang mga anak, kayo ay aming hinimok at hinikayat. Pinatotohanan namin 12na dapat kayong lumakad sa paraan na karapat-dapat sa Diyos na siyang tumawag sa inyo tungo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
13Sa dahilang ito kami rin ay walang tigil na nagpapasalamat sa Diyos. Sapagkat nang inyong natanggap mula sa amin ang mensahe ng Diyos na inyong napakinggan, ito ay inyong tinanggap hindi bilang salita ng tao. Sa halip, tinanggap ninyo itong totoo, ang salita ng Diyos. Ito rin ang salita na gumagawa sa inyo na sumasampalataya.
14Sapagkat kayo, mga kapatid, ay naging katulad din ng mga iglesiya ng Diyos na nasa Judea kay Cristo Jesus. Sapagkat kayo ay nagdusa din ng gayong mga bagay sa inyong mga kababayan, katulad ng ginawa sa kanila ng mga Judio. 15Ang mga Judio rin ang pumatay sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa mga propeta. Ang mga Judio rin ang nagpalayas sa atin. Sila ay hindi naging kalugod-lugod sa Diyos. Sa halip, naging kaaway ng lahat ng tao. 16Pinagbabawalan nila kaming makipag-usap sa mga Gentil upang sila ay maligtas. Ang naging resulta ay lagi nilang pinupunuan ang kanilang mga kasalanan. Ang poot ay darating sa kanila sa katapusan.
17Kami, mga kapatid, ay nahiwalay sa inyo ng maikling panahon, sa presensya, hindi sa puso. Ginawa namin ang aming makakaya na may malaking pagnanais upang makita ang mukha ninyo. 18Sapagkat ninais naming makapunta sa inyo, ako, si Pablo, na minsan at muli, ngunit hinadlangan kami ni Satanas. 19Sapagkat ano ba ang aming inaasahan sa hinaharap, o kagalakan, o korona ng pagmamalaki sa harapan ng ating Panginoong Jesus sa kaniyang pagdating? Hindi ba't kayo at ang iba? 20Sapagkat kayo ang aming kaluwalhatian at kagalakan.

3

1Kaya naman, nang hindi na namin kayang tiisin pa ito, inakala naming mabuti ang maiwan sa Atenas ng mag-isa. 2Pinapunta namin si Timoteo, ang ating kapatid at lingkod ng Diyos sa ebanghelyo ni Cristo upang palakasin at aliwin kayo tungkol sa inyong pananampalataya. 3Ginawa namin ang mga ito upang walang isa man ang mayanig sa mga pagdurusang ito. Sapagkat inyong nalalaman na sa bagay na ito kami ay hinirang.

4Katunayan, nang kami ay kasama ninyo, sinabi na namin sa inyo na kami ay magdurusa sa kapighatian at nagkatotoo ito gaya ng inyong nalalaman. 5Sa kadahilanang ito, nang hindi ko na kayang tiisin pa, nagsugo ako upang malaman ang tungkol sa inyong pananampalataya. Maaaring ang manunukso ay tinukso kayo, at ang aming pagtatrabaho ay nawalan ng kabuluhan.
6Ngunit pumarito si Timoteo sa amin galing sa inyo at dinala sa amin ang mabuting balita ng inyong pananampalataya at pag-ibig. Sinabi niya sa amin na laging nasa inyo ang aming mga mabubuting alaala, na nasasabik kayong makita kami gaya ng aming pananabik na makita kayo. 7Dahil dito, mga kapatid, naaliw kami dahil sa inyong pananampalataya, sa lahat ng aming pagkabalisa at pagdadalamhati.
8Sapagkat ngayon, nabubuhay kami kung mananatili kayong matatag sa Panginoon. 9Sapagkat anong pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa inyo, para sa lahat ng kagalakan na mayroon kami sa harap ng ating Diyos dahil sa inyo? 10Gabi at araw nananalangin kami ng buong tiyaga upang makita namin kayo ng harapan at maipagkaloob kung ano ang kulang sa inyong pananampalataya.
11Nawa ang ating Diyos Ama, at ang ating Panginoong Jesus ang manguna sa amin sa inyo. 12Nawa palaguin kayo at pasaganahin ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't-isa at sa lahat ng tao, na gaya ng ginagawa namin sa inyo. 13Nawa ay gawin niya ito upang palakasin ang inyong mga puso na walang kapintasan sa kabanalan sa harap ng ating Diyos at Ama sa pagdating ng ating Panginoong Jesus kasama ang lahat ng kaniyang mga banal.

4

1Sa wakas, mga kapatid, pinapalakas namin kayo at hinihikayat sa Panginoong Jesus. Gaya sa inyong pagtanggap ng mga tagubilin mula sa amin tungkol sa kung paano kayo dapat lumakad at nagbibigay lugod sa Diyos, sa ganitong paraan kayo lumakad, upang magawa ninyo ito ng higit pa. 2Sapagkat alam ninyo kung anong mga tagubilin sa Panginoong Jesus ang aming naibigay sa inyo.

3Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos: ang inyong pagpapakabanal—umiwas kayo sa kahalayan, 4na bawat isa sa inyo ay alam kung paano makitungo sa kaniyang asawa ng may kabanalan at karangalan. 5Huwag kayong mag-asawa sa kahalayan ng laman (gaya ng mga Gentil na di nakakakilala sa Diyos). 6Huwag hayaan ang sinuman na pagsamantalahan at dayain ang kaniyang kapatid sa bagay na ito. Sapagkat ang Panginoon ang gaganti sa lahat ng mga bagay na ito, gaya sa aming babala sa inyo at pinatotohanan.
7Sapagkat hindi tayo tinawag ng Diyos sa karumihan, kundi sa kabanalan. 8Kaya, ang sinumang magtanggi nito ay hindi ang tao ang tinanggi niya, kundi ang Diyos, na nagkaloob ng Banal na Espiritu sa inyo.
9Tungkol sa pag-iibigang magkakapatid, hindi kailangan may sumulat pa sa inyo, sapagkat kayo sa inyong sarili ay naturuan na ng Diyos na umibig sa isat-isa. 10Sa katunayan, ginagawa ninyo ito sa lahat ng mga kapatid na nasa Macedonia. Ngunit hinihikayat namin kayo, mga kapatid, na gawin ninyo ito ng higit pa. 11Hinihikayat rin namin kayo na pagsumikapan ninyong mamuhay ng tahimik, gawin ninyo ang inyong sariling gawain, at magtrabaho kayo sa inyong sariling mga kamay, gaya ng inutos namin sa inyo. 12Gawin ninyo ito upang makalakad kayo ng maayos na may paggalang sa mga taong nasa labas ng pananampalataya, at upang hindi na kayo mangailangan ng anuman.
13Nais naming maintindihan ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa mga natutulog, upang hindi kayo magdalamhati gaya ng marami na hindi nakakatiyak tungkol sa kinabukasan. 14Dahil kung tayo ay naniniwala na si Jesus ay namatay at nabuhay na muli, ganoon din dadalhin ng Diyos kasama ni Jesus ang mga natutulog sa kaniya. 15Sinasabi namin ito sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong mga buhay, na naiwan sa pagparito ng Panginoon, ay tiyak na hindi mauuna sa mga natutulog.
16Sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit. Siya ay paparito na may isang sigaw, na may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos, at ang mga namatay kay Cristo ang unang bubuhayin. 17At tayong mga buhay, na naiwan, ay makakasama nila sa alapaap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa ganitong paraan tayo ay makakapiling natin ang Panginoon. 18Kaya, aliwin ang bawat isa ng mga salitang ito.

5

1Ngayon, tungkol sa mga oras at panahon, mga kapatid, hindi kailangang maisulat pa sa inyo ang mga bagay na ito. 2Sapagkat alam na ninyo ng lubusan na ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw sa gabi. 3Kapag sinabi nilang "Kapayapaan at kaligtasan," at biglang darating sa kanila ang pagkawasak. Ito ay magiging katulad ng sakit sa panganganak ng isang babaeng buntis. Hindi sila makakatakas dito sa anumang paraan.

4Ngunit kayo, mga kapatid, wala na kayo sa kadiliman kaya aabutan kayo ng araw na iyon gaya ng isang magnanakaw. 5Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng liwanag at mga anak ng umaga. Hindi tayo mga anak ng gabi o ng kadiliman. 6Kaya nga, huwag tayong matulog gaya ng ginagawa ng karamihan. Sa halip, magbantay tayo at maging malinaw ang ating pag-iisip. 7Sapagkat ang mga natutulog, sa gabi natutulog, at ang mga naglalasing, sa gabi naglalasing.
8Ngunit dahil tayo ay mga anak ng umaga, manatili tayong malinaw ang pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at ang helmet, na siyang katiyakan sa hinaharap na kaligtasan. 9Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa poot, kundi upang matamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10Siya ang namatay para sa atin, nang sa gayon, gising man tayo o natutulog, mabubuhay tayong kasama niya. 11Kaya nga aliwin ninyo ang isa't isa at magpalakasan kayo, gaya ng inyong ginagawa.
12Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na kilalanin ninyo ang mga gumagawang kasama ninyo at ang mga nakatataas sa inyo sa Panginoon at ang nagbibigay ng payo sa inyo. 13Hinihiling din namin na pag-ukulan ninyo sila ng lubos na pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Maging payapa kayo sa bawat isa. 14Hinihikayat namin kayo, mga kapatid: pagsabihan ninyo ang mga magugulo, palakasin ang mga pinanghinaan ng loob, tulungan ang mahina at maging matiyaga para sa lahat.
15Siguraduhin ninyo na walang sinuman ang gaganti ng masama para sa masama sa sino man. Sa halip, pagsikapang matamo ang makakabuti sa bawat isa at para sa lahat. 16Magalak kayo lagi. 17Manalangin ng walang patid. 18Magpasalamat kayo sa lahat ng bagay. Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus.
19Huwag hadlangan ang Espiritu. 20Huwag hamakin ang mga propesiya. 21Suriin ang lahat ng bagay. Panghawakan kung ano ang mabuti. 22Iwasan ang bawat anyo ng masama.
23Nawa ang Diyos ng kapayapaan ay gawin kayong ganap na banal. Nawa ang buo ninyong espiritu, kaluluwa, at katawan ay mailaan na walang bahid sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24Tapat ang tumawag sa inyo, at siya rin ang gagawa ng mga ito.
25Mga kapatid, ipanalangin ninyo rin kami. 26Batiin ninyo ang mga kapatid ng banal na halik. 27Hinihiling ko sa inyo sa ngalan ng Panginoon na ang sulat na ito ay mabasa sa lahat ng kapatid. 28Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.

2 Mga taga-tesalonica

1

1Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo, para sa iglesya ng mga taga-Tesalonica sa Diyos na ating Ama at sa ating Paginoong Jesu-Cristo. 2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

3Kami ay dapat magpasalamat lagi sa Diyos para sa inyo, mga kapatid. Sapagkat ito ang nararapat, dahil ang inyong pananampalataya ay lumalago, at ang pag-ibig ng bawat isa sa inyo ay nananagana sa isa't isa. 4Kaya sa aming mga sarili ay pinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa inyong pagtitiyaga at pananampalataya sa kabila ng mga pag-uusig sa inyo. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga pagdadalamhiti na inyong tiniis. 5Ito ay tanda ng matuwid na paghahatol ng Diyos. Ang resulta ay ibibilang kayong karapat-dapat sa kaharian ng Diyos kung saan kayo ay nagdusa.
6Matuwid para sa Diyos na ibalik ang pagdadalamhati sa mga nagdulot ng dalamhati sa inyo, 7at kaginhawaan sa inyong mga nagdalamhati na kasama namin. Gagawin niya ito sa pagpapakita ng Panginoong Jesus mula sa langit kasama ng mga anghel ng kaniyang kapangyarihan. 8Sa naglalagablab na apoy siya ay maghihiganti sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi tumugon sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus.
9Sila ay daranas ng kaparusahan sa walang hanggang pagkawasak na malayo mula sa presensiya ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. 10Gagawin niya ito sa kaniyang pagbabalik sa araw na iyon para maluwalhati sa pamamagitan ng kaniyang mga tao at para mamangha sa pamamagitan ng lahat na naniwala. Sapagkat ang aming mga patotoo sa inyo ay pinaniwalaan.
11Dahil dito lagi namin kayong ipapanalangin. Pinapanalangin namin na ibilang kayo ng ating Diyos na karapat-dapat sa inyong pagkatawag. Pinapanalangin namin na tuparin niya ang bawat pagnanais ng kabutihan at bawat gawa ng pananampalataya na may kapangyarihan. 12Pinapanalangin namin ang mga bagay na ito upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay maluwalhati sa pamamagitan ninyo. Pinapanalangin namin na maluwalhati kayo sa pamamagitan niya, dahil sa biyaya ng ating Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

2

1Ngayon tungkol sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa ating pagtitipon nang sama-sama upang makasama niya: hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, 2na huwag kaagad kayong mabalisa o mabahala, maging sa pamamagitan ng espiritu, ng mensahe, o ng sulat na parang nagmula sa amin, na para bang ang araw ng Panginoon ay dumating na.

3Huwag ninyong hayaan na kayo ay malinlang sa kahit na anong paraan. Sapagkat hindi ito darating hanggang sa mangyari ang pagbagsak at ang taong suwail ay maihayag, ang anak ng pagkawasak. 4Siya ang kakalaban at itataas ang kaniyang sarili laban sa lahat ng tinatawag na Diyos o sa mga sinasamba. Bilang resulta, siya ay uupo sa templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos.
5Hindi ba ninyo naalala na noong kasama ninyo ako ay sinabi ko ang mga bagay na ito? 6Ngayon alam na ninyo kung ano ang pumipigil sa kaniya, upang siya ay maihayag sa tamang panahon lamang. 7Sapagkat ang hiwaga ng kawalan ng batas ay kumikilos na, may isa lamang na pumipigil sa kaniya ngayon hanggang sa siya ay maalis.
8Pagkatapos ang taong suwail ay maihahayag, na siyang papatayin ng ating Panginoong Jesus sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig. Dadalhin siya sa kawalan ng ating Panginoon sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagdating. 9Ang pagdating ng isang Suwail ay dahil sa gawain ni Satanas ng may buong kapangyarihan, tanda, at mga maling himala, 10at panloloko ng kasamaan. Ang mga bagay na ito ay para sa mga napapahamak, dahil hindi nila tinanggap ang pag-ibig ng katotohanan para sila ay maligtas.
11dito, ipinapadala ng Diyos sa kanila ang gawa ng kamalian upang sila ay maniwala sa kasinungalingan. 12Ang resulta nito ay mahahatulan silang lahat, ang mga hindi naniwala sa katotohanan sa halip ay nahumaling sa kasamaan.
13Ngunit dapat kami laging magpasalamat sa Diyos para sa inyo, mga kapatid na iniibig ng Panginoon. Sapagkat pinili kayo ng Diyos bilang unang bunga ng kaligtasan sa pagpapabanal ng Espiritu at paniniwala sa katotohanan. 14Ito ang dahilan kung bakit niya kayo tinawag sa pamamagitan ng ating ebanghelyo upang matamo ang kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu Cristo. 15Kaya nga, mga kapatid, maging matatag kayo. Hawakang mahigpit ang mga tradisyon na naituro sa inyo, kahit na sa pamamagitan ng salita o ng aming sulat.
16Ngayon, nawa ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo, at ang ating Diyos Ama na nagmamahal sa atin at nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa hinaharap sa pamamagitan ng biyaya, 17ang mag-aliw at magpatatag ng inyong mga puso para sa mabuting gawa at salita.

3

1At ngayon, mga kapatid, manalangin kayo para sa amin, na ang salita ng Panginoon ay mapadali at maluwalhati, gaya ng ginagawa ninyo. 2Ipanalangin ninyo na mailigtas kami mula sa mga makasalanan at masasamang tao, dahil hindi lahat ay may pananampalataya 3Ngunit tapat ang Panginoon, na magpapatatag at magbabantay sa inyo mula sa masama.

4Mayroon kaming tiwala sa Panginoon tungkol sa inyo, na pareho ninyong gagawin at ipagpapatuloy ang mga bagay na iniutos namin sa inyo. 5Nawa ang Panginoon ang magpatnubay sa inyong mga puso sa pag-ibig ng Diyos at sa pagtitiis ni Cristo.
6Ngayon inuutusan namin kayo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na lumayo kayo sa mga taong tamad sa pamumuhay at hindi ayon sa mga kaugalian na inyong tinanggap mula sa amin. 7Sapagkat inyong nalalaman sa inyong mga sarili na nararapat ninyo kaming gayahin. Hindi kami namuhay na nakasama ninyo na katulad ng mga taong ito na walang disiplina. 8At hindi kami kumakain ng pagkain ng iba nang hindi nagbayad para dito. Sa halip, gumagawa kami sa gabi at araw ng mabibigat na gawain at paghihirap, dahil ayaw namin na maging pabigat sa inyo. 9Ginagawa namin ito hindi dahil sa wala kaming kapangyarihan. Sa halip, ginagawa namin ito ng maayos upang maging halimbawa sa inyo, upang kami ay inyong tularan.
10Nang kami ay kasama ninyo, iniutos namin sa inyo na, "Kung may isang ayaw magtrabaho, huwag siyang pakainin." 11Sapagkat naririnig namin na ang ilan sa inyo ay tamad. Hindi sila gumagawa sa halip sila ay nakikialam sa buhay ng iba. 12Ngayon inutusan namin sila at hinikayat sa Panginoong Jesu-Cristo, na sila nga ay gumawa ng may katahimikan at kainin nila ang kanilang sariling pagkain.
13Ngunit kayo, mga kapatid, huwag kayong mapanghinaan ng loob na gawin kung ano ang tama. 14Kung mayroon mang hindi sumusunod sa mga salita na aming isinulat, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa kaniya upang siya ay mahiya. 15Huwag ninyo siyang ituring na kaaway, ngunit pagsabihan ninyo siya bilang isang kapatid.
16Nawa ang Panginoon ng kapayapaan aymagbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng paraan. Nawa ang Panginoon ay sumainyong lahat. 17Ito ang aking pagbati, akong si Pablo, sa aking sariling kamay, kung saan ay tanda sa bawat sulat. Ganito ako sumulat. 18Nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong lahat.

1 Timoteo

1

1Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kautusan ng Diyos na ating tagapagligtas at Cristo Jesus na ating inaasahan, 2para kay Timoteo, isang tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, habag, at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

3Katulad ng pinakiusap ko saiyo na gawin mo nang ako ay papuntang Macedonia, manatili ka sa Efeso upang mautusan mo ang ilang mga tao na huwag magturo ng ibang doktrina. 4Ni pansinin ang mga kwento at mga kasaysayan ng lahi. Nagdudulot ito ng mga pagtatalo sa halip na makatulong sa plano ng Diyos, kung saan sa pamamagitan ng pananampalataya.
5Ngayon ang layunin ng kautusan ay pag-ibig mula sa isang dalisay na puso, mula sa isang mabuting budhi, at mula sa tapat na pananampalataya. 6May ilang mga tao na hindi naabot ang layunin at tumalikod sa mga bagay na ito at napunta sa mga walang kabuluhan na pananalita. 7Nais nilang maging tagapagturo ng kautusan, ngunit hindi nila nauunawaan kung ano ang kanilang sinasabi o kung ano ang kanilang ipinipilit. 8Ngunit alam natin na ang kautusan ay mabuti kung ginagamit ito ng ayon sa batas.
9At nalalaman natin ito, na ang kautusan ay hindi ginawa para sa matuwid na tao, kundi sa walang kinikilalang batas at rebeldeng mga tao, para sa mga hindi makadiyos, at makasalanan, at sa mga taong walang Diyos at lapastangan. Ito ay ginawa para sa mga pumapatay ng kanilang ama at ina, para sa mga mamamatay tao, 10para sa mga taong mahahalay, at sa mga nakikipagtalik sa parehong kasarian, at sa mga nangunguha ng mga tao para gawing mga alipin, para sa mga sinungaling, para sa mga huwad na saksi, at para sa anumang salungat sa mabuting alituntunin. 11Ang mga alituntuning ito ay ayon sa dakilang ebanghelyo ng mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.
12Nagpapasalamat ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon. Pinapalakas niya ako, sapagkat itinuturing niya akong tapat, at inilagay niya ako sa paglilingkod. 13Isa akong lapastangan sa Diyos, umuusig, at marahas na tao. Ngunit tumanggap ako ng habag dahil sa hindi ko alam ang aking ginagawa sa kawalan ng pananampalataya. 14Ngunit ang biyaya ng ating Panginoon ay nag-uumapaw sa pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus.
15Ang mensaheng ito ay mapagkakatiwalaan at karapat-dapat na tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa mundo para iligtas ang mga makasalanan. Ako ang pinakamasama sa mga ito. 16Ngunit sa dahilang ito nabigyan ako ng habag, kaya't sa pamamagitan ko, bilang pangunahin, ay ipapakita ni Cristo Jesus ang buong pagtitiyaga. Ginawa niya ito bilang isang halimbawa sa mga magtitiwala sa kaniya para sa buhay na walang hanggan. 17Ngayon sa hari ng walang hanggang panahon, ang walang kamatayan, hindi nakikita, at nag-iisang Diyos, sa kaniya ang karangalan at luwalhati magpakailanpaman. Amen.
18Ibinibigay ko ang utos na ito sa iyo, Timoteo, na aking anak. Ginagawa ko ito ayon sa propesiya na nasabi tungkol sa iyo noon, upang ikaw ay makipaglaban sa mabuting pakikipaglaban. 19Gawin mo ito para magkaroon ka ng pananampalataya at isang mabuting budhi. Binalewala ito ng ilang mga tao at natulad sa pagkawasak ng barko ang kanilang pananampalataya. 20Tulad nina Himeneo at Alejandro, na ibinigay ko kay Satanas upang matuto silang hindi lumapastangan.

2

1Kaya una sa lahat, ipinakikiusap ko na ang mga kahilingan, mga panalangin, mga panalangin para sa iba at mga pasasalamat ay maipaabot para sa lahat ng tao, 2para sa mga hari at sa lahat ng mga nasa kapangyarihan, upang tayo ay makapamuhay ng mapayapa at tahimik na may buong kabanalan at karangalan. 3Ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harap ng ating Diyos na tagapagligtas. 4Ninanais niya na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa katotohanan.

5Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus. 6Ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang katubusan sa lahat, bilang patotoo sa tamang panahon. 7Sa kadahilanang ito, ako, si Pablo, ay naging tagapagturo at apostol. Nagsasabi ako ng katotohanan. Hindi ako nagsisinungaling. Ako ang tagapagturo ng mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
8Kaya, nais ko na ang lahat ng kalalakihan sa bawat lugar na manalangin at itaas ang kanilang mga banal na kamay ng walang galit at mga pag-aalinlangan. 9Gayundin, nais ko ang mga kababaihan na magsuot ng nararapat na kasuotan ng may kahinhinan at pagpipigil sa sarili. Hindi sila dapat magtirintas ng buhok, o maglagay ng ginto, o perlas, o magsuot ng mamahaling damit. 10Nais ko silang magsuot ng kung ano ang angkop sa mga kababaihan na nagpapahayag ng pagiging maka-diyos sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa.
11Dapat matuto ang babae ng may pananahimik at nang buong pagpapasakop. 12Hindi ko pinahihintulutan ang isang babae na magturo o pamahalaan ang isang lalaki ngunit mamuhay sa katahimikan.
13Sapagkat unang nilikha si Adan bago si Eba. 14At si Adan ay hindi nalinlang, ngunit lubos na nadaya ang babae sa pagsuway. 15Gayunman, maliligtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila ay magpapatuloy sa pananampalataya, sa pag-ibig at kabanalan na may mahinahon na kaisipan.

3

1Ang pahayag na ito ay mapagkakatiwalaan: Kung sinuman ang nagnanais na maging tagapangasiwa, nagnanais siya ng mabuting gawa. 2Kaya ang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan. Dapat maging asawa siya ng isang babae. Dapat siya ay mahinahon, matalino, matino, at magiliw sa mga panauhin. Dapat may kakayahan siyang magturo. 3Dapat hindi sugapa sa alak, hindi marahas, kundi marahan, payapa. Hindi maibigin sa pera.

4Kailangang maayos niyang pinamamahalaan ang kaniyang sambahayan, at kailangang sinusunod siya ng kaniyang mga anak nang may buong paggalang. 5Sapagkat kung ang lalaki ay hindi alam kung paano niya pamahalaan ang kaniyang sariling sambahayan, paano niya mapangangalagaan ang iglesiya ng Diyos?
6Dapat hindi siya baguhang mananampalataya, upang hindi siya maging mapagmataas at mahulog sa paghahatol kagaya ng diyablo. 7Kailangang mabuti rin ang kaniyang reputasyon sa mga nasa labas, upang hindi siya mahulog sa kahihiyan at sa bitag ng diyablo.
8Gayon din, dapat marangal ang mga diakono, hindi dalawa ang salita. Dapat hindi sila umiinom ng sobrang alak o maging sakim. 9Dapat nilang ingatan ang naipahayag na katotohanan ng pananampalataya na may malinis na budhi. 10Dapat mapatunayan muna silang karapat-dapat, pagkatapos dapat silang maglingkod dahil sila ay walang sala.
11Gayun din ang mga babae, dapat maging marangal. Dapat hindi sila mapanirang-puri. Dapat mahinahon at tapat sila sa lahat ng bagay. 12Ang mga diakono ay dapat maging mga asawa ng isang babae. Dapat mahusay nilang pinamamahalaan ang kanilang mga anak at sambahayan. 13Para sa mga naglingkod ng mahusay ay nakamit na nila para sa kanilang sarili ang mabuting katayuan at malaking tiwala sa pananampalataya na nakay Cristo Jesus.
14Sinusulat ko ang mga bagay na ito sa iyo, at umaasa akong makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon. 15Ngunit kung maaantala ako, sumusulat ako upang iyong malaman kung paano kumilos ng wasto sa sambahayan ng Diyos, na siyang iglesiya ng buhay na Diyos, ang haligi at saligan ng katotohanan.
16At hindi maikakaila na ang katotohanang inihayag ng pagkamaka-diyos ay dakila: "Nagpakita siya sa laman, pinatunayang matuwid ng Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinahayag sa mga bansa, pinaniwalaan sa mundo, at itinaas sa kaluwalhatian."

4

1Ngayon maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon may mga taong tatalikod sa pananampalataya at sila ay makikinig sa mga mandarayang espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo 2sa kasinungalingan at pagpapaimbabaw. Ang kanilang mga budhi ay mamarkahan.

3Ipagbabawal nila ang pag-aasawa at pagtanggap ng mga pagkaing nilikha ng Diyos upang ipamahagi ng mga mananampalataya at nakakaalam ng katotohanan. 4Sapagkat lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay mabuti. Walang anuman na tinatanggap natin nang may pasasalamat ang dapat na tanggihan. 5Sapagkat inihahandog ito sa pamamagitan ng salita ng Diyos at panalangin.
6Kung iyong ilalagay ang mga bagay na ito sa harapan ng mga kapatid, ikaw ay magiging mabuting lingkod ni Jesu-Cristo. Sapagkat ikaw ay pinalakas sa pamamagitan ng mga salita ng pananampalataya at sa pamamagitan ng mabuting katuruan na iyong sinunod. 7Ngunit tanggihan mo ang mga maka-mundong kuwento na gustong-gusto ng mga matatandang babae. Sa halip, sanayin mo ang iyong sarili sa pagiging maka-diyos. 8Sapagkat ang pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, ngunit ang pagiging maka-diyos ay mapapakinabangan sa lahat ng bagay. Ito ay may pinanghahawakang pangako ngayon at sa buhay na darating.
9Ang mensaheng ito ay mapagkakatiwalaan at lubos na katanggap-tanggap. 10Sapagkat dahil dito tayo ay nagsusumikap at gumagawang mainam. Sapagkat may pagtitiwala tayo sa buhay na Diyos, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na sa mga mananampalataya.
11Ipahayag mo at ituro ang mga bagay na ito. 12Huwag hayaan ang sinuman na maliitin ang iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka sa mga sumasampalataya, sa pananalita, pag-uugali, pag-ibig, katapatan, at sa kalinisan. 13Hanggang sa ako ay dumating, manatili ka sa pagbabasa, sa pagpapaliwanag, at sa pagtuturo.
14Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na ipinagkaloob sa iyo sa pamamagitan ng propesiya, kasama ang pagpapatong ng mga kamay ng mga nakakatanda. 15Ingatan mo ang mga bagay na ito. manatili ka sa mga ito, upang makita ang iyong pag-unlad ng lahat ng mga tao. 16Ingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Magpatuloy ka sa mga bagay na ito. Sapagkat kung gagawin mo ito, maililigtas mo ang iyong sarili at sila na nakikinig sa iyo.

5

1Huwag mong pagsalitaan nang masama ang lalaking nakakatanda sa iyo. Sa halip, pangaralan mo siya na tulad sa ama. Pangaralan mo ang mga nakakabatang lalaki na parang mga kapatid. 2Pangaralan mo ang mga nakatatandang babae na parang ina at mga nakakabatang babae na parang mga kapatid nang buong kalinisan.

3Parangalan mo ang mga balo, ang mga tunay na balo. 4Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon.
5Ngunit ang tunay na balo ay naiwang nag-iisa. Nagtitiwala siya sa Diyos. Lagi siyang nananatili na may mga kahilingan at mga panalangin araw at gabi. 6Gayunman, ang babaeng namumuhay sa kalayawan ay patay na, kahit na siya ay nabubuhay pa.
7At ipangaral mo ang mga bagay na ito upang sila ay maging walang kapintasan. 8Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.
9Itala bilang isang balo ang babaeng hindi bababa sa animnapu ang edad, asawa ng isang lalaki. 10Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa, maging sa pag-aalaga ng mga bata, o sa pagpapatuloy ng mga taga-ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o sa pagtulong sa mga nagdurusa, o sa pagiging tapat sa bawat mabubuting gawain.
11Ngunit sa mga mas batang balo, tanggihan mo silang itala sa listahan. Dahil kapag sila ay bumigay sa pagnanasa ng laman laban kay Cristo ay nais nilang mag-asawa. 12Sa pamamagitan nito, pinahihintulutan nila ang kasalanan dahil tinalikuran nila ang una nilang pangako. 13Nasanay din silang maging tamad. Pumupunta din sila sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila naging tamad, ngunit sila din ay naging mga mapanirang-puri at naging mapanghimasok. Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila dapat sabihin.
14Kaya naman gusto ko ang mga mas batang babae na mag-asawa, manganak, upang mamahala sa tahanan, upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang kaaway na tayo ay paratangan sa paggawa ng masama. 15Dahil may mga ilan na tuluyan nang tumalikod at napunta na kay Satanas. 16Kung ang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na mga balo, tulungan niya sila upang ang iglesiya ay hindi mabigatan at matulungan nito ang tunay na mga balo.
17Hayaan ang mga nakatatanda na namumuno ng maayos ay ituring na karapat-dapat sa mas mataas na parangal, lalo na ang mga gumagawa sa salita at sa pagtuturo. 18Sapagkat sinasabi sa kasulatan, "Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil," at "Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran."
19Huwag kang tatanggap ng paratang laban sa nakatatanda maliban na lang kung may dalawa o tatlong saksi. 20pagsabihan mo ang mga makasalanan sa harapan ng lahat upang matakot ang iba.
21Taimtim kong inuutos sa iyo sa harap ng Diyos, ni Cristo Jesus, at ng mga piling anghel na ingatan mo ang mga kautusang ito ng walang kinikilingan, at gawin mo ito ng walang tinatangi. 22Huwag mo kaagad ipatong ang iyong kamay kaninuman. Huwag kang makibahagi sa mga kasalanan ng ibang tao. Panatilihin mong dalisay ang iyong sarili.
23Huwag lamang tubig ang iyong inumin. Sa halip uminom ka ng konting alak para sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit. 24Ang mga kasalanan ng ibang tao ay lantaran at nauuna ito sa kanila bago pa sa hukuman. Ngunit ang ibang mga kasalanan ay sumusunod pagkatapos na. 25Gayon din naman, ang ibang mabubuting gawa ay lantaran, ngunit may mga ilan na hindi maitatago.

6

1Hayaan ang lahat ng nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin na kilalanin nila ang kanilang mga amo ng karapat-dapat sa buong paggalang. Dapat nilang gawin ito upang ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan. 2Ang mga alipin na may among mananampalataya ay huwag silang lapastanganin dahil sila ay magkapatid. Sa halip, sila ay dapat paglingkurang mabuti. Sapagkat ang mga amo na natutulungan nila sa kanilang gawain ay mga mananampalataya at minamahal. Ituro mo at ipahayag ang mga bagay na ito.

3Kung mayroong magtuturo ng kakaiba at hindi tinanggap ang ating tapat na tagubilin, na ang mga Salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung hindi nila tanggapin ang katuruan na nagdadala sa pagiging maka-diyos. 4Ang taong ito ay mapagmataas at walang nalalaman. Sa halip, sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita. Ang mga salitang ito ay humahantong sa pagkainggit, pagtatalo, mga insulto, mga masamang akala, at 5patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman."
6Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang. 7Sapagkat wala tayong dinalang anuman dito sa mundo. wala rin tayong madadala na anumang bagay. 8Sa halip, masiyahan tayo sa pagkain at pananamit.
9Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao. 10Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian.
11Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan, 12Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti.
13Ibinibigay ko sa iyo ang utos na ito sa harap ng Diyos, na siyang dahilan nang lahat ng bagay para mabuhay, at sa harapan ni Cristo-Jesus, na siyang nagsabi ng katotohanan kay Poncio Pilato: 14ingatan mong mabuti ang mga kautusan, ng walang kapintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu- Cristo.
15Ipapahayag ng Diyos ang kaniyang pagpapakita sa tamang panahon--ang Diyos, ang Pinagpala, ang nag-iisang kapangyarihan, ang Hari na siyang naghahari, ang Panginoong namumuno. 16Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.
17Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. 18Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi. 19Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay.
20Timoteo, pangalagaan mo kung ano ang mga naibigay sa iyo. Umiwas ka sa mga walang kabuluhang mga usapan at mga pagtutuligsa na sinasabing maling kaalaman. 21May ibang mga tao na nagpapahayag ng mga bagay na ito kaya marami sa kanila ang nailihis sa pananampalataya. Sumasaiyo nawa ang biyaya.

2 Timoteo

1

1Mula kay Pablo, na isang apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ayon sa pangako ng buhay na nakay Cristo Jesus, 2para kay Timoteo, pinakamamahal na anak: Biyaya, habag, at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

3Nagpapasalamat ako sa Diyos, na aking pinaglilingkuran mula pa sa aking mga ninuno, na may malinis na budhi, habang patuloy kitang inaalala sa aking mga panalangin. Gabi at araw, 4nananabik akong makita ka, upang maaari akong mapuno ng kagalakan. Naaalala ko ang iyong mga pagluha. 5Napaalalahanan ako sa tapat mong pananampalataya na unang ipinamuhay ng iyong lola na si Loida at ng iyong ina na si Eunice. At natitiyak ko na ipinapamuhay mo rin ito.
6Ito ang dahilan na pinapaalalahanan kita na pagningasin muli ang kaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pagpatong ko ng aking mga kamay. 7Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng pagkatakot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig at disiplina.
8Kaya huwag mong ikakahiya ang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, maging ako, si Pablo, na kaniyang bilanggo. Sa halip, makibahagi sa pagdurusa para sa ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Diyos. 9Ang Diyos ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa banal na pagkatawag. Ginawa niya ito, hindi ayon sa ating mga gawa, ngunit ayon sa kaniyang layunin at biyaya. Ibinigay niya ang mga bagay na ito sa atin kay Cristo Jesus bago pa ang pasimula ng panahon. 10Ngunit ngayon naihayag na ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Si Cristo ang siyang naglagay ng hangganan sa kamatayan at nagdala ng buhay na walang hangganan upang magliwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo. 11Dahil dito, ako ay hinirang na tagapangaral, isang apostol, at tagapagturo.
12Dahil dito ako din ay nagdurusa sa mga bagay na ito. Ngunit hindi ako nahiya, sapagkat kilala ko ang aking pinaniwalaan. Natitiyak ko na kaya niyang ingatan ang anumang bagay na ipinagkatiwala ko sa kaniya hanggang sa araw na iyon. 13Ingatan mo ang mga halimbawa ng mga tapat na mensaheng narinig mo sa akin, kasama ang pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus. 14Ang mabuting bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, bantayan mo ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na namumuhay sa atin.
15Alam mo ito, na lahat ng nakatira sa Asya ay tumalikod sa akin. Sa grupong ito ay sina Figelo at Hermogenes. 16Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo, sapagkat madalas niya akong pinalalakas at hindi niya ikinahiya ang aking kadena. 17Sa halip, noong nasa Roma siya, masigasig niya akong hinanap, at natagpuan niya ako. 18Ang Panginoon nawa ang magkaloob sa kaniya upang kaniyang masumpungan ang habag sa araw na iyon. At alam mo ng lubusan ang lahat ng paraan ng pagtulong niya sa akin sa Efeso.

2

1Kaya ikaw, anak ko, maging matatag ka sa biyayang nakay Cristo Jesus. 2At ang mga bagay na narinig mo sa akin kasama ng maraming saksi, ipagkatiwala mo ang mga ito sa mga tapat na tao na kaya ring magturo sa iba.

3Samahan mo ako sa pagdurusa at paghihirap, tulad ng isang mabuting sundalo ni Cristo Jesus. 4Walang sundalo ang naglilingkod habang nakatali sa mga bagay ng buhay na ito, upang sa ganoon kalugdan siya ng kaniyang mataas na opisyal. 5Gayundin naman, kung sinuman ang makipagpaligsahan tulad ng isang manlalaro, hindi siya kokoronahan maliban kung siya ay makipagpaligsahan ayon sa mga alituntunin.
6Kinakailangang ang isang masipag na magsasaka ay maunang tatanggap ng kaniyang bahagi sa ani. 7Isipin mo ang tungkol sa aking sinasabi, sapagkat ang Panginoon ang magbibigay sa iyo ng pang-unawa sa lahat ng bagay.
8Alalahanin mo si Jesu-Cristo, mula sa binhi ni David, na binuhay mula sa mga patay. Ayon ito sa aking mensahe ng ebanghelyo, 9kung saan ako ay nagdurusa na humantong sa pagkakadena sa akin na parang isang kriminal. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nakatanikala. 10Kaya tinitiis ko ang lahat ng bagay para sa mga pinili, upang matamo din nila ang kaligtasan na nakay Cristo Jesus, na may kaluwalhatian na walang hanggan.
11Ang kasabihang ito ay mapagkakatiwalaan, "Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayo kasama niya. 12Kung magtitiis tayo, maghahari din tayong kasama niya. Kung ikakaila natin siya, ikakaila din niya tayo. 13Kung hindi tayo tapat, nananatili siyang tapat, sapagkat hindi niya maaaring ipagkaila ang kaniyang sarili."
14Palagi mo silang paalalahanan ng mga bagay na ito. Pagsabihan mo sila sa harap ng Diyos na huwag makipag-away tungkol sa mga salita. Dahil, walang mapapakinabangan dito. Dahil dito may pagkawasak para sa mga nakikinig. 15Gawin mo ang lahat mong makakaya upang iharap ang iyong sarili na karapat-dapat sa Diyos bilang isang manggagawang walang dapat ikahiya. Panghawakan mo ng tama ang salita ng katotohanan.
16Iwasan ang usapang malaswa, na siyang nagiging daan sa higit pang kawalan ng pagkilala sa Diyos. 17Ang kanilang salita ay kakalat tulad ng ganggrena. Kabilang dito sina Himeneo at Fileto. 18Sila ang mga lalaking nalihis sa katotohanan. Sinasabi nila na ang muling pagkabuhay ay nangyari na. Ginugulo nila ang pananampalataya ng ilan.
19Gayunman, nakatayo ang matibay na pundasyong itinatag ng Diyos. Mayroon itong tatak na ganito: "Nakikilala ng Panginoon kung sino ang mga kaniya" at "Bawat isang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan" 20Sa mayamang tahanan, hindi lamang lalagyang yari sa ginto at pilak ang naroon. May mga lalagyan ding yari sa kahoy at putik. Ang ilan sa mga ito ay ginagamit sa marangal ngunit ang ilan ay sa hindi marangal. 21Kung sinuman ang maglinis ng kaniyang sarili mula sa hindi marangal na pagkakagamit, siya ay isang marangal na lalagyan. Siya ay ibinukod, kagamit-gamit sa kaniyang Panginoon, at inihanda para sa bawat mabuting gawain.
22Lumayo sa mga makalamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan na matamo ang katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan kasama ang mga tumatawag sa Panginoon mula sa malinis na puso. 23Ngunit tanggihan ang mga walang kabuluhan at mangmang na mga katanungan. Alam mo na hahantong ang mga ito sa pagtatalo.
24Hindi dapat nakikipag-away ang lingkod ng Panginoon. Sa halip dapat siyang maging marahan sa lahat, may kakayahang magturo, at matiyaga. 25Dapat niyang turuan ang mga sumasalungat sa kaniya ng may kababaang-loob. Baka sakaling pagkalooban sila ng Diyos ng pagsisisi para sa pagkaalam sa katotohanan. 26Maliliwanagan muli ang kanilang isip at makakawala sa bitag ng diyablo, pagkatapos na sila ay kaniyang bihagin para sa kaniyang kalooban.

3

1Ngunit alamin ito: na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan. 2Sapagkat ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, hambog, mga lapastangan, suwail sa mga magulang, walang utang na loob, at hindi banal. 3Sila ay mawawalan ng likas na pag-ibig, hindi mapayapa, mga mapanira, walang pagpipigil sa sarili, marahas, hindi maibigin sa mabuti. 4Sila ay magiging mga taksil, matigas ang ulo, palalo, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos.

5Magkukunwari silang mga maka-diyos ngunit itatanggi nila ang kapangyarihan nito. Layuan mo ang mga taong ito. 6Sapagkat ilan sa kanila ay pumapasok sa mga bahay at nang-aakit ng mga mangmang na babae. Ang mga babaeng ito ay patong-patong ang mga kasalanan at natatangay ng iba't-ibang pagnanasa. 7Ang mga babaeng ito ay palaging nag-aaral, ngunit kahit kailan wala silang kakayahang magkaroon ng pang-unawa sa katotohanan.
8Sa ganoon ding paraan na tulad ni Janes at Jambres na sumalungat kay Moises. Sa paraang ito ang mga bulaang tagapagturo ay sumalungat din sa katototohanan. Sila ang mga kalalakihan na nasira ang kaisipan, hindi sang-ayon sa pananampalataya. 9Ngunit hindi sila uunlad. Sapagkat mahahayag ang kanilang kahangalan sa lahat, tulad ng mga kalalakihang ito.
10Ngunit para sa iyo, sinunod mo ang aking mga katuruan, pag-uugali, layunin, pananampalataya, mahabang pagtitiis, pag-ibig, pagtitiyaga, 11pag-uusig, pagtitiis, at kung ano ang nangyari sa akin sa Antioquia, Iconio, at Listra. Tiniis ko ang mga pag-uusig. Sa lahat ng mga ito, ay sinagip ako ng Panginoon. 12Ang lahat ng gustong mamuhay ng matuwid kay Cristo Jesus ay uusigin. 13Ang masasamang tao at ang mga mapagpanggap ay mas lalong lalala. Ililigaw nila ang iba. Sila mismo ay maililigaw.
14Ngunit para sa iyo, manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan at matibay mong pinaniniwalaan. Alam mo kung kanino ka natuto. 15Alam mo na mula sa iyong kabataan nalaman mo na ang sagradong kasulatan. Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
16Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Ito ay mapapakinabangan sa pangangaral, sa pagsaway, pagtatama sa mali, at pagsasanay sa katuwiran. 17Ito ay upang ang lingkod ng Diyos ay magkaroon ng kakayahan, at mabigyan ng kasangkapan sa lahat ng mabuting gawa.

4

1Ibinibigay ko ang taimtim na kautusang ito sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay, at dahil sa kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian. 2Ipangaral mo ang Salita. Maging handa kung ito ay napapanahon at kung hindi napapanahon. Pagwikaan, pagsalitaan, at pangaralan mo sila ng may buong pagtitiyaga at pagtuturo.

3Sapagkat darating ang panahon kung saan hindi na matitiis ng mga tao ang mga totoong aral. Sa halip, tatambakan nila ang kanilang mga sarili ng mga guro na naayon sa kanilang mga nais. Makikiliti sila sa kanilang pakikinig. 4Tatalikod sila sa pakikinig sa katotohanan, at makikinig sila sa mga alamat. 5Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng bagay, pagtiisan mo ang paghihirap, gawin mo ang gawain ng isang ebanghelista, tuparin mo ang iyong paglilingkod.
6Sapagkat ako ay ibinubuhos na. Dumating na ang araw ng aking pag-alis. 7Nakipaglaban ako ng mabuti sa paligsahan, natapos ko ang aking takbuhin, napanatili ko ang pananampalataya. 8Ang korona ng katuwiran ay nakalaan na para sa akin, na ibibigay sa akin ng Panginoon, ang matuwid na hukom, sa araw na iyon. At hindi lamang sa akin ngunit sa lahat din ng umiibig sa kaniyang pagpapakita.
9Gawin mo ang iyong makakaya upang makarating agad sa akin. 10Sapagkat iniwan ako ni Demas. Iniibig niya ang kasalukuyang mundong ito at pumunta sa Tesalonica. Pumunta si Cresente sa Galacia, at pumunta si Tito sa Dalmacia.
11Si Lucas lamang ang kasama ko. Dalhin mo si Marcos at isama mo dahil malaki ang naitutulong niya sa akin sa gawain. 12Pinapunta ko si Tiquico sa Efeso. 13Dalhin mo kapag pupunta ka dito ang balabal na iniwan ko sa Troas kasama si Carpus at ang mga aklat, lalo na ang mga sulatan.
14Si Alejandro na panday ay nagpakita ng maraming masasamang gawa laban sa akin. Ang Panginoon ang maniningil sa kaniya ayon sa kaniyang mga gawa. 15Bantayan mo din ang iyong sarili laban sa kaniya, sapagkat labis niyang sinasalungat ang ating mga salita. 16Sa una kong pagtatanggol ay walang nanatili sa akin. Sa halip, iniwan ako ng lahat. Hindi sana ito maibilang laban sa kanila.
17Ngunit nanatili ang Panginoon sa akin at ako ay pinalakas upang sa pamamagitan ko, ang pagpapahayag ay ganap na matupad at upang marinig ng lahat ng mga Gentil. Sinagip ako mula sa bibig ng leon. 18Sasagipin ako ng Panginoon sa bawat masasamang gawa at ililigtas ako para sa kaniyang kaharian sa langit. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
19Batiin mo si Priscila, si Aquila at ang sambahayan ni Onesiforo. 20Nanatili si Erasto sa Corinto ngunit iniwan ko si Tropimo na may sakit sa Mileto. 21Gawin mo ang iyong makakaya na makarating bago ang taglamig. Binabati kayo ni Eubulo, gayundin si Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid. 22Sumainyo nawa ang Panginoon sa Espiritu. Ang biyaya nawa ay sumainyo.

Tito

1

1Pablo, isang lingkod ng Diyos at isang apostol ni Jesu- Cristo, para sa pananalig ng mga pinili ng Diyos at sa kaalaman ng katotohanang naaayon sa kabanalan. 2Ang mga ito ay nasa pagtitiwala sa buhay na walang hanggan na ang Diyos, siyang walang pagsisinungaling, ay ipinangako bago ang lahat ng panahon. 3At sa takdang panahon, ipinahayag niya ang kanyang salita sa mensahe na ipinagkatiwala sa akin upang isalaysay. Ginawa ko ito dahil sa utos ng Diyos na ating tagapagligtas.

4Kay Tito, isang tunay na anak sa ating pangkalahatang pananampalataya. Biyaya, awa at kapayapaan mula sa Diyos Ama at tagapagligtas na si Cristo Jesus. 5Para sa ganitong layunin iniwan kita sa Creta, upang ikaw ang maaaring mag-ayos ng mga bagay na hindi pa natapos at magtalaga ng mga nakatatanda sa bawat lungsod gaya ng iniutos ko sa iyo.
6Ang isang nakatatanda ay dapat walang kapintasan, may iisang asawa, mayroong masunurin na mga anak hindi naparatangan ng pagiging masama o matigas ang ulo. 7Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim.
8Subalit dapat bukas ang kaniyang tahanan sa mga panauhin at isang kaibigan ng mabuti. Dapat siya ay matino, matuwid, makadiyos, at may pagpipigil sa sarili. 9Dapat siya ay matibay na nananangan sa naiturong mapakakatiwalaang mensahe, upang yaon siya ay maaaring magpalakas sa mga iba pa sa pamamagitan ng mabuting katuruan, at maituwid yaong mga sumasalungat sa kanya.
10Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako. 11Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya.
12Isa sa kanila, isang matalinong tao mula sa kanila, ang nagsabi "Ang mga Creto ay walang tigil sa pagsisinungaling, masama at mapanganib na mga hayop, tamad ang mga sikmura." 13Ang pahayag na ito ay totoo, kaya mahigpit mo silang iwasto sa gayon sila ay maaaring maayos sa pananampalataya.
14Huwag paglaanan ng pansin ang mga kathang isip ng Judio o sa mga kautusan ng mga taong tumalikod sa katotohan.
15Sa yaong mga dalisay, lahat ng mga bagay ay dalisay. Ngunit sa yaong mga marumi at hindi naniniwala ay walang kadalisayan. Sapagkat ang kanilang mga pag-iisip at mga budhi ay madumi. 16Sinasabi nila na kilala ang Diyos, ngunit kanilang itinatatwa siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam at masuwayin. Sila ay tumututol sa anumang mabuting gawa.

2

1Ngunit ikaw, sabihin ang tama kasama ng tapat na pagtuturo. 2Ang mga nakatatandang lalake ay dapat maging mahinahon, marangal, matino, nasa tamang pananampalataya, sa pag-ibig, at sa katiyagaan.

3Ang mga nakatatandang babae gayon din dapat laging ipakilalang sila rin ay kagalang-galang at hindi mga tsismosa. Sila ay hindi dapat inalipin ng sobrang alak. Sila ay dapat nagtuturo ng kung ano ang mabuti 4upang masanay ang mga nakababatang babae sa matinong pagmamahal sa kanilang sariling mga asawa at mga anak. 5Sila ang dapat magsanay sa kanila na maging matino, dalisay, mga mabuting tagapangalaga ng tahanan at masunurin sa kanilang sariling mga asawa. Dapat nilang gawin ang mga bagay na ito upang ang Salita ng Diyos ay hindi maalipusta.
6Sa parehong paraan, himukin ninyo ang mga nakababatang lalake upang maging matino. 7Sa lahat ng paraan, ihayag ang inyong sarili bilang isang huwaran ng mabubuting gawa; at kapag nagtuturo kayo, ipakita ang katapatan at karangalan. 8Magpahayag ng isang mensahe na nakapagpapalakas at walang kapintasan, kaya yaong sinuman ang sumasalungat ay mapahiya, dahil wala siyang masamang masasabi tungkol sa atin.
9Ang mga alipin ay dapat sumunod sa kanilang amo sa lahat ng bagay. Sila ay dapat magbigay-lugod at hindi mangatwiran sa kanila. 10Hindi sila dapat mangupit. Sa halip, dapat silang magpakita ng lahat ng mabuting pananalig, upang sa lahat ng paraan, sila ay magpaganda sa ating katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas.
11Pagkat ang biyaya ng Diyos ay nahayag sa lahat ng tao. 12Ito ay nagsasanay sa atin na tumanggi sa walang kabanalan at makamundong pagkahumaling. Ito ang nagsanay sa ating mamuhay ng matino, makatarungan at sa makadiyos na paraan sa kapanahunan ngayon 13habang tayo ay nag-aabang sa pagtanggap ng ating pinagpalang pag-asa, ang kahayagan ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
14Ibinigay ni Jesus ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kawalan ng batas at gawing dalisay, para sa kanyang sarili, isang natatanging mga tao na sabik sa paggawa ng mabubuti.
15Ipahayag mo at ang lahat ng mga ito sa pagpalakas ng loob. Magbigay ng pag-aayos kasama lahat ng kapangyarihan. Huwag mong hayaang may isang magpasawalang bahala sa iyo.

3

1Ipaalala sa kanila na magpasakop sa mga namumuno at may kapangyarihan, upang sundin sila, para maging handa sa lahat ng mabuting gawa. 2Paalalahanan sila wag manglait nang sinuman, iwasan ang pagtalo-talo, hayaan ang ibang mga tao sa kanilang pamamaraan, at magpakita ng kababaan ng loob sa lahat ng tao.

3Minsan tayo ay naging pabaya at suwail. Dati tayo ay naligaw at inalipin sa iba't ibang mga pagkahumaling at kasiyahan. Namuhay tayo sa kasamaan at inggit. Tayo ay kasuklam-suklam at kinamuhian ang isa't-isa.
4Ngunit kapag ang kabutihan at pagmamahal ng ating Diyos na tagapagligtas ay nalantad sa sangkatauhan, 5eto ay hindi sa pamamagitan na ating makatuwirang mga nagawa, kundi dahil sa kanyang habag kaya tayo ay naligtas. Niligtas nya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng bagong kapanganakan at pagpapabago sa pamamagitan ng Banal na Espirito.
6Masaganang binuhos ng Panginoon sa atin ang Banal na Espirito sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu Cristo. 7Ginawa Nya ito, upang, ang mga pinawalang sala sa pamamagitan ng kanyang biyaya, tayo'y maaring maging kabahagi sa kasiguraduhan ng buhay na walang hanggan.
8Itong mensahe na ito ay mapagkakatiwalaan. Gusto ko kayong magsalita ng may kalakasan ng loob tungkol sa mga bagay na ito, Nang sa gayon ang mga nagtitiwala sa Diyos ay maghangad ng mabubuting gawa na nilagay Niya bago sa kanila. Ang mga bagay na ito ay maganda at kapakipakinabang para sa lahat ng tao.
9Ngunit iwasan ang kawalang katuturan na pagtatalo at mga pagkakasunod-sunod ng lahi at pagkakagalit-galit at hindi pagkakasundo tungkol sa mga batas. Ang mga bagay na iyon ay walang halaga at hindi kapakipakinabang. 10Itanggi ang sinumang nagdudulot ng pagkahati-hati sa inyo, pagkatapos ng isa o dalawang babala, 11at ipaalam na ang taong ito ay tumalikod sa tamang daan at nagkakasala at sinumpa ang kanyang sarili.
12Nang pinapunta ko sa inyo sila Artemas at Tychicus, magmadali at sumama kayo sa akin sa Nicopolis, kung saan ako nagpasyang magpalipas ng tag-lamig. 13Magmadali at papuntahin si Zenas, ang dalubhasa sa batas, at si Apollos, nang sa gayon wala ng kakulangan.
14Ang ating mga tao dapat matutunan ang makisali sa paggawa ng mabuti na tumutugon sa mga agarang pangangailangan upang sila ay maging mabunga.
15lahat ng mga kasama ko ay bumabati sa inyo. Batiin ninyo ang lahat ng nagmamahal sa atin dahil sa pananampalataya. Sumainyo lahat ang biyaya.

Filemon

1

1Si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at kapatid na Timoteo, kay Filemon, aming minamahal na kaibigan at kamanggagawa, 2at kay Apia aming kapatid na babae, at kay Arquipo aming kapwa kawal, at sa mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan: 3Biyaya sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

4Lagi kong pinasasalamatan ang aking Diyos. Binabanggit kita sa aking mga panalangin. 5Narinig ko ang pagmamahal at pananampalataya na mayroon ka sa Panginoong Jesus at sa lahat ng mananampalataya. 6Ipinapanalangin ko na ang pakikisama ng iyong pananampalataya ay maging mabisa para sa kaalaman ng lahat ng mabuting bagay na sumasa-atin kay Cristo. 7Sapagkat ako'y lubhang nagagalak at nagiginhawaan sa iyong pag-ibig, dahil ang mga puso ng mga mananampalataya ay pumayapa sa pamamagitan mo, kapatid.
8Kaya kahit na mayroon akong lahat ng katapangan kay Cristo na utusan ka kung ano ang dapat mong gawin, 9sa halip dahil sa pag-ibig, ako ay nakikiusap sa iyo- ako, si Pablo, isang matandang lalaki, at ngayon isang bilanggo para kay Cristo Jesus.
10Ako ay nakikiusap sa iyo tungkol sa aking anak na si Onesimo, ako'y naging ama niya sa aking pagkakagapos. 11Dahil minsan siyang walang pakinabang sa iyo, pero ngayon ay kapaki-pakinabang na sa iyo at sa akin. 12Pinadala ko siya—ang aking puso—muli sa iyo. 13Nais ko sanang manatili siya sa aking piling, upang siya ang maglingkod sa akin kahalili mo, habang ako ay naka-tanikala alang-alang sa ebanghelyo.
14Ngunit ayaw kong gumawa ng anumang bagay na wala ang iyong pahintulot. Ginawa ko ito para anumang mabuting gawain ay mula sa sarili mong kagustuhan at hindi dahil pinilit kita. 15Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo sandali, ay upang siya ay matanggap mong muli magpakailanman. 16Hindi bilang isang alipin, ngunit higit sa pagiging isang alipin, bilang minamahal na kapatid--lalo na sa akin, at lalo pa para sa iyo, kapwa sa laman at sa Panginoon.
17At sa gayon kung ako ay tinuturing mong katuwang, tatanggapin mo siya katulad ng pangtanggap mo sa akin. 18Pero kung siya man ay nagkamali sa iyo sa anumang paraan o anuman ang utang sa iyo, sa akin mo iyon singillin. 19Ako, si Pablo, sinulat ko ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: ako ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na binabanggit sa iyo na utang mo sa akin ang iyong buhay. 20Oo, kapatid, hayaan mo akong magkaroon ng ilang kagalakan sa Panginoon mula sa iyo; pasiglahin mo ang aking puso kay Kristo.
21Dahil nagtitiwala sa iyong pagsunod, sumulat ako sa iyo na alam kong magagawa mo ang higit pa sa aking hinihiling. 22Gayun din, maghanda ng silid panauhin para sa akin, umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ako ay makakadalaw sa inyo agad.
23Si Epafras, aking kapwa bilanggo kay Kristo Jesus, ay bumabati sa inyo, 24gayun din sina Marcos, Aristarco, Demas, Lucas, mga kamanggagawa ko. 25Nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesu Cristo ay mapasa-inyong espiritu. Amen.

Mga hebreo

1

1Noon unang panahon, nakipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta ng maraming beses at sa iba't-ibang paraan. 2Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo. 3Ang kaniyang Anak ang ningning ng kaniyang kaluwalhatian, ang totoong katangian ng kaniyang diwa, at pinapanatili niya ang lahat sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang nakamit ang paglilinis ng mga kasalanan, umupo siya sa kanang kamay ng kataas-taasang kamahalan.

4Siya ay naging higit na mataas sa mga anghel, sapagkat ang pangalan na kaniyang minana ay mas mahusay kaysa sa kanilang pangalan. 5Sapagkat sino sa mga anghel ang pinagsabihan niya kailanman ng, "Ikaw ay aking anak, ngayon ako ay naging iyong ama?" At muli, "Ako'y magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak sa akin"?
6Muli, nang isinugo ng Diyos ang panganay sa mundo, sinasabi niya, " Lahat ng anghel ng Diyos ay kinakailangang sumamba sa kaniya." 7Tungkol sa mga anghel sinasabi niya, "Siya na ginagawang mga anghel niya na mga espiritu at ang kaniyang mga lingkod na mga lagablab ng apoy."
8Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, "Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan. 9Minahal mo ang katuwiran at kinasusuklaman ang kawalan ng pagsunod sa batas, kaya ang Diyos, na iyong Diyos ay nagbuhos sa iyo ng langis ng kagalakan nang higit sa iyong mga kasamahan.
10Noong simula, O Panginoon, inilagay mo ang pundasyon ng mundo. Ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay. 11Ang mga ito ay mawawala, ngunit ikaw ay magpapatuloy. Silang lahat ay maluluma na parang kasuotan. 12liligpitin mo sila katulad ng isang balabal, at mapapalitan sila katulad ng isang kasuotan. Ngunit ikaw ay mananatili ikaw at ang iyong mga taon ay hindi titigil."
13Ngunit wala isa man sa mga anghel ang kaniyang pinagsabihan ng nito kahit kailan, "Maupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa"? 14Hindi ba't ang lahat ng mga anghel ay espiritu na ipinadala upang maglingkod at pangalagaan ang mga taong magmamana ng kaligtasan?"

2

1Kaya nararapat na pagtuunan natin ng pansin kung ano ang ating mga narinig, upang hindi tayo matangay palayo dito.

2Sapagkat kung ang mensahe na sinabi sa pamamagitan ng mga anghel ay totoo, at ang bawat paglabag at pagsuway ay tatanggap ng nararapat na kaparusahan, 3paano tayo makakatakas kung ating babalewalain ang dakilang kaligtasan? —kaligtasan na unang ipinahayag ng Panginoon at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig nito. 4Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, mga kamangha-manghang gawa, at sa pamamagitan ng iba't- ibang mga makapangyarihang gawa, at sa pamamagitan ng kaloob ng Banal na Espiritu na kaniyang ipinamahagi ayon sa kaniyang kalooban.
5Hindi ipinamahala ng Diyos sa mga anghel ang sanlibutang darating na aming tinutukoy. 6Sa halip, may nagpatunay mula sa isang dako at nagsabing, "Ano ba ang tao, na iyong inaalala? O ang anak ng tao, na iyong pinapahalagahan?
7Ginawa mo ang taong bahagyang mas mababa kaysa sa mga anghel; kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. (Nilagay mo siya sa ilalim ng gawa ng iyong mga kamay.) 8Inilagay mo ang lahat na mapasailalim sa kaniyang mga paa". Sapagkat ipinasailalim ng Diyos ang lahat sa sangkatauhan. Wala siyang iniwan na anuman na hindi naipasailalim sa kaniya. Ngunit ngayon, hindi pa natin makita ang lahat na ipinasailalim sa kaniya.
9Gayon pa man, nakikita natin ang isa na ginawa sa maikling panahon, na mababa kaysa mga anghel— si Jesus, dahil sa kaniyang paghihirap at kamatayan ay kinoronahan ng kaluwalhatian at karangalan. Kaya ngayon sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, naranasan ni Jesus ang kamatayan para sa bawat tao. 10Sapagkat nararapat na ang Diyos, dahil para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming mga anak tungo sa kaluwalhatian, ay gawing sakdal ang nagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagdurusa.
11Sapagkat parehong ang tagapaghandog at mga ihinahandog ay iisa lang ang pinanggalingan, ang Diyos. Dahil dito, ang tagapaghandog nila sa Diyos ay hindi nahihiyang tawagin silang mga kapatid. 12Sinasabi niya, "Ipapahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, aawitin ko ang tungkol saiyo sa loob ng pagpupulong."
13At sinasabi niyang muli, "Magtitiwala ako sa kaniya." At muli, "Masdan ninyo, heto ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos." 14Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo. 15Ito ay upang mapalaya niya ang lahat na sa pamamagitan ng pagkatakot sa kamatayan ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.
16Sapagkat tunay nga na hindi ang mga anghel ang tinutulungan niya. Sa halip, tinutulungan niya ang mga kaapu-apuhan ni Abraham. 17Kaya kinakailangan niyang maging katulad ng kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan, upang siya ay maging maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay para sa Diyos, at upang maaari niyang makamit ang kapatawaran para sa kasalanan ng mga tao. 18Dahil si Jesus mismo ay naghirap, noong siya ay tinukso, kaya niyang tulungan ang mga natukso.

3

1Kaya, mga banal na kapatid, mga kasama sa makalangit na pagtawag, alalahanin ninyo si Jesus na Apostol at Pinakapunong Pari na aming ipinapahayag. 2Siya ay tapat sa Diyos, na naghirang sa kaniya, katulad ng pagiging tapat ni Moises sa lahat ng sambahayan ng Diyos. 3Sapagkat si Jesus ay itinuring na higit na karapat-dapat na maluwalhati kaysa kay Moises, dahil ang gumawa ng bahay ay higit na may karangalan kaysa sa bahay mismo. 4Sapagkat ang bawat bahay ay itinayo ng isang tao, ngunit ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.

5Sa katunayan, si Moses ay isang tapat na lingkod sa lahat ng sambahayan ng Diyos, nagbibigay patotoo tungkol sa mga bagay na sinasabing magaganap sa hinaharap. 6Ngunit si Cristo ang Anak na pinagkatiwalaan sa sambahayan ng Diyos. Tayo ang kaniyang bahay kung ating mahigpit na panghahawakan ang ating pananalig at kapurihan ng pananalig.
7Kaya, gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu, "Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, 8Huwag patigasin ang inyong mga puso gaya ng panghihimagsik na ginawa ng mga Israelita sa panahon ng pagsubok sa ilang.
9Ito ay nang naghimagsik ang inyong mga ninuno sa pagsubok sa akin, at nang apatnapung taon na, nakita nila ang aking mga gawa. 10Kaya hindi ako nalugod sa lahing ito. Sinabi ko, "Sila ay palaging naliligaw sa kanilang mga puso at hindi nila alam ang aking mga paraan. 11Kaya sa galit ko sila ay aking isinumpa: sila ay hindi makapapasok sa aking pahingahan."
12Mag-ingat kayo mga kapatid, upang hindi magkaroon ng isang masamang puso na walang pananampalataya sa sinuman sa inyo, isang puso na tatalikod mula sa buhay na Diyos. 13Sa halip, palakasin ang loob ng bawat isa araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang ngayon, upang walang sinuman sa inyo ang maaaring mapatigas sa pamamagitan ng pandaraya ng kasalanan.
14Sapagkat tayo ay naging kasama ni Cristo kung patuloy nating panghahawakan ang ating pananalig sa kaniya mula sa simula hanggang sa katapusan. 15Tungkol dito ito sinabing, "Ngayong araw, kung makikinig kayo sa kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso gaya ng ginawa ng mga Israelita sa kanilang paghihimagsik."
16Sino ang nakarinig sa Diyos at naghimagsik? Hindi ba't ang lahat na pinangunahan ni Moses na lumabas sa Egipto? 17At kanino nagalit ang Diyos sa apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala, na ang mga patay na katawan ay nakaratay sa ilang? 18Kanino sumumpa ang Diyos na hindi na sila makapapasok sa kaniyang kapahingahan, hindi ba ang mga sumuway sa kaniya? 19Nakita natin na hindi sila nakapasok sa kaniyang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya.

4

1Kaya, kailangan nating maging maingat upang walang sinuman sa inyo ang mabigo upang maabot ang patuloy na pangako na pagpasok sa kapahingahan ng Diyos. 2Sapagkat nasa atin ang magandang balita tungkol sa kapahingahan ng Diyos na ipinahayag sa atin gaya katulad ng mga Israelita, ngunit walang pakinabang ang mensahe sa mga nakarinig nito na walang kalakip na pananampalataya.

3Sapagkat tayo, ang naniwala— tayo rin ang makakapasok sa kapahingahan, gaya ng sinabi, "Katulad ng aking isinumpa sa poot, Hindi sila makapapasok sa aking kapahingahan." Sinabi niya ito, bagama't ang kaniyang mga nilikhang gawain ay natapos na mula sa simula pa ng mundo. 4Sapagkat nasabi niya sa isang dako hinggil sa ikapitong araw, "Ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat ng kanyang mga nilikha." 5Muli ay sinabi niya, "Hindi sila makakapasok sa aking kapahingahan."
6Kaya, dahil ang kapahingahan ng Diyos ay nakalaan hanggang ngayon para sa ilan upang makapasok, at dahil maraming mga Israelita na nakarinig ng magandang balita tungkol sa kaniyang kapahingahan ay hindi nakapasok dahil sa pagsuway. 7Muli ang Diyos ay nagtakda ng tiyak na araw, na tinatawag na "Ngayon". Itinakda niya ang araw na ito nang nakipag-usap siya sa pamamagitan ni David, na sinabi noon pa pagkatapos ng unang pagsasabi nito, "Ngayon, kung pakikinggan ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso."
8Kung naibigay na ni Joshua sa kanila ang kapahingahan, hindi na magsasalita ang Diyos tungkol sa ibang araw. 9Kaya, mayroon pa ring isang Araw ng Pamamahinga na nakalaan sa mga tao ng Diyos. 10Sapagkat sinuman ang makapapasok sa kapahingahan ng Diyos kailangan siya mismo din ay nagpahinga mula sa kaniyang mga ginagawa, katulad ng ginawa ng Diyos. 11Kaya manabik tayo na makapasok sa kapahingahan na iyon, upang walang sinuman ang mahulog sa uri ng pagsuway na kanilang ginawa.
12Dahil ang salita ng Diyos ay buhay, mabisa at mas matalim pa kaysa sa espada na may dalawang talim. Tumatagos ito kahit na sa paghahati ng kaluluwa mula sa espiritu, at sa kasu-kasuan mula sa utak ng buto. May kakayahan itong makunawa sa mga isip at mga layunin ng puso. 13Walang bagay nanilikha ang makakatago sa paningin ng Diyos. Sa halip, lahat ng bagay ay lantad at hayag sa mga mata ng dapat nating panagutan.
14Yamang mayroon tayong dakilang pinakapunong pari na dumaan sa pamamagitan ng kalangitan, na si Jesus na Anak ng Diyos, dapat tayong kumapit na mahigpit sa ating mga paniniwala. 15Sapagkat wala tayong pinaka-punong pari na hindi makakaramdam ng pagkahabag sa ating mga kahinaan, ngunit siya ay tinukso sa lahat ng paraan tulad natin, maliban lang na wala siyang kasalanan. 16Kaya magsilapit tayo na may pananalig sa trono ng biyaya, ng sa gayon makatanggap tayo ng awa at makahanap ng biyaya na makakatulong sa oras ng pangangailangan.

5

1Sapagkat bawat pinaka-punong pari, na pinili mula sa mga tao, ay itinalaga upang gumanap para sa kanila sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang siya ay maaaring makapag-alay ng mga kaloob at mga handog para sa mga kasalanan. 2Kaya niyang makitungo nang malumanay sa mga walang alam at sa naliligaw sapagkat siya mismo ay napapaligiran rin ng kahinaan. 3Dahil dito, siya ay kinakakailangan rin na magdala ng mga handog para sa kaniyang mga kasalanan katulad ng ginagawa niya para sa mga kasalanan ng mga tao.

4At walang sino man ang makakapagparangal sa kaniyang sarili, sa halip, kinakailangang siya ay tinawag ng Diyos, katulad ni Aaron. 5Maging si Cristo ay hindi pinarangalan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniyang sarili bilang pinakapunong- pari. Sa halip ay sinabi ng Diyos sa kaniya, ''Ikaw ay aking Anak, ngayong araw na ito ako ay naging iyong Ama."
6Ito ay katulad lang din ng kaniyang sinabi sa ibang lugar, ''Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec."
7Sa panahon ng kaniyang laman, nag-alay siya ng mga panalangin at mga kahilingan, nakikiusap ng may pagluha sa Diyos, na may kakayahang makapagliligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Dahil sa kaniyang paggalang sa Diyos, siya ay pinakinggan. 8Bagama't siya ay anak, natutunan niya ang pagsunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis.
9Siya ay ginawang ganap at sa pamamaraang ito, siya ang dahilan ng walang hanggang kaligtasan para sa bawat isang sumusunod sa kaniya, 10na itinalaga ng Diyos bilang pinaka-punong pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec. 11Marami kaming masasabi tungkol kay Jesus, ngunit mahirap itong ipaliwanag sapagkat kayo ay mapurol sa pakikinig.
12Kahit sa oras na ito ay marapat na sana kayong maging tagapagturo, ngunit kinakailangan pa rin na may magturo sa inyo ng mga pangunahing alituntunin ng mga salita ng Diyos. Nangangailangan kayo ng gatas, hindi nang matigas na pagkain. 13Sapagkat sinuman na gatas pa lamang ang iniinom ay walang karanasan sa mensahe ng katuwiran, sapagkat siya ay sanggol pa lang. 14Sa ibang banda, ang matigas na pagkain ay para sa mga may ganap nang gulang, sila na dahil sa kanilang karanasang kumilala ng tama sa mali, ay sinanay upang maunawaan ang mabuti at masama.

6

1Kung gayon, iwan na natin ang mga unang natutunan tungkol sa mensahe ni Cristo, kailangan nating magpatuloy sa pagiging ganap, at huwag na muling ilagay ang saligan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa at ng pananampalataya sa Diyos, 2ni ang saligan ng katuruan tungkol sa mga pagbabautismo, pagpapatong ng mga kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at sa hatol na walang hanggan. 3Gagawin din natin ito kung papahintulutan ng Diyos.

4Sapagkat imposible para sa kanila na minsan nang naliwanagan, na nakalasap na ng kaloob ng kalangitan, na naging kabahagi ng Banal na Espiritu, 5at sila na nakalasap na ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng kapanahunang darating, 6at sila nga na nahulog na---ito ay imposible nang ibalik silang muli sa pagsisisi. Ito ay dahil sa ipinako nilang muli para sa kanilang mga sarili ang nag-iisang Anak ng Diyos, ginawa siyang dahilan ng lantarang kahihiyan.
7Sapagkat ang lupang tumanggap ng ulan na madalas bumuhos dito at nagbibigay ng pananim na kapaki-pakinabang para sa kanila na nagtrabaho ng lupa, ay tumanggap ng pagpapalang galing sa Diyos. 8Ngunit kung tubuan ito ng tinik at dawag, ito ay walang pakinabang at nanganganib na maisumpa. At ang kahahantungan nito ay pagkasunog.
9Kahit na kami ay nagsasalita na gaya nito, minamahal kong mga kaibigan, kami ay naniniwala sa mas mabuting mga bagay ukol sa inyo at sa mga bagay na tungkol sa kaligtasan. 10Sapagkat ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita para sa kaniyang pangalan, sa ganoon naglingkod kayo sa mga mananampalataya at patuloy na naglingkod sa kanila.
11At labis naming ninanais na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng parehong kasipagan hanggang sa wakas na may buong katiyakan ng pagtitiwala. 12Ayaw namin na maging mabigat ang inyong katawan, sa halip maging katulad kayo ng mga magmamana ng mga pangako dahil sa pananampalataya at pagtitiis.
13Sapagkat nang ginawa ng Diyos ang kaniyang pangako kay Abraham, siya ay nanumpa sa kaniyang sarili, sapagkat hindi siya makapanumpa sa mas higit sa kaniya. 14Sinabi niya, "Tunay na ikaw ay aking pagpapalain, at labis kong dadagdagan ang iyong mga kaapu-apuhan.'' 15Sa ganitong paraan, natanggap ni Abraham kung ano ang ipinangako pagkatapos niyang maghintay ng may pagtitiis.
16Sapagkat ang mga tao ay nanunumpa sa mas mataas sa kanilang mga sarili, at sa bawat pagtatalo nila, ang sinumpaan ang siyang pangwakas bilang pagpapatunay. 17Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa. 18Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan.
19Mayroon tayo nitong pagtitiwala bilang matatag at maaasahan na angkla ng ating mga kaluluwa, ang pagtitiwala na pumapasok sa dakong loob sa likod ng tabing. 20Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

7

1Melquisedec na ito, ang hari ng Salem, ang pari ng Kataas-taasang Diyos, na sumalubong kay Abraham nang siya ay bumalik mula sa malupit na pagpatay ng mga hari, at pinagpala siya. 2Binigyan siya ni Abraham ng ikamsampung bahagi ng lahat ng kaniyang nasamsam. Ang pangalan na ''Melquisedec" ay nangangahulugang ''hari ng katuwiran'' at ''hari ng Salem'' ito ay ''hari ng kapayapaan.'' 3Siya ay walang ama, walang ina, walang mga ninuno, walang anumang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay. Sa halip nanatili siyang pari magpakailanman, katulad ng Anak ng Diyos.

4Ngayon isaalang-alang kung gaano kadakila ang taong ito. Ang ating ninuno na si Abraham ay nagbigay ng ikasampung bahagi mula sa pinakamahalagang mga bagay na nakuha niya mula sa labanan. 5At sa katunayan, ang mga kaapu-apuhan ni Levi na tumanggap ng gawaing pagkapari ay may utos mula sa kautusan na tipunin ang mga ikasampung bahagi mula sa mga tao, iyon ay mula sa kanilang mga kababayang Israelita, kahit na sila rin ay nagmula kay Abraham. 6Ngunit si Melquisedec, na hindi mula sa kaapu-apuhan ni Levi, ay tumanggap ng ikasampung bahagi mula kay Abraham, at siya ay pinagpala, siya na tumanggap ng mga pangako.
7Hindi maitatanggi na ang mas mababang tao ay pinagpapala ng mas mataas na tao. 8Sa ganitong kalagayan, ang taong tumanggap ng ikasampung bahagi ay mamamatay balang araw. ngunit sa isang banda, ang tumanggap ng ikasampung bahagi ni Abraham ay inilarawan bilang patuloy na nabubuhay. 9At samakatuwid, masasabi na si Levi na tumanggap ng ikapu, ay nakapagbigay din ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham, 10dahil si Levi ay nasa pribadong bahagi pa lamang ng kaniyang ninuno na si Abraham nang makilala ni Abraham si Melquisedec.
11Ngayon kung ang pagiging ganap ay maaari nang makamtan sa pamamagitan ng pagiging pari ng mga Levita (sapagkat sa ilalim nito ang mga tao ay tumanggap ng kautusan), ano pa ang kailangan para sa isang pari na lumitaw ayon sa pagkapari ni Melquisedec, at hindi mapangalanan ayon sa pagkapari ni Aaron? 12Dahil kapag ang pagkapari ay nabago, ang kautusan ay kailangan ding mabago.
13Sapagkat ang pinagsabihan ng mga bagay na ito ay kabilang sa ibang lahi, kung saan walang sinuman ang naglingkod sa altar. 14Ngayon ito ang katunayan na ang ating Panginoon ay nagmula kay Judah, ang lipi na hindi binanggit ni Moises patungkol sa mga pari.
15At ang aming sinasabi ay mas malinaw pa kung may ibang paring liliitaw ayon sa pagkakatulad ni Melquisedec. 16Ang bagong pari na ito ay hindi naging pari ayon sa batayan ng kautusan sa angkan ng tao sa halip ay sa batayan ng kapangyarihan ng hindi nasisirang buhay. 17Dahil ang kasulatan ay sumasaksi tungkol sa kaniya: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
18Sapagkat pinawalang saysay ang dating kautusan dahil sa ito ay mahina at walang pakinabang. 19Sapagkat ang kautusan ay walang ginawang ganap. Gayunpaman, mayroong mas mabuting pag-asa para sa hinaharap kung saan lumalapit tayo sa Diyos.
20At itong mas mabuting katiyakan ay hindi nangyari kung walang panunumpa, sapagkat ang mga ibang pari ay hindi gumawa ng anumang panunumpa. 21Ngunit ang Diyos ay gumawa ng isang panunumpa nang sinabi niya ang tungkol kay Jesus, ''Ang Panginoon ay nangako at hindi na magbabago ang kaniyang isip: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman.'''
22Sa pamamagitan din nito si Jesus ay naging kayiyakan ng isang mas mabuting kasunduan. 23Sa katunayan, ang kamatayan ang humahadlang sa mga pari mula sa paglilingkod magpakailanman. Ito ang dahilan kung bakit mayroong maraming pari, isa pagkatapos ng isa. 24Ngunit dahil nabubuhay si Jesus magpakailanman, ang kaniyang pagkapari ay hindi mapapalitan.
25Samakatuwid, siya rin ay lubos na makapagliligtas sa kanila na lalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, dahil siya ay laging nabubuhay upang mamagitan para sa kanila. 26Sapagkat ganito ang pinaka-punong pari na nararapat para sa atin. Siya ay walang kasalanan, walang dungis, dalisay, ibinukod mula sa mga makasalanan, at naging lalong mataas kaysa sa kalangitan.
27Hindi siya nangangailangan, di tulad ng mga pinaka-punongpari, na mag-alay ng handog araw-araw, una para sa kaniyang sariling kasalanan, at pagkatapos para sa kasalanan ng mga tao. Ginawa niya ito nang minsanan para sa lahat, nang inialay niya ang kaniyang sarili. 28Sapagkat ang kautusan ang humirang ng mga tao na may kahinaan katulad ng mga pinakapunong pari, ngunit ang salita ng panunumpa, na dumating matapos ang kautusan, ay naghirang ng isang Anak, na siyang ginawang ganap magpakailanman.

8

1Ngayon, ito ang paksa ng aming sinasabi, mayroon tayong isang pinaka-punong pari na nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. 2Isa siyang lingkod sa lugar na banal, ang tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng sinumang tao.

3Sapagkat itinalaga ang bawat pinaka-punong pari upang mag-alay ng mga kaloob at mga handog, kaya kinakailangan na may isang bagay na ialay. 4Ngayon kung si Cristo ay nasa lupa, hindi na siya magiging pari pa, yamang mayroon nang mga nag-aalay ng mga handog ayon sa kautusan. 5Naglilingkod sila sa isang bagay na huwaran at anino ng mga bagay na makalangit, kagaya na lamang ng babala ng Diyos kay Moises noong itatayo na niya ang tabernakulo, "Tingnan mo," sinabi ng Diyos, na gagawin mo ang lahat ayon sa batayan na ipinakita sa iyo doon sa bundok."
6Ngunit ngayon tinanggap ni Cristo ang isang mas mataaas na paglilingkod dahil siya din ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako. 7Sapagkat kung ang unang tipan ay walang pagkakamali, kung gayon hindi na kailangan pang humanap ng pangalawang tipan.
8Sapagkat nang nakatagpo ang Diyos ng pagkakamali sa mga tao, sinabi niya," 'Tingnan ninyo, darating ang mga araw,' sabi ng Panginoon, 'na Ako ay gagawa ng bagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda. 9Hindi na ito katulad ng tipan na ginawa ko sa kanilang mga ninuno noong araw na kinuha ko sila sa pamamagitan ng kamay upang pangunahan silang lumabas sa lupain ng Egipto. Sapagkat hindi sila nagpatuloy sa aking tipan, at hindi ko na sila bibigyang pansin,' sabi ng Panginoon.
10'Sapagkat ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon,' sabi ng Panginoon. 'Ilalagay ko sa kanilang mga isipan ang aking mga tipan, at isusulat ko rin ang mga ito sa kanilang mga puso. Ako ang magiging Diyos nila, at sila ay aking magiging mga tao.
11Hindi nila tuturuan ang bawat isa na kaniyang kapwa at ang bawat isa na kaniyang kapatid, na sabihing, "Kilalanin ninyo ang Diyos," sapagkat ako ay makikilala ng lahat mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila. 12Sapagkat magpapakita ako ng habag sa kanilang mga gawaing hindi matuwid at hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.' "
13Sinasabing "bago," ginawa niyang luma ang unang tipan. At kaniya ngang inihayag na ang pagiging luma ay handa ng maglaho.

9

1Ngayon kahit sa unang tipan ay may lugar para sa pagsamba dito sa lupa at mga alituntunin ukol sa pagsamba. 2Sapagkat may silid na inihanda sa loob ng tabernakulo, ang panlabas na silid, ang tinatawag na banal na lugar. Nakalagay sa lugar na ito ang ilawan, ang mesa at ang tinapay na handog.

3At sa likod ng pangalawang tabing ay isa pang silid na tinatawag na kabanal-banalang lugar. 4Mayroon itong gintong altar para sa insenso. Nandito rin ang kaban ng tipan na nababalutan ng ginto. Sa loob nito ay sisidlang ginto na may lamang manna, ang namulaklak na tungkod ni Aaron at ang mga tapyas na bato ng tipan. 5Sa itaas ng kaban ng tipan ay anyo ng kerubim ng kaluwalhatian na umaaligid sa takip ng pagsisisi, na hindi muna namin ngayon mailalarawan.
6Pagkatapos na maihanda ang mga bagay na ito, palaging pumapasok ang mga pari sa panlabas na silid ng tabernakulo upang isagawa ang kanilang mga tungkulin. 7Ngunit ang pinaka-punong pari ay pumapasok na nag-iisa sa pangalawang silid minsan sa isang taon, at may dalang maihahandog na dugo para sa kaniyang sarili at para sa hindi sinasadyang mga paglabag ng mga tao.
8Ipinapakita ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa kabanal-banalang lugar ay hindi pa ipinapahayag habang nananatili pang nakatayo ang unang tabernakulo. 9Isa itong paglalarawan sa kasalukuyang panahon. Parehong walang kakayahang gawing ganap ng mga kaloob at mga handog ang budhi ng mga sumasamba. 10Mga pagkain at inumin lamang ang mga ito na kaugnay ng iba't-ibang uri ng seremonya ng paglilinis. Ang lahat ng ito ay alituntunin para sa laman na inilaan hanggang sa maganap ang bagong kaayusan.
11Dumating si Cristo bilang pinaka-punong pari ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng mas dakila at higit na ganap na sagradong tolda na hindi gawa sa mga kamay ng tao, na hindi kabilang sa mundong nilikha. 12Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan.
13Sapagkat kung ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang pagwiwisik ng mga abo sa mga taong may dungis ay naghahandog sa kanila sa Diyos at ginagawang malinis ang kanilang katawan, 14gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay? 15Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako.
16Sapagkat kung saan iniwan ng isang tao ang kaniyang testamento, kailangan na mapatunayan ang kamatayan ng taong gumawa nito. 17Sapagkat nagkakabisa lamang ang testamento kung saan mayroong kamatayan dahil wala pang bisa ito habang buhay pa ang gumawa.
18Kaya hindi naitatag ang lumang tipan nang walang dugo. 19Sapagkat nang maibigay ni Moises ang bawat alituntunin ng kautusan sa lahat ng mga tao, kinuha niya ang dugo ng mga guya at mga kambing na may tubig, mapulang balahibo, hisopo at parehong winisikan ang balumbon ng kasulatan at ang lahat ng tao. 20At sinabi niya, "Ito ang dugo ng tipan kung saan ibinigay ng Diyos sa inyo ang mga kautusan."
21Sa ganito ring paraan, winisikan niya ng dugo ang tabernakulo at ang lahat ng sisidlan na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod. 22At ayon sa kautusan, halos lahat ay nilinis ng dugo. Walang kapatawaran kung walang pagbubuhos ng dugo.
23Samakatwid kinakailangan nga na ang mga bagay na kahalintulad nang nasa langit ay dapat na malinis nitong mga hayop na handog. Gayunman, dapat na linisin ng mas mabuting handog ang mga bagay na panlangit. 24Sapagkat hindi pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar na gawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay. Sa halip, pumasok siya sa langit mismo, na ngayon ay nasa harapan ng Diyos para sa atin.
25Hindi siya nagpunta doon upang madalas na ihandog ang kaniyang sarili, katulad ng ginagawa ng pinakapunong pari, na pumapasok sa kabanal-banalang lugar taun-taon na may dalang dugo. 26Kung iyan ay totoo, kakailanganin niyang maghirap ng maraming ulit mula pa ng likhain ang mundo. Ngunit ngayon minsan na lamang siyang naipahayag hanggang sa katapusan ng panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili.
27Tulad ng bawat tao ay itinakda na mamatay minsan, at pagkatapos ay ang paghatol, 28gayon din si Cristo, na minsang naihandog upang alisin ang mga kasalanan ng marami, darating siya sa pangalawang pagkakataon, hindi upang ihandog muli sa kasalanan, kundi para sa kaligtasan ng mga matiyagang naghihintay sa kaniya.

10

1Sapagkat ang kautusan ay isang anino lamang ng mga mabubuting bagay na darating, hindi ng mga katotohanan. Hindi magagawang ganap ng kautusan ang mga lumalapit sa Diyos batay sa paraan ng parehong mga alay na inihahandog ng mga pari taun-taon. 2O kung hindi, ititigil kayang maihandog ang mga alay na iyon? Sa ganiyang kalagayan, ang mga sumasamba ay nilinis ng minsan, na wala ng kamalayan sa kasalanan. 3Ngunit sa mga handog na iyon ay may pagpapa-alala sa mga nagawang kasalanan taun-taon. 4Sapagkat hindi maaaring pawiin ng mga dugo ng toro at kambing ang mga kasalanan.

5Nang dumating si Cristo dito sa mundo, sinabi niya, "Hindi mo nais ang mga handog o ang mga hain. Sa halip, inihanda mo ang isang katawan para sa akin. 6Wala kang kasiyahan sa mga haing sinusunog o mga handog para sa kasalanan." 7At aking sinabi, "Masdan mo, narito ako upang gawin ang iyong kalooban, o Diyos, gaya ng nasusulat tungkol sa akin na nasa balumbon."
8Sinabi niya gaya ng nasabi sa itaas, "Hindi mo nais ang mga handog at mga hain o ang mga handog na sinusunog para sa kasalanan, ni hindi ka nasisiyahan sa mga ito"— mga handog na inialay ayon sa kautusan. 9At sinabi niya, "masdan mo, ako ay narito upang gawin ang iyong kalooban." Isinantabi niya ang unang kaugalian upang maitatag ang pangalawa. 10Sa pangalawang kaugalian, tayo ay naihandog sa Diyos sa kaniyang kalooban at sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo ng minsan para sa lahat.
11Sa katunayan tumatayong naglilingkod ang bawat pari araw-araw, iniaalay ang parehong mga handog, kung saan, gayon pa man, hindi makatatanggal ng mga kasalanan kailanman. 12Ngunit pagkatapos na ialay ni Cristo ang isang handog para sa kasalanan magpakailanman, umupo siya sa kanang kamay ng Diyos, 13naghihintay hanggang ang kaniyang mga kaaway ay maibaba at gawing isang patungan para sa kaniyang paanan. 14Dahil sa pamamagitan ng isang handog ay kaniyang ginawang ganap magpakailanman ang mga taong inihandog sa Diyos.
15At nagpapatotoo rin sa atin ang Banal na Espiritu. Sapagkat unang sinabi niya, 16'' 'Ito ang tipan na aking gagawin sa kanila pagkatapos ng mga araw na iyon,' ang sabi ng Panginoon, 'Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip."'
17Pagkatapos sinabi niya, "Hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at paglabag sa kautusan." 18Ngayon kung saan may kapatawaran na para sa mga ito, wala ng pag-aalay pa para sa kasalanan.
19Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. 20Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing. 21At dahil mayroon tayong dakilang pari sa bahay ng Diyos, 22Lumapit tayo na may totoong puso na may lubos na katiyakan ng pananampalataya, na may mga pusong nawisikan at nilinis mula sa masamang budhi at ang ating katawan na nahugasan ng dalisay na tubig.
23Panghawakan ding mabuti ang paghahayag ng ating pananalig ng walang pag-aalinlangan, sapagkat ang Diyos na siyang nangako ay tapat. 24Kaya isaalang-alang natin kung paano pasisiglahin ang isa't- isa sa pag-ibig at sa mga mabubuting gawa. 25Huwag tayong tumigil sa pagtitipon-tipon ng magkakasama, katulad ng ginawa ng ilan. Sa halip, palakasin pa natin ng higit ang isa't isa, ngayong nakikita ninyo na nalalapit na ang araw.
26Sapagkat kung ating sasadyain ang paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang kaalaman sa katotohanan, ang handog para sa kasalanan ay hindi na umiiral. 27Sa halip, mayroon lamang tiyak na inaasahang nakakatakot na hatol at nagngangalit na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos.
28Sinuman na lumabag sa kautusan ni Moises ay mamamatay ng walang awa sa patunay ng dalawa o tatlong saksi. 29Gaano pa kaya kabigat na parusa sa akala ninyo ang nararapat sa taong yumurak sa Anak ng Diyos, sinumang magturing sa dugo ng tipan na hindi banal, ang dugo na kaniyang inihandog sa Diyos—sinuman na humamak sa Biyaya ng Espiritu
30Sapagkat kilala natin ang nagsabi nito, "Akin ang paghihiganti at ako ang maniningil." At muli, "Hahatulan ng Panginoon ang kaniyang mga tao." 31Nakakatakot nga ang mahulog sa mga kamay ng buhay na Diyos!
32Ngunit alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, pagkatapos na kayo ay maliwanagan kung papaanong kayo ay nagtiis ng matinding pagdurusa. 33Nailantad kayo sa madla ng may pangungutya sa pamamagitan ng mga panlalait, pag-uusig at kayo ay kabilang sa mga nakaranas ng ganitong pagdurusa. 34Sapagkat mayroon kayong habag sa mga bilanggo, at inyong tinanggap nang may kagalakan ang pagsamsam ng inyong mga ari-arian, na alam ninyo sa inyong mga sarili na mayroon kayong mas mabuti at walang hanggang pag-aari.
35Kaya nga huwag ninyong isasawalang-bahala ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36Sapagkat kailangan ninyo ng pagtitiyaga upang inyong matanggap ang ipinangako ng Diyos pagkatapos ninyong magawa ang kaniyang kalooban. 37"Sapagkat sa kaunting panahon, ang siyang paparating ay tiyak na darating at hindi ito maaantala.
38Mabubuhay ang matuwid kong lingkod sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung tatalikod siya, hindi ako masisiyahan sa kaniya." 39Ngunit hindi tayo katulad ng ilang tumalikod at napahamak. Sa halip, tayo ay ilan sa mga may pananampalataya upang mapanatili ang ating mga kaluluwa.

11

1Ngayon ang pananampalataya ay ang katiyakan ng sino man kung siya ay nagtitiwalang naghihintay sa isang bagay. Ito ang katiyakan tungkol sa hindi pa nakita. 2Sapagkat sa pamamagitan nito pinagtibay ang ating mga ninuno dahil sa kanilang pananampalataya. 3Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na nilikha ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng utos ng Diyos, upang kung ano man ang nakikita ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita.

4Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abel ay nag-alay ng mas higit na kalugod-lugod na handog sa Diyos kaysa sa ginawa ni Cain. At dahil dito pinuri siya sa pagiging matuwid. Pinuri siya ng Diyos dahil sa mga handog na kaniyang inialay. Dahil diyan, si Abel ay nagsasalita pa rin kahit na siya ay patay na.
5Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Enoc ay kinuha pataas at hindi nakita ang kamatayan. "Hindi siya nahanap, dahil siya ay kinuha ng Diyos." Sapagkat ito ay sinabi sa kaniya na ang Diyos ay nalugod sa kaniya bago siya kunin. 6Kung walang pananampalataya hindi maaaring bigyan ng kaluguran ang Diyos, at ang sino man na lalapit sa Diyos ay kinakailangang manalig na siya ay umiiral at gagantimpalan niya ang sino man na humahanap sa kaniya.
7Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Noe, ay binalaan ng Diyos ukol sa mga bagay na hindi pa nakita, nang may maka-diyos na paggalang ay gumawa ng isang daong upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Sa paggawa nito, hinatulan niya ang mundo at naging tagapagmana ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya.
8Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham nang siya ay tinawag, Siya ay sumunod at nagtungo sa lugar na kaniyang tatanggapin bilang isang tagapagmana. Pumunta siya na hindi niya nalalaman kung saan siya tutungo. 9Sa pamamagitan ng pananampalataya siya ay nanirahan sa lupang ipinangako bilang isang dayuhan. Siya ay namuhay sa tolda na kasama sina Isaac at Jacob na parehong tagapagmana ng pangako. 10Ito ay dahil sa tumingin siya sa hinaharap sa pagtatayo ng isang lungsod na ang arketekto at tagapagpatayo ay ang Diyos.
11Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham, at kahit na si Sarah mismo ay tumanggap ng kakayahang magbuntis kahit sila ay matanda na, sapagkat itinuring nila ang Dios na tapat, ang nangako sa kanila ng isang anak. 12Samakatuwid galing din sa lalaking ito na malapit ng mamatay ay maipapanganak ang hindi mabilang na salinlahi. Sila ay naging kasing dami ng mga bituin sa langit at nang hindi mabilang na mga butil ng buhangin sa tabing dagat.
13Ang lahat ng ito ay namatay sa pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, sa halip kahit malayo pa nakita at tinanggap na nila, na sila ay mga dayuhan at banyaga dito sa lupa. 14Kaya sa mga nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagbibigay linaw na sila ay naghahanap ng kanilang sariling bayan.
15Sa katunanayan, kung ang iniwan nilang lupain ang kanilang iniisip, sila ay may pagkakataon pang bumalik, 16Subalit naghahangad sila ng mas mabuting bayan, na isang makalangit. Kaya naman hindi nahihiya ang Diyos na tawaging kanilang Diyos sapagkat naghanda siya ng isang lungsod para sa kanila.
17Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham pagkatapos subuking ialay si Isaac. Oo siya na masayang tumanggap ng mga pangako ay inialay ang kaniyang nag-iisang anak, 18tungkol sa kaniya ang sinabi, "Magmumula kay Isaac ang iyong mga salinlahi." 19Isinaalang- alang ni Abraham na bubuhayin ng Diyos si Isaac mula sa mga patay, at sa matalinhagang pagsasalita, natanggap niya siyang muli.
20Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na pinagpala ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na darating. 21Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Jacob, nang siya ay mamamatay na, pinagpala niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose. Si Jacob ay sumamba na nakahilig sa taas ng kaniyang tungkod. 22Ito ay sa pamamagitan din ng pananamplataya na si Jose, nang malapit na ang kaniyang katapusan, ay nagsalita patungkol sa paglisan ng mga anak ng Israel mula sa Egipto at inutos na dalhin kasama nila ang kaniyang mga buto.
23Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang siya ay ipanganak ay itinago siya ng kaniyang mga magulang ng tatlong buwan dahil nakita nila na siya ay isang magandang bata at hindi sila takot sa utos ng hari. 24Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang lumaki na ay tumangging tawagin na anak ng anak na babae ni Faraon. 25Sa halip, pinili niyang makibahagi sa paghihirap ng mga tao ng Diyos kaysa sa magpakasaya sa panandaliang aliw ng kasalanan. 26Itinuring niya na ang kahihiyan sa pagsunod kay Cristo ay higit pa sa kayamanan kaysa sa mga yaman ng mga Egipto, sapagkat itinuon niya ang kaniyang paningin sa hinaharap na darating na gantimpala.
27Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises ay iniwan ang Egipto. Hindi siya natakot sa galit ng hari, sapagkat tiniis niya sa pamamagitan ng pagtingin sa isang hindi pa nakikita. 28Dahil sa kaniyang pananampalataya sinunod niya ang "Paskua" at ang pagwisik ng dugo upang ang mangwawasak sa bawat panganay ay hindi makahawak sa mga panganay na anak na lalaki ng mga Israelita.
29Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na sila ay tumawid sa dagat ng mga Tambo na parang nasa ibabaw ng tuyong lupa. Nang sinubok ng mga taga Ehipto na gawin ito, sila ay nilamon nito. 30Sa pamamagitan ng pananampalataya nawasak ang pader ng Jerico matapos silang umikot sa palibot ng pitong araw. 31Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Rahab, ang babaeng nagbebenta ng aliw ay hindi namatay kasama ng mga suwail, dahil tinanggap niya ng may pag-iingat ang mga ispiya.
32At ano pa ba ang aking sasabihin? Hindi na sapat ang aking oras kung isasalaysay ko pa ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jepta, David, Samuel, at ng mga propeta, 33na sa pamamagitan ng pananampalataya ay sumakop ng mga kaharian, gumawa ng may katarungan, at tumanggap ng mga pangako. Sila ay nagpatikom ng bibig ng mga lion, 34pinawi ang kapangyarihan ng apoy, tumakas sa talim ng espada, kung saan gumaling mula sa mga karamdaman, naging tanyag sa pakikipaglaban, at naging dahilan ng pagtakas ng mga sundalong dayuhan.
35Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Ang iba ay pinahirapan, ng hindi tinatanggap ang kanilang paglaya upang maranasan nila ang mas mainam na muling pagkabuhay. 36Ang iba ay nagdusa ng pangaalipusta, at paghampas, oo, kahit ng mga kadena at pagkakulong. 37Kung saan binato sila. Nilagari sila sa dalawa. Pinatay sila sa pamamagitan ng espada. Sila ay namuhay na nakadamit ng balat ng mga tupa at balat ng mga kambing na hirap na hirap, nagpakasakit at pinagmalupitan, 38( Sila na hindi karapat-dapat sa mundo), naglibot sa ilang, sa mga kabundukan, sa mga kuweba at sa mga butas sa lupa.
39Bagamat ang lahat ng mga taong ito ay pinagtibay ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya, hindi nila natanggap ang anumang kaniyang ipinangako. 40May inihanda ang Diyos sa simula pa na mas mainam para sa atin, dahil kung wala tayo hindi sila magiging ganap.

12

1Samakatwid, sapagkat napapaligiran tayo ng napakaraming mga saksi, itapon nating lahat ang mga bagay na nagpapabigat sa atin at ang kasalanan na madaling makagapos sa atin. Dapat may katiyagaan tayong magpatuloy sa takbuhin na inilagay sa ating harapan. 2Dapat nating ituon ang ating mga mata kay Jesus, ang may-akda at nagpapaganap ng ating pananampalataya, dahil sa kagalakan na inilaan sa kaniya, na nagdala sa kaniya na nagtiis sa krus sa kabila ng kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos. 3Kaya isinaalang-alang niya na tiisin ang mga masasakit na salita mula sa mga makasalan laban sa kaniya upang tayo ay hindi na mapapagod at manghihina.

4Hindi niyo pa tinanggihan o nilabanan ang kasalanan na humantong sa pagkaubos ng dugo. 5At nakalimutan na ninyo ang ibinigay na lakas at pag-asa na itinuro sa inyo bilang mga anak:" Aking anak, huwag mong babaliwalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, ni ilayo ang iyong puso kung ikaw ay kanyang tinutuwid" 6Sapagkat ang Panginoon ay nagdidisiplina sa sinumang minamahal niya, at pinarurusahan niya ang bawat anak na kanyang tinatanggap.
7Tiisin ang pagsubok bilang pagdisiplina. Nakikitungo ang Diyos sa inyo bilang mga anak, sapagkat sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng kaniyang ama? 8Ngunit kung kayo ay walang disiplina, kung saan lahat tayo ay dapat kabahagi, kung gayon hindi kayo mga tunay na anak at mga anak sa labas.
9Bukod dito, mayroon tayong mga makamundong amang nagdidisiplina sa atin, at iginagalang natin sila. Hindi ba dapat nararapat na mas higit tayong sumunod sa Ama ng mga espiritu at mabuhay? 10Sapagkat ang ating mga ama nga ay nagdidisplina sa atin ng ilang mga taon sa alam nilang tama para sa kanila, subalit tayo ay dinidisiplina ng Diyos upang tayo ay makibahagi sa kaniyang kabanalan. 11Walang disiplina sa kasalukuyan na masaya kundi masakit. Gayunpaman, sa ibang pagkakataon ito ay magbibigay ng mapayapang bunga ng katuwiran para sa sinumang nagsanay sa pamamagitan nito.
12Samakatuwid itaas ninyo ang inyong mga kamay na nakababa at palakasing muli ang nanghihinang mga tuhod; 13gawin mong matuwid ang mga daan ng iyong mga paa, upang ang sinumang pilay ay hindi maliligaw sa halip ay gagaling.
14Sikapin ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at gayundin ang kabanalan na kung wala ito walang makakakita sa Panginoon. 15Maging maingat upang walang sinuman ang hindi maisama mula sa biyaya ng Diyos, at walang ugat ng kapaitan ang tumubo upang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan at mahawa ang marami. 16Maging maingat na walang maki-apid sa inyo, o hindi maka-diyos na tao kagaya ni Esau na ipinagpalit sa isang pagkain ang karapatan bilang panganay. 17Sapagkat alam ninyo na pagkatapos, nang kaniyang naising makamit ang biyaya, siya ay tinanggihan dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magsisisi sa kaniyang ama, kahit na pilit niya itong hinangad nang may mga luha.
18Sapagkat hindi kayo lumapit sa isang bundok na nahahawakan, isang bundok na nag-aalab ng apoy, kadiliman, kalungkutan at bagyo. 19Hindi kayo pumarito dahil sa ingay ng trumpeta, o sa mga salitang galing sa isang tinig na ang mga nakarinig nito ay nagmamaka-awang wala ng salitang sasabihin sa kanila. 20Sapagkat hindi nila kayang tanggapin kung ano man ang iniutos: na kahit may isang hayop na hahawak sa bundok, dapat itong batuhin," 21Kaya nakakatakot ang tanawin na sinabi ni Moises," Ako ay sobrang nasindak na ako ay nanginginig.
22Sa halip, kayo ay lumapit sa Bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay, ang makalangit na Jerusalem, at sa hindi mabilang na hukbo ng mga anghel na nagdiriwang. 23Kayo ay lumalapit sa kapulungan ng mga unang ipinanganak na inilista sa langit, sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng katuwiran na naging ganap. 24Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.
25Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung hindi sila nakatakas ng sila ay tumanggi sa isang nagbigay babala sa kanila dito sa lupa, tiyak na hindi tayo makakatakas, kung tatalikod tayo mula sa nagbabala mula sa langit. 26At sa mga oras na iyon ang kaniyang tinig ang yayanig sa lupa. Subalit ngayon nangako siya at sinabi, "Minsan ko pang yayanigin hindi lamang ang lupa ngunit maging ang kalangitan."
27Ang mga salitang ito na," Ngunit minsan pa," ay nagpapahiwatig sa pagtanggal ng mga bagay na nayayanig, iyon ay ang mga bagay na nilikha, upang ang mga bagay na hindi nayayanig ay mananatili. 28Samakatuwid, magpapasalamat tayo sa pagtanggap ng isang kahariang hindi nayayanig, at sa ganitong pagpupuri sa Diyos sa paraang katanggaptanggap na may paggalang at paghanga 29sapagkat ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok

13

1Hayaang magpatuloy ang pag-ibig bilang mga magkakapatid. 2Huwag kalimutang malugod na tanggapin ang mga dayuhan sapagkat sa paggawa nito ay hindi ninyo alam na ang iba sa mga tinatanggap ninyo ay mga anghel.

3Alalahanin ninyo ang mga nasa bilangguan, na parang kayo ay kasama rin nila doon at ang inyong mga katawan ay pinagmamalupitan ng kagaya nila. 4Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa at panatilihing dalisay ang pagtatalik ng mag-asawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakiki-apid at ang mga nangangalunya.
5Dapat ang paraan ng inyong pamumuhay ay maging malaya mula sa labis na pagmamahal sa pera. Masiyahan sa mga bagay na mayroon kayo, sapagkat sinabi mismo ng Diyos," Hindi kita iiwan ni pababayaan man." 6Dapat tayo ay masiyahan upang masabi natin ng may katapangan," Ang Panginoon ang tutulong sa akin hindi ako matatakot Ano ang magagawa ng sinuman sa akin.
7Alalahanin ninyo ang mga nangunguna sa inyo, sa mga nagsasalita ng Salita ng Diyos sa inyo, at alalahanin ninyo ang bunga ng kanilang ugali; tularan ninyo ang kanilang pananampalataya. 8Si Jesu- Cristo ay hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakaylan man.
9Huwag kayong magpadala sa mga sari-sari at kakaibang mga katuruan, sapagkat mas mabuti na ang ating puso ay mahubog sa pamamagitan ng biyaya, hindi sa mga tuntunin ng mga pagkain na hindi naman nakakatulong upang sila ay mabuhay. 10Mayroon tayong altar na kung saan ang mga naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kainin. 11Sapagkat ang dugo ng mga hayop, na inialay para sa ating mga kaslanan, ay dadalhin ng pinaka-punong pari sa banal na lugar, ngunit ang kanilang katawan ay susunugin sa labas ng kampo
12Samakatuwid si Jesus ay nagdusa rin sa labas ng tarangkahan papasok ng lungsod upang ialay ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo. 13Kaya tayo ay dapat lumapit sa kaniya sa labas ng kampo, dala ang kaniyang kahihiyan. 14Dahil wala tayong nanatiling lungsod dito, sa halip hinahanap natin ang lungsod na darating.
15Sa pamamagitan ni Jesus dapat patuloy tayong mag-alay ng handog na papuri sa Dios, papuri na bunga ng ating mga labi na kumikilala sa kaniyang pangalan. 16At huwag ninyong kalilimutang gumawa ng mabuti at tumulong sa bawat isa, sapagkat sa ganitong handog lubos na nalulugod ang Diyos. 17Sumunod at magpasakop sa inyong mga pinuno, sapagkat sila ang nagbabantay sa inyo alang-alang sa inyong mga kaluluwa, tulad nilang may pananagutan. Sumunod upang kayo ay ingatan ng inyong mga pinuno na may kagalakan at hindi ng dalamhati, kung saan hindi ito makakatulong sa inyo.
18Ipanalangin ninyo kami, sapagkat kami ay nakatitiyak na malilinis ang aming budhi, naghahangad na mabuhay ng kagalang-galang sa lahat ng mga bagay. 19At hinihimok ko kayong lahat na gumawa pa ng mas higit dito, upang ako ay maaaring makabalik sa lalong madaling panahon.
20Ngayon nawa ang Diyos ng kapayapaan, na siyang nagbalik mula sa kamatayan ang dakilang Pastol ng mga tupa, Ang ating Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, 21ay magbigay sa inyo ng bawat mabubuting bagay upang gawin ang kaniyang kalooban, kumikilos sa atin na mga nakakalugod sa kaniyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na nararapat tumanggap ng papuri magpakailan man. Amen
22Ngayon hinihikayat ko kayo mga kapatid, na tanggapin ninyo ang salitang nagpapalakas sa maiksing sulat ko sa inyo. 23Nais kong malaman ninyo na si Timoteo ay napalaya na, kung saan isasama ko siya sa aking pagdalaw kung darating siya kaagad.
24Batiin ninyo ang lahat ng inyong mga pinuno at ang lahat ng mga mananampalataya. Ang mga taga- Italya ay bumabati sa inyo. 25Ang biyaya ng Diyos ang sumainyo nawang lahat.

Santiago

1

1Ako, si Santiago, isang alagad ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo, ay bumabati sa labindalawang tribu na nasa pangangalat. 2Ituring ninyong kagalakan ito mga kapatid, kung nakakaranas kayo ng ibat-ibang kaguluhan, 3dahil nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagdudulot ng pagtitiis.

4Hayaan ang pagtitiis na tapusin ang kaniyang gawa, upang kayo ay ganap na lumago, na walang kakulangan. 5Ngunit kung sinuman sa inyo ay nangangailangan ng karunungan, hingin ninyo ito sa Diyos, ang mapagbigay at walang panunumbat sa lahat ng humihingi, at tutugunin niya ito.
6Ngunit humingi nang may pananampalataya, nang walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nagdadalawang isip ay katulad ng alon sa dagat, na tinatangay ng hangin, kung saan. 7Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-isip na matatanggap niya ang kaniyang kahilingan sa Panginoon, 8ang ganitong tao ay dalawa ang pag-iisip at pabagu-bago sa lahat ng kaniyang ginagawa.
9Ang mahirap na kapatid ay dapat luwalhatiin sa kaniyang mataas na kalagayan, 10samantalang ang mayaman na kapatid sa kaniyang kababaang loob, sapagkat siya ay lilipas katulad ng mga bulaklak ng damo sa bukid na lumilipas. 11Sumisikat ang araw na may nakakasunog na init at natutuyo ang halaman at ang mga bulaklak ay nalalagas, at mawawala ang kagandahan nito. Sa parehong paraan ang mayamang mga tao ay mawawala sa kalagitnaan ng kanilang mga gawain.
12Pinagpala ang tao na nagtitiis sa pagsubok, sapagkat pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang pagsubok, makakatanggap siya ng korona ng buhay, na ipinangako sa mga nagmamahal sa Diyos. 13Huwag sabihin ng sinuman kapag siya ay tinukso, "Ang pagsubok na ito ay galing sa Diyos, ” Sapagkat ang Diyos ay hindi tinukso ng diyablo, at ang Diyos mismo ay hindi tinutukso ang sino man.
14Ang bawat tao ay natutukso ng kaniyang masamang mga pagnanasa kung saan inaakit at itinutulak siya palayo. 15At pagkatapos na maglihi ang makasalanang pagnanasa, ang kasalanan ay maipapanganak at pagkatapos lumaki ng kasalanan hahantong ito sa kamatayan. 16Huwag kayong magpalinlang, mga minamahal kong kapatid.
17Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay mula sa itaas, bumaba mula sa Ama ng mga liwanag. Hindi siya nagbabago katulad ng paglipat ng anino. 18Pinili ng Diyos na bigyan tayo ng buhay sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang maging katulad tayo ng mga unang bunga sa kaniyang mga nilikha.
19Alam ninyo ito, mga minamahal kong kapatid. Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at hindi agad nagagalit, 20sapagkat ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. 21Kaya alisin ninyo ang lahat ng gawaing makasalanan at ang kasamaan na nasa lahat ng dako, at sa kababaang-loob tanggapin ang itinanim na salita, na makakapagligtas sa inyong kaluluwa.
22Sundin ninyo ang salita, huwag lamang itong pakinggan, kung saan dinadaya ninyo lang ang inyong mga sarili. 23Sapagkat kung sinuman ang nakarinig ng salita at hindi ito ginagawa, para siyang isang taong humarap sa salamin at tiningnan ang kaniyang likas na mukha sa salamin. 24Tinignan ang kaniyang mukha, at umalis, at hindi nagtagal nakalimutan niya kung ano ang kaniyang itsura. 25Ngunit ang taong tumitingin ng maingat sa ganap na batas, ang batas na nagbibigay ng kalayaan, at patuloy na sinusunod ito, hindi lamang siya naging tagapakinig na nakakalimot, ang taong ito ay pagpapalain habang ginagawa niya ito.
26Kung sinuman ang nag-iisip sa kaniyang sarili na siya ay relihiyoso, ngunit hindi mapigilan ang kaniyang dila, niloloko niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan. 27Ito ay dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama: para tulungan ang mga walang ama at balo sa kanilang kapighatian, at para pangalagaan ang sarili mula sa katiwaliaan ng mundo.

2

1Mga kapatid ko huwag natin sundin ang pananampalataya ng ating Panginoon Jesus-Cristo, na Panginoon ng kadakilaan, na may pagtatangi sa ilang mga tao, 2Kung may taong pumasok sa inyong pagpupulong na may suot na mga gintong singsing at may mga marangyang kasuotan, at mayroon ding pumasok na taong mahirap na may maruming kasuotan, 3at nagbigay lamang kayo ng pansin sa taong may marangyang kasuotan, at sinabing, "Maupo po kayo rito sa magandang lugar," ngunit sinabi mo sa taong mahirap, "Tumayo ka sa banda roon," o kaya ay, "maupo ka sa aking paanan," 4hindi ba kayo gumagawa ng paghatol sa inyong sarili, at nagiging hukom ng may mga masasamang kaisipan?

5Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid, hindi ba pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at manahin ang kaharian na ipinangako sa kanila na nagmamahal sa kaniya? 6Ngunit hindi ninyo binigyan ng karangalan ang mahihirap! Hindi ba ang mayayaman, sila ay ang ang nang-aapi sa inyo, at hindi ba sila ang nagkakaladkad sa inyo sa mga hukuman? 7Hindi ba ang mayaman ang lumalait sa magandang pangalan kung kanino kayo tinawag?
8Gayunman, kung tinutupad ninyo ang mga maharlikang kautusan, na naisulat sa mga kasulatan, "Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili," maganda ang ginagawa ninyo. 9Ngunit kung nagbibigay kayo ng pagtatangi sa ilang tao, kayo ay nagkakasala, nahatulan ng kautusan bilang isang lumalabag sa batas.
10Kung sinuman ang sumusunod sa lahat ng kautusan, ngunit matisod sa isa sa mga ito, magkakasala siya sa pagsuway sa lahat ng kautusan! 11Sapagkat ang Diyos na nagsasabi ng,"Huwag kang mangangalunya," nagsabi ring, "Huwag papatay." Kung hindi ka nangalunya, ngunit ikaw ay pumatay, sinuway mo ang kautusan ng Diyos.
12Kaya't magsalita at sumunod katulad nila na malapit ng hatulan sa pamamagitan ng batas ng kalayaan. 13Sapagkat darating ang paghahatol na walang kahabagan sa kanila na nagpakita ng walang kahabagan. Ang kahabagan ay nagtatagumpay laban sa kahatulan!
14Ano ang kabutihan nito, mga kapatid, kung may magsasabi na mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala siyang mga gawa? Kaya ba ng pananampalatayang iyon na iligtas siya? 15Kung ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ang nangangailangan ng kasuotan at pagkain araw-araw, 16at ang isa sa inyo ay magsasabi sa kanila, "Humayo kayong mapayapa, mangagpainit kayo at magpakabusog kayo,"' subalit hindi ninyo sila binigyan ng mga kinakailangan para sa katawan, anong kabutihan iyon? 17Sa ganuon ding pamamaraan ang pananampalataya lang, kung hindi ito nagtataglay ng mga gawa, ay patay.
18Ngunit may isang magsasabing, "Mayroon kang pananampalataya, at mayroon akong gawa." Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalataya na walang gawa, at ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19Naniniwala ka na ang Diyos ay iisa; tama ka. Ngunit ang mga demonyo ay naniniwala rin at nanginginig. 20Gusto mo bang malaman, taong mangmang, kung paano na ang pananampalataya na walang gawa ay walang kabuluhan?
21Hindi ba si Abraham na ating patriyarka ay pinawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa nang ihain niya sa altar ang anak niyang si Isaac? 22Nakita ninyo na ang pananampalataya ay kumilos kasama ang kaniyang gawa, at sa pamamagitan ng paggawa nakamit ng kaniyang pananampalataya ang layunin nito. 23Natupad ang kasulatan na nagsasabing, "Naniwala si Abraham sa Diyos, at ibinilang ito sa kaniya na katuwiran." Kaya't si Abraham ay tinawag na kaibigan ng Diyos. 24Nakita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa ang tao ay mapapa-walang sala, at hindi sa pananampalataya lamang.
25Sa parehong paraan din hindi ba't si Rahab na nagbebenta ng aliw ay napawalang sala sa pamamagitan ng gawa, nang tinanggap niya ang mga mensahero at pinaalis sila sa pamamagitan ng ibang daan? 26Kung paanong ang katawan na hiwalay sa espiritu ay patay, gayon din ang pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ay patay.

3

1Hindi dapat maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, alam nating matatanggap natin ang mas higit na paghahatol. 2Sapagkat natitisod tayong lahat sa maraming paraan. Kung sinuman ang hindi natitisod sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap, na may kakayahang pigilan din ang kaniyang buong katawan.

3Ngayon kung lalagyan natin ng busal ang bibig ng kabayo susundin nila tayo, at mapapabaling natin ang kanilang buong katawan. 4Pansinin din ang mga barko, kahit na napakalaki nila at tinutulak ng malalakas na hangin, ay nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
5Ganoon din ang dila na isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit nagyayabang ng malalaking bagay. Pansinin kung paano ang isang malawak na kagubatan ay nasusunog ng isang maliit na apoy!6Ang dila ay isa ring apoy, isang mundo ng makasalanan na inilagay sa bahagi ng ating mga katawan, nagpaparumi sa buong katawan at pinagniningas ang daan ng buhay, at ito ay nakatakdang apoy mula sa impiyerno.
7Bawat uri ng mga mababangis na hayop, mga ibon, mga gumagapang at mga nilalang sa dagat ay kayang paamuin at napaamo ng mga tao, 8ngunit walang kahit na sinuman ang makapagpapaamo ng dila: walang tigil na kasamaan, puno ng nakamamatay na lason.
9Sa pamamagitan ng dila pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, at sa pamamagitan nito nagsusumpa tayo ng tao, na nilikhang kalarawan ng Diyos. 10Galing sa iisang bibig ang pagsasalita ng pagpapala at pagsusumpa. Aking mga kapatid, hindi dapat mangyari ang mga bagay na ito.
11Lumalabas ba sa bukal ang parehong sariwa at mapait na tubig? 12Aking mga kapatid, maaari bang ang isang puno ng igos ay mamunga ng mga olibo? o ang isang puno ng ubas mamunga ng igos? Hindi rin lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat
13Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Hayaan ang taong iyan na ipakita ang kaniyang magandang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa sa kapakumbabaan na nagmumula sa karunungan. 14Ngunit kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso, huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan.
15Hindi ito ang karunungang nagmumula sa itaas, sa halip ay makamundo, hindi espiritwal, mula sa diyablo. 16Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral, may pagkalito at masasamang pag-uugali. 17Ngunit ang karunungang mula sa itaas unang-una ay dalisay, at maibigin sa kapayapaan, mahinahon, may nag-aalab na puso, puno ng awa at mabuting bunga, walang inaayunang ibang tao, at tapat. 18At ang bunga ng katuwiran ay naitanim sa kapayapaan alang-alang sa mga gumagawa ng kapayapaan.

4

1Saan nanggaling ang pag-aaway at alitan sa inyo? Hindi ba nagmula ito sa inyong mga masamang hangarin na lumalaban sa inyong mga miyembro? 2Hinahangad ninyo kung anong wala kayo. Pumatay kayo at hinabol ninyo kung anong hindi mapapasainyo. Nakipag-away kayo at nakipagtalo, subalit hindi ninyo nakuha dahil hindi kayo humingi sa Diyos. 3Humingi kayo at hindi ninyo natanggap dahil humihingi kayo ng mga masasamang bagay, upang gamitin ninyo sa inyong mga masasamang hangarin.

4Kayong mga mangangalunya! Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa mundo ay pakikipag-away laban sa Diyos? Kaya, sinuman ang magpasiyang maging kaibigan ng mundo ay ginawa niya mismo ang kaniyang sarili na kaaway ng Diyos. 5O inisip ninyo ba na ang kasulatan ay walang kahulugan noong sinabi nito na ang Espiritu na ipinagkaloob niya sa atin ay labis na naninibugho para sa atin?
6Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng mas higit na biyaya, kaya't sinasabi ng kasulatan na "Ang Diyos ay sumasalungat sa mapagmataas, ngunit nagbibigay ng biyaya sa mapagpakumbaba." 7Kaya, magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo siya sa inyo.
8Lumapit kayo sa Diyos, at siya ay lalapit sa inyo. Linisin ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan, at gawing dalisay ang inyong mga puso, kayong mga nagdadalawang-isip. 9Magdalamhati kayo, humagulgol kayo, at umiyak! Ibaling ang inyong kasiyahan sa kapighatian at ang inyong kagalakan sa kalungkutan. 10Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon, at kayo ay kaniyang itataas.
11Huwag kayong magsalita laban sa isa't-isa, mga kapatid. Ang taong nagsasalita laban sa kaniyang kapatid o naghahatol sa kaniyang kapatid ay nagsasalita laban sa kautusan at humahatol sa batas ng Diyos. Kapag hinatulan ninyo ang kautusan, hindi ninyo sinusunod ang batas, ngunit isang tagahatol ng mga ito. 12Iisa lamang ang nagbigay ng batas at taga-hatol, ang Diyos, na kayang magligtas at sumira. Sino kayo upang humatol sa inyong kapwa?
13Makinig, kayo na mga nagsasabing, "Ngayon o bukas ay pupunta tayo sa ganitong bayan, at titigil ng isang taon doon, at mangangalakal, at kikita." 14Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas, at ano nga ba ang inyong buhay? Dahil katulad kayo ng hamog na sandaling lumilitaw at biglang nawawala.
15Sa halip ganito dapat ang sabihin ninyo, "Kung ito ang kalooban ng Panginoon, at nabubuhay pa kami gagawin namin ito o iyan." 16Ngunit ngayon, kayo ay naghahambog patungkol sa inyong mga plano. Ang lahat ng paghahambog na iyan ay masama. 17Kaya, para sa kaniya na nakakaalam gumawa ng mabuti ngunit hindi ito ginagawa, para sa kaniya ito ay kasalanan.

5

1Ngayon, lumapit kayo mga mayayaman, umiyak kayo ng malakas dahil sa kahirapan na darating sa inyo. 2Ang inyong mga kayamanan ay nabubulok at ang inyong mga kasuotan ay kinakain ng anay. 3Ang inyong ginto at pilak ay wala nang kabuluhan, at ang kanilang kalawang ang magpapatotoo laban sa inyo at susunog ng inyong mga laman gaya ng apoy. Nag-iipon kayo ng inyong kayaman sa huling mga araw.

4Tingnan ninyo, ang bayad ng mga manggagawa—silang mga hindi ninyo binayaran para sa pag-aani ng inyong mga bukid—sumigaw sila ng malakas! At ang mga sigaw ng mga taong nag-aani ng inyong mga pananim ay nakaabot sa tainga ng Panginoon ng mga Hukbo. 5Kayo ay nabuhay ng marangya sa ibabaw ng lupa at nagpakasasa sa inyong mga sarili. Pinataba ninyo ang inyong mga puso sa isang araw ng pagkatay. 6Hinatulan ninyo at pinatay ang mga matuwid na hindi lumalaban sa inyo.
7Kaya maging matiyaga, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon, katulad ng magsasaka na naghihintay ng mahalagang ani ng lupa, Matiyagang naghihintay dito, hangang sa una at huling pagbuhos ng ulan. 8Kayo rin ay maging matiyaga; ayusin ninyo ang inyong mga puso, dahil ang pagdating ng Panginoon ay malapit na.
9Huwag magreklamo, mga kapatid, laban sa isa't-isa upang kayo ay hindi mahatulan. Tingnan ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan. 10Bilang isang halimbawa, mga kapatid, ituring ninyo ang mga pagdurusa at pagtitiyaga ng mga propeta na nagsalita sa pangalan ng Panginoon. 11Tingnan ninyo, tinatawag namin ang mga nagtitiyaga, na "pinagpala." Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job, at alam ninyo ang layunin ng Panginoon para kay Job, kung paano ang Panginoon ay puno ng kahabagan at awa.
12Higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag kayong mangangako, maging sa langit o maging sa lupa, o sa pamamgitan ng anumang panunumpa, ngunit gawin ninyo ang "Oo" na "Oo" at ang inyong "Hindi" na "Hindi," upang hindi kayo mahatulan.
13Mayroon bang nagdurusa sa inyo? Dapat siyang manalangin. 14Mayroon bang masaya sa inyo? Hayaan siyang umawit ng papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Hayaan siyang tawagin ang mga nakatatanda ng iglesya at hayaan siyang ipanalangin ng mga nakatatanda, at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon, 15at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya. Kung nakagawa siya ng kasalanan, patatawarin siya ng Diyos.
16Kaya ihayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa upang kayo ay mapagaling. Ang panalangin ng matuwid ay magdudulot ng malaking bunga. 17Si Elias ay tao din na may pakiramdaman kagaya natin. Siya ay taimtim na nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa ng tatlong taon at anim na buwan. 18At si Elias ay muling nanalangin at ibinuhos ng langit ang ulan sa lupa at ito ay nagbigay ng ani.
19Aking mga kapatid, kung sinuman sa inyo ang naliligaw mula sa katotohanan ngunit mayroong umakay sa kaniya pabalik, 20ipaalam sa kaniya na kung sinuman ang umakay sa makasalanan na makalabas sa kaniyang maling daan, maliligtas ang kaniyang kaluluwa mula sa kamatayan at matatabunan ang maraming kasalanan.

1 Pedro

11Si Pedro, apostol ni Jesu-Cristo para sa mga pinili na naninirahang dayuhan sa iba’t ibang dako sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia. 2Ayon sa kaalaman ng Diyos sa simula pa lang, sa pagpaging-banal ng Espiritu Santo, sa pagsunod kay Jesu-Cristo, at sa pagwiwisik ng kaniyang dugo. Sumainyo ang biyaya at sumagana kayo sa kapayapaan.3Papuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo ayon sa kaniyang dakilang awa, binigyan niya tayo ng bagong kapanganakan na magkaroon ng buhay na pag-asa 4para tumanggap ng pamanang hindi masisira, hindi madudungisan, at hindi kukupas. Inihanda ito sa langit para sa inyo. 5Sa kapangyarihan ng Diyos, iingatan niya kayo sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasan na ipapahayag sa huling panahon.6Magalak kayo kahit sa maigsing panahon, nakakaranas kayo ng iba’t ibang mga pagsubok. 7Sinusubok ang pagiging tunay ng inyong pananampalataya na mas mahalaga kaysa ginto pag tinutunaw sa apoy. Nangyari ito para ang pananampalataya niyo ay maging kapurihan, kaluwalhatian, at karangalan sa paglitaw ni Jesu-Cristo.8Kahit na hindi ninyo siya nakita, inibig niyo siya. Kahit na hindi ninyo siya nakikita ngayon, naniniwala kayo sa kaniya at lubos na nagagalak sa kaligayahang hindi kayang maipaliwanag at puno ng kaluwalhatian. 9Tinanggap ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa. 10Tungkol sa kaligtasan, pinag-isipan at pinag-aralang mabuti ng mga propeta siya na nagpropesiya sa inyo ng biyaya na mapapasa inyo.11Inalam din nila kung sino at kailan darating ang Espiritu ni Cristo. Nagpatotoo din sila kung kailan darating ang mga pagdurusa ni Cristo at ang kasunod Niyang kaluwalhatian. 12Pinahayag sa kanila na hindi nila pinaglilingkuran ang kanilang sarili kundi para sa inyo ayon sa mga bagay na ibinalita sa inyo ng mga mangangaral ng ebanghelyo sa tulong ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit, na gustong makita ng mga anghel.13Kaya ihanda ninyo ang inyong isipan sa paggawa. Maging mahinahon kayo sa inyong isip at ituon ang pag-asa sa biyayang ibibigay sa inyo sa kapahayagan ni Jesu-Cristo. 14Bilang mga anak na masunurin, huwag kayong mamuhay sa masamang pagnanasa gaya noong hindi pa kayo nakakakilala.15Dahil ang tumawag sa inyo ay banal, magpakabanal din kayo sa lahat ng inyong pamumuhay. 16Dahil ang nasusulat, “Maging banal kayo dahil ako ay banal.” 17At kung tinatawag ninyong Ama ang humahatol ayon sa ginawa ng tao, matakot kayo sa kaniya sa panahon ng inyong paglalakbay.18Alam nating tinubos kayo mula sa masasamang pamumuhay na minana niyo pa sa inyong mga ninuno, hindi sa ginto at pilak, o mga bagay na nasisira. 19Pero tinubos na kayo ng dakilang dugo, tulad ng isang korderong walang kapintasan, sa dugo ni Cristo.20Pinili si Cristo bago pa likhain ang mundo, pero ipinahayag siya para sa inyo sa mga huling panahon. 21Sa pamamagitan niya, sumampalataya sila sa Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay at ibinigay ang kaluwalhatian para ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nakatuon sa Diyos.22Dinalisay ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan para ibigin ninyo ng tunay ang inyong mga kapatid. 23Ipinanganak kayong muli, hindi sa uri ng binhi na nasisira kundi sa pamamagitan ng salita ng Diyos na buhay at nananatili.24Sapagkat ang lahat ay tulad ng damo at ang lahat ng kagandahan ay tulad sa kagandahan ng bulaklak. Natutuyo ang damo at nalalanta ang bulaklak. 25Ngunit nananatili ang salita ng Panginoon magpakailanman. Ito ang mensahe ng ebanghelyong ipinahayag sa inyo.
21Kaya nga tigilan niyo na ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng panloloko, pagkukunyari, inggit, at lahat ng paninirang-puri. 2Bilang mga bagong silang, nasain ninyong uminom ng purong espirituwal na gatas na makakatulong para lumago kayo sa kaligtasan, 3kung natikman ninyo ang kabutihan ng Panginoon.4Lumapit kayo sa kaniya na buhay na bato na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos na mahalaga sa kaniya. 5Kayo rin ay katulad ng mga buhay na bato na binubuo para maging isang espirituwal na bahay upang kayo'y maging mga banal na pari na nag-aalay ng mga espiritual na handog na katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.6Sinasabi ng kasulatan, "Tingnan niyo, naglalatag ako sa Zion ng panulukang bato, pinili at mahalaga. Ang sinumang maniwala sa kaniya ay hindi mapapahiya."7Mahalaga siya para sa inyo na naniniwala. Pero sa kanilang hindi naniniwala, "Ang batong itinakwil ng mga manggagawa ang naging bato ng pundasyon," 8at, "Isang bato ng katitisuran at batong nagpapabagsak sa kanila."9Ngunit kayo ay isang piniling bayan, mga paring dakila, isang banal na bayan, isang bayan na pag-aari ng Diyos, para ipahayag ninyo ang mga kamangha-manghang gawa niya na nagdala sa inyo sa kaniyang dakilang liwanag mula sa kadiliman. 10Noon, hindi niya kayo itinuturing na bayan niya pero ngayon, kayo na ang bayan ng Diyos. Noon, hindi ninyo tinanggap ang kaniyang awa pero ngayon, tinanggap ninyo ang kaniyang awa.11Mga minamahal, kinakausap ko kayo bilang mga dayuhan at manlalakbay: labanan ninyo ang mga tukso ng laman na nakikipaglaban sa inyong kaluluwa. 12Dapat maging marangal ang pamumuhay niyo sa harapan ng mga Hentil para pag pipintasan nila kayo na makasalanan, saksi rin sila ng mga mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagdating.13Magpasakop kayo sa bawat pinunong itinalaga para sa Panginoon. Sundin ninyo ang mga hari na siyang pinakamataas sa lahat 14pati ang mga gubernador na itinalaga para parusahan ang mga gumagawa ng masama pero pinapupurihan naman ang mga gumagawa ng mabuti. 15Ito ang kalooban ng Diyos na pag gagawin ninyo ang mabuti, pinipigilan ninyong magsalita ang mga taong hangal. 16Bilang isang bayang malaya, huwag ninyong gagamitin ang inyong kalayaan para pagtakpan ang inyong masasamang gawa kundi maging tulad kayo ng mga lingkod ng Diyos. 17Bigyan niyo ng galang ang lahat ng tao. Mahalin ninyo ang inyong mga kapatid. Parangalan ninyo ang hari.18Mga lingkod, magpasakop kayo sa inyong mga amo nang may buong paggalang. Magpasakop kayo huwag lang sa mga mabubuti at mahinahong amo kundi pati na sa mga malulupit na amo. 19Dahil kapuri-puri sa isang taong nagdurusa para sa katuwiran kung alam niyang nakikita ito ng Diyos. 20Anong pakinabang sa iyo kung nagdurusa ka dahil sa iyong kasalanan? Kung ginawa mo ang tama pero nagdusa ka dahil sa pag-uusig, ito ay kapuri-puri sa harapan ng Diyos.21Ito ang dahilan bakit kayo tinawag dahil nagdusa si Cristo para sa inyo. Nagbigay siya ng halimbawa na dapat ninyong sundin. 22"Wala siyang ginawang anumang kasalanan at walang lumabas sa kaniyang bibig na kasinungalingan." 23Nung kinutya nila siya, hindi siya naghiganti. Nung pinahirapan siya, hindi siya nagbanta ng pananakot. Ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili sa kaniya na naghahatol sa katuwiran.24Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan doon sa krus para mamatay tayo sa kasalanan at mabuhay tayo sa katuwiran. Gumaling kayo sa pamamagitan ng kaniyang mga sugat. 25Naligaw kayong lahat gaya ng mga ligaw na tupa pero ngayon kayo'y natagpuan ng pastrol at nangangalaga sa inyong mga kaluluwa.
31Sa kaparehong dahilan, magpasakop kayong mga asawang babae sa inyong asawang lalaki. Gawin ninyo ito para mahikayat ninyo sa pamamagitan ng salita ang mga asawa ninyong di-mananampalataya sa pamamagitan ng marangal niyong pag-uugali, 2bilang mga nakakasaksi sa magalang at dalisay na pamumuhay.3Huwag kayong mahilig sa kagandahang panlabas--sa pagtitirintas ng buhok, mga mamahaling alahas, o mga damit na isinusuot. 4Sa halip, mas bigyan niyo ng pansin ang magandang kalooban mula sa puso na may nagtatagal na kagandahan ng mahinahon at tahimik na espiritu dahil mahalaga ito sa harapan ng Diyos.5Sa ganitong paraan ipinapakita ng mga dakilang babae ang kanilang kagandahan sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapasakop nila sa kanilang mga asawa. 6Sa ganitong paraan, sinunod ni Sarah si Abraham at tinawag na siyang panginoon. Kayo rin ay magiging mga anak niya kung gagawin ninyo ang tama at hindi kayo matatakot na humarap sa mga pagsubok.7Sa ganito ring paraan, dapat mamuhay ang inyong mga asawang lalaki na isinasaisip ang mas mahinang pangangatawan ng inyong asawang babae. Dapat niyo silang galangin bilang mga kapwa tagapagmana sa biyaya ng buhay. Gawin ninyo ito para walang maging hadlang sa inyong mga panalangin.8Higit sa lahat, dapat magkaroon kayo ng kaparehong isip, mahabagin, mapagmahal sa mga kapatid, maunawain, at mapagpakumbaba. 9Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama o panlalait ang panlalait. Sa halip, maging pagpapala kayo sa kanila dahil ito ang dahilan ng inyong pagkatawag at para manahin niyo rin ang pagpapala.10Ang sinumang nagmamahal sa buhay at nagnanais na magkaroon ng masayang buhay ay dapat tumigil sa pagsasalita ng mali at pagsisinungaling. 11Dapat niyang layuan ang mga gawaing masama at gawin niya ang mabuti. Dapat niyang hanapin ang kapayapaan at magpatuloy siya rito. 12Ang mga mata ng Panginoon ay nakatuon sa mga mabubuting tao at dinirinig niya ang kanilang mga panalangin. Ngunit ang mukha ng Panginoon ay kalaban sa mga gumagawa ng masama.13Sino ang taong magbabalak ng masama sa inyo kung gagawin mo ang mabuting bagay? 14Ngunit kung magdurusa kayo dahil sa katuwiran, mapalad kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang mga bintang at huwag kayong mangamba.1715Ituring ninyong banal ang Panginoong Cristo sa inyong mga puso. Maging handa kayong laging humarap sa sinumang nagtatanong tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16Gawin niyo ito nang may kababaang-loob at paggalang. Maging malinis ang inyong kunsensiya para kaya niyong harapin ang lahat ng paninirang-puri ng mga taong gustong sirain ang maganda mong pamumuhay kay Cristo at para mapahiya sila. Mas mabuti pa, kung kalooban ng Diyos, na magdusa kayo para sa katuwiran kaysa sa paggawa ng masama.18Minsan lang nagdusa si Cristo para sa mga kasalanan. Siya ay matuwid na nagdusa para sa atin na hindi matuwid. Ginawa niya ito para mailapit niya tayo sa Diyos. Pinatay nila siya sa kaniyang katawan pero binuhay siya ng Espiritu. 19Sa pamamagitan ng Espiritu, humayo siya at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan. 20Sila'y masuwayin noong sinusubukan nila ang pagtitiis ng Diyos sa kapanahunan ni Noe, sa mga araw ng paggawa ng arko. Kaunti lang ang iniligtas ng Diyos--walong kaluluwa, sa pamamagitan ng tubig.21Ito ang paglalarawan sa bautismo ng inyong kaligtasan--hindi para linisin ang dumi ng inyong katawan kundi pagpahayag ng mabuting kunsensiya sa Diyos sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ni Jesu Cristo. 22Si Cristo ay nasa kanang kamay ng Diyos. Nagtungo siya sa langit. Nagpapasakop sa kaniya ang mga anghel pati ang mga kapangyarihan, at mga pamunuan.
41Dahil nagdusa si Cristo sa kaniyang katawan, maghanda kayo sa kaparehong dahilan. 2Ang sinumang nagpipigil sa kaniyang katawan ay tumitigil sa pagkakasala. Nagbubunga ito na ang isang tao ay hindi na namumuhay para sa mga pagnanasa ng tao sa kaniyang katawan kundi ang pagtupad sa kalooban ng Diyos.3Tapos na ang panahon para sa inyo na ginagawa ninyo ang mga nais ng mga Hentil na pamumuhay sa kahalayan, karumihan, paglalasing, labis na pagsasaya, mga maruruming pagtatali, at pagsamba sa diyus-diyosan. 4Hindi nila maintindihan kung bakit hindi tayo nakikiayon sa kanila sa dami ng kanilang masasamang gawain kaya kayo pinagsasalitaan nila ng masama. 5Magbibigay sila ng pagsulit sa kaniya na handa nang hatulan ang buhay at mga patay. 6Ito ang dahilan kung bakit din ipinapangaral ang mabuting balita sa mga patay para kahit na hinatulan ang kanilang mga katawang panlupa, mabubuhay ang kanilang espiritu gaya ng sa paraan ng Diyos.7Malapit nang dumating ang pagwawakas ng panahon. Kaya dapat magkaroon kayo ng malinis na pag-iisip at maging mapagbantay kayo sa inyong isip para rin sa inyong pananalangin. 8Higit sa lahat, maging mainit ang inyong pagmamahal sa isa't isa dahil kayang pagtakpan ng pag-ibig ang napakaraming kasalanan. 9Maging matanggapin kayo sa mga bisita nang hindi nagrereklamo.10Yamang tumanggap ang bawat isa sa inyo ng kaloob, gamitin ninyo ito para paglingkuran ang bawat isa bilang mga mabubuting katiwala ng biyaya ng Diyos. 11Kung may isa sa inyon nagsasalita, sabihin niya ito ayon sa salita ng Diyos. Kung may maglilingkod, gawin niya ito sa lakas ng bigay ng Diyos. Gawin ninyo ito para sa lahat ng bagay mapapapurihan ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu Cristo.12Mga minamahal, huwag kayong magtaka kung sinusubukan kayo sa apoy na parang may kakaibang nangyayari sa inyo. 13Sa halip, magalak kayo sa gita ng mga pagsubok dahil kay Cristo para magagalak kayo at matutuwa pag ipinahayag na ang kaniyang kaluwalhatian. 14Kung kayo ay nilalait dahil sa pangalan ni Cristo, mapalad kayo dahil ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay sumasainyo.1615Pero huwag magdusa ang isa sa inyo tulad ng mamamatay-tao, masamang tao, o isang pakialamero. Kung may isa sa inyong nagdurusa bilang isang Cristiano, hindi dapat siya mahiya kundi papurihan niya ang Diyos sa kaniyang pangalan.17Ito na ang panahon ng paghahatol simula sa tahanan ng Diyos. Kung tayo ang sisimulang hatulan, paano pa kaya ang bunga nito para sa mga sumusuway sa mabuting balita ng Diyos? 18At kung mahirap para iligtas ang mabubuti, paano pa kaya kahirap para sa mga sumusuway sa Diyos at sa makasalanan? 19Kaya ang mga nagdurusa para sa kalooban ng Diyos ay magtatapat sa kaniyang gawa para sa Manlilikha.
51Pinapayuhan ko ang mga matatanda sa inyo. Gaya niyo rin, ako ay isang matanda at saksi sa mga pagdurusa ni Cristo. Kabilang ako sa mga makikibahagi sa kaluwalhatian ng Diyos sa oras na siya'y maipahayag. 2Bilang mga pastol, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo at bilang mga katiwala. Huwag ninyo itong gawin nang napipilitan lang kundi magbukas kayo ng loob sa Diyos sa paglilingkod. Huwag niyo itong gawin para pagkakitaan sila ng pera. 3Huwag kayong manguna bilang mga panginoon sa mga pinagkatiwala sa inyo. Sa halip, maging mabuti kayong halimbawa sa kawan. 4Pagdating ng Punong Pastol, tatanggapin ninyo ang hindi kumukupas na korona ng kaluwalhatian.5Sa ganito ring paraan, magpasakop kayong mga nakababatang lalaki sa mga matatandang lalaki. Isuot ninyong lahat ang damit ng kababaang loob at paglingkuran ninyo ang isa't isa. Kalaban ng Diyos ang mga mayayabang pero binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba. 6Kaya magpakumbaba kayo sa kamay ng makapangyarihang Diyos para itataas niya kayo sa takdang panahon. 7Ipasa ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong kabigatan dahil pinapahalagahan niya kayo.8Maging maingat kayo maging mapagbantay. Ang diyablo na inyong kaaway ay nagpapaligid-ligid gaya ng isang maingay na leon na naghahanap ng lulusubin. 9Tumindig kayo at maging malakas sa inyong pananampalataya. Isipin ninyong ang mga kapatiran sa buong mundo ay nakararanas din ng ganitong pagsubok.10Pagkatapos kayong magdusa nang panandalian, gagawin kayong ganap, kikilalanin ka, palalakasin ka, at pagtitibayin ka ng Diyos ng lahat ng biyaya. 11Sa kaniya ang paghahari sa lahat ng panahon at magpakailanman. Amen.12Tinuturing ko si Silvanus bilang tapat kong kapatid at nagsulat ako tungkol sa kaniya. Pinapayuhan ko kayo at nagpapatotoo sa inyo na ang isinulat ko rito ay dahil lang sa tunay na biyaya ng Diyos. Manindigan kayo rito. 13Binabati kayo ng babaeng nasa Babilonia na pinili rin kasama ninyo. Bumabati rin kayo ng anak kong si Marcos. 14Magbatian kayo ng halik na may pagmamahal. Sumainyo ang kapayapaan para sa lahat ng kay Cristo.

2 Pedro

1

1Ako, si Simon Pedro, isang alipin at apostol ni Jesu-Cristo, para sa mga nakatanggap ng mahalagang pananampalataya kagaya ng natanggap namin, ang pananampalataya sa katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 2Ang biyaya nawa ay sumainyo; nawa ang kapayapaan ay lumago sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos at ng ating Panginoong Jesus.

3Lahat ng mga bagay ng banal na kapangyarihan para sa buhay at pagiging maka-diyos ay ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos na siyang tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kabutihan. 4Sa pamamagitan nito, binigyan niya tayo ng mahahalaga at dakilang mga pangako. Ginawa niya ito upang kayo ay makibahagi sa banal na katangian habang kayo ay tumatakas mula sa kasamaan na nasa mundo sa masamang hangarin.
5Sa kadahilanang ito, gawin ninyo ang inyong makakaya para dagdagan ang kabutihan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, at sa pamamagitan ng inyong kabutihan ay kaalaman. 6Sa pamamagitan ng inyong kaalaman ay pagpipigil sa sarili, at sa pamamagitan ng inyong pagpipigil sa sarili ay pagtitiyaga, at sa pamamagitan ng inyong pagtitiyaga ay pagiging maka-diyos. 7Sa pamamagitan ng inyong pagiging maka-diyos ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, at sa pamamagitan ng inyong pagmamahal bilang magkakapatid ay ang pag-ibig.
8Kung ang mga bagay na ito ay nasa inyo at lumalago sa inyo, kayo ay hindi magiging baog o hindi namumunga sa kaalaman ng ating Panginoon na si Jesu-Cristo. 9Ngunit ang sinuman na nagkukulang sa mga bagay na ito ay nakikita niya lamang kung ano ang malapit; siya ay bulag. Nakalimutan niya ang paglilinis mula sa kaniyang mga lumang kasalanan.
10Samakatwid, mga kapatid, gawin ninyo ang inyong makakaya upang gawin ang inyong pagkatawag at pagkakapili na tiyak sa inyong mga sarili. Kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod. 11Sa gayon, ang daan ay masaganang ipagkakaloob sa inyo sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
12Samakatwid, ako ay magiging laging handa na ipaalala sa inyo ang mga bagay na ito, gayong alam na ninyo ang mga ito, kayo ngayon ay matibay na sa katotohanan. 13Sa aking palagay ay dapat ko na kayong gisingin at paalalahanan sa mga bagay na ito habang ako ay nandito sa tolda. 14Sapagkat alam ko na malapit ko nang tanggalin ang aking tolda tulad ng ipinakita ng Panginoong Jesu-Cristo sa akin. 15Gagawin ko ang aking makakaya upang lagi ninyong alalahanin ang mga bagay na ito pagkatapos ng aking pag-alis.
16Sapagkat hindi namin sinundan ang mga katalinuhang lumikha ng mga kathang-isip noong sinabi namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ngunit kami ang mga naging saksi sa kaniyang kadakilaan. 17Natanggap niya mula sa Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian noong may isang tinig ang dumating sa kaniya mula sa Dakilang Kaluwalhatian na nagsasabing, "Ito ang aking Anak, ang Kaisa-isa kong minamahal, sa kaniya ay lubos akong nalulugod." 18Narinig namin itong tinig na nagmula sa langit habang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19Nasa amin ang mga salitang ipinahayag ng mga propeta at ito ay lalong tiyak, ito ay mabuting pag-ukulan ninyo ng pansin. Ito ay tulad ng isang lampara na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang dumating ang umaga at ang mga bituin sa umaga ay sisikat sa inyong mga puso. 20Una ninyong alamin ito, na ang nasusulat na propesiya ay hindi nagmula sa mismong pangangatwiran ng propeta. 21Sapagkat walang anumang propesiya ang nagmula sa kalooban ng tao, kundi sa pamamagitan ng tao, sa ilalim ng Banal na Espiritu na siyang nagsalita mula sa Diyos.

2

1May mga bulaang propeta na nagpunta sa mga Israelita at may mga bulaang guro ang pupunta sa inyo. Palihim silang magdadala ng mga mapanirang maling pananampalataya at itatatwa nila ang Panginoon na bumili sa kanila. Sila ay nagdadala ng kanilang agarang pagkawasak. 2Marami ang susunod sa kanilang kahalayan at sa pamamagitan nila malalapastanganan ang daan ng katotohanan. 3Sa kanilang pagkagahaman ay sasamantalahin nila kayo sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mga salita. Naghihintay ang kahatulan laban sa kanila; ang kanilang pagkawasak ay darating.

4Sapagkat hindi kinaawaan ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sa halip ay ipinasakamay niya ang mga ito sa Tartarus upang igapos sa mga tanikala hanggang sa paghuhukom. 5At hindi rin niya kinaawaan ang sinaunang mundo. Sa halip, itinira niya si Noe, ang mensahero ng katuwiran, kasama ang pitong iba pa, nang nagdala ng baha ang Diyos sa mundo ng mga hindi maka-diyos. 6At pinulbos ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora at hinatulan sila ng pagkawasak, bilang halimbawa kung ano ang darating sa mga hindi maka-diyos.
7Ngunit nang kaniyang ginawa iyan ay, iniligtas niya si Lot na matuwid, na lubos na nagdalamhati dahil sa mga maruming gawain ng mga taong lumalabag sa batas. 8Dahil ang taong matuwid na iyon na araw-araw na naninirahan kasama nila ay pinahihirapan ang kaniyang matuwid na kaluluwa dahil sa nakita niya at narinig. 9Kung gayon, alam ng Panginoon kung paano iligtas ang mga taong maka-diyos mula sa mga pagsubok at kung paano parusahan ang mga taong hindi maka-diyos sa araw ng paghuhukom.
10Ito ay totoo lalo na sa mga nagpapatuloy sa masasamang nasa ng laman at humahamak sa batas. Sila ay mapangahas at sumusunod sa sariling kalooban. Hindi sila natatakot na lapastanganin ang mga maluluwalhati. 11Ang mga anghel ay may taglay na higit na lakas at kakayahan kaysa sa mga tao, ngunit hindi sila nagdala ng mapang-alipustang paghuhukom laban sa kanila sa Panginoon.
12Ngunit ang mga walang isip na mga hayop na ito ay likas na ginawa para hulihin at wasakin. Hindi nila alam kung ano ang kanilang inaalipusta. Sila ay mawawasak. 13Sila ay masasaktan sa gantimpala ng kanilang mga maling gawain. Namumuhay sila sa kasiyahan sa araw. Sila ay mga dumi at bahid. Nagsasaya sila sa kanilang mga mapanlinlang na kasiyahan habang sila ay nakikipagdiwang sa inyo. 14May mga mata sila na puno ng mga mapangalunyang babae; hindi sila kailanman nakuntento sa pagkakasala. Inuudyukan nila ang mga mahihinang kaluluwa sa pagkakamali at ang kanilang puso ay sinanay sa pag-iimbot, mga batang isinumpa.
15Kanilang iniwan ang tamang daan. Naligaw sila at sinunod ang daan ni Balaam na anak ni Beor na nagnais na tumanggap ng kabayaran sa kawalang-katuwiran. 16Ngunit siya ay sinaway dahil sa kaniyang paglabag. Isang asno ang nagsalita sa tinig ng tao ang siyang tumapos sa kahibangan ng propeta.
17Ang mga taong ito ay katulad ng mga bukal na walang tubig. Katulad sila ng mga ulap na tinatangay ng bagyo. May makapal na kadiliman ang sa kanila ay naghihintay. 18Nagsasalita sila ng mga bagay na pawang walang kabuluhan at kayabangan lamang. Inuudyukan nila ang mga tao sa pamamagitan ng pita ng laman. Inuudyukan nila ang mga taong sumusubok na tumakas mula sa maling pamumuhay. 19Nangangako sila ng kalayaan sa kanila ngunit sila ma'y alipin ng kasamaan. Sapagkat ang isang tao ay alipin ng kahit anong dumadaig sa kaniya.
20Sino mang makatakas sa karumihan ng mundo sa pamamagitan ng kaalaman ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo at bumalik muli sa ganoong karumihan, sila ay naging mas malala pa kaysa noong una. 21Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran kaysa malaman ito at pagkatapos ay tumalikod sa banal na kautusang ibinigay sa kanila. 22Ang kawikaang ito ay totoo para sa kanila: "Ang aso ay bumabalik sa sariling suka nito. Ang bagong paligong baboy ay bumabalik sa putik."

3

1Ngayon, sumulat ako sa inyo, mga minamahal, ang ikalawang sulat na ito ay upang gisingin ang inyong tapat na kaisipan, 2upang inyong maalala ang mga salita na sinabi noon ng mga banal na propeta at ang tungkol sa utos ng Panginoon at tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol.

3Una ninyong alamin ito, na darating ang mga mangungutya sa huling araw ay kukutyain kayo ng taong mangungutya at mamumuhay sa kanilang mga sariling kagustuhan. 4at sasabihing, "Nasaan ang pangako ng kaniyang pagbabalik? Patay na ang ating mga ama, ngunit ang lahat ng mga bagay ay nananatili buhat nang likhain ang mundo."
5Sinadya nilang kinalimutan na ang mga langit at lupa ay nabuo mula sa tubig, at sa tubig, mahabang panahon na ang nakalipas, sa pamamagitan ng salita ng Diyos, 6at sa kaniyang salita ang mundo ay nagkaroon ng tubig sa oras na iyon, at ang tubig ay siyang bumaha at sumira. 7Ngunit ngayon ang mga langit at ang lupa ay ipinapanatili para sa katulad na salita para sa apoy, nakahanda para sa araw ng paghuhukom at ang pagkawasak ng mga taong hindi maka Diyos.
8Ito ay hindi sana mawawala sa inyong kaalaman, mga minamahal, na ang isang araw sa Panginoon ay tulad ng isang libong mga taon, at ang isang libong mga taon ay tulad ng isang araw. 9Ang Panginoon ay hindi mabagal tungkol sa kaniyang mga pangako, na itinuturing ng iba na kabagalan, ngunit siya ay matiyaga sa iyo. Hindi niya ninanais na sino man sa inyo ay mapahamak, ngunit ninanais niyang bigyan ng panahon ang lahat upang magsisi.
10Gayunpaman, ang araw ng Panginoon ay darating na parang isang magnanakaw, ang mga langit ay mawawala kasabay ng malakas na ingay. Ang mga bagay ay masusunog sa apoy, at ang lupa at ang mga gawa dito ay maihahayag.
11Yaman lamang na ang lahat ng mga bagay na ito ay mawawala sa ganitong kaparaanan, anong uri ng tao kayo dapat maging? Dapat kayong mamuhay na banal at maka-Diyos. 12Inyo ngang asahan at magmadali patungo sa pagdating ng araw ng Diyos. Sa araw na iyon, ang langit ay magugunaw sa pamamagitan ng apoy, at ang mga bahagi nito ay matutunaw sa pamamagitan ng sobrang init. 13Ngunit ayon sa kaniyang pangako, ating hintayin ang bagong mga langit at ang bagong lupa, kung saan ang mga katuwiran ay mananahan.
14Kaya nga, mga minamahal, yaman din lamang na inaasahan ninyo ang mga bagay na ito, sikapin ninyong gawin ang lahat na kayo ay matagpuang walang bahid, at walang kapintasan upang makatagpo ng kapayapaan sa kaniya, 15At isaalang-alang ninyo ang katiyagahan ng ating Panginoon na maging kaligtasan, kagaya ng ating minamahal na kapatid na si Pablo, ayon sa karunungan na ipinagkaloob sa kaniya. 16Sinabi ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng kaniyang mga sulat, na kung saan maraming mga bagay ang mahihirap na maintindihan. Ang mga bagay na ito ay binaluktot ng mga taong hindi naturuan at walang katiyakan, habang sila ay gumagawa ng ibang mga kasulatan para sa sarili nilang kapahamakan.
17Kaya nga mga minamahal, yamang din lamang na alam na ninyo ang mga bagay na ito, bantayan ninyo ang inyong mga sarili, upang hindi kayo maililigaw sa panlilinlang ng mga taong walang batas na siyang magdudulot ng pagkawala ng inyong katapatan. 18Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen!

1 Juan

1

1Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay. 2At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin.

3Iyon na aming nakita at narinig inihayag din namin sa inyo, sa gayon ay magkaroon kayo ng pakikisama sa amin, at ang aming pakikisama ay kasama ang Ama at kasama ang kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4At sinulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang ang aming kagalakan ay maging ganap.
5Ito ang mensahe na aming narinig mula sa kanya at ipinapahayag sa inyo: Ang Diyos ay liwanag at sa kanya'y walang kadiliman ang lahat. 6Kung sinasabi natin na tayo ay mayroong pakikisama sa Kanya at lumalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi isinasagawa ang katotohanan. 7Pero kung tayo'y lumalakad sa liwanag katulad niyang nasa liwanag, meron tayong pakikisama sa isa't isa at ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.
8Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, niloloko natin ang ating mga sarili at ang katotohanan ay wala sa atin. 9Pero kung tayo ay umamin sa ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan. 10Kapag sinabi natin na hindi tayo nagkasala, ginawa natin siyang isang sinungaling, at ang kanyang salita ay wala sa atin.

2

1Mga minamahal kong anak, isinusulat ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. Pero kung sino man ang magkasala, mayroon tayong tagapagtanggol sa Ama, Si Jesu-Cristo ang nag-iisang makatuwiran. 2Siya ang taga-pamayapa para sa ating mga kasalanan, at hindi lang para sa atin, kundi para din sa buong mundo. 3Sa pamamagitan nito alam nating kilala natin siya, kung iniingatan natin ang kanyang mga kautusan.

4Siya na nagsasabing, "Kilala ko ang Diyos," pero hindi pinapanatili ang kanyang mga kautusan, ay isang sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya. 5Pero ang sinumang pinapanatili ang kaniyang salita, tunay na sa taong ito ang pag-ibig ng Diyos ay naging lubos. Sa pamamagitan nito alam nating tayo ay nasa kaniya. 6Siya na nagsasabing siya ay nananatili sa Diyos ay nararapat ding lumakad nang katulad ng paglakad ni Jesu-Cristo.
7Mga minamahal, hindi ako nagsusulat nang bagong kautusan sa inyo, pero isang lumang kautusan na nasa sa inyo mula pa sa simula. Ang lumang kautusan ay ang salitang inyong narinig. 8Gayon pa man ako ay sumusulat ng bagong kautusan sa inyo, na siyang totoo kay Cristo at sa inyo, dahil ang kadiliman ay lumilipas na, at ang tunay na liwanag ay sumisinag na.
9Ang nagsasabing siya ay nasa liwanag pero kinapopootan ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman kahit ngayon. 10Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag at walang pagkakataon na siya ay matitisod. 11Pero ang siyang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman at lumalakad sa kadiliman; hindi niya alam kung saan siya papunta, dahil binulag ng kadiliman ang kanyang mga mata.
12Sumusulat ako sa inyo, mga minamahal kong anak, dahil ang inyong mga kasalanan ay napatawad dahil sa kanyang pangalan. 13Sumusulat ako sa inyo mga ama, dahil kilala ninyo siya na mula pa sa simula. Sumusulat ako sa inyo mga kabataang lalaki, dahil napagtagumpayan ninyo ang kasamaan. Sumulat ako sa inyo, mga bata, dahil kilala ninyo ang Ama. 14Sumulat ako sa inyo mga ama, dahil kilala ninyo siya na mula pa sa simula. Sumulat ako sa inyo mga kabataang lalaki, dahil kayo ay malakas, at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at napagtagumpayan ninyo ang kasamaan.
15Huwag ninyong mahalin ang mundo ni anumang mga bagay na nasa mundo. Kung sinumang umiibig sa mundo, ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kanya. 16Pagkat ang lahat ng nasa sa mundo - ang kahalayan ng laman, ang kahalayan ng mata, at ang kahambugan sa buhay - ay hindi sa Ama pero sa mundo. 17Ang mundo at ang pagnanasa nito ay lumilipas. Pero ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.
18Mga bata, ito na ang huling oras. Gaya nang narinig ninyo na ang antikristo ay darating, kahit ngayon ay may marami nang mga antikristong dumating, sa pamamagitan nito nalalaman nating ito na ang huling oras. 19Sila ay lumabas mula sa atin, pero hindi sila sa atin. Pagkat kung sila ay naging sa atin, sana ay nagpatuloy silang kasama natin. Pero nang sila ay lumabas, iyon ang nagpakitang sila ay hindi sa atin.
20Pero kayo ay may basbas mula sa Kabanal-banalan, at alam ninyong lahat ang katotohanan. 21Hindi ako sumulat sa inyo dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, pero dahil sa alam ninyo ito at dahil walang kasinungalingan ang nasa katotohanan.
22Sino ang sinungaling kundi siyang ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo? Ang taong ito ang antikristo, dahil sa kinakaila niya ang Ama at ang Anak. 23Walang sinuman ang kumakaila sa Anak ay nasa kaniya ang Ama. Ang sinumang kumikilala sa Anak ay nasa kaniya rin ang Ama.
24At para sa inyo, hayaang ang mga narinig ninyo mula sa simula ay manatili sa inyo. Kung ano ang narinig ninyo mula sa simula ay nanatili sa inyo, kayo rin ay mananatili sa Anak at sa Ama. 25At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin: buhay na walang hanggan. 26Isinulat ko sa inyo ang mga ito tungkol sa mga iyon na maaaring umakay sa inyo sa ligaw na landas.
27At para sa inyo, ang basbas na natanggap ninyo mula sa kanya ay nanatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang turuan kayo. Pero habang ang kanyang pagbabasbas ay nagtuturo sa inyo ng tungkol sa lahat ng bagay, at totoo at hindi isang kasinungalingan, at kahit na ito ay nagturo sa inyo, manatili kayo sa kanya. 28At ngayon, mga minamahal kong anak, manatili kayo sa kanya, upang kapag siya ay magpakita, tayo ay magkakaroon nang lakas ng loob at hindi mahihiya sa kanyang harapan sa kanyang pagdating. 29Kung alam ninyo na siya ay makatuwiran, alam ninyong ang lahat nang gumagawa ng tama ay ipinanganak sa kanya.

3

1Masdan kung anong uri ng pag-ibig ng Ama ang ibinigay sa atin, na tayo ay nararapat tawaging mga anak ng Diyos, at ito ang kung ano tayo. Sa dahilang ito, hindi tayo kilala ng mundo dahil hindi siya kilala nito. 2Mga minamahal, ngayon tayo ay mga anak ng Diyos, at hindi pa naipahayag kung magiging ano tayo. Alam natin na kapag magpakita si Cristo, tayo ay magiging katulad niya, dahil makikita natin siya bilang siya. 3At bawat isa na may ganitong pagtitiwala tungkol sa hinaharap na nakatuon sa kanya ay dinadalisay ang kanyang sarili tulad ng siya ay dalisay.

4Ang lahat ng patuloy na nagkakasala ay gumagawa ng kung ano ang labag sa batas. Dahil ang kasalanan ay ang paglabag sa batas. 5Alam niyo na nahayag si Cristo upang sa gayon ay alisin ang mga kasalanan. At sa kanya ay walang kasalanan. 6Walang sinumang nananatili sa kanya na patuloy na nagkakasala. Walang sinumang patuloy sa pagkakasala ang nakakita sa kanya o nakakila sa kanya.
7Minamahal kong mga anak, huwag ninyong hayaan ang sinuman na akayin kayo sa ligaw na landas. Siya na gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya ni Cristo na matuwid. 8Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
9Ang sinumang isinilang sa Diyos ay hindi nagkasala dahil ang binhi ng Diyos ay nananatili sa kanya. Hindi siya makapagpatuloy na magkasala dahil isinilang siya sa Diyos. 10Dito ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diablo ay nahayag. Ang sinumang hindi gumagawa kung ano ang matuwid ay hindi sa Diyos, ni ang sinumang hindi nagmamahal ng kanyang kapatid.
11Sapagkat ito ang mensaheng narinig na ninyo mula pa sa simula, na dapat mahalin natin ang bawat isa, 12hindi katulad ni Cain na siyang nasa kasamaan at pinatay ang kanyang kapatid. At bakit niya nagawang siya ay patayin? Dahil masama ang kanyang mga gawa, at ang kanyang kapatid ay matuwid.
13Huwag kayong magtaka mga kapatid, kapag ang mundo ay napopoot sa inyo. 14Alam natin na tayo ay lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay, dahil mahal natin ang mga kapatid. Ang sinumang hindi umiibig ay nanatili sa kamatayan. 15Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao. At alam ninyo na ang buhay na walang hanggan ay hindi nanatili sa isang mamamatay tao.
16Sa pamamagitan nito alam natin ang pag-ibig, sapagkat inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Nararapat din nating ialay ang ating mga buhay para sa mga kapatid. 17Pero ang sinumang mayroong mga mabubuting bagay sa mundo, nakitang nangangailangan ang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos? 18Mga minamahal kong mga anak, huwag tayong magmahal sa salita o sa dila, pero sa mga gawa at katotohanan.
19Sa pamamagitan nito alam natin na tayo ay nasa katotohanan at tinitiyak natin ang ating mga puso sa kanyang harapan. 20Sapagkat kapag sinusumpa tayo ng ating mga puso, mas dakila ang Diyos kaysa sa ating mga puso, at alam niya ang lahat ng mga bagay. 21Mga minamahal, kapag hindi tayo isinisumpa ng mga puso natin, may kapanatagan tayo sa Diyos. 22At anuman ang hihilingin natin, matatanggap natin mula sa kanya, dahil pinanatili natin ang kanyang mga kautusan at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin.
23At ito ang kanyang kautusan - na tayo ay dapat maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang bawat isa - gaya ng ibinigay niyang kautusan sa atin. 24Siya na pinapanatili ang kautusan ng Diyos ay nananatili sa kanya, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. At sa pamamagitan nito alam natin na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.

4

1Minamahal, huwag maniwala sa bawat espiritu, pero suriin ang mga espiritu upang makita kung sila ay sa Diyos, dahil maraming mga bulaang propeta ang nagsilabasan sa mundo. 2Sa paraang ito malalaman mo ang Espiritu ng Diyos — ang bawat espiritu na kinikilala si Jesu-Cristo na nagkatawang tao ay sa Diyos, 3at bawat espiritu na hindi kinikilala si Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa mundo na.

4Kayo ay sa Diyos, minamahal kong mga anak, at napagtagumpayan sila dahil ang siyang sumasainyo ay mas dakila kaysa siyang nasa mundo. 5Sila ay makamundo, kaya't ang sinasabi nila ay para sa mundo, at ang mundo ay nakikinig sa kanila. 6Tayo ay sa Diyos. Siyang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin. Siyang hindi nasa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa pamamagitan nito nalalaman natin ang espiritu ng katotohan at ang espiritu ng kamalian.
7Minamahal, mahalin natin ang isa't isa, dahil ang pag-ibig ay sa Diyos, at lahat ng nagmamahal ay pinanganak sa Diyos at kilala ang Diyos. 8Ang taong hindi nagmamahal ay hindi kilala ang Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig.
9Sa pamamagitan nito ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag sa atin, na pinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa mundo upang tayo ay maaring mabuhay sa pamamagitan niya. 10Sa ganito ang pag-ibig, hindi dahil minahal natin siya, kundi minahal niya tayo, at pinadala niya ang kanyang Anak na maging kabayaran ng ating mga kasalanan.
11Minamahal, kung tayo'y lubos na minahal ng Diyos, nararapat din nating mahalin ang bawat isa. 12Walang sinuman ang nakakita kailanman sa Diyos. Kung mahal natin ang isa't isa, ang Diyos ay mananatili sa atin at ang pag-ibig niya ay lubos na nasa atin. 13Sa pamamagitan nito malalaman natin na tayo ay nananatili sa kanya at siya sa atin, dahil binigay niya sa atin ang kanyang Espiritu. 14At nakita natin at nasaksihan na ipinadala ng Ama ang kanyang anak upang maging tagapagligtas ng mundo.
15Sinuman ang kumikilala na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanya at siya sa Diyos. 16At alam natin at pinaniwalaan ang pag-ibig na mayroon ang Diyos na nasa sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig, at siyang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya.
17Sa ganito ang pagmamahal ay ginawang lubos sa atin, nang sa gayon tayo ay maaring magkaroon ng kasiguraduhan sa araw ng paghuhukom, dahil gaya niya, gayon din tayo sa mundong ito. 18Walang anumang takot sa pag-ibig. Pero ang pag-ibig na lubos ay inaalis ang takot, dahil ang takot ay may kinalaman sa kaparusahan. Pero kung sinuman ang siyang natatakot ay hindi nagawang lubos sa pag-ibig.
19Nagmamahal tayo dahil minahal muna tayo ng Diyos. 20Kung sinuman ang nagsasabi, "Mahal ko ang Diyos" pero kinapopootan ang kanyang kapatid siya ay isang sinungaling. Pagkat ang sinuman na hindi umiibig sa kanyang kapatid, na kanyang nakikita, ay hindi umiibig sa Diyos, na hindi niya nakikita. 21At ito ang kautusan na mayroon tayo mula sa kanya: Kung sinuman ang nagmamahal sa Diyos ay dapat ding mahalin ang kanyang kapatid.

5

1Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak. 2Sa pamamagitan nito malalaman natin na mahal natin ang mga anak ng Diyos-kung mahal natin ang Diyos at ginagawa ang kanyang mga kautusan. 3Sapagkat ito ang pagmamahal para sa Diyos-nananatili tayo sa kanyang mga kautusan. At ang kanyang mga kautusan ay hindi pasanin.

4Ang sinumang ipinanganak sa Diyos ay napagtagumpayan ang mundo. At ito ang pagwawagi na napagtagumpayan ng mundo, kahit ang ating pananampalataya. 5Sino ba siyang napapagtagumpayan ang mundo? Siya na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos.
6Ito ang siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo-Jesu-Cristo. Siya ay dumating hindi lamang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. 7Sapagkat mayroong tatlo na siyang nagpapatunay 8ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakasundo.
9Kung tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ang patotoo ng Diyos ay mas dakila. Sapagkat ang patotoo ng Diyos ay ito- na siya'y nagdala ng patunay patungkol sa kanyang Anak. 10Siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos ay ginawa siyang sinungaling, dahil hindi siya naniwala sa patotoo na binigay ng Diyos patungkol sa kanyang Anak.
11At ang patotoo ay ito- na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. 12Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay. Siya na hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos ay walang buhay.
13Ang mga bagay na ito ay sinulat ko sa inyo para malaman ninyo na mayroon kayong buhay na walang hanggan-sa inyo na naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos. 14At ito ang pananalig na mayroon tayo sa kanyang harapan, na kung anuman ang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban, naririnig niya tayo. 15At kung alam natin na pinapakinggan niya tayo-anuman ang hiling natin sa kanya-alam nating mayroon na tayo ng anumang hiniling natin sa kanya.
16Kung sinuman ang nakakakita sa kanyang kapatid na gumagawa ng kasalanan na hindi humahantong sa kamatayan, kailangan niya manalangin at siya ay bibigyan ng Diyos ng buhay. Ang tinutukoy ko ay ang pagkakasala na hindi nagdadala sa kamatayan. Mayroong kasalanan na nagdadala sa kamatayan-hindi ko sinasabi na kailangan niyang ipanalangin ang tungkol doon. 17Lahat ng hindi matuwid ay kasalanan- pero may kasalanan na hindi nagdadala sa kamatayan.
18Alam natin na kung sinuman ang ipinanganak sa Diyos ay hindi nagkakasala. Pero siya na ipinanganak sa Diyos ay iniingatan niya, at hindi siya mapipinsala ng masama. 19Alam natin na tayo ay sa Diyos, at alam natin na ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama.
20Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan. 21Minamahal kong mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-dyosan.

2 Juan

1

1Mula sa nakatatanda hanggang sa piniling babae at sa kanyang mga anak, na siyang minamahal ko sa katotohanan, at hindi lamang ako, kundi lahat din ng mga sinumang nakakaalam ng katotohanan, 2dahil sa katotohanan na nananatili sa atin at mapapasaatin magpakailanman. 3Biyaya, habag, at kapayapaan ay mapapasaatin mula sa Diyos na Ama at mula kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Ama, sa katotohanan at pag-ibig.

4Ako ay lubos na nagagalak na nakita ko ang iba mong mga anak na lumalakad sa katotohanan, tulad ng aming pagtanggap sa kautusang ito galing sa Ama. 5At ngayon ako ay nagsusumamo sa iyo, ginang, hindi na parang ako ay sumulat sa iyo ng bagong kautusan, pero ang mayroon na tayo mula pa sa simula, na dapat nating ibigin ang bawat isa. 6At ito ang pag-ibig, na dapat tayong lumakad ayon sa kanyang mga kautusan. Ito ang kautusan, kahit narinig ninyo na mula sa simula, na dapat ninyo itong lakaran.
7Sapagkat maraming manlilinlang ang naglipana sa mundo, at hindi nila ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman. Ito ay ang manlilinlang at ang anticristo. 8Tingnan ang inyong mga sarili, upang hindi ninyo mawala ang mga bagay na pinagtrabahuhan nating lahat, pero nang sa gayon kayo ay maaaring makatanggap ng buong gantimpala.
9Kung sinuman ang nauuna at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo ay walang Diyos. Siya na nananatili sa katuruan ay nasa kanya pareho ang Ama at ang Anak. 10Kung sinuman ang lumapit sa inyo at hindi dala ang katuruang ito, huwag ninyo siyang tanggapin sa inyong bahay at huwag ninyo siyang batiin. 11Sapagkat ang sinumang bumabati sa kaniya ay nakikisali sa kaniyang mga masasamang gawa.
12Marami akong mga bagay na isusulat sa inyo at hindi ko nais na isulat ang mga ito sa pamamagitan ng papel at tinta. Pero umaasa akong pumunta sa inyo at makipag-usap ng harap-harapan, upang ang ating kaligayahan ay maging lubos. 13Ang mga anak nang pinili ninyong kapatid na babae ay bumabati sa inyo.

3 Juan

1

1Ang nakatatanda para kay minamahal na si Gayo, na siyang aking mahal sa katotohanan. 2Minamahal, dinadalangin ko na ikaw ay lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan, katulad ng paglago ng iyong kaluluwa. 3Sapagkat ako ay lubos na nagalak nang dumating ang mga kapatid na lalaki at nagpatotoo sa iyong katotohanan, katulad sa paglakad mo sa katotohanan. 4Wala akong labis na kaligayahan maliban dito, na marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan.

5Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala, 6siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia. Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos, 7dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas, walang kinukuha mula sa mga Gentil. 8Samakatuwid tayo ay marapat na tumanggap tulad ng mga ito, nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan.
9Nagsulat ako ng isang bagay sa kapulungan, pero si Diotrefes, na gustong maging una sa kanila, ay hindi tayo tinanggap. 10Samakatuwid, kung ako ay pupunta, aalalahanin ko ang mga gawaing kaniyang ginawa, kung paano siyang nagsabi ng mga katawa-tawang bagay laban sa atin gamit ang mga masasamang salita. Hindi pa nasiyahan sa mga gawaing ito, siya mismo ay hindi tinanggap ang mga kapatid na lalaki. Ipinagbabawal niya ang mga nagnanais na gumawa nito at pinapalayas sila sa kapulungan.
11Minamahal, huwag mong tularan kung ano ang masama pero kung ano ang mabuti. Ang siyang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang siyang gumagawa ng masama ay hindi nakita ang Diyos. 12Si Demetrio ay nagpatotoo sa lahat at sa pamamagitan ng katotohanan mismo. Tayo din ay nagpapatotoo, at alam mo na ang aming pagpapatotoo ay tunay.
13Marami akong bagay na isusulat sa iyo, pero hindi ko nais isulat ang mga ito sa iyo na gamit ang panulat at tinta. 14Pero ako ay umaasa na makita ka sa lalong madaling panahon, at tayo ay mag-uusap harap-harapan. 15Kapayapaan ay sumainyo. Ang mga kaibigan ay bumabati sa iyo. Batiin ang mga kaibigan sa pangalan.

Judas

1

1Judas, isang lingkod ni Jesu-Cristo, at kapatid na lalaki ni Santiago, sa kanilang mga tinawag, minamahal sa Diyos Ama at nanatili para kay Jesu-Cristo, 2nawa ang awa, kapayapaan at pag-ibig ay sumagana sa inyo.

3Minamahal, habang sinisikap kong sumulat sa inyo tungkol sa ating pangkalahatang kaligtasan, kailangang sulatan ko kayo upang hikayatin kayo na magsumikap para sa pananampalataya na minsan nang ibinigay sa lahat ng mga naniniwala. 4Dahil may ibang mga tao na palihim na nakisama sa kalagitnaan ninyo--mga taong tinatakan ng paghahatol - mga taong walang Diyos na inililihis ang biyaya ng Panginoon patungo sa kahalayan at itinatanggi ang ating nag-iisang Panginoon at Diyos na si Jesu- Cristo.
5Ngayon nais kong ipaalala sa inyo, kahit na lubos na ninyong alam ito, na ang Panginoon ang nagligtas sa isang bayan palabas sa lupain ng Ehipto, ngunit pagkatapos pinuksa niya ang mga hindi naniwala. 6At ang mga anghel na hindi nanatili sa kani-kanilang makapangyarihang tungkulin- ngunit iniwan ang kanilang nararapat na lugar- ginapos sila ng Diyos sa walang hanggang mga tanikala, sa lubos na kadiliman, para sa dakilang araw ng paghuhukom.
7Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy. 8Gayunman sa parehong paraan, ang mga nananaginip na ito ay dinudungisan din ang kanilang mga katawan, at tinatanggihan ang awtoridad, at sinisiraan nila ang dangal ng mga maluwalhating mga anghel.
9Subalit maging si Miguel ang arkanghel, nang siya ay nakipagtalo sa diyablo at nakipaglaban sa kaniya tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas magbigay ng mapanirang paghatol laban sa kaniya, sa halip sinabi niya, "Sawayin ka nawa ng Diyos!" 10Ngunit nagbibigay ng mga paninirang-puri ang mga taong ito laban sa anumang hindi nila maintindihan. At ano kanilang naiintindihan-- kung ano ang pag-uugali ng mga hayop na wala sa katuwiran-- ang mga ito ang nagpahamak sa kanila. 11Kaawa-awa sila! Dahil sila ay lumakad sa daan ni Cain, at nahulog sa pagkakamali ni Balaam. Sila ay namatay sa paghihimagsik ni Kora.
12Ang mga ito ang siyang tinik sa inyong mga pista ng pag-ibig, nagpipista na walang kahihiyan, kumakain lamang para sa kanilang mga sarili. Sila ay mga ulap na walang tubig, tinatangay ng hangin, puno sa taglagas na walang bunga- dalawang beses namatay, binunot sa ugat- 13marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala--na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman.
14Si Enoc, ang ika-pito sa linya mula kay Adan, nagpahayag tungkol sa kanila, na sinasabing, "Pagmasdan ninyo! Ang Panginoon ay darating kasama ang libo-libong mga banal, 15upang magsagawa ng paghuhukom sa bawat isa, at hatulan ang lahat ng hindi maka-diyos sa kanilang mga ginagawa at pamamaraan, at sa lahat ng mga magaspang na pananalita na binigkas ng mga makasalanan laban sa Diyos. 16Ito ay ang mga bumubulong-bulong, mga mareklamo, silang mga sumusunod sa kanilang masasamang pagnanasa, maingay na mga hambog, at sila na nang-uuto para sa sariling kapakinabangan.
17Pero kayo, mga minamahal, alalahanin ang mga salitang sinabi sa inyo noon ng mga apostol ng Panginoong Jesu-Cristo. 18Sinabi nila sa inyo, " Sa huling panahon, may mga mangungutya na sinusunod ang kanilang sariling hindi maka-diyos na pagnanasa." 19Ang mga taong ito ay dahilan ng pagkaba-bahagi, pinamumunuan ng makamundong pagnanasa, at wala sa kanila ang Espiritu.
20Pero kayo, mga minamahal, habang tinataguyod ninyo ang inyong mga sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, at habang nananalangin kayo sa Banal na Espiritu, 21panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos at hintayin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala sa inyo ng buhay na walang hanggan.
22Magpakita ng habag sa mga nag-aalinlangan. 23Iligtas ang iba sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy. Sa iba magpakita ng habag na may takot, kamumuhian kahit na ang damit na nabahiran ng laman.
24Ngayon sa kanya na may kakayanang ilayo kayo sa pagkakatisod, at dahilan upang tayo ay makatayo sa harapan ng kanyang maluwalhating presensya, walang dungis at may labis na kagalakan, 25sa tanging Diyos ating tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon, ang kaluwalhatian, kadakilaan, kataas-taasan, kapangyarihan-bago sa lahat ng panahon, at ngayon, at magpakailanman. Amen.

Pahayag

1

1Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kaniya ng Diyos para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang anghel sa kaniyang lingkod na si Juan. 2Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kaniyang nakita tungkol sa salita ng Diyos at sa patotoong ibinigay tungkol kay Jesu-Cristo. 3Pinagpala ang bumabasa ng malakas-- at ang lahat ng nakikinig --sa mga salita ng propesiyang ito at sumunod sa nakasulat dito, dahil ang panahon ay malapit na.

4Si Juan,  para sa pitong iglesia sa Asya:  Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa kaniya na siya,  at siyang noon,  at siyang darating,  at mula sa pitong espiritu na nasa harap ng kaniyang trono, 5at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, 6ginawa niya tayong isang kaharian, mga pari sa Diyos at kaniyang Ama--sa kaniya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Amen.
7Tingnan mo, siya ay dumarating kasama ng mga ulap; bawat mata ay makikita siya, maging ang mga taong pumako sa kaniya. At ang lahat ng lipi sa lupa ay magluluksa para sa kaniya. Oo, Amen. 8"Ako ang Alpa at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, "ang isa na, at siyang noon, at siya na darating, ang Makapangyarihan."
9Ako, si Juan--inyong kapatid at ang isang nakikibahagi sa inyo sa paghihirap at kaharian at matiyagang pagtitiis iyon ay si Jesus--ay nasa isla na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at patotoo tungkol kay Jesus. 10Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. Narinig ko ang isang malakas tulad ng isang trumpeta sa aking likuran. 11Ito ay sinabi: "Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita at ipadala ito sa pitong mga iglesia--sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea."
12Lumingon ako para makita kung kanino ang tinig na kumakausap sa akin, sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong ilawan. 13Sa gitna ng mga ilawan ay mayroong isang katulad ng Anak ng Tao, suot ang isang mahabang balabal na abot pababa sa kaniyang mga paa, at isang gintong sinturon na nakapalibot sa kaniyang dibdib.
14Ang kaniyang ulo at buhok ay kasing-puti ng lana, kasing-puti ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay tulad ng ningas ng apoy. 15Ang kaniyang mga paa ay tulad ng pinakintab na tanso, tulad ng tanso na pinino sa isang pugon, at ang kaniyang tinig ay tulad ng tunog ng maraming umaagos na tubig. 16Sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin at lumalabas mula sa kaniyang bibig ang isang matalas na magkabilang talim na espada. Ang kaniyang mukha ay nagniningning tulad ng matinding sikat ng araw.
17Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, "Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli, 18at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades.
19Kaya isulat mo ang lahat ng iyong nakita, ano ang ngayon, at ang magaganap pagkatapos nito. 20Patungkol sa nakatagong kahulugan tungkol sa pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong mga gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga angel ng pitong iglesia, at ang pitong ilawan ay ang pitong mga iglesia."

2

1Sa anghel ng iglesia sa Efeso isulat: 'Ito ang mga salita ng isang may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.' Ang isa na siyang lumakad sa gitna ng pitong mga gintong ilawan sinasabi ito, 2"Alam ko ang inyong ginawa at ang inyong mahirap na trabaho at ang inyong matiyagang pagtitiis, at hindi ninyo matiis ang mga kasaman at inyong sinubok ang mga umaangkin na sila ay mga apostol, pero hindi, at nakita ninyo na sila ay hindi totoo.

3Alam ko na mayroon kayong matiyagang pagtitiis, at marami na kayong pinagdaanan dahil sa aking pangalan, at hindi kayo lumagong pagod. 4Pero ito ang ayaw ko laban sa inyo--iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig. 5Kaya tandaan ninyo kung saan kayo nahulog. Magsisi kayo at gawin ninyo ang mga bagay na ginawa ninyo sa una. Malibang kayo ay magsisi, Ako ay darating sa iyo at aalisin ko ang ilawan mula sa kinalalagyan nito.
6Pero kayo ay mayroon nito--kinapopootan ninyo ang mga ginawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko rin. 7Kung mayroon kayong tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isang na siyang nakalupig pahihintulutan ko na kumain mula sa puno ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.'
8Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli--siyang namatay at siyang muling nabuhay:' 9"Alam ko ang inyong mga pagdurusa at inyong kahirapan (pero kayo ay mayaman), at ang paninirang-puri ng mga nagsasabing sila ay mga Judio (pero sila ay hindi--sila ay isang sinagoga ni Satanas).
10Huwag katakutan ang tungkol sa pagdurusahan ninyo. Tingnan mo! Ihahagis ng diyablo ang ilan sa inyo sa kulungan para kayo ay subukin, at magdurusa kayo ng sampung araw. Maging tapat kayo hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay. 11Kung kayo ay may tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang isa na siyang nakalupig ay hindi masasaktan sa pamamagitan ng ikalawang kamatayan.
12Sa anghel ng iglesia ng Pergamo isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang may matalas na may magkabilang talim na espada:' 13"Alam ko kung saan kayo nakatira -- kung nasaan ang trono ni Satanas. Gayon man mahigpit ninyong pinanghahawakan ang aking pangalan at hindi ninyo itinanggi ang inyong pananampalataya sa akin, kahit sa mga araw ni Antipas na aking saksi, aking matapat, na pinatay sa inyong kalagitnaan, doon nakatira si Satanas.
14Pero mayroon akong mga ilang bagay na laban sa inyo: Mayroon ilan sa inyo na mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ni Balaam, na nagturo kay Balak para ihagis ang isang hadlang sa harap ng mga anak ni Israel, sa gayon makakakain sila ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at maging sekswal na imoralidad. 15Sa parehong paraan, may ilan din sa inyo na siyang mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ng mga Nicolaita.
16Kaya magsisi kayo! Kung hindi, darating ako sa inyo nang hindi magtatagal, at ako ay gagawa ng digmaan laban sa kanila gamit ang espada na lumalabas sa aking bibig. 17Kung mayroon kayong tainga, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isa na siyang nakalupig, ibibigay ko ang ilang nakatagong manna, at ibibigay ko ang isang puting bato na may isang bagong pangalan na nakasulat sa bato, isang pangalan na walang kahit isang nakakaalam kundi ang isa na siyang tumanggap nito.
18Sa anghel ng iglesia ng Tiatira isulat: 'Ito ang mga salita ng Anak ng Diyos, na may mga mata na katulad ng ningas ng apoy at mga paa na gaya ng pinakintab na tanso:' 19"Alam ko ang inyong mga ginawa -- ang inyong pag-ibig, at panananampalataya, at paglilingkod, at ang inyong matiyagang pagtitiis at ang inyong mga ginawa kamakailan ay higit pa kaysa mga ginawa ninyo sa una.
20Pero mayroon akong laban sa inyo: pinahihintulutan ninyo ang babaeng si Jezebel, na tinatawag ang sarili niyang isang propeta. Sa pamamagitan ng kaniyang katuruan ay nililinlang niya ang aking mga lingkod na gumawa ng mga sekswal na imoralidad at kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan. 21Binigyan ko siya ng oras para magsisi pero hindi maluwag sa kaniyang kalooban na magsisi sa kaniyang imoralidad.
22Bantayan ninyo! Ihahagis ko siya sa isang banig ng karamdaman, at ang mga gumawa ng pangangalunya kasama niya sa matinding pagdurusa, malibang sila ay magsisi sa anumang ginawa niya. 23Hahampasin ko ang kaniyang mga anak hanggang mamatay, at ang lahat ng mga iglesia ay malalaman na ako ang siyang sumisiyasat sa mga kaisipan at mga nasain. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong ginawa.
24Pero sa iba sa inyo sa Tiatira, sa lahat ng hindi pinanghahawakan ang katuruang ito, at hindi alam ang tinatawag ng iba na malalalim na mga bagay ni Satanas -- sinasabi ko sa inyo, "hindi ko inilagay sa inyo ang anumang ibang pasanin.' 25Sa anumang kalagayan, dapat kayong humawak nang mahigpit hanggang ako ay dumating.
26Ang isa na siyang nakalupig at siyang gumagawa ng mga ginawa ko hanggang sa huli, sa kaniya ko ibibigay ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga bansa. 27Siya ay mamumuno sa kanila gamit ang tungkod na bakal, sila ay dudurugin niya gaya ng mga palayok.' 28Gaya ng aking tinanggap mula sa aking Ama, ibibigay ko rin sa kaniya ang bituin sa umaga. 29Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espirito sa mga iglesia.

3

1"Sa anghel ng iglesya ng Sardis isulat: 'Ang mga salita ng isa na siyang hawak ang pitong mga espiritu ng Diyos at ng pitong mga bituin. "'Alam ko ang inyong ginawa. Mayroon kayong isang dangal na kayo ay buhay, pero kayo ay patay. 2Gumising at palakasin ninyo ang natitira, pero malapit ng mamatay, dahil hindi ko natagpuan ang inyong mga gawa na ganap sa paningin ng Diyos.

3Kaya tandaan, kung ano ang inyong tinanggap at narinig. Sundin ito, at magsisi. Pero kung hindi kayo gigising, darating ako na parang isang magnanakaw, at hindi ninyo malalaman kung anong oras ako darating laban sa inyo. 4Pero may ilang mga pangalan ng mga tao sa Sardis na hindi dinumihan ang kanilang mga damit. Lalakad silang kasama ko, nakadamit ng puti, dahil sila ay karapat-dapat.
5Ang isa na siyang nakalupig ay susuotan ng puting damit, at hindi ko kailanman buburahin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at sasabihin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. 6Kung mayroon kayong tainga, pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
7"Sa anghel ng iglesya ng Filadelfia isulat: Ang mga salita ng isa na siyang banal at tunay -- hawak niya ang susi ni David, binubuksan niya at walang isang makapagsasara, sinasara niya at walang sinuman ang maaaring magbukas. 8Alam ko ang inyong ginawa. Tingnan ninyo, Inilagay ko sa inyong harap ang isang pintuang bukas na walang sinuman ang maaaring ikulong. Alam kong mayroon kayong kaunting kalakasan, gayunman sinunod ninyo ang aking salita at hindi itinanggi ang aking pangalan.
9Bantayan ninyo! Sila na siyang nabibilang sa sinagoga ni Satanas, sila na siyang nagsabing na sila ay mga Judio pero hindi, -- sa halip sila ay nagsisinungaling. Palalapitin ko sila at payuyukuin ko sa harap ng inyong mga paa, at malalaman nila na minahal ko kayo. 10Yamang pinanatili ninyo ang aking utos na matiyagang pagtitiis. Iingatan ko rin kayo mula sa oras ng pagsubok na darating sa buong mundo, para subukin sila na siyang nakatira sa mundo. 11Ako ay malapit nang dumating. Mahigpit na panghawakan kung anong mayroon kayo kaya walang sinuman ang maaaring mag-alis ng inyong korona.
12Gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos ang isa na siyang nakalupig, at hindi na siya kailanman lalabas dito. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos, ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos (ang bagong Jerusalem, na bumababa sa langit mula sa aking Diyos), at ang aking bagong pangalan. 13Ang isa na siyang may tainga, hayaan siyang makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
14Sa anghel ng iglesya sa Laodicea isulat: 'Ang mga salita ng Amen, ang maaasahan at totoong saksi, ang tagapamahala sa nilikha ng Diyos. 15Alam ko kung ano ang inyong ginawa, at kayo na sinumang malamig o mainit. Nais ko na kayo ay maging malamig ni mainit! 16Kaya, dahil kayo ay maligamgam -- ni mainit o malamig -- malapit ko na kayong isuka buhat sa aking bibig.
17Dahil sinabi mo, "Mayaman ako, marami akong materyal na pag-aari, at wala akong pangangailangan." Pero hindi mo alam na ikaw ang pinakamalungkot, kaawa-awa, dukha, bulag at hubad. 18Pakinggan ang aking payo: Bumili ka mula sa akin ng gintong pinino sa pamamagitan ng apoy kaya maaari kang maging mayaman, at makinang na mga puting damit kaya maaari mong damitan ang iyong sarili at hindi makikita ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at papanatag para pahiran ang iyong mga mata kaya maaari kang makakita.
19Bawat isa na mahal ko ay sinasanay ko at tinuturuan sila paano dapat mamuhay. Kaya, maging masigasig at magsisi. 20Tingnan ninyo, ako ay nakatayo sa may pinto at kumakatok. Kung sinuman ang nakaririnig sa aking tinig at nagbubukas ng pinto, papasok ako sa kaniyang tahanan at kakain kasama niya, at siya sa akin.
21Ang isa na siyang nakalupig, bibigyan ko ng karapatang umupo kasama ko sa aking trono, gaya nang ako ay nakalupig at umupo kasama ng aking Ama sa kaniang trono. 22Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

4

1Pagkatapos makita ko ang mga bagay na ito at nakita ko na may isang pintuang bumukas sa langit. Ang unang tinig, ay nangungusap sa akin gaya ng isang trumpeta, sinabi, "Umakyat ka dito at ipapakita ko sa iyo kung anong dapat mangyari pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ito. 2Agad akong nasa Espiritu, at nakita ko ang isang trono na inilagay sa langit, na may isang tao na nakaupo dito. 3Ang isa na siyang nakaupo dito ay parang batong jaspe at kornalina. May isang bahaghari sa palibot ng trono. Ang bahaghari ay katulad ng isang esmeralda.

4Sa paligid ng trono ay may dalawampu't apat na mga trono, at nakaupo sa mga trono ay ang dalawampu't apat na mga nakatatanda, bihis ng mga puting damit, may gintong mga korona sa kanilang mga ulo. 5Mula sa trono dumating ang bulos ng kidlat, mga dagundong at mga lagapak ng kulog. Nag aapoy ang pitong ilawan sa harapan ng trono, mga ilawan ng pitong espiritu ng Diyos.
6Sa harapan din ng trono ay mayroon isang dagat, kasing linaw ng kristal. Lahat ng palibot ng trono ay may apat na buhay na mga nilalang, puno ng mga mata sa harapan at likod.
7Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng isang leon, ang ikalawang buhay na nilalang ay katulad ng isang guya, ang ikatlong buhay na nilalang ay may isang mukha ng isang tao at ang ikaapat na buhay na nilalang ay katulad ng isang lumilipad na agila. 8Ang bawat isa sa apat na buhay na mga nilalang ay mayroong anim na mga pakpak, puno ng mga mata sa tuktok at sa ilalim. Gabi at araw hindi sila tumigil sa pagsasabing, "Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos, ang namumuno sa lahat, siyang noon, at siyang ngayon, at siyang darating.
9Kapag ang buhay na mga nilalang ay nagbigay ng kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat sa isa na siyang nakaupo sa trono, sa isa na siyang nabubuhay magpakailan pa man, 10ang dalawampu't apat na nakatatanda ay nagpatirapa sa harap ng isang nakaupo sa trono. Yumuko sila sa isang nabubuhay ng walang hanggan at magpakailan pa man, at inihagis nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, sinasabing, 11"Karapat-dapat ka, aming Panginoon at aming Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan. Dahil nilikha mo ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay nabuhay at nilikha.

5

1Pagkatapos nakita ko sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono, isang balumbon na nakasulat sa harapang panig at sa likurang panig, at sinelyuhan ng pitong selyo. 2Nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na naghahayag ng may malakas ng tinig, "Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at sirain ang mga selyo nito?"

3Walang sinuman sa langit o sa lupa o sa ilalim ng lupa ang kayang buksan ang balumbon o basahin ito. 4Maramdamin akong umiyak dahil walang sinuman ang nakatagpo na karapat-dapat para buksan ang balumbon o basahin ito. 5Pero sinabi sa akin ng isa sa mga nakatatanda, "Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon sa lipi ng Juda, ang Ugat ni David, ay nalupig, at kaya niyang buksan ang balumbon at ang mga selyo nito."
6Sa pagitan ng trono at ng apat na buhay na mga nilalang at sa kalagitnaan ng mga nakatatanda, nakita ko ang isang Kordero na nakatayo, nagmamasid na kahit siya ay pinatay. Mayroon siyang pitong mga sungay at pitong mga mata -- ito ay ang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa lahat ng dako ng lupa. 7Pumunta siya at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono.
8Nang nakuha niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu't apat na nakatatanda ay inihiga ang kanilang mga sarili sa lupa sa harap ng Kordero. Ang bawat isa sa kanila ay may isang alpa at isang gintong mangkok na puno ng insenso -- kung saan ang mga panalangin ng mga mananampalataya.
9Umawit sila ng bagong awit: "Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at buksan ang mga selyo nito. Dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng iyong dugo, binili mo ang mga tao para sa Diyos mula sa bawat lipi, wika, mga tao, at bansa. 10Ginawa mo silang isang kaharian at mga pari para maglingkod sa ating Diyos at sila ay maghahari sa mundo.
11Pagkatapos nakita ko at narinig ang tunog ng maraming mga anghel sa palibot ng trono, -- ang kanilang bilang ay 200, 000, 000 -- at ang mga buhay na nilalang at mga nakatatanda. 12Kanilang sinabi sa malakas na tinig, "Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan."
13Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat -- lahat ng bagay sa kanila -- sinasabing: "Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man. 14Ang apat na buhay na nilalang ay sinabing' "Amen" at ang mga nakatatanda ay humiga at sumamba.

6

1Tumingin ako nang buksan ng Kordero ang isa sa pitong mga selyo, at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na sinabi sa tinig na gaya ng tunog ng kulog, "Halika!" 2Tumingin ako at naroon ang isang puting kabayo! Ang nakasakay ay may hawak na pana, at binigyan siya ng isang korona. Siya ay lumabas bilang isang manlulupig para manakop.

3Nang buksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" 4Pagkatapos lumabas ang isa pang kabayo--maningas na pula. Sa sakay nito ay ibinigay ang pahintulot na alisin ang kapayapaan mula sa lupa, kaya itong ang mga tao ay magnais na patayin ang isa't isa. Binigyan ang sakay ng isang malaking espada.
5Nang buksan ng Kordero ang ikatlong seal, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" Nakita ko ang isang kabayong itim, ang sakay ay may hawak na pares ng timbangan sa kaniyang kamay. 6Narinig ko ang tinig parang mula sa gitna ng apat ng buhay na nilalang, sinabi, "Isang takal ng trigo para sa isang dinaryo at tatlong takal ng sebada para sa isang dinario. Pero huwag mong ipahamak ang alak at langis."
7Nang buksan ng Kordero ang ika-apat na selyo, narinig ko ang ika-apat na buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" 8Pagkatapos nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang sakay dito ay pinangalanang Kamatayan at sumusunod sa kaniya ang hades. Sila ay binigyan ng kapangyarihan sa ibabaw ng isang ika-pat sa lupa, para patayin gamit ang espada, kagutuman at karamdaman at sa pamamagitan ng mga mababangis na hayop sa lupa.
9Nang buksan ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at sa kanilang patotoo na pinanghawakan nila nang buong pananalig. 10Umiyak sila nang may malakas na tinig, "Gaano katagal, Tagapamahala sa ibabaw ng lahat, banal at totoo, hanggang hatulan mo ang mga nabubuhay sa lupa, at hanggang ipaghiganti mo ang aming dugo? 11Pagkatapos bawa't isa sa kanila ay binigyan ng puting damit, at sila ay sinabihan na dapat silang maghintay ng kaunti hanggang ang lubos na bilang ng kapwa nila mga lingkod at mga kapatid na lalaki at babae ay abutin siyang patayin, na gaya nilang pinatay.
12Nang buksan ng Kordero ang ika-anim na selyo, nagmasid ako, at nagkaroon ng malakas na lindol. Ang araw ay naging kasing itim ng sako. At ang kabilugan ng buwan ay naging parang dugo. 13Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa, tulad ng puno ng igos na ang mga bunga ay nahuhulog sa panahon ng taglamig kapag inihip ng malakas na hangin. 14Naglaho ang langit tulad ng balumbong nirolyo ng pataas. Bawat bundok at isla ay nalipat sa kanilang mga kinalalagyan.
15Pagkatapos ang mga hari sa lupa at ang mahahalagang tao, at ang mga heneral, ang mayaman, ang makapangyarihan, at iba pa, alipin at malaya, nagtago sa mga kuweba at sa kalagitnaan ng mga bato sa kabundukan. 16Tabunan kami! Itago mo kami mula sa mukha niya na siyang nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero." 17Dahil darating ang dakilang araw ng kanilang poot, at sino ang makakayang tumayo?"

7

1Pagkatapos nito nakita ako ng apat na angel nakatayo sa apat na sulok ng lupa, mahigpit na hinahawakan ang apat na hangin sa lupa kaya dapat walang umihip na hangin sa lupa, sa dagat at laban sa anumang puno. 2Nakita ko ang isa pang anghel na dumarating mula sa silangan, na taglay ang selyo ng buhay na Diyos. Sumigaw siya nang may malakas na tinig sa apat na anghel na binigyan ng pahintulot na pinsalain ang lupa at dagat. " 3Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos."

4Narinig ko ang bilang ng siyang mga natatakan: 144, 000, siyang mga natatakan mula sa bawat lipi ng bayan ng Israel: 512, 000 mula sa lipi ni Juda ay natatakan, 12, 000 mula sa lipi ni Ruben, 12, 000 mula sa lipi ni Gad, 612, 000 mula sa lipi ni Asher, 12, 000 mula sa lipi ni Neftali, 12, 000 mula sa lipi ni Manases.
712, 000 mula sa lipi ni Simeon, 12000 mula sa lipi ni Levi, 12, 000 mula sa tlipi ni Isacar. 812, 000 mula sa lipi ni Zebulun, 12, 000 mula sa lipi ni Jose at 12, 000 mula sa lipi ni Benjamin ay natatakan.
9Pagkatapos makita ko ang mga ito, at mayroong isang malaking maraming tao na walang sinuman ang makabilang -- mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika -- nakatayo sa harap ng trono sa harapan ng Kordero. Nakasuot sila ng puting mga balabal at hawak ang mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay, 10at sila ay sumisigaw ng may malakas na tinig: "Ang kaligtasan ay pagmamay-ari ng ating Diyos, siya na nakaupo sa trono, at ng Kordero!"
11Ang lahat ng mga anghel ay nakatayo sa paligid ng trono, at sa paligid ng mga matatanda at ng apat na buhay na mga nilalang, at sila ay humiga sa lupa, at inilapat ang kanilang mga mukha sa lupa sa harap ng trono at sumamba sila sa Diyos, 12na nagsasabing, "Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!"
13Pagkatapos isa sa mga matatanda ay nagtanong sa akin: "Sino ang mga ito, nadaramitan ng puting mga kasuotan, at saan sila nagmula?" 14Sinabi ko sa kaniya, "Alam po ninyo, ginoo," at sinabi niya sa akin, "Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero."
15Dahil sa ganitong dahilan, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos at sumasamba sila araw at gabi sa kaniyang templo. Siya na siyang nakaupo sa trono, ay maglalatag ng tolda sa ibabaw nila. 16Hindi na sila magugutom muli, ni sila ay mauuhaw muli. Hindi sila masasaktan sa araw ni anumang nasusunog na init. 17Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata."

8

1Nang buksan ng Kordero ang ika-pitong selyo, naroon ang isang katahimikan sa langit nang mga kalahating oras. 2Pagkatapos nakita ko ang pitong anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos. at pitong mga trumpeta ang ibinigay sa kanila.

3Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono. 4Ang usok ng insenso kasama ng mga panalangin ng mga mananampalataya, ay bumangon sa harap ng Diyos mula sa kamay ng anghel. 5Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.
6Ang pitong anghel na may mga trumpeta ay naghanda para patunigin sa kanila. 7Pinatunog ng unang anghel ang kaniyang trumpeta, at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Ito ay inihagis pababa sa lupa kaya ang ikatlong bahagi nito ay natupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno ay natupok, at ang lahat ng mga damong berde ay natupok.
8Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo, 9ang ikatlong bahagi ng buhay na mga nilalang sa tubig ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.
10Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig. 11Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait, at maraming mga tao ang namatay mula sa tubig na naging mapait.
12Pinatunog ng ika-apat na anghel ang kaniyang trumpeta, at ang ikatlong bahagi ng araw ay hinampas, gayun din ang ikatlong bahagi ng buwan, at ikatlo ng mga bituin. Kaya ang ikatlo sa kanila ay nagdilim, ang ikatlo sa araw at ikatlo sa gabi ay nawalan ng liwanag.
13Tumingin ako, at narinig ko na lumilipad ang isang agila sa gitna ng himapapawid, tumatawag ng may malakas na tinig, "Kaawa-awa, kaawa-awa, kaawa-awa, sila na nabubuhay sa lupa, dahil sa natitira pang mga pagsabog ng trumpeta na malapit ng patunugin ng tatlong anghel."

9

1Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay. 2Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan.

3Lumabas sa lupa ang mga balang mula sa usok, at binigyan sila ng kapangyarihan katulad ng mga alakdan sa lupa. 4Sinabihan sila na huwag pinsalain ang damo sa lupa o anumang berdeng halaman o puno, pero mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo.
5Sila ay hindi nagbigay ng pahintulot na patayin ang mga taong iyon, pero pahirapan lamang sila sa loob ng limang buwan. Kanilang matinding paghihirap ay naging tulad ng kagat ng isang alakdan kapag hinampas ng isang tao. 6Sa mga araw na iyon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, pero di nila ito mahahanap. Sila ay matagal mamamatay, pero lalayo sa kanila ang kamatayan.
7Ang mga balang ay katulad ng mga kabayong nakahanda sa digmaan. Sa kanilang mga ulo ay may tulad ng mga gintong korona at ang kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha ng tao. 8May buhok silang gaya ng buhok ng mga babae at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng ngipin ng mga leon. 9Mayroon silang mga baluting tulad ng baluting bakal, at ang tunog ng kanilang mga pakpak ay parang tunog na gawa sa mga karwahe at mga kabayong tumatakbo sa loob ng digmaan.
10Mayroon silang mga buntot na may tulis tulad ng mga alakdan; sa kanilang mga buntot ay may kapangyarihan silang makasakit sa mga tao nang limang buwan. 11Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion. 12Ang unang kaawa-awa ay nakaraan. Masdan mo! Matapos ito may dalawang pang kapahamakan ang darating.
13Hinipan ng ika-anim na angel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang tinig na nagmumula sa mga sungay ng gintong altar na naroon sa harapan ng Diyos. 14Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, "Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates". 15Ang apat na anghel na siyang naihanda para sa sobrang oras na iyon, nang araw na iypn, nang buwan na iyon, at nang taon na iyon ay pinalaya par patayin ang ikatlong bahagi ng sang katauhan.
16Ang bilang ng mga kawal na nasakay sa kabayo ay 200, 000, 000. Narinig ko ang kanilang bilang. 17Ganito ko nakita ang mga kabayo sa aking pangitain, at ang mga nakasakay sa kanila. Ang kanilang mga baluti ay maningas na pula, matingkad na asul at asupreng dilaw. Ang ulo ng mga kabayo ay kahawig ng mga ulo ng mga lion at lumalabas sa kanilang mga bibig ang apoy, usok at asupre.
18Ang ikatlong bahagi ng bayan ay pinatay sa pamamagitan ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok, at asupre na lumabas sa kanilang mga bibig. 19Dahil ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at sa kanilang mga buntot--dahil ang kanilang mga buntot ay tulad ng mga ahas, at mayroon silang mga ulo na nagsanhi ng mga sugat sa tao.
20Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy--mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad. 21Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw.

10

1Pagkatapos nakita ko ang isa pang malakas na anghel bumababa mula sa langit. Nababalutan siya ng isang ulap at may isang bahanghari sa itaas ng kaiyang ulo. Ang kaniyang mukha ay tulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay gaya ng haliging apoy.2May hawak siya sa kaniyang kamay na isang maliit na balumbon na nakabukas, at ipinatong niya sa dagat ang kaniyang kanang paa at ang kaniyang kaliwang paa sa lupa.

3Pagkatapos sumigaw siya ng malakas na tinig gaya ng umaatungal na leon, at nang siya ay sumigaw ang pitong mga kulog ay dumagundong. 4Nang dumagundong ang pitong kulog, halos isusulat ko na, pero narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinasabing, "Manatiling lihin anuman ang sinabi ng pitong kulog. Huwag itong isulat."
5Pagkatapos ang anghel na aking nakitang nakatayo sa dagat at sa lupa, ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit 6at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman -- siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: "Walang maaaring magtagal doon. 7Pero sa araw kung kailan ang ika-pitong anghel ay malapit nang hipan ang kaniyang trumpeta, pagkatapos ang hiwaga ng Diyos ay naganap na, gaya ng kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga lingkod na mga propheta."
8Narinig ko ang tinig mula sa langit na may muling sinasabi sa akin: "Lumakad ka, kunin mo ang bukas na balumbon na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa." 9Pagkatapos pumunta ako sa angel at sinabi ko sa kaniya na ibigay niya sa akin ang maliit na balumbon. Sinabi niya sa akin, "Kunin mo ang balumbon at kaiinin ito. Gagawin nitong mapait ang iyong tiyan, pero sa iyong bibig ito ay magiging kasing tamis ng pulot.
10Kinuha ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ko ito. Ito ay kasing tamis ng pulot sa aking bibig pero pagkatapos ko itong kainin ay pumait ang aking tiyan. 11Pagkatapos ilang mga tinig ang nagsabi sa akin, "Kailangan mong magpropesiya muli tungkol sa maraming tao, mga bansa, mga wika at sa mga hari."

11

1Isang tambo ang binigay sa akin para gamitin tulad ng isang panukat. Sinabihan ako, "Tumayo ka at sukatin ang templo ng Diyos at ang altar, at ang mga sumasamba sa loob nito. 2Pero huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo, dahil naibigay na iyon sa mga Gentil. Pagtatapakan nila ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.

3Bibigyan ko ang aking dalawang saksi ng kapangyarihan para magpropesiya sa loob ng 1, 260 na araw, na nakadamit ng sako. " 4Ang mga saksing ito ay ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon sa lupa. 5Kung sinuman ang magpapasyang manakit sa kanila, lalabas ang apoy mula sa kanilang bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Sinuman ang magnanais manakit ay papatayin sa ganitong paraan.
6Ang mga saksing ito ay may kapangyarihan para isara ang kalangitan kaya walang bubuhos na ulan sa oras nang sila ay magpropesiya. May kapangyarihang silang gawing dugo ang mga tubig at hampasin ang mundo kasama ang lahat ng uri ng salot anuman ang kanilang hilingin. 7Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin.
8Ang kanilang mga katawan ay ilalatag sa kalsada sa dakilang lungsod (na tinatawag na Sodom at Egipto bilang simbolo) kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon. 9Sa loob ng tatlo at kalahating araw ilan mula sa bawat bayan, lipi, wika, at bansa ay tinitingnan ang kanilang mga katawan at hindi nila pahihintulutang ilagay sa isang libingan.
10Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa. 11Pero makalipas ang tatlo at kalahating araw isang hininga ng buhay mula sa Diyos ay papasok sa kanila at sila ay tatayo sa kanilang mga paa. Matinding takot ang lulukob sa lahat ng makakakita sa kanila. 12Pagkatapos maririnig nila ang malakas na tinig mula sa langit na sinasabi sa kanila, "Umakyat kayo rito!" At sila ay aakyat sa langit sa isang ulap, habang nakatingin ang kanilang mga kaaway.
13Sa oras na iyon nagkaroon doon ng isang matinding lindol at ang ika-sampung bahagi ng lungsod nagiba. Pitong libong tao ang namatay sa lindol at ang mga nakaligtas ay natakot at nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos ng langit. 14Ang ikalawang kapighatian ay lumipas na. Pagmasdan ito! Ang ikatlong kapighatian ay mabilis dadating.
15Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, "Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man."
16Pagkatapos ang dalawampu't apat na nakatatanda na nakaupo sa mga trono sa presensiya ng Diyos ay ibinaba ang kanilang mga sarili sa lupa, na nakatungo at sinamba ang Diyos. 17Sinabi nila, "Nagpapasalamat kami sa iyo, Panginoong Diyos, ang naghahari sa lahat, ang isa na at ang siyang noon, dahil nakamit mo ang iyong dakilang kapangyarihan at nagsimulang maghari.
18Sumiklab ang galit ng mga bansa, pero ang iyong poot ay dumating na. Ang panahon ay narito na para ang mga patay para hatulan at dahil sa iyo para gantimpalaan ang iyong mga lingkod, ang mga propeta, ang mga mananampalataya, at silang mga may takot sa iyong pangalan, silang mga hindi mahalaga at ang dakila. At ang oras ay dumating dahil sa iyo para wasakin silang mga sumisira sa mundo.
19Pagkatapos bumukas ang templo ng Diyos sa langit at ang kaban ng kaniyang tipan ay nakita sa loob ng kaniyang templo. May mga kislap ng kidlat, mga dagundong at salpukan ng mga kulog, may lindol, at isang matinding pag-ulan ng yelo.

12

1Isang dakilang tanda ang nakita sa langit: isang babae na dinamitan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa; at nasa ulo niya ay korona ng labing dalawang bituin 2Siya ay buntis at sumisigaw sa sakit ng pagsisilang--sa sakit ng panganganak.

3At may isa pang tanda ang nakita sa langit. Tingnan mo! May isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at may pitong korona sa kaniyang mga ulo. 4Tinaboy ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihulog pababa sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babae na malapit nang magsilang, kaya nang siya ay nagsilang, gusto niyang ay lamunin ang kaniyang anak.
5Nagsilang siya ng isang anak, isang batang lalaki, na siyang maghahari sa lahat ng mga bansa nang may tungkod na bakal. Inagaw ang kaniyang anak papunta sa Diyos at sa kaniyang trono, 6at tumakas ang babae papunta sa ilang, kung saan inihanda ng Diyos ng lugar para sa kaniya, kaya maalagaan siya ng 1, 260 araw.
7Ngayon may labanan doon sa langit. Si Michael at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon; at lumaban pabalik ang dragon at ang kaniyang mga anghel. 8Pero ang dragon ay hindi gaanong malakas para manalo. Kaya wala ng natitirang lugar sa langit para sa kaniya at sa kaniyang mga anghel. 9Ang dakilang dragon -- ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo-- ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.
10Pagkatapos narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, "Ngayon narito na ang kaligtasan, ang kapangyarihan -- at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kaniyang Cristo. Dahil ang taga-paratang ng ating mga kapatid ay naitapon na pababa -- siyang nagparatang sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos.
11Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng kanilang patotoo, dahil hindi nila minahal ang kanilang buhay nang higit, kahit sa kamatayan. 12Kaya, magalak, kayong mga langit, at lahat ng naninirahan sa kanila. Pero kaawa-awa ang nasa lupa at ang nasa dagat dahil ang demonyo ay bumaba sa inyo. Napuno siya ng nakasisindak na galit, dahil alam niya na kakaunti lamang ang kaniyang oras.
13Nang mapagtanto ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, hinanap niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki. 14Pero ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng isang malaking agila, kaya siya ay nakalipad sa lugar na inihanda para sa kaniya sa ilang, ang lugar kung saan siya mapapangalagaan, sa loob ng isang oras, maraming oras at kalahating oras--na malayong maabot ng ahas.
15Nagbuga ng tubig mula sa kaniyang bibig ang ahas tulad ng isang ilog, kaya nakagawa ng isang baha para tangayin siya. 16Pero tinulungan ng lupa ang babae. Binuksan nito ang kaniyang bibig at nilunok ng ilog ang binuga ng dragon mula sa kaniyang bibig. 17Pagkatapos sumiklab ang galit ng dragon sa babae at umalis para makipagdigma sa mga natitirang kaapu-apuhan niya - silang mga sumunod sa mga kautusan ng Diyos at pinanghawakan ang mga patotoo tungkol kay Jesus. 18Pagkatapos tumayo ang dragon sa buhangin ng dalampasigan.

13

1Pagkatapos nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Siya ay may sampung sungay at pitong ulo. Sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa kaniyang ulo ay may mga pangalan na paglalapastangan sa Diyos. 2Itong halimaw na nakita ko ay parang isang leopardo. Ang kaniyang mga paa ay tulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay tulad ng bibig ng isang leon. Ibinigay ng dragon ang kapangyarihan nito sa kaniya, at ang kaniyang trono, at ang kaniyang lubos na kapangyarihan para mamuno.

3Isa sa mga ulo ng halimaw ay nagkaroon ng nakamamatay na sugat na maaring maging sanhi ng kaniyang kamatayan. Pero ang sugat na iyon ay humilom, at ang buong mundo ay namangha at sumunod sa halimaw. 4Sinamba rin nila ang dragon, dahil ibinigay niya ang kaniyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at paulit-ulit na sinabi, "Sino ang tulad ng halimaw? at " Sino ang maaaring lumaban sa kaniya?"
5Binigyan ang halimaw ng bibig na maaring magsalita ng mga mapagmataas na mga salita at mga paglalapastangan. Pinahintulutan siyang gamitin ang kapangyarihan ng apatnapu't dalawang buwan. 6Kaya binuksan ng halimaw ang kaniyang bibig para magsalita ng mga paglalapastangan laban sa Diyos, hinahamak ang kaniyang pangalan, ang lugar kung saan siya nanirahan, at silang mga naninirahan sa langit.
7Pinahintulutan ang halimaw na makipagdigmaan sa mga mananampalataya at para lupigin sila. Gayundin, ibinigay sa kaniya ang kapangyarihan ng bawat lipi, mga tao, wika, at bansa. 8Lahat ng mga naninirahan sa lupa ay sasambahin siya, ang lahat ng hindi nakasulat ang pangalan, simula pa nang nilikha ang mundo, sa aklat ng buhay, na pagmamay-ari ng Kordero, siyang pinatay.
9Kung sinuman ang may tainga, hayaan siyang makinig. 10Kung sinuman ang hinuli sa pagkabihag, sa pagkabihag siya ay mapupunta. Kung sinuman ang papatayin gamit ang espada, sa espada siya mapapatay. Ito ay isang panawagan para sa matiyagang pagtitiis at pananampalataya para sa kanila na mga banal.
11Pagkatapos nakakita ako ng isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Mayroon siyang dalawang sungay tulad ng tupa at nagsalita siya tulad ng isang dragon. 12Ginamit niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan tulad ng naunang halimaw na nasa kaniyang presensya, at ginawa ang mundo at sa mga naninirahan dito ay sumasamba sa unang halimaw -- siya na may nakamamatay na sugat na gumaling.
13Gumawa siya ng mga makapangyarihang himala, kahit pabagsakin ang apoy sa lupa mula sa langit sa harap ng mga tao, 14at sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulutan siyang gawin, kaniyang nilinlang ang mga naninirahan sa lupa, sinasabihan niya sila na gumawa ng larawan sa karalangan ng halimaw na nasugatan sa pamamagitan ng espada, pero buhay pa rin siya.
15Pinahintulutan siya na bigyan ng hininga ang imahe ng halimaw kaya ang imahe ay nakapagsalita at papatayin ang dumudulot sa lahat na tumanggi para sambahin ang halimaw para patayin. 16Pinilit din niya ang lahat, hindi mahalaga at malakas, mayaman at mahirap, malaya at alipin, para tumanggap ng tatak sa kanang kamay o sa noo. 17Hindi maaring bumili o pagbilhan ang kahit sino maliban na lamang kung siya ay may tatak ng halimaw, iyon ayn, ang bilang na kumakatawan sa kaniyang pangalan.
18Ito ay tumatawag para sa karunungan. Kung sino ang may kabatiran, hayaan siyang bilangin ang bilang ng halimaw. Dahil ito ang bilang ng isang tao. Ang kaniyang bilang ay 666.

14

1Tumingin ako at nakita ang Kordero na nakatayo sa aking harapan sa Bundok Sion. Kasama niya ang 144, 000 siyang may pangalan at pangalan ng kaniyang Ama na naisulat sa kanilang mga noo. 2Narinig ko ang tinig mula sa langit na tila isang dagundong ng maraming tubig at malakas na kulog. Ang tunog na narinig ko ay tulad din ng mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa.

3Umawit sila ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harap ng apat na buhay na nilalang at sa mga nakatatanda. Walang sinuman ang nakakaalam ng awit maliban sa 144, 000 na tinubos mula sa mundo. 4Sila ang mga hindi dinungisan ang kanilang mga sarili sa mga babae, dahil pinanatili nila ang kanilang sarili sa pagdalisay ng sekswal. Sila ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumupunta. Sila ang tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero. 5Walang kasinungalingan ang natagpuan sa kanilang mga bibig; sila ay walang kapintasan.
6Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa alapaap, na may walang hanggang mensahe ng magandang balita para ipahayag sa mga naninirahan sa mundo -- sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao. 7Tumawag siya nang may malakas na tinig, "Matakot sa Diyos at bigyan siya ng kaluwalhatian. Dahil sa oras ng kaniyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin siya, siya na lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng mga bukal ng mga tubig.
8Isa pang anghel - ang pangalawang anghel - ay sumunod sa sinasabing "Bumagsak, bumagsak ang tanyag na Babylonia, na ginawa ang lahat ng bansa na uminom ng alak sa kaniyang sekswal na imoralidad, ang alak na nagdala ng labis na poot sa kaniya."
9Isa pang anghel -- ang pangatlong anghel -- ay sumunod sa kanila, sinasabi ang malakas na tinig, "Kung sinuman ang sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay, 10siya rin ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, ang alak na inihanda at ibinuhos nang walang halo sa kopa ng kaniyang galit. Ang taong umiinom nito ay maghihirap sa apoy at asupre sa harap ng mga banal na anghel at sa harap ng Kordero.
11Ang usok mula sa kanilang paghihirap ay aangat magpakailan pa man, at wala silang kapahingahan sa umaga o gabi -- silang mga sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at lahat ng tumatanggap ng tanda sa kaniyang pangalan. 12Ito ay isang panawagan para sa matiyagang pagtitis ng mga mananampalataya, silang mga sumusunod sa mga kautusan ng Diyos at nananampalataya kay Jesus."
13Narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinabing, "Isulat ito: Pinagpala ang mga patay na namatay sa Panginoon." "Oo," sabi ng Espiritu, "kaya sila ay makapagpahinga sa kanilang mga gawain, dahil sa kanilang mga gawa ay susunod sila."
14Tumingin ako at nakita ko doon ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang katulad ng isang Anak ng Tao. Mayroon siyang gintong korona sa kaniyang ulo at matalim na karit sa kaniyang kamay. 15Pagkatapos isa pang anghel ang lumabas sa templo at tumawag ng malakas sa siyang nakaupo sa ulap: "Kunin mo ang iyong karit at simulan ang pag-ani. Dahil dumating na ang panahon ng anihan, dahil ang mga aanihin sa lupa ay hinog na. 16Pagkatapos ibinitin ng siyang nakaupo sa ulap ang kaniyang karit sa lupa, at ang lupa ay inani.
17Isa pang anghel na lumabas mula sa templo ng kalangitan; mayroon din siyang matalim na karit. 18May isa pang anghel ang lumabas mula sa altar, isang anghel na may kapangyarihan na apoy. Sumigaw siya nang malakas na tinig sa anghel na may matalim na karit, "Dalhin mo ang iyong matalim na karit at tipunin ang tumpok ng ubas mula sa mga puno ng ubas sa lupa, dahil ang kanilang mga ubas ay hinog na ngayon.
19Ibinitin ng anghel ang kaniyang karit sa lupa at tinipon ang ubas na inani sa lupa at itinapon ito sa malaking lalagyan ng alak ng poot ng Diyos. 20Pinag-aapakan sa labas ng lungsod ang pigaan ng ubas at umagos ang gudo mula dito na umabot sa taas ng preno ng kabayo, para sa 1, 600 estadio.

15

1Pagkatapos nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kamangha-mangha: Mayroong pitong anghel na may pitong salot, kung saan ito ang mga huling salot (dahil sa kanila ang poot ng Diyos ay tapos na).

2Nakita ko kung ano ang lumitaw sa isang dagat ng salamin na hinaluan ng apoy, at sa tabi ng dagat nakatayo ang mga matagumpay laban sa halimaw at kaniyang imahe, at laban sa bilang ng kumakatawan sa kaniyang pangalan. Hawak nila ang mga alpa na Ibinigay sa kanila ng Diyos.
3Inaawit nila ang awit ni Moises, ang lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: "Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Panginoong Diyos, siya na naghahari sa lahat. Matuwid at tunay ang iyong mga gawa, Hari ng mga bansa. 4Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? Dahil ikaw lamang ang banal. Lahat ng mga bansa ay pupunta at sasamba sa iyong harapan dahil ang iyong mga gawang matuwid ay naihayag.
5Pagkatapos ng mga bagay na ito, tumingin ako, at ang pinakabanal na lugar, kung saan ang tolda ng mga saksi, ay bumukas sa langit. 6Mula sa pinaka banal na lugar, lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, dinamitan ng dalisay, maliwanag na lino at may mga gintong laso ang nakapalibot sa kanilang mga dibdib.
7Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailan pa man. 8Puno ng usok ang pinakabanal na lugar mula sa kalulwalhatian ng Diyos at mula sa kanIyang kapangyarihan. Walang sinUman ang makakapasok doon hanggang ang pitong salot ng pitong anghel ay tapos na.

16

1Narinig ko ang isang malakas na tinig na sumisigaw mula sa dakong kabanal-banalan at sinasabi sa pitong anghel, "Lumakad kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos."

2Ang unang anghel ay pumunta at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; pangit at masasakit na sugat ang dumating sa mga tao na may tatak ng halimaw, silang mga sumamba sa kaniyang imahe.
3Ang ikalawang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa dagat; ito ay naging tulad ng dugo ng isang patay na tao, at bawat buhay na nilalang sa dagat ay namatay.
4Ang ikatlong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa mga ilog at mga bukal ng tubig; ang mga ito ay naging dugo. 5Narinig ko ang sinabi ng anghel ng mga tubig, "Ikaw ay makatarungan-- ang siya ngayon at ang siya nakaraan, ang Banal -- dahil ikaw ang nagdala ng mga hatol na ito. 6Dahil ibinuhos nila ang dugo ng mga mananampalataya at mga propeta, binigyan mo sila ng dugo para inumin; ito ang nararapat sa kanila." 7Narinig kong sumagot ang altar, "Oo, Panginoong Diyos, siyang namumuno sa lahat, ang iyong mga hatol ay totoo at makatarungan."
8Ang ika-apat na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa araw, at binigyan ito ng pahintulot na tupukin ng apoy ang mga tao. 9Pinaso sila ng mantinding init, kaya nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos, siya na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Hindi sila nagsisi o nagbigay ng kaluwalhatian sa kaniya.
10Ang ika-limang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa trono ng halimaw, at nabalot ng kadiliman ang kaniyang kaharian. Nginatngat nila ang kanilang mga dila sa dalamhati. 11Nilapastangan nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga sakit at mga sugat, pero tumanggi pa rin silang magsisi sa kanilang mga ginawa.
12Ang ika-anim na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa malaking ilog, ang Eufrates, at ang tubig nito ay natuyo para maihanda ang daan para sa mga hari na nanggagaling sa silangan. 13Nakita ko ang tatlong maruruming mga espiritu na tulad ng mga palaka na lumalabas mula sa bibig ng dragon, ng halimaw, at ng bulaang propeta. 14Dahil sila ay mga espiritu ng demonyo na gumagawa ng mga kamangha-manghang tanda. Pupunta sila para tipunin ang mga hari ng buong mundo para sa digmaan sa dakilang araw ng Diyos, siya na namumuno sa lahat.
15("Bantayan mo! Darating ako na parang isang magnanakaw! Pinagpala ang siyang nananatiling nagmamatyag, pinapanatiling suot ang kaniyang mga damit para hindi sila lumabas ng hubad at makita nila ang kaniyang nakakahiyang kalagayan.") 16Sama-sama silang dinala sa lugar na tinatawag na Armagedon sa Hebreo.
17Ang ika-pitong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa hangin. At may isang malakas na tinig na nanggaling sa dakong kabanal-banalan at mula sa trono, sinasabing, "Ito ay tapos na!" 18May mga kislap ng kidlat, mga dagundong, mga salpukan ng kulog, at isang nakakatakot na lindol -- isang lindol na mas malakas pa kaysa sa kahit anong nangyari simula pa noong manirahan ang mga tao sa mundo, lubhang napakalakas ng lindol na ito. 19Ang tanyag na lungsod ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lungsod ng mga bansa ay gumuho. Pagkatapos naalala ng Diyos ang tanyag na Babyblonia, at binigyan ang lungsod ng kopa na puno ng alak gawa mula sa kaniyang matinding poot.
20Naglaho ang bawat pulo at ang mga bundok ay hindi na natagpuan. 21Malakas na pag-ulan ng yelo, na mayroong bigat na isang talento, bumagsak ito mula sa himpapawid patungo sa mga tao, at sinumpa nila ang Diyos dahil sa salot ng pag-ulan ng mga yelo dahil ang salot ay sobrang nakakatakot.

17

1Dumating ang isa sa pitong anghel na mayroong pitong mangkok at sinabi sa akin, "Halika, ipapakita ko sa iyo ang kaparusahan ng pinakamasamang babae na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig, 2na nakasama ng mga hari ng mundo sa paggawa ng sekswal na imoralidad, at sa kaniyang sekswal na imoralidad ang mga naninirahan sa mundo ay nalasing.

3Dinala ako ng anghel sa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang babaeng nakaupo sa pulang halimaw na puno ng paglalapastangan sa mga pangalan. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay. 4Nakasuot ng kulay lila at matingkad na pulang damit at pinaganda ng ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas. Sa kaniyang kamay hawak niya ang gintong baso na puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at ang mga karumihan ng kaniyang sekswal na imoralidad. 5Sa kaniyang noo nakasulat ang isang pangalan na mayroong lihim na kahulugan: "ANG DAKILANG BABYLONIA, ANG INA NG LAHAT NG MGA MASASAMANG BABAE AT NANG KASUKLAM-SUKLAM NA MGA BAGAY SA LUPA."
6Nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga mananampalataya at sa dugo ng mga martir kay Jesus. Nang makita ko siya, labis akong namangha. 7Pero sinabi sa akin ng anghel, "Bakit ka namangha? Ipapaliwanag ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng halimaw na pumapasan sa kaniya (ang halimaw na mayroong pitong ulo at sampung sungay).
8Ang nakita mong halimaw, ay hindi pa nabubuhay sa ngayon, pero malapit nang umahon mula sa kailaliman hukay. At pupunta siya para manira. Sa mga naninirahan sa lupa, silang mga hindi naisulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay simula pa noong itinatag ang mundo -- mamamangha sila kapag nakita nila na nabuhay ang halimaw, na hindi pa nabubuhay ngayon, pero malapit nang dumating.
9Nagpapaalala ito sa kaisipang may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong burol na kung saan ang babae ay nakaupo. 10Sila rin ang pitong hari. Limang haring ang bumagsak, isa ang nanatili, at ang isa ay hindi pa dumarating; kapag siya ay dumating, sandali lamang siyang mananatili.
11Ang halimaw na nabuhay, pero hindi pa nabubuhay ngayon, ay siya rin ang ika-walong hari; pero isa rin siya sa kanilang pitong hari, at siya ay mapupunta sa pagkawasak.
12Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung hari na hindi pa nakakatanggap ng kaharian, pero sila ay makakatanggap ng pamumuno bilang mga hari sa isang oras kasama ang halimaw. 13Ang mga ito ay nagkakaisa sa isip, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.14Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari -- at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat."
15Sinabi sa akin ng anghel, "Ang mga tubig na nakita mo, kung saan nakaupo ang bayarang babae, ay bayan, maraming tao, mga bansa, at mga wika.
16Ang sampung sungay na nakita mo -- sila at ang halimaw ay masusuklam sa bayarang babae. Gagawin nila siyang ulila at hubad, lalamunin nila ang kaniyang laman, at siya ay susunugin nila ng buo sa apoy. 17Dahil inilagay ito ng Diyos sa kanilang mga puso para tuparin ang kaniyang layunin sa pamamagitan ng pagsang-ayon na ibigay ang kanilang kapangyarihan sa halimaw hanggang sa matupad ang mga salita ng Diyos.
18Ang babaeng nakita mo ay ang dakilang lungsod na namumuno sa mga hari ng mundo.

18

1Pagkatapos ng mga ito nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit. Siya ay may dakilang kapangyarihan, at ang daigdig ay tumatanglaw sa pamamagitan ng kaniyang kaluwalhatian. 2Sumigaw siya nang may malakas na tinig sinasabing, "Bumagsak! Bumagsak ang dakilang Babilonia!" Siya ay naging tirahan ng mga demonyo, tirahan para sa bawat maruming espiritu at tirahan para sa bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon. 3Dahil ang lahat ng bansa ay uminom ng alak ng pagnanasa ng kaniyang sekswal na imoralidad na nagdulot sa kaniya ng poot. Ang mga hari ng mundo ay gumawa ng sekswal na imoralidad kasama niya. Ang mga mangangalakal sa mundo ay naging mayaman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng marangya niyang pamumuhay.

4Pagkatapos, narinig ko ang isa pang tinig, mula sa langit na sinasabi, "Lumabas kayo mula sa kaniya, aking bayan, para hindi kayo makibahagi sa kaniyang mga kasalanan, at para hindi ninyo tanggapin ang anumang sa kaniyang mga salot. 5Ang kaniyang mga kasalanan ay patung-patong hanggang sa langit, at inalala ng Diyos ang kaniyang mga masasamang gawain. 6Bayaran mo siya katulad ng pagbabayad niya sa iba at bayaran mo siya ng dalawang ulit, dahil sa kaniyang ginawa, sa kaniyang paghalo sa kopa, paghaluin ng dalawang ulit ang bayad para sa kaniya.
7Gaya ng pagluwalhati niya sa kaniyang sarili, at namuhay sa karangyaan, bigyan mo siya ng higit sa katumbas na pagdurusa at pagdadalamhati. Dahil sinabi niya sa kaniyang puso, "Ako ay nakaupong tulad ng isang reyna; hindi ako balo, at hindi kailanman makikita ang kalungkutan. 8Kaya isang araw ay dadaanan siya ng kaniyang sariling mga salot: kamatayan, kalungkutan at kagutuman. Siya ay tutupukin ng apoy, dahil ang Panginoong Diyos ay makapangyarihan, at siya ang kaniyang hukom.
9Ang mga hari ng mundo na nakagawa ng mga sekswal na imoralidad at hindi nakapagpigil kasama niya ay tatangis at mananaghoy sa kaniya kapag nakita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. 10Tatayo sila sa malayo, takot sa kaniyang paghihirap, sinasabing, "Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod, sa Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Dahil ang i sa loob ng isang oras ang iyong kaparusahan ay darating.
11Ang mga mangangalakal ng mundo ay tatangis at magluluksa para sa kaniya, dahil walang sinuman ang bibili ng kaniyang mga kalakal kailanman- 12mga kagamitang ginto, pilak, at mamahaling hiyas, mga perlas, pinong lino, lila, seda, telang pula at lahat ng uri ng mabangong kahoy, bawat sisidlang yari sa pangil ng elepante, bawat sisidlang yari sa mamahaling kahoy, ginto, tanso, bakal at marmol, 13sinamon, pampalasa, insenso, mira at kamangyan, alak, langis, pinong harina, trigo, baka, at tupa, mga kabayo at karwahe, mga alipin at mga kaluluwa ng tao.
14Ang bunga na iyong hinahangad nang buong lakas mo ay nawala mula sa iyo. Lahat ng iyong karangyaan at kaningningan ay naglaho, at hindi na kailanman muling masusumpungan.
15Ang mga mangangalakal ng mga bilihing ito na naging mayaman sa pamamagitan niya ay tatayong malayo mula sa kaniya sa kalayuan dahil sa takot ng kaniyang paghihirap, pagtatangis at malakas na pagpipighati. 16Sasabihin nila, "Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod na nadadamitan ng pinong lino, ng lila at telang pula at pagpapaganda ng ginto, mamahaling hiyas at mga perlas!" 17Sa loob ng isang oras ang lahat ng kayamanan ay nasayang. Ang bawat kapitan ng barko, bawat mandaragat, mga manlalayag, at silang lahat na ang nabubuhay ay mula sa dagat, ay nakatayo sa kalayuan.
18Sisigaw sila habang nakikita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. Sinabi nila, "Anong lungsod ang tulad ng dakilang lungsod?" 19Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo, at sumigaw, nananangis, at nananaghoy. "Kaawa-awa, kaawa-awa ang dakilang lungsod kung saan lahat ng kanilang mga barko sa dagat ay yayaman mula sa kaniyang kayamanan. Dahil sa loob ng isang oras siya ay winasak." 20"Magalak kayo sa kaniya, kalangitan, kayong mga mananampalataya, mga apostol at mga propeta, dahil dinala ng Diyos ang inyong hatol sa kaniya!"
21Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang bato tulad ng isang malaking gilingang bato at itinapon ito sa dagat, sinasabing, "Sa ganitong paraan ang dakilang lungsod ng Babilonia, ay itatapon pababa nang may karahasan at hindi na makikita kailanman. 22Ang tunog ng manunugtog ng alpa, mga musiko, manunugtog ng plauta at mga trumpeta ay hindi na maririnig sa inyo kailanman. Walang anumang uri ng manggagawa ang matatagpuan sa inyo. Walang tunog ng gilingan ang maririnig sa inyo kailanman.
23Ang ilaw ng ilawan ay hindi na magliliwanag sa inyo kailanman. Ang mga tinig ng lalaking ikakasal at babaing ikakasal ay hindi na ninyo maririnig kailanman, dahil ang inyong mga mangangalakal ay ang mga prinsipe ng mundo at ang mga bansa ay nilinlang sa pamamagitan ng inyong pangkukulam. 24Sa kaniya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga mananampalataya, at ang dugo ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

19

1Pagkatapos ng mga bagay na ito narinig ko ang tunog tulad ng isang malakas na tinig ng malaking bilang ng mga tao sa langit na sinasabing, "Aleluya. Kaligtasan, kaluwalhatian, at kapangyarihan ay kabilang para sa ating Diyos. 2Ang kaniyang hatol totoo at makatarungan, dahil hinatulan niya ang pinakamasamang babae na siyang nagpasama sa lupa, ng kaniyang sekswal na imoralidad. Naghihiganti siya para sa dugo ng kaniyang mga lingkod, na tinigis mismo niya."

3Nagsalita sila sa ikalawang pagkakataon, "Aleluya! Umaangat ang usok mula sa kaniya magpakailan pa man." 4Ang dalawamput-apat na nakatatanda at apat na buhay na nilalang ay nagpatirapa sa kanilang sarili at sumamba sa Diyos na siyang nakaupo sa trono. Sinasabi nila, "Amen. Aleluya!"
5Pagkatapos lumabas ang isang tinig mula sa trono, na sinasabing, "Purihin ang ating Diyos, kayong lahat na kaniyang mga lingkod, kayo na may takot sa kaniya, kapwa hindi mahahalaga at ang malalakas."
6Pagkatapos narinig ko ang tunog na tulad ng tinig ng isang malaking bilang ng mga tao, tulad ng dagundong ng maraming tubig, katulad ng malakas na salpukan ng kulog, sinasabing, "Aleluya! Dahil ang Panginoon, ang ating Diyos, ang namumuno ng lahat, siya ay maghahari.
7Magalak tayo at maging napakasaya at bigyan siya ng kaluwalhatian dahil ang pagdiriwang ng kasalan ng Kordero ay darating, at ang babaing kaniyang papakasalan ay inihanda ang kaniyang sarili. 8Siya ay pinahintulutang magsuot ng maliwanag at malinis na pinong lino (dahil ang pinong lino ay mga gawaing matutuwid ng mga mananampalataya).
9Sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito: Pinagpala ang mga inanyayahan sa pagdiriwang ng kasalan sa Kordero." Sinabi rin niya sa akin, "Ito ang tunay na mga salita ng Diyos. 10Ipapatirapa ko ang aking sarili sa kaniyang paanan para sambahin siya, pero sinabi niya sa akin, "Huwag mong gawin iyan!" Ako ay kapwa lingkod na kasama mo, at ng iyong mga kapatid na pinanghahawakan ang patotoo tungkol kay Jesus. Sambahin ang Diyos, dahil ang patotoo tungkol kay Jesus ay ang espiritu ng propesiya.
11Pagkatapos nakita ko ang langit na bumukas, at nakita ko roon ang isang puting kabayo. Ang nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo. Humahatol siya ng may katuwiran at nakikipagdigma siya. 12Ang kaniyang mga mata ay parang nagniningas na apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming mga korona. Mayroon siyang pangalan na nakasulat sa kaniya na walang ibang nakakaalam kundi ang kaniyang sarili. 13Nakasuot siya ng balabal na nilublob sa dugo at ang kaniyang pangalan ay Ang Salita ng Diyos.
14Ang hukbo ng kalangitan ay sumusunod sa nakasakay sa puting kabayo, na nakadamit ng pinong lino, maputi at malinis. 15Mula sa kaniyang bibig lumabas ang isang matalim na espada na ipinanghahampas niya sa mga bansa, at pamumunuan niya sila ng pamalong bakal. Pag-aapakan niya ang tindi ng galit sa poot ng Diyos, na namumuno sa lahat. 16Sinulatan niya ang kaniyang balabal at sa kaniyang hita ng pangalang: HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
17Nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya nang may malakas na tinig ang lahat na mga ibong lumilipad sa ibabaw ng kaniyang ulo. "Halikayo sama-samang magtipon para sa dakilang hapunan ng Diyos. 18Halikayo kainin ang laman ng mga hari, ang laman ng pinuno ng hukbo, ang laman ng mga magigiting na lalaki, ang laman ng mga kabayo at kanilang mga mangangabayo, at ang laman ng lahat ng mga tao, kapwa malaya at alipin, ang hindi mahahalaga at ang makapangyarihan."
19Nakita ko ang halimaw at ang mga hari ng mundo kasama ang kanilang mga hukbo. Humahanay sila para makipagdigmaan sa kaniya na nakasakay sa kabayo kasama ng kaniyang hukbo. 20Nabihag ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa kaniyang presensya. Gamit ang mga tandang ito nilinlang niya ang mga tumanggap ng tanda ng halimaw at silang sumamba sa kaniyang imahe. Ang dalawa sa kanila ay inihagis nang buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre.
21Ang natitira sa kanila ay pinatay gamit ang espada na lumabas mula sa bibig ng siyang nakasakay sa kabayo. Kinain ng lahat ng ibon ang kanilang patay na laman.

20

1Pagkatapos nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, mayroong susi sa kailaliman ng hukay at mayroong malaking tanikala sa kaniyang kamay. 2Sinukal niya ang dragon, ang dating ahas, na siyang demonyo, o Satanas, at ginapos siya nang isang libong taon. 3Tinapon siya sa kailaliman ng hukay, ikinulong siya rito at sinelyuhan ang ibabaw nito. Para hindi na ito makapanglinlang kailanman ng mga bansa hanggang sa ang isang libong taon ang lumipas. Pagkatapos niyon, dapat siyang maging malaya ng maikling panahon.

4Pagkatapos nakita ko ang mga trono. Ang mga binigyan ng kapangyarihang humatol ang nakaupo sa mga ito. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo tungkol kay Cristo at sa salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa kaniyang imahe, at tumanggi silang tanggapin ang tatak sa kanilang mga noo at kamay. Nabuhay silang muli, at naghari kasama ni Cristo ng isang libong taon.
5Ang ibang mga namatay ay hindi na nabuhay muli hanggang sa matapos ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay. 6Pinagpala at banal ang sinuman na makibahagi sa unang muling pagkabuhay! Ang pangalawang kamatayan ay walang kapangyarihan na tulad ng mga ito. Sila ay magiging mga pari ng Diyos at sila ay maghahari kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7Kapag natapos na ang libong mga taon, palalayain si Satanas mula sa kaniyang bilangguan. 8Siya ay lalabas para manlinlang ng mga bansa sa apat na sulok ng mundo -- Gog at Magog -- para tipunin sila para sa digmaan. Sila ay magiging kasing dami ng buhangin sa dagat.
9Umakyat sila pataas sa malawak na patag ng lupa at pinalibutan ang kampo ng mga mananampalataya, ang minamahal na lungsod. Pero bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon sila. 10Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man.
11Pagkatapos nakita ko ang dakilang puting trono at ang siyang nakaupo roon. Ang lupa at ang langit ay lumayo mula sa kaniyang presensya, pero wala na silang lugar na mapupuntahan. 12Nakita ang mga patay -- ang magigiting at ang hindi mahahalaga -- nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga aklat. Pagkatapos isa pang aklat ang binuksan -- Ang aklat ng Buhay. Ang patay ay hinatulan sa pamamagitan ng itinala sa mga aklat, ang kinalabasan ng kanilang ginawa.
13Ibinigay ng dagat ang mga patay na naroroon. Ibinigay ng kamatayan at ng hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa. 14Ang kamatayan at ang hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan -- Ang lawa ng apoy. 15Kung kaninong pangalan ang hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, siya ay itatapon sa lawa ng apoy.

21

1Pagkatapos nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong mundo, dahil ang unang langit at unang mundo ay lumipas na, at ang dagat ay wala na. 2Nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumamababa mula sa langit mula sa Diyos, inihanda tulad ng isang babaeng ikakasal na pinaganda para sa kaniyang asawa.

3Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono sinasabing: "Tingnan mo! Ang tirahan ng Diyos ay kasama ng mga tao, at siya ay naninirahan kasama nila. Sila ay magiging kaniyang bayan, at ang Diyos mismo ay makakasama nila at siya ay magiging kanilang Diyos. 4Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.
5Siya na nakaupo sa trono ay sinabing, "Tingnan mo! Ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay." Sinabi niya, "Isulat mo ito dahil ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo. 6Sinabi niya sa akin, "Ang mga bagay ng ito ay tapos na, Ako ang Alpa at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Sa sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng inuming walang bayad mula sa bukal ng tubig ng buhay.
7Ang isa na manlulupig ay magmamana ng mga bagay na ito, at ako ay magiging kaniyang Diyos, at siya ay magiging anak ko. 8Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan.
9Lumapit sa akin ang isa sa pitong mga anghel, siyang may hawak ng pitong mangkok na puno ng pitong huling mga salot, at sinabi, "Halika rito. Ipakikita ko sa iyo ang babaeng ikakasal, ang asawa ng Kordero." 10Pagkatapos dinala niya ako sa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok at ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod, ang Jerusalem, na bumababa mula sa langit mula sa Diyos.
11Mayroong kaluwalhatian ng Diyos ang Jerusalem, at ang kaningningan nito ay tulad ng isang pinakamamahaling hiyas, tulad ng isang batong kristal na malinaw na jaspe. 12Mayroon itong isang kadakilaan, mataas na pader na may labingdalawang tarangkahan, na may labingdalawang anghel sa mga tarangkahan. Nakasulat sa mga tarangkahan ang mga pangalan ng labingdalawang lipi ng mga anak ng Israel. 13Sa silangan ay may tatlong tarangkahan, sa hilaga ay may tatlong tarangkahan, sa timog ay may tatlong tarangkahan, sa kanluran ay may tatlong tarangkahan.
14Ang pader ng lungsod ay may labingdalawang pundasyon, at doon ay may labingdalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero. 15Ang siyang nagsalita sa akin ay may tungkod na panukat na gawa sa ginto para sukatin ang lungsod, ang mga tarangkahan at pader nito.
16Ang pagkakatayo ng lungsod ay parisukat; magkatulad ang haba at ang lawak nito. Sinukat niya ang lungsod gamit ang tungkod na panukat, ang haba nito ay 12, 000 na mga estadio (ang haba, ang lawak, at ang taas ay magkakapareho). 17Sinukat din niya ang pader nito, 144 na kubit ang kapal sa panukat ng tao (na ganoon din sa panukat ng anghel).
18Ang pader ay itinayo sa jaspe, at ang lungsod sa purong ginto, tulad ng malinaw na salamin. 19Ang pundasyon ng pader ay pinaganda ng iba't ibang uri ng mamahaling bato. Ang una ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay agate, ang ikaapat ay esmeralda, 20ang ikalima ay oniks, ang ikaanim ay kornalina, ang ikapito ay krisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam topaz, ang ikasampu ay krisopraso, ang ikalabing-isa ay jacinto, at ang ikalabingdalawa ay amatista.
21Ang labing dalawang tarangkahan ay labing dalawang perlas, ang bawat tarangkahan ay mula sa iisang perlas. Ang mga lansangan ng lungsod ay purong ginto, gaya ng malinaw na salamin. 22Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.
23Hindi na kailangan ng lungsod ang araw o ang buwan para liwanagan ito dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag dito, at ang kaniyang ilawan ay ang Kordero. 24Ang mga bansa ay maglalakad sa pamamagitan ng ilaw ng lungsod na iyon. Dadalahin ng mga hari ng mundo ang karangyaan nila dito. 25Hindi isasara ang tarangkahan nito sa araw, at hindi na magkakaroon ng gabi dito.
26Dadalhin nila ang karangyaan at ang karangalan ng mga bansa dito, 27at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.

22

1Pagkatapos ipinakita sa akin ng anghel ang ilog ng tubig ng buhay, ang tubig ay kasing linaw ng kristal. Dumadaloy ito mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay na nagbubunga ng labingdalawang uri ng prutas, at sa bawat buwan ay namumunga ito. Ang mga dahon ng puno ay para mapagaling ang bansa.

3Wala na kahit anumang sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay matatagpuan sa lungsod at paglilingkuran siya ng kaniyang mga lingkod. 4Makikita nila ang kaniyang mukha at ang kaniyang pangalan ay malalagay sa kanilang mga noo. 5Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man.
6Sinabi sa akin ng anghel, "Ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo. Ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay ipinadala ang kaniyang anghel para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit ng maganap." 7"Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Pinagpala ang siyang sumusunod sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito."
8Ako, si Juan, ang siyang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. Nang aking makita at narinig sila, ipinatirapa ko ang aking sarili sa paanan ng anghel para sambahin siya, ang anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. 9Sinabi niya sa akin, "Huwag mong gawin iyan!" Ako ay tulad mo ring lingkod na kasama mo, kasama ng iyong mga kapatid na mga propeta, at kasama ng mga sumusunod sa mga salita ng aklat na ito. Sambahin ang Diyos!"
10Sinabi niya sa akin, "Huwag mong selyuhan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, dahil ang oras ay malapit na. 11Siya na hindi matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gawin ang hindi matuwid. Siya na marumi ang moralidad, hayaan siyang magpatuloy sa pagiging marumi ang moralidad. Siya na matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gumawa ng matuwid. Siya na banal, hayaan siya na magpatuloy na maging banal.
12Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin, para gantihan ang bawat isa ayon sa anuman na kaniyang ginawa. 13Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.
14Pinagpala ang mga naglilinis ng kanilang mga balabal kaya magkakaroon sila ng karapatan para makakain nang mula sa puno ng buhay at para makapasok sa lungsod sa pamamagitan ng mga tarangkahan. 15Nasa labas ang mga aso, ang mga mangkukulam, ang sekswal na imoralidad, ang mga mamamatay tao, ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at gumagawa ng kasinungalingan.
16Ako, si Jesus, ipinadala ko ang aking anghel para magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay para sa mga iglesiya. Ako ang ugat at ang kaapu-apuhan ni David, ang maningning na Bituin sa Umaga.
17Sinasabi ng Espiritu at ng Babaeng ikakasal, "Halika! Hayaang sabihin ng nakaririnig, "Halika!" Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit, at sinuman ang nagnanais nito, hayaan siya na malayang magkaroon ng tubig ng buhay.
18Pinatototohanan ko sa bawat isang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung sinumang magdagdag sa mga ito, ang Diyos ang magdadagdag sa kaniya ng mga salot na tulad ng nakasaad sa aklat na ito. 19Kung sinuman ang mag-aalis mula sa mga salita ng aklat na ito ng propesiya, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat tungkol sa aklat na ito.
20Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay sinasabi, "Oo! Malapit na akong dumating." Amen! Halika, Panginoong Jesus! 21Sumainyong nawa lahat ng biyaya ng Panginoong Jesus. Amen.